Author's Note:
Hi guys! thank you again sir Mike and sir Allan forever haha. salamat sa mga nag cocomment and nag criticize ng gawa ko, and i guess with that mag iimprove yung mga gawa ko, i hope na mag comment pa kayo about sa story para ma improve ko pa lalo. pasensya na rin kung maraming poitn of view, baka kasi maboring kayo kapag yung 2 main characters lang eh haha.
thanks to jharz, ylden, dave, toto tancino, d*l*r*x, grey uson and alfred of T.O thank you guys! especially sa mga ANONYMOUS. HAHAHAHA!
Chapter 3
Axel’s POV
Ilang araw na ang nakalipas simula nung mag enroll ako sa SIU, panandalian ko namang nakalimutan kung sino ang nakita ko na itinuro ni zandro.
At ngayon Sunday na at bukas, edi Monday! shunga nyo mga sis ano? Haha joke lang
Bukas pasukan na.
Sunday morning chuchu chuchu when chuchu ang sarap talaga kumanta kahit hindi mo alam yung lyrics. Haha well that's me AXEL THE GREAT!
Since sunday ngayon i would rather attending a mass than killing myself into boredom.
Bumaba lang ako para mag breakfast, ng nadatnan ko sila mommy at daddy na nag bbreakfast din
“ good morning my and dy!” sabay halik sa mga pisngi nila
“ good morning din beautiful” aarrggghhh etong si daddy nahahawa na kay kuya!
“ my oh! Si daddy! Teka nasan si kuya bat parang pag tingin ko sa pinto nya nakabukas at walang tao?” saad ko ng puno ng pagtataka
“ haynako, ewan ko ba dyan sa kuya mo, kung hindi busy sa trabaho, ayun busy sa girlfriend! Nakalimutan nya na atang may pamilya sya dito. Kaya ikaw axel ha? Magtino ka, ayokong malalaman na buntis ka na lang bigla” saad ni mommy
Agad ko lang muntikan mabuga yung iniinom kong gatas sa mukha ni daddy! Hahahaha.
Yung tataa? Swerte ba talaga ko sa mga to? Hahaha. Nakaka azuuuurrr ha.
“ haynako ako nanaman pinag iinitan nyo, kayo talaga! Nakakainis! “ sabay kunyari flip ng mahabang hair.
“ aba aba anak? May paganyan ganyan ka pa eh halos mag pasemi kalbo ka na nga?” saad nanaman ni daddy
Kanina pa tong mga to ah! Kurugan ko kaya to. Hahaha de joke lang!
Bawasan pa allowance ko no.
“ daddy naman eh, minsan na nga lang mag landi, pinupuna mo pa ng pinupuna.” saad ko na kunyari malungkot
“minsan daw, sus kaya pala kwento ni zandro eh isa ka daw sa pinakamalanding kaibigan nya, hahahaha!” mapang asar na sabi ni mommy
“ at talagang sya pa ang paniniwalaan nyo ha? Yung tataa? Anak nyo ba talaga ko ha?! Hahaha” ang hindi ko na mapigilang tawa ko.
Buong oras lang kaming nagtawanan.
Niyaya ko naman silang magsimba ang kaso
“ anak, anong oras na?” takang tanong ni mommy
“ 10 po?” naguguluhan ko namang sabi.
“ baka nakakalimutan mo, 7 kami ng umaga nag sisimba don’t you remember?”
“ hala! Eh bakit hindi nyo ako ginising?! Mommy naman eh!” inis kong sagot.
“ paano ka gigisingin eh nag dadrawing ka pa ng mapa ng pilipinas sa unan mo gamit yang laway mo! HAHAHAHA” at sabay na tawa ng mag asawa.
Jojombagin ko na talaga tong mga to eh
Agad lang akong umalis at umakyat sa kwarto ko dahilan para tignan kung totoo nga ang sinabi ni mommy.
Hindi naman totoo eh!!!
Hindi naman mapa ng pilipnas to eh!!!
Mapa ng buong mundo mga sis! HAHAHAHAHAHA
( ang baboy mo axel!)
Wooo author kunyari ka pa. Eh umiihi ka nga sa higaan mo eh hahaha
Well anyways, since nagsimba na rin pala sila
Edi ako na lang
Wait, yayayain ko na lang si procopio ng masunog na ang gaga.
De biro lang mga sis, lab na lab ko yun kahit kamukha ni tsokoleyt. Hahaha.
Agad ko lang kinuha ang phone ko na regalo nila mommy sa akin bilang graduation gift daw.
Eshush me mga marsh, aypown shiksh lang nemern ang cellphone ni axe; the great Hahaha.
Ano ba?! Ang tagal namang sumagot ng hinayupak na ‘to!
Krrrinnnnggg!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Sa wakas sinagot na ng lola nyo!
“ yes hello, this is miss universe 20....”
"Procopio, simba tayo! " pag putol ko sa sinasabi nya at pilit na sigaw ko para makaganti,
“ ay putaenanidyesabel! ANO BA YAN!! MAKASIGAW HA! OKAY NA? HAPPY NA? NAPASAYA KO NA BA ARAW MO SA PANG AALIPUSTA MO SAKIN BRUHA KA?! HA?!”
“ HAHAHAHAHAHAHAHA!” di ko na mapigilan yung tawa ko sa mga oras na’to
“ well infairness thanks pa rin dahil mukhang nag silaglagan na ang mga tutuli kong hindi pa natatanggal isang buwan na ang nakalipas, HAHA”
“ kadiri ka punyeta ka, sabi ko na eh ikaw yung amoy luga at amoy guhit ng kapalaran sa classroom eh”
“ grabe ka talaga sa akin besh”
“ ikaw ang grabe, walang ginagawa sayo ang mga tao pero pasabog ka ng pasabog, siguro nung nagpasabog ng kabahuan sinalo mo lahat. HAHAHAHA”
“ ayoko na punyeta ka goodbye!” aktong ibababa na nya yung phone
“ charaught lang to naman haha libre kita dali!” pilit na pagbawi ko
Dyan lang yan magaling eh, sa libre!
“ go na ses, dali ano bang pakay natin? Hahaha”
Sabi sa inyo eh
“ simba nga tayo, pajulet julet?” inis kong sabi
" sige go beks. May chikkabells ako sayo hihihi!"
" Pokpok ka talaga. Che! Ge ligo nako!"
"Ligo lang nga ba? Haha"
"Bang baboy mong hayop ka."
"Sus if i know pinapantasya mo si dave habang naliligo hahaha!"
"Pakyu!" Sabay off ng phone.
Mahirap talaga kapag kilalang kilala ka ng bestfriend mo,
oops,
nadulas na bako? Haha
Churi naman. Minsan umaarangkada kasii pagkapilyo ko haha. Pero alam nyo na, NGANGAZONED tayo mga te!
Ng matapos na kaming dalawa mag prepare, napagdesisyunan naming sa simbahan na lang kami magkita
SIMBAHAN
“ grabe te, ang init ditey ha?!” pabulong nitong sabi.
“ aba? Nag reklamo ka pa? Eh bakit ka kasi naka varsity jacket? Kampon ka na rin ba ng mga jejemon dyan sa labas tapos ang motto sa buhay
“ Jejemons don’t die, we multiply”
“eh kung kurutin ko kaya yang singit mo ano? Eh ubos na lahat ng damit ko eh! Nasa labahan!”
“ laba laba din kasi pag may time, pustahan yang panty mo good for one week!”
“ pssst!!! Respeto naman po” biglang sita ng ale.
Bigla naman akong natauhan.
Nasa simbahan nga pala kami
Lord sorry po, makasalanan kasi tong katabi ko
Huhuhu. Pangit na nga ang baho pa
Hahaha joke lang lord.
Pasensya na po ulit
---
" in the name of the father the son, the holy spirit amen" ani ni father.
" Bakla puro ka text rumespeto ka nga!" biglang sita ko sa kanya
"Sorry naman friend, tara labas na tayo. Dali ang init na talaga netong suot ko.”
Pag labas namin, agad lang nyang hinubad yung varsity jacket nya.
Aba! Ang lola nyo nakasando lang pala!
“ bakla!! Yung kurikong mo nagsisilabasan!” pagsita kong sabi
“ ganyan ka eh, salamat sa pang aalipusta mo sa apat na taon ha? Ano? Masaya ka na ba? Masaya ka bang dinudurog ako? Nakakalalaki ka na eh! Suntukan na lang oh!!” biglang sabi nya at nag pose na parang si manny pacquiao.
“ ah ganon? Teka teka” agad ko lang pinatunog ang mga daliri ko at itinaas ang manggas ng polo ko
“ te joke lang, gusto ko pa mabuhay. HAHAHAHAHA”
Yan. Ganyan kami, kahit sobrang hard na ng salitan namin ng salita, wala ni isang napikon sa amin. Ganyan kami kadikit ni procopio.
Sobra.
“Teka girl, Naalala mo yung pumunta tayong mega? Yung may pogi na kinuhaan ko ng number?"
" ah. Oo ata? Diko matandaan eh bakit?" inisip ko naman kung ano nga ba ulit itsura nun, hindi ko talaga matandaan masyado.
" Sa STU din pala sya mag aaral, at take note, psych major din ang papa mo. Baka classmate mo sya beks! "
" iba na talaga pag swerte no? Malay mo kami pala tandhana sa isa't isa. Hindi kayo haha! "
Sarap talaga umaura kapag kasama mo tong monggoloid na to.
Pero kung maging magkaklase nga kami nung sinasabi nya, it's time para pagtripan tong si procopio hahaha.
Hay ambantot talaga ng pangalan nito ni bakla. Hahaha.
Elijah's pov
Hi readers! Ako si elijah. Elijah villanueva. Well as you all know ako lang naman yung kinuhaan ng number ni sandy sa mall. Hindi ko sana ibibigay kaso naapansin kong kasama nya ata talaga yung cute na taong yun.
Ewan ko ba bigla kong napangiti nung nakasimangot na sya.
Ang cute cute!
Sa totoo lang, napansin ko na sya sa school na papasukan ko, and yes im taking psychology as my major
Same course din pala kami
FLASHBACK
" hi pogi"
Ano ba to? Ang kapal ng make up! Mukhang espasol!
Teka teka,
sya yung tumili kanina eh?
So kasama nya nga talaga yung napansin ko kanina sa school?
Eh nasan sya?
HangganG sa palingalinga ako kahit kinakausap ako netong sirena na to.
" hi. Ako nga pala si sandy robles, and you are? "
And yes! Ayun sya. Mukhang hinahanap tong si sandy
“ excuse me?” biglang pagsingit nya
" oops, uhhmmm elijah."
"Can i get yout number?
Uhhmm excuse me?"
Nako! Mukhang nakita nyang kanina ko pa tinitignan yung kaibigan nya.
Teka kung hinihingi nya number ko,
does it mean na pwede kong makalaam ng mga bagay tungkol sa kaibigan nya?
Lezz do this.
" 0919*****23"
wala ng bawian to nabigay ko na eh.
" thank you baby. Text you later"
And as the time goes by. Ang dami ko ng nalaman tungkol kay axel.
Buong gabi lang talaga kaming nagtext netong si sandy malaman ko lang ang mga bagay bagay tungkol kay axel.
Yeah alam ko na pangalan nya ngayon yes!
Tapos parehas pala kaIj ng major YAHOOO!!
END OF FLASHBACK
maging magkaklase kaya kami ni axel?
Kung hindi man,
GAGAWA AKO NG PARAAN! Ako pa ba?
EH lahat ng gusto ko nakukuha ko at sisiguraduhin kong mapapasakin ka axel.
Zandro's pov
" so ayun na nga, mukhang type ka beks, taliwas lagi sagot sa tanong ko eh,
ay mali, pag nagtanong ako, magtatanong din sya,
worst, puro tungkol sayo ang tanong! Ganda mo talaga beks!"
"Shinabi ko naman shayo eh hihihi"
Punyeta talaga.
Bwisit na elijah na yan.
Puro kay axel ang tanong mygad!
NAUBOS LANG ANG ORAS KO SA KAKATANONG NYA KAY AXEL!
Minsan talaga napapaisip ako eh
Kaibigan ko ba tong si axel
O
Perosonal alalay nya?!
Well okay lang kung type nya si bestie, sana mahulog din si bestie sa kanya, kesa magpakatanga sya kay dave no.
Gwapo nga ang pangit naman ng ugali. Che!
Axel's pov
Daming kuda ni bakla! Ang ingay ingay sa daan. Puro si elijah ang bukambibig. Nakakagutom lalo.
Sinabi ko sa kanyang ililibre ko sya pero ang totoo, wala akong dalang pera! Hahaha
Duh! Magsisimba kaya ang purpose ko hindi mag lamyerda
“ oh ano na? Libre mo na ko hoy!”
Shet! Basta talaga pag libre tumatalas ang isip nito eh
“ ahh ano, sa bahay na lang. Nagluto si mommy, di ko alam kung ano eh” biglang sabi ko
“ sinasabi ko na nga ba eh, wala kang pera eh. Alam mo ang yaman yaman nyo pero saksakan ka ng kakuriputan.
Nung nagpaulan siguro ng kakuriputan nasa pacific ocean ka.
“ oo nakita nga kita eh, palibhasa shokoy ka”
At sabay nanaman kaming nagtawanan.
Ng makarating na kami sa bahay, hindi ko pa natatanggal ang sapatos ko,
Etong si bakla ayun nauna pa kesa sa akin
PG SPOTTED.
" hi tita! Anong ulam natin?" Aba putanameshki. Feel at home talaga tong si procopio kahit kelan.
" adobo procopio anak" HAHAHAHA YAN MAMA TAMA YAN.
" tita! It's zandro! Zandro sa umaga, Sandy sa gabi! Hahaha"
Kahit kailan talaga.
" o sya kumain na kayo dyan aalis muna kami ng tito mo, oh axel, ikaw na bahala sa bisita natin okay? Ang bahay pakilinisan”
“ my? Kaya ko nga yan sinama dito para sya ang mag linis! HAHAHAHA. At saka hindi yan bisita no, sampid yan che!” sabay tulak ko kay zandro
“ tita oh si axel sumusobra na oh? Uhuhuhu” aba ang loko, nag inarte pa
Ganyan kami kasama ni zandro sa isa’t isa masyado kaming tunay sa isa’t isa haha,
“ hoy tigilan moko ng arte mo”
“ kayo talagang dalawa oo! Osige na aalis na kami magpakabusog okay” sabi ni mommy habang iniintay sya ni daddy sa labas
" bye tita. Pasalubong po ah?"
PUNYEMAS IKAW NA TALAGA PINAKABURAOT PROCOPIO!
Buong araw lang kami nag internet ni bakla. Puro dating sites ang inatupag nya. Ako? Ayun avid reader ng mga stories sa MSOB.
“ beks! Pasukan nyo na bukas,anong balak mo?” pagbasag nya sa katahimikan
“ anong klaseng tanong yan? Malamang edi mag aaral”
“ gaga! Alam mo minsan tanga tanga eh ano. What i mean is yung sa inyo ni dave!”
“ you know what? There’s never been us.”
“ ay te? Line sa palabas yan ah? Haha”
“ haynako, bahala na kung anong mangyari. If Gods will, Gods will ika nga ng nakakatanda tulad mo”
“ che!”
Nagpaalam na rin si procopio pauwi dahil sasama daw sya kay tita mamili ng pwede nilang ibenta para sa pang araw araw nilang pamumuhay.
Hays.
Bukas pasukan na. Nakakaexcite naman!
"There was never an us" ung line hahaha xD Loko loko si Procorpio :D kaka aliw
ReplyDeleteKawawa din pala ang buhay. Sandy/Zandro pero he's a true friend and a good son. Ok din si Axel mabait na maingay. hehehe. Salamat sa update. take care.
ReplyDeleteNakakabitin. Haha bukas pasukan na. Nakakaexcite naman. Tas wala na pala kasunod. Hahaha.
ReplyDelete-yeahitsjm
Nice super...
ReplyDeleteNxt n!!!ahahahah dmanding heheheh
ReplyDeleteShai😊
Haha nakakatuwa talaga ang character ni procopio este zander este sandy. Akala nya sa kanya na si elijah eh kay axel pala may gusto. Hahahaha
ReplyDeleteExcited nadin ako sa 1st day of class nila. Hehe
Keep it going author. Update pa more. :D