Followers

Wednesday, August 6, 2014

Fated Encounter 21

Pasensya na po sa matagal na update. Kasalanan ni Glenda! Hahaha.. At hanggang ngayon ay wala pa ring ilaw sa aming barangay.. tsk..tk..
Anyways, maraming salamat po pala sa mga nag-comment sa chapter 20 ng Fated Encounter.. Salamat po sa comment. At sa mga naghihintay nito.. Pasensya na kayo kung natagalan ng sobra.

Sa mga co-RA's ko na sina Kuya Bluerose, Kuya Rye at Jace.. Hello, sa inyo.. lol
Salamat kay kuya Bluerose na palagi kong nakaka-chat sa fb kapag may pagkakataon.. hehe.. thank you sa paniniwala na magaling ako.. You're an absolutely an ego booster.
Kay kuya Rye na lagi akong ini-inspire sa mga comment.. thanks to you..
Kay Jace din, thank you sa pagsagot sa mga katanungan ko noong nag-uumpisa pa lang ako.. haha

Sa mga readers rin na nag-comment (redundant lang.) Salamat sa inyo! Namely, Angel, Bharu, Alfred of T.O, Hardname, Marvs, Migs, CRV.. Pati sa mga readers na tahimik.

Gusto ko rin pong iparating ang aking pasasalamat kay Kuya Ponse at Sir Mike.. 

By the way, malapit na itong matapos.. 4 chapters to go na lang..

"I'm a dreamer, a thinker of impossible thoughts."



CHAPTER TWENTY-ONE 


WALANG KATAPUSAN ang kasiyahan ni Vin habang magkahawak-kamay sila ni Joen naglalakad papasok sa malaking bahay ng mga ito. Parehong may ngiti sa kanilang labi at kahit walang salita na lumalabas mula sa mga bibig nila ay nagkakaintindihan ang kanilang damdamin.
                Kinakabahan man sa posibleng maging reaksyon ni Tito Ric ay nasasapawan naman iyon ng kaligayahan. Alam niya rin kasi na hindi siya pababayaan ni Joen. Papasok na sila sa pintuan ng bahay nito nang makasalubong nila si Nick. Nagtama ang paningin nila. Slowly, a smile formed in his lips. Kung dati ay babawiin niya ang kamay mula sa hawak ni Joen, ngayon ay hindi na. Nakapili na siya. Alam niya na masasaktan si Nick sa nakikita nito pero kailangan na niyang gawin ito.
                Dahil sa likas na maloko si Joen ay itinaas nito ang magkahawak nilang kamay na tila pinagyayabang. Ngumiti pa ang loko.
                "Hello Nick," bati niya dito.
                "Hi, Vin. Pagkatapos n'yong makausap si tito, pwede ba kitang makausap, kayo palang dalawa ni Joen."
                "Pwedeng-pwede," agad niyang sagot.
                "Sige, aalis na `ko," anito saka sila nilampasan.
                Sinundan na lamang nila ito ng tingin. Nagkatinginan sila ni Joen pagkatapos.
                "Siguro alam na ngayon ni Nick kung sino ang pinili mo," ani Joen.
                "`Wag ka ngang mayabang, Joen. `Wag ka ring loko-loko. Alam mo nang nasasaktan ang pinsan mo tapos ginagatungan mo pa. Malala ka na talaga."
                "Ang hilig mong manermon."
                "Mahilig ka kasing magpasermon. Papansin ka pa."
                "Ang sakit mong magsalita. Pasalamat ka at sanay na `ko sa `yo."
                "Hindi naman masakit `yong sinabi ko, ah? Totoo nga `yon, eh."
                "Sa tingin mo. Ano kaya ang sasabihin sa `tin ni Nick mamaya?" tanong nito.
                "Hindi ko alam. Basta kausapin na lang natin siya."
                "Okay, you're the boss. Sa ngayon ay si daddy muna ang harapin natin. Magpapabili ako sa kanya ng bahay na matitirhan natin in the future."
                "Adik ka. Magtrabaho ka kaya. `Wag kang ganoon, Joen."  
                "I'm just joking, Vin. Tara na nga at kausapin na natin si daddy."
                Nadatnan nila si Tito Ric na nakaupo sa single seater. Nang tingnan sila nito ay gumuhit ang maluwang na ngiti sa labi nito. Napako ang tingin nito sa magkahawak nilang kamay ni Joen.
                "Dad, ipapakilala ko ulit sa `yo si Vin. Meet my partner."
                Kimi siyang napangiti sa ginawang pagpapakilala ni Joen sa kanya.
                "Lumapit nga kayong dalawa sa `kin," ani Tito Ric saka tumayo.
                Lumapit sila dito ni Joen. Nang makalapit sila ay mahigpit siyang niyakap nito.
                "Welcome to the family, Vin. Natutuwa ako at nakapili ka na sa kanilang tatlo. And I'm more glad that officially you will become a part of my family."
                Pareho silang napakunot ng noo ni Joen sa sinabi nito.
                "Officially?"
                "Ano po ang ibig n'yong sabihin, tito?"
                Sabay na sabi nila ni Joen.
                Makahulugan lang na ngumiti si Tito Ric. Hindi sinagot ang tanong nila saka nagsabi. "Ipapakasal ko kayong dalawa."
                Pareho silang nagulat ni Joen. Magsasalita sana sila ng unahan sila nito. "`Wag na kayong kumontra pa na dalawa. Ipapakasal ko kayong dalawa kahit na ano ang mangyari. Gusto kong maging ka-apelyido kita, Vin. Sa ngayon ay magsaya muna tayo. Let's enjoy this moment. Natutuwa talaga ako. Sandali lang at aasikasuhin ko muna ang pagkain natin." Ang sabi nito saka sila iniwanan.
                Nang makaalis ito ay nagtama ang paningin nila ni Joen. Hinawakan nito ang kamay niya saka siya iginiya paupo. Hindi sa mahabang sofa kundi sa kandungan nito. Natawa na lang siya.
                "Para ka talagang baliw. Ang lawak ng upuan tapos dito mo ako pauupuin sa kandungan mo. Ang mga trip mo talagang lalaki ka. Tinatrato mo akong parang tunay na babae. Hindi ka ba nasasagwaan sa ginagawa natin," pagbibiro niya.
                "Hindi. `Wag ka nang kumontra. Ang hilig mo doon." Niyakap siya nito. "Vin, payag ka ba sa gusto ni daddy. Gusto mo bang makasal sa `kin?" Seryosong tanong nito.
                "Ewan," nakangising sagot niya.
                "Wala kang kwentang kausap. Iba ka rin `pag dinadatnan ng topak mo, no?"
                Natawa siya sa paraan ng pagkakasabi nito niyon.
                "Magseryoso ka nga, Vin," sabi nito, seryoso.
                Inalis niya ang pagkakangiti sa labi niya. Mataman niyang tiningnan ito. Mata sa mata.
                "Ikaw? Ano ba sa tingin mo?"
                Ngumiti si Joen. "Gusto mo."
                "Alam mo na pala, nagtatanong ka pa."
                "Gusto kong marinig mula sa `yo na gusto mong pakasalan ako. Na gusto mo akong makasama hanggang sa huli. Na wala tayong iwanan kahit na ano ang mangyari."
                "Gusto kong mangyari ang lahat ng iyon, Joen. Sa ngayon ay hindi muna ako mangangako sa `yo. Marami ka pang hindi alam sa `kin. Isa pa ay bago pa lang tayo. Kapag handa na akong sabihin sa `yo ang mga itinatago ko ay saka ako mangangako sa `yo. Isa lang ang ipapangako ko sa `yo ngayon. Sa `yo lang ako at walang iba kahit may unawaan lang tayo."
                "Marami ka bang sikreto na tinatago, Vin? Kahit na gaano pa `yan karami ay handa akong makinig sa `yo. Handa akong tanggapin ka kahit na madilim o ano pa man ang sikreto na `yan. Tandaan mo na dito lang ako palagi at hindi kita iiwan."
                Niyakap niya ito nang mahigpit. Masayang-masaya siya sa mga narinig.
                "I love you, Joen."
                Inilayo siya nito at pinakatitigan. "Mahal din kita, Vin. Matagal na."
                "Alam ko," aniya. "May sasabihin ako sa `yo, Joen."
                "Ano?"
                "Narinig ko ang lahat na sinabi mo kagabi." Nanlaki ang mata nito.
                "Paano?"
                "Oo, lasing ako pero kahit na ganoon ay narinig ko ang lahat ng sinabi mo Joen. Lahat ng mga ginawa at sinabi ko kagabi ay totoo. `Yong nangyari sa CR, sinadya ko `yon. Hinalikan kita kasi matagal ko nang gusto na gawin `yon. `Yong pagsasabi sa `yo ng 'I love you' ay sinadya ko rin. Gusto ko kasing marinig mo ang totoo kahit na lasing ako, saka, sabi nila, ang mga lasing ang isa sa sincere na tao. Kaya iyon. Masaya ako sa mga narinig ko mula sa `yo. Ang sabi ko ay sasarilinin ko ang mga iyon pero hindi ko na kaya. Sasabog na kasi ang puso ko kapag hindi ko pa nasabi sa `yo ang totoo, Joen. I love you. Salamat kasi pinapasaya mo ako. Sana kapag may nalaman ka mula sa `kin ay hindi tayo magbago sa isa't-isa. Sana hindi magbago ang pakikitungo mo sa `kin."
                "Narinig mo ang mga sinabi ko sa `yo, Vin. Tutuparin ko ang lahat ng `yon. Walang magbabago kahit na ano man ang malaman ko mula sa `yo. Either it's good or bad. Mahal din kita. Mahal na mahal."
    Naghalikan sila. Isang halik na mula sa puso. Iyong puro at inosente. Mahal na mahal niya ang lalaking ito. Hahawakan niya ang pangako nitong iyon. Alam niya na tutuparin nito iyon. Pinalalim ni Joen ang halik. Pareho silang napaungol sa ginawa nitong iyon. Pagkatapos ng halik ay nagyakapan sila.
                Lumayo sila sa isa't-isa nang bumalik si Tito Ric.
                "Naistorbo ko yata kayong dalawa," ang nakangiting sabi nito.
                "Hindi dad,. Tamang-tama ang pagdating mo, dad, tapos na kami mag-usap. And by the way, dad. Kami na ni Vin officially. Hindi na lang kami MU kundi kami na talaga."
                "Masaya ako na malaman `yan, Joen. Talagang matutuloy ang kasalan n'yong dalawa. Alam kong paulit-ulit ko na `tong sasabihin. Masaya ako para sa inyong dalawa. Masayang-masaya."


INIWANAN ni Enrico ang dalawa na kumakain sa dining area nila. Diretso siyang nagtungo sa kanyang kwarto. Doon ay agad niyang kinuha ang kanyang cellphone para matawagan ang isang tao na may malaking papel sa pagkatao ni Vin. Ilang sandali lang ang hinintay niya bago sumagot ang taong tinatawagan niya.
                "Sila nang dalawa!" Ang masaya niyang sabi. "Who would have thought that the two will reunite and meet again. After twenty years of being seperated they back to each other again, Lee. Kung hindi man natuloy ang pag-ampon ko noon sa kapatid mo ngayon ay matutupad na iyon. Sa iba nga lang na paraan. Ipapakasal ko silang dalawa para maging ka-apelyido ko na siya."
                Narinig niya ang mahinang tikhim ng nasa kabilang linya. "I can feel how excited you are, Kuya Ric, but do you think I will agree on your plan? Of course not. Ayoko sa anak mo para sa kapatid ko. Alam mo naman siguro kung ano ang dahilan ng pagkakawatak ng pamilya ko at pagkamatay ni mama."
                Nagulat siya sa sinabi nito. Damang-dama niya ang pait at galit sa boses ng lalaki sa kabilang linya. "Of course, alam ko `yon, pero kailangan mo bang idamay pati si Joen, Lee? Wala siyang kinalaman sa kasalanan na ginawa ng ama mo at ina niya. Biktima rin ng sirkumstansya ang bata. Alam mo `yon. Pareho kayong mga biktima. Maging masaya ka na lang para sa kapatid mo, Lee. Mahal niya si Joen at ganoon din ang anak ko. Mahal nila ang isa't-isa. Hindi ba dapat ibang bagay ang pinagtutuunan mo ng pansin? Alam mo kung ano ang nangyari kay Vin sa kamay ng lalaking umampon sa kanya. Hayaan mo na maging masaya ang mga bata sa piling ng isa't-isa. Alam naman natin na mula pa noon ay para na sila sa isa't-isa kahit na pareho silang lalaki. Natatandaan mo pa ba na si Vin lang ang nakakapagtahan kay Joen tuwing umiiyak siya. Nakita mo naman siguro noon ang iyak niya nang ilayo mo si Vin sa kanya kahit na bata pa lang sila. At ngayon na tadhana na ang gumawa ng paraan para magkasama sila ay tutulungan ko iyon. Hindi ako papayag na muli na naman silang magkalayo. Baka hindi na kayanin ng anak ko."
                "I'm trying to be happy for them, Kuya Ric, but still I can't stop the hate everytime I saw Joen's face. May pagkakahawig siya sa kanyang ina. Ang babaeng naging dahilan ng pagkakasira namin. Kung sana ay hindi siya pumatol sa papa ko sana ay buo pa kami. Hindi sana kami nagkawatak-watak."
                'Walang kasalanan doon si Joen," giit niya. "Kung sana sa akin mo pinaampon ang mga kapatid mo sana ay magkakasama pa rin kayo."  
                Narinig niya ang palatak nito. "You know the reason why I didn't let you to do it, Kuya Ric."
                Natigilan siya. Bakit ba niya nakalimutan na siya, mali, sila ang dahilan ng mga kapatid niya kung bakit hindi ito pumayag na ampunin niya si Lei na Vin na ang pangalan ngayon at ang isa pa na kakambal ni Vin, si Loi. It's just like that history repeats itself. Noon, nang mga bata pa ang mga ito, ten years old si Arkin, at isang taon ang kambal ay tumira sa kanya ang mga ito. Marami ang kadahilanan kung bakit niya pinatira ang mga ito sa bahay niya. Una na doon ay nang makita niya ang mga ito ay bumangon ang awa sa kanyang puso. The three siblings look miserable that particular day. Pangalawa, nang hindi niya mapatahan si Joen sa pag-iyak dahil sa hindi niya alam na kadahilanan, tumahan si Joen nang makita nito si Vin. Every time na nag-ta-tantrums si Joen ay nagsilbi na pacifier sa anak niya si Vin. The two became inseperable that day. Ayaw nang lumayo ni Joen kay Vin. At nang umalis ang mga ito sa bahay nila, sa murang edad ni Joen ay ito ang pinakanasaktan.
                Umalis si Arkin sa bahay nila kasama ang mga kapatid nito na may sama ang loob sa kanilang magkakapatid. Nakita kasi nito ang pag-aaway nila na lubhang inaayawan nito dahil sa trauma na sinapit mula sa mga magulang. Inaamin niya na nag-away sila at nagtalo dahil walang balak magpakumbaba at hindi pumapayag na ampunin ng isa ang tatlo. And just like now, ang mag-pi-pinsan ay nag-aaway dahil kay Vin.
                "Sana pala ay hindi ko na lang sinabi sa `yo ang lahat, Kuya Ric."
                "Anong ibig mong sabihin?" takang-tanong niya.
                "Hindi mo dapat nalaman ang totoo. Alam ko na may hint ka na kung sino talaga si Vin dahil may pagkakahawig kami pero kung hindi ko sa `yo sinabi sana ay hindi tayo nagtatalo dahil sa mga magulang namin. Inaamin ko na kasalanan ko kaya kami nagkawatak-watak, dahil sa takot ko na magkagulo kayo ay mas pinili ko ang umalis. Kung sana ay pumayag ako sana magkakasama pa rin kami at hindi nangyari kay Vin ang ganoon na bagay."
                "Naiintindihan kita, Arkin," ang sabi niya.  
                Tama ito. Nang makita niya si Vin ay sinabi niya dito na may kahawig ito mula sa nakaraan niya. At ang kahawig nga nito ay si Arkin. Dahil sa kaabalahan niya sa mga bagay-bagay ay hindi na niya iyon pinagkaabalahan pa at naisip man lang. Nalaman lang niya ang totoo mula kay Arkin nang sabihin nito iyon sa kanya nang dumating ito. At nang magbakasyon sila sa probinsya nito, sa pangatlong araw, ay saka lang nito nalaman mula sa investigator na ang ina ni Joen ang dahilan kung bakit laging nag-aaway ang mga magulang nito at nauwi sa pagpapakamatay ng ina ni Arkin. Tumira ang tatlo sa bahay kasama si Joen at ang ina nito. Ang pakilala ng ama ay ninang nito ang babae at kinakapatid ang batang lalaki.
                Ngunit isang araw ay nangyari ang isang aksidente na ikinasawi ng dalawa. Naiwan ang apat na bata. Nawala pa ang mga ari-arian ng mga ito dahil sa gahaman na kapamilya. Dahil sa sampung taong gulang pa lang si Arkin ay hindi nito alam kung ano ang gagawin. Ang una nitong naging aksyon ay ang pag-iwan kay Joen sa madilim na eskinita na iyon, kung saan niya nakuha ang bata. Nang tumira at umalis ang mga ito sa kaniya ay wala na siyang naging balita sa mga ito. Kung ano ang ginawa nito. At nang bumalik nga ito ay ibang-iba na.
                Ang animosidad na nararamdaman ni Arkin para kay Joen ay nagsimula nang malaman nito ang totoo.
                "Hindi pa rin kita mapapayagan na ilayo ang kapatid mo sa anak ko. Sila ang para sa isa't-isa, Arkin."
                Bumuntung-hininga ito sa kabilang linya. "I don't have any plan of doing that thing, Kuya Ric. Kahit na ayoko kay Joen para kay Vin ay wala naman akong magagawa. Nakikita ko na masaya si Joen at ang kapatid ko. Alam ko kung gaano kamahal ni Joen si Vin, kuya. Hindi rin ako magiging kontrabida sa istorya nilang dalawa dahil nagawa ko na iyon noon. I'm just here to support. Tama ka, walang kinalaman si Joen sa nagawang kasalanan ng ina niya at ng ama namin. Kahit na may nararamdaman akong galit tuwing nakikita ko si Joen ay hindi ko pipigilan ang pagmamahalan nila. HIndi ako ang tipong ganoon. Hindi ko kayang makita na masasaktan ang kapatid ko dahil sa pagtutol ko sa kanila."
                Sa mga narinig niya ay gumaan ang kalooban niya. "Natutuwa ako na marinig `yan mula sa `yo. Akala ko ay tututol ka sa kanilang dalawa."
                "Hindi ko gagawin `yon. Mas pinagtutuunan ko ng pansin ang ginawa ng kinikilalang tatay niya. Nagkamali ako na ibinigay ko sa kanila ang kapatid ko."
                Ramdam niya ang galit nang sabihin nito iyon.
                Pagkatapos niyang makausap si Arkin ay lumabas siya ng kanyang kwarto at pinuntahan ang iniwan niya sa dining area. Nag-uumapaw ang kasiyahan sa dibdib niya habang pinagmamasdan ang dalawa. Kung hindi man natuloy noon ang pag-ampon niya kay Vin ngayon ay  matutupad na iyon. Magiging ka-apelyido na niya ito sa pamamagitan ni Joen.
                Dahil sa koneksyon at pera niya ay na-proseso niya ang pagpapalit ng pangalan ni Joen noon. Nalaman niya mula kay Arkin na ang totoong pangalan ng batang inampon niya at pinalitan ng pangalan ay Christian Alfonso. Ang totoo naman na pangalan ni Vin ay Lei Angeles.
                Nakuha niya ang atensyon ng mga ito. Parehong bumaling sa kanya ang dalawa.
                "Nandyan ka na pala, dad. Bakit ang tagal mo?"
                "May kinausap lang ako," ang nakangiting sagot niya.
                Nginitian niya si Vin saka lumapit sa mga ito. Umupo siya sa upuan na nasa kabisera.
                "Kailan n'yo balak na magpakasal?" Ang tanong niya na naging sanhi para mabilaukan si Vin. Napangiti naman ang anak niya at agad na binigyan ng isang basong tubig ang partner nito.
                "Ikaw `pa, kailan mo balak na ipakasal kami?"
                "Kapag handa na kayo. Sa lalong madaling panahon at kapag na-proseso na ang dapat i-proseso."
                "Tito, masyado naman po kayong nagmamadali. Alam ko po na pwede nang ipakasal ang may kaparehong kasarian sa ibang bansa pero bago pa lang po kami ni Joen. May mga bagay po na dapat niyang malaman muna sa `kin bago mangyari ang gusto niyo." Ang sabi ni Vin.
                "I know that, Vin. Kahit ano pa `yan na dapat na malaman ni Joen, masama o mabuti man, I'm assuring you that Joen won't leave your side."
                "I second the motion, `pa. Tama po kayo. Hindi ko po iiwan si Vin kahit na ano pa ang malaman ko. Takot ko lang na malayo siya sa `kin." Ang sabi ni Joen saka hinalikan si Vin sa pisngi.
                Masaya siya sa nakikita.


WALANG pagsisidlan ang kasiyahan na nararamdaman ni Vin sa piling ng lalaking mahal niya, sa piling ni Joen. Hindi mawala-wala ang ngiti sa kanyang labi habang. Ilang araw na ang nakakalipas mula nang aminin nila sa isa't-isa ang nararamdaman at hanggang ngayon ay matindi pa rin sa kanya ang epekto niyon. Wala siyang pinagsisisihan sa pag-amin niya kay Joen dahil nagbunga iyon ng maganda. His days with him was filled with so much joy and love. Nangangarap siya na sana ang kaligayahan na iyon ay tumagal. Kahit na ano ang pagsubok sa kanilang dalawa ay makayanan nila. Lalo na sa parte niya. Sa kanilang dalawa ni Joen ay siya ang mas may problema. Marami siyang agam-agam kahit na malakas ang paniniwala niya sa mga salitang binitawan ni Joen sa kanya.
                Pinagmasdan niya ang mukha ng lalaking mahal niya na abala sa bagay na tinitingnan nito. Kasalukuyan silang nasa loob ng isang mall. Pumasok siya sa restaurant ngunit kalahating araw lang dahil niyaya siya nito at dito nga sila sa mall napadpad.
                Bumaling ito sa kanya saka ngumiti. "Vin, tulungan mo `ko dito. Alam kong mahal mo `ko pero `wag mo kong masyadong tingnan baka matunaw ako niyan."
                Napangiti siya sa biro nito. Lumapit siya dito. Tinampal niya ito sa pisngi. "`Wag kang mayabang. Parang ikaw, hindi mo rin ito ginagawa. Mas malala ka pa nga sa akin, eh."
                "Mas malala pa daw ako? Pareho lang naman tayo." Ngumisi ito. "Pareho tayong in-love na in-love sa isa't-sa. I love you, Vin."
                A wide smile formed in his lips. May kalakasan ang pagkakasabi nito sa tatlong salita. Kinikilig siya nang sobra. Pinapakita lang kasi ni Joen kung gaano siya nito kamahal. Hindi ito natatakot na sabihin ang nararamdaman para sa kanya kahit na nasa pampubliko silang lugar. Kahit na alam nito na marami ang magtataas ng kilay kapag narinig ng ibang tao ang sinasabi nito sa kanya.
                "I love you din." Ang sabi niya.
                "Ano ba ang pwede nating ipadala kay Lola Fe, Vin?" Maya-maya ay usisa nito. "Malapit na siyang bumiyahe pauwi sa probinsya."
                Speaking of pag-uwi sa probinsya. Sa isang araw nga ay uuwi na ang lola niya. Maiiwan siyang mag-isa ngunit hindi rin iyon magtatagal dahil mga ilang araw ay ang mga kapatid at magulang niya ang luluwas para sa pag-aaral ng kanyang kapatid. Ang pag-iisip ng napipintong pagluwas at pagdating ng ama niya ay nagbibigay sa kanya ng sobrang takot. Ang balak niya nga ay tumira sa bahay nina Joen kapag dumating ang mga ito. hindi niya kaya na muling makasama ang ama. Natatakot siya na baka maulit ang ginawa nito sa kanya na hindi naman dapat.
                "Uy, Vin, natahimik ka na," untag sa kanya ni Joen.
                "Joen, kapag dumating sina papa, sa inyo ako titira, ah."
                Kumunot ang noo nito. "Bakit?"
                "Hindi ba dapat masaya ka dahil makikita mo ulit ang pamilya mo. Bakit ikaw hindi, Vin?"
                Hindi niya pinansin ang tanong nito. "Pwede ba Joen?"
                "Pwede naman. Pwedeng-pwede. Gusto ko malaman kung ano ba ang problema mo sa ama mo, Vin. Gusto ko rin siyang makilala."
                Nag-iwas siya ng tingin. "Darating din tayo doon. Darating ang panahon na masasabi ko sa `yo ang pinagkakaganito ko, Joen. Hindi pa kasi ako handa. Sasabihin ko ulit ito sa `yo. Sana kapag may nalaman ka tungkol sa akin ay hindi ka magbago."
                "Vin naman. Ilang ulit ko ba sasabihin sa `yo na hindi ako magbabago. Walang magbabago sa pagtingin ko sa `yo kahit na ano man ang malaman ko tungkol sa `yo. Mas lalo pa nga kitang mamahalin dahil doon."
                "Salamat, Joen."
                "Wala ba akong kiss?" Pilyong tanong nito.
                "Sa bahay na lang."
                Lumuwang ang pagkakangiti nito. "Tara, uwi na tayo."
                "Loko-loko ka talaga. Tara na nga at maghanap na tayo ng pwedeng dalhin ni Lola Fe," yaya niya dito.
                "Bukas na lang kaya tayo mamili. Mas mahalaga ang kiss na ibibigay mo."
                Napailing na lang siya. Nagulat siya nang hilahin siya nito sa pinakamalapit na comfort room. Eksaktong walang masyadong tao doon. Hinintay ni Joen na lumabas ang mga gumamit saka siya hinila papasok sa isang cubicle. Isinara nito iyon pagkatapos ay hinalikan siya sa kanyang labi na buong-puso naman niya na tinugon.  


NAKATANGGAP ng isang mensahe sa kanyang cellphone mula kay Nick si Vin. Nang mabasa niya ang text message na iyon ay saka lang niya naalala na kakausapin pala sila nitong dalawa ni Joen. Dapat ay n'ung isang araw pa sila nito kakausapin pagkatapos nilang pumunta sa bahay ni Joen at makausap si Tito Ric. Sa sobrang kaligayahan at kasiyahan na nararamdaman niya ay nakalimutan niya iyon. Isa pa ay tanging si Joen at ang napipintong pag-alis ng Lola Fe niya. At pagdating ng magulang at mga kapatid niya ang umo-okupa sa isip niya.
                Sinagot niya ang text message. Pagkatapos ay naghanda siya ng pwedeng maisuot sa pagkikita nila ni Nick. Tatawagan niya sana si Joen ngunit nagbago ang pasya niya. Gusto niyang makausap nang mag-isa si Nick. Sa halip na tawagan si Joen ay nag-text na lang siya dito. Nagpaalam na magkikita sila ni Nick.
                Nang makapagbihis ay nagpaalam siya kay Lola Fe na abala sa ginagawa nito. Agad siyang lumabas ng bahay nila pagkatapos. Naglakad lang siya patungo sa sakayan ng jeep. Eksakto naman may paparating na jeep nang makita niya si Charles. May sukbit itong malaking backpack. Iyong bag na katulad ng sa mga mountaineer. Imbes na sumakay sa jeep ay hinintay niya si Charles na makalapit sa kanya. Binigyan niya ito ng isang malawak na ngiti na ginantihan naman nito.
                "Saan ka pupunta?" Usisa niya.
                "Magbabakasyon. Uuwi sa probinsya."
                "`Di ba may trabaho ka? Paano `yon?'
                "Wala na, Vin, tapos na ang kontrata ko sa kanila."
                "Ah ganoon ba."
                "Oo. Kaya babalik na muna ako sa probinsya. Gusto mong sumama sa `kin?"
                "Baliw. May trabaho ako saka hindi ako sasama sa `yo."
                Sumimangot ito. "Sabay na nga tayong sumakay ng jeep. Saan ka ba pupunta?"
                "Kakausapin ko si Nick," maiksi niyang sagot.
                "Ah," anito saka pinara ang paparating na jeep. Nang huminto iyon ay siya ang una nitong pinasakay. Magkatabi silang naupo. Habang nakasakay sa jeep ay kahit ano na lang ang pinagkwentuhan nila.
                "Mag-iingat ka Charles. Or better yet ay sila ang mag-ingat sa `yo," pagbibiro niya nang malapit na siyang bumaba.
                "Baliw ka. Nahawa ka na ng boyfriend mo o better yet ay ikaw ang nakahawa," panggagaya nito sa kanya.
                "Kanino mo nalaman na boyfriend ko na si Joen?"
                "Sa pinsan ko, saka isang beses ay nakita ko kayong magkasama ni Joen. HHWW pa kayo."
                Natawa na lang siya. "Ganoon talaga. Ang sweet namin, no?"
                Sumimangot ito. "Oo, ang sweet niyo, sa sobrang ka-sweet-an ay nilalanggam na."
                "Sige na, Charles. Bababa na ako. Mag-iingat ka, ah."
                "I will. Sige. Bye Vin. See you someday."
                Nginitian niya ito saka siya bumaba ng jeep.
               Nang makababa siya ay agad siyang pumasok sa loob ng mall. Kinuha niya ang cellphone na nasa bulsa niya para ma-text si Nick. Dahil sa kaabalahan niya sa pagpindot sa cellphone niya ay hindi niya nakita na may kasalubong siya. Nabangga niya ang taong iyon. Nagtaas siya nang paningin para humingi ng paumanhin ngunit tila nalunok niya ang kanyang dila nang makita kung sino ang taong nasa harapan niya. Ang lalaking naging bahagi ng nakaraan niya  at naging sandalan niya nang mga panahon na lugmok na lugmok siya dahil sa nangyari sa kanya.
                Nginitian siya nito. "Long time no see, Lei," anito.
                "Kuya Lee," ang sabi niya saka ito niyakap nang mahigpit.
                Natutuwa siya na pagkatapos ng maraming taon na lumipas ay muli niyang nakita ang totoong kapatid. Tinotoo nito ang sinabi nito sa sulat kahit na umabot iyon ng mahabang panahon. Limang taon na ang nakakalipas mula nang malaman niya ang totoo niyang pagkasino dahil sa nangyari sa kanya. Sa mga panahon na lugmok siya ay saka niya nakilala si Lee Angeles. Huli na nang sabihin nito sa kanya ang totoong relasyon nito sa kanya. Nalaman niya mula dito na kapatid niya ito sa pamamagitan ng sulat nito, pagkatapos niyang mabasa iyon ay saka ito nawala.
                Dahil sa kalungkutan na nadarama niya noon ay lahat ng problema niya ay sinabi niya dito pati ang masamang bagay na ginawa sa kanya ng ama niya.
                "Kuya, na-miss kita. Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin?" Malungkot niyang tanong. Hindi rin niya napigilan ang pagtulo ng luha niya.
                "Na-miss din kita, bunso," ang malambing na sabi nito. May namumuo na ring luha sa sulok ng mata nito na mabilis naman nitong pinunas.
                "Akala ko hindi mo na ako babalikan, kuya."
                "Hindi pwedeng hindi kita balikan, Lei. Alam mo naman ang dahilan ng pagkawala ko ng limang taon."
                Alam niya ang dahilan nito dahil nakasaad iyon sa sulat na iniwanan nito. Kinuha kasi ito ng mag-asawang nag-ampon dito. Nakalimutan na niya ang pangalan nito ngayon ngunit hanggang ngayon ay ginagamit pa rin nito ang totoong apelyido.
                "Hindi ako nagpapakita sa `yo pero may nagbabantay naman sa `yo, eh. `Yong nangyari sa `yo noon, makakaganti rin tayo. Bakit ba kasi ayaw mong umalis sa kanila? Sabihin mo na rin ang totoo na alam mo na ang lahat."
                Noon pa ay pinipilit na siya nitong sabihin ang ginawa sa kanya ng ama sa kinikilala niyang ina ngunit hindi niya ginawa dahil sa takot na nararamdaman niya. Noon ay pinilit rin siya ng totoong kapatid na sumama dito at iwanan ang kinikilalang pamilya ngunit hindi rin niya ginawa. Kung tutuusin ay kaya na siyang buhayin ng kapatid niya sa mga panahong iyon. Bukod kasi sa pera at ari-arian na namana nito mula sa mga nag-ampon dito ay may sarili itong trabaho. At the age of twenty six during that time, his brother was already successful. Siya lang naman ang tumanggi dahil ayaw niyang lumayo sa lola at mama niya. Ang attachment niya sa lola at mama niya ay sobrang lalim at hindi basta-basta mababali kahit na nagsusumigaw ang katotohanan ng sakit, pagkamuhi at pait para sa kinalakihan niyang ama. Kahit na kasi ano man ang negatibong bagay na nararamdaman niya para sa ama ay nasasapawan iyon ng sobrang pagmamahal para sa dalawang babae na naging magandang bahagi ng pagkasino niya.
                Siyempre, nang malaman niya ang totoo sa pagkasino niya ay marami siyang naging katanungan. Bumangon rin ang galit sa kanyang dibdib. Ngunit ng mabasa niya ang sulat na iniwan sa kanya ng kuya niya kung saan nakapaloob ang totoo niyang pagkatao ay naunawaan niya ang lahat. Iminulat niya ang isipan at inunawa ang mga bagay na dapat unawain.
                Nasabi niya sa sarili na simple na magulo lang ang buhay niya nang mga panahon na hindi niya masyadong naiisip ang tungkol sa totoo niyang pagkatao. Kabaliktaran pala iyon dahil ang buhay niya ay maraming spices na naghalo-halo at nagbigay ng kulay na karamihan ay itim.
                Ngayon na nakita na niya ang totoong kapatid ay sobra siyang natutuwa. Pakiramdam niya ay buo na siya ulit. At lalong nabuo siya dahil sa pagdating ni Joen sa buhay niya. May isa na lang na kulang at iyon ay ang kakambal niya na si Loi.  
                "Hindi pa rin ako sasama sa `yo, kuya. Alam mo naman ang dahilan ko, hindi ba?"
                Tumango ito. "Alam ko na hindi mo `yon gagawin. Kahit na masakit sa `yo ang nangyari ay hindi mo naman kayang iwanan ang mama at lola mo lalo na ang mga kapatid mo." Nakakaunawang sabi nito. "Kaya nga sabi ko sa `yo ay nagkasya na lang ako na pabantayan ka."
                "Pabantayan? Kanino?"
                "`Wag tayong mag-usap dito. Let's find a place where we can talk."
                Nauwi sila sa isang restaurant. Um-order muna sila bago nila ipinagpatuloy ang pag-uusap. Nang makapag-order na ay saka siya nag-usisa.
                "Kanino mo ako pinapabantayan, kuya?"
                "Sa lalaking nagpapunta sa `yo dito."
                Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. Sunod doon ay hindi pagkapaniwala. Si Nick. Alam nito ang totoo sa kanyang pagkatao. Speaking of Nick, nakita niya ito at papalapit sa pwesto nilang magkapatid. Kinuha nito ang isang upuan at inilagay sa pwesto nila at doon umupo.
                "A-alam ni Nick--" Bumaling siya kay Nick. "Alam mo ang totoo kong pagkasino?"
                Tumango ito. "Matagal ko nang alam ang totoo sa `yo. Pero n'ung isang araw ko lang nalaman na kapatid mo si Arkin. Natatandaan mo pa ba `yong araw na nagtanong ako tungkol sa alam mo na."
                Alam niya iyon. Malinaw pa niyang natatandaan. "Kaya pala nag-usisa ka ng ganoon na bagay dahil alam mo na ang totoo sa `kin."
                "Yeah. Kaya nga nagsisisi ako sa tanong ko kasi alam mo na pala ang totoo." Natatawang saad nito.
                Bumaling siya sa kapatid. "Bakit mo sinabi sa kanya? Bakit siya, kuya?"
                Ngumiti ang kuya niya. "Dahil gusto ko siya para sa `yo." Diretsahang sabi nito.
                "May boyfriend na ako, kuya." Ang nahihiyang niyang sabi. He apologetically looked to Nick.
                "Don't worry, Vin, tanggap ko na na mahal mo si Joen. Na sawi ako sa `yo. Kukunin ko na `tong pagkakataon na ito para humingi ng sorry sa `yo. I was selfish, I'm sorry for being one, Vin. Masyado akong nag-focus sa nararamdaman ko at hindi ko man lang inisip na mas nasasaktan ka. I'm sorry. I'm happy for you, too. Okay na sa akin ang maging kaibigan mo. Kapag sinaktan ka ni Joen, lumapit ka lang sa akin at aawayin ko siya."
                He smiled. "Salamat, Nick. Gusto rin kitang maging kaibigan pero alam ko na matagal bago magagamot ang sugat sa puso mo. Okay lang sa `kin, mauunawaan ko kung lalayo ka."
                Ngumiti lang ito. "Magpapaalam na ako. Moment n'yo `tong magkapatid."
                Tumayo ito. Tumayo din siya saka ito niyakap nang mahigpit. "Thank you, Nick."
                "Walang anuman. Sayang lang at gusto ako ng kapatid mo para sa `yo pero iba ang mahal mo," pagbibiro nito.
                "Makakahanap ka rin ng iba. Magtiwala ka lang."
                "Sana huwag magtagal," anito saka umalis.
                "Kuya, ipapakilala ko sa `yo si Joen."
                "You don't need to, Lei. Kilala ko na si Joen."
                Nagulat siya. "Paano?" Maya-maya ay natigilan siya. "Ikaw ba ang Arkin na sinasabi ni Joen?"
                Tumango ito. "Ako nga. Alam mo bang anak siya ng babaeng sumira sa pamilya natin."
                "Hindi." Bigla siyang kinabahan. "Kuya, tututol ka ba sa `min dahil doon?"
                "Ikaw? Gusto mo bang tutulan ko ang relasyon niyo? Hindi ka ba magagalit sa kanya dahil anak siya ng babaeng sumira sa pamilya natin?"
               "Hindi. Mahal ko si Joen. Hindi ako lalayo sa kanya dahil doon. Isa pa ay wala naman siyang kinalaman sa ginawa ng mama niya. Pareho kaming walang muwang nang mangyari ang mga iyon. `Wag kang kontrabida sa amin, kuya. Hindi bagay sa kagwapuhan mo."
                Ngumiti ito. "Hindi ako magiging kontrabida, Lei. Tadhana na ang gumawa ng bagay para muli kayong magkita at magkasama."
                "Anong ibig n'yong sabihin?"
                "You and Joen were inseperable since you were kids. Tumira sa atin si Joen noon kasama ang mama niya. Noon pa man ay lagi na kayong magkadikit sa isa't-isa. Lagi ngang naiitsapwera si Loi dahil hindi n'yo pinapansin na dalawa. Kapag magksama kayo, sa mura niyong edad ay parang may sarili kayong mundo. At nang dumating anag araw na magkalayo kayo dahil sa kagagawan ko ay nakita ko kung paano umiyak ang dalawang taon na batang si Joen. Nang tumira tayo kina Kuya Ric ay ikaw ang nagsilbing pacifier niya tuwing nag-ta-tantrums siya. Noon pa ay kayo na talaga ang para sa isa't-isa. Bonus na lang at naging alanganin ka."
                Shock siya sa mga narinig. Hindi siya makapaniwala. Kaya pala ganoon na lang siya ka-komportable sa piling ni Joen. Kaya pala ganoon na lang niya nadadama ang koneksyon nilang dalawa. Na kahit na nag-umpisa sila sa hindi magandang pangyayari ay nauwi silang nagmamahalan.
                Hindi siya naniniwala sa tadhana at sa isipin na may nakalaan sa kanya dahil nga sa alanganin nga siya. Alam niya na malabong mangyari iyon. Ngunit sa mga narinig niya ay lumakas ang paniniwala niya doon. Siya at si Joen ay nakatadhana sa isa't-isa.
                "Wala na pala kaming problema," aniya. "Kami na talaga ni Joen. Siyanga pala, kuya. Ano ang totoong pangalan ni Joen?"
                "Christian Alfonso."
                "Ang pangit. Mas maganda ang Johanson Enrique. Bagay sa kagwapuhan niya."
                Napailing na lang ang kapatid niya.
                "I'm happy for you, Vin. Sabi sa `kin ni Kuya Ric ay ipapakasal niya kayo. Okay lang sa akin `yon. Susuportahan ko siya sa bagay na gusto niyang mangyari sa inyo. Tuwang-tuwa `yon ngayon kasi matagal na niyang gustong ampunin ang isa sa atin, kaso ay hindi ako pumayag dahil nag-away silang magkakapatid. Just like what happened now sa magpi-pinsan. Nag-away sila dahil sa `yo."
                Napangiwi siya. "History just repeat itself."
                "Indeed." Sang-ayon nito.
               Dumating ang order nila. Sa mga sumunod na sandali ay binuhos nila ang atensyon sa isa't-isa. They patched things between them. Walang pagsisidlan ang kasiyahan niya. Excited na siya na sabihin kay Joen ang totoo maliban sa sikreto niyang madilim.


KANINA pa naaasar si Joen. Kanina pa niya kasi tinatawagan at tini-text si Vin ngunit wala itong reply sa kanya. Maliban sa pagkainis na nararamdaman niya ay nag-aalala rin siya. Bukod pa doon ay nagseselos rin siya. The heck! Ang kasama ni vin ay si Nick. Ang pinsan niya na malaki ang pagkakagusto at ilang beses na niyang nakasuntukan dahil kay Vin. May tiwala siya kay Vin pero kay Nick ay kaunti lang. Gusto na niyang sundan at hanapin si Vin sa lahat ng mall sa siyudad ngunit alam niya na magmumukha lang siyang tanga kung gagawin niya iyon.
                Sinubukan niyang tawagan ulit ang cellphone ni Vin ngunit katulad ng dati ay walang tugon. Masyado siguro itong nag-e-enjoy na kasama si Nick kaya ganoon.
                Bumuntung-hininga siya.
                Dapat ay igapos na niya si Vin sa tabi niya. O hindi kaya ay bigyan niya ito ng kuwintas na may nakasulat na 'Only for Joen'. Pero siyempre ay hindi naman niya pwedeng gawin iyon dahil tao si Vin at hindi bagay na pwedeng ganunin.
                He just composed a message for him.
                Nagtatampo na ako sa `yo. Kasama mo lang si Nick ay nakalimutan mo na ako :((
                Ang text niya na may paawa effect.
                Narinig niya ang katok sa pintuan ng kanyang kwarto kasunod ang boses ni Aling Mercy.
                "Bakit po?" Ang sigaw niya. HIndi na siya nag-abalang buksan ang pintuan. Nanatili siyang nakaupo sa kama niya.
                "Pinapatawag po kayo ng daddy n'yo, sir."
                "Sabihin mo na susunod na lang po ako." Ang sagot niya.  
                Tumayo siya at lumabas ng kwarto niya para puntahan ang daddy niya. Hindi niya naitanong kay Aling Mercy kung saan ang daddy niya pero alam niya na nasa library ito kapag gusto nito siyang kausapin.
                Nagtungo siya doon. Nakita niya ang daddy niya na nakaupo. Pinaupo siya nito sa sofa. Padabog niyang sinunod ito.
                "Bakit ka nagdadabog?" Untag nito sa kanya.
                "Wala lang," ang balewalang sagot niya.
                "Mukhang alam ko na ang dahilan," anito, saka ngumiti.
                "Bad trip kasi, eh. Hindi pa nagte-text sa akin si Vin porke't kasama niya si Nick. Nakakapagselos."
                Tumawa ito. "Para kang bata, Joen. Umayos ka nga. I'm assuring you. Hindi kasama ni Vin si Nick."
                Napatingin siya dito. "Anong ibig n'yo pong sabihin?"
                "Kasama ni Vin ang kapatid niya."
                Naguluhan siya sa sinabi nito. "Paanong kasama ni Vin ang kapatid niya? Hindi pa lumuluwas ang ama at kapatid niya."
                "I mean `yong totoo niyang kapatid."
                Nagulat siya sa sinabi nito. "Anong ibig n'yong sabihin?" Naguguluhan siya. "Dad, alam n'yo na ampon si Vin? Na hindi siya totoong anak ng kinikilala niyang pamilya?"
                Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito sa sinabi niya. "Alam mo na ang totoo? SIno ang nagsabi sa `yo?"
                "Hindi na po importante kung sino ang nagsabi sa `kin. Kayo, paano n'yo nalaman?"
                "Sa totoo niyang kapatid. Kay Arkin."
                Hindi siya makapaniwala sa mga narinig. Kapatid ni Vin si Arkin. Kaya pala may pagkakahawig ang dalawa dahil magkapatid ang mga ito.
                "Iyon po ba ang dahilan kaya ipinatawag niyo ako?"
                "HIndi iyon," anito. "Pinatawag kita para sabihin sa `yo ang totoo sa pagkasino mo."
                Bigla siyang natahimik. "Dad, sinabi ko na po sa inyo na hindi na mahalaga sa akin na malaman kung sino ang totoo kong magulang. Ang mahalaga na po sa `kin ay `yong ngayon."
                'Alam ko pero gusto ko pa rin na malaman mo ang totoo. Karapatan mo na malaman ang pagkasino mo."  
                "Kayo po ang bahala. Ano po ba ang dapat kong malaman? Kailan n'yo pa nalaman ang totoo?"
                "Marami kang dapat malaman tungkol sa nakaraan. Kung bakit ka napunta sa `kin. Well, alam ko naman na nasabi ko na iyon sa `yo. Ang hindi mo pa alam ay ang past mo at ni Vin."
                "Paano nasama si Vin sa nakaraan ko, daddy?"
                "Dahil ang pamilya niya ang una mong nakasama."
                "Paano?"
                "Makinig ka. Ang totoo mong ina ang dahilan ng pagkakawatak-watak ng pamilya nila, Joen. Pumatol ang ina mo sa ama nina Vin. Dahil doon kaya namatay ang ina nina Vin. Nabuntis ang ina mo ng isang turista. Nagsama sila, nagbunga ang pagmamahalan nila at ikaw nga ang naging bunga niyon kaso ay nawala na lang na parang bula ang totoo mong ama at kayong dalawa ng ina mo ang naiwan. Then, your mother meet Vin's father in a bar. Waitress ang trabaho ng ina mo at nagkagustuhan sila doon. Natuklasan iyon ng ina ni Vin at dahil sa nalaman niya kaya siya namatay. Vin's mother killed her self because of that."
                "Anong gusto niyong sabihin, dad? Bakit n'yo ba sinasabi sa `kin ang mga `yan? I'm not interested. It's okay with me, though. At least ay nalaman ko na kung hindi mo ako inampon ay bastardo pala ako. Walang kikilalaning ama. Hindi ko alam kung mag-re-reflect ba ang sinasabi ng mga matatanda na nasasalamin ang ugali ng bata sa turo ng magulang o kaya ay i-reciprocate natin. Kung alam na ni Vin ang totoo sa pagkatao namin, hindi ibig sabihin niyon ay iiwan niya ako. Kilala ko si Vin, hindi niya gagawin `yon. Hindi siya makitid mag-isip."
                Umiling ito. "Nakakasigurado ka ba sa mga sinasabi mo?"
                "Opo. Katulad nga nang sinabi ko ay kilala ko siya. Given what just you said to me only clarify one thing, kami talaga ni Vin ang para sa isa't-isa. We meant for each other and destiny did his thing. Muli kaming nagkita kahit na hindi naging maganda ang una naming pagkikita. I'm happy and I'm not scared because he will not leave me."  
                "Sinasabi ko sa `yo ang mga bagay na ito para malaman mo. By the way, Joen, ang totoo mong pangalan ay Christian Alfonso."
                "May pangalan na ako at iyon ay ang binigay n'yo, dad. Wala nang iba pa. Sige po, aalis na ako. Kailangan ko pang i-text at kausapin si Vin."
                "`Wag kang masyadong halata, Joen," anito.
                Lumabas na siya ng library room. Eksaktong pagpasok niya sa kwarto niya ay bumuhos ang luha niya. Ang sabi niya ay walang kaso sa kanya ang mga nalaman. Wala siyang pakialam ngunit hindi niya mapigilan ang malungkot sa mga nalaman. Nakakalungkot na malaman na mula sa kanyang pinagmulan ay walang-wala siya. His mother was a home wrecker. Nasira nito ang pamilya ni Vin dahil pumatol ito sa ama ng lalaking mahal niya. But who is he to judge about his mother doing? Wala siyang alam at hindi niya alam kung bakit nito nagawa iyon.
                Yes, he's confident that Vin won't leave him because of that, but still he will be shy facing him because of his biological mother's did.


 Nagtatampo na ako sa `yo. Kasama mo lang si Nick ay nakalimutan mo na ako :((
                Napangiti si Vin nang mabasa niya ang mensahe na mula kay Joen. Talagang sa huli ay may sad face pa ito na inilagay. Kanina pa niya gusto itong i-text at sagutin ang tawag nito kaso ay hindi niya magawa dahil kinuha ng kuya niya ang celphone niya. Ibinigay lang nito iyon sa kanya dahil kanina pa iyon tumutunog mula sa bulsa nito. Siguro ay narindi ito sa sunod-sunod na tunog niyon.
                "Bawal mo siyang i-text," paalala nito nang aktong mag-te-text siya. Nasa likuran niya ito kaya kita nito ang ginagawa niya.
                Napasimangot siya. "Bakit ganoon? Na-mi-miss ko na siya, kuya. Kahit ba naman text hindi pwede, kanina pa kaya tayo magkasama."
                Sumimangot ito. "Selfish ako, Lei. Gusto kong sa akin lang ang atensyon mo ngayon na magkasama tayo. Matagal na naman tayong magkikita. After this, maghahanda na ako para bumalik sa Canada. May aasikasuhin ako doon."
                "Okay, sige, naiintindihan ko. Magkikita pa naman tayo ulit, ah. Ang selfish mo lang talaga."
                "Let's stop this talking. Ang pag-usapan natin ay `yong tungkol sa ginawa sa `yo ng ama-amahan mo. Ano bang plano mo sa kanya? Now that we have money we can--"
                "Wala akong balak, kuya. Bahala na kung ano ang mangyari sa kanya. Basta huwag lang iyon mauulit. Hindi ko na kakayanin. Isa pa, alam mo naman kung bakit ayokong gantihan siya. Masasaktan ang mga kapatid ko."
                "Ano pa nga ba, Vin? Basta kapag naulit iyon ay ako na ang gagawa ng aksyon. Hindi mo na ako mapipigilan."
                "Ikaw ang bahala."
              Tiningnan nito ang suot na relong pambisig. "Kailangan na nating umalis. Saan ba kita ihahatid? Sa bahay niyo o sa bahay ni Joen?"
                "Sa bahay ni Joen. Nagtatampo na iyon sa `kin."
                "Hayaan mo siya," sabi nito.
                Sabay silang nagtungo sa kotse nito na nakaparada sa parking lot ng mall. Hinatid rin siya nito sa bahay nina Joen.
                Pababa na siya ng sasakyan nang pigilan siya ng kapatid.
                Bumaling siya dito. "Bakit, kuya?"
                May kinuha ito sa bulsa nito. Pera iyon at ibinigay sa kanya.
                "Para saan `to?"
                "Panggastos mo. Gusto ko na makabawi sa `yo at kay Loi. AKo ang dahilan ng pagkakalayo natin. Gusto kong bumawi sa simpleng paraan na alam ko, Lei." Ang sabi nito.
                "Hindi mo na kailangan na bumawi sa akin kuya. Sapat na kasama na kita ulit."
                Tumango lang ito. "Salamat," anito saka siya niyakap.
                Bumaba na siya. Hindi na ito bumaba ng sasakyan nito dahil may gagawin pa ito. Hinatid na lang siya nito ng tingin.
                Pagkapasok niya sa malaking bahay nina Joen ay dumiretso siya agad sa kwarto nito. Walang babala na basta na lang niya binuksan ang pintuan at tumambad sa kanya si Joen, half naked ito. Tanging nakatapis na puting tuwalya lang ang nakatabing sa maselang bahagi ng pagkatao nito. Nasa akto pa lang ito ng pagsusuot ng brief nito. Para siyang natulos sa kinatatayuan niya. Hindi siya makagalaw habang nakatingin dito. Bahagya ring nagulat si Joen ngunit agad din itong nakabawi. Imbes na magbihis na ito ay hindi nito itinuloy. Humarap ito sa kanya. Napalunok siya nang tumambad sa kanya ang ipinagmamalaki nito na katawan na talagang maipagmamalaki. Bigla siyang nakadama ng init sa kanyang katawan.
                "Ma-magbihis ka na," ang utos niya dito. Talagang nag-stammer pa siya. Syet na malagkit! Palagi na lang siyang nakokompromiso sa lalaking ito. Mas malala ngayon ang ginagawa nito sa kanya.
                Ngumisi si Joen. "Ayoko nga. Kwarto `ko `to kaya ako ang masusunod." Niyakap siya nito at hinalikan sa labi. "Na-miss kita," ang sabi nito.
                "Please Joen. Parang awa mo na magbihis ka. Nade-demonyo ang utak ko sa `yo. Hindi ko nakakaya ang nakikita ko. `Wag mo `kong gawing makasalanan."
                Malakas itong tumawa. "Pwede kang gumawa ng kasalanan basta ako ang kasama mo. I'm always willing just for you," anito saka lumayo sa kanya.
                Nakahinga lang siya nang maluwang nang magsuot na ito ng brief . Ngunit ang lalaki ay iyon lang ang isinuot saka tinanggal ang tuwalya. Napailing na lang siya saka lumapit dito. Tinampal niya ito sa pisngi. "Ang sama mo. Lagi mo na lang akong tino-torture. Alam mo naman na ang lakas ng epekto mo sa akin tapos magbu-burles ka pa."
                "Ikaw naman ang may kasalanan. Basta ka na lang pumapasok dito. Saka bagay lang iyon sa `yo, hindi ka man lang nag-reply. Hindi mo man lang sinagot ang tawag ko."
                "Kasama ko ang isa sa mahalagang tao sa buhay ko."
                "Si Arkin." Ang sabi nito na may katiyakan.
                "Paano mo nalaman?" Takang-tanong niya.
                "Kay dad. Alam ko na ang totoo sa pagkatao mo Vin. Kapatid mo si Arkin at may past tayong dalawa. Akalain mo iyon. Simula pala umpisa ay tayo na. Ang kaso ay nahihiya ako sa `yo dahil ang biological mother ko ang dahilan ng pagkasira ng pamilya mo."
                Hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi. Tinitigan niya ito, mata sa mata. "Wala kang dapat ikahiya, Joen. Wala kang kinalaman, tayo, sa mga ginawang kamalian ng mga magulang natin. Biktima lang tayo dito. Takot ko lang kung lalayo ako sa `yo dahil lang doon. Kanino mo pala nalaman ang totoo sa akin?"
                "Kay Lola Fe," ang nagdadalawang isip pa na sagot nito. Nagulat siya. "Ang sabi niya sa akin ay huwag ko daw sabihin sa `yo kaso alam mo na rin pala. Kanino mo pala nalaman na ampon ka lang?"
                Nag-iwas siya ng tingin. "Bakit sinabi sa `yo ni lola?" Pag-iiba niya sa usapan.
                "Dahil magaan ang loob niya sa akin. Gusto niya rin na protektahan kita at gagawin ko `yon. Takot ko lang na mawala ka sa akin." Tinitigan siya nito. "Alam mo na pala ang totoo. Bakit hindi ka nagtatanong?"
                "Dahil ayoko. Sapat na sa `kin na malaman ko ang totoo. Hindi ko na kailangan pang magtanong dahil alam ko na ang totoo. Nakita mo naman siguro kung paano ako itrato ni Lola Fe, para na niya akong totoong apo."
                "Ang understanding mo, Vin. Kaya mahal kita, eh." Hinila siya nito paupo . Napaupo siya sa tabi nito. Niyakap siya nito. "We're really destined to each other, Vin. This may crazy to look like because we were both male, but I don't care. Ang tadhana na ang tumulong sa atin para magtagpo ulit tayo. Hindi nga lang naging maganda ang una nating pagkikita pero tayo na at iyon ang mahalaga. Kaya pala sobrang gaan ng pakiramdam ko sa `yo."
                "Kaya pala komportable tayo sa isa't-isa kahit na bangayan tayo nang bangayan. Ako dama ko na agad ang koneksyon ko sa `yo Joen, simula pa n'ung umpisa."
                "I have a confession to make, Vin."
                Kumunot ang noo niya saka lumayo dito. "Confession? Ano?"
                "N'ung unang gabi na magkasama tayo ay doon nangyari ang una kong paghalik sa `yo habang tulog ka, dito sa kwarto na ito." Nanlaki ang mata niya sa narinig. Nagpatuloy ito. "That night, I also felt the connection that you feel. That night also, the night, that I fell for you because of that kiss."
                "Ano? So ibig mong sabihin ay matagal mo na akong gusto?"
                Tumango ito. "Nakakahiya nga dahil ang kapal ng mukha ko na sabihin sa harapan mo na para lang ako sa babae pero ako pa ang unang nagkagusto sa `yo. I just swallowed what I've said to you."
                Tumawa siya. Malakas na tawa na dahil sa sobrang kagalakan. "I love you, Joen." Ang tanging nasabi niya nang mapansin ang pagkakasimangot nito.
                "Mahal din kita. Magtabi tayo. Dito ka na matulog, ah. Na-miss kita nang sobra."
                "Dito talaga ako matutulog," aniya saka pumunta sa banyo.
                "Vin," tawag ni Joen sa kanya.
                "Bakit?" sagot niya saka lumabas ulit ng banyo.
                "I think you should tell to them that you know the truth, Vin. Nangangamba din kasi si Lola Fe sa `yo, eh. Ang sabi pa niya sa akin ay pagkatapos mo daw nang high school ay bigla kang nag-iba. Naging tahimik ka daw. Ang nalaman mo ba ang dahilan ng pagka-ka-ganoon mo?" Seryosong sabi nito.
                Natahimik siya. Kinalma niya muna ang sarili bago siya sumagot.
                "It will take time, Joen. Pahiram ako ng damit, ah."
                "`Wag ka nang magsuot ng damit, Vin. We can be naked all night. Iyon kung alam mo ang ibig kong sabihin."
                "Alam ko pero pasensya ka dahil ayoko pa."
                "As I think," tila talunan na sabi nito.
                "Darating din tayo sa ganoon na bagay, Joen," aniya saka lumapit dito. "Pasensya ka na sa `kin kung hindi kita mapagbibigyan sa ganoon na bagay sa ngayon."
                "Hindi mo kailangang humingi ng pasensya. I understand. Mahal kita dahil mahal kita at hindi dahil sa ibang bagay, Vin."
                "Maunawain ka din pala kahit na may pagka-adik ka." Pagbibiro niya.
                "Kaya nga bagay na bagay tayo. We complimented each other very well because of our attitude."
                "Oo na po," sabi niya.
                Bumalik siya sa banyo para maghilamos. Pagkatapos ay nagtungo siya sa damit na susuotin niya na inihanda ni Joen para sa kanya. Ang dati niyang damit na isinuot iyon n'ung gabi na una silang nagkita.
                Hinubad niya ang suot na damit pati ang kanyang pantalon. Medyo nahihiya pa rin siya sa paghuhubad sa harapan ni Joen pero kinakaya naman niya. Dahil nga sa nahihiya pa siya ay hindi na naman niya maayos ang pagbu-butones ng pajama top.
                Lumapit sa kanya si Joen. Ito na ang nagpatuloy ng ginagawa niya. Nakangiting tiningnan lang niya ito. Ang gwapo na, maalalahanin pa. Kung may mga bad traits man ito ay nasasapawan iyon ng mga mabubuting bagay na pinapakita nito sa kanya. Hindi siya magsasawang mahalin ito. Hinding-hindi na siya muling lalayo dito. Masaya siya sa piling ni Joen. Kasiyahan na walang kapantay. Alam niya na bago pa lang sila pero alam din niya, malakas ang paniniwala niya na malalampasan nila ang mga pagsubok na darating pa sa buhay nila bilang magkarelasyon.
                Isang sekreto na niya ang nalaman nito. Natutuwa siya sa naging resulta niyon dahil nalaman niya na simula pa noon ay magkasama na sila. It's like that their love story just continue now they were old. Isa pang sekreto ang malalaman nito sa kanya. Isang sekreto na madilim at hindi naman dapat nangyari sa kanya. Sana ay katulad ng reaksyon nito ang maging pagtanggap din nito. Ngunit malakas ang paniniwala niya na maiintindihan siya nito. Naniniwala siya kay Joen na hindi siya nito iiwan. Kung kailan niya masasabi ang madilim na nakaraan na iyon ay hindi niya alam. Basta ang alam niya ay masasabi niya iyon dito.
                Nang matapos si Joen sa ginagawa ay niyakap niya ito at hinalikan sa labi nang buong puso naman nitong ginantihan. Tinapos niya ang halik. Isang masayang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi habang magkahinang ang kanilang mata.
                "Hindi ako magsasawang mahalin ka."
                "Ako rin, Vin. I love you."
               

21 comments:

  1. Ang galing naman....to be continued ang connection. Thanks for the long update.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Buti na nga lang po, sir Alfred at long na ito.. Nakabawi rin ako sa matagal kong pagkawala.

      Salamat po sa komento!!

      Sa uulitin ulit!! Thank you talaga!

      Delete
  2. Sa wakas may update na! Sabi na nga ba may dahilan kung bakit ang tagal niyo nawala. Woah! Kaya pala ma malalim na connection na sila dati pa. I think yung ama-amahan na lang ni Vin ang kontrabida sa kanila. Author namiss ko yung story niyo sobra. WELCOME BACK!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Angel,

      Opo! May dahilan ako at si Glenda iyon! Hahaha..

      Sad to say, hindi ang ama-amahan ni Vin ang magiging problema sa love story nilang dalawa.

      Maglalagay ako ng bagong character pero wala-wala nang elaboration tsoo..tsoo about him.

      Sana ma-justify ko ang parang kabuteng pagsulpot ng kontrabidang iyon!


      Salamat sa komento pala!


      PS: na-miss ko rin ang comment mo. Isa ka sa inaabangan ko na laging nag-ko-comment eh. Thank

      Delete
  3. Replies
    1. Salamat kuya Anon sa comment po..

      Sa susunod po pakilala ka..:)
      Para mabati kita!

      Delete
  4. paulit-ulit nalang sinasabi yung madilim na nangyari kay vin, siguro madilim din nung panahon na yon nung nangyari kay vin ang di nya inaasahan. Ginapang sya siguro ng ama-amahan nya sa dilim. Kapatid din kaya ni vin si charles at mack?

    bharu

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ginapang? Hahaha.. In some way.. siguro..

      Pero mas malala pa yata doon..

      Hindi ko na masyadong bibigyan ng diin yon..

      Salamat sa comment, Bharu!

      Delete
    2. Hindi na niya kaano-ano iyon..

      Speaking of the two, they will have their ow story too. Kung sino ang mga ka-pair. Haha.. wushu!

      Delete
  5. Sir thanks s update ulit. Sinisubaybayan ko to. Pero wala po ch.20?

    ReplyDelete
    Replies
    1. May chapter 20 na po.. hindi n'yo ba nakita? Matagal ko na yong nai-post.. matagal ngang nasundan ng chapter 21 dahil kay Glenda..

      Salamat sa pagsubaybay, kuya anon!

      Delete
  6. Asan po ang chapter 20?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Matagal na pong naka-post ang chapter 20 nito..

      Hindi ba nag-a-appear? Paano nangyari? Sa table of contents baka nandoon na po.

      Salamat sa pagbabasa kuya anon

      Delete
  7. akin na lang yong 2 magpinsan na di pinili ni vin.lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pasensya kuya Anon, may nagmamay-ari na po sa kanila.

      Delete
  8. Mr. V hndi ko mabasa bsa ung ep.21 kc wla ung 20 huhu panu yan pa update pls tnx

    Japerski

    ReplyDelete
    Replies
    1. May Chapter 20 na po nito.. hindi n'yo po ba nakita? Anyare?

      Sa table of contents doon na siya.. promise.

      Delete
    2. Wla po hndi nag aapear sa table of content huhuhu

      Delete
    3. I'm sorry Japs Lane.. tsunga lang ang peg ko.. hahaha.. wala nga talaga. Ngayon ko lang napansin. Pasensya na. Hindi ko yata nalagyan ng label sa kakamdali dati.. pasensya na talaga.

      Delete
  9. Wew done reading 20 & 21 tnx for the update Mr. V, i like the twists their identity hehe ^_^ still hope for the new update i`m a fast reader thats why

    Oh by the way Mr. V u can call me japs

    Dios mabalos manoy! I sana makauli ako sa bicol taning mka istorya ka

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kuya japs! Hahah.. na-excite akong bigla sa pgbi-bicol mo!

      Sadin ka po sa Bicol? Sa Albay ka po ba? Kung sa Albay? Anong town? Hahaha..

      Pa-add ako sa fb!! Pwede?

      BTW, `wag na pong Mr. V,, bata pa ako.. nonoy pa nga tawag sa kin ng mga gurang.. hahaha..

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails