Athr'sNote-
Hi guys :)
Walang mabibitin ha? :)
Enjoy..
--
Point Of View
- K o b e -
Wala sa sarili akong napamulat nang tumunog yung phone ko.
Tangna konti nalang eh!
Kita ko yung napaka inosenteng mukha ni Chan na konting-konti nalang talaga ang layo sa akin.
Agad kong kinuha yung phone ko.
Message: Pst tol yung laban natin bukas na, 7pm. Kalaban natin yung mga taga 2nd street. Magready kayo.
Text ng isa sa mga kaibigan namin.
"Mga taga 2nd street?" nasabi ko.
Saglit akong napaisip. Sino ba mga taga 2nd street?
"Ay ewan." sabi ko nalang.
Hindi ko kilala mga player dun.
Agad ko lang pinatong sa lamesa yung phone ko at pinagmasdang muli si Chan.
"Next time nalang, daming istorbo." nasabi ko pa habang nakasalumbaba.
Agad na akong tumayo at inayos ang sarili.. ekspresyon.
Ibinalik ko yung bwisit at iritado kong ekespresyon, at sa..
"Oi Chan gising! Kain na tayo!" malakas na sabi ko.
Kita ko naman na agad siyang nagising.
Haha, tulog manok pala 'to. Kapag may ingay, gising kagad.
"Tara kain na." kunwari'y inis na sabi ko at padabog na naglakad papunta sa kusina.
Agad akong kumuha ng pinggan, kutsara at tinidor. Mapagsilbihan nga 'tong maliit na 'to.
-----
Point Of View
- C h a n -
Halos mapangiwi ako habang pumepwesto kami sa maliit na lamesa dito sa sala.
Yung ulam na niluto ko!! Nakapwesto sa mga kakainin at una sa lahat.. uunahin daw ni Kobe ang luto ko -.-
Ewan pero nahiya ako bigla.
Ano kasi.. ahm..
Alam niyo paba yung tungkol sa pagganti ko?
ARRRRGGHHH!!
Yung ulam na niluto ko.. tinadtad ko ng sili eh! At habang niluluto ko pa nga yun au tuwang-tuwa ako dahil makapaghigiganti narin ako pero ngayon.. ahm..
NAKAKAHIYA!
Paano ba naman kasi, nag-effort siya oh.. sinabihan niya ako na maupo lang at siya na bahala mag-ayos.. kaya naman parang natauhan ako. Nakakahiya kay Kobe!!
"Yan game.. tara kain na." ngiti ni Kobe.
Nakakapanibago talaga siya ngayon.
Alam niyo ba yun? Yung bang naiisip ko na parang may balak siyang masama kaya pinapaamo niya ako.
"Ah, ano kasi eh.. baka hindi masarap yan." alanganing sabi ko patukoy dun sa niluto ko, kasi inilapit na niya sa pinggan niya eh.
"Kobe wag nalang kaya yan? Eto nalang binili mo.. ano baka kasi hindi mo magustuhan yan." pahabol ko pa.
Pero wala talaga eh. Hindi niya ako pinapansin.
Ano kasi yung ulam, adobo yung hindi masarsado.. tapos pinakalasaw lasaw ko yung sili at sinali sa adobo habang niluluto.
Tinikman ko nga eh, a-ang anghang sobra.. sobra.
Nagpatulong pa ako kay tita eh, nasa kabilang linya siya at bawat sinasabi niya ginagawa ko.
At sa napapikit nalang ako nang makitang tinikman na niya ito.
1..
2..
3....
Wala sa sarili naman akong napamulat nang walang narinig na reklamo o reaksyon mula sakanya.
Kita ko lang siya na ganado nang kumakain, a-at.. napakabilis pa. Halata talagang nag-eenjoy siya.
Magsasalita na sana ako nang..
"Chan totoo lang ah?.. ang sarap ng luto mo ngayon, sakto ma-anghang yung ginawa mo. Mahilig ako sa mga maa-anghang na pagkain eh."
Sabi niya habang may laman pa ang bibig. Halatang tuwang-tuwa siya.
Sa totoo lang, pakiramdam ko nakanganga ako ngayon dahil sa gulat.
Napatango nalang ako sakanya at wala sa sariling napakain.
O.O
Buti na lang -.- buti nalang talaga at mahilig pala ito sa maa-anghang na pagkain. Ligtas ka Chan!!
Hindi ko na uulitin yun! Basta gagawin ko lagi ang lahat maipagluto lang siya ng masarap.
Pero! Pero hindi ko maipapangako na magiging mabait ako sakanya, eh sa mala-hayop ang kagaspangan ng ugali niya eh!
-----
Ultra Mega Gangbang version 99.9 Fast Forward, activated (--,)
Late na si #papaPrince sa update so.. heto, bibilisan ko na :)
-----
Point Of View
- K o b e -
After a week..
"Chan bilisan mo ah? Nasa labas lang kami nila Az at Dennis, bilisan mo ah?!"
Medyo malakas na pagsigaw ko. Naliligo kasi si Chan eh.
At ako naman? Eto naka-unipormeng pang-basketball.
Yung laban sana namin last week ay hindi natuloy at heto.. ngayon ang laban namin.
Na-move yung mga schedule, ginamit daw ata yung court sa ewan na event nila.
Pagkalabas ko, kita ko sila Az at Dennis na nagtatawanan. Naka-uniporme narin.
Tagal naming nabakante sa paglalaro ng basketball. Hindi rin kasi kami nagkakaroon ng oras para praktis sa pagbabasketball.
At kami naman ni Chan? Eto, impyerno't langit ang dating. Away, tapos magbabati dahil sa pagkain.. tapos away nanaman.
Ilang araw narin siyang natutulog sa sofa. Kaya ayan, ilang araw narin akong natutulog sa lapag -.-
Maaga lagi akong nagigising, nagse-set ako lagi ng alarm eh. Ang klasi kasi namin ay 7:30am, at 5:30 palang gising na si Chan.. kasi nga nagluluto pa siya ng makakain namin.
At yun na nga, gising niya ay 5:30 kaya naman para hindi niya ako makitang natutulog sa lapag ay 5:00 palang tutunog na yung alarm ko.
Hinihintay ko pa siyang makatulog bago ako pumepwesto sa may lapag.
Dati kahit 7am or 7:30 pa yung klase ay mga 30minutes before ang gising ko eh, wala na akong pakialam kung late man at kung saan na ako mag-aamusal.
Pero ngayon -.- 5am palang gising na ako, hindi ako sanay -.- yan tuloy.. Zombie ang lagay ko kapag dating sa school.
Pero! Gwapo parin.. lam niyo na.. given, haha
At si tita Sen? Ayun halos gabi-gabi na sa bahay simula nang malaman na nasa bahay na si Chan, may katulong tuloy si Chan sa pagluluto ng pagkain.
"Sino nga ulit mga makakalaban natin mamaya?" agad na tanong ko nang makalapit sa pwesto ng dalawa.
"Mga taga 2nd street nga, yung sila Jaydon."
Oh narinig niyo yun?
Team ng mga mukhang paa :))
Kaya naman hindi ko narin mahintay, mamaya makakalaban na namin sila.. at malalaman ko narin kung totoo mga sabi-sabi tungkol sakanya.
-----
Point Of View
- J a y d o n -
"Chan!"
Agad na pagsigaw ko pagkasagot ni Chan sa tawag ko, excited ako eh.. Haha
"Jaydon ano!!"
Natawa naman ako nang sumigaw rin siya.
"Nasan ka Chan? Pwede kaba? Diba matagal na nating hinihintay yung laban namin kasi manonood ka.. Chan mamaya na laban namin, nagbibihis na nga ako eh." masayang sabi ko.
"Nge? A-anong oras ?"
Napakunot naman ako, parang nag-iba bigla tono niya.
"7pm, kalaban namin mga taga 1st street.. sila Kobe." sabi ko.
Lalo naman akong napakunot nang hindi siya nagsalita.
"Chan may problema ba?"
"Ano kasi Jaydon eh.."
Hinayaan ko lang siyang magsalita.
"Ah basta basta.. osya tetext nalang kita mamaya, may gagawin pa ako eh."
At sa namatay na nga ang tawag.
Naiwan naman akong.. 'blangko'.
"Chan?" kunot na sabi ko habang nakatingin lang sa phone ko.
Hayy.. daya naman ni Chan, sabi niya panunuorin niya ako eh.
.....
"Tara.."
Sabi ko kina Jap at Clark at inagaw ko yung bola kay Jap.
Habang naglalakad papunta sa court ay nagdi-dribble ako.
"Nasan si Chan? Diba manunuod yun?" tanong bigla ni Jap.
Nagkibit balikat nalang ako. Hindi ko rin alam eh.
"Wait, lemme text him." agad na sabi naman ni Clark.
"Wow, close mo?" kunot ko.
"Wow rin ah? Sayang kasi walang maingay, ang sarap kayang kasama nun." balik niya habang sa phone niya ang pokus.
"Oo nga, ay grabe.. kahapon yung 500 pesos ko ubos sa french fries. Adik sa pagkain si Chan noh? Puro pagkain bukambibig." sabi pa ni Jap.
Napangiti naman ako, si Chan talaga.. puro pagkain. Kilala siya sa pagkain xD
-----
Point Of View
- C h a n -
"Ano tara na?"
Masayang bungad ko kay Kobe nang makalabas na ako mula sa kwarto niya, dun ako nagbihis eh.
"A-ano kasi Chan, pwedeng dito ka muna? Susunduin nalang kita maya-maya.. mauna na muna kami." alanganing sabi niya.
Parang may naramdaman akong sakit bigla? Ewan? Ang gulo.
"B-bakit?" natanong ko nalang.
Nakakainis pa dahil parang may tinatago siya.
Kanina minamadali niya ako tapos ngayon pinapaiwan niya ako dito na sila na muna daw ang mauuna? Nakakainis diba?
Nakakawalang gana, excited pa naman ako.
"B-basta Chan, dyan kana lang muna noh? Babalikan kita." sabi niya at agad na nga siyang tumalikod at lumabas ng bahay.
Nakakainis, alam niyo yung parang napag-iwanan?
At sa naisipan ko na lang na sumunod, naglakad narin ako papunta sa may pintuan.
Napatigil naman ako nang may marinig na nagtatawanan.
Pasimple akong sumilip sa may bintana..
"Tangna ang aga niyo naman kasi uminom, puro kayo alak kakainom niyo lang kagabi diba?" naiinis na sabi ni Kobe.
Ba't siya naiinis?
T-teka.. kilala ko yung mga yun ah?
Ang dakilang tatlong 'J'.
Si Joel, Jorrel at Jason.
"Ang papangit nung mga nadaanan namin." sabi ni Jorrel. "So very panget."
So very panget? Nyahaha
Ewan pero natawa ako, loko yung Jorrel na yun ah? Haha
Mga lasing nga sila, sa mga galaw palang nila alam na eh.
"Tara tara.. mag 7 na oh, late pa tayo niyan." sabi pa ni Az na halatang naiinis rin.
Lalo naman akong nakaramdam ng parang sakit nang mawala na sila sa harap ng bahay.
Parang bigat lang sa pakiramdam.
Mag-isa ako dito, iniwan nila ako.
Mas lalo akong nainis nang maramdaman yung presensya ng katahimikan.
Agad lang ako pumunta sa may sofa at tinignan yung phone ko.
May text pala.
Message: Chan? Laban ngayon ng team nila Jaydon, hindi kaba manunuod?
Message: Woy Chan! Sabi ni Jaydon baka hindi ka daw makakapunta, bakit naman? Punta kana sa court! Bibili ulit kita ng fries :)
Napangiti ako sa nabasa.
Buti pa sila Jap at Clark at Jaydon sinasama ako.
Bahala na, iwanan ko nalang 'tong bahay, isasara ko nalang.
Bahala na si Kobe!
.....
"Nagtatampo ka?"
Tanong ko kay Jaydon habang pinipigilan ko ang matawa.
Kadarating ko lang at hindi niya ako pinapansin, obvious na nagtatampo siya. Haha
"Chan hayaan mo yan, tara bili nalang kita ng fries.. meron dun oh yung tag ten, bili kita ng marami." sabi naman ni Jap na katabi lang ni Clark, abala sila sa tab na dala ni Clark, susyal haha
"Wait Jap, nag-iinarte pa 'to eh.." natatawang sabi ko at pabiro ko namang sinampal si Jaydon.
"Hoy!!" sabi ko pa nang hindi talaga siya nag-react.
"So sige, ano nalang gusto mong gawin ko? Para ayos na?" bulong ko habang nakangiti, bigla naman siyang ngumiti na mas ikinangiti ko.
"Pakagat mo na yung labi mo." bulong niya. "Yung lower lip tapos left side mo." sabi pa niya.
Natawa ako dahil sa siya mismo ay natatawa sa kagaguhan niya.
"Kasi naman eh, nakakainis kaya yung ginawa mo kanina." simangot niya bigla.
"Ano wala yun, pasensya na.." nahihiyang sabi ko.
Tsk, nakakainis talaga si Kobe!
"Buti dumating ka, dahil kung hindi susunugin ko bahay niyo."
Dapat lang, sunugin niya dapat! Nang masunugan si Kobe. Hindi na nun siya hilaw na tisoy.. Dulok na tisoy na!
"Pst Jaydon oh.. ayan na sila Kobe, mga makakalaban niyo."
Pare-pareho naman kaming napatingin sa tinuro ni Clark.
Patay, makakalaban nga talaga ni Jaydon sila Az, Dennis at Kobe. Tsktsk, sabi na eh..
"Yung mga kasabay mo lagi oh.." sabi ni Jaydon pagkalingon niya sa akin at pagturo niya kina Kobe.
"So anong pinaglalaban mo?" parang batang sabi ko, pero sa nang-iinis na tono.
Lagi nalang niyang sinasabi na "yung mga kasabay mo lagi oh" kapag nakikita niya yung tatlo.
Hindi pa niya alam na kay Kobe ako nakatira, ewan pero hindi ko lang talaga trip na ipaalam sakanya.
"Tol good luck ah? Magagaling yung mga yan, ayusin mo ah?" rinig kong sabi ni Jap. "Hindi kami sumali, para naman masolp mo yung hiyawan." tonong pagmamalaki pa niya.
Tsk tsk, bakbakan 'to patay..
"Chan, may sabihin ako."
Napalingon naman ako kay Jaydon, seryoso siya.
"Ano?"
"Hayaan mo muna akong maging 'ako ngayong gabi ah?"
Anong ibig niyang sabihin?
"Alam ko kasing may galit sa akin yang mga yan, pati yung tatlong 'J na yun. Ewan ko ba, kaya sana hayaan mo munang maging 'ako."
Napatango nalang ako. Nakuha ko na ang ibig niyang sabihin.
Ilang beses na niyang pinagtitimpihan sila Kobe.
Ewan ko ba kina Kobe, ayaw makinig sa akin. Naaangasan daw sila kay Jaydon, eh ganun lang naman talaga si Jaydon.
"Sa court Chan, makikilala mo yung Jaydon.. yung hayop sa ring." sabi naman ni Clark.
Napapatango nalang ako.
Nakakaamoy ako ng gulo, hwag naman sana -.-
-----
Point Of View
- K o b e -
"Chaaaan?.."
Agad na pagtawag ko kay Chan nang makapasok ako ng gate.
"Chan tara na?"
Napakunot naman ako nang makitang patay na lahat ng ilaw.
Agad ko lang binuksan ang mga ito at dumeretso sa kwarto.
Lalo naman ako napakunot, wala dito? Inikot ko na ang bahay pero wala parin.
Hanggang sa napatigil nalang ako nang tumunog yung phone ko.
"Oh?" agad na sabi ko, si Az.
"Uy Kobe? Nandito si Chan, kasama niya yung bestfriend niya."
"Uy?.. Oy Kobe??!!.."
Agad ko lang pinatay yung tawag.
"Puta." pag-iling ko.
Ano nanaman ba 'tong nararamdaman ko?!!
Agad lang akong umalis.
Kailangan ko nang makabalik sa court.
Sinusubukan talaga ako ni Jaydon ah? Ilalampaso ko team niya, tangna!
-----
Point Of View
- Third Person's -
"Hernandez.. hernandez... hernandez..... THREEEEEEEEE POINT....!!!!!"
Kasabay nang pagsigaw ng commentator ay ang malakas na hiyawan ng mga manunuod.
Mainit ang laban, sa kasalukuyan ay lamang ang team ni Jaydon.
Basta maka-three point si Jaydon o si Kobe, isang sunud-sunod na malalakas na hiyawan ang nangingibabaw.
Si Chan, si Chan na kanina pa napapakit dahil sa nangyayari.
Nakikita niya yung inis sa pagitan ng dalawa, napapapikit nalang siya sa tuwing magtitinginan ng masama yung dalawa.
77-81 ang score.
Close fight.
Hindi alam ni Chan kung sino ang mananalo, pareho kasing magaling ang dalawang team.
Pero kung tatanungin siya?
Ang gusto niyang manalo ay ang team ni Jaydon, hindi niya alam kung bakit pero kay Jaydon ang panig niya. Kahit na may dare nanaman sila.
"Clark."
Sabi niya pagkalingon niya sa dalawa.
"Tara kain nalang tayo sa labas." tonong nangungumbinsi ni Chan.
Hindi talaga siya mapakali. Naiisip niya kasi na baka mag-away yung dalawang team.
"Chan, kailangan nating makita 'to.. last quarter na eh, last 3 minutes nalang oh." sagot ni Clark at pag-akbay pa sakanya.
"Tae oh, ang bilis humabol ni Kobe.. patay tayo nito Clark.. wag naman sana.." alanganing sabi naman ni Jap.
Aaminin ni Chan, sa kabilang banda.. gusto niyang manalo sila Kobe.
Pero dahil sa inis niya rito, si Jaydon parin ang mas gusto niyang manalo.
Kahit na may dare nanaman sila.
(
flashback
"Grabe ka naman Jaydon, puro kadiri alam mo."
Naiinis na natatawang sabi ni Chan. Kumakain sila ng fries ni Jaydon sa iisang lalagyan, si Jaydon ang nakahawak at kain lang sila ng kain.
"Ano ayaw mo? Kapag natalo kami.. sige wala kanang utang sa akin." nakakalokong sabi ni Jaydon.
"Bakit pa kasi yun yung dare? Jaydon naman eh.." nabibwisit nang sabi ni Chan.
"Arte naman Chan, parang limang segundo lang naman." naiinis narin na sabi ng isa.
Agad lang tumalikod si Jaydon mula kay Chan, napatigil tuloy sa pagkain si Chan.
"Jaydon naman eh.. ikaw yung nag-iinarte oh." inis ni Chan. "Oo na sige na, sige na.. sige na.. SIGE NA!!"
Agad namang humarap sakanya si Jaydon na nakangiti, aaminin ni Chan.. natutuwa na kinikilig siya sa inaasta ni Jaydon.
"Kiss, five seconds.. Deal." sabi pa ni Jaydon.
"Oo na nga, amina yung fries.. bibili mo'ko tapos ikaw umuubos." padabog na sabi ni Chan.
Tuwang-tuwa naman si Jaydon, sobra. Hindi naman talaga seryoso yung dare eh, natatawa lang siya dahil reklamo lang ng reklamo si Chan na talagang ikinangingiti niya.
end
)
"THREEEEEEEEEE POINT!!!!"
Isang malakas na hiyawan ang pumaloob sa court.
"Congratulations sa mga taga 1st street.. specially sa kanilang three pointer na si Hernandez.. hindi na bago ang mga nangyari.. basta nandyan si Kobe.. 1st street for the win.. for the title.."
Masayang sabi pa ng commentator.
"Kobe!"
"Az!"
"Dennis!"
"Kobe!"
"KOBE!!"
Sigawan ng mga manunuod.
Katulad ng inaasahan, ang tatlo nanaman ang gumawa ng mga puntos.
------
Point Of View
- C h a n -
"Tae sayang Chan.."
Nanghihinayang na sabi ni Jaydon habang nakangiti.
Inabutan ko naman siya kagad ng gatorade na binili ko kanina lang sa labas.
Wala siyang pang-itaas, pawis na pawis siya.. ang init, haha
Sa nakikita kong ekspresyon niya.. parang laro lang talaga sakanya yung nangyari. Sports, ika nga.
"Alam mo nakakatuwa ka Jaydon, hindi ka man lang pikon kahit natalo kayo noh?"
Sumimangot naman siya kagad, napakunot naman ako.
"Oh napano ka?"
"Naiinis nga ako eh."
"Huh?"
"Natalo kami, edi walang kiss." biglang pagngiti niya na ikinangiti ko rin.
Nadadala talaga ako sa mga kagaguhan niya.
"Tumigil ka nga." pagsiko ko pa sakanya.
"Grabe 1 point nalang eh, siguro kung kasali kami ni Clark, tsk panalo.. sure win. Tara na nga.. kain na nga lang tayo."
Napalingon kami sa nagsalita, sila Jap at Clark pala.
"Sige sige." excited na sabi ko.
Agad naman akong tumalikod mula kay Jaydon.
"Oh kunin mo yung pamunas mo dyan pati yung ekstrang damit mo.. dali para makaalis na tayo." pagmamadali ko.
Suot suot ko bag pack niya eh, ginawa akong yaya.
Minamadali ko siya, ewan pero ayokong makausap si Kobe dito. Kanina kasi tinitignan tignan niya ako, simula una palang.
"Chan kaw magpunas ng pawis ko." rinig kong sabi ni Jaydon habang kinakalkal niya yung bag.
"Jap Clark oh, parang tanga kaibigan niyo." pagsumbong ko sa dalawa.
Mag-asawa ba kami?
Sira talaga 'tong si Jaydon.
Nang maisara niya ang bag ay muli na akong humarap sakanya.
Nakangiti lang siya habang pinupunasan yung pawis niya.
"Bilis, nagugutom na ako." simangot ko.
"Kakakain lang natin kanina eh, 100 pesos fries kaya yun, sampung tag ten na nga yun eh." sabi niya. "Pakihawak saglit Chan."
Kinuha ko naman yung tshirt niya.
Konti pa nga lang yung fries na yun eh, bitin pa nga ako.
"Ang bango ah.." ngiti ko nang amuyin ko yung tshirt niya.
"Alam mo Chan sa aming tatlo, yan ang hindi bumabaho. I mean oo hindi naman kami mabaho, tae ang babango namin palagi.. basta si Jaydon kahit magdamag na magbasketball pa yan.. nako, walang kabaho-baho." pagmamalaki ni Clark.
"Build Up!!" pang-iinis ko. "Sus, ang baho na niya kaya oh.." sabi ko at pag-amoy ko pa kunwari sakanya.
"Ay ewan, tara na kain na tayo.. tol bilisan mo naman." si Jap.
"Oh buti pa si Jap, tara nga Jap mauna na tayo." sabi ko at pagtulak pa kay Jap.
Sumunod naman sila Jaydon.
"Chan anong gusto mo? Sampung fries ulit?" rinig kong tanong ni Jaydon, inabot ko naman yung tshirt niya sakanya habang tulak tulak ko si Jap.
"Pizza naman tayo, sagot ko na." sabi ko.
Nakakahiya, lagi nalang nila akong nililibre. Tsktsk, eh pinagkakasya lang nila daw mga pera nila sa bawat isang buwan eh. Nakakahiya, dagdag pa ako sa gastos nila.
"Sige Chan tama, pizza naman." rinig kong sabi naman ni Clark at naramdaman ko na tinutulak-tulak narin niya ako, nakuha ko pang matawa sa kagaguhan namin.
Alam niyo yung..
*Tren tren put put.. tren tren put put*
Nyahahaha
"Tae ah? Jaydon tinalo ka talaga ni Bangsi." biglang sabi ni Clark.
Bangsi?
"Sinong bangsi?" agad na tanong ko habang abala parin sa trentrenputput namin. Haha
"Si Kobe, yung lagi mong kasabay.." sagot ni Jap.
Mas lalo ko naman siyang tinulak.. yung pasadya na na ikinatawa naman niya.
Buti pa daw sila Kobe sinasabayan ko.. pero sila daw hindi. Tsk, mga gago. Hahaha
"Guys.. alam niyo naman siguro yung trentren putput diba?" sabi ko. "Jaydon dun ka sa likod ni Clark.. dali magpaka bata na muna tayo." natatawang sabi ko pa.
Pinatong ni Jaydon sa balikat ko yung pamunas niya at agad naman siyang pumwesto sa may pinakalikod.
"Tren tren put put.. Tren tren put put.." sabay sabay na sabi namin habang kami mismo ay natatawa sa pinaggagagawa namin.
Palabas palang kami ng court.. kaya naman agaw atensyon, lalo na yung mga sumisigaw para kay Jaydon.. talagang tuwang-tuwa sila habang pinanunuod kami.
At sa bigla nalang tumigil si Jap na nasa harap ko mula sa paglalakad kaya naman napatigil rin kami nila Clark.
Nasa may gate na kami ng court eh, palabas na sana..
O.O
Napalunok naman ako nang makita kung sino ang nakaharang sa may labasan.
Si Kobe.
"May problema?" simpleng sabi ni Jap.
Naka-poker face lang si Kobe kay Jap. Yung bang 'kilala kita?'.. ang dating ng tingin niya kay Jap.
Pasimple naman siyang nilampasan ni Kobe saka tumigil sa harap ko.
"Chan tara uwi na tayo." mahina ngunit may otoridad na sabi niya.
Ewan pero imbis na mainis sa inaasta niya ay parang iba yung nararamdaman ko.. parang nangungumbinsi kasi yung mga tingin niya sa akin eh.
"Uwi na tayo?" agad na tanong ni Jaydon pagkalapit niya. "Chan? Anong uwi na kayo?"
Patay.. sabi na eh.
"Ah.. ahm.. ano kasi Jaydon eh.. ano kasi si Ko.."
"Magkasama kami sa iisang bahay, bakit? may problema ka?" sabat ni Kobe.
Muli akong napalunok.
"G-ganun ba? Osya, mamaya na siya uuwi.. kasama namin siya eh. May lakad pa kaming apat." sabi naman ni Clark.
Bakit ba kasi ang iinit ng ulo nila? H-hindi ako makasabat!
Dahan-dahan na akong tinutulak ni Clark. Palakad na kami nang..
"Chan tara uwi na tayo." muling sabi ni Kobe.
Tumigil kami ulit.
"A-ano kasi Kobe eh.. may lakad pa kaming apat." pilit na pagngiti ko.
Hinawakan naman niya ako sa may kamay, wrist part..
"Chan. Uwi na tayo, please?"
Itutuloy
O.O
Bitin, author (-.-)
Anyway..
Sa mga minamahal na mambabasa ni #papaPrince.. :)
-ylden, nice name :) new name din :) salamat!
-gilrex, malabo atang maging normal pa yung dalawa? eh parehong gago xD
-44, weh? ikaw? hinihintay 'to? weh? Nyahaha
-shai, gusto mong sipain ka ni Kobe kapag tinabigan mo si Chan? Haha
-yeahit'sJM, oops.. MALI ang sa palagay mo :)) haha
-xian, pasensya na.. hindi ako marunong gumawa ng bedscene eh :) btw, new name :) salamat!
-alfredTO, thanks din!
-yuwon, maraming salamat Yuwon :)
-emo19, tara manalbe tamung mamalaspas? balu me ita? next week ne :)
-jharz.. si kuya jharz na mareklamo xD
-leandro, it's my pleasure :) sana sa mga oras na ito hindi ka malungkot :)
-dave, magsama kayo ni Jake! btw.. hi Riel :)
-JCSY, pakiss kita kay Kobe? :))
-"silentreader", go go Fight FIGHT!! Haha
-michito, lagi ko kayang hinihinay comment mo :) yung mga pang-SONA na nakakatuwang basahin :))
Ayan, salamat sa inyo :)
Sana nandyan kayo palagi ah? Pasensya na kung mabagal ang update.. basta asahan niyo.. tuloy lang tayo :))
Maraming salamat!!
Wa balu ke ita.
ReplyDeletethanks author sa update.
Bukas uli update ka ha.
bitin eh. Hatawin sa likod si author.hahahaha
emo19
nabasa den wale.. sarree. kelan ba kasi? wag ka na tampo :(
ReplyDeleteat wawa na naman si kobe -_-
-nagtatagongGeo
Nice!
ReplyDelete-Lawyer Anonymous
Hello Red!! 😊 hahahaha grabe ka.. Mas gusto ko si jake kasi may pagka bad boy pero sweet kaya team jake ako.. Parang c kobe lang.. Hahahha hmmfft magsama din kayo ni devin bwahahaha 😜 - dave
ReplyDeleteSobra akong naaaliw dito. Salamat sa update mr. Author. Kaso bitin. Hehe. Chan and kobe pa din ako. ;)
ReplyDelete-tyler
Kinikilig ako kag Jaydon at Kobe pwede bang makatuluyan nalang silang dalawa ni Chan? Haha
ReplyDelete-yeahitsjm
Ayan, nagpakumbaba na si Kobe. Sana magising ka na rin Chan. Puro malalaki ang fried chicken nyo. Thanks sa update kahit medyo bitin. He he.
ReplyDeleteAyun na ehhh.. bitin na naman XD
ReplyDeletethanks author :)
Oo na author reklamador na, eh anu mgagawa ko nababalewala ung manok kong si kobe laging pabor jaydon ung ginagawa mo palagi
ReplyDeleteAyaw mo biglan ng chance si kobe na maging sweet ky chan puro bad images ung pinakikita mo
Jharz
Waaa...one of the fav q tong story mu prince.....i realy love this.
ReplyDelete.nakaka good vibes..lakas lang
Keep it up..mmmm....t.c.
Jess
Kinakabahan ako sa susunod na update feeling komag aaway nanaman si Kobe at Chan :( tapos ano kaya mararamdaman ni Jaydon dahil sa mga nalaman nya!!! Baka magalit sya kay Chan :(
ReplyDelete-44
Hahaha. Ayos lang. Kilig moments lang, solb na eh. Kobe pa rin for Chan. Bigyan mo na lang ng chicks si Jaydon. XD
ReplyDelete- Xian ( hindi ako yung may manboobs. Kups yun eh.)
Ay! Nakakataba naman ng puso. Hinihintay mo pala comment ko. Nakaka tats. Peri oa naman ang SONA hahhahaha!
ReplyDeleteHahahaha! So okay. Medyo kinikilig na ko kay Jaydon, very very light lang naman. Ughhh enebe. Ang lakas mo makaimpluwensya. Hahaha
Pero Kobe pa din ako. Nako no. Sayang naman ang sakripisyo ni Kash kung hindi ChanTenten ang magkakatuluyan. Argh.
Haha anyways. Thanks sa update. Worth waiting naman ang story mo kaya hokey lang yan! Hahaha
- Michito with love
Gravi naman s otor sipain tlaga hehdheh
ReplyDeleteSumbong ko sya kay chan wala syang magagawa....
Ewan ko ahhh kc pareho kami chan puro pagkain... kahit saan basta may pagkain... solve na heehehe
😁😁😁 wawa naman c tenten.. chan sama ka lang sa kanya plzzz...😞😞😞😞😞😢😢😢😢😢 ayaw ko saba sabihin pero un parin ang nagyari hehehee bitin pero xcited n sa nxtchapter hehehe kilig kilig kilig din pag may tym..
Wag puro drama nakakastress nakakatanda face...
Ai sory kahit anu na lang punagsasabi ko😊😊😊
Shai
Nag-abiso na walang mabibitin. As expected nabitin ako don sa last part. Ayun na eh, nadadala na ako sa eksena tapos 'itutuloy' na yung susunod na nabasa ko haha.
ReplyDeleteBy the way, magandang update to mr author. Napakagaling mo magpakilig. Haha
ayun sulit paghihintay ..ako una nakakabasa ng update lagi midnight nahihiya lang ako maging first commentor hAh btw good job sana lagi ganito kahaba mr. author. :)))
ReplyDelete--- Yuwon
Mas gusto ko yong bawat eksena ni Chan at ni Jaydon... nakakasawa na kasi masyado si Kobe eh, masyadong pakipot... :) hehe! Ngayon lang nakadalaw ulit,, hihi!
ReplyDeletenice... :-)
ReplyDelete