Followers

Saturday, July 19, 2014

Starfish [Chapter 13]






Starfish
[Chapter 13]





By: crayon








****Aki****



11:45 pm, Tuesday
July 01





Hidi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa ngayon. Paulit-ulit kong tinatanong ang aking sarili kung nagkulang ba ako sa ginawa kong pag-intindi kay Kyle. Alam kong ginagawa lamang nya ang kanyang makakaya para tulungan ang kanyang matalik na kaibigan. Ganun naman kasi talaga si Kyle eh, likas na mabait at matulungin lalo na kapag dating sa kanyang mga kaibigan.


Selos.


Labis na selos ang nanaig sa akin ngayon. Nung isang lingo pa lang na kinailangan umalis ni Kyle sa bahay para puntahan si Renz ay labis na akong nagselos. At ngayong nalaman ko na sa pinatira na pala ni Kyle si Renz sa kanila nang wala man lang pasabi sa akin ay lalong tumindi iyong selos na iyon.


Hindi ko naman intensyon na ipagdamot si Kyle kay Renz pero nitong mga nakaraang mga linggo ay parang nanadya na ito. Wala na nga kaming gaanong panahon ni Kyle sa isa’t-isa dahil pareho kaming nagiging abala sa aming mga trabaho tapos sumasabay pa si Renz.


Buti sana kung katulad lang siya ng bestfriend ng ibang tao na pagkakaibigan lang talaga ang habol sa nobyo ko eh, kaso alam kong magpasa-hanggang ngayon ay mahal na mahal pa din niya si Kyle. Ramdam at kita ko iyon sa bawat sulyap na ibinabato niya kay Kyle. Pinili ko na lang na hindi siya punahin noong una dahil wala naman siyang ginagawang agresibong hakbang para agawin sa akin si Kyle at tiwala din naman ako sa pagmamahal sa akin ni Kyle. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Parang bumabalik na naman kaming tatlo sa sitwasyon namin noon na nag-aagawan ng minamahal.


Muling tumunog ang aking cellphone at alam kong si Kyle na naman iyong tumatawag. Kanina niya pa ako tinatawagan pero hindi ko magawang sagutin ang mga tawag na iyon dahil wala pa ako sa tamang wisyo para kausapin siya. Natatakot ako na may masabi pa ako na lalo lamang magpapalala sa aming sitwasyon.


Wala pa kaming isang taon ni Kyle pero may panibagong pagsubok na naman kami sa aming relasyon. Lumagok na lamang muli ako ng alak para pakalmahin ang aking sarili.


Mahal na mahal ko si Kyle at ayaw ko siyang mawala sa akin. Handa akong gawin ang lahat mawala lang ang  anumang hadlang sa aming pagmamahalan. Pero paano kung gagawin iyon kung ang humahadlang sa amin ay isang taong mahalaga para sa kanya?


Habang-buhay na lang ba akong mangangamba na baka anumang oras ay maagaw sa akin ni Renz si Kyle?


O panahon na para bakuran ko ang aking nobyo mula sa kanyang best friend?









****Kyle****



12:26 am, Wednesday
July 02






Ayaw niya nga siguro akong makausap, hindi ko naman siya masisisi.


Kanina ko pa tinatawagan si Aki pero ayaw niyang sagutin ang aking tawag. Nauunawan ko naman kung bakit niya pinili na huwag muna akong kausapin. Kita ko kaninang kausap ko siya sa may elevator kung gaano siya nasasaktan at nagseselos.


Stupid. It was stupid thing to hide it from Aki.


Pinasya ko munang lumabas ng kuwarto dahil tulog na din naman ang mga bata. Gusto kong mag-yosi. Na-stress ako ng sobra sa mga nangyayare.


Bahagya pa akong nagulat nang may makita akong nakaupong pigura sa may sala.


“Bakit gising ka pa?”, rinig kong tanong ng aking matalik na kaibigan.


“Insomnia.”, pagsisinungaling ko.


“I’m sorry about what happened.”


“It’s not your fault.”, sagot ko kay Renz habang umuupo ako sa kanyang tabi.


“Nor is it yours. I know you’re blaming yourself, too. You just did what you could to help me. I’m sorry that I’m being such a pain in the ass. I never meant to cause you any trouble.”, malungkot na pahayag ni Renz.


“You’re no trouble to anyone Renz. And don’t bother yourself about me and Aki, we’ll be fine soon. It was just a simple misunderstanding.”, pagpapalubag loob ko sa aking kaibigan. Hindi naman tamang maski siya ay mamroblema sa sitwasyon ko dahil ako mismo ang nangulit sa kanya na tumira rito.


“I can leave tomorrow, if that will make things okay. I don’t want to be here in the first place.”


“Kahit kalian talaga ang tigas ng ulo Mr. Renz Angelo Razon. Sinabi na ngang magiging okay din kami ni Aki eh, hindi mo na kailangang umalis pa dito.”, pagmamatigas ko.


“You really love him so much, don’t you?”, nagulat ako sa tanong ni Renz. Simula nang maging kami ni Aki ay hindi naman nagging mausisa ang aking matalik na kaibigan tungkol sa nararamdaman ko para sa aking nobyo.


“Yes, I love him more than anything.”, seryoso kong sagot. Hindi ko na narinig na magsalita pa muli si Renz. Nanatili lamang kaming doon na nakaupo at tahimik. “I’ll go back to my room, you better have some sleep as well.”, wika ko kay Renz. Nawala na ang gana ko na magyosi.


“You go ahead, I’ll sleep in a bit.”










****Renz****



12:58 am, Wednesday
July 02






“Yes, I love him more than anything.”


Parang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig  ang mga katagang iyon sa aking isip. It was even stupid for me to ask that in the first place. As if after a year Kyle would love me back again. Ilang beses ba akong kailangan sampalin ng katotohanan bago tumatak sa isip ko na hindi na ako ang mahal niya.


Why would God even let me love someone I can’t have? I think that is cruel and unfair.


Kung sinu-sino na ang nasisisi ko sa kinahinatnan ko. Kung anu-ano na ang pinaggagawa ko para makawala sa araw-araw na pasakit na mayroon ako. Pero wala pa ring nabago. Araw-araw ay kaparehong kalungkutan pa din ang nararamdaman ko. Sa bawat araw na dumadaan ay siya pa din ang laman ng puso ko. Sa bawat gabing lumilipas ay siya pa rin ang laman ng mga panaginip ko. Isang taon na halos ang lumipas pero hindi nabawasan ang sakit, hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya, hindi pa rin ako makausad mula sa pinagkakasadlakan ko.


Napapagod na ako. Pero bakit ang puso ko hindi napapagod na umasa? Kaninang nakita kong nag-away si Aki at Kyle, aaminin kong may katiting na pag-asa akong natanaw na baka sakaling magkahiwalay na sila ng tuluyan. Nung patirahin ako ni Kyle dito kahit na ayaw ko ay muling umasa ang puso ko na baka bumabalik na nag dating pagtingin niya sa akin. Lalo pang tumaba ang aking puso nang malaman na inilihim pa niya ito kay Aki.


I know I am giving myself false hopes. Pero kahit kasinungalingan ay handa kong kapitan para lang makuha muli si Kyle.


Is it worth fighting for?


Is it worth the risk? Another heart break?


Is it worth our friendship?



YES. YES. And Yes.








****Lui****



1:36 am, Thursday
July 03






Hindi ko maintindihan kung bakit ko kailanganing problemahin ang mga problema ng ibang tao samantalang sang-tambak ang sarili kong problema na dapat kong isipin. Wala nga talaga ata ako sa tamang pag-iisip.


It’s a pity Kyle always have to put himself in tough situations. If you’re gay and there’s two stunningly hot guys that are head over heels about you, you must feel like you’re the luckiest gay on earth.  But to Kyle it’s starting to be a burden.


I can’t blame him for putting his self into this. No one can blame him for not telling Aki about letting Renz live under his roof. He cannot be blamed for having a big heart.  Poor Kyle.


I knew it would be trouble once Aki finds out that Renz is here, and I’ve tried to warn Kyle about it. I know my friend’s intentions were good, he’s just really in a situation that makes him at fault in Aki’s eyes.


Now, there’s nothing much I can do about it, it’s not my business to meddle with Aki and Kyle’s quarrels. After all, I’m just another homeless friend Kyle decided to help, Aki would unlikely take any advice from me.


Mabuti pa ang katabi ko. Nauna pang nakatulog sa akin. Kanina pa ako nakahiga pero hindi na naman ako dinadalaw ng antok. May dala atang insomnia ‘tong Renz na ‘to. Simula ng makasama ko siya sa kwarto hirap na akong makatulog. I should get myself some ear plugs, grabe maghilik tong isang to. Akala ko nung una ay dahil lamang sa pagod ang kanyang paghihilik pero mukhang sakit niya talaga ito o baka nakalunok siya ng palaka nung bata.


Haaaaayyyyy…..


Siguro masayang-masaya ito ngayon sa dreamland kasi magkaaway sila Aki at Kyle.


“So what are your plans Mr. Razon?”, bulong ko sa natutulog na mukha ni Renz. “Do you take pleasure from the couple’s misunderstanding? Do you see another chance at getting Kyle’s heart?”


‘Nagseselos ka lang!!!!’, bulong aking isip.


May toyo na nga ata talaga ko. Napapadalas na yung mga boses sa ulo ko at kadalasan ay hindi magagandang bagay ang ibinubulong nito sa akin.


“Don’t dig another pit for yourself Renz. “, patuloy kong sabi bago tumalikod sa kanya. Bago ako tuluyang lamunin ng antok ay naramdaman ko ang pagbalot muli ng mga kamay ni Renz sa akin. Hindi na ako nag-abala pang tanggalin iyon at hinayaan ko na lamang ang aking sarili na lamunin ng antok.






****Kyle****




5:36 am, Thursday
July 03





Sinadya kong gumising nang maaga at umalis ng condo ko ng maaga para makausap si Aki. Alam kong mga bandang alas-sais siya pumapasok sa opisina at gusto ko sanang makausap siya bago ako pumasok sa trabaho. Hindi ko kayang matagalan na magkaaway kaming dalawa lalo pa at alam kong ako ang maya kasalanan. Mas makakabuti na ayusin na namin ito sa lalong madaling panahon.


Hindi ito sumasagot sa aking mga text at tawag kaya hindi ako sigurado kung papasok ito ngayon naisip kong i-text si Sam para siguruhing papasok si Aki sa kanilang opisina ngayon pero nahiya naman akong abalahin siya ng ganitong kaaaga. In case na hindi ko siya maabutan ngayong umaga ay aabangan ko na lang siya mamayang uwian.


Pinasya kong maghintay sa isang coffe shop na malapit sa opisina nila Aki. Mula rito ay matatanaw ko kung papasok na ng building ang aking boyfriend. Mahigit labing-limang minuto din bago ko natanaw ang sasakyan ni Aki  na tinungo ang parking lot ng building, agad-agad naman akong pumasok sa loob ng building. Nakilala naman akong bantay na guard kaya madali akong nakapasok. Sa lobby ko na lamang siya hihintayin. Bahagya pang nanginginig ang aking kamay dahil sa kaba.


Makalipas ang sampung minuto ay nakita ko din si Aki. Agad kong tinawag ang kanyang atensyon.


“Aki….”, agad naman itong napalingon sa aking direksyon at saka ako nilapitan.


“What are you doing here, Kyle?”, takang wika nito. Hindi naman galit ang kanyang boses pero blangko lamang ang kanyang mukha tanda na nagtatampo pa din ito sa akin.


“You weren’t answering my calls and texts, so I decided to come here. Please Aki, we need to talk.”, pakiusap ko.


“Fine, join me for breakfast.”, sabi nito at saka nagpatiuna nang lumabas ng building patungo sa coffee shop na pinanggalingan ko.


Umorder si Aki ng pagkain para sa aming dalawa. Ilang saglit lamang at agad naman itong na-iserve sa amin. Tahimik kaming nagsimulang kumain. Alam kong ako ang dapat na bumasag ng katahimikang iyon pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagpapaliwanag sa kanya.


Unang bagay tungkol sa paghingi ng tawad, kapag humingi ka ng tawad dapat alam mo kung ano ang nagawa mong mali. Anong silbi ng ‘sorry’ kung hindi mo alam kung para saan iyon. At kapag alam mo na kung ano ang mali mong nagawa, ang hirap aminin non sa harap ng taong nagawan mo ng kasalanan. Mahirap sabihin dahil alam mong nakasakit ka.


“You have something to say?”, panimulang tanong ni Aki sa akin.


“I know that I was wrong not to tell you about Renz.”, nagsisisi kong sabi. “I’m really sorry, Aki,”


“Hmm-mm”, walang gana nitong tugon sa akin.


“I know I should’ve told you right away but I was afraid of what you might say and I can’t just turn my back on Renz”, pagpapaliwanag ko.


“That’s why you’ve decided to just put me aside and just wished I would not ever find out what you did, is that it Kyle?”


“I know it’s my fault, that’s why I’m so sorry. I should’ve considered what you’re going to feel. I was an idiot.”


“Do you know what I feel Kyle? I feel like since I met you, since you met Renz, until now, I’ve been sharing your heart with him. I thought that when we became a couple there will be exclusivity, like how most couples will be exclusive to each other. I was wrong. I don’t know if I got the definition of the word exclusivity wrong but I feel like in everything you do you have to think about Renz first.”,paglalabas ni Aki ng sama ng loob.


“You know that’s not true.”, pagtutol ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil nasasaktan ako sa mga sinasabi ni Aki


Ikalawang bagay tungkol sa paghingi ng tawad, kailangan buo ang loob mo at handa kang magpakumbaba. Bakit? Kasi kahit inamin mo na ang maling ginawa mo, may mga pagkakataon na uulit-ulitin pa din sa’yo nang taong nagawan mo ng kasalanan kung gaano kamali o kasama yung bagay na nagawa mo. At kahit na nasasaktan ka sa mga bagay na sinasabi sa’yo wala kang karapatang magreklamo dahil ikaw ang mali at nakasakit. Ang kailangan mong gawin ay magpakumbaba at tanggapin lahat ng sinasabi sa’yo.


“Maybe. I don’t know.”, hindi na ako nakapagsalita pa. Parang biglang gustong sumabog ng ulo ko. Hindi ko alam na ganito na pala kalalim ang nararamdaman na selos ni Aki. Hindi na rin nagsalita pa si Aki at tinapos na lamang niya ang pagkain. Hindi ko na naubos yung inorder na pagkain ni Aki dahil nawalan na ako ng gana.


“I think we both need some space to think things over.”, malamig na sabi ni Aki matapos kumain. Para namang namanhid ang buo kong katawan sa pagkakarinig noon. Kaninang pumunta ako rito ay umaasa ako na magkaayos kami ni Aki, wala sa hinagap ko na aabot kami sa ganito dahil sa paglilihim ko sa pagtira ni Renz sa amin.


“A-are you breaking up with me?”, hindi ko alam kung narinig niya ako dahil hindi halos lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon.


“Is that what you want?”, walang kagatul-gatol na sagot ng aking nobyo. Pilit kong nilalabanan ang maiyak, hindi ngayon, hindi sa harap ni Aki.


“If that’s what I want I wouldn’t bother apologizing. Now answer me, do you want to break up with me?”


“I’m just asking for space.”, walang emosyon niyang sagot. Saka kinuha ang kanyang bag at tumayo. “I have an early meeting, I can’t stay any longer.”, hindi niya na ako hinintay pa na amakasagot at diretso na itong lumabas ng coffee shop.


Naiwan akong tulala at nakatitig sa daang tinahak ni Aki.


Ikatlong bagay tungkol sa paghingi ng tawad, wag mong kalimutang ang ibig sabihin ng salitang ‘hingi’. Kapag humingi ka ng isang bagay, walang kasiguruhan kung bibigyan ka ng taong hiningan mo. Kapag humingi ka ng tawad, katulad ng maraming bagay, walang kasiguruhan kung papatawarin ka ng taong nasaktan mo, regardless kung malaki o maliit man ang nagawa mong kasalanan.  Hindi medaling humingi ng tawad dahil ang hinihiling mo na kalimutan ng taong nasaktan mo ang mga bagay na nagawa mo at magpanggap siya na parang walang nangyari.


How did it end up this way?


What have I done?








****Lui****



7:32 am, Thursday
July 03






“Cook for breakfast for the kids! -Kyle.”, malakas kong basa sa iniwang note ni Kyle sa ref. Kakabangon ko lamang mula sa kama at inabutan ko sila Renz at mga bata na nanood ng tv sa sala. Akala ko ay nakakain na sila kaya dumiretso ako sa kusina para tingnan sana kung may natira pa silang pagkain at noon ko nakita ang note ni Kyle na nakadikit sa ref.


“Nabasa mo ba to?”, usisa ko kay Renz na tila aliw na aliw sa panonood ng Spongebob kasama ng mga bata. “Hoy!”, muli kong tawag sa atensyon nito dahil mukhang hindi nya ko narinig.


“Ako ba?”, mukhang tanga nitong tanong sa akin.


“Mukha bang nakakabasa na si Andrei?!”, sarkastiko kong sagot. Nakita kong inirapan lamang ako nito at muling ibinaling ang tingin sa tv. Napakapikon talaga.


“Oo, nabasa ko yan.”, walang gana nitong sagot.


“Nagluto ka ba?”


“Hindi ako marunong.”


“Sinong magluluto?”, naiinis ko nang tanog dahil kahit kalian ay wala talagang kwentang kausap si Renz.


“Tanungin mo si Andrei, baka marunong siya.”, nakangisi nitong sagot.


“Ako kuya tinuruan ni Kuya Kyle!”, pagpriprisenta ni Sandy.


“Anu namang tinuro niya sa’yo ha?”


“Pancakes!”, mayabang na sagot ng batang babae.


“Wow, parang napakahirap gawin non.”, nayayamot kong sagot dahil nagugutom na din ako.


“Tutulungan naman kita eh.”, sagot ng aking kausap.


“Hindi na kaya ko na.”, sinimulan ko nang magluto ng pancakes dahil mukhang wala naman kaming aasahan kay Renz. Sa totoo lang ay wala akong alam sa kusina. Nung nasa elementary pa ako nang huli akong magluto ng pancakes. Hindi naman siguro ito ganun kahirap na gawin, may instructions naman sa kahon nung pancake mix. Matapos ang isang oras at kutakot-takot na reklamo ni Andrei na gutom na siya ay natapos din akong magluto.Tinawag ko na ang mga kasama ko para kumain at nag-uunahan pa ang mga ito na pumunta sa lamesa,


“Bakit maitim?”, nagtatakang tanong ni Andrei. Kita ko namang natawa si Renz. Ang kapal ng mukhang tumawa eh hindi naman siya tumulong sa pagluluto.


“Gusto ko well-done eh, kaya ganyan. Wag na maarte okay? Wala si Kuya Kyle dito, wala tayong cook. Magpapa-deliver na lang ako mamayang tanghali ng pagkain natin.”


Nagsimula na kaming kumain apat at kita ko kung paanong ngumiwi ang mukha ng tatlong kasama ko nang tikman nila ang sunog na pancakes na gawa ko.


“Ang pait ate.”, reklamo ni Andrei.


“Damihan mo na lang yung syrup mo para di mo malasahan yung pait.”, naiinis kong sagot lalo na nung makita kong nakangisi na naman si Renz.


“Hindi naman ganito yung luto ni Kuya Kyle kahapon eh.”, patuloy na reklamo ni Andrei.


Hindi ko na lamang ito pinansin dahil may katotohanan naman ang nirereklamo ng bata. Medyo mapait nga yung pagkakaluto ko sa pancakes. Sadyang wala talaga akong talent sa kusina. Dapat kasi ay nagluto na lang ako ng itlog o kaya ng instant noodles mukhang mas may pag-asa pa akong mapuri sa dalawang iyon kesa sa pancakes.


Matapos kaming kumain ay nagkusang loob naman si Renz na hugasan ang aming pinagkainan. Inasikaso ko naman ang paliligo ng mga bata. Hinayaan ko muna ang mga bata na maglaro sa banyo habang inaayos ko ang aming kwarto ni Renz. Nakakatawang isipin na ginagawa ko ang mga ganitong bagay ngayon. Noong nasa amin pa ako nakatira ay wala akong inatupag kundi ang kumain, matulog, at magpakasarap sa bahay.


Pagkatapos paliguan ang mga bata ay tumamabay na lamang kami sa sala at nanuod ng tv. Si Renz naman ay tila walang pakialam sa mundo at nagkasya na lang sa pahiga-higa sa sofa.


“Kuya Lui, bakit dito ka nakatira? Kapatid ka ba ni kuya Kyle?”, tanong ni Andrei. Minsan nakakainis din ang pagkainosente at kadaldalan ng batang ito. Pero ang mas nakakainis ay ang pagngisi ni Renz sa tuwing tinatanong ako ng ganito ni Andrei.


“Hindi. Matalik kaming magkaibigan.”, walang gana kong sagot.


“Wala ka na ding mommy?”, malungkot na tanong ni Andrei. Bigla naman akong nakaramdam ng awa rito marahil sa kanyang murang edad ay sinususbukan na nitong tanggaping ang realidad na wala na siyang magulang. Umiling na lamang ako bilang sagot.


“Okay lang yun, kapatid mo na lang ako tsaka si kuya Kyle.”, nakangiti nitong sabi.


“Ayaw ko ng kapatid na madaldal.”, nang-iinis kong sagot.


“Hindi naman ako madaldal ah.”, angal nito.


“Hindi halata ah.”


“Basta ako paglaki ko, aalagaan ko si Kuya Kyle kasi sobrang mabait siya ikaw hindi.”. sagot ni Andrei sa akin saka bumelat. Hindi ko na lamang ito pinansin at tinuon na lamang ang aking pansin sa pinapanood ko.


“Bakit nga ba dito ka nakatira? Pinalayas ka ba sa inyo?”, nagulat ako ng magsalita si Renz.


“Long story, and it’s not your business to know.”, pagsusuplado ko.


“That’s okay. I’ve heard a lot of coming out stories from people i met. Some really go through that.”, natatawa nitong sagot.


“As far as i know, I’m straight.”


“Really? So the rumors about you and Kyle aren’t true?”, nang-aalaska nitong sabi.


“Kyle is the only exception. Other than him, I don’t feel any attraction towards any guys.”,depensa ko. Hindi ko naman kasi itinuturing na bading ang aking sarili. Dahil kay Kyle lang naman talaga ako nakaramdam ng matinding pagkagusto noon, at pagkatapos o bago pa man iyon ay wala talaga akong nararamdamang atraksyon sa kapwa ko lalake.


“So, you mean to say, you’re still in denial stage.”, halata sa boses ni Renz na naaaliw ito sa aming pag-uusap. Kabaligtaran sa aking nararamdaman. Wala pa naman kasing kahit sino ang kumuwestyon sa aking sekswalidad.


“Go fuck yourself Renz.”, naiinis kong sabi saka tumayo at tumungo sa aking kwarto.


“What? I’m just curious.”, rinig kong sigaw nito sa akin.








****Renz****



10:43 am, Thursday
July 03







Naiwan akong nakangiti sa sala ng pumasok sa kwarto si Lui. Kung akala niyang siya lang ang marunong mang-alaska, pwes nagkakamali siya. Sinampolan ko pa nga lang siya kanina, napikon kaagad.


Naiinis ako sa kayabangan niya sa katawan na akala mo kung sinong perpekto. Masyadong presko at tiwala sa sarili. Bagay lang sa kanya na mabara paminsan-minsan.


Binalik ko ang aking pansin sa palabas sa tv. Sa totoo lang ay hindi ko na naiintindihan ang nangyayare sa pinanonood kong movie. Kanina pa kasi lumilipad ang aking isip, actually kagabi pa simula ng mag-away sila Kyle at Aki. Hanggang ngayon kasi ay iniisip ko pa din kung tama bang sundin ang dinidikta ng aking puso. Tama ba na subukan kong muling suyuin si Kyle? Para kasing perfect timing na magkaaway sila ni Aki at nandito ako nakatira sa kanila. Parang tadahana na mismo ang nagbibigay sa amin ng pagkakataon para maibalik yung dati. O baka imahinasyon ko lang ang mga naiisip ko.


Kung gawin ko man ang sinasabi ng puso ko ay wala naman nang mawawala pa sa akin. Walang-wala na ako ngayon. Patapon na kung tutuusin. Ano ba naman yung sumubok akong muli?


‘Hindi ka pa ba nasasawa?’, bulong ng aking isip.


Kailan nga ba ako masasawa? Hindi ko alam. Iyon lang naman talaga ang matagal ko nang hinihintay, ang masawa ako na malungkot, ang masawa ako na umasa, ang masawa ako na mahalin si Kyle. Pero sa tinagal-tagal ng panahon parang napakamalabong mangyare non. Huminga na lamang ako ng malalim at ipinikit ang aking mata.


Alam ko naman kung ano talaga ang gusto kong mangyare ngayon. Gusto kong muling ligawan si Kyle at kahit anong uri ng pangungumbinsi ang gawin ko sa sarili ko na mali ang desisyong iyon ay nanaig pa din ang pagnanais ko na gawin ang isinisigaw ang puso ko.


Stupid and reckless? Yes, but the idea of being Kyle’s boyfriend is far more appealing than watching him with Aki and spend the rest of my life in misery.








****Kyle****




7:18 pm, Thursday
July 03






Hindi ko na namalayan ang maghapong pagtatrabaho dahil wala ako sa aking sarili. Ni hindi ko maalala kung ano ang ginawa ko maghapon sa opisina, hindi ko alam kung may nagawa nga ba akong produktibo. Parang tumunganga lang ata ako at hinintay na matapos ang maghapon.


Ending. Dun na ba patungo ang relasyon namin ni Aki? Ilang taon ang nagdaan bago naging kami nang boyfriend ko pero halos wala pang isang taon at matatapos na ang relasyon namin. Matatapos dahil sa katangahan ko.


Ganun ba kalaki ang aking kasalanan? Sapat para maisip ni Aki na lumayo sa akin. Sapat para tuldukan ang anumang meron kami ngayon.


Naputol lang ang aking pag-iisip ng batiin ako ni Renz pagpasok ko sa aking unit. Pinagmasdan ko ang mukha ng taong dahilan ng away namin ni Aki. Mali. Hindi tamang kay Renz ko ibunton ang sisi dahil ako mismo ang nagsabing dito siya tumira at ako ang nagdesisyon na wag na munang sabihin iyon kay Aki. Walang kasalanan si Renz sa mga nangyayari.


“Kuya Kyle!”, tawag sa akin nila Andrei at Sandy habang tumatakbong lumapit sa akin. Humalik ang mga ito sa aking pisngi bago bumalik sa kanilang paglalaro. Mukhang masaya naman ang dalawa sa kanilang bagong bahay.


“Kumain ka na ba?”, tanong sa akin ni Renz. Umiling lamang ako bilang sagot. “Ipagluluto na lang kita, wait lang.”, masaya nitong sabi saka tumayo mula sa pagkakaupo.


“Hindi tsupon si Kyle.”, masungit na sabi ni Lui kay Renz.


“Ha?”, naguguluhang sagot nung isa.


“Hindi tsupon si Kyle, wag kang sumipsip. Sabi mo kaninang umaga, hindi ka marunong magluto. Pasikat ka din no?”, naiinis na sabi ni Lui. Lalo lang sumakit ang ulo ko dahil sa pangbabangayan nang dalawa. Hindi ko maintindihan kung bakit mainit ang dugo nila sa isa’t-isa.


“Wag ka ngang epal.”, ganting sagot ni Renz.


“Huwag ka nang mag-abala Renz, hindi naman ako nagugutom. Magpapahinga na lang muna ako sa kwarto.”, sabi ko sa aking kaibigan. Hindi naman talaga ako nakakaramdam ng pagkagutom kahit na wala akong kinain kaninang tanghali.


Narinig ko ang tawa ni Lui bago ako pumasok sa kwarto at ang batuhan nila ni Renz ng pang-aasar sa isa’t-isa. Napapikit na lamang ako at humiga sa kama. Napakabigat ng aking pakiramdam na para akong magkakasakit. May sampung minuto pa lang ata akong nakakapagpahinga nang muli bumukas ang pinto ng aking kwarto. Hindi na ako nag-abala pang magmulat ng mata dahil wala na ako halos pakialam sa nangyayari sa paligid ko. Ramdam ko ang paghiga nang kung sinumang pumasok na iyon sa tabi ko. Hindi pa rin ako dumilat at nagsalita.


“You want to talk about it?”, rinig ko ang concern na boses ni Lui.


“I don’t know.”, bulong ko. Tinatamad akong magkwento, parang hindi ko nga kayang ikwento ang nangyari.


“He’s still mad, I guess.”, rinig kong sabi niya saka bumuntong hininga. “I can try to talk to him, maybe i can put a little sense to him. Explain again what happened.”, suhestyon nito.


“Thank you Lui, but i don’t think that will help.”


“What happened Kyle? Tell me. You wouldn’t be like that unless something really bad happened.”, mukhang hindi naman ako tatantanan ni Lui kaya pinasya ko na ding magkwento. Sa kanya ko lang din naman kasi nasasabi ang mga bagay na hindi ko magawang ikwento kay Aki o Renz. Sa tuwing naiipit ako sa dalawang taong mahalaga sa akin ay si Lui ang matyagang nakikinig sa mga problema ko. He might be the only friend I can turn to right now.


“He... He wants to break up with me, i think.”, hindi ko halos magawang sabihin ang mga salitang iyon. Parang pinipiga ang aking dibdib sa ibig sabihin ng mga salitang iyon.


“He said that?”, kalmadong sabi ni Lui.


“Not exactly. He said we need some space to think things over.”, paguulit ko sa sinabi sa akin ni Aki kanina.


“Gusto nya pala ng space, dapat pinasakay mo sa rocket.”, nagbibirong sabi ni Lui pero hindi ako natawa. Hindi na lamang ako nagsalita.


“Okay, that was lame. So, what did you tell him?”


“I tried to clarify if he’s breaking up with me but he just answered me with a question. He asked if that’s what I want. I said no and asked him again but he said he really just wants some space and left. I don’t even know where does that leave us.”, pagkekwento ko sa mga nangyari.


“I’m as clueless as you, sorry. But I know this calls for a drink. Stay here, I’ll get us some beer and keep your retarded best friend away.”, paalam ni Lui. Hindi na ako tumutol sa imbitasyon nito na uminom dahil balak ko naman talagang gawin iyon.


“Gusto ko hard.”, request ko kay Lui.


“Rhum? Captain Morgan?”


“Okay.”


Makalipas ang halos tatlumpong minuto ay bumalik si Lui dala ang alak at isang 1.5 na Coke. Ni-lock nito ang pinto saka pumuwesto sa tabi ng kama ko.


“Kinausap ko na yung mga bata, dun muna sila matutulog sa tabi ni Renz.”, pahayag ni Lui.


“Anong sabi ni Renz?”


“Ayun salubong ang kilay. Akala ko nga bigla na lang akong  sasaksakin eh, naiinggit siguro kasi iinom tayo. Timawa sa alak yun di ba?”, natatawa nitong sabi. Napangiti na lang ako dahil sa kagaguhan ng aking kaibigan.


“Bakit ba ang hilig mong pag-tripan si Renz?”, tanong ko dahil naku-curious ako kung bakit lagi silang nag-aasaran.


“Naaaliw lang ako na bwisitin siya.”, kaswal na sagot ni Lui habang nagsasalin ng alak sa baso.


“Do you like him?”, natatwa kong tanong.


“Ha?!”, kunot noong sagot ni Lui.


“Do you like him? Like is there a possibility that you two would end up together?”


“Lasing ka na ba?”, masungit na sabi ng aking kaibigan.


“No, i’m serious.”


“I’m not desperate.”, angil nito.


“Bakit? Hindi naman pangit ang bestfriend ko ah, gwapo siya, seksi, mabait...”


“Adik, basagulero, sugarol, pariwara, makitid ang utak, and I’m not gay.”, pagpapatuloy ni Lui sa sinasabi ko.


“You mean to tell me that you’re still under the notion that you’re straight?”, gulat kong sabi.


“Why not? You’re the only gut that I dated, before and after you I never had any desire towards any guys I met. If I can’t make you love me, I’d prefer to be with the company of women.”


“Why?”, natatawa kong sagot.


“Anong why? At bakit ako ang pinag-uusapan natin? Pero matanung ko lang if it happens na mag-break nga kayo ni Aki, pwede ba ako manligaw uli?”, nakangising sagot ni Lui.


“Sira ulo! Straight ka nga di ba?!”, sagot ko sa kanya saka siya binato ng yelo.


“Hahahaha! I’m just asking.”, inirapan ko na lamang siya at lumagok muli ng alak.  Sandali kaming natahimk ni Lui bago siya muling nagsalita.


“What do you plan to do now?”, tanong ni Lui.


“Give him what he wants? I don’t have much choices, do I?”, malungkot kong sabi. Yun naman kasi ang totoo. Batid kong ako ang nagkamali this time at kung hinhiling ni Aki na lumayo muna, wala akong magagwa kundi pagbigyan ang hiling niya.


“What if he decides to end it?”, napahinga ako ng malalim sa tanong na iyon ni Lui.


“Haven’t thought about it yet, I dont want to think of that possibility.”


“Don’t you think you have to do something? I know you’re not at fault in this. It just so happened that Aki took it at a different perspective. I can’t tell you what to do but its better to do something than nothing. If it’s going to an end, which I truly hope not, wouldn’t it be better that you did all you can to save your relationship with him than just stand there and watch while verything falls to pieces?”, matalinong payo ni Lui.


“But he asked for some space. Am I not suppose to give him that knowing that I was partly wrong?”


“Yes, i see your point but seriously what good would it bring? Aki still see it as an act of betrayal. Even if you give him space he wouldn’t understand what happened because he is so jealous. Leaving him be will not solve your misunderstanding.”


“What do you suggest then?”


“I don’t know. You know hime better than I do.”


“Should I explain it to him again?”


“Subukan mo munang suyuin siya. Walang point kung magdadaldal ka uli kasi baka hindi ka din niya pakinggan. He was hurt. Bago ka niya pakinggan kailangan  mo munang tanggalin yung selos na nararamdaman niya. Hindi nya maiintindihan ang posisyon mo kung puno siya ng selos.”, tahimik akong nakinig sa payo ni Lui. Tama naman ang kanyang pinupunto. Kaya siguro ganun ang naging reaksyon kanina ni Aki ay dahil nakakaramdam pa din siya ng matinding selos.


“I know that you did what you did out of the goodness of your heart and it’s not fair that you have to suffer because of that. When I first came here I saw how you love each other and I know that your love will endure.”, napangiti na lang ako sa sinabi ni Lui. Napakasuwerte ko na magkaroon ng kaibigan na katulad niya.


“Thank you Lui, ang talino mo talaga.”, natatawa kong papuri.


“Syempre naman. Pero may isa pa akong tanong.”


“Anu yun?”


“What do you plan to do with your bestfriend.?”


“I don’t know yet. Why?”, taka kong tanong dahil bigla siyang naging curious kay Renz.


“Once this is over, I doubt that this will be the last misunderstanding that you and Aki are going to have unless you have some bright idea on how you’re going to dispose him.”


“You want me to throw him out?”, naguguluhan kong tanong.


“Not throw him out but you have to do something. Aki is a very understanding and patient man but his patience is at test whenever it has something to do about you and your bestfriend, that much is obvious. Do you honestly believe that he will get used to the idea that you and Renz lives in the same house? Right now, he’s mad because you didn’t tell him about it but its going to be another issue if Renz will stay here permanently.”, muli akong nalungkot sa sinabi ni Lui. Hindi ko kasi naiiisip ang mga bagay na sinasabi niya sa akin.


“Renz isn’t just your best friend. He’s you’re ex-crush, ex-manliligaw. Aki of all people will not forget that. You know how complicated the story is. It’s not easy to set the past aside especially if Renz still show every ounce of his liking for you til now. Don’t tell me you miss that.”


“I know what you’re saying, but Renz has not done anything since Aki and I became a couple.”


“He may have not done anything yet but remember Aki is your boyfriend. You know how guys hate it when someone looks lustly at their girlfriends, Aki is going through the same thing. He has been quiet and supportive for the longest time but when you let Renz into your house, he had to break his silence.”, nagsimula nang mangilid ang aking luha dahil sa gulong ginawa ko na hindi ko alam kung paano ko aayusin. Ayaw ko namaghiwalay kami ni Aki pero hindi ko naman kayang hayaan na paalisin na lang uli si Renz at mapariwara na lang.


“What have I done?”, yun na lamang ang aking nasabi.


“Don’t be too hard on yourself Kyle. All i’m saying is you have to have a concrete plan on what you’re going to do with Renz. I know you’re only doing what you can to help him but you can only do so much. He doesn’t seem to have any plans on fixing his self anyway.”


“Naaawa ako kay Renz, Lui. Napagod na yung iba naming kaibigan sa pagpayo sa kanya, maski sarili niyang magulang halos sumuko na sa kanya, ako na lang ang pwede niyang asahan ngayon. I can’t turn my back on him. Lalo na’t alam kong ako ang dahilan kung bakit siya ngakakaganyan.”, naiiyak ko nang sagot kay Lui. Lumipat sa aking tabi si Lui at binalot ako sa kanyang bisig habang tahimik akong umiiyak.


“It was his choice to be like that Kyle. It’s not right to blame yourself of what has become of him. Bakit ako? After what hapened to us, did i end up like him? It was his choice to make his life miserable. All you did was to be honest and true to what you feel.”, pagpapakalma sa akin ni Lui.


“Help me Lui, I don’t know what to do.”, pakiusap ko sa aking kaibigan.


“Me?”, aligaga nitong tanong. “Why me?”


“Alam mo namang sayo ko lang nakekwento yung mga ganitong bagay eh. Help me fix Renz, ikaw naman ang lagi niyang makakasama dito sa bahay eh. Tulungan mo sya. Sabay kayong maghanap ng trabaho.”


“HA?”


“Please help me. Please Lui.”


“Okay, i’ll do what i can.”, sumusuko nitong sabi.







****Lui****


10:41 pm, Thursday
July 03





Iniwan ko nang nahihimbing na natutulog si Kyle sa kanyang kwarto. Pagewang-gewang akong lumabas ng kwarto dahil sa pagkalasing. Ilang beses pa akong lumabas kanina para bumili ng alak. Hindi ko naman magawang awatin si Kyle sa pag-inom dahil kita ko kung gaano siya nahihirapan sa ngayon. Hindi na namin namalayan na sobrang dami na pala naming nainom. Nilinis ko ang lugar na aming pinag-inuman.


Matapos hugasan ang aming mga nagamit na baso ay pinasya ko munang i-check ang mga bata sa aming kwarto. Pagbukas ko ng pinto ay agad ko namang nakitang tahimik nang natutulog ang mga bata. Tahimik? Teka, nasan yung malakas maghilik? Pumasok pa akong lalo sa kwarto dahil dala lamang ng kalasingan kaya hindi ko makita si Renz. Pero wala talaga siya sa kwarto. Lumabas ako at tumungo sa verandah pero wala din doon si Renz? Saan naman kaya nagpunta yung kulang-kulang na yon? Pinasya ko munang maupo sa sala, hindi ko kasi mai-lock yung pinto dahil wala pa ang aking timang na roomate. Nakakaawa naman kung sa labas ito ng pinto matutulog. Alam ko kasing wala pa itong duplicate ng susi ni Kyle.


Pinasya ko munang magkape para mahimasmasan ako. Binuksan ko ang tv at sinubukang maghanap ng nakakaaliw na palabas habang naghihintay pero napaidlip pa din ako. Naalimpungatan lamang ako ng bumukas ang pinto at halos pabuwal na pumasok si Renz. Pasuray-suray itong tumungo papuntang kusina at naiwan pang bukas ang pinto. Tumayo naman ako para isara ang pinto at i-lock ito para makatulog na ako ng maayos sa kwarto ni Kyle. Kakasara ko pa lang ng pinto nang marinig kong sumusuka si Renz, hindi ko na sana ito papansinin pero bigla na lang may kumalabog sa may kusina.


Agad naman akong napapunta sa may kusina para tingnan ang nangyari. Dinatnan ko namang nakabulagta sa may sahig si Renz at may kaunti pang suka sa damit.


“Damn!”, napamura na lamang ako sa aking sarili hindi ko naman pwedeng hayaan na lang ang isang to na dito matulog. Mabigat man ay binuhat ko si Renz at inihiga sa may sofa. Mabuting dito na lang ito matulog kaysa katabi ng mga bata. Bumalik naman ako sa kusina para linisin ang kalat na iniwang ng lasenggong ito. Inom ng inom hindi naman pala kaya.


Nang malinis ang nagkalat na suka sa lababo ay binalikan ko si Renz sa sala. Mas madami palang suka sa suot nito polo kesa sa inakala ko. Kung hindi ko ito lilinisin ay tiyak na kakapit ang amoy sa sofa.


“Putragis ka talaga Renz.”, sabi ko sa natutulog na roomate.


“I can hear you.” Halos pabulong nitong sabi.


“Good!”, naiinis kong sagot saka tumungo sa banyo. Kumuha ako ng palanggana at nagsalin doon ng tubig. Nilagyan ko din ito ng alkohol. Binalikan kong muli si Renz para linisan ang kanyang katawan.


Nakapikit ito at hindi ko alam kung tulog na siya. Kung gising man ito ay hindi ko rin naman iyak ito makakausap nang matino. Sinimulan ko nang tanggalin ang pagkakabutones ng polo niya. Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang aking kamay habang ginagawa iyon.


“Hmmm-mmmm... What are you doing?”, ungol ni Renz.


“Shut up.”, utos ko dito dahil lalong natataranta ang aking mga kamay. Hindi naman ako nito pinahirapan sa paghuhubad ng kanyang polo at kusa niyang inangat ang kanyang sarili para matanggal ko ang kanyang suot.


Binasa ko ang face towel nang maligamgam na tubig at ipinahid sa katawan ni Renz para mabawasan ang kalasingan nito at ang baho ng kanyang suka. Habang ginagawa iyon ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang ganda ng katawang ng lalaking kaharap mo. Sa kabila ng maraming bisyo ay halatang alaga pa din ang kanyang katawan sa ehersisyo. Kita iyon sa maumbok na dibdib na mayroon siya, hindi rin maikakaila ang 6 pack abs niya na lalo lamang nagpaalindog sa kanya, maging ang kanyang matitipunong biceps ay perpekto.


“Like what you see?”, nakangising tanong ng lasing na nililinis ko. Ngayon ko lang napansin kung gaano ka-sexy ang maninipis na labing mayroon siya at ang matangos na ilong na nagpapamukha sa kanyang banyaga. “Lost of words?”, muling pang-iinis nito. Tinapon ko ang bimpong hawak ko sa mukha niya, para matigil siya. Bakit ba kasi ini-inspeksyon ko ang itsura ng isang ‘to.


“Remove my pants.”, garalgal nitong sabi na parang nang-aakit.


“Ha!?!”, gulat kong sabi. Anu bang gustong mangyari nitong buwang na ‘to?


“Tanggalin mo yung pantalon ko may suka din kasi.”, nakangiti nitong sabi. Wala naman akong nagawa kundi sundin ang sinasabi nito. Mabuti na lamang at naka-boxer ito at least hindi masagwang tingnan. Tumayo na ako para ilagay sa laundry yung damit niya at para ibalik yung palanggana sa may banyo.


“Can you make me some coffee?”, bungad sa akin ni Renz paglabas ko ng banyo. “Please.”, pakiusap nito habang nakapikit. Mukhang umiikot talaga ang mundo nito kaya pinagbigyan ko na ang kanyang hiling.


Pinasya kong samahan muna siya magkape para masigurong hindi na siya magkakalat pa sa sala.


“Tulog na ba si Kyle, gusto ko sana siyang makausap.”, tanong nito sa akin habang humihigop ng kape.


“About what?”, sagot kong tanong.


“Secretary ka ba niya? Bakit kailangan mo pang malaman? Kelangan ko pa ba magpa-schedule ng appointment?”, sarkastiko niyang sabi.


“Well, there has to be a good reason for me to wake him up this late in the night, dont you think?”


“I know that he still loves me.”, sagot ni Renz habang nakatingin sa kawalan. Mukhang malakas pa din ang tama  ng alak sa kanya.


“So, that’s your plan huh? Talk him into loving you again?”, diretsa kong tanong.


“I know that he still loves me.”, pag-uulit niya. “He’s just caught up in this relationship with Aki.”


“Is that really what you feel or just a wishful thinking?”, tiningnan lang ako nito ng masama. Hinanda ko ang sarili ko dahil mukhang handa na ako nitong sapakin.


“You know nothing.”


“I don’t know or care about what you feel but i know that you’re giving my friend a hard time. If you’re trying to make him fall for you, you’re doing it wrong.”, lalong tumalim ang tingin niya sa akin at kita ko ang tensyon sa kanyang kamao pero hindi pa din ako tumigil.


“Making your life miserable so you can get Kyle’s attention is so beneath you Renz or at least the Renz that Kyle used to love. With what you’re doing, you’ll only get pity from Kyle. Pity not love. If you want him back make yourself deserving for Kyle. Do you honestly believe that he’s going to leave the oh-so-perfect Aki for a drug addict? For a gambler? For a good for nothing jerk?”, kita kong nakuha ko ang kanyang atensyon.


“What do you propose then?”, tanong niya. Marahil ay ganun na lang siya kadesperado kaya kahit sa akin ay nanghihingi siya ng payo.


“Fix yourself. If you want to compete with Aki, at least try to be at the same level with him. If you can do that, I might help you with Kyle. But there’s no way i’m going to let my friend end up with someone like you, not with the kind of person you are right now. No.”


“What help can I get from you?”, nagdududa nitong sabi.


“Kyle listens to me. You know that you caused some misunderstanding between the love birds and Kyle turned to me for advice. Actually, he always do whenever it involves you and Aki. I can make you seem better than Aki. I’m good with words and Kyle trusts my wisdom. You can be ahead of Aki with my help. But again I won’t do that unless I see you fit as Kyle’s partner. Deal?”, nakangiti kong sabi. Para namang rapist na ngumiti din si Renz. Terible talaga ang sayad ng isang ‘to.


“Deal.”






...to be cont’d...




Author’s note:

Whoooo! Sa wakas natapos ko din ang chapter na to... HAHAHA! Maraming salamat po sa mga palagiang nagbabasa at nag-iiwan ng mga komento sa story na to. Sana ay patuluyan niyong subaybayan ang kwento ni Renz, Lui, Aki, at Renz. Maraming salamat din sa mga nag-add/follow sa facebook, twitter, skype and google+... sana ay magustuhan ninyong lahat ang chapter na ito, pasensya na wala masyadong nangyare, babawi na lang tayo sa mga susunod na chapter.  Feel free to leave comments, suggestions, feedback... Enjoy reading everyone!

Facebook: kevinross0321@gmail.com
Twitter: @kivenross
Gmail/Googe+ : crayonross@gmail.com

Sorry can only do so much. Sorry cannot remove the hurt. Sorry cannot fix broken things. Sorry cannot bring back what is lost. Sorry cannot undo the past. We should all do our best to avoid the need to say sorry.


---crayon :))


















18 comments:

  1. Wow, nice chapter!

    Sorry if I have to stress how you are so on point with your grammar. It makes me wonder if you have to read and reread and proof read your work to come up with this near-perfect output. I have to say I'm just in awe with your writing style.

    Anyway, I'm starting to like this Lui-Renz thingy. Haha I'm not fan of Aki but I super love Kyle. And oh, it's not just about the grammar and style, the insights are just soo real, they make me think.

    Thanks for the update! Marvs :-D

    ReplyDelete
    Replies
    1. You should follow him on Twitter @kivenross. He's friendly enough to let you in Crayon's head and let you know more about that guy behind MAMS :) - Kr!s

      Delete
    2. hahaha.. well, i'm friendly enough but i cannot promise much on the guy-behind-MAMS-conversations... hahahahaha sira ka kris... :P

      Delete
  2. Ang galing mo tlaga Crayon... Idol n kita simila p s mga una mong sulat... Walang kupas.. Talagang nasasabik kami s mga susunod n mangyayari... Keep it up and we will wait for the next chapter... Hanggang s susunod.... Thumbs up...

    ReplyDelete
  3. Next chapter pls :)

    ReplyDelete
  4. Getting more and more interesting.

    ReplyDelete
  5. Bwesit na Aki to... Ang OA OA... Hahahaha Kelan kaya magka developan tong dalawa Lui and Renz??? hahaha

    ReplyDelete
  6. thanks for the update... sulit sa haba... di mo rin naman masisisi si aki na magselos... hay naku renz, wag kang ano.. lui tulungan mo nalang muna si kyle... kyle suyuin mo na si papa aki...

    sulit ang paghihintay.. isang mahabang chapter... i enjoyed reading every word of it.. keep up the good work mr. crayon...


    -arejay kerisawa, doha qatar

    ReplyDelete
  7. I honestly think Renz and Lui's moments outshone that of Kyle and Aki's, which I really love. I just can't wait for more on the formers. Update na @kivenross aka Crayon, pls :) - Kr!s

    ReplyDelete
  8. sobrang bitin.. next chapter na crayon.. :)

    ReplyDelete
  9. Wow ha! So xcited ti next chapter... thanks crayon....

    ReplyDelete
  10. This is it pansit! Love it!

    -hardname-

    ReplyDelete
  11. Astig!! Talaga ng story na to..thank you idol..
    yung words of wisdom ni lui, LUPET LANg..kinklig n q sa tandem ni lui at renz..
    Fan mona ko mula pa nung LSI.take care and god bless!!
    -PAUL JHON

    ReplyDelete
  12. Keep up the good wowrk Mr. Author, sinusubaybayan ko po itong story nyo.. salamat sa pagbibigay ng aliw at pagtanggal ng aming mga problema dahil sa mganda nyong storya... : God Bless po!

    ReplyDelete
  13. Cool off. Wishful thinking. Pain and hope. Some hearts on the process of crossing each other. Hayyy this chapter.
    -dilos

    ReplyDelete
  14. Ohmygod noooooo AkKyle pa rin ako! Pero gusto ko talaga Lui-Renz ngayon!:D

    ReplyDelete
  15. Aki, just dumped Kyle! with your exceptional looks and talent find yourself a Gorgeous Chick, live normal man.

    ReplyDelete
  16. makikita ko kaya si starfish this week?

    -kylie.bog2

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails