Author’s Note.
Hi guys! Haha! It’s axel again mah men! Bored kasi ako kaya
gumawa ulit ako ng story haha pero hindi ito mahaba. Short story lang to
hehehe. Siguro mga 2 chapters lang ito haha kaya pagpasensyahan nyo na. pero
sana magustuhan nyo hahaha!
Laview all.
Uncosciously Inlove
Xander’s POV
“ opo nay, mag iingat po ako
doon, magtetext din po ako kapag may matitirang pera sa allowance na ibibigay
sa akin school, wag nyo po akong intindihin, kakayanin kop o ang sarili at
pangako po nay, iaangat ko kayo sa kahirapan ni tatay at ni ineng.” Ang pangako
ko sa aking inay.
Ako si Xander Martinez, isang
probinsyanong nangangarp na maiahon ang pamilya sa kahirapan. Isang kahid isang
tuka ang aking kinagisnang pamumuhay ditto sa malaking kabukiran ng bicol,
ngunit sa labis na pag sisikap ko sa aking pag aaral at pagiging malakas sa
larangan ng balibol ay nakakuha ako ng isang scholarship sa maynila kung saan
libre lahat ng aking pangangailangan sa pag aaral. Ito lamang ang aking susi
upang makamit ang aking tagumpay. Laking pasasalamat ko rin ng makatanggap ako
ng isang cellphone mula sa aming punong barangay ditto sa aming purok.
“ basta anak kahit anong
mangyari, wag kang magpapadala sa bugso ng damdamin mo, mahirap sumabak sa
maynila lalo na kung wala kang kaalam alam doon. Kung maaari nga lamang, huwag
kang makikipagkaibigan sa di natin kauri. Mahirap ng ikaw pa ang
mapagdiskitahan” ang bilin ni inay
“ sabihin mo sa amin anak kung
anong pwede naming itulong ha? Nandito lang kami ng inay mo” ang paalala naman
ni itay.
“ kuya kapag bakasyon mo uwi ka
ah, tapos dala moko yung Barbie hehe” ang pilit na pagpapacute ni ineng. Ang
aking kaisa isang kapatid.
Batid man sa kaalaman ng iba,
hindi kami ganoon katatas magsalita ng isang pagiging bikolano, dahil ang
kwento sa akin ni itay noong nagkaroon na ako ng isip, sa maynila rin daw sila
nakatira noon ni inay ngunit dahil sa kahirapan ay naisipan nilang dumito na sa
bicol sa tulong na rin ng pamilya ni tatay. Mahirap man pero kuntento na ako sa
kung anong meron ako.
Likas rin naman na alam nila kung
anong pagkatao ang meron ako. Isa ako sa mga tinatawag na ikatlong lahi ngunit
hindi ko sinubukang magdamit babae dahil kuntento na ako sa kung anong meron
ako.
“ at isa pa, huwag na huwag
kang magboboypren doon anak! Mahirap na at baka lokohin ka lang ng mga yun” ang
kabilinbilinan ni itay
“ itay naman eh, pag aaral po
ang aatupagin ko dun, sabi nga nila diba, aral muna bago landi haha” ang pilit
na pag papatawa ko sa kanila
Nandito na kami ngayon sa bus
terminal kung saan hinihintay ko ang aking pag alis. Di ko man mawari pero
bakas sa mga pagmumukha naming ang lungkot ng mawalay sa isa’t isa. Ganito pala
ang pakiramdam na malayo ka sa pamilya mo. Lalo na kung ilang taon pa ang
ilalagi ko sa maynila. Hanggang sa tuluyan na akong nag paalam sa kanila dahil
aalis na ang bus.
( makalipas ang halos 15 oras
na pagbyahe)
SA WAKAS! Nakarating din sa
maynila. Grabe lang ang dinanas kong gutom, may baon naman ako dahil pinabaunan
ako nila inay ngunit sinadya kong hindi talaga kumain ng marami dahil sa totoo lang,
kapag ganito kalayong mga byahe eh sirain talaga ang tyan ko haha!
Agad ko lang hinanap si sir
paul na sinasabing tutulong sa akin pagpunta sa school na papasukan ko dahil
doon narin ako maninirahan dahil may mga dorms na naroroon para sa mga atletang
tulad ko.
Ng Makita ko sya ay agad akong
nagpakilala at dumiretso na kami sa school na papasukan ko. Hindi ko lang
maipinta ang mukha ko sa sobrang laki ng school na papasukan ko. Halos hindi ko
na ipikit pa ang aking mga mata sa mga natataasang gusali ng paaralang ito.
Parang ayoko na tuloy ituloy to kaso nandito na eh. Kailangan ko na lang
sigurong makibagay sa mga tao rito.
Habang naglalakad kami ni sir
paul ay pinagtitinginan ako ng ibang estudyante rin ata dito
“ look at him, estudyante bayan
ditto o bagong maintenance worker? Haha. Kadiri ang fashion statement ha.
Haha!” saad ng isang babae na nakatingin sa akin habang kausap ang iba pa nyang
kasama. Lima silang magkakasama pero napukaw ang aking mata sa isa nilang
kasama dahil tahimik ito ngunit hindi maipagkakailang lumilitaw ang angking
kakisigan sa pagkatao nito.
Ayyyssh. Ano bay an. Sinabing
aral muna ago landi xander eh!
“ hayaan mo yun, wag mo ng
pansinin, magfocus ka na lang sa kung anong pakay mo rito, pabayaan mo na yung mga yun” pag papaalala ni
sir paul
Tama sya, kahit mukhang
pangmayaman ang eskwelahang ito ay itutuon ko na lang ang aking sarili sa pag
aaral. Tama sila inay, hindi dapat ako makipagkaibigan sa mga hindi ko katulad
na dukha.
(dumating ang araw ng pagpasok
ni xander)
Agad lang akong nagbihis
pagkatapos ng training ko sa volleyball, nakilala ko na rin ang aking mga
kateam mates at buti na lang ay kahit papaano ay may mga katulad ko na
mahihirap din yun nga lang lamang pa rin ang mayayaman pero ang pinakamaganda
roon ay lahat sila ay mababait angt rato sa akin. Kaya hindi ako nahirapang
makisalamuha sa kanila.
Matapos kong magbihis ay
tinungo ko na ang room na papasukan ko, wrong timing nga naman, parang halos
lahat sila ay naroroon na at hindi ko maipagkakailang naiilang ako sa mga
tingin nila na para bang sinusuri ang buong pagkatao ko. Winalangbahala ko na
lang at naghanap ng mauupuan, habang iniikot ko ang aking mga mata ay nakita ko
lang ang isang babae na kumakaya na parang tinatawag ako.
“ uy ikaw! Dito ka na lang,
bakante naman to eh” ang sabi nya. Kaya agad kong tinungo ang lugar na sinasabi
nya. Matapos kong makaupo ay nagpakilala sya sa akin
“ hi! Ako nga pala si jiji, ang
dyosa ng kagandahan haha!” sabay lahad nya ng kamay.
“ ah eh, xander po” sabay ngiti
sa kanya
“ wag mo nga kong pinopo eto
naman haha! So friends na tayo okay?” para naman akong naestatwa sa sinabi nya
“ h bakit ganyan itsura mo?
Ayaw mo ba?” ang sabi nya. Hindi naman sa ayaw ko pero mababakas kasi sa kanya
ang karangyaan ng buhay kaya sa tingin ko hindi ako nababagay na
makipagkaibigan sa kanya
“ ah ano kasi eh, mahirap lang
ako” ang pilit na pa gamin ko
“ and so? Ah, naiilang ka kasi
mayaman ako tapos mahirap ka ganon? Kaya feeling mo hindi ka nararapat na
makipagkaibigan sa tulad ko ganern?” grabe naman tong babaeng to straight
forward!
“ ah oo eh” ang nahihiyang sabi
“ ano k aba, hindi naman ako
tulad ng iba dyan no, hindi ako namimili ng kaibigan as long as nasesense kong
mabuti sila, kinakaibigan ko, kaya wag kang mag alala sa akin, akong bahala
sayo. Mamaya papakilala pa kita sa iba nating classmates na kaibigan ko rin.”
Habang nag iintay ng guro,
iniikot ko lang ang aking paningin ng sa di inaasahang pagkakataon ay nakita ko
ang imaheng nagpatigil ng pagtibok ng puso ko. Sya yung taong nakita ko na
kasama nung mga babaeng pinaguusapan ako nung nakaraang araw. Hindi ako pwedeng
magkamali.
“ uy! Sino yang tinitignan mo?
Nako ikaw ha! Tinitignan mo si nil ah! Sinasabi ko na nga ba eh! Hahaha!” ang
pagsingit ni jiji
“ ah eh ano kasi”
“ wag ka ng magkaila nako,
nasense na kita kanina haha, don’t worry tanggap pa rin kita haha, alam mo yang
si nil, kaklase na namin yan simula first year, pili lang mga kinakaibigan
nyan, yung tipong kauri lang nya na mayayaman”
“ ah ganon ba, ano kasi eh, feeling
ko naman na mabait sya hehe”
Hanggang sa dumating na ang
guro namin.
Batid sa inyong kaalaman, ako
ngayon ay nasa ikatlong taon na ng highschool at nalipat ako ditto dahil para
maging atleta at pambato ng school na ito.
Buong oras ng klase ko inisip
si nil, nil pala ang pangalan nya, totoo nga ang sinasabi ni jiji, halatang
pinipili nya ang kinakausap nya pero karamihan naman ng klase ay kinakausap nya
yun nga lang, parang wala akong tyansa na makausap sya dahil mahirap lang ako.
Dumaan ang buong week at
masasabi kong masaya naman ako dahil sa tulong ni jiji, dumami rin ang aking
mga kaibigan at laking pasasalamat ko sa kanila na tanggap nila ako kahit
magkaiba kami ng mga estado sa buhay. Sa ngayon lima silang maituturong kong
kaibigan ko dito sa school
Nakikita ko rin minsan ang mga
kaibigan ni nil na pinag usapan ako nung unang araw ko rito at nangutya sa
aking noong isang araw
(flashback)
Mayroong isang araw ang mga
estudyante kung saan Malaya silang isuot ang kung anong gusto nilang damit at
ngayong araw ay nahihiya akong lumabas ng dorm. Nahihiya akong lumabas dahil sa
suot ko na mukhang di kaaya aya sa paningin ng iba. Hindi naman kasi ako
nagpapabili ng damit sa aking mga magulang dahil sapat lang ang kinikita ni
itay sa pang araw araw naming pamumuhay. Kaso naisip ko kung hindi ako lalabas
ay hindi ako makakapasok sa klase, kaya
napagdesisyunan kong pumasok na lang.
Habang naglalakad sa hallway,
kita ko lang ang mga tingin ng tao sa akin hanggang sa magtama ulit ang landas naming
ni chari, na pangalan pala nya at ang kaibigan ni nil na sinasabi ko.
“ O.M.G I like your outfit”
sabay ngiti nya sa akin
Wala akong masabi kaya ngumiti
na lang ako at nagpasalamat
“ hahaha! Funny, sang lupalop
ng earth o nakuha ang ganyang style, kadiri ha, I wonder kung pano ka nakapasok
sa school na’to haha! Get out freak!” sabay tulak nya sa akin. Habang ang ibang
taong naroroon ay pinagtatawanan ako
Dahil sa sobrang kahihiyan,
tinungo ko lang kaagad ang room habang may mga luhang pumapatak sa aking mga
mata
“ oh?! Anyare sayo?!” pambungad
ng aking mga kaibigan
Hanggang sa naikwento ko sa
kanila ang nangyari
“ ang kapal ng mukha ah, kala
mo kung sino. Wag lang magtagpo ang landas naming ng haliparot na yon nako!”
ang nanggigigil n sabi ni jiji
“ okay class listen, today we’re
going to have an activity, this activity requires a 2 week interval para
matapos nyo yung activity. And now I am going to assign your pairs” ang
panimula ni mam.
Medyo kinabahan naman ako dahil
baka hindi si jiji o yung iba ko pang kaibigan ang makapartner ko mahirap na.
Hanggang sa tinawag na ni mam
isa isa ang mag papartner pero wala pa rin ako
“ okay, the last partners would
be Mr. Martinez and Mr. Costales”
COSTALES?!!! Si nil ang partner
ko?!!!
Para akong binuhusan ng malamig
na tubig sa aking narinig. Simula nung unang araw ay ramdam kong ayaw nya sa
akin dahil alam kong iniiwasan nya ako. Tapos ngayon?! Mag partner kami?! Potek
“ haha! Uy kinikilig sya!” pang
aasar ni jiji
“ okay, now I want you to sit beside
on your partner at pag usapan kung ano ang gagawin nyo para sa activity na ito”
Inantay ko lang si nil na
luminga linga pero para syang walang pakialam kaya naglakas loob na akong
lumapit sa kanya
“ h-h-hi.” Sabay pilit na pag
ngiti ko. Tinignan nya lang ako na para bang hindi interesado sa nakikita nya. Kaya
kahit wala syang pasabi ay umupo ako sa tabi nya at nagbigay ng distansya sa
aming dalawa
“ di na ko magpapaligoyligoy
pa, doon na lang tayo sa bahay naming gumawa. Tapos. Makakaalis ka na” ang sabi
nya sabay lahad ng cellphone nya
Hindi na ako nag expect. Ano pa
nga bang aasahan ko? Natural. Alam ko nan gang ayaw ng tao sa akin aasa pa
akong pwede ko siyang kaibiganin?
Pagkatapos ng klase agad lang
akong dumiretso ng dorm dahil hindi ko na kinaya pa ang kahihiyan sa aking
sarili
( end of flashback)
Ngayon na rin pala ang pagpunta
ko sa bahay nila Nil. Akala ko doon lang naming gagawin, di ko inaasahang doon
din pala muna ako titira sa kanila hanggang matapos naming ang activity na
pinapagawa ni mam. Aminin ko man o hindi, naexcite ako ng sobra dahil
makakasama ko sya kahit papaano.
Ng makarating kami sa kanila,
ganoon pa rin sya, walang imik at parang hindi ako nag eexsist. Pero iwinalang
bahala ko na lang.
“ maraming nakatambak na gamit
sa guest room dahil inaayos pa, kaya doon ka na lang sa kwarto ko” ang
diretsong sabi nya sabay akyat sa taas.
Para naman akong naestatwa sa
sinabi nya. Ako? Sya? Magkasama sa isang kwarto? Nakakahiya yun!
Agad ko lang syang sinundan at
dali dali ring umakyat patungo sa kwarto nya at bago pa sya makapasok
“ ah nil, doon na lang ako,
sanay naman ako sa ganoong lugar, nakakahiya naman kung dyan pa ako sa kwarto
mo matutulog” sabay labas ng natural kong ngiti.
“ ah eh, no, I insist. Dito ka
na lang masyadong madumi doon” sabay ngiti nya rin sa akin. Para naman akong
nalusaw sa ngiti nyang yun waaaah!!!
Ng makapag ayos na ako ng
gamit, tinawag lang ako ng isang kasambahay nila upang sabihin na nakahanda na
raw ang hapunan kaya bumaba na rin ako. Nagtaka lang ako kung bakit si nil lang
ang nakaupo sa hapag kainan ng walang kasama. Pero iwinalang bahal ko na lang.
Ng makaupo ako, nalula lang ako
sa mga nakahandang pagkain. Parang first time ko atang makakakain ng ganito.
Habang sya ay busy sa pag
nguya, hindi ko pa rin ginagalaw ang plato ko dahil sa totoo lang nahihiya ako.
“ oh? Ayaw mob a nyan? “
Agad naman akong umiling
“kumain ka na ng makapag umpisa
na tayo”
Hindi ko alam kung pano ako
kakain, WALANG KUTSARA! Kutsilyo at tinidor lang ang nandito. Tae naman! Iba talaga
kapag mayaman tsk.
Ng makakuha ako ng lechong
manok at kanin nahirapan ako dahil walang kutsara kainis haha.
“ ah, nil, pw-pwede bang
magkamay ?” yun kasi ang nakasanayan ko eh
Kita ko lang ang pagtataka sa
mga mata nya pero agad din umoo.
Kaya walang ano ano ay SUGOD
KAPATIRAN!
Halos hindi na ako makatayo sa
sobrang dami ng nakain ko. Kita ko rin sa mga mata nung ibang kasambahay ang
mga ngiti nila sa akin na tila bang natutuwa sa nasaksihan.
Hays. Ang sarap nun ah! Hahaha!
Pag uwi ko sa bicol bibilhan ko sila inay nyan. Ang sarap woo! Puro kasi talbos
ng kamote ang ulam namin e
Matapos naming kumain, umakyat
na sa taas si nil samantalang ako ay dumiretso na sa kusina para hugasan ang
mga pinagkainan namin
“ nako sir ako nah o dyan, baka
mapagalitan pa kami ni sir nil” saad ng kasambahay
“ hindi na ho, kaya ko na, ako
na lang po para makapagpahinga nap o kayo”
“ nako sir di po talaga pwede,
mapapagalitan kami”
Kaya wala na akong magawa kundi
ipaubaya na sa kanya ang Gawain.
“ ah ate matanong ko lang,
nasaan ang pamilya ni nil? Bakit sya lang nandito?”
“ nasa ibang bansa kasi silang
lahat, doon na sila nakatira, si sir nil naman piniling manirahan dito dahil
ayaw nya doon, mas gusto nya ditto”
“ ah ganoon po ba”
“ nako, alam mo bang ikaw lang
ang kaunaunahang dinala nyan ditto”
Nagulat man ako pero hindi ko
ipinahalata
“ po? Ba-bakit po?”
“ medyo masungit kasi yan si
sir eh hehe nako wag kang maingay ha satin satin lang yun”
“ at alin ang sa inyo lang ate
doris?” ang biglang singit ng isang boses. Aya agad kaming napabalikwas sa
aming kinatatayuan. Bakas sa mukha ni ate doris ang kaba kaya ako na ang
nagsalita
“ ah ano kasi, parehas kami ng
probinsya, yung boypren nya kilala ko hehe”
“ sigurado ka? Parang iba
narinig ko eh?”
“ opo sir yun poi yon”
“ o sige. Umakyat ka na ng
maupisahan na natin ang activity nay un”
Nginitian ko lang si ate doris
saka umalis sa kinaroroonan ko. Ng makarating kami sa kwarto nya ay namangha
ako, sobrang dami ng collections, at halatang mahal ang bawat isa.
“ ehem!” at muli akong bumalik
sa aking ulirat
“ ay pasensya na, tara
umpisahan na natin”
Medyo mahirap hirap ang gagawin
naming, kailangan naming gumawa ng solar system, hindi basta basta, kailangang
maganda dahil ditto nakasalalay kung ma e exempt kami sa major exam naming sa
science kaya kailangan naming gandahan. Nakaready na rin ang mga materyales
kaya hindi na kami nahirapan.
Hati kami sa gagawin. Sya ang
mag uukit nung mga bilog at ako naman ang magpipinta ng bawat isa, mahirap man
sa una pero alam kong kakayanin namin ito.
Ilang oras na rin kaming
gumagawa at wala talagang pansinan dahil busy sa kanya kanyang ginagawa, alas
dos na rin pala ng madaling araw at kailangan pa naming pumasok ng alas otso. Kaya
napagdesisyunan kong magpaalam kay nil na ipagpabukas na lang ang gagawin. Pero
bago ako mag salita, nakita ko lang syang nakapikit na at halatang mahimbing na
ang tulog.
Hindi ko naman mapigilan ang
sarili ko na pagmasdan sya sa mala anghel nyang mukha. Mukha syang mabait pero
gaya nga ng sabi ko, pinipili lang nya ang kakausapin nya kaya di na ko umaasa
pang magiging magkaibigan kami. Agad lang akong kumuha ng kumot at unan para
makatulog sya ng maayos. Hindi ko naman sya kayang buhatin no, mas malaking tao
sakin to. Haha.
Lumipas ang mga araw at
nakikita kong medyo maayos na ang pakikitungo nya sa akin pero pagdating sa
school ay ganoon pa rin sya, parang hindi ako kilala.
At ngayon ang huling araw ng
pag gawa namin ng solar system, almost done na talaga at masasabi kong perfect
ang gawa namin.
“ yes! Sa wakas. Okay na!
wohhooo!!” ang di ko mapigilang pag burst out ko.
Pero isang tipid na ngiti lang
ang ibinigay nya
“ yun lang? isang tipid na
ngiti lang? ang hirap kaya gawin nito. For sure mananalo tayo!” ang sabi ko sa
kanya. Medyo nakakabiruan ko na rin kasi sya pero hindi ko alam kung kaibigan
din ba ang turing nya sa akin
“ ah hehe, pasensya na pagod
lang”
Matapos naming gumawa ay
nagpahinga na rin kami dahil tama sya, pagod na rin talaga kami at anong oras
na.
Kinabukasan
Science time na at excited ako
na ipasa ang gawa namin, dahil di naman maikakaila na sa amin ang
pinakamagandang gawa eh hehe. Yabang! Pero base sa mga nakikita ko, alam kong
malaki ang laban naming dahil marami ang pumupuri sa gawa naming, yun nga lang,
si nil ang pinupuri nila hindi ako.
“ okay, congratulations Mr.
Martinez and Mr. Costales, kayo ang may pinakamagandang gawa sa lahat, you are
now safe to take the final exam”
“lupit mo xander! Talino mo
talaga!” ang pagsingit ni mike, isa sa mga kaibigan ko.
“ syempre, bestie ko ata yan no”
ang pang bibida naman ni jiji.
Lahat sila ay nagpalakpakan at
puro papuri kay nil.
“ hayaan mo na sila, ang
mahalaga alam mong pinaghirapan mo rin yan” ang sabi ni jiji
“ oo nga, at dahil dyan, kakain
tayo, my treat. Para naman makagala tong si xander school dorm school lang ata
hobby nito eh” ang pagsabi naman ni mike.
Dumating ang breaktime at lahat
sila ay nagsilabasan na, usually pag ganitong oras ay dumidiretso ako sa dorm
para doon kumain. Ngunit habang nag lalakad ako ay nakita ko ang tropa ni Nil
at syempre sya na rin.
Nilakasan ko lang ang loob ko
para lapitan sya para batiin sa pagkapanalo namin.
“ hi nil! Congrats satin, sabi
sayo eh mananalo tayo hehe” ngunit himbis na makakuha ako ng sagot mula sa
kanya ay para syang tuod na nakakita ng multo.
“ nil? Don’t tell me kaibigan
mo yang promdi nay an? Haha ew ha, your taste nil.” Ang sabi nung isang babae
“ ah hindi, di ko yan kaibigan,
ako? Makikipagkaibigan sa kanya? Haha. You’re out of your mind cristy. Nagging kagrupo
ko lang sya. Btw, congrats din, pwede ka ng umalis” ang sabi nya sa akin.
Halos madurog ang puso ko
pagkatapos marinig ang mga sinabi nya. Parang masyadong niyurakan ang aking
pagkatao.
Hindi naan ako nag asam na
kaibiganin pa sya eh dahil alam ko naman, gusto ko lang naman syang batiin sa
pagkapanalo namin.
Hindi ko namalayang lumuluha na
pala ako papuntang dorm. At ng makarating ako ay tuluyan ng bumuhos ang mga
luha ko.
Siguro nga mahirap makuha ang
loob ng taong hinahanggan mo lalo na kung mag kaiba kayo ng estado sa buhay. Wala
eh. Ganoon talaga.
Hanggang sa napagdesisyunan kong
lumayo na lang sa kanya at ituring din syang hindi nag eexist gaya ng
pagtataboy nya sa akin.
Ayan at may naka ipit pala sa kamay mo na magandang estorya. Pwede rin mini novel ito. Magaling ka talaga. Keep it up.
ReplyDeleteAyos! ^_^
ReplyDeleteBilisan sana nang update nito. Maganda story nito :-D
ReplyDeleteKulang as 2 chapter into sana gawin into mga 10 chapter para sunlit tlga eh
ReplyDeleteMgaling ka tlga Kuya Axel
Jharz
interesting sya..
ReplyDeletesana agad may kasunod na. hehe..
salamat sa magandang kwento!
I like it! Habaan mo pa, please! Hahaha
ReplyDeletewala po bang extended version ... :)
ReplyDeletehmmm, another nice one story axel!
ReplyDelete