Stranded
James Silver
Fiction
"Ayoko na!" ang sabi ko sa sarili ko habang nakasampa sa barandilya ng barkong sinasakyan ko papuntang Palawan.
"Uy! Gago ka ba, bumaba ka dyan mamaya matuluyan ka nga dyan."sigaw ng lalakeng nasa likuran ko.
"Pabayaan mo ako, gusto ko na mamatay. huhuhuhu!"
"Tangina, kung gusto mo magpakamatay. Sa kabilang banda ka, doon sa hindi ko nakikita. Konsensya ko pa pag nahulog ka dyan." bulyaw nya sa akin.
"Edi, ikaw ang umalis. O kaya pumikit ka para hindi mo ako makita." balik na sigaw ko sa kanya.
Hindi ko na talaga kaya ang nararamdaman ko. Magpapasakal na si Gerald doon sa putang inang babae na yun na mukhang sandok. Tangina ano bang nagustuhan nya dun? Napakapayat ng katawan tapos anlaki ng ulo. Bukod sa hindi na sya maganda eh, nuknukan pa ng engot.
"Huhuhuhu! Move-on na friend! True love yung kalaban mo." sabi ng konsensya ko na kanina ko pa minumura dahil hindi man lang ako nagawang kampihan.
"Hoy! Tangina bumaba ka na dyan, umuulan na. Pag ikaw nadulas wag mo ako sisihin ah." sigaw ulit nung makulit na lalake.
"Teka, kanina ka pa ah. Akala ko ba ayaw mo ako makitang magpakamatay. Umalis ka na nga dito." nakukulitan na talaga ako doon sa lalake, gusto ko nang bumaba dito at hatakin sya para unahin syang ihulog sa barko.
"Kung ano man yang problema mo, wag mo idaan sa ganyan. Halika pag-usapan natin yan" pakiusap nya sa akin.
"Ayoko na pag-usapan yung problema ko. Gusto ko na lang mamatay."
"Kakainin ka ng mga pating dyan, kung ako sayo maglalason na lang ako. Kesa tumalon dyan" Sabi nya.
"Tsk! Tarantado ka rin eh noh! Wag mo na nga ako pakialaman."
Hindi ko namalayan na nasa likod ko na sya. At bigla nya akong hinawakan sa bewang ko at hinatak. Pareho kaming napahiga sa malamig at basang sahig ng barko.
"Tangina naman eh, bakit ka ba nangingialam? Bitawan mo ako" halos magwala na ako sa pagpupumiglas sa kanya. Pero hindi nya ako binibitawan.
"Hindi kita bibitawan. Gago ka eh, magpakamatay ka na lang next time, yung wala ako" sabi nya.
Bumaling ako sa kanya at mumurahin ko sana sya right on his face. Pero natigilan ako.
"Syet! tanginess na anghel 'to." biglang nakaramdam ako na parang gusto ko tuloy kumerengkeng sa gwapong lalake na nakayakap sakin.
"Try your luck next time, kasi hindi talaga ako papayag na may mamatay sa harap ko noh!" malakas na boses nyang may seryosong mukha.
"Enebe!" natawa ako sa nasabi ko sa isip ko.
"Hoy! Armando, lumalandi ka na naman." konsensya ko.
"Bakla ka ba?" tanong nya.
Hindi ko napansin na napako na pala ang paningin ko sa gwapo nyang mukha. "syet" sabi ko.
Hindi ko na sya sinagot dahil bigla akong natauhan at bumalik na naman ang inis ko. Pagkatapos ay tumayo na kaming pareho at iniwan ko na syang mag-isa doon. Ikakain ko na lang 'tong sentimyento ko.
Bumalik ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Walang problema sa damit dahil dinala ko naman na lahat ng gamit ko at wala na akong balak na bumalik sa Maynila. Leche! Nasaktan lang ako sa lugar na yun. Ayaw ko na bumalik, ayaw ko na makita si Gerald.
Lumabas ako at kumain ng marami. Well maraming marami, malakas ako kumain eh. Kaya nga medyo mataba ako.
Habang kumakain ako ay napatitig ako sa isang crew. Wow! Dami palang gwapo dito. Doon ko lang napagtanto sa sarili ko na marami palang lalake sa mundo na mas gwapo pa kesa sa negrong 'yon.
"Hmp! Leche sya, mamatay sana sya sa kaengotan nung pinakasalan nya" sabi ko na lang sa isip ko at tuloy-tuloy akong lumamon. "di bale! mahal naman ako ng mommy ko."
"Thank you, ah. Basang basa yung damit ko dahil sayo" yung lalake na naman kanina. May inis sa mukha nya habang nakatitig sa akin.
"Oh! Bakit kasalanan ko ba? Pakialamero ka kasi kaya nangyari sayo 'yan" pinipilit kong magmaganda. Itinataas ko ang isa kong kilay, pero hindi ko talaga kaya. Talagang sabay na tumataas.
"Bakla!" insulto nya sa akin.
"Bakit, inggit ka? Bakit di ka jumoin sa pederasyon?" huh! Hindi nya ako kaya noh. Asaran lang pala eh, wala pang nagwagi sakin pagdating dyan.
"Ayoko! Wow! Grabe, antakaw mo naman. Andami nyan ah." bigla syang umupo sa harap ko. "pwedeng pakain?"
"Ganun? Pagkatapos mo akong asarin, makikikain ka? Yung mukha mo ramdam na ramdam dito, mula dyan. Kapal eh" pagmamataray ko na naman.
"Antaray mo naman, wala akong pera eh. Nagugutom na ako. At tsaka bayad mo na rin sakin sa pagliligtas ko ng buhay mo" walang pakialam nyang pagkakasabi at tuloy-tuloy na kumain.
"Ganyan ka ba talaga? Nangingialam ka ng buhay ng ibang tao? Tapos utang na loob pa yun ah. Di lang yun, nakikikain ka pa."
"Wag mo na banggitin yung nakikikain. Naririnig ng ibang tao oh! May hiya rin naman ako kahit konte!" habang patuloy sa pagsagpang ng hita ng manok.
"Buti naman nahiya ka sa kanila, sakin kasi hindi eh. FC ka!" sabi ko.
"Huh! Anong FC?" tanong nya.
"Feeling close, shunga!"
"Ah! Akala ko Fuck-Cute" sabay ngiti nya. At tinitigan nya ako ng mapang-akit. Dinilaan pa yung drumstick na parang dumidila ng ice cream.
Tangina, nalibugan ako sa ginawa nya. Itinuloy ko na lang ang pagkain ko dahil hindi ko naman balak na pumick-up ng lalake dito sa loob ng barko. May pagka-conservative naman ako noh!
"Ano bang problema mo? Bakit gusto mo magpakamatay? Lalake yan noh?" sunod-sunod nyang tanong.
"Eh, ano ngayun kung lalake? Kumain ka na nga lang dyan, wag mo na akong pakialaman." irita kong sagot.
"May ibang bakla? O may girlfriend?"
Shit! Bigla ko na naman naalala si Gerald. Bumalik na naman yung sakit na nakalimutan ko na ilang minuto na ang nakakaraan.
"Bwiset ka, nakalimutan ko na nga kanina eh, pinaalala mo pa."inis kong banggit sa kanya.
"Nakalimutan mo sya agad dahil sakin? Kakakilala lang natin ah. Wag ka ganyan pumapatol ako hahahaha!" patuloy pa rin ang kain.
Kinabahan ako sa sinabi nya. Hindi ko alam kung bakit, gwapo kasi ang puta eh. Kaya malakas ang loob at makapal ang mukha.
"Putang ina nyo talagang mga gwapo kayo. Mamatay na kayo." sabi ko sa isip ko.
Hindi ko na sya kinausap at itinuloy-tuloy ko na lang ang kain. Binilisan ko dahil baka mamaya mahulog ako sa trap nya at maubos pa ang pera ko. Mukhang sanay kasi sa pakikipaglandian sa mga bakla 'tong hinayupak na 'to eh. Hindi naman sa panghuhusga pero sa tingin ko Callboy sya. Bihasa eh.
"Ubusin mo na yan at magbabayad na ako!" pagmamadali ko sa kanya.
"Aalis ka na agad? Usap pa tayo." pigil nya sa akin.
Hindi ko na sya sinagot pa, dahil nga umiiwas ako baka perahan nya ako. Bakla lang ako at alam kong mahina ako sa ganyan. Nakakalibog pa naman sya tumingin. Mahirap na baka lamunin ako ng libog ko, tuspok ang pera ko sigurado. Pero may napansin ako, napakaraming kalat sa sahig. Puro pagkain sobrang dami, sayang naman. Tsk! Antakaw ko talaga.
"Angkalat mo naman kumain grabe."
Iniwan ko na sya. Nagmamadali akong umalis para hindi nya na ako masundan. Pero napahinto ako nung makita ko yung dalawang lalake na mukhang magjowa. Naiinggit ako sa kanila. Akay akay nung isang lalake yung isa na parang naduduwal. Malamang nahihilo sa paggalaw ng barko.
"Haynaku!" sabi ko na lang.
Pumasok na ako sa kwarto at nanood ako ng porn na nakasave sa laptop ko. Ano pa nga ba ang gagawin ko eh, nalibugan nga ako dun sa lalakeng kanina ko pa kausap, pero hindi ko naman kilala.
Nang labasan na ako sa ginawa kong pagpapaligaya sa sarili ko ay tumuloy na ako sa paliligo. Balak ko kasi mag-inom para makalimot. At least yung alak nakiki-jive sa drama ko. Wala kasing nakakaintindi sa mga taong katulad ko. Akala nila palagi akong masaya dahil masaya ako kausap. Gusto ko nga silang murahin minsan eh, para malaman nilang marunong akong magalit at masaktan. Hindi naman ako stuff toy na walang pakiramdam noh. Kahit na nakikita ko si Barney sa tuwing titingin ako sa salamin.
Pagkatapos kong maligo ay dirediretso akong lumabas at pumunta sa bar. Magpapakalasing ako para makatulog akong mabuti.
"Kahit sandali lang please! Makalimutan ko sya." bulong ko sa isip ko.
Pagka-upo ko ay agad akong umorder ng alak. At nang maiserve na sa akin.
"Hi! Friend!" sabi ko sa alak.
"Sir mag-isa lang po ba kayo?" tanong ng crew.
"Oo! Gusto mo akong samahan?" sabay ngiti ko.
"Malandi!" sabi ng konsensya ko.
"Sir limitado lang po ang isini-serve naming alak, bawal po kasing magpakalasing dito. Dapat po may kasama kayo." isplika nya sa akin.
"Ako kasama nya ako." sabi ng isang lalake.
"Shit! sya na naman?" tanong ko sa isip ko.
"Sige po sir maiwan ko na po kayo. Bawal po kayo mag exceed ng 3 rounds." sabi nung crew.
"Yung totoo, stalker kita noh? Hahaha inisnab ka nung crew hahaha ano ka invisible?" pagtataray ko.
"Wow! Ganda mo ah. Eh, gusto ko ring uminom eh, anong magagawa mo? Bayaan mo na yung crew na yon. hahaha"
"Wala ka ngang pera diba? Balak mo bang makijoin na naman sa trip ko?"
"Hahaha! Iniinis lang kita kanina. May pera ako noh, treat ko na 'to don't worry." alok nya.
"Wow, ha!" pinipilit ko na namang itaas ang kilay ko. Pero pakiramdam ko mag-uulyanin na lang ako hindi ko pa magagawa yun ng tama.
Syempre, biyaya na 'yon tatanggi pa ba ako? Wala na akong nagawa at sinamahan nya na nga ako sa pag-inom. At least makakatipid ako.
Umupo na sya sa harap ko.
"Hi! Miss anong pangalan mo?" medyo namental block ako sa tanong nya.
"Huh! Ah eh. Aps na lang itawag mo sa akin." sabi ko dahil hindi ko kasi masabi ang tunay kong pangalan dahil nagmamaganda nga ako.
"Huh! Pangalan ba yun? Ngayon lang ako nakarinig ng ganun ah. Yung totoong pangalan mo ang itinatanong ko. Syempre, pag magpapakilala ka ng pormal dapat sabihin mo 'yong totoong pangalan mo." isplika nya.
"Tsk! Alam mo bwiset ka talaga." inis ko.
"Hahaha! Ano nga?" Bahala ka hindi ko sasabihin ang pangalan ko sayo." pananakot nya.
"Edi wag, sino bang may gusto sa pangalan mo?" taray ko.
"O sige ganito na lang. Pag sinabi mo 'yong totoong pangalan mo. Magsasabi ako ng isang sikreto sayo." pakikipag-deal nya sa akin.
"Wag na hindi naman ako interesado sa sikreto mo eh."sabi ko
"Hindi ka interesado sa sikreto ko ngayon. Wag ka magsalita ng tapos, baka mamaya kulitin mo pa ako tungkol sa sikreto ko. Ano nga pangalan mo?" pamimilit nya.
"Armando Peralta"sagot ko.
"Yun naman pala eh. Hahaha lalakeng lalake." biro nya.
"Wala ka nang pakialam dun. Nasa langit na yung nagbigay sakin ng pangalan na yan. Ikaw anong pangalan mo?"
"Rion Diaz nga pala pare!" sabay abot ng kamay nya sa akin.
Inabot ko rin ang kamay ko sa kanya. At hayun, pormal na nga kaming magkakakilala.
"Oh, ano na yung secret?"
"Ah, akala ko hindi ka interesado? Hahahaha. Yung secret ko ay." binitin nya pa. At para akong naatat doon sa sasabihin nya.
"Ano nga?"
"Malake"
"Ang ano?" medyo uminit ang tenga ko sa sinabi nya.
"Yung ano ko sobrang lake."bitin nya ulit.
"Ang alin nga? Bwiset!" medyo naiinis na ako sa sobrang atat. Dahil medyo green na yung isip ko.
"Malake yung, sapatos ko. Secret lang natin yun ah. Hahahaha!"
"Pakyu!" nairita ako bigla.
"Alam mo, maraming uri ng sikreto. Sikreto na mahalaga, sikretong wala lang, sikretong nakakahiya. May dapat sabihin sa iba at may hindi dapat sabihin. Yung sinabi ko sayo, mahalagang sikreto yun." paliwanag nya.
"Huh! Anong mahalaga sa sikreto na yun? Sino namang may pakialam sa malaki mong sapatos?"
"Wala nga! Pero mahalaga sa akin 'yon"sabi nya.
"Ok, sayo mahalaga, sakin hindi. Wala akong pakialam sa malaki mong sapatos."
"Superficial lang kasi yung tiningnan mo sa sikreto ko. Mahalaga nga sa akin diba, hindi ka man lang ba nagtaka doon kung bakit mahalaga 'yon sa akin?"
Natigilan ako sa sinabi nya. Oo nga naman, ano nga bang dahilan nya kung bakit mahalaga sa kanya yung sikretong iyon. At dahil doon ay parang gusto ko pang ungkatin kung bakit mahalaga sa kanya 'yon. Mababaw kasi ako mag-isip kaya hindi ko nakuha kaagad yung gusto nya sabihin.
"Ano nga bang mahalaga dun" tanong ko.
"Interesado ka na ba sa sikreto ko?" sabi nya habang nakangiti.
"Oo, na sige na ano ba yang lintek na sikretong yan."
"Malaki nga yung sapatos ko, yun ang sikreto." sabay ngiti.
"Puta nakakainis na yang sikreto na yan. Walang kakwenta-kwenta naman 'tong usapan natin. Tsk!" nabibwiset na ako sa kanya.
Hindi ko magets yung mga sinasabi nya. Para syang tanga na ipinipilit ipasok sa utak ko na pahalagahan ang isang bagay na walang kakwenta-kwenta. Putang inang sapatos na yan, kahit na mamahalin pa ang brand ng sapatos nya ay wala pa rin akong pakialam.
"Tangina naman talaga!" sabi ko sa isip ko.
"Pinakahilig kong laro ang basketball. Ginawa ko lahat para maging magaling ako sa basketball. Halos napabayaan ko na nga ang pag-aaral ko dahil sa larong iyon eh. Malaki ang paa ko noon kaya maraming nagregalo sa akin ng malalaking sapatos. Pero isang araw bigla na lang akong tumigil sa paglalaro. Kaya ayun, malaki ang sapatos ko." kwento nya.
"Sige na itigil mo na yang kwento mo. Nakakainip na. uminom ka na nga lang." sabi ko.
"Ibig sabihin nyan, hindi ka nakinig sa kwento ko." biglang sumeryoso ang mukha nya.
"Narinig ko yung kwento mo Ok?" nabobore na ako sa kwentuhan namin.
"Magkaiba kasi yung narinig mo lang at sa nakinig ka. Pag narinig mo lang, dumaan lang yung sound ng boses ko sa tenga mo. Pero pag nakinig ka, maiintindihan mo yung kwento ko."
"Ok, Diretsohin mo na kasi ako, hindi ako matalinong tao para alamin yang mga gusto mo iparating sa akin. Alam mo yun? Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi mo." nakakainis na talaga.
"Hindi mo ba narinig yung sinabi ko? Hindi mo ba narinig yung salitang (noon) sa kwento ko?"
Hindi ko matandaan yung detalye ng kwento nya kaya hindi ako nakasagot.
"Dapat kasi iniintindi mong mabuti lahat ng bagay. Yan kasi ang pagkakamali ng tao eh. Binigyan tayo ng utak para umindi. Pero hindi natin ginagamit. Kasi akala natin, alam na natin lahat. Lahat ng bagay ay may pinaghuhugutang malalim. Ikakamatay natin pag hindi tayo nag-isip ng mabuti. Kagaya na lang ng ginawa mo kanina. Magpapakamatay ka kasi hindi ka nag-iisip ng mabuti." sabi nya.
"Ano namang kinalaman nyan sa usapan natin?"tanong ko.
"Malaki, mag-isip ka ng mabuti para hindi ka padalos-dalos ng desisyon, dahil isang araw pagsisisihan mo na lang yan bigla. Tumingin ka sa pinakamalalim na parte ng buhay, at malalaman mo na marami pang mas mahalagang bagay ang dapat mong intindihin."
(. . . . . . . .naimagine ko ang tunog ng mga palaka sa mahabang katahimikan.)
"Akala mo mahal mo 'yon? Kasi namimiss mo 'yong pilikmata nya? Naaalala mo sya sa pabango nyang f2, sa kantang madalas nya kantahin. Sa lugar na napuntahan nyong dalawa? Yung mga bagay lang na 'yon ang naiisip mo kaya ka magpapakamatay. Mag-isip ka ulit, baka nagkamali ka lang."
"Ok!" bored na talaga ako.
Blangko na ang utak ko. Parang nagshut-down na sa sobrang boring nya kausap.
Hindi ko na inungkat kung ano man yung gusto nya sabihin. Tinamad na rin ako uminom. Iniwan ko na lang si Rion doon at pumasok na ulit sa kwarto ko. Kabastusan man yung ginawa ko, pero naiinis talaga ako sa kanya. Akala mo matalino, hindi naman. Parang alam nya na lahat tungkol sa akin. Eh kanina lang naman kami nagkakilala. Tsk! Gwapo sana kaso wirdo.
Hindi ako makatulog. Kaya lumabas ako para magpahangin. Sana lang hindi ko na makita yung wirdong yun. Sabagay nakatulong naman sya. Sa sobrang boring nya kasi kausap, eh tinamad na rin ako magpakamatay. Tsaka nakalimot ako kahit sandali.
Sa paglalakad ko ay may crew na biglang humabol sa akin.
"Sir, hindi po kayo nagbayad kanina."crew
"Huh? Yung kasama ko ang nagbayad!"
"Wala pong nagbabayad sir."sabi ulit ng crew.
Bwiset! Naisahan ako nung gagong 'yon ah. Wala na nga akong nagawa at nagbayad na lang. Grabe, nakakahiya talaga. Ang gwapo pa naman nung crew. Shit!
Nag-ikot ikot ako sa barko. Susulitin ko na dahil bukas ng umaga ay matatapos na ang byahe. Naboboring pa rin ako kaya naman bigla ko naisip si Rion. Parang mas ayos na merong kausap na wirdo kesa mukha akong tanga ditong nag-iikot mag-isa.
"Nag-iisa ka na naman. Iniisip mo ako noh?" tsk! si Rion.
"Sinusundan mo ba ako? Oo nga pala, tarantado ka ah, sabi mo ikaw ang magbabayad ng ininom natin?" Tanong ko.
"Ay, sorry naiwan ko pala yung wallet ko kanina. Sorry ah!"
Sa bagay, nainsip ko na baka nga seryoso sya na wala syang pera. Nahihiya lang magsabi. Hmm! Pinabayaan ko na. Kesa mabadtrip pa ako lalo.
Papalapit sya sa akin. Napansin kong paika-ika sya maglakad.
"Oh, anong nangyari sayo? Natapilok ka ba?" Tanong ko.
"Alam mo maraming wala sayo. Una hindi ka marunong makinig, pangalawa hindi ka marunong magmasid." heto na naman sya sa mga banat nyang ewan.
"Alam mo andami mong alam. Sasagutin mo na lang yung tanong ko kung ano-ano pang sinasabi mo."
"Simula nung magkita tayo kanina, ganito na ako maglakad. Di mo lang napansin."sabay ngiti nya.
"Ah ganun ba? Seryosong kwentuhan ah. Ako naman ang magkukwento sayo. Ayaw ko na kasing marinig yung mga kwento mo tungkol sa punyetang sapatos na yan. Wait lang ah, wala ka bang shorts bakit kanina ka pa nakapantalon?" tanong ko muna.
"Isa ring sikreto yan." sabay kindat.
"Leche!" ganti ko.
"Hahahahaha. Nakakatuwa ka talaga! Ano na yung kwento mo."
"Kaya ako magpapakamatay kanina, kasi ayaw ko nang ituloy yung buhay ko dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Ikakasal na kasi yung nag-iisang lalakeng minahal ko sa buhay ko. Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon?"
"Oo, naman alam na alam ko 'yon higit pa sayo. Hahahaha."
"Masayahin kang tao eh noh? Tumatawa ka kahit walang nakakatawa?" sabi ko, sabay irap.
"Taray mo naman. Hindi tayo magkakilala pero sobrang gaan ng loob ko sayo"
Medyo nakaramdam ako ng kung ano sa loob ko nung sinabi nya yun. Parang ewan lang.
"Bakit naman magaan ang loob mo sa akin?" tanong ko.
"Wala lang, siguro may pagkakapareho tayo. Nangyari din kasi sakin yang nangyari sayo. Ang kaibahan lang natin, 10x na mas masakit yung akin hahahaha."
Ayaw kong magtanong dahil baka mapunta na naman kami sa boring nyang litanya.
"Nasaan ang kwarto mo?" tanong nya.
"Bakit mo naman tinatanong?"
"Wala lang hahaha. Tara doon na lang tayo." aya nya sakin.
"Ayaw ko nga. Baka patayin mo pa ako sa loob." sabi ko.
"Sabagay, pangalan lang naman ang alam mo sakin eh."
"Wala ka naman kasing sinabi tungkol sa sarili mo eh. Puro sapatos mo kasi ang pinag-usapan natin kanina kaya hanggang ngayon wala akong alam tungkol sayo. At least ikaw alam mo nang bakla ako."
"Pinipilit ko na nga sabihin sayo yung isang mahalagang sikreto sa buhay ko eh. Ayaw mo lang kasi makinig." sisi nya sakin.
"Tsk! Ano namang mahalagang bagay tungkol sayo ang malalaman ko kung puro sapatos mo ang pinag-uusapan natin?"
"Marami, siguro kalahati ng buhay ko ang malalaman mo." sagot nya.
Bigla akong natahimik. Mukang may kung ano nga sa sapatos nya ang parang masayang malaman.
" Sige makikinig na ako, ano ba yang sapatos na yan? Mamahalin ba yan o may super powers? Anong sinisigaw mo shoeman o super shoes?"
"Tsk! Puro ka kasi kalokohan eh." sabi nya.
"Eh. Ano nga kasi, andami mo kasing paligoy ligoy eh."
"Ikikwento ko sayo pag pinapasok mo ako sa kwarto mo hehehehe."
Naiinis na naman ako pero pumayag na ako.
"Sige, pero kailangan malayo ang distansya mo sa akin ah! Para pag papatayin mo na ako makatakbo ako agad." Syempre kailangan sigurado ako.
"Ok boss." At para syang sundalong sumaludo sa harap ko
Pumasok na kami sa kwarto. Inilinga-linga nya ang paningin nya sa loob ng kwarto. Pinaupo ko sya sa upuan na nasa tabi ng pintuan. At ako naman ay umupo sa kama, malayo ang distansya naming dalawa. Hindi ako magaling sa tantyahan, pero siguro mga tatlong metro yun.
"Fight!" sabi ko para umpisahan nya na ang kwento nya.
"Yun na nga, dati akong basketball player sa school namin. May nagkagusto sa aking babae, maganda sexy pwedeng ibalandra sa catwalk. Supermodel kung baga. Campus crush..."
"Sige na maganda na sya, dami pang pasakalye eh."putol ko sa paglalarawan nya.
"Fast forward. Naging kami, tapos isang araw habang patawid kami ng kalsada may sasakyang humaharurot papunta sa amin. Itinulak ko sya, syempre mahal ko eh. Kaya mas ok na sakin kung ako yung madale nung sasakyan kesa sya. In short, iniligtas ko sya. Naospital ako dahil nahagip ako nung sasakyan. Tapos hindi na ako pupwedeng maglaro ng basketball. Ayun, iniwan ako nung girlfriend ko. Umalis din ako. Ikakasal na din sya sa iba. Take note sinabihan nya pa ako ng I Love You bago sya nagpaalam na magpapakasal sa iba, may paiyak-iyak pa dun sa salamin. Tsk bwiset sya, diba mas masakit yun kesa sa nangyari sayo?"
"Ouch!" tangi kong nasabi sa kanya.
Walang bakas ng kahit anong kalungkutan sa mukha nya. Actually parang masaya pa sya. Anggaling nya magdala ng sarili nya. Para syang walang pinagdadaanan. Mas malala pa pala ang nangyari sa kanya kesa sa akin.
"Pwede ba akong tumabi sayo? Nangangalay na ako eh." sabi nya.
"Sige na nga, pero mamaya mo na ako patayin ah, pag sinabi kong game tsaka mo ako saksakin. Mareready lang ako." biro ko.
"Tarantado! Ikaw anong sikreto mo?" tanong nya sa akin habang pahiga na sya sa kama.
"Wala akong sikreto. Transparent akong tao eh. Alam ng lahat ang tungkol sakin."
"Mali 'yon dapat kahit papaano may nirereserve ka para sa sarili mo. Minsan kasi masarap sa pakiramdam yung magsisikreto ka tapos sasabihin mo sa mahal mo. Halimbawa ako, mahal mo ako kunwari at mahal din kita. Masarap sa pakiramdam ko na may sikreto kang sa akin mo lang sinabi. Kasi maipagmamalaki ko na mas kilala kita kesa sa kanila. Dahil sila hindi nila alam yung sikreto mo. Isang bagay 'yon para maiparamdam mo ang kahalagahan ng isang tao. Tiwala ang tawag dun."
"Ambabaw naman nung dahilan mo."sabi ko.
"Wow ha, napakalalim mong tao ah."
"May tanong ako sayo."
"Ano yun?" tanong nya.
"Sabi mo kanina pumapatol ka diba?"
"Oo!"
"Edi nakikipagsex ka sa bakla?" tanong ko.
"Sikreto ulit yan. Hahahaha."
"Bwiset!" kainis talaga 'tong taong 'to.
"Alam mo ba kung bakit palaging nasa ibabaw ng foodchain ang tao? Hindi naman tayo kasing lakas ng leyon, wala naman tayong pangil katulad ng sa tigre at hindi tayo nakakalipad katulad ng agila. Pero bakit kaya tayo ang pinakamakapangyarihang nilalang sa mundo?" Tanong nya.
Aba, mukhang nagkakaroon na sya ng sense ah.
"Bakit?" tanong ko.
"Kasi nga tayo lang ang marunong gumamit ng kokote sa pinakamataas na antas nito. Utak ang basehan ng kapangyarihan ng bawat nilalang. Ganun kahalaga ang utak, pero alam mo bang 10% lang ng utak natin ang nagagamit natin?"
"Feeling mo genius ka na nyan? Syempre alam ko 'yon." asar ko sa kanya.
"Gago! Hindi ko sinasabi 'to sayo para magmukhang matalino noh. Sinasabi ko lang 'to sayo para gamitin mong mabuti yang utak mo. Trust me, ang pinakabobong tao lang ang natutuluyan sa pagpapakamatay. Muntikan ka nang maging isa sa kanila." sabi nya.
"Bakit ba, parang galit na galit ka sa mga nagpapakamatay?" tanong ko.
"Oo, galit talaga ako lalo na dun sa mga natuluyang mamatay. Kasi hindi nila ginagamit ang utak nila. kasi mamaya nyan maging ligaw na kaluluwa na sila tapos gusto ulit nila makabalik sa pagiging buhay, pero hindi na pwede. Malay mo ikaw, kaluluwa ka na lang tapos marealize mo na masarap palang mabuhay. Doon mo lang malalaman na huli na pala ang lahat. Well patay ka na nga eh, ano pa bang pupwedeng magawa ng patay?" mahabang litanya nya.
"Ganun kapowerful ang utak, kaya kang buhayin at patayin." pagsasalita ulit nya.
Patuloy syang nagsalita na para bang propesor sa mental. Hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Pagkagising ko ay wala na sya sa tabi ko. Bumangon ako at chineck ko ang mga gamit ko kung may nawawala. Hmm. Infairness hindi sya magnanakaw. At wala naman akong sugat kahit saan. Oo na! Mapanghusga na kung mapanghusga, eh syempre hindi ko nga sya lubusang kilala eh. Bakit naman ako magtitiwala ng husto? Mali na nga 'yung pinapasok ko sya sa kwarto eh. Tinulugan ko pa. Kaya check check din ng gamit, at kung may nawala tsaka na lang magsisi. Good thing kumpleto naman lahat ng gamit ko. Gwapo na honest pa, kinilig tuloy ako bigla. Hmm mukhang may gusto na ako doon ah.
Malapit na akong bumaba ng barko. Naghintay ako ng kaunti kasi gusto ko pa syang makita para mahingi ko man lang yung number nya. Syempre, ikaw ba naman ang makakita ng gwapong lalake na trip na trip ka kausap buong magdamag, hindi mo ba kukunin yung number nya? Kalokohan yun kung wala kang gagawin. Pwera na lang kung ayaw nya ibigay or hindi na kayo nagkita ulit.
"Gusto mo bang malaman kung anong size ng sapatos ko?" biglang tanong ni Rion na nasa gilid ko.
"Haynaku ayan na naman tayo. Sige anong size ng sapatos mo para may ipapasalubong ako sayo kung sakaling mag-abroad ako."
"Wala" sabi nya.
Nagtaka ako sa isinagot nya sa akin. Humarap ako sa gawi nya pero, nawala sya. Inilinga ko ang paningin ko pero wala talaga sya.
Bumaba na ako ng barko. Nanghihinayang ako dahil hindi ko nakuha ang number nya.
Pagkababa ko ng barko ay may isang boses na umalingaw-ngaw sa tenga ko. At kasabay nun ay ang malamig na ihip ng hangin na sya namang nagpatayo ng balahibo ko. Parang napakatinding kalungkutan ang dala ng mahalumig-mig na panahon.
"Maniwala ka, nagsisisi na ako." sabi ng echo sa tenga ko.
At napalingon ako sa barko. Nakita ko si Rion na nandoon sa isa sa mga bintana. Nakangiti syang kumakaway sa akin at unti-unti na syang naglaho. Tumulo ang luha ko, sa isang napakatinding sikreto na ibinunyag nya sa akin. Nanginig ang katawan ko at napahikbi ako.
Napabulong na lang ako sa sarili ko.
"Gago ka, salamat."
Nice story, the best so far,
ReplyDeleteNeed I comment? :-)
ReplyDeleteWe are the music makers,
And we are the dreamers of dreams,
Wandering by lone sea-breakers
And sitting by desolate streams;—
World-losers and world-forsakers,
On whom the pale moon gleams:
Yet we are the movers and shakers
Of the world for ever, it seems.
- Arthur O'Shaughnessy (1844 –1881)
David, wag ka magtatampo ah.. busy lang talaga.. magrereply din ako sa mga message mo kahit sang blog basta wag mong buburahin.. alam mo namang love kita eh.. I love you always mwah akuchikuchikuchi.. :)
Delete)
-kenneth
David, wag ka magtatampo ah.. busy lang talaga.. magrereply din ako sa mga message mo kahit sang blog basta wag mong buburahin.. alam mo namang love kita eh.. I love you always mwah akuchikuchikuchi.. :)
Delete-kenneth
Ok lang po yun, Kuya Kenneth. Naiiintindihan na kita. Ever since it took you about 20 days (or more yata) to write, indicating or making me aware na ganun ka katagal mag-open or mag-reply, naiintindihan na kita. Sorry po Kuya, kasi nakalimutan ko rin yung ako rin mismo ang nagsabi sa yo noon;: It's not the distance nor the time, it's the feeling. Kaya dapat panindigan ko yan, na kahit matagal ako maka labasan ng reply galing sa yo ... it's not the time ... it's how we feel for each other. Don't worry about me, Kuya Kenneth. Just keep doing what you do best: write excellent pieces that I admire so much. I love you, too, Kuya Kenneth. :-)
DeleteWierd na sad. Tumayo ang balhibo ko in the last sentence. Take care.
ReplyDeletei love ur stories keep it up!!!
ReplyDeleteNabasa ko na to sa ibang site. Ikaw rin ba author nun?
ReplyDeleteTwice kuna nabasa toh dito and i felt the same feeling the first time na binasa ko.. And yes we only realize things when it's to late..
ReplyDeleteNandito na pla sa MSOB c James Silver...magaling na writer yan 😍
ReplyDeleteEpic!
ReplyDeleteNice.. galing. Keep it up. So sad.
ReplyDelete
ReplyDeleteNoong una ko itong nabasa, about 10 months ago, I wrote a comment that led to … well … that led to something.
I wrote that this story is literally haunting. Very sad from a lighter point of view … but there is redemption, and more importantly, that there are lessons to be learned.
I have always admired how the Greeks tell a story, and not to mention that Greek plays, performed in ancient times, were allegedly two-thirds music, and only one-third poetry. Not that Greek plays were accompanied by music, but the words were allegedly chosen in such a way that when formed into sentences, they sounded melodic. And Greek tragedy is spectacular for so many reasons, but for me it is because Greek tragedies always posed questions that begged, if not challenged, the audience to answer. And it is … apparently … (forgive me) … sine qua non … that someone dies.
I once mentioned to a writer in this blog that in the best tragedies, someone dies. Because, apparently, it is only in death that the lesson cannot be … unlearned, cannot be forgotten, because it will haunt us for the rest of our lives. Death does not give us a second chance, because a second chance dooms the lesson to be unlearned and forgotten.
In this story, for obvious reason, Rion will never forget the lesson he learned. And for every life he saves, he may find momentary “redemption.” And it is obvious when his final redemption will come, when the gods decide to forgive him. But the more relevant question is: Will the readers learn.
And love? Is it really something to kill and die for?
Hmmmmmm.
Something from Whitman’s Leaves of Grass:
"Oh me! Oh life! of the questions of these recurring,
Of the endless trains of the faithless, of cities fill’d with the foolish,
Of myself forever reproaching myself, (for who more foolish than I, and who more faithless?)
Of eyes that vainly crave the light, of the objects mean, of the struggle ever renew’d,
Of the poor results of all, of the plodding and sordid crowds I see around me,
Of the empty and useless years of the rest, with the rest me intertwined,
The question, O me! so sad, recurring—What good amid these, O me, O life?
Answer.
That you are here—that life exists and identity,
That the powerful play goes on, and you may contribute a verse."
Hmmmmmm.
… that you may contribute a verse … in this powerful play … called Life.
And I’ve said it before: The author of this story … is one heck of a writer … enough for me to equate this story with the Greeks.
- David
- July 27, 2015
David,
ReplyDeleteHehehe, alam medyo natawa ako sa naisip ko n'ong mabasa ko 'to. Naalala ko kasi 'yong una tayong nagkakilala, several months ago. Hindi ko halos maintindihan 'yong mga sinasabi n'yo d'on kasi masyado akong na-amaze sa pagtanggap n'yo saken. Alam mo naman na I'm not into love stories. Sinubukan kong gumawa ng ganun pero hanggang ngayon hindi ko pa rin natatapos. Siguro nga hindi 'yon 'yung tinatawa na 'Forte ko' or what. Wala siguro ako sa huwisyo pag dating sa 'Love Story'. (Pero gustong gusto ko). Ang problema lang sa tuwing gagawa ako ng kwentong pag-ibig eh nagmumukhang pambata. Nagmumukhang pang-teenager, hahaha.
Habang binabasa ko 'to, may naisip akong linya sa story na gagawin ko. "Love Story" hahahaha, itong mga nakaraan kasi eh nahilig akong makinig ng mga kantang medyo malalim ang 'Hugot' hahaha. Katulad na lang ngayon. Habang nagpapahinga ako at 'NAGLALABA' kasabay ng pagbabasa dito at pakikinig sa 'Purple Rain' at 'Dancing On My Own' NANG! Paulit-ulit... Naisip ko 'yong plot sa gagawin ko SANANG kwento. Pero sa tuwing mababasa ko ang mga comments mo, and how you wrote it with 'Obviously-brilliant-mind' napapa-hold back ako. Hahaha, magmumukha akong kinder sa'yo, knowing you're a professional writer. Ayaw kong bumalik don sa umpisa kung saan mo ako nakilala. Ang pangako ko sa'yo dati gagawin ko lahat marating ko lang kahit kalahati ng narating mo: Para at least, mas matatag na ako sa pakikipag-usap sa'yo hahaha. Marami ka kasing naiisip na hindi kayang abuting ng aking mapurol na kokote hahaha.
You inspire me a lot kuya David. Idol kita, Obvious naman kasi ang galing mong magsulat. Take note: Comment box pa lang 'yan. Papano pa kaya yung mga naipublish mong libro? Don't tell me may kinalaman sa biology 'yan ah. PROMISE hindi na kita kakausapin pag ganun ang mga sinusulat mo. Lalo lang mabubulok ang utak ko dun hahaha.
Ngayon nawala na 'yong plot sa utak ko, tungkol sa love story na naisip ko, kaya mapepending muna. Ang totoo nyan, may naisip kasi akong bagong idea na katulad nitong story 'Stranded'. Ibang topic na syempre.
Salamat palagi, kahit na hindi ako nakakapagreply ng mabilisan eh hindi ka nagsasawang maghintay. I love you alam mo na yan. Ahm, may ginawa akong story dito, tungkol sa'yo. Pero hindi ko ipopost 'yun sa kahit anong blogs or pages sa facebook. Exclusive lang 'to para sayo. At kung hindi na dumating 'yong panahon na mababasa mo ito eh. Mananatili na lang na 'secret' ito hahaha.
Alam mo naman ang mga pinagdadaanan ko eh. Hahaha, I'm not into love story. Gustong gusto ko magsulat nyan pero palagi na lang palpak. Gusto kong magsulat ng isang perfect love story ang kaso lang kahit anong isip ko, kahit magbasa ako ng mga gawa ng mga kasama ko sa mga blogs especially dito, eh nakita ko na wala yata talagang perfect love story. And worse, everytime na gagawa ako ng ganito eh palagi na lang horror/thriller ang kinalalabasan, bakit kaya? hahaha -Here's a secret: Kung hindi ako natutong magmahal; I'm a serial killer. Well, good thing dahil adik ako mainlove, take note: Sagad pa hanggang buto. :)
Ingat ka lagi kahit saan ka man naglalagi, Sabi mo marami pang supply ng puso sa mundo kaya panghahawakan ko 'yon at lagi kong hinihiling na ingatan ka NIYA.
Salamat sa tiwala.
I love you.
-Kenneth
-7/29/2015 (Sakto naisulat ko 'yong number '5' nagsimula yung 'Purple Rain'
This comment has been removed by the author.
DeleteThis comment has been removed by the author.
DeleteI climb way up to the top of the stars
ReplyDeleteAnd all my cares just drift right into space
On the roof it's peaceful as can be
And there the world below can't bother me
___The Funeral
- Nabasa mo na ba 'yong pinanggalingan ng qoutation na 'to? Actually death is not as bad as what you think. Masyado lang tayong praning 'don sa ideyang one of these days eh mawawala na 'yong eksistensya naten... Takot na takot din ako d'yan nung bata pa ako pero as I grew up, narealize ko na amboring naman ng buhay kung 'FOREVER' kang alive. Ikaw naisip mo bang maging immortal? Maganda ang death, well kung sa natural na paraan mangyayari. That's why I made 'Stranded', for people to realize the worth of life. 'Wag magmamadaling sumakabilang buhay dahil darating at darating ang araw na mamamatay lahat tayo; and that sense of death makes the life worth living.
Nalulungkot tayo when someone dies, but that is one of the special way of the world to let us appreciate life. Death makes life significant.
Pagkatapos ng lahat ng 'yan isang tanong na lang ang may saysay: Papaano mo ginamit ang buhay mo?
Sabi nga sa story na nabasa ko eh: Masasanay rin tayo. :)
This comment has been removed by the author.
DeleteKUYA JAMES.... Nakakainis ka hndi ko mabuksan account mu sa wattpad... Private k na ata... Hndi ku n tuloy nababasa ang YAKAP NG LANGIT post mu n dito dali hahahaha....
ReplyDelete-PEN10
Hindi ko na nabasa mga reply mo??? 'Di ko ba nasabing aalis nako ng bansa??? Hays, namiss kita.
ReplyDelete-Kenneth
Greek literature spoke of Sibyls, certain women, young and old, endowed with prophetic powers. It was usual for the Sibyl to write her prophecies on leaves which she placed at the entrance of her cave, and it required particular care to take these leaves before they were scattered by the wind, as their meaning then became incomprehensible.
ReplyDeleteDavid
April 5, 2016, 1:00 a.m.