BEAT OF MY HEART
Vienne Chase
...Iminulat niya ang mata para tingnan
kung sino ang taong magsisilbing tagapagligtas niya. Nakita niya ang isang
batang lalaki na hindi nalalayo ang laki sa nambu-bully sa kanya. Natuwa ang
batang puso niya.
"Anong pakialam mo?! `Wag kang
eeksena dito bata," pasigaw na sabi ng bully sa tagapagligtas niya.
Hindi man lang niya nakitaan ng sindak
ang mukha nito. "Nakikipag-away ka sa hindi mo ka-level! Mayabang ka lang
porke't alam mo na kaya mo sila. Ako ang kalabanin mo."
Nagsimulang magpalitan ng suntok ang
dalawa. Sa huli ay nanalo ang tagapagligtas niya. Tumakbo naman palayo ang
bully.
Lumapit sa kanya ang lalaki.
"Okay ka lang?" tanong
nito.
"Hindi," sagot niya sabay
tingin sa tuhod na may sugat.
Napaiyak siya dahil sa pag-aalala sa
posibleng maging reaksyon ng mama at lola niya sa sugat niya. Alam niya na
hindi siya sasaktan ng lola niya pero pagdating sa mama niya ay ibang usapan na
iyon.
"Uy, `wag ka nang umiyak. Wala
na nambu-bully sa `yo. Okay na."
Hindi pa rin siya natigil
Nagulat na lang siya sa ginawa ng batang
lalaki sa kanya.
Hinalikan siya nito sa pisngi sunod
sa kanyang labi. Natigil siya sa pag-iyak. Natutok ang kanyang paningin sa
mukha nito.. kahit na musmos pa lang siya ay nakadama na siya ng kung anong
saya sa puso niya.
"Nakadama na siya ng kung ano sa
puso niya," nasambit ni Vienne. Napabuntung-hininga na lang siya. Noon pa
pala ay may pagtingin na talaga siya sa bestfriend niya. Ang paghanggang
nadarama niya kay Brax ay naging full-blown na pagmamahal ng higit pa sa
kaibigan dahil sa pagkakalayo nilang dalawa. At mas lalo pang sumisidhi iyon sa
pagdaan ng mga araw dahil sa mga bagay na ipinapakita sa kanya ng mahal niyang
bestfriend.
Hindi
pala si Ambrose ang first kiss niya kundi si Brax. Pero counted ba iyon?
Masyado pa silang bata para masabi na una niyang halik ang kaibigan. Wala
silang kamuwang-muwang sa mundo noong mga bata pa sila.
"Bakit mo ginawa `yon?" Gulat
niyang tanong.
"Ang sabi kasi ng mama ko.
Nawawala daw ang sakit kapag kinikiss mo ang taong iumiiyak, kaya iyon kiniss
kita. Wala na bang masakit sa `yo?"
Napailing siya. "Wa-wala na,"
pagsisinungaling niya kahit may kirot pa siyang nadarama mula sa sugat niya.
"Ano pala ang pangalan
mo?"
"Alvienne Santos. I-ikaw?"
"Brax Garcia," nakangiting
sagot nito. "Mula ngayon, Vienne. Ako na ang tagapagtanggol mo. At
bestfriend na rin kita."
Sa sinabi nitong iyon ay natuwa ang
puso niya. Hindi siya tatanggi sa gusto nitong mangyari. Kung iyon nga ang kaso
ay may sasandalan na siya at maaasahan tuwing nangangailangan siya ng tulong...
Ang ganda ng umpisa. Keep it up Mr Author. God Bless You.
ReplyDeleteWAAAAAAAAAAAAH!
ReplyDeleteWoah! Author this looks promising! I'll really wait for this! Namimiss ko na story mo author!
ReplyDeleteUpdate na yan!
ReplyDeleteAsan n and chapter 1 Ipost n agd tan now n plsssssssss
ReplyDeleteLike
ReplyDeleteWalang nagupdate today:(
ReplyDeletepalagay ko, mahu-hook ako s story na ito.
ReplyDeleteWaaaaahhh. Simulan na yan!!
ReplyDelete-hardname-