Athr'sNote-
Whoah! Umuulan-ulan dito sa Angeles City! Ingat mga kapampangan!
Babala: Sa chapter na ito, konting drama at maraming OA lines xD Pasensya na sa mga mabobored.
Sa mga nagbigay ng reaksyon patungkol sa chptr 16, Maraming Salamat :))
Guys, medyo binilisan ko na ang mga pangyayari, basta makisakay lang tayo sa takbo ha? Salamat :))
Happy reading!
--
Point Of View
- K u r l -
August 14
"Yael Nicollo Santos, I love you." pagngiti ko pa kay Nicollo.
Nakatayo lang ito at nakatingin sa akin. Mababakasan ko ito ng pagkagulat o pagkablangko.
Ang dalawang daliri niya ay idinampi niya lang sakanyang labi na talagang halatang gulat.
Teka. Ayaw niya ba ginawa ko?
"Sabi ko I love you." paghawak ko pa sa kaliwang kamay niya.
"Yael tabi ba tayo matutulog? O dun kana sa kwarto mo.." napabaling kami sa pinanggalingan ng boses, napatigil ito mula sa pagsasalita.
Tila lahat ata kami ay kusang napatigil. Ano 'to?
Hindi ko alam pero nakuha kong mapalunok nang makita kung sino ang nagsalita.
Si Nicollo at si Nicollo? Ano 'to? Dalawang Nicollo?
"Kurl.."
"Nicollo?"
Sabay naming sabi nang taong kadarating lamang.
"Anong nangyari?" agad na sabi nitong isang Nicollo, na kadarating pa lamang.
Agad siyang lumapit at pinaghiwalay ang kamay namin nitong isa pang Nicollo at inilayo niya ako rito.
"Patay.." rinig kong sabi pa nila Lance.
Tama, eto yung Nicollo na alam ko, wavy hair, kengkoy moves. Yung paghawak niya sa akin, amoy niya, presensya niya. Siya nga!
Pero, pero sino 'tong isang Nicollo? Namaligno ba ako?
"Anong nangyari?" tanong ulit ng kilala kong Nicollo.
"Ako ang dapat magtanong.. si-sino ka? I mean.. ba't dalawa kayo?" pagbaling ko pa sa taong hinalikan ko.
"Siya yung kapatid ko. Si Yael Nick, kambal ko."
Sa sinabing iyon ng kilala kong Nicollo ay wala sa sarili kong natakpan ang aking mga labi gamit ang aking mga daliri.
"Oh bakit? Ano bang nangyari?" naguguluhan nang sabi ni Nicollo. "At ba't hawak mo kamay niya?" tanong pa nito.
"He kissed me." nanginginig pang sabi nung isang Nicollo, ay yung Yael Nick, yung kambal niya, raw? Ay ewan!
"Kiss? Bakit? Ano bang nangyari?" halos mapahisterical nang sabi ni Nicollo, halatang naiinis na ito.
-----
Point Of View
- N i c o l l o -
"Wuy sorry na, akala ko ikaw eh.." pag-alog pa sa akin ni Kurl.
Hindi ko siya kinakausap. Sabi niya sa akin na ako lang ang hahalikan niya, eh hinalikan niya nga yung kapatid ko.
Diba nangako siya? Na ako lang!
Eto ebidensya ko oh.
(
"Promise din Nicollo, walang ibang makakatikim sa labi ko at wala akong hahalikang ibang tao maliban sa sa'yo."
Promise ko yan guys ha. Tandaan niyo 'tong eksenang 'to. Pakatandaan niyo guys!!
)
Ayan!! Ninakaw ko pa sa POV niya yan maipakita ko lang sa inyo.
Oh diba? Sinong hindi maiinis? Arrrggghhhh!!!
Kanina niya pa ako sinusuyo kaya hanggang ngayon, hindi pa kami natutulog.
Sabi ko na nga ba eh, delikado kapag umuwi 'tong kambal ko. Biglang nanghahalik 'tong taong mahal ko eh.
"Teka lang ha.." biglang pag-iba na ng tono ni Kurl. "Ako pa talaga ang nanunuyo sa'yo. Eh wala nga akong kaalam-alam. Ewan ko sa'yo Nicollo." inis na sabi na nito.
Agad siyang tumayo, aalis na sana ito nang agad din akong tumayo at hinawakan ito sa kamay.
"Ikaw kasi eh, hinalikan mo kapatid ko." parang batang sabi ko rito.
"Ba't naman kasi ganun, halos magkamukhang-magkamukha kayo, wala nga atang pinagkaiba eh." pagbubusit pa niya.
"Kurl ba't mo ba siya hinalikan? I mean, ba't nandun kayong lahat. Tapos may teddy bear pa dito sa higaan ko." posturang naguguluhan ko pa at nakuha ko ring magturo-turo sa mga pwesto nila kanina.
Eh sa naiinis talaga ako eh, pakiramdam ko kasi talaga parang natalo ako, nadaya.
"12 o'clock ng umaga. August 14." seryosong sabi niya sa akin. "Sasagutin na sana kita..." pag-upo pa niya na halatang nanghihinayang. "Surprise yun eh."
Saglit akong napatigil sa sinabi niya, August 14? Sasagutin? Surprise?
"Aaaaahhhhh..." pagdadabog ko at pagtakip ko pa sa aking mukha.
Ang araw na pinakahihintay ko. Ang sagutin ako ni Kurl. Ang maging kami.
"Kaya pala nung hinalikan ko siya ay parang iba yung labi, parang iba yung hinahalikan ko." rinig kong sabi pa ni Kurl.
"Kurl naman ehhhhhh..... edi sana hindi mo tinuloy." inis ko pa habang padabog-dabog pa ako.
"Eh sa nahalikan ko na eh, tsaka nandun na nga, at malay ko ba." naiinis narin niyang sabi.
"Kurl, by any chance, sakanya mo ba nasabi yung pinakahihintay kong 3 words sa'yo?" pagharap ko pa sakanya at paghawak sa magkabila niyang pisngi.
Nakuha ko pang tapik-tapikin nang napakahina yung magkabilaan niyang pisngi.
Sana mali naiisip ko, sana, sana, sana. Kurl please, please please please.
"Sorry Nicollo...." mahinang sabi nito habang nakatitig lang sa akin.
"Aaaahhh Kurl naman eh, yun yung pinakahihintay ko sa'yo tapos hindi ko pa narinig... ahhhhh..." halos mamilipit kong sabi at agad kong tinakpan ng unan yung mukha ko sa sobrang panghihinayang.
Nakuha ko ring magpa-ikot ikot sa higaan, nagdadabog, nanghihinayang, nagbubusit.
----
Point Of View
- K u r l -
Ramdam ko yung panghihinayang ni Nicollo, ako rin naman eh.
Paikot-ikot pa ito sa higaan na halatang nagdadabog, parang bata talaga 'to eh.
Habang nakatakip ang mukha nito ay may naisip ako bigla. Hindi pa naman huli ang lahat eh.
Agad kong kinuha sa aking bulsa ang isang maliit na box. Pinagmasdan ko ito, at wala sa sarili na lang akong napangiti.
Muli ko itong binulsa, hindi pa nga talaga huli ang lahat.
Agad kong inalis ang unan sa mukha ni Nicollo.
Nang makita ko ang mukha niya na nakatingin lang sa ibang direksyon ay nakumpirma kong nagtatampo na nga ito, actually kanina pa nga eh.
"Hindi pa naman huli ang lahat diba?" pagngiti ko nang humarap siya sa akin. "Tara may pupuntahan tayo." agaran kong sabi saka ko siya dali-daling hinila palabas ng bahay.
"San tayo pupunta?" rinig kong tanong pa nito.
...
"Anong ginagawa natin dito sa park?" tanong ni Nicollo nang maka-upo kami sa upuan dito sa may ilalim ng puno.
Mga panahong madrama ako, panahong hindi kami nag-uusap ni Nicollo. Lagi akong nandito, at ngayon, dito ko gagawin ang balak ko.
"Saglit na lang, easy." sabi ko pa, napa-posturang walang gana pa ito.
Tinignan ko yung phone ko, ilang minuto na lang. Iba talaga, mukha nga talagang maswerte ako pag dating kay Nicollo.
Nagulat na lang ako nang maramdamang may kung anong pumatong sa likod ko.
"Buti na lang nahila ko pa yung Jacket ko kanina nung papalabas tayo ng bahay." sabi nito nang tignan ko siya. "Lalamigin ka sa ginagawa mo eh." inis pa nito.
Natutuwa ako at nag-aalala parin sa akin si Nicollo, kahit ganyan na nagtatampo siya.
Muli kong tinignan ang aking phone, nang saktong pagpalit ng oras sa 1:43 ay siyang agad kong pagkuha ng maliit na box sa aking bulsa.
Marahan kong binuksan ito. Nakatingin lang siya rito.
Isang kwintas, kwintas na ipinangako ko sa aking sarili na kapag nagkaroon ako ng taong mamahalin ay pagbibigyan ko.
Pagkakuha ko sa kwintas ay dahan-dahan ko itong isinuot sakanya.
At nang maisuot ko na ito sakanya ay..
"August 14. 1:43 in the morning..." pagharap ko pa sakanya nang hawak kong phone habang nakangiti.
"Yael Nicollo Santos, I love you." mahinang sabi ko saka ko siya hinalikan.
Eto, eto ang labi na talagang kilalang-kilala ko.
Matapos ko siyang halikan ay agad ko na siyang niyakap ng mahigpit.
"Kurl, I love you too." rinig kong sabi nito. "Kala ko mai-speechless na ako, iba talaga kapag ikaw ang bumanat Kurl, salamat. Salamat talaga."
Kung hindi ako nagkakamali ay umiiyak na ito.
...
Kinaumagahan
"Ahmm Yael, sorry pala kagabi. Pasensya na talaga." nahihiyang sabi ko sa kapatid ni Nicollo.
Palihim ko itong tinitignan, isa lang ang hindi pareho sakanila ni Nicollo, hairstyle.
Kasalukuyan kaming nasa hapag at kumakain ng almusal.
Kumpleto parin kami. Bale kaming labing-dalawa ay nasa hapag at nagsasalo-salo.
"Wala yun kuya Kurl.." nahihiyang sabi rin nito.
Kuya pa talaga ang itinawag sa akin.
"Woy Yael. Kapag nakita mo kaagad 'tong si Kurl agad mong sabihin na hindi ikaw ako, baka manghalik nanaman 'to bigla eh." sabat ni Nicollo.
Agad ko namang pinitik ang daliri nito, buti at katabi ko siya.
"Arraaayy!!" agad na paghiyaw nito. "Kurl naman ehh..."
"Kurl naman eh..." pamumusit at paggaya ko sa lagi niyang sinasabi kapag nasasaktan siya sa akin.
Nakita kong tumawa naman ang mga kasama namin.
"Bro look, sorry. Nung pagpasok palang ng kapatid mo ay agad na kaming napatayo. Alam kasi namin ang balak ni Kurl eh, pero hindi na namin napigilan.. Sorry ulit.." sabi ni Doms.
"Okay na yun. Rumesbak naman ako kay Kurl kagabi." tonong nakakaloko pa ni Nicollo.
"Kaya pala ang ganda ng awra mo eh, kaninang alas-dose lang ay halos mapatay mo na kaming apat." sabat pa ni Paul.
"Wuy Kurl grabe ah? May nangyari?" hindi makapaniwalang sabi ni James.
"Kurlo? Really?" pahabol pa ni Martin.
Halos mapalunok ako sa aking mga naririnig. Mali, mali!!
"Look, mali ang iniisip niyo. Walang nangyari, alam niyo namang sira-ulo si Nicollo diba?" agad na pagtatanggol ko sa aking sarili.
"Weh?" sabat pa ni Paulo.
Nakita kong pangiti-ngiti lang sila Lance, maging 'tong kakambal ni Nicollo.
Binalingan ko si Nicollo, pangiti-ngiti lang rin ito habang abala sa pagkain.
Napagtutulungan nanaman ako. Yari 'to sa akin mamaya.
"What's with that necklace?" biglang sabi naman ng kambal niya.
"A necklace of love. Love of Kurl, love of me, love of us." pagmamalaki ni Nicollo na sinabayan niya pa ng posturang tumutula.
"Whoooo naman..." rinig kong pagsabat pa ng mga asungot.
Mukha nga talagang napagtutulungan ako ah?
Hanggang sa napuno ng katahimikan ang loob ng bahay, tanging ingay sa pagkain namin lang ang nangingibabaw.
Parang bang hintayan sa kung sino ang magsisimula ng ingay o topic o ano.
Hanggang sa..
"Nicollo, you did great!" pare-pareho kaming napatigil at wala sa sariling napabaling kay Nicollo.
Parang bata itong pangiti-ngiti na nilalaro ang maliit na teddy bear na binigay ko.
"Nicollo, you did great!" pag-uulit pa nito.
Parang bata talaga siya, na sa tuwing tutunog ang bear ay ngingiti siya na parang ang saya-saya.
"Nicollo, you did great!" pag-uulit pa niya.
Pasimple kong tinignan ang mga kasama namin, natatawa lang sila sa inaasta ni Nicollo, haha parang bata talaga 'to.
Ang sarap sa pakiramdam, na napapasaya ko si Nicollo sa maliliit na bagay.
Lalo pa't ako ang nagrecord nun at boses ko pa ang naririnig namin mula sa teddy bear.
Hanggang sa napansin ko na lang na nakatingin na pala sa akin ang lahat maliban kay Nicollo na nilalaro parin ang teddy bear.
Pangiti-ngiti lang rin sila, napangiti narin ako.
"NicIan baby, ano nga ulit sinabi mo?" napatingin kaming lahat kay Nicollo nang magsalita ito.
"Isa pa nga.." sabi pa niya saka nanaman tumunog ang bear.
"Nicollo, you did great!"
-----
After 7 days
Point Of View
- ?.2 -
"Dito siya nakatira?" agad na tanong ng aking anak.
"Oo anak, diyan nakatira ang isa ko pang apo, ang anak ni Sandra." pagsagot ko habang nakatitig lang sa bahay ng apo ko, dito rin pala nanirahan si Sandra at ang asawa niya.
Nais naming makita ng anak ko ang bahay ng taong matagal ko nang dapat hinanap.
"Ayan.. ayan ba siya.." pagturo pa niya sa taong lumabas. "Magpinsan nga sila, parehong malakas ang dating eh, kulay palang."
Agad kong itinuon ang aking mga mata sa lalaking lumabas.
Wala sa sarili akong napangiti ng mapagmasdan ko ito.
"Napakagwapo pala ng apo ko." nasabi ko na lang nang mapadako sa sinasakyang kotse namin ang tingin niya.
"Wait.. e.. e-empleyado ko yan papa. Si Ian Kurl Santiago yan papa." hindi makapaniwalang sabi ng anak ko.
"Ba't 'di mo agad sinabi sa akin ang pangalan papa?" sabi pa nito.
"Hindi ko agad nakilala ang bata, katulad nga ng sinabi ko sa iyo ay itinakwil ko si Sandra, ang kapatid mo sa labas." mahinang pagsagot ko.
Nakita naming may lumabas na isang lalaki sa katabi nitong bahay. At dali-dali silang tumakbo papalayo.
"Papa akala ko ba magpapakilala na tayo?" agad na sabi ng anak ko nang makitang tumakbo ito.
"Natatakot ako, natatakot ako sakanya, natatakot ako sa pwedeng maging reaksyon niya." mahinang sabi ko pa hanggang sa hindi ko na napigilan ang mapaluha.
-----
Point Of View
- Yael Nick -
"Tagal mo naman.." pagpansin ko sa kapatid ko pagkapasok niya ng kwarto.
"Ayos ba si Kurl?" agad na tanong niya pagkalapit sa akin.
"Ayos, gwapo tsaka malakas ang dating." pagsang-ayon ko naman.
Totoo naman eh. Pero aakalain mo bang dalawang gwapo ang magkakatuluyan?
"Pasensya kana talaga kagabi ah?" sabi pa nito patukoy sa paghalik sa akin ni kuya Kurl.
"That's okay. Pero lam mo, nagulat talaga ako." balik ko pagkahiga nito sa tabi ko.
"Swerte ka nga eh, ikaw kasi nakarinig o nakatanggap nung 3 words na pinakahihintay ko mula kay Kurl." tonong panghihinayang niya pa.
"I love you." pag-ulit at paggaya ko sa tono ni kuya Kurl kagabi.
"Well, atlis bumawi siya sa akin kagabi. Anyway, yung paghalik niya sa'yo kagabi.. kamusta?" pagtagilid pa nito paharap sa akin.
"Ayaw kong magsinungaling sa'yo Yael, at mas lalong ayaw kong magsinungaling sa sarili ko." seryosong sabi ko rito.
"So you mean..? Arrhhh!! Huwag mong sabihing nagustuhan mo?" halos mala-histerical na sabi naman ng kapatid ko.
"Anong masama dun? Eh sa iba manghalik yang si kuya Kurl eh." balik ko naman.
"Yael. Huwag kang kakaribal sa akin, kung magkakagusto karin naman sa lalaki, please huwag kay Kurl." pag-upo pa niya at paghawak sa balikat ko.
"Hah? Ako? Magkakagusto sa lalaki? Yael, loko-loko kaba?" pag-upo ko rin at paghawak sa magkabila niyang balikat.
"Eh sabi mo nagustuhan mo." pagkunot pa niya.
"Oo nagustuhan ko, oo masarap yung halik niya. Pero Yael, please, huwag mo akong idamay sa ganyang kalandian mo." pagbato ko pa sa kanya ng unan.
"Eh ba't parang napaka-defensive mo naman ata? Tignan mo nga itsura mo tapos binabatuhan mo pa ako ng unan." pagtawa pa ng kapatid ko.
Hayys, magsisimula nanaman kami sa pustahan nito.
Babanat pa sana ako nang agad itong nagsalita.
"Bago nga pala ako umalis sa harap ng bahay ni Kurl ay may nabanggit siya." biglang pagngiti ng kambal ko.
"Sabi niya na kung kami na nga talaga ang para sa isa't-isa. Gusto niya raw ng kasal sa ibang bansa." pagtawa pa ng kapatid ko pero halata rito ang pagkaproud sa kanyang mga sinasabi.
"Yang si kuya Kurl mo, hindi ko talaga maintindihan minsan. Minsan kasi ay may nababanggit na lang siya na mga bagay na hindi mo aakalaing manggagaling sakanya. Pero ipinapangako ko, mangyayari yun." pagngiti pa niya.
Napangiti narin lang ako. Proud ako, though lalaki man ang nagustuhan ng kapatid ko. Basta masaya ako para sakanya.
"Ge, susuportahan kita diyan." pagngiti ko pa.
"Payakap nga Yael, kaya mahal na mahal kita eh.. I love you.." tonong paglalambing pa niya.
-----
Point Of View
- P a u l o -
"Sino kaya sa tingin mo?" tanong ni Ken.
Nasa bahay kami, harap ng gate.
Yung tungkol sa nararamdaman ko kay Kurl? Oo masaya ako para sakanya, lalo pa't nakikita kong masaya sila ni Nicollo.
Yup. Tapos na ako sa proseso ng pag move on. Though, yes, naruon parin yung konting pagtingin, pero well-assured, ayos na, tanggap ko na.
Lalo pa't close ko na yung bestfriend niya. Si Martin, parang si Kurl rin eh, yun nga lang, katulad ng sinabi ni Kurl, bopols nga haha.
"Ewan." pagsagot ko sa tanong ni Ken.
Hanggang ngayon ay bumabagabag parin sa akin yung napag-usapan namin nila lolo at mommy.
May kasalukuyang hinahanap na apo si lolo. Hindi ko alam kung sino iyon.
Akala ko ay nag-iisa lang akong apo ni lolo. Dalawa pala kami.
Ang mas bumabagabag sa akin ay etong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ninenerbyos ako sa tuwing iniisip ko ang pagkikita namin ng pinsan ko, ng isa pang apo ni lolo.
Umalis sila mommy at lolo, eto daw ang araw na kung saan makikilala at magpapakilala na sila sa pinsan ko, sa isa pang apo ni lolo.
Nung una isinasama ako ni mommy, nguni't sadya nga atang malakas ang pakiramdam ko na hindi dapat ako sumama, o masyado lang akong praning patungkol sa nararamdaman ko.
"How do you feel? I mean.. tungkol sa pinsan mo?" tanong pa ni Ken.
"Hindi ko alam eh, kumbaga sa mga libro, parang patong-patong?" naguguluhang sabi ko naman.
"Hindi kaba naiinis or what?" tanong pa niya.
Napangiti na lang ako.
"I'm happy." simpleng balik ko. "Akala ko mag-isang apo lang ako, heto at dalawa pala kami." nakangiting sabi ko pa.
"That's good then, by the way.. what about your feelings? Hmm.." pagngiti rin niya.
Alam ko na tinutukoy niya.
"Shut up." inis na sabi ko.
Pinipilit niya si Martin. Iginigiit niya na may gusto ako kay Martin. Wala naman eh. Teka, wala nga ba?
Aaaaarrrrrrrhhhhhh!!
"Tol!!" pareho kaming napabaling sa sumigaw.
Wala sa sarili akong napangiti.
Si Martin at Kurl.
"Speeking of, dude." pagngisi naman ni Ken.
Agad silang pinagbuksan ng guard namin. Agad rin silang tumakbo papalapit sa amin.
Nang makalapit sila ay siyang kusang pagbura ng mga ngiti ko.
"Oh napano kayo, what happened?" agad na pagtayo at tanong ko.
"Si Kurl hindi mapalagay, kanina pa daw kasi na may nakapark na kotse sa harap ng bahay niya." hinihingal na sabi ni Martin. "Susugurin ko sana kaso ayaw ni Kurl, lalapit sana kami kay Nicollo kaso ayaw parin niya kaya ikaw na pinuntahan namin."
"Kurl, ayos ka lang?" agad na paghawak ko sa magkabilang balikat nito.
Hindi ko na napigilan at niyakap ko na ito. Mababakasan mo kasi ito ng matinding pagkatakot.
"Ano kasi eh.." rinig kong sabi nito. "Natatakot kasi ako, sa totoo lang ay pang ilang beses nang may nakaparadang kotse sa harap ng bahay tuwing ganitong oras." ramdam ko ang takot nito sa tono ng kanyang boses.
"Wala kabang napapansing tao sa inyo kapag gabi? Sa harap ng bahay mo, I mean, yung bang kakaiba?" pag-aalala pa ni Ken.
"Kurl look.." pagtitig ko kay Kurl pagkakawala ko sa ginawa kong pagyakap. "Nandun paba yung kotse?"
Tumango lang ito.
"Okay wait, aalamin natin kung sino yun." seryosong sabi ko saka saglit akong pumasok para kunin ang aking susi at wallet.
....
"Let's go." agad na sabi ko sa apat matapos naming makababa ng kotse.
Sinabi ko kasi na mas magandang lumapit kami roon ng walang kotse.
Just in case na kailangan naming basagan ng salamin yung kotseng laging nakapark o nagmamasid man o ano man sa harap ng bahay ni Kurl.
Naiinis lang kasi ako, na nakikitang ganito si Kurl na natatakot.
Nang medyo makalapit na kami ay siyang kusang pag-init ng aking dibdib dala ng gulat at nerbyos.
Nang tuluyan na kaming nakalapit ay nakumpirma ko na nga.
Wala sa sarili akong napabaling kay Kurl na nasa likod ko lang na halatang natatakot.
"Kurl?" mahinang pagtawag ko sakanya.
Nang magtama ang aming tingin ay siyang pag-alala ko sa mga naikwento ni lolo patungkol sa anak niya sa labas at apo niya.
Kung paano niya itinakwil, paano niya pinabayaan, paano niya tinalikuran, maging sa kamatayan ng kanyang anak na si tita Sandra. At ang paghihirap ni Kurl nung mga panahong sariwa pa ang pagkakamatay ng magulang niya.
Si Kurl iyon, si Kurl pala ang pinsan ko, si Kurl pala ang isa pang apo ni lolo. Si Kurl pala ang anak ng pinabayaang anak sa labas ni lolo.
"Kurl patawad..." hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng aking mga luha, agaran ko na itong niyakap, mahigpit na mahigpit.
"Patawad sa nagawa ni lolo, Kurl patawad.." paghingi ko pa ng tawad habang mahigpit na nakayakap rito.
Ramdam ko kasi yung mga nangyari kay Kurl, sa nanay at sa tatay niya. Lalo na yung panahong walang ibang ginawa si Kurl kundi ang umiyak, umiyak ng umiyak.
"Paulo? Bakit? Anong patawad? Anong lolo? Paulo hindi kita maintindihan?" paghaplos pa ni Kurl sa likuran ko.
Nang makarinig ng pagsara ng pintuan ng kotse ay alam kong dito na magsisimula ang lahat.
"Ian Kurl apo.." rinig kong pagtawag sakanya ni lolo.
"Apo? Sino pong apo? At paano niyo po nalaman ang pangalan ko?"
Itutuloy
Chptr17 Updated! :))
ReplyDeleteCool naman. Hope its a very happy teary-eyed reunion. Thanks Mr author. Take care.
ReplyDeleteNaka excite nmn sir prince justin.... next na agad at wag muna tapusin ang kwento agad
ReplyDeleteJhay05
Woah! Revelations are now happening mukhang masasagot na nga ang mga tanong sa aking isipan.
ReplyDeletehihihi,kakatuwa c nicollo, kakakilig talaga cla, heehe :)
ReplyDeleteAz
Me. Author ano po fb nyo pls :) ganda talaga ng story mo grabe ang cute di naman boring eh
ReplyDeleteHindi na maganda ung kwento. Nagustuhan ko kung pano mo sinimulan to noon ehh, ung akala mo tpos na ung story, un pla libro lng na bnabasa ng bida. Magaling un. Maganda rin ung simula, ung pagpasok ni martin at paulo sa kwento noon. Ang ganda tlga ng part n yun kaya nageexpect ako ng mgandang chapters. Kaso nadisappoint ako sa pnaggagawa mo. D konga alam eeh, prang d k nmn ganto mgsulat dati. Pumangit ung pagsulat, ung daloy ba. Hndi n maganda pgconstruct sa story. Para ngpasok ka lng ng ngpasok ng kung sino sinong tao na gusto mo ipasok ng wala lng. Pnkomplikado mo lalo ung plot. Twists and turns are normal sa stories pero, hndi ganto. Ang ngyayare tuloy, magtatanggal k ng characters tpos mgdadagdag at ibabalik mo ung tinanggal mo. Tpos may problema, pag natapos nnmn ung isang problema,panibgo nnmn. Ok lng sana kung maganda ung ngyayari, kaso NO. Napakaunrealistic. Walang emosyon kundi puro kilig o tuwa at tampo. Wala png transition ung kwento. Magugulat k nlng na prang may nacut na eksena, tpos un, ikkwento nlng bigla sa ssnod. Inanarrate nlng nung character. Edi wala ng dating. Wala ng emosyon, ung thrill. Minamadali ba tong kwento? Kse sa totoo lng, para kng may hnahabol, pnapabilis mo lahat ng ngyayari. Hindi po maganda ang rush n gawa. DAPAT BAWAT LINYA, NARRATION, ISTORYA MABUTING PINAG IISIPAN. DAPAT ANDUN UNG EMOSYON. Nasayangan ako sa umpisang mga chapter neto, maganda kase yung mga dati. Ewan kung bat ngkaganito.
ReplyDeletePayo at puna ko lng yan ah. Di ako hater. :3 Sana maayos at mapaganda mo. Di mo kayang ihandle lahat ng characters n pinasok mo sa totoo lng. Tsk. Sayang bro. :)
-Gameboy
next chapter please.. galing..
ReplyDeleteNice... nakarating na din dito sa updated part... basa marathon kc ako.. galing... medyo may konting magulo pero super nice... galing mo JUSTIN DIZON... more than a year na ako di nag babasa dito sa MSOB... then..buti ito ang nabasa ko.. its nice be back here sa msob..nakakamis ung mga nuong panahon...hihi.. anyways ang galing mo justin dizon.. layo mo naman sm clark ehe minsan dito sa sm pamp.. ka nlng maki pag wifi... ehehe.... MYK
ReplyDeleteThumbs up po mr. author ..
ReplyDeleteupdate na po sana ^_^
-stephen