Athr'sNote-
Heto na ang update :)
By the way, salamat pala sa mga nagbasa sa 'short story' na ginawa ko. Salamat sa mga naka-appreciate.
Sa mga hindi pa nakapagbabasa, basahin niyo na! Haha, "Hero" yung title, check niyo sa blog guys baka magustuhan niyo :)
At balik na nga tayo dito sa story ni Chan. Hmm.. ang dami atang gustong pumatay sa akin dahil sa chapter 13? Arghhh!! Bakit ba ayaw niyo si Jaydon? Matangkad, slim-muscled-built, mabango, mabait, masarap pagmasdan yung mga ngiti niya, kaya bakit ayaw niyo siya? Arrrgghh!!
Osya, heto na ang chapter14, tignan natin kung anu-ano ang mga mangyayari.
At sa mga minamahal kong readers na nag-iwan ng reaksyon sa chapter13 :)
(-xian, -emo19, -junrey, -jcsy, -jharz, -44, -jonel, -shai, -yeahit'sJM, -vienne, -gilrex, -jess, -yuwon, -leandro, -dave, -marvs, -grieved) maraming salamat sa inyo, talagang hindi kayo nagsasawa na magbigay ng reaksyon. Salamat :)
Yung mga nagcomment sa 'shortstory na ginawa ko.. (alfred, 44, gilrex, jharz at sa mga anonymous.. Salamat!)
At eto na nga.. chapter14 updated..
Enjoy :)
-
--
Point Of View
- C h a n -
"Kobe?"
Pagngiti ko.
Agad ring nawala yung ngiti ko nang mapansin yung dating ng mukha niya.
"Uy Kobe? A-anong nangyari sa'yo, may sakit kaba?"
Agad na pag-aalala ko nang makalapit ako sakanya at matignan ang noo't leeg niya.
"Chan pwede? Dun ka muna sa labas? Wala ako sa mood."
Napatigil naman ako dahil sa sinabi niya.
"Kobe? N-napano ka?" pag-upo ko pa sa tabi niya.
Tinignan naman niya ako.
Ba't parang namumula siya? Napano siya?
"Kobe anong nangyari sa.."
"Diba sabi ko tumigil ka muna? Labas."
Katahimikan
Wala sa sarili nalang akong napatango saka dahan-dahang tumayo.
A-ang sakit. Alam niyo yun?
Hanggang sa....
"Kobe.."
Ang wala sa sarili kong nasabi. Kasabay pa nun ay nakuha ko pang mapaupo mula sa pagkakahiga.
Nananaginip pala ako.
Napahawak ako sa may bandang dibdib ko, ang bilis ng tibok ng puso ko.. at ang pakiramdam ko? Tila takot na takot.
Agad kong inilibot ang aking paningin.
Napakadilim..
Tanging ilaw mula sa labas ang nagbibigay ng kaunting liwanag papaloob ng bahay.
Hanggang sa..
"Kobe.." ang nasabi ko nang mapansin si Kobe sa may lapag, natutulog.
Agad lang akong bumaba mula sa sofa at mabilisan siyang nilapitan.
"Kobe.."
Ang naiiyak na sabi ko matapos ko siyang yakapin.
"Hmm.." rinig ko mula sakanya habang nakayakap lang ako.
Pinakahigpit-higpit ko yung yakap ko sakanya. Sobrang higpit.
"Kobe.." umiiyak na sabi ko pa.
"C-Chan? Umiiyak ka? Chan n-napano ka?.."
Paharap ang pagkakayakap ko sakanya.. mahigpit lang ang yakap ko sakanya. Basta ayaw ko siyang bitawan. Basta ang gusto ko ay maramdaman ko siya.
At sa naramdaman ko narin ang pagyakap niya sa akin.
"Napano ka Chan?"
Paghaplos-haplos niya pa sa likod ko.
"Kobe.." tanging nasasabi ko.
Ayaw ko. Ayaw ko na mag-away pa kami. Ayaw ko na malayo nanaman siya sa akin.
Napaiyak ako dahil sa sobrang pasasalamat.
Alam niyo yun?
Na ang sakit dahil nag-aaway nanaman kayo, na nakikita at nararamdaman mo na malalayo nanaman kayo sa isa't-isa tapos yung tipong magigising kana lang at masasabi mo na lang na 'panaginip lang pala.
Relief.
Hindi ko parin siya binibitawan. Yakap-yakap ko lang siya ng napakahigpit. Basta ayaw ko siyang bitawan, basta gusto ko na maramdaman ko siya.
"Uy Chan naman? Ba't ka umiiyak?"
Mas lalo ko lang pinakahigpit-higpit yung yakap ko sakanya.
Kasi talagang natakot ako eh, na akala ko talaga babalik nanaman kami sa dati.
Salamat.. salamat dahil panaginip lang.
-----
Point Of View
- J a y d o n -
"Time check time check.."
Masaya at paulit ulit na sabi ko habang naglalakad papasok ng room.
Malapit ng mag ala-syete ng umaga eh, makikita ko na niyan si Chan.
Kagabi nagtext siya, babawi daw. Tapos yun nga, bonding daw kaming apat mamaya.
"Ang tagal ng Seven o'clock noh?" nakangiting pagpansin ko sa mga babae sa likod ng inuupuan namin ni Chan.
"Good mood?"
"Sabagay, good mood naman lagi si Jaydon eh."
Tinanguan ko lang sila. Syempre, good mood :)
"Ayan na si Christian.."
Sabi nila kaya naman agad akong napatingin sa may harap.
Nawala naman yung pagka excite na nararamdaman ko.
As usual, kasama niya yung tatlo na hindi ko alam kung bakit ang init ng ulo sa akin. Lalo na yung tatlong J na talaga konti nalang talaga papatulan ko na.
Pasalamat sila lagi kong kasama si Chan kapag nangtitrip sila.
Pero etong si Dennis na pinakamalakas mang-inis, parang ang tamlay ngayon. Kung sabagay, mas maganda na para bawas bwisit narin.
"Chan sa likod kana lang?"
Sabi nung Az.
Agad namang umiling si Chan.
"Dito nga ako eh, osya dun na kayo.. padating na si mam niyan."
Kita ko na sumunod naman sila, nagngitian pa si Chan at Kobe na lihim kong ikinainis.
Pero hindi dapat masira mood ko. Makakasama ko naman si Chan mamaya.
"Good morning." agad na sabi ko pagkaupo niya sa tabi ko.
"Jaydon my nightmare." natatawang sabi niya.
"Nightmare? Aray ah." pagtawa ko rin.
Ngumiti naman siya saka may inabot.
Pagkatingin ko, cheese nanaman na agad kong ikinangiti.
"Salamat ah? Alam mo akong suyuin no? May kasalanan kapa." sabi ko nang abutin ko yung cheese.
"San ba tayo mamaya? Mall? San ba? Para bawas kasalanan na." tanong niya.
Lalo akong napangiti.
May balak ako eh. May plano ako.
"Basta Chan ako na ang bahala. Diba sabi mo babawi ka? Kaya ipaubaya mo nalang sa akin ito." ganadong sabi ko.
Hindi na ako makapaghintay.
.....
"Magdadalawang oras na tayong nagbabyahe ah?"
Biglang sabi ni Chan.
Napangiti naman ako.
Wala siyang kamalay-malay na sa amin sa Cavite ang punta namin.
"Chan tulog ka muna, malayo layo pa tayo." nakangiting sabi ko.
Kita ko na inilagay naman niya sa kanyang tainga yung headset ko at saka pumikit.
Agad ko lang kinuha yung phone ko.
Message: Ayos na po ang lahat sir Jaydon, excited na po kami makita yung pandak na sinasabi mo. Ingat po sa byahe.
Agad naman akong nakahinga ng maluwag matapos mabasa yung text mula sa bahay.
Napatingin naman ako sa katabi ko, kay Chan.
Napaka inosente talaga ng dating niya. Hindi ako nagkamali nung nagpapansin ako sakanya sa basketball court, unang araw na nakita ko siya.
Gusto ko bago ako umamin sakanya, gusto ko na makilala niya muna ako. Yung ako. Kung ano ako, at yung mga pinagdaanan ko.
....
"Jap Clark, una na kayo.. gisingin ko lang to." sabi ko sa dalawa at bumaba na nga sila ng kotse.
Pagkababa nila, saglit ko na munang pinagmasdan si Chan.
Nakababa narin ako, si Chan kasi nasa gilid, kaya nasa may labas ako at malaya siyang napagmamasdan mula sa katamtaman na sinag mula sa kalangitan.
Bahagya akong napangiti, yung may pait. Kasi..
"Chan alam mo, kapag siguro hindi mo tinanggap yung nararamdaman ko, mahihirapan ako." bulong ko.
Agad lang akong huminga ng malalim saka ito agarang binuga.
Think positive dapat.
"Jaydon bilis.. para makakain na tayo, gutom na yan si Chan.."
Rinig kong sigaw ni Clark kaya naman agad ko nang ginising si Chan.
"Chaaaaan..." pagbulong ko.
Nilaro-laro ko naman yung ilong niya na agad niyang ikinagising.
"Oh Jaydon.." nasabi niya.
Nakangiti lang ako habang nakatingin sakanya.
"Nandito na tayo. Tara?" paglahad ko pa sa kamay ko.
"Nakatulog pala ako? Gaganda kasi ng tugtog mo eh." ngiti niya, tumango lang ako.
Nakakatuwa yung mukha niya kapag bagong gising. Ang cute lang.
Pagkaabot niya sa kamay ko'y agad na siyang bumaba.
Kita ko na napatigil naman siya nang mapatingin sa may harap.
Nilibot niya pa yung tingin niya, at sa napatingin na nga siya sa akin.
"Nasan tayo?" kunot niya habang nakangiti.
"Chan, I would like you to see the real world of Jaydon Feliciano."
Simpleng sabi ko sabay lahad sa kamay ko tanda ng pakikipagkamay.
Kita ko na nagulat naman siya at dahan-dahang napatingin ulit sa harap, sa bahay namin.
"Naninikal kamay ko." pabirong sabi ko.
"S-sabi na eh, magaling ka mag-english tapos napakalinis mo.. sabi na eh." sabi niya na halatang tuwang-tuwa sa naisip. "Itsura mo palang Jaydon."
Agad naman niyang inabot yung kamay ko.
Nakakagaan ng loob dahil nakikita ko na tuwang-tuwa siya.
"Sabi na eh, yung accent mo eh." pag iling iling pa niya nang magsimula na siyang maglakad.
Sumunod naman ako.
"Kain muna tayo. Mamaya nayang mga kadaldaldalan mo." natatawang sabi ko at agad ko na siyang hinila.
Patakbo ko siyang hinila papasok ng bahay.
......
"Nang oh yung mga alagad mo."
"Oo nga nang, kanina pa nilulusaw si Chan sa mga tingin nila." si Jap at Clark.
Palihim nalang ako natatawa sa nangyayari.
Ang saya. Ang gaan ng atmospera sa hapag. Si Chan abala at tuwang-tuwa sa mga pagkain kaya naman malaya siyang napagmamasdan ng mga katulong naming babae, alagad ni nanang ko. Haha
"Ang puti naman kasi niya sir Jap eh. Talo lang si sir Jaydon."
"Maitim na nga si sir Jaydon eh."
Magsasalita pa sana si Jap nang biglang kaming napatingin kay Chan.
"J-Jaydon tu-tubig.."
Nakuha ko pang matawa, nasamid siya. Haha
"Yan kase. Kaen pa sige lang." pagtawa rin nila Clark.
Agad ko naman siyang inabutan ng tubig, nakangiti lang ako. Tuwang-tuwa talaga ako kay Chan.
"Sir Jaydon alam niya?"
Agad namang nanlaki yung mata ko sa tanong ng isa naming katulong.
"Ang alin po?"
Inosenteng tanong naman ni Chan.
"W-wala Chan." agad namang sabat ni Jap.
Tumingin naman sa akin si Chan. May nagtatanong na tingin.
"May alaga kasi kaming Alien dito Chan eh." pilit na ngiti ko.
Pahamak naman tong alagad ni nanang, haha
Kita ko na naguluhan naman lalo si Chan.
"Pagpasensyahan mo na sila Chan. May mga topak sila." si nanang habang natatawa.
Ang sarap lang sa pakiramdam dahil alam kong pabor na pabor si nanang ko kay Chan para sa akin.
Sana lang, hindi masayang ang lahat.
-----
Point Of View
- C h a n -
"G-grabe talaga Jaydon.. ang gaganda."
Manghang-mangha kong sabi.
Ang ganda dito sa kwarto niya.
Ang daming laruan, na talagang ang sarap tignan.
May mga robots din, nandito si Bumblebee pero walang Optimus. Pero ang gaganda talaga.
May mga action figure din siya ng mga langgam, giant bee, penguin.. basta ang dami.
Sulit ang byahe mula manila hanggang dito sa Cavite. Haha
"Collection eh." rinig kong sabi naman niya.
"Ang galing. Kailan mo pa sila kinolekta?"
Tuwang-tuwa talaga ako sa mga nakikita ko.
Napalingon naman ako kay Jaydon nang hindi siya sumagot.
Nakangiti lang siya habang nakatingin sa akin.
"Hoy tinatanong kita. Kailan ka nagsimulang mangolekta?" ngiti ko rin.
"Actually Chan kami ng kapatid ko nangolekta lahat niyan."
Mas lalo naman akong napangiti.
"Kaya pala may mga ganito pa oh.." patukoy ko sa malilit na kotse pati na mga maliliit na cartoon character.
"Asan siya? Gusto ko siyang makita." sabi ko habang abala sa pagtingin dun sa nangingibabaw na Bumblebee.
"Chan, wala siya eh."
Muli akong napalingon kay Jaydon nang matunugan yung tono niya.
Ang hina bigla ng tono niya, yung parang bagsak bigla.
Napakunot naman ako kasi nakangiti parin siya.
"Ano?" sabi ko nalang at nilapitan siya, nakaupo siya sa higaan niya at nakatingin na nakangiti lang siya sa akin.
"Wala siya? Nasan ba?" tanong ko pa nang matabihan ko siya.
"Wala na yung kapatid ko." simpleng sabi niya.
"Anong wala? Gulo mo naman eh." agad na sabi ko.
"Chan, wala na yung kapatid ko. Nasa taas na, sa langit."
Ewan pero nakuha kong mangilabot sa sinabi niya.
Patay na?
Pero ba't nakangiti parin siya?
"Pasensya na sa itatanong ko pero, b-ba't nakangiti ka?" seryosong tanong ko.
Naguguluhan lang kasi ako.
Hindi ko naman masabi na nagbibiro siya kasi sa tono palang niya alam kong totoo na yung sinabi niya.
"Sabi ko kasi sa kapatid ko hindi na ako iiyak eh." mahinang sabi niya, nakangiti parin siya.
Napatango nalang ako, kita ko yung konting pamumuo ng mga luha niya.
Tanging nagawa ko ay ang tumahimik, alam ko na sa kahit katahimikan lang ay makatutulong ako.
"Pero Chan, a-alam mo.. gabi-gabi umiiyak ako, sabi ko sa sarili ko hindi na ako iiyak.. sabi ko sa kapatid ko na aayusin ko ulit yung sarili ko. Pero ang hirap Chan eh, a-alam mo ba yung pakiramdam ng bago ka matulog hahanapin mo siya, yung kagising mo na hahanapin mo ulit siya.. Tapos yung pagkakain ka na makikita mo na wala siya.. tapos yung.."
Agad ko lang siyang niyakap.
Hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi niya. Hindi ko kaya na nakikita ko siyang umiiyak, ngayon ko lang siya nakitang ganito.
Hindi ako makapagsalita.
Ngayon, mas lalo akong naliwanagan.
Si Kobe, naiintindihan ko na siya. Pag-alis niya, sama ng loob niya kay kuya Seven at pati na yung kinukwento nila Az at Dennis na pag-iyak ni Kobe paminsan-minsan.
Masakit nga. Mahirap.
--
Point Of View
- K o b e -
"Nasan ba si Chan?"
"Oo nga, buti wala siya kasi nandito nanaman sila Joel eh."
Pagbulong nung dalawa nang masundan nila ako sa kwarto ko.
Nasa sala sila Joel, Jorren at Jason. Bonding as usual.
"Bakit ba kasi ayaw mong ipaalam sakanila na may kasama ka dito?"
"Oo nga, kinakahiya mo ba siya?"
Wala sa sarili naman akong napatigil dahil sa tanong ni Az at Dennis.
A-ayaw ko lang naman kasing may masabi sila Jason kay Chan eh.
"Parang hindi niyo alam ugali ng tatlong yan." sabi ko nalang.
Bumalik narin kami sa sala at nakipagkwentuhan na sa tatlo.
Basketball, chicks, party, kaibigan.. iba iba topic namin.
Sa sabado, may party kaming pupuntahan. Special party, isa sa sikat sa school namin ang may birthday party.
Syempre varsity players ng school invited. Medyo sikat kasi yung magbe-birthday eh.
"Alam niyo ba yung isang varsity player ng volleyball bakla pala.."
Agad na sabi ni Jorren kalapit namin sa pwesto sa sala.
"Paano naman?" kunot ni Jason.
"Seriously? Hindi niyo alam? What the.." si Jorren, trying hard sa english as expected.
"Sino ba dun?" natanong ko nalang.
"Yung spiker? Tae kalalaking tao may boyfriend pala." pag-iling iling pa ni Jason.
Saglit naman akong napatigil.
Paano kapag nalaman nilang mahal ko si Chan? na lalaki ang mahal ko? na kasama ko siya dito sa bahay?
Ganun nadin ba tingin nila sa akin? Lalayo ba sila sa akin?
A-ayoko. Ayaw ko!
Ayaw kong mawalan ng kaibigan. Sila kasama ko simula umuwi ako dito sa Manila., sa bahay.. sa labas.. sa school, sila kasama ko.
Ayaw ko silang mawala. Ayaw kong mawalan ng kaibigan.
------
Point Of View
- C h a n -
"Chan ano ba kasi yan?"
Paulit ulit na tanong nila Jap at Clark.
Si Jaydon nasa baba, tumutulong sa paggawa ng hapunan. Kami naman nandito sa kwarto ni Jaydon.
"Sino ba kasi yang tinatawagan mo?"
Nang magtanong sila ulit ay agad ko na nga silang nilapitan.
"Hayaan niyo na. Tara tulong tayo sa baba, kakain na niyan." sabi ko nalang pagkabulsa ko sa phone ko.
Bahala na nga si Kobe.
Sabi niya tawag daw ako kapag gabi, eh hindi naman sumasagot. Puro ring lang.
Nakakainis syempre, kanina pa ako tumatawag eh. Ni text o reply man lang niya wala.
Bahala siya. Nakakawalang gana.
Itutuloy
Ay. Ang ikli. Ay. Haha. Nabitin ako kuyang author. Hu hu hu. Hahaha.
ReplyDelete-yeahitsjm
Super bitin grabe hahaha pero ang ganda kaso mas lamang si Jaydon hindi maari ito!!!!hahaha Team Kobe paren ako. Pero aaminin ko mej na-touchako sa drama scene nila Jaydon grabe kawawa naman pala sya. :(
ReplyDeleteAt naiinis naman ako.kay Kobe dahil hindi nya mapaglaban si Chan at parang kinakahiya nya pa!!! Huy Kobe gising!!!
Thanks mr.author sa update!
-44
Thanks sa update prince payatot... Love yah
ReplyDelete-emo19-
L.q nanaman sila kobe at chan neto... nabitin ako sa moment nila yung nakayakap si chan bat mas mahaba pa din moment nila ni jaydon...at kaano-ano ni jaydon si Kimpoy Feliciano? hahah..author wag masyado mabagal update nawawala kasi yung momentum ..pero so far maganda pa din nakakaexcite pag lumabas na ung update pero sana mahaba para bawi at sulit/worth it pghihintay namin na readers mo :) kelan kaya magkakapart sila kobe at chan kahit bedscene lang joke hahah kudos author prince Godbless
ReplyDelete-Yuwon
mas gusto k si jaydon para kay chan
ReplyDeleteBitin...pewo okay lang...another excitement naman next chapter...worth ung pag hintay q nito....
ReplyDeleteThe best ung story na to...t.c. prince
Jess
Andaya!! Bakit naging panaginip nalang?? Huhu
ReplyDelete#chandon
Marvs
tago pa more.. grabe si kobe. pero alam ko iintindihin pa din yan ni chan. Hayyy.. iksi ng chapter na to.
ReplyDeleteyung feeling na "CHANDON'' moments na naman ang pinaka highlights ng story 😊😊
ReplyDeleteyieehhh emeged.
Hai naku kobe d dapat ikinakahiya ang ang taong nagpapaligaya sa atin jejejjeje
ReplyDeleteSaka yaan mo yang triple j mong kaibigan kong di kanila tanggap anjan nanm sila az na tanggap di baling kautin ang maituturin kaibigan at totoo at walang iwanan kahitvanu mangyari...😊😊😊😊😊
Shai
sa update na ito may puntos si jaydon dito.. c kobe nko jan nag sisimula nag down side nya inu una ang sasabihin nang ibang tao... tsk2x mukhang shaky sila kobe at chan... kai jaydon nlng ako kasi solid may pinag lalaban pinapasaya si chan,,,
ReplyDeleteKakuyad na. Makabitin aha. Still mkakikig.
ReplyDeleteAz
Ayy ang ikli hehehe
ReplyDelete...thanks for this kuya author
jiimjim
ayyyy nako lage na lang bitin ang kamo mo pa maikli .. author naman ee 😑😑😑
ReplyDeleteByTheWay ang ganda talaga ng story na to hindi boring HAHAHA osiya update agad nakaka inix ee HAHAHA de jk.
-kael
ayyyy nako lage na lang bitin ang kamo mo pa maikli .. author naman ee 😑😑😑
ReplyDeleteByTheWay ang ganda talaga ng story na to hindi boring HAHAHA osiya update agad nakaka inix ee HAHAHA de jk.
-kael
So ibig sabihin, ang pinakaconflict sa tambalang Kobe at Chan ay yung sasabihin ng mga kaibigan ni Kobe?? Buti pa si Jaydon, proud. Ay nako. Ayaw ko na kay Kobe. Kay Jaydon na lang ako (balimbing lang. Haha)
ReplyDeleteAkala ko papatayin mo na si kobe.. Eh... !! Hmmfftt subukan mo lang.. Kainis ka..😤😤 please wag mo sya patayin c jaydon nalang.. - dave
ReplyDeleteAng ikli na nga ng chapter ang tagal pa ng update... haisst...
ReplyDeleted na nasunduan yan hirap eh gagawa gawa ng story tas hnd itutuloy
ReplyDeleteKuya Author ano Name mo sa FB? Hahaha.. Crush kita eh <3 -JaehwanRaven ^_^
ReplyDeleteAmy update?
ReplyDeletewalang 15? cant find it kc..
ReplyDeleteAng tagal naman mg part15
ReplyDeleteWala pa din ba? Hahaha
ReplyDeleteGuys I am coming! Soon :)
ReplyDelete- Prince Justin
Update please :3
ReplyDeleteKua prince justin kilan update nito ang tagal mo di nag paramdam miss ko na ung story mo eh sana masundan to pls pls pls luv u je je.........juss
ReplyDeleteKua prince miss na kita bt wala pa po update pls po update ka na miss ko na tong story mo.....juss
ReplyDeleteAng tagal ng walang update nito mr.Author kelan mo balak sundan hehe binasa ko na ulit mula simula eh..
ReplyDelete-44
hi guys..., ! parang di makokompleto buhay ko kung di na ma uupdate ang novel na to.., nanlumo ako ng makita ko kung gano na katagal..., anyway sa author salamat sa pag share ng isang ito...,
ReplyDeletehi guys..., salamat..,
ReplyDeletehi guys..., ! parang di makokompleto buhay ko kung di na ma uupdate ang novel na to.., nanlumo ako ng makita ko kung gano na katagal..., anyway sa author salamat sa pag share ng isang ito...,
ReplyDeleteWala n ba to????? Gosh!!!!! Buti nlng OK ung last 2 chapters...
ReplyDeleteIsa nanaman bang author dito sa MSOB ang hindi tatapusin ang kwento... Plsss lng
ReplyDelete