The Tree, The Leaf, and The Wind
Chapter 23
“Forgetting and Remembering”
By: Jace Page
https://www.facebook.com/jace.pajz
Author’s
Note:
Alam ko pong
nag-uumpisa na kayong maburaot sa kwentong ito, pero konting pasensya pa po.
Hayaan nyo po muna akong makabawi sa inyo simula sa chapter na ito hanggang sa
mga susunod pang kabanata. Muli, nagpapasalamat ako sa mga taong sumusuporta at
nagbibigay pa rin ng mga reaksyon at komento sa ibaba, lalong-lalo na sa mga
nagpapahayag ng kanilang pagkadismaya sa mga previous chapters. Pasensya na po
kayo. Konting kembot pa tayo ah? Wag po muna bumitiw. Masyado pang maaga.
Inaamin ko pong pumurol at naging mabagal ako for the last two chapters, pero
yaan nyo po, I’ll be a Phoenix reborn from its ashes, para patuloy na magbigay-aliw
at inspirasyon sa inyo. I love you guys!
Heto na po,
sa mga #TeamYui jan, push na ito! The 23rd Chapter of TLW. Enjoy
guys..
Jace
=========================================
== The LEAF
==
Nung gabing
iyon, pagkatapos naming mabisto ang taong nagmamanman sa amin, nagpahatid
nalang ako sa bahay pagkagaling ng school kay Babe, at pinauwi ko na ito ng
maaga. He’s tired at kailangan na nyang magpahinga. Idagdag pa na tumaas ang
dugo nito dahil dun sa lalaking binugbog niya. Mabuti nalang at andudun ako
para pakalmahin si Babe.
Pero come to
think of it. Yung lalaki kanina. His face is quite familiar. I think I’ve seen
him before. Pero bakit? Bakit sya nagmamanman?
Ako ba, si Alfer, or kaming dalawa talaga ang tinututukan niya? Ano
naman ang magiging motibo nito para gawin ang bagay na yun? O kung meron man
ang nag-utos dito, na siyang sinabi nito kanina, sino naman kaya?
Ang
gulo-gulo na ng isip ko. Daming tanong na miski ako ay nangangapa pa sa dilim
para mahanap ang mga kasagutan sa mga tanong na iyon.
“Anak, lika
na. Kain na tayo.” Sabi ni Nanay nang sapitin ko ang sofa at pasalampak na
naupo dito.
“Sige Nay.
Teka lang po. 5 minutes.” Kinusot ko pa ang mga mata kong namimigat na at gusto
ng pumikit. Grabe. Nakakapagod mag-organize ng event.
Lumabas naman
mula sa kusina si Nanay, at umupo sa katabing sofa. “Kumusta ang araw mo anak?
Halatang pagod na pagod ka ah?”
“Naman nay.
Nag-oorganize po kasi ang buong council ng isang event para sa February 14,
Valentine’s Day.” Napabuntong-hininga pa ako habang nakapikit lang ang mga
mata, at nakasandal sa sofa.
“Kumusta
kayo?” Biglang tanong ni Nanay. Di ko inasahan yun ah? Alam kong kami ni Babe
ang tinutukoy niya.
“Nino Nay?”
Pagmamaang-maangan ko. Di ko kasi alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Ngayon
lang kasi naming to pinag-usapan mula ng maging kami ni Babe.
“Yan ang
hirap sayo’ng bata ka eh. May dala din palang amnesia yang pagbo-boyfriend mo?”
Biro ni Nanay sabay ngiti.
“Si Nanay
talaga o.”
“So kumusta
nga kayo?” Pangungulit ni Nanay. Patay, di na ako makakalusot nito.
Humugot
naman ako ng isang malalim na buntong-hininga bago nagkwento kay Nanay. “Okay
naman po. Maayos naman.” Ngiti ko sa kanya.
“Ano ba
pinakain sayo ni Alfer at biglang naging ganyan ka anak? Wag mong mamasamain
ito anak ah? Pero di ko talaga inakalang magiging ganyan ka. Sana maintindihan
mong maski ako ay naguguluhan sa mga pangyayari.”
“Ewan ko po
Nay. Di ko nga din alam Nay kung bakit eh. Nagising nalang po ako isang araw at
natagpuan ang sariling nahuhulog na kay Alfer.” Grabe. Nasa hotseat ako ngayon.
What an awkward situation.
“Di naman sa
kinukwestyon ko ang naging desisyon mo anak ha? Pero siguro ka na ba talaga sa
Alfer na yun?” Alam ko ang tinutukoy nito. Dati pa kasing puro negatibo ang
nakukwento namin ni Yui kay Nanay tungkol kay Alfer. But that was before. Babe
is a changed man now.
“Nay,
nagbago na po yun. Wag po kayong mag-alala. Malaki na ako.” Sabay bungisngis ng
tawa. “Kain na po tayo.” Sabi ko upang matuldukan na tong ka-awkward na
tanungan na ito. Nahihiya kasi ako kay Nanay na mag-open up ng mga ganitong
bagay. Alam ko kasing konserbatibo ito. Pero pasalamat ako at mahal na mahal
ako nito, at nagawa pa rin niyang tanggapin ako.
Naglalakad
na kami ni Nanay papuntang kusina ng mag-usisa na naman to. “Nasabi mo na ba
yan sa Papa mo anak?” Natigilan naman ako sa mga pasabog na tanong nito.
Tinitigan ko lang ito, kasabay ang isang ngiting-aso at mga sunud-sunod na
iling. “Kelan mo balak sabihin sa Papa mo yan?”
“Nay. Di pa
kami handa ni Alfer para diyan. May tamang panahon po para sa lahat ng bagay.”
Ngiti ko nalang dito. “Kain na po tayo. Gutom na ako Nay!” Umupo ako sa komedor
at binuksan ang nakatakip na ulam. “Wow! Kare-kare!”
“Niluto ko
yan para sayo anak. Paborito mo kasi yan. At paborito ni Yui.” Napapitlag naman
ako sa pangalang binanggit ni Nanay. “Naku! Asan na kaya ang batang yun?
Namimiss ko na mga bola at mga biro ni Yui.”
Naupo na ito
sa tabi ko pagkatapos kumuha ng tinimplang iced tea sa ref. Di na ako umimik.
Kasi maski ako, namimiss ko na si Yui. Tahimik lang akong kumuha ng kanin at ng
ulam, habang iniimagine na andidito at nakikisalo sa aming hapunan si Yui, at
ginagawa ang nakasanayan nitong ginagawa kay Nanay. Ang mambola at magbato ng
kung anu-anong joke na kahit kadalasan ay korni, pero natatawa pa rin kaming
dalawa ni Nanay.
“Alam mo
anak, wag kang magagalit ah? Pero kung alam ko lang na ganyan ka na pala, sana
si Yui nalang ang nakatuluyan mo.” Kamuntikan na akong mabilaukan sa sinabi ni
Nanay. Narinig ko pa itong tumatawa habang dali-dali akong binigyan ng iced tea
para maagapan ako.
“Grabe naman
kayo Nay! Di naman yun bakla si Yui eh. Kayo po talaga, kung anu-ano sinasabi
nyo.” At natawa na rin ako.
“Haaay! Ang
bait-bait kasi nung batang yun.” Nanahimik nalang ako. Pinagpatuloy ang
pagkain, pero palihim na napapangiti sa sinabi ni Nanay.
Grabe! Busog
na busog ako sa kare-kare ni Nanay. Tinulungan ko pa si Nanay na iligpit ang
mga pinagkainan namin. Pagkatapos, umakyat na ako para makapag-prepare na sa
pagtulog habang si Nanay naman ay bumalik na sa sala upang mapanood ang mga
paborito nitong palabas tuwing gabi.
Pagpasok ko
ng kwarto, binuksan ko agad ang laptop ko at nag-online sa Skype at naglog-in
sa FB para i-check kung nagparamdam ba si Yui. Mag-iisang linggo ko na kasing
di nakakausap yun. Pero pagkatapos halungkatin ang account ko, nabigo akong
makabasa ng kung anumang bago mula kay Yoh.
“Tae ka Yoh.
Porke mayaman ka na ngayon, sine-seenzoned mo na ako, pati sa FB ah?” Reklamo
ng utak ko. Hinayaan ko lang nakabukas ang laptop ko, at tumayo na upang
makaligo. Ang lagkit kasi ng pakiramdam ko at di ako nakakatulog kapag ganito.
Moments have
passed, and I just got out from the shower. Nakatapis pa ako ng tuwalya, at
wala pang saplot sa itaas na parte ng katawan ko ng biglang tumunog ang laptop
ko. Sa pagkataranta ko, agad ko itong nilapitan kahit di pa nakakapagbihis.
“Incoming Video
Call.. yukiyui”
Mas
nataranta pa ako sa nababasa ko sa screen ng laptop ko. Si Yui, tumatawag. Tsk.
Bahala na si Batman. “Click!” At sinagot ko na ang tawag ni Yui. Bigla namang
bumungad sa screen ang nakahigang si Yui na nakatunghay sa monitor ng computer
niya.
“Ay! Ang
halay mo, Yoh!” Sabay takip kuno sa mga mata nito gamit ang isang magazine.
“Langya ka Yoh. May balak ka atang mag live show sa harap ng camera ah?” At
tumawa pa ito. Dun ko lang na realize ang itsura ko. Tengene! Nakatapis pa pala
ako ng tuwalya. Dali-dali kong pinatalikod ang laptop ko at agad-agad nagbihis.
“Hoy! Asan ka na?” Narinig ko pang sabi ni Yui.
Binilisan ko
naman ang pagbibihis at bumalik na sa kama at iniharap sa akin ang laptop.
Nakita ko na ulet ang best friend kong nawala ng isang linggo. Tsk. Kainis tong
lalaking to. Minsan-minsan na nga lang magparamdam, mang-aasar pa.
“Yan ba
tinuturo ni Alfer sayo? Ang maging exhibitionist? Nyahahaha!” Sinamaan ko lang
sya ng tingin, pero maya-maya pa’y nalusaw nalang ang mga ito’t nakisabay
nalang sa malutong na tawa ng namiss kong kaibigan. “Kumusta Yoh?”
“Ayos naman.
Eto busy. Dakilang estudyante.” Nakita ko itong napangiti. Ang gwapo talaga ng
best friend ko. “Ikaw ba? Kumusta ang buhay rich kid?”
“Tss. Rich
kid ka jan.” Irap nito. “Mahirap. Pagod. Walang masyadong pahinga. Andami
kasing inaasikaso kasama ang abogado ni Papa eh. Andito kami ngayon sa bahay ni
Papa sa Okinawa.”
“Wow,
Okinawa! I’ve seen it in pictures. Ang sarap siguro mamuhay jan no?” Dati ko pa
talagang pangarap ang makapunta ng Japan, lalo na sa Okinawa kasi maganda at
malinis ang mga beaches nila dun.
Napangiti ng
hilaw si Yoh. “Kung mamuhay lang, ayos na ayos. Pero sa status ko ngayon, ewan.
Di ko nga alam kung papanu na handle ni Papa dati yung buhay nya dito eh.
Kabi-kabilang negosyo’t pag-aarian at kung anu-ano pang mga bagay na
nagpapakomplikado sa buhay. Haaay.” Nag-unat pa ito ng mga kamay at kinusot ang
mga mata.
“Naks.
Ramdam na ramdam mo na talaga ang kasaganahan ng buhay jan sa Japan ah? Siguro
sa sobrang ka busy mong lalaki ka, makalimutan mo na kami dito sa Pilipinas.”
May himig na pagtatampo kong nasabi.
“Pwede ba
naman yun?”
“Oo kaya. Sa
tingin ko nga ngayon, wala ka na talagang plano na umuwi’t magpakita sa amin.”
Ngiti ko dito. Dinaan ko nalang sa biro’t mga patutsada ang pagka-miss ko kay
Yui.
“About that,
Yoh. M-mukhang dito ko na ipagpapatuloy ang pag-aaral ko.” Inaasahan ko na nay
an ang sasabihin ni Yui. Sa sobrang busy nya sa pag-aasikaso ng mga naiwan ng
kanyang nasirang ama, di na ako magtataka. Napatungo nalang ako sa sinabing
iyon ni Yui.
“That’s good
Yoh. Atleast marami kang time para asikasuhin ang mga bagay-bagay dyan.”
Tiningnan ko ito sa screen ng laptop na nakangiti, pero sa totoo lang lungkot
na lungkot ang puso ko. Nakita ko itong nag-iwas ng tingin. “Basta. I’ll be
looking forward sa muli nating pagkikita Yoh. Promise mo yan ha?”
At bumalik
ang maamo niyang mukha sa direksyon ng computer nito. This time, he was
smiling. The smile that I’ve missed for a month now. “Promise Yoh.”
Good!
Atleast now, I have his word. At panghahawakan ko talaga yun. “Well then, see
you the soonest Mr. Yukito Ramirez Fujiwara.”
=====================================
== The TREE
==
Friday
morning. Di pa rin nawawala ang galit at pagkainis ko sa mga nangyari kagabi.
Alam kong si Ralph ang nag-utos sa taong iyon para manmanan kami at maghanap ng
makakalkal na baho mula sa akin.
Di ko kilala
ang lalaking iyon, pero alam kong miyembro ito ng frat kung saan si Ralph ang
leader. Ang kalabang frat ng The Elite, ang Brotherhood of The Fist.
I just need
to find something na magdidiin kay dela Cruz. An evidence for supporting an
expulsion. His madness needs to be stopped once and for all. Di na ako natutuwa
sa dela Cruz na iyon.
Pero sa
kasamaang palad, mahusay trumabaho ang ugok. Nabalitaan ko nalang na
nagtransfer na yung lalaking ginulpi ko kahapon, sa ibang school. Siguro,
nabayaran na yun ni dela Cruz, upang manahimik at wag ng magpakita pa sa akin
dito sa campus.
“Tsk!
Kaasar. Wala man lang akong magawa upang maprotektahan si Babe!” Sabi ko sa
sarili. Napasuntok nalang ako sa manibela ng aking sasakyan sa sobrang inis sa
mga pangyayari. Alam ko kasing marumi kung lumaban itong si dela Cruz.
Hahamakin nito ang lahat, makuha lang ang gusto. Tss.
Kasalukuyan
akong nakapark sa may parking lot ng school at kakadating lang sa school nang
makita kong lumabas sa sasakyan niya si Kira. Agad-agad akong bumaba sa kotse
ko at nilapitan si Kira.
“Kira!”
Tawag ko dito. Napahinto naman ito sa paglalakad at napalingon sa direksyon ko.
“Alfer, my
brother-in-law. Kumusta? Di kayo magkasama ni Jayden?”
Umiling ako,
tanda na hindi ang sagot ko sa tanong nito. “I need to talk to you.”
“Ako talaga?
OMG! Kakausapin ako ng gwapong star player ng Varsity team.” At tumawa pa si
Kira. Ang arte talaga nitong babaeng to. “What about bro?”
“Layuan mo si
Ralph dela Cruz.” Diretsahang sagot ko. Walang patumpik-tumpik.
“What?”
Naguguluhang tanong nito.
“Ginagamit
ka lang niya Kira.” Ayokong sabihin ang katotohanan, pero mas makakabuting
malaman na ni Kira ang lahat-lahat kesa masaktan pa ito sa bandang huli. “Hindi
sya seryoso sa iyo.”
Nakita kong
nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Mula sa gulat, nababasa ko naman ngayon
ang matinding pag-aalinlangan sa lahat ng sinabi ko. “Right. And why are you
telling me this?”
“Because
it’s the truth Kira! Ginagamit ka lang niya upang makakalap ng baho na pwede
niyang magamit laban sa akin. Open your eyes Kira.”
“At bakit
pati ako kasali?”
Di ako
naka-imik dun. Siguro mas mabuting si Ralph ang tanungin mo.
“And why
would Ralph do such things? May katibayan ka ba talaga na may ginagawang di
maganda si Ralph?” Medyo tumataas na din ang boses ni Kira. “Look Alfer. Mabait
si Ralph. At wala naman akong nakikitang dahilan upang sirain ka niya. Paranoid
ka lang bro.” Mabuti naman at kumalma si Kira.
“Sa ngayon,
hindi pa klaro sa akin kung bakit nya ginagawa ang lahat ng ito. Wala pa akong
nakukuhang ebidensya.”
“Yun naman
pala eh. Baka naman kasi wala kang makitang ebidensya ay dahil wala naman
talagang ginagawang masama si Ralph laban sa iyo.”
“Kira, please. Layuan mo na si Ralph. Hindi
lang ikaw at ako ang madadamay kapag nagkataon, pati si Jayden, madadamay
dito.”
“Mamaya na
ako maniniwala sayo Alfer, kung may ipapakita ka ng ebidensya sa akin.”
Napatungo naman ako sa sinabing iyon ni Kira. “Alfer, kaibigan kita at
boyfriend ka ng kapatid ko. Pero kasi. Kasi, sinagot ko na si Ralph kagabi. At
ayoko namang maging bias.”
“What?!”
Gulat na tanong ko.
“Oo Alfer.
Kami na ni Ralph. So please, kung anuman yang namamagitan sa inyo, tapusin nyo
na yan. Sana naiintindihan mo kung san ako nanggagaling. Bye.” At naglakad na
palayo si Kira. Ako naman ay nanatili lang nakatayo sa may parking lot.
==========================================
== The LEAF
==
“Hello Pa?”
Nasabi ko nang sagutin ko ang phone ko. Si Papa kasi, tumatawag. Nasa may
tambayan ako at hinihintay si Babe na matapos ang meeting nila ng team. Halos
kakatapos lang din naming mag meet sa may SG Office. “Kumusta po?”
“Hello anak.
Okay naman ako. Namimiss na kita. Dinner tayo maya sa bahay?” Alok sa akin ni Papa.
Matagal-tagal na din akong di nakakabisita kay Papa.
Tinanggihan
ko na nga ang alok nitong dun na ako tumira sa bahay nila, kasama sina Kira at
Karin. Pakiramdam ko kasi, mas magiging komportable ako sa bahay ni Mama kesa
dun sa bahay nila Papa. Medyo awkward pa rin kasi kami ni Karin sa isa’t isa.
“Dadaanan
kita sa school mamaya anak ah?” Sabi ni Papa.
“S-sige po.
Si Kira po ba, nakauwi na? Di kasi nagrereply sa mga text ko eh.”
“Male-late
daw siya mamaya anak. Una nalang daw tayo. Tumawag ako sa kanya kanina.” Ano
naman problema ng babaeng iyon? “O siya anak ah? I’ll be there within half an
hour.”
“Sige po.
Ingat ka Papa.” At pinatay ko na ang tawag.
Dali-dali
naman akong nagtext kay Babe na di ko na sya mahihintay. Buti naman at
nakpag-reply agad.
“Sige Babe.
Ingat kayo ni Papa. Baka may lakad rin kami ni Paul mamaya. Text text nalang. I
love you so much Babe!” Sabi ng reply ni Babe.
Wala pang
trenta minutos, andito na si Papa. Lumabas na ako ng gate at agad na sumakay sa
kotse nito. Kwentuhan lang naman habang nasa byahe. Pero di ako mapakali.
Gustung-gusto ko na sabihin kay Papa ang tungkol sa amin ni Babe, pero
natatakot akong magalit ito.
Ganito pala
ang nararamdaman ni Babe. Now I know. Hangga’t pareho pa kaming di ready,
magpapatangay nalang kami sa agos ng buhay. Bahala na si Batman.
Nagbibihis
sa itaas si Papa, at ako nama’y naiwang naka-upo habang nanunuod ng TV sa sala
ng bahay. Maya-maya pa’y iniluwa na ng pintuan si Kira na kakauwi lang.
“Sis!” Tawag
ko dito. Napalingon naman ito sa akin.
“Bro. Mabuti
naman at naisipan mong dalawin kami dito?” Nilapitan ako nito at umupo sa tabi
ko. “San si Babe mo?” Bulong nito sa akin.
“May lakad
sila ni Paul eh.” Sagot ko sa kanya na pabulong rin. “Kumusta na kayo?”
At nakita ko
lang itong napangisi. “Guess what?”
“So kayo na
talaga? Wow! Congrats sis. Am happy for you.” Bati ko dito. Finally! May
lovelife na rin tong babaeng ito.
“Thanks
thanks bro. Wait, anyare kay Alfer kaninang umaga?”
“What do you
mean?” Nakakunot ang mga noo ko. “Di
kasi kami sabay pumasok kanina eh.”
“Nilapitan
niya kasi ako kanina. Then he started talking about crazy stuffs.”
“Stuffs
like?”
“Na layuan
ko daw si Ralph. Na ginagamit lang daw ako nito para masira si Alfer. Ano ba
ang nangyayari Jayden?”
“Pati nga sa
akin, yan din sinasabi ni Babe eh. Sorry sis. Di muna ako magko-comment sa
bagay na yan. Di ko pa kasi alam kung ano ang puno’t dulo nito eh.”
“Naiintindihan
ko Bro. Syempre, boyfriend mo si Alfer. Maski ako, yun ang sinabi ko sa kanya
kanina nung nagkausap kami. Ayoko maging bias.” Natuwa naman ako sa sinabing
iyon ni Kira. Salamat naman at magkapatid talaga kami. Parehas kami kung
mag-isip, minsan nga lang.
At dahil sa
nalaman kong ginawa ni Alfer, mas lalo akong napag-isip. Kung talagang paranoid
lang si Babe, bakit may lumitaw na nagmamanman sa amin? At kung talagang hindi
naman sigurado na si Ralph talaga ang may kagagawan nun, bakit kinakailangan
pang kausapin ni Alfer ng ganoon si Kira.
Walang usok
kung walang apoy, ikanga. Ano ba talaga tong nangyayari? Ilang araw ng balisa
si Babe.
“I need to
get to the bottom of this.” Napagdesisyonan ko sa sarili. Kikilos ako ng hindi
nalalaman ni Babe. Kung anuman tong gumugulo sa isipan niya, ako dapat ang
unang makaalam kasi mahal ko siya at mahal niya ako.
“Let’s eat!”
Maya-maya’y narinig kong saad ni Papa nung bumaba ito mula sa kwarto niya.
“Tara! Gutom
na po ako Dad.” Sagot ni Kira.
“Si Karin,
asan na?” Tanong ni Papa sa amin. “Kira, tawagin mo na ang kakambal mo at ng
makakain na tayong lahat.”
Si Karin.
Napa-isip naman ako. Naging sila nga ba ni Yui? Hanggang ngayon, yang tanong na
yan pa rin ang gumugulo sa isipan ko. I don’t have anything against her being
intimate with my bestfriend. Pero sana naman sinabi nila.
“A-ako na
po.” Bigla-bigla nalang lumabas sa bibig ko. Nakita ko namang nagkatinginan
sila Papa at si Kira, na sa kinalaunan ay nauwi sa pagbaling sa akin ni Kira ng
isang nakakalokong ngisi sabay tango. Wala naman akong nagawa kundi tumayo
nalang at tunguhin ang kwarto ni Karin.
Handa na ba
talaga akong makalimot sa nakaraan at magsimulang muli bilang isang kapatid ng
dati kong kasintahan?
Humugot
nalang ako ng isang malalim na hininga at sunod-sunod na kumatok sa pintuan ng
kwarto.
“Pasok.”
Narinig kong sabi ni Karin. Halatang nagulat ito nang nakita niya akong pumasok
sa loob ng kwarto nitong pilit ang ngiti.
“H-hi.
Kakain na daw sabi ni Papa.” Pilit lang akong tumititig sa kanya habang nakaupo
lang ito sa kama niya at kung may anong sinusulat sa isang maliit na notebook.
“Kumusta ka?”
“O-ok
naman.” Nag-iwas lang ito ng tingin at muling ibinaling ang tingin sa
sinusulat. “Kumusta kayo?” Alam ko ang tinutukoy nito.
“Ayos naman.
Pa-upo ah? Nangangalay na kasi ako sa kakatayo.” Nasabi ko dito na nakangiti.
Narinig ko
naman itong napatawa ng mahina. “Di ka pa rin nagbabago Jayden. Ang tamad-tamad
mo pa ring tumayo.”
“Eh ganun
talaga eh. ” At tumawa na rin ako. Di ko kasi gusto ang nakatayo lang ng
matagal, lalo na’t ganitong kinakabahan ako. Baka matumba nalang ako dahil sa
panlalambot ng mga tuhod ko.
Haay. Namiss
ko si Karin, at yung mga panahong pinagsaluhan namin dati.
Katahimikan.
Pero ako na rin ang bumasag sa katahimikang iyon.
“Si Yui ba,
nagkakausap pa rin kayo?” Nakatungong tanong ko kay Karin. Ayoko tong tignan sa
mata kasi matalas ang babaeng ito. Mahusay itong bumasa ng emosyong nakasulat
sa mga mata ng isang tao. Baka kung ano pa masabi nito.
“Oo naman.
Kayo ba?”
“Mga tatlong
beses pa lang simula nung umalis siya. Skype lang, tas Facebook.” Sabi ko dito.
“Hmm. That’s
weird.” Sabay tayo nito at may kung anong kinuha sa study table nito. “Kasi,
halos gabi-gabi naman yun tumatawag sa akin, at nagvivideo call sa Skype.”
What?!
Nagulat ako dun. Bakit miminsan lang kung magparamdam sa akin si Yoh, pero
madalas naman kay Karin?
Totoo bang
sila nga, hanggang ngayon? Gusto ko mang tanungin si Karin tungkol dito, pero
ang awkward siguro ng magiging sitwasyon.
Teka, selos
ba tong inis na nararamdaman ko? Tss. Pero bakit naman ako magseselos, eh wala
na naman kami ni Karin. At lalong lalo na, magkaibigan kami ni Yui, at naging
klaro na sa akin ang kung anumang meron kami.
Pero bakit
ganito? Parang sumisikip pa rin ang dibdib ko sa sinabi ni Karin. Tss.
“Umayos ka
nga Jayden!” Galit na giit ng utak ko. “Wala kang rason para magselos. Tampo
lang yan. Hanggang doon nalang.”
“Di ba
pwedeng…?” Sabat naman ng puso ko.
“Ummp! Kung
kaya ko lang bumaba dito sa kinalalagyan ko, pinektusan na kitang malandi ka.
Harot-harot neto!”
Napailing
lang ako sa mga iniisip ko. Ano ba to?
“Jayden.
Okay ka lang ba?” Tawag sa akin ni Karin. Nawala ata ako sa malalim na
pag-iisip, at ngayon ko lang napansing kanina pa pala ako tinatawag ni Karin.
“O?”
Napatingin ako dito, at nakita ko itong napangiti. Pero parang hindi lang ito
simpleng ngiti eh. Parang gusto nitong tumawa, ngunit pinipigilan lang nito.
“Anong problema nitong babaeng ito?” Tanong ko sa sarili.
“Tara na,
kakain na tayo diba?” Paanyaya nito.
“Karin, teka
lang.” Tumayo naman ako at nakipagtitigan dito, mata sa mata. “K-kung anuman
ang n-nangyari sa atin dati, kalimutan nalang natin sana yun. Magsimula ulit
tayo. Bilang magkapatid. P-pwede ba yun?”
“Oo naman
no?” At lumapit ito sa akin at niyakap ako. “Salamat Jayden at ikaw ang tumulay
nitong gap na gumawa ng gulo sa ating dalawa. Salamat, kapatid.” At niyakap ko
din ito.
Ang sarap sa
pakiramdam na finally, wala ng awkwardness sa aming dalawa. Naging
magbestfriend naman kami neto bago pa man namin pinasok ang magulong relasyon
na iyon. Atleast ngayon, okay na kami. Parang nabunutan lang ako ng tinik nung
nagkayakapan kami ulit para tuldukan na yung nakaraan. Ang sarap lang sa
pakiramdam.
Hahatakin na
sana ako nito palabas ng kwarto ng pigilan ko siya. This is it. I’m gonna ask
her about that. Haaay. Bahala na si Batman.
“Teka.
Umamin ka nga sa akin.” Ngumisi naman ako. Para atleast di ako masyadong
halata. “Kayo ba ni Yui?” Believe me, I’ve really tried hard para magmukhang
kaswal lang yung tono ko. Pero bakit napangisi lang si Karin? “What? Answer my
question.” Natatawa kong sabi. Naku, wag sana akong mahalata.
“I’ll leave
that to your imagination bro. Tara na! Gutom na ako.” At tumatawang lumabas na
ng kwarto.
Tss. Bigo na
naman akong makahanap ng sagot sa mga katanungang naka-park lang sa utak ko.
Haaay.
“May
girlfriend ka na ba anak?” Nabulunan naman ako sa naging tanong na yun ni Papa.
Kasalukuyan ka ming kumakain ng hapunan sa marangyang dinner table ng kanilang
bahay. Agad naman akong ikinuha ng tubig ni Karin, habang si Kira ay napapatawa
lang ng malakas sa kinauupuan nito. “Anak, okay ka lang ba?”
“O-okay lang
po.” Sagot ko ng makabawi, habang hinahagod-hagod ni Karin ang likod ko.
Pinandilatan ko naman si Kira na tumatawa pa rin.
“M-may
nasabi ba ako?” Naguguluhang tanong ni Papa.
Wagas
makatawa si Kira. “Wala po Dad. Natatawa lang po ako sa tanong nyo.” Si Kira na
wala pa ring kakatigil sa pagtawa.
“What? Wala
namang masama sa tanong ko diba, Jayden?” Napailing naman ako. “So, meron na
nga ba?”
“W-wala po.
Ayoko po munang isipin ang mga ganoong bagay.” Nakatungong saad ko. Guilty’ng guilty ang mukha ko.
“Ahem!”
Sabat ni Kira. Naku, ‘tong babaeng to. Panira. Tss.
Sa totoo
lang, di ko pa alam kung itong panahong ito ang tamang tyempo para sabihin kay
Papa ang lahat. Nagpapanic na ako’t nape-pressure sa tanong ni Dad. Pano ko ba
tyo malulusutan? Butil-butil na ang pawis sa noo ko, nang maramdaman kong
hinawakan ni Karin ang kamay ko sa ilalim ng mesa, at tinapunan ako ng isang
makahulugang-tingin.
“Kira. Kunin
mo na yung Mango Float sa Ref. Ako na kukuha ng mga platito.” Saad ni Karin kay
Kira para lang mai-divert yung topic namin tungkol sa akin.
“Wow! Gusto
ko yan mga anak. Dali. Gimme some!” Saad ni Dad. Mahilig din pala ito sa mga
frozen desserts? Pareha kami. Kung sabagay, Papa ko siya.
Haay. At
buti nalang, nandyan si Karin para tulungan ako sa napaka-awkward na sitwasyong
iyon.
Nung
kinagabihan, pagkahatid sa akin ni Papa sa bahay, di ako mapakali kakaisip sa
mga tanong na gumugulo sa aking isipan. Lalo na ang tanong tungkol sa taong
nagmanman sa amin ni Babe nung isang araw.
Imposible
naman kasing nagkataon lang ang lahat at sadyang nag-aalaska lang kay Babe o sa
akin ang kung sinumang may pakana ng lahat.
“Pero sino?
Talaga bang si Ralph ang may gawa ng pangmamanman sa amin? Pero bakit?” Tanong
ko sa aking isipan.
Pamilyar na
pamilyar talaga sa akin yung lalaking yun eh. San ko nga ba nakita yung
lalaking iyon? Isip pa ako ng isip hanggang sa…
“Eureka!”
Naalala ko na. Siya yung lalaking nakita ko dating kasama ni Ralph sa may
cafeteria. Nangyari ang eksenang iyon, dalawang araw bago nangyari ang
pangmamanman sa amin.
“Oi Ralph!” Kaway ko dito ng makita ko itong
nasa isang lamesa sa cafeteria na may mga kasamang kaibigan. “Musta na?”
Agad naman niyang siniko yung lalaking
nagmanman sa amin, palihim lang pero napansin ko iyon. Nagtaka man pero di ko
nalang pinansin. “Oh, Jayden mah men. What’s up bro?”
“Ralph, punta lang kami sa may tambayan.”
Sabi nung isang lalaking kasamahan nila, habang nakatalikod na sa akin yung
lalaking nagmanman sa amin. Tumango lang si Ralph sabay hampas sa balikat nung
kausap niyang lalaki.
“Jayden, wala ata sina Kira at Alfer?”
“May kanya-kanyang lakad yun. Napadaan lang
ako dito kasi hinahanap ko si Erin na kasamahan ko sa CBA Council.”Saad ko
nalang. Pero ang totoo si Babe ang hinahanap ko.
Made sense.
Pero may kulang pa eh. Talaga bang konektado si Ralph sa mga nangyari? At kung
siya man ang pasimuno ng lahat ng to, ano naman ang magiging motibo nito?
=============================
== The WIND
==
Mag-iisang
buwan na ako dito sa Japan. Pero hanggang ngayon, nganga pa rin. Kahit anong
pilit ko sa sarili kong kalimutan si Jayden, pero wala! Walang nangyayaring
kahit anumang pag-usad sa layunin kong makalimot.
Kasalukuyan
kaming andidito sa Okinawa upang makapag-pahinga ng konti, bunsod na rin sa
pakiusap ko kay Attorney Kuroi. Grabe. Pagod na pagod ako sa kakagala namin ni
Attorney Kuroi sa mga inihabiling ari-arian sa akin ni Papa.
“Grabe ka
naman Pa oh! Kung bakit ba kasi ako lang ang naging anak mo.” Ito palagi ang
reklamo ng utak ko.
Pero marerealize ko din namang mas okay nga to. Kasi nabigyan ako ng tsansang makalimot at lumayo mula sa gulo na maaaring mangyari sa oras na nag matigas ako’t sinunod ko ang sigaw ng aking puso.
“Jayden!
Mahal na mahal kita!” Sigaw ko sa habang nakipagtitigan sa kisame’t nakahiga sa
malambot kong kama. “Busit ka Yoh, kung ganu kita kadaling napaamo, ganun ka
din katagal malimutan. Anak ng kwek kwek o. Naman! Naman! Naman!”
“Tanga ka
pala eh! Ngayon magdadabog ka. Pero nung binigyan ka ng tsansang lumaban ng
patas, saka ka pa naduwag at natakot. Eh di wala ka ring napala sa kaduwagan
mong yan. Wala pa rin sayong tabi yang Yoh mo. Sige pa. Magpakaduwag ka pa,
push mo yan!” Hinanakit ng puso ko.
“Eh sa
alangan namang agawin ko yun mula kay Alfer?”
“Eh kung
yung mag-asawa nga, naghihiwalay o di naman kaya’y naagaw pa ang isa, yang
mag-boypren pa kaya? Tss. Ang gwapo mo Alfer, pero kinulang ka naman sa logic.”
“Tanga na
kung tanga. Atleast, hindi ako si Nichole. At may delicadeza pa rin ako.”
“Ang tanong
eh, masaya ka bang pina-iral mo yang delicadeza, pride, at katangahan mo?”
“Hindi.”
“Yun naman
pala eh! Tss.”
“Ahh basta!
Desidido na ako. Ayoko na. Kahit masakit at mahirap, kakayanin ko’t
paninindigan ko tong naging desisyon ko. Bahala na si Batman!” Sigaw ng utak
ko.
“Beep! Beep!
Beep!” Narinig kong tunog mula sa gilid ng kama ko. Paglingon ko, nakita ko
lang ang isang notification na nagpop-up sa screen ng laptop ko. “Incoming
Video Call: karinzaza78” ang nakita ko. Agad ko namang sinuot ang headset ko at
pumwesto sa harap ng laptop.
“Magandang
gabi sayo, magandang binibini. Konbanwa, utsukushi josei.” Bati ko dito ng
makita ko ito mula sa screen ng laptop ko.
“Konbanwa,
misutahansamu.” Sagot nito na ang ibig sabihin ay good evening, mister
handsome.
“Aba! You’ve
been doing your research young lady. That’s good.” Manghang sabi ko.
“Ulul!
Google Translate lang yun!” At napahagalpak kami ng kakatawa. “Kumusta ka, my
Japanese friend? Ogenki desu ka?”
“Genki desu.
Ayos naman. Eto, alam mo na. Pinipilit ang sariling magmove-on. Ikaw?”
“Bakit mo
naman kasi pinipilit ang sarili mo, kung malalaman mo namang may pag-asa ka?”
Sarkastikong sabi nito.
“What? Anong
ibig mong sabihin?” Naguguluhang tanong ko.
“Your Yoh
was here for dinner kanina. At naging okay na talaga kami. Masaya ako’t sya ang
unang nag-approach sakin, kasi alam mo namang nahihiya akong gawin yun.”
Natuwa naman
ako sa sinabi nito. “Well that’s good! Finally nagkaron na rin kayo ng tamang
closure.” And I really meant it. Nakakainggit lang kasi, sila may closure. Eh
kami, wala. Atleast nothing like that on my part, kasi ako lang naman tong
nag-iinarte eh. Tss.
“Wait,
that’s not my point here Mister. Chill lang.”
“Oh? So ano
nga pinupunto mo sa usapang ito?”
“I was
testing that brother of mine kanina, asking and talking about random things
about him and you. And believe me, sa tingin ko naman ay miss na miss ka na
nun.” Ngiti nito.
“Miss niya
ako kasi mag bestfriend kami. At hanggang dun lang yun.”
Ano pa ba
ang pupwedeng maging rason kung bakit mamimiss ako ni Jayden? Ilang beses na
akong lumaklak ng reyalidad at natauhan sa kasalasingan sa katotohanan. Pagod
na ako! Alam ko naman eh. There can never be “us” in this lifetime.
“At isa pa,
wag mo na nga akong paasahin. Stop subjecting me to such feelings. Aasa-asa
ako, pero sa bandang huli, madidisappoint lang ako. Masakit yun Karin.”
Nakatungong sabi ko. Nararamdaman ko na namang nagbabadyang tutulo ang mga luha
ko, kung kaya’t itinaas ko nalang sa kisame ang tingin ko para di na ito
tuluyang tumulo.
“Wag mo nga
akong dramahan jan, lalake ka! Hindi na ba talaga credible yung mga pinagsasabi
ko’t ayaw mo talagang paniwalaan?”
“Ayoko ng
umasa. Ayoko ng masaktan Karin.”
“Ano sa
tingin mo ang ginagawa mo ngayon ha, Yui? Sinasaktan mo ang sarili mo by being
far away from the one you love and by doing nothing to fight for him. Wag kang
martyr! At lalong-lalo na, wag kang tanga!”
Nagulat
naman ako sa sinabi nito. Nakakatuwa lang isiping kanina ay nagtatalo lang ang
puso’t isipan ko, pero ngayon, nagkakatotoo na ito dahil kay Karin.
“I just
don’t wanna do this anymore Karin. Pagod na ako. Sige, matutulog na ako.”
Pagtatangka kong tapusin ang kwentuhang ito.
“Yan! Dyan
ka magaling Yukito Ramirez. Ang tumakbo at magtago sa problema mo. Alam mo,
sayang ka eh. Ang gwapo gwapo mo, pero napaka duwag mo.”
“Good night
Karin. Salamat sa tawag.” Di ko na pinansin ang huling sinabi nito at tuluyan
ng tinapos ang tawag na yun. Pinatay ang mga ilaw at inilapag sa may side table
ang laptop ko. Pinilit ko ang aking sariling bitiwan muna sa ngayon ang mga
takot at pangamba sa dibdib ko’t maging mahinahon upang makatulog.
Minuto
hanggang sa oras ang lumipas, hindi pa rin ako dinalaw ng antok. Padabog akong
tumayo at lumabas mula sa aking kwarto. Kumuha ng isang boteng beer sa may ref,
at dire-diretsong lumabas ng lanai kung saan makikita mo ang kay ganda-gandang
karagatan. Ang alon ay maya’t maya’y humahampas sa dalampasigan. Ang sarap lang
pakinggan ng tunog nito, na sinasabayan pa ng malamig na hangin.
Naupo ako sa
isang tumba-tumba habang pinagmamasdan ang kagandahan ng paligid.
“Kung andito
ka sana Yoh, alam kong mai-enjoy mo to.” Sabi ko sa sarili ko.
Haay. Eto na
naman ako. Wishful thinking. Iniisip at pinipilit ang mga bagay na kahit
kailanma’y di na mangyayari sa paraang gusto ko.
“Yoh, tell
me. How will I forget you? How do I unlove you?” Sabay hugot ng isang malalim
na buntong-hininga. Haay. Kung ang mga pangamba at takot natin sa dibdib ay
para lang sanang buntong-hininga, matagal na akong nakakahinga ng maayos.
“Lintik!”
Napalingon
ako bigla sa likuran ko nang maramdaman ko ang isang kamay na humawak sa aking
balikat. Nagulat talaga ako.
Si Attorney
Kuroi lang pala na may hawak ding beer sa kamay nito. Nakangiti ito nang
matitigan ko ito, at umupo sa kalapit na silya na katabi ng kinauupuan ko.
“You look so
troubled Mister Fujiwara.” Nakangiting pahayag nito. “Having trouble sleeping?”
Kahit di masyadong sanay sa wikang English ang mga Hapon, iba si Attorney
Kuroi. Bihasa ito sa lenggwaheng ito, kaya nakakapag-usap pa rin kami ng
maayos. Siya ang tumayong interpreter ko dito sa Japan.
“Please
Attorney. Just call me Yui.” Magalang na saad ko dito. Naaasiwa talaga ako
kapag tinatawag akong Mister Fujiwara. Hindi din naman kasi ito iba sa pamilya
naming kasi best friend ito ni Papa.
“Then just
call me Uncle. We have a deal now, yes?” Paglalahad ng kamay niya sa akin. Sa
mahigit isang buwan naming pagkakasama, ngayon lang kami nagkausap ng ganito
kaluwag. Kasi most of the times, masyado itong pormal.
“Alright.
Uncle.” Nakangiting pagtanggap ko sa kamay nito.
“You were
still so little back then when I last saw you. I remember, your father was so
fond of you. It was as if he had found a new reason to live.” Nakangiting
kwento ni Uncle. “Your father was a very lonely man. He used to call me every now
and then, inviting me for a drink. Most of the times, we don’t talk about
business and work, but what he was always talking about is having a family and
be a family guy, until he had you.”
Totoo nga
pala ang kwento ni Mama sa akin dati. Malungkot ang naging buhay ni Papa noon.
His life was always full about money, about business, and other material
stuffs. Yun ang naging dahilan kung bakit naghiwalay agad sila ni Mama.
“How’s your
Mom, back in the Philippines?”
“She’s fine.
She re-married after we got back to the Philippines.”
“I was quite
sure that she did. Pearl is such a beautiful woman. My best friend made a
terrible mistake of letting her go.” Di nalang ako kumibo. But I did enjoy the
trip down to memory lane. “They were inlove. But your father, wasn’t able to
fully bounced back from his heartache. That was why what they had with your mom
was lost somewhere.”
Nagulat ako
sa kwentong iyon ni Uncle. I never heard anything like this before.
“Before your
parents had met, your father fell in love secretly with my sister, Yuriko. They were the best of
friends, until your father decided to tell Yuriko that he loved her. But
everything was too late. Yuriko was already engaged to her boyfriend, and was
scheduled to be married soon, that time.”
“Did my Dad
told Yuriko how he felt?” Umiling si Uncle. “History is repeating itself! The
hell it is.” Nanlulumong saad ko sa sarili. Like father, like son na nga ba
ito? Nag-iwas nalang ako ng tingin mula dito.
“No matter
what I tell him to fight for his love, your father succumb to such cowardice
that ruined his life.” Lagok ng beer. “Your father lost your mother in the
process of healing himself back. They weren’t expecting you to come. And when
you did, your father, for the second time, gave up on pursuing Pearl again. He
wanted to have you both back in his life, but he was stupid enough to say
nothing at all.” Lumagok pa uli ito ng beer bago ako tinignan ng isang
makahulugang tingin. “And basing from your reactions, I can tell that you are
going through the same situation, aren’t you?”
Di ako
naka-imik. Nakalimutan kong abugado pala ito. Matalas ang pang-amoy nito lalo
na kung guilty ang isang tao sa mga akusasyong binabato dito. Tsk. “Game over,
Yukito.” Sabi ko sa sarili.
“Let me tell
you the exact words I used to tell your father.“ Napatingin naman ako dito
habang ito’y nakatanaw lang sa payapang karagatan. “Forgetting someone you love
is like trying to remember someone you had never met.”
I felt like
being hit by an arrow right at the center of my forehead. Saktong-sakto ang
sinabi nito patungkol sa pinagdadaanan ko.
Naramdaman
ko nalang na tumayo na si Uncle at tinapik pa ako sa balikat at tuluyang
pumasok na sa kabahayan upang magpahinga. At ako nama’y naiwang nag-iisip at
nagmumuni-muni tungkol sa usapan namin ni Uncle.
Kung ano ang
puno, ay siya rin ang bunga. Ito na ba talaga ito? Susunod na ba talaga ako sa
yapak ni Papa at hayaang tuluyang mawala sa akin ang taong pinakamamahal ko?
“Wake up
Yui! Wake up, you stupid fool!” Hinilamos ko ang mga kamay ko sa mukha ko. “What
have you done? Papayag ka nalang bang matulad sa Papa mong naging miserable ang
buhay dahil hindi man lang nito ipinaglaban ang taong mahal niya? Ganun ganun
mo nalang tatakasan at iiwasan si Jayden?”
“Konsensya.
Stop it.”
“No! I won’t
stop until marealize mong ang buhay mo ay nasa Pinas, kasama si Yoh mo. Wag
kang tanga! Wag kang mamanhid-manhid sa nararamdaman mo! Magpakatotoo ka. Kung
mawawala man si Jayden sayo sa gagawin mo, atleast masasabi mong sinubukan mo
siyang ipaglaban. Wag ganito Yui!”
“Stop!”
Tigil ko sa aking konsensyang pinuputakan na naman ako.
Kinuha ko
ang cellphone ko sa bulsa ko at nag-dial.
Agad kong
kinausap ang taong tinawagan ko. “Ma, desidido na po ako.”
=================================
== The LEAF
==
February 5.
Linggo. Maaga akong bumangon at nagbihis upang pumunta ng mall. May usapan kami
ni Erin, kasamahan ko sa council, na magka-canvass ng mga materyales na
gagamitin para sa gagawing Valentine’s Ball ng College namin sa mismong
Valentine’s Day.
“Jayden!”
Tawag sa akin ni Erin ng makapasok ako sa mall. Nakita ko itong nag-aantay sa
akin malapit sa isang botique ng isang kilalang brand ng sapatos.
“Erin. Dala
mo ba ang listahan ng mga ika-canvass natin?”
“Yes Gov. I
got it. So tara na?”
“Tara!”
Ilang oras
kaming naglilibot sa hardware ng mall upang mag-canvass ng mga gagamitin namin
tulad ng pintura at kung anu-ano pang materyales at dekorasyon para sa
gaganaping Ball.
Pagkatapos
naming mag-canvass, nilibre ko si Erin ng lunch sa isang kainan dun sa mall. Nag-oorder
na kami ng lunch ng biglang napalingon ako sa isang grupo ng mga kalalakihan na
nakaupo sa may table malapit sa counter. Ang dalawa sa kanila ay kilala ko.
Swerte naman
at tumayo na yung apat sa kanila at naiwan ang dalawang nakikilala ko sa
kanilang grupo. Agad ako umisip ng paraan, nagdesisyon at agad lumapit sa
kanilang dalawa.
“Hi Ralph!
Andito din pala kayo?” Masigla ngunit plastic na bati ko kay Ralph. Nagulat
naman siya ng makita niya ako. Hindi maipinta ang mukha nito. Gulat, inis, at
guilt ang nababasa ko dito. “Magkakilala pala kayo ni…?”
“K-Karl.”
Sagot nitong kasama ni Ralph. Siniko naman ito ni Ralph ng bahagya, pero kita
ko pa rin. Yun! Nalaman ko din sa wakas. Kompirmado. Magkaibigan nga sila Ralph
at si Karl. Si Karl na nagulpi ni Babe dahil sa pagmamanman sa amin. Now I know.
“Ui Karl, di
ba nagkita na tayo dati? Bakit ka agad nagtransfer ng school? Di mo man lang
sinabi na magkaibigan pala kayo nitong si Ralph.” Pang-aalaska ko sa kanila.
Sarkastikong-sarkastiko ang tono ko. Nag-iwas naman ng tingin si Ralph na
halatang nainis sa pagkakadiskubre ko sa ugnayan nila ni Karl.
“O-oo eh.
Ahh, J-jayden, una na kami ah? K-karl, tara na. H-hinihintay na n-nila tayo.”
Tatayo na sana si Ralph nang harangan ko ang daan para makaalis siya sa upuan.
“Wag muna
Ralph. Andito din si Erin eh. Pakilala natin kay Karl. Kwentuhan muna tayo.”
Pangungulit ko pa dito.
“S-sorry
Jayden. We r-really need to go.” At binangga na nga niya ako sa sobrang
pagkapahiya at pagmamadaling tumakas sa napaka-awkward na eksenang iyon.
Natawa
nalang ako sa naging reaksyon ng dalawa. Tama nga. There’s something between
that two na di ko pa nalalaman, pero atleast na kompirma ko na na may kinalaman
talaga si Ralph sa pangmaman-man sa amin ni Alfer.
Tuesday ng
umaga. Nagulat nalang ako ng mapadaan ako sa Dean’s Office. Malakas ang usapan
ng mga faculty at staff ng CBA sa nangyaring expulsion ng limang head member ng
isa sa pinaka-prominenteng fraternity dito sa school, ang Brotherhood of The
Fist. At isa sa mga na expel sa school ay si Chris Ralph dela Cruz.
“Pssst!”
Tawag ko kay Erin nang makita ko ito sa may Faculty Office. “Anong nangyari?
Bakit na expel silang lima?” Pag-uusisa ko sa issue.
“May
nagsumite kasi ng isang anonymous video ng Hazing ng kanilang frat sa
University President. Actually, last week pa. Tas ayun, pina-imbestigahan ng
school. At napag-alamang totoo ang video na iyon. Kaya sila, bilang head
members at founder ng frat, inexpel sila. Ngayon lang talaga ipinalabas ng
school ang balita for confidentiality purposes.”
Nagulat
talaga ako sa balitang iyon. Pero, sa isang banda ng utak ko, natuwa naman ako
dahil na-expel si Ralph. Ibig sabihin, di na kami mamomroblema ni Babe tungkol
sa bagay na iyon.
Kinahapunan,
nagtext na naman si Babe. Bago ko pa man din mabuksan ang text nito, alam kong
tungkol ito sa di niya pagsipot sa uwian kasama ko, dahil may practice na naman
sila kasama ang team niya.
“Haaay,
babe. Pasalamat ka at mahal kita. Naku, kahit palagi mo nalang ako iniiwan sa
ere, ayos lang. Mahal na mahal pa rin kita.” Nasabi ko sa sarili ko.
Ayos lang
naman talaga kasi magme-meet din kami ng mga kasamahan ko sa council. Isang
linggo nalang kasi at Valentine’s Day na. Kailangan naming ihanda lahat-lahat
para sa big event na iyon.
As usual, pinag-uusapan lang namin ang mga final touches at kung anu-ano pang pwedeng idagdag para sa event. Kanya-kanyang progress report ang ginawa ng mga committee na itinayo ko na syang tututok sa mga iba’t ibang events.
Mag-aalas
otso na ng gabi ng muling magtext si Babe.
“Babe.
Gagala muna daw kami ng barkada. Okay lang bang sumama ako?”
Nireplyan ko
naman agad ito. “Okay lang babe. Papatapos na rin kami sa meeting. Uuwi na agad
ako.”
“Ihahatid
muna kita babe. Antayin mo muna ako.”
“No. Okay
lang babe. Sige na, baka nag-aantay na sa iyo ang mga team mates mo. Okay lang
ako.”
“Sigurado ka
babe?”
“Yep. Ingat
babe. Wag magpapa-umaga. I love you po.”
“I love you
babe. Thanks for understanding. The best ka! Mwaaah! :*”
Pagkatapos
pa ng ilang sandali lumabas na ako sa opisina. Takte. Ako nalang pala ang
nandidito sa building namin. At iilan nalang ang mga tao sa labas. Pero okay
lang, sanay na akong ginagabi.
Naglalakad
na ako pababa ng hagdanan papuntang main hallway ng college namin. Madilim sa
parteng iyon kasi pinapatay talaga ang mga ilaw sa hallway. “Haaay. Dapat di ito
pinapatay eh, ang dilim kaya.” Reklamo ko sa sarili.
Naglalakad
na ako papuntang gate, sa madilim na bahaging iyon ng college namin ng
maramdaman kong may taong sumusunod sa akin. Imahinasyon ko lang ba yun o ano
pa man, binilisan ko ang paglalakad.
“Shite! Ilang taon na ako sa eskwelahang ito, ngayon pa ba ako mumultuhin?” Takot na takot na talaga ako. Yung pakiramdam na may palihim na sumusunod sa iyo? Yun yun eh.
Papaliko na
ako mula sa college namin papuntang gate, nang biglang bumuhos ang malakas na
ulan. Bumalik naman ako sa building namin at nag-antay muna ako ng ilang
sandali upang hindi mabasa habang binabagtas ang daan palabas ng school.
Nang medyo
humihina na ang ulan, tatakbo na sana ako papuntang gate, nang may biglang
humablot sa balikat ko at niyakap ako sa likod at may inilagay na panyo sa
ilong ko. Naamoy ko naman ang kemikal na nasa panyong iyon at unti-unting
nawawalan ng lakas.
“Babe.
Tulungan mo ako….” Nasabi ko nalang ng pabulong at tuluyan ng nawalan ng malay
tao.
- Itutuloy -
Kuya Jace
ReplyDeletethanks sa update! ! ! Hehe ,tagal naman . . .peace :)
#teamALFER <3
~jake
It seems Yui will no longer be a coward anymore. Aba! Tama lang naman yun! Stop being a turtle hiding from its shell! Naman, tanga na, nga ipu-push pa? Stop being stereotypical, Yui! You're not your Dad. Ikaw yan, at ikaw dapat ang magdala ng kasiyahan sa buhay mo. If you'll get miserable, be miserable by being brave than doing nothing about it! Ang tanga! Pinapasakit mo ulo ko eh!
ReplyDeleteHahaha! Focus lang ako kay Yui dito, after all, #TeamYui talaga ako! Not that, I don't like Alfer for Jayden. It may sound like that though, pero kasi alam mo yun? Yung ano... Am never mind! Haha!
Arigatou gozaimasu, Jace-chan! :D
Sorry sa late comment! Kakabasa ko lang kasi eh. :(
Ohmygod ano itoooo lalaban na ba si Yui ko? Huhuhu solid #TeamYui e, kahit boto rin ako Kay Alfer.
ReplyDeleteI smell something. Pero tama ang sabi ni Kuya Jace. It’s too early to judge the story. Mukhang may mangyayaring masama sa mag Babe. Exciting! Nga po pala Kuya, first time ko mag comment dito. I really like the story. Though I am sorry but I didn’t like the previous chapters that much, pero mukhang magbabalik na ang dating Jace na nagpa-inspire sa aming mga fans. Hehehe. Keep up the good work Kuya. Update agad pag di na busy sa school. ^-^V
ReplyDeleteexcellion
GUYS! sorry ulet. na VIRUS + REFORMAT Flashdrive ko. huhuhuhu! pero konting kembot pa at magtatapos na ang TLW. mga 4 or 5 chapters nalang. hiyang-hiya na ako sa inyo sa sobrang ka-delay ng mga updates. sorry po! :(
ReplyDeletekuya jace
ReplyDeletekelan po ang update??ang tgal naman po . . :(
~jake
nice
ReplyDeleteHaisst... lahat na lang ng binabasa ay nganga sa update...
ReplyDeletekuya jace
ReplyDeleteang tagal2x tlaga ng update mo xori poh kung nagiging demanding po ako pero sobrang tagal po talaga update mo . .huhuhu :( update na po plz . . .plz. . .plz. . .
~jake
kuya jace
ReplyDeletemay plano pa bo kayo para sa story nato??ang tagal2x ko na pong naghhintay sa update pero hanggang ngayon nganga parin . . .xori po kung nagiging rude ako pero pwede po bang tapusin mo na lng 2ng story plz lng po talaga . . .cguro po nkalimutan na ng ibang readers ang story mo kasi parang wla po kayong planong ipagpatuloy . .
:( update na po plz lng !!
~jake
sorry Jake. naging busy lang talaga sa school. buhay Graduating eh.. :(
Delete