Followers

Tuesday, September 2, 2014

Fated Encounter 24

Heto na ang chapter 24.. 
Konting-konti na lang at matatapos na ako sa istoryang ito.. At sa wakas ay uusad na ako sa iba kong story.. hahaha.

bago ko pa malalimutan. Nagpapasalamat ako ng marami kina Kuya Ponse at Sir Mike Juha sa pagkakataon na ito.
Sa aking mga kapwa RA's na kaibigan ko na.. Hahaha..
Maraming pasensya kay Kuya Carlos, sinabi ko na ipapabasa ko sa kanya `yong story kaso hindi ko pa nagawa.. haha..
Kay Kuya Rye Evangelista, na gagawan ako ng cover para sa story na ginagawa ko. Salamat nang marami..

Sa mga reader ng story na ito.. salamat sa paglalaan ng oras para mabasa n'yo ang story na `to.

Enjoy reading po!!

CHAPTER TWENTY-FOUR

MALIBAN sa pagiging abala sa trabaho ay abala din si Joen sa pagkontak sa pamilya ni Vin sa probinsya. Ngayong araw ang napag-usapan nilang pag-uwi nito sa kanila. Hindi siya pumasok ng trabaho niya ngayon para masundo ang pamilya ni Vin. Isa itong sorpresa. Noong isang araw na makausap ni Vin si Lola Fe at mama nito ay sinabi niyang sabihin na uuwi ang mga ito sa katapusan pa ng buwan.
                Nang makita niya ang bus na sinakyan ng pamilya ay napangiti siya nang maluwang. Excited na siya na makilala ang magulang at kapatid ni Vin. Nang makaparada na ang bus ay agad siyang nag-abang. Una niyang nakita si Lola Fe. Nagmano siya dito saka niyakap ito nang mahigpit.
                "Kumusta ka na lola? Parang tumaba po kayo sa probinsya."
                "Ayos lang ako Joen. Baka gusto mong sapakin kita."
                Natawa na lang siya. Nang may lumapit sa kanila na isang babae ay agad siyang umalalay dito. Nakita niya ang pagkakahawig ng babae kay Lola Fe. Agad niyang naisip na ito ang nanay ni Vin. Nagmano rin siya dito. Nagtatakang napatingin ito sa ginawa niya.
                "Sino ka?"
                Kimi siyang ngumiti. "Ako po si Joen."
                Sumingit si Lola Fe. "Siya ang sinasabi ko sa `yong boyfriend ni Vin, Fely."
                "Ganoon ba `ma? Magandang lalaki pala talaga ang boyfriend ni Vin. Hindi na nakapagtataka kasi may hitsura naman ang anak ko."
                "Salamat po," nahihiya niyang tugon. Kahit na nakausap na niya ito sa cellphone nang tawagan niya si Lola Fe ay nakakadama pa rin siya ng hiya.
                Sunod na bumaba ang dalawang lalaki na sa tantiya niya ay nasa seventeen ang edad. Magkamukhang-magkamukha ang dalawang lalaki. Naisip niya na ito ang kambal na kapatid ni Vin. Ang isa ay may kargang bata na sa tingin niya ay naglalaro sa tatlo o apat ang edad. May dalawa pang bumaba. Hinintay niya na may bumaba pa ngunit wala na.
                Nagtataka siyang bumaling kay Lola Fe. "Lola, saan na po `yong papa ni Vin?"
                Tinitigan siya nito saka ang ina ni Vin. Bumaling siya sa huli. "Saan na po?"
                "`Wag nating pag-usapan `yon dito. Nasaan ba ang sakayan dito? Gusto ko ng umuwi."
                "Sa akin po kayo sasabay. May dala po akong kotse." Magalang niyang kinuha ang dala nitong bag at sa tabi na maleta. "Dito po," aniya saka sila nagtungo sa kotse niya na nakaparada sa hindi kalayuan.
                Pagdating doon ay agad niyang pinasakay ang mga ito at iniuwi sa bahay na binili ng daddy niya para sa kanila ni Vin. Isa ang bahay sa sorpresa niya kay Vin sa monthsary nila. Doon sila titirang dalawa hanggang sa tumanda sila. Kaya rin niya pinaaga ang pag-uwi nina Lola Fe dahil sorpresa rin niya iyon kay Vin. Isa pa ay gusto niyang makita ng mga ito ang gagawin niya pagsapit ng araw na mahalaga para sa kanila ni Vin.
                "Maganda ang bahay na to, Joen. May kalakihan pero tama lang sa inyong dalawa ni Vin," ani Lola Fe.
                "Talagang sigurado ka na sa anak ko?" tanong ng mama ni Vin.
                Agad siyang tumango. "Talagang sigurado po ako sa anak niyo, tita."
                Hindi ito tumugon saka niyaya ang anak ng mga ito para pumasok. Naiwan naman ang kambal at si Lola Fe.
                "Siyanga pala Joen, ang mga apo ko pala ang dalawang ito. Sila talaga ang panganay kong apo kay Fely. Ito si Hyde at `yan naman si Clyde."
                "Nice meeting you two." Nakangiti niyang sabi.
                "Sigurado ka na ba kay Kuya Vin?" tanong sa kanya ni Hyde. Napansin niya mahinhin ito para sa isang lalaki, samantalang ang kakambal nito ay may pagka-brusko ang dating.
                "Kailangan pa bang itanong `yan, Hyde? Tingnan mo naman ang bahay na `to. Ang gara at maganda. Ang swerte nga ni kuya sa kanya eh. Siyempre swerte rin siya kay kuya."
                Isang masamang tingin ang ibinigay ni Hyde kay Clyde.
                Napangiti siya sa sinabi ni Clyde.
                Sa dalawa, napansin niya na may pagka-suplado si Hyde. Si Clyde naman ay may pagka-happy go lucky katulad niya.
                Nagpaalam na sa kanila ni Lola Fe ang dalawa ng dumating ang mama ng mga ito.
                "Mag-usap tayo Joen," seryosong sabi ng mama ni Vin.
                "Sige po. Bago po `yon, pwede ko po ba kayong tawagin ng tita?"
                Tumango ito. Pareho silang bumaling kay Lola Fe nang magpaalam na rin ito.
                "Hindi naman ako tutol sa relasyon ng anak ko pero bilang ina ay hindi ko maiwasan ang mangamba para sa anak ko, Joen. Gwapo ka, totoo kang lalaki. Nangangamba lang ako na baka pagdating ng panahon ay maiwan na lang ang anak ko na umiiyak dahil sa `yo. Gaano ka ba kaseryoso sa kanya? Gaano mo ba kamahal ang anak ko? Alam mo kasi, kahit na hindi ko tunay na anak si Vin ay ako pa rin ang mama niya. Gusto kong makasigurado na mahal mo siya."
                "Mahal na mahal ko po siya. Mahal ko siya dahil mahal ko siya. Pakiramdam ko nga po, kapag nawala siya sa tabi ko ay hindi na ako mabubuhay. Alam ko pong OA na pakinggan pero iyon po ang nararamdaman ko. Hindi ko po sasaktan si Vin, dahil kung gagawin ko iyon ay para ko na ring sinaktan ang sarili ko."
                "Masaya ako sa mga narinig ko. Sana hindi ka magbago kahit na may malaman ka sa kanya. Bagay na hindi naman dapat nangyari sa anak ko."
                "Kahit ano pa po `yon ay hindi ako magbabago Mahal ko siya. Kaya ko siyang panindigan."
                Sa kauna-unahang pagkakataon ay ngumiti ito. Doon lamang siya nakahinga nang maluwang.
                "Iyong tanong mo pala kanina," anito. "Sasagutin ko na."
                "Sige po."
                "Wala dito ang papa ni Vin dahil ang totoo niyon ay patay na siya. Kaya umuwi ang mama ko sa amin dahil doon. Hindi totoo na may patay kaming kamag-anak dahil ang ama talaga ni Vin ang namatay dahil sa tuberculosis. Hindi naman lingid siguro sa `yo na matakaw iyon sa bisyo. Bisyo na naging dahilan ng pag--."
                "Fely, hinahanap ka na ng anak mo," sabi ni Lola Fe na nagpatigil sa pagsasalita ni Tita Fely.
                Agad naman itong tumalima. "Sige, Joen. Maiwan na kita dito."
                "Umuwi ka na rin Joen sa inyo. Alagaan mo si Vin."
                "Sige lola pero  bago po tayo umuwi ay may ipapakausap ako sa inyo."


PAGKATAPOS ni Joen magpaalam kay Lola Fe ay dumiretso siya sa loob ng mall para magtungo sa jewelry shop na nagpa-reserve siya ng bracelet. Ngayon na ang mabisang araw para bilhin niya iyon. Tama na ang sweldo niya para doon. Bukod pa sa pagbili ng bracelet ay may ibang accessory rin siya na bibilhin. Ang pera na gagamitin niya para sa accessory na bibilhin ay galing sa allowance na naipon niya. Alam niya na matutuwa si Vin kapag nakita nito ang mga sorpresa niya.
                Nginitian niya ang saleslady. Nakita niya ang reaksyon nito na tila kilig na kilig. "Ano po ang bibilhin n'yo, sir?"
                "Miss, ako `yong nagpa-reserve ng kuwintas dito na may angkla na design. Binilhin ko na sana `yon ngayon."
                "Gnoon po ba sir. Wait lang po," ang pasintabi ng babae.
                Wala pang dalawang minuto ay bumalik na ang babae. "Heto po ba `yon," anito sabay pakita sa kanya ng bracelet.
                Tumango siya. "`Yan nga po. bibilhin ko na `yan."
                "Ang swerte naman ng girlfriend n'yo, Sir. Ang gwapo niyo na tapos galante pa. Wala nang hahanapin pa." Pamumuri nito.
                Napangiti na lang siya. Kung alam lang nito na hindi girlfriend ang mayroon siya kundi boyfriend. "Mas maswerte ako sa kanya, Miss," aniya.
                "Alam n'yo po may bumili rin ng katulad nitong disenyo sa inyo. Ipina-reserve din."
                "Talaga."
                "Oho. Cute din `yong lalaki kaso may kasamang dalawang malanding bakla."
                Natawa na lang siya. pagkatapos niyang bayaran ang bracelet ay pumili naman siya ng isang accessory. Iyong magkapares. Nang makapili ay agad niya iyong binili. Nagpaalam na rin siya sa saleslady.
                Nasa loob na siya ng kanyang kotse ng tawagan niya si Vin. Nakatanggap kasi siya ng tawag mula sa daddy niya kanina na hindi ito pumasok.
                "Hindi ka daw pumasok sabi ni dad. May sakit ka ba Vin ko?" Nag-aalalang tanong niya.
                "Wala akong sakit. Hindi lang talaga ako pumasok dahil may importanteng bagay akong ginawa."
                "Bakit hindi mo sinabi sa akin? Sana nasamahan kita na gawin ang importanteng bagay na `yan."
                "`Wag na. Maiistorbo pa kita, saka may trabaho ka. Bawal kang um-absent dahil may bibilhin ka, hindi ba?"
                "Nabili ko na kahapon Vin ko." Pagsisinungaling niya.
                "Bakit hindi mo sa akin sinabi? Sana nasamahan kita." Napangiti siya, kahit na hindi niya ito nakikita ay parang nakikita niya ang pagkunot ng noo nito.
                "Katulad ng rason mo ay ayaw kitang maistorbo. Saka sikreto `yon. Binili ko kahapon `yong regalo ko sa `yo."
                "Ganoon ba, Joen ko, `wag na muna tayong magkita. Sa monthsary na lang natin tayo magkita."
                "Ano?!" Gulat niyang reaksyon. KInalma niya ang sarili saka nagsalita. "Ano ba ang ibig mong sabihin? Para mo naman akong papatayin sa ipapagawa mo sa akin."
                "Ang cheesy mo. Tatlong araw lang naman eh. Sige na, para ma-miss natin ang isa't-isa. Paghahandaan ko ang araw ng monthsary natin."
                "Grabe ka naman. Sige na nga para `wag ka lang magtampo." ANg sabi niya kahit na hindi siya sang-ayon sa gusto nitong mangyari.
                "Salamat Joen ko. I love you. I miss you."
                "I love you din. Miss na din kita. Humanda ka sa akin sa araw ng monthsary natin."
                "Paghahandaan ko `yan. Pero walang pasok pa rin."
                "Aye aye sir." Masaya niyang sabi. Tinapos na rin niya ang tawag.


PRESENT TIME


ISANG maluwang na ngiti ang nasa labi ni Joen habang naghahanda siya ng damit na susuotin niya para sa pagkikita nila ni Vin mamaya. Walang kaalam-alam ang kasintahan niya sa mga sorpresang inihanda niya para dito. Kahit siya ay excited rin sa posibleng maging reaksyon nito.
                Nang makapili na siya ng damit na kanyang isusuot ay inilapag niya iyon sa kama niya. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Lola Fe. Tumawag siya para kamustahin ito sa preparation nila para sa monthsary nila ni Vin mamaya. Monthsary na hindi eksakto sa petsa ang celebration dahil na rin sa pagpapagaling ni Vin. Ang dapat sanang pagtutulungan nilang preparation ay hindi naman nangyari dahil pinigilan niya si Vin na tulungan siya. Ang rason niya ay under recovery stage pa ito at bawal pang magkikilos. Mabuti na lang at pumayag ang lalaking mahal niya at hindi na nagreklamo pa.
                Ang alam ni Vin ay simpleng salu-salo lamang ang mamagitan sa pagitan niya at ng daddy niya. Kasama rin nila ang Kuya Arkin nito. Speaking of Kuya Arkin, nagkasundo na sila nito. Humingi ito sa kanya ng tawad para sa mga sinabi nito na malugod naman niyang tinanggap kahit hindi naman nito iyon dapat gawin. Naiintindihan niya rin kasi ang pinanggagalingan nito.
                Napailing na lang siya. Sinong mag-aakala na ang katulad niya na takaw-gulo noon at madaling uminit ang ulo sa mga simpleng bagay ay magiging maunawain at mabait. Wala siguro dahil kahit siya ay hindi niya alam na magiging ganito siya. Isa lang naman kasi ang taong dahilan ng pagbabago niya at iyon ay si Vin.
                Ngayon na monthsary nila ay tutuldukan na niya ang relasyon nila. Gusto niya na mas humigit pa doon ang relasyon nila ni Vin. Siguro, iisipin ng iba na masyadong mabilis ang isang buwan at mahigit para tumaas na sa ilang lebel ang relasyon nila ni Vin. Pero wala naman iyon sa oras. Sa buwan, sa linggo o kaya sa taon. As long as na masaya siya kasama si Vin ay magiging makabuluhan ang araw-araw niya. Hindi siya magsasawa na kasama ito. At ayaw na niyang malayo pa ito sa kanya.
                Hindi na siya papayag.
                Kinuha niya ang kanyang cellphone na ipinatong niya sa kama pagkatapos niyang tawagan si Lola Fe. Tatawagan niya si Vin. Ilang ring at mula sa kabilang linya ay narinig niya ang boses ng taong mahal niya.
                "Natawag ka?"
                "Na-miss lang kita," nakangiti niyang sabi.
                Narinig niya ang pagtawa ni Vin. Tawa na nagbigay ng kasiyahan sa puso niya.
                "Hindi mo ba ako na-miss? Vin ko?" Kunyari ay nagtatampo niyang sabi.
                "Siyempre na-miss din pero masyado naman `atang maaga na ma-miss mo ako. Magkasama pa lang tayo kahapon."
                "Ganoon ako eh. Ganoon kita na-miss."
                "Ewan ko sa `yo Joen ko. Iniistorbo mo ako sa pag-aayos ko."
                "Bakit? Nag-me-make up ka ba?"
                Muli, tumawa ito. "Hindi ako mag-me-make up. Umayos ka nga. Ibig sabihin ko d'un ay naghahanda ako ng damit na susuotin ko. Ayoko namang magmukhang hindi nag-effort mamaya na magkikita tayo. Unang monthsary natin. Dapat magpasikat din ako sa `yo."
                "Hindi na `yon kailangan kasi sikat ka na sa puso ko."
                "Ang cheesy mo. Lalaki ka ba talaga?"
                Natawa siya. "Parang hindi na nga eh. Parang alanganin na rin ako dahil sa `yo."
                "Okay lang. Mahal naman kita. Kahit ano ka pa ay mahal kita."
                "Ang sarap namang pakinggan niyon. `Wag kang magsawa na sabihin sa `kin kung gaano mo ako kamahal, ah."
                "Hinding-hindi. Sige, ba-bye na Joen ko. Magkita na lang tayo mamaya. Mag-iingat ka. I love you ulit."
                "I love you rin. Para sa `yo mag-iingat ako. Sige, Vin ko, kita na lang tayo mamaya."
                Nang ma-end call na ni Vin ang tawag niya ay ilang saglit pa siyang napatitig sa cellphone niya.
                Sana ay mapasaya niya si Vin sa sorpresa niya dito mamaya.


HINDI mawala-wala ang ngiti sa labi ni Vin kahit na kanina pa tapos ang tawag sa kanya ni Joen. Sobra siyang masaya. Excited rin sa pwedeng mangyari mamaya sa celebration nila ng monthsary nila. Monthasary na hindi naman eksakto sa petsa ng araw ng monthsary nila dahil nga sa nagpagaling muna siya. So far ay hindi na pansin ang mga pasa niya. Mahigit isang linggo na rin ang nakakalipas mula ng mangyari sa kanya ang pambubugbog ni Marco.
                Excited na siya para sa araw na ito. Sobra. Kung may pakulo rin si Joen, siyempre ay hindi siya pahuhuli dito. Excited na rin siyang makita ang magiging reaksyon nito kapag nakita nito ang regalo niya na sadyang pinag-ipunan at pinaglaanan niya ng oras para mabili lang para kay Joen.
                Ilang oras na lang at i-se-celebrate na nila ni Joen ang unang monthsary nila. Wala siyang ideya kung saan siya dadalhin ng boyfriend niya. Ang plano nilang magtutulungan silang dalawa sa paghahanda ay hindi natuloy dahil inako lahat ni Joen ang mga gagawin. Hindi na rin siya nagreklamo dahil lahat ng sinabi nito sa kanya ay may punto.
                Nasa recovery stage pa rin siya kasi ng mga panahon na iyon. Hindi pa masyadong magaling ang mga natamo niyang pasa mula sa pambubugbog sa kanya ni Marco kaya hindi na siya pinatulong ng mahal niya. Sobrang pag-iingat ang ginagawa nito sa kanya. Hindi na nga siya nagreklamo pa at pumayag na lang. Nagsampa siya ng kaso laban sa lalaki. Ayaw na sana niyang gawin iyon pero mapilit si Joen.
                Masaya siya dahil magkasundo na rin si Joen at ang Kuya Arkin niya. Wala na siyang magiging problema sa dalawa.
                Wala na rin siyang sekreto na tinatago kay Joen. Lahat ng mga sekretong itinatago niya ay nalaman na nitong lahat. Sa iba't-ibang pagkakataon nga lang nito nalaman. Salamat at natanggap nito ang madilim na sikreto niya na muntikan niyang ikapahamak noon. Ngayong alam na nito ang lahat sa kanya ay handa na siyang ibigay dito ang lahat. Sasandalan at kakapit siya sa mga pangako nito na sinabi sa kanya. Panghahawakan niya iyon.
                Inihanda niya ang sarili.
                Naligo na siya. Pagkatapos ay nagbihis at sinigurado na magiging presentable siya sa harap ng taong mahal niya. Eksaktong katatapos pa lang niyang maglagay ng pabango ay narinig niya ang busina ng sasakyan ni Joen. Kasunod niyon ay ang katok sa gate nila.
                Napangiti na lang siya. Kumakatok si Joen pero papasok rin naman ito. Hindi nga siya nagkamali dahil narinig niya ang pagkatok ni Joen sa pintuan ng kwarto niya. Kasunod ang boses nito.
                "Ready ka na ba, Vin ko."
                "Ready na po," aniya sabay bukas sa pintuan.
                Tumambad sa kanya ang gwapong-gwapo na si Joen. Naka-brush up ang may kahabaan na nitong buhok. Casual lamang ang suot nito ngunit bumagay iyon dito. Marunong talaga itong magdala ng damit. Katulad rin niya ang porma ng suot nito.
                "Ang gwapo mo," sabi niya, sabay lapit dito at hinalikan ito sa labi. Mabilis lamang iyon.
                "Salamat. Matagal ko nang alam na gwapo ako kaya ka nga nagkagusto sa `kin."
                Hindi na siya kumontra. Tama naman ito.
                "Gwapo ka rin sa suot mo, rather maganda."
                "Baliw. Okay na sa `kin ang gwapo," nakangisi niyang sabi.
                "Alis na tayo."
                "Okay."
                Pagkalabas niya ng kwarto niya ay inilahad nito ang kamay. Inabot niya iyon. Magkahawak na sila ng kamay habang naglalakad palabas ng bahay nila.

                Wala na talaga siyang mahihiling pa. Kontento na siya na kapiling si Joen.

13 comments:

  1. mr. author,
    ang galing po, pero wag sana tapusin agad, pwedi po habaan ang story gusto ko sana masasaktan c vin, i mean dadaan ang relastion nila s matinding daguk, like c joen ma tempt s other girl gusto ko po makitang luhaan c vin, until malalayo ang loob ni vin ky joen, and ma realize ni joen na mali ang nagawa nya and to win d heart of vin he undergo s mga circumstances,
    gusto ko po kasi pag nagbabasa ako i cnt take my tears fell,..
    un lang po.
    tanx.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kuya, pasensya na po at patapos na talaga to..

      ayoko ng madrama na story kasi madadala ako kapag ganoon..

      thank you po sa pagbabasa!!

      Delete
  2. Naka inlove tlgaa ung story next chapter agad author......galing mo tlga


    jay_05 😄

    ReplyDelete
    Replies
    1. medyo wala pa ang ending.. nawawaley-an pa ako eh.. hintay-hintay lang po..

      salamat sa pagbabasa!!

      Delete
  3. Hmmm mukhang patapos na talaga hay mamimiss ko talaga tong story na to.

    ReplyDelete
    Replies
    1. patapos na nga po siya talaga..

      sunod na ba agad ang next chapter??

      wag na muna.. hahaha..

      salamat sa pagbabasa, Angel!!

      Delete
  4. ahhh. how sweet :)

    Az

    ReplyDelete
  5. tnx s upd8 sir, first time q mgcomment.. Isa s pnkmagandang story d2 s msob, hndi oa kya inaabangan q tlga ito..more power!

    ReplyDelete
  6. Waaaaaaaaah! Bitin! May layout na ako nung BOMH! Wala pang background e. :)

    ReplyDelete
  7. Bitin. Kainggit lang ang lovelife ni vin.

    -hardname-

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails