Author's Note
hello guyth! muli nanaman akong nagbabalik. pasensya na kung medyo naiiklian kayo lagi sa chapters ha? pag pasensyahan nyo na po haha!
salamat po sir mike and sir allan!
hi sa mga co RA'S ko . kaway kaway!
sa mga readers at nagcocomment, mahal ko kayo haha!
di ko na papahabain pa. eto na ang chapter 11
Chapter 11
Axel’s POV
It is my first time na pumasok sa isang relasyon, hindi ko alam kung paano ba kumilos o gumawa ng mga bagay bagay patungkol dito.
Kelangan ba lagi kayo mag kausap?
Dapat ba may sign of endearment kayo?
Required ba na updated ka o sya sa lahat ng ginagawa mo o nya?
Dapat ba na lagi ko syang tatawagan?
Hindi ko alam ang gagawin sa totoo lang, gusto ko maging perfect na karelasyon ni Dave, pero hindi ko alam kung paano.
Kung hindi man perfect atleast yung kahit papaano na alam ko mapapasaya ko sya.
Isa lang kasi ang alam kong paraan kung paano ko sya mapapasaya eh.
Yun ay yung sundin ko ang mga sinasabi nya at kung ano ang ipapagawa nya.
Yun kasi yung nakikita ko nung highschool ehh, kaya siguro ganun na lang dun gagawin ko.
Ngayong sinagot ko na sya, sana maging maganda ang kalabasan, sino ba naman ang gusto na maging miserable ang isang relasyon hindi ba?
Dave’s POV
Napakadali talagang mauto ang bakla, I don’t ask why kung bakit maraming nasasaktan sa kanila eh, don’t misunderstood me guys pero honestly, madalas, sila rin ang gumagawa ng mga bagay bagay na ikakabuti nila as well as ikakapahamak nila.
At ngayon kay axel? Binigyan ko sya ng chance na lumayo sakin pero anong ginawa nya?
Pwes. Makikita nya kung ano ang hinahanap nya.
“ ALAK PA!!!” sigaw ko sa mga tropa ko.
Andito kami ngayon sa labas ng school dahil tapos naman na ang klase.
As usual, umiinom kami. Ano pa eh di libre ko. Magkaroon ka ba naman ng instant ferrari eh. Haha!
“ pre, ano ba talaga balak mo kay Axel?” biglang tanong ni Ino.
“ simple lang dude, sisirain ko buhay nun haha!” pilyo kong sagot.
“ ah mga ilang days lang, sasabihin mo na rin na pustahan ang lahat? “
“ nako pre, basic na yan. Masyado ng generic. Masyado ng gasgas sa mga telenovela. 2015 na pre, makikita mo ang bagong laro. Haha”
“ what do you mean?” taka nyang tanong.
“ basta, makikita mo na lang haha”
Ano nga ba balak ko kay axel?
Una, hindi porke kami eh gagawin ko sa kanya yung mga gawain ng magkarelasyon. Ano sya hilo? Haha. Iumpog ko pa sa pader yung baklang yun eh.
Pero syempre magpapagoodshot muna ko sa kanya para kahit papaano hindi sya mag hinala agad.
“ eh paano kung mahulog ka dun pre? Nako yari ka” biglang sabi nya.
“ ano ko gago? Ba’t naman ako mahuhulog sa taong tulad nun? Laman ng babae kelangan ko pre hindi laman ng hayop. Tsaka imaginine ko pa lang na makikipag sex ako, TANGINA PRE! NANDIDIRI NA AKO SHET!” di mapigilan kong sabi
“nako sabi nga ni Ian, nasa huli ang pag sisisi”
“ teka ba’t ba ang dami mong tanong?” pagpuna ko sa kanya. Para kasing iba na yung kinikilos nya eh
“ ah eh, wala naman, mabait kasi si axel eh, kasama ko sya sa dance org diba, kaibigan ko na rin yun kahit papaano”
“ taena pre, baka mahawaan ka non! Haha! Pag nagkataon lumayo layo ka sa kin baka masapak din kita hahaha!”
“ tarantado haha! Tara na nga puta anong oras na oh, mayari pa ko kay daddy neto.”
“ tsktsk, perks of being a daddy’s boy. Hahaha”
“ eh kung ipasok ko yang kamao mo sa bunganga mo?”
“ joke lang! Hahaha, sige pre, ipapasyal ko muna bagong baby ko, haha! Salamat sa ferrari ah? Tsktsk. Sabi ko naman sayo ako mananalo eh”
Binigyan nya lang ako ng isang ngiti at paalis na.
Bigla namang nag ring ang phone ko, hudyat para malaman kong may natanggap akong mensahe.
“ Dave? Kumusta?” Si axel.
Rereplyan ko ba ‘to? Tae naman. Wala eh ginusto ko to. Ako rin naman makikinabang neto sa huli bahala na.
“ ay, Axel pasensya na kung di ako nakakapagtext ah, may ginagawa kasi ako e hehe. Okay lang ako, ikaw?” taena. Parang ang bait ko naman tignan dito sa text na to.
- okay lang din, kumain ka na?-
-yup, teka muna axel ah, mag dadrve kais ako, pauwi na rin kasi ako eh-
Well, di naman ako gumawa ng dahilan, pauwi naman na talaga ako.
-ah ganoon ba, sige ingat na lang-
At agad ko ng inilagay sa bulsa ko ang phone ko.
Kelangan kong magmadali pauwi dahil may kailangan akong iklaro sa baklang to.
Hindi pwedeng malaman ng iba relasyon namin ano sya? Sinuswerte?
Buti na lang at walang traffic ngayon sa EDSA. Himala! Tama nga si Nora Aunor.
Zandro’s POV
“ seryoso? Sinagot mo na sya? Handa ka ba sa magiging consequences ng gagawin mo? Tandaan mo, hindi lahat ng mabait sa iyo eh mabait na totoo, mygad, makiramdam ka naman axel! Naturingan kang matalino pero para kang latang walang laman pag dating Dave. Hello! Isang Dave Sandoval lang yan oh? I mean, hindi ka ba nagtataka na bigla na lang syang nagbago sayo? Ano yun sa isang pitik lang naging mabait sya sayo? Pwede ba yun?” ang pagbuburst out ko sa bestfriend ko
To tell you honestly guys, hindi ako boto kay Dave para kay axel, duh? Kitang kita naman ang motibo ng gagong yun. Halata namang sasaktan lang nya si axel.
Ate eto namang bestfriend? Aaarrrgggghhhh!!! Kung pwede ko lang kalbuhin to matagal ko ng ginawa.
“ malay mo naman, alam naman natin na sa isang pagkatao ng isang indibidwal, there our lots of behaviors they can manifest. So malay mo, nasa stage sya ng realization?”
Punyeta. Humahanap pa talaga sya ng paraan
“ ah, so pwede pala na isang pitik ko lang eh mag kasing sexy at ganda na kami ni Anne Kurtis? Ganern?”
“ yung sa case mo, wala ng pag asa haha! De biro lang, alam mo best maging masaya ka na lang sa akin, after all ako rin naman mag susuffer if ever, and i’ll make sure na handa ako sa mangyayari, isa lang ang hinihiling ko, na sana pag dumating ang oras na nasaktan ako, nandyan ka pa rin para alalayan ako”
Hindi ko na napigilan ang luha ko at tuluyan ng bumagsak. Agad ko lang syang niyakap dala ng sobrang pag mamahal ko sa bestfriend ko.
Kapatid na talaga ang turing ko sa kanya kaya kung ano ang problema nya, problema ko na rin, parehas kami or in the other way around. Kaso parang wala naman syang probelam before, ako lang palagi haha! Pero kahit anong mangyari, handa akong protektahan si axel, buhay ko man ang kapalit, nangako ako kila tita at ayaw kong masir ang pangako kong yun
“oo naman, bakla ka, halos mag lilimang taon na tayong magkaibigan slash magkapatid slash magkasangga sa lahat ng bagay ngayon pa ba kita iiwan? Basta ang maipapayo ko lang sayo, kapag alam mong walang progress, give up na. Mygad, may itsura ka axel, hindi imposibleng makahanap ka ng mas better kesa sa taong yun, sadyang naging close ka lang sa opportunities na pumapasok sayo when it comes to love. So sana gamitin mo yang utak mo, dahil kung hindi, shet! Palit na lang tayo punyemas ka!”
Axel’s POV
Patulog na sana ako ng magring yung phone ko.
-Dave-
“ Hello?” shiizzz. Boses pa lang nya iba na ang sensasyon. Siguro ganito talaga kapag mahal mo ang isang tao no?
“uhhhmmm hello Dave napatawag ka?”
“ uuhhhm, may gusto sana akong sabihin sayo eh”
Ano kaya yun? Ganoon ba kaimportante at tumawag pa sya ng disoras ng gabi?
“ sure, sige ano yun?”
“ ahhhm, ano kasi, pwede bang ilihim lang natin yung mayroon tayo? Kasi alam mo naman, sumisikat kami sa basketball, at kapag nalaman yun ng mga fans namin eh baka saktan ka lang nila, ayoko namang mangyari yun”
THAT’S IT! After all nag aalala sya sa kung anong pwedeng mangyari sa akin at sa amin.
“ ah yun ba, oo naman okay lang sa akin”
“at saka san kapag nasa school lang tayo parang normal people lang tayo, kasi alam mo na baka mapahamak pa tayo, lalong lalo ka na.”
“ oo okay lang sa akin”
“ mayroon pa pala, uhhmm axel, pwede bang?...... Pwede bang kapag may training ako, tapos may assignments ako, pwede bang ikaw na lang muna gumawa?”
“ ah okay lang sa akin, basta wag ka lang magpapakapagod.”
“ osige, sabihin ko na lang ulit kung mayroon pa kong ipapakausap, baka nakakaistorbo na ako eh”
“ di okay lang Dave, pero sige baka pagod ka na rin “
“ sige”
“Uhhmmm, teka dave?”
“ what ?”
“ uuuhhhmmm, goodnight and I lo..”
*toooott toooot tooot*
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng biglang namatay ang phone nya, siguro nga pagod na talaga sya, naiintindihan ko naman, marami pa namang pagkakataon.
*makalipas ang ilang araw*
“ dave! Eto na pala yung assignment na pinagawa mo oh tapos ko na”
Kausap ko sya ngayon sa phone, ilang araw ko na rin ginagawa yung assignment nya kasi hindi nya naaasikaso due of his training sa basketball, malapit na rin kasi yung laban nila against other school, kaya puspusan sila sa practice which I understand naman. At heto, ngayon ang pinagawa nya sa akin, ilang articles na related sa computers, though nahirapan ako mag hanap but i prefer myself to strive more dahil ayoko namang mapahiya sa kanya.
“ ah ganon ba? Sige dalhin mo na lang sa Sequia condominiums, room 404 dun yung room ko, ilagay mo na lang sa sahig. Medyo gagabihin kasi kami tapos may pupuntahan pa ko”
“ ganoon ba si....”
Naputol nanaman ang tawa. Madalas nangyayari ang ganito, yung moment na laging nauudlot yung sasabihin ko or yung convo namin, pero naiintindihan ko naman kasi busy talaga sya kasi nag babasketball na sya tapos nag aaral pa sya, syempre ako, susuportahan ko na lang sya.
“ uhhmm hi?”
Isang babaeng maganda ang lumapit sa akin, pamilyar ang mukha nya pero hindi ko matandaan kung saan ko sya nakita eh
“ he-hello po?”
“ hi. Im Jhen, Dave’s bestfriend” ah oo! Sya nga yun. Sya yung kasama nila Dave nung nakita ko sila sa canteen
“ so you must be Axel right?” hu? Pano ko nakilala nito? Well mukha naman syang mabait so i should deal with it
“ ah oo, ako nga, hehe ma-may kailangan ka?”
“ ah oo, kasi eto oh” sabay lahat ng isang maliit na paper
“ pinabibigay yan ni Dave, sabi nya kung pwede daw, ikaw daw muna gumawa nung mga yan kasi baka di nya magawa alam mo naman busy sa training, alam mo nakikita ko nga sya pagod na pagod lagi eh, kaya suportahan mo na lang if i were you”
“ ah ganoon ba? Sige sige ko ng bahala”
“ thank you! Btw, friends na tayo ah? Hehe”
Mukha naman syang mabait so why don’t I try diba?
“ su-sure” sabay ngiti.
Agad ko lang tinignan ang papel na maliit na binigay ni jhen, teka? Parang eto yung hawak ko ngayon eh? Ba’t parang naulit? Hayaan mo na nga baka sa ibang subjects ata to or hindi ko lang masyadong inintindi yung nakasulat kaya akala ko magkaparehas.
Agad ko lang tinungo ang sinabing lugar ni Dave. Nag taxi na ako dahil hindi ko alam kung san ba banda yung condo nya, at ng magtagumpay akong makita ang lugar na yun, tinungo ko lang kaagad ang room 404 at inilagay sa tapat ng pinto yung mga projects and assignments ni Dave
Dave’s POV
“ oh? Nagawa mo?” ang pagpukaw ng pansin ko kay jhen habang papalapit sya sa akin ng may nakakalokong ngiti
“ oo no! Di ko akalain na uto uto pa la yung taong yun. Hahaha! Biruin mo, pati assignments ko gagawin nya! Hahaha! Pano ba naman, pinalabas kong sayo yun kaya pumayag ang hitad” sabay lingkis nya sa braso ko
Ilang araw na rin ang nakalipas mula ng si axel ang pinapagawa ko ng assignments at bang requirements ko, dahil sinasabi kong busy ako sa training.
Pero ang totoo, wala namang talaga akong ginagawa, nag babar hopping lang kami ng barkada o kaya nag sesex ni jhen. Yan ang madalas kong ginagawa after ng school, pero pinapalabas kong nag tatraining ako, at pasalamat ko na lang na kumagat yung baklang yun sa mga palusot ko.
Isa yan sa mga balak ko talaga sa kanya, since matalino naman sya, bakit hindi ko gamitin yun para naman may pakinabang sya sa akin no.
Ako rin ang nagsabi kay jhen na pagawa na lang nya kay axel yung requirements nya. At buti na lang pumayag nanaman yung tukmol
“ so let’s go?” ang nang aakit nyang tanong
“ game”
Papunta kai ngayon sa isang motel, para ano pa? Edi mag sesex? Yun naman palipasan ng oras namin eh.
* Hi guys! Fast forward na tayo, ng onti lang naman, kasi hindi ko alam kung pano ko pa sya papahabain haha!*
Axel’s POV
* makalipas ang 2 weeks*
Simula ng maging kami, halos araw araw o every week ko ginagawa yung mga requirements ni Dave at madalas di ko na naaasikaso yung mga bagay patungkol sa sarili ko. Di bale na, kaya ko namang humabol. Para sa taong mahal ko gagawin ko ang lahat.
“ bestie! Alam mo ba? Kalat na kalat daw sa IT building ang relasyon ni dave at ni jhen, yung cheerdancer na maganda pero mukhang bitch?” saad ni zandro
Hindi na ako nagulat dahil narirnig ko na yun sa ibang estudyante, mula kasi nung nag karoon ng practice game sa gym, talagang sumikat ng bongga si Dave at iba pa nyang kasamahan sa basketball kasabay ng pagsikat din ni jhen simula’t sapul pa lang dahil maganda naman talaga sya.
Nakarating na rin sakin ang balitang yan pero ipinagwalang bahala ko ito. Naniniwala akong hindi magagawa ni dave sa akin yun. Hanggat hindi nanggagaling kay Dave yung issue na yun, hinding hindi ako maniniwala sa sinasabi nila.
“ wag mo na nga syang siraan sa akin, ito naman “
“ ano ka ba! Niloloko ka lang nung tao oh!”
“ di nya magagawa sa akin yun”
Gusto kong paniwalaan ang sarili ko na hindi totoo ang lahat ng sinasabi nila, aantayin ko na lang si dave ang magsabi ng lahat ng ito kung totoo man.
2 weeks pa lang naman. Tanging kaming tatlo lang nila elijah at zandro ang nakakaalam na kami na nga ni dave dahil ayaw daw nyang ipaalam sa iba dahil pinoprotektahan nya ako from bashers
Yan ang pinanghahawakan ko, ang pagpoprotekta nya sa akin.
Elijah’s POV
It’s been two weeks, two weeks ng nagmumukhang tanga si axel kakaantay ng atensyon ni dave, pero walang nangyayari. Napapabayaan na nya yung sarili nya, minsan pumapasok sya ng parang walang tulog o di kaya naman laging wala ang atensyon nya sa lectures at parang laging may pinagkakaabalahan mostly related sa computers
Sinasabi ko na nga ba eh, ginagawa ng utusan ni Dave si Axel. Eto na ang ayaw kong mangyari eh.
Siguro eto na yung time para malaman nya kung ano talaga ang motibo ng gagong yun para sa kanya. Dibale ng masira ang plano ko kesa magmukhang kaawa awa si axel sa paningin namin dahil hindi lang ang tropa ang nakakapuna ng pagbagsak ng katawan ni axel kundi halos buong classroom.
“ axel nangangayayat ka na oh, ano bang pinag gagagawa mo? Palagi ka na lang out of the environment sa room natin palaging busy tapos parang lagi ka pang walang tulog” di ko na mapigilang magtanong dahil nangangamba ako sa kanya.
“ wala to, okay lang naman ako ano ka ba.”
“ axel, may sasabihin sana ako sayo eh”
“ano yun elijah?”
“ wag ka sanang mabibigla, pero narinig ko noon sila dave at ang trop nya, pinagpustahan ka lang nila kapalit ng kotse at pag stay ni dave dito sa STU”
“ nako isa ka pa. Sinisiraan mo rin sya gaya ni zandro, look ayokong magalit sa inyo okay? Kaya please, maging masaya na lang kayo para sa akin”
Wala na akong nagawa kundi ang tignan ang napaka inosenteng mukha ni axel. Pero hahanap pa rin ako ng paraan para mabisto mismo ni axel kung ano ang tunay na balak ni Dave sa kanya.
Hahay tanga talaga si axel promise as in ang dense nya hap grrrrr
ReplyDeleteNakakainis ang tanga ni Axel. Hays!!! Sira ulo tong Dave na to sana mag ka aids ka hahahayop ka!
ReplyDelete-44
Maganda ang kwento, sa lahat naman ng matalino ito ung gonggong... meron bang ganong katalino baledictorian pa namang naturingan na ganong katanga? Ewan !!!
ReplyDeletemr author please pahabahin niyo po yung mga chapter pleeeeeease :(
ReplyDeleteYes, babasahin ko na... Thanks sa update Author! :)
ReplyDeleteAiiiii...sarap mong bugbugin axel tanga lang... halata nman..
ReplyDeleteSB...
Eto na naman ang kwento ng isang TANGA! Tsk tsk tsk grabe ka author ginagawa mong mababa ang mga BAKLA sa larangan ng pag ibig, sinapak ng walang dahilan, niligawan, ginawang tanga pero ok pa din, tsk tsk tsk masyadong degrading sa 3rd sex tong kwento mo,
ReplyDeleteAng tanga ni axel. Medyo oa ang ginawang character ng author. Hehehe. This is just my comment. Salamat sa update.
ReplyDelete-tyler
Thanks author panggising lng naman to sa mga sobrang magkagusto sa isang tao. D nya namalayan naabuso na sya at nakakalimutan na nya ang sarili nya... Ok lng thanks author at the magigicing rn sya sa katangahan nya. Sori author pinangunahan kita hahaha.
ReplyDeletePeace
Sinalo na ni Axel ang lahat ng katangahan sa mundo. Salamat sa update Mr Author. Take care.
ReplyDeleteMaganda ang plot. Madalas kulang ang mga chapter. Di ko masasabing bitin. Ang bitin sa akin ay yung tipong mapapaabang ka sa susunod na mangyayari.Dito nararamdaman ko lagi may kulang. Siguro kulang sa mga relevant na pangyayari? Mga mas ditelyadong pangyayari na susuporta sa emosyon at pinanghuhugutan ng mga karakter. Siguro nakukulangan ako sa lalim. Napansin ko din na madaming mga unnecessary event na pwedeng palitan ng mga interaksyon ng mga pangunahing bida.
ReplyDeleteAs a beginner, malaki ang potensyal mong magaling na manunulat. Naniniwala ako sayo author na kaya mong pagandahin pa ang kwentong ito.
-Bee
Maganda ang plot. Madalas kulang ang mga chapter. Di ko masasabing bitin. Ang bitin sa akin ay yung tipong mapapaabang ka sa susunod na mangyayari.Dito nararamdaman ko lagi may kulang. Siguro kulang sa mga relevant na pangyayari? Mga mas ditelyadong pangyayari na susuporta sa emosyon at pinanghuhugutan ng mga karakter. Siguro nakukulangan ako sa lalim. Napansin ko din na madaming mga unnecessary event na pwedeng palitan ng mga interaksyon ng mga pangunahing bida.
ReplyDeleteAs a beginner, malaki ang potensyal mong magaling na manunulat. Naniniwala ako sayo author na kaya mong pagandahin pa ang kwentong ito.
-Bee
Super bitin namn to famous author axel...... Wag mo naman gawin masyado bulag sa pag ibig ung bida ky axel.......
ReplyDeleteJharz