Author's Note
eto ulit ako guys hahaha! sa mga nag aadd sa akin sa fb sige lang accept lang ng accept haha! salama din sa mga nag ppm sa akn at pinupuri yung gawa ko. sana kayo din maappreciate yung story ko hehe. this chapter is for axel only para mas makilala nyo pa syang mabuti haha!
BTW, it was my first time to get 10 comments in a particular chapter. achievement! hahaha! ambabaw xD akala ko kasi wala ng nagbabasa ng story ko kasi boring. haha! btw salamat! mas nakakagana gumawa ng story kapag alam mong may mga nagcocomment at pumupuna ng story mo. so hi silent readers! paramdam naman oh! haha ( parang hindi ako naging silent reader for almost a year haha! )
ano nga ba talaga ang plano ni ino? mahuhulog ba si dave? o magiging si elijah at si axel?
aba ang gwapo ng bida natin ah? haha
umpisahan na ang
"Team Daxel
#Team Axno
#Team Axjah.
thanks sir mike and sir allan sa opportunity. and support my other co-RA'S din sa MSOB.
Romel 28 di ko na talaga alam gagawin ko lagi na lang kayong nabibitin. hahaha!
YeahitsJm hayaan mo next chapters mga 100 days sa isang chapter hahaha!
Gilrex ano ba sa tingin mo balak ni ino? may balak nga ba sya? ABANGAN! :)
Sir Alfred kaya nga po eh xD
Jharz sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi kung maiinlove nga si dave KUNG. haha.
at sa mga ANONYMOUS pasensya na kung lagi kayong nabibitin ah? naffrustrate na nga ko kung pano ko papahabain every chapter eh :3
etong chapter na ito ay aminado akong maikli talaga kasi next chapter start na ng pustahan. start na rin ang pagiging martir ng bida nyo! hahaha
so here's your chapter 8 mga bruh
Chapter 8
Axel’s POV
Monday na ngayon
At eto ang inaasahan kong panibagong buhay
Kelangan kong magpakatino sa harapan ng mga tao at
ayokong mag mukhang kaawa awa nanaman sa mata nila lalo na sa kanya
Pagkatapos kong ayusin ang aking sarili agad na rin
akong nagpaalam kina mommy at daddy and thank god! Nandito si kuya
Napaaga ata ako ng pasok, 9 pa lang nasa school na’ko.
Kasama to sa pagbabago? Hahaa hindi naman. Umalis lang talaga ko ng maaga, wala
naman akong mapapala sa bahay eh
Nandito na ako sa room at honestly, bilang na bilang
pa sa daliri ko kung iilan pa lang kaming mga nandito,
At yung mga naka BRAINY MODE pa ata lagi yung nauuna.
Teka kasali ba ako dun? Hahaha!
At ngayon heto nagmumuni muni ako,
Minsan sa buhay hindi natin pwedeng kontrolin ang mga
bagay bagay, kahit alam mong kaya mo pero hindi mo magagawa sa kadahilanang
hindi lahat ng bagay ay aayon sa kagustuhan natin, pero may paraan kaya na
pwede nating baguhin ang takbo ng nais nating maging? Kelangan ba palagi na
lang may nag sasakripisyo para lang sumaya o matulungan ang iba? Hindi ba
pwedeng parehas maging masaya na walang nasasaktan?
Opposites do attracts, yes i guess tama ang kasabihang
iyan, pero may mga bagay na magkaiba pero hindi pwedeng ipareha, at sa larangan
ng pag ibig, hindi lang pagsasakripisyo ang kelangan gawin, kundi lakas ng loob
kung hanggang saan mo pwedeng gawin ang mga bagay bagay na hanggat maari ay
walang tinatapakan o nasasaktang ibang tao.
Siguro nga sa mga katulad namin, mahirap humanap ng
totoong pag ibig, dahil aminin man natin o hindi, madalas ang habol sa atin,
Pera
At kung hindi pera,
SEX
Eto kadalasan ang basehan kung bakit nagtatagal ang
relasyon na mayroon ang mga tulad natin, at kapag dumatting ang oras na
nagkasawaan na, bigla na lang mawawala ng parang bula.
Kung mayroon man na magtagumpay, isa lang ang nakikita
ko,
Hindi naging batayan ang pera, itsura at higit sa
lahat ang taas ng libido ng isang tao but more on respect and trust.
Respect in the matter of you know how to value an
individuals decision and trust on how you make things na hindi ikakabawas ng
pagtitiwala nyo sa isat-isa
At sa oras na gumagawa tayo ng mali, pabawas ng pabawas
ang antas ng mga ito at isa lang ang kahahantungan.
WALA TALAGANG FOREVER haha dejk..
Lahat ng pinaghirapan at pinagpaguran nyo ay mawawala.
Gaya ko, hindi ako nawawalan ng pag asa na darating
yung time na may magpaparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga, alam kong
mayroon na at si elijah yun, pero bigla ko na lang na realize na hindi pala
porke nagpapakita ng mga bagay ang isang tao sa iyo ay hindi ganoon kadali
mahuhulog ang loob mo. Ika nga nila it takes time. At sa estado namin ni
elijah,
Friends.
Friends pa lang ang tingin ko sa kanya dahil ang
katotohanan ay bihag pa rin ang puso ko ng nag iisang Dave Sandoval, alam kong
pagkakamartir na ang ginagawa ko pero wala eh. May sarili talagang utak ang
puso natin
Unti unting nagsidatingan ang mga kaklase ko at
magtatime na pero ba’t wala pa si elijah?
Itetext ko sana sya ng biglang may maglagay ng
chocolate cake sa harapan ko.
Amoy pa lang ng taong yun alam ko na. At hindi ako
pwedeng magkamali.
Pag tingin ko, si elijah nga.
Agad namang nang asar ang mga kaklase ko
Kaya agad akong pinamulahan. Gaadd! Grabe naman tong
si elijah bigla bigla na lang.
“ ano ka ba! Eskandalo ka no! Haha”
“ di naman, gusto ko lang maging sweet ang umaga ng
mahal ko”
Edi wow. Ano ba sasabihin ko help!
“ andyan na si mam!” sigaw ng kaklase kong bungangera
si negs.
agad naman nag sibalikan ang mga kaklase ko sa
kinauupuan nila
Thank you lord! Save by the bell ang lola mo.
Pumasok na si squidward. Ay mean si mam. Ang laki kasi
ng ilong tapos laging nakasimangot. AHAHA.
“Good morning madam arby.” sabay sabay naming sabi.
Madam arby ang gusto nyang itawag sa kanya
Arti arti neto ni mam
Feeling teenager. Lakas maka donya ng madam ha. Hahaha
“ good morning class, i have an announcement for you,
“ ang biglang panimula ni mam.
“.you have a new classmate,”
Hindi naman nakakapagtaka dahil hindi pa naman ganoon
katagal simula nung unang klase at may mga nakita pa kami last week na nag
eenroll and for sure this week sila papasok and patunay ay itong mukhang bago
naming kaklase
“ please be good to her, ay him pala, ay mali her. Ah
basta kayo na ang bahala sa kanya, come in mr. Feliciano”
Mr. Feliciano
Mr. Feliciano
Mr. Feliciano
Mr. Feliciano
Mr. Feliciano
Feliciano? Di kaya si?
Imposible. Walang pang aral yun eh. Though alam kong
psych din ang gustong kurso ni zandro pero imposible eh. Unless nakahanap sya
ng sponsor nya.
Lahat ng mata ay nakatuon sa pintuan na wari mo’y nag
aantay ng artistang darating.
Nakakaintriga masyado. Ang tagal pumasok nung bago
naming classmate, yung tataa? Pachix?
Bigla akong nakaramdam ng uhaw kaya kinuha ko yung
tumbler ko sa bag at habang umiinom
Biglang pasok nya. nabigla talaga ako at naibuga ang
iniinom kong tubig sa buhok ng kaklase kong babae. Hhahaha medyo baboy!
SI PROCOPIO! DITO RIN?! IS THIS FOR REAL?
Kendra? Is it real?
“ go and introduce your self mister” sad ni mam.
Habang ako nakanganga ng pumasok si procopio.
Panong hindi? Eh lalaking lalaki umasta si gago. Pera
halata ang foundation sa mukha nawala lang yung sinusuot nyang bra. Feeling may
bundok.
“ hi, im zandro feliciano, late enrollee and hope to
be friends with you guys”
Alam kong nagbubulungan ang iba kong classmates pero
wa kiber tong si zandro, alam ko yan. Kilalang kilala ko yan eh.
Palinga linga sya na mukhang may hinahanap.
Agad namang naghanap ito ng upuan.
“ procopio! Dito ka sa tabi ko” bigla kong sigaw
Ng lumingon sya sa likod, kita ko lang ang panlalaki
nya ng mata sa akin. Alam kong yayariin nanaman ako nito dahil ayaw na ayaw
nyang nabubunyag ang pangalan nyang procopio.
Nagtawanan ang lahat ng kaklase ko pati si madam dahil
sa sinabi ko. Hahaha! Sinadya ko talaga yun. Pa zandro zandro ka pa ha hahaha!
Since bakante ang kaliwa ko, Wala syang nagawa kundi
ang umupo sa kaliwa ko dahil nasa kanan ko si elijah.
Pagkaupong pagkaupo nya, bigla ba naman tapakan ang
sapatos ko. In fairness masakit ha! At mabilis nyang natakpan ang bibig ko para
hindi sumigaw.
Mautak talaga tong baklang to
Nag sasalita na si mam sa harapan pero ako, ito dinama
yung pagtapak nya sa paa ko.
MALAKAS TALAGA ANG MGA BIYAS NG MGA KABAYO CHE!
“ pano ka nakapasok dito? Akala ko ba walang pera?”
“ iskolar ng mga magulang mo. HAHAHAHA sorry ka na
lang impakto”
What? Iskolar sya nila mama? At kelan pa naging
foundation ang pamilya ko?
Well, okay lang sa akin, actually okay na okay lalo na
kung si zandro ang papaaralin nila dahil kahit ganyan yang kabayong yan eh
masipag sya at devoted sa lahat ng ginagawa.
I wont ask why sireynas nowadays ay mas productive
kesa sa mga lalaki at babae. Well as you can see marami na talagang tulad
nating nasa ikatlong lahi ang mayayaman na at alam kong dahil sa sipag at tyaga
nila
At si procopio?
Sipag, tyaga at ch*pa ang ginagawa nya. Haaha de joke
lang.
“ what?! Are you crazy?”
“ no. Im pretty”
“ feliciano and de los
reyes, ano pinaguusapan nyo dyan?”
“ uhhm wala po mam, pasensya na po” agad sa sabi ko.
Nako ayoko mabengga no.
At parehas na kaming nanahimik ni zandro, pero etong
si zandro tingin ng tingin kay elijah,
Pero si elijah?
Ayun, naka brainy mode din pala. Masipag talaga to eh
haha.
Oo nga pala, half day lang ang buong university, dahil
bukod sa offically enrolled na ang mga estudyante may mga activities din na
mangyayari. It’s just that kelangan lang talaga naming magklase dahil kelangan
makumpleto ang master list ng bawat course. At excuse kaming mga kasama sa
dance org dahil may presentation kami sa field para iwelcome officially ang mga
freshmen.
Eh freshmen din kaya ako! You know?
Kaya di ko rin makakasama masyado si procopio at
elijah.
For sure eeksena nanaman yan si zandro,
E patay na patay kaya yan kay elijah haha! Stalker yan
sa fb ni elijah eh.
Paglatapos ng klase kay madam arby, nagsilapitan na
ang iba ko pang mga kaibigan. At agad ko na lang din ipinakilala sa kanil si
zandro bilang bestfriend ko.
Madali din namang winelcome ng mga kaibigan ko si
procopio. Lalo na si say dahil may karamay na daw sya sa pag hahanap ng gwapo.
Hay nako talaga
Pagkatapos ng klase diretso agad sa canteen dahil nga
required lahat ng freshmen na pumunta sa field para sa mga activities at
presentation. After nun himuwalay muna ako.
“ ah guys alis muna ako kelangan kasi talaga eh paalam
muna” paalam ko sa kanila pero bago pa ako makaalis eh biglang may bumulong sa
akin
“ best go lang, pag balik mo kami na ni elijah haha!”
si procopio as usual.
“ teka, teka ano yon? Bat ambaho! Mygad! Nagtoothbrush
ka ba?!” biglang pang bubully ko sa taong to. Aga aga ke landi landi.
“ grabe ka talaga sa akin” ang lungkot lungkutan nya
hahaha!
At humiwalay na rin ako.
At ngayon
Nag peprepare na kami ngayon dito sa field dahil maya
maya mag iistart na ang program.
May kakanta may aarte, may mga exhibits may mga iba’t
ibang org ang nandito para ipakita kung ano ang meron sa kanila
Unti unti ng nagsisidatingan ang mga estudyante ng
STU, at ilang minuto na lang eh sasalang na kami sa pagsayaw.
----
Nakaready na ang lahat.
Dumating na ang oras. Nasa gitna na kami at mag
mimistulang flash mob sa mangyayari.
Ng tumugtog ang “Countdown” ni beyonce. Agad lang
kaming nagsimula
Ng magsimula ang tugtog nag sigawann ang mga tao sa
field dahil sa biglang pagtungtong namin sa lamesa at biglang sayaw.
Yung iba halatang nagulat at na amazed sa ginagawa
namin
Yung iba naman nakikisayaw na rin
At yung iba panay kuha ng litrato
--
Matapos ang performance namin, may mga taong lumapit
sa amin at nagmistulan kaming mga artista na pinipicturan at nagpapapicture.
Ganito pala feeling kapag pinupuri ka ng tao masyado.
Sobrang sarap.
Pero biglang may pumasok sa isip ko,
Si Dave.
Freshman nga rin pala sya sa school na ito kaya alam
kong nandito sya ngayon sa field, ayoko ng maulit ang nangyari at kung kelangan
kong umiwas kahit saan ay gagawin ko
Kelangan ko ng umalis, baka pumunta dito ang grupo
nila dave at mabugbog nanaman ako.
Agad lang akong umalis at dali daling nagtungo sa
likod ng place namin para kunin yung gamit ko ng bigla akong mapaupo dahil sa
may nakabunggo ako
“ ay sorry axel” saad ng isang boses.
Teka kilala ko yung boses na yun ah?
Agad akong tumingala para tignan kung sin ang nag
salita.
Hindi nga ako nagkamali.
Si dave
Si Dave ang nagsalita.
Bigla akong nataranta at nakaramdam ng panginginig ng
tuhod.
Agad lang akong tumayo kahit nanlalambot ako para
maglakad paalis dahil baka masapak nanaman ako,
“ teka axel, pwede ba kitang makausap?”
Biglang pagsabi nya.
Ano daw? Ako kakausapin nya? Tungkol saan naman?
“ahh eehh, tu-tungkol sa-saan ?” ang nauutal kong
sagot dahil sa totoo natatakot ako.
“ uhhm, pasensya na sa ginawa ko ah, nabigla lang
talaga ako, di ko sinasadya yun.”
Para namang nagmistulang musika ang lahat ng sinabi
nya sa akin at hindi talaga ako makapaniwala.
What?! Humihingi sya ng sorry?!
“ ah eh o-okay lang yun, wala na sa akin yun”
Kahit nakakaramdam ako ng kakaiba, umakto pa rin ako
ng normal, parang may mali pero parang
Arrrgggh!!! Bahala na
Aalis na sana ako ng bigla ulit syang magsalita
“ teka hindi pa ko tapos, uhhhmm”
Kinakabahan man ay nanatili pa ring akong walang imik
“ alam kong masyadong mabilis, pero kasi nung weekend,
di ka maalis sa isip ko eh, sobra akong nalungkot nung narealize ko na mali
yung ginawa ko sayo, ewan ko ba nung una lungkto tapos biglang hindi ka na
mawala sa sistema ko. “
Ano ba sinasabi neto? Nakakagimbal naman
“ahh dederetsuhin na kita ah? Tinanggap ko na kasi sa
sarili ko eh, uhmm pwede mo ba akong maging boyfriend? Alam kong mabilis pero
please axel please”
Wait.
Pwede mo ba akong maging boyfriend?
Pwede mo ba akong maging boyfriend?
Totoo ba narinig ko?
Parang may mali na hindi ko alam kung ano, pero sa
puntong ito para akong estatwa na hindi makakilos at hindi alam ang sasabihin.
“uy axel ano na? Pinapakaba mo naman ako oh ?” sabay
kamot sa batok
Gawd! Those movements, ang cool nyang tignan
Hindi ko alam ang sasbaihin at parang kusang bumuka
ang bibig ko
“Ahh, ano kasi , pwede bang manligaw ka muna?”
kagandang bata ni axel. . . nagpaligaw muna hahaha :D lol. Update agad. . . nice one author good. . . :)
ReplyDeleteWAG AXEL MASASAKTAN KA LANG!!!
ReplyDeleteAng ganda talaga pag ganito yung genre ng story i mean yung masasaktan yung bida tapos gaganti siya at gusto ko rin yung story na may
Dissociative Identity Disorder yung may dalawa or tatlong katauhan sa isang tao :)
like Rhodora X .. may stories din d2 sa MSOB na ganito yung genre like
GAPANGIN MO AKO,SAKTAN MO AKO(Book 1 and 2),Way Back Into Love(Book1) at syempre yung LOVE GAME ni Mr Author.
SANA HINDI PO BITIN YUNG NEXT UPDATE :)
MAGANDA PO KASI EH.
silent reader pero minsan commentor
silentreader_john
Naaaaaaah nag start na si dave,,,, axel use your instinct na masam nato huhuhu ggb,,, mr author abangan ku yan ano ang paln ni ino heheheeh
ReplyDeleteSana Axel malaman mo na Ferrari lang ang habol nyan. Hayaan mong makick out sa school. Thanks sa update. Take care.
ReplyDeletewow! nakaka excite na.. kaso hindi kaya parang kahina hinala yung dating? agad agad magpropose na maging BF??? kahit crush ko pa siya ,manligaw.muna siya noh! ( bitter lang.. lol )
ReplyDeleteHahahahaha ang ganda talaga ni Axel magpapaligaw pa. Sabagay baka mainlab din si Dave kapag dumaan sa ganoong procees.
ReplyDeleteDaxel, Axno, Axjah. Hahaha no offense author ha ang corny ng dalawang love team names. Ung Daxel lang ang okay.
Try mu ang team Alijah at Team Ixel. Haha mas corny xD
Sana axel mg isip k muna sa sinasabi ni dave witjin one snap nagbago kaagad isip niya.....
ReplyDeleteMas ganda si elijah lng bigyan mo ng chance
Mmmmmm
ReplyDeleteaxel... madami na ang tanga.. wag ka ng sumali....baka matulad ka kay PM/Angelo
ReplyDelete