Athr'sNote-
Good news, may access na uli si Prince Justin na iresponsable. Whoooo!!!
Asahan niyo po na magiging maayos na ang takbo ng updates.
Kasalanan ko po ang lahat, iresponsable po kasi ako eh. Pasensya na po talaga.
Kuya Ponse pasensya na sa kakulitan ko. At maraming salamat po sa pagbigay ulit ng access sa akin, big thanks!
Guys, be ready. Basta be ready sa mga susunod na chapters!! Especially sa NEXT CHAPTER.
Katulad nga po ng sinabi ko, huwag niyong hahayaang madala o malito kayo ng sobra sa mga dadaang Point Of Views.
Salamat po sa lahat ng mga naghihintay sa bawat update nitong story nila Kurl. Salamat rin sa mga nagtitiwala!! Basta be ready!
Yung mga Point Of Views babantayin niyo ha? Yan ang sasagot sa mga katanungan niyo.
Guys!!! May nagtanong kung bakit 'Can't We Try?' ang title ng story. Hindi ko alam ang isasagot. Hindi ko rin kasi alam kung bakit!! AAARRRRRGGGHHHH!!!! >:O Napaka-iresponsable ko talaga!!!
Mr.Rye, pasensya na sa pambubulabog :)) WHOAH!!
Salamat sa lahat ng mga nagko-comment. Malaki po ang naitutulong niyo, sobra!! Pasensya na kung hindi ako nakakapag-reply. Pero bawat comment niyo ay hindi ko pinalalampas, minsan ay paulit-ulit ko pang binabasa yan :) Salamat ulit!!
Thanks, MSOB!
Happy reading!! :)
--
Point Of View
- K u r l -
"Kurl anak.. matuto kang magpatawad ha?.. Isa yan sa pinaka-maipagmamalaki mo bilang ikaw. Lagi mong tatandaan anak, ang pagpapatawad.. yan ang isa sa mga bumubuo sa salitang pagsasama." pag-alala ko sa laging sinasabi sa akin ni itay nung mga panahong buhay pa siya.
Sa tuwing kaming dalawa lang ang magkasama ay lagi niyang sinasabi yun. Hindi ko alam kung bakit.
Pero isa lang ang masasabi ko, marunong akong magpatawad.
Katulad na lang ng pamilyang tumutulong sa akin. Oo hindi pa ako handa na harapin sila.
Dahil sa natatakot parin ako, hindi ko alam kung bakit. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ko na sila sinisisi sa pagkawala nila inay at itay.
Oo nung una sila ang sinisisi ko. Pero ngayon, ngayon na marami na akong natutunan, ay alam kong.. matagal ko na silang napatawad, matagal na.
At sa katunayan nga eh, ipinaalam ko na kay lola ang araw na kung saan haharapin ko na ang pamilyang tumutulong sa akin, ang ang batang iniligtas nila mama at papa noon.
"Anak ko, Ian Kurl... makinig ka kay mama ha?... Ayaw kong nagtatanim ka ng sama ng loob. Ang pag-unawa at ang pag-intindi, yan sana ang mangibabaw sa'yo.. pagdating ng araw." isa rin sa laging binabanggit ni inay tuwing papasok siya sa kwarto ko.
Ang buong akala niya lagi ay tulog na ako. Na kung saan sinasabi niya lagi ang mga katagang ito, na siya talagang nagpagulo pa sa aking isipan. Lalo pa't sa tuwing sinasabi iyon ng aking inay, ay siyang pagbuhos ng kanyang mga luha.
Sa edad kong walong taon noon, wala akong alam o ideya sa kung ano man ang nais iparating nila mama at papa ko.
Kaya't isa lang ang maipapangako ko, gagawin ko ang nais nila. Ang hindi magtanim ng sama ng loob, at ang magpatawad. Higit sa lahat, umunawa at umintindi.
"Kuya kain na po.." rinig kong pagpansin sa akin ng dalawang apo ni lola na nagpabalik sa akin mula sa pag-iisip.
"Tara game.." pagngiti ko sa dalawa, ayos 'tong dalawang batang 'to.
Kagabi kasi ay halos multuhin nanaman ako. Buti na lang at dumating 'tong dalawang magkapatid na apo ni lola para manghiram ng kompyuter para sa assignment nila.
Kaya heto at sila ang kasabay ko sa almusal.
Nagsasanay na pala akong matulog mag-isa, na walang nagbabantay.
Minsan successful!! Minsan hindi. Kaya minsan, puyat ang kinalalabasan ko.
Binilisan ko na ang pagkain. Magko-commute lang kasi ako ngayon kaya aagahan ko ang pag-alis.
"Maliligo na ako. Pakabusog kayo." pagpansin ko pa sa dalawa matapos kumain.
Pagkapasok ko ng banyo ay nagbabad na muna ako sa shower.
By the way,
Ayos na pala kami ni Nicollo kaya nakaka-excite pumasok.
Yung apat niyang kaibigan ay mababait din pala katulad niya. Though pala-away talaga yung lima.
Yung mga pagkaing gawa nila kahapon ay talaga namang napakasarap.
Niyaya pa nila akong magshot pero tumanggi na ako. Hindi ko naman kasi talaga hilig yun.
Tuluyan na akong umalis. Magpapahinga na muna si baby tobi ko kaya commute ang kalalabasan ko.
Medyo makulimlim pamo. Huwag naman sanang umulan oh!!
....
School.
Kasalukuyan kaming naghihintay ng magtuturo para sa unang subject ngayong umaga.
Si Martin as usual katabi ko. Ayun gwapo parin at habulin kahit na may girlfriend na. Kaso may problema kami tungkol sa girlfriend niya!
Bigla ko na lang naramdamang nagvibrate ang aking phone.
Agad ko itong tinignan at hindi nga ako nagkamali. Si Nicollo.
Message: Good morning Kurl!! Pwede kaba mamaya? :)"
Matagal-tagal ko itong hinintay. Namiss ko talaga si Nicollo.
"Oo :) Bakit?"
Hindi ko alam pero na-excite ako bigla.
"Gusto sana kitang yayain mamaya after uwian. Labas tayo!!"
Sa reply niyang iyon ay halos masuntok ko 'tong si Martin sa sobrang kilig ko.
Hindi ko talaga maiwasan ang hindi kiligin. Napansin tuloy ako ni Martin.
"Woy Kurlo!! Ang aga-aga kinikilig ka.!! Bago na yan ah!! Anyare?" paniniko pa niya. "Parang nung mga nagdaang araw lang ang drama mo. Lagi kang nasa bahay namin tapos drama drama..." tonong pang-iinsulto pa nito.
Hindi ko na lang siya pinansin. Panira eh. Palibhasa kapag nagdadrama ako sa bahay nila ay tinatawanan niya lang ako.
Dahil daw sa hindi ko bagay magdrama. Yan ba ang bestfriend?
Ang sarap ngang sunugin nung bahay nila!! Eh kaso madadamay yung sa amin. Haha!!
"Sure :)"
Yun na lang ang nireply ko. Ano kayang gagawin namin? Saan kaya kami pupunta?
"Martin? Gwapo ba ako ngayong araw?" pagbaling ko sa asungot kong kaibigan.
"Kurl.. araw araw kang gwapo alam natin pareho yun. Mukha ka lang talagang tanga dahil bigla bigla kang kinikilig." pang-iinsulto nito na sinabayan niya pa ng nakakalokong pagtawa.
Nilakasan niya pa dahilan para makakuha siya ng atensyon.
Sinimangutan ko na lang siya na mas lalong nagpatawa sakanya.
Sira talaga 'to. Panira eh.
Nagsimula na ang klase kaya naman tumahimik na kaming lahat.
Conscious na conscious talaga ako ngayon. Gusto ko maayos ako pagkaharap ko na si Nicollo.
"Aaaaahhh..!!" wala sa sarili akong napasigaw.
Saglit akong napatigil..
Patay.. nagkaklase na nga pala kami.
Grabe. Lahat tuloy ng atensyon nasa akin.
Naiinis kasi ako kay Nicollo. Dapat kasi mamaya na lang niya sinabi na lalabas kami.
Ayan tuloy at hindi ako mapakali!! Arrrrgghhh!!
"What happened Mr. Santiago?" tanong ni mam.
Napabaling ako kay Martin na ngayon ay nagpipigil ng tawa.
"Sorry po mam." nahihiyang sabi ko kay mam.
"Ikaw kasi. Ayos na kayo ni Nicollo noh?" pagbulong ni Martin. "Yiiieeehhh....!!" sinisikuan pa ako nito, hindi ko tuloy maiwasan ang hindi matawa.
Alam na ni Martin. Kinwentuhan ko kasi siya. Alam na niyang bi ako. Wala daw yun sakanya lalo pa't magbestfriend kami.
"Oo. Friends na ulit." pagmamalaki ko.
"Alam na niya ba na gusto mo siya?"
Sa sinabi niyang iyon ay wala akong nasagot. Hindi ko naman kasi balak sabihin yun.
Ayos na sakin yung magkaibigan kami.
"Hindi. Lam mo naman na mahirap yung sitwasyon ko diba? Wala rin akong balak na ipaalam." balik ko.
Looook guys. Kung sasabihin ko sakanya na gusto ko siya ay hindi malabo na iwasan niya ako diba?
Lalo pa't nagkaayos palang kami.
"Martin?" pagharap ko sakanya, humarap rin naman siya sa akin.
"What?" interesadong pagsagot nito.
"Ba't hindi na lang sa iyo ako nagkagusto noh?" seryosong tanong ko na may kasamang ngiti. "Kung sakali bang umamin ako na gusto kita, ano magiging reaksyon mo?"
Hinawakan lang nito ang kanan kong kamay at siya'y ngumiti.
"You know what Kurl?.. Kung aamin ka man ay syempre mabablanko ako, aakalain ko bang mas gwapo sakin ang magkakagusto sa akin diba?" pagtawa pa nito pero alam kong totoo yung mga sinasabi niya. "Pero isa lang ang masasabi ko.. Hindi ka mahirap mahalin Kurl." seryoso pa nito at pag-abot sa isa kong kamay.
"Kaya eto ang tatandaan mo... Huwag na huwag kang matatakot na umamin sa taong mahal mo.. lam natin pareho kung sino.. basta Ian Kurl Santiago... magpakatotoo ka lang. Trust my words." pagngiti pa nito.
Sa sinabi niyang yun ay mabilisan ko siyang niyakap. Etong kaibigan ko ay talagang dabest eh.
"Tooooo blessed to have you.. Martino." pagngiti ko rin habang nakayakap.
"Basta Kurl kapag umamin ka sakanya tapos pinagtawanan ka... sabihin mo kaagad sa akin ha? Ipamumumog ko yung ipin at dugo niya sakanya." pagtawa pa nito.
"Ewan ko lang kung may ma-ibubuga ka sakanya, basagulero yun!!" natatawang sabi ko pa sakanya.
-----
Point Of View
- N i c o l l o -
Hindi ko alam kung saan ko dadalhin 'tong si Kurl.
Kasalukuyan kaming nasa kainan dito sa school. Magkaharap kami sa isang table.
Nakatitig lang ako sakanya habang siya abala sa pagkekwento ng kung anu-ano.
Pagtumatawa siya napakacute niyang tignan. Ba't kaya hindi nagkakagusto sa akin 'to?
Chinito naman ako. Mabait rin naman ako.
Nagising na lang ako mula sa pag-iisip-isip nang tumigil siya sa pagkekwento.
Ngayon ay siya naman ang nakatitig sa akin kaya naman agad akong nag-iwas ng tingin.
Mas lalo akong naconscious ng tumayo ito at nakatitig parin sa akin.
"Kurl..." wala sa sarili kong nasambit, natatakot kasi ako sakanya, ewan kung bakit.
Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko.
Ako naka-upo at siya naman ay nakatayo sa harap ko. Buti na lang at may table sa pagitan namin. Kung hindi ay baka mas lalo akong mataranta.
Nang magkalapit na ang mukha namin ay ngumiti ito bigla.
"Ngayon lang kita nakitang namula. Ang cute mo pala eh noh?" pagtawa nito saka siya muling naupo ng maayos.
"Pinakalapit mo kaya.." nahihiyang sabi ko naman matapos makabawi.
Arrrrhhh!! Lakas mantrip nitong lalaking ito!!
"Tinignan ko lang yang dalawang mata moh.. baka mamaya feeling chinito ka lang kasi." pagtawa pa nito.
Aba talagang? Pinagtitripan ako nito ah!!
Kung kayang gawin ko yung ginawa niya?
"Tignan mong mabuti 'tong mapupungay kong mata.." tonong pang-aakit ko nang masimulan ko siyang titigan.
Nakita kong siya naman ang napatigil, nailang.
Ginawa ko ang ginawa niya. Dahan dahan akong lumalapit.
Malapit na ang mukha ko sa mukha niya nang biglang..
"Wag mo nga akong pagtripan Nicollo... hindi yan uubra sa akin, tara na nga.." pagtawa nito at talagang ipinuwesto pa nito ang hintuturo niya sa noo ko.
Guys, I can't explain it well. Alam ko nakuha niyo ibig kong sabihin hehe.
"Uuwi talaga ako kapag hindi kapa gumalaw diyan." rinig kong sabi pa nito.
Wala sa sarili kasi akong napatigil. Nagkakaganito nga ba ako dahil sakanya? Grabe 'tong si Kurl! Effortless siya na patulalain ako. Arrggghh!!
Agad ko nang nilapitan 'to at inakbayan. Sa mall na lang kami pupunta.
"San tayo?" tanong ni Kurl pagkapasok namin ng kotse.
"Mall. Kain muna tayo." simpleng balik ko. "Manong sa mall ahh."
"Kakain nanaman? Katatapos lang natin eh. Nabusog na nga ako sa dami ng binili mo.." inis nito.
Natawa ako sa ekspresyon niya. Busog na busog kasi talaga siya.
"Then mag Zagu na lang tayo.. favorite mo yun diba?" pagngiti ko.
Agad naman kumunot ang noo nito sa sinabi ko. Malamang iniisip niya kung paano ko nalaman.
"Jerry and James. Sinabi nila eh." simpleng sabi ko, napatango na lang ito.
"Nicollo what if.. may taong gustong-gusto ka? or baka mahal na mahal kana? I mean.. kung sakali lang.. na may umamin.. anong gagawin mo?" biglang pagseseryoso nito habang nakatingin lang sa daan.
Napa-isip ako sa kanyang sinabi. Ano nga ba?
"Ang hirap naman ng tanong mo.. pero.. wala. Wala talaga, eh sa kung may gusto na akong iba eh.." napakagulo kong balik rito.
Nakita kong tumango lang ito. Deretso parin ang tingin niya sa daan.
"May mahal na kasi ako eh.." pagbulong ko pa, hindi ko alam kung narinig niya. "Ikaw kaya..." napakahina ko pang pagbulong, para 'di niya marinig.
Magmula nun ay hindi na siya nagsalita. Awkward tuloy!!
Kaya't hinintay ko na lang na makarating kami sa mall.
---
Point Of View
- K u r l -
"May mahal na kasi ako eh.." paulit-ulit na nagpa-pop-out sa utak ko.
Mahina man niya itong sinabi ay narinig ko parin. Sana hindi ko na lang narinig.
Malabo nga siguro na magkagusto sa akin si Nicollo.
I asked him kung ano ang gagawin niya kapag may taong nagsabing gusto o mahal siya.
He answered it, simply. Plain words, pero parang napana sa akin.
Siguro mas maganda nga na huwag ko na lang ipaalam sakanya 'tong nararamdaman ko.
Ngayon palang nasasaktan na ako. Bakit ba kasi ganito eh?
Magkakagusto na lang ako sa lalaki pa. At sa lalaki pa na may minamahal na.
"Huwag na huwag kang matatakot na umamin sa taong mahal mo.."
Naaalala kong sabi pa ni Martin kanina. Eh paano ko magagawa yun? Nahihirapan na talaga ako..
"Magpakatotoo ka lang.."
Pag-alala ko pa sa sinabi niya.
Pero paano? Ang hirap!!
"Let's go?" rinig kong pagpansin sa akin ni Nicollo.
Pagkababa namin ay agad ko siyang hinarap.
"Nicollo kung.. kung may mahal kana bakit.. bakit.. bakit hindi siya ang isama mo dito sa naisip mong paglabas?" agad na sabi ko.
Yung bang parang naiinis ako habang nagtatanong. Alam kong pansin niya yun.
Oo, siguro, pwede, na magmukha akong masama o bitter sa tanong ko.
Pero masisisi niyo ba ako? Mahal ko 'tong kasama ko eh. Tapos itong mga ginagawa namin ay mas lalong nagtutulak sa akin na mahalin siya.
Grabe diba? Ba't kasi ganyan?
May punto naman siguro ako sa tanong ko diba?
"Yun na nga eh.. basta kasi... basta hindi ko alam Kurl." pagbigay rin nito ng naiinis na ekspresyon.
Masyado atang uminit ang atmosphere.
"Nahihirapan din ako.. bakit Kurl? Ayaw mo ba akong kasama? Ayaw mo ba na sinama kita dito sa Naisip kong Paglabas?" pagbigay diin pa nito sa huli niyang sinabi.
Sa ekspresyon niyang iyon ay tuluyan nang nawala yung inis ko. Yung sakit o ano man.
Nagbigay kasi siya ng ekspresyon na kung saan talagang.. talagang.. ahhh basta!!
"Pasensya na sa tanong ko.. tara na nga.. baka mag-away pa tayo dito." agad na sabi ko saka ko siya hinawakan sa kamay at dali-daling hinila papasok sa loob.
"Sorry din.." rinig kong sabi pa nito.
Nang naghihintay na kami sa harap ng elevator ay binitawan ko na siya. Nasa third floor pa at parang bukas pa ata bababa 'to.
Nagulat na lang ako ng may humila sa kamay ko.
"Matagal pa yan.. tara dali.." pagngiti nito saka niya ako hinila papunta sa may escalator. "Baka maubos yung Zagu.." pagbibiro pa nito.
Napangiti na lang ako sa kalokohan niya.
Nang makarating kami sa harap ng Zagu ay nagsalita kagad ito.
"Chocolate po dalawa.." pagpansin niya sa mga nagtitinda.
"Sir pangalan po..?" balik nung babae.
"Kurl and Nicollo.." agad na pagtugon naman nito at pag-abot kagad ng bayad.
Naghintay kami saglit..
"Kurl tara selfie.." pagtaas-baba pa ng kilay nito.
Natatawa man sa kalokohan nito ay sumakay na ako.
"4pics gagawin natin.. iba-ibang pose okay?" sabi pa nito at nagsimula na kaming magpose.
First shot was a blast. Haha!
Wacky daw eh kaya ayun. Then pangalawa ay pouty lips naman daw.
Then third is pinakapamatay na smile daw namin.
At yung last? Hindi ko na sasabihin. Baka bigyan niyo pa ng malisya. Whehehehehehe!!
"Hindi ba tayo nagmukhang ewan?" nasabi ko na lang.
Ipopost niya daw sa facebook eh.
"Paniguradong magko-comment niyan si Yael." excited na sabi nito.
"Yael?" agad na tanong ko. "Eh diba pangalan mo yun?" tanong ko pa.
Yael Nicollo Santos. Pangalan ng taong gustong-gusto ko. Hehe.
"Yup! Pangalan rin ng kapatid ko yun." pagngiti pa niya habang abala sa pagtingin sa mga pictures namin.
"May kapatid ka?" gulat na tanong ko pa.
May kapatid pala siya? Ay kung sabagay, hindi naman ako nagtatanong patungkol sa pamilya niya kaya wala akong alam.
"Sir eto na po.." rinig kong sabi nung babae kaya naman agad na kaming lumapit.
Ako na ang kumuha. Busy kasi ito sa pagtingin sa pictures namin.
"Tara upo tayo saglit.." sabi nito kaya naman lumapit na nga kami sa may bench.
Tinira ko na yung Zagu ko. Yung may Kurl na nakalagay.
"Ayan.. tignan ko lang kung hindi nila tanungin kung sino ka.." natatawang sabi pa nito, hindi ko siya maintindihan.
"Ayan.. posted!!" magiliw pa nitong sabi saka na niya ako binalingan.
"Oh.." pag-abot ko sa Zagu na Nicollo ang nakalagay.
"Baliktad." pagkunot nito bigla sabay agaw dun sa sinisipsip kong Zagu.
Napatigil ako sa ginawa niya lalo na nung sinipsip niya yung Zagu ko.
"Akin yan eh.." parang batang nasabi ko na lang.
"Sa iyo yang may Nicollo at sa akin 'tong may Kurl.. tara dun tayo sa taas.." balik pa nito habang abala na siya sa pagtira dun sa Zagu.
Naguluhan man sa inasta niya ay natawa na lang ako. Palit kami? Siya yung may Kurl then akin yung may Nicollo?
Kung sa ka-ewanan lang ay pwede kong ipanlaban 'tong si Nicollo!!
"Okay para fair.." biglang sabi nito.
Nagulat na lang ako ng agawin nanaman niya sakin yung Zagu na tinitira ko na.
Sumipsip siya rito ng ilan saka niya rin ito binalik kaagad sa akin.
"Yan fair na.." pagngiti nito.
Wala sa sarili na lang akong napatango.
Mas lalo tuloy akong nahuhulog sakanya dahil sa mga pinaggagagawa niyang kalokohan.
Habang naglalakad kami ay nakuha pa nitong magpick-up Linya!!
"Kurl.. pusa kaba?" biglang sabi nito.
"Para kang tanga Nicollo, osige sige .. bakit?" pagsakay ko na lang.
"Ang cute cute mo kasi eh.." pagngiti pa nito sa akin, pakiramdam ko tuloy ay namula yung pisngi ko.
Arrrrrhhh!!!
"Nicollo.. sira kana ba?" pagbawi ko naman.
Interesado naman itong tumigil sa paglalakad at masayang humarap sa akin.
"Bakit Kurl? Bakit?" excited nitong sabi.
"Para ka kasing tanga eh.. Pramis!!" pagbigay ko ng napakalapad na ngiti.
Hehehe!! Nakita ko na napasimangot ito. Halatang disappointed eh.
Ang ganda nung pick-up ko noh? Napakagulo haha!!
Babanat pa sana ito nang tinaas ko ang aking kanang kamay, tanda na saglit lang.
Naramdaman ko kasing biglang nagvibrate ang aking phone.
"Wait lang.." pagpapaalam ko saglit saka ito binasa.
Message: Kurl? San ka?
Text ni Martin.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong ninerbyos sa text niyang iyon.
"Sa mall. Bakit Martin? May problema ba?"
straight kong reply.
"Samahan mo naman ako ohh? Please.."
sa sinabi niyang yun ay mas lalo akong ninerbyos.
"Nicollo sorry ahh?" pagbaling ko kay Nicollo.
Pansin kong naguluhan ito sa aking sinabi.
"Kailangan kong umalis. May problema kasi yung bestfriend ko.." sabi ko pa.
Napatango na lang siya at nagbigay ng pilit na ngiti.
"Ge okay lang.. hatid na lang kita.." mahinahong sabi nito.
Alam kong magtatampo 'tong isang 'to.
Eh hindi ko naman pwedeng tanggihan yung kaibigan ko.
Importante sakin si Martin eh.
Though importante rin si Nicollo sa akin. Pero syempre hindi ko parin pwedeng kalimutan ang kaibigan ko. Bestfriend ko kaya yung maitim na yun!!
Ayokong napapabayaan ko ang mga kaibigan ko dahil sa buhay pag-ibig.
Sila at sila parin kasi ang matatakbuhan mo kapag may problema ka sa pag-ibig o sa kahit ano mang klaseng problema.
Isa rin sila sa bumuo sa salitang IKAW. Kaya kapag isa sakanila napabayaan mo? Nako! Edi kulang kana!!
"Hindi na okay lang.. ako na bahala." pagngiti ko rin. "Pasensya na ha?" nahihiyang sabi ko pa.
"Tara hatid na kita sa sakayan.." pagngiti rin nito.
Alam kong pilit lang yun. Alam ko ring biglang nagbago ang mood nito.
Pasensya na Nicollo.
"Salamat Nicollo ha?.." pagpapaalam ko rito nang nakakuha na kami ng trike.
May naisip ako bigla bago ito iwanan. Hinintay ko siya saglit na sumipsip sa Zagu niya bago ko ito agawin.
Nang sumipsip na siya sa Zagu niya ay agaran ko na itong inagaw.
"Ayan hindi na fair. Babawi na lang ako next time para maging fair." pagtawa ko rito matapos sumipsip at ibalik sakanya yung Zagu niya.
Nang makitang ngumiti ito. Ngiting totoo at hindi pilit. Ay tuluyan na akong umalis.
Lihim pa akong kinilig sa reaksyon nito.
Nakita ko yung mabilis na pagpalit ng ekspresyon ni Nicollo na ikinatuwa ko talaga.
"Coming.." pagtext ko kay Martin.
Ramdam ko kapag kailangan niya ako.
Makalipas lang ang ilang sandali ay nakarating na rin ako sa amin.
Agad akong pumasok sa bahay nila Martin. Tutal halos araw-araw rin naman akong nasa loob ng bahay nila kasama siya.
"Ate nasan po si Martin?" agad na tanong ko sa maid nila.
"Sir nasa kwarto niya po.. medyo.. ah basta sir umiinom po." hindi mapakaling sabi nito.
Agad ko nang tinungo ang kwarto niya.
Hindi na ako kumatok sa kwarto niya. Dumeretso na kagad ako sa loob.
Umiinom nga siya. Kanina lang ang ayos-ayos niya. Tapos ngayon ganito siya bigla.
"Tol what happened?" agad na pagtatanong ko.
Nang marinig niya akong magsalita ay agad siyang lumapit.
Pinagmasdan niya lang ako. Parang galing pa sa iyak ang lalaking 'to.
"Manghuhula nanaman ba ako?" mahinahong pagtatanong ko rito.
Minsan kasi ay hindi niya agad sinasabi sa akin kung ano ang problem niya. Kaya kung anu-ano ang iniisip kong pwedeng maging problema niya.
Nagulat na lang ako sa sunod nitong ginawa. Niyakap niya ako.
"Kurl... may sasabihin ako."
-----
Point Of View
- ?.2 -
"Gusto ko sana na.. na sa lalong madaling panahon ay.. ay matapos na lahat itong mga paghihirap ko, itong napaka-ingay kong konsensya at.. at ang gabi-gabing pagbuhos ng aking mga luha."
"Hintayin mo lang ako...."
"Gagawin ko ang lahat..."
"Bago pa mahuli ang lahat...."
Itutuloy
What's going on?
Watch out guys :))
Ola :))
ReplyDeleteSi martin may gusto din kay kurl. Hehe. At pwede ding maging martin at kurl kasi sa mga sagot ni nichollo na may gusto na kasi sya. Nasam na kaya si paolo? Hehe. Thanks sa update mr. Author.
ReplyDelete-tyler
Pasabog ka talaga author, ginawa mong komplekado ang dati nang komplekado, paano na yan kung aamin si Martin.
ReplyDeleteTama, si paolo. Nasan k n? I was thinking he's one of those anonymous pov's :)
ReplyDelete-GaMeboy
Sana kurl at nicollo lng author wag ng sumingit si martin.....
ReplyDeleteJay-05