Followers

Friday, June 5, 2015

Latched [Short Story]



Hi, guys! Hope you still remember me. Sorry din dahil hindi na ako nakakapagpublish ng mga bagong stories and series. I've been so busy with school. For the meantime, here is a short story na sinulat ko. Medyo mabilis ang pacing, pero I hope that you'll like it.


Please. do check out my other stories/series on this site:
- Unexpected
- The Start
- Untouchable

Maraming-maraming salamat kay kuya Mike for allowing us aspiring writer to continue publishing our creations on his site. Dakila ka, Kuya Mike!

Leave a comment. :)

'Til my next story!

- A :)

--

[Latched]


I woke up inside an empty room, in an empty house. Ganito naman lagi ang simula ng umaga ko—mag-isang babangon at maghahanda para pumasok. Eversince nawala ang mga magulang ko ay nasanay na ako sa ganitong sitwasyon. I sent a little prayer first before finally leaving my bed to get ready for my first day this semester.

Habang naliligo ay napaisip ako sa naging takbo ng mga nakaraang taon, isang bagay na madalas ko gawin sa araw-araw na ginawa ng Diyos.

Third year. Sa nakalipas na taon, napakarami ng nagbago sa buhay ko. Maraming nawala, maraming pumasok. Marami akong nakilala, at maraming bagay akong nadiskubre tungkol sa sarili ko. Unti-unti, sa pagdaan ng mga araw, habang patuloy sa paglipat ng pahina ang istorya ng buhay ko, mas lalo lamang akong naguguluhan, nalilito kung saan nga ba ako patungo.

Matapos maligo ay agad akong nagbihis. Ang pinapasukan kong Unibersidad ay walang required na uniporme para sa mga estudyante, isang bagay na lubos kong ikinatutuwa. Pakiramdam ko, dahil dito, ay kapit papaano ay malaya ako. Walang pakialamanan, at walang manghuhusga sa akin bilang isang tao. 

Tiningnan ko ang orasan ko na nakasabit sa dingding; 8:45. Sakto lamang para makarating ako ng tamang oras para sa una kong klase ngayong araw. Kinandado ko ang pintuan, bumuntong-hininga, at sinimulan na ang paglalakbay patungo sa eskwelahan.

--

Time check, 9:50. May sampung minuto pa pala ako bago magsimula ang unang klase ko. Kahit pa man sa tingin ko ay ayos lamang magpahuli ay minabuti ko na ring pumasok sa tamang oras para naman magkaroon ako ng good impression sa magiging instructor ko sa kursong ito. General Education subject lamang ang klase ko ngayon kaya naman hindi ako gaanong kinakabahan. 

Pagpasok ko sa room ay nagulat na lamang ako nang madatnan ko ang isang pamilyar na mukha. Doon, sa may dulo ay napansin ko agad si Derrick, ang tanging taong maituturing kong kaibigan sa University. Busy ito sa pakikinig ng kanta sa iPod niya na siyang nakasanayan na naming pareho. Agad-agad kong tinahak ang daan patungo sa pwesto niya at inupuan ang bakanteng silya sa tabi niya.

“Hey!” magiliw na bati niya sa akin. Ngumiti ito ng pagkaganda-ganda, isa sa mga pinakamagandang assets nito, at tinanguan ako. “Classmate pala kita dito. Ba’t di mo ako sinabihan?” takang bungad ko dito. At as usual ay nagkibit-balikat na lamang ito. 

“Stalker.” bulong ko.

Kinindatan niya lamang ako.

Nakakatuwa, oo nakakatuwa dahil ang buong akala ko ay bubunuin ko ang subject na ito ng mag-isa. Ngunit sa loob-loob ko ay nalulungkot ako, nako-konsensya, nagui-guilty, dahil alam ko naman ang totoong dahilan kung bakit inenroll ni Derrick ang sarili niya sa klaseng ito kahit hindi naman niya talaga kailangang kuhanin. 

Binabantayan na naman niya ako.

Ngunit hindi ko na iyon sinabi sa kanya dahil baka masamain pa niya ang pagtanggap ko sa mabuting ginawa niya. Alam kong malinis ang intensyon niya, na after ng gabing iyon ay malamang he felt responsible to the point that he needed to look after me. Ngunit matagal ko ng sinasabi sa kanya na hindi niya ako responsibilidad, na huwag siyang ma-guilty kung ano pa man. Ngunit tuwing sinasabi ko iyon sa kanya ay hindi na lamang niya ako papansinin at sa halip ay iibahin ang paksa ng usapan namin.

Never ko pa itong nakitang nagalit. Si Derrick na yata ang pinaka-perpekto at pinaka-pasensyosong taong nakilala ko. Sa pisikal na aspeto pa lang ay wala na talaga akong masasabi, ngunit higit doon ay ang ugali niyang napaka-maalaga sa mga kaibigan niya. 

Napabuntong-hininga na lamang ako dahil sa ginawa na naman niya para sa akin.

“Oh, parang ang lalim ng iniisip mo. Hindi ka ba masaya classmates tayo?” pagtawag niya ng pansin ko. “Eh kung sa majors kaklase na kita, dito pa rin ba? Magkakasawaan na yata tayo, eh.” sagot ko dito ng pabiro. “At saka paano na yung ibang friends mo parang di mo na ata sila pinapansin?” puna ko dito dahil totoo naman, napapansin kong hindi na siya sumasama sa mga lakad ng barkada niya ever since ng gabing iyon. 

“Look,” sabi niya habang nakatitig ng todo at malalim ang mga mata niyang nangungusap sa mga mata ko, isang ugali niya na napansin ko sa kanya “I already told you, ikaw lang ang tunay kong kaibigan dito. Sila, ‘yung barkada ko? They’re just there temporarily. Noong naospital ba ako may nakaisip man lang dumalaw sa akin? Ikaw lang, right? So ikaw, ‘yung tunay kong kaibigan, ang gusto kong kasama. End of story.” pagpapaliwanag niya.

Bago pa magsink in ang sinabi niya sa akin ay biglang pumasok ang isang babaeng nasa late 20’s. Halata naman sa mga dala nitong folders at gamit na siya ang magiging instructor naming para sa subject na ito. Kaya naman nagdesisyon na ako na tuluyang ibaling ang atensyon ko sa klase. Napansin ko rin na tinanggal na ni Derrick ang earphones niya sa tenga niya at binigyang pansin ang instructor namin na nagsasalita sa harap ng classroom.

As usual, dahil nga minor subject lamang ito at halo-halo ang mga estudyante mula sa iba’t-ibang year level at kurso ay pinagpakilala muna kami isa-isa ng Prof namin sa harap ng klase.

Isa-isa kaming humarap at nagpakilala sa klase. Kaming dalawa ang huli ni Derrick bilang sa dulo ng classroom kami nakaupo. Nang matapos kaming lahat ay nagsimula ng magpaliwanag si Ma’am ukol sa mga magiging requirements namin. Nasa kalagitnaan siya ng pagpapaliwanag nang bigla siyang matigil dahil sa pagpasok ng isa pang estudyante.

“Good morning po, sorry I’m late.” dinig kong sabi ng isang malalim ngunit pamilyar na boses sa may harap ng classroom. Agad naman akong napatingin upang tingnan kung sino ang nagmamay-ari ng tinig na iyon, at tama nga ang hinala ko. 

“Okay lang, pakilala ka na sa kanila. Name, year, course, hobbies and interests.” utos ni ma’am.

“Good morning, classmates. I am Raphael Carolino, 1st Year BS Business Administration. You can call me Rap na lang. Hobbies ko ay… mahilig akong magskateboard, at mahilig ako sa mga aso. Ayun lang naman.” pagpapakilala nito. Matapos noon ay nagkatinginan kaming dalawa at biglang nagliwanag ang mukha nito. Nang paupuin na siya ni ma’am ay agad itong pumunta sa may pwesto namin at inupuan ang bakanteng silya sa kanan ko.

“Enzo!” excited niyang bati sa akin. Ako naman ay hindi alam ang mararamdaman ko dahil sa kaba at excitement na ngayon ko lamang ulit naranasan sa loob ng mahabang panahon. “Rap, ikaw ba talaga yan?” pabulong ngunit galak kong sabi para naman hindi kami sitahin ng prof namin. “Yeah, ako nga! Grabe ang laki na ng pinagbago mo. Wala ka ng salamin.” nakangiti nitong bati sa akin.

“Ehem.” pagpaparinig ni Derrick na siyang ikinailing ko na lamang. “Ah, Rap si…”

“Derrick, bestfriend ni Enzo.” pagputol sa akin ni Derrick.

“Rap.” ngiting bati ng binatang nasa kanan ko.

Doon nagtapos ang pag-uusap namin dahil nagpakuha na ng mga papel si ma’am para sa gagawing activity.

-- 

Matapos ang klase namin ay nagkayayaan kami ni Rap na lumabas at maglunch bilang pareho naman kaming vacant that time. Sa kasamaang palad ay may klase si Derrick ng 11:30 kaya naman kinailangan na niyang magpaalam sa aming dalawa. Sinabihan na lamang niya kaming maghangout na tatlo some other time. Nang makapagdesisyon na kaming kumain ay nagsimula na kaming magkwentuhan.

“Kailan ka pa nakabalik?” pasimula ko. “Last month lang. May kinailangang ayusin sila mama na papers dito kaya sumama na ako. Sabi ko dito na lang rin ako mag-aaral kasi ayoko talaga ng culture doon. Iba pa rin dito.” sagot nito. 

“Ahh, eh bakit nga pala sabi mo first year ka pa lang eh one year higher ka dapat sa akin, ah?” tanong ko dito.

“Yup, like I said I didn’t like it in the States. Ayoko sa mga tao, I felt discriminated at times, especially sa school. So I stopped. Nagwork nalang ako on the side para productive naman ako kahit papaano. Naintindihan naman nila mama. Kaya rin sila pumayag na dito ko na ituloy yung college years ko kasi I promised them that I will finish my studies, payagan lang nila akong mag-aral sa Pinas.” sagot niya.

“Ahh,” ako.

“Oh, ikaw? Kamusta ka naman? Si Kuya James?” tanong nito. Alam kong alam naman niya ang nangyari sa mga magulang ko, kaya naman medyo nakahinga ako ng maluwag dahil hindi na niya iyon inungkat pa. 

“Ayun, busy pa rin sa work. Mag-aaral na kasi ‘yung anak nila ni Ate Aina.” sagot ko dito. “So ikaw lang mag-isa sa bahay?” tanong nito na siyang tinanguan ko na lamang.

“’Yung Derrick? Yung totoo, boyfriend mo ba ‘yun?” biro nito sa akin. Agad kong naramdaman ang pamumula ng mga pisngi ko. “Ulul ka. Kaibigan ko ‘yun.” bara ko dito. “Joke lang, ito naman. Alam ko namang ako pa rin ang nandiyan, kaya nga nalungkot ka noong umalis ako.” sabi niya na muntik ko ng ikinalaglag ng upuan.

“Tangina mo!” wala na akong nagawa kundi murahin siya. Akala ko pa naman nakalimutan na niya. Kundi kasi sa kaibigan ko noong high school na si Lora ay hindi naman niya malalaman na crush ko siya. Nakakahiya talaga. Ngunit nakakatuwa na parang wala lamang iyon sa kanya. 

“Hahaha. Joke lang naman. Oy.” suway nito sa akin.

--

Makalipas ang ilang buwan ay naalala kong malapit na pala ang kaarawan ni Rap, kaya naman agad akong naglibot sa mall upang ibili ito ng regalo. Sa paglipas rin ng linggo ay napapansin kong mas lalo akong napapalapit sa kanya, isang bagay na ikinatutuwa at ikinakakaba ko. Matagal ko ng alam sa sarili ko kung hanggang saan lamang ang pagtingin niya sa akin—isang kaibigan, ngunit nga dahil sa ipinapakita nitong kabaitan sa akin ay hindi ko pa rin maiwasang umasa. 

Pagkatapos kong mamili ay pumunta na ako sa terminal ng FX para umuwi. Habang binabaybay ang daan pauwi ay biglang may nagtext sa akin. Pagtingin ko sa screen ay nalaman kong isa itong text mula kay Derrick.

“Hey, free ka ba ngayon? :)” tanong nito sa akin na agad ko namang nireplyan.

“Hindi, eh. Nakasakay na ako ng FX pauwi. Bakit?” reply ko dito.

“Ah, wala naman. Yayain lang kita sana magdinner. Sige, bukas na lang.” reply nito sa akin. Bago ko pa man siya mareplyan ay bigla akong naka-receive ng bagong text. Nang makita ko ang pangalan ng sender ay hindi maiwasan ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

“Uy, dinner tayo bukas. Hatid na lang kita sa inyo pauwi. ;)” sabi ng text ni Rap.

“Sige. See you.” simpleng reply ko dito kahit pa sa loob-loob ko ay nae-excite na ako.

“Oks! Sunduin kita after class mo.” siya.

“Okay!” reply ko dito.

--

Kinabukasan, pagpasok ko sa major subject namin ay nadatnan ko ang mga kaklase kong nagkukumpulan sa isang area ng classroom at tila may pinagdiriwang.

“Congrats, Derrick! Sabi na nga ba, eh! And salamat sa libre kagabi!” rinig kong bati ni Tom dito. Napakunot na lamang ang noo ko dahil sa narinig ko nang bigla kong marealize ang isang bagay. Nagkatitigan kaming dalawa ni Derrick at binigyan niya ako ng isang matipid na ngiti.

“Shoot! Nakalimutan ko! Kahapon ba ‘yun? Bakit hindi mo sinabi? Congrats, Derrick!” natutuwa kong bati rito. 

“Yup, pero sinabi ko sa’yo na last night ‘yung release ng mga nakapasa ng first rounds, pero ewan ko may katext ka ata nun. No biggie! Salamat!” sagot nito sa akin. Doon ko narealize na nitong mga nakaraang araw ay wala na akong alam sa mga nangyayari sa mga tao sa paligid ko, lalong-lalo na kay Derrick na siyang pinakamatalik kong kaibigan.

At alam ko ang dahilan, dahil masyadong umiikot ang mundo ko kay R--

“Sayang, Enzo wala ka sa pa-pizza niya kagabi. Tinext ka nga niya, eh. Hinahanap ka.” sabat ni Tom sa usapan namin na siyang lalong nakapagpa-guilty sa akin.

“Sorry talaga.” sincere na paghingi ko ng tawad kay Derrick, and as usual ay tila wala lamang iyon sa kanya at imbes ay nginitian na lamang ako nito.

--

“Bakit parang tahimik ka?” tanong sa akin ni Rap pagkatapos namin kumain ng dinner na siyang libre niya sa akin. “Uhm, wala naman. Nabo-bother lang ako kay Derrick.” sagot ko sa kanya.

Ngayon ay kasalukuyan kaming naglalakad sa park ng subdivision na tinitiran ko.

“Huh? Anong meron sa kanya?” tanong nito sa akin. 

“Kasi, he’s a painter. It’s been his passion eversince bata pa siya, and yesterday inannounce na nakapasok ‘yung painting niya sa final screening ng isang art competition. Alam ko kung gaano iyon ka-big deal para sa kanya and nakalimutan ko man lang tanungin at icongratulate siya about it.” pagkkwento ko.

“Maiintindihan naman niya ‘yun, right? Base sa mga kwento mo sobrang bait niya. Nakikita ko rin naman sa class natin na mabait siya.” sagot ko dito.

Lumipas ang ilang sandali nang bigla siyang magsalita.

“Ahh, alam ko na! Para ma-cheer up naman kita.” galak at tila excited na saad niya bago dali-daling binalikan ang kotse niya at kinuha ang skateboard sa compartment. Nakita ko na lamang na bitbit-bitbit niya ang kanyang skateboard. 

“Halika, tuturuan kita.” nakangiti niyang paanyaya sa akin.

“Huwag na!” tanggi ko.

“Hindi, halika na. Promise aalalayan kita.” nakangiti niyang sabi sa akin, and for some reason I found comfort in that smile. It was as if nangangako siyang hindi niya hahayaang may masamang mangyari sa akin. Hindi ko namalayang nakaapak na pala ang isang paa ko sa skateboard niya. Hinawakan niya ang kamay ko, nagkatitigan kaming dalawa, at muli ay nginitian niya ako.

“Steady ka lang, ha?” paalala nito sa akin. “O, iapak mo na parehong paa mo. Hawakan muna kita.” utos niya. Kaya naman sinunod ko siya.

Sa una ay medyo nakakatakot, medyo maalog, malikot ang mga gulong. Ngunit sa kalaunan ay natutunan kong ibalanse ang bigat ng katawan ko para swabe ang takbo ng gulong. “O, ayan kaya mo naman palang magbalance eh. O, bibitawan na kita ha.” babala niya. Kaya naman ako naman ang biglang napahawak sa kanya.

“Oy, wag!” Medyo natatakot kong tutol.

“Enzo, just let go. Okay, after this, promise masarap sa pakiramdam. Itutulak na kita ha.” saad nito at kahit pa takot na takot ay tumango ako. Bumitaw ako sa mga braso niya at mahina niya akong itinulak paabante.

“Tingnan mo oh! I’m doing it!” tuwang-tuwa kong sigaw sa kanya habang swabe akong dinadala ng gulong padiretso. Binigyan niya ako ng dalawang “thumbs up” bilang senyales ng approval. 

Medyo nilakasan ko ang loob ko at binilisan ng konti ang pagpapatakbo ng skateboard at doon ay napasigaw na lamang ako sa lubos na tuwa. 

Just let go, ang sabi niya sa akin. And I am glad I did.

Matapos ang ilang minutong pagsskateboard ay naupo kaming dalawa sa sidewalk ni Rap. Malapit ng mag alas dose ng madaling araw, kaya naman wala na ring tao sa subdivision namin bukod sa paminsan-minsang dumadaan na mga kotse.

“See? Masaya naman, di ba?” si Rap.

“Yup, thanks. I think kinailangan ko ‘yun.” sagot ko sa kanya, at binigyan ko siya ng isang ngiti.

“Ayan, I like that smile. Ngiti ka lagi, Enzo.” 

Hindi ko rin alam kung ano ang sumapi sa akin, pero narinig ko na lamang ang sarili ko na sinabing, “Thanks, ikaw nagbigay sa akin nito.”

Buong akala ko ay maiilang ka sa sinabi ko, ngunit imbes ay nginitian niya lamang ako, at unti-unti, inilapit niya ang mukha niya sa akin. Mabagal, mahinahon, hindi nagmamadali. It was as if he was asking for my permission to do this.

At hinayaan ko siya, kahit gulat na gulat ako sa balak niyang gawin. 

Naramdaman ko na lamang ang paglapat ng mga labi niya sa akin. Marahan, matamis, at simple lang. Walang halong libog, isang simpleng halik na nakapagpadama sa akin ng lubos na kasayahan.

--

Kinabukasan ay gumising ako na dala-dala pa rin ang sayang naramdaman ko noong nakaraang gabi. Hindi ko akalaing ang isa sa mga taong inasam ko noon ay gusto rin pala ako. For the first time in a while, gumising akong nakangiti.

Pagkarating ko sa school para sa Philosophy class namin nila Derrick at Rap ay nadatnan ko si Rap na nakaupo sa kanyang pwesto. Nang magtama ang mga mata namin ay agad sumilay sa mukha nito ang isang nakakabighaning ngiti. Naramdaman ko na lamang ang pamumula ng aking mga pisngi dahil sa ginawa nito. 

Walang sabi-sabi, pagkaupo ko ay hinawakan niya ang isang kamay ko at itinago sa ilalim ng armrest ng upuan. Walang nagsalita sa amin sa kabuuan ng klase, all the while ay magkahawak lamang ang mga kamay namin. At para sa akin ay sapat na iyon.

Habang papalabas kami ng classroom matapos ang klase ay nagulat na lamang ako nang bigla akong kausapin ng prof namin.

“Mr. Figueroa, may I speak with you for a minute?” tanong ni ma’am.

“Ahh, sige po.” sagot ko naman. Nakaramdam ako ng tapik sa balikat ko. Paglingon ko ay nakita ko si Rap na sumesenyas na iintayin na lamang niya ako sa labas ng classroom.

“Ano po ba ‘yon, ma’am?” tanong ko sa prof ko.

“Kaninang umaga kasi, dinaanan ako ni Mr. Lee, alam ko magkaibigan kayo, kaya gusto ko lang itanong kung may alam ka kung bakit siya nag drop?” medyo concerned na tanong ni ma’am na siyang ikinagulat ko ng lubusan.

“Huh? Nagdrop po si Derrick?!” gulat kong sagot kay ma’am na siyang tinanguan lamang nito.

“Nanghihinayang kasi ako kasi maganda naman ang standing niya at nasa kalagitnaan na naman tayo ng semester kaya bakit ngayon pa siya nagdrop. May problema ba siyang alam mo?” paliwanag at tanong niya sa akin.

Napaisip naman ako.

“Wala naman po, pero alam ko po kasi hindi na rin naman po ito maccredit sa kanya kasi tapos na siya sa social science units niya.” paliwanag ko.

“Okay, sige. ‘Yon lang naman. Ingat ka.” pagpapaalam nito. Kaya naman tinanguan ko na lamang si ma’am at lumabas ng room.

Paglabas ko ay nadatnan akong hinihintay ni Rap. Agad kong nilapitan ito. “Ano daw ‘yun? Pinagalitan ka ba?” tanong nito sa akin.

“Hindi, nagdrop daw si Derrick.” sagot ko.

--

Kinahapunan ay naisipan kong kausapin si Derrick ukol sa dahilan ng pagsshift niya bilang magkikita naman kaming dalawa sa major subject namin. Pagpasok ko sa classroom ay agad ko siyang nadatnan roon at as usual, ay nakikinig na naman siya ng iPod niya. Nakikita ko sa ayos niya na malalim ang iniisip niya at tila ba ang natural na glow niya ay parang nawala. 

Umupo ako sa tabi niya, ngunit hindi gaya ng inaasahan ay ni hindi man lamang niya ako binigyang-pansin, isang bagay na never pa niya ginawa sa akin. Dahil nga siguro napakabait niya sa akin ay naninibago na ako sa ganitong simpleng pag-ignore niya sa akin. Medyo na-bother naman ako at na-paranoid kung may nagawa ba akong hindi tama kaya hindi niya ako pinapansin, ngunit sa pagkakaalala ko ay wala naman. Kaya naman kinalabit ko siya. Tinanggal niya ang earphones niya at binaling ang atensyon sa akin, at muli, sa unang pagkakataon ay ni hindi man lamang ako nito nginitian.

“Bakit?” matamlay na tanong nito.

“Ayos ka lang ba? Sabi sa akin ni Ma’am Cervantes nagdrop ka ng class. Bakit?” concerned na tanong ko dito.

“Ah, hindi naman kasi kailangan. Baka maapektuhan pa grades ko.” pagod na sagot nito sa akin, and as if to end the conversation, ibinalik niya agad sa tenga niya ang earphones niya.

Nasaktan ako sa ginawa niya, dahil nga first time na nangyari ito. Hindi ako sanay na hindi ako pinapansin ni Derrick. There were a lot of times kung saan natutulig na ako sa pagpapansin nito; mga pagkakataong hindi niya naiintindihan ang konsepto ng “me time”. Kaya naman bagong-bago sa akin ang ginagawa niyang ito. Naisip ko na lamang na huwag na muna siyang tanungin ukol sa kung anuman ang bumabagabag sa kanya, dahil ayaw ko na rin siyang kulitin dahil baka magalit pa ito.

Tinext ko na lamang si Rap na magdinner ulit kami bago ako umuwi para medyo makalimutan ko ang inakto ni Derrick sa akin. 

Natapos ang klase na walang naging palitan pa ng salita sa pagitan namin, ni hindi man lamang niya nakuhang magpaalam.

Ano bang nangyayari sa’yo, Derrick?

--

Matapos naming magdinner ay tumambay muna kami sa isang coffee shop upang magpababa ng mga kinain namin bilang nakarami kami pareho. Bigla kong naisip na itanong sa kanya ang isang bagay na gusto kong mabigyan ng kasagutan noong isang gabi pa.

“Rap, if you don’t mind…” pagsisimula ko.

Tinaas niya ang isang kilay niya, hinihintay ang magiging sagot ko.

“About last night, uhm, why did you uh… kiss me?” nahihiyang tanong ko dito. Napansin ko naman na napangiti ito at napailing, kitang-kita ang mga biloy niya sa magkabilang pisngi niya. “Tinatanong pa ba iyon?” nanunuksong tanong nito. Hindi ko naman alam ang isasagot dito kaya naman pinili kong manahimik na lamang.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. 

“When I found out that… alam mo na, na may crush ka sa akin, aaminin kong na-bother ako at first, but then, I kind of got used to the idea.” pagsisimula niya. “And then, naisip ko, mabait ka, matalino, gwapo. Point is, you’re more than a decent guy—I should be flattered na nagustuhan ako ng isang katulad mo. When we moved to the States, medyo nakalimutan ko na, pero tuwing nagppost ka ng pictures sa facebook, hindi maiwasang bumalik sa akin ‘yon, then I started to think of the possibilities.

“And then, bigla na lang kitang nakita sa unang class ko dito.” sabi niya at matapos ay natawa ng kaunti. “But don’t get me wrong, Enz. I am not treating you as an experiment. I’m pretty invested on you. The past few weeks I have spent with you, masaya talaga ako, kaya I thought, why the hell not, ‘di ba? I. Like. You. Too.” paliwanag mo, and again, ginawa mo na naman ang hilig mong gawin, ang hawakan ang kamay ko.

Dahil sa nangyari ay panandalian kong nakalimutan ang problema ko kanina.

--

Sa paglipas pa ng mga araw at linggo ay napapansin ko ang mga malaking pagbabago kay Derrick. Nakikita ko siya palaging nag-iisa at mukhang tensyonado ang katawan at may malalim na iniisip. Ang mas nakakalungkot pa ay napapansin ko rin na unti-unti na itong lumalayo sa akin, maging sa ibang tao ay bihira na rin itong makisalamuha—a long shot from the old Derrick I knew.

Naalala ko pa noon, ni hindi nga kami magkaibigan ni Derrick sa klase, we were acquaintances but we were never really close. Tahimik siya, pero habang lumipas ang panahon, mas lalo ko itong nakilala at doon ko nalaman kung gaano siya kabait at kung gaano siya ka-maalaga sa mga taong mahalaga sa kanya.

There was one event that became the reason why we became friends, but our friendship did not start from something positive.

--

Flashback:

Naalala ko pa noon, dalawang taon na ang nakalilipas. Isang gabi na malakas ang ulan, na siyang bagay na bagay upang mailarawan ang mga pangyayari sa buhay ko. Matapos kong ibaba ang cellphone ko, matapos kong marinig ang isang tawag mula sa kapatid kong bumago sa buhay ko, wala na akong nagawa kundi mapaupo sa may waiting shed sa loob ng campus.

Wala ng masakyan, at tila bumigay na ang mga tuhod ko, bumigay na ang mundo ko. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako, magagalit, maiinis—litung-lito na ako sa mga nangyayari sa paligid ko. 

Napukaw ang atensyon ko nang biglang bumusina at tumigil ang isang kotse sa harapan ko. Rumolyo pababa ang bintana nito at doon ko nakita si Derrick. Nakakunot ito ngunit kitang-kita dito ang pag-aalala at pagtataka niya dahil sa ayos ko siguro noon.

“Hoy, anong ginagawa mo diyan? Ngayon ka pa nagsenti eh bumabaha na?!” bungad nito sa akin. Medyo nairita naman ako dahil sa sinabi niya, dahil hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang ayos ko. “Ano bang pakialam mo?!” sagot ko rito. Napailing at napakamot na lamang ito ng ulo. 

“Sakay na! Wala ng jeep na dumadaan. Hahatid na kita!” utos nito sa akin. Para naman akong tanga na tumunganga lamang at hindi nakasagot sa kanya. “Ano na?!” medyo naiiritang tanong nito. 

“Sakay ka na, please. Para makaalis na tayo rito. Huwag mo kong gawing guilty. Baka kung ano pa mangyari sa iyo.” medyo mahinahon na niyang pakiusap. Namalayan ko na lamang na nakasakay na pala ako sa kotse niya. 

“Enzo, ano bang meron? Bakit ka nakatunganga na lang sa shed kanina? Halos wala ng tao sa campus, buti na lang napansin kita habang nagddrive.” nag-aalala ang tono ng boses niya.

At dahil sa concern na pinakita niya, tila may isang parte sa loob ko ang sumabog at lumabas na lamang lahat ng kanina ko pang kinikimkim na emosyon.

“Yung mga magulang ko… wala na sila.” hikbi ko hanggang sa tuluyan na lamang akong humagulgol.

--

Kaya naman naisipan ko ng puntahan si Derrick sa bahay nila. Weekend naman, and kahit hindi ako sigurado ay magbabaka-sakali akong nasa bahay siya at kakausapin ako. Bumuntong-hininga muna ako bago ko pindutin ang doorbell ng bahay nila. Hindi na ako naghintay ng matagal dahil wala pang isang minuto ay lumabas na agad ang kapatid niya.

Tila ba gulat na gulat si Kara nang makita niya ako.

“Uy, Enzo. Anong ginagawa mo dito?” tanong nito sa akin.

“Nandiyan ba si Derrick? Pwede ba siyang makausap?” tanong ko rito.

“Yup, he’s here. Halika, pasok ka.” sabi niya sa akin bago ako pagbuksan ng gate at papasukin sa bahay. 

“Do you know anything na pinoproblema ni Derrick? He seems out of himself lately. Lagi na lang siya nakakulong sa studio niya.” pagsisimula ni Kara. “Napapansin ko nga rin pero hindi ko rin alam kasi kahit ako ayaw niyang kausapin.” pag-amin ko rito.

“Oh, go to him na. Nasa studio lang siya. Sabi niya huwag daw ako magpapasok ng kahit na sino, pero feeling ko naman okay lang kung ikaw… Please figure out what’s wrong with him, nag-aalala na talaga ako.” concerned na sabi sa akin ni Kara na sinagot ko na lamang sa pamamagitan ng pagtango sa kanya. 

Kinatok ko ang pintuan ng studio niya, at nang wala akong marinig na tugon ay sinubukan kong ipihit ang doorknob, nagbabakasakaling nakabukas ito; hindi naman ako nabigo. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at doon nakita ko siyang nakaupo at nakatingin sa kawalan. Hindi ko maiwasang malungkot dahil sa nakikita kong ayos niya. Kung anuman ang dinadala niya ay nakasisigurado akong napakabigat noon para mawala ang buhay at sigla na palagi niyang dala-dala. 

Pagkasarado ko ng pinto ay bigla siyang napabalikwas at nang makita ako ay tila ba nakakita siya ng multo.

“Anong ginagawa mo dito, Enzo?” galit na tanong nito sa akin.

“Der, alam kong may problema ka, may dinadala ka. Ano bang meron? Makikinig ako.” pagsuyo ko dito. Nakita kong lalong pumait ang mukha niya at napailing.

“Ang problema, hindi mo ko maiintindihan, Enzo. Wala kang magagawa. Kaya umalis ka na!” bulyaw nito sa akin. At doon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko.

“Concerned ako sa’yo, Derrick! Ayokong nakikita ka ng ganyan, dahil ikaw lang tanging kaibigan ko sa school. Ikaw ‘yung taong umalalay sa akin sa mga pinakamadilim na oras ng buhay ko! Ikaw ‘yung nag-alaga sa akin, Derrick. Alam kong may problema ka, kaya hayaan mo na lang akong ako naman ang makinig sa’yo. Please.” pagmamakaawa ko rito.

Napansin kong malapit ng mapuno ang mga mata niya ng luha.

“You don’t get it, Enzo! How can you solve my problem when it’s you! Ikaw ang problema ko! At naiinis ako sa sarili ko.” sigaw nito na siyang ikinagulat ko. 

“Alam ko naman na… na, may times na nagiging pabigat ako sa’yo, sorry kung mahina ako…” nauutal kong sagot.

“No, Enzo! It’s not like that. Never akong mapapagod alagaan ka. Never! You won’t understand what my problem is… just go, please.” 

“Then make me understand, Derrick! Gusto kong maintindihan. Gusto kong malaman kung anuman ang mga bumabagabag sa’yo para maging ganyan ka… Gusto kong ako naman ang umintindi sa’yo, please.” sagot ko sa kanya.

Imbes na sagutin ako ay tumayo ito at naglakad patungo sa kabilang gilid ng studio niya. Doon ko napansin ang isang painting na natatakpan ng plastic. Agad niyang tinanggal ang plastic para makita ko kung anuman ang painting na nasa loob nito.

To say I was shocked was a big understatement.

“You see this painting? Ito ‘yung sinubmit ko sa art competition. Ikaw ‘to, Enzo. This is you in your happiest, your most carefree. Ikaw ‘yung naging inspirasyon ko para magawa ‘to…” pagsisimula niya.

Hindi ko maiwasang hindi mamangha at mapaluha dahil sa nakita ko. Isa itong sketch ng aking mukha, nakangiti, tila walang problema. I was surrounded by the most beautiful landscape I have ever seen. Wala na akong masabi.

“And then I realized… what I saw what you two were doing… na hindi pala sa akin ang inspirasyon ko.” 

“Huh?” takang tanong ko dito dahil hindi ko mainitindihan ang gusto niyang iparating.

“You still don’t get it do you?! Mahal kita, Enzo! Iyon ang problema ko! Matagal na kitang mahal at putangina, noong nakita ko kayong naghahalikan ni Rap sa may sidewalk hindi ko alam kung anong mararamdaman ko! Parang winasak ‘yung mundo ko, Enzo! Hindi ko alam kung bakit siya bigla na lang darating and then you’re suddenly in love with him?! Enzo, matagal na akong nagpapansin sa’yo pero all this time, hanggang kaibigan lang ang tingin mo sa akin. Ito ‘yung masakit, eh… ‘yung fact na, alam ko na kailangan kitang iwasan kahit hindi ko kaya… kasi may Rap ka na… Hindi ko kakayaning maging kaibigan ka lang. I can never be just friends with someone I love.” litanya niya bago tuluyang humagulgol at mapaupo na lamang sa sahig. 

Pakiramdam ko ay parang binuhusan ako ng napakalamig na tubig sa narinig ko. 

“I… Derri—“

“Just go, Enzo. Umalis ka na!” bulyaw nito sa akin kaya naman wala na akong magawa kundi lumabas ng kanyang studio.

--

Habang pauwi ay hindi ko mainitindihan kung ano ba dapat ang maramdaman ko ukol sa mga nalaman ko. Alalang-alala ko pa ang itsura ni Derrick noong sinasabi niya sa akin ang tunay na rason kung bakit siya nagkakaganoon. Ayaw ko mang maniwala, gusto ko mang pagdudahan kung totoo ba ang mga sinasabi niya at kung tama ba ang mga narinig ko ay hindi ko magawa. Kitang-kita ko sa mga mata ni Derrick ang katotohanan ng lahat ng sinasabi niya. 

Hindi ko rin maiwasang kwestyonin ang sarili ko sa mga nararamdaman ko. Nang marinig ko ang rebelasyon sa akin ni Derrick ay tila ba may kung anong nagbukas sa loob ko – isang damdamin na matagal ko ng tinatago. Napailing na lamang ako at inisip si Rap upang kontrahin ang mga maling bagay na pumapasok sa utak ko.

Naputol ang pag-iisip ko nang makarinig ako ng katok sa gate namin kaya naman dali-dali kong chineck kung sinuman ang nasa labas. Pagtingin ko sa bintana ko ay hindi ko inaasahang madatnan roon si Rap. Binuksan ko ang pintuan ng bahay at nilabas siya.

“Oh? Anong ginagawa mo dito? 8:00 na, ah.” bungad ko rito.

“Nakalimutan mo na ba? Sabi mo mag-aaral tayo for Philo exam?” ngiting paalala nito sa akin. Bigla ko namang naalalang pumayag nga pala akong mag-aral kami para sa exam namin sa Martes. Kaya naman agad ko siyang pinapasok. I led him to our dining area at sinabihan siyang mag-ayos na at maghahanda lang ako ng kaunting makakain.

“No need. I bought dinner, nakakahiya naman.” ngiting pagpigil nito sa akin. Sinet-up niya ang mga kakainin at sinabing magsimula na habang kumakain. Sinubukan kong magbasa, pilit kong iniintindi ang mga lessons, pero tila walang kahit anong impormasyon ang pumapasok sa utak ko. Hanggang ngayon ay si Derrick pa rin ang laman ng isipan ko, ang boses pa rin niya ang tunog na naririnig ko. 

It was really frustrating, and the feeling that I’ve been desperately trying to restrain earlier was bugging me again.

“Hey, Enzo!” 

“Huh?!” wala sa sarili kong saad.

“Kanina ka pa galaw ng galaw diyan, parang hindi ka mapakali.” observation ni Rap. Tumayo ito, naglagay ng upuan niya sa likod ko, at sinimulang masahihin ang balikat ko na siyang ikinagulat ko. SInubukan ko siyang pigilan pero nagpumilit ito. “Shh, let me do this. You seem stressed out.” sabi niya habang sinisimulan akong masahihin. 

Wala naman akong maisagot dito. Sa loob-loob ko ay sobrang nagui-guilty ako dahil sa mga bagay na naiisip ko.

“You know, I was really looking forward to this.” bulong nito malapit sa tenga ko na siyang nagparamdam sa akin ng kiliti.

“Mahal kita, Enzo! Iyon ang problema ko! Matagal na kitang mahal at putangina noong nakita ko kayong naghahalikan ni Rap sa may sidewalk hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.” paulit ulit na parang sirang plakang tumutugtog sa utak ko ang boses niya.

“Wait!” pigil ko kay Rap nang bigla kong maalala ang sinabi sa akin ni Derrick. 

Doon ko narealize na naitulak ko na pala siya kaya naman humingi na ako ng paumanahin dito. 

“Anong problema, Enzo? Bakit parang sobrang tensyonado ka?” gulat na tanong nito sa akin. Napabuntong-hininga na lamang ako. 

“Si Derrick na naman ba?” buntong-hininga nito na siyang ikinagulat ko. “A—ano bang sinasabi mo?” nauutal kong tanong rito. Hindi na ito nagsalita pa at imbes ay bigla na lamang niyang inangkin ang labi ko ng mga labi niya. Marahas, naghahanap, at ibang-iba sa mga halik ni Rap sa akin dati. Kaya naman itinulak ko ito.

“Ano bang nangyayari sa’yo, Rap?!” galit kong bulyaw rito. 

“Tell me! Tell me ano naman ang ginawa ni Derrick! Bakit ba ganyan ang epekto niya sa’yo?! Huling-huli ka naman eh, nagmamaang-maangan ka pa! Si Derrick ang dahilan kung bakit ka nagkakanganyan!” balik nito sa akin kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko.

“Oo, si Derrick nga! He told me that he loves me! Kaya nagkakaganito ako ngayon. Gulong-gulo ako, Rap! Tangina! Now, gets mo na ba?! I was trying not to make a big deal out of it, because I didn’t want to spoil our night, pero kung aartehan mo lang ako ng ganyan, eh buti pang malaman mo na!” singhal ko sa kanya.

Doon ko narealize kung ano ba ang mga nasabi ko.

“M-mahal mo ba siya?” kalmado, ngunit nanginginig na tanong niya sa akin.

“Don’t ask me that….”

“Why?! Because takot kang malaman ang katotohanan?! Takot kang harapin ang katotohanan na ginamit mo lang ako para pagtakpan ‘yang mga nararamdaman mo para kay Derrick noon pa?! I was just your scapegoat, Enzo! Isang panakip-butas. You saw me as an opportunity to divert the love you have for me… sana man lang inisip mo na masasaktan ako.

“Sabi na nga ba, eh. First day pa lang, kitang-kita ko na sa mga mata niyo kung paano niyo tinitingnan ang isa’t-isa. Noon pa lang, alam ko na! But I still kept hoping, umasa ako na kaya ko, na kaya kong ibaling yung mga nararamdaman mo para sa kanya papunta sa akin. Pero noon pa lang alam ko na kung sino talaga ang mahal mo, at ang tanga tanga ko, Enzo… dahil naniwala akong kaya kong palitan si Derrick sa puso mo.

“The reason why I kissed you that night kasi nakita kong paparating yung sasakyan niya. Gusto kong makita niya na akin ka na, pero mali pala ako. Ang tanga ko rin, ano?” pag-iyak ni Rap.

Sa mga sinabi niya, doon ko napagtanto kung gaano siya katama, kung gaano katotoo ang mga sinasabi niya. 

“Kaya ngayon, naguguluhan ka, kasi ‘yung dating taong akala mo pangarap mo lang, eh pwede pala. May chance pala na maging kayo, na matupad ang mga pangarap mo kasama siya… Enzo, ano pa bang silbi ko dito?” pagtatapos niya.

Wala na akong magawa kundi umiyak na rin lamang dahil sa mga sinabi niya.

“Wala rin palang kwenta ‘yung pagkikita ulit natin. I thought that we were off to something great… pero matagal na pala akong naunahan ng iba.” dagdag niya.

“Rap…” tumayo ako at niyakap ko siya. “I’m so sorry…” alam kong tanga, alam kong gago ako, pero wala akong ibang maisip na magandang sabihin sa kanya. Itong dalawang salita lamang ito ang nakayanan kong bigkasin. 

“Don’t… baka masanay ako. Baka hindi na kita pakawalan.” pagkalas ni Rap.

“Still… buti na lang rin inamin mo sa akin. I’m leaving now… Ingat, Enzo. Huwag mo na akong pigilan habang kaya ko pa.” pagpapaalam niya.

At doon ay naiwan akong gulung-gulo, umiiyak. Ngunit isang bagay lamang ang alam kong dapat kong gawin, isang pangalan lamang ang nanaig sa isipan ko ng gabing iyon.

Derrick.

--

Matapos kong makarecover sa confrontation namin ni Rap ay walang sabi-sabing naghanap ako ng taxi papunta sa bahay nila Derrick. Isa lamang ang nasa isipan ko ngayon, ang mahabol siya hangga’t di pa huli ang lahat para sa aming dalawa.

I should’ve been smart enough to figure that out. Matagal ko na palang mahal si Derrick. All the admiration I had for him was due to something else, at nakakatawang kailangan pang bumalik ni Rap sa buhay ko, at maging hysterical si Derrick sa harap ko para marealize iyon. Isa lang ang nasa isip ko: dapat kong maibalik ang dating Derrick.

Pagpasok ko sa street sa loob ng village nila ay agad ko siyang nakita na nakaupo sa may labas ng bahay nila. Muli, ay mukhang malalim ang iniisip nito. Pinatigil ko ang Taxi sa harap ng bahay nila. Bumaba ako, at nanatili itong nakayuko hanggang sa umalis ang taxi. 

“Der,” masuyong tawag ko dito. Walang sabi-sabi ay agad ko siyang niyakap. Wala itong nanging reaksyon, pero nararamdaman ko ang pagtaas-baba ng mga balikat niya, isang senyales ng pag-iyak niya, which made me feel even worse about myself. He doesn’t deserve this. All he has been was wonderful to me, always looking after me, taking care of me.

“Der, tingnan mo ako. May sasabihin ako sa’yo.” pakiusap ko rito. Napansin ko naman na umiiling ito at tumingala. Ngayon ay magkatitigan na kami, mata sa mata.

“Derrick… now that I know na pareho pala tayo ng nararamdaman sa isa’t-isa… pagsisimula ko.”

“What?” hindi makapaniwalang tanong nito.

“Yes, you heard me right… I love you too, and I’ve been just too scared to admit that, pero matagal na kitang mahal Derrick, matagal na.” sabi ko rito, ngunit iba sa inaasahan ang naging reaksyon niya. 

“Hear me out first.” pagsisimula nito. Kita ko ang pamumula ng mugto niyang mga mata. Huminga muna siya ng malalim bago nagsimula. “What you said… that doesn’t solve the problem, Enzo.” saad niya na siyang ikinalito ko dahil ibang reaction ang inexpect ko mula sa kanya.

“I changed myself, pinilit kong magbago. I tried to make me stronger, even on the physical aspect. Dati hindi naman ako ganito, naging ganito lang ako noong napalapit ka na sa akin. Nagsimula akong mag gym kasi feeling ko paraan ‘yun para maging metatag ako para sa’yo. Sinubukan kong mas maging maingay para malibang kita sa tuwing naalala mo ‘yung nangyari sa parents mo. The person I am now is because of you… and I am so thankful dahil you’ve brought out the best in me. Kaya nga ikaw ang naging inspirasyon ko, hindi lang doon sa painting, but every waking moment of my life. 

“Never kong kinwestyon kung tama ba o mali ‘yung nararamdaman ko para sa’yo. Ang alam ko lang mahal kita. Gusto kitang alagaan, gusto ko ako maging ‘yung taong nagbibigay ngiti sa’yo… But then, Rap came along and then he swept you off your feet. Noong una akala ko madali lang, akala ko kaya kong isuppress ‘tong nararamdaman ko. Pero hindi pala, at doon ko narealize kung bakit hindi pwede maging tayo, Enzo.” umiiyak niyang paglalahad na siyang ikinagulat ko.

“Ano?! What’s important is pareho tayo ng nararamdaman para sa isa’t-isa…”pagsingit ko sa sinasabi niya. 

“No, that’s what I’m trying to tell you… that won’t solve the problem… because I can’t. I’m scared that if we pursue this, na baka masaktan lang kita, na baka lalo kalang magbreak, at ayokong ako ang maging dahilan ng suffering mo. Sa akin, napapansin ko na you’re always guarded, pero with Rap you’re just… happy, you’re you again, something that I cannot do. You deserve someone better than me…” paliwanag nito.

To my surprise natawa ako dahil sa sinabi niya.

“Derrick, you don’t know how wrong you are. I’ve never been this open with anyone, not even my brother, not even with Rap. Hindi niya kayang buksan ako, he never confronted my fears like you did. You saw the worse side of me and you chose to stay. Kaya doon ka mali, Derrick. Ikaw lang ang taong nagbibigay sa akin ng happiness... Ikaw ‘yung… fuck, ang cliché, but you were like the lighthouse in the middle of a storm, isang bagay na alam kong maaari kong asahan sa tuwing sinusubok ako ng buhay. Derrick, you are my lighthouse.

“At mali ka, ang alam ko lang na maaari mong gawin na makasakit sa akin ay ang mawala ka… I just can’t lose you, not now.” pagtatapos ko. 

Katahimikan.

“Natatakot ako, Enzo.” ang tanging naisagot niya.

“Huwag kang matakot, Derrick. Ang tanging ikinakatakot ko lang ay ang mawala ka.” tugon ko.

Unti-unti ay inilapit ko ang mukha ko sa kanya.

“Wh-what are you doing?!” nauutal nitong tanong.

“Isang bagay na matagal ko na dapat ginawa.” sagot ko, and with that, nagtagpo ang aming mga labi, and we shared our first kiss.




WAKAS.


--

Do leave a comment. I'd love to hear from you. :)

18 comments:

  1. Nice one,


    Drieu12

    ReplyDelete
  2. Ang galing, sana marami pa akong mbsa na short story mula sau. Thanks for sharing ur story.

    ReplyDelete
  3. Its cute kaso nakaakbitin. Hahaha may 2nd part. 😂😂😂😂

    ReplyDelete
  4. LOL. At the ending part. Enzo acted like he was the top... but maybe he really ?? Nvm.

    This is actually the good. The story is great. The characters and stuffs and the way the story bloom in the beginning.

    Great job but it would have been better if you put some part that could clear things out. I thought Rap is "clearly" not that good at first when he found out that Enzo had a crush on him but then he stated in the middle of the plot that he loves Enzo since the beginning which is kinda confusing.

    It's kinda sad too for the part of Rap and of course the sequence of the story is great but the flow in the middle part like it was inserted by some drama lines and stuffs. Even though this is just a short story, it would be nice put a better vibe on it than getting it really quick fast pace. Like putting some detailed action of the sequence and the real happening of the character so there would be some justified character development.

    Anyways this is great! ^^

    ReplyDelete
  5. Maganda ang story na to. Do you have mre stories ? Please share it to us. Thanks. Take care.

    ReplyDelete
  6. nakakbitin naman ...devon

    ReplyDelete
  7. Waaaaaaah! Ang ganda, pero... Bitin! Ang saya pala magbasa ulit! Hahahaha!

    ReplyDelete
  8. Cute ng plot ng story kaso bitiin na my konti kulang pa n di ko alam

    Hehehehhhe

    Jharz

    ReplyDelete
  9. Namiss ko ang stories mo sir A!
    Matagal na rin akong hindi nakakapunta sa site na to, and I am glad that ito yung una kong nabasa!

    Superb work, as always. Sana magrelease na po kayo ng bagong series dito. I am always waiting!

    ~Ken

    (By the way, hindi ko po makita yung "The Start" dito. I am not really sure why haven't I come across with that title even though I am really a fan of your works. Have you really posted it here? Link to the page?)

    ReplyDelete
    Replies
    1. http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2013/09/the-start.html?m=1 here it is. Di ko pala nalagyan ng label kaya wala sa tags hehe after Unexpected ko siya sinulat. :)

      Thanks, Ken! I'll see if I can find inspiration to write again. Busy with thesis and work kasi.

      Delete
    2. http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2013/09/the-start.html?m=1 :)

      Delete
  10. Author San mababasa sung next chapter o buong story ng start ?til chapter 16 LNG eh

    Jharz

    ReplyDelete
    Replies
    1. http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2013/09/the-start.html?m=1

      Short story lang siya. :)

      Delete
  11. ganda ng story kahit medyo bitin

    ReplyDelete
  12. Kabitin yung story peeo cute. Hihi

    ReplyDelete
  13. UP ata 'yung school. GEs haha.

    ReplyDelete
  14. Galing sana pero nabitin ako......pero ok lng ganda naman ng storya ehhhh

    ReplyDelete
  15. Wwaaaahhhhhh.....ang ganda ng storyang ito kahit short lang...
    Naisipan ko tuloy na parang babae si Enzo dahil pinag aagawan ng dalawang lalake....hehehe. Lol

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails