Followers

Tuesday, August 11, 2015

Trombonista ng buhay ko CHAPTER 1





DISCLAIMER


The public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote neither exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved. 



Trombonista ng buhay ko
By: Bluerose
CHAPTER 1



       Life?

       Sinong bang ayaw ng perfect life?

       Sino bang ayaw ng magandang buhay?

       Sino ba ayaw ng masayang pamumuhay?

       Lahat naman tayo naghahangad ng isang perpektong buhay kung saan lahat tayo masaya, Kung saan lahat tayo nabubuhay ng maligaya. Ako? Well sabi nila the best place to think ay sa banyo? Haha seryoso yun! Kaya ako? Araw araw tuwing papasok ako sa CR at kapag nagsimula na gumana yung napakaraming neurons ko sa utak, May pitong salita ang laging pumapasok sa utak ko. “ I’ve always wanted to have a life.”

       Araw araw, bawat pasok ko sa Cr yang pitong salitang yan yung binubulong ko. Pero kasunod niyan ay dalawang tanong na napakahirap sagutin.

       What kind of life do I want?

       And

       What kind of life do I need?

       Napakadaling itanong pero nakapahirap bigyan ng sagot, Ano nga bang gusto ko at ano ang kailangan ko? It’s like choosing between heaven and hell. Yung gusto mo kahit alam mong mali o yung kailangan mo dahil ito yung tama. 

       And that is life, COMPLICATED.

       This is me and welcome to my story. 

       Wink!

       Napakadaming tao sa paligid ko ng mga oras na yun kahit nakapikit ako damang dama ko yung paligid ko, bawat paghakbang at yabag nila naririnig ko, bawat salitang lumalabas sa bibig nila napapakinggan ko. Tumungo lang ako saka nag antanda.  

       “ Dear God, Sometimes it’s hard for me to understand what You really want to happen but I trust You. I know You have plans and You will give me what’s best and What I deserve. Thank you Lord for keeping me safe and alive everyday.” Dasal ko habang nakaluhod. Nasa loob ako nun ng simbahan, katatapos lang ng misa pero nanatili ako dun para manalangin.

       Let me introduce myself, I am Mark Salazar. Cetified believer pero hindi ni Justin bieber huh! Haha Kundi ng ating Panginoon. Naniniwala ako sa kapangyarihan at walang hanggang pagmamahal Niya sa tao. Family? Si God, Well bukod sa kanya syempre I have my parents. Nagtatrabaho yung mommy ko sa Japan and my Daddy is in United kingdom, Trabaho nila? ayoko na malaman at hindi na yun importante basta ang alam ko sila ang magulang ko and I love them kasi galing ako sa kanila. Hindi man sila naging perperktong magulang, Di naman sila nagkulang punan lahat ng pangangailangan ko.

       That is something na dapat ipagpasalamat.

       Mula ng magkaisip ako inilapit na ko sa Diyos hindi man ng mga magulang ko pero ng mga taong ginawang instrumento ng Diyos para mapalapit ako sa Kanya. Sampung taong gulang ako nun nung una akong magsilbi sa simbahan, dun ko unang naramdaman na may pamilya ako at yun ay si God. I’m Mark Salazar one of the Knights of the altar, Sakristan sa madaling salita.

       Si God? Iiwan ka ng lahat pero Sya? Hindi, Napatunayan ko na yun, Mawawala lahat pero sya hindi, kasi lagi S’yang nasa puso mo para samahan ka tuwing nararamdaman mong nag-iisa ka. May Diyos na laging nakagabay sa atin at sasabay Sya sa bawat hakbang na gagawin mo, sasabay Sya sa bawat lipad mo kasabay ng hangin, poprotektahan ka Niya sa bawat hagupit ng bagyo at katabi mo Sya sa bawat bahaghari na dadaanan sa buhay. Si God? Mahal ka niya.

       Mahal na mahal.

       “ In the name of the Father, the Son and the holy spirit. Amen” antanda ko saka dumilat, ngumiti lang ako saka humugot ng malalim na hininga. Ilang sandali ko pang pinagmasdan yung imaheng nasa pinakasentro ng simbahan na yun saka tumayo at kinuha yung gamit ko sa upuan.

       “ Bye Dude, bukas uli.” Ngiti ko saka sumaludo sa imahe ni Jesus.

       Maghahapon na nun pero napakadami paring pumapasok at lumalabas sa simbahan. Mga taong nagdadasal hindi para magpasalamat kundi para humingi ng tulong. Nang mga oras na yun sa bawat taong dinadaanan ko mababakas sa mukha nila yung hirap ng buhay, mga taong tanging Panginoon lang ang kinakapitan, Tulad ko.

       Tulad ko na Sya lang ang pamilya.
       Ika dalawapu’t dalawa ng nobyempre nun, Bisperas ng pista ng bayan. Isa sa pinaka importante at pinakamasayang okasyon na pinagdiriwang ng simbahan na to, Ang pista ni Senyor San Clemente. 

       Tumigil lang ako sa malaking pinto ng simbahan saka pinagmasdan yung nakapadaming tao sa labas. Ibang iba sa mga taong nasa loob, dito may mga ngiti sila sa labi, yung iba nagtatawanan. Karamihan sa mga ‘to alam ko hindi ang Diyos ang dahilan kung bakit narito, Iba’t ibang rason, iba’t ibang dahilan kung bakit sila nasa simbahan, yung iba para ibalandra yung bago nilang damit, yung iba naman para makipagkita sa kanilang mga syota, Yung iba? Wala lang, Fiesta eh! Haixt marami ang nakakalimot kung ano nga ba ang totoong pananampalataya.

       Palaganapin ang salita ng Diyos? Uhmm baka mapaaway nanaman ako kaya next time nalang, haha

       “ Mark, Manunuod ka ng freworks display mamaya?” salubong sakin ni Ivan isa sa mga kasamahan kong sakristan.

       “ Yeah kasama ko si Sofhie, magseserve ka ba mamaya?”

       “ Oo, bago yung program and fireworks display.”

       “ Ok, Tomorrow morning ako eh.”

       “ 4 am yun di ba? Di ka ba sasama sa parada bukas?”

       “ After ng mass uuwi muna ako then hihintaying ko nalang sa plaza yung parada saka sasabay sa group natin.” tumango naman sya. “ Ikaw sasama ka ba?”

       “ Oo pero may sarili kasi kaming grupo eh, Mga classmate ko if you want samin ka nalang sumabay, mas masaya bro.”

       “ Talaga? Uhm.”

       “ Bro kung iniisip mong baka ma-OP ka or kayo ng syota mo? Fiesta bro! Kahit anong trip niyo okay lang sasabayan namin.”

       “ Ok lang bang sa inyo kami sumama ni Sofhie?” 

       “ Oo naman, Sige pasok na ko lilinisin ko pa yung mga gagamitin ni father mamaya, malamang nasa loob na yung mga kasamahan natin. Kitakits nalang mamaya, Viva San Clemente!! ” masiglang saad niya.

       “ Viva!” natatawang saad ko saka sya nilampasan. Nilanghap ko lang yung hangin saka ngumiti at nagsimulang maglakad habang hawak yung nakatuping sutana ko. Tumatango lang ako kapag binabati ako, kadalasang mga matatanda na laging laman ng simbahan haha Napakadami din kabataan ang ang nakasunod ang tingin sakin.

       White shirt, Black pants at black shoes. Normal na suot ko after ng misa I mean normal na suot ng mga sakristan after ng misa kaya alam ko kapansin pansin ako para sa iba. Ang pagiging sakristan ata ay parang pagmamadre ang tingin ng lahat ng tao sayo, Mabait ka, fine edi panindigan haha. 

       Malapit na ko sa gate nun ng simbahan ng biglang may humila sa braso ko. 

       “ Mark Salazar finally nahuli din kita!” ngiti ng isang lalake, Marahan naman akong tumango base sa bihis nito malalaman mo na yung kasiraan nito. Nakablouse to at maikling short na hindi tamang kasuotan para sa ganitong lugar. Haixt yaan na nga haha. “ First of all happy fiesta!! I’m Tricia.” ngiti nito saka nilahad yung kamay sakin, tumango naman ako saka to tinanggap. “ Isang picture lang please?”
  
       “ Ok.” pilit na ngiti ko, tinapat naman nito sakin yung cellphone pero natigilan to ng may makita sa likod ko.

       “ Papa Ethan!” sigaw nito kumunot naman yung noo ko.

       “ Look I have to go, may kailangan pa kong gawin eh.” 

       “ Please, Isang picture lang kasama si papa Kent and Papa Ethan ko remembrance lang.” ngiti nito saka naglakad papunta sa dalawang lalakeng nakita niya na parehas may nakasabit na malaking bag sa likod, tingin ko instrumento yung mga yun. Nakita ko naman na hinila nito yung dalawa papalapit sakin.

       “ Tricio ano ba yun bakit ka ba nanghihila?” reklamo nung dalawa, tinulak naman silang dalawa papalapit sakin.

       “ Langhiya ka Kent, Tricia hindi tricio!.” simangot nito. “ Dali ngumiti kayong tatlo.” utos nito napatingin naman silang dalawa sakin.

       “ Ah eh.”

       “ Sino sya?” tanong nung Kent habang nakatingin sakin. Agad naman akong umiwas ng tingin.

       “ Super Crush kong sakristan, Ang gwapo di ba.” kindat pa nung kumukuha ng picture samin, naramdaman ko naman yung pag init ng pisngi ko.

       “ Namumula ka tol.” natatawang saad pa nung isa.

       “ Ethan ngumiti ka na dali wag mo daldalin si Mark!” umakbay naman yung Kent kay Ethan saka ngumiti. Ethan pala name niya, aixt.

       “ Bilisan mo na Tricio! Tutulungan ko pa si Mama magluto sa bahay.” pagmamadali ni Kent, Nang mga oras na yun hindi ko mapigilan yung mga mata kong wag syang tingnan. Mula sa perpektong hugis ng mukha nito hanggang sa magagandang mata na may mahahabang pilik mata, Matangos na ilong at makipot at mapulang labi na nagbibigay ng kakaibang ngiti na tila humihila sakin. Sya si Kent madalas ko syang nakikita sa simbahan pero kahit minsan hindi kami nagkausap or magkatabi man lang.

       Sa mga naririnig ko silang magkaibigan ang apple of the eye ng mga kabataan dito. Mukha ngang mas sinasamba pa sila kesa sa lalakeng nakapako sa krus na sinakripisyo ang sariling buhay para sa kaligtasan ng sanlibutan.

       Oopps, pasensya ang hirap pigilan wag mag preach about God hehe.

       “ Closer Mark, ano ba kayong dalawa sali niyo si papa Mark.” lumingon naman sakin si Kent saka tumango at umakbay din sakin para namang may dumaloy na kakaibang kuryente nagmula sa balat niya papunta sa kaibuturan ng pagkatao ko. “ Ang gwapo niyong tatlo! Shutangina! Papa Mark Plus papa Kent and Ethan!”

       “ Gusto mo sapakin kita? Hindi ka namin anak kaya pwede ba tigilan mo yung kakatawag samin ng Papa?” simangot ni Kent.

       “ Arte mo Kent kala mo naman virgin!” ngiti nito.

       “ Hoy Tricio kahit di na ko virgin, masarap parin ako at wag kang umasang matitikman mo ko, di mo ko afford.” sarkastikong saad nito, nakagat ko naman yung labi ko. Napansin ko lang yung braso niya na nakapatong sa balikat ko, Ang kinis nito at ang puti, Nalalanghap ko rin yung pabango niya. Shet!

       “ Dali na ang bagal.” simangot ni Ethan.

       “ Oo teka, buti pa si Ethan virgin.” ngiti nito.

       “ Tang ina ka Tricia huh! Bilisan mo na yan.” simangot ni Ethan. Haixt first language ata nila yung murahan, di ko na nabilang kung ilang beses sila nagmura haha.

       Ilang sandali pa ng magflash yung cellphone.

       “ Yan okay, isa pa.” ngiti nito. “ Wacky naman.”

       “ I really have to go.” pilit na ngiti ko saka tinanggal yung kamay ni Kent na nakaakbay sakin.

       “ Isa pa Mark?”

       “ I’m sorry, hinihintay ako ng girlfriend ko eh.” Saad ko saka humakbang pero natigilan ako ng bigla akong hawakan sa braso ni Kent.

       “ Teka, I’m Kent and this is Ethan. Part kami ng Banda bente uno.” saad nito napagmasdan ko naman si Ethan, shet! Oh forgive me, Ang pula ng lips niya at yung kakaibang mga mata na tila ang sarap titigan, Yung tila perpektong ilong niya na pwede kang magpadulas sa sobrang tangos nito at yung kinis ng balat at ganda ng tindig. Ang lakas ng dating. Ngumiti naman sya sakin kaya agad kong iniwas yung tingin ko.

       “ Nice to meet you Bro, Banda bente uno” ngiti nito. 

       “ Yeah nakikita ko nga sa damit niyo.” pilit na ngiti ko saka tinuro yung tshirt niya na may tatak ng banda nila, kita ko naman na natawa si Kent dahilan para mapalunok ako! Oh God! Ang lakas ng sex appeal niya.  “ I’m Mark, Mark Salazar uhm if you don’t mind, yung kamay mo.” saad ko na tinuro yung kamay ni Kent na nakahawak parin sa braso ko. Nagkibit lang sya ng balikat saka tinanggal yung kamay niya at nilagay sa bulsa. Haixt, Shet! Kakadasal ko lang pero ito nanaman ako.  “ Bye, I have to go.” saad ko saka agad naglakad.

       “Bye Papa Mark!” habol pa sakin nung tricio.

       Oo Naattract ako sa kapwa lalake, Gay? Don’t know pero lagi kong hinihingi ang guidance ng nasa taas para gabayan ako sa bagay na to. Tuwing may nararamdaman akong atraction sa isang tao pilit ko na tong iniiwasan, Lalo na sa isang lalake.

       Kent.... Ekis! Kahit yung Ethan malaking ekis din! Masyadong malakas ang dating nilang dalawa.

       Pinilit ko naman silang burahin sa utak ko, dumikit palang yung balat ni Kent sakin pakiramdam ko nag init na yung buong katawan ko. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka umiling. BIG NO! Minsan kailangan mong lumayo sa tukso para maiwasan magkasala. 

       Big NO! Erase, Umiling lang ako saka mabilis na naglakad.

       Napakadaming tao na naglalakad lang din tulad ko dahil walang masakyan dahil karamihan sa kalsada ay sarado dahil sa fiesta.

       Habang naglalakad, nakangiti lang ako habang pinagmamasdan yung nag gagandahang bandiritas na nakasabit sa taas ng kalsada, bawat street na madadaanan mo ay may naiibang palamuti sa kanilang mga arko.

       Siguro kung may bagay man na naitulong sakin ang pagiging sakristan ko is this, be able to see this kind of beauty, this kind of happiness. I am able to experience how to be a normal people, umiikot ang mundo ko mula sa bahay, School at dito sa simbahan, Well simbahan ang nagpakita sakin kung gaano ba kalaki ang mundo. Haha!

       Pagdating mo sa pinakabayan ay halos di mahulugang karayom yung kalsada sa dami ng tao, mula sa napakadaming vendor sa paligid na kung ano ano ang inaalok, mula sa medyas hanggang sa sobrero, mula gamit sa kusina hanggang panglinis ng banyo.

       Lahat ng kailangan mo makikita mo kapag ganito ang okasyon.

       Buhay na buhay ang paligid, Damang dama mo yung fiesta.

       Ilang minuto din ako nakipagsiksikan hanggang makarating ako sa paradahan ng mga tricycle kung saan maluwag nang nakakadaan ang mga sasakyan. Agad naman akong sumakay dito.

       “ Happy fiesta iho, saan tayo?” ngiti nung driver, sinabi ko naman dito yung subdivision kung saan ako nakatira, bago umandar yung tricycle nahagip pa ng mata ko si Ethan and Kent na nagtatawanan habang naglalakad.

       Agad ko naman iniwas yung tingin ko sa kanilang dalawa.

       Mukha silang manhole parehas, Kapag di mo iniwasan mahuhulog ka.

       Aixt Aixt baby! haha

       Kinuha ko lang yung cellphone sa bulsa ko saka binuksan yung message sakin ni Mommy kanina. Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko. 

       Hindi nanaman uuwi si Mommy ngayong taon. Haixt kailan ba ko masasanay? Sa labing walong taon ko sa mundo, Never ko pa syang nakita ng personal, Nakakatawa na hanggang ngayon umaasa parin akong makikita sya at uuwi ng Pilipinas.

       Kundi sa skype, sa facebook lang kami nagkakausap na mas madalang pa sa pagpapakita ng full moon sa gabi. Si Daddy naman, Tumatawag isang beses sa isang taon well nasanay na ko sa ganung set up at tanggap ko na may sarili ng buhay at pamilya ang mga magulang ko.

       My life? Hindi sya perfect haixt! Yaan na nga.

       Pagdating ko sa bahay sinalubong lang ako ni Yaya Glenda para kunin yung mga dala ko.

       “ Iho may bisita ka ba bukas?” tanong nito pagpasok ko sa bahay. “ Tumawag kasi yung Mommy mo, Maghanda daw tayo eh?”

       “ Wala naman po akong bisita bukas pero po magluto po kayo para maramdaman ko naman po yung fiesta dito sa bahay natin.” ngiti ko.

       “ Sige iho, Anong gusto mong lutuin ko?”

       “ Uhmm Tuna pasta po Yaya and..”

       “ Mark!!” Sigaw mula sa taas ng hagdan. Napangiti lang akong makita si Sofhie na nakatayo dun. Patakbo naman tong bumaba ng hagdan saka yumakap sakin. “ Kanina pa ko dito nakakainis ka di ba sabi ko ngayon ang uwi namin!” hampas niya sa balikat ko. Sino sya? My Girlfriend sa ngayon dalawang taon na kaming magkarelasyon, Going strong! Minsan mahirap sya intindihin pero ganun naman ang mga babae di ba? Yaan nalang haha.

       “ Nagserve kasi ako.”

       “ Nakakaselos na yang si God huh.” simangot niya habang nakatingin sa mukha ko. Binigyan ko naman sya ng mabilis na halik sa labi. 

       “ Wag ka na magtampo, Anyway how’s your vacation?”

       “ 2 days? Wow huh vacation ba yun sana nga di nalang ako sumama kasi business lang inatupag ni Mom and Dad sa baguio.” saad niya saka lumingon kay Yaya Glenda. “ Uhm Yaya why?”

       “ Uhm Mark tuna pasta at ano pa gusto mong ipaluto?”

       “ Yaya kayo na pong bahala.” ngiti ko marahan naman tong tumango saka naglakad papunta sa kusina.

       “ Yang yaya mo talaga ayaw sakin noh?” Simangot ni Sofhie natawa naman ako saka kinurot yung pisngi niya,

       “ Yaan mo na! Kumain ka na ba?”

       “ Yeah, pero may pasalubong ako sayo.”

       “ Pasalubong?”

       “ Yeah, sarili ko.” saad niya saka ako hinila paakyat sa hagdan. “ Ako ang nagbirthday pero ikaw ang may gift from me.”

       “ Dahan dahan Sofhie.”

       “ Dali.” hila niya sakin hanggang makarating kami sa tapat ng kwarto ko. “ Are you ready?”

       “ Uhm I think so?” Pilit na ngiti ko dahan dahan naman niyang binuksan yung kwarto ko hanggang matulala ako ng makita yung napakaraming pulang lobo sa loob. “ Anniversary ba natin? Monthsary? Valentines in November?”

       “ Hindi.” iling niya.

       “ Eh ano meron?”

       “ 18 na ko? At pwede na.” pilyong ngiti niya, natigilan naman ako saka sya tinitigan sa mukha.

       “ Pe-we-de nng a-alin?” nauutal na saad ko.

       “ Alam mo na yun!” saad niya saka ko hinila sa loob ng kwarto at agad sinara yung pinto. 

       “ Teka Sofhie.” awat ko sa kanya ng hawakan niya yung belt ng pantalon ko. “ Teka lang.”

       “ What Mark? This is it!” saad niya saka binaba yung zipper.

       “ Pero Sofhie?”

       “ Prove to me that you are not gay and I want it now!” ngiti niya saka binaba yung pantalon ko. Pilit ko naman tong tinataas pero kinurot niya lang yung kamay ko. 

       “ Ouch!”

       “ 18 na ko Mark at pwede mo na kong mabuntis at magpapabuntis na ko sayo.” nakangiting saad niya, napangiwi naman ako.

       “ Are you out of your mind?!!” di makapaniwalang saad ko. Sa loob ng dalawang taon naging rule na sa relasyon namin na bawal ang sex hanggang romansahan lang dapat, halik dito, halik kung saan saan pero kahit ganun nakita ko na syang nakahubad at ganun di sya sakin, Bilangan ng nunal? Kabisado niya na! haha. Hindi ko na binilang yung sa kanya ang dami eh haha!

       “ I really want it.” madiin na saad niya habang nakatitig sa mga mata ko. “ Understand?! I want it.” nang aakit na saad niya hindi ko lang mapigilang mapalunok. Sobrang ganda ni Sofhie yung bilugang mga mata niya, Maliit pero pointed na ilong niya hanggang sa labi niya na napakasarap halikan. She is perfect sana kung babaguhin niya yung ugali niya haha. “ Mark I really want it.” 

       “ Seriously?”

       “ Seriously.” Ngiti niya saka pinasok sa underwear ko yung kamay niya, nakagat ko naman yung labi ko saka napatingala ng maramdaman yung palad niya na dumadampi sa ari ko. “ Ang sarap talaga hawakan nito.”

       “ Oh, God.” bulong ko. Hinigit naman niya yung tshirt ko saka ako tinulak papunta sa kama. “ Sofhie, mali ‘to kasalanan ‘to eh.”

       “ Kasalanan? Edi makasalanan ako.” ngiti niya saka ako inupuan habang tinataas niya yung Tshirt ko.

       “ Sofhie?” saad ko pero nagbigay lang sya ng nang aakit na ngiti habang dahan dahang hinuhubad yung blouse niya. Hanggang tumayo sya saka binaba yung mini skirt niya. “ Sofhie ayoko.” seryosong saad ko.

       “ Gusto ko at wala kang magagawa.” ngiti niya saka dahan dahang binaba yung panty niya, napalunok naman ako ng makita yung nasa pagitan ng mga hita niya. “ Don’t you like it?”

       “ Shit!” sapo ko sa noo ko. Naramdaman ko naman na lumuhod sya sa pagitan ng mga hita ko saka dahang dahang binaba yung brief na suot ko. “ Oh God!” bulong ko saka tinakpan yung ari ko. “ Sofhie stop it please?” Pinagpapawisang saad ko.

       “ Mark naman eh!” inis na saad niya pinunasan ko naman yung pawis sa noo ko saka pilit na ngumiti sa kanya. “ Kung ayaw mo bakit matigas yan?” hawak niya sa ari ko saka marahan nagtaas baba yung palad niya dito. 

       “ Tao ako Sofhie.”

       “ Makasalanan.” ngiti niya.

       “ Yeah, Please stop this, Gusto ko to pero hindi kasi tama eh. Gusto ko kung ikaw na yung ihaharap ko sa altar, Sofhie gusto ko malinis ka.” saad ko. “ At nirerespeto kita.” kita ko naman yung pag iwas niya ng tingin. Ilang sandali pang wala syang kibo saka napabuntong hininga.

       “ Mark ang tagal kong hinintay mag 18 ako, sawang sawa na ko sa halik, sundot na ginagawa natin.” simangot niya saka humiga sa tabi ko. Humarap naman ako sa kanya saka sya niyakap.

       “ Masarap naman yun ah.”

       “ Syempre gusto ko ipasok yang junjun mo sakin, Gusto ko maexperience yun.” natawa naman ako ng payak, well si Sofhie mukha syang conservative pero kabaliktaran nun yung ugali niya, Vulgar sya magsalita lalo na kapag sex ang usapan, Open kami sa usaping yun at may malawak akong pang unawa sa mga ganun bagay, Nung una naiilang ako kapag ganun ang topic namin pero sa kalaunan nasanay narin ako. Natanggap ko na, na ang girlfriend ko ay sabik sa sex haha yaan na nga!

       “ You’re still a virgin right?” ngiti ko sa kanya.

       “ Oo naman.”

       “ Graduate muna tayo, tapos kapag kasal na tayo kahit oras oras gagawin natin.” ngiti ko sa kanya saka hinarap yung mukha niya sakin. “ Please?”

       “ Mark alam mo nakakainis ka eh, dapat ako yung pinipilit mo makipagsex eh, ikaw ang lalake pero ikaw pa tong tumatangi! Shit naman eh, ito na ko oh hubad na hubad sa harapan mo ang kailangan mo nalang gawin samantalahin tong magandang hain ng Diyos! Masyado ka ng mabait eh! Alam ko mukha kang mabait pero damn it! Gusto ko din makita yung devil side mo?” natawa lang ako saka sya pinatungan at masuyong hinalikan sa labi. Pababa sa malusog niyang dibdib, rinig na rinig ko naman yung mahina niyang pag ungol.

       “ Oh Mark can we do it please?”saad niya bumaba naman yung halik ko papunta sa puson niya. “ May kiliti ako jan.” natatawang saad niya napangiti naman ako saka to masuyong dinilaan pababa sa bahaging yun ng katawan niya.

       “ Hanggang dito lang muna tayo Sofhie saka na yung alam mo na.” saad ko habang nakangiting nakatingala sa kanya.

       “ Whatever.”

       This is me, I’m not perfect mukhang mabait pero maraming bagay na tinatago, Mga bagay na kahit ako di ko maintindihan. I am believer, Nagpapasalamat sa bawat biyaya at humihungi ng tawad sa bawat pagkakamali.    

      

SI KENT


       Destiny?

       Bitter lang ang hindi naniniwala sa salitang yan.
       Sino nga ba ang hindi nangangarap mabigyan ng magandang pagkakataon ni tandhana?

       Sino nga bang ayaw maging masaya ng dahil kay Tadhana?
       
       Destiny? Isang salita na nagbibigay ng walang hanggang pangako. Naniniwala ako na may nakatadhana sakin, pwedeng ikaw at ako or ako at ikaw? Simple lang naman ang takbo ng buhay, aayon to sa gusto mo o sasaliwa to sa mga bagay na ayaw mo, Simple lang it’s like choosing between right or wrong, Good or bad. Ganun lang kasimple na ginagawang kumplikado ng mga taong hindi alam kung saan pupunta.       

       Katoliko ako, bininyagan at kinumpilan bilang kristyano bata palang ako tinanim na sa utak ko na ang ang Diyos ang pinakamataas sa lahat, Pero sorry ka nalang kasi ang religion na yan para lang sa mga tanga.

       Diyos? Religion? Bullshit! I have myself and that’s enough.

       Hindi ako naniniwala sa diyos pero naniniwala ako that there’s a creator. Creator na gumawa ng lahat ng ito,mula sa layo natin sa araw hanggang sa layo ng araw mula sa atin, mula sa pagsilang mo hanggang sa pagakamatay. Creator, at hindi sya yung sinasabi mong diyos. Creator who made perfect creation and who ever he is I know he wants me to live my life the way I wanted.

       I’m Andre Kent Lee hindi ko man pinaniniwalaan ang diyos na sinasamba mo pero sisiguraduhin kong pag naghubad ako sa harap mo, makakalimutan mo ang kahit sinong santo na kilala mo, kasi hindi mo lang ako basta sasambahin, luluhuran mo pa ko.

       This is me and welcome to my story.

       “ Pustahan tayo tol, Bakla yung Mark na yun.” natatawang saad ko kay Ethan habang sabay kaming tumitingin sa mga paninda sa plaza

       “ Oh eh ano naman kung bakla yun?” 

       “ Wala lang, ang gwapo eh yung lips niya pre hugis puso, tang ina kahinaan ko yung mga ganun eh, virgin pa kaya yun?” 

       “ Malay ko at hindi ako interesado, Tingin mo ano kaya magugustuhan ni Kate? Gusto ko sya ibili ng regalo eh.” saad niya na ang tinutukoy ay yung girlfriend niya na hindi ata kumakain sa sobrang payat. 

       “ Tol, kahit bra iregalo mo dun matutuwa yun. Patay na patay sayo eh kung hindi lang dahil sa sobrang konserbatibong tatay nun malamang nabuntis mo na yun.” Simangot ko. “ Wait Oo nga pala, Bra? Wala nga palang dibdib yun, puro likod.” tawa ko pa.

       “ Gago ka seryoso ako tanga.”

       “ Regaluhan mo ng pinggan, Mukhang di kumakain yang syota mo sa sobrang payat eh.”

       “ Sasapakin na kita?” amba niya sakin natawa naman ako.

       “ Hindi ka ba nagagwapuhan sa Mark na yun?’

       “ Hindi? Mukha syang babae Actually, Ang cute nga niya nung namula sya kanina eh.” saad niyang sa mga paninda nakatingin. “ Mukhang malinis pero pustahan tayo tol ang daming baho nun sa katawan.”

       “ Makapanghusga ka naman.”

       “ Seryoso gago, Hindi porket nagsisilbi sa Diyos malinis na! Nasa simbahan sya lagi? Ibig sabihin niyan makasalanan sya pustahan pa tayo eh.”

       “ Eh di ba lagi tayong laman ng simbahan.”

       “ Nasa balcony lang tayo.”

       “ Pero nasa loob parin.”

       “ Edi nasa simbahan, pero di ko dinadasalan yung isang bagay na bunga ng malikot na imahinasyon ng mga tao.” Sarkastikong saad ni Ethan, natawa naman ako ng payak.

       He’s an Atheist, Hindi naniniwala sa Diyos parehas kami sa ganung aspeto pero magkaiba kami ng pananaw tungkol sa mundo.

       “ Ewan ko sayo ayoko kita kausapin tungkol sa simbahan, mapipikon lang ako sayo.” simangot ko natawa naman sya. Sya si Ethan naging barkada ko sya simula ng mapabilang ako sa musiko, kadalasan kami yung magkasama dahil magkatabi lang naman yung bahay namin.

       Marami kaming bagay na pinagkakasunduan pero tang ina mas marami ang hindi! Haha Pangarap niya daw maging kontrabida eh haha. Biro lang!

       “ Hindi ka naman relihoyoso di ba?”

       “ Hindi nga pero hindi naman ako hater noh, Hindi ako naniniwala sa Diyos nila at sa lahat ng bagay na pinaniniwalaan nila, Wala akong paki sa simbahan basta ako kumakain, humihinga, okay na ko dun, Hindi ako katulad mo noh.”

       “ Atleast, Di ka naniniwala sa Diyos nila.”

       “ Alam mo siguro kung ikukulong ko kayo nung Mark na yun sa isang kwarto? Tang ina! Baka magpatayan kayo sa loob.”

       “ Baka nga!” tawa niya. “ Papatayin ko sya sa inis.” saad niya, napangiti naman ako. “ Bakit?”

       “ Iba yung nasa isip ko tang ina!”

       “ Huh?”

       “ Iniisip ko papatayin mo sya sa sarap, Tol ako muna titikim dun huh.”

       “ Gago!”

       “ Pero tol seryoso ang gwapo niya, Ang inosente bro ang sarap tirahin nun.”

       “ Wag mo sabihin na dahil jan sa mga bakla mong customer naging bakla ka na din?”

       “ Nakakatawa.” simangot ko.

       “ Biro lang, Ano ba kasi meron sa Mark na yun?”

       “ Pera! Mukhang mayaman eh, sigurado kapag naakit ko yun tiba tiba ako dun tol. Bukod sa mukha syang masarap isex, pagkakakitaan ko pa sya. Ganun yung mga gusto ko, Malinis.”

       “ Malinis na masarap dumihan?”

       “ Tumpak pare, Tang ina kapag nahulog sakin yun, wasak sya sakin.”

       “ Sus type mo siguro noh, Bakla ka na tol, lumayo ka sakin!” natatawang tulak niya.

       “ Gago! Tol, Pera! Pera lang niya kailangan ko sa kanya at syempre ang makita na subo subo niya ang-”

       “ Tingin mo magugustuhan ni Kate tong Bag na to?” putol niya sa sasabihin ko habang hawak yung pink na bag.

       “ Tol naman eh.”

       “ Ano tingin mo maganda ba to?” saad niya napakamot naman ako sa ulo, seriously gusto ko makita si Mark habang subo subo ang alaga ko, tang ina iniimagine ko palang nag iinit na ko. 

       “ Oo pwede na.” ngiwi ko.

       “ Ok, manong magkano to?”

       “ 350.” saad nung tindero.

       “ Ang mahal naman!” simangot ni Ethan npakamot naman ako sa ulo.

       “ 340 nalang?”

       “ 200 manong, last price.” saad ni Ethan.

       “ Hindi pwede, 330.”

       “ Edi hindi pwede, dun tayo sa kabila Kent may nakita akong ganitong bag dun eh.” lapag ni Ethan sa bag. Si Ethan ang pinakakuripot na makikilala mo! Pwera nalang kung mahal ka niya kasi ibibgay niya kahit puri niya maging masaya ka lang haha.

       Malas nga lang, hindi yun pwede sa tatay ng girlfriend niya haha.

       “ 200 nalang!” simangot nung tindero.

       “ Sabi sa inyo 200 lang yan eh.” ngiti pa ni Ethan saka kinuha yung wallet niya. “ Bro pautang ng isang daan.” siko niya sakin.

       “ huh?”

       “ Pautang?” 

       “ Tang ina ka naman tol eh!”

       “ Dali na, babayaran ko mamaya wala akong dalang pera eh.” ngiti niya.

       “ Bibilihin niyo ba o hindi?” saad nung tindero.

       “ Teka lang naman manong, umuutang pa kasi ako sa gagamit ng bag na yan eh.” ngiti ni Ethan.

       “ Gago ka.” asik ko sa kanya.

       “ Joke lang dali na.” humugot naman ako ng malalim na hininga saka kumuha ng isang daan sa wallet ko.

       “ Pasalamat ka mapera yung baklang nakainuman ko kagabi.” simangot ko. Pagkakuha niya ng bag ay nagsimula na kami maglakad pauwi.  “ Pare alam mo type ka nung nakainuman ko kagabi, mukha ka daw masarap.” ngiti ko sa kanya habang naglalakad. 
       
       “ Sabihin mo maglaway sya.” natatawang saad niya.

       “ Tang ina bro mapera yun!”

       “ Tang ina ka din, di ko kailangan ng pera niya.”

       “ Sus sinong tao ba ang hindi kailangan ng pera?”

       “ Ako?”

       “ Mukha mo, nangutang ka nga ng isang daan sakin eh, Wag mo na bayaran yun basta makipagdate ka dun sa baklang kasama ko kagabi.”

       “ Neknek mo, Ano yun pagkatapos ka niyang chupain isusunod niya ko? Masyado naman syang swerte.”

       “ Walang nangyare samin, nalasing ang gago, nakatulog. Palad ko lang kasiping ko kagabi.” tawa ko.

       “ Eh bakit ka binigyan ng pera?”

       “ Sabi ko bawat hipo limang daan eh, eh naubos pera niya kakahipo!”

       “ Gago ka talaga.” natatawang saad niya.

       “ Sige na bro utakan lang yan, pagbigyan mo na? Itetext ko.”

       “ Shut up Kent, Hindi ako interesado.”

       “ Ang arte mo naman!”

       “ Si Kate lang kakantutin ko gago.”

       “ Mukha mo! Ni halikan nga bawal yun, sex pa kaya?”

       “ Edi pagdating ng panahon.” kinuha ko naman yung kamay niya saka hinaplos. “ Ano ba?”

       “ Tinitingnan ko lang kung gano na kakapal yung kalyo ng palad mo, Tang ina tol pag pahingahin mo naman yan, hayaan mo naman ibang palad ang humawak jan sa alaga mo or mas masarap tol kung ipapasubo mo.” hinila naman niya yung kamay niya.

       “ Masaya na ko sa palad ko,

       “ Ang tanong masaya ba yung alaga mo sa palad mo? One sided love yan tang ina!” ngiti ko. “ Bigyan mo naman ng experience yan!” dakot ko sa alaga niya, agad naman niya kong tinulak saka sinuntok sa braso.

       “ Gago ka!” asik niya sakin, natawa naman ako.

       “ Seryoso bro, Pagbigyan mo na yung baklang yun, Limang daan bawat hipo hindi ka na talo tol.”

       “ Tigilan mo ko Kent, Ano lulutuin ng Mama mo?”

       “ Menudo malamang, Tang ina ka naman iniiba mo usapan eh, Pagbigyan mo na please?”

       “ Ayoko nga.”

       “ Haixt choice mo na yun tol kung magpapachupa ka eh.”

       “ Ayoko.”

       “ Bibigyan kita ng isang libo makipagkita ka lang dun.” saad ko napatingin naman sya sakin. “ Ah eh kasi..”

       “ Wag mo sabihin na nagadvance ka na ng pera? Gago ka eh noh!”

       “ Binigyan niya ko ng dalawang libo kahapon, sabi ko kasi pipilitin kita makipagkita sa kanya eh.”

       “ Gago ka! Bahala ka jan ayoko.”

       “ Dali na tol, quits na lahat ng utang mo sakin.”

       “ Ayoko Kent, Kilala ko yan mga ganyang uri ng bakla, magsasawa yan kakahipo at tsansing, neknek nila.”

       “ Bro, Mapera yun kayang kaya natin utuin.”

       “ Kent ayoko.”

       “ Tol nagastos ko na kasi yung pera, Pinamalengke na ni Mama para sa lulutuin bukas.

       “ Kent tang ina ka!”

       “ Please Ethan, Kapag nakipagkita ka sa kanya bibigyan niya uli ako ng dalawang libo, easy money to tol.”

       “ Baliw ka na Kent!” tulak niya sakin saka lumiko sa kanto.

       “ Hoy teka san ka pupunta?” habol ko sa kanya.

       “ Kala kate, Dalhin ko lang tong bag na to tapos uuwi na din ako.”

       “ Tol dali na, pumayag ka na makipagkita?”

       “ Ayoko nga Kent.”

       “ Bayaran mo yung dalawang libo, di na kita kukulitin.”

       “ Gago ka ba? Isang daan nga wala ako, dalawang libo pa kaya?”

       “ Edi makipagkita ka na.”

       “ Ayoko.” saad niya saka binilisan yung lakad niya, tumigil naman ako sa paglalakad saka bagsak ang balikat na tumingin sa kanya.

       “ Ethan!” tawag ko sa kanya lumingon naman sya sakin saka ngumiti. “ Gago ka hahalikan ko si Kate kapag di ka nakipagkita mamaya.” 

       “ Ano?”

       “ Wala!” sigaw ko saka naglakad.

       “ Oo na makikipagkita na ko basta titigilan mo yung Mark na yun.” sigaw niya napalingon naman ako saka kumunot ang noo.

       “ Ano sabi mo?”

       “ Wala sabi ko makikipagkita ako mamaya.”

       “ Good.” saad ko pero tumalikod na sya saka naglakad. Napangiti lang ako, pera nanaman haha.

       Pag uwi ko sa bahay naabutan ko lang si Mama habang nagpaplantsa ng mga damit. Simple lang ang buhay namin, si Mama simpleng housewife lang, Si Papa naman ay kawani ng gobyerno well isa akong perpekto at gwapong nilalang na pinalaki sa payak na pamumuhay haha.

       Family? Yeah nagiisang anak lang ako at tinaguriang black sheep ng pamilya haha. Black sheep? Alone? Haha joke lang for me kasi we only live once so I’m enjoying life, at syempre tumutulong narin sa iba para maenjoy din nila ang buhay. Gamit ang katawan ko haha.

       Oo, nagpapabayad ako para maisex ng mga taong hayok sa laman, pero syempre pinipili ko lang yung mga sinesex ko, Kapag walang itsura, tang ina uubusin ko kabuhayan nila pero kapag masarap, kahit libre okay na! haha 

       Syempre walang alam ang magulang ko sa ginagawa ko, It’s a secret pwera nalang sa mga tsismosa sa paligid. Haha pero it’s my words against them, dali dali magdeny! Mukhang to callboy? Gago ba sila, artista pwede pa. 

       “ Kent kumain ka na?”

       “ Opo Ma.” saad ko saka binuksan yung cabinet. “ Ma pasabay naman nito, susuotin namin bukas eh.” abot ko ng dalawang nakahanger na damit. Costume namin yun sa musiko na kinabibilangan namin ni Ethan.

       “ Asan si Ethan?”

       “ Kala Kate.” Saad ko saka pasalampak na naupo sa sofa. Dinial ko naman yung number nung baklang kainuman ko kagabi. Ilang sandali pa ng sagutin nito yung tawag. 

       “ Kentot?”

       “ Kent.” ngiwi ko narinig ko naman yung pagtawa nito.

       “ Ano napapapayag mo na si Ethan.”

       “ Oo napapayag ko na, bahala ka na dun huh kapag pumayag makipagsex sayo swerte mo.”

       “ Ok, excited na ko malaki ba alaga niya?”

       “ Malaki, mataba at mahaba.” saad ko. “ Gifted yun kaya sigurado kapag napapayag mo daig mo pa napunta sa langit!”

       “ Seryoso?!”

       “ Oo kaya ibigay mo sakin yung dalawang libo mamaya.” natatawang saad ko, Sasapakin ako ni Ethan kung narinig niya ko haha well nakita ko nanaman yung alaga niya, totoo naman yung sinabi ko.

       “ Meet me now? Ibibigay ko na grabe excited na ko mamaya.:

       “ Sure asan ka ba now?”

       “ Sa bahay.”

       “ Sige san ba yan?” saad ko, sinabi naman niya yung lugar yung bahay nila. Agad naman akong tumayo saka nagpalit ng tshirt.

       “ San ka pupunta Kent? Pauwi na Papa mo papagalitan ka nanaman nun.” saad ni Mama.

       “Babalik din ako agad Ma, Maghahanap lang ako pera.” ngiti ko saka nagmamadaling lumabas ng bahay.

       Pano nga ba ko napasok sa ganitong gawain? High school ako nun, eh kapos kami sa pera, likas na madiskate kaya ginamit ko yung mukha ko, nang uto ng mga bakla, nagpahada para sa pera. Madumi para sa iba, masaya para sakin simula nun di ko alam para akong naadik, Kapag nakikita ko yung mga nakakasex ko na sinasamba ko, dun ko nararamdaman yung fullfilment, Masaya at higit sa lahat masarap! Kapirasong laman lang naman to bakit ko pa ipagdadamot haha.

       Hindi masaklap ang buhay ko at lalong hindi na kami kapos sa pera, Ginagawa ko to kasi dito ko nakukuha ang happiness ko bilang tao. Magkakaiba tayo so don’t you dare judge me! 

       Napanganga lang ako ng tumigil yung tricycle sa tapat ng isang malaking bahay. Wow ang laki ng bahay huh, Pinindot ko naman yung doorbell.

       Ilang sandali pa ng marinig ko yung pagbukas ng gate sa katabing malaking bahay. Natigilan lang ako ng makita yung Mark na yun na may kasamang babae, Ang linis niya talaga tingnan. Pinagmasdan ko lang sya mula ulo hanggang paa, Hindi sya ganun katangkad pero yung dating talaga niya na mabait, Nakakaturn on parang ang sarap imaginin syang habang nakaluhod at sinasamba ako.

       “ Mark!” tawag ko sa kanya saka kumindat.

       “ Hi.” tipid na bati nito, Yung babae naman ay hindi man lang ako tiningnan. Sungit. Bumukas naman yung gate sa tapat ko.

       “ Kentot.” 

       “ Kent sabi eh, Ano nga pangalan mo? Nakalimutan ko eh.”

       “ Ellen Adarna.” ngiti nito.

       “ Sabi mo eh.” natatawang saad ko paglingon ko kay Mark saka sa girlfriend niya, kita ko lang na nakatingin sila samin. “ Bye Mark.” wave ko ng kamay saka pumasok sa gate.

       “ Kilala mo sya?”

       “ Hindi masyado.” saad ko naulinigan ko naman yung ingay sa loob ng bahay. “ Nagiinuman na kayo?”

       “ Oo sinasalubong na namin ang Fiesta.”

       “ Ok.” saad ko sumunod naman ako sa kanya hanggang makapasok kami sa loob, naabutan lang namin dun yung tatlong bakla habang nagkakantahan. Lahat naman sila napalingon samin.

       “ Guys, ang lalake natin ngayon gabi.” pakilala sakin. “ Ethan, si Maja, Kim and Sarah.” pakilala niya sa tatlo.
       “ Wow, Dapat ikaw anlang si Gerald?” ngiti ko.

       “ Ako si Ellen Adarna, ako ang pinakadyosa sa kanilang lahat.” 

       “ Wow Mare ang hot niyan ah!” Saad nung isa na agad tumayo at lumapit samin aktong dadakutin niya yung harapan ko ng ambahan ko sya ng suntok. “ Ay wild!”

       “ Limang daan kada hipo.” ngiti ko.

       “ Ang mahal naman wala bang tawad?”

       “ Mas mahal kapag gusto mo tumuwad.” ngiti ko.

       “ Aw I like that!”

       “ Sulit naman Mare yan, malaki.” ngiti ni Ellen Adarna daw haha. “ depende nalang kung papatulan ka.”

       “ Seryoso, ang gwapo niya tapos, callboy sya?” Saad pa nung isa.

       “ Hindi ako Callboy, for fun lang.” saad ko.

       “ Patikim naman for fun lang?” saad pa nung isang bakla, yung isa lumapit na samin saka naglabas ng limang daan. 

       “ Here.” abot nito sakin ng pera, kinuha ko naman to hanggang maramdaman ko yung pagdakot niya sa harapan ko. “ Ay malaki nga! Sulit nga to mga mare.” kinikilig na saad nito, Napangiti naman ako.

       “ Teka lang Ellen yung dalawang libo ko muna.”

       “ Ay oo nga pala.” kumuha lang to sa wallet niya saka inabot sakin. “ Make sure na hindi niya ko iindyanin mamaya.”

       “ Ako pa maghahatid sa kanya.” ngiti ko. “ Alis na ko magluluto pa ko sa bahay eh.”

       “ Ay teka lang!” hawak nung isa sa braso ko agad ko naman tong tinanggal.

       “ Three hundred dahil hinawakan mo ko.” 

       “ Ang expensive mo naman.”

       “ Ganun talaga.” 

       “ Fine magstay ka muna Kent, Inuman muna tayo.” saad ni Ellen.

       “ Pero.”

       “ Magkano ba bawat minuto mo? Babayaran ko na.” Saad nung isa, natawa naman ako.

       “ At ano naman gagawin mo sa bawat minuto ko?” ngiti ko habang deretsong nakatingin sa isa sa kanila.

       “ Natutunaw ako, mare pakilagay ako sa freezer please! Ang sarap niya tumingin.” Histerical na saad nung isa.

       “ Please stay Kent, kung pera lang marami ako niyan.” ngiti ni Ellen.

       “ Alam ko, sa laki ba naman ng bahay mo eh pero sorry hindi kasi ako nakikipag group sex.”

       “ Magkano ba gusto mo?”

       “ Kahit magkano pa yan, sorry.” 

       “ Please?”

       “ Ayoko talaga, Sorry.”

       “ Sayang fine walang sex, gusto lang namin ng malalandi habang nagiinuman kami.” saad nito humugot naman ako ng malalim na hininga. “ Please ubusin lang natin yung isang litro.”

       “ Tang ina niyo huh ayoko makipagsex ngayon, Pagod ako dahil sa parada kanina at may parada pa bukas kaya ayoko pagurin yung sarili ko.”

       “ Kami naman ang tatrabaho eh.” nguso nung isa.

       “ Ayoko parin, next time nalang when the prize is right of course.” ngiti ko saka sila nilampasan at umupo sa sofa. “ Ang init naman dito, pwede ba ko maghubad?” tanong ko sa kanila saka tinanggal yung tshirt ko.

       “ Shet!” gigil na bulong ng isa.

       “ Wow ulam!” ngiti ni Ellen saka tumabi sakin.

       “ Oo naman, don’t touch me kundi sasapakin kita.” ngiti ko sa kanya, kita ko naman yung pag kagat niya sa labi niya. Palihim lang akong napangiti ng makita ko na silang apat ay nakatutok sa katawan ko yung mga mata nila.

       “ Ang sarap mo OMG!” 

       “ Tagay na tayo.” saad ko saka nagsalin ng alak, naramdamman ko naman yung paghawak ni ellen sa balikat ko agad ko naman tong hinawakan.

       “ Di ba sabi ko?” saad ko pero nakita ko lang yung hawak niyang limang daan.

       “ Patouch.” ngiti niya .

       “ Ok.” saad ko saka kinuha yung kamay niya at dinala sa pundilyo ng short na suot ko. Ramdam ko naman yung pagpisil niya dito. “ Masakit wag mo pisilin.”

       “ Sorry, Ang gwapo mo Kent.”

       “ Alam ko.”

       “ Di kita nasex kagabi?”

       “ Tinulugan mo ko eh, di ko na kasalanan yun.”

       “ Babayaran kita?”

       “ May pera pa ko eh, Maglaway muna kayo, next time nalang niyo ko ibooking.” Saad ko saka nilagok yung alak, Minsan akala natin ang mga bakla puro sex lang ang alam, marunong din silang rumespeto at napatunayan ko na yun, Kapag sinabi kong ayoko hindi na sila nangungulit. Pwede silang maging kaibigan kadalasan sila pa yung mga kaibigan na pwede mong sabihing totoo at hindi ka iiwan.

       Pano ko nasabi? Sekreto na muna. 



SI ETHAN



       Faith?

       Sa sarili ko meron pero sa Diyos mo, Wala.

       Well magkakaiba tayo. 

       We are all different, mula sa dulo ng hibla ng buhok natin hanggang sa pinakadulo ng kuko sa ating mga paa. We are all different, magkakaiba ng pagkatao, ugali, at paniniwala. Magkakaiba ng pinagdaanan, iba’t ibang uri ng pagsubok ang nalampasan, magkakaiba tayo mula sa pagkasilang hanggang sa pagkamatay. Iba’t ibang storya ng pagkatalo at saya ng pagkapanalo.

       We are all different but there is only one finish line, magkakaiba tayo pero iisa ang dulo ng ating paglalakbay. Iisa ng hahantungan, Magkakaiba tayo tulad ng mga bituin sa kalawakan, magkakaiba tayo tulad ng iba’t ibang uri ng hayop sa dagat, Magkakaiba tayo tulad mo at tulad ko pero iisa ang dulo na ating tinatahak.

       Hindi ko pinili kung saan ako nanggaling pero pwede kong piliin kung saan ko gusto pumunta. Life is a Choice at hindi mo kailangan ng anong relihiyon para maging mabuting tao.

       Kasi kahit yung mga taong naniniwala sa Diyos na yan ay di sigurado kung naging mabuting tao ba sila, gagawa ng kasalanan at hihingi ng tawad? What the fuck? Lokohan! Kung gusto mo maging mabuting tao, gawin mo! wag yung puro ka dasal!

       Religion? Wala naman tayong dapat katakutan, Pero marami tayong dapat maintindihan, Hindi mula sa Diyos kundi mula sa ating mga sarili.

       Bakit hindi ako naniniwala sa Diyos? Simply because he doesn’t exist.

       I’m Adrian Ethan Zarate, Simpleng tao na may simpleng paniniwala.

       This is me and welcome to my story.



       “ Isusubo ko na ba?” Saad niyang namumungay ang mata habang nakatitig ng deretso sa mga mata ko. Halatang halata yung tama ng alak sa kanya, Nagkibit lang ako ng balikat saka nagbigay ng simpleng ngiti.
                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                  
       “ Subo mo na, hindi kita pipigilan.”

       “ Sigurado ka bang gusto mo isubo niya?” ngiti nung kasama nito.

       “ Oo naman, binayaran na niya yan eh.” ngiti ko. “ Sayong sayo na yan at hindi kita pipigilan hanggang magsawa ka.”

       “ Gusto mo dilaan ko muna?” ngiti nito habang hawak yung bagay na yun.

       “ Sure, mainit init yan, masarap dilaan.”

       “ Talaga? Ibig sabihin nakatikim ka na nito?” Natawa naman ako.

       “ Hindi, hindi pa ko nakakatikim ng ganyan kasi iba yung dinidilaan ko.”

       “ Magaling ka ba dumila?”

       “ Magaling kung masarap yung didilaan.”

       “ Ayt mare, di ka masarap kaya wag kang umasa.” natatawang saad nung kasama nito, napangiti naman ako. “ Subo mo na nga yan mare patikim din ako kung masarap, kanina mo pa hawak yan eh.”

       “ May tumutulo na oh, dilaan mo na.” saad ko.

       “ Ethan bakit ang sarap sarap mo?” Natawa naman ako ng payak.

       “ Subo mo na yan para matapos na tayo, gusto ko na umuwi eh.” napalunok lang sya saka tiningnan yung bagay na yun saka to dahang dahang dinilaan. “ Subo mo na lahat? Gusto mo ako pa magsubo sayo?”

       “ Gusto ko unti unti habang nakatingin ako sa mukha mo?”

       “ Okay bilisan mo na, mawawalan ka ng gana kapag nawala yung init niyan.”

       “ Okay lang uubusin ko to kahit lumamig pa, hihigupin ko kahit huling patak.”

       “ Mare ang tagal mo?”

       “ Manahimik ka nga! Akin lang to kung gusto mo kumuha ka ng sayo! Dapat kasi umuwi ka na para kaming dalawa lang eh.”

       “ Eh ang sarap niya eh.”

       “ Hey tapusin mo na yan para makauwi na ko.” saad ko. “ May tugtog pa kami bukas eh.”

       “ Magkano ba kinikita mo sa pagtugtog niyo? Babayaran ko makasama lang kita buong magdamag?” ngiti niya.

       “ No thanks, Sige na nga patikim na nga niyan para maubos na.” iling ko saka kinuha yung mangkok sa harapan niya at yung kutsarang hawak nito. “ Di talaga ko kumakain ng papaitan eh, pero para matapos lang to susubukan ko.” Saad ko saka humigop ng sabaw.

       “ Dinilaan ko na yang kutsarang yan eh?”

       “ Ano naman? Wala ka naman sigurong sakit?”

       “ Wala pero.”

       “ Di ako maarte.” kibit ko ng balikat saka nagbigay ng matamis na ngiti. 

       “ Grabe ang gwapo mo.” ngiti niya habang nakatitig sa mukha ko.

       “ Trulalu mare.” ngiti nung kasama niya.

       “ I know, Pero di talaga ako pwede. Pinakiusapan lang ako ni Kent na samahan kayo kumain kasi sabi niya binayaran niyo daw sya. Masarap pala to, mapait nga lang.” ngiti ko.

       “ Papaitan malamang.” natatawang saad nito. “ Eh ikaw kailan ko kaya matitikman yung sarap mo papa Ethan.” 

       “ Ito nalang tikman niyo.” ngiti ko saka inurong yung mankok sa harap nito. Naramdaman ko naman yung paghawak niya sa hita ko saka to pinisil.

       “ Magkano ka ba?” seryosong tanong niya napangiti naman ako. “ Please, babayaran kita kahit magkano? Gusto mo ng phone ibibigay ko? Magkano gusto mo?”

       “ Really.” ngiti ko saka kumuha ng tissue at dinala sa labi niya saka to masuyong pinunasan. “ May dumi ka sa labi.” saad ko pero hinawakan niya lang yung kamay ko saka dahang dahang sinubo yung daliri ko.

       “ Ang sarap Ethan.”

       “ Galing akong Cr kanina?” natatawang saad ko saka hinugot yung kamay ko.

       “ Ethan pumayag ka na, Mayaman yan si Ellen.” Saad nung kasama niya.

       “ Mukha nga pero hindi talaga ko ganun eh, kung si Kent nakuha mo pwes ako hindi.”

       “ Patakam din yang kaibigan mo eh, maghuhubad ayaw naman makipagsex. Wag natin syang pagusapan sumakit lang puson ko sa kanya. Ang gusto ko ngayon ikaw.” ngiti niya. Napatingin lang ako sa kamay niya ng dahan dahan tong umangat papunta sa pundilyo ng short na suot ko.

       “ Malaki yan, hindi mo yan kakayanin.” ngiti ko.

       “ Pagtutulungan namin!” kinikilig na saad nung kasama niya, natawa naman ako saka tinanggal yung kamay niya.

       “ Please Ethan, Here’s my phone sayo nalang.” lahad niya ng cellphone niya na halatang bagong bago pa.

       “ My phone pa ko.” 

       “ Pera? Ibibigay ko sayo lahat?”

       “ You know what? Hindi ko kailangan ng pera besides my girlfriend ako at hindi ko sya lolokohin at higit sa lahat? Hindi ako bakla so I’m sorry.” Payak na ngiti ko sa kanya.

       “ Ethan Please?”

       “ Nagprecum na ko mare! Pilitin mo sya please.” 

       “ I’m sorry alis na ko, kukunin ko pa yung susuotin ko bukas sa bahay nila Kent eh.”

       “ Aalis ka na talaga? Teka lang.’pigil niya sakin.

       “ Wala kayong mapapala sakin kaya pasensya na.”

       “ Teka lang muna, 10 thausand? Ibibigay ko ngayon?”

       “ Thanks sa food.” ngiti ko saka tumayo at nagmamadaling lumabas sa bahay na yun. Humanda talaga sakin si Kent, haixt. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka naglakad. Binayaran si Kent ng dalawang yun para pilitin akong samahan sila kumain, haixt kainis.

       Sorry sila di nila ko makukuha sa pera nila, kaya kong kitain yun.

       Alas Dos na nun ng madaling araw, Ika dalawapu’t tatlo ng nobyembre. Araw ng Pista sa lugar namin. Sa bawat dinadaanan ko makikita yung grupo grupo ng nagiinom sa kalsada.

       Sinuot ko lang yung hood ng jacket ko saka walang lingon naglakad.

       Naging tradition na dito na bago sumama sa parada dapat nasayaran ng alak ang lalamunan haha.

       Well taon taon ganito ang makikita mo, buhay na buhay ang paligid kahit madaling araw na.

       “ SHIT!!” gulat na saad ko ng maramdaman ko yung pagbuhos ng tubig sa ulo ko otomatiko naman akong napalingon sa likod ko kung saan galing yung tubig.

       “ HAPPY FIESTA!” saad nung lalake. Nakanganga naman ako tumingin sa kanya. Isa pang tradition dito sa lugar namin ay basaan tuwing Fiesta! Haixt pero alas dos ng madaling araw? What the fuck!

       “ Happy Fiesta!” basa pa sakin nung iba. Damn it! Binilisan ko naman yung paglalakad ko saka kinuha yung phone ko sa bulsa at tiningnan kung nabasa. Ipinagdiriwang sa bayan na to ang Higantes festival, Viva san Clemente!

       VIVA!! haha

       Napailing lang ako ng maramdaman yung lamig ng tubig. Shet ang lamig! Haixt dapat kasi!buset kasi si Kent eh! Natigilan lang ako ng matanaw ko yung isang lalake na nakaabang sa gitna ng kalsada habang may hawak na tabo. 

       Tumigil naman ako sa paglalakad.

       “ Tang ina naman Rod!  Alas dos palang!” sigaw ko ng mamukhaan to na isa sa mga naging barkada ko dahil sa banda.

       “ Lampas alas dose na kaya basaan na.” ngiti nito.

       “ Malamig eh! May sakit ako ngayon.” Pagdadahilan ko.

       “ Anong gusto mo, May promo kami pre, Tubig na may yelo o tubig na may alak?” Ngiti nito.

       “ Tang ina naman oh!”

       “ Kusang loob o santong paspasan pare?” natatawang saad pa nito. Napabuntong hininga naman ako saka tinaas yung kamay ko habang hawak yung cellphone ko.

       “ Dali na, yung phone ko baka mabasa.” simangot ko. Napasingsap naman ako ng buhusan ako ng tubig nito gamit yung balde at hindi yung tabo.

       “ Wooh! Tang ina ang lamig!” simangot ko.

       “ Tagay pa pare.” lahad nito sakin ng baso ng alak agad ko naman tong tinungga. “ San ka ba galing? Fiesta na eh.”

       “ Si Kent sinet up ako sa customer niyang mga bading.”

       “ Talaga, nahada ka na?”

       “ Gago hindi, Maglaway sila pero hindi nila ko matitikman.” hubad ko ng tshirt ko.

       “ Naku Tol, Mag ingat ka baka magang rape ka ng mga bakla dito.”

       “ Papatayin ko sila, Sige una na ko.” saad ko saka naglakad ilang bahay pa yung nadaanan ko haggang makarating ako sa tapat ng isang lumang apartment kung saan ako nakatira katabi yung bahay nila Kent.

       Sino si Kent? Naging kabigan ko sya dahil sa banda, Parehas trombone yung hawak namin kaya madalas magkatabi kami sa mga praktis at tuwing may parada.

       Parehas trombone ang buhay namin.

       Ilang taon na din kaming magkaibigan, matatag na rin.

       “ Kent!” sigaw ko sa pinto ng bahay nila. “ Kent!!” Bumukas naman yung pinto. Tumambad lang sakin yung nanay niyang nagkukuskos pa ng mata.

       “ Ethan, lasing yung kaibigan mo.”

       “ Eh kasama po kami sa parada ah?”

       “ Ayun nakanganga sa Sofa.” nguso nito sa upuan saka maluwag na binuksan yung pinto, pumasok naman ako dito saka hinila si Kent dahilan para malaglag sya sa upuan.

       “ Hoy gago, sabi ko sayo sasama tayo sa parada mamaya di ba?”

       “ Uhmm wag kang maingay.” ungol nito. Sumimangot naman ako saka pumunta sa ref nila at kumuha ng pitsel. Kita ko naman na natawa yung Mama niya ng makita yung hawak ko.

       “ Wag daw maingay tita.” kindat ko saka lumapit kay Kent na nasa sahig na. “ Kent gising na!!” sipa ko sa kanya.

       “ Ayoko sumama, Kainis sabi ko lagyan ng vetsin iinumin mo eh.”

       “ Gago ka talaga!” saad ko saka binuhos sa kanya yung malamig na tubig, kita ko naman yung panlalaki ng mata niya.

       “ Hayop ka Ethan!” gigil na saad niya.

       “ Happy fiesta! Gising ka na, Pupunta na tayo sa simbahan.”

       “ Ang lamig shit! Pwede naman kasing wag na tayo sumama eh, sigurado talo nanaman tayo sa competition eh.” saad niya saka tumayo. “ Ang lamig talaga!”

       “ Aixt! Dali na.” hila ko sa kanya.

       “ Eto na eto na, baka naman humiwalay yung braso ko.” simangot niya. “ Bakit ka nakahubad?”

       “ Naabutan na ko ng basaan dahil jan sa mga bakla mo.”

       “ Oh kamusta, nagmotel kayo?”

       “ Gago.” simangot ko natawa naman sya.

       “ Sabi ko naman kasi sa kanila di ka pumapatol sa bakla eh. Pwedeng pwede nating huthutan yung baklang yun tol, lakas magbigay eh.”

       “ Ewan! Dali na magbihis na tayo.” Lumapit naman sya sa aparador saka kinuha yung uniform namin sa banda na nakahanger. 

       “ Plantsado na yan, magpasalamat ka kay mama.”  abot niya sakin nung isa.

       “ Amoy menudo yung bahay niyo; Ay mali pala buong bayan pala ang amoy menudo, Sige na magbibihis na ko.” saad ko saka lumabas ng bahay nila Kent.

       Tumuloy lang ako sa apartment na tinutuluyan ko, Pagmamay ari to ng magulang ko at  nung magdesisyon akong humiwalay na sa kanila ay binigay sakin ang pamamalakad ng apat na pintong apartment na to, di na ko umasa sa magulang ko tanging kita ko sa banda at sa apartment yung pinagkukunan ko ng kabuhayan. Haixt mahirap pero sapat na para mabuhay.

       Galing ako sa isang mayamang pamilya and I hate it.

       Si Daddy ay may ari ng napakaraming business sa lugar na to, Isa rin syang Pastor. Taong nagpapalaganap ng salita ng Diyos haixt Simula bata palang ako pinakain na sakin lahat ng salita ng Diyos na alam niya. Lumaki ako na tanging bibliya ang hawak at hindi laruan. Hambalos imbis na yakap, Panglalait imbis na halik.

       Si mommy naman ay isang aktibo sa Church, sa kahit anong okasyon makikita mo sya sa simbahan, Pagtulong sa mahihirap at pagpapakain sa mga nagugutom. Lahat yun ginagawa ni mommy. Sa anong dahilan? Kasi makasalanan sya.

       Oo hindi ako naniniwala sa Diyos pero hindi dahil masaklap ang buhay ko, Hindi rin ako galit sa tinatawag mong panginoon kasi kabaliwan ang magalit sa isang nilalang na hindi naman totoo.

       Di sya nageexist at papatunayan ko yun.


       Alas kwatro ng madaling araw, lahat ng kasali sa parada ay nakatipon na sa harap ng simbahan kung saan magsisimula ang parada. Mula sa mga majorette hanggang sa musiko, mga parihadora at iba’t ibang gimik ng mga sasama sa magaganap na parada.

       Kasama din sa parada ang iba’t ibang higantes na gawa sa paper mache

       Mula sa pinakamalitt hanggang sa pinakamalaki, halos lahat ng establishment sa bayan na to ay may higante na magrerepresent ng pangalan nila.

       “ Guy’s ready na ba kayo? Matatapos na yung misa.” saad ng leader ngbanda namin.       
       
       “ Yes bibe!” asar namin dito dahil sa laki ng nguso nito haha.

       “ Hayop kayo!” asik nito.

       “ Inaantok ako grabe!” simangot ni Kent sa tabi ko natawa naman ako.

       “ Gago ka kasi alam mo naman na kasama tayo sa parada tapos nag inom ka.”

       “ Eh napasarap eh.”

       “ Masarap? Tandaan mo pag katapos ng sarap, dusa!” ngiti ko.

       “ At pagkatapos ng dusa, Sarap! Kabisado ko na yang linya mong yan.” ismid niya. Natawa naman ako.

       “ Masikip sakin uniform natin.” saad ko saka tinaggal yung botones sa bandang leeg ko, Feeling ko hindi ako makahinga.

       “ Sisihin mo si Bibe! Sya nagpatahi niyan.”

       “ Nagkapalit ata tayo eh?”

       “ Gago ka ba Ethan, eh mas malaki katawan ko sayo.”

       “ Aixt, at itong pulang feathers na nasa head dress natin? Parang di naman bagay, mas okay yung suot natin last year eh.”

       “ Dami mong reklamo? Pagdaan sa bahay nung parada uwi tayo huh.” saad niya.

       “ Bakit?’

       “ Palit tayo ng damit tapos sama tayo sa parada, tang ina enjoy naman natin tong fiesta?”

       “ Papagalitan tayo.”

       “ Di na mapapansin yan.” ngiti niya, Nagkibit naman ako ng balikat. 

       “ Bahala ka, gusto ko din magpalit ng damit.”

       “ Guys ready na!” sigaw ni Bibe, Pumuwesto naman lahat ng members ng musiko namin. Lahat ng may hawak ng trombone ay nasa unahan. Syempe kami ang mukha ng banda namin! Haha

       Nagsimula na nga pumwesto lahat ng kasama sa parada, inayos yung pagkakasunod sunod ng mga kasali, tumutugtog kami para sa simbahan ng bayan na to. Yung ibang kasali ay mula sa iba’t ibang baranggay at grupo.

       “ Ready na.” saad ko saka pumuwesto habang hawak ko yung trombone ko. Kinindatan ko pa si Kent bago nagsimula tumugtog yung banda namin! Anong tugtog? Theme song ng Voltes V! Haha. Ngayon alam niyo na kung bakit natalo kami sa competition ngayon taon, panget ng piece namin eh! Haha 

       Ito ang buhay ko, di perpekto pero masaya. 

       Itong hawak kong instrumento? Ito ang buhay ko.



SI MARK


       
       “ Sofhie, hubarin ko na tong nasa ulo ko?” simangot ko kinurot naman niya ko sa braso. Nakasuot kami nun ng sungay parehas habang may kulay pulang lipstick sa labi at itim na eye liner haixt! Kainis bakit ganitong costume pa naisip niya.

       “ Shut up nga Mark.” saad niya. Nasa plaza kami nun habang hinihintay yung pagdaan ng grupo ng kasamahan ko sa simbahan kung saan kami sasabay. “ Ang gwapo mo kaya.”

       “ Mukha akong kulto eh.”

       “ Gwapo ka, maniwala ka sakin.” ngiti niya.

       “ Yaan na nga.” simangot ko. Ilang minuto pa namin pinapanuod yung parada ng makita ko si Ethan and Kent na tumatakbo habang hawak yung instrument nila. Nagtatawanan pa sila, para na silang basang sisiw dahil sa basaan.

       Hanggang magtama yung mata namin ni Kent, Ngumiti naman sya sakin pero hinila na sya ni Ethan. Ang gwapo ni Kent, Haixt malaking tukso.

       Tuwing Fiesta ay laging may nakahandang bumbero na nakapwesto sa plaza para mangbasa ng mga tao, well ito yung nagpapasaya sa mga nagpaparada tuwing dadaan na sila sa plaza.

       Kitang kita sa mata ng mga ttao ng mga oras na yun yungsaya habang nanunuod sa parada, halos lahat nakangiti, lahat nagtatawanan.

       Halos abutin din kami ng kalahating oras sa panunuod ng dumaan yung kaibigan kong sakristan agad naman kaming nakahalo ni Sofhie dito.

       “ Mark, Nice get up!” ngiti sakin ni Ivan.

       “ Ako nakaisip niyan.” Saad ni Sofhie.

       “ Teka bakit hindi pa kayo basa?”

       “ Mabubura make up ko.”

       “ No, hindi pwede yan Sofhie, Fiesta so dapat basa kayo! guys help.” sigaw nito saka kami tinuro. Nakatinginan naman kami ni Sofhie. Shit!

       “ Tubig!! Tubig tubig!!!” sigaw nila sa bumbero habang nakaturo saming dalawa..

       “ Teka teka!!” tarantang saad ni Sofhie saka yumakap sakin, Ilang sandali pa ng maramdaman ko yung pagtama ng tubig samin, shiiitt!!”

       “ Sige pa sige pa sige pa!!” sigaw pa nila habang nagsasayaw sa palibot namin. Natawa naman ako saka sinalo yung tubig. Di gaano kalakas yung pagbugso nito, Tama lang para gawin kaming basang sisiw ng girlfriend ko haha.

       “ Sofhie?” ngiti ko sa kanya ng hindi na samin nakatutok yung tubig. “ That was awesome!” 

       “ Kainis! Nasira na yung buhok ko.”

       “ It’s okay, you’re still beautiful.” akbay ko sa kanya.

       “ Really?”

       “ Oo naman.” saad ko. “ Let’s go.” 

       “ Okay.” ngiti niya saka nakihalo sa mga nagpaparada, Bawat dinadaanan namin nun ay may mga kanya kanyang gamit para mangbasa ng mga nagpaparada. Kasabay ng sikat ng aray yung pagbuhos ng tubig samin.

       Taon taon sumasama kami sa parada, Well ngayon taon lang kami humiwalay sa simbahan kung saan kami lagi sumasama. Kakaibang experience, Kahit di ko mga kilala yung mga kasama namin feeling ko lahat kami close. Walang wall, walang hiyaan. Kanya kanyang trip at gagawin mo nalang ay sakyan sila.

       Tawanan, Sayawan , gitgitan, hilahan lahat ng kasama namin masaya lang.

       “ Tagay pre.” bunggo sa gilid ko, Nang lumingon ako nakita ko lang si Kent  habang may hawak na baso. Iba narin yung damit nito at wala na syang hawak na instrumento.

       “ What?’

       “ Tagay.” ngiti niya saka ngumuso sa baso, tiningnan ko naman si Sofhie na nakikigulo sa mga kasama namin sa parada.

       “ Di ako umiinom eh.”

       “ Oh come on.” saad niya saka nilagay sa kamay ko yung baso. “ Inumin mo? Tititrahin kita sige.” ngiti niya.

       “ Huh?’

       “ Joke lang, inumin mo na yan walang basagan ng trip tol, Fiesta eh.”

       “ Di ba bawal to?”

       “ Coke to tol, imaginin mo coke to at makikita ng mga tao na coke yan, it’s all in your mind you know.” natatawang saad niya habang hawak yung bote ng alak. “ Inumin mo na?”

       “ Pero?”

       “ Hahalikan kita kapag di mo ininom yan?” ngiti niya habang nakatingin sa labi ko napalunok naman ako.

       “ Fine.” saad ko saka tinungga yung baso, Para tong gumihit sa sikmura ko kaya napangiwi ako.

       “ First time mo?”

       “ Yeah.”
                                                                                                                              
       “ Sa una lang yan, masasarapan ka na sa susunod. Ako nagpaexperience sayo ng first time at sisiguraduhin kong ako din ang second time, para wasak. ” kindat niya. Agad naman akong umiwas ng tingin.

       “ Tang ina pare! Niyakap ako ng hayop an taong putek na yun!” bunggo samin ni Ethan na puro putek yung damit. Napangiti lang ako ng mapagmasdan sya, Puro putek yung puting damit niya, May kiss mark din sya pisngi.

       “ Gago ka kasi , bakit ka nagputi kasi, saka sino naman humalik sayo?” natatawang saad ni Kent. 

       “ Yung bakla mo gago! Hanggang dito ba naman nakita parin ako.”

       “ Patay na patay sayo yun, Tagay mo na.” abot niya sa baso, Agad naman nitong tinungga yung baso.

       “ Lagot tayo nito kay Bibe!” natatawang saad niya, Ang puti at pantay pantay yung ngipin niya na lalong nakadagdag sa kagwapuhan niya, Sino nga bang hindi magkakadarapa sa ganitong itsura. 

       Silang dalawa ni Kent ay parang isang masarap na pagkain, lahat gusto sila tikman.

       “ Okay lang yan, May kainuman na tayo habang nasa parada.” turo sakin ni Kent, kumunot naman yung noo ni Ethan saka lumingon sakin.

       “ Oh, Ikaw pala yan.” gulat na saad nito. “ Mukha kang demonyo di kita nakilala.”

       “ Gawa ng girlfriend ko.” ngiti ko.

       “ Nice, bagay sayo. Teka lang huh kailangan ko ng tubig gagzki baka magmantsa to, ang hirap maglaba.” saad ni Ethan saka kami iniwan ni Kent at nakihalo sa mga nagpaparada. 

       “ Asan girlfriend mo?” tanong ni Kent sakin.

       “ Yun oh, yung nakablack na may sungay.” turo ko kay sofhie na kasama nung kababaihan na nagpaparada.

       “ Bakit di kayo magkatabi?”

       “ Nangangati na kasi ako sa tubig, gusto pa niya magpabasa eh.”

       “ Ah okay eh sa alak mangangati ka kaya?” saad niya saka nagsalin ng alak sa baso at binuhos sakin, Napanganga naman ako.

       “ What the!” nganga ko, natawa naman sya.

       “ Happy fiesta bro!!”

       “ Aixt, Damn it.” saad ko saka inagaw yung bote at yung baso mula sa kanya.

       “ Hoy anong gagawin mo?”

       “ Gaganti.” saad ko saka nagsalin din ng alak at binuhos sa kanya. Kita ko lang na napapikit sya. Shet! Parang biglang nag slow motion yung paligid habang pinagmamasdan ko sya na may ngiti sa labi. 

       “ Sarap!” kagat labing saad niya saka dinakot yung pwet ko at tumakbo papunta kay Ethan. Inaakit ba niya ko?! “ Hoy yung alak mo baka ako mahuli na hawak to.” sigaw ko sa kanya.

       “ Oo nga pala, baka sa kulungan ka pa matira.” kindat nito saka kinuha yung bote sakin at yung baso. Ano daw? “ Joke lang!” ngiti nito saka nakihalo sa mga nagpaparada.

       “ Sino kausap mo hon?” saad ni Sofhie na basang basa na.”

       “ Uhm kakilala lang.”

       “ Sino?”

       “ Di mo kilala.”

       “ Amoy alak ka?”

       “ Nabuhusan ako ng alak, yaan mo na.” pilit na ngiti ko. Sa kasagsagan ng parada ay kasama na namin si Ethan at Kent, Minsan tinatagayan ako pati narin si Sofhie, Makulit din pala sila parehas, Kung ano anong trip yung ginagawa, nagsasayaw at pinapatagay kahit di nila kilala.

       Nung mga oras na yun ramdam na ramdam ko na yung epekto ng alak sa katawan ko. Parang iumiikot na yung paningin ko pero hindi ko yun inalintana dahil sa saya ng parada.

       Hanggang magtakbuhan yung mga kasama namin, kahit si sofhie ay tumakbo din, kahit di ko alam yung nangyayare ay tumakbo na din ako saka lumayo sa parada, shet baka nahuli na may dalang alak si Kent, haixt ayoko makulong.

       Ilang hakbang pa ng mapatid ako at madapa.

       “ Shit!!”

       “ Okay ka lang iho?” tayo sakin ng isang Ale, Nang lingunin ko sila Sofhie nakita ko na hinahabol sila ng taong putek.

       “ Kuya may sugat ka sa tuhod.” Saad nung bata. Nung tingnan ko yung tuhod ko kita ko lang yung masaganang pagtulo ng dugo mula dito, Aixt nang muling lingunin ko yung grupo namin ay malayo na ang mga ito. Kainis naman ang lampa!

       “ Hey are you okay?” rinig kong saad mula sa likod ko, paglingon ko nakita ko lang si Ethan. “ What? Okay ka lang?”

       “ I’m Bleeding.” saad ko.

       “ Kaya mong maglakad?” sinubukan ko naman maglakad pero naout balance lang ako buti nalang agad niya kong nasalo. Nahihilo na talaga ko!“ Malaki yung sugat mo.” saad niya na nakatingin sa tuhod ko.

       “ Talian ko nalang para wag dumugo.”

       “ No, Dalhin kita sa ospital.” saad niya saka nilagay sa balikat niya yung kamay ko.

       “Pano si Sofhie?”

       “ Malaki na yung girlfriend mo, kaya niya ng umuwi mag isa.” saad niya saka ako inakay palayo sa mga tao. “ Lalalampa lampa kasi.” bulong niya.

       “ Napatid lang ako.” Saad ko hanggang nagpara sya ng tricycle, magkatabi lang kaming sumakay sa loob nun, Naiilang man ay hindi ko na inalintana dahil sa hapdi nung sugat ko. Kitang kita ko lang yung pagdugo ng tuhod ko kaya pumikit ako hanggang marinig ko yung pagpunit niya ng damit niya saka hinawakan yung tuhod ko. “ Lalamigin ka.”

       “ Kesa makita ko yan dumudugo.” iwas niya ng tingin. “ Manong dito po kayo sa street na yan dumaan, di po dadaan jan yung parada.” turo ni Ethan.

       “ Ok iho.” saad nung driver.

       “ Salamat.” saad ko pagkatapos niyang talian yung sugat ko hindi naman sya sumagot, nanatili lang syang nakatingin sa kalsadang dinadaanan nung tricycle. Bakit nga ba sya ang kasama ko ngayon? Haixt nakalimutan ko na ba dapat iwasan ko sila.

        Pagdating namin sa ospital ay naabutan namin dun yung napakaraming pasyente, karamihan dun ay sugatan din.  

       “ Tang ina ang daming tao.” iling niya pagpasok namin sa emergency room. “ Uhm nurse pwede ba unahin niyo sya?” 

       “ Hindi pwede, madami pang pasyente. Iparegister niyo mo muna sya dun sa registrar.” saad nung nurse..

       “ Tang ina mauubusan sya ng dugo tapos di niyo aasikasuhin?”

       “ Edi ikaw magtanggal nung kutsilyo nun sa likod.” turo nung nurse sa isang pasyente na may nakatusok na kutsilyo sa likod. “ Hindi porket gwapo kayo, uunahin ko na kayo.”

       “ Salamat kasi napansin mo na gwapo kami pero sige unahin niyo na sya.” pilit na ngiti ni Ethan.

       “ Mabuti.” irap nung nurse.

       “ Malabo to.” napapakamot na saad ni Ethan habang sa ibang dereksyon nakatingin. Umupo naman ako sa isang upuan na andun.

       “ Hey kaya ko naman eh?” saad ko.

       “ Kaya mo? Gago ka ba? Nakita mo naman siguro yung sugat mo di ba, malaki! Namumutla ka na nga oh. Buti sana kung maliit na gasgas lang eh.”

       “ Uhm malaking gasgas?”

       “ So ano gagawin natin? Hintayin kitang mamatay?”

       “ Tuhod lang to, makukuha to sa dasal.” pilit na ngiti ko saka tumungo at nagdasal.

       “ Sige tingnan ko kung gagaling yan pagkatapos mo magdasal.” sarkastikong saad niya, nag angat naman ako ng tingin. “ Gumaling ba? Hindi di ba?” Marahan naman akong umiling.

       “ hindi.”

       “ Kaya tigilan mo ko sa pagdadasal na yan, hintayin mo ko dito.” saad niya saka naglakad palabas ng emergency room. Nang mga oras na yun napakarami pang dumating na hindi na maisakaso ng mga nurse at doctor, haixt.

       “ Nakapila ka ba iho?” saad ng matandang hirap sa paghinga.

       “ Hindi po, sige mauna na po kayo.” ngiti ko.

       “ Salamat iho.”

       “ Walang anuman po.” ngiti ko. Ngayon lang ako nakapasok sa isang public hospital at hindi ganun kaorganisado yung mga tao, haixt Sana kasi di niya ko dito dinala eh. 

       Since nahihilo ako, yaan nalang!

        Ilang minuto pa ng dumating si Ethan habang may hawak na plastik saka agad lumuhod sa harap ko. “ Ano yan?” tanong ko.

       “ Gamot, Di ka maasikaso kaya ako na gagawa.” saad niya.

       “ Sigurado ka?”

       “ Oo naman, tingin ko naman di na kailangang tahiin to eh.” saad niya habang tinatanggal yung bahagi ng damit niya na tinali sa tuhod ko, napangiwi naman ako ng maramdaman yung pgsigid ng kirot.

       “ Dahan dahan please.”

       “ Sure.” pilit na ngiti niya saka pinunasan ng bulak yung dugo. “ Mejo mahapdi to huh.” Saad niya, di ko lang mapigilang ilibot yung tingin ko sa paligid, “God, Sana tulungan mo lahat ng nandito.” bulong ko.

       “Dahan dahan.” ngiwi ko hanggang maramdaman ko yung bulak sa sugat ko, nakagat ko lang yung labi ko saka pumikit. Ang hapdi!

       “ Shhhh, it’s okay.” ihip niya dito. Habang ginagawa niya yun hindi ko lang mapigilang titigan yung mukha niya, Gwapo nga sya lalo na sa malapitan nag angat naman sya ng tingin saka pilit na ngumiti. “ Masakit?”

       “ Yeah.”

       “ I’m sorry, Ngayon lang ako gumamot ng sugat, natataranta kasi ako kapag nakakakita ng ganito eh.” saad niya habang nilinis yung sugat ko. “ Lalagyan ko na ng gasa huh.”

       “ Okay.” pilit na ngiti ko, pagkatapos niya lagyan ng gasa ay tumayo na sya saka ako inakay din tumayo.

       “ Ako na gagamot sa kanya.” saad nung nurse na lumapit samin.

       “ Tapos na ate, eh kung inuuna mo yung pag tanggal nung kutsilyo sa likod nun.” simangot ni Ethan. 

       “ Edi okay.” irap nung nurse samin. “ Ingat kayo.” 

       “ Okay na yan, bumili ka nalang ng gamot.” saad ni Ethan sakin.

       “ Anong gamot?”

       “ Antibiotic, Magtanong ka nalang sa botika.”

       “ Salamat huh.”

       “ Okay lang, may pamasahe ka bang dala? Isasakay na kita sa tricycle?”

       “ Na kay Sofhie yung pera ko eh?” pilit na ngiti ko.

       “ Haixt okay, gusto mo ba ihatid nalang kita sa inyo?”

       “ Okay na ko.”

       “ Hahatid na kita, baka madapa ka nanaman eh.”

       “ Si Sofhie?”

       “ Sino nga uli si Sofhie?”

       “ Yung girlfriend ko.”
       “ Malayo na yung parada, well kung gusto mo pa maglakad, choice mo yan.”

       “ Uhm.”

       “ Umuwi ka na, mukhang may tama ka din ng alak eh. Gago talaga yang si Kent eh.”

       “ Nahihilo lang naman ako eh.”

       “ Basta uuwi ka na, San ka ba nakatira?”

       “ Uhmm.”

       “ Naalibadbaran ako sa itsura mo, Mukha ka talagang demonyo sa get up mo.” kuha niya nung sungay sa ulo ko saka tinapon. Napansin ko naman yung bahagi ng damit niya na may punit, kitang kita yung sikmura niya tila inukit sa ganda at yung mumunting balahibo na tumutuloy sa parteng yun. “ What?”

       “ Di ka ba nilalamig?”

       “ Isipin mo yang sugat mo, wag yung katawan ko.” Ismid niya napalunok lang ako, alam ko unti unting nagigising yung kakaibang init sa katawan ko habang pinagmamasdan ko yung kabuuan niya. Haixt! “ Tara maghanap na tayo ng tricycle para makauwi ka na.” saad niya saka nilagay sa balikat niya yung kamay ko. Ogh God, Kasalanna ba tong nararamdaman kong arousal dahil sa pagkakadikit niya sakin.

       “ Kaya ko na maglakad.”

       “ Shut up, ayoko ng makulit.”

       “ Pero.”

       “ I said shut up?” lingon niya sakin. Agad ko naman iniwas yung mukha ko dahil sobrang lapit ng mukha niya. “ Ayoko ng makulit okay?” Saad pa niya. Hindi naman ako nagsalita habang naglalakad hanggang isang kotse yung huminto sa gilid namin.

       “ Shit!” gigil na bulong ni Ethan, kita ko naman na bumaba yung salamin nung sasakyan.

       “ Kilala mo?” tanong ko sa kanya pero di sya sumagot.

       “ Ethan.” saad nung matandang lalakeng sakay nung kotse.

       “ Dad.”

       “ Ano nangyare sa inyo?”

       “ Nasugatan lang sya Dad, pauwi na din kami.”
       “ Okay alis na ko. Mag ingat kayo next time.” saad nung daddy niya, muli naman sumara yung salamin nung kotse saka to muling pinaandar. Isang buntong hininga naman yung pinakawalan ni Ethan.

       “ Tara.” pilit na ngiti niya.

       “ Kilala ko yung daddy mo, Pastor sya di ba?”

       “ Yeah.”

       “ Nice, Kaya siguro matulungin ka.” ngiti ko.

       “ Wala syang kinalaman sa pagtulong ko sa iba, At Isa pa hindi na ko sa kanya nakatira kaya kung ano man ako ngayon, sigurado ako na hindi yun dahil sa kanya.”

       “ Uhm, Really?”

       “ Yeah, Di nakakapagtaka na kilala mo si Daddy, Lagi yun nasa simbahan eh.” saad niya, huminto naman kami sa isang waiting shed, pinaupo niya lang ako saka sya tumabi sakin.

       “ Wow, Tingin ko magkakasundo tayo.”

       “ Why?’

       “ Kasi lumaki ka na baon yung aral ng simbahan. Daddy mo si Ted Zarate so ibig sabihin Mommy mo si Ms. Cathy?”

       “ Yeah Parents ko sila at tama ka na lumaki ako na baon ang aral ng simbahan.”

       “ Talaga? Si Kent kaibigan mo sya di ba? So malamang relihiyoso din sya katulad mo?”

       “ Huh?”

       “ Si kent?”

       “ Hindi sya relihiyoso, Mas lalo na ko.”

       “ What?”

       “ Hindi ako relihiyoso, Di ako naniniwala sa Diyos mo.”

       “ Seryoso?” tanong ko habang nakatingin sa mukha niya, marahan naman syang tumango. “ You mean.?”

       “ Yeah, vampire ako.” ngiti niya.

       “ Vampire?”

       “ Oo, So wag kang umasang magkakasundo tayo kaso malabo pa yun sa Tv na walang antena.” 

       “ Vampire ka? Ibig sabihin umiinom ka ng dugo at takot ka sa krus?” saad ko saka nahawakan yung kwintas ko na may pendant na krus.

       “ Hindi ako takot sa krus, I just hate it.”

       “ Bakit?”

       “ Pano mo nasisikmura na magsuot ng isang kwintas na simbolo ng pagtoture sa isang nilalang? Imagine this, pano kung narape ka tapos yung itsura mo pagkatapos nun gagayahin ko at gagawin kong kwintas? Kalokohan!”

       “ Uhm simbolo to ng-”

       “ Nevermind ganito nalang, Bakit ayaw ng vampire sa krus?”

       “ Bakit?”

       “ Coz they hate bullshit!” ngiti niya. “ And I hate bullshit.”  



ITUTULOY

14 comments:

  1. Bullshit forever ang bibig ni ethan hap heheheheh,,, nice author,,, clap3x,,,,

    ReplyDelete
  2. wow! sobrang ganda ng pagkakwento at ng istorya.

    ReplyDelete
  3. Awesome start.. Kung ganito kahaba lahat ng update sa bawat story edi okay lang khit 2weeks ang gap o 3 db basta sulit na sulit! Hahaha
    Isa nanaman toh sa mga aabangan ko.. May mga BS ba? Hahahaha
    Kudos! Mr. Bluerose! 👏👏👏👏👏👏👏

    ReplyDelete
  4. Nice one kuya blueishhhh



    Hahahahaha excited tlgaaaa akooooo hahahaha

    And especially sa scenes na un hahahahahaa

    I want Ethan xD...

    ReplyDelete
  5. Welcome back author. This is another superb work.. Umpisa plang ang ganda ng storya..

    Eldrienn Fowler

    ReplyDelete
  6. Nakaka excite naman to bagong kwento ni sir adrian......

    Pwede bang makilala ung tatlo main character


    Jharz

    ReplyDelete
  7. Hmmmmppppnnnn
    Mukhang nkkaadik sya.

    ReplyDelete
  8. Tagal ng Update nyeta. Hahaha

    ReplyDelete
  9. mga.. Tol.. Pahelp naman po oh.. panu bA magpost ng story dito? sa MSOB?
    Ahm PM ME.. 09291794569

    ReplyDelete
  10. Masyadung focus s s*x tuh. Sana katulad nlng ng mga naunang stories.

    ReplyDelete
  11. You lost me at haixt.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails