Followers

Thursday, September 11, 2014

Less Than Three- Part 52

AUTHOR'S NOTE:


Sa lahat... Sorry kung natagalan ako sa pagpopost. Term Break namin ngayon kaya I was able to finish writing my story. Bale I plan on Updating it everyday kung sakali mang walang aberya

Please bear with my story. Konting-konti na lang siya at sana ay suportahan ninyo pa rin siy.

Pasensya na sa mga naguguluhan or what. Ginagawa ko naman ang lahat para maibalik ang less than three eh. Sorry talaga for months na hindi ako nakapag update. SObrang hirapa lang talaga.


To my commentators and Readers..... thanks for waiting...


Love you guys..

Dylan

..........................................



This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 52

(Akin ka na lang...)



[Alex’s POV]



“Ha? Bakit? Anong meron?” tanong ko kay Kieth

“I just want to see you.” Sabi niya

“Sus miss mo lang ako eh.”

“So ano tara na?”

“Wait may klase pa ako eh.”

“I’ll wait for you.”

“Sige na tatapusin ko na agad to para naman makita na kita. I love you. Kita tayo mamaya. Saan kita pupuntahan?”

“Dito lang ako sa parking lot.”

“Okay sige sige. Bye Love you.”

“Love you more.”

“Sige na, baka lalong matagalan pa ako kapag nagusap pa tayo. Yaan muna nating maimiss mo ako. Hahaha.”

“Alam ko namang mas miss mo ako.”

“Sobra nga eh. Kahit na nagkikita tayo araw-araw.”

“Tsss. Baka binobola mo pa ako. Sige na bilisan mo na jan. Baka may mahanap pa akong chicks dito at ipagpalit kita kaya paspasan ah.” Sabi niya

“Woooah Para namang may lalapit sayo. Alam nila na akin ka kaya di na sila makikipag unahan.”

“Hi…” narinig ko na sabi sa kabila.

“Sino yun?”

“Chicks.”

“Ah. Pakainin mo ng feeds ah. Pakyu siya.” Sabi ko.

“Easy lang. Parang niloloko ka lang eh.”

“Manahimik ka. Bahala ka jan. Sige na. Ay teka, baka gusto mong gumala kasama yang chicks na yan, kayo na lang gumala. Sige na. Bye.” Sabi ko.

“Sabing biro lang oh.”

“Got to go na talaga. Sige na.”

“Sige bye.” Then I end the call.

Nagmadali na akong tapusin ang dapat kong tapusin. Konti na lang naman ang dapat kong gawin at i-rerender ko na yung activity namin ngayong araw.

“Alex, patapos ka na ba?” tanong ng katabi ko.

“Konti na lang. Split of seconds na lang. Medyo nahirapan ako sa last part eh. Di ko mahanapan ng timing. Pero malapit na to. Konting pindot pindot lang to.” Sabi ko.

“Ah buti ka pa. Nakakaloka na tong ginagawa natin. If I know lang na ganitong nakakastress ngayong araw eh di na ako nagatubili pa na bumili ng refresheners.”

“Hahahah. Bumawi ka na lang mamaya.”

“Oo nga pala, may coverage tayo sa isang araw.”

“May event nga pala ano.”

“Oo. Kaya set up na agad natin yung plan. Ikaw naman nakakaalam nung iba kasi halos ikaw na yung umaattend ng mga conventions.”

“Yan kasi, dapat uma-attend ka din. Sayang yung chance, malaking bagay yun sa resume mo.”

“Sa susunod. Laging may emergency eh.”

“Aysus palusot. Nakikipagdate ka lang daw sabi ni Charlie eh.”

“Maniwala ka naman sa ugok na yun. Hili lang yun. Sige na tatapusin ko na to.”

“Ah sige. Patapos na rin ako.”

Di naman nagtagal at natapos ka na yung gagawin ko at nirender ko na. Okay na naman na umalis na after matapos yung activity. Nagpaalam na naman kami kay sir at saka umalis na ng room.

Pagkalabas ko ng room namin ay nakita ko si Kieth na nakatayo sa harapan nito. Nagulat naman ako kasi sabi niya nasa may parking lot daw siya pero ngayon eh nandito na siya.

“Excited?” tanong ko.

“Miss na kasi kita, sobra.” Sabi niya

“Ano bang sumapi sayo at nagkaganyan ka?” tanong ko.

“Ang espiritu ng pagmamahal.” Sabi niya

“Corny mo. Tara na nga. Sinundo mo talaga ako. Sigurado ako may inii-spot-an ka dito kaya ka nandito.”

“At ako pa din pala ang nasa hot seat dito? Woooah. Adik lang ha.”

“tara na nga. Saan ba tayo pupunta?”

“Magdate nga po.”

“Saan nga.”

“Basta. Sumama ka na lang.” sabi niya

He seems like happy with no reasons at all. Ewan ko ba dito at ganito kasaya to. Pero masaya ako na masaya siya ngayon. It took us some time to get where we are going hanggang sa makarating kami sa SM. Yes, sa SM kami magda-date. How amazing?

“Pasecret-secret ka pa eh dito lang naman pala tayo pupunta.”

“Bakit nagsasawa ka na ba?” tanong niya

“Hindi naman.”

“Tara?” sabay lahad ng kamay.

“Yup. Sure.”

Then I hold his hands and together, we come hand in hand. Sanay na naman ako na ipinapakita naming sa public ang paghoholding hands naming, kaso nga lang, patuloy pa rin naman ang mga matang nakatingin sa amin.

“Gutom na ako.” sabi ko.

“Tara. Saan mo gusto?”

“Kahit saan.” Sabi ko.

“Teka hanapin natin kung meron dito nun.”

“Ang korni talaga eh. Tara na nga kahit saan tayo kumain. Basta kumain na tayo.”

“Tara sa Greenwich.”

“Yeah. Tara na. Nakakaenganyo yung amoy. :3”

Nang makarating kami doon ay agad naman siyang nag order at naghintay naman ako sa waiting area para sa seat reservation naming dalawa.

“Babe ano gusto mo?” tanong niya.

“Lasagna gusto ko.” Sagot ko.

“Ah sige.”

“Ah babe, una na ako sa upuan natin.” Sabi ko nang makita ko ang pagsenyas ng crew sa akin papunta sa upuan namin.

Bigla namang may tumawag matapos akong makaupo. “Hello ate.” Sagot ko.

“Busy ka ba ngayon?” tanong nito.

“Uhm. Medyo po. Kasama ko si Kieth ngayon eh. Bakit?”

“Ah makikiusap sana ako. Okay lang naman na di ngayon, pero ask ko lang if kaya mo ba na may edit ng videos or animations para sa kasal naming dalawa? Ikaw na bahala sa program ng video at animation. Since naman kasi magaling ka jan, ikaw agad nirequest ko. Babayaran ka naming if gusto mo.”

“No ate, okay na ako. Ako na mag hahands on jan para naman matulungan ko kayo.”

“Salamat talaga. Di ba hassle sayo?”

“Tatapusin ko na lang agad. Don’t worry ate, okay lang sa akin.”

“Sige salamat. Enjoy kayo ng kapatid ko.”

“Sino yun?” tanong ni Kieth

“Anjan ka na pala. Si Ate Kate, may pinakausap lang.”

“Sus, istorbo na naman yung babaeng yun. Oh, anong sabi sayo? Inutusan ka naman?”

“Init ng ulo nito sa ate mo. Adik lang? May aaysuin lang ako.” sabi ko.

“Lahat na ata ikaw.”

“Tutulungan mo naman ako eh.”

“Tsss.” Biglang nag-iba ang expression sa mukha niya.

“Malapit na ang kasal nila ate ano? Uhm. Excited na ako.” sabi ko.

“Ah… oo nga eh.” Oh may moodswing ba to?

“Uhm. May naisip akong gawin. Gusto ko kasama ka kapag ginawa natin yun.” Sabi ko.

“Ano naman yun?”

“Duet tayo. Kanta tayo.” Sabi ko.

“Ha? Di ako kumakanta.” Palusot niya

“Di daw oh. Please. Kanta tayo.”

“Sige na.” nagulat ako. Bakit anbilis niyang pumayag.

“Talaga?”

“Yup.”

“Yehey!” napasigaw ako at nagtinginan sa akin ang mga tao.

“Shhh. Para kang bata. Tahimik nga, nakakahiya oh.”

“Ikinakahiya mo ako?”

“Hindi.” Then hinatak niya ako then pressed his lips on mine.

“What?” tanong niya sa akin.

“What the eff? Adik mo.”

“Shhh. Tagal nung inorder natin.”

“Kamusta pala yung study mo? Tagal ko ng di nakukunsulta yun ah.”

“Okay naman. Eto, laging perfect ang test.”

“Wag kang mayabang jan.”

“Hahaha. Saan pa ba ako magmamana, edi sayo.”

“Loko mo. Pero seryoso ano nga?”

“Okay lang naman. Nag-aaral ako ng mabuti.”

“Sigurado ka ha?”

“Oo naman.”

“Magtatanong-tanong ako sa mga classmates mo.”

“Bakit ayaw mo maniwala sa akin babe? Mukha na ba akong sinungaling?” pacute niyang tanong

“Nako Mr. Lee, wag kang magpacute ng ganyan.”

“Because you can’t resist my awesomeness?”

“Nope. Di bagay sayo.”

“What the…”

“Just kidding. Hahaha. Bagay nga sayo eh, mukha kang baby. Hahaha.”

“By the way, I miss doing it with you.” Sabi niya

“Ang alin?”

“ung gusto mong gawin nating dalawa.”

“Ah mag volleyball?”

“Hindi.”

“Basketball.”

“Pwede na rin, pero di pa rin yun.”

“Golf? Bowling? Skating? Dancing?”

“What the heck, anong dancing? You know I don’t dance.”

“Tara nga try natin. Please.”

“No.”

“Please…”

“I said no. Fuck.”

“Did you cuss on me? Batukan kita jan eh.”

“Eh kasi ayoko.”

“Dali na. Ang arte  arte mo. Kalalaki mong tao ang arte-arte mo. Sapakin kita jan eh. Ano? Ha? Sige nga.”

“Uhm.. Why not? Tara sapakan tayo. I always thinking on having a one on one fight with you.”

“Di porket maganda yang katawan mo eh mas malakas ka sa akin. Sige nga. Tara ano.”

“On the second tought… ayoko.”

“Duwag ka pala eh.”

“Oo nga eh.”

“So inaamin mo na duwag ka?”

“Duwag akong saktan ka. Ayoko kasi na nasasaktan ka ng dahil sa akin.”

“Woooah. Bakit ang corny mo ngayon?”

“Wala naman. Teka yan na pala in-order natin.” Pag iiba niya ng usapan.

Ilang araw ko na ba hinahanp ang feeling na ganito? Masaya ako kasi were back together, di naman sa naghiwalay kami pero were back sa pagiging ganito. Sweet, care for each other and having a good time with each other.

“Oh nakangiti ka jan. Nababaliw ka na babe?” tanong niya

“Pag nakangiti nababaliw na agad?”

“Kain na dali. May pupuntahan pa tayo.”

“Nagmamadali lang?”

“Yeah. Dapat on time tayo.”

“Sir yes sir.”

At wala na nga akong nagawa kundi ang magmadaling kumain. Pinagmasdan ko lang siyang kumain. I realized na medyo bumalik siya sa dati niyang ugali. Sumusungit ata tong lalaking ito. Pero okay lang sa akin, kasi lalo akong napapangiti sa ginagawa niya.

“May dumi ba ako sa mukha?” tanong niya sa akin.

“Nope”

“Nacurious ako sa pagngiti-ngiti mo kasi.”

“I’m wondering lang. Ang lakas mong kumain pero ang fit ng katawan mo.”

“Papatayin ko naman ang sarili ko sa pag woworkout eh.”

“Seryoso yun?”

“Nope. Di naman. Hahaha.”

“Loko.”

“Malakas talaga akong kumain, mabilis lang siguro metabolisim ko.”

“Hahaha. Siguro nga”

“Teka, medyo lumulobo ka ata.” Sabi niya

“Di kaya. Batukan kita jan eh.”

“Medyo nagkakalaman na pisngi mo. Pero okay lang, mahal naman kita.”

“Seryoso? Sapakin kita jan pag di totoo.”

At nginisian niya lang ako saka tumayo. “Tara?” yaya niya

Umalis na rin kami after naming kumain. Di ganun kadami ang tao dito sa mall ngayon. I wonder why. Siguro dahil na rin may pasok pa yung iba at medyo malayo pa ang weekend sa araw na ito.

“So saan tayo pupunta boss?”

“Dito.” Then tumigil siya sa harap ng star bucks.

“Star bucks? So dinala mo ako dito para lang magkape?”

“So you don’t remember?”

“Remember?”

“The day we met. The first day we met.” Bigla niyang sinabi.

“Ibig sabihin…”

“I just want to be with you habang inaalala ko ito. Malapit na kasi tayong mag anniversary.” Sabi niya

“Awww… so sweet.” Bakit ba bigla na lang akong nagkagoosebumps?

“Yung araw na iyon, di ako sinipot ni Arjay. Then nakita kita, together with Charlene.”

“Nung time na yun eh kilala mo ako as Kian Santos.”

“Pero napansin na kita agad. I know you, isa ka sa mga tinitingala ng mga kabatan kasi model ka. But still, kahit gwapo ka nun, may Arjay ako. Naghintay ako sa kanya. I think buong araw na ata akong naghintay sa kanya but he didn’t came, yun ang alam ko. But…”

“He came… Kaya nga tayo nagkakilala dahil sa kanya.”

“Because of the wonderful sim na yun. Thanks sa kanya kaya nagkakilala tayo.”

“Alam mo, noong una kitang makita naisip ko suplado ka. You don’t even smile at me. Pero nagbago naman kahat nung nalaman ko kung bakit.”

“Tara…” bigla niyang yaya.

“Saan?”

“May pupuntahan pa tayo.”

“Uhmmm. Bili muna tayo na Java Chip.”

“Sure.”

Why do I feel uneasy? May kakaiba sa kanya. Pero nakikita ko naman na Masaya siya. He’s feeling happy right now. Maybe dahil sa goosbumps lang eto. Haixt.

“Okay ka lang ba?” tanong niya

“Seriously… not.”

“Why?”

“May iba akong nararamdaman kasi.”

“You’re too honest naman ata.”

“Kasi ayoko nang magtago sayo. May deal tayo diba?”

“Yeah.”

“Pero dahil siguro sa stressed kaya kung anu-ano ang iniisip ko.”

“Maybe. Wag masyadong mag-isip ha.”

“Yup.”

“Malapit na tayo.”

“Saan?”

“Dito.”

Then pinark niya yung sasakyan sa isang establishment na pinag pho-photoshoot ko dati. Bale, kaming dalawa pala ni Kieth ay nakapag photoshoot dati.

“Isa ba to sa mga surprise mo?” tanong ko.

“Yeah.”

“So magpapaphoto shoot tayo I guess?”

“Maybe… kasi pupunta tayo sa studio.”

“Sabi ko nga, alangan naman na manood tayo ng movie dito.”

“Ang bright mo babe.” Pampikon niya sa akin.

“Ewan ko sayo.” Sagot ko na lang.

“Tara na nga, baka kung anu-ano na naman ang maisip mo jan.”

It was a split of seconds bago niya ako nahila papasok sa loob. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nasa isip ni Kieth sa mga panahon ngayon.

“So the both of you are here. So start na tayo?” tanong ng photographer.

“So may alam po kayo dito? Talagang planado ito ah.” Sabi ko.

“Yeah. Kaya lakad na at mag change na kayo ng damit ninyo.”

Then he pushed us into the closet. May mga babae na na nakatayo doon at hawak ang ilang mga damit. Napatingin na lang ako kay Kieth.

“Tara na at magpalit.”

“Para saan ba tong photoshoot nato?” tanong ko.

“Isang calendar shoot para next year.”

“Pero bakit sobrang aga ata?”

“Matagal na silang nagrequest, tapos pumayag na rin ako.”

“Why all of the sudden?”

“I just want. Gusto ko lang may memories tayong ganito. Para sweet.” Tugon niya.

“Ang weird mo na ha.”

“Hindi naman. Kaya tara na.” sabi niya

“Calendar shoot pala ha, nako, baka excuse lang yan.”

“Di ah. Regaluhan kita ng ipro-produce nila. Hahahna.”

“Oo na nga.”

“By the way, gagawin din pla nila tayong featured sa isang magazine.” Sabi nito.

“Ha? Pumayag ka?”

“Yeah.”

“Di mo man lang akong tinanong.”

“Alam ko namang papayag ka. At isa pa surprise yun.”

“Ano pa ba ang magagawa ko?”

Nagmadali na akong magbihis. Bawat month iba’tiba ang damit, maging ang props iba-iba din. Nag enjoy naman ako kasi for the first time, nakapag photoshoot kami ni Kieth na were a couple. Di tulad dati na strangers lang kami, pero ngayon kasi iba na.

“You look great.” Sabi niya habang suot ko ang New Year theme clothes.

“Putukan na!” sabi ko.

“So ibigay na sa kanila yung props.” Sabi ng photographer.

“Ganito po ang set up, new year lang. Enjoy at happy lang dapat. Then sa second frame mag jump shot tayo.” Sabi nung  assistant nung photographer.

“Excited na ba?” tanong ko.

“Yeah.” Then he kissed me.

Naka ilang shots kami at halos lahat naman nagustuhan ng photographer. February is for love month kaya naman naka formal kami. Nakayakap siya sa akin habang hawak ang rose. Intense yung position naming dalawa.

March is for graduation at maganda rin ang pose naming dalawa. Namiss ko yung ganitong mga bagay. April is for summer kaya naman naka shorts lang kami na pang beach.

“Ganda talaga ng katawan mo.” Sabi ni Kieth.

“Wag mo akong titigan. Baka mag flag ceremony ka jan eh.”

“Yun na nga problema eh.”

“Tsss. Tumigil ka. Babakat yan oh.”

“Masyado kasing malaki.” Sabi niya

“Loko.”

He started posing with his suit habang ako naman ay sumasabay sa kanya. He’s enjoying this photoshoot na ngayon ko lang nakita sa kanya. May is for flowers kaya naman we are suited in many flowers.

Humahanga ako sa creative mind nung photographer dahil marami siyang pinapagawa sa amin na siyang bagay talaga sa month na ginagawa namin.

After ng December shoot ay dumeretso kami sa iba’tibang post para sa magazine. Siyempre may interview din kami. Isang maliit na magazine tungkol sa bisexual yung gusto nilang iconceptualize.

“You look so cute together. Bagay kayo.” Sabi sa amin ni Dan, ang photographr naming.

“Salamat.” Sagot ko.

“My camera want to capture every single bit of both of you. I hope maging model pa naming kayo.” Sabi nito.

“Oo naman. Anytime. Actually I’m working for another company. Dati dito yung part time ko, pero nagfull time na ako dun sa isa. Since this studio is one of the studio of that company, I guess magkakatrabaho pa tayo soon.” Sabi ko.

“I’m looking forward for it. But by the way, may konting interview na gagawin. Okay lang ba to buy some time with both of you?” tanong ni Dan.

“Yeah, walang problema sa akin.” Sagot ni Kieth.

“Then okay na ba ang lahat? Ikaw ba Alex?”

“Yup okay lang sa akin. “ then I smile.

Pumunta na kami sa may area sa studio kung saan ginagawa talaga ang mga interviews. “Hi.” Bati ni Sheryl.

“Hi din.” Sagot ko.

“Long time no see ah.” Sabi nito.

“Oo nga eh. Hahaha.”

Then we went for interview at naging smooth na rin ang conversation. Natapos din naman kami in no time pero hanggang sap unto ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang tinatakbo ng isip ni Kieth.

“Gabi na babe.” Sabi ko.

“Yeah.”

“So palit na tayo ng damit tapos uwi na tayo?” tanong ko.

“Gusto mo na ba umuwi?”

“Di naman. Gusto pa naman kita makasama.”

“So okay lang if we continue our date?” tanong niya.

“Sure.” At ngumiti na lamang ako.

Sa lahat ng ayoko ay nakikita kong mysterious si Kieth. Kinakabahan ako lalo sa pwedeng mangyari. I always feel like something will come up.

“Change na tayo.”

“Nope. Eto na damit natin.”

“Pero sa kanila to diba?”

“Nope. Sa atin yan. Binili ko for our last destination.”

“Gumastos ka pa talaga.

“Yeah. Para sa date na ito. This is the best date ever.” Sabi niya

“Aysus. So dinner date eto ano?”

“Ang hilig mong sirain diskarte ko. Tsss.”

“So tama nga? Hahahah.”

“Yeah. Ano pa ba? So tara na. Alam kong gutom ka na.”

“Dali.” Yaya ko.

Tikom pa rin ang bibig ko at hindi ko maitanong kung ano ba ang mga binabalak niya. Labis na hiwaga ang mayroong ngayon kay Kieth. Di ko alam kung kailangan nga bang mangamba ako o hindi.

“Mapapanis na laway mo jan.” sabi niya bigla.

“May iniisip lang ako.” sagot ko.

“Baka naman malunod na ako nan.”

“Asa pa.”

“So sino? Si RD?”

“Shut up.” Sabi ko na lang.

“Just kidding.”

“Malayo pa ba tayo?”

“Nope. Were here, so prepare.”

Anong naisip niya at dinala niya ako dito sa madalim na lugar na ito? Di ko maintindihan kung anong surpresa na naman ang binabalak ng lalaking ito para sa akin.

“Madalim babe.” Sabi ko.

“Then let the light shine our way.” He clap and the lights started to light up our way.

“I love you.” Ang salitang namutawi ko.

“I love you too.”

Nagsimula na kaming maglakad. “Sa totoo lang babe gustong-gusto ko ng itanong ito mula pa kanino pa.”

“Ang alin?”

“Kung ano ang meron? Sobra kasi akong nahihiwagaan sayo. I feel something na parang may tinatago ka.”

“I think you are over thinking of things.” Sagot niya

“Maybe. Naprapraning na kasi ako. Maybe nga. Haixt.”

“Just think of it as my gift for you. At isa pa, bawal ko bang iparamdam sayo na mahal kita?”

“Di naman sa ganun, kaso lang kasi iba na nararamdaman ko eh.”

“Just enjoy the night.” Ang sabi niya.

Like he said, tinanggal ko na lang yung mga pangamba ko sa mga mamgyayari. Masyado na ata akong nag oover react sa mga nangyayari.

“I made this special night for us. Let’s enjoy this. Wag ka na ulit mag-isip ng kung anu-ano ha.”

“Oo na nga po. Sige na po tara na.” sagot ko.

Habang papalakad kami sa lamesa na kakainan namin, nakarinig ako ng mahinang tunog ng gitara. Sinundan naman ito ng tunog ng piano. Napakapit naman ako ng mahigpit kay Kieth.

“Ang laki na ng utang ko sayo.” Sabi ko.

“Alam ko namang babawi ka mamayang gabi.” Sabi niya

“Ay kaya pala… may binabalak.”

“Slight.”

“Sus.”

“Magugustuhan moang menu. Especially picked yun. Favorites mo yan.” Maikli niyang sabi.

Bigla ko na lang siyang hinila at hinalikan sa labi. “Salamat.” Sabi ko.

“Ang tamis.” Sabi niya

“Baka dahil sa candy na kinain ko.”

“Aysus.”

Tama nga ang hula ko at ang pinahanda niyang pagkain ang lahat ng gusto ko. Gusto ba talaga akong patabain ni Kieth? Tsss. Ano ba naman to? Mapapasubo ako sa lahat ng pagkain.

“So nakapili ka na ba ng kakainin?” tanong niya

“Hindi pa nga eh.”

“Kuha lang ng kuha.” Sabi niya

At kumuha na nga ako ng kumuha. Kumain na rin naman kami afterwards. He always want na kapag nakain kami ay nag uusap din kami kahit konti. Dati tahimik lang siya pero ngayon, he always make sure na hindi silent ang mood kapag kaming dalawa ay nag-uusap.

“Babe, pili ka pala ng dessert jan.” sabi niya

“Uhmm… ano ba gusto mo?” tanong ko.

“Kahit ano. Maybe yung L7 yung akin.” Sabi niya

“Ano yun?”

“Nasa menu yun. Ikaw pili ka na.”

“Teka, tignan ko kung ano yung L7 na yan.”

Naghanap ako ng pwedeng maorder habang minamasid ko ang mga nakasulat doon. “Uhm… Leche flan…. May choco mouse din dito… Masarap din itong tiramisu… pero mas okay na din sa akin tong choco mouse…. Ah… mas masarap ata yung Crunchy Caramel cake…” nautal ko.

“Lahat ba yan gusto mo?”

“Hindi naghahanap lang ako… teka hanapin ko lang kung ano yung L7 na… ay potek…”

Nagulat ako sa nakita ko. Bakit narito ang picture ko? L7, nasa menu ako? walastek. Nakita ko si Kieth na nakangiti lang at pinipigilan ang tumawa.

“L7 pala ha.”

“Hahahah. Pero baka prefer mo ang K8.” Sabi niya.

At di nga ako nagkamali, picture nga ang nakalagay doon. “Nakakaumay ata to.”

Then he stop smiling. “Sawa ka na ba sa akin?”

At nagdrama ang loko. “Joke lang. Mamaya itake out ko tong K8 na to. Mas masarap kainin to sa bahay kesa dito. Ayokong naeexposed yung order ko.” Sabi ko.

Napangiti siya sa sinabi ko. Di na siya nagreact. Alam ko inisiip nito, nagpapacool down kasi mabilis tong tamaan. Hahahah.

“Let’s dance.” Bigla niyang yaya.

“Seryoso?”

“Yeah. Alam kong gusting-gusto mo to.” Then nilahad niya ang kamay niya sa akin at ibinigay ko naman ito sa kanya.

Inilahad niya ang kamay ko papunta sa kanyang bewang at saka naman niya inilagay ang kanyang kamay sa aking leeg. Napatawa naman ako sa posisyon naming dalawa.

“Bakit ka natawa?”

“Wala naman. Di lang ako sanay.”

“Para naman mabago.” Then hinila niya ako lalo papalapit sa kanya.

“All I want is you babe. Mahal na mahal kita.” bigla nalang niyang sinabi.

“I really love you. Mahal na mahal din kita.”

“I wish this night will not end. I wish ganito lang tayo lagi.” Sabi niya

“Pwede naman babe eh. Di naman tayo magkakahiwalay pa. Diba we promised na di na tayo aalis sa tabi ng isa’t-isa.”

“Yup.” Maikli niyang sagot.

“I love you.”

“I love you too.”

He hugged me so tight at nanatili kami sa ganung posisyon. “Napipisa na ako.” sabi ko.

“Sorry.” Bigla niyang bitaw.

“Remember nung Valentines day?” tanong ko.

“yeah. Bakit?”

“May gusto sana akong ibigay sayo nun. Kaso, di ko na naibigay sayo.”

“Pwede naman ngayon.” Sabi niya

“Saka na. Di ko dala eh. Kasi naman biglaan tong pagyaya mo. At isa pa surprise yun.” Sabi ko.

“Surprise pero sinabi mo sa akin.”

“Hahaha. Eh kasi.”

“Di na surprise yun.” Sabi niya

“Basta masusurprise ka.” Sabi ko.

“Let’s go for dessert?” tanong niya.

“Sure.”

Maaga pa ang gabing iyon para sa amin. Masaya ako para sa gabing ito.




[Kieth’s POV]




Nagising ako sa sunod-sunod na tunog ng cellphone ko. Tss. Istorbo naman eh. Bumangon ako at inabot ang cellphone na nakapatong sa drawer ko at sinagot ito.

“Hello…” sagot ko.

“Kamusta na?” sabi nang nasa kabilang linya.

“Kayo pala.”

“Nagawa mo na ba?”

“Alam ko naman ang kailangan kong gawin.”

“Naniniguro lang.”

“Oo alam kong may usapan tayo pero sana naman po naghihintay kayo. Ako ang mawawalan ng minamahal at hindi kayo.”

Hindi na siya nagsalita pa at saka ako nagpasyang tapusin ang tawag na iyon. “Tulog muna ako ulit. Pasensya na ho sa mga nasabi ko.” At saka ko ibinaba ang tawag.

Pinagmasdan ko ngayon si Alex na mahimbing na natutulog sa aking tabi. I know di ko naman reposnsibility na gawin to pero ano pa nga ba ang magagawa ko?

Humiga muli ako at niyakap siya ng mahigpit. Hinalikan ko siya sa kanyang noo. I wish magkaroon muli kami ng pagkakataon na tulad na ito. Sana sa mga taon na lilipas ay makilala mo pa rin ako. Sana, di mo ako makalimutan.

“Sorry…” ang tangi ko na lamang na nasabi.





(Itutuloy)



7 comments:

  1. I hope you will update your story tomorrow para makabawi ka naman. Ang tagal ko hindi nakapag update. Medyo nakakalimutan na namin kung anong storya ito.
    Sino ang taongbtumawag kay keith at bakit sya nakipag deal sa taong iyon? Bakit niya iiwanan si alex? What is behind in all of this things?

    SilentReaderofmsob - yaj

    ReplyDelete
  2. Bakit sorry? Makikipagbreak na si kieth?

    ReplyDelete
  3. hala... ano kaya mangyayari.. author sana may update na.. kakasabik naman ^^

    ReplyDelete
  4. mag paparaya si keith, kawawang keith :( nkakalungkot ung next chapter.


    -jess

    ReplyDelete
  5. tagal bago nag ka update ng story na ito hope may update agad later ng more bawi ka..

    ReplyDelete
  6. Naawa ako kay keith, sana di papayag si alex....

    Boholano blogger

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails