AUTHOR’S NOTE: Hello! Ako po si Rye Evangelista (hindi tunay na
pangalan :D). Matagal na rin po akong nagbabasa ng mga entries dito sa blog, at
dahil sa mga nababasa kong stories ay nainspired din akong magsulat ng sarili
kong nobela. I’m not that good though, pero sana po ay magustuhan ninyo ang
ibabahagi kong kwento.
Mayroon
na akong tatlong stories na naisip para mai-share dito sa blog. I hope, kahit
limang readers magkaroon ako. Haha. (Hopeful! Fighting!) Para malaman ko kung
mayroon ba akong pagkakamali. Para may makunan ako ng opinyon tungkol sa mga
bagay-bagay. And para may mag-inspire sa akin to keep on writing. Hindi kasi
mabubuhay ang isang kwento, kapag wala ditong magbabasa.
Marami pa
akong gustong sabihin, pero ang A/N na ito ay hindi bahagi ng kwento kaya,
dapat maikli lamang. Haha.
Surprise
po ang update :D. Ang mga admin lang po ng blog ang makakaalam ng dates of
update ko :D. Though I’m not so sure if weekly ba or every 2 weeks. Busy po
kasi ako sa work. Paka-abangan niyo na lamang po. Thanks!
Magpapasalamat
na lamang po ako ng marami sa mga admin ng blog na ito. Si Kuya Ponse at Kuya
Mike lang po ang kilala ko eh. Although hindi ko pa sila nakakausap, or kung
sino man yung nagre-response sa fb. Maraming-maraming salamat po sa opportunity!
Sa mga
bago kong kaibigan, Vienne, Jace at Bluerose. Thank you! :D
You can
add me up on Facebook, Google+ (Dummy Accounts – Nasa baba po nung title ang
name ng accounts ko, and email address kung sakaling hindi niyo makita), at may
blog din ako na walang kalaman-laman. Haha. Be free to drop messages
(questions, suggestions), mails, or anything. :D Please do comment after
reading. Thanks!
So, here
it is! Chapter 1! :D Enjoy!
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters,
businesses, places, events and incidents are either the products of the
author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual
persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
LOVE
IS…
Rye
Evangelista
theryeevangelista@gmail.com
CHAPTER I
Kriiiiiiiiiiiing! Kriiiiiiiiiiiing!
Kriiiiiiiiiiiing!
“Hayst!
Bakit ba kasi naimbento pa ang alarm clock! Ang sarap kayang matulog!”
Naibulalas ko ng tumunog ang aking alarm clock na nakaset ng 5 AM. Ang ganda pa
naman nung panaginip ko. Buset!
Well, ako
naman talaga ang nagset ng alarm na yun. Wala lang. Baliw nga ako sabi ni Ate,
kasi lagi kong sinisisi ang alarm clock ko na kailangang-kailangan ko naman
kasi tulog-mantika ako. Psh!
Panibagong
araw na naman, kakatapos lang ng mahabang bakasyon at simula na nang panibagong
yugto ng buhay ko bilang isang estudyante.
Ewan ko
ba. Nakulangan siguro ako sa bakasyon. Kasalanan ko naman kasi, hindi ako
lumabas ng bahay sa mga araw na pwede ko namang ipasyal ang sarili ko ng
mag-isa. Well, wala naman kasi akong masyadong kaibigan. My best friend’s in
the US, bakasyon nga hindi ba. Kami? Di namin masyado afford ang ganung
vacation escapade.
Nakakalabas
naman ako, kaso nga lang ito’y kapag pinipilit ako ng kapatid ko na isama sa
mga lakad nila ng boyfriend niya. Ayoko nga kasi para lang naman akong
chaperone nilang dalawa.
As usual,
balik na ako sa aking ritwal kapag may pasok. Incoming Senior High School na
ako ngayon, and hopefully matulungan pa rin ni Ate kapag mag-college na ako.
Wala namang problema sa tuition kasi scholar naman ako, sa pang-gastos lang
siguro.
I know
you’re wondering na si Ate lang lagi ang binabanggit ko. Nasaan ba kasi ang mga
magulang ko?
Ayun,
masayang magkasama sa kabilang-buhay.
It was 2
years ago nang iwan nila kami. They went to a vacation tapos yung bus nilang
sinasakyan ay naaksidente’t nahulog sa bangin.
Pero,
ayoko nang malungkot kaya, I’ll leave you hanging. Haha. Magdadrama ako dito,
eh ang aga pa kaya. Tapos na kami sa mahabang iyakan. Kaya please, let’s leave
the painful memories behind. My parents are always remembered naman eh.
Bago ako
naliligo, naghahanda muna ako ng makakain namin sa almusal at maibabaon ko sa
school sa tuwing lunch. Nakasanayan ko na rin, simula nung kami na lang ni Ate
ang nasa bahay.
Walang
kwenta kasi si Ate sa pagluluto, kung hindi man walang lasa, o masyadong
maalat, eh sunog naman. Kaya nga, maaga akong nagigising para sa makakain
namin. Pasalamat na rin ako dun sa alarm clock ko’t kahit panira ng magandang
panaginip eh, may pakinabang naman.
“Ate!
Luto na yung almusal, bumangon ka na riyan.” Sigaw ko mula sa likod ng pinto ng
kanyang kwarto.
“Hmmmm~”
Sagot nito.
Hayst!
Bakit ba ako nag-aalaga ng kalabaw dito sa bahay!
De, Hehe.
Biro lang yun, si Ate na rin kasi ang inaasahan ko sa mga gastusin ko sa
school. Kaya ako na ang bahala sa mga gawaing bahay.
“Dali na!
Ayaw mo naman sigurong mauna ako’t ubusin ko ang pagkain!” Pambubuska ko rito.
Narinig
ko naman ang mabilis nitong pagtakbo upang lumabas ng kwarto.
“Hoy Gabriel!
Yan ang wag na wag mong gagawin sa akin! Dapat sabay lagi tayong kumain, masiba
ka pa naman!” Bungad nito nang binuksan niya ang kanyang pinto.
Natawa
nalang ako. Biro ko lang naman yun eh. Anyare sa itsura niya.
“Alam ko
naman yun! Magsuklay ka nga muna! Tingnan mo kaya muna ang sarili mo sa salamin
bago lumabas ng kwarto. Di ba natuturn-off si Kuya Terrence sayo? Baluga mo
masyado!” Pang-aalaska ko.
Sa totoo
lang kasi, lahi naman kami ng mga gwapo’t magaganda. Well, si Ate kasi, parang
mangkukulam kapag bagong gising.
“Baklang
to! Teka mag-hihilamos lang ako’t nang mas maganda na ako sayo!” Sagot niya.
“Ate
naman! Walang ganyanan! Hindi ako maganda! Gwapo pa rin ako! Bisexual lang ako.
Hindi naman ako ladlad masyado di ba?” Pagdadabog ko.
“Yeah, yeah!
Pero di ba mas attracted ka naman sa lalaki kesa sa babae, so that’s enough for
me to say that you’re gay.” Pangangaral niya.
Okay talo
na ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko. Ganun naman lagi ang reaksyon ng mga tao
kapag napag-uusapan ang bagay na tungkol sa pagiging bakla. Kesyo, ganito.
Kesyo ganyan. Nakakasawa na.
Para sa
akin, People who are considered within Third Sex are also classified in
different categories. Basta yun na yun.
Why am I
even explaining kasi. Oo na nga lang. Tss.
“Ewan ko
sayo! Kakain na ako.” Anang ko’t mabilis na tumakbo pababa ng hagdan.
“Hoy!
Riel! Tirhan mo ako ha!” Dinig ko ng makababa na ako patungong dining namin.
“A-YO-KO!”
Sigaw ko.
Rinig ko
naman ang agaran nitong pagbaba mula sa kwarto nito.
“WA--”
Natigil siyang magsalita nang makita niyang di pa naman ako nagsisimula sa
pagkain. Unti-unti niyang sinara ang mala-kweba niyang bibig dahil sa sasabihin
sana. “Ehehe. Sabi ko nga, sabay tayong kakain.” Dagdag niya sabay kamot sa
ulo.
Kami na
lang ang natitira sa pamilyang to kaya’t sino pa ang magtutulungan.
Well,
lambingan lang namin yun ni Ate.
Natapos
ang tahimik na pag-kain namin ni Ate. Pagtingin ko sa orasan ay 6 AM na. 7 AM
dapat ay nasa school na ko for the opening ceremony. Si Ate naman ay may
trabaho ng 7:30 AM. Buti na lamang at may sarili kaming banyo sa aming mga
kwarto pwera doon sa common cr namin sa baba.
Ayun,
morning rituals kapag weekdays na pupunta ng school hanggang sa matapos ako.
Handa na
ako papuntang school! Yosh!
“Oh ito,
baon mo for the whole week.” Sabi ni Ate sabay abot saakin ng 500 pesos.
“Salamat
Ate! Sige mauna na ako sayo! Ang pinto at gate baka makalimutan mo na namang
bukas! Nakow! Buti na lang at wala namang mananakaw dito satin.” Paalala ko sa
kanya.
“Oo na!
Stressed lang ako noon kaya naging makakalimutin ako. Hala! Shoo! Alis na’t
malate ka pa sa opening ceremony. Bye!” Aniya’t sabay halik sa pisngi ko.
“Sige,
bye!” At tuluyan na nga akong lumabas ng bahay.
Naglalakad
lang ako patungong school. 20 minutes lang naman na lakaran to. Sana’y na rin
ako kasi simula pa noong Grades 1-10 at nung Junior High na ako, last year, naglalakad
na talaga ako.
Nilagay
ko na lang sa magkabilang tenga ko yung earpods ko at nagpatugtug ng mga
paborito kong kanta. Salamat kay Kuya Terrence at nagkaroon ako ng iPod Nano.
Mahilig kasi ako sa musika. Sabi nga ng mga kaibigan ko eh, siguro raw ay
gising ako nung nagpa-ulan ng talent ang Panginoon.
Well,
namana ko lang naman yung pagkahilig sa musika’t magandang boses ng mga
magulang ko. Kaya ganun.
Matapos
ang mahaba-habang paglalakad ko papuntang school ay nakarating din ako. 6:45 AM
na at kailangan ko nang magmadali para sa opening ceremony.
Nagmadali
akong pumasok sa school at pumunta sa school grounds, I really need to meet our
Student Council Adviser.
Pagod na
pagod akong lumapit kay Ms. Salveda.
“Good
Morning, Ms. Salveda.” Bati ko sa noo’y nakatalikod na si Ms. Salveda.
Lumingon
naman ito.
“Oh, ito
na pala si Mr. Dela Rama eh.” Tugon niya roon sa kasama nito. “Good Morning,
Riel. Pagod na pagod ka ata.” Bati naman nito na may ngiti sa labi.
Napansin
ko naman yung kasama niya. Isa sa mga Board of Directors ng school. Si Mrs.
Ariola.
Napayuko
na lang ako’t bumati sa kanya. “Magandang araw po sa inyo, Madaam!”
“Magandang
araw naman sa iyo, Iho! Ikaw ba ang Student Council President, this school
year?” Balik-bati nito’t tanong na rin. Nakipagshake-hands rin siya sakin.
“Opo,
Madaam. Gabriel Dela Rama po.” Simple kong sagot sa kanya habang kami’y
nagkakamayan.
“I heard
a lot about you. I’m looking forward sa pamamahala mo ng Student Council.”
Masayang pahayag nito.
“Ah… Eh…
I’ll try my best po… Maraming salamat po!” Tanging lumabas sa aking bibig.
Nahihiya ako’t isang mataas na opisyal ang kausap ko.
“Oh well,
it’s time. Let’s do this school year a better one. Halina kayo’t magsisimula na
ang ceremony.” Pag-anyaya sa amin ni Mrs. Ariola.
Tumango
na lang kami ni Ms. Salveda at naglakad na nakabuntot lamang kay Mrs. Ariola.
Si Mrs.
Ariola ang pinakamataas na stockholder dito sa school, kaya maituturing siyang
kapantay ng Presidente ng paaralan na ito.
Nakarating
na kami sa grounds at agad kaming pumunta sa itaas ng stage upang maupo sa mga
bakanteng upuan na naroroon. Andoon na rin yung ibang mga Directors at isa-isa
namin silang kinamayan.
Nagsimula
na ang Flag Ceremony.
Pagkatapos
ng Flag Ceremony ay magkakaroon ng konting programa para sa pormal na
pagbubukas ng school year. Tradisyon na ito sa school.
Naunang
mag-salita ang Presidente ng school at sumunod agad si Mrs. Ariola. Konting
bati lang naman at welcome sa mga dati at bagong mag-aaral.
Sumunod
ay si Principal, ganon din ang kanyang sinabi. Pero naglahad siya ng mga
panuntunan sa mga bagong mag-aaral na nagmula sa Grade 7 at mangilan-ngilan na
Transferees. Konting briefing ba.
At ang
huli ay ako. Naging maganda naman ang takbo ng pagsasalita ko. Stating
backgrounds about Student Council… Rules to follow… And opportunities they can
grab sa Student Council.
“Yun! I
hope your stay here will be a fun-filled experience. Yun naman lagi dapat di
ba? I know sometimes, iniisip natin na studying is all about studying. Am I
right? Pero, as we hold back to things we really wanted to experience, or
things we really wanted to do, nawawalan tayo ng purpose to go on and to be
happy. Just a small advice then, study and have fun at the same time. That’ll
make your high school life meaningful. Thank you!” Masayang pagtatapos ko.
Nagsipalakpakan
naman lahat.
Akala ko
okay na yung mga sinabi ko.
Na walang
mangyayari.
Bago pa
man ako makalayo sa podium na nasa harapan ng stage, na shocked na lang ako
nang maramdaman na may malamig na tubig na bumuhos sa buo kong katawan. Hindi
lang pala basta tubig, kulay asul ito at may mga kasama ring crushed ice.
“WHAT THE
FUCKER!” Naisigaw ko sa hangin.
Napapanganga
na lang ako sa sobrang lamig. Putek! Sinong may gawa nito.
Natulala
halos lahat ng mga mag-aaral na nakatingin sa akin.
I looked
up to know who the hell did that to me, pero I was so late. He or she isn’t
there already.
Planado
lahat.
Tumingin
ako sa pwesto ng aming section, at tama nga ang hinala ko nang mapagtantong
wala siya roon.
Bwesit
talagang tao yun!
“Gago!
Gago! Gago!” Anang isipan ko.
Naconfirm
ko na rin naman kasi, ayun… yung mga hinayupak na barkada niya, walang tigil sa
kakatawa.
Humanda
ka sakin mamaya Ariola! You’ll pay for this!
Nakaramdam
na lang ako ng kung anong pumatong sa likod ko.
Agad
naman akong napalingon sa taong gumawa nito. Si Brett. With his jacket.
Napailing ito. I know what he wants to say. Tumango ako. Kaya kinalma ko ang
sarili ko para hindi masira ang image ko sa school.
“Salamat,
Brett.” Mahinang saad ko.
Nagsilapitan
na rin ang mga High Officials na nasa stage.
“Okay ka
lang ba, Iho?” Tanong ng nag-aalalang si Mrs. Ariola.
“Opo.”
Nakayukong sagot ko sa kanya. Bakit kabaliktaran ng taong yun ang nanay niya?
“Dadalhin
ko na lang muna po siya Tita sa Infirmary.” Tugon naman ni Brett sa kanyang
Tita. Si Mrs. Ariola.
Sumang-ayon
naman ito.
“Tara,
Riel.” Sambit nito’t inakay na ako papuntang Infirmary.
Nasa
hallway na kami ng makita namin si Red. Nakangisi lang ito. I know, siya ang
gumawa nito sakin. Siya lang naman ang ayaw dito sakin. Conclusion ko sa mga
ginagawa niya sa akin since Junior High, I’m not sure though, pero yun ang laging puno’t dulo ng lahat ng ginagawa
niya sa akin. Ang salungat sa mga ginagawa kong paglusaw sa mga bullies at
sakit sa ulong estudyante.
Galit ko
siyang tiningnan.
“What?!”
Iritadong tanong nito sakin.
“Red.
Ikaw ba ang may gawa nito?” Mahinahong tanong ni Brett sa pinsan niya.
“Huh?
Anong ginawa ko?” Patay malisya niyang tugon kay Brett.
Napailing
na lang ako.
“Tara na
Brett.” Saad ko sa best friend ko. Hindi ko na lang siya muling tiningnan. I’ll
just treat him like he’s invisible. Gawin niya ang gusto niya. I will never
bother myself about his presence or existence. Nakakainis siya! Sagad na sa
buto!
Tumango
naman si Brett sakin. Kuha na niya ko. Alam niyang inis ako sa pinsan niya.
Simula pa nung Junior High, ganyan na siya. Ewan ko ba’t ako lang naman ang kaya
niya.
Nagpatuloy
lang kami sa paglakad papuntang Infirmary.
We
passed, without even looking at him. Sinabi ko na rin ito kay Brett. Alam
niyang galit ako. Kaya’t kapag galit ako, hindi ako namamansin.
“Hey!
Wala akong ginawa, okay!” Pagpapapansin niya.
Tuloy
lang kami sa pag-lakad, hanggang sa makaabot kami sa pinto ng Infirmary.
Sumunod
pala ito sa amin.
“Brett!
Wala akong kinalaman diyan ah!” Pagpapapansin niya ulit.
Naiirita
na ko.
Imbes
kasi na mag-sorry siya sa ginagawa niya sa akin, idini-deny niya pa talaga.
Tumikhim
ako’t humugot ng malalim na hininga. Enough to say words with intensity.
“GOD DAMMIT! BAKIT KA PA
NAGPAPALIWANAG KUNG WALA KA NAMAN PALANG KINALAMAN?” Matigas kong sigaw sa
kanya. At tuluyan nang pumasok sa Infirmary.
Itutuloy…
Mukhang maganda!! :)
ReplyDeleteSana magustuhan mo ang mga susunod na kabanata! :D
DeleteBagong aabangan nanaman (: 2nd chapter po please thankyou (:
ReplyDeleteWait niyo lang po. Hehe. Masaya ako eh, kaya malay niyo. Haha. Thanks!
DeleteGanda
ReplyDeleteThanks po! Pakilala ka naman! Ayaw mong mabanggit sa a/n? Hehe.
DeleteDati ko lang nakikita ung name mo sa mga comments. Hehehe.
ReplyDeleteMay bago na naman aabangan. Mukhang may aso't pusa na naman.
-hardname-
Thank you -hardname-! Ako nga yon haha. Simula kasi nung naging kaibigan ko sina Vienne, Jace and Bluerose, nagkalakas loob akong ipost na to. :D
Deletewow...... ang ganda ng umpisa..
ReplyDeleteang sarap balikan ng high skul life.... hehehe
next chapter please...
joe....
Thank you! Yaan mo, pag-iisipan ko ang suggestion mo. Hehe. Palagi dapat ready. Haha. Gusto ko ngang bumalik sa hayskul eh. :(
DeleteHmm mukhang maganda ang storya ah. May bago na namang aabangan.
ReplyDeleteThanks Angel! Pakaabangan mo pa! :D
Deletedanda kuya hahaha.. sana mas mahaba na lang ang next update :)
ReplyDeletejihi ng pampanga
Hehe. Actually ready na yung ibang chapter. Yung iba mahaba, yung iba hindi. Hehe. Sana maging reader kita til the end. Salamat! I'll try to make it long na lang sa di ko pa nagagawang chapter. :D
DeleteMagandda ang simula...Simple but theres weight to ponder...Take care. Keep it up.
ReplyDeleteThanks po Alfred of T.O.! Haha!
Deletecute ng story..:) sana mapabilis update mr. author..:))
ReplyDeleteNoted po! I'll try my best! Salamat!
DeleteNice story :) o ayan may reader ka na ahaha aabangan ko to promise :)
ReplyDeleteAy! Di ka po nagpakilala! Salamat! Sana agad kang magpakilala para maisali kita sa a/n ko next update. Hehe! Salamat!
Deletemaganda cia. Obvious ang mangyayaring l0ve triangle. .
ReplyDeletesugest ku lng po:undrxtand po na bz kau mr.auth0r..pero mnsan hu pag tgal ng update kaumay ung kwento at nakakalmutn ung past chapt. Ung c0necti0n put0l po. Remembr ku retenti0n span ng mga bumabasa.
i c0mend u p0h
#eric dowe
Noted po! Haha! Dahil naging masaya ako, mapapadali ang update! Thank you!
Deleteisn't it AMAZING?! Welcome to the MSOB Family kuya Rye! looking forward for the updates. good job! :D
ReplyDeleteJace
Thank you, Jace! Grabe! Napa-WOW talaga ako sa comments! Haha!
DeleteJace!! Ang saya ko!
DeleteIsang napakalaking THANK YOU! Sa lahat ng mga nagbasa na nito! Please magpakilala kayo para sa 'Pasasalamat Portion' sa A/N. Hehe! Thank you! Thank you!
ReplyDeleteNice one can't wait same next us eppy2667 po
ReplyDeleteThanks ulit!
DeleteUpdate please ang cute looking forward to the next chapter....angelo of kuwait
ReplyDeleteThank you, Angelo of Kuwait! Wow! Hanggang Kuwait umabot siya. Haha! Abangan po ang next chapter. :D
DeleteAng cute nman ng simula.....
ReplyDeleteAngelo of kuwait
Thanks ulit!
DeleteNice! Promising.
ReplyDeleteNext! Haha Marvs :-D
Thank you, Marvs! Sa wakas! Nakita na rin kitang nagbasa rito! Haha. :D
DeleteBitin...
ReplyDelete-madztorm
Pasensya na po. :D Abangan niyo na lang po ang next chapter. :D Thanks!
DeleteLooking forward until the end i hope mahaba yung story at sana d mabagal yung update tnx
ReplyDeletefranz
Thanks for reading! Well, about that, siguro nasa 20-30 Chapters siguro to. I hope so. Or I'm hoping for extensions. Haha. Basta, bahala na si Batman. About update, wala pa akong access, kapag meron na, tingnan ko pa. :D
DeleteThanks ulit Franz! Teka! Franz? Ng All I See Is You? Haha! Lol
grrrrr.....
ReplyDeletenxt chapter na pls.. lang...
i beg you...
Nakaschedule na po. :D
DeleteYehey! Another PBB teens like story..
ReplyDeleteEto yung mga concept na nakakatuwa basahin.. nakakayoung at heart ^_^
Thank you Johnny Quest! :D
DeleteSana maging isa ako sa mga kaibigan mo. Wala pa akong kaibigan sa MSOB :((
ReplyDeleteAabangan ko yung story na 'to pramis!! Okay lang ba kung ako si Red kunwari? Haha!!
Please, mabilis na update. Huwag kang tutulad sa katamaran ko hehe :))
- Prince Justin
Hahaha. About sa update. Wala pa po akong access eh. Kaya, depende pa po ang schedule kila Kuya Ponse. Kaya pakihintay po. Ano po ba yung story mo rito? Salamat sa pagbabasa! :D
DeleteGanda!
ReplyDeleteRey t
Nice start :D
ReplyDeletemay bago n naman akong aabangan..
-Mr.Yoso
Thank youuuuuuuuu po!
Deletesno yung nasa cover na guy?
ReplyDeleteK-Pop Idol po. Si Jungkook ng BTS.
DeleteAY ANG GANDA yeay may new STORY NENEMEN hahaha =D
ReplyDelete