Followers

Thursday, March 5, 2015

The John Lloyd Diary - Chapter 3




The John Lloyd Diary
Chapter III
by: Apple Green
jaceanime@gmail.com








Author’s Note:

Hello guys! Sorry na-delay ng isang araw ang update ko. Yesterday was one of my big days of the month. Aside from that, may seminar kami kahapon na mga graduating students. Whole day. So yun, pagod at tinamad na ako mag-update kagabi. But no matter, eto na po siya ngayon.

But first, lemme say Hi and Thank You sa mga masugid kong tiga-subaybay. Hi at Maraming salamat kina CasirayanJunrey, Kuya Alfred Of TO (na reader ko na since TLW), at kay Uel. Special mention sa mga kapatid kong sina Ihno Sansenin at Steven for being such good little brothers. Kina Kuya Nards, Ren Ren, Misha Xela at sa lahat-lahat na nakaka-appreciate nitong gawa ko. Sa mga hindi, antay-antay lang kayo. Nilalagay ko pa isa-isa ang mga chess pieces ko. The game has not yet started, but of course, I will take your challenge.

Inaalay ko po ang Chapter na ito kay Kuya Bryle, who is celebrating his Birthday today (magkasunod kami, actually). Happy birthday Kuya! Hope you, and the other readers will like this part. Enjoy. :)

- Jace



================================================



Kahit lango sa alak noong nagdaang gabi, masaya at magaan ang gising ko kinabukasan.

Pakiramdam ko'y nabiyak na ng tuluyan ang bunganga ko sa lapad ng ngiting hindi ko mapigilang maipinta sa aking mukha.

Haay. Si Kayne kasi.

At dahil may pinanghahawakan na ako, ang phone number na binigay nya sa akin kagabi, hindi na ako naka-hindi sa kanya nung sinabi niyang mauuna na siyang matulog sa akin.

"Hoy. Hinay-hinay naman sa pagngiti jan. Baka umabot na yang ngiting yan sa noo mo." Nagulat pa ako sa nagsalitang si Maia. Oo nga pala. Dito siya nakitulog sa akin dahil hindi alam ng parents nya na nag-inuman kami kagabi. "Ganyan ba kalala ang epekto ng hangover sayo't mukhang nababaliw ka na sa kakangiti jan?"

"Selos mo lang. Mukhang magkaka-boyfriend na ako. Ikaw? Kawawa ka naman." Biro ko dito. Binato naman ako nito ng unan. "Aray. Ganyanan na pala tayo ngayon, pisikalan?" Natawa naman ito.

"O sige na, ako na walang boyfriend. Pero teka, di mo pa ako kinukwentuhan tungkol dyan sa ka-chat mo. Sino ba yan? Tiga san? Anong pangalan?" Grabe. Pulis ata tong bestfriend ko. Wagas magtanong.

"Hinay-hinay naman sa tanong. Mahina kalaban." Bumangon na ako sa kama at naghanda ng kape para sa aming dalawa. "Kayne ang pangalan niya. Taga kabilang bayan."

"Gwapo? Mayaman?" Di napigilang tanong niya.

"Ikaw, lokaret ka din minsan, ano?" Natatawa kong sagot. "Hindi ko alam, at wala akong pakialam sa pangalawang tanong mo. Yung una, nalimutan ko na hitsura niya, pero ang alam ko, parang apoy ang mga mata niyang tumutunaw sa akin." Ngiti ko, inaalala yung mata'ng kahit di ko na masyadong matandaan, alam kong gustung-gusto ko ang mga yun.

"Ayan ka na naman sa kahibangan mo sa mata. Pakainin kaya kita ng mga mata ng isda, makikita mo!" Ako naman ang kumuha ng unan, at hinampas sa kanya. "Quits na tayo ah."

Napapailing nalang ako sa kulitan naming iyon ni Maiah. Nagbreakfast ng sabay, at hinatid na agad si Maia sa labas ng apartment upang makauwi na. Panigurado, hinahanap na yun nila Tita.

Nung bumalik ako sa kwarto, agad kong kinuha ang cellphone kong naka-plug sa charger nito't agad na nag-type ng mensahe.

"Good morning Emrys, Ikthus at KeyRamKan. Sana pala, PHARMA nalang ang kinuha kong kurso no? Sana yun nalang, PHARMA-pasaakin ka. Lol!" Agaran kong banat sa kanya. Siguro dahil lang iyon sa alcohol na natitira pa sa katawan ko, kung kaya't medyo makapal pa din ang itsura kong mangbato ng pick-up lines.

Lima, sampu, labinlima, tatlumpong minuto. Hanggang sa isang oras na din ako naghihintay ng reply mula sa kanya, pero wala pa din.

Arrrgh. I can't wait any longer. I need to call him.

Dialing... Kayne

"Beep!" Nagulat ako ng biglang may lumitaw na notification sa screen ng phone ko habang inaantay magconnect ang tawag.

One message received.. Kayne

Agad ko munang pinatay ang tawag. Buti nalang di pa nakokonekta ng tuluyan. Binuksan ko agad ang text na iyon.

"Tatawa na ba ako? Lol. Good morning Levi." Tss. Mambara ba agad? For sure, tumawa ka sa joke ko. Ayaw mo lang ipahalata. Tss.

"Are you pretending you didn't laugh, or are you just KJ?" Reply ko.

"I don't think it's the first one. Not the second one either. So baka corny ka lang talaga. :P"

"Eh? Di ako korni hoy. KJ ka lang talaga. Hahaha. How's your morning? Breakfast?" Grabe makatanong, feeling close.

"Okay naman. Yep, done. Ikaw?" Sagot niya.

"Nagkape lang kami nung bestfriend ko. Anyway, can I call you right now? I don't know why, but I badly wanted to hear your voice since last night." Diretsahan kong tanong. I really don't know how did I get so confident about this. Dati naman, hindi ako ganito ka-agresibo. Tss.

"I can't talk right now. Sorry Lev. Kasama ko kasi parents ko." Oooh. That explains it. He's discreet. Kaya pala medyo mailap siya kagabi nung tinatanong ko siya ng mga bagay-bagay tungkol sa kanyang sarili.

"Yeah, I understand. It's okay." Sagot ko.

Dumaan din naman kasi ako sa pagiging discreet eh. Yung tipong halos ayaw ipahalata at ipaalam sa iba ang totoo mong pagkatao sa takot mong mahusgahan. Alam naman natin ang mga tao sa bansang ito. Masyadong nakakulong sa kultura't paniniwala ng nakaraan. Hindi na tayo umuusad sa ating pamumuhay dahil sa mga paniniwalang iyon.

Hindi nila kasi matanggap na nasa ibang kapanahunan na tayo. Na marami ng nagbabago sa halos lahat ng sulok ng bansa. Na malayo na tayo sa kapanuhanan ng mga sinaunang pamumuhay.

Oo, kapreho ko si Kayne noon. Isang discreet na bisexual. Dati. Actually, there was this accident that happened 4 years ago, that stopped me from caring about revealing my true self.

Sa ngayon, di naman kasi lahat ng totoo ay dapat ipagkalat. Hinahayaan ko nalang ang mga taong makahalata sa akin. At kung may magtanong man, edi sagutin ng direchahan. Bakit ba? I've got nothing to lose.

"Sorry ulit Levi ha? Sana maintindihan mo ako. Sorry for disappointing you." Text pa ni Kayne.

"Hey. It's okay. I totally understand you. Well, may next time pa naman diba? :)"

"Definitely. May usapan na tayo."

"Uh huh. So kelan ka magpapakita sa akin?" Alam kong tatanggi o kaya naman ay iiwas ito sa naging tanong ko. But i just have to ask, anyway.

"Hahahaha." Fail. Yun lang ang tanging naisagot niya. Nagkaroon tuloy ako ng pagdududa sa kanya.

"Baka naman ginu-goodtime ka lang niyan. Sabi nga ni Caleb sayo, paasa ang mga taga Raviola." Si Caleb na nakilala ko rin sa Planeta ni Romeo pero nanatiling kaibigan ko lamang. Siguro may naging experience na din sya sa mga tiga Raviola kaya't nasabi niya ang bagay na yun. "Don't let your guard down."

Hindi pa ako nakakapag-reply, nang tumunog ulit ang phone ko. "Hey. I gotta go. Pupunta pa kasi kami sa simbahan ni Mama. Text you later, baby ko." Tanging okay at ingat lang ang naging reply ko sa kanya.

Haay. Kayne! Ano ba talaga ang intensyon mo?

Bakit hati ang nararamdaman ko para sayo?

Malaking bahagi ko ang nagkakagusto sayo, pero bakit may konti pa ring nagdududa sayo? Nararamdaman ko namang mabait ka't seryoso sa sinasabi mo.

Pero bakit ganito?

Arrgggh!

"Kasi nga di mo pa nakikita yung tao. Makipagkita ka muna sa kanya. By then, you will know what to do."

Oo nga. Siguro. Tama si konsensya. Kelangan ko siyang makaharap.

Kelangan kong maka-siguro bago pumasok na naman sa isang gulo.

Bugbog na ang puso ko sa mga nagdaang relasyon na napasok ko.

At alam kong di na ako pupwedeng magkamali ngayon. Sisiguraduhin kong ang susunod na taong mamahalin ko ay sya na ang paglalaanan ko ng aking buhay.


=======================


Makalipas ang isang linggong walang ibang ginawa kundi ang maging magka-text namin, di ko mapigilan ang aking sarili sa pagka-inip.

Gusto ko siyang unawain sa gusto niyang kilalanin muna namin ang isa't isa bago tuluyang magkita sa unang pagkakataon. Gusto ko rin naman ang ganoon. Pero..... arrrrgh!

Kahit simula noong gabing nagparamdam ulit siya sa akin sa Planeta gamit ang username na KeyRamKan, hanggang ngayon, tinatawag na niya akong Baby. Pero assuming ba talaga ako kung akalain ko ding gusto din nya ako?

Sabi din naman kasi niya sa usapan namin sa text, bukod-tangi daw ako sa mga nakilala niya sa site. Kadalasan din kasi sa mga nakaka-engkwentro nya doon, kagaya ko, ay mga taong wala ng ibang ginawa kundi ang magbigay-paanyaya sa mga makamundong bagay, ang sex.

"Baby, kelan ba kita makikita? Di pa ba sapat na ibinuklat ko na sa harapan mo, na parang libro, ang buhay ko?" Hindi ko na napigilang tanungin siya. I need to know his answer, desperately.

"Meet-up, agad-agad? Di ka pa nga tumatawag sa akin eh. Malay ko bang ayaw mo pala ang boses ko't maisipan mong indyanin ako kapag nagkita tayo? Lol." Natawa naman ako sa ni-reply nito. Imposible.

"So, can I call you now baby?" Baby. Yun ang tawag niya sa akin. So natural lang na baby din ang itawag ko sa kanya.

"Sure. :)" At yun ang nagsilbing senyales ng lahat. Isa iyon sa mga pagkakataong hinihintay ko nang higit isang linggo. Ang pagkakataong marinig ang boses niya sa unang pagkakataon.

Kinakabahan man, hindi ko sinayang ang oras at dali-daling dinial ang numero niya. Di na ako nag-reply pa sa huling text nito. I just need to do it.

Dialing... Kayne. "Toooooot. Toooot. Toooooot."

Hindi ko ata marinig ang tibok ng puso kong kay bilis, sa lakas ng kaba ko habang hinihintay na kumonekta ang tawag ko.

"H-hello, L-Levi?" And within just a couple of seconds, my heart melted. Ang sarap pakinggan ng boses niya. Agad kong tinakpan ang bibig ko upang di makalabas ang tili na nagbabadyang kumawala sa bibig ko. "Hoy. A-andyan ka ba?"

Nataranta naman ako. Ano bang isasagot ko? Ano bang sasabihin ko? "H-hello K-Kayne. K-kumusta?" Anak ng kwek-kwek! Umayos ka naman Levi. Ituwid mo yang dila mo. Poltergeist!

"Okay naman. M-medyo kinakabahan." Kasunod noon ang pagtawa niya. Haaay, ang sarap pakinggan. "Ikaw, kumusta?"

"O-okay naman. Pero, m-mamamatay na ata ako." Grabe. Parang tumatagos, mula sa bibig niyang nasa telepono niya, hanggang sa aking tengang nakakabit din sa aking telepono, ang kiliting dulot ng boses ni Kayne. Gaaaaah! Gusto mo talaga siya, Levi!

"Bakit naman? Ngayon pang naka-usap mo na ako, pagkatapos ng ilang araw na pangungulit mo sa akin? Ang daya mo." Kunwari ay pagtatampo niya. Mabuti pa siya, hindi na kinakabahan. Samantalang ako, magkahalong kilig at kaba ang nararamdaman ko. Di ko mapigilan sa kakagalaw ang mga paa ko'ng nakikisabay sa kilig na nararamdaman ko ngayon.

"B-biro lang. 'To naman. S-so, d-di ka ba b-busy ngayon?" Arrrrgh! Nasasabunutan ko na ang aking sarili. Baka sakaling mawala ang kaba ko kapag ginawa ko yun.

"Wait. Kinakabahan ka pa rin ba? Kumalma ka nga. Ako lang naman 'to eh." Natatawa na naman ulit siya sa kabilang linya.

"Ehhhh, i-ikaw kasi eh. Ang ganda ng b-boses mo." What?! Bakit mo sinabi yun ng direchahan?! "Gago ka Levi. Ang landi mo!"

"Bola pa more! Akala ko nga, hindi mo ako magugustuhan eh." Ayan na naman ang kunwaring patampo-tampo niya.

"What? No. W-wag mo ngang isipin yun. Ako nga tong n-nahihiya sayo eh. After all, tiga Raviola ka. Ako, tiga State U l-lang."

"Ah! So this is what it's all about? Kasi taga Raviola ako, ganun ba? Ano ba sa tingin mo ang magiging diperensya noon kung taga State U ka?" Hala. Baka na-offend ko sya. Sana naman hindi.

"Ehhh, alam mo naman p-pag ganoon d-diba? Nilo-look down nyo kaming taga State U." Bahala na si Batman. I want his opinion about this matter.

"Okay. I admit. May mga Raviolites nga na ganoon ang pakikitungo sa mga estudyanteng mula sa ibang school. And in their behalf, I want to say sorry as a fellow Raviolite. Pero hindi naman dahil taga Raviola din ako, ay ganoon din ang ugali ko." Eksplenasyon niya. Pinapahanga ako nitong mokong na to.

"Hindi naman sa nagse-stereotype ako. P-pero kasi... arrrgh. Okay, I'm s-sorry too." Ganoon nga siguro kapag sinimulan mo ang ganoong klase ng pananaw, hanggang sa naging parte na iyon ng buhay mo bilang isang taga State U.

"Accepted. At wag mo kayang nila-lang ang school niyo. Kung meron nga lang kurso jan na katulad nung sa akin, ay jan din ako papasok eh. Competitive din naman ang school nyo, kaya wag kang ganyan. Be proud for your Alma Mater."

"Oo na, sorry na. Hehehe." Nahihiyang pagsuko ko sa naging diskusyon namin. I like this guy. He seems to know about keeping this conversation interesting and worthwhile. "Bakit tayo napunta sa usapang yun?"

"Eh, ikaw eh! Hahaha." At nakitawa na din ako sa kanya.

"So, uhmmmm, k-kelan kita makikita?" Tanong ko. Kating-kati na akong makita siya eh.

"After your graduation. Kelangan mo munang magtapos bago tayo magkita." I expected this answer from him. After all, it's obvious that it's like his way. Sabi kasi niya, NBSB siya. No boyfriend since birth. Kahit nga daw girlfriend wala eh. Siya kasi yung tipo ng tao na inuuna ang pag-aaral. Yung tipikal na matalino't competitive na mukhang iilan nalang ang meron sa panahon ngayon.

"What?! Seryoso ka ba?" Kahit alam ko ang posibilidad na ganito ang hihilingin niya sa akin, di pa rin ako makapaniwalang tama ang lahat ng ginawa kong assessment sa personalidad niya. "Ang tagal naman nun. October pa kaya!"

"Eh ako nga, ngayon lang sumubok ng mga ganitong bagay eh. Alam kong kaya mo din. Makaka-text at makaka-usap mo pa din naman ako sa phone eh." Pangungumbinsi niya.

"That is you talking. Magka-iba naman tayo eh. Sabi ko naman sayo, may experience na ako sa mga bagay na to diba? Okay lang naman sakin eh. Magpaparamdam ba ako sayo ng pagka-gusto noong nakaraang linggo kung hindi ako handa sa posibleng papasukin ko?" Mahabang paliwanag ko.

"That's the point Lev. Iba ka, iba ako. Hindi pa kasi ako handa sa mga ganitong bagay." Akala ko, di pa seryoso to. Pero bakit nasaktan ako sa mga sinabi niya?

"Eh bakit sinabi mo noon na gusto mo din ako? Was it a lie?" Di ko napigilan ang aking sarili. May parte sa puso kong nasasaktan sa posibilidad na si Kayne ay isa din palang paasa.

Di siya naka-imik. Well, siguro nga, nabitag na naman ako sa sarili kong kapusukan. Mabilis mag-assume, kaya mabilis ring masaktan.

"Hahahaha! Isa kang malaking talunan Levi."

"Listen. I'm sorry kung napagtaasan kita ng boses. Di ko sinasadya." Sabi ko. Nanatili pa rin siyang walang imik sa kabilang linya. "And I'm also sorry for assuming too much. Mali lang ata ang pagkaka-intindi ko sa sinabi mo noon sa site. Pasensya na."

Alam kong nakikinig pa rin ito. Naririnig ko ang hininga niya. And I think, again for the nth time, I ended up in a dead-end.

"Sige. I need to go. Maliligo lang ako. May lakad kasi kami ni Maia. Bye." Hindi ko na siya inantay na makasagot at pinatay na agad ang tawag na iyon pagkatapos makapag-palusot.

Haaay. Kayne! You're making me crazy.

Naibato ko nalang sa kama ang phone ko dahil sa inis at asar. Hindi ko naman isinisisi lahat kay Kayne ang mga frustrations ko. Malaki din kasi ang pagkakamali ko. At yun yung nag-assume agad ako sa mga bagay-bagay.

"Ayan! Kasi ang kiri mo din. Malandi. Ayan din napala mo. Nasaktan ka na nga, ipinahiya mo pa ang sarili mo."

Eh kasi... haay. Masisisi mo ba naman ako? He was calling me baby and treated me so nicely. Di pa ba sapat yun para wag mag-assume na gusto din niya ako?

"Hindi ka na natuto Levi! Malay mo bang ganoon lang talaga siya, at ganoon lang talaga siya sa ibang tao? What makes you think na talagang espesyal ka sa kanya? Sige nga. Sabihin mo nga sa akin kung anong sa tingin mong espesyal sayo't nagustuhan ka niya! Wala diba? So ngayon, alam mo na? Naisahan ka na naman pre. At dahil din yan sa katangahan mong tanga ka!"

Parang isang malaking bomba ang sumabog sa kaloob-looban ko. Sa hindi na mabilang na pagkakataon, tama na naman si konsensya, ang realistic na bahagi ng pagkatao ko. Nagapi na naman nito ang isa pang bahagi ko, ang idealistic na ako.

Haaay! Oo na. Kasalanan ko na. Ako na ang hindi natuto sa mga pagkakamali ko dati. Ikaw na ang tama.

O eh di, wow! Tss.

Binuksan ko nalang ang laptop ko't tumambay sa Facebook. Saka naisipang mag update ng status.

Levi Hidalgo.
For the nth time, I've hit a dead-end. Can this life get any worse?

"Beep!" May notification.

"Christie Romero: Drama pa more! Hoy may ipi-PM ako sayo." Sabi nung comment sa kakapost ko lang na status.

Si Christie, mutual friend at isa sa fan namin ni Jeffrey. Tss. Mukhang alam ko na ang tatakbuhin nitong usapan namin ni Christie.

"Hey. Musta ka na Lev?" Ang message na nabasa kongaking kay Christie. Alam kong may iba pa itong pakay. Ano na naman kaya? Mukhang may ideya na ako.

"Okay lang naman. Eto, tao pa din." Reply ko naman.

"Ui. Nagtext pala sa akin si Kuya Jeffrey. Tinatanong kung alam ko ba daw ang phone number mo. Uyyyy. Mukhang may balikang magaganap. :D" Ayun! Lumabas din ang totoo. Si Jeffrey na naman ang numero unong paksa namin. Tss.

"He made it clear the last time na may boyfriend na sya. Binitiwan ko na siya ng tuluyan, Christie. Pero sige, kung hingin man niya sayo ang bago kong number, eh di ibigay mo."

I stopped caring about things between me and Jeffrey. Alam kong manggugulo na naman ito.

Pero kilala ko din si Christie. Alam kong binigay na nito ang numero ko kay Jeffrey bago pa man ako nito kausapin. Tss. Ewan ko sa babaeng to, ang sarap lang sapakin. Haay.

"Malalamam natin. Hahaha. Thanks Levi. Ibibigay ko na." Sabi nalang nito at tuluyan ng nag-offline.

Pag nag-away na naman kami ni Jeffrey, magpapalit na naman ako ng numero. Pero by that time, di ko na bibigyan si Christie. Tss.

"Beep! Beep! Beeeeep!"

Speaking of the devil. Ambilis lang eh no?

"Hi. Good evening Levi. Si Jeffrey to." Wow. Ano naman ang ikina-ganda ng gabi ko kung heto ka ngayon at mukhang manggugulo na naman?

"Likewise. What to do you want?" Suplado kong reply sa kanya.

"Gusto ko lang sanang mag-sorry sa lahat ng hindi magandang nasabi ko noong nakaraan sa site. Sorry talaga, Levi. Hindi ko sinasadya. Nasa kataasan lang ako noon ng aking emosyon at hindi ko napigilang gumanti. I am sorry." Tss. Ngayon pa? Pinalipas mo pa talaga ang mahigit isang buwan bago ka magso-sorry? Tangina mo.

"Okay na yun. Yun lang ba?" Wala na naman akong hinanakit dito eh. Kasalanan ko din naman ang nangyari. Siguro mas mabuting ibaon nalang ang lahat sa nakaraan. Alang-alang nalang din sa pinagsamahan naming dalawa.

"Pwede ba kitang imbitahing mag dinner bukas ng gabi? Peace offering ko sana sayo. Kung okay lang naman." Alam kong sincere sya sa imbitasyon niya. Wala naman akong gagawin bukas ng gabi, kaya pumayag nalang ako. I also wanted to talk to him.

"Sige. Anong oras ba?" Sagot ko dito.

"I'll pick you up at 8PM? Salamat sa pagpayag."

"Sige." Nagkibit-balikat nalang ako sa naging usapan namin sa telepono. Agad din namang naputol ang linya ng telepono.

Hindi na ako magpapaka-ampalaya. Ewan ko kung makikipagbalikan ba siya o ano, pero malalaman ko din yan.

Si Kayne. Ewan ko din sa isang iyon.

Mukhang di naman siya seryoso sa lahat ng pa-cute niya sa akin. Gusto ko siya, pero ano naman ngayon? Eh ako lang naman itong nangangarap na maging kami.

Eh hindi pa daw siya handa eh. Tss.

Paasa talaga. Tama si Caleb.

Sana naman kasi, pag-asa ang bumubuhay at nagbibigay-ngiti sa mga tao. Pero ang pag-asang din iyon ang mismong sisira sa kanya.

