Author’s Note
And yeah! Im back! Haha!
Uunahan ko na kayo. Masakit. Sobrang sakit ng chapter na ito. Hahaha!
First of all, thank you
sir mike and sir allan para sa opportunity na ipinagkaloob nyo po sa akin at sa
mga co - RA’S ko. Kahit na baguhan pa lang ako ay nagtiwala na kayo sa akin.
Second, a big thanks sa
lahat ng readers ko mapa silent man o loud. Having 14 comments on chapter 16 is
a big deal for me. Mas ginaganahan po talaga ako kapag nalalaman ko yung
saloobin nyo about sa story ko.
Third, got a life
achievement bruhs! Haha! Na reach ko lang naman yung 1k views ng story ko LOL.
Salamat sa mga readers ko. Without you guys, hindi maiimprove yung story ko,
honestly sobrang ikli ng story na to before as in sobra, kumbaga parang
minadali. Dahil wala naman akong alam sa ganito.. But with the help of my co
-RA’s at sa comments nyo, naimprove ko sya ng sobra kahit lagi kayong
nabibitin. And for sure mabibitin nanaman kayo sa chapter na ito.
Pwede nyo na nga akong
bansagang
“ MR. MAMBIBITIN or more accurate
MR. PAASA haha! Lagi ko na lang kayong binibigo na pahabin pa yung story haha!
Pasensya na talaga.
So sabi nila sa isang
story, hindi pwedeng mawala ang isang malaking problema. At sa story ko? Hindi
ko alam kung malaking problema nga ito. Haha! Kayo na ang humusga.
So here’s your chapter
17. Hope you enjoy bruhs
Usap tayo sa FB. At sa
mga gustong makita ang pag mumukha ng author nyo haha!
Chapter 17
Axel’s
POV
“ tahan na, sabi ko naman
sa’yo eh, masasaktan ka lang,axel itigl mo na ‘to okay? I want you to
experience happiness ng hindi pilit at scripted okay? Kaya sana tulungan mo ang
sarili mo, isang tao lang yun, marami pang iba dyan na pwede mong mahalin and
for sure mahalin ka rin pabalik.” ang panunuyo ni zandro.
Ganito pala kasakit
maranasan na hindi ka kayang ipakilala ng taong mahal mo na mahal ka rin nya,
or it was just a play na hindi ko alam, should I listen to his side o
papaniwalaan ko na ng lubusan ang sinabi ni zandro?
Sabi nila, ang pag ibig
ay parang ulan, if there’s a rain there’s a rainbow, maaaring nasaktan ka
ngayon pero darating ang rainbow na magbibigay kulay muli sa ating buhay.
Maaaring nasaktan ka pero hindi pang permanente, you know nothing is permanent
in this world but change. Lahat nag babago. Lahat nag iiba, at higit sa lahat,
hindi lahat ng nakikita mo eh tama sa paningin ng iba.
Kailangan ko bang malaman
ang paliwanag nya o hahayaan ko na lang? Mahirap makipagkumpetensya sa iba lalo
na’t isang hamak na bading lang ako. Ano nga bang palag ko? For all these days,
lalaki pa rin si Dave. At natural na babae at babae pa rin ang nararapat sa
kanya.
“ zandro, tama ka,
ititigil ko na ang kahibangan ko, siguro kailangan ko na ring maging bukas sa
panibagong pinto na darating para sa akin”
“ tama. Marami pang iba
dyan”
Nandito kami ngayon sa
isang secret garden na matatawag kumbaga sa loob ng campus. Mag gagabi na rin
kaya kaunti na lang ang mga studyanteng pumupunta.
Nagmumuni muni ako at si
zandro ng biglang dumating ang hindi ko inaasahang tao sa ganitong sitwasyon
“ Axel”. Si Dave
“ ano bang ginagawa mo
dito?! Ang kapal naman ng pagmumukha mo para sundan pa yung bestfriend ko
pagkatapos mong ipamukha sa lahat na mag to 2 months na kayo nung jhen na’yon?!
The nerve dave! Umalis ka na. Please lang” ang pagharang ni zandro.
“ no please, i need to
talk to him, i just want to clarify things” ang pag pupumilit ni dave
“ sige na zandro maiwan
mo muna kami”
“ what?! Axel?! Jusko.
Bahala ka dyan!” ang pag walk out ni Zandro.
“ H-hi Dave,” pilit na
ngiti ko at pagpipigil sa bumabadyang mga luha sa aking mata
“ Axel, hindi ko naman
intensyon kanina na sabihin yung mga bagay na yun, it’s just that, naipit ako
sa sitwasyon at hindi ko alam kung paano ko sya lulutusan” ang pagsusumamo niya
kasabay ng mga luhang dumadaloy sa pisngi nya
“ Dave, naiintindihan ko,
naiintindihan ko lahat”
“ please give me another
chance Axel, mahal kita, please”
Kailangan ko bang
magbigay ng second chances? Sino ba naman ako para hindi diba? Sabi ko nga,
after this day, ako pa rin ang mag bebenefit o mag sa suffer sa gagawing kong
ito.
“ si-sige dave”
Hindi ko na sya narinig
pang magsalita bagkus isang mahigpit na yakap ang aking natanggap. Sobrang
higpit.halos hindi na ako makahingaa
“ a-ah dave, hindi na ako
makahinga”
“ ah eh pasensya na Axel,
ayoko lang mawala ka sa akin, ayaw ko”
“ ganoon din ako Dave”
Bago matapos ang araw na
ito napagpsyahan ko ng bigyan pa ng pagkakataon si Dave, tao lang rin sya na
gaya ko, nagkakamali din. Maaaring may mas malalim pang dahilan pero alam kong
parehas namin itong masosolusyunan.
---
Nandito ako ngayon sa
rooftop namin kasama si Zandro, and yes, sinabi ko rin s akanya ang desisyon
ko. And what do we expect? Galit nanaman sya
“ mygod Axel! Harap
hrapan ka ng niloloko nung tao tapos pinagbigyan mo pa?”
“ naipit lang sya sa
sitwasyon zandro”
“ look, sabihin na nating
mahal mo talaga sya, pero sya? Gaano ka nakakasiguradong mahal ka nya talaga?”
“ Zandro nararamdaman ko
yun, maaaring hindi nyo nakikita pero ramdam na ramdam kong mahal nya rin ako”
“ axel imulat mo yang
mata mo. Masyado ka ng nabubulag ng dahil lang sa pag mamahal mo sa kanya, you
see? Ni wala ka ng masyadong time sa amin ng mga tropa mo, kung hindi ka nasa
studio, kasama mo sya, look at you, ni hindi na iakw yung axel na kilalang
kilala ko simulat damit hanggang kaloob looban.”
Hindi ko na napigilan pa
ang sarili ko na bumuhos ang mga luha ko sa mga sinabi nya.
Tama naman sya eh, hindi
ko na pala masyadong napapansin yung presence ng tropa, dahil masyado akong
naging busy.
“ Zandro, sorry, sorry
kung yun yung nakikita nyo, sorry kung feeling nyo initsapwera ko na kayo lalo
na ikaw, hindi naman yun ang intensyon ko e, sorry zandro babawi ako”
Niyakap nya lang ako
tanda ng pag iintindi nya sa akin
“ no, don’t say that,
diba nga sabi ko kapatid kita sa ibang nanay? Maski anong desisyon mo,
maiintindihan ko, it’s just that, ang gusto ko lang, ibalanse mo ang mga bagay
bagay, kung mahal mo talaga sya, turuan mo rin ang sarili mo na mahalin yang
pagkatao mo. Sa isang relation kailangan give and take diba? Wag kang bigay
lang ng bigay, matuto kang magtira para sa sarili mo, para kapag dumating yug
panahon na masaktan ka, may natitirang lakas pa rin dyan sa sarili mo, lagi
naman kaming nandito eh, diba nga sabi ko sayo, kahit anong maging desisyon mo,
nakaagapay palagi ako.”
Masarap talagang
magkaroon ng kaibigan na maiintindihan ka sa lahat ng bagay, maaaring magkaiba
kayo ng personalidad pero mag ki click at mag ki click pa rin talaga kayo, sabi
nila sa pag ibig opposite do attracts, pero para sa akin? Hindi lang sa pag
ibig yun, kundi sa lahat ng bagay, bagay na tulad ng mayroon kami ni zandro.
Masarap sa pakiramdam na
may sumusuporta sa iyo aside from your family, mga taong nakilala mo lang na
naging isang malaking parte na ng iyong buhay.
Kaya ako? Habang buhay
kong pasasalamatan na mayroong isang zandro sa buhay ko
“ zandro salamat ah? Kasi
lagi kang nandyan para sakin, sa lahat ng desisyon ko, nakasuporta ka palagi”
“ jusko ko naman mars!
Ngayon pa mag dadramahan? Naka make up ako oh? No more dramas chura neto. Pero
may isa sana akong hiling eh”
“ nako mukhang alam ko na
yan sige go”
“ pwede bang, pwede bang
akin na lang si Elijah? Tutal ayaw mo naman sa kanya hahaha!”
“ malandi ka talaga,
haliparot!”
Ganito kami, simpleng
usapan lang masaya na kami, hindi namin kailangan ng mga materyal na bagay para
makapag pasaya sa amin, simpleng kamustahan lang ay sapat na.
Dave’s
POV
Laking pasasalamat ko
dahil tinanggap pa rin ako ng taong mahal ko, hindi ko alam kung anong gagawin
kapag iniwan nya ako. At ayokong mangyari iyon.
Makalipas ang ilang araw
ng pag uusap at pag bibigay nya sa akin ng pangalawang pagkakataon ngayon
malapit na ang second monthsary namin ni axel, and this time, ako na ang gagawa
ng effort. Humingi ako ng tulong sa tropa ko at sa trop a ni axel.
Naging mahirap ang
pakikipag usap ko lalong lalo na kay zandro, alam ko kung gaano kaimportante sa
kanya si Axel dahil kapatid na ang turing nya rito. Pero laking pasasalamat ko
pa rin na handa syang tumulong para sa kaibigan nya
At sa tropa ko? Since
alam na ni Ino, si Mark at Ian na lang ang kinausap ko, walang humpay ang asar
nila sa akin pero salamat pa rin dahil tinanggap pa rin nila ako.
mabuti na lang talaga at tinaggap nila ako
kahit pinagtawanan nila ako ng sobra.
Si jhen? Wala akong
balita sa kanya matapos ang nangyari, sana uli na yun at wala ng mas masamang
mangyayari pa.
At ngayon?
Nakaready na ang lahat,
aantayin ko na lang ang kinabukasan para maipadama ko ang pagmamahal ko kay
axel.
Naniniwala akong hindi pa
huli, at handa akong punan lahat ng pagkukulang ko sa kanya
Jhen’s
POV
Kung inaakala nyo
magiging happy ending kayo, ending lang, walang happy. Naka ready na ang lahat
at nandito ako ngayong gabi sa school habang mano manong idinidikit ang alas ko
Humanda ka axel, mang
aagaw kang bakla ka.
Dave’s
POV
Nakaready na ang lahat,
nakontsaba ko na rin ang mga tropa ni axel, ayaw man nila nung una pero
nakiusap pa rin ako. Isa na lang ang hinihintay
Ang taong mahal ko.
“ guys salamat ha?
Pagkatapos ng lahat ng pag amin ko, kahit nasampal ako ni zandro nandyan pa rin
kayo, hayaan nyo, nangangako ako sa inyo na mamahalin ko sya ng buong buhay ko”
“ aba dapat lang no?
Dahil hindi lang sampal ang aabutin mo sa akin pag nagkataon” pang aalaska ni
zandro.
At alam nyo bang mukhang
nag kakamabutihan si Zandro at Ian? So ano author? Sila na ba ang gagawan mo ng
next na story mo? Hahaha
( sorry pero hindi, last
na ‘to LOL- author)
Axel’s
POV
Sandamakmak ang text sa
akin ng mga trop na puro
- Im so happy for you
axel-
Nagtataka man ako pero
hinayaan ko na lang, anong meron? At ngayon nandito na ako sa school ng mag isa
dahil iniwan ako ni zandro. Maaga daw pumasok, ano nanaman kaya
pinagkakaabalahan non. Nako ha.
Agad lang akong pumasok
ng school dahil okay naman na ako nagtataka ako kung bakit pinagtitinginan ako
ng tao na wari’y diring diri sila sa akin
“ sya yun diba? Yuck
kadiri, napakababoy nya salot!”
Hindi ko alam mga
pinagsasabi nila hanggang mapadako ako sa kumpulan ng mga tao
“ oh! Tumabi kayo dyan,
nandito na ang kadiring bakla!” sigaw ng isang estudyante
Agad naman silang
nagsilayuan para makita ko ng lubusan ang napaskil sa bulletin board.
No. This can’t be.
Maluha luha kong
tinanggal ang nakalagay sa bulletin board habang pinagtatawanan at binabato ng
mga papel ng mga taong naroon.
Kailan at saan ito
nangyari?
Pagkatapos kong alisin
ang mga nakadikit sa bulletin board, agad lang akong tumako sa isang lugar na
onti lang ang pumupunta. Ang secret garden ng school.
Sinong may gawa nito?
Habang papunta ako sa garden walang humpay ang pag tulo ng mga luha ko kasabay
ng pagbubulungan ng mga taong nakakasalubong ko.
Dave’s
POV
Nandito kami ngayon sa
field nag aantay kay axel. Bakit ang tagal nya? Anong oras na ah?
“ grabe talaga kadiri sya
no? Axel daw pangalan eh, part din sya ng Dance troupe ng school, mygad the
nerves ha.” saad ng isang babae
“uhhm excuse me miss?
Anong meron dun sa axel?” taka kong tanong
“ nako hindi nyo ba alam?
Eto oh” sabay labas ng isang papel
Para akong binuhusan ng
malamig na tubig sa nakita ko.
Para akong estatwa na
hindi makagalaw sa kinatatayuan ko.
TANGINA. DI PWEDE TO! AKO
LANG NAKAKAALAM NITO!
*
flashback*
Niyaya ko si axel sa
party ni adrian, dito ko binalak gawin ang plano ko
Pilit kong nilasing si
axel kahit alam kong hindi sya umiinom
Ng dumating ang oras na
lahat bagsak na, ginawa ko na ang plano ko. Sakto bagsak na silang lahat. Kita
mo nga naman ang swerte oh. Nasa gitna si axel ni adrian at ian sa may bandang
baba
Inilabas ko ang ari ni
adrian at ian at inilagay ko ang kamay ni axel sa mga ari ng dalawa kong
kaibigan
3
2
1
Click!
Eto ang malupet kong
panama. Agad ko lang inedit ito para takpan ang mukha ng dalawa kong kaibigan
para mafocus kay axel ang picture
*end of
flashback*
Imposible. Binura ko
na’to sa phone ko dahil ayaw ko ng ituloy to? Pano naganito ulit to? Hindi
pwede!
“ nasan sya?!” gigil kong
tanong sa babae
“ aray masakit! Bitawan
mo ako! Hindi ko alam!” sigaw ng babae
Agad naman akong nag isip
kung saan sya pwedeng pumunta
“ Dave, alam ko kung
nasan sya, isa lang ang pinupuntahan ni Axel kapag gusto nyang mapag isa, sa
garden sa likod ng MAD” saad ni zandro.
Jhen’s
POV
Mabuti na lang talaga at
naibluetooth ko yung picture na yun hahaha! Akala nyo papatalo ako no?
Sinabi ko naman sa inyo
na kapag akin, akin lang, at ayokong may umaagaw dahil hindi nyo alam ang pwede
kong gawin.
Agad ko lang sinundan si
Axel habang pinagtatawanan ng ibang estudyante.
Sorry axel, pero akin
lang si Dave
Axel’s
POV
Nandito ako ngayon sa
garden habang hawak hawak lahat ng pinagtatanggal ko kanina,
Sobrang sakit isiping
gawin sa’yo ang mga bagay na ganito ng wala kang kalaban laban. Sobrang sakit
isipin na maaaring kilala ko ng lubusn
ang taong gumawa nito sa akin.
“ so, kumusta? Ayos ba?
Sikat ka na Baklang hitad” saad ng isang babae. Agad ko lang syang hinarap sa
di inaasang pangyayari, siya ang may kagagawan nito?
Jhen?!
“ jhen?! Ano bang nagawa
ko sayo? Bakit mo ginagawa ang mga bagay na ito?”
Himbis na sagutin nya
ako, isang malakas na sampal ang inabot ko,
“ para yan sa pagiging
ambisyoso mo”
Isang sampal nanaman ang
inabot ko
“ at para yan sa pang
aagaw kay dave, pinagpustahan ka lang axel, at yung mga ginagawa nya sa’yo na
parang boyfriend ka na nyang maituturing? Planado lahat yun, pinag pustahan ka lang nila Ino katumbas ng isang kotse, kaya wag kang
umasa na mamahalin ka ng isang Dave sandoval! Look at you? Anong panama mo sa
akin? Tandaan mo, babae ako at binabae ka lang, walang mapapala sa’yo si Dave
kung mamahalin ka nya, kaya itigil mo na yang kahibangan mo! ”
expected ko na kung kagagawan ito ni Dave pero hindi ko akalaing ang itinuring kong kuya ay kasama rin pala at sya pa ang puno't dulo ng lahat.
“jhen, wala akong inagaw,
wala akong inangkin at higit sa lahat hindi ako nag ambisyon,
Jhen alam mo kung ano ang
masakit? Yun yung feeling na pandirihan ka ng taong mahal mo, napakasakit
malaman na kahit pakikipagkaibigan lang hindi nya kayang ibigay. Alam mo kung
anong mas masakit? Yun yung iparamdam sayo ng taong mahal mo na para kang may
ipedemya para layuan ka nito, jhen, sobrang sakit alam mo ba iyon? Ni simpleng
hawak ng kamay hindi nya magawa. Jhen ano bang nagawa ko ba’t mo ko ginanito? “
“ inaagaw mo sa akin si
dave ! “ mangiyak ngiyak nitong sabi
“ jhen wala akong inagaw,
at yung pustahan na sinasabi mo? Oo alam ko na yun matagal na, pero
nagbulagbulagan lang ako, hindi naman kayo ang niloloko ko eh, sarili ko jhen.
Pilit kong pinaniwala sarili ko na baka kahit paaano pakikipagkaibigan lang
maibigay man lang sana ni dave, umaasa ako na balang araw maisip ni dave na tao
rin ako. At yang picture na yan? Kung yan ang ikasasaya mo sige pagbibigyan ko
kayo, isa lang kasi ang gusto ko, ang pasayahin sya kahit nasasaktan na ako,
jhen yun lang. masira man pangalan ko huwag lang sya. Simula high school
minahal ko na sya but i never get the chance to tell this fucking feelings to
him. Why? Kasi alam kong walang pag asa. Jhen wala akong inangkin, daahil all
this time isa lang ang ginawa ko, gaguhin ang sarili ko maparamdam ko lang sa
taong mahal ko na nandito ako.” hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak
“ wag ka mag alala jhen,
simula ngayon lulubayan ko na kayo, tama na siguro ang ilang buwan para gaguhin
ko ang sarili ko, siguro this time kelangan ko ng matutunang mahalin ang sarili
ko.
Pagkatalikod na
pagkatalikod ko, nakita ko ang imaheng matagal kong pinangarap
Ang taong itinuring akong
hayop pero kahit ganoon pa man minahal ko pa rin
Ang taong niloko ako at
binaboy
Ang taong ipinamukha sa
akin na mahal nya ako pero isang pustahan lang pala
Ayun di dave nakayuko at
tila umiiyak
Dave’s
POV
Narinig ko lahat.
Lahat lahat.
Sising sisi ako sa nangyari, napakagago ko,
bakit ngayon ko lang naisip to? Walang ginawa yung tao para pahirapan ko ng
ganito. Pero anong ginawa ko? Binaboy ko sya at niyurakan ang pagkatao.
“ uy dave! Nandyan ka
pala! Pasensya na ah napiyak ko ata yung girfriend mo” pilit na pag ngiti sa
akin ni axel
“ axel let me explain
please” umiiyak kong sabi
“ nako dave wag ka ng
umiyak ano ka ba. Okay na yun, tanggap ko na lahat dave. Natutunan ko na may
mga bagay talagang di pwedeng ipilit, kahit gusto mo man, hinding hindi pwede
mangyari.” piit na ngiti nyang ulit sabi
“ please axel please”
“ pasensya na dave ha?
Sinubukan ko lang naman laruin din yung laro mo eh, umasa lang naman ako na
manalo kahit papaano, kaso wala eh talo talaga ako. Pasensya na kung di ko na
kayang makipaglaro dave ha? Tao rin kasi ako, may damdamin at higit sa lahat
nasasaktan, alam ko kung gano mo ko kamuhian dave, wag ka mag alala, pag tapos
ng araw na’to hindi ko na kayo
guguluhin. The game is over dave.”
Agad ko lang syang
niyakap para pigilan umalis
“dave pakihigpitan
please? Para sana sa huling pagkakataon maramdaman ko ulit yung yakap mo”
Niyakap ko sya ng
mahigpit habang umiiyak ayoko syang pakawalan, ayoko syang lumayo ng basta
basta. Walang salita ang gustong lumabas sa bibig ko. Tanging luha lang ang
nagmimistulang mga letra ang gusto kong ipahayag.
“ dave sige na, tama na,
ayoko ng makigulo sa buhay nyo ng girlfriend mo, please dave”
Pagkatapos nyang sabihin
iyon, pilit syang kumawala sa yakap ko at dali daling lumabas sa loob ng room.
Wala na akong nagawa
kundi ang mapaluhod at umiyak ng umiyak
Wala na.
Wala na ang taong walang
ginawa kundi ang mahalin ako
Eto na ba ang parusa ko
sa lahat ng ginawa ko sa kanya?
Kung kelan tinggap ko sa
sarili ko na mahal ko na sya tsaka pa mangyayari ang lahat ng ito?
Axel’s
POV
Pag lagpas ko sa kanila lang dalawa agad
ko lang nakita ang tropa kasama ang tropa ni dave.
Awa
Yan ang nakita ko sa mga
mata nila. Lalapit sana si Zandro pero pinigilan ko sya at sinabing okay lang
ako
Mabuti at hindi na nila
ako kinulit pa
Patakbo kong tinungo ang
field par mapag isa kahit na pinagtitinginan ako ng ibang tao.
Nandito ako ngayon sa
field nakaupo,at taimtim na umiiyak, at
mukhang nakikiramdam ang panahon sa akin at biglang umulan
At dito ko na tuluyang
ibinuhos lahat ng sakit na naramdaman ko
Ano bang nagawa ko?
Mahirap bang pakisamahan ang tulad ko? Ganito ba kahhinatnan ng mg tulad ko?
Ang pandirihan at kamuhian? Siguro nga.
Wala ng lumabas sa bibig
ko, pagod na pagod na ako, pagod na akong pahirpan pa ang sarili ko sa mga
bagay na hindi ko naman lubusang maramdaan. hinayaan ko lang na pumatak ang mga
butil ng ulan hanggang sa magdilim ang ang paligid.
BITIN NA NMAN? MR PAASA este Mr Author paahabain mo nman XD :( huhu
ReplyDeleteBOOK 2 PLEASE!! BOOK 2
Grabe ang sakit sa puso feel na feel ko kawawa naman si Axel dahil sa put/%*#+ Jhen na yan. Ano na kayang mangyayare kay Axel :'( sana maging maayos din siya. At paano na kaya si Dave kung kelan mahal na mahal nya na si Axel saka to lumayo sa kanya hayy buhay :'(
ReplyDeleteAng sakit sakit talga haha!!! Thanks mr.author!!
-44
ano bayan .. bitin nanaman author ?? ang ikli huh super .. hmmmm pero ang ganda talaga ng story to alam mo yung feeling na nakaka relate ka kase naranasan mo na ding masaktan .. hay naki napapahugot ako HAHAHA osya update agad hanehhh ..
ReplyDelete-kael
Whooo. I can feel you axel. Nxt chap.agad plit. Ehe
ReplyDeleteKawawa naman si Axel. Bakit ganun? Wala man lang ginawa si Dave. Anyway may tiwala pa din ako sa Author. Thank you sa update.
ReplyDelete-tyler
Ang sakit sobra.... Ramdam ko tagos na tagos .... Pero alam ko may malaki pagbabago--- devon
ReplyDeleteAng sakit sobra.... Ramdam ko tagos na tagos .... Pero alam ko may malaki pagbabago--- devon
ReplyDeleteHu hu ang sakit sakit bakit?....hugot pa more ha ha naiyak ako sa story na to ang ganda ang lupit next na pls....wawa nman si axel piro ok na din un para di na masyadong masaktan cia.alam sa next update mag hahabol na sa kanya si dave un nga lang paalis na si axel je je nice story po update pa more....
ReplyDeleteJuss
Very sad episode.....Talagang bitin. Pls Mr Author, dalian lang ang update ha? Take care.
ReplyDeleteSobrang lungkot ... 😢😢😢😢😢😢
ReplyDeleteNext please!
ReplyDeletenext update pls author.. :)
ReplyDeletesiguro ang next yung pupunta na ng ibang bansa si Axel para dun sa school activity nya at mamimiss sya ng tuluyan ni Dave. kasi di alam ni Dave na umalis na si Axel :)
ReplyDeleteKawawa namn si axel sa ginawa ni jhen at nagaglit siya sa laht pati ky ino.......
ReplyDeleteDave you must make a move to win back axel
Jharz
himala at di mo ako siniraan sa mga READERS mo ngayon? lol. hahahaha. UPDATE NA, BILIS! kupad. :D
ReplyDeleteTagal naman ng update mo author
ReplyDelete