Merry Christmas!
Maraming maraming salamat sa pagsama ninyo sa akin at sa ating mga karakter sa loob ng dalawang buwan. Maraming salamat sa mga sumusubaybay at sa mga nag-iiwan ng comments. Hindi ko na pahahabain ito. Enjoy reading!
Ang post na ito ay naglalaman ng mga usapin at eksenang hindi akma sa mga bata. Patnubay lamang po.
Sumasainyo,
Peter
Chapter 25
Kariton
“Hindi maganda ang aking mga nakikita nitong huli,” saad ng isang babaeng may puting bato sa noo. Nakatingin siya sa kawalan habang nakatayo sa bintana. Hawak niya sa isang kamay ang isang umuusok na tasa.
Lumapit ang matandang lalaki dito at tumingala rin sa mga tala. “Hindi ko alam kung tama ba ang aking desisyon noon.” Yumuko ang matanda habang hawak ang magkabilang kamay sa likod.
“Nitong huli ay napapadalas ang mga masasamang pangitain. Ang mga panaginip ay nagbabadya ng paparating na lagim.” Humigop si Magda mula sa tasa.
“Alam ko. Alam ko.” Pinatong ng matanda ang kamay sa balikat ng ale. “Malakas siya, Magda. Hindi sinlakas ni Damian noon pero pakiwari ko’y may kaalaman siya sa itim na mahika na maaaring mas magpalakas sa kanya.” Lumingon ang matanda sa lumang librong punit punit na nasa mesang nailawan ng lampara.
“Kuya Melchor, dapat kumilos na tayo habang maaga pa,” saad ng ale. Ang tinig nito ay may halong takot at pag-aalala.
“Paano?” tanong ni Melchor sa kapatid.
Sasagot na sana ang babae nang biglang pumuti ang mga mata nito.
“Magda!” Hinawakan ni Melchor ang mga bisig ng kapatid. Kinuha niya ang tasang may lamang tsaa at pinatong ito sa maliit na mesang katabi ng lampara.
Hindi umimik ang babae. Bagkus ay biglang nag-iba ang ekspresyon nito sa mukha. Kasabay nito ang pagkinang ng batong nasa noo nito. Tila ay natatakot ang ale. Ngunit hindi ito makapagsalita. Ilang minuto itong nanatiling di gumagalaw. Ang mga mata nito’y maputi. Biglang kumunot ang mukha nito na tila natatakot. “Huwag! Huwaaaaag!” Napahawak ito sa kanyang dibdib. Nanumbalik ito sa wisyo.
“Magda, ano’ng nakita mo?”
“Tatlong binata. Sa kagubatan... Hinahabol ng mga lalaking itim.” Hinihingal si Magda.
“Malamang bumubuo ng hukbo si Cassandra. Subalit para saan?”
“Hindi ko alam. May papatayin sila, Kuya.”
Yumuko si Melchor. Nag-iisip ito nang malalim. Ang mga pangitain ay hindi tukoy, at lalong hindi klaro, ngunit nagsisibli ang mga itong babala sa hinaharap. Kung sa nalalapit na hinahanarap o sa matagal na panahon pa ay hindi nila alam. Isa lamang ang sigurado. Mangyayari ang mga nakita ng kapatid. Ibig sabihin kailangan na niyang maghanda. Ibig sabihin kailangan na niyang ihanda ang kanyang apo, ang apo niya na ang hahalili sa kanya sa oras na...
Nakikita niya ang mga senyales na ang apo niya ay may taglay na di pangkaraniwang kakayahan na maaaring hindi pa nito batid sa kasalukuyan. Kung anumang kakayahang meron ang apo ay hindi rin ito batid ni Melchor. Kailangang masanay na niya ito. Ngunit paano siya makakalapit sa apo? Paano niya ipapaliwanag dito na may importante siyang papel sa mga mangyayari sa hinahanarap, na kailangan nitong tanggapin ang kapalaran niya bilang susunod na tagaingat ng mga elemento? Ang mga agam-agam ni Melchor ang nagpapabalisa sa kanya. Kung naipaalam lamang niya noon pa sa apo kung ano ito. Kung nasanay lamang niya ito.
Hindi handa ang kanyang apo sa anumang magaganap. Paano nito lalabanan ang isang katulad ni Cassandra? Base sa kanilang huling paghaharap ay napagtanto ni Melchor na bihasa na si Cassandra sa paggamit ng kanyang taglay na kakayahan sa pagkontrol ng dilim at kaalaman sa mahika. Pakiwari ni Melchor ay tuso ito. At maaaring naghahanda ito sa muli nilang paghaharap. Nais nitong maangkin ang mga bato, at kung magpapabaya si Melchor ay maaaring maangkin na nga nito ang mga bato.
Ang mga bato ay isa pa sa mga nagpapabagabag sa matanda. Hindi nito alam kung bakit hindi pa sumasanib ang mga ito sa nakatakdang humawak sa mga kapangyarihan ng mga ito. Ang alam niya lamang ay sasanib lamang ang mga ito sa mga nakatakda sa tamang oras. Subalit kailan ang tamang oras na ito? Ilang beses ng tinangkang kunin ang mga batong ito.
“Kuya,” saad ni Magda.
Lumingon si Melchor sa kapatid. May pangamba sa mga titig nito.
“Kailangan na nating maghanda. Hindi maaaring maganap ang nangyari dalawampu’t limang taon na ang nakalipas.”
Umiling si Melchor.
“Ngunit sa nakikita kong premonisyon ay maaaring mas malagim pa ang maganap. Kuya Melchor, ano’ng gagawin natin?”
Bumuntong-hininga ang matandang lalaki. “Hindi ko alam, Magda. Hindi ko alam.” Tumingin ito sa malayo.
“Pero, Kuya, tayo lamang sa ngayon ang maaaring makakapigil sa mga magaganap.”
“Nagkamali ako, Magda.”
“Wala nang saysay ang pagsisisi. Kailangang may gawin na tayo. Kailangan nating maghanda.”
“Ano’ng paghahanda ang gagawin natin, Magda? Sa huli kong pakikipagtuligsa sa anak ni Damian ay halos maubusan ako ng lakas. Hinasa niya ang kanyang sarili sa itim na salamangka. Mahihirapan tayong labanan siya, higit na mahihirapan tayong magapi siya.”
“Hindi maganda ang aking mga pangitain. Kung hindi tayo kikilos sa nalalapit na panahon ay baka wala na tayong magawa.”
“Alam ko. Alam ko. Kailangan ko ng kumilos. Sa susunod na buwan ay magiging pantay ang liwanag at dilim sa buong mundo. Pagkatapos noon ay mas hahaba ang mga araw kaysa sa gabi hanggang sa pagdating ng solstisyo sa hunyo. May oras pa tayo, Magda. Binibigyan tayo ng kalawakan ng pagkakataon.”
“Gamitin mo ang nalalabing panahon upang masanay ang susunod na tagaingat. Kuya --”
“Gagawin ko yan. Gagawin ko yan,” saad ni Melchor sa mahina at paos nitong boses.
“Nararamdaman kong hindi natin aabutin ang dulo ng labang ito,” saad ni Magda na may namumuong luha sa mga mata. “Iba ang pakiramdam ko sa pagkakataong ito, Kuya Melchor. Ang mga pangitain ng lagim ay iba ang sinasabi.” Hinawakan niya ang bisig ng matanda. “Kuya, kailangang maihanda mo na ang susunod na tagaingat sa lalong madaling panahon.”
Tumango lang si Melchor.
“Kapag hindi tayo nagtagumpay masisira ang balanse ng kalikasan.” Nakasimangot si Magda, kita sa mukha nito ang pangamba. “Magaganap ang isang delubyo. Alam mo ito, Kuya. Alam mo!”
“Batid ko ito, Magda.” Yumuko si Melchor at napapikit. “Nakasalalay sa akin ang lahat. Bakit ba sa akin naiatang ganitong tungkulin? Hindi ko ito ginusto. Hindi ko ito pinilit.”
“Wala tayo sa posisyon upang kwestyunin ang ating kapalaran, Kuya. Nagkataon lang na ipinanganak tayo sa kakaibang angkan.”
“Bakit pa kasi may mga taong sakim sa kapangyarihan, na gagawin ang lahat makuha lamang ang kanilang gusto?” Bumuntong-hininga si Melchor. Sandaling tumahimik ang matanda. “Magda, kailangan ko ng umalis. Magpahinga ka na.” Pagkatapos ay kinain na si Melchor ng mga butil ng ilaw at naglaho. Naiwan ang lamparang nagbigay liwanag sa maliit na tahanang tila ay nasa liblib ding lugar.
Nakatayo si Melchor sa tapat ng bahay ng kanyang anak at apo. Kinubli niya ang sarili sa lilim ng isang punong hinarang ang ilaw na nagmumula sa poste. Nakatingin ang matanda sa bahay na malalim ang iniisip. Paano niya ipapakilala ang sarili? Napatawad na kaya siya ng anak sa paglisan nito? Paano niya ipapaliwanag ang kanyang pagkawala? Paano niya sasanayin ang apo? Kailan niya gagawin ang lahat ng ito?
Hinihingi na ng pagkakataon na gawin niya ang lahat ng ito. Makapangyarihan ang kanilang katunggali. Hindi simpleng kalaban ang anak ni Damian. Kinain ito ng puot at paghihiganti. At kung tama ang premonisyon ng kapatid ay bumubuo o bubuo ito ng hukbo ng mga mandirigma at nagpapalakas, samantalang sila ay tumatanda na at nanghihina. Magiging mahirap para kay Melchor ang mga susunod na yugto sa kanyang buhay.
Biglang nakaramdam ng kakaiba sa paligid ang matanda. Lumingon-lingon ito. Agad itong naglaho.
Lumitaw muli ang matanda sa isang madilim na kalyeng may mga lumang gusaling kinakalawang. May mga sako ng basura sa gilid at mga natapong plastik na may lamang mga basura. Walang katao-tao ang lugar. Lumingon-lingon ang matanda. “Sinusundan mo ako. Alam ko. Pero hindi ka magtatagumpay sa binabalak mo.” Narinig niya ang matining na halakhak.
“Nagiging paranoid ka na, Tiyo,” saad ni Cassandra na biglang naglakad galing sa isang madilim na sulok. “Look, ako ang may benda. Hindi ikaw.”
“Hindi lang ‘yan ang mangyayari sa iyo kapag nagtangka kang muling maghasik ng lagim.” Pilit na nilakasan ni Melchor ang mahina at paos na boses.
“’Wag kang mag-alala. Wala akong gagawin ngayon. Gusto lang kitang makita.” Tumawa si Cassandra.
“Alam ko kung anong ginagawa mo. Sinusundan mo ako,” kalmadong saad ni Melchor.
“Hindi ba obvious?”
“Bakit ba hindi ka na lang makuntento sa buhay mo, Cassandra? Mukhang komportable ka naman. Mayaman. Ano pa ba ang gusto mo? Bakit kailangan mong maghasik ng kasamaan?”
“Pag-uusapan na naman ba natin ‘yan? Alam mo na ang dahilan.”
“Walang kwenta ang paghihiganti mo. Wala itong maidudulot na kabutihan sa ating lahat, maging sa iyo.”
“Tumahimik ka! Ikaw ang puno’t dulo ng lahat ng ito.”
“Ginawa ko lang ang dapat gawin.” Tinitigan ni Melchor ang babaeng may benda sa isang balikat.
“Ang pumatay?” Ngumisi ito.
“May mahalagang dahilan kung bakit ko nagawa iyon. Ngayon, ikaw bakit mo ba ginagawa ito?”
“Nasabi ko na ang mga dapat kong sabihin.” Matalim ang mga tingin ni Cassandra.
“Gumamit ka na naman ba ang orasyon para masundan ako?”
Ngumisi ang bruha. “Gaya ng sinabi ko sa’yo ay hindi lang ikaw ang may taglay na mga kaalamang hindi pangkaraniwan.”
“Alam ko. Alam ko.” Mula sa bulsa sa suot ni Melchor ay dinukot nito ang lumang libro ng mga orasyon. “May naiwan ka yata.” Iwinagayway ito ng matanda.
Nagulat si Cassandra. “Paanong?”
“Nakuha ko ito sa silid ng mga imbestigador nang hindi nila nalalaman. Hindi ito pwedeng mapunta kung kani-kanino.”
“Akin na yan!” Aktong kukunin ni Cassandra ang libro nang ilayo ito ni Melchor.
“Hindi mo na pwedeng gamitin ito, pamangkin.” Ngumisi si Melchor. “Dito mo ba nakuha ang iyong mga kaalaman sa salamangka?”
Sumimangot si Cassandra. “Ibigay mo ‘yan, matanda ka, o...”
“O?”
Kinumpas ni Cassandra ang kamay na walang benda at lumabas ang enerhiyang itim mula rito at dumaloy papunta sa mata, ilong, at bunganga ng matanda. “Sinwerte ka lang noong nakaraang gabi, tiyo. Pero hindi ka laging suswertehin.” Nanlilisik ang kanyang mata habang ginagamitan ng itim na salamangka ang pobreng matanda.
Nakahawak sa dibdib ang matanda na nahihirapang magsalita at huminga. Pumipikit ito sa tila ay sakit na nadarama. Umungol ito pagkatapos ay naglaho.
Lumitaw si Melchor sa isang eskinita. Hinihingal ito habang nakahawak sa pader ang isang kamay. May ilaw sa di kalayuan na mahinang tumama sa marupok na katawan ng matandang nababalutan ng marumi at gusot gusot na damit. Nakahawak pa rin ito sa punit punit na libro.
“Mahina ba ang kapangyarihan mo sa lalim ng gabi, tiyo?” Humalakhak si Cassandra. Naglalakad ito sa eskinita mga ilang metro kay Melchor. “O pinahina ka ba ng nakaraan nating duelo?” Isa pang matining na halakhak. Mula sa kamay niyang nasa gilid ng kanyang bewang ay namumuo ang itim na enerhiyang nagpaikot ikot sa kanyang kamay.
“Hindi mo na maaangkin ang aklat na ito.” Pilit nilakasan ni Melchor ang humihinang boses na tila mas namamaos pa.
“Sa tingin ko ay kailangan mo munang magpalakas, tanda. Ngunit bibigyan pa ba kita ng pagkakataon?” Inangat ni Cassandra ang kamay na nakaturo ang isang daliri sa matanda. “Akin na ang libro!”
“Hindi mo makukuha ito.” Nakayukong naglakad papalayo ang matanda. Hawak niya ang lumang libro sa isang kamay, ang dibdib sa kabilang kamay.
“Kung ganon...” Muling ginamitan ni Cassandra ng kapangyarihan ng dilim ang tiyuhing umiika-ika.
Binalot ni Melchor ang sarili sa mga umiikot na liwanag. Dama nito ang hirap sa pagsangga sa kapangyarihang itim na muli ay nais tumaklob sa pagkatao niya. Umuungol ang matanda habang naririnig niya ang tawa ng pamangkin. “Liwanag sa silanga’y ako’y pakinggan. Salamangkang itim iyong wakasan. Liwanag sa silangan iyong iwaksi... aaarrghh...” Umuungol si Melchor.
Humalakhak si Cassandra habang naglakad papalapit sa matanda. “Para bang walang silbi ang iyong kaalaman ngayong gabi, tiyo.”
“... Sa kadilimang ito ako’y ikubli,” bigkas ni Melchor. Walang nangyari.
Humalakhak si Cassandra nang mas matining. “Nakakaawa ka, tiyo.”
Inulit ni Melchor ang orasyon. Pilit nitong nilakasan ang pagkakabigkas kahit sa hirap na nararamdaman. “Liwanag sa silanga’y ako’y pakinggan. Salamangkang itim iyong wakasan. Liwanag sa silangan iyong iwaksi. Sa kadilimang ito ako’y ikubli.” At binigkas pang muli ang orasyon ng isa pang beses. Pagkatapos ay tumindi ang liwanag na bumabalot sa kanya. Nagpaikot ikot ang mga butil ng ilaw na unti-unting lumaki at naging animo’y mga makikislap na liwanag na nagpaikot-ikot kay Melchor. Ngunit mabilis na numipis ang mga ito hanggang sa maglaho. Kasabay ng paglaho ng mga umiikot na liwanag ay ang paglaho ni Melchor.
Sumigaw si Cassandra. “Hindi!” Tinakbo nito ang kinaroroonan ng matanda. Wala na ito. “Hindi pa tayo tapos, tiyo! Hindi paaaaa!” Dilat na dilat ang kanyang mga mata.
“Hoy, ang ingay mo! Natutulog ako,” sigaw ng lalaking biglang bumulaga mula sa karitong tinutulugan sa di kalayuan.
“Haaaaaaaaaaa!” sigaw ni Cassandra habang nakaangat ang kamay nito paharap sa kinaroroonan ng lalaki. Dumaloy ang itim na usok papunta sa mata, ilong, at bunganga nito. Nangisay ito at bumulagta sa kariton nito. Lumapit siya dito at tiningnan niya ang nakadilat na mata at nakabukas na bunganga ng lalaki. Patay na ito. “Humanda ka, Tiyo. Pagsisisihan mo ang kapangahasan mo.” Naglakad si Cassandra papalabas ng eskinita at naglaho.
* * *
“Ate Sandy?” gulat na tanong ng dalagang tila ay nasa mga bente singko nang biglang makita si Sandy. Nakasuot ito ng pulang sleeveless at masikip na pantalong hindi umabot sa paa nito.
“Diana?” gulat ding tanong ni Sandy. Ngumiti ito. “When did you arrive?”
“About an hour ago. Tagal kasi kaming pinababa from the plane because of so many inspections,” sagot ni Diana.
“I’m glad you got home safe,” saad ni Sandy na niyakap ang kapatid.
“Wait! Ano’ng nangyari sa’yo, ate? Bakit ka may benda?” Nakasimangot si Diana kay Sandy.
“I was in an accident.”
“Really?”
“You heard about the massive outage the other night, right?”
Tumango si Diana. “You’re okay now naman, di ba?”
“I could use some of your gifts.” Hinawakan ni Sandy ang palad ni Diana.
“Ate, what do you mean?” kunot-noong tanong ni Diana.
Ngiti ang sagot ni Sandy dito.
Umiling si Diana. “Kakarating ko lang.”
“Don’t you want to see me well?” Ngumiti si Sandy dito.
“Ate Sandy, you’re the doctor, not me.”
“I know,” saad ni Sandy na kumuha ng wine sa mesang nasa gilid ng kanilang living room at nilagay sa basong naroon din. “I was just wondering if --”
Lumapit si Diana kay Sandy. “Ate, matagal ko ng kinalimutan ang anumang kaabnormalan na meron ako.”
“Kaabnormalan?” Umiba ang ekspresyon sa mukha ni Sandy. “Are you saying that we’re sick?”
“No, no, it’s not that. It’s just that normal people don’t do what we do. Naiintindihan mo naman ‘yon, ate, di ba?”
“Don’t bother. Besides, okay na rin ‘to.” Tinukoy ni Sandy ang kamay na may benda at ang mga galos. “Oo, nga naman. Baka magulat ang mga tao sa opisina kung biglang maging okay ako.”
“Ate, ginagamit mo pa ba ang...”
Hindi umiimik si Sandy. Uminom lang ito ng alak. “Good night, Diana. I’m tired. You should rest, too.”
“Okay, ate.”
Chapter 26
Kape
“Good morning, sir.”
Nagulat si Errol nang makita si Ivan sa mismong harap nito sa pagdilat ng kanyang mga mata. Nakangiti ito sa kanya. Litaw ang kanyang mapuputing ngipin. At dahil wala siyang pang-itaas, kita ni Errol ang matipuno nitong katawan. Gusto man nitong haplusin ang balat niya ay di niya kayang gawin. Nagkusot na lang siya ng mata at bumati na rin. “Good morning. Nakatulog ka ba nang maayos?”
“Syempre naman.”
Nakakatunaw talaga ang ngiti ni Ivan. Bakit ba lagi itong nakangiti? Nakita niyang nilapit ni Ivan ang kanyang kamay sa mukha niya. Nagtaka naman siya.
“May muta ka,” saad ni Ivan pagkatapos ay tumawa.
Bumaba si Errol sa kama at tiningnan ang mukha sa salamin. Pagkatapos ay lumingon sa kasamang nakahiga pa sa kama. Nakita niyang natatakpan ng kumot ang gitnang bahagi ng katawan nito. Napatigil na naman siya sa napakagandang tanawin. “Di ka pa babangon?”
“Mamaya na. Matigas pa si junior, eh.”
Napalunok si Errol sa narinig. Ano daw? ‘Yung matigas na bagay na tumatama sa likod niya kagabi? At ang loko-loko may pangiti-ngiti pa. Sarap lantakan ng lintek! At dahil hindi na naman alam ng binatang guro ang isasagot sa pilyong ulam na nakahiga sa kama niya ay bumalik ito sa pagsipat sa sariling repleksiyon sa salamin.
“Psst...”
“Ano?” Nandilat si Errol sa nakita.
“Di ba matigas pa?”
Nakita ni Errol na hinawi na ni Ivan ang kumot na nakatakip sa bewang niya at tumambad sa kanya ang bukol sa suot ni Ivan na shorts na halos pumunit na dito. Napalunok si Errol sa nakita. Nakadama na naman ito ng kakaibang tensyon.
“Alangan naman lumabas ako na nakatayo pa alaga ko.”
Inaakit ba siya ni Ivan? Bakit ba panay ang ngiti nitong pilyo na tila nang-aanyaya sa kanya? Parang gusto nang sunggaban ni Errol ang mapang-akit na binata at tanggalin ang natitira nitong saplot, ngunit pinipigil siya ng tatlong bagay. Una, ang pagrespeto nito sa kanilang pagkakaibigan. Pangalawa, ang agam-agam nito sa hindi tukoy na pakikitungo ng binata. Nang-aakit nga ba talaga ito, o pilyo lang talaga? Pangatlo, ang paninigas ng kanyang kalamnan na pumako sa kanya sa kanyang kinatatayuan. “S-Sige, l-labas n-na ako.” Naninikip ang lalamunan niya.
“Teka, sandali.”
“Bakit?”
“Gusto mo makita?”
“Ang alin?”
Tinuro at nginuso ni Ivan ang bukol.
“Bakit mo naman ipapakita?” Ang bilis ng tibok ng puso ni Errol.
“Wala lang. Baka gusto mo lang. Nakakita ka na ba ng ganito?” Pinasok ni Ivan ang kamay sa shorts at nilaro ang nakatirik na bagay na iyon.
Hindi malaman ni Errol kung lalapit o mananatili sa kinatatayuan. At hindi niya alam kung alin kay Ivan ang mag nag-aanyaya sa kanya, ang malaking bukol na iyon o ang mapupungay niyang mata. “Ivan ha. Pinagtitripan mo na naman ako.” Nanginginig ang boses ni Errol. Mababaw ang mga hiningang mabilis na kumakawala sa ilong at bibig niya.
“Bakit ka nanginginig?” Kinagat ni Ivan ang kanyang labi. “Ayaw mo ba makita? Gusto ka daw makita ni junior, eh.”
Napalunok si Errol nang makita niyang aktong ibababa na ni Ivan ang shorts, ngunit tumalikod ito at -- “Mauna na muna ako sa baba. Sunod ka lang.”
“Huy...”
Nang makalabas si Errol sa kwarto ay nakasalubong nito ang ina.
“O, gigisingin ko sana kayo.”
“Good morning, nay.”
“Si Ivan?”
“Tulog pa po, nay.”
“Teka, ba’t namumutla ka?”
“Kakagising ko lang kasi.”
“Ganon?” Umirap ang nanay niya. “O, sige. ‘Yung mga naiwang ulam kagabi, ininit ko na lang kanina. Kung nagugutom kayo, nandun sa lamesa. Kayo na bahala dito, ha.”
“Sa’n po kayo pupunta?”
“Dun sa kanto kina Hilda.”
“Ano na naman gagawin ninyo dun?”
“Nagtext kasi may gusto daw itanong.”
“Ba’t di na lang tinext yung tanong?”
Umiling si Celia at kinumpas ang kanang kamay sa harapan ng anak. “Sus, ‘tong batang ito.”
“Nako, nay, magmamahjong na naman siguro kayo ha. Maaga pa.”
“Alas nwebe na.”
“Talaga?” nakasimangot na tanong ni Errol.
“Kayo ni Ivan ha antagal ninyong nagising. Ano’ng ginawa ninyo?” Ngumiti si Celia.
“Nay, ha.” Hindi namalayan ni Errol na tinanghali pala sila ng gising ni Ivan. Buti na lang walang pasok.
“Nakuuu! ‘Tong mga batang ito. O, siya. Aalis na ako.”
“Si tatay po.”
“Kailangan sila sa opisina nila ngayon. Private companies lang yata ang walang pasok, eh.”
“Ganon ba?”
“O, siya sige. Basta kayo na bahala rito.”
Nang makaalis si Aling Celia ay dumiretso sa banyo si Errol upang umihi. Nang matapos umihi ay humarap ito sa salamin at pumikit. Sariwang-sariwa sa isip nito ang pang-aakit sa kanya ni Ivan. Tumatakbo sa isip niya ang ngiti ng binata, ang masarap nitong katawan, at ang ... ang tirik na tirik na bagay na iyon na halos pumunit at kumawala sa shorts na suot niya.
Kanina pa nakadama ng init sa katawan si Errol.
Hindi pala kanina. Kagabi pa.
Kinapa ni Errol ang gitnang bahagi ng kanyang shorts at dinama ang nagising na bagay sa loob niyon. Hinihimas-himas niya ito hanggang sa tuluyan na niyang inilabas ito at malayang nilasap ang sarap na dulot ng galaw ng kanyang palad at ang mga tumatakbong larawan ni Ivan sa kanyang utak.
Nang marating ang rurok ay nahimasmasan ang binata. Bigla itong nakadama ng hiya sa sarili. Pinagnasaan niya ang bagong kaibigan. Nagawa niya ang isang bagay na kailanman ay hindi niya ginawa na iniisip si Erik. Ngunit masisisi ba naman niya ang sarili gayong inaakit naman siya ng binata. Pinasok na ni Errol ang ari sa salawal nito at finlush ang toilet. Nang humarap ito ay --
“Pwede makiihi?” Ginalaw ni Ivan ang dalawang kilay, pinapungay ang mga mata nito, at ngumiti.
Nanlaki ang mga mata ni Errol. Lumingon ito. “Ah... Ivan...” Nakalimutan nga pala ni Errol na i-lock ang pinto ng banyo.
“Bakit?” Isang nakakalokong ngisi ang binitiwan ng binatang walang pang-itaas.
“Kanina ka pa diyan?” gulat na tanong ni Errol.
“Bago lang. Bakit?”
“Ah, wala.” Nakadama ng matinding hiya si Errol. Pa’no kung nakita niya. Nakakahiya! “Sige labas na ako.” Dumiretso si Errol sa kusina at doon ay pilit na kinalma ang sarili. Pero wala naman sigurong nakita ang kasamang binata.
Naglagay ng mainit na tubig si Errol sa tasa mula sa thermos at nagtimpla ng kape. Umupo ito sa tapat ng mesa at tumingin sa bintana kung saan sumilip ang sikat ng araw na tumama sa diyaryong malamang ay binasa ng kanyang ama bago umalis ng bahay.
Laman pa rin sa pahayagan ang nangyaring malawakang blackout dalawang gabi na ang nakalipas. Halos lahat ng pribadong opisina at pangkomersiyong gusali ay sarado maliban sa iilang tindahang pinilit na magbukas. Pinaigting ang seguridad sa mga papasok at paalis na mga sasakyan. Wala pa ring maibigay na paliwanag ang AFP. May mga bomb at terror threats pa rin, ngunit karamihan sa mga ito ay hindi naman naisakatuparan. Wala pa ring sagot galing sa mga imbestigador. Pinakita rin ang larawan ng mga pangunahing kalsada sa lungsod na halos walang bumabyahe.
Nagtataka pa rin si Errol sa mga nangyayari nitong mga huling araw. Bigla niyang naalala ang panaginip. Ngunit binaliwala na lamang niya ito dahil halos ganon naman ang mga panaginip niya, kakaiba at tila walang katuturan. Baka epekto na rin ng mga nababasa niyang fantasy at horror novels.
“Ahem, pwede maki-coffee?”
Sa gulat ay muntik nang masamid si Errol sa iniinom na kape. Ngunit kinalma nito at kinumbinsi ang sariling walang nakita si Ivan sa banyo. “Sige. Mainit pa ‘yang tubig sa thermos. Pero ordinary lang ‘yung kape namin ha.”
“Mas gusto ko nga ‘yung ganito lang. ‘Yung hindi pre-mixed.”
Narinig ni Errol ang tunog ng kutsarang tumatama sa gilid ng tasa habang kinakaraw ni Ivan ang kape nito. Sa gilid ng kanyang paningin ay naaninag niya itong umupo sa harap nito. Hindi na niya makuhang pagtuunan ang binabasa sa diyaryo dahil nangangamba siya sa kapilyuhang gagawin na naman ng malaadonis na bisita. Subalit para bang may nag-uudyok sa kanya na iangat ang tingin at sulyapan ang kaharap. At ‘yun nga ang ginawa niya.
Kumindat si Ivan at ngumiti.
Ano na naman ba ito? Inaakit na naman niya ang pobreng may-ari ng munting tahanang pinagsaluhan nila nang umagang ito.
Yumuko si Errol at nagkunwaring bumalik sa pagbabasa. “Gusto mo pahiramin kita ng damit? May mga malalaki akong t-shirts sa loob.”
“Ayaw mo ba akong nakikitang nakahubo?”
“Hindi naman sa ganon. Pero...”
“Pero?”
“Sige na nga lang.”
Sandaling tumahimik ang dalawa. Nakikiramdam si Errol, ngunit ilang minuto ng walang nagsasalita. Ang tanging naririnig niya ay ang paghigop ni Ivan sa kape niya.
“Nakaraos ka ba?”
Nanlaki ang mata ni Errol sa gulat. “Anong...” Bigla itong kinabahan.
“Kanina sa banyo,” saad ni Ivan.
Nang umangat ng tingin si Errol ay nakita niya ang ngiti nitong nagpalabas sa kanyang mapuputi at pantay na mga ngipin. “Ha? Ano’ng ibig mong sabihin?”
Tumayo si Ivan mula sa kinauupuan, kinapa ang gitnang bahagi ng suot na shorts, at pinaroo’t parito ang pinabilog na palad na kunwari’y may nilalaro. “’Yung ganon?” Tumawa ito.
Natigilan si Errol at nakadama ng sobrang pagkapahiya. Hindi nito alam ang sasabihin sa gitna ng malakas na pagkabog ng kanyang dibdib.
“Sinong iniisip mo nung ginagawa mo ‘yun?”
Hindi na matingnan ni Errol si Ivan. Gusto niyang bumukas ang lupa sa ilalim niya at kainin siya nito o kaya naman lumitaw ang isang black hole at tangayin siya. Hiyang-hiya siya kay Ivan. Ano na lang ang iisipin nito?
“Psst, huy!”
Hindi umimik si Errol.
“Huy, ano ka ba? Okay lang ‘yun. Gawain naman nating lahat na may titi ‘yun, eh.”
Ngumiti nang bahagya si Errol ngunit ayaw nitong titigan ang binatang makulit.
“Ay, nahiya si sir.”
Hindi na nakatiis si Errol sa pangboboska ni Ivan. Tinapon nito ang diyaryong hawak sa kanya. “Ikaw kasi!”
Tumawa si Ivan at pinulot ang diyaryong nahulog sa sahig. “Anong ano kasi?”
“Kasi, inaakit mo ako.” Yumuko si Errol.
“Ibig sabihin ako ang iniisip mo kanina habang...” natatawang saad ni Ivan.
Tumango si Errol at natawa na rin. “Sorry, Ivan. Di ko kasi napigilan.”
“Ikaw kasi, inaaya kita kanina, ayaw mo.”
“Inaaya na?”
“Na alam mo na.”
Uminit nang husto ang mga pisngi at tenga ni Errol. “Ano?”
“Two weeks na kasi.”
“Anong two weeks?”
“Sus, ito naman masyadong pa-virgin, o!”
“Ivan, kasi ayoko magbago ang tingin mo sa akin.” Umiba ng tingin si Errol.
“Bakit naman magbabago?”
“Baka isipin mo na ganon na lang akong klase ng tao, na pinagpapantasyahan ka.”
“Hindi ah. Okay lang.”
“Anong okay lang?”
“Basta. Nababaitan ako sa’yo, eh.”
“Ano naman koneksiyon nun?”
“Basta, kung halimbawa gusto mo ng magkaexperience...”
Bumilis ang tibok ng puso ni Errol. “Ivan?”
“Willing ako.”
Nakita ni Errol ang ngiti ni Ivan, ngunit sa pagkakataong ito tila hindi siya nagbibiro. Nawala ang kapilyuhan nito sa mukha. Seryoso ba talaga siya? “Ivan, pinagtitripan mo talaga ako ha. Porke’t alam mo na na ganito ako.” Yumuko si Errol at pagkatapos ay hinigop ang natitirang kape sa tasa.
Nakita naman niya na umalis si Ivan sa kinauupuan malamang upang ilagay ang tasa niya sa lababo. Narinig niya ang paglapag ng tasa sa lababo. Hinihintay niyang bumalik ang kausap sa inuupuan nito, ngunit nagulat siya nang maramdaman niya ang tao sa likod niya na biglang humaplos sa kanyang palad. Nagsalita ito sa mababa at malambing nitong boses.
“Seryoso ako, Errol.”
Halos malagutan ng hininga si Errol nang maramdaman ang pagtama ng hininga ni Ivan sa kanyang pisngi.
“Kung handa ka na, kung gusto mo na, nandito lang ako.”
“Pero, Ivan, magkaibigan tayo.” Mabilis ang kabog ng dibdib ni Errol.
“Ayokong kung sino lang diyan ang aanuhin mo o makakaano sa’yo. Baka lokohin o perahan ka lang.”
“Pero, Ivan, ayoko mag-iba ang tingin mo sa akin.”
“Hindi. Hindi mangyayari ‘yun.”
“Bakit, Ivan?” Naramdaman ni Errol ang paghawak ng binata sa magkabila niyang pisngi upang iharap ang kanyang mukha dito. Doon ay nagpalitan sila ng malalim na mga tingin.
“Anong bakit?”
“Bakit ... ginagawa mo ito?”
“Importante ka na sa akin. Ayokong mapa’no ka. Ayokong mapunta ka lang kung kani-kanino.”
Tumagos sa dibdib ang sinabing iyon ni Ivan. Tila ay nagpaulit-ulit sa kanyang diwa ang mga salitang iyon na kailanman ay hindi niya narinig kahit na kanino, kahit na kay Erik. Pilit itong ngumiti, ngunit sabay ng kanyang pagngiti ay ang pagbagsak ng kanyang luha.
“O, bakit ka umiiyak? Iyakin ka talaga,” saad ni Ivan sa mas mababa at masuyo nitong boses.
Naramdaman ni Errol ang paggalaw ng mga hinlalaki ni Ivan sa magkabilang pisngi niya upang punasan ang mga tumulong luha. Yumuko ulit si Errol. Bakit masarap ngunit masakit pakinggan ang mga salitang iyon? Tila ay totoo ang pagmamalasakit sa kanya ng bagong kaibigan. Ngunit sa bawat pagpapakita niya ng malasakit sa kanya ay lumalalim ang pagdausdos niya sa lalaking iyon.
Ayaw niyang mahulog sa tanging binatang nagpakita sa kanya ng kakaibang pakikitungo, ibang-iba sa matalik nitong kaibigan. Ayaw niyang mahulog dito dahil batid niyang hindi siya nito sasaluhin. Kung pwede lang sana, bakit hindi? May karapatan din naman siguro siyang lumigaya.
“Ivan, pwede payakap?” Mahina ang boses ni Errol. Pinahina ng pagsikip ng kanyang lalamunan. Pinahina ng mabilis ng tibok ng kanyang puso.
Hinila ni Ivan si Errol patayo at niyakap ito. Yumakap ng mahigpit si Errol dito.
“Ivan, salamat!” Naramdaman ni Errol na mas hinigpitan ni Ivan ang pagyakap sa kanya. “Salamat sa pagdating mo.” Kung sana pwede kitang ibigin, ngunit katulad ka lang din ni Erik. Hindi kita pwedeng mahalin dahil hindi mo naman masusuklian ang pagmamahal na ‘yun kung sakali. Pero salamat dahil sa maikling panahong nakilala kita, pinaramdam mo sa akin ang mga bagay na hindi ko naramdaman kahit kailan. Salamat, Ivan. Salamat. Ngayon ay may puwang ka na sa puso ko na marahil hindi na mabubura. Sana hindi ka magbago. Sana dito ka lang palagi.
Tuluyan na nga bang binura ni Ivan si Erik sa diwa ni Errol?
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
Very touching scene. Sana walang hidden agenda si Ivan. Thanks sa update. Ingat.
ReplyDeleteanother nice and super naughty chapter ! he he he
ReplyDeleteNice storues kaabang abang talaga.....
ReplyDeleteThank you, Alfred, Robert, and Ryan! Salamat sa pagsubaybay.
ReplyDeleteSolstisyo? Solar eclipse b yun? Naalala ko tuloy yung Legend of Aang, haha. Nakakakilg talaga si Ivan at nakaka arouse pa, haha, ang kaso lng talagang btin ako, hahaha. Thanks po sa update
ReplyDelete-RavePriss
Solstisyo or solstice ay yung date kung saan either pinakamahaba ang araw o pinakamahaba ang gabi. Sa northern hemisphere, kung saan kabilang ang Pilipinas, pinakamahaba ang daytime noong June 21 (Summer solstice) at pinakamaikli naman noong December 22 (winter solstice). Mas matatalakay ang epekto ng solstisyo at ekinoks (equinox) sa mga kapangyarihan nina Melchor at Cassandra sa Chapter 18 ng Book 2 kung saan mag-uusap sina Errol at Magda.
Delete