Author's Note
so after of so many days, nandito nanaman ako. HAHAHA pasensya na napahayahay nung bakasyon eh medyo napasarap haha! anyways, first of all thanks sir mike and sir allan sa opportunity po. :) thank you rin sa mga readers ko na natutuwa DAW haha sa first ever story ko,
pasensya na sa lahat ng naiinis sa pagkatao ni axel, ewan ko ba dyan tanga tanga nakakairita haha! well pasensya na rin kung lagi kayong nabibitin, honestly, hindi ko na kasi alam kung pano ko pa sya pahahabain haha, and i guess 2 to 3 chapters na lang ata matatapos na yung story ko, pero kapag nakaisip pa ako ng pwedeng ipasok sige lang pero syempre related dun sa story haha! pero as of now pag pasensyahan nyo muna itong chapter na to kasi kakauwi ko lang kanina haha!
di ko napapahabain pa yung author's note kasi di naman ako propesyunal haha! tsaka nakikiramay pa kami kay joseph, paking teyp aksi nung hayup na tatay na nya eh #RIPTitaMyrna
so here's your chapter 13. lame po ito kaya pasensya na pinilit ko lang makapag update eh hehe. pasensya na po talaga.
Chapter 13
Dave’s POV
As we go on our way, pasulyap sulyap kong tinitignan si Axel habang kinakausap sya ni Jhen.
Hindi ko alam pero para kong nanlumo ng makita ko ang patak ng luha nya habang nakatingin sa bintana ng kotse ko. Para akong ewan na gustong humingi ng patawad sa kanya pero parang ang hirap gawin. I dunno, pero this past few days madalas kaming magkasama ni Axel. Andyan yung pinapapunta ko sya sa bahay para lang pag linisin ng gamit ko o kaya naman eh gawin yung mga assignments ko habang ako eh kunyaring busy dn sa ibang bagay habang nasa loob ng kwarto at nakalock but honestly eh nag bbrowse lang ako sa internet.
Simula ng mag kausap kami nila mama at papa, parang unti unting bumabalik ang dating Dae na kilala ng lahat, yung masayahin, yung palaging concern sa lahat ng bagay, pero kapag naiisip at nakakakita ako ng mga bakla, bumabalik ang galit ko at nanggagalaiti talaga ako.
Flashback
“ anak, may itatanong ako sa’yo” ang panimula ni papa habang kumakain kami.
Nandito ako ngayon sa bahay namin dahil namimiss na daw ako nila. NAKNG HAHA!
So pumayag ako dahil namimiss ko na rin sila, nawala na ang lahat ng galit ko sa kanila.
Sa buhay, hindi natin maiiwasan magtanim ng galit sa ibang bagay mapapamilya man o sino man, tao lang tayo kaya nakakagawa tayo ng mga bagay na akala natin ay makakabuti par sa atin pero in the end, tayo rin pala ang mag sasuffer. At sa buhay ko? Natutunan ko na huwag mag base sa isang karanasan para i overgeneralize ang lahat ng bagay, and as of now, unti unti kong nakikita yung bunga ng pinag gagagawa ko. At sa ngayon, pamilya muna ang uunahin kong ayusin.
“ ano yun pa?” di ko alam pero pag ganyan si papa, eh kinakabahan talaga ako ng todo. Haha!
“ nakita daw ng kuya mo na may pumasok na lalaki dun sa condo mo? At anak daw yun ng mga De Los Reyes?” tama ba?”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni papa. Pano ko nga ba ipapaliwanag? Sasbaihin ko ba na kinakawawa ko yung taong yun? Eh yung mga magulang nun ang isa sa pinakamalaking SH ng company namin, pano kung malaman nila edi yari ako? Shit! Ano ba? Hoy utak gumana ka naman!!
“ aahh, ee-eh p-pa, kaibigan ko po yun, si Axel” ang nangangatob kong sabi
“ ah ganon ba? Mabuti naman, mabait na pamilya ang De Los Reyes, kaya sana mahawaan ka ng kabaitan nung anak nila” ang malokong sabi ni papa
“ PAPA NAMAN EH!”
Hanggang sa natapos ang simpleng katuwaan namin at agad rin akong umuwi dahil nasa condo ko si Axel para gawin nya yung assignments ko, kanina pa yun nandun for sure.
Kumain na kaya yun?
Teka teka, ba’t ko ba naiisip yun? Arrggghh!!!
Ng makarating ako sa condo, nakita ko lang si axel ng nakasando at boxer shorts habang hawak yung map, at mukhang nag lilinis.
O.O
Lalaki ba talaga to? Ba’t katawan ng babae?
Shit? Parang mas makinis pa to kay jhen ah?!
Teka teka ano ba tong naiisip ko uuuggghhh!!!
“ ay Dave nandyan ka na pala, pasensya na kung ganito ayos ko, nilinis ko kasi yung lugar mo, me-edyo mag-magulo kasi eh “ ang nahihiya nyang sabi habang namumula.
Bakit ganon?! Fuck!
“ ah hindi ayos lang,”
“ ah yung assignments mo nga pala okay na yung isang subject na lang sa stat yung hindi pa, hayaan mo tatapysin ko ang to at gagawin ko na rin yun” wow! Sobrang sipag!
“ a te-tek-teka, ku-kumain ka na ba?” shiiizzz... This is so very unusual! Hayaan mo na, wala naman syang ginagawang masama, SA NGAYON E.
“ ah, e-eh ano ,hi-hindi pa eh” saay kamot nya ng batok.
Fuck! Ang puti ng armpit! Is he trying to seduce me?!
Naaah!!!! Not gonna let that happen.
“ eto oh may spaghetti, luto ni mama, kainin mo na, busog pa ako eh”
“ si-sigurado ka?” ang nahihiya nanaman nyang sabi. Shit! Ganon ba to ka cute kapag nahihiya?!
“ oo, sige pahinga muna ko”
Hanggang sa makarating ako ng kwarto ay agad lang din akong nagpalit ng damit at natulog.
Tae, 9 pm na?! Ang haba naman ng tulog ko.
Agad lang akong bumangon para magtimpla ng juice, para kong uhaw na uhaw.
Teka?
Ba’t andilim? Tsaka parang bukas yung lampshade ko, pero ba’t nasa kusina?
Agad kong tinungo ang kusina ng hindi inaasahang makita si Axel.
Natutulog habang nakapatong ang ulo sa notebook ko at may hawak pa ring ballpen.
Ano Dave? Hindi ka pa rin b maaawa sa tao? Akala ko ba nagbabago ka na? Eh bakit hindi mo magawang tratuhin ng maayos si Axel, wala naman syang ginagawa sayo ah?
Konsensya 2: tandaan mo kung anong ginawa ng tulad nyan sa’yo, sinasamantala lang nyan yung pagkakataon para tumagal pa dito sa condo mo
Konsensya 1: wag mong ilahat dave, gaya nga ng sabi mo diba? Wag mag overgeneralize ng dahil lang sa isang karanasan. Pwede mo namang tratuhin si axel ng maayos eh.
AARRGHHHH!!! Ano ba ‘tong mga to?!
Kumuha lang ako ng isa pang upuan para tabihan ang natutulog na cute na’to
What the fuck did I say?! I mean si axel!
Axel yun readers okay? AXEL!
Tae, andami pala ng assignments ko natapos nya tong lahat? Wow as in wow! Sabagay, magiging valedictorian ba ‘to kung hindi masipag?
Nakita ko lang yung libro kong stat na nasa ulunan nya, dahandahan ko naman itong kinuha pati ang notebook ko at habang tinitignan ko yung mga sagot nya.
HAHAHAHHAHAA! Mali mali ata tong ginagawa ni axel! Hahahaha!
“ hahahahahahhahahahahha!” di ko na nakayanan at nag burst out na sa kakatawa
Shit! Napalakas ata yung tawa ko, haha! Tae grabe naman kasi basic na stat lang di nya pa makuha hahaha!
Napalakas nga. Nagising ata si Axel.
Nakita ko lang syang nag unat habang nakataas yung mga kamay, hanggang sa umangat ng kaunti yung sando nya.
O.O
No. No. No. Dave namamalikmata ka lang.
Oo tama, namamalikmata lang ako. Fuck?! Ano bato? Lalaki ba talaga to o babae?!
Dumaan ang ilang araw at madalas na talaga syang nasa bahay dahil yung prof pala namin sa isang subject eh prof din nya, at mas advanced pala kami kesa sa kanila, kaya kinokopya nya yung mga sagot ko sa subject na yun. Alam nyo na kung ano yun. Hahahahhaha!
I must say, na nabawasan na kahit papaano yung inis ko kay Axel, not because gumagawa sya ng way pero dahil nakikita ko kung ano ang tunay na Axel, sa normal na paningin ng ibang tao at ng paningin ko na puno ng galit noon.
Siguro it takes time par maayos ko ang lahat.
Tama. Aantayin ko na lang ang oras ang gumawa ng lahat.
Axel’s POV
Grabe talaga tong stat na to nakakaasar, bat ba kasi may math pa kaming subject nakakainis haha! Buti na lang talaga at yung prof ni Dave eh prof ko rin, at mas maganda pa roon eh advanced sila kesa sa amin kaya ayun, nangongopya ko sa kanya. Haha!
This past few days, napapansin ko na medyo okay lagi yung mood ni Dave, kung noon eh palagi syang poker face o kaya naman papatay ng tao kapag nakikita ko nakakasama ako, eh ngayon medyo okay na. May times lang na nagiging poker face ulit sya pero agad din namang nawawala.
Sana dumating yung araw na makita ko yung Dave na sinasabi ng papa nya na sobrng bait at caring sa lahat ng bagay.
“ oh Ino? Pagod ka na? Haha weak ka pala eh” pagpansin ko sa kanya, nandito kami ngayon sa dance org para gumawa ng steps para sa nalalapit na doundation day ng school namin,
“ yabang neto, ikaw nga tong mukhang zombie! Hahaha!”
“ che!”
Ganito kami lagi ni Ino, para syang kuya ko kung umasta kapag nasa org kami, yung tipong mag bibigay ng tubig, towel o kaya naman eh tatanungin kung okay o napapagod na ba ako. Pero sobrang kulit! Tanong ng tanong kung kumusta na kami ni Dave. Like duh? Kaibigan nya rin yun diba? Edi yun tanungin nya! Haha!
*makalipas ang ilang araw*
Naging busy kami lahat dahil malapit na ang midterms, lalo na ako dahil ang dami kong kelangang habulin na lessons at requirements na kelangan ipasa
Wala na akong madalas na tulog isabay mo pa na may practice sa dance org. Magpeperform kasi kami dahil malapit na ang foundation day ng school
“ bakla! Mukha ka ng zombie!” agad na bungad ko kay axel dahil grabe talaga ang aura nya ngayon
“ tigil muna best pagod ako, tinapos ko kasi lahat ng requirements eh, alam mo na dami kong namiss”
“ ikaw kasi eh masyado kang nagpapauto dyan kay dave, sinabi ng di yan seryoso sayo, ewan ko ba sa’yo! Kaya yung mga readers mo naiinis sa pagkatao mo eh
“ aba, edi sisihin mo si author!”
“ at sinisi mo pa yung poging author natin ha”
“ zandro please, wala ako sa mood” saad nya.
Agad lang syang tumahimik dahil pagod pa talaga ako sobra. Shet! Pengeng tulog. Pabili ng lakas yung piso tumpok!
Zandro’s POV
Grabehan lang yung itsura ng kaibigan ko, punyetang Dave yan, kinakawawa si Axel! At eto namang Axel na ‘to tatanga tanga. Nakakabwisit!
“ excuse me po, pinapatawag po lahat ng dancers sa gym, may practice daw po kayo” saad ng isang babae na pumasok sa room.
Oo nga pala part si axel ng org na iyon. Pero pano sya sasayaw kung nanghihina sya?
Wala akong nagawa kundi itext si elijah para bantayan sya nito. Walang masyadong klase dahil busy lahat sa preparation para sa foundation day
Elijah’s POV
Pagkabasa ko ng text ni zandro, agad lang akong pumunta ng gym para bantayan sumayaw si axel, alam kong pagod ito kakagawa ng requirements, naaawa na ako sa kanya hndi na sya yung axel na kilala kong parang nakainom ng isang bote ng enervon palagi, para syang busy palagi kahit wala namn kaming ginagawa only to find out na sya pala gumagawa ng assignments ni Dave.
Nanggagalaiti na ko sa Dave na yan, humahanap lang ako ng tyempo para mailayo ko sa kanya ng tuluyan si Axel.
Nandito na ako sa gym pero sa kasamaang palad eh nandito rin pala ang taong gustong gusto ko ng patayin.
Si dave kasama ang ibang members ng basketball team.
Ilang minuto na rin silang sumasayaw nag aalala ako sa kalagayan nya
“ axel inom ka muna “ saad ko
“salamat elijah”
Pagkatalikod ko para kunin ang bimpo nya, bigla na lang syang hinimatay.
Ng bubuhatin ko na sya, biglang sumulpot si dave sa likod ko.
“ anong nangyari sa kanya?” nag aalalang tanong ni dave
Nagpantig lang ang tenga ko ng marinig kong nagsalita si Dave sa likod ko.
“ wow! Concern ka ba talaga? I know kung anong balak mo sa kanya, alam kong pinagpustahan nyo lang sya, eto tandaan mo dave, sa oras na saktan mo si axel, ako makakaharap mo, at hinding hindi ko na sya ilalapit pa sayo tandaan mo yan. BACK OFF!” mahabang saad ko
Agad lang akong umalis para dalhin sa clinic si axel.
Gago talagang dave yan. Ako makakalaban nya tandaan nya yan. Ang kapal ng mukha para magtanong. Shit! The nerve!
Dave’s POV
Nandito kami ngayon sa gym dahil may training kami after ng rehearsal ng dance org.
Nakita ko lang si axel na nag aayos ng sarili. Parang may mali? Ba’t parang wala sya sa sarili?
Habang sumasayaw siya, ngayon ko lang napagmasyadan kung gaano sya ka baby face, napakagraceful nya sumayaw, napakagaling gumiling.
Bigla namang nabuhay si jr ng makita kong gumigiling si axel. WTF! ANO BA TONG NARARAMDAMAN KO BAKIT GANITO?!
Nakita kong papalapit sya kay Elijah at inabutan sya ng tubig, ilang saglit pa, nakita ko na lang si axel na nakahandusay na sa sahig at pinagtitinginan na ng tao
Ewan ko pera nakaramdam ako ng kaba, awa at takot sa nangyari. Agad akong lumapit para buhatin sana sya papuntang clinic pero naunahan ako ni elijah.
“ anong nangyari?” alala kong tanong
“ wow! Concern ka ba talaga? I know kung anong balak mo sa kanya, alam kong pinagpustahan nyo lang sya, eto tandaan mo dave, sa oras na saktan mo si axel, ako makakaharap mo, at hinding hindi ko na sya ilalapit pa sayo tandaan mo yan. BACK OFF!” mahabang sabi nya.
Para akong binuhusan ng isang balde ng tubig na may yelo sa narinig ko, all this time alam nya ang lahat? So may chance na sinabi na nya ang lahat kay Axel?
Hindi ko alam ang gagawin ko kaya sumunod lang ako sa kanila papuntang clinic.
Agad ko lang syang nakita sa labas ng clinic na tila alalang alala.
“ please elijah, let me know kung ano na lagay ni axel please”
“ gago ka pala eh!” at nakaramdam lang ako ng isang malakas na suntok mula sa kanya. Hindi na ako lumaban dahil nakay axel ang focus ko
“ bakit ka ba nandito? Diba yan naman ang gusto mong mangyari?! Ang magdusa si axel?! Don’t act like you care you fucking bastard!” gigil na saad nya.
Aminado akong yun ang pakay ko kay axel, pero this past few days, hinahanap sya ng utak ko, walang humpay na lumalabas ang imahe nya kapag pumipikit ako, yung ngiti nya, yung pagsimangot nya, yung pagiging plain nya minsan, hinahanap hanap ko bigla, and as of now inaalam ko pa kung infatuation lang ba’to dahil madalas kaming magkasama o
Love na nga ba?
Agad lang lumabas si doc at sinabing masyadong nabugbog ang katawan ni axel at pahinga lang daw ay magiging okay na.
Pinilit ko mang makapasok sa loob pero hindi talaga ako pinayagan ni elijah.
Kelangan kong mag isip. Kelangan ko na ring putulin ang kung anong meron kami ni jhen. Kelangan ko ng ayusin ang lahat. Things are getting worst.
Jhen’s POV
Nandito kami ngayon sa field para magpractice ng cheerdance ng bigla akong tawagin ni dave. If i know, gusto nya nanamang makipag sex
“ hi baby” sabay dakot ng hinaharap nya
“ please stop, let’s talk” maautoridad nyang sabi.
“ didiretsuhin na kita, i don’t want to continue this relationship anymore, alam naman natin parehas na katawan lang ang habol natin sa isa’t isa diba? Sawa na ako jhen”
“ bullshit! For all this time dave? Akala mo katawan lang habol ko sayo? Mahal kita dave! Mahal na mahal!” mangiyak ngiyak kong sabi
“ hindi kita mahal jhen, katawan lang talaga ang habol ko sayo noon”
“ why?! Is it because of axel? Ano? Nabihag ka na ba ng baklang yon? Ano ba pinainom sayo ng hitad na yon? Ha? Sabihin mo! Binablackmail ka ba ng maduming baklang yon? Ha?!” pagkatapos kong sabihin yon, isang malakas na sampal ang inabot ko
“ wala kang alam jhen, tapos na tayo at ayoko na”
“ hindi pa tayo tapos dave makikita mo kung anong pwede kong gawin”
Humanda sa akin yang baklang yan. Akala nyo wala akong alas? Pwes sisiguraduhin kong pagkatapos nitong sem na ito, hinding hindi mo na makikita ang pagmumukha ng baklang axel na yan. At sisiguraduhin kong kikaw ang may sala dave sandoval.
Kung hindi ka mapupunta sa akin, mas lalong hindi ka mapupunta kay axel.
Axel’s POV
“Best okay ka na ba?” tarantang tanong ni zandro
“ nagugutom ka ba ha? Bibili kami ng makakain” saad ng buong tropa
“Napagod lang siguro ako, medyo okay na pakiramdam ko guys thank you ha?” saad ko
“ah oo nga pala, may good news ako sa inyo guys” agad naman silang tumingin sa akin
“ pasok ako sa audition ng high school musical na gaganapin sa ibang bansa, eto yung sinasabi ko sa inyo eh
*flashback*
Today we will have an audtion for the upcoming theater performance that will be going to held at singapore and other different countries sponsored by the Singapore university.
Mandatory kaming lahat mag audition and with that wala na akong nagawa, the contract tells that kapag nakapasa ka, 1 year kang titira sa singapore to trained by the professionals, and magiging home basis ang study mo.
* end of flashback*
“ so aalis ka na? Pano ko best?” ang mangiyak ngiyak na sabi ni zandro
“ OA o pa nga. 1 year lang yun no ano ka ba! Haha”
“oo nga babalik pa naman si axel chura mo friend!” saad naman nina nicole at say
“ oh basta mag ingat ka doon ha? Wag mong papagurin sarili mo, wala kami don para alagaan ka” saad ni elijah
“ opo tay. Hahaha”
“ oh kelan alis mo?” ang malungkot na sabi ni gerry. Sa totoo lang mamimiss ko sila ng sobra. Sila lang nagpapasaya palagi sa akin bukod kay dave eh.
Nasabi ko na rin to sa mga magulang ko at masaya sila para sa akin
“hindi ko pa alam eh actually 5 kaming nakuha dito sa school natin”
“ o basta, let’s enjoy the moment na lang palagi” saad ni gerry
“GROUPHUG!” biglang sigaw ni say at nicole. Ayan pinagalitan tuloy sila ng nurse hahaha.
Elijah’s POV
Pagkalabas ni axel sa clinic nagpaalam muna ako dahil pinapatawag ako sa student council ng makasalubong ko si dave
“ pwede ba tayong mag usap elijah?”
“ par san? Para isama ako sa masama mong balak?”
“ no look, please listen to me first, alam kong masasaktan si axel kapag nalaman na nya’to pero hindi pa huli ang lahat”
“actually matagal nya ng alam dave, nag bulagbulagan lang sya para apasaya ka ng tao, dave! Ginago mo yung taong walang kamuang muang, pakikipagkaibigan lang dave masaya na sya eh alam mo ba yun? Never nyang hinangad na maging kayo dahil alam nya yung ano limitasyon nya. Pero tong ginagawa mo? Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari dave”
“ please pagbigyan mo ako elijah”
“ wala sa akin ang desisyon dave nakay axel, gumawa ka na ng paraan hangga’t hindi pa huli ang lahat”
“ what do you mean?”
Hindi ko na sya sinagot dahil baka masapak ko lang sya.
meron pa bang nagbabasa nito? ayaw nalang tapusin..... tsk tsk tsk
ReplyDeleteAng ganda na mej naiyak lang ako kasi tong si Axel dakilang martyr eh yan tuloy peeo natutuwa ako kasi feeling ko konti nalng babalik na yung dating Dave na hindi ko na mahintay kaso may bwiset na bitch na ang pangalan ay Jhen mukhang masama binabalak ng bruhang to tsk.
ReplyDeleteAt feeling ko din kasama ni Axel si Ino sa ibang bansa woooh kagulo na basta ako Team Dave talaga ako sana sa susunod mas mahaba yung update mr.author lagi ka na lang nangbibitin eh!!! Hahaha peace
-44
Dan dan dan dan...
ReplyDelete/drumroll/
- Sichem
Buti naman at aalis si Axel.para matauhan si Demon Dave. Ano naman kaya ang gagawin ni Demona Jehn? Thanks sa update MR Author. Take care.
ReplyDeleteAiiii bitin... 😊☺😜☺😜☺😜
ReplyDeleteSb
marami pa sanangchapter o d kaya book 2 hehe
ReplyDeleteang ganda ng story..awesome:):):)Go Axel
ReplyDeleteAndrew this
bitin
ReplyDelete