AUTHOR'S NOTE: Maraming
salamat muli sa lahat ng nagbabasa sa akda ko na ito. Ito'y isang mahabang
update guys! :D
Ako ay natutuwa sa buhos ng comments sa
dashboard ng Chapter 6. I thought, si Vienne Chase lamang yung nagcomment dun.
Haha. And dahil sa pagkagulat ko, napa-O na naman yung bibig ko. Nyahahaha. I
love you guys! Napasaya niyo na naman ako. :D
Maraming salamat pa rin kila Kuya Ponse
at Kuya Mike sa patuloy na pagbigay ng opportunity sa pagpost ng akda ko na ito
dito sa blog. Thank you so much po!
Kay Babe, na inspirasyon ko. Toinks!
Dahil sa kanya, hindi ako nakakapagsulat. Nyahahaha. Joke Babe! :D
Humihingi ako ng tawad sa aking mga
kaibigang sila Vienne Chase, CarlosBlue Rose at Jace Aljayu, dahil hindi ko pa
rin mabasa yung mga akda nila. Wala pa rin kaming internet!! Pati na rin doon
sa Final Requirement ni Gio Yu! Hayst! Kelan kaya nila aayusin to? Kainis!
Kay K! aka GREEN na grabe kung kelegen.
Grabe! Haha. Thank you!
Sa aking kaibigan na si JIM XD, na
nagpapabati. O ayan? Haha. Kausapin mo na si Kuya Ponse tungkol sa ipopost mong
story. :D
Kay Ei Ji, na liker ng mga post ko. :D Sino ka nga sa Blogger? :D
Kay BHARU na unang nagcomment! Yay!
Don't worry, ikaw na rin naman nagsabi na, kapag may lungkot, may darating din
naman na saya.
Kay ALFRED OF T.O., I don't know kung
meron na, gawa lamang ito ng aking imahinasyon. Kaya PEACE! Kung
pinahahighblood ko kayo. Nyahahaha. Okay na okay lang sa akin na tawagin mo
akong RYE. No problem!
Kay MARVS na nahihilo ata sa
komplikasyon na nagaganap. Haha. Let’s see what will happen next sa mga to.
Haha.
Kay GEOLOGY STUD. Teka? Sino ka?
Friend ba kita sa Facebook? Naiintriga ako eh. Haha. Salamat sa pagtatapos ng
pagiging SILENT READER mo. Haha.
Kay ANGEL, sorry talaga kung
natagalan ako dun ha? Hehe. Bumawi na naman ako ng bongga di ba? Hehe. About
Eli’s past, I’ll think about it, hindi ko pa talaga alam kung ilalagay ko ba or
sa separate story. Hindi natin alam.
Kay JIHI NG PAMPANGA, oo nga no?
Pero, sabi nga nila, pagkatapos ng lungkot, may saya pa ring darating. Magiging
masaya na siya, magugulo lang ang utak niya dahil sa pag-ibig. Nyahahahaha.
Kay PRINCE JUSTIN, speechless ka ata
ngayon Red? Haha.
Kay KRVT61, sorry brother. Tahan na.
Tapos na ang malulungkot na araw.
Kay JOHNNY QUEST (CALLE ASO),
Maraming salamat! Wag nan gang SER! Haha! Rye na lang.
Kay YELSNA
REYES, walang-anuman.
At sa
dalawang ANONYMOUS, pakilala kayo next time ha? Kahit codename lang. Para naman
mamention kayo dito. Thanks for reading, though!
Don’t
forget to leave your comments guys!
If may
time pa kayo, dun sa hindi pa ako friend at hindi pa group members, feel free
to add!
Ayan! Enough for the ‘greetings’. Sooo! Heto na siya! Chapter 7, enjoy guys!
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters,
businesses, places, events and incidents are either the products of the
author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual
persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
LOVE
IS…
Rye Evangelista
theryeevangelista@gmail.com
CHAPTER VII
Red’s
POV
Nakatayo
kami ngayon sa puntod ng Ate Karisma at Kuya Terrence ni Riel. Katabi nito ang
puntod ng mga magulang niya. Nakiusap kasi si Riel na dito na rin lamang
ilibing ang kanyang kapatid at ang Kuya Terrence. Mabuti naman at maunawain ang
pamilya Chua.
Tahimik
lamang si Riel habang hinahaplos ang lapida ng kanyang Ate Karisma at ng mga
magulang.
Nasa
iisang puntod kasi ang mga magulang nito, katabi naman ang nasa iisang puntod
din ng magkasintahan, alinsunod sa hiling ni Riel.
Humihikbi
pa rin ito simula nang tuluyan ng tabunan ng lupa ang kabaong ng magkasintahan.
Riel is
strong. I know he is. Nakayanan niya nga lahat ng palpak kong plano just to be
noticed. Yung pagkawala ng mga magulang niya. I know he’ll get through all of
these.
Naiwan
kaming dalawa rito sa sementeryo dahil sa hiling na rin ni Riel. Actually siya
lang dapat ang maiiwan dito, but I insist to accompany him. Even Brett didn’t have
the will for me to leave Riel here alone. Pero, di alam ni Riel na nandito pa
ako.
Hangga’t
maaari, ayokong mag-isa siya. Depressed people are almost like that. Kapag
nag-iisa, maraming naiisip na mali. I know Riel would not do that, gusto ko lang
makasiguradong maayos ang kalagayan niya.
Call me
overprotective, but I will never let Riel do wrong things.
Napapraning
lang siguro ako, basta! Gusto ko naman tong ginagawa ko.
Dumistansya
lamang ako sa kanya, dahil alam kong kailangan niya talagang mapag-isa ngayon.
“Ma… Pa…
Ate… Paano na po ako ngayon?” Aniya. Umiiyak din ito sa pagitan ng pagsasalita.
Naaawa
ako sa kanya. Hindi ko mapigilan, kahit nakiusap siya saamin ni Brett, na huwag
siyang kaawaan. That he’ll get through these. Pero, I can’t help it. Seeing him
in this situation is unbearable. Gusto ko mang daluhan siya, pinigilan ko ang
aking sarili sa pangakong binitawan ko sa kanya.
Iyak lang
siya ng iyak. Nakatanaw lamang ako sa kanya.
“How is
he?” Saad sa aking ng isang pamilyar na boses. Napalingon naman ako sa aking
likuran. At hindi naman ako nagkamali.
Ang
kambal.
“Bakit
kayo nandito?” Medyo pagsusuplado ko.
“Gusto
lang naming ipaabot ang pakikiramay namin kay Riel.” Mahinahong paliwanag ni
Eri. Tumango naman ako sa kanya. Actually, okay lang saakin kung siya lang ang
pumunta.
Ibinalik
ko na lamang ang aking tingin kay Riel. He’s still on his knees, caressing the
graves of his family. Umiiyak pa rin.
“Masaya
ka na sana. Ulila na talaga si Riel. Di ba yun, yung ipinamukha mo sa kanya?”
Walang-lingon kong saad sa hangin. Mababakas dito ang diin. Alam naman ng
dalawa kung sino ang pakay ko sa mga salitang yun.
“I’m
sorry.” Paghingi niya ng tawad.
“Sorry?”
Nag-igting ang aking bagang. “Bakit mo sa akin sinasabi yan? Sa akin ka ba may
kasalanan?” Dagdag ko.
“Hindi ko
naman intensyon na masabi yun sa kanya. Nainis lamang ako’t hindi siya
tinatamaan ng pang-aasar ko.” Saad niya.
Nakayuko
lamang sa tabi niya ang kapatid.
“Eh
putang-ina! Nagawa mo na!” Napalakas na ang boses ko. Napabalikwas naman sa
kinatatayuan si Eri. Napatingin tuloy ako sa kinaroroonan ni Riel. Buti hindi
niya ako narinig. “Sana man lang kinilala mo muna siya, bago ka nanghusga di
ba?” Pinigilan ko na ang sarili ko sa pagsigaw.
Oo,
binully ko si Riel. Pero that’s on purpose. At ni isang beses, hindi ko siya
inakusahan ng kung anu-ano.
Tanging
tango na lang ang naisagot nito sa akin.
“You
better ask him for apologies. I don’t know kung tatanggapin niya, pero subukan
mo. Hindi mo dapat sa akin sinasabi yan lahat.” Dagdag ko.
Tumango
naman ito bilang tugon muli sa akin.
“Uhm.
Iiwan na lang namin to sayo.” Ani Eri sabay abot sa akin ng bulaklak na nasa
basket. “Pakicondolence na lamang kami. We’ll talk to him na lang sa school.”
Dagdag niya.
Inabot ko
naman ito sa kanya. “Salamat. Sasabihin ko sa kanya ang inyong pakikiramay.”
Saad ko.
Nagpaalam
naman na yung dalawa sa akin.
Sa aking
pagbabalik tanaw sa kinaroroonan ni Riel, nakatayo na ito.
Oras na
siguro para lapitan siya.
Riel’s
POV
Nagulat
na lang ako sa pagsulpot ni Red sa tabi ko. Mabuti na lamang at humupa na ang
pag-iyak ko.
“Oh,
andito ka pa pala?” Tanong ko sa kanya.
Tanging
tango lamang ang isinagot nito sa akin.
“Ito o,
bigay nila Eri at Eli. Condolence raw.” Sambit niya kasabay ng pag-abot nito sa
akin ng nasa basket na mga bulaklak. Agad ko naman itong kinuha at inilapag sa
gitna ng puntod ng mga magulang ko at nina Ate Karisma at Kuya Terrence.
“Nasaan
sila? Sana nakapagpasalamat man lang ako.”
Napailing
naman ito sa tanong ko. “Umalis na. They think you will be needing time. Kaya
sa school ka na lang daw nila kakausapin kapag okay ka na.” Saad nito.
Napatango
na lang ako.
Ibinuhos
ko na ang lahat ng sakit na nadarama ko kanina. Salamat na rin at nakapag-isa
ako matapos ang libing.
“Okay na
ako.” Saad ko sa kausap ko habang nakatingin pa rin sa puntod ng pamilya ko.
Nakatingin
lamang ito sa akin. Tinatanya lahat ng aking sasabihin.
“Salamat
Red, for always being there when I needed.” Napabuntong-hininga pa ako.
Nakikinig lamang ito sa akin. Napatingala ako sa langit. “Kahit mahirap,
kakayanin ko. Basta andyan kayo. Si Brett, mga kaibigan ko… at ikaw… I think,
mapapadali ang pag-ahon ko.” Ito naman ang gusto nila Mama, Papa, Ate Karisma
at Kuya Terrence na gawin ko.
Nadama ko
lang ang isang haplos sa aking likod.
Napatingin
naman ako sa kanya.
Pano nga
ba niya ako naintindihan agad? He’s my mortal enemy back then. Pero ito siya
ngayon, doing his best just to comfort and make me feel that he’s always here
for me.
“Narito
lang ako lagi. Yan ang pakakatandaan mo.” Saad nito. Isang matamis na ngiti ang
kasunod nito.
Ewan ko
nga ba. Tuluyan ko na ngang napatawad ang isang Jared Isaiah Ariola. Mukhang
totoong nagpapansin lang siya sa akin back then. I’ll ask him some other time.
Napangiti
na rin lamang ako sa nakikita ko. Maswerte ako’t nakita ko ang side niyang ito.
Hinatid
lamang ako ni Red sa bahay pagkatapos ng mahaba-haba kong pagmuni-muni sa
sementeryo. Pagkarating ko noon sa bahay ay nadama ko kaagad ang pangungulila
sa aking pamilya. Ulila na nga akong lubos. Parang napakalaki ng bahay na ito
para sa akin.
Hindi na
ako makaiyak noon, halos naibuhos ko na doon sa sementeryo. Kaya’t wala na
akong nagawa kung hindi ay ang matulog na lang.
Kinabukasan,
dama ko pa rin ang katotohanan na mag-isa na ako sa buhay. Magpapakatatag na
lamang ako. Gagawin ko lahat ng sinabi sa akin ni Ate, though I’m not sure if
that dream was true. Kasi meron naman talagang ganun di ba? Someone’s talking
to you inside your dreams. Naniniwala pa naman ako sa kaluluwa’t mga engkanto.
Pero hindi naman ako takot. Medyo lang. Lols!
Natawa na
lang ako sa aking mga iniisip. Ito ang tama, I need to move-on with my life para
maabot ko ang mga gusto ko. I can support myself na naman, siguro. Maghahanap
na lang ako ng part time jobs, kung kakayanin. Nag-offer sana ang pamilya ni
Kuya Terrence ng assistance, pero tinanggihan ko iyon. Nakakahiya kasi.
I know,
that they’re just concern about my life after what happened, pero sabi ko sa
kanila na ako na lamang ang gagawa ng paraan. Scholar naman ako, kaya ang
poproblemahin ko na lang ay ang kakainin ko araw-araw, baon, pambayad ng
kuryente’t tubig at mga karagdagang gastusin sa paaralan. Magtitipid na lang
siguro ako. Basta raw kapag walang-wala ako, nariyan lamang daw sila’t handang
tumulong sa akin.
Linggo
ngayon, 10 days din akong hindi nakapasok buhat nang mangyari lahat. 2 weeks na
lang at prelims na namin. Ang dami kong namiss na lessons, pero dahil best
friend ko si Brett, nabigyan ako ng kopya lahat ng mga naituro noong wala ako.
Napaka-thoughtful talaga nitong best friend kong ito. Sino ba ang hindi
mahuhulog ang loob sa kanya?
Hayst!
Heto na naman ako. Erase! Erase! Move on na nga ako! May Brett at Red na
bumabagabag sa isipan ko. Pero about that, di na pwede ang best friend ko.
Haha.
Pumunta
na lamang ako sa simbahan pagkatapos kong maligo. Bibisita ako sa sementeryo.
Magiging hobby ko na siguro ang pagpunta doon.
Taimtim
akong nagdasal nang magsimula ang misa. I’ve lift all my worries, and fears sa
magiging buhay ko na ngayon. I know that He has reasons for all of these. Kaya
gaya ng sabi ni Ate sa akin, I won’t blame Him. I’ll still believe that things
happen for a reason.
Pagkatapos
ng misa dumiretso na ako sa sementeryo. Bumili ako ng isang bouquet ng bulaklak
at apat na kandila.
“Ma… Pa…
Ate… Kuya…” Napabuntong-hininga ako. Namumuo na naman kasi yung luha sa gilid
ng mga ko. “Sana kayanin ko ‘to ‘no?” Dagdag ko. Nakaupo ako ngayon sa pagitan
ng dalawang puntod. Maayos na kasi yung puntod nila Ate. May Bermuda grass na
ito gaya ng kila Mama at Papa.
*Riiiiiiiiiiiiing… Riiiiiiiiiiiiing…
Riiiiiiiiiiiiing…
Agad kong
kinuha ang cell phone ko sa aking bulsa. Sino kaya to? Nagmomoment ako rito eh.
+639123456789 Calling
Huh? Sino
naman tong number na to?
Sinagot
ko na lang.
“Uhm…
hello, sino—“
“Asan
ka?” Tanong ng nasa kabilang linya. May pag-aalala sa boses nito.
“Huh? Nasa
sementeryo. Bakit? Sino-- ito?” Sagot ko. Agad nang naputol ang linya
pagkasagot ko sa tanong niya. Weird naman nitong tumawag sa akin. Di man lang
nagpakilala.
Ibinalik
ko na lang sa bulsa ko yung cell phone ko.
Medyo
pamilyar yung boses, pero di ako sigurado eh.
Kibit-balikat
na lang ako.
Itinuloy
ko na lang ang pagmumuni-muni ko. Nagdala na kasi ako ng makakain for dinner,
balak ko talaga kasing magtagal rito.
Kakagat
na sana ako sa burger na binili ko nang may yumakap sa akin mula sa likod.
Nabigla
ako, muntik pang matapon yung burger. Aish!
“Akala ko
kung ano na ang nangyari sayo.” Medyo garagal na pagkakasambit nito. Teka? Si Red?
Bakit siya umiiyak?
“Huh? Ah…
eh…” Pilit akong bumitaw sa kanya. Ang awkward kaya. Ang dami pang tao ngayon.
Agad akong tumayo. “Ba-Ba-Ba-Bakit ano namang mangyayari sa akin?” Medyo
nauutal kong tanong sa kanya. Ewan ko ba. Naramdaman ko na naman dati yung
yakap niya, pero bakit parang nakukuryente ako kapag nagkakadikit kami.
“Pumunta
kasi ako run sa bahay niyo. Ilang oras din akong kakasigaw dun, pero walang
sumasagot. Kaya napilitan akong kunin ang cell phone number mo kay Brett.
Nag-aalala ako sayo.” Mabilis niyang tugon sa tanong ko.
Namula
ako sa kanyang sinabi. Ano raw? Nag-aalala? Sa akin?
I don’t
know how to react. Haha. Unang beses ko pa lang na masabihan ng ganito ng isang
hindi close sa akin.
Somewhat,
feeling ko, ay lumulutang ako sa saya.
Kung
sabagay, gusto ko naman talaga siya noon eh, na turn-off lang ako sa kanya
dahil sa mga ginagawa niya sa akin. Kaya isinantabi ko na lamang yun.
Gwapo, mas
matangkad sa akin, matalino, maputi, well-built ang katawan dahil sa
pagsa-soccer. Ang daming nagkakandarapa sa kanya, ako lang naman kasi noon ang
ayaw sa kanya. Sino ba kasing hindi siya aayawan sa pinaggagagawa niya sa’yo di
ba? Kahit nga mga kaibigan ko, kahit taliwas sila sa ginagawa niya noon sa
akin, kapag nariyan na siya, instant fan na sila.
“Hey!
Ano?” May pag-aalala pa rin sa boses niya.
“Ah… Eh…”
Nauutal kong saad. I can’t find words to say.
Isang
malaking A-W-K-W-A-R-D ang namamayani sa akin.
Mukhang
bumabalik na muli ang pagkagusto ko sa kanya.
Nakayuko
pa rin ako.
Nagulat
na lang ako ng tingnan niya ako mula sa ilalim dahil sa pagkakayuko ko.
“Bakit ka
namumula? May lagnat ka ba?” Tanong niya. Pero, pansin dito ang pag-ngisi.
Putek!
Nahalata niya ba? Masyado kasi akong obvious! Ano ba yan! That’s always my
weakness!
Napailing
na lang ako. “Wala! Wala!” Natatarantang sagot ko.
Umupo
akong muli sa damuhan para ipagpatuloy ang aking pagkain.
Agad
naman itong tumabi sa akin. “Yan lang ba ang kakainin mo for dinner?” Saad
nito.
Tanging
tango lamang ang naisagot ko sa kanya. Kumuha ako ng isang burger doon sa
plastic at iniabot ito sa kanya.
Napangiti
naman ito sa aking ginawa. Ibang klase talaga tong mokong na to! Nakow! May
alam na to!
“Salamat!”
Masayang sambit nito sabay kuha sa kamay ko ng burger.
Agad niya
naman itong kinain.
Napangiti
ako sa aking nakikitang tanawin. I’ve always wanted to see this side of him.
Kaso nga lang, kapag naunahan na ako ng galit kapag may nagawa siya sa akin,
naglalaho lahat ng iyon. Imbes na yun ang aking gustong mangyari ay isinusumpa
ko na lang agad siya.
Ngayon
siguro ang tamang oras para matanong siya sa mga bagay na gusto kong malaman.
“Uhm…
Red.” Pagkuha ko sa kanyang atensyon.
“Hmmmm.”
Sagot nito. Napatingin ito sa akin pagkatapos nang pagkagat niya sa burger.
“Ah… Eh…
Pu-Pwede bang magtanong?” Putek! Ang gwapo niyang mukha ang nakakapagpautal sa
akin. Syet!
Ang landi ata natin ngayon ah! Saad ng aking pinagsamang malandi at
demonyong konsensiya.
Tse!
Moment ko to! ‘Wag kayong umeksena!
Tumango
naman ito sa akin tanda ng pagpayag.
Napabuntong-hininga
naman ako. Umiwas na lang ako ng tingin at pinagmasdan ang papalubog na araw.
“Di ba
sabi mo nagpapapansin ka lang sa akin, why of all things eh, kailangan pa akong
masaktan?” Lakas loob kong open-up sa kanya.
Natigilan
naman ito sa kanyang pagkain.
Tumingin
ito sa akin. Napansin ko naman ang kanyang pag-aalangan.
Napabuntong-hininga
ito bilang pagsuko.
Nag-iwas
ito ng tingin at bumaling sa papalubog na araw sa aming harapan. Ibinalik ko na
lang din yung tingin ko roon.
“Ah… Eh…”
Napakamot ito sa kanyang batok tanda ng hiya. Ngingiti-ngiti pa ito.
Napangiti
naman ako sa kanyang ginawa. Totoo ngang hindi siya seryoso dun, pero para sa
akin, kasi ako yung nasaktan, sagad sa buto ang galit na naramdaman ko.
“Sorry sa
lahat ng ginawa ko sayo ha? When I first saw you, doon sa party ng kapatid ko,
tanda mo pa ba?” Bumaling siya sa akin.
Tumango
naman ako. Yeah, I remember it, hindi ko lang siya noon pinansin kasi baka
mahalata ako.
Bumaling
siya muli sa papalubog na araw. “Naiinggit ako kay Brett, kasi may kaibigan
siyang katulad mo. Pero, that doesn’t mean na may grudges ako sa pinsan ko. I
felt wanting to have you as a friend… also.”
Huh? Kung
ganun nga, bakit binully mo ako? Hayst! Sige na nga! Para naman makapag-open up
naman siya sa akin. Gusto ko pa rin naman siyang makilala ng lubusan. Ngayon pa
na nagsisimula kami sa maayos na paraan. Hinayaan ko na lamang siya na
magpatuloy.
“I never
want to hurt you or do it that way. Palpak lang talaga lahat ng plano ko.”
Bumuntong hininga siya. Siya ba talaga to? The Great Jared Isaiah Ariola is
talking to me like this?
“Gusto ko
lang na mapansin mo ako. Palagi mo na lang kasi akong iniiwasan, like I do not
exist.” Napayuko siya sa kanyang sinabi?
Ganun ba
kasama ang hindi pagpansin sa kanya? Nahihiya lang naman ako’t baka mahalata
ako. Hindi pa kasi kalat noon na bisexual ako, or should I say, ang alam ng
lahat ay bakla ako. Well, tama naman siya in a way. Being ignored, when in fact
you’re just in front of people, makes you think talaga kung bakit. Pero kung
ang tinutukoy niya ay ang attitude ko after his prank, I did all of it on
purpose, that’s my outlook towards bullies.
“Sorry.”
Naiusal ko.
“Hindi!
Hindi! Wag kang mag-alala, ako lang naman nakaisip non.” Baling niya sa akin ng
atensyon sabay wagayway ng kanyang dalawang kamay tanda ng hindi ko dapat
isipin yun.
“Sa
tuwing lalapitan kasi kita, umiiwas ka. Gusto ko sana yung simple approach
lang, and ask you if we could be friends. Pero bigo ako.” Bumalik lahat sa
aking alaala ang lahat. Kung tutuusin, ako pala ang may kasalanan kung bakit
niya ako binubully or should I say, nagpapapansin sa maling paraan. It’s like
I’m always turning him down, whenever he’s approaching me.
Totoo
lahat ng mga sinabi niya. Naging mailap ako sa kanya. Ano pa nga bang magagawa
ko. Matagal na yun.
“Kaya,
binuo ko ang plano na sa tingin ko makakakuha ng atensyon mo.” Saad niya.
“At yon
ay i-bully ako? Ganun?” Agaran na pagputol ko sa kanya. Tumango naman ito sa
aking tanong.
Napatango
na rin ako. “Pero paano? Imbes kasi na mapansin kita, mas gusto ko pang isumpa
ka. Alam mo ba yun? Kaya, I swear to God na ituturing kitang invisible. Alam ko
mali yun, pero yun ang nararamdaman ko.” Dagdag ko.
“I know.
Pero mali kasi lahat ng outcome pagkatapos non. Gusto ko sanang ako yung unang
dadalo sayo sa tuwing masasaktan ka.” Aniya.
What?!
“Ganun
kayo naging close ni Brett di ba? He’s always there to accompany you. Basta
pagdating sayo, Brett will always do everything. Kahit nga nasa gatherings
kami, isang text mo lang, aalis siya just to see you. I think, sino naman
kasing kaibigan ang tatanggi sa tulad mo? You’re one of a kind. Lahat ata ng
nasa school gusto kang maging kaibigan dahil sa mga katangian mo.” Mahabang
paliwanag niya.
Napangiti
naman ako sa kanyang sinabi. “Pero, hindi naman ako espesyal.” Saad ko.
Napailing
siya. “Oo kaya. Kahit kasi, maraming naiinis sayo sa school, dahil sa isa kang
malaking hadlang sa pambubully nila ay katumbas naman nun lahat ang
nagpapasalamat na may kakampi sila. They’re just scared to approach you. Kahit
nga ako, hindi ko malaman ang gagawin pagdating sayo.”
“Huh?
Ganun ba ako ka-intimidating? Hindi naman ah! Ang dali ko kayang i-approach!”
Medyo nauutal kong saad sa kanya. Napa-flutter masyado ako sa mga sinasabi
niya. Nag-iinit na nga ang pisngi ko.
Natawa
naman siya ng pino.
“Ang cute
mo talaga kapag nagba-blush.”
“Huh? Ah…
Eh…” Natataranta kong sagot. Naitakip ko na lang agad ang kamay ko sa aking
mukha.
Payak
naman siyang natawa.
Ehhh!
Nakakahiya! Ang landi! Napangiti ako
sa aking inaasta.
Mahaba-habang
katahimikan ang namayani sa pagitan namin, although kapag tumitingin ako sa
kanya, nakatungo lamang siya sa papalubog na araw na may ngiti sa kanyang labi.
“So, back
to the matter, ganun lang ba ang rason kung bakit kailangan mo pa akong
i-bully. You can just always approach me sa tamang paraan di ba? Siguro, mas
mapapadali pa ang pagtanggap ko sayo.” Pagbasag ko sa katahimikan nang makabawi
na ako mula sa embarrassment.
Napatingin
naman ito sa akin. “Talaga?” Namamangha niyang tugon.
Boom!
Aish!
Bakit ang gwapo niya?
Landi ko
talaga.
Nag-iwas
ako ng tingin ng mapahaba ata ang pagdodrool ko sa kanya. Tumango na lamang ako
para sa sagot.
Bigla
siyang nalungkot.
Bakit
kaya?
“Sorry
ha?” Saad niya. “Naging duwag kasi ako. Pagkakaibigan lang naman ang gusto ko,
pero dahil sa pagkaduwag ko, nasaktan tuloy kita.” Napatingin ako sa kanya.
Nagtama tuloy ang aming mga mata.
Naestatwa
ako sa aking posisyon. Nakita ko na naman ang sincerity sa kanyang mga mata. No
doubt about it. He’s telling me the truth.
“I’m
really sorry, Riel.” Saad niya.
Napangiti
naman ako sa sinabi niya.
“Apology
accepted!” Masaya kong tugon sa kanya.
Unti-unti
kong nasilayan muli ang matamis niyang ngiti sa labi.
Nagulat
na lang ako nang bigla niya akong yakapin.
Biglang
parang nag-mute ang mundo ko sa oras na yun. Naririnig ko nang mabilis na
dumadagundong ang aking puso.
Syet!
Bumalik na nga! Aish!
Bumalik
ako sa reyalidad ng bumitaw siya sa pagkakayakap. Hinabol ko na rin ang aking
hininga. Nadala ata ako sa nangyaring eksena.
“So,
Friends?” Masayang saad niya. Nakalahad na rin ang kanang kamay nito sa akin.
Pabalik-balik
kong tinitigan ang kanyang masayang mukha at kamay niyang nakalahad sa harap
ko.
Agad ko
itong tinanggap at nakangiting sinabing… “Friends!”
I think,
hindi ko na muling mapipigilan ang puso ko sa pagkahulog.
Wala ng
dahilan para gawin ko iyon simula ngayon.
Tatangapin
ko lahat ng pagbabago sa aking buhay, para maging masaya.
Red’s POV
Inihatid ko na lang si Riel sa
kanyang bahay pagkatapos ng mahaba-haba naming pag-uusap. Sa wakas, parte na
ako ng buhay niya ngayon. Although, we’re friends pa lang, okay na muna sa akin
yun. Dadahan-dahanin ko ang aking approach.
Ang bilis ko naman siguro kapag
nagpahiwatig na agad ako ng aking nararamdaman. At least, ipaparamdam ko muna
na may tao siyang maaasahan sa oras na kailanganin niya.
Masaya akong nakarating sa aming
bahay. May pakanta-kanta pa akong pumasok sa aming sala.
“Hi Mom! Hi Dad!” May ngiti sa labi
kong pagbati sa kanila. Kasalukuyan kasing na sala ang dalawa, si Mommy ay
nagbabasa ng Fashion Magazine, samantalang si Daddy naman ay nagbabasa ng
Dyaryo.
Nabigla naman ang dalawa sa biglaan
kong paghalik sa kanilang pisngi, which I barely do, ever since mag-Junior High
na ako.
“Masaya ka ata, Anak. Anong meron?”
Tanong ni Mommy. Inilapag nito ang kanyang binabasang Magazine sa mesa at
nakangiting itinuon ang buong atensyon sa akin.
Nag-angat naman ng tingin sa amin si
Daddy, pero madali lamang itong nagtuon ng pansin dahil sa binabasa nito.
Napakamot naman ako ng batok dahil sa
hiya. Nag-iinit na rin kasi ang pisngi ko. Hayst! Naiisip ko kasi si Riel
ngayon. We’re friends, and soon be lovers! Haha! Ang aking pangarap! Natawa ako
sa aking naiisip.
“Aba! Wala ka pa ngang sinasabi,
parang alam ko na kung ano ang dahilan ng kasiyahan sa mukha mo ngayon. Are you
in-love?” Saad nito.
Napa-angat ako ng tingin kay Mom at
nakangiting tumango sa kanya.
“See, I’m right!” Masaya niyang
tugon. Pumapalakpak pa ito sa tuwa. Napansin ko ring inilapag na ni Daddy ang
kanyang Dyaryo sa mesa. Napangiti na lang ako sa kanya at napayuko sa sobrang
hiya.
“Daddy! Binata na ang ating
panganay!” Masayang sambit nito kay Daddy.
“MOM!” Pagbabara ko sa kanya.
Napailing naman si Daddy sa aking reaksyon. Nakitawa naman ito kay Mom. Tumayo
si Mommy at lumipat sa kinauupuan ni Daddy sa mahabang sofa.
“Upo ka anak, dali! Kwento mo sa amin
ng Dad mo.” Saad nito. Tinuro niya pa ang sofa sa harapan nila. Hay naku! Ang
tanda na ata ni Mom para kiligin. Hayst! Kaso okay lang kaya sa kanila? Sana di
nila nakalimutan yung sinabi nila sa akin 2 years ago.
Sinunod ko ang utos sa akin ni Mom.
Well, hindi naman ako takot sa sasabihin ko. Dad and Mom are open about
preferences and relationships like what I am into. May mga kamag-anak silang
ganito ang pinili na daan. They’re all in the US and London now. Happy.
“So… Who’s the lucky girl, son? Is it
Abby? Lisa? Or Nicole?” Excited na tanong nito. They’re all my Dad’s business
partners’ daughters. Simula pa kasi noong Grade 7 ako, naipakilala na nila Mom
and Dad sila sa akin. We’re good friends also. Although, magaganda naman sila.
Naisip ko noon na ang bata ko pa para sa mga ganun. Kaya, hanggang friends lang
turing ko sa kanila. But when, Grade 10 came, bigla na lang akong nagkaroon ng
pagkagusto kay Lisa. Pero madali lamang yung nawala nang nakita ko na si Riel.
Naalala ko tuloy yung mga sinabi ni
Mom noon, na sinang-ayunan naman ni Dad.
FLASHBACK
“Anak, being in-love is the happiest
thing that will ever happen to us. Kaya if you felt that heart-thumping feeling
na tinatawag, it means that you’re in-love. It doesn’t matter who it is. The
fact that, your heart needs to skip a beat whenever they are around, hindi mo
na mapipigilan ang sarili mo sa pagkahulog.” Aniya isang araw nang magtanong
ako sa kanya. It was the next morning when I first lain my eyes on Lisa.
Pero hindi ko pa sa kanya sinasabi na
kay Lisa ko yun naramdaman, gusto kong malaman kung ano yung naramdaman ko, not
that I felt something like what she said, basta, biglaan lang na naging
magandang tanawin sa paningin ko ang babaeng yun.
“So sinasabi mo ba Mom na, Love is
never particular about who it is? Basta maramdaman mo, yun na yun?” Tanong ko.
“Actually, nirephrase mo lang naman
anak yung sinabi ko eh. Haha.” Napailing na lang ako sa sinabi ni Mom. Yeah,
yeah! Ako na ang slow at ulit ng ulit. Tss.
“Oo naman. Hindi dapat maging choosy
no, hindi yun dahil sa maganda, gwapo, mayaman, o kung ano pa man. Love ang
bumubuhay sa isang relasyon. Even friends are bound with love. Sa Family. Kung
walang love, sa tingin mo, magkakasama tayo ngayon?” Tugon niya sa akin.
Tumango naman ako.
Hindi ko nga alam sa akin, bakit
napakaignorante ko pa pagdating sa pag-ibig. I’m 15, yet I’ve never felt that.
“Kaya anak, kung main-love ka man,
siguraduhin mong gagawin mo ang lahat just to be noticed ng minamahal mo, It
doesn’t matter who it is, or what’s their status in life anak. Puso ang
nasusunod sa aspetong yan. Susuko ka lamang kapag, hindi niya kayang suklian
ang pagmamahal mo. Oo, hindi masamang magpakamartyr, o tanga sa pag-ibig, but
always remember, you deserve to be happy also. Kung hindi ka magiging masaya sa
resulta, kailangan mo nang bumitaw.” Saad niya.
“Kahit maramdaman mo pala yun sa
kapwa mo lalaki or babae, Mom?” Tanong ko sa kanya.
Nakita ko naman ang pagkagulat nito.
“Hmmm. I think so, anak.”
Napabuntong-hininga naman ito. “Your Tito Vince and Tito Oning, are the living
examples of that kind of love. They’ve been through a lot, yet, their love for
each other conquered every odds that came to part them.” Napatango naman ako.
Si Tito Vince ang kapatid ni Mom na nasa London na ngayon at masayang kasal sa
kanyang asawang si Tito Oning.
I have never felt that towards same
sex though, hindi naman sarado ang isip ko sa mga ganyang bagay. And I’m not
like those who act as if their kinds are patients that have severe illnesses.
Nirerespeto ko ang Tito Vince ko. Mahal niya kami ni Andrei. Kami kasi ang
kasama niya noong piliin niya ang landas na yun. Lolo pushed him away, but
eventually, natanggap na siya ng pamilya.
Napatingin naman kami ni Mom sa
dumating. Si Dad.
“Anong pinag-uusapan niyo? Mukhang
napakaseryoso ng ambiance dito sa sala natin.” Anito.
“Anak, if that happens to you.
Tatanggapin namin.” Panimula nito. “Di ba Daddy?” Baling nito kay Dad.
Naguguluhan man si Dad, napatango na
lamang ito.
“Basta mahal mo ang taong yun,
magiging masaya na kami ng Dad mo para sayo, aba! At syempre dapat mahal ka rin
ha?.” Pagtatapos ni Mom.
Napangiti at napatango naman ako sa
sinabi ni Mom.
Matapos ang usapan ni Mom, hindi ko
naman hinayaan ang sarili kong magkaganoon nga ang magiging sitwasyon ko. I’ve
dated girls, whom I think made my heart skipped a beat, like what Mom told me.
Isa na doon si Lisa. Masaya naman
siyang kasama. Somewhat, naiinspired ako kapag magkasama kami.
But then, when I saw him, things have
changed. Umikot ang mundo ko sa isang taong, hindi ko inaasahan na magugustuhan
ko.
Love at first sight? Totoo pala
yun?
Hay ewan!
Posible pala talaga.
END OF FLASHBACK
Nagbalik naman ako sa kasalukuyan
nang magtanong si Mom sa akin.
“Anak? May problema ba?” Nagtatakang
tanong ni Mom sa akin.
Napakamot naman ako sa aking batok at
pangiti-ngiting humarap muli sa kanila.
“Ah… Eh… Wala. Wala po. Hehe.”
Pagpapaliwanag ko.
“So sino nga anak? Si Abby, Lisa or
Nicole?” Parang batang sabik sa sekretong ilalahad sa kanya si Mom.
Napailing na lang ako sa tanong niya.
Nagkatinginan naman silang dalawa sa naging tugon ko. Although kinakabahan ako,
masaya pa rin ako sa dahilang hindi maalis sa isip ko si Riel.
“Oh? So, sino? Classmate mo ba? Or
from other school?” Muling tanong nito.
“Classmate ko po.” Matipid na tugon
ko.
“Sino nga? Masyado mo naman kaming
binibitin eh.” Aniya. Natawa naman ako sa reaksyon ni Mom. Si Dad nagmamasid
lang. Nakasandal na ang ulo ni Mom sa balikat ni Dad. They’re still waiting for
me to spill it.
“Come on son, just blow the horn.
Alam mo naman ang Mom mo, she’s so persistent and a spoiled brat. Gusto niyang malaman
agad ang mga bagay-bagay. Haha!” Panimulang salita ni Dad. Hayst! Dad’s into it
na rin. I can’t believe that I will be making a big confession today. Sa harap
pa nilang dalawa.
“Hoy! Anong spoiled brat ka diyan!
Hindi ah! Persistent, pwede pa! Hmp!” Pagtatampo nito at tinampal pa ang braso
ni Dad.
“Sige na son! Sabihin mo na kasi.
Para naman makilatis namin yang napupusoan mo.” Parang batang sambit nito. May
papuso-puso pa itong ginawa gamit ang kanyang mga daliri, sabay ang gesture na
parang tumitibok ito.
Natawa ako sa ginawa ni Mom. Yan ang
napapala niya sa kakapanood ng mga koreanovela.
“Uhm…” Pagsisimula ko. Nakatutok
naman silang dalawa sa akin. Nag-aantay lang ng sagot ko.
“Remember 2 years ago?” Saad ko.
Nagkatinginan naman silang dalawa. Nag-uusap ang kanilang mga mata. Muli nilang
naituon ang atensyon sa akin. “Di ba sabi niyo, it is okay for me to love—“
Natigil ako sa biglaang pagputol sa akin ni Mom.
“Wait anak! Wait! Wait! Wait! Nauuhaw
ata ako.” Parang ewan niyang tugon sa akin. Naalala na siguro nila. Napangiti
naman ako. I know, maiintindihan nila ako. That’s what she said 2 years ago.
“YAYA! TUBEEEEEEEEEG! Dali! Nauuhaw
ako!” Pag-utos niya sa isa sa mga kasambahay namin.
“Grabe natutuyuan ako ng saliva sa
lalamuan!” Dagdag niya. Natawa naman si Dad. Napatingin ako kay Dad. Tumango
naman ito. Tanggap niya. Yun ang ibig niyang sabihin. Si Mom? Nag-iinarte lang
yan. Yan talaga ang napapala niya sa panonood ng koreanovela.
Agad namang dumating si Yaya Estella
para ibigay ang tubig na hiningi ni Mom. Matapos makainom si Mom ay agad na
umalis si Yaya Estella.
“Sige anak ipagpatuloy mo.” Si Dad na
ang nagpresinta sa pagpapatuloy ko, natatawa kasi ito sa ginagawa ni Mom. Panay
ang pagpaypay nito gamit ang kanang kamay, animoy mainit sa sala namin. Eh,
fully airconditioned kaya to. Naku talaga si Mom.
“Mom, di ba okay lang naman sayo?
Ikaw kaya ang nagsabi noon sa akin.” Pagkukumbinsi ko sa aking nag-iinarteng
ina. With matching puppy eyes. Haha. Who can’t resist me?
“Eeeeeeeeh!” Aniya. Para talaga
siyang bata.
“Helena! Wag ka ngang ganyan! Ikaw
ang nagsabi noon, kaya dapat tanggap mo. Naku naman oo.” Pangaral ni Dad sa
kanya. Napailing ito kay Mom. Hobby kasi ni Mom ang magpababy kay Dad. Sa
school nga ganun din siya sa mga co-Board Members niya. Pero kapag school
matters, seryoso siya.
“Eh… Nemen kesi Seth! Peeno ne eng
pengerep keng megke-epew?” Aniya. Baby-talk. Nasapo ko na lamang ang aking noo.
Si Mom talaga.
Tahimik lang ako sa harap nila.
Pangiti-ngiti. Pailing-iling. Ang cute nilang dalawa.
“Well, we should pray harder that
Andrei will give us grandchildren.” Kibit-balikat ni Dad kay Mom. May binulong
ito kay Mom. Natawa naman si Mom sa sinabi ni Dad. Marahan nitong tinampal ang
braso ni Dad. Kung sakali palang ganun din si Andrei. Wala na. Haha.
“Eh… Wag ka nga!” Napabalikwas si Mom
dahil sa excitement. “Sana babae naman no?” Pakipot na saad nito pagkatapos ng
pagkagulat. Natawa silang dalawa. Now I know what Dad whispered to Mom. Grabe
talaga tong matatandang to! Naku-corrupt ang isip ko! Haha. Pero magkakaanak pa
kaya sila? Nyehehehehe!
Lumiwanag ang mukha ni Mom. Sumilip
dito ang masayang ngiti sa kanyang mga labi.
“Sige na nga! Hayst! I guess, it runs
in our blood talaga!” Napailing si Mom sa pagsuko. Natawa naman si Dad sa
inasta ni Mom. “Namiss ko tuloy si Vince, matawagan nga mamaya. So, who’s the
lucky guy?” Dagdag nito.
Napangiti ako nang maisip ang
pangalan ni Riel. Futspa! In-love nga ako sa kanya!
“Si Gabriel Dela Rama po.” Pag-amin
ko.
“Talaga?” Manghang tanong sa akin ni
Mom.
Nagkatinginan naman silang dalawa.
Patango-tango pa si Mom habang nagbubulungan silang dalawa. I know na kilala
siya ni Mom. Si Dad ang walang kaidi-ideya.
“Ay oo nga pala! Kumusta na ang
batang yun. Noong isang araw lang inilibing ang Ate niya at yung boyfriend di
ba? Kawawa naman siya. Tuluyan na siyang naulila.” Malungkot na saad ni Mom.
Naunawaan naman ito ni Dad.
“Buti na lang, Scholar siya. Hayaan
mo son, gagawin ko ang aking makakaya para matulungan natin yang tinitibok ng
puso mo.” Dagdag niya. Nagwink pa siya sa akin. Napangiti ako.
“Salamat, Mom, Dad, sa pag-iintindi
sa akin.” I felt relieved, okay na ang lahat. “Pero, wag po sana ninyong
ipaalaman sa kanya na tutulungan natin siya. Palabasin niyo na lamang po na ang
school ang tumulong sa kanya. Ayaw niya kasi eh. Ayaw niyang mayroong naaawa sa
kanya.” Dagdag ko. Napatango naman sa akin sina Mom.
“Anong meron?” Tanong ng bagong
dating na si Andrei.
“Oh Hi son! How’s your day iho?”
Masayang tanong ni Mom sa kanya. Nagbeso naman ito kila Mom at Dad bilang
pagbati.
“Fine. This day was great! Kami na ni
Reese!” Masayang anunsyo niya.
Huh? May nililigawan pala siya?
Nagkatinginan naman sina Mom at Dad.
Napangiti sila sa magandang balita.
“Talaga son?” Tumango naman si Andrei
sa kanya. “Yes! Magkakaapo pa tayo Daddy!” Masayang baling nito kay Dad. Ang
kawawang Andrei ay walang kaalam-alam sa mga napag-usapan namin. “Pero tuloy pa
si baby girl ha? Hahaha!” Nagtawanan na silang mag-asawa.
“Huh? Anong pinagsasasabi niyo Mom?”
Napakamot na lang si Andrei ng ulo.
“Ah… Eh… Wala, wala anak. Ipasyal mo
minsan dito si Reese ha? Sige na! Magbihis ka na.” Pagtataboy nito kay Andrei.
Wala sa isip namang sumunod sa utos ni Mom ang kapatid ko.
Nang makaalis si Andrei ay
pinagpatuloy namin ang aming pag-uusap.
“Okay, son. Ako na ang bahala doon. I
hope, he’ll get through it. Napakamasayahin pa naman ng batang yun. Naingganyo
nga akong makipagkwentuhan noon kay Ms. Salveda to know more about our new
Student Council President. Ang galing na bata.” Aniya.
“Sana nga po. Sinabi niya naman na
kakayanin niya, hanggang nasa tabi niya ang mga kaibigan niya…” Saad ko. “At
ako.” Napangiti ako sa aking sinabi.
“Mukhang in-love ka na nga talaga
anak. Sige, ipasyal mo rin dito ng makilatis namin ng Mommy mo.” Saad ni Dad.
Napatango naman ako. Ang saya!
“That’s a good idea Daddy! Hay!
Binata na talaga ang ating panganay Daddy.” Masayang saad nito. Pinulupot nito
ang kanyang mga kamay sa braso ni Dad. Nagkatinginan pa sila.
Napatango naman si Dad sa kanya.
“So anong status niyo ngayon anak?”
Pangiti-ngiti nitong tanong saakin.
“Friends po. Ngayon lang po kami
naging friends Mom, Dad. Medyo mahabang kwento po kasi eh.” Masaya kong tugon
sa kanyang tanong.
“Pero, I’ll make sure na magiging
masaya siya, alam kong nasa adjustment pa siya dahil sa nangyari. I’ll make
sure that I’ll be always there for him. Ipaparamdam ko sa kanya ang pagmamahal
ko. Na dahil doon, kusang loob at buong-puso niya rin akong mamahalin.” Saad
ko.
Napangiti naman sa akin ang mga
magulang ko.
I’ll be mature now. For Riel. To see
him happy.
Riel’s POV
2 weeks have passed, at paunti-unti
rin akong nakakamove-on sa nangyari. Nawala na rin ang rules ko about my
enemies. Ayoko na munang may makaaway. Kababati lang namin ni Red, and we’re
friends now. Si Elijah? Yun kinakausap ko na rin. Pero, minsan pinipili ko
nalang na lumayo muna sa kanya. Most of the time, si Ericka ang kasama ko, si
Brett kasi ang naatasan ko sa mga gawain sa Student Council. Pinag-leave muna
ako ni Ms. Salveda eh. Pero, after exams, balik trabaho na ako.
Nagiguilty nga ako dahil, napakadali
ko naman atang nakalimot. Yun naman ang gusto nila Ate na gawin ko eh, ang
maging matatag.
Nagising ako nang maaga sa dahilang
unang araw ngayon ng prelims namin. Salamat sa mga notes ni Brett, at nakahabol
ako kahit papaano sa mga lessons namin. Nag-gu-group studies din kami minsan.
Nakasanayan ko na rin na kumain ng
agahan nang mag-isa. Noong una, nawawalan ako ng gana, pero pinipilit ko pa
ring kumain. Nakakuha ako ng kaunting assistance mula sa kompanya na
pinagtatrabahuhan ni Ate. May makukuha pa raw akong benefits dahil sa mga
naikakaltas sa sahod ng kapatid ko. Kaya kahit papaano ay may nakakain pa ako.
After siguro ng exams ay maghahanap
na ako ng aking magiging part-time job para may mapagkukunan ako sa
pang-araw-araw kong gastusin.
Kumain at pagkatapos ay naghanda na
ako para sa aking pagpasok sa paaralan. Palabas na ako ng bahay nang mahagip ng
paningin ko ang isang motor sa tapat ng gate. Nagtaka man ako kung kanino iyon
ay ininda ko muna para maisara nang maayos ang aking bahay.
"Kanino kaya 'to?" Saad ko
nang makalabas na ako ng aking gate. Panay ang tingin ko sa magkabilang side ng
daan kung may tao bang maaaring nagmamay-ari ng motor. Napailing na lang ako.
Baka iniwan lang madali. Ang tanong
na naglalaro sa aking isipan. Inilock ko na lamang ang gate at pagkatapos ay
nagsimula na akong maglakad papuntang school.
As usual, inilagay ko na lang sa
aking magkabilang tenga ang aking earpods at sinimulang patugtugin ang aking
iPod.
What
would I do without your smart mouth
Drawing
me in, and your kicking me out
Got
my head spinning, no kidding, I can't pin you down
What's
going on in that beautiful mind
I'm
on your magical mystery ride
And
I'm so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright
Kanta ko dito. Mayroon kasi akong
namimiss. Although araw-araw naman kaming nagkikita, yung feeling na gusto mong
di na lamang siya mawaglit sa paningin mo. Dati gusto ko lang siya pero, in
such a short span of time, nahulog agad ang loob ko sa kanya.
Sa 2 weeks na nagdaan, nakuha na niya
agad ang puso ko.
Now, I can say that my affection
towards my best friend is all over. Pawang pagmamahal bilang kaibigan na
lamang. Tama naman na gawin ko iyon, it’s not good that I am hiding something
like that from him. Kaya para di na lumabas pa ay naituon ko ang atensyon ko sa
bagong nagpapatibok ng puso ko. Mali, sa una palang ay nabihag na niya pala ang
puso ko.
Alagang-alaga ako simula nang maging
okay kami sa isat-isa.
Ewan ko nga ba. Gusto pa lang ba o
mahal ko na? Argh!
My
head's underwater
But
I'm breathing fine
You're
crazy and I'm out of my mind
Ganun na nga siguro ako ngayon.
Hayst. Bakit ba ito ang pinoproblema ko? May exam pa kaya ako. Hayst!
Cause
all of me
Loves
all of you
Love
your curves and all your edges
All
your perfect imperfections
Give
your all to me
I'll
give my all to you
You're
my end and my beginning
Even
when I lose I'm winning
Cause
I give you all of me
And
you give me all of you, oh
Napatigil ako sa aking paglalakad at
pagkanta nang makita kong lumampas sa akin yung motor na nasa gate ko kanina.
Tumigil din malapit sa akin. Huh?
Unti-unting bumaba dito yung driver,
at parang slow-motion ang nangyari sa pagtanggal niya ng kanyang helmet. Literal
na napanganga ako sa aking nakita. Putek! Iniisip ko pa lang, agad nang
nagpakita!
Bumilis ang tibok ng aking puso!
Fucker! Mamatay na ba ako? Anak ng Futspa!
Ano ba yan! Bakit ganito na lang ako
maghuramentado kapag nakikita ko siya.
"Good Morning!" Masayang
bati nito sa akin.
Oh! That smile! Gago! Bakit ang gwapo
mo! Argh! Ano ba tong pinagsasabi ko! Pero totoo naman. Nyahahaha.
"Gabriel! Are you okay?"
Saad nito. Napabalikwas at bumalik ako sa reyalidad ng sapuin nito ang aking
noo. Para malaman kung may sakit ba ata ako. Hindi ko namalayang nasa harap ko
na pala ito.
Hayst! Erase! Erase! Erase! Masyado
pang maaga para magpantasya! Naman! May exam kaya ngayon, baka bumagsak pa ako!
"Ah... Eh... Hehehe!"
Parang ewan na sagot ko. Tumango na lamang ako sa tanong niya.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
Matindi talaga ang tama niya sa akin kaya bago pa man niya mapansin, dapat agad
ko nang maitago. Chos!
Argh!
Nagtungo ang paningin ko sa motor na
nakita ko kanina.
"Iyo pala yun?" Saad ko't
sabay turo sa motor.
"Uhm... Oo... Susunduin sana
kita, bumili lang ako ng makakain doon sa malapit na tindahan, kaso noong
pagbalik ko ay sarado na yung gate niyo." Masayang sambit niya. Napakamot
din ito ng batok tanda ng hiya sa kanyang sinasabi.
What?! Susunduin?!
Hindi na ako mapakali sa aking
kinatatayuan. Para na akong naiihi na hindi mo malaman ang dahilan. Diyos ko!
Ako lang ba ang nag-aasume nito? O iyon talaga ang pinaparamdam niya saakin?
Basta kasi andyan siya, lagi akong masaya. Ang dami niyang alam eh.
Ay ewan! Ang landi ko ata masyado.
"So tara na? Malilate na
tayo." Pag-alok niya.
Napatango na lang ako sa bigla. Bakit
ko tatanggihan? Nag-effort naman di ba? Hahaha! Landi!
Sinundan ko lamang siya ng tingin
habang patungo siya sa kanyang motor.
"Don't worry, may license
ako." Muling baling niya sa akin na may ubod ng tamis ang ngiti. "Ang
ganda talaga ng boses mo." Dagdag niya.
Nag-init ang aking pisngi. What?! As
in what?! So sinusundan na niya pala ako? Stalker talaga tong taong to! Joke!
Masyado na ata akong pahalata.
"Tara?" Pag-alok muli nito
sa akin habang iniaabot ang isa pang helmet sa akin. Aba! Handa nga sa pagsundo
sa akin! 3 points para kay Ariola! Shoot! Hahaha! Gagong to! Ang dami talagang
alam eh no?
Tulala pa rin ako sa aking kinatatayuan.
Day-dreaming. Putek. I’m always drooling when he’s around. Hayst!
Nagulat na lang ako ng isinuot niya
saakin yung helmet.
Natigilan ako.
Natawa naman ito sa aking naging
reaksyon.
“Day-dreaming, spacing-out or
thinking?” Saad niya.
Namula naman yung pisngi ko. Sa
tingin ko, kulay kamatis na ang pisngi ko sa pagbablush. Putek namang nilalang
na to! Ang daming alam!
“Ayan!” Masaya niyang sambit ng
maisuot na niya ang helmet sa ulo ko.
“Ta-ta-ta-ta-ta-tara?” Sambit ko.
Nagkandabuhol-buhol na ang dila ko. Bwesit! Masaganang kahihiyan to! Sobra!
Tumango naman ito saka tumungo sa
kanyang motor. Agad naman akong sumunod sa kanya.
"Hawak ka ng mabuti. In just 5
minutes nasa school na tayo." Saad nito.
What?! As in what?!
Bago pa man ako makaangal, mabilis na
nitong napatakbo ang kanyang motor. Sa sobrang takot at gulat ko kahit nahihiya
ako ay napayakap ako sa kanya. Hindi ko kasalanan no! Ayoko pang mamatay! Ang
bilis niyang magpatakbo! Hindi na naman bago sa akin ang mayakap siya.
Argh! Kahit takot na takot ako,
kasabay nito ang paghuhuramentado ng puso ko! Putek!
Itutuloy…
ang sweet nila ...putek!
ReplyDeleteboholano blogger
Ganda talaga ng story kaabang abang' nxt chapter pls... Galing mo mr. Author :). - Nate john
ReplyDeleteNkau...Bitin na naman ako....Sana update kaagad...Thanks Rye for a very good story...
ReplyDeleteMore kilig moments with red and riel please. <3 <3 <3
ReplyDelete-hardname-
Kilig naman ako sa story...
ReplyDeletesalamat sa maagang update. nakakilig nmn. wala tuloy ako masabi haha. basahin ko nga uli. parang nainlove na ako kay red. haha
ReplyDeletebharu
Bilang si Red, natutuwa ako sa mga nangyayari, lalo pa't wala ng problema sa pamilya patukoy kay Riel :) Rye minsan reply ka naman sa facebook :) Haha.
ReplyDelete#teamred! Hahaha, yeah complicated haha Panu ba yan si Red na talaga para sakin, ang aga pa pero sure na ako siya na. Hahaha Good job! Marvs
ReplyDeleteSi red po ba yung nakasakay sa motor? Mejo nalito kasi ako. Hehe
ReplyDeleteTnx s update. Maganda.
-madztorm
ayun naman pla ung bawi e.. kilig moments lang sapat na hahaa
ReplyDeletekainggit lang ung parents.. buti pa sila tanggap haahaa
jihi ng pampanga
Yoww haa.. Next chapter please :) ganda. Wala paring kakupas.kupas..
ReplyDelete- geology stud
Sagot ko sa tanung mo Mr.Author :) yep friend tayo sa fb :)
Nekekeleg po ako.. Hahhaa.. Ang ganda po.. :) Dave
ReplyDeleteWaah!!! Ang ganda ng fl0w ng st0ry..
ReplyDeleteFeeling ko toluy
-ang sarap mainl0ve.
-christ0pher
Waah!!! Ang ganda ng fl0w ng st0ry..
ReplyDeleteFeeling ko toluy
-ang sarap mainl0ve.
-christ0pher
Ahaha alam na this! Paano si Brett at Eli? Update na please this story is getting much interesting as more chapters are added.
ReplyDeleteSana dalawa chapter kaagad ang sunod nice story tlaga.......
ReplyDeleteSarap mainlove kung love ka rin ng tao mahal mo
Jay05
SHETNESS KENELEG C AKO HAHAHAHA IKAW NA AUTJHOR IKAW NA ANG DAKILANG TAGA- BITIN HAHAHAHAHA
ReplyDeleteKRVT61
nekekekileg nemen XD Aiyyt !! di ko tuloy maiwasang maingget !XD HEHEHE
ReplyDeleteTHANKS ULIT KUYA RYE :)