Athr'sNote-
Eto! Eto na! Eto na talaga! Haha
Well anyway, eto na nga.. chapter 8 na tayo, sobrang napag-iiwanan na tayo. Tsk tsk
Pero, salamat sa mga naghihintay :) para sa inyo 'tong chapter na 'to.. hindi ganun kaganda pero, makikita niyo hinahanap niyo :)
#ChanDon! Sa mga ka-Jaydon jan, comment kayo :) kapag marami tayong #ChanDon, itatapon ko si Kobe :) whehehehe
Grabe, hindi ko na nabasa yung ibang story -.- kamusta na kaya si Devin? :( Tapos si Riel! Ano na kayang nangyari sakanya? Lalo na si Joseph? sila naba ni Chris? -.- -.- -.-
Pero guys, eto na talaga.. susubukan kong bumawi.. ay mali, hindi ako nangangako sa mabilis na update.. argh -.- wala akong masabi about updates, nakakahiya -.-
Pero guys, uulitin ko.. magkasya na muna kayo dito sa chapter 8. Haha
Again, chapter 8 :) hoho!!
Enjoy :)
--
Point Of View
- K o b e -
"Sigurado kang magiging ayos ka lang? Pwede ka naming samahan."
Isang ngiti lang ang itinugon ko sa tanong ni tita Sen, mabuti at nakuha nila ang nais kong iparating.
Sabado ngayon, kahit hanggang mamayang gabi lang ako dun, pwede na.
Every month kong binibisita si kuya ko, at ngayon ay pupuntahan ko siya.
Gusto ko nang magbago, magsimula. Kaya sa araw na ito, magsisimula ang storya ko :)
"Mauna na ako, babalik rin naman ako mamayang gabi. Paalam.." tonong pagpapanatag ko sa tatlo at sa nakuha nalang naming magngitian.
Agad na akong pumasok sa bus at pumwesto sa may bandang dulo.
Napag-isip isip ko rin na kailangan kong suyuin yung maarteng si Chan. Sabi ni tita Sen na naghihintayan lang kami, kaya sige at ako na ang kikilos. Haha
.....
"Pampanga."
Ang nakangiting sabi ko pagkababa ko ng bus, nasa may Dau Terminal ako.
Bago ako naglakad papalabas ng bus ay tumungo muna ako sa bilihan ng donut. (Sa mister donut nagtatrabaho ang author niyo :] )
"Brownies po, tatlo." agad na sabi ko pagkalapit ko. (Brownies ang pabrito ng author niyo sa tinda ng misterdonut, haha)
Agad na akong naglakad papunta fastfood, magbabaon ako, hanggang mamayang gabi na kasi ako kay kuya ko eh.
....
"Kuya Kash.."
Agad na sabi ko at pagngiti habang papaupo.
"Kamusta? kuya.." mahinang pagtatanong ko nang mapagmasdan ko yung pangalan niya.
Wala pa man akong isang minuto ay agad na nga akong napaluha, nakangiti na nakatitig lang sa pangalan ng kuya ko.
Ang hirap. Ang hirap pala kapag wala ang kuya mo no? Yung bang, kuya mo na asikasong-asikaso ka. Isang kuya na mahal na mahal ka, isang kuya na alagang-alaga ka.. diba? ang hirap mag-adjust kapag nawalan ka ng isang kuya na ganun ka kamahal.
"Nakakainis ka talaga kuya. Pinapaiyak mo ako." pilit na pagngiti ko habang nasa kalagitnaan ng pag-iyak.
Ayaw ni kuya sa lahat ay yung umiiyak ako, bata palang.. sinasabihan na niya ako.
Kung kinakailangan, hangga't maari at posible.. kontrolin mo yung luha mo.
Hawakan mo, patatagin mo.
-----
Point Of View
- C h a n -
"Clark, pakisabi sa tatay mo salamat ah?"
Pagpansin ko ulit kay Clark.
Kasama ko sila ngayon, nasa biyahe kami.
Akala ko mapapasabak nanaman ako sa bus, pero buti at driver pala 'tong tatay ni Clark at nakapaghiram siya ng kotse, ang gulo nga eh. Haha
"Oo nga, ilang salamat na yan ah?"
Napangiti nalang ako sa sinabi ni Clark, siya nagda-drive.. tinuruan daw siya ng tatay niya.
Mukha talagang mayayaman 'tong mga to eh, look.. ang ku-cool ng mga dating nila, yung bang upong prinsipe.
Napatingin naman ako kay Jaydon, nasa may gilid siya.. naka-headset tapos nakapikit.
Napangiti na lang ako, ang cute ng dating niya. Dahan-dahan ko siyang tinabihan at nakipikit narin, kasisimula palang ng biyahe namin eh.
Naramdaman ko naman na mas dinikit ni Jaydon yung katawan niya sakin, palihim akong natuwa.. parang may posteng bata akong alaga. Haha
....
"Chan, palabas na tayo ng NLEX, san na tayo? saan ba bahay niyo?"
Agad akong napaupo ng maayos dahil sa sinabi ni Clark.
Patay, oo nga pala.
Anong sasabihin ko? Hindi ko naman sila pwedeng dalhin sa bahay, ang alam nila ay mahirap lang ako.
TAMA!!
Oo tama, si ate Cindy.
"Si ate ko kasi katulong eh, siya nalang kasama ko sa buhay.." ang kunwari'y nag-aalangan kong tono.
"Hwag kanang mahiya Chan, hindi ka naman iba samin eh." sagot ni Jap, ngumiti naman ako.
Okay, mukhang kumakagat xD
"Sige, basta tuturo ko nalang yung daan.." kunwari'y nabuhayan ko nang tono.
Nang tumango si Clark ay agad na akong nagtext.
Message: Ate Cindy, hindi na tuloy yung sinabi ko kagabi.. diyan na ang tuloy namin. Ate kita ah? Tandaan mo yun ate Cindy.. basta pakisabi sa mga nasa bahay na hwag nila akong babatiin katulad ng dati, basta normal lang.. basta ate kita. Papunta nakami.
Nang masend ko ang text ay nakahinga na ako ng maluwag, oo nga pala at nakausap ko na pala si ate Cindy kagabi.
"Chan gisingin mo na si Jaydon." rinig kong sabi ni Jap.
Napatingin tuloy ako kay Jaydon, tinulugan talaga kami sa biyahe. Haha
"Pst makapal na labi.." nakangiting pagpansin ko sakanya.
"Oi Chan, anong sabi mo?"
Napatingin ako kay Clark, natatawa siya, ganun rin si Jap.
"Bakit?" kunot ko.
"Alam mo ba sa probinsya namin, ang taong nang-aasar sakanya na kalabi nasasaktan, grabe baka marinig ka niyan, sira ulo yan Chan."
Napa- "Oh?" nalang ako, mukhang hindi naman kapani-paniwala sinasabi nila. Iba kaya pagkakakilala ko kay Jaydon.
"Talaga?" sabi ko pa.
"Oo nga." agad na sabi ni Clark.
Agad kong tinignan si Jaydon, tulog parin.
"Oi makapal na labi.." medyo malakas na sabi ko na.
Kita ko naman yung "O.O" na ekspresyon ng dalawa, natawa pa ako.
"Chan naman eh.. natutulog pako."
Natawa ako lalo nang magsalita na si Jaydon, parang bata lang.
"Jaydon, ba't ang kapal ng labi mo?" inosenteng tanong ko kunwari.
"Yan ka nanaman sa tanong mong yan eh, inggit ka talaga Chan. Gusto mo sa'yo na lang?"
Matapos niyang masalita ay tinignan ko yung dalawa sa harap, tameme ata. Haha
"Oy Jaydon, b-ba't hindi ka nainis sa sinabi niya?"
"D-diba?"
Hindi makapaniwalang sabi ng dalawa, naguguluhan talaga ako sakanila.
"Eh pandak siya eh, baka kapag binugbog ko baka hindi na talaga siya lumaki."
Napasimangot naman ako nang magtawanan ang tatlo, kagagaling lang sa tulog nang-aasar na kagad.
Pero, ang saya nila kasama. Nakakatuwa, nakakagaan ng pakiramdam.
....
"Dito pala namamasukan si ate ko." agad na sabi ko nang makababa na kaming tatlo at ngayon ay nakitingin sa bahay namin.
Napakunot naman ako nang wala silang reaksyon.
"Hoy?" pagharap ko pa sa tatlo.
Kita kong wala talaga silang reaksyon, naghikab pa si Kobe.
"Ay sir.. ay Christian ikaw pala."
Nakuha ko pang panlakihan ng mata si ate Cindy, ipapahamak pa ako eh.
"Ate, s-sila pala mga kasama ko." pilit na pagngiti ko.
"Hello po." rinig kong bati naman nung mga nasa likod ko.
"Ay hello, kayo pala bisita ng kapatid ko, tara pasok."
Sinamahan ko naman sila papunta sa loob, iiwan ko rin sila saglit eh.. may pupuntahan pa ako.
.....
Kapag titingin ako sa tatlo napapakunot na lang talaga ako.
Wala silang karea-reaksyon haha, nasa loob na kami ng bahay sa may sala.. pero ganun parin ekspresyon nila.
"Chan lilibot mo kami ah?" biglang sabi ni Jaydon, kagabi pa nila inuulit-ulit, mga excited.
"Oo sure, ahm.. dito muna kayo ah? Alis lang ako." pagngiti ko.
Tatalikod na sana ako nang..
"Oy Chan.." biglang sabi ni Jaydon. "Sama mo kami, nakakahiya naman kay ate mo baka pagalitan siya ng amo niya."
Napangiti nalang ako dahil sa sinabi niya.
"Don't worry, mabait amo niya." tonong paninigurado ko pa.
"Ate, kaw na muna bahala sakanila.. gutom mga yan." pagharap ko saglit kay ate Cindy, tumango naman siya. "Guys feel at home, mabait amo ni ate." pagngiti ko pa sa tatlo at umalis na nga ako.
....
"Kuya? Papunta na ko." agad na sabi ko pagkasagot ko sa tawag ni kuya ko.
"T-talaga? Eh yung pinabili ko?"
"Oo nga, eto oh dala-dala ko.. bumili na nga rin ako ng sakin." patukoy ko sa dalawang Zagu na hawak ko.
"Pakisabi sa kuya mo pauwi narin ako niyan ah? Sabihin mo pupuntahan ko siya kagad."
Napangiti nalang ako sa sinabi ni kuya, loyal si kuya.. haha
---
Point Of View
- Third Person's -
Masayang naglalakad si Chan habang kausap ang kuya niya.
Masyado siyang mangha dahil sa hanggang ngayon ay isang tao parin ang minamahal ng kuya niya.. na hindi ito nagbago.
Hanggang sa napatigil nalang siya nang may mapuna ang kanyang paningin.
"K-kuya.." ang wala sa sarili niyang nasabi dahil sa gulat.
"Chan? Bakit?"
"K-kuya saglit lang, mamaya kana lang tumawag." mahinang sabi niya at pagbaba na sa tawag.
"K-kobe?" ang naibulong pa niya.
Alam niyang si Kobe ang nakikita niya, sa mga biyas palang nito.
Dahil narin sa may puno na malapit dito ay malaya niya itong nalapitan at ginamit ang puno para makapagtago.
Palihim siyang natuwa, dahil sa nakita niya si Kobe.
Pero, sa dating palang ni Kobe ngayon ay alam niyang umiiyak ito na lihim na nagdudulot ng sakit sakanya, hindi kayang nakikita itong umiiyak.
Ilang minuto pa siyang nagtago sa puno at patagong pinakikinggan ang mahinang pag-iyak ni Kobe.
Hanggang sa hindi na niya natiis at napagdesisyunan na niyang lapitan ito.
Maglalakad na sana siya papalapit nang..
"Pasensya na kuya ah? Kanina pa ako umiiyak, nahihiya tuloy ako sa'yo. Ang laking tao ng kapatid mo, iyakin naman."
Ang rinig niyang sabi ni Kobe na halatang pilit nitong pinapagana ang tono nito at kita niya na pilit rin nitong pinupunasan ang mga luha.
Muli siyang bumalik sa may puno, aaminin niya.. gustong-gusto niyang yakapin si Kobe, kanina pa.. ay mali, nung unang araw palang niya itong nakita sa Manila, gusto na nga talaga niya itong mahagkan.
"Ang tanga ko kasi kuya eh. Siya na nga lang yung mayroon ako, iniwan ko pa."
Napapikit nalang siya nang marinig muling magsalita si Kobe, umiiyak nanaman ito.
"Kung hindi sana ako lumayo edi sana kuya ayos parin kami ngayon diba?"
Agad siyang napamulat nang marinig ang sinabi nito, hindi narin niya napansin ang pamumuo ng mga luha niya sa mata.
Ang bilis talaga ng epekto sakanya ni Kobe.
Silang dalawa, silang dalawa ni Kobe.. ang dati nilang pinagsamahan.. oo nga't wala na nga.
"Kuya ang tanga ko kasi nun eh, mali ako.. mali ako kuya eh.
Nung nawala ka kuya parang, p-parang naramdaman ko na kasi na nag-iisa na lang ako. Tapos kuya, d-dahil don parang nakalimutan ko na nandyan pala si itay, sila kuya Seven.. si Chan.
Kaya umalis ako eh, gusto ko kasi malaman kung may kasama pa ako, na kung may nagmamahal pa sakin.
Kuya, kaya lang naman ako umalis para sana malaman kung mahal ba ako ni Chan, kung magbestfriends ba talaga kami, kung may kasama paba ako.. gusto ko lang naman na puntahan at sunduin niya ako kuya eh, kaso kuya.. masyadong pangit yung nagawa kong paraan.
P-patawad kuya.. patawad..."
Tila natauhan naman si Chan sa mga narinig, y-yun pala ang rason ni Kobe kung bakit ito umalis.
Mula sa pagkakatayo, pasandal siyang napaupo sa may puno.
Agad niyang kinuha ang panyo, at ipinantakip ito sa mukha. Umiiyak siya, hindi niya ito mapigilan.
Ang sasakit ng mga sinabi niya kay Kobe, yung araw na nag set-up pa ito para lang magkasama silang dalawa.
Hindi man lang niya inisip ang effort nito na magkita at magkalapit sila.
Sa mga nalaman, may mga bagay siyang narealize, mga bagay na alam niyang.. dapat noon pa niya ginawa.
-----
Athr'sNote, okay.. at dahil late na masyado ang mga pangyayari at napag-iiwanan na tayo.. fast forward na! Haha
Pasensya na kung napawalang-bahala ang mga nangyayari, basta sulat lang.. haha next time na ang pagbawi ng author niyo xD
-----
Point Of View
- K o b e -
"June 14, monday.. Simula ngayon, bagong ikaw na." nakangiting sabi ko habang nakaharap sa may salamin.
Inaayos ko lang naman yung bagong hairstyle ko :)
"Alam mo yung dating na matangkad ka.. tapos bangs ang hairstyle mo."
Tonong nang-aakit ko pa habang inaayos ang sarili. Natatawa talaga ako sa new look ko, hindi ko alam kung baduy o kagaguhan xD
"Simula ngayon, ako na ang lalapit. Humanda yang Christian na yan sakin."
Tonong nagbabanta at natatawa ko nang asikasuhin ko na yung mga dadalhin kong gamit.
Napangiti naman ako nang marinig ang isang napakalakas na pagsigaw.
Haha, mga sugapa sa pagpasok yung dalawa. Bago kasi mga black shoes, hayy buhay nga naman kapag may mga kaibigan kang sira ulo.
Pero, kung excited sila.. mas excited ako haha.
New look, new me, new new new xD
"Oo palabas na! Sandali!" balik na pagsigaw ko.
Nang maisuot ko na yung bagpack ko ay muli akong tumingin sa may salamin.
"Alam niyo yung istudyanteng matangkad? tapos nakaback pack? tapos fitted polo? tapos fitted slacks? tapos pointed black shoes? tapos bangs hairstyle? tapos ang bango bango pa? edi.. ako na."
Natawa nalang ako sa kamuritan ko, haha.
Ewan pero ganado talaga ako ngayong araw, tsktsk
Pagkabukas ko ng pinto ay ilang segundong namayani ang katahimikan.
"N-nasan si Kobe?"
Agad naman akong napakunot sa sinabi ni Az.
"P-pinatay mo naba?" dagdag pa ni Dennis.
"Tigil-tigilan niyo ako ah? Tara na nga." sabi ko at nagsimula na nga akong maglakad.
"Grabe Kobe astig pala ng nakabangs no? try nga namin ni pinsan yan."
Agad akong napatigil sa paglalakad dahil sa sinabi niya, hinarap ko sila.
"Hoy kayong dalawa, pwede ba? hwag kayong gaya-gaya? mag-isip kayo ng sariling style pwede ba?" simangot ko at binilisan ko na nga ang paglalakad.
Gagaya pa eh, subukan lang nila. Ilang araw silang hindi makakapasok nun, haha
......
Nakaka-ilang lunok naba ako ng laway?
Argh.. pinagtitinginan nanaman kasi kaming tatlo, sanay na kami oo pero iba ngayon.. ang bangs ko ata ang laman ng mga bunganga nila eh.
"Tol si Chan yun diba?"
"Asan?" ang agad na sabi ko at nakuha ko pang lumingon lingon kung saan saan habang naglalakad.
Hanggang sa napatigil na lang ako nang makita ang taong hinahanap ko, n-nasa harap ko na pala.
"C-Chan?" ang wala sa sarili kong nasabi, konti na lang kasi ay masasabal ko na siya.
Nakakailang, kasi ang taas ko kaya nakaangat siyang nakatingin sa akin.
Tsaka, ba't paranag nawala yung nararamdaman ko kanina, kanina kasi buong-buo yung loob ko na ia-approach ko talaga siya, pero ngayon parang natatameme talaga ako eh.
"Pwede ba tayong mag-usap mamaya?"
Nakuha ko nanamang mapalunok. Kinausap niya ba talaga ako?
"Oy Kobe kinakausap ka."
"Pst tol.."
Napa-"H-hah?" na lang ako nang magsalita sila Az at Dennis.
Ano ba 'tong nangyayari sakin? Arghh
Pinagpapawisan ako!
"S-sige.., Chan." ang nasabi ko nalang.
Kita ko na tumango naman si Chan kasabay nang pagngiti niya.
Ba't parang mas cute siya sakin? Dapat ako lang cute eh -.-
"Ge Kobs, mamaya uwian." magiliw na sabi pa niya at tinalikuran na nga niya ako.
Kobs? :)
Napangiti naman ako, yung ngiting otomatiko.. ewan pero napangiti talaga ako.
Agad ko naman itong naialis nang muling lumingon sa akin si Chan, pero alam ko nakita niya yun.
"Nga pala Kobs, bangs talaga ah? nice hairstyle.. mas bagay mo." sabi niya at tuluyan na nga siyang umalis.
Muli, napalunok ako.
"Az Dennis, y-yan yung tunay na Chan.. yan." sabi ko at pagturo ko pa sa papalayong si Christian.
"Mukhang epektib yang bangs mo Kobe ah?"
Nakakalokong sabi ng dalawa, sinimangutan ko lang sila.
"Sige lang, asarin niyo lang ako.. okayyy lang." nakangiting sabi ko at pagkibit balikat ko pa.
Masaya ako, haha.. goodvibes :)
Pero wait, tutal mukhang si Chan yung lumalapit.. kailangan kong magpakipot ng konti, para may thrill :))
-----
Point Of View
- C h a n -
"Ba't ako kinikilig?"
Halos ngiwing sabi ko, nasa banyo ako at nakatingin lang sa sarili.
Ang bango niya -.- parang na *LSS* yung amoy niya sa ilong ko. Ay, hindi pala kanta yun xD
"Chan? Late na tayo niyan."
Agad nalang akong naghugas ng kamay, oo nga pala at naghihintay si Jaydon sa labas.
"Napano ka? Ba't namumula ka?"
Agad kong natakpan yung mukha ko gamit yung panyo ko, namumula ako?
"P-paano naman?" maang ko habang takip-takip yung magkabilang pisngi ko.
"Ang cute mo tuloy, tara na nga lang." nakangiting sabi niya at naglakad na nga siya.
Naiwan akong nakatingin lang sakanya.
"Kaninang umaga pa ako inaasar ng posteng to." naibulong ko kana lang saka narin nagsimulang naglakad.
Kanina pa siya parang may tinatago sakin eh, kanina pa siya pangiti-ngiti. Hindi ko alam kung bakit, siguro sadyang trip niya lang ako.
.....
Time check, alas onse na ng tanghali, ala-una ang uwian namin ngayon.
Desidido na talaga ako, ako na makikipag-ayos kay Kobe. Mabuti at narinig ko ang mga sinabi niya, mabuti nalang talaga.
Dalawang oras na lang, makakapag-usap narin kami ni Kobe.
I can't wait.. pero ninenerbyos ako -.-
At heto ngayon, ang room puro bulung-bulungan, walang teacher kaya heto at malaya silang nakakapag-usap.
Si Kobe, si Kobe ang paniguradong topic. Siya pinagtitinginan eh, nagmukha naman kasing korean si Kobe, nasakto pa yung kulay niya na maliwanag ang dating.
"Chan, mamaya ah?"
Napatingin naman ako kay Jaydon, oo nga pala.
"Mamaya talaga? Hindi ba pwede na bukas na lang?" tanong ko, tonong nakikiusap narin.
Hindi ako pwede mamaya eh. Mag-uusap kami ni Kobe.
"Minsan lang ako magrequest. Sige wag na nga lang."
Nakuha ko pang mapapikit, sa tangkad niyang yan ganyan siya magtampo? Bata lang? Haha
"Ano kasi, may.."
"Hindi na nga eh. Oh alis muna ako, saglit lang."
Tatayo na sana siya nang agad ko siyang hawakan sa may kamay.
Ba't hindi ko ba matiis 'to? Jaydon naman eh, arghh
"Okay sige, sige mamaya. Sige na." pagsuko ko, sinimangutan ko pa siya.
"Talaga?" pagngiti niya.
Bakit ba kasi hindi ko 'to matiis? Sipain ko nalang ata to eh.
"Oo na nga." pagtawa ko na, nagduduling-dulingan kasi siya tapos panguso-nguso pa.
Ang cute lang. Sipain ko ata talaga 'to eh?
"Thank you Chan." parang batang sabi pa niya.
Pilit ko namang tinataboy yung mukha niya gamit yung kaliwang kamay ko, nakakahiya na nakakatawa yung ginagawa niya, haha
"Guys oh tignan niyo siya, nababaliw na ata 'to." pagharap ko sa mga kaklase namin sa likod.
Kita ko na tuwang-tuwa naman sila.
"Jaydon, para kang tanga." naiinis na natatawang sabi ko pa.
Nakakailang na nakakatawa kasi, haha
Nagduduling-dulingan talaga siya tapos nakanguso pa.
Tumayo na lang ako saka siya pabirong sinampal.
"Tara nga, diba sabi mo bibili mo akong pagkain?" agad na sabi ko nang maalala yung sinabi niya kagabi. "Dali na! Wala panamang teacher oh." pagmamadali ko pa.
Oo. Ililibre niya pala ako.
Agad naman siyang tumayo, nasundan ko yung pagtayo niya. Nanliliit talaga ako, haha
-----
Point Of View
- K o b e -
"Hwag ka ngang sumimangot, malay mo may ginawa lang saglit."
Hindi ko pinansin yung sinabi ni Az.
2:30 na, kanina pa ako dito sa may room.. nakaupo, kaming tatlo nalang ni Az at Dennis nandito.
"Thirty minutes pa sige, kapag wala aalis na talaga ako." inis ko.
Ewan pero hindi ko talaga maiwasan ang mainis, ganito kasi talaga ako eh.
"Pinapairal mo nanaman yung pagka mainitin ng ulo mo eh, chill kalang kasi." rinig kong sabi ni Dennis.
Mga ilang sandali lang ay alas-tres na, kaya naman wala nang pasabi akong tumayo at umalis ng room.
"Kobe? Para kang tanga, ba't hindi kalang maghintay. Darating naman yun eh."
"Okay." sabi ko lang at nagmadali na nga akong umalis.
"Huwag niyo muna akong sundan, gusto kong mapag-isa. Salamat." seryosong sabi ko sakanila at mas binilisan ko pa nga ang paglalakad.
Hindi ako pwedeng magkamali, kasama niya yung bestfriend niya, yung mukhang paang si Jaydon.
Nakakawalang gana talaga.
Nakita ko sila kaninang uwian eh, excited pa naman ako na makapag-usap kami, tapos ganun?
-----
Point Of View
- C h a n -
Mabilis pa sa eroplano ang takbo ko ngayon.
Oras na! Nakalimutan ko! Nakakainis!!!
"Kobe!"
Ang agad na sinabi ko nang makaabot na ako sa may pintuan ng room namin.
"Chan, s-san kaba galing? Umalis na si Kobe."
"Nainip na kakahintay."
Napa-"Hah?" nalang ako.
Sabi ko na nga ba eh, nakakainis kasi eh.
Nag joyride kaming apat nila Jap, Clark at Jaydon.
Sa sobrang enjoy ko, nakalimutan ko na magkikita pala kami ni Kobe.
Twelve o'clock kasi dinismiss na kami eh. Tapos yun, gusto lang pala akong ilibot ni Jaydon. Nasakto na maaga pa uwian namin.
"Asan niyan siya?"
Grabe, hingal na hingal talaga ako.
Inabutan pa ako ng tubig ni Dennis.
"Alam namin kung saan yun, basta kapag tinopak yun, nako isang lugar lang pinupuntahan nun."
"San?" agad na sabi ko matapos inumin yung tubig.
"Malapit sa court sa atin, yung street foods dun.. dun siya lage sa may mahabang bench."
"Oo, gago yun eh.. pwesto niya kaya yun."
Saglit akong napaisip sa sinabi nila.
(
flashback
"Hindi pede, ayun sila kuya oh nakaupo sa may harap ng gate, pagagalitan tayo.. gabi na oh."
Pagturo ko pa sa pwesto nila kuya sa may gate ng bahay namin.
Ang kulit ni Tenten, gusto niya punta kami sa may kainan don, basta dun sa mga fishball, dun kami kumakain lagi nila kuya eh.. kaming apat.
"Takas tayo Chan? Dali na?"
Yan nanaman, takas nanaman.
"Mapapagalitan nanaman tayo kina kuya, pero.. sige na nga kanina kapa makulit eh.. tara patulong tayo kay ate Cindy."
Sabi ko na lang, mangungulit pa 'to eh.
end
)
Napangiti na lang ako sa naalala.
"S-sige salamat ah? Alis nako, salamat talaga." agad na sabi ko sa dalawa at tumakbo nanaman ako ng mabilis.
Ewan pero napapangiti talaga ako, Tenten talaga. Haha
....
Palinga-linga ako habang naglalakad, san ba yung may mahabang bench dito?
Ilang sandali lang ay napatigil na ako mula sa paglalakad.
Ayun. S-si Kobe nga.
Nakasando na lang siya, tapos katabi niya yung bag niya.
Tapos kita ko rin yung dalawang baso, mukhang nakarami na siya ng fishball ah?
Dahan-dahan akong lumapit, sana hindi ganun kagalit, or sana hindi galit.
"Kobe."
Nahihiya man, nag-aalangan man.. nasabi ko parin yung pangalan niya.
Tinignan naman niya ako.
Grabe, ang lakas talaga ng dating niya. Ang puti, tapos yung bangs pa niya, mukha talaga siyang korean.
"Sorry ah?" pilit na pagngiti ko, tumabi narin ako sakanya.
Kita ko na nakasimangot lang siya.
"Anong kailangan mo?"
Aba? Grabe naman siya magsalita.
Pero sabagay, naghintay eh. Kaya siguro mainit ang ulo, ganyan 'to eh.
"Teka, b-bat dito ka pala pumunta?" kunwari'y nagtatakang tanong ko.
Tinitignan-tignan ko pa siya, yung bang nang-aasar na paraan.
Hindi siya sumagot, hindi niya rin ako tinitignan.
Ewan pero ang komportable ng pagitan namin, basta ewan? Parang nung dati lang, nung mga bata pa kami.
"Ah!! Alam ko na.." kunwari'y tono kong may naisip bigla.
"Mali yang iniisip mo. Tumigil ka nga." agad na sabi naman niya, hinarap na niya ako.
Sabi na eh, yun nga. Siya parin nga yung dati! Haha
Pero, saglit lang.. medyo napatigil ako.. bakit ba ganito mukha niya? Basta ewan..
"Oh defensive.. sabi na eh. Hindi ka parin nagbabago, burara ka nga lang." tonong may punto at nang-iinis ko, haha
Basta ang gaan-gaan talaga ng pakiramdam ko, parang normal lang talaga kami katulad ng dati.
"Alam mo pinaghintay mo na nga ako diba? Ano ba kasing kailangan mo? Sinasayang mo lang oras ko eh."
Nataranta naman ako. Mukhang seryoso nga talaga siya.
"A-ah.. Koko, ay Kobe.. s-sorry." agad na sabi ko.
Simula nung narinig ko yung sinabi niya, pinangako ko sa sarili ko na magpapakabait na ako sakanya.
"Babawi ako, oo babawi ako." pahabol ko pa, inilapit ko pa yung sarili ko sakanya.
"Ayaw ko sa lahat yung pinaghihintay ako, alam mo ba yun?" inis niya at nakita ko pa na tumayo siya.
"Kobs ay Kobe.., sorry na nga diba? Babawi nga ako, uy?" agad na sabi at pagtayo ko pa.
"Babawi ka?" kunot niya, tumango lang ako saka ngumiti.
"Diba naiinis ka kasi magulo yung bahay ko? Ano kamo yung sinabi mo? Burara ako?" tumango-tango ako.
"Oo, hindi ka naman ganyan kaburara dati eh. Yung bahay mo ang dumi, parang hindi tao yung nakatira.. akala ko nga nung pagkagising ko nasa may Zoo ako eh, akala ko kasi hayop yung nakatira."
Agad ko lang natakpan yung bibig ko, patay? Napa-sobra ata sinabi ko?
"Then, sa akin ka tumira."
Napa-"O.O" nalang ako.
"Ano?" tanong ko pa.
"Sa bahay ko.. dun ka tumira." simpleng sabi niya.
"S-sa bahay mo? B-bakit?" naguguluhang tanong ko pa.
Pero, may parte na.. sige? Haha
"Diba babawi ka? Tapos diba nabuburaraan ka sa akin? Edi sa akin ka tumira, turuan mo akong huwag maging burara." nakangiting sabi niya, pero parang may laman yung ngiti niya eh? kagaguhan ba?
"Paano naman? Para kang tanga." inis ko.
Ang galing lang niyang gumawa ng desisyon ah? Boss ba siya?
"Paano? Simple lang Chan, maglinis ka sa bahay ko. Araw-araw."
O.O 'speechless..
Itutuloy
Again, sa mga minamahal kong readers, commentators at mga bagong pangalan!! Dakal a salamat pu :)
bharu,
alfredTO, hndi ko po alam eh.. nakita ko lang sa google, haha
leandro, kay #ChanDon ang panig mo! umamin ka! xD
michito, konting hugot pa po.. mangyayari na, haha
jess,
lantis, pasensya na lantis.. hintay pa :))
gilrex, moved
44, magbigti kana :) Nyahaha
juss,
jodeyz, :))
nagtatagongGeo, wale tang Zagu ku? -.-
bernie,
Angel, #ChanDon karin? :))
dave, #ChanDon o mr.BEAN, san kaba talaga? :))
kevss,
mrMA,
shai™,
yeahit'sJM, eto na hahabol na tayo! :)
marvs, yes may #ChanDon nanaman! Marvs, salamat :)
casirayan, heto na.. heto na.. heto na.. whaaaaahh!! Hehe
Maraming salamat po :) alam ko eto na yung hinihintay niyo, kaya ayan! kunin niyo na!! Haha
Salamat at pasensya na sa paghihintay guys, heto na ang #mrBEAN :))
Osya, hintayin natin ang next update :) Salamat guys :)
- Prince Justin
Pasensya na sa napakatagal na update!! Hohoho!!
ReplyDelete- Prince Justin
Juice colored lumalablife hahahaha ang cute lang nila tintin at chan ahaha sana next chapter na agad kahit na maikli lang ung update super thank you na din...ingat godbless always..
Delete-Joey😍😄😘
Juice colored lumalablife hahahaha ang cute lang nila tintin at chan ahaha sana next chapter na agad kahit na maikli lang ung update super thank you na din...ingat godbless always..
Delete-Joey😍😄😘
Minsan panira si Jaydon. Hahaha. Pero nakakakilig pa din si Chan at Kobe pati Chan at Jaydon. Hahaha. Pero mas kinikilig ako kay Seven. Loyal ang drama ni kuya. Hahahaha.
ReplyDelete-yeahitsjm
May update n pla. Nice one! Basa mode
ReplyDeleteReagan hambog
Hay jusko. Muntik nang pumuti mata ko sa kahihintay ng update nito. Buti na lang talaga naniniwala akong "patience is a virtue". Sinagad ang "take your time" no author? Hahaha pero okay lang. Kung para kay forever mo naman eh. Yiieeee kilig much.
ReplyDeleteEto na. Eto na talaga. Waaaaah. Ang most awaited moment ko. Hahahahahahaha!
- Michito
Kelan ung part 9 to part 20 heh
ReplyDeleteBRENT ARANETA here.
Dakal a salamit king update.
ReplyDelete-emo19-
Quite long... B4 ka nag pa
ReplyDeleteRamdam Prince.... I really miss this one.. Keep it up
Huwag naman masyadong alipinin si Chan. Bumabawi na nga yung tao. Thanks sa update Mr Author. Take care.
ReplyDeleteJUSKO!!! halos 2weeks akong nag antay para dito alam mo yung mr.author every wednesday at sunday every bukas ko ng cp ko nirerefresh ko yung page baka kasi may update ka na hanggang sa nag alala na ako kung anong nangyare sayo yun pala nakikipag call center ka lang?!! Haha
ReplyDeleteNakakabitin man atleast nagkausap naren sila nabubuhay na ulit ang #mr.BEAN!! Sana mag tuloy tuloy na haha pero ayun paren medyo kinikilig paren ako kay Chan at Jaydon hahaha pero solid Kobe paden!!!
Sana naman magupdate ka agad maraming buhay ang nag aabang sayo kaya at isa na ako don no! Haha
thanks mr.author goodluck sa love life mo!
-44
mas maganda pa atanga abangan ang update ng status mo wale e haha. kaw na -_- haha kailan ba? haha
ReplyDeletenagtatagongGeo
grabe tagal nga hahaha tagal ko to hinintay :) matagal na ko reader sa playful jokes palang now lang ako nagrespond author haha kasi hinintay ko talaga to keep the good works.. goodluck sa pagibig mo ... -yuwon
ReplyDeleteYeeees simula na,, wohoooh,,, tnx sa update mr author
ReplyDeleteGrabe ang update sobrang tagal tpos gusto pa ni author itapon si kobe sa kwento eh sa kanilang kwneto ito ni chan bka dapat si jydon ung tanggalin sa kwento na ito
ReplyDeleteJharz
Waahh....! Grabe nakakakilig.l cla ni kobe.. Team #BEAN ako justin.. Hahahaha... Oy!! Congrats ah pumapagibig kana!! Hahaha.. -dave
ReplyDeleteHahaha ikaw na talaga ang nagdesisyon kung saan ako panig, mr author?? Haha. Eh pano ba yan kinikilig ako sa dalawang team eh. Haha.
ReplyDeleteAng ganda ng update na ito. Daming kilig. Lalo na yung sa author's note. Hahaha.
Ganyan nmn ung author natin matagal mg update kasi busy n sa work tpos kung sino png main character xa paaalusin sa kwentong ito.....
ReplyDeleteDapat ang alisin ung xtravat pnggulo si jydon
Jharz
Wala ko masey hahaaha
ReplyDeleteTagal ng waiting lomalablyf c otor mdyo kinalimotan kami hahahaha
Welllllllll atles masaya ka kaya happy ako s loblyf mo hahaha bitter ko nakikisawsaw sa lablyf ng may lablyf
team transformer ako hahaaa #tencha
Shai😊
Nice author.
ReplyDeleteThis holy week Punta aq San Fernando San kba banda haha.
Nice author.
ReplyDeleteThis holy week Punta aq San Fernando San kba banda haha.
1st time comment.
naiintindihan ko po kau, ang mahalaga po napapasaya nyo po kami na iyong tagasubaybay...hanggang sa muling kabanata...
ReplyDelete