Parang ako lang eh. Asa ng asa na darating din ang araw na mayroon ding magmamahal sa akin. At hanggang ngayon, heto ako. Nganga. Puro trial and error ang ginagawa makita lang ang nakatadhana sa akin.

Dahil sa pag-asa. Shit.

"Minsan, dumadating tayo sa puntong kahit alam nating katangahan ang pagawa ng isang bagay, ginagawa at ginagawa pa rin natin yun ng paulit-ulit sa pag-asang balang-araw, magbabago din ang lahat at ito ay aayon sa ating kagustuhan. Pero isang araw, pagising natin, matatagpuan nalang natin ang ating mga sariling tadtad na ng sakit at kalungkutan sa paulit-ulit na katangahang ginagawa natin. Yan ang pinakamasakit na parte ng salitang pag-asa."

One for the win.

"Sometimes, hope is a poisoned apple, held by our stupid heart that is so delusional to deny the fact that what we are doing is the complete definition of the word stupidity. Sometimes, hope is despair."

Haaay. Eto na naman po ako. Nagda-drama na naman. Papasa na ata ako sa pagiging Best Actor sa dami ng HUGOT Lines na nabibitawan ko.

Napapailing nalang ako.

Ewan. Ayoko munang isipin ang mga bagay-bagay na yan. Lalo lang pinapaalala ng mga yan na isa akong talunan.

"The hell you are, you sad old man." Galit na paalala ko sa sarili.


=======================


"Beeep! Beeeep! Beeeeep!" Napabalikwas naman ako ng bangon mula sa pagkakahiga sa kama. Umaga na pala. Teka, nagri-ringing pala ang phone ko. Agad ko itong hinahanap sa ilalim ng aking unan.

Incoming call... Kayne

Buhay pa pala ang isang to? Ano na naman kaya ang itinatawag nito? Akala ko hindi pa siya handa? Tss.

"Hello?" Bungad ko sa kanya nang sagutin ko ang tawag niya. Hindi ko pinahalatang naiinis pa din ako sa nangyari kahapon.

"L-Lev. Sorry kahapon." Mahinang sambit nito sa kabilang linya.

"Sus. Okay lang yun, ano ka ba? Maliit na bagay." Pagkakaila ko. Dapat sanay na akong magpanggap na hindi nasasaktan. Pero, tila may kutsilyo pa ring unti-unting humihiwa sa dibdib ko nang maalala ang nangyari kahapon.

"Tanginga, gusto na kita Kayne! Pero bakit nangyayari pa rin to sakin?"

"Natatakot lang kasi akong baka hindi mo ako magustuhan sa oras na makita mo ako Lev." Naramdaman ko naman bigla ang kalungkutan sa boses niya. Kasunod noon ang guilt sa pagka-selfish ko na hinusgahan agad siya. "Gustung-gusto kita Levi, pero baka m-masaktan lang ako sa oras na i-reject mo ako. Alam mo n-namang first time ko to."

Gusto ko siyang yakapin sa mga oras na iyon, at sabihing mali lahat ang iniisip niya. Pero tangina. Hindi ko magawa!

"At isa din sa mga dahilan kung ayaw ko munang magpakita sayo, gusto ko kasi na magtapos ka muna. Ayokong maging sagabal sa pag-aaral mo."

"No. Wag mong iisipin ang mga ganyang bagay Kayne. Alam ko ang feeling ng paulit-ulit na rejections. Kahit kailanman ay di ko ipapadama sayo yun. Kung pag-aaral naman ang ikinababahala mo, kaya ko naman eh. Isang sem lang naman eh. Baby, please." Pagsusumamo ko sa kanya.

"Baby." Bumuntong-hininga pa siya bago nagpatuloy. "Kaya mo ba talagang pagsabayin ako at ang pag-aaral mo? Baka pagsisihan mo na pumatol at nakipagkita ka sa akin." Natawa naman ako sa tinuran nito.

"Ako pa? Syempre. Kilala ko ang sarili ko Baby ko. Wag kang mag-alala." Sumilay ang isang ngisi sa aking mga labi na inaabangan ang pagbigay ng kausap ko sa kabilang linya. "So, magkikita na tayo nyan?" Narinig ko naman ang mahihinang tawa niya sa kabilang linya. "What? Why?"

"Ang kulit mo talaga Levi no? Tss. Pero isa yan sa mga nagustuhan ko sayo. Yung tipong di tumitigil hangga't hindi nakukuha ang gusto." Nagkatawanan naman kami. May bahid naman ng katotohanan ang sinabi niya. Pero kapag lang gustung-gusto ko ang isang bagay o tao, na miminsan lang din naman talagang nangyayari.

"Hey, I'm waiting for an answer." Pagbalik ko sa usapan namin.

"S-sige na nga. Pero pag-iisipan ko pa kung kelan." Natatawa nyang sagot.

"Ano ba yan?" Dami pang arte. Tsk. "Magkikita lang naman eh. Di naman ako kagaya ng iba. Harmless ako, as long as you want me to." Talagang namamangha ako sa sarili ko ngayon. Pagdating kasi kay Kayne, napaka-agresibo't napaka-prangka ko. Amazing.

"Dahil lumalalim na yang pagkagusto mo sa kanya, malandi ka! Pano na si Jeffrey? Eh diba magkikita kayo mamayang gabi?"

Oo nga pala, si Jeffrey. Nawala na siya sa isip ko. Basta. Ewan. Bahala na si Batman.

Ang alam ko lang ngayon, gusto ko si Kayne. Pero di ko din maitanggi sa sarili kong namimiss ko din si Jeffrey. Haaay. Malalaman nalang natin sa susunod na kabanata.

"Sige na nga! Sa Sabado. Pupuntahan kita jan sa inyo." Bumalik naman ako sa reyalidad nang marinig ko ang desisyon ni Kayne, kasabay ang isang mas malapad na ngiti sa aking mga labi. Yes! Sa wakas.

"Thanks babe. Hehehe."

"Hehehe ka jan. Siguraduhin mo lang na di tayo magiging awkward niyan ah? Mahiyain pa naman ako." Paalala ni Kayne.

"Oo. Syempre. Ako bahala. Mahiyain din ako, pero di tayo magiging awkward." Paniniguro ko sa kanya. Shemps! Chance ko na to no?

"Okay sige. Bye for now. May gagawin pa ako. See you soon, John Lloyd."

"Sige Baby. Ingat ka. Bye." At tuluyan na ngang naputol ang tawag. Haaay. Dalawang araw nalang, magkikita na kami.

John Lloyd.

Napapa-iling nalang ako't napapangiti sa tawag niya sa aking iyon.

Sa ngayon, bibigyan ko na muna ng pagkakataon si Jeffrey. Gusto ko rin naman malaman ang kung anumang sasabihin nito mamaya. Mukhang alam ko naman ang dapat kong gawin eh.

Bahala na si Batman.


==============


Kinagabihan, handa na ako sa muli naming pagkikita ni Jeffrey.

Masasabi kong malaki-laki na din ang ipinagbago ko sa loob ng mahigit isang taon, simula noong maghiwalay kami. Naging mas independent na ako. Dati kasi, nasanay ako na andyan sya palagi sa aking tabi.

Oo mahirap tanggapin na ang lahat ng pinagsamahan nyo ng apat na taon, ay nauwi lang sa wala. Kahit hanggang ngayon, may mga panahon pa rin kung saan nami-miss ko pa rin ang lahat ng aming mga pinagdaanan.

Mahal na mahal ako ni Jeffrey noon. Ako, sumablay sa una, pero natutunan at minahal ko naman siya ng buong puso, kalaunan. But somewhere along the road, we still failed. Siguro masyado ng huli ang lahat para magsisihan. At para sa akin, salamat sa mga aral na natutunan ko din kay Jeffrey, masyadong immature at walang kwenta ang magsisihan sa isang relasyon.

Beep! One message received.. Jeffrey. Basa

"Andito na ako sa tapat ng gate ng apartment mo. Take your time Lebleb. I'll wait for you." Anang text na nanggaling sa ex ko. Kinakabahan man, nagawa ko pa ring ayusin ang sarili ko. Simpleng green na t-shirt, maong at sneekers ang suot ko.

Nang matantyang maayos na akong tingnan, lumabas na din ako ng bahay. Nakita ko ito sa may kalsada na nakasakay sa motor nito. Agad akong lumabas ng gate at lumapit dito.

"Hi. R-ready ka na?" Tanong niya sa akin. Tanging tango lang ang naisagot ko. "Gutom ka na ba?"

"A-ayos lang naman ako." Sagot ko. "Saan ba tayo p-pupunta?"

"Ikaw, saan mo gusto?" Nagkibit-balikat nalang ako't sinabing siya na ang bahala pumili ng makakainan. "Tara na, sakay na."

Sinunod ko naman sya. Sumakay ako sa likod ng motor niya.

Shit! Ang amoy na yun.

Parang dinadala ako sa ulap ng amoy na iyon. Ang pabangong dati pang ginagamit ni Jeffrey.

Namiss ko talaga ang mga iyon.

"Humawak ka. Baka malaglag ka." Hindi ko na napansin, umaandar na pala ang motor niya't nililipad na pala ng hangin ang buhok ko. Mas lalong magiging awkward ang sitwasyon kung hahawak ako sa bewang niya. Kung kaya't sa balikat nalang niya ako humawak.

Namiss ko ang ganitong mga panahon noon na kasama siya. Yung pareho lang kaming sakay ng motor niya, gumagala sa buong syudad, hahanap ng makakainan. Tas pagkakain, direcho sa may acoustic bar na dati na naming suki. Iinom ng ilang bote ng beer na may pulutan na sisig. Pagkagaling sa bar ay pupunta na naman sa may boulevard at kakain ng balot.

At kapag lango pa rin sa alak habang nasa byahe pag-uwi ng bahay, tyetyempo akong walang masyadong tao, at yayakap ng mahigpit sa bewang niya, at siya naman ay tatanggalin ang kaliwang kamay na nasa manibela ng motor at hahawakan ang isang kamay ko't aabutin ng mukha niya ang sa akin, at gagawaran ako ng halik sa pisngi.

Pakenshet! Masyado na ata akong nadadala sa throwback na ito. Tss.

"Mag-focus ka nga Levi! Alalahanin mo ang rason kung bakit ka naririto."

"Okay ka lang jan?" Maya-maya ay tanong nito habang nagmamaneho pa rin.

"O-oo." Isang salita na nga lang ang isasagot, mabubulol pa. Asar!

Ilang minutong byahe pa at narating na namin ang isang restaurant na naging saksi sa una naming pagkikita bilang mag-boyfriend noon.

Pagkatapos maka-order ay umupo na kami ni Jeffrey sa pwesto kung saan kami laging nauupo sa tuwing kakain kami dito. Medyo ilang pa rin ako sa kanya. Napakabigat ng hangin sa pagitan naming dalawa.

"K-kumusta ka na Lev? Mas gumagwapo ka ata ngayon?" Tss. Ewan ko kung nambobola na naman ito, na dati pa niyang ginagawa, o ano. Pero pagkatapos kong marinig yun ay naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi. "T-totoo naman eh. Lalo kang gumwapo."

"M-mambobola ka pa din Jeff. You haven't changed." Pero sa totoo lang, parang gusto ko ding ibalik sa kanya ang pangpupuri niya sa akin. Well, siguro namiss ko lang talaga siya.

Natawa naman siya. "Ikaw nga tong di nagbago eh. Di ka pa din n-naniniwala sa akin sa tuwing sinasabi ko yan." Naputol ang bolahan namin ng dumating ang inorder niyang pagkain. Nahulog naman ulit ang puso ko nang siya mismo ang naglagay ng kanin at ulam sa aking plato.

"Hindi ka pa din nagbabago Jeff. Alagang-alaga mo pa rin ako."

Isa iyon sa nagustuhan ko kay Jeffrey, ang pagiging thoughtful niya. Napailing nalang ako sa tinatakbo ng isip ko ngayon. Haaay. Mahirap na.

Habang kumakain, nagkukumustahan lang kami. Pinag-usapan namin ang ilang mga bagay na nangyari, pagkatapos naming maghiwalay.

Kinumusta niya ang pag-aaral ko. Kinumusta ko din ang pamilya niya, lalo na ang Mama niya na mahal na mahal ako't itinuring din akong tunay na anak noong kami pa ni Jeffrey.

Grabe. Namiss ko talaga ang ganitong mga usapan sa pagitan naming dalawa.

Di pa kami umalis agad pagkatapos naming kumain. Dahil naging masarap ang kwentuhan, umorder sya ng dalawang bote ng beer upang makapag-kwentuhan pa daw kami. Okay lang naman sa akin. Alam ko naman ang ginagawa ko.

"Levi." Nakita kong biglang sumeryoso ang mukha ni Jeffrey. Nakita kong inilalapit niya ang mga kamay niya sa mga kamay kong nakapatong din sa mesa.

"Jeffrey.." Agad kong hinila ang kamay ko't nakitang natigil ang paglapit nung kanya. Hindi ko ata magugustuhan ang tensyon kapag dumantay ang balat niya sa balat ko.

"Levi, I miss you. I badly miss you, honey." Napasinghap naman ako sa tinuran nito. May ideya na akong ganito ang mangyayari, pero di pala ako handa na harapin ang ganitong usapan. "Mahal na mahal pa rin kita Levi."

"Jeff." Nanatiling nakabukas ang aking bibig, pero wala akong mahagilap na salitang pwedeng sabihin.

"Please Lev. I beg you." At tuluyan na nga niyang nahawakan ang aking mga kamay. "Come back to me! Mahal na mahal kita pa rin kita."


- to be continued -

3 comments:

  1. Can't wait for the next chapter. Gusto ko yung mga gantong realistic stories. Kasi yung iba ang corny. Oo nakakakilig pero sobrang layo sa totoong buhay. :) Nice one mr. Author. Ayoko lang nung mga tragic ending. Hihi.. I don't wanna cry na kasi. :)

    -Uglyduckling

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po sa positive na feedback. Makakaasa po kayong HINDI TRAGIC ANF ENDING NG SERYENG ito.. hehehe. Love lots.. :)

      Delete
  2. EXCITING! Kuya Jace, Chapter 4 na agad? tas asan na po ang The One That Got Away? Aabangan ko yun. :3

    - Excellion

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails