GEO
"MR. ASSUMING"
By: Bluerose
CHAPTER 1
Minsan ang love sobrang nakakainis, alam mo yun sobrang nakakagigil kasi minsan ito pa yung naglalagay satin sa pinakakumplikadong sitwasyon. Sobrang kumplikado na hindi na natin alam kung saan tayo dadalhin nito pero di ba love is love so ano magagawa natin? Follow your heart Ika nga Kasi if you don't follow your heart Regret na ang kasunod nun.. Maniwala ka sakin expert ako jan eh haha.
Kadalasan hinahanap natin ang love.. Mali ba..? Well for me mas mali na antayin sya..FOR ME!.. Mali na Antayin na mangyare ang isang imposible.. parang pagdadasal lang yan na maging totoong tao yung crush mong cartoon character.. Yung tipong sana totoong tao nalang si sasuke.. Or si naruto.. Or si gaara.! Haha imposible! O di kaya paghihintay sa isang artificial flower na maging totoong bulaklak? Or pwere rin pagpipilit na umilaw ang isang pundidong ilaw? Wtf diba! Tulad nalang ng story ni juan tamad.. inaantay niya yung bayabas na nakasabit sa puno na mahulog sa bibig niya well Kahit maghapon sya ngumanga sa ilalim ng puno walang mangyayare! proven and tested na yan believe me haha Kung sakali man mahulog yung bayabas.. Hindi naman sigurado kung sasakto ba to sa bibig niya.. Parang love.. Habang buhay kang nganga kapag naghintay ka ng isang taong imposibleng dumating. Maybe yung sinasabi mong destiny mo..along the way papunta sayo may nakasalubong syang isang taong nagpabaliw sa mga brain cells niya.. Or pwede ring napatid sya ng isang sobrang kating higad.. Eh ikaw..? Nganga parin.? So alam mo mas magandang gawin.? Kumilos!! Aba life is too short!! Hindi ka si juan tamad kaya wag kang maghintay.. Patience is a virtue..? Pakshet na kasabihan yan. Hindi totoo yan.. Pag love na ang usapan.. Giyera kung giyera.! Hindi tayo ang sasabayan ng oras dahil tayo ang sumasabay sa oras.! Gamitin ang mukha! itaas ang noo.. Ready for war!
Ito ang kwento ko...
" Sino ba ang nanduon huh bakit dun mo gusto mag-aral eh ok naman yung pinapasukan mong university dito ah wala akong nakikitang dahilan para lumipat ka pa ng school." Inis na saad ni mommy.. Habang nagluluto sa kusina.. Napakamot naman ako sa ulo.
" mom hindi niyo kasi ako naiintindihan eh.?"
" eh sino nga ang nandun!?" nakataas ang kilay na saad nito.
" si kuya aldred.?" pilit na ngiti ko.
" Sa ibang school mo gusto magaral hindi sa school na pinapasukan ng pinsan mo.. Geo anak wag mo sabihin si blue.?"
" pano mom kung oo.? Goood idea! Kahit masaya na sila ni kuya aldred parang mas exciting kung eekstra ako sa kanila.?" ngiti ko.
" eh kung paluin kita ng walis tambo.. Eekstra ka nanaman eh." simangot ni mommy.. Eekstra..? Sarili ko na kaya tong story haha.. " wag mo na guluhin si kuya aldred mo."
" eh mom gusto ko sya guluhin eh..?" saad kong puno ng kumpyansa sa sarili..lumingon naman sakin si mommy
" bahala ka.. Ihahanda ko na yung libingan mo. Yung mga biscuit, yung kape at hindi ko narin ang sarili ko mawalan ng anak.." sarkastikong ngiti ni mommy..Super fast forward naman? haha Humugot lang ako ng malalim na hininga.
" fine mom hindi si blue.. Hindi naman sya dun nagaaral sa papasukan ko eh."
" eh sino.?"
" uhmm wala.."
" geo umayos ka.. Sino nga.. Alam ko meron kaya wag kang masinungaling sakin."
" wala nga mom." pagmamaktol ko.
" hindi ako naniniwala.." aixt umikot lang yung mata ko saka sumimangot. "Geo alam ko meron kaya wag kang magsinungaling..fine! Fine! whoever man yung taong susundan mo.. Baka pag dun ka nagaral mapabayaan mo yung study mo.?"
" please mom.. Hindi ko naman pababayaan yung study ko eh.. Gusto ko lang magtransfer duon. new place..? Ang dami ko na kasing kaaway dito eh.. Sumasakit na ulo ko sa kanila at nakakapagod na rin makipagaway."
" mangaagaw ka kasi." simangot ni mommy.
" mom hindi ko sila inagaw Sila ang lumapit sakin ang gwapo ko kasi." natawa naman si mommy.. " totoo naman mom.. Gwapo ako.".. Oo gwapo ako..gwapo as in gwapo.. Yun ang tingin ko sa sarili ko.. Pinalaki ata ako ni mommy na mataas ang tiwala sa sarili.. Haha.. Kung confidence ang paguusapan.? Shet itutumba ko ang isang daang baka kapag may nagsabi na panget ako..! Kaya no wonder kahit sino maiinlove skain. With my pefect smile.. Perfect face.. San ka pa..? Wahaha.
"whatever son.."
"di ka naniniwalang gwapo ako mommy.?"
" gwapo ka nga.. Mayabang nga lang.. Umayos ka nga geo."
" sus naman."
" teka bakit ba sa public ka magaaral.. Pwede naman sa school na pinapasukan ng kuya aldred mo ah balita ko quality daw yung pagtuturo dun.. Saka maganda yung place.? Malinis..? Base pa sa kwento ni aldred masaya daw magaral dun.."
" all my life nakaprivate school ako.. Gusto ko naman itry yung public.. To try something different.. Parang pagkain lang yan mom kung paulit ulit adobo ang kakainin mo magsasawa ka.. So para hindi maging boring you have to try everything."
"itry.? anak may susundan ka talaga dun.. I can feel it.."
" sino susundan ko dun.?. Eh dito ako lumaki sa cavite hindi naman kayo nagiisip mommy eh.. Ni wala nga akong kakilala dun.. Gusto ko lang talaga ng new place." simangot ko... Introducing.. cute liar! Haha bakit.? Secret! haha
" eh bakit kasi sa public anak Mas maganda ang future mo sa private schools alam mo ba yung mga professor dun magagaling."
" mom quality education is depend on the student.. Hindi sa school yun mom.. Depende sa studyante kung gusto niya talaga matuto or to be successful. Aanhin mo yung private school kung ang studyante naman nila nasa gimikan. Aanhin mo ang private school kung yung IBANG mga professor ang tingin sa studyante nila ay manager sa isang bangko na akala mo nagtatae ng pera instead na student.. wala ding sense.. So whether nasa private or public school as long as willing ka matuto.. Magkakaroon ka ng quality education..yun lang yun mom.. At gusto ko maranasan magaral sa public school gusto ko malaman ano ba meron sa ganun.. Gusto ko makita at maramadaman how to be one of them.."
"Ano ipinaglalaban mo geo.?" ngiwi ni mommy sinimangutan ko naman sya. Haixt kahit anong mangyare dun ako magaaral.. Lalaklak ako ng muriatic acid kung hindi pumayag si mommy .. haha..
" Saka si blue matalino sya di ba in case na may hindi ako kayang gawin matutulungan niya ko."
" sigurado ka bang wala kang balak agawin si blue.. Hobby mo pa naman un.?"
" mom naman.. Wala talaga.." Simangot ko ibang story na to.. Move on na tayong lahat kay blue.. Haha ilang sandali naman na nakatitig lang sakin si mommy wari tinatanya kung ano ba talaga gusto kong gawin.. Haixt naman..
" ewan ko talaga sayo." iwas nito ng tingin saka bumuntong hininga. Duon ka ba titira kala aldred.?"
" so pumapayag ka na mom.?" ngiti ko.
" eh sa kulit mong yan alam kong hindi mo ko titigilan eh.."
" thank you talaga mommy... Yeah duon ako kala kuya aldred titira.. May kwarto naman ako duon sa kanila eh.. Haixt thank you talaga mommy." saad ko saka sya niyakap ng mahigpit. Bakit nga ba gusto ko magtransfer duon..? Uhm actually wala lang.. Gusto ko makasama si blue at kuya aldred.. Hmm yun lang ba talaga..? yun nga lang ba talaga.? Uhmm oo nga..haha paulit ulit.? Pero.. Oo na nga sige na.. May tao akong susundan dun,.. Tao huh hindi hayop haha.. Susundan at hindi hahabulin.. Magkaiba yun hindi ako aso.
" Makakaya mo talagang iwan ako mag-isa dito anak.?"
" Mom uuwi naman ako dito every weekend or every month. Alam ko naman busy din kayo sa negosyo natin di ba.. Please mom.?" napabuntong hininga naman to saka tumango.
"basta siguraduhin mo na hindi ka uuwi dito na may buntis na kasama ok.. Papatayin kita.."
"hindi mom.. Promise.." ngiti ko Hindi ako maguuwi ng buntis dito..si ano pwede pa haha.! Pagakyat ko sa kwarto agad ko lang binuksan yung computer ko.. Napangiti lang ako ng makita yung nakabackground sa desktop ko.. Picture ni Chris.. " babalikan kita.." saad ko habang nakatitig sa mukha niya..
Kung nabasa niyo ang story ni blue malamang kilala niyo na ko Pero kung hindi pa let me introduce myself Im Geoffrey Kurt Young.. Mula sa angkan ng mga Young na tubong cavite Isa sa mga pinakagwapo at mejo panakamatalino na din..taas ng confidence noh..? Hehe.. Gender ko..? I don't need to explain myself sa ibang tao! I am what I am.. Fift alert! Wahaha.. Joke lang.. Identity crisis.? Curious.? Haixt fine.. Front ko lang yung panliligaw sa mga babae Or pangaagaw ko sa kanila sa mga boyfriend nila kasi ang totoo..? Mas atracted ako sa lalake.. Yeah tamaa kayo ng nabasa! Haixt all my life tinatago ko to pero nung nakita ko si kuya aldred na nagmahal at hindi natakot dun ako nagsimula maniwala na pwede pala.. na posible yung salitang "love" sa mga katulad ko...wait balik tayo sa picture na nasa screen ng mahiwaga kong computer ayoko magdrama tapos na ko sa pageemo about sa gender thingy na yan.. Ano nga ba meron kami ni Chris Or Christian Castillo..? Seatback and relax kasi papasok kayo sa naiiba kong love story.. Smile..:)
FLASH BACK - A year ago
Nasa mall ako nun nang hindi inaasahan na may bumunggo sakin.. Aktong sisigawan ko sya ng mapagtanto kung sino yung taong yun..
" Chris.?" saad ko pagkatayo.
" Sorry.. Hindi ko sinasadya.. Una na ko sorry talaga.." saad niya aktong maglalakad sya ng hawakan ko yung braso niya.
" Hindi ako tumatanggap ng sorry.. I love you pwede pa." ngiti ko sa kanya.. Kumunot naman yung noo niya saka tinaggal yung kamay ko sa braso niya.
" ano ba sinasabi mo geo.?"
" binangga mo kasi ako pati tuloy puso ko nahulog.. Nahulog sayo.." ngiti ko kita ko naman na natawa sya.
" I'm with my girlfriend.. Una na ko." ngiti niya saka naglakad.
" Chris I love you." saad ko na ikinalingon niya.. Binigyan ko lang sya ng matamis na ngiti. " joke.! Ingat pre." natatawang saad ko saka tumalikod at nagsimulang maglakad.. Nakakailang hakbang na ko ng muli akong lumingon nakita ko lang si chris saka yung girlfriend nito.. Subukan ko kayang agawin si chris sa girlfriend niya gamit ang talent ko sa pang aagaw.. Tingin ko naman may gusto sya sakin..haha.. Haixt nevermind..Pero Sino nga ba si chris.. Sya lang naman yung kontrabida sa love story ng pinsan kong si aldred.. Pero infairness ang gwapo niyang kontrabida haha.. Napangiti lang ako saka nagsimulang humakbang.. Haixt kaboring sa bahay nila kuya aldred.. Mas masarap pa maglakad sa mall magisa.. Tuwing summer.. Or may occasion nakasanayan ko ng pumupunta sa bahay nila kuya aldred.. Ang hirap naman kasing maging only son.. Walang makausap..ang nakakainis lang pupunta ko kala kuya aldred busy naman sya kay blue.. So ganun din haha.. Lovelife ang sagot sa problema ko..yun lang ata talaga..
Nasa labas na ko sa mall nun ng makita ko si chris saka yung girlfriend niya.. Bagay sila.. Pero parang mas bagay kami nung girlfriend niya. Or pwedeng mas bagay kami ni chris..yun ang totoong gusto ko. Haha.. Napangiti lang ako sa naisip ko.. Ilang sandali ko pa silang pinagmasdan.. Mukhang nagaaway sila ang seryoso nila eh aktong maglalakad na ko papuntang sakayan ng makita kong lumingon sakin si chris tinanguan ko naman sya Lumingon na din sakin yung babaeng sabi niyang girlfriend niya..wow ang ganda.. Aktong hahakbang na ko nang maglakad si chris papalapit sakin.. Papunta ba sya sakin?ayt kalma ano gagawin ko teka bakit ba natetense ako.. Si chris lang naman yan.. Wait bakit parang slowmotion pa yung paglalakad niya papalapit sakin.. Aixt.. Naalala ko yung unang kita ko sa kanya sa court ng subdivision nila blue grabe nagwapuhan na ko sa kanya.! nakakabwiset lang yung idea na si blue ang gusto niya kausap nun at hindi ako.. haha. Nasuntok ko tuloy sya..!
" Geo.." saad ni chris aixt wake up geo.. Bakit ba kasi ako natutulala.
"what.?" ngiti ko.. Inlove nga ata sya sakin.. Dun ko naman napagmasdan mabuti yung mukha niya.. Ang gwapo pala talaga niya lalo na sa malapitan.. Yung itsura niya yung tipong makatanggal ng lalamunan.. Yung tipong tinitilian ng mga kababaihan at kabaklaan.. He looks different now ibang iba na sya sa chris na nagmamakaawa nuon kay blue.. Kahit paano may konting glow na yung mukha niya siguro nakamove on na talaga sya.
" Uhmm..kasi." lumingon lang sya dun sa girlfriend niya na ang sama ng tingin saming dalawa..
" Tulungan mo naman ako.?"
"uhmm kailangan mo ng relief goods..? Aixt hindi kasi ako nagwowork sa dswd eh.? And I think you don't need that.?" ngiti ko napangiwi naman sya..ang gwapo niya talaga.. Di ba lovelife ang kailangan ko? What if.? Haixt imposible.. Imposible talaga.. Si blue ang mahal niya.
" geo hindi ako nagbibiro.. Please.?"
" just kidding so anong tulong ang kailangan mo.?"
" magpanggap ka naman na tayo oh.? I know hindi tayo ok dahil sa nangyare sa pinsan mo at kay blue.. But please just for today..?" pakiusap niya.. Natawa naman ako ng payak.. Magpanggap na kami...? Gago ba sya.. Pero parang ok yun ah.. ? Haha pwede bang totohanin nalang? haha
"may gusto ka sakin.?"
" huh..?"
"kung may gusto ka sakin.?"
"geo wala..Pero Please.. Gusto ko lang makipagbreak sa girlfriend ko."
"sus makikipagbreak ka lang naman pala eh..kaya mo na yan.. May pupuntahan pa ko."
"geo I like you." saad niya.. Natigilan naman ako saka sya binigyan ng ngiti..sabi na eh. " tulungan mo na ko please.?" gusto niya ko.. Aixt bahala na nga.gwapo sya pero type ko ba sya.? Uhm Don't know. " please geo.?"
"ok. Pano ba.?" ngiti ko nagulat nalang ako ng bigla niyang hawakan yung kamay ko papalapit sa girlfriend niya. " hoy teka.."
" erika.. Look.. Kami na ni geo.." ngiti ni chris.. Wait kami na daw..? Ang bilis naman. Hindi man lang ako binigyan ng chance magpakipot.?
"what.? Kayong dalawa.?" ngiwi niya habang pinagdidikit yung dalawang daliri niyaTumango naman si chris.
"kami na erika.. Nahihirapan ako magmove on kay blue right.? At tingin ko lalake ang kailangan ko,.. And geo is cute.."
" hoy chris hindi ako cute.. Gwapo ako.." saad ko pero nagulat lang ako ng bigla akong sampalin nung girlfriend niya.. Darn! " bakit mo ko sinampal.?!"
" mangaagaw ka!"
" Ng alin..? Candy..? Hindi naman ako kumakain ng candy ah.?"
" anong candy.?" saad ni chris.. Ayt oo nga bakit candy haha.. Wait mangaagaw ako.. Inagaw ko si chris.?
" inagaw mo yung boyfriend ko..!"
"inagaw ba kita chris.?" lingon ko kay chris.. Tinanguan naman niya ko.. Ayt inagaw ko nga sya haha..
" ano nga pangalan mo..?!" galit na saad nung babae..
" Im geo.. Wag mo naman ako titigan ng ganyan baka isipin ko may gusto ka sakin..?" ngiti ko.
"fuck you..! Magsama kayo sa impyerno.. At ito tandaan mo huh.. Iiwan ka din niya kasi yang hayop na yan hindi marunong magmove on!" sigaw nito saka ako binigyan ng isa pang sampal..
"fuck you ka din..! Isa pang sampal susuntukin talaga kita!"inis na saad ko.. Darn! Baka masira ang mukha ko..!naramdaman ko naman na hinawakan ni chris yung balikat ko..
" Manloloko at manggagamit ka!" sigaw nung babae kay chris saka nagmamadaling umalis.. Napakamot naman ako sa ulo..saka nahawakan yung pisngi ko..sakit nun ah.. Humarap lang ako kay chris na sa ibang dereksyon nakatingin.. Bakit parang simula nung iniwan sya ni blue hindi niya na alam kung pano ngumiti..
"masakit ba..?"
" gusto mo itry ko sayo para malaman mo kung masakit.?" inis na saad ko.. Shet bumakat ata yung palad ng magandang babaeng yun.
" Sorry ? Saka thank you." saad niya.
"masakit.. Ikiss mo ko dali.." saad ko.
"what..?"
" uhm wala joke lang." saad ko.. Kainis wala man lang kiss.. " bakit mo hiniwalayan yun.. Maganda naman sya ah.?"
" maganda nga.. Si blue naman ang mahal ko.."
"what.?!" si blue parin.? Wow grabe.
"wala sabi ko ang cute mo.."
"gwapo ako.. Hindi ako cute.."
"haixt.. Ewan."
" until now si blue parin.? Wow pare huh gusto mo ba ispell ko pa sayo yung salitang move on.? M-O-V."
" enough! Of corse I know how to spell that."
" ok kala ko kasi hindi eh..M O V E space O N." ngiti ko.
" hindi ako tanga.."
" hindi naman proket hindi mo alam ispell ang isang word tanga ka na.. Minsan kailangan mo ispell para pumasok sa utak.. Kausapin mo kasi minsan neurons mo para maabsorb nila yung salitang move on."
" Ewan."
"Saka kala ko ba you like me.?"
"I like you.?" kunot na saad niya. Ngumiti naman ako saka tumango..natawa naman sya.
" hindi kita gusto.. Si blue lang ang mahal ko.."
"magkaiba naman ang love sa like ah.. Malay mo ako yung like mo at si blue yung love mo..? So if I were you.. Tayo nalang."
" seriously.?"
" yeah.. Seriously.."
" gusto mo ko..?"
" uhm hindi masyado.. Pero gwapo ka naman eh.. Wala naman masama kung itry di ba..?"
" baliw ka na ba..?" tumingin naman ako sa paligid ko..
" uhm the last time I checked wala naman tayo sa mental ngayon.. So hindi ako baliw.. Baliw siguro sayo.. Pwede pa.."
" uuwi na ko ayoko makipagbiruan sayo." simangot niya.
" hindi ko dala yung motor ni kuya aldred eh.. Hatid mo naman ako since may gusto ka sakin.?"
"wala akong gusto sayo geo.."
"pero hindi yun ang sinasabi ng mata mo." saad kong todo ngiti. Napalunok lang ako ng mapagmasdan yung lips niya. Shet ano ba geo umayos ka nga. Wag sya.. Pero bakit hindi pwede..?
" Kinausap ka ng mata ko.?" saad ni chris.. Napangiwi naman ako.. Ang corny wahaha..
" hatid mo na ko.. Panget ng joke mo.." umiwas naman sya ng tingin.
" panget ba..? Kala ko nakakatawa eh.. Nasa bahay ba si blue.?"
" malay ko.. Mukha ba kong maid nila.?"
" geo.. Ganyan ka ba talaga.?"
" Oo naman chris.. Type mo na ko noh.?" ngiti ko sa kanya... Napabuntong hininga naman sya. " naalala mo nung sinuntok kita dati..?"
" yeah.. What about that.?"
" don't worry hinding hindi ko na uulitin yun."
" huh?"
" kasi Ang gwapo mo hindi ka dapat sinusuntok.. Dapat sayo minamahal.." ngiti ko natawa naman sya..
" ewan ko sayo.. Kamusta si blue.. Ok lang ba sya.?"
" Wait.." saad ko saka tiningnan yung damit ko kumunot naman yung noo niya. " uhm hindi naman ako nakapangnurse.. At lalong hindi ako doctor.?"
" tinatanong ko lang naman kung ok si blue ah.?"
" yeah.. Hindi niya ko nurse so wag mo sakin itanong." ngiti ko.
"bahala ka sa buhay mo.. una na ko.."
" wui wag naman.. Bata ka pa para mauna..?"
" geo naiinis na ko." seryosong saad niya..haha mukhang inis na sya.. Pero infairness gwapo parin..teka atracted ako sa kanya.? Uhm wala namang masama di ba..? Pero kasi may mahal na sya.. Geo ano ba..! Nagjojoke lang naman ako kanina eh pero yung puso ko kumakabog habang pinagmamasdan ko yung mukha niya.. Ayt hindi pwede.. You heart behave! Pero pano kung nagpapanggap nalang syang si blue parin.? Nginitian niya ko.. Sign kaya ng love yun.? PEro haixt behave..!
" Im just joking.. Hindi ka na mabiro.?" ayoko na nga magjoke baka kung san pa to mapunta haha.. Baka nga may gusto sya sakin pero baka magalit si kuya aldred kapag pinush ko to.. haha
" aalis na ko.."
" sabi ko ihatid moko di ba.?"
"why should I.?"
" kasi tinulungan kita. Or gusto mong kausapin ko yung gf mo . I mean ex gf mo na hindi naman totoo yung sinabi mo kanina na tayo pero alam mo parang mas ok kung maging totoong tayo nalang.?" ngiti ko.. Haixt enough na sabi sa joke eh.
" geo.. I don't like you."
" hindi ako naniniwala hatid mo na nga ako.."
" haixt fine.. Pero kala blue kita ihahatid.." seryosong saad niya.. See si blue parin.
"di naman ako dun nakatira ah.?"
" pero gusto ko makita si blue eh.?"
" hoy chris... Magmove ka na nga.. Tutulungan kita..?"
" no thanks.. Tara na." saad niya saka naglakad papunta sa parking area ng mall na yun.. Sumunod naman ako sa kanya hanggang makarating kami sa tapat ng isang motor..binato niya lang sakin yung helmet.. But wait! Pink na helmet..?! Seriously.?
" bakit pink.?"
" kay erika yan.."
" don't tell me.. Hinayaan mong umuwi magisa yung girlfriend mo.?"
" nakikita mo ba na kasama ko pa sya ngayon.?" saad niya saka sumakay sa motor.. Sabi ko nga haha..
" ang sama mo naman."
" And so.. Sakay na baka magbago pa isip ko.."
" eh pano kung ako magbago ng isip.?" ngiti ko.. Tinitigan naman niya ko.. Wow those eyes..! Pinilig ko naman yung ulo ko.. Hindi sabi pwede eh.
"edi mas ok.. Bye." saad niya aktong papaandarin niya yung motor ng humarang ako. " what.?"
"wala naman akong sinabi na magbabago isip ko ah.?"
" sasakay ka ba o hindi.?"
" sasakay.?" ngiti ko saka sinuot yung helmet saka sumakay sa likod niya.. Ngayon lang ako nakiangkas sa motor.. Aixt nagagwapuhan lang ako kay chris pero love..? Imposible! Putek hindi talaga pwede masasaktan lang ako sa bwiset na to.. Mahirap mahalin yung taong alam mong may mahal na iba. Kaya hindi pwede kaya please geo kumalma ka ok.! Pagpasok ng motor niya sa subdivision ay dineretso niya to sa park.
" bakit dito.?" saad ko saka bumaba at tinangal yung helmet na suot ko.. Bumuntong hininga naman sya.
" ayoko baka makita ko si aldred." saad niya saka bumaba sa motor niya at umupo sa bench. " tingin ko naman ok na si blue eh ayoko na sila guluhin."
" bakit kasi hindi mo makalimutan si blue.? Nakagraduate na kayo ng high school! chris Its almost a year pare magbigti ka nalang."
" mahal ko sya.?"
"pero may mahal na sya.? Alam mo kalokohan yan! sinasaktan mo lang yung sarili mo.." saad ko saka umupo malapit sa kanya nilagay ko lang yung helmet sa pagitan naming dalawa,
" one great love..? Yun ata yung naramdaman ko kay blue."
" sus.. Hey chris." saad ko lumingon naman sya sakin. " joke lang yung kanina na may gusto ako sayo huh." natatawang saad ko.
" I know ang astig astig mo tingnan kaya imposible.. Saka tayong dalawa..malabo yun baka patayin ako ni aldred." ngiti niya. Umiwas naman akong tingin. Kung alam mo lang haha.. Pero mas ok na to.. Hindi ako pwedeng magkagusto sa lalakeng to baka nga mapatay sya ni kuya aldred.. Peor kasi.. Haixt heart! Behave sabi eh.
" Sa schoneberg ka ba magcocollege.?" tanong ko sa kanya.
"uhm hindi.. si blue kasi dun magaaral at nandun din si aldred kahit gusto ko dun.. Wag nalang."
" huh ganun.. So sa Public ka papasok.? Or sa ibang school.?"
"yeah sa public....Pumunta kami ng mommy ko dun.. Mukhang ok naman sya."
" hindi ba magulo.?" pilit na ngiti ko umiling naman sya. " talaga.. Sabagay hindi ka naman siguro papayagan ng mommy mo na dun pumasok kung nakita niya na magulo di ba.?"
"oo naman.." ngiti niya.. Aixt kawawa naman sya ngumitingiti sya pero hindi yun umaabot sa mga mata niya..nataranta lang ako ng maramdaman yung pagpatak ng ulan..shit agad lang akong tumayo.
"chris umuulan.?" ngiwi ko ng makitang hindi sya tumayo sa inuupuan niya. " hoy umuulan sabi.." tapik ko sa kanya.. Natigilan lang ako ng makita yung pamumula ng mata niya pero pinilit niya ngumiti.. Umiiyak ba sya..?
" sige geo uwi ka na dito muna ako." saad niya.
" magpapaulan ka dito.?"
" yeah.. Maya maya aalis na din ako."
" seryoso ka..?"
" oo nga.." ngiti niya hindi ko lang mapigilang pagmasdan sya habang tuloy yung patak ng ulan sa mga balat namin.
"haixt dito rin muna ako.. Parang ang sarap maligo sa ulan eh." ngiti ko.
"huh sigurado ka.?"
"oo naman.. Sabi nila yung unang ulan daw ng summer is magical." saad ko saka tumingala.. " kasi daw kaya raw nitong maging gamot sa mga skin problem." tumingin naman ako sa kanya na ibang dereksyon nakatingin.
" magical..? Kaya din kaya niyang pagilingin yung mga sugat ko sa puso.?" nakatungong saad ni chris... Natawa naman ako.
" tumingala ka then open your mounth." saad ko..
"huh.?"
" sige na gawin mo..?"
" ayoko.."
"sige na.." ngiti ko napakamot naman sya sa ulo saka tumingala sa langit. " yan baka makapunta na yung ulan sa puso mo.. Malay mo gumaling nga." saad ko natawa naman sya.. Ang sarap naman niya pagmasdan tumatawa.. Bakit kasi si blue yung minahal niya.. Hindi bagay sa kanya yung nasasaktan.. Ilang minuto din kaming nagpaulan lang.. Ilang minuto ko din syang napagmsadan habang tumatawa sa ilalim ng pagbuhos ng ulan hanggang maramdaman ko yung unti unting paghina ng patak..
"haixt wala ng ulan.. Uwi na ko geo.. Alam mo hindi naman tayo close di ba pero magkasama tayo ngayon.. Weird right.?" ngiti niya.
" Wierd nga." napapakamot na saad ko.
" kasi nung last time na magkita tayo nasuntok mo ko eh."
"eh kasi pinaiyak mo si blue saka si kuya aldred eh." saad ko umiwas naman sya ng tingin..
"uwi na ko..I enjoy your company." muling lingon niya sakin.! Presto! binggo! Nagenjoy sya sakin haha pano pa kaya pag sa kama na.? Ayy haha fast forward saka hindi nga pwede di ba haha ay ano ba tong naiisip ko.
" sige.. Gusto mo ba makita si blue ngayon.?"
"no wag na..uwi na ko.." saad niya saka sumakay sa motor niya.
" sure ka..? Bukas gusto mo? sasamahan kita.. Akong bahala kay kuya aldred." ngumiti naman sya saka umiling.
" magbabakasyon muna kami sa states ni mommy.. Pupunta kami kay daddy.."
" sa states..? Akala ko ba dito ka magaaral.?"
" yeah.. Nakapagenrol na ko babalik kami bago magpasukan." ngiti niya saka inistart yung motor niya.. Aalis sya..? Nahagip naman ng mata ko yung helmet na nasa bench..
" wait chris yung helmet nung ex mo." saad ko saka kinuha yung helmet.
" tapon mo na yan."
"huh bakit naman.?"
" wala ng gagamit niyan eh.. Sorry nga pala kung pinasuot ko sayo yan.. Ang baduy ng kulay." natatawang saad niya. " tapon mo na yan.. Geo I have favor."
" uhm ano naman.?"
" uhm wag mo sabihin kay blue or kay aldred na galing ako dito huh.. Or magkasama tayo.."
"huh bakit naman. Eh ang alam ko ok na kayo ni blue..?"
" kami ni blue ok na kami.. Pero si aldred kahit pagbalibaliktarin ang mundo malabo na.. Hindi kami magiging ok nun at hindi ko sya kayang maging kaibigan.. alam ko kahit hindi niya sabihin nagseselos padin sakin yun kaya mas ok na dumistansya na talaga ko sa kanilang dalawa."
" sabagay... Sasapakin uli kita kapag ginulo mo yung pinsan ko saka si blue."
" hindi na.. Mamahalin ko si blue kahit nasa malayo ako."
" martyr.!" simangot ko natawa naman sya.
" sige na alis na ko.." ngiti niya saka pinaandar yung motor.. Naiwan naman akong nakatingin lang sa dereksyon na tinahak ng motor niya.. Haixt mahal niya talaga si blue kaya hindi ko sya pwedeng mahalin.. Wait mahalin.? Ako mamahalin ko si chris.? Nagagwapuhan lang ako kanina ah.. Bakit may word na "mahal." no! Napagmasdan ko naman yung pink na helmet na hawak ko.. Yuck ang color hahaha.. Pero hindi ko itatapon. Parang bigay na rin sakin to ni chris eh,.. Haixt.. wait wait.. Ano ba geo..aktong ibabato ko yung helmet ng matigilan ako.
" sayang naman to.. Ang mahal kaya ng helmet.?" saad ko saka naglakad habang hawak yung helmet pauwi sa bahay nila kuya aldred.. Itatago ko nalang to.. Sayang eh
END OF FLASHBACK
Natauhan lang ako ng marinig yung malakas na katok sa pinto..haixt naalala ko nanaman yung itsura ni chris nun.. Kainis.. Sinara ko lang yung computer ko saka tumuloy sa pinto at binuksan.
" mom kung kumatok kayo parang may sunog.?" simangot ko.
" kanina pa ko kumakatok bakit hindi mo binubuksan.?"
"kanina pa ba..?"
" oo.. Tara kakain na tayo." saad nito saka tumalikod.
" sunod ako mom."
"bilisan mo." habol pa nito.. Muli ko lang sinara yung pinto ng kwarto ko..babalikan ko si chris.. Biro lang nung una pero yung puso ko..marunong pala magseryoso at Hindi sya makalimutan.. Kamusta na kaya sya.. Wala naman balita sa kanya sila blue or si kuya..Or ayaw lang nila ng balita galing kay chris.. Bakit naman kasi sa public pa sya pumasok eh.. Pabagsak lang akong nahiga sa kama hanggang mahagip ng tingin ko yung helmet na nakalagay sa ibabaw ng cabinet ko.. Tumayo lang ako saka to kinuha. Ang baduy talaga ng kulay.. haha
" tuwing makikita kita.. Naalala ko yung pagsakay ko sa motor niya." bulong ko.. Pati helmet kinakausap ko na ngayon.. Kainis pag puso pala ang tumibok nakakabaliw pala!
Pagkatapos ng isang linggo ay natuloy nga yung plano ko na kala kuya aldred na tumira. Pagbaba ko palang ng taxi nakita ko na si kuya aldred saka si blue na nasa harap ng gate.,
" Wow para pala akong new year noh.?" ngiti ko kay blue si kuya aldred naman kinuha yung maleta ko sa likod ng taxi.
" new year.?" kunot ang noong saad ni blue.. Natawa naman ako.. Haixt mukha talagang masungit to si blue pero ang gwapo.
"new year kasi ang sarap mo paputukan." saad naman ni kuya aldred..
" kuya naman eh.. New year kasi kailangan sinasalubong." ngiti ko..
" wait lilinawin ko lang geo huh.. He's mine." akbay ni kuya aldred kay blue.. Napabuntong hininga naman ako hanggang ngayon threat parin ang tingin sakin ni kuya aldred.. Gwapo si blue pero ayoko na sa kanya.. haha " geo sasapakin kita.. Umayos ka."
" kuya naman Masaya na ko sa inyong dalawa..pwera nalang kung type ako ni blue.?" saad kong nakatitig kay blue natawa naman sya.
" Geo uuwi ka na." saad ni kuya aldred saka kinaladkad yung maleta ko agad ko naman pinigilan yung paghila niya ng maleta ko." Ibabalik kita sa mommy mo...!"
" kuya naman eh joke lang."
" yang mga joke mo ang magdadala sayo sa hukay." inis na saad ni kuya aldred.
" kuya hindi na nasanay sakin.."
" hindi talaga."
" Ewan ko sa inyong dalawa..pasok na tayo nagugutom na ko eh." saad ni blue saka pumasok sa gate ng bahay nila kuya aldred kita ko naman yung sama ng tingin ni kuya aldred sakin.
" kuya aldred..?"
"papatayin kita.. Subukan mo lang." tinaas ko naman yung kamay ko simbolo ng pagsuko.. Ang alam ko talaga close kami ni kuya aldred sa hindi malamang dahilan takot na takot sya maagaw ko si blue...aixt ewan ganun nga siguro ako kagwapo haha " alam ko may dahilan kaya gusto mo dito magaral."
" kuya hindi si blue yun ok.. Gusto ko lang talaga ng new place."
"kung ayaw mong umuwi sa inyo na nakahiga sa kabaong umayos ka."
" kuya naman eh..maayos ako.. Ang sama ng welcome mo sakin huh." simangot ko.
" ang sama din kasi ng pangbungad mong joke." simangot niya natawa naman ako.
" kuya relax kasi.. Alam ko naman yung pinagdaanan niyo ni blue eh tingin mo ba guguluhin ko pa kayo.. Number 1 fan niyo kaya ako."
" siguraduhin mo.."
"yes kuya promise.. Wga mo na kp sungitan bahala ka baka pumanget ka tapos iwan ka ni blue."
" hindi ako iiwan nun..."
"ows..?"
" eh bakit kasi ayaw mong sabihin kung bakit gusto mo dito magaral.?"
" new place nga.?"
" mukha mo Geo.. New place? wag mo ko lokohin."
"kuya aldred naman eh.. Nagugutom na ko.?" ngiti ko saka naglakad papasok sa gate.
"hoy teka ang dami mong gamit tulungan mo ko.?"
"kaya mo na yan kuya aldred.." sigaw ko saka pumasok sa bahay nila.. Haixt makikita ko na sya ulit.. Do or die na to.. Bahala na.. Mahal ko nga ata talaga yung chris na yun.. ATA! Haixt kailangan ko sya makita para masigurado ko kung love ba talaga to.. Aixt naabutan ko naman si blue na nasa sala habang may kausap sa cellphone.. Ilang sandali ko naman syang pinagmasdan.
" Paul kita nalang tayo sa music room bukas.." saad ni blue ng makita ako.. Paul.? Sino naman si Paul..? "Geo hindi mo man lang tinulungan si aldred." simangot niya pagbalik ng phone niya sa bulsa.
" Blue Knock knock.?" ngiti ko .
" who's there..?"
" Paul." ngiti ko kumunot naman yung noo niya.
" paul who.?"
" magdalena.. Ikaw ay sawingPAULad." kanta ko..
"Geo..?" ngiwi niya.
" Ewan ko sayo party party ka nanaman.. Lagot ka kay kuya aldred."
" Anong party ka jan.?"
"sino namang yang Paul na yan.?"
" schoolmate.. Tapos drummer ng banda sa school namin.. Issue ka nanaman geo huh.. May tinanong lang sakin si Paul."
" ows.." ngiti ko dun naman pumasok si kuya aldred nagulat lang ako ng paglapag niya ng maleta ko ay bigla niya kong binatukan. " kuya naman!"
" suntukin pa kita jan.."
" Red si geo.. Inaaway ako." saad ni blue bigla naman akong sinakal ni kuya aldred... " hoy aldred joke lang." awat sa kanya ni blue
" kuya naman eh. Blue hindi naman kita inaaway ah."
" masasaktan ka talaga Geo."
"joke lang.. Si geo kasi kausap ko si Paul kanina.. Nagpaparty daw ako."
"si paul.?" saad ni kuya aldred
" Si paul yung member ng The antagonist.. Nagtanong lang about sa praktis nila."
"ah ok.. Geo tigilan mo si blue huh."
"haixt ewan ko sa inyong dalawa.. Blue sabi ko nga di ba.. Pag gusto mo ng party susuportahan kita." ngiti ko saka tumakbo papunta sa kwarto ko narinig ko naman yung sigaw ni kuya aldred..ang pikon talaga ng pinsan ko haha Haixt pabagsak lang akong nahiga sa kama.. Si blue talaga.. Chris I'm comming tutulungan kitang kalimutan si blue..
Kinagabihan tumambay lang ako sa labas ng bahay.. Si kuya aldred haixt nandun nanaman kala blue.. Ito yung side na hindi nakita sa kwento nila..PUro sweetness lang ang alam nila.. Haha.. I know mahal niya blue pero lagi nalang syang nandun.. Puro si blue si blue at si blue nalang ang laman ng utak ni kuya aldred haha..
" Kurt mahamog jan.?" rinig kong saad ni Tita Emma
" tita ems ok lang ako dito.." ngiti ko nakita ko naman na lumapit sya sa kinauupuan ko. "tita its geo wag niyo ko tawaging kurt.?"
" dahil pangalan yun ng daddy mo.?"
"hindi tita dahil yun ang pangalan ng taong nangiwan samin ni mommy." mapait na saad ko.. 2nd year high school ng iwanan kami ni daddy.. Di ko alam kung nambabae sya or hindi kasi bigla nalang syang naglahong parang bula.. Simula nun si mommy na nagasikaso ng mga bussiness na iniwan ni daddy napabayaan tuloy ako ni mommy.
"ok sabi mo eh." tumingala naman ako saka tumingin sa mga star.
" tita minsan ba dito natutulog si blue.?" pagiiba ko ng usapan.
" bakit mo naman natanong.?"
"wala lang tita."
" yeah minsan.." ngiti nito.
"ok na talaga kayo kay blue tita.?"
"oo naman.. Close na kami.. Minsan pag dito sya natutulog nagagalit sakin si aldred kasi wala na daw kaming ginawa kundi magkwentuhan."
"si kuya aldred talaga." natatawang saad ko..
" hoy ikaw geo wag mo sila guguluhin sisipain kita palabas ng bahay namin."
" tita naman.. Hindi promise.."
" siguraduhin mo.."
"tita sana po magkaroon ako ng lovelife tulad ng kay kuya aldred."
"You mean..?" kunot ang noong saad nito.. Ngumiti lang ako saka tumango.. " wag si blue.. Sa kuya aldred mo na yun.?"
" opo naman po.. Pero tita ok lang sa inyo na ganito ako.?"
" uhm oo naman.. Si aldred nga natanggap ko.. Ikaw pa kaya." ngiti nito.. " pero remember this geo hindi lahat ng love story parehas.. Yes nakikita mong masaya si blue and aldred pero It doesnt mean na magiging katulad ng love story nila yung love story mo.."
"what do you mean tita.?"
" magingat ka lang sa taong mamahalin mo.. Yung hindi ka sasaktan... Yung mamahalin ka..yung hindi ka paiiyakin.nung una hindi ako naniniwala na pwedeng maging msaya yung anak ko kay blue..pero nakita ko na masaya sila parehas.. Kaya pumayag na ko.. Wala naman akong magagawa eh.. Love.? Ang hirap kalaban niyan"
" sana nga tita." ngiti ko.. " tita ok lang hiramin ko yung motor ni kuya aldred.?"
" ok lang.. Geo gusto mo ibigay ko nalang sayo yung wheelchair ni aldred.?" ngiti nito napangiwi naman ako.. Ano gagawin ko dun haha.
" tita anong gagawin ko dun.?"
" sayang kasi eh wala ng gumagamit."
" tita naman eh."
" joke lang sige na pasok na ko gusto mo kunin ko yung susi ng motor ni aldred.?"
" ok lang tita.?"
" oo naman.." saad nito saka tumayo.. Haixt ilang sandali pa ay muli lang lumabas yung mommy ni kuya aldred inabot lang sakin nito yung susi. " magingat ka.. Saka umuwi ka agad."
" yes tita.." ngiti ko saka pumunta sa garahe humugot lang ako ng malalim na hininga saka nilabas yung motor.. San ba ko pupunta.? Anywhere haixt.
SI PAUL
Nakaupo ako nun sa couch sa loob ng isang sikat na bar sa lugar namin. Pinagmamasdan ko lang yung mga taong nagsasayaw habang hawak hawak ko yung alak na kanina ko pa iniinom.. ano problema ko at ano ginagawa ko dito.?
" hon lets dance.?" saad ni Sarah paglapit sakin ngumiti lang ako saka umling. Sya ang problema ko at sya ang dahilan bakit ako nandito. " uupo ka lang ba jan.. Enjoy natin yung place." saad niya pa saka umupo sa tabi ko..hindi ko talaga hilig yung ganitong lugar kung hindi lang dahil sa kanya hindi ako pupunta sa ganito eh..nakakahilo yung mga ilaw at ang lakas ng tugtog.
" I'm ok sarah.. Just dance Papanuorin nalang kita." ngiti ko kita ko naman na lumingon siya sa likod niya.. May ilang kababaihan akong nakita na nakatingin saming dalawa. " sino sila.?"
" new friends.. Ayaw kasi nila maniwala na boyfriend kita.. Sayaw na kasi tayo please."
" sarah Drummer ako I'm not a dancer."
" please..?"
"ayoko.." maikling saad ko sumimangot naman sya. "Di ba mas ok kung dun tayo pumunta sa bar na acoustic yung tugtog."
" acoustic..? Nakakaantok.!" irap niya sakin.. " ayaw mo ba ng ganito.? Party party.?"
" hindi naman sa ayaw.. Maingay kasi eh."
" maingay... Eh yung mga drums na pinapalo mo hindi ba maingay yun.?"
" iba naman yun.."
" whatever.." saad niya saka umayos ng upo lumingon lang sya dun sa mga babae na kanina pa nakatingin sakin nang tingnan ko si sarah nakatitig na sya sa mukha ko.
" why.?" saad ko pero nilapit niya na yung mukha niya saka masuyong hinalikan yung labi ko.. Ilang sandali naman akong natigilan., hanggang humiwalay sya saka ako binigyan ng ngiti habang kagat kagat niya yung labi niya.
" You're really hot paul.." ngiti niya.
" Sarah lasing ka na ba.?"
" no I'm not.. Talo ako sa pustahan ang hirap mo ayain sa dance floor."
" what do you mean pustahan.?" kunot ang noong saad ko ng lingunin ko yung mga babae nakita ko lang na nagtatawanan sila.." anong pustahan sarah. Boyfriend mo ko bakit nakikipagpustahan ka sa kanila.?"
" just for fun..? Since natalo ako sa pustahan.. Ikikiss ka ng isa sa kanila.. Mamili ka kung sino." ngiti niya.
" what!"
" mamili ka lang.. Ok lang sakin hindi ako magseselos."
"Are you insane sarah!?" gigil na saad ko.
" paul its just for fun. ?"
" fun mo mukha mo!!" inis na saad ko saka tumayo..
" wait san ka pupunta..?"
"ihahatid ka." gigil na saad ko saka hinawakan yung braso niya para tumayo pero nagulat lang ako ng isang sampal yung dumapo sa pingi ko..
" bitawan mo ko!" gigil na saad niya.
"sarah uuwina tayo.. Lasing ka na..!"
" sabing ayoko eh..!" sigaw niya. Halos lahat ng tao sa bar na yun nakatuon na yung atensyon sa aming dalawa.shit.. " Bitawan mo ko paul!" muling sigaw niya gigil ko lang syang binitawan saka sya tinalikuran.. " wait Paul.!" muling sigaw niya lumingon naman ako. "fuck you...bye.. See you tomorrow." ngiti niya..gigil ko lang syang tiningnan saka muling lumapit sa kanya.
" Ano sabi mo.?" gigil na saad ko.
" fuck you." saad niyang nakatitig sa mukha ko..muli ko lang hinawakan yung braso niya saka hinila palabas ng bar na yun.. Pilit naman syang nagpupumiglas hanggang makarating kami sa labas aktong bubuksan ko yung kotse ng itulak niya ko.
"sarah lasing ka na kaya pwede ba!"
" Napaka kj mo! gusto ko pa magsayaw eh!""
" lasing ka na tara na iuuwi na kita..." seryosong saad ko aktong lalapit ako sa kanya ng ngumisi sya saka tumakbo.. Nasapo ko naman yung mukha ko.. Damn this girl.. Bakit sya ganyan.. Pakshet kasing mga magulang niya.. Pinalaki syang spoiled.. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka sumunod sa dereksyon na tinahak ni sarah.
" paul habulin mo ko.?!" sigaw pa niya.. Haixt tinuloy ko lang yung pagsunod sa kanya.. Aantayin ko nalang syang mapagod naiinis na talaga ko..lagi nalang ba kaming ganito.. Ilang sandali ko pa syang sinundan ng isang motor yung tumigil sa harap niya..
"ok ka lang ba miss.?" saad nung lalake agad naman akong lumapit.
"sinusundan niya ko." turo sakin ni sarah.. Kita ko naman yung tingin sakin nung lalake.. Haixt bwiset ka talaga sarah ipapahamak mo pa ko.
" Pare its not what you think." taranatang saad ko.
"no! tulungan mo ko.. Sinusundan niya ko tingin ko may balak sya sakin." arte ni sarah... Bumaba naman ng motor yung lalake.
" umalis ka na bago kita isumbong sa mga pulis.. Hindi ka naman mukhang rapist pero malay ko ba kung ano ka.. alis" saad nung lalake habang hinahawi yung buhok ni sarah na napunta na sa mukha niya.
" sarah umayos ka nga.. Pare girlfriend ko sya."
" NO wag kang maniwala sa kanya." pagmamakaawa ni sarah gigil naman akong lumapit kay sarah saka hinawakan sa braso niya pilit naman nitong tinatanggal yung kamay ko. " wheres your key.?" saad ni sarah sa lalake ng matanggal yung kamay ko.
" sarah ano ba!" sigaw ko.
" wag mo sya sigawan.. Hindi sya bingi."
"syempre alam ko na hindi sya bingi pero lasing sya.."
"kaya nagbabalak ka ng masama sa kanya dahil lasing sya.?" hamon nung lalake.. Damn it nagulat lang kami parehas ng kunin ni sarah yung susi ng motor dun sa kamay ng lalake saka agad sumakay sa motor.
"sarah stop it!" inis na saad ko pero binigyan niya lang ako ng nangaasar na ngiti saka mabilis na pinaandar yung motor..
" hoy motor ko yan!" sigaw nung lalake. Umiwas naman ako ng tingin buti nga pakialamero kasi. " hoy san niya dadalhin motor ko I mean hindi pala akin yun. Shit magagalit sakin si kuya aldred.!" nagkibit naman ako ng balikat.
" pakialamero ka kasi sabing girlfriend ko yun eh."
"eh malay ko ba.?"
"mukha ba kong rapist.?" simangot ko tinitigan naman niya ko saka nagkibit ng balikat.
"hindi nga."
"see.."
"wait yung motor nga san dadalhin nung babaeng yun yung motor ko.?"
" kala ko ba hindi sayo yun.?"
" I mean motor ni kuya aldred.. Shit magagalit yun eh! San ba niya dinala.?"
" hindi ko alam..aalis na ko hahanapin ko sya." saad ko saka tumalikod pero hinranagan niya yung daanan ko. " what.?"
" sasama ako..?"
" bigay mo nalang sakin yung address mo.. Babalik ko yung motor mo or kung ibangga ni sarah yun ibibili nalang kita ng bago."
"hindi pwede mahalaga kay kuya aldred yun eh."
"aixt.. Babalik ko nalang."
"sasama nga ako wag ka makulit hahalikan kita jan."saad niya napalingon naman ako sa kanya.. Ano daw.? " joke lang sasama nga ako."
"fine.!." simangot ko saka naglakad pabalik sa bar kung saan nakaparada yung kotse ko.. Haixt kailan ba magbabago si sarah.. Nakakainis na sya ng lingunin ko yung lalake kita ko lang yung pagiwas ng tingin niya.. Kinda wierd.
" san natin hahanapin yung girlfriend mong baliw.?"
" I don't know.." maikling saad ko.
" I'm geo." saad niya na may ngiti sa labi.. " yung girlfriend mo Sarah ang name.?" hindi naman ako sumagot tinuloy ko lang yung paglalakad ko.. " ikaw ano pangalan mo.?" napabuntong hininga naman ako saka tumigil sa paglalakad.shit
" I'm paul.. Shut up ok wala ako sa mood sagutin yung slambook mo sa utak..so shut up.!" gigil na saad ko pero ngumiti lang sya saka naglakad napakamot naman ako sa ulo.. Curse ko ba to.? Bakit parang abnormal lahat ng nakikilala ko... badtrip.
ITUTULOY
Isang magandang storya na naman buti kasama pa ang mga rangers nakakamiss sila eh. Basta mukhang CHREO team ito.
ReplyDeletewow! may bago ah! Si gio ang nangunguulit dati kay blue ranger.
ReplyDeletebharu
Wow!! Next chapter agad. <3
ReplyDeleteMaganda ang umpisa ng sequel...Thanks sa story.
ReplyDeleteang gundo ng start.
ReplyDeletesam ng baguio
Wahhhhh wahhhhh! Hahaha
ReplyDeleteAt last Geo's here!
Natawa ako sa picture sa gitna ng story hahaha
Anyway, I think it's time to understand Chris' character. I've been very vocal about my hatred towards him. Haha #bitter, gingulo niya kasi sila blue eh at di ko matanggap na mas pogi sya kay Aldred! Haha
Anyway, I'm rooting for Chris and Geo this time. I think it's time for Chris to move on and for Geo to stop messing with other's lives. Kung magiging sila, they'll complement each other.
Excited for the next chapter! Sana mga 3x a week ang story haha kahit hanggang chapter 50 pa yan! Haha
#Chreo
#Geris? Haha
Marvs
Happy birthday Chabs! Mwahhh
Sequel ba to ng story mong una sung kina franz at Daryl? Nkaka excite basahin......
ReplyDeleteJay_05
:) :)
ReplyDeleteNICE STORY..
ReplyDeleteAUTHOR BA TO NG BLUE & ALL I SEE IS YOU...
next.chapteR plss..
ENZOH69
hi mr. A...
ReplyDeletecool start. Mukhang enjoy toh.. haha push! :-) :-) ganito dapat kahaba mga update db. Haha di ung di umaabot sa tyan. Lels. Thanks. :-) :-)
ReplyDeleteNakikita ko na kung gaano ka-assuming si Geo, haha. Mga linya palang, pamatay na!
ReplyDeleteNice :)
galing
ReplyDeleteOMG! Another hit from BLUEROSE CLAVERIA!
ReplyDeletemr. author.. galing mo talga.. ganda ng mga banat ng mga lines... bestfriend i miss u so much.... i <3 u...
ReplyDelete------> ang nagbabalik BOTBOY
Mukhang hit na naman to. :))
ReplyDelete-hardname-
Anyare? wala ng updates. :(
ReplyDeletePaul FTW! :)))
ReplyDelete-Chris
Congratulations to your new story!!! May susundan na naman Ako . .
ReplyDelete***Jan Ariez ***
interesting story :) exciting :)
ReplyDeleteAz
here we go again.. :)
ReplyDelete