Followers

Saturday, September 13, 2014

Fated Encounter 25



CHAPTER TWENTY-FIVE

NASA lugar na sila Vin kung saan mangyayari ang date nilang dalawa ni Joen para sa monthsary nila. Bago siya bumaba ng kotse ay piniringan muna ni Joen ang mata niya. Sorpresa daw para sa kanya ang lugar na pagdadalhan nito. Natatawa na lamang siya dahil nakita naman niya ang dinaanan nilang lugar, iyon nga lang ay hindi sa kanya pamilyar.
                Inalalayan siya ni Joen. Imbes na sa kamay lamang siya nito hawakan ay nakapulupot sa baywang niya ang kaliwang braso nito. Ang kanang kamay naman nito ang mahigpit na nakahawak sa kaliwang kamay niya. Masyado siya nitong inaalagaan. Bagay na wala siyang reklamo. Pabor nga sa kanya.
                "Ano ba ang pagdadalhan mo sa `kin, Joen ko? Kahit ang pupuntahan natin ay malayo. Malayo pa ba?" tanong niya.
                "Malapit na tayo, Vin ko. `Wag kang mainip. Alam kong matutuwa ka sa magiging sorpresa ko sa `yo."
                Naramdaman niya ang paghalik nito sa pisngi niya. Kasunod niyon ay narinig niya ang pagbukas ng isang pintuan. Narinig niya rin ang isang boses na pamilyar sa kanya. Kumakanta iyon. Pamilyar rin sa kanya ang kantang kinakanta ng pamilyar na boses. Pinakinggan niya iyon ng maigi.

What would I do without your smart mouth
Drawing me in, and you kicking me out
You got my head spinning, no kidding, I can't pin you down
What's going on with that beautiful mind

                 Boses iyon ni Joen. Recorded tape lang iyon. Ngunit malinaw na malinaw sa kanya na galing mula sa puso ang pagkanta ni Joen. Damang-dama niya. Ganoon rin naman siya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin kung wala si Joen sa tabi niya, kahit na noong una ay madalas silang magtalo sa mga simpleng bagay. Hindi na niya ma-imagine ang sarili na wala si Joen sa tabi niya.
                Nagpatuloy ang kanta.

I'm on your magical mystery ride
And I'm so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright
My heads under water but I'm breathing fine
You're crazy and I'm out of my mind
   
                "Hindi ko naman talaga alam kung ano ang nangyari at bakit ako nagkagusto sa isang tulad mo, Vin ko, ngunit hindi ako nagsisisi na minahal kita. Isa ka sa maraming bagay at pinaka-espesyal na dumating sa buhay ko. Kahit mali para sa paningin ng iba ay tama para sa akin. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Ganoon kita kamahal Vin ko. Oo, we're in the same ride, isang makapangyarihan na sasakyan na kung saan pag-ibig ang nagpapagalaw. Kahit na mahilo o maligaw man tayo, ayos lang sa `kin basta nasa tabi kita at may assurance ako na mahal mo ako. Kahit na malunod man ako basta kasama pa rin kita, ayos rin sa `kin. Lagi kong sinasabi, we complimented each other very much. Nasasakyan mo ang pagiging moody ko at nasasakyan ko rin ang ugali mo. Mahal kita. Mahal na mahal"
                Naluluha na siya sa mga sinasabi ni Joen sa kanya. Hindi siya makapagsalita. Pakiramdam niya ay may bumara sa lalamunan niya. Kung wala lang ang panyo na nakapiring sa kanya ay baka tumulo na ang luha niya. Tumikhim siya. Damang-dama niya ang bawat liriko na binigkas ni Joen, ngunit mas dama niya ang bawat salitang ibinulong nito sa kanya. 
                Napasigok siya.

'Cause all of me
Loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections
Give your all to me
I'll give my all to you
You're my end and my beginning
Even when I lose I'm winning
Cause I give you all of me
And you give me all of you, oh


                "Lahat ng sa `kin ay para na rin sa `yo. Lahat ng mali sa `yo ay tanggap ko. Ibibigay ko sa `yo ng buong-buo ang sarili ko." Muling bulong sa kanya ni Joen.
                Nawala na sa kanta ang atensyon niya nang tuluyan kundi sa mga sasabihin pa ni Joen sa kanya. Pakiramdam niya ay kinakasal na sila at binibigay ni Joen ang vows nito sa kanya. He really love this guy beside him. Wala na talaga siyang hahanapin pa dito.
                "Pwede ko na bang tanggalin ang piring sa mata ko," sabi niya, napahikbi pa siya.
                "Pwede na, Vin ko."
                Nang matanggal niya ang piring sa mata ay bahagya pa siyang nasilaw sa ilaw. Ang dekorasyon sa silid na iyon ay hindi na niya pinansin pa. Kahit ang mga taong nandodoon ay hindi na muna niya pinansin. Mamaya na. Humarap siya kay Joen at niyakap ito nang mahigpit. Habang yakap ito ay tuluyan nang tumulo ang luha sa kanyang mata. It was purely, tears of happiness.
                "Mahal na mahal din kita Joen ko. Wala na akong hahanapin pa. Mahal na mahal kita."
                Hindi na niya maisip ang sunod na sasabihin. He was so overwhelmed on what he just heard from him. Umiyak siya nang umiyak.
                "Mahal na mahal din kita. `Wag kang umiyak, Vin ko. Sinisira mo ang preparations na ginawa ko para sa `yo."
                Pinalo niya ito sa braso.
               "Luha ito ng sobrang ligaya, Joen. Pinasaya mo ako nang sobra. Kumanta ka. Ang mga words na sinabi mo, parang vows sa kasal. Hindi ako magpapatalo sa `yo. Nasorpresa mo talaga ako."
                "May vows ka rin?"
                "Wala. Impromptu lang. Kung ano ang maisip ko. Sasabihin ko sa `yo."
                Habang nag-uusap ay magkayakap pa rin sila. Para ngang nagbubulungan lang sila dahil sa tapat ng tainga ng isa't-isa sila nagsasalita.
                "Masaya ako na ikaw ang minahal ko. Kagaya mo ay wala akong pinagsisihan. HIndi tayo nagsimula sa maganda ngunit heto tayo ngayon, gumagawa ng magandang alaala sa bawat isa. Alam ko kung ano ka ng magkakilala tayo. I'm thankful, kasi, kahit na magkaiba tayo sa estado, sa paniniwala pati sa gender preference ay minahal mo ako. Hindi mo ako kinahiya. Ipinaglaban mo pa ako."
                Narinig niya muli ang kanta. Doon na siya kumuha ng sasabihin.

You're my downfall, you're my muse
My worst distraction, my rhythm and blues

                "Katulad sa lyrics ng kanta. Ikaw ang downfall ko. Hindi ako naniniwala noong una na mayroong tao na nakatadhana para sa `kin dahil nga sa alanganin ako. Alam nating pareho na ang mga katulad ko ay bihira lamang makahanap ng tao na makakasama sa pagtanda. You're also my muse, ikaw ang dahilan kung bakit tuluyan akong naging masaya. Masaya ako na mahal kita at lalo akong masaya dahil mahal mo ako. Alam ko na hindi magbabago iyon. Ikaw ang distraction ko, kung wala ka sa tabi ko ay para na rin akong wala sa sarili ko dahil nasa sa `yo na ang puso ko. Ikaw ang rhythm and blues ko dahil ikaw ang nagbigay ng tamis sa puso ko. Ang pangalan mo ang chorus na paulit-ulit na naglalaro sa isip at puso ko."
                Narinig niya ang mahinang pag-iyak ni Joen. Ikinagulat niya iyon. Lumayo siya dito.
                "Umiiyak ka?" Parang timang na tanong niya kahit obvious na.
                "Yeah, I'm crying and it's because of you. Mahal na mahal kita Vin ko. Ikaw lang ang lahat para sa `kin."
                Ngumiti siya kahit na may luha pa rin na tumutulo sa mata niya. Pinunasan niya iyon gamit ang likod ng kanyang kamay. Joen also did the same.
                "Mahal din kita. Mahal na mahal."
                Pagkasabi niya sa mga salitang iyon ay bumaba ang mukha ni Joen at hinalikan siya sa labi. Masiil iyon ngunit puno ng pagmamahal. Gumanti siya sa parehong intensidad.
                Naputol lamang ang halik nang makarinig sila ng palakpak at tikhim.
                Napatingin sila pareho sa pinanggalingan niyon. 
                Nanlaki ang mata niya nang tuluyan na mapansin kung sino ang mga taong nakatayo sa center ng silid. Ang kanyang pamilya! Nandito ang kanyang pamilya. Napabaling siya kay Joen.
                "Isa ba ito sa sorpresa mo?"
                Nakangiting tumango ito. "Yeah. Sorpresa ko sila sa `yo. Dapat mahuhuli `yong ni-record kung kanta, ang kaso ay pinatugtog na ni Hyde pagkapasok natin. So, I decided to tell my lines too, para hindi mawala `yong moment."
                Natawa na lamang siya.
                "Okay na `yon, Joen. At least nangyari ang sorpresa mo. Pwede na ba akong lumapit sa kanila?" tanong niya.
                "Of course you can," sagot nito.
                Inginuso niya ang kamay na hawak pa rin nito. "Ang kamay ko po."
                "Sorry," ang sabi nito saka binitawan ang kamay niya.
                Excited siyang lumapit kay Lola Fe at sa mama niya. Niyakap niya ang mga ito nang mahigpit. Na-miss niya ang lola niya ngunit mas na-miss niya nang sobra ang ina niya.
                "Kailan pa kayo dumating `ma, `la?" tanong niya sa mga ito.
                "Mahigit isang linggo na ang nakakalipas, apo."
                "Masaya ako para sa `yo, Vin, anak. Mahal na mahal ka ni Joen. Nakikita ko iyon. Patawad rin kasi nalaman ko ang ginawa sa `yo ng tatay mo sa huli."
                Niyakap niya ito.
                "Wala na po `yon sa `kin, `ma. Nasaan pala si papa?"
                "Patay na siya anak. `Wag natin pag-usapan iyon ngayon dito. I-enjoy mo ang sandali na ito. Wala kang dapat na alalahanin, anak."    Tumango na lang siya. 
                Pagkatapos niyang yakapin ang mga ito at kausapin ay sa Kuya Arkin naman niya siya lumapit. Niyakap niya rin ito nang mahigpit.
                "Alam na ba nila na alam ko na ang totoo, kuya?" tanong niya. Curious siya.
                "Hindi pa. I'll do the explaining to them Vin, don't worry."
                "Salamat, kuya."
                "Walang anuman, Vin. Para sa `yo wala akong gagawin. Mag-uusap tayo pagkatapos ng kasiyahan na ito."
                Tumango siya.
                Matapos niyang maka-usap ang kuya niya, lumapit naman siya sa maluwang na nakangiting si Tito Ric. Niyakap niya rin ito.
                "Hindi pa man. I'm welcoming you in my family, Vinnezer or shall I call you Lei."
                "Kahit ano, papa."
                'Papa' iyon na ang tawag niya dito magmula ngayon kahit hindi pa nangyayari na maging ka-apelyido niya ito. Anak naman kasi ang trato nito sa kanya.
                At ang panghuli ay lumapit siya sa kambal niyang kapatid na sadya niyang na-miss. Si Hyde at si Clyde.
                "Hyde," aniya, niyakap niya ito. "Na-miss kita, sobra. Mas matangkad na kayo sa `kin ni Clyde ngayon."
                "Oo nga kuya. Mas matangkad na kami." Agad na sang-ayon nito.
                Pagkatapos niyang yakapin si Hyde ay si Clyde naman ang nilapitan niya.
                "Clyde," aniya. Napansin niya na tila naiilang ito sa kanya. Ganunpaman ay niyakap siya nito. Sa dalawa ay ito ang panganay. Nakikita niya kay Clyde ang ugali ni Joen, samantalang nakikita niya kay Hyde ang ugali niya. At ramdam niya na katulad niya, alanganin din si Hyde. Pero walang kaso iyon sa kanya.
                "Masaya ka ba sa kanya, kuya?" tanong sa kanya ni Clyde.
                Tumango siya. "Masayang-masaya!"
                "Natutuwa ako na marinig `yan," anito. "Katulad mo na rin si Hyde," bulong nito sa kanya.
                Napatingin siya kay Hyde na nakatingin naman sa kanila ni Clyde.
                "Alam ko, Clyde. Dama ko. Wala namang kaso iyon sa `yo, hindi ba?"
                Umiling ito. "Wala pero umayos siya. Dapat gayahin ka niya. `Yong hindi bastusin at hindi ginagawa ang sarili na isa."
                "Ipagtanggol mo na lang ang kakambal mo kapag nangyari `yon."
                "Iyon naman talaga ang ginagawa ng isang kuya," anito.
                Pagkatapos niyang makausap ang dalawang kapatid ay lumapit ulit siya sa mama niya. Tinanong niya dito kung saan ang tatlo pa niyang kapatid. Agad siyang pumunta sa second floor ng bahay at pinuntahan ang tatlong kapatid. Mahimbing na natutulog ang mga ito. Isa-isa niyang hinalikan sa pisngi ang mga ito saka lumabas ulit ng kwarto.
                Kontento na ang gabi niya dahil sa sorpresa sa kanya ni Joen. Ang saya niya sa mga nakita.
                Pababa na siya ng hagdan nang makita niya sa paanan niyon si Joen, waring hinihintay talaga ang pagbaba niya.
                Nag-umpisa siyang bumaba. Nang makalapit siya dito ay inilahad nito ang kamay na agad naman niyang inabot.
                "Hindi pa tapos ang sorpresa ko sa `yo, Vin ko. Wala pa `yung regalo ko sa `yo."
                "Pareho lang naman tayo."
                Napangiti siya maya-maya. Bumaba na siya, inakbayan siya ni Joen.
                "Bakit ka ngumingiti?" tanong nito.
                "Naalala ko lang `yong kanina, `yong entrance natin. Nararamdaman ko na epic `yon, eh. Dapat sa huli yata `yon pero nauna pa talaga. Mabuti at nakahanda `yong spiel mo."
                Natawa ito. "Epic naman talaga `yon, eh. Dapat panghuli `yon pero anong magagawa ko. Naka-play na siya pagpasok natin. Si Hyde at Clyde ang namamahala d'un."
                "Dapat hindi mo ipinagkatiwala `yon sa dalawa, lalo na kay Hyde. Music lover iyon, at kapag nagustuhan niya `yong kanta at boses ng kumakanta, paulit-ulit niya iyong papatugtugin."
                "Ganoon ba. Well, wala naman na tayong magagawa. Nangyari na ang nangyari. Sana sa mga susunod na sorpresa ko ay hindi na ako sumablay."
                "Ipagdasal mo," aniya. "Ngunit bago `yon, kakausapin ko na muna si mama at lola, Joen ko, pati na rin si Kuya Arkin."
                "Okay lang sa `kin. Mahaba pa ang gabi. Time will wait. I can wait too. Kahit na maabutan tayo ng umaga dito ay okay lang sa `kin basta kasama kita."
                Nakadama siya ng kilig sa sinabi nito. Walang palya talaga ang lalaking mahal niya sa pagbibigay sa kanya ng ganoon na damdamin.
                "Napansin ba nina lola at tita ang pasa mo?" tanong nito, maya-maya.
                "Mukhang hindi naman. Nandiyan naman si Daddy Ric para ipaliwanag kung bakit ako may ganito."
                "Oo nga pala." Tila na-relieve na sabi nito. Ngumiti ito "Ang sarap pakinggan na tinatawag mo nang daddy ang daddy ko. Sa ganoon, pwede na rin ba kitang angkinin na akin talaga."
                "Ano sa palagay mo?" tanong niya saka hilig ng ulo sa dibdib nito.
                "Pwedeng-pwede na."
                Pagkatapos nilang mag-usap ni Joen ay nagtungo na sila sa sala. Nagpaalam siya dito na pupuntahan ang mama at lola niya sa pwesto nito. Agad naman itong sumang-ayon. Hinatid pa nga siya kahit na malapit lang sila doon.
                "`Ma, lola," aniya sa mga ito. "Pwede na po ba tayong mag-usap?"
                "Pwede na anak," ani mama niya.
                Tumayo ang mga ito. Sabay-sabay silang tatlo na nagtungo sa kusina ng bahay.
                "`Ma?"
                Agad na nagkaroon ng lambong sa mata ng mama niya. Tila anumang oras ay handang umiyak. Hindi nga siya nagkamali. tumulo ang luha nito. "Anak, patawarin mo ang mama."
                "`Ma, bakit ba kayo humihingi sa akin ng tawad? Wala naman po kayong ginagawa na masama."
                "Meron. Matagal kong itinago sa `yo ang totoo sa pagkatao mo. Hindi lang `yon, masyadong huli nang malaman ko na minomolestiya ka ng ama mo. Patawarin mo ako anak."
                Ayaw niyang umiyak ngunit hindi niya mapigilan ang sarili. Naaawa siya at nalulungkot na nakikitang nahihirapan ang mama niya. ANg babaeng kumupkop sa kanya at inari siya na kadugo at nanggaling sa sinapupunan nito.
                "Kung hindi pa nag-agaw buhay ang ama mo ay hindi pa niya masasabi sa `kin ang ginawa niya sa `yo. Patawarin mo siya, Vinezzer. Ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa niya sa `yo."
                Lumapit siya dito at niyakap ito nang mahigpit. "Wala po kayong kasalanan, mama. Kung anuman po ang nagawa sa akin ni papa, alam ko na makakalimutan ko iyon. HIndi ko alam kung kailan pero malakas ang panibniwala ko na makakaya ko. At alam ko rin na mapapatawad ko siya pagdating ng panahon. Kung tungkol naman po sa paglilihim n'yo tungkol sa totoong ako, ayos lang. Marunong po akong umunawa. Bakit ko sasaktan ang sarili ko at kayo samantalang napakabait n'yo sa `kin. Mula pagkabata, hindi ko naramdaman na hindi n'yo ako totoong anak. Kayo ni lola, pinaramdam n'yo po sa akin na may totoo akong pamilya. Mahal ko po kayo, at salamat kasi mahal n'yo rin ako." Niyakap niya rin ang lola niya.
                "Salamat, apo."
                "Salamat Vinezzer, anak."
                Kumalas siya sa pagkakayakap sa lola niya ng tikhim. Nanggaling iyon sa Kuya Arkin niya na nasa may pintuan.
                "Pwede po ba akong makaistorbo sa moment n'yo?" Nakangiting tanong nito.
                "Pwede, hijo," anang lola niya.
                "Maiwan ko na po muna kayo, `ma, `la."
                Tumango ang dalawa.
                Nang nasa harap na siya ng kuya niya, nginitian niya ito.
                "Everything will just be fine, Vin."
                "Oo kuya," aniya saka lumabas na.  
                Lumapit siya kay Joen pagkalabas niya. Kausap nito si Hyde at Clyde. Nang makita siya nito ay lumapit ito sa kanya at inakbayan siya.
                "Nakausap mo na sila?"
                "Oo. Patay na pala si papa."
                "ANo ngayon ang nararamdaman mo?"
                "Okay naman na ako. Sabi ni mama, patawarin ko daw si papa pero hindi ko pa kaya sa ngayon. Alam ko na darating din ako doon. Malungkot din naman ako sa sinapit ni papa."
                "Wala ka naman trauma, hindi ba? Baka gusto mong ipa-stress debriefing kita?"
                "Hindi na kailangan. Ang presence mo na ang pampaalis ko ng trauma. Nang makita nga kita ng araw na mangyari sa `kin `yon, para kong nakita si Superman."
                "Mas gwapo kaya ako kay Superman."
                Napangiti siya. "Oo, Mas gwapo ka naman talaga d'un."
                Dinala siya nito sa second floor ng bahay. Dumiretso silang dalawa sa balkonahe. Mula doon ay kita nila ang ibang kabahayan. Humilig siya sa dibdib nito.
                "Salamat sa lahat ng ito, Joen ko."
                "`Wag ka munang magpasalamat, Vin ko. Hindi pa kaya tapos ang sorpresa ko sa `yo."
                Inalis niya ang pagkakahilig dito. Tiningnan niya ito.
                "Marami ka pang surprise?"
                Tumango ito. "Marami pa. Una, itong bahay, dito na tayo titira. Pangalawa, sina Lola Fe, si Mama Fely at ang mga kapatid mo. Pangatlo.." Huminto ito sa pagsasalita. May kinuha ito sa bulsa nito ngunit hindi niya nakita kung ano. "Heto," anito saka ipinakita sa kanya ang bracelet na katulad ng bracelet na binili niya.
                "Wait lang," sabi niya. Kinuha niya ang bracelet na binili niya sa kanyang bulsa. Hindi na niya dinala ang lagayan niyon para hindi mahalata.
                "Ano ba `yang kinukuha mo?" tanong nito.
                Nang makuha niya ang pakay ay ibinuka niya ang palad at ipinakita iyon dito. "Ito ang sorpresa ko sa `yo, Joen ko. AKalain mo `yon? Naiisip mo ba ang naiisip ko B1?" Pagbibiro niya na ikinatawa nito.
                "Naiisip ko B2," pagsakay nito sa kanya. "Wala na akong masabi, Vin ko. Pareho lang ang wavelength ng utak natin."
                "`Pansin mo rin," aniya saka natawa nang malakas.
                Inilahad niya ang braso dito para maisuot nito sa kanya ang bracelet. "Isuot mo na `yan sa `kin."
                "Masusunod aking kamahalan."
                Habang isinusuot sa kanya ni Joen ang bracelet ay hindi niya maiwasan ang mapangiti nang malawak. Bagay talaga sila ng lalaking ito. Pareho silang mag-isip. They really complimented each other so well.
                Nang maisuot na nito sa kanya ang bracelet ay ito naman ang sinuotan niya ng nabili niya.
                Parang timang na idinikit niya ang pulsuhan niya sa pulsuhan nito.
                "Perfect match na tayo. Parang couple bracelet tuloy ang style ng suot natin."
                "Oo nga."
                Mula sa kanyang likuran ay niyakap siya nito. Ipinatong nito ang baba sa balikat niya.
                "Masaya ako. Masayang-masaya, Vin ko. Ipapaalala ko lang sa `yo na hindi pa tapos ang sorpresa ko sa `yo."
                "Ang dami mo namang sorpresa sa `kin."
                "Sa ganoon talaga," mayabang nitong sabi.
                "Baka hanapin na tayo nina lola sa baba."
                "HIndi `yon. Mamaya na tayo bumaba. Kung pwede nga lang na magkulong na tayo sa kwarto ay ginawa ko na."
                Kinurot niya ito sa braso. "Baliw ka talaga."    

PAGKATAPOS nilang magsawa sa pagtingin sa kabahayan mula sa balkonahe at magpahangin ay nagdesisyon na silang bumaba ni Joen. Nasa kalagitnaan pa lang sila ng hagdan ay rinig na rinig na ni Vin ang recorded voice ni Joen na nag-pe-play. Bumaling siya dito saka ngumiti.
                "HIndi ko alam na marunong ka palang kumanta."
                "Hidden talent ko `yon," nakangising sagot nito. "Dapat talaga sa panghuli `yan na part kaso nasira ang plano." Muling pag-o-open up nito.
                Natawa siya. Aburido na naman kasi ang mukha nito.
                "Ano ka ba? Okay lang `yon. Hindi naman nasira ang preparations mo."
                "Hindi nga kaso nawala naman `yong momentum."
                "Gawa ka na lang ulit ng moment," pagbibiro niya.
                "Gagawin ko talaga `yon. Just wait when we get down."
                "Sige. Maghihintay ako."
                Nang makababa sila nito ay nagulat siya nang makita ang isang kumikinang na bagay sa center table. Natutop niya ang bibig saka bumaling kay Joen. Ngiting-ngiti ito.
                "Isa `yan sa sorpresa ko sa `yo, Vin ko." Lumapit dito si Hyde para ibigay ang singsing. "Vin ko." simula nito. "Hindi ko alam kung paano ito sisimulan kaya hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Vin ko, pwede mo ba akong pakasalan? Pwede ba kitang makasama hanggang sa pagtanda ko?"
                Naiyak na siya. Hindi niya inaasahan ang ganito. Hindi niya inaasahan na... Niyakap niya ito dala ng sobrang kagalakan. Akala niya ay imposible ang ganitong bagay sa isang katulad niya na nasa gitna ng sociedad. Walang katiyakan kung ano ang maaaring mangyari pagdating ng panahon. Pagdating niya sa katandaan. Ngunit ngayon..
                Tiningnan niya si Joen. Naghihintay na ito sa magiging sagot niya.
                "Oo, Joen ko, papakasal ako sa `yo. Pwedeng-pwede mo akong pakasalan. Pwedeng-pwede na makasama mo ako hanggang sa tumanda tayo. Mahal na mahal kita, Joen."
                "Mahal din kita, Vin ko." Ang sabi nito saka isinuot sa kanyang palasingsingan, sa kanang kamay ang singsing.
                "Mahal na mahal na mahal na mahal kita," aniya saka niyakap ito nang mahigpit.
                Malugod naman nitong tinanggap iyon. Gumanti ng may parehong higpit.
                Sinalubong niya ang tingin ni Joen na puno ng pagmamahal. Napangiti siya habang umiiyak. Pinunasan nito ang luha na sa kanyang pisngi.
                "`Wag ka nang umiyak, Vin ko. Mabuti na lang at hindi ka nag-make up, dahil kung ginawa mo `yon ay kakalat lang sa mukha mo."
                Natawa siya saka hinampas ito sa dibdib. Napaigik ito. "Aray ko!" Daing nito.
                "Adik ka! Alam mo naman na hindi ako naglalagay ng kolorete sa mukha. Ayoko nga."
                Ngumiti ito. "Biro lang naman."
                Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha nito. Sumeryoso ang ekspresyon ng mukha. Bumaba ang mukha nito na hinintay naman niya.
                Nagdikit ang kanilang labi. They kissed each other with so much passion not minding the people around them. Not minding his family. He's so happy to think about them. Napapikit pa siya sa pagnamnam ng halik na iginagawad sa kanya ni Joen. Hanggang sa matapos iyon at makarinig sila ng palakapakan at hiyawan.
                Napabaling sila doon. Nakita ni Vin ang kasiyahan sa mukha ng pamilya niya. Sa mukha ni Lola Fe at ng mama niya. Pati kay Kuya Arkin.

EPILOGUE


MAKIKITA ang kasiyahan sa mukha ng mga malalapit na tao na dumalo sa kasayahang iyon. Ang araw ng kasal ng dalawang lalaki na nagmamahalan kahit na maraming mata at kilay ang magtataas sa okasyon na iyon. Ngunit para kay Vin ay wala siyang pakialam. Masyado siyang masaya para isipin pa ang ibang tao. Nag-uumapaw ang kagalakan sa kanyang puso at natapos ng matiwasay ang okasyon na iyon.
                Sa wakas ay asawa na niya si Joen. Apelyido na nito ang gamit niya mula sa araw na ito. Nasa reception na sila. Ang mga taong malalapit sa kanila ang nag-organisa ng lahat nila kaya wala na silang inisip pa. Kaya nakaupo lang sila ni Joen sa gitna. Wala sa kanila ang atensyon ng iba dahil naka-focus iyon sa banda na tumutugtog sa makeshift stage. Ang sabi sa kanya ni Hyde ay the Gravity ang pangalan ng banda. Infairness naman sa mga ito dahil magagaling at may angkin na kagwapuhan ang bawat miyembro. Ngunit, siyempre, walang tatalo sa kagawapuhan ng katabi niya.
                "Ang galing nila, `no?" aniya kay Joen.
                "Wala akong pakialam sa kanila," anito.
                Kumunot ang noo niya. "Bakit naman? Inaatake ka na naman ng pagka-boring?"
                "Oo. Inaatake na rin ako ng init. Anong oras ba matatapos ang kasiyahan na `to? Tapos naman na `yong kasal natin. Asawa na kita. Dapat wala ng ganito na pa-ek-ek. Sagabal lang sa gagawin natin."
               Natawa siya sa sinabi nito. "Kaya naman pala. Maghintay ka nga. Tandaan mo na sa iisang bahay na tayo titira at mag-asawa na. Kahit kailan natin gawin ang nasa isip mo ay pwede. Malaya tayo."
                "Alam ko naman `yon. Malaya tayo pero ngayon, hindi pa. Sagabal kasi sila," anito sabay nguso sa pamilya nila na nagkakasiyahan.
                Pinisil niya ang ilong nito. "Maghintay ka, Joen ko. Malapit na rin `tong matapos."
                Ngumisi ito. "Or better yet, `wag na nating tapusin. Tutal wala naman sa `tin ang atensyon nila, pwede na tayong umalis."
                "Pwede rin," aniya sabay ngisi.
                Tumayo si Joen saka siya hinila patayo.
                Magkahawak-kamay na dahan-dahan silang lumabas. Nang makarating sila sa parking lot kung saan ang motorsiklo nito ay agad itong sumakay. Ganoon din ang ginawa niya. Mga ilang minuto lang ang itinagal nila sa daan dahil sa bilis ng pagpapatakbo nito.
                Nang makarating sila sa bahay nila ay agad na isinara ni Joen ang pintuan. At sa living room pa lang ay mainit na halikan na ang namagitan sa kanila. Isa-isang natanggal ang kanilang kasuotan. As they reached the master bedroom, both of them were already naked.
                Damang-dama niya ang init ng katawan nito. Pareho lang ang init na nanggagaling sa kanilang katawan. Magkahinang pa rin ang kanilang labi habang patungo sila sa naghihintay na higaan nilang dalawa. Pabagsak silang nahiga doon. Nakadagan sa kanya si Joen.
                At doon nag-umpisa ang ginagawa ng katulad nila na magkapareha.
                Nang matapos iyon ay pareho silang pagod na nahiga. Niyakap siya nang mahigpit ni Joen. Hinalikan siya nito sa labi saka pumikit.
                "I love you, Vin ko."
                "I love you din," sagot niya.
                Habang nakatingin sa nakapikit na si Joen ay naisip niya na.. Wala na talaga siyang mahihiling pa. Ilang beses na niya iyong sinabi. Pero hindi siya magsasawa. Sobra ang pasasalamat niya na natagpuan niya ang lalaking nagmamahal sa kanya at tanggap kung anuman siya. Salamat sa Diyos dahil nakagabay ito sa kanya at natagpuan niya ang isang katulad ni Joen. Hindi na lang niya basta 'boyfriend' ito dahil 'asawa' na niya. At ang buo na niyang pangalan ay hindi na Vinezzer Gamboa Ilagan kundi Vinezzer Ilagan Castillo.



THE END


Author's Note

"Write to express, not to impress."

Iyon po ang ginawa ko ng isulat ko ang story na ito. Writing this story was a part of expressing myself. Gusto ko na kahit papaano.. kahit sa pagsusulat ay mangyari ang isang masayang bagay na puro lang talaga masaya at kung may tragic na mangyayari ay agad na malalampasan. Kung napansin n'yo po. Ang istoryang ito ay puro happy lang, walang negative thoughts dahil ayoko.. haha.. Maybe someday.. someday lang naman ay makapagsulat ako ng story na hindi nalalayo sa totoong buhay, iyong may mga pasakit at kung ano talaga ang pinagdadaanan ng mga taong nabibilang sa third sex.. Salamat.. At sana kapag nangyari ang bagay na iyon ay basahin n'yo pa rin ang gawa ko.. :))

At sa wakas at natapos na rin ang istoryang ito. Sa mga madi-disappoint man sa ending or sa tinakbo ng story na `to, PASENSYA na po! Pasensya na rin kasi, may mga nagbigay sa `kin ng idea about the chapters pero hindi ko sinunod.. hahaha.. Ayoko kasi ng tragic.. Ayoko ng masyadong malungkot kasi kahit ako na nagsusulat ay sumasabay doon. Sinubukan ko na dugtungan sana ito kaso hindi ko na kaya.. Kaya pasensya..

Salamat po sa mga reader na nagbigay ng pagkakataon na magbasa ng story nito. Thank you mula sa aking puso.. (lol) Sa mga silent reader, sa mga anonymous, pati sa mga commentator or whatsoever pa.. Good or bad..Thank you!!

Salamat kay Kuya Ponse at Sir Mike sa privilige na ito. At last!! Dahil sa blog na ito ay nakalabas na sa baul ang story na ginawa ko.
Sa mga co-RA's ko na friend ko.. Kay Kuya Rye Evangelista na gumawa ng cover na nakikita n'yo ngayon.. hehe.. (Kung kailan tapos na saka pa talaga nagka-cover.. haha)
Kay Kuya Bluerose, sa pagsasabi na may kagalingan ako.. Hahaha.. (lumalaki ang ulo ko.. infairness.. pero hindi dapat) tsk..tsk.. 
Kay Jace Page, thank you rin!!

Sa mga reader na nag-comment.. Iisa-isahin ko pa ba kayo?? haha..
Alfred of T.O, Angel, Boholano Blogger, Hardname, Japs Lane, Bharu, Valintin Olingay, Jay_05, AZ.

Sa mga nagtatanong ng facebook ko ( HAHA!! parang meron, eh.) I-search n'yo na lang po ang pangalan na ALVIN.. Kay kuya Rye, nandodoon ako,. pati kay Kuya Carlos,, harhar..


SALAMAT NA LANG PO ng MARAMI..
DIYOS MABALOS!!

Sana mag-enjoy po kayo..




27 comments:

  1. Ayiii! Nu ba yan puro kilig ah. Salamat talaga author para sa isang magandang storya. Pero paano sina Nick at Mack? Author keep up the good work ang galing niyo po promise.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat din Angel!! Salamat ng marami! Sa uulitin, ah.. Hehehe..

      Paano si Nick at Mack? Ongoing na rin ang story nila pero hindi pa sila ang sususnod.. may nauna kasi eh.. hahaha

      Delete
  2. Author may next story na ba kayo? baka kasi matagal na naman kayo mawala.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa kasamaang palad, meron na po.. hehehe.. kapag may approval na ako sa co-RA ko sa lahat ng chapters na naisulat ko ay ipo-post ko na yong teaser-teaseran ko.. hehehe..

      Delete
  3. kudos!!! to you...
    ill wait for ur nxt master piece..
    tanx, kasi d mo ako nakalimutan,,,
    pls nxt story mo ung sinabi ko ha...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Walang anuman, Valintin..

      Ita-try ko po ang magdrama.. ita-try lang, ah.. hindi pa ako sure.. hehehe..

      Salamat sa pagbabasa! Sa suporta po!

      Delete
  4. Next story vienne chase....wonderful ending

    Jsy_05

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat!! Jay_05..

      May next story na ako pero hindi ko pa mai-po-post.. naghihintay pa kasi ako sa approval ni Kuya Carlos, eh.. hahaha.. u know..

      Delete
  5. Masarap talaga ang happy ending

    Boholano blogger

    ReplyDelete
    Replies
    1. Opo, sir. Masarap po talaga kapag happy ang ending.. at sana nabigyan ko ito ng justification..

      Salamat po sa pagbabasa!

      Delete
  6. what a happy ending :) im gonna miss this. namiss ko din ung 2 magpinsan, dna nag paramdam ehe. Thank you Mr. A. for this great story. im looking forward for ur next story. keep it up, Godbless :)


    Az

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat kung mami-miss mo, Az! Kaya po hindi na nabanggit si nick at mack sa last three chapters dahil may sarili na silang kwento.. hahaah.. bale ang style nito parang magiging sequel yong story nila mula dito.

      Salamat sa pagbabasa, Az!

      Delete
  7. Great ending to a great story.. It is always nice to read feel good stories.. Your story have had a very good foundation kaya masarap sundan at subaybayan.. Very easy to the eyes and heart too.. Hindi mabigat sa damdamin, rather very heartwarming.. Hope to read more stories from..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Migs, iyon rin po ang gusto ko. Yong chill lang na kwento na hindi masyadong madugo. Nasasaktan rin kasi ako kapag ganoon. Lol.

      Salamat sa pagbabasa, Migs!

      Delete
  8. congratz vienne chase isang simpling story pero nakakikilig

    ReplyDelete
  9. Happy ending! :))

    -hardname-

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yeah. Happy ending, hardname.
      Ayoko ng madugo, eh. Ayoko talaga!
      Kaya nahihirapan ako sa ginagawa ko na story ngayon.. tsk..

      Delete
  10. nbawasan n nmn ang iilang matinong kwento n inaabangan q d2, sna my nxt story kna otor..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Meron na akong next story, kuya Anon.. iyon nga lang po hindi ko pa maipo-post. ;)

      Delete
  11. Waaaaaaaaaaaaaaah! Bukas ko na babasahin. Comment muna. :)

    ReplyDelete
  12. tnx and congratz sa maganda mong story! aabangan ko ule ung next story mo. goodluck!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po, Sir Robert. Sana nga po at hindi na magtagal ang next kong story.

      Delete
  13. It was a really good ending pero mejo nakukulangan ako. From accident to surprises, then marriage na agad, mejo bitin. Naisip ko din nung sinabi sa story na may kapatid pang isa si Vin, I thought lalabas din sya but not, same to Mack and Nick, akala ko is mababanggit pa sila. 3/5 because of that. Kudos anyway

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yong kapatid po kasi ni Vin, may sarili siyang story. Mack and Nick will also have their stories too. So parang ang kalalabasan po ay continuation yong kwento ng dalawa mula dito..
      Thanks for the comment!!

      Delete
  14. May sequel na po ba ito? I know huli ako sa pagbabasa nito. But ngayon lng ako nagkaOras. Mr.Author, I was amazed by this story, we don't know that maybe one day it will happen in reality.
    -Magz

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails