Gusto ko pong humingi ng paumanhin sa lahat ng readers ko. Hindi ako nakapagpost kahapon gawa ng nagloko ang internet namin kagabi. Pasensya na. Kaya heto, bumawi ako, dinagdagan ko ng kaunti ang Chapter na ito. Sana po'y magustuhan niyo.
BTW, MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION.
You can add me on facebook. I want to keep in touch with you guys.
https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
Please like my page na rin. Thanks in advance!
https://www.facebook.com/whitepal.gabriel
https://www.facebook.com/whitepal.gabriel
Again. FRIDAY - SUNDAY po ako nag-uupdate ng story. Once or twice a week.
Muli, MARAMING SALAMAT!
(Sa chapter 7, babatiin ko ang ilan sa mga readers ko. Hehehe. One of my ways to thank you guys.)
(PREVIOUS CHAPTER CLICK HERE!)
(Sa chapter 7, babatiin ko ang ilan sa mga readers ko. Hehehe. One of my ways to thank you guys.)
(PREVIOUS CHAPTER CLICK HERE!)
======================================================================
CHAPTER SIX
“Ang daming tao bro. Parang LRT.” sabi niya habang bumababa ng bus.
“MRT kamo dude. Mas maraming tao roon.” sagot ko. Humalik ang swelas ng aking sapatos sa semento.
“Parehas lang ‘yun.”
Inikot ko ang aking mga mata. Nakita kong kumakaway ang isang red flag. Alam kong sa tour guide namin iyon. Sinundan namin ito at nakipagsiksikan sa mga tao. Iba’t-ibang lahi ang mga nandito, may European, Japanese, American, at iba pa.
“Excited na ako sa River Cruise!” sigaw ko. Kasama sa tour namin ang Sumida River Cruise. Maiikot namin ang ilang parte ng tokyo habang nakasakay sa river boat. Exciting!
Ilang saglit pa’y binati kami ng mga nakahilerang haligi na kulay gray; gawa ang mga ito sa bakal. Sinusuportahan nito ang bubuong ng port.
“Ray! Ang gara naman ng boat! Ngayon lang ako nakakita ng design na ganyan. Parang robot sa mga anime o di kaya’y parang submarine na puro salamin na naka-angat sa tubig. Ang ganda!” masayang sabi ni Rome na parang bata. ‘Di ko napigilang mapangiti. Maraming beses ko na itong nakita ngunit ako ma’y namamangha pa rin sa ganda ng disenyo nito. Isa itong klase ng water bus na exclusive sa Tokyo. Tokyo Cruise Ship ang tawag sa boat na iyon.
“Rome, I think hindi iyan ang sasakyan natin.” napakmot ako sa aking ulo. Tumingin ako sa kanya.
“Ha!?” nanalaki ang kanyang mga mata.
“’Yun oh.” sabay turo ko sa isang puting River Cruise Boat. May dalawang palapag ito at walang bubong ang itaas.
“Pwede na rin.” napangiwi siya. Parang nadismaya ba.
“Parang napilitan.”
“Kakaiba kasi ‘yun.” sabi niya sabay turo sa isang boat na manghang-mangha siya.
“Maganda rin naman ito ah. Tingnan mo, pwede tayo ‘dun sa second floor. Mahangin. Malamig. At...” natigilan ako. Sasabihin ko sana’y romantic. Buti na lang napigil ko ang dila ko. Hehe.
“At?”
“At presko kagaya mo.” biro ko sabay tawa.
“Baliw.” nangingiti niyang sabi.
“Lakas.”
Tiningnan ko ang kanyang tenga. Medyo malaki ito. Pero kahit ganoon ay hindi ito nakabawas sa malakas niyang dating. He’s still cute. Hindi ko napigilang mapangiti.
“Ano meron bro?” bakas ang pagtataka sa kanyang mukha.
“Ha?”
“May dumi ba ako sa mukha?” tanong niya. Shit. Kanina ko pa ata siya tinititigan. Baka kung ano isipin nito ah.
“Ah, wala dude. Ang laki pala ng tenga mo. Parang si Dumbo, yung lumilipad na elephant gamit ang malaki niyang tenga.” sabi ko sabay halakhak.
“Gago.” napansin kong bahagya itong ngumiti. Hmmm... Bakit kaya? Baka may naalala siya? Ay ewan. Tinuon ng aking mga mata ang sasakyan naming River Cruise Boat. Sa di malamang dahilan ay naungkat sa aking memorya ang isa sa mga ala-alang linibing ko sa aking nakaraan.
***
“Alam mo ba ang balita? Kay ano...” sabi ng isang kaibigan ko habang hinahakbang ang paa pasakay ng bangka. Nasa island hoping kami noon sa palawan. Maaraw at mainit ng panahong iyon.
“Chismis ‘yan noh?” sabi ko sabay tawa.
“Hindi. Totoo ito.”
“Tungkol kanino?” tanong ko. Inangat ko ang aking kamay at humawak sa isang kahoy na parte ng bangka upang hindi ma-out balance at mahulog.
“Sa friend natin...”
“Who?” umupo ako, ganoon din siya.
“Kasama mo sa beijing.” nag-aalangan niyang sabi. Parang may mabigat na bagay na humampas sa aking ulo. Bumilis ang tibok ng aking puso, kasabay nito ang pagtusok ng libo-libong sibat at pana rito. Kilala ko na kung sino.
“He’s not my friend. And please, let’s not talk about him. I don’t want to hear anything about him. Higit sa lahat, ayokong marinig ang pangalan niya.” medyo napalakas ang boses ko. Bakas dito ang pagkairita. Tumingin ako sa malayo. Tinahak ng aking mga mata ang kalangitan, pinagmasdan ko ang mabagal na galaw ng ulap. Nakita kong may dumaang mga migratory birds, malayang lumilipad ang mga ito. Pumikit ako. Yumuko. Nakita ko ang mahinahong pagsayaw ng karagatan.
“Friend, you need to hear this.”
“Why? Anong mabuting idudulot nito sa akin?” tumingin ako sa kanya.
“Para makalimutan mo na siya.”
Pumikit ako. Nagbitiw ako ng isang buntong hininga. Kasabay ng pagbuga ko ng hangin ay binuo ko ang pag-asang makakalimutan ko ang taong iyon sa balitang maririnig ko.
“Spill it.”
“Sasabihin ko ito sa iyo, hindi para saktan ka, kundi para maisip mo na dapat mo na siyang kalimutan.”
“Just say it!” sigaw ko.
“Nasa Hongkong sila ngayon. ‘Dun siya magpopropose sa girlfriend niya.”
Parang isang napakalakas na bomba ang sumabog sa aking tenga. Ume-echo ito nang paulit-ulit. Maaraw man ang panahon ay tila nabalot ito ng kadiliman sa aking mga mata. Nanlumo ako. Nanghina. Nanginig, sa ganitong paraan linabas ng aking katawan ang emosyong sumasabog sa loob ko, galit, poot. Bakit napaka-unfair ng mundong ito? Hayop sila... Sila na umapak sa pagkatao ko, sila na nagmalupit sa akin, sila na walang awang sumira sa buhay ko. Bakit sila magiging masaya? Bakit!? They don’t deserve it! Ako ang dapat maging masaya dahil ako ang inapi! Ako lang!
Nalunod ako sa aking luha. Hindi ko na kaya ang bigat sa aking dibdib. Para akong pinatay ng paulit-ulit, walang katapusang kamatayan. Kinain ako ng kadiliman.
***
“Ray! Huy anong problema? Ray!” sigaw ng boses na gumising sa akin mula paglalakay sa nakaraan. Tumingin ako sa nagmamay-ari ng boses, nakita ko si Rome. Hindi ko siya halos makita. Malabo ang aking paningin. Naramdaman ko ang mainit niyang palad sa aking mukha, pinunasan niya ang luhang bumabalot dito. Luminaw ang aking paningin. Nakita ko ang maamo niyang mukha.
“Huy. Anong problema?” bakas sa boses niya ang pag-aalala. Umiling ako at nagbitiw ng isang pilit na ngiti.
“Wala. May naalala lang ako. I’m okay.” sabay kuha ng panyo sa bulsa. Pinunasan ko ang aking mukha.
“No you’re not... Anong problema?”
“Okay lang ako Rome. May naalala lang ako. Isang parte sa nakaraan na aking kinalimutan. I’m okay. Matagal ng tapos iyon. Hindi na dapat balikan.”
“Pero binalikan mo.”
“Nakatingin kasi ako sa sasakyan nating boat. E, naalala ko lang naman.” sabay ngiti. “Para akong gago nuh?” sabay bitiw ng pilit na tawa. Halatang pilit ito dahil hindi naman talaga ako ganoon tumawa.
Ilang saglit pa’y naramdaman kong hinawakan niya ang aking kamay. Mainit ito. Parang may taglay itong kuryente at pumasok sa aking sistema. Binalot ng kuryente ang buo kong pagkatao. Parang hindi ako makahinga. Bumilis ang tibok ng aking puso, pabilis ng pabilis, parang sasabog sa sobrang bilis. Ramdam ko ang biglang panginginig ng aking kalamnan. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Ito ang unang beses na hinawakan niya ang kamay ko. May mga tao akong minahal sa nakaraan na hinawakan din ang kamay ko, pero iba ito. Iba ang aking naramdaman, malayo sa mga taong minahal ko. This one is incomparable. Hindi ko alam kung bakit, pero ito ang nararamdaman ko. Tumingin ako sa kanya. Dahan-dahan.
“A-anong mayroon?” nanginginig kong tanong.
“What do you mean?”
“This.” sabi ko sabay galaw ng sa aming kamay.
Humalakhak siya.
“Ikaw kasi ang drama mo.” patuloy pa rin siyang tumatawa. “Sabi ng tour guide natin, humanap ng partner at pumila by 2’s kasi bibilangin tayo para sa ticket.” sabi niya sabay ngiti. Muling gumuhit ang dimples sa kanyang mukha.
“May holding hands talaga?”
“Masyadong maraming tao bro para hindi sila malito.”
“Ah... Okay.” nahihiya at naiilang kong sagot. Palihim akong ngumiti. Hindi lang basta ngiti kundi ngiting-ngiti habang ang mukha’y nasa kabilang direksyon para hindi niya makita. Tangina para na akong bipolar nito. Kanina nagdadrama ako, ngayon naman kilig na kilig. Parang tanga lang. Hehehe.
“Tara.” sabi niya. Naglakad kami. Sinundan namin ang American couple na nasa aming harapan. Pasimple kong tiningnan ang magkahawak naming mga kamay. Napansin kong nakabuka ang aking daliri habang ang kanya nama’y mahigpit na naka-kapit sa akin.
“Bakit kaya?” tanong ko sa sarili ko. Gusto ko ang ganito. Gusto kong magkahawak kami ng kamay, pero bakit ang tigas-tigas ng daliri ko? Bakit ‘di nito magawang tanggapin ang kanyang mga kamay? Is it because of my past? Dahil ba hanggang ngayon dala-dala ko pa rin ang nangyari sa akin? Dahil ba masyado akong nasaktan? Anim na taon na ‘yun, siguro naman naka-move on na ako.
Pasimple akong tumingin sa kamay namin. Gusto kong tumiklop. Kasi... palagay ko gusto ko na siya. Ewan ko. Pero isa lang ang sigurado, nawala ang sakit na nakalibing sa aking puso. Napalitan ito ng saya na di maipaliwanag.
Napansin kong pasimple siyang tumingin sa kamay naming magkahawak. Nagbitiw siya ng isang malalim na hinga. ‘Di ko na lang pinansin iyon.
Ilang saglit pa’y napansin kong lumamig ang aking kamay. Wala nang nakakapit dito.
“Tapos na. Nasa loob na tayo ng boat.” sabi niya.
Tumango ako.
“Bakit? Na-miss mo na agad kamay ko?”
Nanlaki ang mga mata ko. Tumingin ako sa kanya.
“Asa.”
“Aminin mo na.”
“Lakas mo talaga dude. Iba ka!” sabay pitik ko sa kanyang tenga. Natutuwa kasi ako sa laki nito.
“Aray! Malakas ‘yun ha.”
Tumawa ako nang malakas.
“Tara sa 2nd floor. Para makita mo ang sinasabi ko kanina.” sabay turo sa hagdan papuntang second floor. Inakyat namin ito.
Sa ‘di malamang dahilan ay muli kong naalala ang lalaking kasama ko sa Beijing, China. Pinipitik-pitik ko rin kasi ang tenga nito pag natutuwa ako sa kanya. Nasa ganoon akong pag-iisip nang maramadaman kong nagkamali ako ng apak ng hagdan. Nadulas ako. Bumilis ang tibok ng aking puso, napakabilis. In an instant, naramdaman ko ang isang brasong bumalot sa aking katawan. Naramdaman ko sa aking likuran ang kanyang mainit na katawan. Lumingon ako sa taong sumalo sa akin, napakalapit ng mukha namin sa isa’t-isa. Naamoy ko ang kanyang mainit na hininga. Mabango ito. Nagsalubong ang aming mga mata. Pakiramdam ko’y naging slow motion ang lahat. Para ring naglaho ang buong paligid at kami’y lumulutang sa kawalan.
“Clumsy mo ano? Kanina ka pa bro.” mahina niyang sabi habang ang mga mata’y nakatingin pa rin sa akin. Parang ang mga titig niya’y tumatagos sa aking kaluluwa. Nakakalusaw. Nakakapanlambot.
Agad akong tumayo at inayos ang sarili.
“Bro, bilis may nasa likuran ko.” sabi niya. Hindi ako halos makagalaw. Parang nanigas ang katawan ko sa nangyari.
Tangina gumawa pa ata kami ng eksena. Nakakahiya. Tsk.
Walang bubong ang second floor ng River Cruise Boat. May barandiliyang puti na nakapaligid dito. Sa gitna nama’y may mga upuan. Agad akong umupo sa pinakaharap. Tumabi siya sa akin. Pagkatapos ng nangyari kanina’y ‘di ko maiwasang ma-awkward.
‘Di ko na lang muna siya pinansin. Tinahak ng aking mga mata ang kalangitan. Napaka-peaceful. Inikot ko ang aking mga mata, nakita ko ang mga iba’t-ibang disenyo ng mga gusali sa magkabilang side, may pahaba, palapad, may kakaibang mga design din na hindi ko magawang i-describe dahil kakaiba talaga; Iba’t-iba rin ang kulay ng mga ito.
“Pst!” alam ko siya ito. Ano na naman kaya naisip ni mokong? Lumingon ako. Nakita kong nakangiti siya.
“Tuwang-tuwa?”
“Excited lang. Ganda pala dito.”
“See. Kung sa isa tayo nakasakay walang ganito.”
“Hmmm... Pero maganda rin ‘yun. Para kang nasa anime robot.”
“Isip bata.”
Ilang saglit pa’y naramdaman kong umusad na ang aming sinasakyan. Exciting! ‘Di ko napigilang mapangiti. Naramdaman ko ang malakas na paghalik ng hangin sa aking mukha’t kamay, ang dalawang parte ng katawan ko na nakalitaw.
“Ngiting-ngiti.”
“Syempre.”
“Gusto mo?” sabay abot ng chewing gum.
“Magkaka-diabetes ako nito eh.” sabi ko sabay kuha. Binuksan ko ito sabay subo.
“Gusto mo naman eh.”
“’Di ako humihindi kapag inalok mo ako ng pagkain, candy, or gum.” tumingin ako sa kanya. Nakita kong umiiling-iling si loko. Alam ko na ang iniisip niya, na matakaw ako! Hahaha.
Tahimik. Pasimple akong tumingin sa kanya, dahan-dahan. Tumingin din siya. Seryoso ang aming mukha. Ilang segundong walang imikan. Parang gago lang.
Ngumiti siya. Ngiting nakakagago. Nasapian na naman ata si mokong.
“Masyado bang malakas ang hangin at nakalog ang utak mo?”
“Natatawa ako sa iyo.”
“Bakit?”
“Proven. Mas gwapo talaga ako.” presko niyang sabi. Putangina heto na naman kami.
“Sige na, sa iyong sa iyo na iyan. Basta mas cute ako.” sabi ko sabay ngiti. Ngumiti siya. Ngiting nakakabwisit. Nakakaasar. Nakakabanas. Ang sarap sipain.
Lumingon ako sa kanan, sa direksyon niya. Nakita ko ang isang itim na building, kasunod nito ay may blue building, brown, white, at iba-iba pang kulay. Sa ibaba nito napansin ko ang isang avenue na puno ng mga shrubs, flowers, and trees. Ang street na ito’y nakatapat sa ilog na linulutangan namin.
“Tingin ka nang tingin sa akin ah. Type mo ako noh?” sabat niya. Nanlaki ang aking mga mata. Matulis ko siyang tiningnan.
“Gago. Baliw ka na! ‘Di mo na kinaya ang hangin at napuno na ang utak mo. Sipain kita ‘dyan eh para mahulog ka sa ilog.” sigaw ko sa kanya. Tumawa siya nang malakas. Grabe ang kayabangang taglay ng lalaking ito! Ibang klase!
Dumaan ang aming boat sa ilalim ng isang tulay, color blue ito.
“Pwede mong ihalintulad ang bridge na ito sa isang tao.”
“Paano?”
“Kailangan matatag ang isang tulay para makaraan nang maayos ang mga sasakyan sa ibabaw niya. Isipin mo ang mga sasakyan na iyan ay mga tao sa buhay ng isang tao. Dumadaan sila sa tulay kasi may pupuntahan sila. Ang tulay ay magsisilbing daan o opportunity para makarating ang mga ito sa kanilang destination. Parang tao, minsan ang isang tao ay nagiging instrumento o daan para sa ikauunlad ng ibang tao.”
“Lalim bro.”
“Syempre. Kaysa naman pag-usapan natin ang kayabangan mo.”
Tumawa siya.
“Pero kagaya ng isang tao, pwede itong magiba, lalo na kung hindi matibay ang pundasyon. Isipin mo kung mahina ang pundasyon niyan at tamaan ng isang malakas na tsunami, ano mangyayari?”
“Magigiba.” sagot niya.
“Exactly. So papaano ka magiging tulay sa ibang tao kung ikaw mismo ay mahina ‘di ba?”
“So what are you trying to say Ray the sage?”
“Sage!?”
“Yeah. Full of wisdom ka kasi. Kanina ka pa nangangaral.”
Tawanan.
“Wala lang nasabi ko lang. May mga darating kasi sa buhay natin na tayo ang magiging daan para makamit nila mga bagay na gusto nila. Hindi lang ito natatapos dito, minsan tayo pa ang magiging daan para makilala nila ang sarili nila.” teka, saan ko hinugot iyan!? Hehe.
Ilang minuto ang dumaan at napansin kong dumaan ang kami sa ilalim ng kulay dilaw na tulay.
“Alam mo bro.”
“’Di pa.”
“Baliw.” sabi niya sabay ngiti. Muli kong nakita ang kanyang dimples. Hay.
“Alam mo ba na ang color yellow, rinerepresent nito ay happiness, optimism, energy, intellect, enlightenment, loyalty and joy?”
“Talaga?”
Tumango siya.
“Para kang tulay na iyan. ‘Di ka lang basta matatag Ray. Lahat ng qualities na sinabi ko kanina, nasa iyo lahat iyon.”
“Salamat.” Sagot ko sabay ngiti. Sa totoo lang ay na-touch ako sa sinabi niya. Ganoon pala ang tingin niya sa akin. Napakasarap pakinggan.
“Isa pa nga.” sabi ko sabay harap sa kanya at labas ng ipin.
“’Wag na, baka lumaki ulo mo.”
“Kagaya mo.”
“Baliw.”
Bumungad sa aking kanan ang mga naglalakihang gusali. May mga elevated pang mga daan dito na halos kasing taas ng gusali. Sa di kalayuan ay nakita namin ang isang bridge, may dumaang tren dito. Ilang saglit pa’y dumaan kami sa ilalim nito.
“Wala masyadong tao.”
“Marami iyan sa loob dude. ‘Di lang kasi siksikan gaya ng MRT at LRT.”
“Box office ‘yun eh. Parang magigiba na sa dami ng tao.” sagot niya.
Tumingala ako. Napansin ko ang unti-unting pagpula ng langit. Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone. Past 4pm na pala, pero dahil winter season ngayon sa Japan ay maagang kinakain ng kadiliman ang langit. Ilang saglit pa’y malapit dinaanan namin ang sumunod na tulay. Kulay green ito.
“Ang bilis ng oras.” sambit ko.
“Oo nga eh.” sagot niya. Nagbitiw siya ng isang malalim na hinga.
“Sabi nila, ganoon daw talaga pag nag-eenjoy ka.”
“I did.”
“Talaga?”
Tumango siya. Naisip ko lang, nag-enjoy siya sa tour, pero nag-enjoy rin ba siya sa kasama niya?
“Nag-enjoy rin ako dahil kasama kita.” mahina at malambing niyang sabi. Tumingin ako sa kanya. Nakatingin pala siya sa akin. Tinatamaan ng pulang sinag ng araw ang maamo niyang mukha.
“Why?
“Kasi nakakatawa ka.”
“Gago.”
Tawanan.
“Ilang katol ba hinithit mo? Kanina ka pa ah.”
“Ikaw eh. Nahawa na ako sa iyo.” sabi niya sabay hawi ng buhok niyang hinahangin.
Napailing ako. Ibang klase talaga si loko.
“Seriously Ray, naisip ko ang sinabi mo kanina sa Tokyo Imperial Palace... Change your perspective... Oo mas gusto kong sumakay sa isang boat. Maganda ‘yun e’ di ba? Pero kung doon tayo sumakay, hindi natin maeexperience ito.”
“Paanong ito?”
“Alam mo naman.”
“Gusto ko marinig.”
“Itong ganito. Naka-upo sa itaas ng River Cruise Boat. Hinahangin. Tinatamaan ng sinag ng araw ng nalalapit na sunset. Ramdam na ramdam ang nature. Ewan ko Ray... Everything is perfect.” sabay ngiti. Tumingin siya sa akin.
“You’re learning.” sabi ko sabay ngiti.
Napansin ko na dumaan kami sa ilalim ng huling bridge ng River Cruise na iyon. Kulay pula ang tulay na iyon.
“Ang ganda ng sunset.”
“Yeah.”
Makapigil hininga ang paglubog ng araw habang pinanunuod namin iyon sa gitna ng ilog. Maraming beses ko na itong naranasan dati, ngunit iba ang nararamdaman ko sa pagkakataong ito. Pumupula ng husto ang langit habang papalubog si haring araw. Tinuon ng aking mga mata ang ilog. Para itong naging salamin sa mapulang langit. Napakaganda.
Ilang saglit pa’y mabilis na nawala si haring araw. Ang bilis ng oras. Ang bilis matapos ng araw na ito. Pumikit ako. Inalala ko ang umpisa ng tour na ito.
This morning, a stranger sat beside me. Isang malutong na mura ang una kong narinig sa kanyang bibig. Nakakatawa. Naiirita ito dahil nahulog ang kanyang biscuit, ang babaw ‘di ba? Binigay ko ang kalahating biscuit na natira sa aking kamay. Kahit nagugutom ako’y binigay ko ito sa kanya. The reason? Akala ko dahil ayoko masira ang araw ko dahil sa ka-negahan ng isang tao. But when I look at it now, hindi ko alam. Hindi ko maintindihan. Tadhana bang matatawag iyon na dahil sa kalahating biscuit ay nagkakilala kami? O desisyon?
It’s long day, ang daming nangyari, pero hindi ko malimutan ay ang lagi niyang pagsalo sa akin sa tuwing ako’y mahuhulog o madadapa. Ayokong mag-isip ng iba tungkol dito, but I can’t help it. Higit sa lahat, alisin ko man sa aking isip ay paulit-ulit na nag-rerewind sa aking utak ang paghawak niya sa aking kamay. Ginawa niya iyon dahil utos ng aming tour guide, nagmarka ito hindi lang sa aking utak kundi pati sa aking puso.
Muling bumilis ang tibok ng aking puso. Para akong nakukuryente. Hindi ako mapakali. Parang may kung anong bagay na lumilipad o umiikot-ikot sa aking tyan. Bakit ganito? Ewan ko. Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan.
Naisip ko lang, is it possible to fall in love with someone na kakakilala mo pa lang?
Tinignan ko siya. Nakapikit ito. Tinitigan ko nang mabuti ang kanyang mukha.
“No. This is just an infatuation Ray. Impossible.”
ITUTULOY
Nasabi ko sa FB post ko na may FIRST TIME na mangyayari kay Ray at Rome. Kung sakaling 'di na-gets ang first time, magcomment lang po kayo at sasagutin ko. Important po kasi ito kaya ito kaya ito ang hinighlight ko sa isang scene. Hehehe. :D
ReplyDeleteMuli, maraming salamat sa pagbabasa. ^_^
Nice chapter..ito na xguro ung simula between the two character..keep it up gab..
DeleteEldrienn FS.
The first time po is the holding hands. Minsan sa paghawak mo ng kamay sa isang tao, malalaman mo kung ano ang nararamdaman niya sa iyo, minsan dito rin nag-uumpisa ang maraming posibilidad para sa inyong dalawa.
DeleteMay isa pang FIRST TIME na 'di ko sinasadyang nangyari, pero ako man ay kinilig dito. Hahaha. Ito yung moment nila sa boat na para bang sila lang ang tao doon. That is the first time na nangyari 'yun. Iba ito sa bus at sa ibang lugar na magkasama sila kasi napapansin pa ni Ray o Rome ang ibang tao, dito parang may sarili silang mundo at totally nawala ang mga tao sa paligid. Hehehe.
Thanks po for reading. ^_^
Nung una medyo di ako naamaze sa kwento medyo short ang update tas medyo nakakalito. Haha and medyo nacompare ko sia sa mga ibang story na nabasa ko dito pero mali ako kasi every story are unique in each way now im starting to love it. Yes! May life lesson ung pain and everything. Haha kudos! More to go.. 😊😊😊
ReplyDeleteThanks po for reading. :-)
DeleteSa totoo lang ay gusto ko mag-update twice a week kasi minsan maiksi lang talaga ang isang chapter at 'yun lang ang cover nun. Pero 'di kaya ng sched ko eh sobrang busy. (Although susubukan ko pa rin) Hahaha. Masaya po ako at nagustuhan niyo. ^_^
Ano po palang nakakalito? :-) i-comment niyo po dito or add me sa FB tas chat niyo po sa akin para po alam ko kasi ilalagay ko po ito sa book eh. Syempre para rin po mas maayos basahin pagdating sa book version. :-)
DeleteAyan na ang hinihintay ko! Humuhugot na ng heavy emotions! Yan talaga signature mo Gab eh. Kaya lang sample pa lang ito di pa todo. Hehehehehe. I understand naman kasi very light ang story. Excited ako sa individual backstory ni Ray and Rome. Sana meron...
ReplyDeleteNext chapter na please. Wag mo na kaming bitinin Gab! Hahahahaha!!!!!!
Nagcomment ka rin dito dude? Hahaha. Nasa wattpad yung reply ko sa iyo. Hahaha.
DeleteHave a nice day! ^_^
Good job author! Your story gives a lot of inspiration and hope lalo na sa kagaya kong "never been in love or should i say, wala pang nagtangkang mahalin din ako." Hahaha Anyway, till next updates! God bless po. :)
ReplyDelete'Wag po magmadali, dumarating sa tamang panahon ang love. Minsan naman nandyan na sa tabi natin pero 'di natin napapansin. :-)
DeleteThanks for reading. Have a nice day. :-)
Grave nagiging romantic name any kwento name into at nahuhulog na as is at is a silang dalawa....
ReplyDeleteJharz
Na-auto correct po ata kayo, pero okay lang naiintindihan ko pa rin po comment niyo. Hehehe. :-)
DeleteHave a nice day po! Salamat sa pagbabasa sana nagustuhan niyo. ^_^
Ganda talaga <3
ReplyDeleteThanks po. ^_^
DeleteNice chapter..ito na xguro ung simula between the two character..keep it up gab..
ReplyDeleteNasa taas po reply ko sa inyo. Yung una niyong comment na reply niyo sa comment ko. ^_^
DeleteSobrang ganda!!! Sana mas maraming kilig sa susunod na chapters. Best chapter ito. Galing ng author!!!!!
ReplyDeleteYham
Ako rin po ito pinakagusto kong chapter since umpisa. Kinilig ako habang sinusulat ko ito eh. Hehehe. God bless po!
DeleteCurious ako sa past ni Ray. Sa likod ng tinatago niyang ngiti ay isang nakaraang masakit at kinalimutan niya. Napaisip ako dun Author hehe. Ang ganda ng boat scene ng dalawa sana more kilig next chapter.
ReplyDeleteLeif
Mas mapapaisip ka po sa next chapters at nawa'y kiligin din kayo. Hehehe. Salamat po sa pagbabasa. ^_^
DeleteGanda ng story gab, daming hugot lines na tagos sa puso. Good job
ReplyDelete"Jun cavite"
It's been a while since reading a story made me smile. Great job sir Gab. Konting chapters pa lang nababasa ko but this made my day. Thank you!
ReplyDeleteChuy