Followers

Friday, September 19, 2014

The Tree The Leaf and The Wind 27: If The Feeling Is Gone



The Tree, The Leaf, and The Wind
Chapter 27
“If The Feeling Is Gone”
By: Jace Page
https://www.facebook.com/jace.pajz







Author’s Note:

Third to the last chapter na po ng TLW. Maraming salamat po sa lahat ng sumuporta at sumusuporta pa rin sa akda kong ito. At sa ngayon ay sinusulat ko na din ang pangalawa kong serye, antabayanan nyo po iyon. Mas maiksi nga lang po siya, pero tatapusin ko muna yun bago maipost para iwas-delay. Hahaha! Oral Defense na po ng Feasibility Study namin sa Tuesday, wish me luck guys. Next chapter will be posted next week. See you then!

The 27th Chapter ng TLW. Enjoy…







==========================================


 
== The WIND ==

Madaling-araw na ata. Nagising ako sa mga naririnig kong hikbi. Agad akong napabalikwas sa hinihigaan at binuksan ang lampshade. Nakita kong nasa sahig na si Jayden at umiiyak. Nilapitan ko lang ito at niyakap.

“Yoh, what’s wrong?”

“Yoh.” Humihikbi pa rin ito. “Yoh. Si Alfer.”

“Shhh.” Pagpapatahan ko dito at inalalayan itong ma-upo sa kama. “Wag mo na muna siyang isipin Yoh. Matulog ka na ulit.”

“Pero Yoh. Mahal ko yun eh. Di ko lang.. maintindihan kung bakit.. ginagawa niya sakin ito.”

“Shhh.” Yakap-yakap ko lang siya habang hinahaplos ang buhok at likuran nya upang kumalma ito.

“Okay lang naman kung.. hindi niya nagustuhan.. ang ginawa kong.. pag-amin tungkol sa amin. Pero sana.. kausapin nya naman ako. Hirap.. na hirap na ako Yoh.” Sa nakikita kong kalagayan ni Jayden ngayon, hindi ko maiwasang hindi magalit kay Alfer.

Tila hinihiwa ang buo kong katawan ng libu-libong kutsilyo sa tuwing nakikita kong nasasaktan si Jayden. Hindi ko kaya. Hindi.

Siguro kasalanan ko din ito eh. Kung sana, ipinaglaban ko noon si Jayden. Kung sana hindi ko nalang siya ipinaubaya kay Alfer. Di siguro hahantong sa ganito ang lahat. Pero wala ng saysay ang sisihin pa ang mga nangyari na.

“Yoh, tama na. Kakausapin ko si Alfer bukas na bukas din.” Pangako ko dito. I know, sooner or later, darating din kaming dalawa ni Alfer sa komprontasyong ito. Bahala na. I want him back.

“G-gagawin mo yun Yoh?” Humihikbi pa rin ito, pero hindi na sya gaanong umiiyak.

“Oo, naman Yoh. Wag ka ng umiiyak ah? Ayokong nakikita kang ganyan.” Sabi ko dito. Kumalas ako sa pagkakayakap ko kay Jayden at inalalayan ko itong muling mahiga sa kama nito.

“Yoh?” Tawag niya sa akin ng nakahiga na ito sa kama. Napatingin naman ako sa kanya. “Hindi ko alam kung dine-deserve ba kita o ano. Pero, bakit mo to ginagawa? Bakit ang bait mo sa akin?” Naririnig ko pa rin ang mumunting hikbi nito, pero hindi ko inaasahan ang magiging tanong ni Jayden.

Natigilan naman ako sa pagkakataong iyon. Tila umurong ang aking mga dila’t ayaw nitong gumalaw sa sobrang kaba at takot.

Naka-upo na ako sa kama, habang siya ay nakahiga na. Di ko siya matingnan ng direcho sa mga mata. Bahala na. Bahala na si Batman. All I have to do is to let my heart speak for me.

“Dahil mahal kita Yoh. Mahal na mahal kita.” Ang nasabi ko habang nakatalikod pa rin sa kanya. Nang wala akong marinig na reaksyon mula dito pagkalipas ng ilang segundo, nilingon ko ito. “Yoh?”

Nang lingunin ko ang kinaroroonan nito, napangiti nalang ako. Ang Yoh na mahal na mahal ko, tulog na pala. Nang titigan ko ito, hindi ko maiwasang hindi kabahan sa maamong mukha nito na parang anghel na payapang natutulog. At ang mga labi nito na kay sarap angkinin at hagkan.

“Aayusin ko ang gusot na ito, Yoh. Pangako yan.” Siguro hindi pa ito ang tamang pagkakataon para malaman ni Jayden ang tunay kong nararamdaman. Kelangan muna naming ayusin ang lahat bago ako magtapat kay Jayden.

Ayokong mas makagulo pa sa kalooban ni Yoh. Kaya hangga’t maaari, titiisin ko muna ang aking sarili. Alam ko namang hindi na din magtatagal ang pagtitiis kong ito.

“Makukuha din kita Yoh. It’s not too late to reclaim what is rightfully mine. I gave Alfer a chance. Nagpaubaya ako. Pero lahat ng iyon, sinayang niya. Kaya ngayon, babawiin na kita Yoh.” Sabi ko sa sarili habang nakatingin lang sa natutulog na si Jayden.

Inilapit ko ng dahan-dahan ang mukha ko sa mukha nito, At nang ilang milimetro nalang ang nasa pagitan namin, bigla akong napatigil at napalunok ng sunud-sunod.

“Control yourself Yukito.” At kahit gustuhin ko mang angkinin ang mga mapupula nitong labi, pilit ko pa ring pinigilan ang aking sarili na mawala sa ulirat.

 Imbes na ituloy ang binalak kong paghalik sa mga labi nito, dumampi nalang ang mga labi ko sa noo nito. Humiga at yumakap sa kanya.

“Mahal na mahal kita Yoh. Di na ako papayag na saktan ka pa ni Alfer. Andito na ako Yoh.”




====================


== The LEAF ==


Nagising ako nang dahil sa liwanag na nagmumula sa bintana ng aking kwarto. Hindi ko pa masyadong naididilat ang aking mga mata, nang may narinig akong tunog ng mga kubyertos. Kinusot ko lang ang aking mga mata at pinilit na ibuka ang mga ito at bumangon.

“Good morning Yoh! Breakfast in bed?” Masiglang bati sa akin ni Yui habang dala-dala ang isang tray na punong-puno ng pagkain. “Gising ka na?” Ngiti pa nito,

“Ay, di pa Yoh.” Naghikab pa ako. “Tulog pa ako sa itsura kong ito.” At natawa nalang ako. Muntanga lang? Natawa na rin ito sa sariling tanong.

“Kain ka na Yoh, Nagluto ako ng paborito mong breakfast.” Bakit ba sa tuwing ngumingiti ito, nawawala ang mga mata nito? Ay oo nga pala, Hapon nga pala tong best friend ko. “Mag mumog ka muna dun sa banyo, dali.”

“Ano ba naman yan Yoh? Nung isang araw ka pa ah! Di na ako bata, at lalong-lalo na, may mga kamay at paa naman ako para pumunta ng kusina para dun kumain. Wag ka nga!” Pambabara ko dito,

“Awtsu! Yaan mo na. Na-miss lang kita eh. Yaan mo, ngayon lang yan. Habang nagpapagaling ka pa.” Grabe! May pyesta ba ng agahan dito? Andaming itlog, hotdog, bacon, danggit at fried rice namang niluto itong si Yukito. Mamumulubi kami ni Nanay nito!

“At talagang inubos mo ang laman ng ref namin para lang sa isang kainan ah? Ano ba plano mo, palobohin ako ng todo? Jusko naman Yukito!” Kunwaring pagsusungit ko.

Napangiti lang siya sa akin at pinisil ang ilong ko. “Wag na kasing magsungit. Nasa harapan ka ng grasya. Pinaghirapan ko din yan no? Wag ka ngang choosy Yoh. Pumapangit ka pag nagsusungit ng ganito ka aga,” At tumawa pa ito.

Natawa na rin ako, “Salamat Yoh. Pero sana, last na to ah? Wag mo na akong i-spoil. Baka madisappoint na naman ako neto pag umalis ka na naman.”

Tinapunan nya lang ako ng isang ubod ng tamis na ngiti, “Hindi na ako aalis sa tabi mo Yoh. Promise yan!” Namula naman ako sa sinabi nito, Ilang saglit na walang kumikibo sa aming dalawa. Ang awkward! “O sya, kumain ka na.” Pag-iiba nya sa usapan.

“Y-yoh. D-di mo ba ako sasaluhan? D-di ko mauubos lahat ng to.” Ano ba naman yan? Bakit bigla naman akong na-concious sa sitwasyon? Tss.

“Sige Yoh.” Ngiti nito at inilatag na nga namin sa may sahig ang pagkain na dala ni Yui.

Ganito kami ni Yoh dati, at ganito pa rin kami hanggang ngayon. Kumakain ng naka upo lang sa sahig ng kwarto, habang nanunood ng paborito naming palabas sa TV. Adventure Time.

Para lang kaming mga batang cowboy na kumakain kung san-san. Yung tipong wala kaming kaartehan sa mga tamang etiquette sa pagkain. Ang alam lang namin ay nag-eenjoy kami sa pagkain at sa pinapanood namin.

Pagkatapos naming kumain, si Yoh na mismo ang nagpresentang magligpit nung mga pinagkainan namin, Kahit nakakahiya na ang ginagawa nito sa aking pag trato na parang amo, hindi pa rin ito nagpapapigil.

“Yoh, Maligo ka na. Amoy mandirigma ka na eh! Hahaha.” Aba’t mam-bully ba?

“Naks. Nahiya naman ako sayo Yukito no? Kanina ka pa nga nangangamoy danggit jan eh. Ligo ligo din pag may time Yukito, no?”

“So gusto mo sabay tayo maligo, ganun? Okay lang sakin.” At nasilayan ko pa ang mala-demonyong ngiti na nakadikit sa pagmumukha nito.

“Adik mo Yoh! Hala, iligpit mo yang pinagkainan natin. Harot harot nito.” At narinig ko pa itong tumatawa habang papasok na ako sa banyo upang maligo,

Grabe tong si Yui. Dahil sa kanya, pansamantala kong nakakalimutan ang problema namin ni Alfer. Napansin kong namumugto pa rin ang mga mata ko sa kakaiyak kagabi, habang nakaharap sa salamin.

“Ano ba naman yan Jayden? Dinaig mo pa ang babae sa mga pinagagawa mo. Magpaka-lalaki ka nga! Wala namang mangyayari kung iiyak ka lang jan. Man up! Don’t be such a chicken.”

May kumatok sa pinto ng banyo ko. “Yoh, sabihin mo lang kung nababaliw ka na ha? Tatawag kami ni Nanay ng taga Mental kung anuman.” At tumawa pa ito ng malakas.

Baliw talaga tong si Yui. Nagmo-moment ang tao eh, nang-iistorbo nang wala sa oras. Tsk.

But things went lighter, now that he is here. Aminado akong nagiging dependent na ako kay Yui. Pero ngayon lang naman eh. Sana nga, matapos na tong problema namin ni Alfer. Haaay. Sana nga.


..


Ala una ng hapon nang magpaalam si Yui na uuwi muna. Kahit ayoko pang umuwi muna ito kasi wala naman akong gagawin buong magdamag sa bahay at mababakante lang din ako’t maiisip na naman ang mga problema, alam kong di naman pupwede na itali ko sa kalungkutan ko si Yui, May sarili din itong buhay.

Kasalukuyan akong nakatunganga sa harapan ng TV sa sala. Nanunuod ng palabas, pero hindi ko naman ito maintindihan. Kasi nga may iba na namang tinatahak ang utak ko, Maya-maya pa’y may narinig akong tao sa labas.

Tinakbo ko ang pinto palabas ng bahay sa pag-aakalang si Alfer ang bubungad sa akin. Pero sa aking pagka-dismaya, sila Kira at Karin lang pala, Pero mabuti na rin at may ibang kasama kami sa bahay ni Nanay. Atleast, kahit papano, di ako mababakante.

“Kumusta bro?” Bungad sakin ni Kira,

“Ayos naman.” Sagot ko sa kanila. “Napasyal ata kayo mga magaganda kong kapatid?”

“May nakiusap kasi-----” Hindi na nadugtungan ni Kira ang sasabihin ng takpan ni Karin ang bibig nito,

“S-syempre bro. Na-miss ka namin ni Kira, diba Sis?” At pinandilatan pa ng mata ni Karin si Kira.

“Tsk. Yang mga palusot nyo. Tena sa loob.” Nakangisi pa rin ang kambal dahil nabisto ang palpak nilang palusot. “Si Yui no?” Tanong ko sa kanilang dalawa, na ikina-tango naman nilang pareho. “Sabi na eh.”

“Uy wag ka nga! Atleast si Yui, inaalagaan ka. Tss.” Irap sakin ni Karin.

“Andun na nga ako Sis. Pero ang mas gusto ko sa mga oras na ito ay ang mabigyang linaw kung anuman ang nangyayari sa amin ni Alfer.” Pagkikibit-balikat ko,

“Haaay. Wag na nga muna natin yang pag-usapan. Nakaka-depress eh. Gala nalang muna tayo. Ilang araw ka ng naka-tengga dito sa bahay mo kapatid. Tara!”

Ayun na nga. Kahit tinatamad at wala ako sa mood lumabas, wala na din akong nagawa sa mga makukulit kong kapatid. Haaaay.

Sana naman may magandang mangyari sa akin sa paglabas naming ito.


….


“Haay, Kapagod! Grabe naman Kira. Papatayin mo ba kami ni Jayden sa kakasama sa iyo sa lahat ng boutique ng mall?” Reklamo ni Karin habang lulan na kami ng sasakyan ng mga ito. 8PM na at pauwi pa lang kami.

“Tss. Para naman kayong di nasanay sa akin. Tsaka ano bang gusto mo Sis, mag-kulong na naman yang iba jan sa bahay at mag-isip ng mga kung anu-anong bagay?”

“Sabagay.”

Marami pa silang pinag-usapan habang papauwi na kami at si Karin ang nagda-drive, pero di ko na sila pinapansin. Kanina pa ako lutang na lutang sa kakaisip kay Alfer. Kasama ko sina Kira at Karin, pero nasa kay Alfer ang nililipad ng isip ko.

“Toot Toot Toot!” Nagising naman ako mula sa malalim na pag-iisip ng mapansing nagri-ring ang cellphone sa bulsa ko. Natigilan ako ng makita sa screen ang pangalan ng tumatawag. Dali-dali ko itong sinagot.

“B-babe?” Finally! Si Alfer. Bigla namang napalingon sa akin si Kira na nasa front seat at nanlaki ang mga mata.

“We need to talk.” Malamig na tugon nito sa kabilang linya. Di ko nalang pinansin ang tono nito. Ang importante, siya na mismo ang nag-aayang makipag-usap.

“S-sige. A-asan ka?”

“Ako na ang pupunta sayo. Sige.” At naputol na ang linya.

Di ko maintindihan ang pakiramdam ko sa mga oras na yun.

Natutuwa ako’t makakapag-usap na kami ni Babe pagkatapos ng mahigit apat na linggong pag-iwas nito sa akin. Kinakabahan ako sa mga mangyayari pag nagkausap na kami. At lalong lalo na, nababahala ako sa tono ng boses niya.

“Wag naman sana.” Ang nasabi ko sa aking sarili habang iniisip ang pupwede pero pinaka-ayaw kong mangyari mamaya. “Hindi yun magagawa sa akin ni Babe.”

Pagkatapos ng tawag na iyon, wala ng ibang nakapasok sa kokote ko kung hindi ang mga dapat sabihin at gawin pag nagkita na kami ni Alfer. Ni hindi ko nga namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay namin, kung hindi lang ako kinalabit ni Kira.

“May naghihintay sayo kapatid.” Napatingin naman ako sa may harapan ng sasakyan at nakita si Alfer na nakatayo at hinihintay ang pag-ibis ko sa sasakyan. “Sige na, mauuna na kami. Mukhang mahaba-habang usapan yan. Goodnight bro!”

Lumabas na ako sa sasakyan at nakita kong nakatayo pa rin si Alfer sa harapan ng sasakyan nila Karin. Nagmukha naman akong tuod na hindi alam ang gagawin sa kinatatayuan ko.

Lalapit ba ako sa kanya? Yayakap ba ako? Hahalikan sa sobrang pananabik ko? Hindi ko alam. Ilang segundo na ang nakakalipas magmula ng makaalis sila Kira, pero wala pa rin kaming imik sa isa’t isa.

Nakatungo lang ako sa kanyang harapan. Iniisip kung ano ang dapat gawin at sabihin sa pagkakataong ito. Kapwa lang kami nakikiramdam kung sino ang unang babasag ng nakakabinging katahimikang iyon.

“Kumusta ka na?” At sabay pa talaga kaming nagsalita, at sa parehong tanong pa.

Napangiti lang ako. Pero si Babe, hindi pa rin matanggal ang seryosong timpla ng mukha nito. Gustung-gusto ko ng sugurin ito ng yakap at halik, pero baka magalit lang lalo ito at umalis nalang nang hindi pa kami nakakapag-usap.

“Babe.” Tawag ko dito nang hindi na ako makatiis.

“Jayden.”

Ha? Bakit Jayden lang ang tawag nito sakin?

“N-nandito ako para.. para..” Humugot pa ito ng isang malalim na buntong-hininga, habang ako’y walang hingahan na nag-aantay ng sasabihin nito.

Kitang-kita sa kanyang mga mata ang sakit at paghihinagpis ng kalooban nito. Akala ko ako lang ang nahihirapan sa sitwasyon namin. The man in front of me, is a proof that I was wrong.

“..Para tapusin na ang lahat sa atin.”

“B-babe!” Tumulo na ang mga luha na kanina pa nagtatangkang mag-unahan pababa sa pisngi ko. “W-wag naman, B-babe.”

“I can’t do this anymore Jay, am sorry.” Nag-iwas lang ito ng tingin.

“W-why? Where did I go w-wrong?” Gusto ko ng magwala sa sobrang sakit na nararamdaman ng aking buong pagkatao.

“You are hurting so much, Jay. And that’s because of me. And n-now, I can’t even stare at you, straight in the eyes.” Nanghihina na ang mga tuhod ko. Gusto ko ng bumigay. “Ayoko ng saktan ka pa.”

“Fuck those excuses Alfer! Hindi yan rason para gawin mo sakin to!” Matigas na saad ko. “I won’t accept those petty reasons!” So lumabas din ang totoo. Pero fuck! Ang babaw naman ng mga yun.

“I’m sorry Jayden. I don't expect you to understand my actions either. Just point the blame on me. It’s better that way. Sorry.” At naglakad na ito papasok sa kotse nito.

“Alfer!” Tawag ko dito, pero di pa rin ito tumigil. “Alfer!” Tuluyan na itong nakapasok at pinaandar na ang kotse. “Alfer!” Tawag ko pa rin dito habang unti-unti nang nawawala sa paningin ko ang sasakyan nito, at walang humpay na agos ng luha nalang ang tumatakip sa buong mata ko. Napaupo naman ako sa gitna ng kalsada sa sobrang sakit.

Ang sakit! Ang sakit sakit. What the hell did I do to deserve this kind of pain? Ano pa ba ang dapat kong gawin upang maging masaya?

Siguro nagbubunyi ang buong sanlibutan sa nakikitang pagkakalugmok ko na naman sa kalungkutan sa di na mabilang na pagkakataon.

Bakit mo ba ginagawa sa akin to Alfer? Ipinaglaban ko lang naman ang nararamdaman ko sayo, pero bakit ako pa rin ang umiiyak sa bandang huli?

Ganito nalang ba talaga ako palagi pagdating sa larangan ng pag-ibig? Bigo, sawi, nganga, sabog? Ayoko na ng ganitong pakiramdam. Ayoko na!

Tumayo ako at pinara ang pinaka-unang taxi na dumaan.Hindi ko ginagawa to dati. Pero bahala na! Gusto ko munang makalimot.






==============================


== The WIND ==


“Hindi si Paul ang sisipot sayo dito. Ako.”

Agad na napalingon sa kinaroonan ko ang lalaking nakaupo na sa isang mesang pina-reserve ko sa isang restaurant. Halatang nagulat ito nang makita ako.

“Hi, Alfer.” Agad naman itong nag-iwas ng tingin nang makaupo na din ako sa parehong mesa. “Kumusta ka na?” Ang dating seryosong mukha ko ay pinalitan ko muna ng isang masayang ekspresyon para di ito mabahala sa aking tunay na pakay.

“Why?”

“Huh?” Pagmamaang-maangan ko, pero alam na alam ko ang tinutukoy nito.

“Why did you have to see me?” Nakatanaw pa rin ito sa malayo habang kaharap ako.

“Wala naman. Nangungumusta lang. Na-miss kita dude.” Ngiti ko dito. Hindi naman ako nakikipag-plastikan dito. Kaibigan ko naman talaga ito bago ko pa naging karibal kay Jayden.

“Oh come on, Yui! Why don’t we just go straight to the point? Ano bang gusto mong sabihin?” Seryosong saad nito na ngayon ay nakatingin na sa akin. There goes the coldness. Naramdaman ko talaga yun.

So okay. I guess this is it. Isang derechong tanong, para sa isang derechong sagot. “Binabawi ko na si Jayden. Let him go.”

Nakangiti pa rin ako pero may halong pagkaseryoso ang aking ekspresyon. Nagulat ito sa binitiwan kong pakiusap. No, I wasn’t asking him. It was more like I’m commanding him.

“I gave you your chance to prove yourself and your so-called Love for him. Pero pumalpak ka Alfer. And now, Jayden is in so much pain because of you.”

Nag-iwas na naman ito ng tingin, siguro dahil na rin sa nakikita kong guilt sa kanyang mga mata.

“Ano ba Alfer? Isinugod na nga si Jayden sa ospital nung isang araw dahil sayo, pero di ka man lang dumalaw dun. Mahal mo ba talaga sya? O mahal mo lang talaga ang sarili mo?”

“Ano pang gagawin ko dun? Andun ka naman eh. Di ba nga mahal mo sya? O, eh di kayo nalang!” Dun na sumabog ang kinikimkim kong inis at galit. Agad akong napatayo, yumuko palapit sa kanya, at bigyan ito ng isang malakas na suntok. Nagulat naman lahat ng mga taong kumakain sa restaurant na yun nang matumba si Alfer dahil sa suntok na pinakawalan ko sa mukha nito.

“Gago ka Alfer! Hindi mo alam ang pinagdadaanan ni Jayden nang dahil sayo. Tas eto ka ngayon, at ikaw pa ang may ganang sabihin ang mga yan?!” Nakita kong tumayo si Alfer at pinahid ang dugong nagmumula sa sugat na tinamo nya sa suntok ko. “Hindi mo man lang ba naisip na ikaw ang binigyan ng chance ni Jayden na mahalin?! Pero bakit di mo man lang yun magawang i-appreciate?!”

Agad namang dumating ang dalawang guard at inawat kami. Maskin ako, hindi ko maisip na aabot ako sa ganito kaagresibong hakbang para lang matauhan si Alfer. Di ko naman ugaling manuntok ng tao eh. Pero kasi, si Jayden. Nasasaktan na sya dahil sa taong ito.

“For once Alfer, magpaka-lalaki ka naman! Harapin mo yang gusot na ginawa mo. Wag yung nandadamay ka pa ng ibang tao.” Hawak-hawak pa rin ako ng isang sekyu para di na ako makalapit kay Alfer. “Ayaw mo? Tara! Suntukan nalang tayo sa labas! Babasagin ko yang bungo mo para naman matauhan ka jan sa mga pinagagawa mo!”

Whoa! Ano nga ulit sinabi ko? Ako ba yung nagsalita? Tss. Nakita ko lang si Alfer na nakatayo lang habang blangko ang ekspresyon ng mukha. Pero alam kong naririnig nya lahat ng mga sinasabi ko.

“Sir, dun nyo na ipagpatuloy yang alitan nyo sa labas. Nakaka-istorbo na kayo sa ibang mga customers. Pakiusap po.” Sabi sa akin nung isang guard na umaawat kay Alfer.

At dahil wala din naman akong makuhang iba pang reaksyon mula kay Alfer, nagdesisyon nalang akong lumabas nalang ng restaurant na iyon. Pero bago ako tumalikod upang umalis, binalikan ko muna ang nakatayo lang na si Alfer.

“Break up with him Alfer. Maawa ka naman kay Jayden. Sinasaktan mo lang yung tao. Magkaron ka naman ng kahit konting konsensya.” At tuluyan na nga akong umalis sa lugar na yun.

Habang nagda-drive ng sasakyan papunta sa kung saan man ako dadalhin ng sasakyan ko, di ko maiwasang balikan ang nangyaring engkwentro kanina sa restaurant.

Gulat na gulat talaga ako sa sarili ko. Ni kahit isang beses, di sumagi sa isip ko na aabot kami sa ganoong tagpo ni Alfer. At sa unang pagkakataon, nakagawa ako ng isang bagay na walang-wala sa bokabularyo ko, ang manuntok ng tao.

Pero kasi, kasi, hindi ko lang talaga mapigilan ang emosyon ko. Alam ko kung gaano kahirap ang sitwasyon ni Jayden ngayon, pero napaka-hambog pa ng mga salita ni Alfer kanina.

“Ano pang gagawin ko dun? Andun ka naman eh. Di ba nga mahal mo sya? O, eh di kayo nalang!” Nag-eecho pa rin sa aking isipan ang mga katagang yun.

“Damn!” At nahampas ko na naman ang manibela ng sasakyan sa sobrang inis sa sinabing iyon ni Alfer. How can he be so insensitive and selfish? Tsk!

Nagkamali nga ako na ipaubaya si Jayden sa hinayupak na lalaking iyon. What happened earlier just made me more aggressive about winning Yoh back. At gagawin ko talaga yun.

And that being said and all, I realized something. May kasalanan ako kay Jayden. Di ko naman itatago yun sa kanya, pero, aaaaahh! Bahala na si Batman. Babawi nalang ako sa kanya at sa pagsuntok ko dun sa gago nyang boypren. Tsk.


….


Di pa dumadating sina Yoh at ang kambal, pero malapit ng maluto ang ginagawa kong Chicken Teriyaki at Squid Tempura na pambawi ko sana kay Jayden.

Oo, aaminin ko sa kanya na nasuntok ko si Alfer kanina. Pero ang iba pang mga detalye bukod pa dun, nakatikom na ang aking mga bibig. Ayoko ng madagdagan ang sakit ng kalooban ni Jayden. Kung gagawin ko yun, sinasaktan ko lang din ang sarili ko.

“Anak.” Tawag sa akin ni Nanay Nimfa na noo’y nakaupo sa may breakfast table at pinagmamasdan lang ako habang nagluluto.

“Po?”

“Yan bang mga pinagagawa mo, simula pa nung dumating ka, ay talagang pambawi mo lang dun sa best friend mo?” Ano na naman ang tinutumbok nitong si Nanay?

“Oo Nay. Alam nyo namang biglaan yung pag-alis ko dati diba? Bumabawi lang ako sa dalawang buwan na hindi ko nasamahan yung mokong na yun.” Nilingon ko lang ito at tinapunan ng isang matamis na ngiti. “Bakit Nay, may problema ba sa mga inaasal ko?”

“Wala naman anak. May napapansin lang kasi ako.”

“H-ho?” Patay. Talagang obvious na ba ako sa ka-sweetan ko kay Jayden? “Sus. Si Nanay talaga. Para naman kayong di nasanay sa akin dati.” At tumawa pa ako. Pero lumabas din iyong bahaw nang makita ko ang kakaibang ngisi sa mga labi ni Nanay.

“Tapatin mo nga akong bata ka. May iba ka bang nararamdaman para kay Jayden, bukod sa pagiging isang kaibigan at kapatid?”

“N-nay?”

“Ewan ko lang. Siguro ako lang tong nangangarap na sana ikaw ang nakatuluyan nung batang yun.” Lihim akong natuwa sa sinabing iyon ni Nanay. “Oh bakit napapangiti ka jan?” Lumabas din pala sa pisikalidad ko ang katuwaang iyon, kung kaya napansin ni Nanay.

“Nay, may ipagtatapat sana ako sa inyo.” Napalingon naman ito sa akin. “Opo Nay. Mahal ko po si Jayden. Hindi lang bilang isang kaibigan at kapatid, kundi bilang isang lalaking naghahangad na mahalin din ng kaparehong pagmamahal.” Nakatungo kong saad.

Sinugod naman ako ng yakap ni Nanay. “Salamat anak. Salamat at anjan ka palagi para kay Jayden. Basta, kung may pagkakataon ka, agawin mo yun ha? Wala akong katiwa-tiwala dun sa Alfer na yun.”

Natawa naman ako sa huling hirit ni Nanay. Bias din pala tong si Nanay. Nyahahaha!

“Alfer!” Si Jayden yun ah? “Alfer!” Agad ko namang hinubad ang apron na suot-suot ko, at dali-daling tinakbo ang pinto palabas ng bahay. Ngunit paglabas ko ng bahay, nakita ko si Jayden na pasakay na sa isang taxi.

“Yoh!” Tawag ko dito, pero di ako nito narinig. “Yoh, teka lang! Yoh!” Di pa rin ako nito napansin hanggang sa isinara na nito ang pinto ng taxi at tumakbo na nga ito.

Dali-dali ko namang kinuha sa loob ng bahay ang aking cellphone, wallet at susi ng aking sasakyan para sundan si Yoh. Sa nakita ko kasi kanina nung bago pa ito pumasok sa taxi, mukhang umiiyak ito.

“The number you have dialed is either unattended or out of-----” Putek! Naka-off ang phone ni Jayden. Kasalukuyan ko ng binabagtas ang daan na dinaanan ng taxi na sinakyan ni Jayden kanina.

Makailang ulit ko pa itong sinubakang tawagan pero parehas lang din ang sagot nung operator. Haaay. “Jayden, asan ka na ba kasi?”

Ilang oras na akong naglilibot sa buong syudad pero kahit saan ako magpunta, hindi ko mahanap si Jayden. Sa mga restaurant, food chain, malls, at kahit sa mga bar at club, wala si Jayden.

“Yoh, asan ka?”


….


Nagising ako sa mga yabag na nanggagaling sa pangalawang palapag ng bahay nila Jayden. Nakatulog na pala ako sa sofa sa sala sa kakahintay sa pag-uwi nito. Kanina ko pa kasi ito hinahanap, pero kahit ang phone nito’y nakapatay.

Dahan-dahan kong sinusundan ang pinagmumulan ng mga yabag na yun. At sa paglapit ko sa mga yabag na iyon, unti-unting lumalakas ang mga iyon kasama ang tunog ng pag-iyak at paghagulgol.

Agad kong tinakbo ang pinagmumulan ng mga iyon, ang kwarto ni Jayden. Agad kong binuksan ang pinto at bumungad sa aking harapan ang madilim na kwarto.

At nung binuhay ko ang ilaw, larawan ni Jayden na nakaluhod at nakaharap sa sinusuntok na dingding ng kwarto ang rumihistro sa akin. Nilapitan ko agad ito at inilayo sa kinalalagyan nito.

“Hayaan mo.. ako Yu.. Yukito!” Pagpupumiglas nito. Tama nga ako. Amoy alak ito.

“Stop it Jayden!”

“Shit. Bitiwan.. mo ako.” Pilit ko itong kinakaladkad upang mapaupo ito sa kama nito.

“Lasing ka na Jayden. Tumigil ka na.”

Finally! Napa-upo ko rin ito sa kama. Grabe! Ano ba kasi ang nangyari at bakit na naman umiiyak ng ganito si Yoh ko?

Ang sakit sakit sa loob na makita ang taong mahal mo na umiiyak at nasasaktan, pero wala ka naman sa posisyon para pawiin lahat ng sakit na nararamdaman nito. Atleast, hindi pa sa ngayon.

“Yoh..” Tawag nito sa akin na umiiyak pa rin. “Bakit.. ganun? Ginawa ko.. naman ang lahat.. para maging masaya at.. malaya kami. Pero.. bakit ganito?” Naupo naman ako sa tabi nito at hinayaan itong sumandal sa balikat ko at umiyak. Inakbayan ko lang ito at hinagod-hagod ang likod nito. Buti naman at huminahon na ito.

“Yoh.”

“Hindi ko alam.. kung san ako nagkulang.. at kung ano ang.. nagawa kong kasalanan para.. gawan ako ng ganito ni.. Alfer. Mahal ko siya Yoh.. Mahal na mahal.”

Napakuyom ang isang kamao ko sa sobrang inis at pagseselos nung panahong iyon. Si Alfer. Sinayang nya ang lahat ng dapat sana ay sa akin. At ngayon, si Jayden at ako ang sobrang nasasaktan sa sitwasyon naming iyon.

“Yoh.. Panget ba ako? May.. may mali ba sa akin?”

“Yoh, wag mong sabihin yan. Yang mga tanong mo ay patunay lang na kahit anong gawin mo, may mga bagay talagang hindi natin hawak. You did your best, but Alfer was a jerk to even appreciate you. Please, wag ka ng umiyak.”

“Putang-inang buhay naman to, oo! Bakit ganito Yoh? Palagi.. palagi nalang ba akong masasaktan? Lahat nalang sila.. iniiwan ako Yoh. May magmamahal pa ba sa akin.. at hindi ako iiwan Yoh?”

“Yoh, madami jan. Pero sa ngayon, tumahan ka muna ha? Alam mong ayaw kong nakikita kang nagkakaganyan.”

“Yoh, pero kasi.. si Alfer.”

“Kalimutan mo na ang gagong yun!” Sigaw ko dito na nakatanaw sa malayo.

Umayos ito ng up0. “Mahal ko yun, Yoh.”

Agad akong humarap dito at hinawakan ang magkabilang balikat nito. “Tang-ina naman Jayden o! Di mo ba nakikita? Mahal kita, at andito ako para sayo! Mahal na mahal kita!”


- Itutuloy -


15 comments:

  1. Syet...ang ganda ng storya, go yui pls jayden wag kang tanga, si yui naman talaga mahal mu diba? hhehheheh nxt chapter na author wag na patagalin pa hihihi


    Boholano blogger

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe. glad you liked it po. abang-abang nalang po sa last 2 chapters.. :)

      Delete
  2. yes! matatapos narin sa wakas.
    Pero bit in he...he....he.....
    thnx! Jace sa update

    red 08

    ReplyDelete
  3. Wahhhh... ngayun lng ako mag.cocomnent :D see..Jace chadaa.. pero bitin!! Ahaha Nice one wa jud ka gaingon na mag.update ka.. gahulat pud bya ko :D... ug salamat d.i sa tambag kabahin sa Heart Problem..

    -GEOLOGY STUD :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. heart problems are normal geo stud. it's a reminder for us, that we are just imperfect humans. anytime, anywhere for you.. :)

      Delete
  4. Goooosh hindi ko ito kinaya#!!!! Wooooooh! Kinikilig na bitin!!!! ~Ken

    ReplyDelete
  5. Talagang bitin. Sana early ang update...Thanks for sharing your story to us. God Bless.

    ReplyDelete
  6. Ayan na!!! Nagtapat na :D sana si yukito na. Please author. Hahaha. Excited na aq sa susunod na update :3

    -one of your silent reader (lei andrew :D)

    ReplyDelete
  7. Nice yoh..the leaf that clings to the bough will probably surrender to the persistent but gentle blow of the wind. Hoping to see them together in the end..

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you for reading. ngayon lang kita nakita ah? pero salamat.

      Delete
  8. ganun talaga Vienne. para ka namang di nasanay sakin. xD

    ReplyDelete
  9. Talagang aminan na

    ReplyDelete
  10. Hay nu b yan nakakabitiin next pls....thank you

    Jay05

    ReplyDelete
  11. guys, please do watch out sa susunod kong akda. it will be entitled "The One That Got Away." kilalanin nyo ang apat na indibidwal na pagtatagpuin ng pag-ibig, tadhana at pagkakataon, sina Duztin, Charlie, at ang magkapatid na sina Jigz at Aries. antabayanan nyo ah?

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails