Maraming salamat sa mga nagbabasa at lalo na sa mga nag-iiwan ng komento. Namnamin niyo ang mga kilig moments dahil hindi lahat ng tagpo ay may kilig. Pay attention to Chapter 24 dahil may gustong ipahiwatig ang kabanatang iyan.
Maaaring nagtataka kayo kung bakit hindi ako nagpopost ng pictures. Gusto ko kasi kayo mismo mag imagine kung sino si Errol, Ivan, o si Erik. I'm sure may mga iniimagine na kayo.
Paalala lang, ang romance ay isang aspeto lang ng kwentong ito. This is more of a plot-driven than a character-focused story. Gayunpaman maraming salamat sa pagtangkilik. Sana wag ninyo akong iwanan.
Happy weekend!
----------------------------
Chapter 23
Kumot
Nagulat din si Ivan, pero -- “Hi po, tita. Okay lang po ba?”
“Nako, iho! Hindi aircon ang bahay namin. Baka hindi ka sanay.”
“Okay lang, po. Kahit dito lang po ako sa sala.”
“Nako magkakastiff neck ka pa dito. Dun ka na sa kwarto ni Errol.”
“Nay, nakakahiya.” Sinimangutan ni Errol ang ina at humarap sa bisita. “Dun ka na lang sa kwarto ko, Ivan, tapos ako dito sa sala para komporable ka naman.”
“Hindi naman pwede ‘yun,” saad ni Ivan.
“Ivan, okay lang naman sa’yo na magkatabi kayo nitong anak ko, di ba?”
Tumango si Ivan at binigyan si Errol ng pilyong ngiti. Nakita niyang umiwas ito ng tingin ngunit pinandilatan ni Aling Celia ng mata.
“Sige na. Nakakahiya. Ayusin mo na muna ‘yung kwarto at kama mo. Pareho naman kayong lalaki. Wala namang mabubuntis sa inyo.”
“’Wag kayong mag-alala, tita, di ko po bubuntisin si Errol.” Kinindatan ni Ivan si Errol bago ito tumungo sa kwarto niya. Nakita niyang napangisi ito ngunit umiwas ng tingin. Kinausap naman siya ni Aling Celia na umupo sa kanina ay inupuan ni Errol.
“Mukhang nalalagi ka na dito, ah.”
“Okay lang po ba?”
“Basta kaibigan ng anak namin, welcome dito sa bahay. As if naman ang ganda-ganda nitong bahay namin. Nakakahiya nga sa iyo, eh.”
“Nako, ‘wag po kayong mag-alala, tita. Wala pong problema sa akin.”
“Mabuti naman kung ganon. Kelan lang kayo nagkakilala ng anak ko ha pero mukhang malapit na kayo.”
“Magaan po kasi ang loob ko sa anak niyo, tita.”
“Talaga? Bakit naman?”
“Parang kapatid ko na po ‘yan eh.”
“Walang kapatid na lalaki ‘yan. Baka kaya siguro magaan rin ang loob niyan sa iyo.”
“Ganun po ba?”
“Hindi ‘yan nagdadala dito ng lalaking kaibigan maliban sa’yo at kay...”
“Erik po?”
“Nakwento niya na pala sa’yo.”
“Opo. Napagkukwentuhan kasi namin ang mga buhay buhay namin.” Nakita ni Ivan na sumiryoso ang mukha ni Aling Celia.
“Alam mo...” Pinatong ni Celia ang kamay sa tuhod ni Ivan.
“Ano po?”
“Hindi ako manhid. Nakikita ko sa anak ko na gusto ka niya.”
Hindi malaman ni Ivan kung ano’ng isasagot.
“Nakita ko ng nasaktan ‘yang anak kong ‘yan. Masakit sa akin na makita ‘yang umiiyak. Kahit wala ‘yang sabihin alam ko kung anong nararamdaman niyan. Nanay niya ako, eh.”
“Naiintindihan ko po, tita.”
“May ipapakiusap lang ako sa’yo.”
“Ano po ‘yun?”
“Wag mong paasahin ang anak ko.”
Seryoso ang mukha ni Ivan. Hindi niya alam ang isasagot.
“Mahal na mahal ko iyang si Errol. Kahit ganyan ‘yan napakabait niyan. Hindi ‘yan marunong manakit. Kaya nasasaktan ako pag nakikita ko iyang malungkot o umiiyak.”
“Pangako hindi ko po paiiyakin si Errol.”
“Alam ko namang lalaki ka, iho. So, dadating din ang panahon na bubuo ka ng pamilya mo. Si Errol, mukhang hindi. Kaya hanggang nandito pa kami ng tatay niya, kami lang ang pamilya niya. Nalulungkot man akong maaaring ganon nga ang kahihinatnan niya bilang ganyan siya, wala naman kaming magawa.”
“Pinapangako ko pong di ko iiwan si Errol, tita.”
“Iho, wag kang mangako ng ganyan. Baka di mo mapanindigan. Ipangako mo lang na sa mga oras na kasama mo ang anak ko ay magiging masaya siya.”
Natigilan si Ivan sa mga narinig. Sa isip niya ay ang swerte ni Errol na magkaroon ng mga magulang nagmamalasakit sa kanya. Maya-maya pa ay nakita niya nang lumabas ng silid si Errol.
“O, sya sige. Maiwan ko na kayo. Ivan, kung maliligo ka, manghiram ka na lang ng extrang twalya kay Errol. Errol, ikaw na bahala sa kaibigan mo.”
“Opo, nay.”
Pumasok na si Celia sa kanilang kwarto ni Gary.
Napansin ni Ivan na may chessboard sa ilalim ng TV. “Marunong ka magchess?”
“Oo, libangan namin ni tatay yan.”
“Laro tayo. Maaga pa naman para matulog.”
“Marunong ka rin?”
“Syempre!”
Halos dalawang oras naglaro ang dalawa. Laging talo si Ivan.
“Ang galing mo talaga. Grabe. Bilib ako sa’yo!”
“Hindi naman. Nagpapatalo ka lang yata, eh.”
“Hindi! Magaling ka talaga.”
“Di ka pa inaantok?” tanong ni Errol.
“Medyo. Ikaw ba inaantok na?”
“Oo, eh.”
“Errol, pwede favor?” tanong ni Ivan kay Errol na nililigpit ang chessboard.
“Ano ‘yun?”
“Pwede makiligo?”
“O, sige, teka.”
Nakita ni Ivan na pumasok si Errol ng kwarto at kumuha ng puting twalyang inabot nito sa kanya. “Sa kwarto mo na lang ako maghuhubad ha.” Nakita niyang tumango si Errol.
“Sige. May extra akong tsinelas diyan. Gamitin mo na lang.”
“Sige, salamat.” Pumasok na si Ivan sa kwarto ni Errol. Nakita niyang hindi ito kasing gara at laki ng kanyang kwarto ngunit malinis at maayos ito at walang kakalat-kalat. Napangiti ang bisita.
Lingid sa kanyang kaalaman na habang hinuhubad niya ang kanyang mga saplot sa katawan ay may nararamdamang kabog sa dibdib ang may-ari ng kwarto na naghihintay sa labas ng maliit na silid.
Nininerbyos si Errol lalo pa’t alam nitong naghuhubad ang kaibigan sa loob ng kanyang kwarto at anumang segundo ay lalabas itong nakatwalya na lang. Hinihintay niyang na lumabas ng kwarto si Ivan nang marinig niyang tumunog ang kanyang cellphone na nasa sala. Tinungo niya ito at nakita niya ang pangalan ni Erik. Pinindot nya ang “answer.”
“Erik, napatawag ka.”
“Kamusta?” tanong ni Erik sa kabilang linya.
“Okay lang. Ikaw ba?”
“Okay lang din. Nakaalis na ba si Ivan?”
“Hindi pa.”
“Bakit andiyan pa siya eh may curfew?”
“Dito sya matutulog.”
“Ha?”
“Teka, ba’t parang galit ka?”
“Hindi naman. Pero di ba kakakilala mo lang diyan?”
“Mabait si Ivan. Magkaibigan na kami.”
“Rol, magtapat ka nga. Gusto mo na ba ‘yang Ivan na ‘yan?”
Dinig ni Errol ang tila suyang tono sa boses ni Erik. Kahit mababa at malumanay itong magsalita pansin pa rin niya ang medyo brusko nitong tono sa pag-uusap nila ngayon. “Bakit ba ganyan ang tono mo, Erik?”
“Sagutin mo na lang ‘yung tanong.”
“Ano naman sa’yo ha?”
“Best friend mo ako.”
“So?” Nairita na rin si Errol. “At saka, teka, best friend pa ba talaga kita?”
“Ganon? Porke’t dumating ‘yang Ivan na ‘yan etsapwera na ako.”
Hindi malaman ni Errol kung naglalambing si Erik o nanunuya. “Bakit ka ba nagkakaganyan, Erik?”
“Nagseselos ako.”
Natigilan si Errol. “Ano? Anong nagseselos?”
“Kasi pinagpalit mo na ako.”
“Erik, kanina ka pa ha. Hindi kita maintindihan.”
“Namimiss ko na kasi yung best friend ko.”
“Lagi tayong nagkikita sa school.”
“Lagi ka rin namang umiiwas.”
“Magkasama nga tayo kanina.”
“Oo, kasi wala ka ng choice. Di ka makalipat ng mesa.”
“Sus!”
“Akala mo di kita nahahalata. Umiiwas ka sa akin.”
“Erik, ano ba? Ano’ng problema?”
“Namimiss nga kita. Namimiss ko ‘yung dating tayo.”
“Pag-usapan na lang natin ‘to ng personal, Erik. Hindi ko maintindihan bakit parang ang weird mo ngayong araw.”
“Sige. Punta ako sa inyo bukas.”
“Okay sige. Teka, ‘wag mong sabihin sa kwarto mo matutulog ‘yung Ivan.”
“Dun nga. Tabi kami matutulog,” naiinis na saad ni Errol. “Bakit ba?”
“Rol --”
“Sige na, Erik. Bukas na lang tayo mag-usap. Good night.” Bumuntong hininga si Errol pagkatapos ay binaba ang telepono. Namimiss din niya naman si Erik pero nakapagpasya na siya. Ayaw niyang maging hadlang sa kanila ni Shanice. Ayaw na din niyang masyadong bigyan ng ibang kahulugan ang pangungulit nito. Malamang nga namimiss siya nito. Pero ano naman? Kung sana wala siyang kasintahan ay wala sanang problema. Kung sana ay wala siyang pait na nadarama sa hindi pagsukli ni Erik sa kanyang nararamdaman ay okay sana. Pero okay na siya ngayon. May ibang tao ng nagpapangiti sa kanya.
Bumalik si Errol sa kwarto niya. Kinakabahan siya na sa unang pagkakataon ay may tatabi sa kanyang lalaki sa pagtulog. Alam niyang naliligo pa ang binata. Nakita niya ang mga damit nitong nakasampay sa silya niya sa tapat ng kanyang mesang may laptop. Lumapit siya dito. Kinuha niya ang puting polo ng binata at inamoy ito. Naghalo ang amoy pawis ng lalaki at pabango ni Ivan. Nakakakiliting amoy. Naalala ni Errol na niyakap siya ng binata kanina. Pagkatapos niyang amuyin ang polo ay nakita niya ang itim na briefs ng lalaking nakapatong sa pantalon nito. Natutukso siyang amuyin ito ngunit may pumipigil sa kanya.
Kinuha niya na lang ang kanyang binabasang libro at binuksan ito sa pahinang iniwan nito noong isang araw. Subalit walang pumapasok sa utak niya. At sa bawat segundong lumilipas ay mas tumitindi ang kaba na kanyang nararamdaman. Maya-maya pa ay narinig na niyang bumukas ang kanyang pinto at pumasok ang bagong ligong binata. Nagkunwari lang siyang nagbabasa ng nobela.
“Errol, pwede pahiram ng shorts?”
“Baka maliit ‘yung mga shorts ko sa’yo. Ang laki mo kayang lalaki.” Hindi niya ito tiningnan. Hindi niya ito matingnan.
“Okay lang. Eh, di parang nakaboxers lang ako.”
“Okay sige.” Hindi sinulyapan ni Errol ang lalaki. Maaakit lang siya sa kahubdan dito. Binuksan niya ang kanyang aparador at kumuha ng shorts sa mga nakatupi. “Ito, malaki-laki ‘to.” Inabot niya kay Ivan ang shorts nang nakayuko, kunyari may hinahanap sa loob ng kanyang aparador.
“Sa’n ko isasabit itong twalya?”
“Akin na. Ako na magsasabit.” Kinuha ni Errol ang inabot na twalya. Hindi pa rin niya tinitingnan si Ivan. Kumuha ito ng hanger at sinabit ang twalya sa sabitan malapit sa kanyang aparador.
“Tingnan mo nga kung bagay sa akin.”
Lumingon naman si Errol upang tingnan kung ano’ng itsura ni Ivan sa shorts na suot niya, ngunit laking gulat niya nang...
Dumako ang tingin ni Errol sa matipunong mga binti at hita ni Ivan, sa kanyang mga pumuputok na mga braso at dibdib, sa kanyang batak na tiyan, at sa bahaging iyon na nagpatigil sa kanya. Inangat niya ang kanyang tingin sa mukha ng binatang ngumisi sa kanya nang pilyo. Hawak niya sa isang kamay ang shorts na dapat ay naisuot na niya. Ngunit hindi makuha ni Errol na ngumiti. Napako siya sa kanyang kinatatayuan at nakaramdam ng panginginig. Mabilis ang tibok ng kanyang puso. Rinig na rinig niya ang bawat kabog nito na tila gustong kumawala sa kanyang dibdib.
Nakita ni Errol na unti-unting nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Ivan na dali-daling isinuot ang shorts at lumapit sa kanya.
“Huy, okay ka lang? Teka, bakit nanginginig ka?”
Nakita ni Errol ang seryosong mukha ni Ivan. Tumango naman siya. “Okay lang ako. Nagulat lang ako.”
“Sorry, sorry. Di ko na uulitin.”
“Teka, magbabanyo muna ako.” Agad umalis si Errol sa kwarto at tumungo sa kanilang banyo. Humarap ito sa salamin at pumikit. Hindi mawaglit sa isip nito ang nakitang hubo’t hubad na katawan ni Ivan. Tiningnan niya ang kanyang mga kamay na nanginginig pa rin. Huminga siya ng malalim at bumuga ng hangin sa kanyang bibig nang ilang beses upang marelax. Pagkatapos ay naghilamos at nagtoothbrush. Nang makabalik ito ng kwarto ay nadatnan niyang may binabasa sa kanyang smartphone si Ivan.
“Okay ka na?” tanong ni Ivan.
Tumango si Errol at yumuko. Iniwas nito ang tingin kay Ivan hangga’t maari at tinungo ang kabilang bahagi ng kama kung saan siya nakaupo kanina. Kinuha niya ulit ang binabasang libro kanina, ngunit bago niya ito buklatin ay sinulyapan niya ang binatang nakatalikod sa kanya habang nagbabasa ng mensahe sa kanyang cellphone. Humahanga talaga si Errol dito. Malaya niyang pinagmasdan ang matipuno nitong likod, ang maputi nitong batok na tila nag-aanyayang mahalikan, at ang makinis nitong balat.
Naaasiwa man ay napangiti na rin si Errol. Ngayon ang unang gabing may kasama siyang lalaki sa kama niya, at hindi lang basta kung sinong lalaki, kundi isang gwapo at kaakit-akit na likha ng kalikasan. Kinakabahan pa rin siya sa kung anumang kapilyuhan ang iniisip nitong lalaking nasa kwarto niya. Bumalik na lamang siya sa pagbabasa. Nakakailang minuto na siya sa kanyang pagbabasa nang maramdaman niyang gumalaw ang kama.
“Mahilig ka ba sa novels?”
“Hindi naman. Pastime lang.” Hindi ginawaran ng tingin ni Errol si Ivan. Maiilang lang siya dito lalo pa’t wala na naman itong pang-itaas. “Okay ka lang ba talaga dito? Di aircon ‘tong kwarto, electric fan lang. Baka di ka sanay.”
“Sus,” sagot ni Ivan, “ito naman. Grabe. Ganon ba ako kaarte para sa iyo?”
“Sabagay.” Bahagyang ngumiti si Errol.
“Huy, bakit di mo tinitingnan ang kausap mo?”
“Eh kasi...”
“Kasi?”
“Naano ako sa’yo,” nahihiyang saad ni Errol.
“Anong naano?”
“Naasiwa.”
“Bakit naman?”
“Ang hot mo kasi.” Hindi na napigilan ni Errol ang sarili na masabi ito. Narinig niyang natawa rin si Ivan at naramdaman niya ang paglapit nito sa kanya.
“Matagal ko ng alam ‘yan,” bulong ni Ivan. “Ikaw ha, you find me hot pala ha.”
Ang bulong na iyon. Ang hiningang kumiliti sa tenga niya. Nawawala sa ulirat si Errol, ngunit pilit niyang kinalma ang sarili. “Gwapo at hot ka naman talaga. Kaya nga imposibleng wala kang gf.”
“Eh, wala nga eh. Ang kulit muuuu...” Biglang kiniliti ni Ivan si Errol.
Umiwas naman si Errol at lumayo nang bahagya. “Uy, nagbabasa ako.”
“Mamaya ka na magbasa. Usap muna tayo.” Kinuha ni Ivan ang libro at sinara ito.
“Uy, exciting na part na ‘yung chapter na binabasa ko.”
“Mas exciting sa gagawin ko?”
Nakita ni Errol na lumuhod si Ivan sa kama nang nakaharap sa kanya at bigla itong gumiling-giling habang binabasa ang kanyang labi. Nakadama si Errol ng kakaibang init sa katawan. Pilyo talaga itong kasama niya sa kwarto. Umiwas siya ng tingin, ngunit hinawakan ni Ivan ang kanyang baba ang hinila ang kanyang mukha paitaas upang tingnan siya nito. Nakita ni Errol na nilapit ni Ivan ang kanyang mukha at kinindatan siya nito sabay ngiti nang kaakit-akit. Parang sinilaban si Errol. Shit! Ivan wag mong gawin ‘to. Lintek ka talaga! Tumayo si Errol at naglakad papunta sa pinto.
“Sa’n ka pupunta?”
“Nauuhaw ako. Inom lang ako ng tubig.” Hindi na sinulyapan pa ni Errol ang binata. Nang makarating ito ng kusina ay napapikit ito at nasapo ang kanyang mukha. Pinatong niya ang kanyang mga kamay sa mesa at huminga nang malalim. Nagloloko lang ba si Ivan o inaakit siya nito? Naaakit ba siya? Natatakot si Errol sa pwedeng mangyari ngayong gabi. Oo, naaakit siya kay Ivan. Gusto niya ito. Pero...
Kumuha na lang si Errol ng malamig na tubig sa refrigerator. Pinakinggan niya ang tunog ng pagbuhos ng tubig mula sa pitsel patungo sa baso. Sana man lang ang tunog na ito ay mapakalma siya kahit na kaunti. Nang mapuno ang baso ay ininom niya na ang tubig. Teka, bakit ba siya uminom ng tubig gayong hindi naman talaga siya nauuhaw? Nilapag niya ang baso sa mesa. Nagulat na lang siya nang may magsalita sa likod niya.
“Painom na rin.”
Nakita niyang may kumuha ng kanyang ininumang baso. Nang lingunin niya ito ay ngumiti ito sa kanya. Kumabog ulit ang dibdib ni Errol nang makita ang malarosas na labi ng binatang nakangiti sa kanya. “Ah, eh... Ivan, balik na ako sa kwarto.” Papalakad na siya papuntang kwarto nang naramdaman niya ang paghila sa kanya ni Ivan. Napatingin siya sa mukha ng gwapong binata at sa mapupungay nitong mata.
“Bakit ka umiiwas, Sir?”
Tinutunaw ng mga pilyong ngiti ni Ivan si Errol. Pilit niyang inalis ang pagkakahawak ni Ivan ngunit hinigpitan ng huli ang hawak.
“Sir, what’s the problem?”
Nakita ni Errol na nilapit ng binata ang kanyang mukha nang nakanguso. At naramdaman niya ang basa at malampot na mga labing dumapo sa kanyang pisngi. “Ano ba, Ivan?” Ano ba ‘to? Dito ba natin gagawin sa kusina?
“Bakit nanginginig ka na naman? Teka, ba’t ang lamig ng mga palad mo?”
“Ivan, please naman, ‘wag mo naman akong akitin, o.”
“Naaakit ka ba?”
Iniwasan ni Errol na tingnan ang ngisi ni Ivan. Yumuko ito at tumingin sa mesa. “Ivan, alam mo naman di ba na ... ano ... na bakla ako.”
“Oo, syempre. Wala akong problema dun.”
“Ivan, bakla ako! At gwapo ka at kaakit-akit, kaya ‘wag mo akong akitin. ‘Wag mo naman akong tuksuhin, o!” Pagkatapos ay nilampasan na ni Errol si Ivan at tumungo sa kwarto. Balisa ang kanyang mukha. Hindi na niya nakuha pang magkunwaring nagbabasa ng libro. Bagkus at humiga na lang siya ng patagilid. Hindi niya maikakailang gusto na niya si Ivan, pero alam naman niyang hindi pareho ang kanilang nararamdaman sa isa’t-isa. Ayaw niyang makagawa ng mali. Ayaw niyang pagsamantalahan ang pagiging mabuti ng makisig na binata. Narinig niya ang mga yapak papasok sa kanyang silid at ang marahang pagsara ng pinto at pagkatapos ay ang paggalaw ng kama.
“Sorry. Nakukulitan ka ba sa akin?”
“Okay lang.” Naramdaman ni Errol ang paghaplos ni Ivan sa kanyang balikat.
“Pasensiya ka na sa akin, ha.”
“Okay lang. Sorry din.”
“Sorry saan?”
“Sorry kung di ko mapigilan na maakit sa’yo.”
Wala nang umimik sa dalawa. Pinilit ni Errol na makatulog ngunit ayaw siyang dalawin ng antok. Maraming tumatakbo sa isip niya.
“Errol...”
Hindi umimik si Errol.
“Errol, gising ka pa ba?”
Hindi pa rin umimik si Errol hanggang hilahin siya paharap ni Ivan.
“Gising ka pa pala.”
“Bakit, Ivan?”
“May itatanong ako.”
“Ano? Sige.”
“May karanasan ka na ba sa kapwa lalaki?”
“Karanasan?”
“Sex?”
“Wala pa. Bakit?”
“Kahit ano, wala?”
Umiling si Errol. “Hindi naman ako tulad ng ibang bakla.” Agad na tumalikod si Errol ngunit hinila ulit siya ni Ivan paharap.
“Hindi naman ganon ang ibig kong sabihin. Teka, bakit ba ayaw mo akong tingnan?”
“Kasi nga, di ba? Naaasiwa ako.”
“Kayo ba ni Erik...”
“Anong kami ni Erik?”
“Wala bang nangyari sa inyo?”
“Wala. Ni hindi ko nga nasabi sa kanya na mah...”
“Wala ka bang ibang nagustuhan maliban sa kanya?”
“Noon? Meron naman pero kapag may mahal ako, siya lang lagi ang hinahanap ko. Siya lang ang gwapo sa paningin ko.”
“So noon ‘yon?”
Tumango si Errol.
“Pa’no ngayon?”
Natigilan si Errol. “Pinipilit ko ng kalimutan ang nararamdaman ko kay Erik. Tsaka...”
“Tsaka?”
“Ito, naghihintay ng true love.”
Kinurot ni Ivan si Errol sa pisngi. “Ang corny mo!”
“Aray!” Kinurot din ni Errol ang pisngi ni Ivan.
“Aw! Ang sakit non ha!” Kinurot ni Ivan ang dibdib ni Errol.
“Aaaaargghh!” Kukurutin din sana ni Errol ang dibdib ni Ivan, subalit nang lumapat ang kanyang mga daliri sa matipunong dibdib ni Ivan ay tila nakuryente ito.
“Bakit di mo tinuloy?”
Baka kung saan pa mapunta ang kurutang ito kasi. “Baka kurutin mo ulit ako. Sakit mo mangurot.”
“Sige na kurutin mo na ako para makaganti ka,” saad ni Ivan na pumupungay ang mga mata. “Di na ako gaganti.”
“’Wag na. Matulog na nga tayo.” Ngunit nakita ni Errol na hinila ni Ivan ang kanyang kamay at dinala ito sa dibdib niya.
“Sige na. Kurutin mo na.” Dinala ni Ivan ang kamay ni Errol sa kanyang dibdib.
Ngunit hindi makuha ni Errol na kurutin ang dibdib nito. Nang igalaw ni Ivan ang kanyang kamay sa dibdib nito ay marahang dumulas ang palad ni Errol sa kanyang matipunong dibdib at tumama sa kanyang matigas na utong na nagbigay ng kakaibang sensayon kay Errol. Naramdaman niya ang pagkislot ng kanyang... Nakita niyang tila natigilan din si Ivan sa ginawa. Dahan-dahang hinugot ni Errol ang kamay sa pagkakahawak ng kasama. Saglit na natahimik ang dalawa.
“Nakatulog na ba dito si Erik?”
“Hindi pa. Sa tagal naming magkaibigan hindi pa kami nagsasama sa isang kwarto na kami lang.”
“So ako pala talaga ang unang lalaki na makakatabi mo sa pagtulog.”
Tumango si Errol. “Kahit siguro magtabi kami nun hindi magiging katulad nito.”
“Katulad nito?”
“Ibang-ibang kasi kayo. Makulit ka at masayahin. ‘Yon parang laging seryoso.”
“Sino mas gusto mo kasama sa amin?”
“Di ko alam. Magkaiba kasi kayo. Gusto ko ‘yung pagkamasayahin mo. Gusto ko rin ang pagkaseryoso niya.”
“Kaya ko rin namang magseryoso.”
Nakita ni Errol na tumingin si Ivan sa kawalan, inangat ang kanyang mga braso, at inilagay ang kanyang mga kamay sa likod ng kanyang ulo. Napalunok si Errol nang makita ang kili-kili ng binata. Bakit ba parang may kung anong gumagalaw sa mga kalamnan ni Errol?
Ang kisig niya talaga. Ang sarap niya pagmasdan. Kung anu-ano ang mga pumapasok sa isip ni Errol habang nakatingin sa kisame. Nang lingunin niya si Ivan nakapikit na ito at tila tulog na. Malaya niya itong pinagmasdan. Ang maamo niyang mukha, ang magandang hugis ng kanyang ilong, ang mga labi niyang nag-aanyaya, ang maliliit na balbas at bigoteng umuusbong, ang kanyang maputing balat, ang kanyang mga utong, ang kanyang abs, at ang umbok sa bahaging iyon. Oo, nga pala, nasilayan niya ito kanina. Napangiti si Errol.
Inangat niya ang kumot upang matakpan ang katawan ni Ivan. Tumagilid siya patalikod kay Ivan. Masarap pala sa pakiramdam na may katabing ganitong klaseng lalaki sa pagtulog. Unti-unting bumagsak ang mga mata ni Errol hanggang sa nakatulog ito.
Chapter 24
Bisig
Nagising si Errol sa isang masukal na kagubatan. Malamlam ang kapiligiran na tila nababalutan ng hamog o usok. Madilim ang kalangitan. Tila may unos na paparating. Maya-maya pa ay may narinig siyang mga kaluskos. Tumingin-tingin siya sa paligid. May naaninag siyang lalaking tumatakbo papunta sa kanya. Sumisigaw ito, ngunit tila malayo ang boses nito. Hindi niya rin ito mamukhaan dahil sa kumakapal na hamog.
Hinawakan siya nito sa kamay. Tumakbo silang dalawa. Sinuong nila ang masukal na gubat habang hinahampas sila ng mga matataas na talahib at tanim sa kanilang mukha. Naririnig ni Errol ang tunog ng mga nagtatakbuhan sa paligid. Nang lumingon siya ay may naaninag siyang mga lalaking nakaitim.
Nilingon niya ang nakahawak sa kanyang kamay, ngunit tila ba ay hindi niya maaninag ang mukha nito. Mahigpit ang hawak nito sa kanya habang tumatakbo sila. Maya-maya pa ay may nakasalubong silang isa pang lalaki, ngunit gaya ng nauna ay hindi niya rin ito mamukhaan. Nagulat siya nang yakapin siya ng lalaking nakasalubong. Hindi pa rin niya ito mamukhaan. Nagsisigawan sila ngunit hindi mawari ni Errol kung ano ang kanilang pinag-uusapan. Pagkatapos ay tumakbo na ang tatlo.
Napagtanto ni Errol na tinatakbuhan nila ang mga lalaking nakaitim na humahabol sa kanila. Kung bakit sila hinahabol ng mga ito ay hindi niya maintindihan. Ang batid niya nang mga sandaling iyon ay hindi sila ligtas habang nasa loob sila ng gubat. Sandaling tumigil sila sa pagtakbo. Tinanggal ng lalaki ang pagkakahawak sa kanyang kamay. Tinago siya nito sa likod ng isang puno. Pagkatapos ay tiningnan nito ang mga lalaking humahabol sa kanila. Nilingon ni Errol ang lalaking mabilis na gumalaw na tila handang makipaglaban sa mga paparating na hukbo.
Hindi maaninag ng husto ni Errol ang mga pangyayari. Ang sunod niyang nakita ay ang pagliyab ng isang bahagi ng kagubatan sa di kalayuan. Pinagmamasdan niya ang katakatakang pangyayari, ngunit nabigla siya nang hilahin siya ng lalaking kasama nilang tumakbo kanina. Nilingon niya ang kanina’y nakahawak sa kanya. Hindi pa sila nakakalayo ay naramdaman ni Errol na may tumama sa binti niya. Maya-maya pa ay natumba ito at doon niya na lang napansin ang isang bagay na nakatusok sa kanyang binting dumudugo. Ngayon lang napagtanto ng binata ang nagbabadyang lagim sa kagubatan. Kailangan nilang makaalis kaagad dito at mabigyan siya ng lunas. Tinangka niyang tumayo ngunit pinigilan siya ng matinding kirot na nadarama mula sa sugatang binti.
Yumuko sa tabi niya ang lalaki at akmang hinugot ang bagay na tumagos sa kanyang binti. Ngunit hindi niya ito matanggal. Hinubad niya na lang ang kanyang damit at binalot ito sa sugat. Pagkatapos ay binuhat niya ito sa likod at tumakbo sila. Alam niyang nahihirapan ang lalaki sa pagtakbo habang akay akay siya. Ilang sandali pa ang lumipas nang maabutan sila ng naunang lalaking kanina ay hinarap ang mga humahabol sa kanila. Hindi pa rin maaninag ni Errol ang dalawa. Ngunit ayaw niyang madamay ang mga ito sa nagbabadyang lagim.
Nilapag siya ng umaakay sa kanya sa lupa. Nagtatalo ang dalawang lalaki. Hindi pa rin niya maintindihan ang pinagsasasabi nila. Mahina ang kanilang boses, na tila galing sa malayo. Ngunit malapit lang sila kung kaya ay nagtataka talaga si Errol. Hindi niya rin mamukhaan ang mga ito. Parang kilala niya ang mga ito ngunit hindi siya sigurado. Ayaw niyang mapahamak ang mga ito dahil sa kanya. Sinigawan niya ang mga ito. “Iwanan niyo na ako dito! Iligtas niyo na ang mga sarili niyo!”
Hinawakan siya ng pangalawang lalaki sa pisngi at hinalikan siya sa noo. Bakit parang hindi iyon ang unang beses na hinalikan siya ng ganoon ng lalaking iyon?
Mabilis siyang inakay ng naunang lalaki at kinarga siya sa likod nito. Nilingon niya ang kanyang sugat. Ang damit na nakabalot sa kanyang binti ay napuno na ng dugo. Mabilis nilang sinuong ang makapal na gubat. Maingat na tinahak ng lalaking karga-karga siya sa likod ang pababang bahagi ng bundok. Tumigil sila sa isang nakakubling bahagi sa baba ng isang bangin. Ibinaba siya ng lalaki at tiningnan siya nito. Pilit na inaninag ni Errol kung sino ito, ngunit hindi niya talaga ito mamukhaan. Walang anu-ano’y hinalikan siya nito at niyakap.
Unti-unting umikot ang paningin ni Errol at naglaho ang paligid. Nang luminaw muli ang paligid ay nasa kagubatan pa rin siya. Ngunit nawala na ang dalawang lalaki. Wala ring humahabol sa kanila. Wala rin siyang sugat sa kanyang binti.
Nang iangat niya ang kanyang tingin ay nakita niya ang isang kubo mga ilang metro sa kanyang kinatatayuan. May umuudyok sa kanyang pumasok dito. Nang pumasok siya dito ay walang tao. Tumingin siya sa paligid ng masikip na kubo. Nakita niya ang isang baul sa sulok. Hindi niya alam kung ano ito pero may nag-uudyok sa kanyang buksan ito, at binuksan nga niya ito. Nakita niya sa loob ang mga kumikinang na bato. Parang nakita na niya ang mga ito ngunit hindi niya matandaan kung saan at kelan. Sinarado niya ulit ang baul at kinuha ito. Lumabas siya ng kubong tangay ang baul.
Walang anu-ano’y sinalubong siya ng isang babaeng tila ay galit na galit. Bigla siya nitong sinampal. Sa lakas ng sampal ay tumilapon siya. Nakita niya ang baul ilang talampakan mula sa kanya. Pinilit niyang tumayo ngunit hindi siya makatayo. Gumapang siya patungo sa baul, ngunit bigla siyang hinila ng babaeng nakaitim na sutana. May hawak na itong punyal. Sinipa siya nito. Napatihaya siya. Nakita niyang hinawakan na ng babae sa dalawang kamay ang punyal nito at itinuon sa dibdib niya.
Nagising si Errol na pinagpapawisan. Panaginip lang pala ang lahat. Katakataka ang panaginip na iyon. Ngunit mabigat ang pakiramdam niya. Parang may nakadagan sa kanya. Doon niya lamang napansin na may kamay na nakadagan sa kanya. Nang igalaw niya ang kanyang mga paa napansin niyang nakadagan din sa kanya ang mga hita at binti ni Ivan. Ngunit may isa pa siyang naramdaman, isang matigas na bagay sa kanyang likuran.
Ang kani-kanina’y takot na naramdaman dahil sa katakatakang panaginip ay napalitan ng kakaibang sensasyon na dulot ng pagkakayakap sa kanya ni Ivan at ang pagbangga ng matigas na bagay na iyon sa kanyang puwetan.
Hinaplos ni Errol ang bisig ni Ivan. Maskulado talaga siya. Matigas at matipuno ang kanyang braso, halatang nagbubuhat ito ng mga bakal sa gym. Dinama ni Errol ang balat ng natutulog na binata at ang mga pinong balahibo nito. Hindi na rin siya nakatiis at nilapit niya sa kanyang pisngi ang kamay ng katabing binata at inamoy ito. Pagkatapos ay nilingon niya ito. Mahimbing itong natutulog. Napangiti si Errol sa isang magandang tanawin. Ang gwapo niya talaga. At hindi lang siya gwapo, mabait at masayahin pa. Hay, kung naging babae lang siya ay pwede sana. Alam niya ang kanyang limitasyon, gaya ng limitasyon niya kay Erik. Lalaki sila. Babae ang hahanapin. Babae ang iibigin.
Habang hawak ni Errol ang kamay ni Ivan ay hindi niya namalayan ang pagtulo ng kanyang luha. Okay lang. Naiintindihan ko. Kapatid ang tingin sa akin ni Ivan. Naaalala niya sa akin si Jed. Nirerespeto ko ‘yon. Ganoon ang takbo ng isip ni Errol hanggang makatulog muli.
-------------------------
Abangan
May dalawang bagong karakter sa susunod na kabanata. Ano kaya ang magiging papel nila sa kwento?
Eeksena na naman si Cassandra. At may papaslangin siya. Sino kaya sa tingin ninyo ang bibiktimahin ng ating mad sorceress?
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
Salamat sir author! Kala ko bukas ka pa mag uupdate eh hehe XD
ReplyDelete-jcorpz
chineck ko email ko kasi. tinambakan ako ni boss ng maraming tasks. haha. hope you liked the update. salamat sa pagiging avid reader. :)
DeleteSalamat sa update boss
ReplyDeletethank you, miko, for being an avid reader.
DeleteSalamat sa update. Thrilling ang episode na to. Mixed feeling. Ibgat
ReplyDeletethank you, alfred. sana maupdate ko ang the mind bender later this week pag bakante na.
DeleteHi Mister Author. First time kong mag-comment sa story at talaga namang nagugustuhan ko yung flow ng istorya. Tho I must say na hindi ako fan ng supernatural parts. I often skip na lang those parts. Sayang. Pero I'll keep reading your story since kinikilig tumbong ko kila Errol and Ivan. Hindi lang talaga ako fan ng paranormal. Keep up the good work po.
ReplyDelete- Tim Tsui
thank you, tim. hihiling ako kung hindi kalabisan. sana you give the supernatural aspects of the story a chance, kasi yung supernatural na part ay essential part ng kwento. maaaring hindi mo maintindihan ang takbo ng story if you skip those parts. pero gayunpaman maraming salamat.
Deleteanother nice chapter author, keep pouring the updates and thanks for the update.
ReplyDeleteThank you, Robert.
Deletei love d story its just dat sana focus lang sa dalawa hehe
ReplyDeleteala na ung supernatural forces na parts.hehe
but still a good story to read on.
more power! :)
thank you! napansin ko rin nga na parang hindi trip ng half ng comment posters ang magical aspects ng story. pero hmmm, okay, ayoko na magspoil. hehehe basta. thank you for reading and dropping your feedback. :)
DeleteAyun nakahabol dn, haha from chapter 15-24. Pasensya na Sir Peter, nag-aadik na nmn kasi ako sa dota2. Haha.
ReplyDeleteHmmm, base sa mga naalala ko from the chapters of this story, my isang tao na nakatakdang makakagamit ng mahiwagang bato(orbs) w/ i guess is Errol and lolo b nya si Melchor? Pero wala akong pake sa kanya, kasi habang tumatagal mas lalo akong kinikilig k Ivan even though my dark past pala sya. Pero ok p rn si Erik sakin para k Errol kaso naalala ko my mangyayari nga pala between Ivan and Errol kaya medyo mas pabor ako k Ivan, haha
Tapos yung straight scene with Bryan and Cindy nakadagdag flavor dn sa story lalo na siguro yung new characters n darating. Sana mangyari na ang dapat mangyari sa nxt chapters.
ATTENTION sir Peter kung mangyayari n yung alam mo na k Errol and Ivan, please paki elaborate ng mabuti yung detailed scenes hahaha. Biro lng. THANKS nang marami sa update. Ingat
nako teka. pavirgin kasi yan si errol. ang weird ng feeling na nagbabasa ako ng reactions pero alam ko wala na akong mababago. pero thank you sa mga comments at syempre lalo na sa paglaan ng oras sa pagbabasa.
Delete<<<-RavePriss nga pala, nakalimutan kong magpakilala haha
Delete