The John Lloyd Diary
Chapter VII
by: Apple Green
facebook.com/jace.pajz
Author’s Note:
Hi! Isa na namang update ang hatid sa inyo ng Gulaman
ni Arman: Matabang na, Madumi pa! LOL. Sorry po sa lahat ng mga nainip, at
naiinip, at nambabash sa akin sa ginagawa kong to. Yaan nyo, matatapos na din
naman to eh! Hahahaha.
Anyway, maraming salamat sa mga hindi pa rin
nakakalimot mag-comment na sina Mr. Peace (Salamat po sa nagging reaksyon nyo
sa Chap.6, hayaan nyo po, ganun talaga eh), kay Kuya Gilrex Laurente, sa isang
Anonymous na hindi man lang inilagay ang pangalan, kay Kuya Alfred of TO (na
mahal na mahal ko simula pa nung TLW days, kaya lang di nang-aadd sa FB LOL),
kay Kuya Shai at kay Kuya Jharz. Kaway-kaway sa inyo!
Sa mga kasamahan kong RA’s sa blog na ito: Kuya Blue
(wala akong masabi sa JFAM niya guys, kung di nyo pa nababasa, you are missing
80% of your life), kay Kuya Rye Evangelista, kay Vienne, kay Kuya Seyren, at
ang GGSS na si Axel Delos Reyes na talaga naming naninira pa talaga sa AN niya
(Peace Taba, labyu!) Hahahaha! Kay Hao Inoue, Ken, Steven, Kuya Nards, Aelton,
Kuya Norberts, Kuya Yuen, at sa lahat-lahat na sumusuporta sa makupad na si
Jace, I <3 U! Hanap nyo ko ng jowa, yung matino. Bilis! Nyahahaha
Kung sinuman yung naghanap ng TWIST sa storyang ito,
your wish is my command dear Sir! Eto na ang pang-pitong banat na pak na pak .
Enjoy! :)
- Jace
================================
Limang araw na magmula
nung eksena sa bahay nina Maia, kung saan sinumpong na naman si Kayne. Limang
araw na ang nakakalipas magmula ng hindi magparamdam si Kayne.
Kasalanan ko din naman
kasi. Aminado ako dun.
Nangako ako sa kanya na si
Aiko na ang una't huling makakaalam ng totoo niyang pagkatao bilang boyfriend
ko.
At binigo ko siya.
Kasalanan ko to.
Pero sapat na ba ito para
tiisin niya ako ng limang araw at hindi kausapin? Pwede naman tong maayos eh.
Kaso parang wala na siyang interes na ayusin pa to.
Kaliwa't kanang subok sa
text at tawag ang ginawa ko upang magkausap kami, kahit papano. Kaso sa limang
araw na lumipas, bigo akong makatanggap ng kahit anumang sagot mula sa kanya.
"You are doomed Levi
Hidalgo. Maybe it's time to let him go? Mahal mo nga, pero parang isang one-way
na kalsada lang naman tong nangyayari sa inyong dalawa eh. At tama ang mga
kaibigan mo. Parang ikaw at ikaw lang ang ume-effort sa relasyong to."
Wag ka namang ganyan John
Lloyd. Effort din naman yung nagpapakita siya sa akin eh. At kahit mga kaibigan
ko sila, di din naman nila alam ang lahat-lahat ng nangyayari sa amin.
Naalala ko tuloy nung nasa
bahay kami ni Maia.
Binabaan niya ako ng telepono,
nang isigaw ni Jane ang pangalan niya. Ang tunay niyang pangalan. By then, I
knew Jane got his name through Aiko.
Si Maia lang naman ang
umalo sa akin nun. Ang iba, kinantyawan na ako. Sinabihan na ang arte-arte daw
ng boyfriend ko. Kasi nga daw, tiga Raviola. At kung anu-ano pa ang mga
sinasabi nila, eh di naman nila alam lahat. Tss.
Nasa hotel ako ngayon na
pinag-iintership-an ko. Ngayong linggo, nasa may Front Desk ako nalagay, bilang
Receptionist kasi kinulang ang hotel sa tao. Nag maternity leave kasi ang
Receptionist, at dahil wala namang ibang pwedeng makuhang makaka-reliebo agad
nung nag-leave, ako daw ang kinuha ng Branch Manager ng hotel.
Ewan ko ba kung bakit.
Nagtataka nga kaming magbabarkada na nagdu-duty dito para sa aming Internship,
kung bakit sa aming lahat pati na ang mga empleyado talaga ng hotel, ako pa ang
pinili bilang Substitute Receptionist eh.
"Eh baka naman kasi
may experience ka na dati sa Call Center bilang Customer Service Representative."
Kuro-kuro ni Chuck.
"Muntanga lang Pards?
Customer Service nga, eh hindi ko naman harap-harapang nakakausap ang mga
kliyente ko noon." Sagot ko dito.
"Ganun na din yun.
Parehas lang. Naku Levi, di ka naman ganyan dati ah? Sabi mo nga dati Rule
Number 1 is to always say YES, lalo na sa school at trabaho. Wag kang
nega." Pangangaral sa akin ni Dianne.
Nasa may Staff's Locker
Room kami lahat noon para magpalit ng mga uniporme namin. At kakasabi pa lang
sa akin nung Supervisor ko, isang empleyado sa hotel, na ako nga daw ang pinili
ni BM, Branch Manager, para pumalit sa may Reception Desk.
Buti na nga lang at may
natutunan ako dati bilang CSR sa Call Center na pinasukan ko 2 years ago, at
ang ibang basic procedures ng pagtanggap ng mga guest sa Reception.
"Ewan ko ba. Nahahawa
na ata ako sa pagiging paranoid ni Biko." Wala sa sariling naisagot ko sa
kanila. Nagulat man ako sa binanggit ko, alam kong di ko na mababawi yun.
Sabay-sabay ko silang napaungol sa pagka-irita, at nang makita ko si Jane ay iniikot
lang nito ang mga mata na halatang di nagustuhan ang binanggit kong pangalan.
"Biko na naman. Eh
asan ba siya ngayon? Di ba di na nagpaparamdam?" Banat pa ni Jane.
"Guys. Tama na.
Trabaho na tayo, ha?" Awat sa kanila ni Maia. Haay, salamat at kahit
papano may kakampi pa ako. Isa-isa ng lumabas ng Locker Room ang barkada, pwera
ako at si Maia. "Kaya mo yan Beast. At yaan mo, magpaparamdam din
yun." Baling sa akin ni Maia na may kasama pang tapik sa balikat ko.
Tanging ngiti lang ang sinagot ko dito.
=====================
Lunch break. Pero nasa may
Reception Desk pa rin ako. Wala pa kasing maiiwan dito pag naglunch ako, pero
tinext ko na si Maia kanina na mauna na siyang maglunch para siya na muna ang
tatao dito pag nag lunch ako.
Madami kasing guest ang
nagchecheck-in at nagchecheck-out. Peak season kasi. May festival ang syudad.
At kapag turista na ang pinag-uusapan, puno halos lahat ng mga hotel at pension
house sa buong syudad.
Hanggang ngayon, di pa rin
ako mapakali sa kinauupuan ko sa may Reception Desk. Unang beses ko kasing
mabigyan ng ganito kabigat na trabaho. Chinecheck naman ako ng Supervisor ko
every now and then, at inoobserbahan ako sa pagtanggap ko ng mga guest. At sabi
naman niya ay magaling naman daw ako. Siya siguro ang nagrekomenda sa akin kay
BM.
Pero palaisipan pa rin sa
akin eh kung bakit ako ang pinili ni BM.
Speaking of which.
Hanggang ngayon na magta-tatlong linggo na kaming nag-iintern dito sa hotel,
hindi ko nga pala nakikita o nakakapunta sa office ni BM. Kapagka may mga
dokumentong ipapamirma o ipapasa sa hotel para sa OJT namin ay silang Dianne at
Maia lamang ang humaharap kay BM.
Naaalala ko pa nung
nag-apply kami dito bilang mga intern. Nagtitiling sinalubong kami ni Dianne,
na noon ay galing sa opisina ni BM para magpasa ng Resume at kung anu-ano pang
dokumento. Naghintay lang kami noon sa may Hotel Lobby.
Nung tinanong namin si
Dianne kung bakit siya nagtitili, halos hindi pa siya makausap ng matino. Kasi
nga daw, ang gwapo daw ni BM. Medyo nasa mid 20's pa daw, matalino, matangkad,
at yun nga lang, medyo snob. Yun yung mga tipo ni Dianne eh. Kaya di na
nakakapagtaka kung bakit kilig na kilig siya nung nakababa siya sa may Lobby
galing sa opisina ni BM.
"Beast. Kain ka na
muna. Nasabihan ko na si Maam Aileen na ako muna papalit sayo dito for the mean
time." Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Maia. At ala una
y'medya na din pala.
"Sige. Liligpitin ko
na muna mga gamit ko." Sagot ko. Nakadungo pa ako sa ilalim ng Reception
Desk para kunin ang ibang gamit ko nang maramdaman kong sinisiko ako ni Maia at
pinapadyak ang paa.
"Beast!" Pabulong
na tawag sa akin ni Maia. "Beast, dali!" Nagtaka naman ako kung
bakit. Nang nakatayo na ako para sana ay umalis at mananghalian na, nakita ko
ang isang matangkad na lalaki na kakalabas pa lang ng elevator.
Moreno. Maraming facial hair,
lalo na ang side burns nito, pero bagay naman sa kanya. Naka formal attire at
talaga namang anlakas ng karisma. Pero yun nga lang, kahit malakas ang dating
nito, may halong kalamigan naman ang mga titig nito.
And because of the
descriptions Dianne was talking about for the past three weeks, I knew he's BM.
Tama nga naman so Dianne. Gwapo nga ito.
"Good afternoon
Sir." Sabay naming bati ni Maia nang dumaan sa harap ng Reception Desk si
BM. Tinapunan lang kami nito ng blangkong tingin. Saglit lang, at tinuon na sa
Exit ng hotel ang atensyon habang naglalakad.
"Shit beast! Ang
gwapo niya!" Pigil na tili ni Maia.
"Tss. Gwapo nga. Pero
aanhin mo naman yun kung saksakan naman ng pagka-suplado. Siya na nga tong
binati eh. Tss." Reklamo ko nalang kay Maia. Para kasi sa akin, aksaya sa
oras ang pagbati sa isang tao na hindi man lang nito ibinabalik o tinutugon ang
bati mo. At alam yun ni Maya.
Nang lumabas ako sa may
Reception Counter, napansin kong nakatalikod lang mula sa amin na nakatayo sa
may pintuan ng hotel si BM. Di ko nalang pinansin. Pasalamat siya kailangan
namin ng OJT na to.
Tss. Ang angas. Branch
Manager nga, di naman kayang ipakita ang pinag-aralan. Tsk.
Di bale na nga. Nagpaalam na
ako kay Maia at pumunta na ng Employee's Pantry para makapag-lunch na. Gutom na
ako.
===================
Nang makabalik na ako sa
may Reception Desk, nagtataka lang ako kung bakit titig ng titig sa akin si
Maia.
"Oh. Anyare? May
tinga ba ako at ganyan ka kung makatingin sa akin?" Tanong ko.
"Wala naman. May
napansin lang kasi ako kanina." At ibinaling na ni Maia ang tingin mula sa
akin patungo sa sinusulat nitong Guests' Reservation Form.
"Ano naman yun?"
Inilapag ko lang ang sling bag ko at hinarap si Maia.
"Kanina kasi.."
At tinitigan na naman ako nito. "Kanina kasi nung umalis ka na para mag
lunch, napansin ko si BM na nakatitig sayo habang papasok ka na sa may Pantry.
Weird."
"Ano?" At natawa
ako sa sinabi ng best friend ko. "Okay ka lang Beast? Gutom ka pa
ba?"
"Yeah I know, it's
absurd. Pero alam kong totoo ang nakita ko. Simula pa lang nung naglalakad ka
na papunta sa Pantry, hanggang sa ilang segundo pagkatapos mong makapasok dun,
sa direksyon mo lang nakatuon si BM."
Hell yes, it's too absurd.
"Beast. Sige na. Balik ka na dun sa area mo. Okay na ako dito.
Salamat." Ngiti ko nalang dito.
"Omaygas. Di kaya..
di kaya.. di kaya bisexual din si Sir at ikaw ang type niya?" Mas lalo pa
akong natawa sa sinabi ni Maia. "Hoy! Wag mo akong tinatawanan."
"Beast. Imposibleng
mangyari yun. May boyfriend akong tao." Nanlumo naman ako sa huli kong
sinabi. Ayan! Isinalang ko na naman ang sarili sa sarili ko ring mantika.
"Anyway, sige na. Alas dos na. Baka hinihintay ka na ni Maam Aileen."
"Ah basta!"
Pagdadabog ni Maia sabay kuha ng bag niya. "Alam kong tinitigan ka ni BM
kanina." Sabay alis.
Eh kung yun nga talaga ang
nangyari, ano naman ngayon? Minsan din talaga tong si Maia, napaka-mapanghusga
din sa mga bagay-bagay.
Mabilis naman ang pagdaan
ng mga oras. At di nga ako nagkamali. Andami ngang guests ng bandang hapon na.
Palibhasa, sa isang araw na ang pinaka-highlight ng festival na ginaganap sa
buong probinsya.
Halos puno na din ang hotel
namin. Siguro bago matapos ang araw na ito, puno na talaga ang bawat kwarto at
suites dito.
Buti nalang at naging busy
naman ako buong maghapon. Kahit papano, nabawas-bawasan ang pag-iisip ko
tungkol sa sumpunging boyfriend ko. Pero sana naman, magparamdam na siya sa
akin. Tss.
"Levi?"
Napalingon naman ako sa may kanan ko. Nakangiti lang sa akin si Maam Aileen.
"Yes Maam?"
Sagot ko dito matapos mabasa ang text ni Maia. Inaaya na ako nitong umuwi total
kanina pa kami tapos sa duty namin. Di ko pa narereply-an.
"Salamat sa pagtao
dito sa Reception Desk. I must say, hindi nagkamali ng pinili si BM na totoka
dito sa isa sa pinaka-importanteng area ng hotel." Nagtaka naman ako sa
sinabi niya. Si BM? Akala ko kasi siya ang pumili sa akin, na inaprubahan lang
ni BM.
"H-ho? Si BM po?
Akala ko kasi kayo ang magrekomenda sa akin."
"Sir Mark chose you
himself. Ako lang ang nagsabi sayo kaninang umaga, pero actually, siya ang pumili
sayo. Di pa kasi nakakahanap ng isa pang Receptionist eh. Alam mo namang bago
pa lang ang branch na ito. Wala pa din naman kasing ipinapadalang directives ang
Main Branch galing sa Manila. Kaya substitute nalang muna. Biglaan kasi.
Pasensya ka na hijo." Ngiti parin sa akin ng medyo may edad ng babae.
"Okay lang po.
Training at experience din po ito. Maraming salamat po sa oportunidad."
Ngiti ko.
"Hindi ako dapat ang
pagpasalamatan mo. At magkakaroon ka na rin naman ng chance para
makapagpasalamat kay BM."
"P-po?"
"Yes. Sir Mark is
waiting for you. Pinapatawag ka sa opisina niya. Mukhang may importanteng
sasabihin sa inyo. Pero gusto niya ikaw lang daw muna ang mag-representa sa
inyong lahat na mga OJT." Bigla naman akong inatake ng di maipaliwanag na
kaba, at malalaking butil ng pawis sa noo.
"Ngayon na
p-po?" Natatarantang tanong ko.
Tumango ito. "Oo hijo.
Ako na ang bahala dito. Sige na."
"S-sige po."
Agad kong niligpit ang mga gamit ko, kinuha ang bag, at dali-daling pumasok sa
elevator paakyat ng 4th Floor kung nasaan ang Admin Office. Habang paakyat pa
lang ang elevator, tinext ko na sila Maia at buong barkada na mauna ng umuwi.
Pumayag naman sila.
Haay. Ano ba to? Bakit ako
pa ba kasi ang pinagtitripan nung BM namin? Tss.
Mula kanina nang sabihin
sa akin ng Supervisor ko na ipinapatawag ako, hanggang ngayon na naglalakad na
ako sa hallway papasok sa opisina ni BM, di ko pa rin maiwasang mag-isip ng
kung anu-anong posibleng dahilan ng pagpapatawag nito sa akin. Dagdagan pang
ito pa lang ang una naming paghaharap. Di naman kasi pormal yung kaninang
tanghali eh. Sinupladuhan nga kami.
Nasa harapan na ako ng
pinto ng opisina niya. Nagdadalawang-isip pa ako kung kakatok ba ako o ano.
Pero opisina ito, at nasa trabaho ako. Dapat gumalang. Dapat kumatok.
At kumatok na nga ako. Pero
mas naririnig ko ata ang malakas na tambol sa dibdob ko kesa sa katok na
ginagawa ko sa pintuan.
"Come in." Anang
malamig na boses. Swabe naman eh, kaso halatang nakaka-intimidate pakinggan.
Tss. Siya na kaya yun?
Pumasok naman agad ako.
Malaki ang kwarto. May malaking mesa sa gitna, sa may dulo. Apat na visitor's
chair, at isang swivel chain na okupado at nakatalikod sa akin. Isang malaking
estante sa likod ng Manager's Desk, at tigta-tatlong steel cabinets sa bawat
gilid ng kwarto. Amoy kiwi at lemon ang buong opisina. Ang mesa ni BM? Tadtad
ng mga dokumento at mga papeles.
Malamig. Ang lakas ng
aircon. Pero butil-butil pa rin ang pawis sa aking noo kaya pasimple ko itong pinahid
gamit ang panyo na dinukot ko mula sa aking bulsa. Sana lang tumuwid ang aking
dila kapag kinakausap na ako nito.
"G-good evening Sir. L-Levi
Hidalgo po. Pinapatawag nyo daw po ako sabi ni Maam Aileen?" Saad ko sa
nakatalikod na pigura na nakaupo sa may swivel chair. Alam kong siya yun. Nakita
ko naman kasi siya kanina.
"Yes. Have a seat Mr.
Hidalgo." At umupo na nga ako sa isa sa mga visitorvs chair na nasa harapan
ng mesa nito.
Nakita kong nagsimula ng
gumalaw ang swivel chair hanggang sa ito'y nakaharap na sa akin, kasama ang
maamo ngunit blangkong ekspresyon ng mukha ng nakaupo dito.
Pero in fairness ha? Gwapo
nga talaga siya. Ang mga mata na una kong tinititigan ay malamig ang dating sa
akin, kahit na nasabi kong may mga magaganda siyang pares ng mga ito.
Hindi ko naman mapigilan
ang magbawi agad ng tingin pagkatapos kong maramdamang nagtititigan lang kaming
dalawa sa loob ng ilang segundo. At agad na namula ang pisngi ko.
What the eff? Isa bang
eksena sa Fifty Shades of Grey ang pinasok ko?! Parang hindi naman ata ako napagsabihan
ni Maam Aileen na ganito pala ang mangyayari sa opisinang eto! Tss. Gusto ko
nalang umuwi.
"So, Mr. Hidalgo.
Tell me." At nakita ko itong kumuha ng lapis mula sa organizer nito at
nilaro gamit ang kanang kamay nito habang nakatingin pa rin sa akin. "What
made you decide to apply here for your internship?" Aba inglisero din pala
ang gago. Sige Sir. Di kita uurungan jan.
"Internship is about
developing and enhancing an individual's skills and knowledge about a
particular field, through hands-on experience in that field. And we believe
Sir, that Hotel De Vierra International can help us with that. With its
enormous name in the Hotel and Restaurant industry, we are confident that the
company can help us grow into the great people we dream of to be in the future."
Simple ngunit direkta kong sagot. Salamat naman at tuloy-tuloy na ang dila ko.
Sabihin pa ng hambog na ito na naiintimidate talaga ako sa presensya niya.
Napangiti naman siya sa
naging sagot ko.
Akalain mo yun? Marunong
din palang ngumiti ang taong ito? Ang taong dati ko pang naririnig na suplado
at strikto, sa nakaraan na tatlong linggo namin dito sa hotel? Himala.
"Welcome to the team
then, Mr. Hidalgo. I am Mark Irving...." Di ko na narinig ang iba pa
niyang sinabi ng magulat ako nang i-abot nito ang kamay niya sa akin na may
ngiti pa rin sa labi. Nagdadalawang-isip naman ako kung tatanggapin ko ba ito o
ano. Pero ayoko naman maging bastos kaya tinanggap ko.
"Thank you Sir."
Teka, pipisilin ko ba ang kamay nito o wag nalang? Sabi kasi nung nabasa kong
artikulo sa isang magazine na kapag nakikipag-kamay ka, dapat mong pisilin ang
kamay ng kinakamayan mo, para ipahayag dito na interesado o na-aappreciate mo
ang taong yun.
Pero habang
nagdadalawang-isip pa ako sa gagawin ko, naramdaman ko na ang pagpisil nito sa aking
kamay. Hindi lang madiin ha? Madiing-madiin na hindi na ata normal sa isan
sitwasyong ganito.
"Tanga! Assuming.
Kung anu-ano iniisip mo! Mag-focus ka! Nasa trabaho ka po. For your information."
"What are your plans
after your graduation, Mr. Hidalgo?" Tanong nito pagkatapos bawiin ang mga
kamay. Actually ako ang unang nagbawi. Pero teka. qaAno daw? Bakit ba siya
nagtatanong ng mga ganitong bagay? Close ba kami? What the eff.
"To work Sir. It's a
common goal for those who graduate in college. A degree would be meaningless if
an individual is to become a burden to the people around them and to their
country."
"Levi, anong nakain
mo? Ba't ang witty mo ngayon? Eh sa Planeta ka lang kasi nagkakaganyan. Sana
ganyan ka nalang araw-araw no?"
Siguro ayoko lang
ma-overpower ako ng kaharap ko. Baka isipin niyang lalampa-lampa at tatanga-tanga
ako. At maging paraan yun para mahawakan niya ako sa leeg.
"At bakit ba kasi ganyan
ang pakiramdam mo? Gusto mong ipakita na hindi ka intimidated sa kanya, pero sa
totoo lang iba ang ipinapakita mo. Muntanga lang?"
"If I were to tell
you that I will give you one of the higher positions here in the hotel, after
you graduate, will you accept it?" This dude is crazy. Pinatawag nya ako
para lang sa mga hindi ko maintindihan kung bakit nya tinatanong na mga tanong?
Tss.
"No Sir."
Diretsahan kong sagot.
"Why is that, Mr.
Hidalgo?"
"For I believe that
there are no shortcuts to success. Everything you wanted in life. should be
reach through hardwork. If it isn't through it, where's the challenge in reaching
for something you are aspiring for a long time? And that the end does not justify
the means."
"Bravo. You amazed me
Mr. Hidalgo." Hindi ko lang talaga alam kung ano ang tunay na pakay nito.
Ngunit ang alam ko, sinusukat niya ang pagkatao ko. For what? What purpose
would it serve him? Eh pagkatapos nitong Internship namin, malabo na ata akong
magkagustong mag-apply sa hotel na ito. Pagkatapos ng usapang ito? Hindi ako
komportable sa kanya.
"Thank you Sir. Maam
Aileen had told me that you have something to tell us interns?" Inusisa ko
na ang sinabing dahilan ni Maam Aileen para matapos na ang di nakaka-komportableng
usapang ito.
"Ah yes." At
kinuha ang isang folder ng mga dokumento at inabot sa akin. "That's your In-plant
and Liability Waiver Agreement. Ms. Suarez had asked me to sign that this
morning. At kasi nga busy, ngayon ko lang napirmahan. Sorry, Mr. Hidalgo."
Another miracle. The word "sorry" is something i did not expect to be
in his vocabulary.
"That's okay Sir. We
understand. Will that be all, Sir?" Magalang ngunit punum-puno ng pagka-plastik
kong tanong. I wanna get out of here. There is something in this guy that I do
not appreciate.
"Umuwi na ba ang mga
kasamahan mong interns?" Tanong niya. And why is he also asking that?
"Yes Sir. They went home
ahead of me."
"Oh, I'm sorry for
keeping you this late Mr. Hidalgo. Let me just make it up to you, okay? Hatid
na kita. Total, pauwi na din naman ako. Sabay ka na sa akin."
"Sorry Sir, but I
will refuse the kind offer. Nakakahiya naman sa inyo. Okay lang po. I can
manage." Magalang kong pagtanggi.
"To refuse an offer
is an insult, Mr. Hidalgo. And besides, it's late already. Ayoko namang masisi
kapag may nangyaring hindi maganda sa iyo sa daan, dahil ipinatawag pa kita
dito sa opisina. Tara na."
Wala na nga akong nagawa.
Sabay na nga kaming bumaba mula sa opisina niya papunta sa Parking Area ng
hotel para kuhanin ang kotse nito. At sumakay na din ako sa sasakyan nya.
Nilubos-lubos ko na ang kabaitan ni Sir. Grabe. Ang close namin no? Pero too
bad, I should put some effort in putting sarcasm into everything I've said.
Lulan na kami ng sasakyan
ni Sir, at pauwi na, nang maalala kong hindi ko pa pala nachecheck ang Spambox
ko. Nilagay ko kasi sa Spam List ang numero ni Kayne para di ko sya maalalang
itext, o replyan man lang agad ang mga text niya, dahil nga sa sobrang inis sa
kanya. Imagine? Ako nga nagagawa niyang wag kibuin ng ilang ataw, magagawa ko
din naman yun.
"Nasa apartment mo
ako." Time 5:05PM
"Asan ka na?"
Time 5:27PM
"Gusto mo ba akong
makausap o ano?" Time 5:48PM
"Uuwi ka pa ba?"
Time 6:39PM
"Di pa ako nakakapaghapunan.
Gutom na ako!" Time 7:23PM
"Kanina pa ako dito!
UMUWI KA NA!" Time 8:39PM
"Alam kong galit at
nagtatampo ka, pero sana naman mag-reply ka rin." Time 9:17PM
"Biko!" Time
9:58PM
Shit! Andami na pala niyang
text. Di ko namalayan sa sobrang busy ko kanina sa may Front desk. Tangina
naman oo! Nasapo ko lang ang noo ko.
"Okay ka lang Mr.
Hidalgo?" Tanong sa akin ni Sir Mark na nuo'y nagda-drive sa kotse.
Nagulat pa ako. Oo nga pala, magkasama nga pala kami.
"Yes sir. Ayos lang
po."
"Wag mo na akong
tawaging Sir. Wala na tayo sa trabaho." Sabi nalang nito at ibinalik ang
atensyon sa daan.
Di na din ako sumagot.
Nag-reply nalang ako kay Levi na pauwi na ako, nang may nabuo na namang plano
sa utak ko.
Magagalit-galitan ako para
makonsensya naman siya sa limang araw na hindi man lang siya tumawag at nagtext.
Bahala siya. Kinondisyon ko na ang aking sarili na kuno, galit at nagtatampo sa
kanya.
Nang marating namin ang
apartment ko, agad akong nagpasalamat at bumaba na sa kotse ni Sir Mark.
Napansin ko rin siyang bumaba.
"Di mo ba ako iimbitahan
sa loob?" Tanong niya na hindi ko nalang pinansin kung bakit yun ang
naging tamong niya, dahil nga nagmamadali na ako kasi nasa loob na si Kayne.
"Sorry Sir. Next time
nalang po. May bisita ako eh." Tinakbo ko na ang gate at binuksan ito.
"Sige Sir, ingat nalang po sa pag-uwi. Good night!" At di ko na siya
nilingon nang tinatakbo ko na ang pinto ng unit ko. Pagpasok ko, narinig ko na
ang kotse nito na umandar at umalis na. Inihanda ko naman ang aking sarili para
sa gusto kong eksena.
"You're late. At sino
yung naghatid sayo?" Malamig na tanong ni Kayne sa akin na noon ay
nakapang-tulog ma damit na at nakahigang nagbabasa ng libro sa kama ko.
"Bakit mo tinatanong?
Eh diba wala ka namang pakialam sa akin? Nagawa mo nga akong wag itext at
tumawag. o kahit magpakita sa loob ng limabg araw eh?" Matabang kong sagot.
Umupo ako sa may sofa at nagtanggal ng sapatos.
Napansin kong tumayo ito mula
sa kama at lumapit sa akin sa may sofa.
Nakasimangot pa rin ako.
Papanindigan ko ang pagtatampo sa kanya. Akala niya ganun-ganun nalang ako
kadaling paamuhin pagkatapos ng ginawa niya? No way.
"I'm sorry." At niyakap niya ako.
- Itutuloy -
Ay hindi ko maintindihan ugali ni kayne..... pero anu nmn ang magiging papel ni mark sa buhay ni levi....
ReplyDeletenext chapter agad
Kuya jace salamat sa pagbati sa akin
Jharz
err lakas ngang maka fifty shades kanina yung scene haha
ReplyDeletebale unti2 humahaba buhok ni levi lol ay mahaba na pala talaga hahaha
-eros
Naks naman, bitin pero sulit. Maganda ang update. Nakakagigil lang. Ang haba pa ng buhok mo day. Salamat Mr Author for sharing us your another obra maestra. Take care.
ReplyDeleteNaks naman, bitin pero sulit. Maganda ang update. Nakakagigil lang. Ang haba pa ng buhok mo day. Salamat Mr Author for sharing us your another obra maestra. Take care.
ReplyDeleteHmmmf pa boss lang hehehe... kong makapagtxt.. anu kaya un..
ReplyDeleteMay gsto nga ata si BM kai levi..
Shai
Ayan ini-add na kita. Huwag ka nang magdamdam. Cute mo pala sa pic mo.
ReplyDeleteBleeeeeeeeh mo kayne,,, go ako kang sir maek para kai levi... heheh
ReplyDelete