Pasensya na po kayo sa mga tema ng mga isinusulat ko pero sana magustuhan nyo.
Nagpapasalamat nga po pala ako kay sir Michael at tinanggap nya ako sa blog na 'to. At sa iba ko pang mga kasama dito especially kay espren Rye Evangelista. Maraming salamat lalong lalo na sa mga masusugid na mambabasa ng blog na 'to.
Ahlavyu all, akuchikuchikuchi. :)
Amazing Grace
James Silver
Fiction
1992
Ako si Aldwin, dalawampung taong gulang. Kung tatanungin mo ang itsura ko eh, sakto lang. May ilong, mata, bibig at tenga. Nabiyayaan din naman ako ng kumpletong bahagi ng isang normal na katawan. Pero kung ang hinahanap mo eh yung mukhang artista, aba eh bakit hindi ka pumunta sa ABS CBN o GMA, marami sila dun mamili ka pa. Ang sabi ko nga sakto lang, yung tipong hindi mo ako mapapansin pag inilagay mo ako sa gitna ng mga naga-gwapuhang lalake. Baka isipin mo pa na longkatuts ako o boy. Walang espesyal saken. Hindi ako kasing galing ni Einstein. Hindi ako kasing lakas ni Superman. Hindi ako kasing bait ng isang santo, pero hindi rin ako kasing sama ng isang demonyo. Ang buong pagkatao ko pisikal, mental at emosyonal ay ang perpektong pakahulugan ng salitang ‘NORMAL’. Wala akong masyadong drama sa buhay. Pero ang araw na ito ang pinaka-kakaiba sa lahat. Pasok sa telenobela ‘to. Ikaw ba naman ang magulpi eh ewan ko lang kung hindi ka magdrama.
“Magulang?” Medyo kakatwa ang tagalog ng salitang ‘parent’ kasi kung bibigyan ng ibang pakahulugan ang tagalog nito ay ‘madaya’ ang kalalabasan. Kaya ama’t ina na lang. Hanggang saan nga ba ang kayang saklawan ng pagmamahal ng isang magulang sa kanyang mga anak. Dalawampung taon na akong nabubuhay pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito kayang sukatin. Pagkaminsan ay sa tignin ko, natatalo ito ng pagmamahal sa isang kasintahan. Yun lang naman kasi ang uri ng pagmamahal na exclusive para sa isang tao eh. Maraming mahal ang Diyos. Hati ang pagmamahal ng mga magulang ko sa aming dalawang magkapatid. Kaibigan? Marami din yang mahal at kung minsan pa nga ay hindi totoo ang pagmamahal na kayang ibigay ng isang kaibigan. Ang pagmamahal lamang ng kasintahan ang walang kaagaw. Yun eh kung totoo, pero kung mamalasin ka, malamang may kabit yang isa, dalawa, tatlo at ang pinakamalala eh, yung kaibigang kinakausap mo, kasali rin pala sa club. Lintek diba?
Yan ang mga bagay na tumatakbo sa aking isipan habang nag-eempake ako ng damit. Maglalayas ako dahil nagulpi ako ng tatay ko, nalaman nya kasing lalake rin ang gusto ko. (Tipikal na sitwasyon para sa mga katulad kong hindi matanggap ng ama ang dugong bughaw na nananalay-tay sa ugat. Deretsahan, walang pakeme. Bakla ako. At kung hindi mo naiintindihan ang salitang iyon eh mas liliwanagin ko pa sayo. Titi ang gusto ko, ayoko ng puke, kuha mo?!) Hindi nya ako matanggap kaya heto panay pasa’ ako. Mamumuhay na ako ng sarili. Galit na galit ako. Sobra! Ipapakita ko sa kanila na magkakaroon ako ng maayos na buhay. Na ang baklang isinusuka nila ay maipagmamalaki rin nila balang araw. Panay pa rin ang agos ng luha ko, hindi ko naisip na magagawa pala saken yun ng tatay ko. Ang nanay ko naman ay hindi nagawang pigilan ang tatay ko kaya naman damay sya sa galit ko. Lungkot at matinding galit lamang ang nasa loob ko. Nang matapos na akong mag-empake ay agad akong lumabas ng bahay. May naitabi naman akong pera galing sa inipon kong baon araw araw. Iniipon ko sana ito para sa bibilhin kong regalo para sa kaarawan ng nanay ko sa susunod na buwan. Wala sa hinagap ko na gagamitin ko ‘to para mag-umpisa ng panibagong buhay. Buhay na wala sila. Buhay sa kamay ng malupit na lungsod ng Maynila.
Nagpalaboy laboy ako sa Maynila. Walang pupuntahan. Basta ang nasa isip ko lang ay makalayo sa amin. Malayo ang Bulacan sa Maynila kaya nakasisiguro akong hindi ako matutunton ng mga magulang ko dito. Ang kaso lang hindi pa man din ako tumatagal ay nakikita ko na ang mga problemang kakaharapin ko. Nagugutom na ako, maga-gabi na at wala pa rin akong nakikitang matutuluyan. Ngayon lang naman ako napad pad dito eh. Ang totoo nyan ni hindi ko nga alam kung bakit dito ko naisip na magpunta. Basta na lamang ako nagtanong kung papaano makakarating dito at nang may sumagot sa akin ay tsaka ako lumarga. Wala lang. Ganito naman kasi ang napapanood ko sa mga pelikula eh. Sa tuwing may maglalayas sa isang pelikula ay tiyak na sa Maynila ang tungo noon. Ginaya ko lang. Kakatwa isipin, pero sa sarili kong pananaw ay Maynila ang kumakanlong sa mga taong walang masilungan. Hindi ko nga lang alam kung may makakasalubong akong anghel para tumulong saken dito.
Nang mapagod ako sa paglalaboy ay naupo ako sa isang bench. Dito sa lugar na maraming puno. Mula dito ay makikita ang isang gusali, kung hindi ako nagkakamali ay post office yata yung nakalagay dun nung mabasa ko kanina. Halos wala nang tao sa lugar na ito. Makabubuti ito saken para makapag-isip ng maayos. Tahimik at walang istorbo. Nang makaupo ako ay sinilip ko ang aking wallet, binilang ko ang laman nito at tinatantya kung kakasya ba ito nang mga ilang araw. Ayoko namang mamatay sa gutom kaya kailangan ko itong tipirin. Kailangang may mapasukan akong trabaho kahit tindero lang ng kung ano ano, bago pa man maubos ito. “Tangina! Limang daan” yan lang ang halagang kailangan kong pagkasyahin hanggang sa makahanap ako ng trabaho. “Saklap” sabi ko sa sarili ko. Nang mabilang ko na ay pinakiramdaman kong mabuti ang sarili ko. Tinitignan ko kung gaano na ba ako kagutom, para malaman ko kung kinakailangan ko na ba talagang bumili ng makakain. Mukha namang hindi pa ako hihimatayin sa gutom kaya mamaya na lang. Kaya ko pa naman tiisin eh. Sumandal na lamang ako sa bench upang kahit papaano ay makapagpahinga. Maya maya ko na lamang ipagpapatuloy ang paghahanap ko ng lugar kung saan maaaring magpalipas ng gabi, tutal unlimited naman ang oras ko.
Tuluyan na ngang lumubog ang araw. Madilim na sa paligid at iilang tao na lang ang nakikita ko. Nakaidlip pala ako. Pagkamulat ko ay agad kong kinapa ang wallet ko dahil alam kong maraming mandurukot dito. Ayos naman. Wala namang nawawala. Nang masiguro kong wala ngang nawawala ay tumayo na ako para ipagpatuloy ang aking paghahanap sa wala. Lakad na naman. Lakad ng walang patutunguhan. Habang para akong tangang umuusad papunta kung saan ay may bigla na lamang akong narinig na palakpak. Isang palakpak na sinundan pa ng isa pa, ng isa pa at ng isa pa hanggang sa sunod sunod na sila. Hindi ko alam ang nangyayari kaya naman tuloy tuloy lang akong naglakad. Nang bigla na lamang may bumulaga saking lalake. Pagkaharap nya saken ay pumalakapak sya ng mabilis. Iniwasan ko sya, at pag talikod ko ay may isa na naman, ganun din ang ginawa nya. Pumalakpak din ng mabilis. Iniwasan ko ulit at ganun na naman ang nangyare. Hanggang sa mapansin ko na lamang na napalilibutan na nila ako. Isang kasama nila ang humablot ng bag na dala ko. At yung isa naman ay kinap kapan ako tila naghahanap ng kung ano. “Hoy! Anong ginagawa nyo?!” tanong ko sa mga pesteng ‘to. Sumisigaw na ako para makatawag ng pansin, para matulungan ako. Pero sa tuwing sisigaw ako ay pumapalak pak sila na sinasabayan na rin ng sigaw. Walang nakakarinig saken. Malamang iniisip ng ibang tao na nagkakasayahan lang kami dito. “Tangina nyo!” sigaw ko na naman sa kanila. Nang bigla na lamang may sumapak saken. May kalakihan ang katawan nung sumapak saken kaya naman natumba ako. Babangon na sana ako ng bigla na naman akong binigyan ng isa. Sinundan pa iyon ng makailang ulit hanggang sa hindi na talaga ako makabangon. Tsaka lamang sila naghiwa hiwalay at iniwan akong nakabulagta sa lupa.
Napakasakit ng katawan ko. Mabuti na lang at hindi nila ako sinaksak, dahil kung nagkataon malamang tigbak nako. Umupo ako. “Puta! Bakit ngayon pa nangyari ‘to.” Nanggigigil ako, naiiyak ako sa sobra sobrang galit na nararamdaman ko. Para akong batang napektusan at hindi man lang nagawang makaganti. “Putang ina!” at pinagbuntunan ko ng galit ko ang walang kamalay malay na lupa. Patayo na ako ng mapansin ko ang isang kamay na nakalahad sa akin. Waring nag-aalok ng tulong, subalit matindi ang galit na nararamdaman ko kaya naman tinapik ko yung kamay at tsaka ako tumayong mag-isa. Hindi ko na pinansin kung sinoman yung nagmamagandang loob na yun, pasensya na sa kanya dahil badtrip talaga ako.
Lugmok na lugmok ako habang binabay bay ang kahabaan ng kalsadang hindi ko alam kung saan. Hindi ko na alam kung gaano na kalayo ang nalalakad ko. Hindi ko na rin alam kung gaano na katagal akong naglalakad. Lumilipad na ang isip ko sa pagod at gutom. Walang pag-asa. Walang pera, damit at matutuluyan. Ang malala pa dyan, ngayon ko lang naramdaman ang matinding gutom. Nanghihina na ako, kaya naupo ako sa kung saan. Dito malapit sa isang rebulto ng kalabaw. Sa hagdan na malapit sa kalye. Ewan! Wala talaga akong alam dito at puro kamalasan pa ang nangyari saken. Parang gusto ko na murahin ang lahat ng nagdaraan sa labis na pagkagalit. Hanggang sa bigla na lamang bumigay ang loob ko at umiyak ako ng umiyak. “Ano bang kasalanan ko? Bakit nangyayari saken ‘to!?”sambit ko sa aking sarili.
“Bakit ka umiiyak?” isang tanong na bigla ko na lamang narinig. Boses ng isang lalake. Nang mapalingon ako ay nakita ko sya na nakaupo na sa bandang kanan ko. Diretso lang ang tingin nya kaya ang gilid na bahagi lang ng mukha nya ang nakita ko. Hindi ko sya masyadong tinitigan dahil wala naman kasi akong pake.
Hindi ko sinagot yung tanong nya. Hindi naman ako nag-alala kung masamang tao ba o ano. Tangina, ano pa bang mawawala saken! Wala na. Puri gusto nya?!
“Wag ka mag-alala, hindi naman kita kakainin eh. At tsaka mukhang wala ka namang pera kaya malabong holdapin kita. Wala lang talaga akong magawa kaya kinakausap kita, mukhang kailangan mo ng kausap eh.” Sabi nya.
“Hindi ko kailangan ng kausap.” Maigsi kong sagot.
“Bahala ka, ikaw rin. Mamaya may raket na ako, hindi na kita makakausap. Kaya kung ako sayo sabihin mo na yang problema mo at baka may maitulong ako sayo. Ikaw rin, baka hanapin mo ako mamaya.” Muling alok nya.
“Wala nga sinabi eh! At tsaka hindi kita kilala, bakit naman ako makikipag-usap sayo?!” medyo pagsigaw ko.
“Oh, teka. Kalma lang brad. Ang akin lang naman eh, baka gusto mo lang ng kausap. Kung ayaw mo naman eh ayos lang din. At tsaka kinakausap mo na nga ako eh, pagalit nga lang.” Sabi nya sabay bigla syang tumayo at tsaka naglakad palayo.
Hindi ko alam kung magsisisi ba ako dahil sa ginawa ko o ano. Bigla na lamang parang naghinayang ako. Sayang. Tulong na sana yun eh, kaso badtrip talaga ako kaya hindi ko mapigilang magsungit. Nang humupa ang galit ko ay tumayo ako at lumingon lingon. Baka sakaling nandun pa yung lalake. Kaso minamalas talaga ako. Wala na sya, hindi ko na makita. Isa pa hindi ko naman masyadong nakita yung mukha nya kaya hindi ko rin alam kung anong itsura nung hinahanap ko. Tss! Ang arte ko naman kasi eh. Sana pala kinausap ko na sya kanina. Sana naisip ko na kanina ito, nung nandyan pa. Tulong na sana, nawala pa.
Nagpaikot ikot lang ako doon sa lugar kung saan ako umupo kanina. Hindi ako lumayo sa pag-asang makita ko ulit sya. Gabi na pero sa lugar na ito ay meron pang mga tao. Mga dalaga’t binatang naglalampungan sa dilim. Ang iba naman ay mag-isa. Yung iba, ewan hindi ko alam. Hanggang sa maya maya pa ay narinig ko ang isang malakas na sigaw.
“TULONG! TULUNGAN NYO AKO! MAY MAGNANAKAW!” sigaw ng isang babae.
Agad na naglapitan ang ilang tao sa kanya. Mga mabubuting tao na nakikiramay sa isang kababayan. Ewan lang, sa tingin ko naman yung iba, nandun lang para maki-usyoso. Ako? Wala lang, wala akong pakialam. Wala rin namang tumulong saken kanina eh, kaya bakit naman ako tutulong? Isa pa, wala rin naman akong magagawa. Kung maibalik yung nanakaw sa kanya, GOOD! Kung hindi naman, GOOD pa rin, at least alam kong hindi lang ako ang tanga na nasa Maynila na nanakawan. Nakita ko yung iba na kunyare hinabol yung magnanakaw. Tulong bang matatawag yun eh, ilang hakbang lang pagod agad? Baka pasikat?! Pessimistic na kung pessimistic, eh sa ganun talaga eh. Ikaw kaya lumagay sa lugar ko ewan ko lang kung maging optimistic ka pa.
Matapos ‘kong makiusyoso doon sa nangyaring insidente ng pagnanakaw eh umalis na ako. Tapos na ang pelikula, at nagtagumpay ang kasamaan laban sa kabutihan. Hindi naman kasi totoong palaging nananaig ang kabutihan sa kasamaan eh, wag tayong umasa sa mala-fairy tale na buhay. Ako kasi palagi kong iniisip na nasa balanseng mundo tayo, kaya walang kasiguruhan ang lahat. Katulad ko, malas ako kanina kasi ako yung nakatakdang malasin. Katulad din ng babaeng iyon. At dahil nasa balanseng mundo tayo eh magiging balanse rin ang kahihinatnan ng lahat. Pupwedeng may nangyaring masama doon sa mga nagnakaw saken kanina at pagkakataon naman nilang makaganti o kung hindi naman eh, malamang may mangyayari pa lang. Uy! Hindi ako masamang tao ah. Karma ang nagpapaikot ng mundo kaya walang kinalaman ang mga pananaw ko sa buhay dyan. ‘What goes up, must come down’ law of karma. Ganun lang yun.
“All is fair in love and war.” Ang pinakamatibay na quotation na alam ko. High school pa lang ako naiintindihan ko na yan. Pag ginawan ka ng masama, gawan mo rin ng masama. Matira matibay, lamunan kung lamunan. Palakasan lang naman yan. Kunin ang gusto mo sa paraang alam mong epektibo. At kung me pagka engot ka eh, malamang maging gusgusin ka sa pagkatalo. Katulad ko. Oo na, engot na kung engot, basta hindi na mauulit yun. Talo ako ngayon kaya ang pakiramdam ko sa sarili ko ay mukhang bagong hukay na patatas sa sobrang dumi ng damit ko. Siguro kung may mga taong pakealamero akong makakasalubong eh, malamang tanungin nila ako kung alam ko ba yung bagay na tinatawag na ‘TUBIG’.
Hindi ko na hinanap yung lalake. Napanghinayangan ko na sya kaya naman maghihintay na lang ako ng bagong makatutulong saken. Siguro naman time ko na para makabawi noh, sana lang may mangyaring mabuti saken. Sapat na siguro yung mga kamalasang dinanas ko kanina para ako naman ang panigan ng swerte.
Gutom na gutom na ako. Gusto ko na nga kainin yung mga halamang nakikita ko eh. Kaso ang corny namang maging vegetarian pag nakakaramdam ka ng ganitong gutom. Natural, ang maiisip mo eh, lechong manok, lechong baboy at kahit ano pa, basta karne at pwede na rin yung kaning lamig. Ikaw? Naisip mo bang kumain ng adobong sitaw pag nahihilo ka na sa gutom? Kung mga ganung klase ng pagkain ang nasa isip mo eh, aba magpatingin ka, may hindi tama sa utak mo.
Patuloy akong naglakad. Kung ano ano na ang hinihiling ko. Sana makapulot ako ng wallet na naglalaman ng limpak limpak na salapi o kung hindi naman eh, sana may lumagpak na lechong manok mula sa langit. Badtrip, gutom na talaga ako. Pakiramdam ko ay kinakayod na yung sikmura ko. Panay na rin ang lunok ko ng laway dahil nauuhaw na rin ako. Bigla ko tuloy naisip na kung hindi ako umalis ng bahay, malamang ay naghahapunan na kami ngayon. Libre yun ah at hindi ko kailangang paghirapan. Kaso bigla ko ulit naisip yung ginawa ng tatay ko kaya di bale na lang. Bading nga siguro ako, pero may mga pagkakataong mas matigas pa ang loob ko kesa sa mga tunay na lalake.
“Psst!” narinig ko mula sa kawalan habang para akong zombie na walang alam sa mga direksyon. Sa sobrang gutom, pagod at uhaw ko ba naman kasi, hindi ko na malaman ang kanan at kaliwa. Hindi na yata gumagana ang utak ko eh.
“Psst!” muli kong narinig ang sitsit na iyon. Nang bigla na lamang tumambad sa harapan ko ang isang lalake. Bakla ako kaya alam kong kumilatis ng mukha lalo na pag lalake. At masasabi kong pasok sya sa panlasa ko. Instinct yun ng bading kaya hindi ko na kailangan pang gamitan ng kokote. Sa itsura nya mukha syang tambay. Medyo madilim dito sa kinatatayuan namen kaya hindi ko alam kung maputi ba sya o maitim. At sa amoy nya, mukhang hindi pa sya naliligo. Amoy baktol, promise nanununtok. Nakangiti syang humarap saken at tsaka sinabing. “Hinahanap mo siguro ako noh?!”
“Ha? Ah..” hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong nya.
“Alam mo kanina pa kita pinagmamasdan. May ano ka ba?” at pinaikot nya ang kanyang hintuturo sa tapat ng kanyang kanang sentido. Kahit sino naman siguro saten alam ang ibig sabihin nun. Tinatanong nya kung me sayad ba ako. Medyo nainis ako dun pero wala akong panahong magalit dahil effort pa yun. Makakadagdag lang yun sa gutom ko.
“Haha.. Nagugutom na kasi ako, wala akong pera pambili ng pagkain.” Sabi ko sa kanya. Diretso at walang paligoy ligoy. Jusme, konti na lang at hihimatayin na ako sa gutom.
“Yun naman pala eh. Tara na, kain tayo may nadale ako kanina eh.” Sabay angat nya ng kanyang kilay. Hindi na ako nagtanong kung ano ang ibig sabihin nya dun sa nadale. Sumama na lang ako at mamaya na ako magu-usisa.
Pumunta kami sa isang karinderya. Yung mga taong nandun medyo masama ang tingin samen. Marahil sa itsura namen, mukha kasi kaming mga palaboy. Normal. Nakikita nila ang buong pagkatao mo base sa suot mo. At dahil mukha kaming gusgusin, natural walang pera ang tingin samen. Totoo naman, ewan ko lang dito sa kasama ko. Pag wala syang pera kailangang maikondisyon ko ang mga binti ko para hindi ako pulikatin.
“May mga pambayad ba kayo?” tanong ng isang matabang ale.
“Mayaman po ako manang, naalikabukan lang.” yung lalakeng kasama ko sabay ngisi nya. Wala nang nagawa yung ale kundi papasukin kami.
Hindi na ako halos magkanda-ugaga sa paghihintay ng pagkain. Sya na rin ang pinapili ko ng lahat ng kakainin namen. Sa sobrang panghihina ko, malamang ay naipaliwanag na ng kilos ko kung gaano ako kagutom. Maya maya pa ay dumating na sya dala ang mga napili nyang pagkain. Tig-isang putahe kami ng ulam at tigalawang kanin. Nang maihain na nya sa lamesa ang mga pagkain ay agad ko itong nilantakan. Para lang akong patay gutom na kahit siguro may lason yung kinakain ko eh walang pakialam. Basta malamanan ang sikmura ko ngayon kahit kaluluwa ko ay ibebenta ko. Ganung katindi ang nararamdaman kong gutom.
“Hinay-hinay brad baka maimpacho ka nyan.” Paalala nya saken. Ako naman ay parang walang narinig. At nang mapansin kong hindi pa sya nakakasubo kahit isang kutsara ay.
“Oh ba’t di ka pa kumakain?” tanong ko.
“Ah, hindi naman kasi ako gutom eh. Sanay naman yung sikmura kong isang beses lang kumain sa isang araw.” Tugon nya sa tanong ko.
“Kain ka na rin, nakakahiya naman sayo.” Sabi ko sa kanya, kahit na parang huli na nang maisip ko yung salitang HIYA.
“Sige na nga, naiinggit ako sa pagkain mo eh. Sayo na ‘tong isa pang kanin. Para solve yang chibog mo.” Sabi nya habang nakangiting nakatitig saken. Hindi ko sya masyadong pinapansin at patuloy lang ako sa pagkain.
Hindi man lang kami inabot ng kalahating oras sa pagkain at naubos na ang lahat ng inorder nya. Busog. Ngayon ko lang naappreciate ng husto ang pagkain. Ito pa lang kasi ang kauna-unahang pagkakataong nagutom ako ng matindi. Biruin mo, pumasok kaya sa isip ko ang magpa-alipin kahit kanino para lang makakain. Okey. Ayoko na isipin, basta ngayon busog na ako at kailangan kong magpasalamat sa Diyos at kay… Teka, sino nga ba ‘to?
“Ahm, salamat… ahm..” sana lang mahulaan ko yung pangalan nya.
“Jiban. Ako si Jiban brad, ikaw sino ka?” Bigla akong napahagalpak, halos maihi ako sa kakatawa. Dahil kapangalan nya yung bida sa paborito kong panoorin dati. Si Jiban na counterpart ni Robocop sa Japan. “Tawa pa!” seryoso nyang sabi.
“Sorry, ako nga pala si Aldwin. Win na lang ang itawag mo saken.” Matapos kong ayusin ang aking sarili. Naramdaman ko na talaga ang matinding hiya dahil pinakain nya na nga ako eh tinawanan ko pa ang pangalan nya.
“May itatanong ako.” Sabi nya.
“Ano yun?” tugon ko.
“Istokwa ka noh?” Maigsi nyang tanong.
“Oo.” Diretso kong sagot. Ayoko na ikaila dahil kailangan ko ang lahat ng tulong na maibibigay nya saken. Makakabawi rin ako sa kanya pag dating ng araw, ang mahalaga ngayon eh kailangan ko sya. Kahit pa isipin nyang mapanamantala akong tao. Basta kailangan ko ng makakatulong saken ngayon.
“May tutuluyan ka na ba?” muling tanong nya.
“Wala” sabi ko sabay nakita ko ang marahan nyang pag-iling.
“Tsk! Tsk! Maarte ka ba?” tanong nya.
“Hindi ako maarte ah. Aarte pa ba ako sa ganitong sitwasyon?” sabi ko.
“Tara sa bahay. Mukha kang engot kaya sa tingin ko mamamatay kang dilat ang mata pag iniwan kitang mag-isa dyan sa lansangan. Tsaka kanina pa ako naaawa sayo eh, nakita na kita nung madale ka ng mga palak-pak boys. Eh mga engot lang naman ang madalas na biktima nung mga yun eh. Tinutulungan kita ayaw mo naman. Kinakausap din kita kanina ayaw mo pa din. Edi sana kanina ka pa nakakaen.” Hindi ako umalma nung sabihan nya akong engot. Sa kabilang banda naman kasi ay tama ang mga sinabi nya. Ang engot ko nga naman at tumambay ako sa lugar na kakaunti ang tao.
Tumayo na kami at tsaka nagbayad ng aming kinain. Nakakatuwa yung wallet nya. Hahaha pambabae. Pagkaalis namen ay may iminimwestra sya. Aakto syang tumatakbo at biglang lulundag at kunyaring kakapit. Tapos lingon saken na para bang nagtatanong kung nakuha ko ba. Hindi ko sya maintindihan kaya naman nagtanong na ako.
“Ano ba yang ginagawa mo?”
“Tinuturuan kitang sumabit sa jeep. Walang magpapasabit saten kasi bawal ang sabit dito.” Sagot nya.
“Eh bakit pa tayo sasabit?” tanong ko ulet.
“Sayang ang pera. Pwede namang mag- 1,2,3 eh.” Sagot nya at napatango na lang ako. Medyo kinabahan ako, dahil pag nagkamali ako malamang mabalian ako ng buto dahil sa pagkalaglag sa humaharurot na jeep.
Medyo nailang ako sa daan namin patungo sa bahay nila. Gabing gabi na kasi ang dami pang tao. Tatlong lamayan ang nadaanan namin at higit sa lahat eh marami rin kaming nadaanang lantarang sumisinghot ng rugby. “Puta, anong klaseng lugar ba ‘to?” tanong ko sa sarili ko.
Ilang kanto at eskinita pa ang nadaanan namen. Hanggang sa makarating na nga kami sa kanila. Madilim. Isang gasera lang ang nagbibigay tanglaw sa kabuuan ng barong barong na kinalalagyan namen. Habang nakatayo ako sa gitna ng barong barong at inililibot ang aking paningin ay bumalik sya sa pintuan at narinig ko ang tunog ng isang yero. Yero na nagsisilbing takip na naghihiwalay sa mundo sa labas. Okey, masyado akong matalinhaga. Pinto ‘yun, pinto ang ibig kong sabihin. Nang maisara nya na ang pinto ay may narinig akong tawa. Tawa na nanggagaling sa loob ng isang maliit na silid.
“Hahahahaha! Hahahahaha!” Tawa ng isang babaeng may edad na. Napatingin ako kay Jiban, at tinapik nya ako sa balikat.
“Nanay ko ‘yun. Wag mo syang intindihin. Maupo ka na lang muna dyan at pupuntahan ko sya.” Sabi nya. Sa mga sinabi nya ay alam ko na kung anong meron. Hindi ako ganung Katanga para hindi makahalata. Tunog masaya ang nanay nya, pero hindi sya nakakatawa.
Kinuha nya ang gasera at dinala ito sa loob ng maliit na silid. Mahina ang loob ko sa dilim kaya naman minabuti ko na lamang na sumunod sa kanya. Nang makapasok na kami sa loob ay nakaamoy ako ng hindi kaaya ayang amoy. Amoy dumi ng tao. Pero hindi ako umalis dahil mas ok na saken ang mabaho, wag lang madilim. Kaya nanatili na lang ako sa loob, at pinagmasdan silang mag-ina. Napansin ko na mayroong hawak ang kanyang nanay. Isang uri ito ng baril. Wala akong kahit anong alam tungkol sa baril kaya naman hindi ko alam kung ano ang tawag doon. Hinihimas ito ng nanay nya at niyayakap.
“Kuya! Kuya! Pupu na ‘ko.” Nanay ni Jiban ang nagsasalita.
“Sige lilinisan kita.” Tugon nya sa kanyang ina.
“Asan na pasalubong ko.” Tanong ng kanyang ina. At nakita kong dinukot nya ang isang plastic mula sa kanyang bulsa. Hindi ko mawari ang laman nito sa loob. Inilapag ng nanay ni Jiban ang baril na hawak nito. Iniabot ni Jiban ang plastic sa kanyang nanay at mabilis naman itong hinablot ng matanda. Pagkakuha ng plastic ay agad nya itong binuklat at tsaka itinapat sa ilong. Animo’y isa itong hikain na hindi magkamayaw sa pagsinghot ng laman ng plastic. Napakunot ako ng noo. Puta! Rugby yun ah. At biglang napatingin si Jiban saken. Tumango lamang ito. Hindi ko magawang kwestyunin ang tagpong iyon sa kanya. Kanina ko lamang sya nakilala at hindi ko alam kung gaano sya kabuti o kasamang tao para gawin iyon sa ina nya. Sa isip ko ay hinuhusgahan ko na sya. “Napakasamang anak naman nito. Puta, kung nanay ko yan ay hindi ko gagawin yan sa kanya.” Sabi ko sa isip ko. Kahit ano pa mang dahilan nya ay hindi ko pa rin lubos maisip na magagawa iyon ng isang anak sa kanyang ina. Puta talaga! Syet! Pero ano nga ba naman kasi ang alam ko tungkol sa kanilang mag-ina. Wala akong alam. Masama sa mata ko ang nakikita ko kaya, madali ko lamang silang nahuhusgahan. Ganyan naman ang tipikal na ugali ng isang normal na tao eh. Ang manghusga base sa nakikita nila. Masama agad, kapag ang nakikita ay hindi kaaya-aya sa kanilang paningin. At maganda naman kung maganda ang nakikita. Masyadong literal at hindi nag-iisip. Ganyan din ako kaya alam ko. Pero sa pagkakataong ito ay pinili kong manahimik dahil hindi ko nga sila nakikilala ng lubusan. Papaano na lang kung sasabihin ko kaagad yung opinyong iniisip kong makabubuti sa kanila, edi nagmukha pa akong pakealamero. Eh papano na lang kung engkanto pala yung nanay nya at yung rugby ay makakadagdag sa kapangyarihan nya, edi napahiya pa ako. Tahimik na lang ako para safe.
Matapos suminghot ng rugby ng nanay ni Jiban ay inumpisahan nya na itong linisin. Medyo dumistansya na ako dahil alam ko naman na kahit may problema sa pag-iisip ang nanay nya ay karapatan pa rin nito ang magkaroon ng privacy.
Pagkatapos ni Jiban ay lumabas na ito ng silid at may dala itong plastic. Wag nang itanong kung anong laman nung plastic, dahil kung kumakain ka ay hindi mo gugustuhing malaman pa yun. Dumiretso sya sa pinto at iniangat ng kaunti ito sabay ‘flying saucer’ nung plastic na hawak nya. Kung saan bumagsak yun ay hindi ko na syempre alam. Malas lang sa natamaan nun.
Pagkatapos ng lahat ng dapat nyang gawin ay tsaka nito inilatag ang isang plywood na sa tingin ko ay magsisilbing tulugan namin. “Dyan ka lang sandali ah. Bibili lang ako ng katol. Malamok kasi eh.”sabi nya saken at tsaka sya tuluyang lumabas.
Umupo ako sa nakalatag na tabla at muling inilibot ang aking paningin sa buong kabahayan. Tinitignan ang mga butas, ang iba’t ibang bagay na makikita sa ding ding hanggang sa mapansin ko ang isang larawan na malapit sa pintuan ng silid ng nanay ni Jiban. Medyo madilim sa bahaging iyon kaya hindi ko halos maaninag kung sino ang nasa larawan. Pero base sa imaheng nakikita ko ay larawan ito ng isang lalake. Pinipilit kong pagmasdang mabuti na para bang matanda na naniningkit yung mata sa labo ng paningin. Pero hindi ko talaga makita ng malinaw. Tahimik lamang akong nakatitig doon nang bigla na lamang mapansin ko ang pares ng kumikislap na matang nakatitig sa akin. Nanlaki ang mga mata ko “Waaah!” at napalundag ako sa nakalatag na plywood sa labis na nerbyos. Hanggang sa unti unti nang lumabas ang ulo. Jusko, nanay lang pala ni Jiban. Napahawak ako sa dibdib ko at ramdam ko ang mabilis na kabog nito. Paglabas ng ulo nya ay tila inusisa ako nito. Hindi naalis ang naramdaman kong takot. Dahil kahit hindi sya multo ay hindi pa rin maiaalis ang katotohanang may sakit ito sa pag-iisip. Buti na lamang ay agad na dumating si Jiban at sinaway ang kaniyang ina.
“Matulog ka na ma, gabing gabi na po.” Sabi nya sa kanyang ina na may buong pag-galang. Agad naman sya nitong sinunod at pumasok na ito sa silid. Si Jiban naman ay sinindihan ang katol. Inilagay nya ang isa sa loob ng silid ng kanyang ina at ang isa naman ay dito sa amin. Nang maiayos nya na ang lahat ay tsaka kami nahiga. Akala ko ay magkukwentuhan pa kami bago matulog, pero hindi na iyon nangyari dahil ilang sandali lamang ay narinig ko na ang mahina nyang paghilik. Ipinikit ko na ang aking mata at pinilit ko na ring matulog.
Mabilis lang lumipas ang mga araw at buwan. Nanatili lamang akong nakatira sa bahay nina Jiban. At sa loob ng ilang buwan na iyon ay marami na akong nalaman tungkol sa kanya. Namatay ang tatay nya sa isang ingkwentro laban sa mga pulis. Dating tauhan ng isang druglord ang tatay nya. At ang baril na inaalagaan ng nanay nya ay pag-aari ng kanyang ama. Nang mamatay ang tatay nya ay hindi man lang sila nakatanggap ng kahit anong tulong. Baranggay pa nga raw ang nagpalibing sa tatay nya eh. Dahil naman sa labis na hinagpis at galit ay hindi kinaya ng ina nya ang depresyong dulot nito at hindi naglaon ay bumigay ang katinuan nito. Bata pa sya nung mangyari ang mga bagay na ‘yun. Hindi na sya nakatapos ng elementarya dahil sa edad na sampu ay kailangan nya nang dumiskarte. Kung sino sinong masasamang impluwensya ang nasamahan nya na nagturo sa kanyang pumitik ng mga bagay na hindi kanya. Manghablot, manghold-up at isa pa sa napagkwentuhan namen ay dati rin pala syang naging miyembro ng palakpak boys. Oo, yung mga tarantadong dumale saken nung bagong salta pa lang ako dito sa Maynila.
Habang tumatagal ako sa kanila ay mas lalo kong nauunawaan ang klase ng mundong ginagalawan nila. Doon ko lang napagtanto na wala talagang likas na masama. Dahil yung iba pang nakilala ko dito eh may kanya kanya ring kwento. Puro masasaklap, kung ako ang nasa kalagayan nila ay baka mas malala pa ang kinahinatnan ko. Bigla tuloy akong nawirduhan doon sa mga taong walang ginawa kundi ang manita o pumuna. “Wag mong gawin yan, masama yan.” “Grabe yang batang yan, pinabayaan siguro ng magulang nya yan.” Walang galang, walang ugali, walang natutunan at kung anu ano pang masasamang panghuhusga ang ibinabato sa kanila. Oo, wala silang alam sa kabutihang asal kasi wala namang magtuturo sa kanila. Ganun ang ginagawa nila dahil wala naman silang pagpipilian. Subukan mong wag kumain ng tatlong araw at pakiramdaman mong mabuti ang gutom. Baka pati tao kainin mo na. Ayos lang naman ang pumuna kung ang intensyon mo ay mabuti. Pero kung maninita ka ng ugali ng iba at ang intensyon mo naman ay ang ipagyabang ang napakaganda mong ugali ay mas makabubuting manahimik ka na lang. Walang kwentang tao ang humuhusga base sa nakikita nya. Eh, puta kung ako ang nasa kalagayang ganun at sisitahin mo ako sa mga masasamang natutunan ko baka isupalpal ko pa sa mukha mo yung kawalan mo ng kwenta eh. Wala kang nagagawa para saken, puro ka dak dak, as if naman uunahin ko pang makinig sa bunganga mo kesa sa kumakalam kong sikmura. Mabuti sana kung tinuturuan mo ako ng isang maganda at matuwid na hanap buhay eh, malamang pakikinggan kita. Ang kaso marami sa mga tao ang asal hayop, mga malilinis at walang bahid dungis ang mga pagkatao. Puro hambog, wala namang laman ang kokote kundi panghuhusga. Makikinig sila kung ituturing mo silang tao. Ang mali nga lang sa lipunan, masama ang tingin sa kanila kaya pinaninindigan na lang nila, wag lang mapahiya ang lipunang mapanghusga. Biruin mo naisip nila yun. Ikaw? Naisip mo ba yun? Nagdidilim na ang isip ko, ganito siguro talaga ang epekto ng rugby sa utak ko. May mga araw kasing lumilipas na lang na hindi kami nagsisikain. Puro rugby na lang. Hahaha, iba kasi ang rugby, binibigyan ka nito ng kapangyarihan. Kahit ang araw ay kaya mong hawakan sa mga kamay mo, basta naka rugby ka. Alternative namen yun sa pagkain. Eh ganun talaga eh.
Hindi ko alam kung anong oras na. Basta alam ko lang eh gabi na. Nandito kami sa Luneta at nag-aabang ng mga taong mukhang engot. Syempre pipiliin namen yung mga taong mukhang mapera at madaling madekwatan. Nang makasipat kami ng isa ay agad kaming pumwesto. Si Jiban sa harap at ako naman sa likod. Kung papalya ang isa, meron pang reserba. Pero, matinik talaga si Jiban walang paltos pag sya ang kumilos. Ala ‘Da Flash eh. Natawa na lamang ako nang makita kong pasigaw siagaw yung babae. Hahabulin pa sana si Jiban ng ilang kalalakihan ang kaso, wala, papano mo nga ba naman matatalo ang kabayo sa takbuhan hahaha. Huminto na ako sa kakatawa dahil baka bigla akong mahalata. Ngunit isang bagay ang hindi ko lubos akalaing mangyayari. Nakita ko si Tatay, Nanay at ang kapatid ko na mga nakatingin saken. Sarado dapat ang utak ko. Dapat manhid. Pero napakalakas ng pwersang nararamdaman ko sa loob ng dibdib ko. Parang pinipiga at hindi ko mapigilan ang pagluha.
“Mama… Papa.” Pagkasambit ko ng mga katagang iyon ay lalong umigting ang nararamdaman kong emosyon. Kusa nang naglalakad ang mga paa ko patungo sa kanila, gayun din sila na papalapit din sa akin.
“Anak! Aldwin” sabay na sigaw ni mama at papa.
Ngunit bago pa man kami magkadaupang palad ay may bigla na lamang humatak sa akin at napatakbo na lang din ako. “Anong problema mo? Nagpapahuli ka ba? Bilisan mo baka maabutan nila tayo.” Sabi ni Jiban.
Nang makalayo na kami ay agad naman kaming bumili ng rugby sa isang tindahan na nasa eskinita. Pero bago kami umuwi ay bumili muna kami ng makakain para malamnan ang sikmura namin bago kami tumira. Hindi kasi kami nakakain kahapon eh. Binilhan rin namen si nanay Darna dahil hindi pa rin sya nakain buhat kahapon. Wala akong sinabi kay Jiban. Ewan, gusto ko nang makapiling ang pamilya ko pero hindi ko naman magawang iwan si Jiban at ang nanay nya. Nagkaroon tuloy ng matinding riot sa loob ng utak ko. Napagod akong mag-isip kaya hindi ko na inisip. Ganun lang, may kapangyarihan kasi akong pahintuin ang utak ko kahit kelan ko gusto. Mamaya, palalakasin ko ng husto ang kapangyarihan ko para mas mabisa.
Kinalimutan ko na ang tagpong nangyari sa Luneta. Ayoko talagang iwan si Jiban. At tsaka nagbabalik ulit saken ang ginawa ng tatay ko kaya naman nabuhay muli ang galit na nasa loob ko. Baka mamaya inuuto lang ako ng mga ‘yun eh. Hindi ako bibigay. Hindi ako magpapatalo. Gamit ang super powers ko hindi ako matitinag.
Isang gabi. Nasa loob lang ako ng bahay at si Jiban lang ang dumiskarte. Isasama nya sana ako kaso, grupo silang aalis. Bigtime daw ang tatrabahuhin nila kaya naman ayaw nila magsama ng isang bagito. Mahirap na baka mabulilyaso ko pa ang plano nila kaya naghintay na lamang ako dito at binantayan si nanay Darna.
Tantya ko ay madaling araw na dahil sa lamig ng paligid. Wala pa rin si Jiban. Nakakaramdam ako ng pag-aalala dahil wala akong kapangyarihan ngayon. Isa akong ordinaryong tao na nag-aabang lamang sa pagdating ng isang mahalagang kaibigan. Hindi ako makatulog kaya naman panay ang silip ko kay nanay Darna. Mahimbing ang tulog nito. Maya maya pa ay narinig ko na ang tunog ng yerong pintuan. Si Jiban, nakangiting bumungad saken ang mukha nya. Ang mga matang iyon, ang mga labing gumuguhit upang magpahiwatig ng kasiyahan. Ang wangis niyang nag-iisa lang, ang mukha niyang walang katulad. Ang hindi ko maiwan. Ang akala ko ay mag-isa lamang syang papasok sa bahay. Nagulat na lamang ako nang malaman kong may dalawang lalaki pa syang kasama. Si Captain Barbell lang pala at si Jano. Pagkapasok nila ay agad nila akong binati at nagkumpulan silang tatlo sa tapat ng ilaw. Mga nagbubulungan, hindi naman ako masyadong nakiusyoso. Pero narinig ko ang usapan nila tungkol sa inakyat nilang bahay.
“Win, sali ka samen oh. Masarap ‘to ngayon tikman mo iba tama nito kesa sa rugby. Tamang wala lang, hahahaha” sabi ni Jano. Alam ko na kung ano yun.
Umupo ako kasama nila. Habang gumagawa ng pin at tooter si Captain Barbell ay tumayo si Jiban. “Kayo na lang mga tropa. Pass muna ako dyan.” Sabi nya.
“Ayos ah. Dyeta ka ba pre? Sayang ‘to minsan lang ‘to. Tsaka ikaw yung nanloob sa bahay kaya dapat ikaw ang master. Kundi dahil sayo wala ‘to.” Sabi ni Captain Barbell.
“Edi bibili na lang ako. May pera naman tayo eh. Basta ayoko muna ngayon. May gagawin akong mahalagang bagay eh. Yung parte ko ibigay nyo na lang kay Win.” Sabi nya.
“Ikaw bahala. Oh win simulan na ang kasiyahan!” may sayang sambit ni Captain Barbell.
Higop dito, higop doon. Walang sawang hit hit. Nakakabuhay ng dugo, saktong sakto ang tama. Hanggang sa matapos na kami ay nakatitig lamang si Jiban sa amin. Nakangiti at tila masayang masaya sa nakikita. Pagkatapos ng ilang sandaling kwentuhan ay naghati hati na sila sa pera at tsaka lumarga ang dalawang kupal.
“Ayos ba ‘tol?” tanong saken ni Jiban habang naka-thumbs up pa. Tango lang ang isinagot ko sa kanya. Pagkatapos, humiga na sya sa plywood at ganun din ang ginawa ko kahit alam kong hindi naman ako makakatulog.
“Medyo mainit ngayon noh? O ako lang ang nakakaramdam, sobrang pagod sa pagtakbo eh. Hahaha yung mga parak puro kamote eh. Anlalaki kasi ng tiyan hahaha.” Sabi nya sabay bigla na lamang syang naghubad. Hindi kalakihan ang katawan ni Jiban. Sakto lang, hindi rin sya payat.
Maya maya pa ay tumitig sya saken. Seryoso. Walang halong lokohan. Medyo nagkaroon ako ng kakaibang pakiramdam sa loob ko, medyo uminit lalo na nung basain nya ng dila nya ang mga labi nya. Unti unti syang lumapit saken. Bigla naman akong kinabahan. Palapit. Palapit ng palapit. Hanggang sa maramdaman ko sa balat ko ang mainit na singaw ng katawan nya na lalo lang nagpainit sa nararamdaman ko. Parang walang silbi ang tama ng tinira namen dahil nagawang lusawin ng init ng katawan nya ang lakas ko. Nanghihina na ang pakiramdam ko. Tumitig sya ng diretso sa mga mata ko. Ang mukha nya na unti unti na ring lumalapit sa mukha ko. Naamoy ko na ang hininga nya. Patuloy pa rin ang pagkabog ng dibdib ko hanggang sa magdikit na ang aming mga labi. Sa una’y marahang halik lamang, maya maya pa ay unti unti na itong nagiging marahas. Walang pagtangging mahihinuha sa akin. Buong puso’t maluwalhati kong tinatanggap ang init na ibinibigay nya sa akin. Nag-umpisa nang kumilos ang kamay ko. Hinimas ko ang dib dib nya at hinagilap ang utong nya para ito’y laruin. Hinawakan nyang mahigpit ang kamay ko at unti unti nya itong ginabayan patungo sa ibabang bahagi ng katawan nya. At naramdaman ko ang matigas na bagay na naroroon. Napakainit. Galit na galit. “Isubo mo.” Malambing at init na init nyang bulong sa tenga ko. Nang marinig ko iyon ay agad ko syang pinatihaya at ako naman ang nagmaneho ng halik. Pababa sa leeg, sa dib dib, pusod at pababa pa. Kinalas ko ang pagkakatali ng shorts nya. Ibinaba ko ito hanggang tuhod at itinira ko ang brief nya. Hinawakan ko ang matigas nyang sandata sa labas ng kaniyang brief. Nang gawin ko iyon ay ginawaran nya ako ng isang napakatamis na ngiti sabay hawak nya sa pisngi ko at dinama ko namang mabuti ang init ng kanyang kamay. Hinaplos nya ang mukha ko at tumungo sa aking buhok upang itoy haplusin rin. Hanggang sa maramdaman ko ang isang mahinang pwersa na gumagabay saken para lumapat ang aking labi sa kanyang matigas na pagkalalaki. Nagpaubaya lamang ako sa kanyang lakas na tila ba paga-ari nya ang aking katawan. Inilabas ko ang dila ko at dinilaan ko ang kanyang kargada mula sa labas ng brief. Muli ay ngumiti sya sa akin at ganun din ang ginawa ko. “Ilabas mo na. Alam ko namang noon mo pa gustong matikman yan eh. Matagal ka na rin nyang hinihintay, kaya ilabas mo na.” unti unti kong ibinaba ang kanyang brief hanggang sa tumambad sa akin ang matigas at naglalaway nya nang pagkalalaki. Nang maibaba ko na ay agad kong dinilaan ang ulo nito. Pababa sa katawan at paakyat muli sa ulo. Nagpabalik balik ako sa pagdila sa kanyang kahabaan. “Isubo mo na.” unti unti nang lumalakas ang pwersa nya sa aking ulo. Parang naggigigil na sya na isubo ko na ang kargada nya. “Ibuka mong mabuti yang bibig mo. Dahil malaki ang ipapakain ko sayo.” Ginawa ko ang anumang naisin nya. Para akong wala sa katinuang sumusunod sa bawat iutos nya. Isinubo ko nga ng buo ang kaniyang pagkalalaki. Makikita mo sa kanya ang labis na kaligayahan sa serbisyong ibinibigay ko sa kanya. “pasukin kita.” Muling bulong nya sa akin. Nagdadalawang isip man ako ay hindi na ako tumanggi. Dahil kung may kauna-unahan mang papasok sa akin ay nais kong sya ang makagawa nun. Muli kaming naghalikan. Huminto sya sa paghalik at dumura sa kanyang palad at inilagay ito sa butas ko. Muli syang bumalik sa paghalik sa akin. Pahimas hima sa butas ko ang kaniyang mga daliri ng bigla na lamang akong napa-igtad ng maramdaman ko ang pagpasok ng isang daliri sa loob ko. Isa, dalawa at tatlong daliri ang nalabas pasok sa aking kaloob-looban. Hindi nagtagal ay itinutok nya na ang alaga nya sa bukana ko. Nakaramdam ako ng matinding kaba. Inihimas nya ito hanggang sa bigla na lamang syang dumagan sa katawan ko at binigyan ako ng mariing halik kasabay ng biglaang pagbaon ng kanyang alaga sa loob ko. Napakasakit. Umaabot hanggang sentido. Hindi sya gumalaw at hinayaan nyang ganun lang ng ilang sandali. Tsaka sya nag-umpisang umindayod. Ramdam ko pa rin ang matinding sakit. Tinitiis ko lamang dahil kagustuhan ko rin naman ang bagay na ito. Hindi sya huminto. At ako naman ay nakaramdam na ng sarap. Hanggang sa matapos na lamang ang lahat ng hindi ko na namamalayan. Nagbihis kami ng kani-kaniya naming damit.
Nang matapos ang lahat ay tahimik lamang kaming nahiga. Maya maya pa ay umupo sya at kinuha ang kanyang pera.
“Hati tayo.” Sabi nya at nagbilang sya.
“Ayos lang ikaw naman ang dumiskarte nyan eh. Libre mo na lang ako.” Sabi ko sa kanya.
“Tanggapin mo na at umuwi ka na sa inyo.” Iniabot nya saken ang pera at ako naman ay nagulat sa kanyang tinuran.
“Bakit? Ayaw mo na ba akong kasama dito?” tanong ko.
“Wag ka na magtanong basta umuwi ka na bukas.” Habang nakatingin sya sa bandang pinto.
Marami akong gusto itanong sa kanya. Bakit biglaan ang desisyon nyang pauwiin ako. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali o kung naiinis na sya sa pagtira ko dito. Para akong nalulungkot na natatakot. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Pero hindi na ako nakapagsalita at medyo naluha na lang.
Hindi ako masyadong nakatulog nang gabing iyon. Paidlip idlip lang. Tinignan ko ang pwesto ni Jiban. Nakatalikod sya saken at hindi ko alam kung tulog ba sya o hindi. Napansin ko na lang ang mga butil ng liwanag na nanunuot sa bawat butas ng bahay. Naisipan kong bumangon na para umuwi. Iniisip ko na baka ayaw nya na akong makita pag-gising nya. Ewan, hindi ko alam, parang nagtatampo ako sa kanya. Minabuti ko na lang na sundin sya kesa naman lumaki pa ang sama ng loob nya saken ‘KUNG MERON MAN’. Nang akmang babangon na ako ay bigla na lamang tinawag ni Jiban ang pangalan ko.
“Win.” Tawag nya sakin at bigla na lamang akong napahinto.
“hmm?” ako.
“Wag kang makakalimot ah. Mag-iingat ka palage.” Sabi nya
“Oo.” Maigsi kong sagot.
Nag-asikaso na ako para umalis. Medyo lumuwag naman ang pakiramdam ko kasi sa tinuran nya kanina ay mukha namang walang masamang tinapay sa pagitan naming dalawa. Ngayon ko lang rin naisip na baka nag-aalala lang sya sa kalagayan ko.
Kinuha ko ang damit na suot ko noong mapadpad ako dito. Malinis na ito at hindi naman nagbago ng kulay dahil hindi ko naman na ito naisuot mula noong malabhan ko. Puro damit na ni Jiban ang pinapasuot nya saken para daw hindi maluma yung damit ko dahil mukha daw maganda at mamahalin. Yun lang ang akala nya. Nang matapos na akong mag-ayos ay ibinulsa ko na ang pera at magpapaalam na. Una akong nagpaalam kay nanay Darna. Ang matandang kahit na may kakulangan ay nagsilbi pa ring ina ko sa mahabang panahon. Napamahal na sya saken at tinanggap ko na lahat sa kanya. Nang makapasok ako sa silid ay nakita ko syang nakatulala lamang sa isang sulok. Sanay na ako kaya hindi na ako natatakot.
“Nay, aalis na po ako. Wag kayong masyadong makulit kay kuya. Magpakabait po kayo ah. Mahal na mahal ko po kayo.”sabi ko.
Hindi na ako umasa ng sagot mula sa kanya dahil alam ko namang hindi nya ako sasagutin. Hinaplos ko na lamang ang buhok nya at humalik ako sa noo nya. Hanggang sa makalabas ako ay nakatulala lang sya. Kahit papaano ay umasa ako na may mararamdaman syang lungkot sa pag-alis ko, ang kaso wala talaga kaya naman lumabas na ako. Sumunod kong pinagpaalaman ay si Jiban. Walang masyadong drama, nakakailang naman. Pero isa pa sa kina-iilangan ko ay yung nangyari samen kagabi. Bigla nya na lang ginawa ‘yon mula sa kawalan. Ang hirap kasi talagang intindihin ang adik eh.
“Ban, alis nako. Ingat sa lipad ah, wag kang papahuli.” Sabi ko sabay ngiti kahit hindi sya nakatingin.
“Mas malinaw ang kinabukasan mo kesa saken. Ako, kahit siguro pag-aralin, hindi na ako mag-aaral. Nakakatamad at sigurado akong walang papasok sa utak ko. Kaya pinapauwi na kita para maipagpatuloy mo ang pag-aaral mo. Wala kang mapapala dito . Wag mo na lang pansinin yung tatay mo. Nabigla lang siguro yun kaya ka nya nasaktan.” Sabi nya na pinakinggan ko namang mabuti. Sa tagal kasi naming magkasama eh, ngayon ko lang sya naringgan ng mga salitang may kabuluhan.
Papalabas na ako ng pinto nang muli nya akong tawagin.
“Win, ayos lang maging bakla.” Sabi nya, na sya namang nagpangiti saken. Tuluyan na akong lumabas at hindi na lumingon pang muli. Diretso lang ang lakad, pero ipinangako ko sa sarili kong babalik ako dito, kahit anong mangyari.
Halos tanghalian na rin nang makarating ako sa lugar namen. Kinakabahan. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nila sa pagdating ko. Halos limang buwan din akong nawala. At sa panahong iyon ay may ilang pagbabago din ang nangyari saken. Mga pagbabagong nakaragdag sa kaalaman ko sa aspetong masama at mabuti. Hindi ko man maisa-isa ang mga pagbabagong iyon ay iisa lang ang sigurado ako, naging masaya ako. Kakaibang ligaya ang naramdaman ko habang nandun ako.
Sa paglalakad ko ay hindi ko na halos namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay namin. Bigla na lamang akong naluha nung makita ko yung bahay. Walang pinagbago. Para syang isang pugad na tahimik lamang na naghihintay sa pagbabalik ko. Pero. Pero hindi ko alam kung hinihintay ba ako ng mga taong nasa loob. Nagdadalawang isip man ako sa pagpasok ay tuloy tuloy lang ang paglakad ng aking mga paa patungo sa gate. Hihinto pa sana ako, nang bigla na lamang.
“Ma! Ma! Si kuya andito na.” sigaw ng aking kapatid na nasa pinto pala. At bigla na lamang lumabas din mula sa pinto si mama.
“Aldwin! Anak!” Napatakbo si mama sa kalawangin naming gate at agad nya itong binuksan. Pagkabukas na pagkabukas pa lamang ng gate ay agad na itong lumapit sa akin para ako’y akapin. Galit ako noon. Pero sa totoo lang… Sa totoo lang matagal kong hinanap hanap si mama.
“Ma!” buong puso kong banggit sa kanya na may matinding pananabik sabay yakap ko rin sa kanya.
“Anak, ano bang nangyari sayo? Halika pumasok na tayo.” Sabi ni mama.
Pagdating sa loob ay agad kaming umupo ni mama. Si Alden na hindi ko inaasahang mamimiss ako ay bigla na lamang nakita kong lumuluha habang nakatingin saken.
“Kuya.” Sabi nya. At pinalapit ko sya saken, tumayo ako at niyakap ko sya. Yumakap din sya saken ng mahigpit. Pagkatapos nun ay muli akong umupo para makausap si mama.
“Ma, sorry po. Galit na galit po kasi ako noon eh. Hindi ko po sinasadya.” Sabi ko, gusto ko nang mapahagulgol sa sobrang pagsisisi sa nagawa kong paglalayas.
“Kalimutan na naten yun nak, ang mahalga nandito ka na. Mabuti’t walang nangyaring masama sayo.” Si mama. Napayakap na lamang ulit sa kanya dahil hindi ko sya masagot tungkol sa bagay na ‘yun. Hindi ko alam kung nakabuti ba o nakasama saken ang mga karanasan ko. Pero isa lang ang nasisiguro ko sa kanya. Mula ngayon ay gagawin ko ang lahat para maging mabuting anak, sa kabila ng kasarian kong kinukondena ng lipunan.
Ipinaghanda ako ni mama ng masarap na pagkain at masaya kaming nagsalo salong tatlo sa hapagkainan. Nasa trabaho pa kasi si papa at mamayang gabi pa ang uwi nya. Medyo nag-aalala ako sa magiging reaksyon nya sa pagbabalik ko. Baka masaktan na naman nya ako eh. Pagkatapos naming kumain ay halos buong maghapon lang kaming nagkwentuhan ni mama at Alden. Marami akong naikwento sa kanila pero mas marami ang mga itinago ko na lamang sa aking sarili. Pihadong hindi nila magugustuhan ang mga naging karanasan ko kaya naman mas mabuting manahimik na lang ako.
Sumapit na ang gabi. Hinihintay na namin ang pag-uwi ni papa. Nakakaramdam ako ng matinding kaba. Napaka istrikto nya kasi. Hindi pa man nya ako nasasaktan noon ay malaki na talaga ang takot ko sa kanya. Larawan sya ng isang mapagkalingang ama para sa lahat. Pero para saken, mas mukha syang warden sa selda. Ewan, kahit nga si Alden takot sa kanya eh. Pabilis na nang pabilis ang pag pintig ng dibdib ko. Hanggang sa narinig na nga namen ang gate at napatayo na lamang ako ng tuwid dahil sigurado kaming sya na yon. Bumukas na ang pinto at halos silaban na ako sa sobrang init ng tenga dahil sa kaba. Andyan na sya. Bahala na.
Nang makapasok si papa sa loob ng bahay ay napahinto sya nang makita nya ako. Tinitigan nya akong mabuti at tsaka sya tumuloy sa pagpasok. Kinakabahan man ako ay wala na akong magagawa. Nandito na ‘to. Haharapin ko na lamang ang parusang ibibigay nya sa kalapastanganang nagawa ko. Unti unti syang lumapit saken. Pinagmamasdan ko ang kamao nyang nakakuyom na tila handa nang manuntok ano mang oras. Iniangat nya ang nakakuyom nyang kamao, susuntukin nya na ako pero handa na ako. Nang bigla na lamang tumulo ang luha ko nang yakapin nya ako ng napakahigpit.
“Patawarin mo ako sa nagawa ko sa ‘yo hindi naman yun sinasadya ni papa. Nabigla lang ako, hindi ko kasi matanggap nung una eh. Akala ko nagkulang ako bilang ama sa ‘yo, hindi ko lubos maisip kung bakit ka magkakaganyan. Pinalaki naman kita ng matino eh. Pinalaki kita ng matuwid. Ayokong tanggapin noon na bakla ang anak ko, kasi ayokong matulad ka sa mga nakikita ko dyan sa lansangan. Ang mga katulad mo ay tampulan ng tukso, ayokong mapagtripan ka ng mga kalalakihan na ang tingin sa mga bakla ay salot. Prinotektahan ko kayo at puprotektahan ko kayo kahit anong mangyari. Sa oras na may makita akong gumagago sa kahit sino sa inyo anak, makakapatay ako dahil ganun ko kayo kamahal. Patawarin mo ako kung hindi kita natanggap kaagad ah. Kasi anak, nagpapaka kuba ako sa pagtatrabaho para magkaroon kayo ng maayos na buhay. Hindi ko mapapayagang maapi kayo, kaya sana ayokong ganyan ka. Pero andyan na eh. Ganyan ka na kaya wala akong magagawa kundi ang tanggapin ka. Sana nauunawaan mo ang nararamdaman ko bilang ama. Mahirap din yun para saken. Pero ngayon, sana kahit ganyan ka, sikapin mo pa ring maging mabuting ehemplo, wag kang gagawa ng mga bagay na pagsisisihan mo balang araw. Magtutulungan tayo, at kahit san ka pa makarating susuportahan ka naming pamilya mo. Bubugbugin ko kung sinuman ang manloloko sayo anak, tandaan mo yan.” Sabi ni papa, hindi na ako nakapagsalita dahil panay na ang hagulgol ko. Nakakataba ng puso. Nakaka-aliwalas ng pakiramdam. Tanggap nya na ako at ganun din si mama. Abot langit ang pasasalamat ko.
Hindi na ako nakabalik sa pag-aaral. Ibinagsak na kasi ako ng prof ko dahil sa ilang buwang pagliban ko sa klase. Naintindihan naman ni mama at papa ang sitwasyon kaya naman sa susunod na taon na lang raw ako mag-aral ulit. Naging masaya naman ang pagbabalik ko. Mas naging malapit ako sa mga magulang ko ngayon. Sa dami kasi ng nangyari saken ay mas naappreciate ko ang mga bagay bagay na meron kami. Ang pagkain, tirahan, edukasyon at higit sa lahat ang buong pamilya. Maraming may wasak na tahanan, kundi namatay eh iniwan. Maswerte ako, napakaswerte ko dahil hindi kami natulad sa kanila. Ngayon ko lang nauunawaan ang mga biyayang galing sa Diyos na hindi kayang sukatin ng mababaw na pag-iisip. Maraming bagay Siyang ibinibigay saten na hindi naten napapansin dahil nakakasanayan na nating nandyan lang. Parang pagkain, nakakaumay na pag palagi mong kinakain. Hindi nagsasawa ang Diyos na ibigay ang lahat ng pangangailangan mo. Sana hindi mo makalimutang magpasalamat, wag kang magsawang magpasalamat. Tumanaw ka naman ng utang na loob.
Isang araw matapos ang dalawang lingo, noong makabalik muli ako dito sa bahay ay naisipan kong dumalaw sa Moriones. Kukumustahin ko sina nanay Darna, yung mga naging kaibigan ko doon at syempre si Jiban. Nagpaalam ako kila mama at papa, hindi naman ako nahirapan dahil alam naman nilang yung pamilya ni Jiban ang tinirhan ko. Wala nga lang silang alam tungkol kay Jiban na kahit ano. Syempre mag-iingat daw ako.
Nang makarating ako sa bahay nila Jiban ay si nanay Darna lang ang inabutan ko.
“Kuya! Kuya!” sabi ni nanay. Medyo, nababanaag ko ang emosyon sa kanya dahil may patak ng luha sa mga mata nya.
“Bakit nay, anong nangyare?” tanong ko pero hindi sya sumagot. Nagpasya akong puntahan ang mga kaibigan ni Jiban na sina Captain Barbell at Jano. Tatanungin ko kung nasaan si Jiban. At nang makarating na ako sa kanila…
“Jano, asan si Jiban?” tanong ko. Lumapit naman ito saken at nagsalita ng pabulong.
“Ayon nagtatago. Nangrape si gago, lakas kasi ng tama nung nakaraan eh, sabog na sabog.” Bulong ni Jano saken. Nagulat ako sa sinabi ni Jano.
“Saan sya nagtatago at tsaka sinong nirape nya.” Tanong ko ulit sabay aktong babatukan ako.
“Tangina mo wag kang maingay. Walang nakakaalam dito. Kaming dalawa lang ni Cap ang pinagsabihan nya. Pinaghahanap sya ngayon ng mga pulis. Matindi ang nadale, yung menor de edad na anak ni kagawad, napatay pa nya.” Nanlaki ng husto ang mata ko nung marinig ko ang mga sinabi ni Jano. Pagkatapos namen mag-usap ay bumalik ako sa bahay nila Jiban. Hinang hina ako sa mga narinig ko. Nag-uumpisa nang tumulo ang mga luha ko, masakit sa loob. Sobrang sakit. Para akong mababaliw sa kasalanang nagawa ni Jiban. Alam kaya nya ang parusang naghihintay sa kanya?
Inabot na ako ng gabi kila nanay Darna. Magpapaliwanang na lang ako kila mama pag-uwi ko. Ang mahalaga ay makausap ko si Jiban. Isa pa hindi ko rin maiwang nag-iisa si nanay Darna eh. Hindi ko na alam kung anong oras na. Malalim na ang gabi at nagkikislapan ang mga bituin sa kalangitan. Napakagandang pagmasdan pero hindi ito nakakapagpasaya saken sa pagkakataong ito. Hinihintay ko si Jiban. Alam ko kung gaano nya kamahal si nanay Darna kaya nakasisiguro akong pupunta sya dito para kumustahin ang lagay ng kanyang ina. Hindi nga ako nagkamali dahil ilang sandali lang ay naaninag ko na sya mula sa dilim. Kahit hindi ko nakikita ang kabuuang itsura nya. Sa kilos at pagtayo pa lang ay alam ko nang sya yun. Dahan dahan syang kumikilos papalapit saken.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong nya.
“Dinadalaw ko kayo.” Sabi ko.
“Hindi ka na dapat bumalik. Tarantado ka, mapapahamak ka lang dito eh.” Bulong nya na may diin ang pagsasalita.
“Ano bang nangyare kasi, ipaliwanag mo ‘to.” Pag-aalala ko.
“Wala akong dapat ipaliwanag sayo. Bakit syota ba kita?” sabay pasok nya sa loob ng bahay. Nanlamig ako sa sinabi nyang iyon. Ang totoo nyan, umasa ako na ganun na nga ang lagay namen matapos ang nangyari samen. Pero wala lang pala sa kanya yun. Gusto kong magalit pero, hindi ko iyon paiiralin ngayon. Dahil may mga bagay pang mas dapat unahin kesa sa pag-ibig. Sumunod na lamang ako sa loob upang kahit papaano ay makausap pa rin sya.
“Umalis ka na dito, kaya ko na ‘to.” Sabi ni Jiban.
“Hindi, hindi kita iiwan dito, lalo na sa ganitong sitwasyon. Alam kong kailangan mo ako.” Sabi ko.
“Win, hindi kita kailangan. Tangina naman eh, umalis ka na kasi. Tangina mo bubutasan kita pag hindi ka pa umalis.” Pagbabanta nya. Pero hindi ako nagpatinag sa kanya.
“Alam ko, kailangan mo ako kaya dito lang ako.” Sabi ko.
“Bobo ang puta. Ahy! Naku ka!” gigil na gigil nyang sambit habang inaambahan ako ng patalim na hawak nya. Sabog pa ata ‘to eh. “Tara, tulungan mo akong ilabas si nanay. Isasama ko sya sa pagtatago ko.hindi ko sya pwedeng iwan dito.” Dugtong nya.
“Saan kayo pupunta?” tanong ko.
“Bahala na, kahit saan basta ligtas si nanay.” Ramdam ko na mas inaalala nya talaga si nanay kesa sa sarili nya. “Win, salamat ah. Nakakita ako ng liwanag nung dumating ka sa buhay namen ni nanay. Kaso hindi talaga maganda ang droga sa katawan at isip eh. Palaging may demonyong bumubulong saken na gawin ito gawin yan. Masama man o mabuti, walang pinipili. Pero alam mo, pinilit kong maging matino nung umuwi ka. Pero hindi kaya eh, ilang linggo pa lang balik na naman ako sa dating gawi eh. Mas lalo pang napasama. Kasi… kasi… hinanap kita eh. Namiss kita, kaya . . .” bigla na lamang syang naging emosyonal at bigla na lamang itong naputol nang biglang may kumatok sa pintuan ng napakalakas.
“JIBAN! JIBAN! LUMABAS KA DYAN!” sigaw ng isang lalake at nakasisiguro akong si kagawad yun. Dahil ilang beses ko na sya nakita at alam na alam ko ang garalgal nyang boses. Sabay sipa sa pintuang nakaharang sa kanyang daraanan. May mga kasama syang pulis. Isa pa sa ikinagulat namen bitbit rin nila sina Captain Barbell at Jano.
“Jiban, patawarin mo kami. Ikaw ba naman ang matutukan ng tingga eh.” Sabi ni Cap. Biglang nagulumihanan si nanay Darna.
“WAAAAAHHHH! PULIS! PULIS! PULIS! WAAAHHH!” sigaw ni nanay.
“Puro pala kayo may sayad eh!” Sabi ni kagawad.
“PUTANGINA MO! WAG MONG BINABASTOS NANAY KO!” Sigaw din ni Jiban sabay yakap ng mahigpit kay nanay. Alam kong kahit nagtatapang tapangan si Jiban ay labis labis ang takot nito kaya naman niyakap ko silang pareho ni nanay Darna.
“Hulihin nyo na yang putang inang yan nang masilya elektrika na yang hayop na yan.” Sabi ni kagawad na lalong nagdala ng takot sa amin. Hindi ako papayag kaya naman mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kanilang dalawa. Patayin muna nila ako bago nila makuha si Jiban.
“WAAAHHHH! WAAAAHHh! PULIS! PULIS! PULIS!” Muli na namang pagsigaw ni nanay. Papalapit na ang mga pulis sa amin at lalong nagwala si nanay. Hanggang sa kumalas sya sa pagkakayakap namen ni Jiban at pumasok sa kwarto. Hinabol namin sya ni Jiban pero hinablot na ng mga pulis si Jiban. Nagpumiglas sya.
“Sandali yung nanay ko! Sandali lang naman, yung nanay ko walang kasama.”pahagulgol nya nang pananalita. “Nay… Papano yung nanay ko?” muli naming narinig ang sigaw ni nanay sa loob. Muling nagpumiglas si Jiban para puntahan si nanay. Nakawala ito sa pagkakakapit ng mga pulis at tumuloy sya sa kinaroroonan ni nanay. Papasok na rin sana ako ng silid ng bigla na lamang narinig namen ang malakas na putok ng baril. At nakita ko ang paghandusay ni Jiban sa sahig.
“JIBAN!” sigaw ko at tuloy tuloy na umagos ang luha ko. Agad akong lumapit sa nakahandusay na katawan ni Jiban at tsaka ko iyon niyakap ng sobrang higpit. Halik dito, halik doon. Habang sinasambit ko na “Jiban gising! Jiban!” unti unti ay ikinilos nya ang kanyang ulo at tumitig sa akin. Hinaplos nya ang mukha ko tsaka sya ngumiti at doon na sya binawian ng buhay.
Walang nagsasalita. Walang ni isa mang kumikilos. Walang may alam. Walang nakakaunawa ng nangyari. Bigla na lamang parang sumandaling nagbalik ang katinuan ni nanay Darna.
“Mahal ko ang anak ko. Kaya hindi ako papayag na mahirapan sya sa kamay ng ibang tao. Ang mga bisig ko ang dumuyan sa kanya, kaya anong karapatan nyong kitlin ang buhay ng anak ko?! Walang sinuman ang may karapatan, kahit ako wala rin. Ako ang may kasalanan. Handa akong pagdusahan ang kasalanang nagawa ko sa anak ko. Bilang ina nya, pakakawalan ko sya sa malupit na mundong ito. Malaya na sya. Malaya na sya! MALAYA NA SYA! HAHAHAHAHAHA.. MALAYA NA SYA! HAHAHAHAHA” at muli syang nagbalik sa kanyang kawalan.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pinadala sa mental hospital si nanay Darna, ang gibyerno mismo ang nagmungkahi noon para sa kanya. Si Jiban ay ipinalibing ng pamilya ko, bilang pagpupugay at pagtanaw ng utang na loob sa mga nagawa nya para saken. Si Cap at Jano naman ay ipinarehab at unti unti nang tumitino. Wala na akong iba pang naging balita sa kanila. At sa Moriones.
Walang nakakaunawa kung ano ang ibig sabihin ni nanay Darna sa pagmamahal na ipinakita nya sa kanyang anak. Pero ako, kasing liwanag pa ng sikat ng araw ang pagkaunawa ko sa kadakilaan nya bilang isang ina. Nakakalungkot man ang sinapit nilang mag-anak ay palagi ko namang matatandaan na minsan sa buhay ko ay nakilala ko sila. Marumi, madungis, masama at karumal dumal para sa paningin ng iba. Pero para sa akin, isa itong biyayang galing sa langit. Ang pangyayaring iyon ng aking buhay ang syang nagmulat sa akin sa mas malawak na mundo. At yun din ang sumagot sa lahat ng nakabinbing katanungan sa isipan kong magulo. Ang pagmamahal ng magulang ay hindi mo kayang sukatin. Walang hangganan at kalian ma’y hindi magmamaliw.
Kwarentay dos anyos na ako ngayon. May matatag na hanap buhay. Wala pa ring asawa. Pero masaya akong inaalagaan ang nanay at tatay ko. Na stroke kasi si tatay. Noon hindi ko alam kung kelan ko masusuklian ang pag-aaruga nila saken. Ngayon ay masaya ko nang ginagawa ang isa sa mga pangarap ko. Ang maalagaan sila hanggang sa huling sandali nila dito sa mundo. Ako naman ngayon. Nanamnamin na lang nila ang sarap ng buhay na ibibigay ko sa kanila.
Magbabagong taon na, uuwi si Alden at ang pamilya nya. May dalawa na syang makukulit na chikiting. Paminsan minsan ay naiinggit ako sa kanya pero sa tuwing tatawagin akong papu ng mga pamangkin ko ay nararamdaman ko na rin ang magkaroon ng anak. May balak ako, soon. Basta. Kahit ano pang mangyari, isa lang masasabi ko. Masaya ako, sa lahat ng bagay na ibinigay sa akin ng Poong Maykapal.
Wakas
Panalo ang story na to. Super ganda. Magsulat ka pa ng storya na kapupulutan ng mga aral. Mabuhay ka :)
ReplyDeleteGanda!
ReplyDeleteNabasa ko na ito sa ibang site, kso putol yon. Parang dinugtungan mo nalang. Tsktsk
ReplyDeleteExcuses po... Ahh opo naipost na po niya iyan sa ibang blog noon... Hindi po totoo ang paratang ninyo sa kanya... Iyong nagpost po sa blog na napuntahan mo at ang nagpost sa blog na ito ay iisa lamang... Maraming salamat po.
Delete-JM PEREZ-
Bravo! Bravo! Bravo! A very touching story na may aral. Salamat Mr Author. Take Care and may God Bless you.
ReplyDeletetalagang magaling ka james silver , your style of writing is superb
ReplyDeleteKuya author sana sundan mo na yung yakap ng langit ni raffy sa kabilang blog matagal na rin wla update
ReplyDeleteThanks
05
Glad that you're finally here... Hindi sa hindi kita gusto dun sa kabila but i would prefer your stories would be posted here...
ReplyDelete-kiko of sk
DeleteSa mga ilang araw ko rin na pagbabasa dito - and so much much more days doon sa iba (I read Break Shot here a long time ago, then read Idol Ko Si Sir here a week ago, then Ang Kuya Kong Crush Ng Bayan, then Beat Of My Heart, then Fated Encounter, then iPhone - well, nag marathon reading ako ng ilang araw dito kasi) - I actually agree with you ... completely, Mr. kiko of sk. Parang iba nga ang dating dito. I know what it is, but I don’t think that I need to state the obvious.
- David
- July 15, 2015, 12:03 a.m.
.
Oh ayan.. one step forward nako bilang totoong writer hahaha... Hi David and Kiko.. Well, David pag ikaw na ang nagcomment hindi ko mapigilang magreply.. Alam mo namang love kita eh, kabilang ka sa iilang nagbabasa ng mga gawa kong, ala lang. Makapagsulat lang hahaha.. Pero nalungkot ako kasi, hindi mo nireplyan yung message ko sa disqus.. yung tungkol sa ulan lang ang sinabi mo hahaha.. so dito na tayo magchkaran hahaha.. continue na tayo sa lovelife hahaha.. me pagka jejemon ako ngayon hahahah
DeleteAhy hahaha.. nabasa ko na, pasensya ka na hindi ako madalas mag-online eh. Usually nagsesend lang ako ng story at nagpopost sa mga blogs and pages. One time big time yun kaya matagal pag nag-online ulit ako. Hays.. Wag magtatampo saken. Anyway eto na, nagsusulat nako ng reply ko sa message mo na 1,766 words.. hahaha ang regular na sinusulat ko bawat story ay nasa 3k words above. Sa chapter yan ng mga long story ko ah. At ang mga one shot ko ay umaabot ng 10k above. Nakakaproud lang na pati sa comment box eh, umaabot pa tayo ng ganyan hahaha.. Kaya mahal kita kuya David eh.. Hehehehe
Delete-Kenneth
ReplyDeleteKapupulutan ng aral.
Hmmmmmm.
When I was in high school, my brilliant English teacher asked the class: “How will you define Literature?” Nearly everyone in my star section raised a hand. The one she called answered: “The written word.” My teacher dissected the answer. “The written word,” she repeated. Then she asked: “If I accidentally picked up a piece of paper on which the words ‘FUCK YOU’ is written, then by your definition, is that Literature?” The entire class laughed.
Then my teacher said: “Poems, and literature in general, enlarge our experience. Through the poet’s basic values, attitudes, and emotional reactions, we get to learn something that adds to our store of knowledge, something that heightens our sense of life, or deepens our sense of values.”
The class shouted: “Ma’am ulit! Ulit” The class wanted to write it on their notebooks. My teacher smiled and said: “It’s on page __ of your textbook.” We all laughed.
I used to wonder, years after formal school, why the books we discussed in highschool and college – written by the titans of Greek Literature, the greats of English and American Lit – still abound in bookstores, why these endure.
Hmmmmmm.
Could it be that the reason why these works – written so long ago – endure until now is that they somehow ennobled the human race, because somehow, they taught the human race something?
Kapupulutan ng aral.
Hmmmmmm.
And if posterity finds you worthy, Mr. James Silver, these words will be true for you, as they are for the man who wrote them: “SO LONG AS MEN CAN BREATHE OR EYES CAN SEE; SO LONG LIVES THIS, AND THIS GIVES LIFE TO THEE.”
- David
Master piece.. Realistic... Bat ngayon ko lang kasi toh binasa but then again thank you.. Ur a story teller. Prang my virtual world na dinala mo kami sa kwento.. Slow clap for you ser.. 👏👏👏👏👏👏
ReplyDeletehi! KUYA JAMES... ang ganda talaga ng mga kwento mu... hmmmm pero dito sa kwentong ito parang my naalala akung isang kwento dun sa ending part ung pinatay ni Nanay darna si JIBAN... naalala ku ung "kwento ni mabuti" hahaha 3rd year high school pa aku nun... Naalala ku lng
ReplyDelete-PEN10
Ang ganda. Isa na akong fan!! :)))
ReplyDelete-hardname-
Wow as in wow. This story gives me a new perspective about life. It opens a new way of looking to other people regarding of what they are doing to others because we really dont know the real story behind. Talagang kapupulutan mo nang aral . What a great story. THANKS MR AUTHOR.
ReplyDelete