Can't We Try? 11
*Plain Chapter*
Warning!!: Alam ko po maiinis kayo sa chapter na ito!! Isahang eksena lang po kasi.
Alam kong walang kikiligin o matatawa dito. Napaka-dry po kasi eh. Haha!!
Anyway, maraming salamat talaga sa mga nagbasa at nagbabasa sa kwento nila Kurl.
Honestly makita ko lang yang mga comments niyo ay talagang ginaganahan na ako.
Huwag na huwag kayong magpapalito sa mga lalabas na 'Point Of Views'. Huwag na huwag niyo ring palalampasin ang mga ito.
Salamat sa mga nagtitiwala sa akin :)) Unexpected!!
(Jihi)(i.Am.yours)(Lantis)(Angel)(AlfredTO)(Az)(HAYYAA)(Na'Vi) THANK YOU GUYS!! Pati sa mga anonymous and silent readers, Salamat po.
May namiss akong commentor, si Ken!! Nasan kana Ken??!!
Happy Reading !!
--
Point Of View
- N i c o l l o -
"Four.. twenty-four." pagtingin ko sa orasan sa may wall pagkagising.
Napasarap ata ang tulog ko?
Nang maalalang dumating nga pala si Kurl kanina ay agad akong napabaling sa may kaliwa ko.
Si Kurl nga!! Nakatagilid patalikod sa akin. Malamang natutulog pa ito.
Kaya pala napasarap ang tulog ko ehh!!
Napakasarap talaga sa pakiramdam na pagkagising mo ay yung taong hinahanap-hanap mo ang unang taong makikita mo o bubungad sayo.
Sabi ko na nga ba at si Kurl ang gamot ko eh. Ayos na ayos na ako. Wala ng hilo. Wala na yung bigat ng pakiramdam ko. All in all, magaling na ako.
Dahan-dahan akong tumayo at kumuha ng maisusuot.
Pumunta ako sa harapan ni Kurl at tulog nga. Napangiti na lang ako.
Asan ba yung apat? Umuwi naba sila?
Papatulong ako gumawa ng miryenda. Dapat paggising ni Kurl ay may makakain siya.
"Manang nasan po yung apat?" agad na tanong ko kay manang nang makasalubong ko siya.
"Nasa kusina apo. Mukhang masarap yung niluluto nila." ngiti ni manang.
Agad na akong tumungo sa kusina at ayun!! Abala sila sa pagluluto.
"Guys ano yan?" pangiti-ngiti kong tanong sakanila.
"Nais naming pagsilbihan ang bisita." pagtawa ni Brent.
"Bisita? You mean..."
"Yup. Para kay Kurl at para narin sating lima." pagmamalaki pa ni Doms.
"Bat alam niyong nandyan siya?" kunot ko sa lima.
Mukhang may hindi ako alam ah.
Nagngitian lang yung apat sabay kibit balikat. Mga hinayupak talaga.
"Isa.." paninimula ko.
Walang kumikibo.
"Dalawa.."
Mukhang pinagtitripan pa ata ako ng apat na 'to ahh.
"Dalawa't 1/4"
Talagang matitibay sila. Ipinagpatuloy lang nila ang ginagawa nila.
"Pag eto umabot ng tatlo tignan niyo lang." tonong pagbabanta ko pa.
Humarap silang apat ng nakangiti lang.
"Ako nagtext sakanya na pumunta dito." simpleng sabi ni Doms.
"Sabihin mong ayaw mo yung plano namin." pagsalubong pa ng kilay ni Paul.
"Mga sira talaga kayo. Paano niyo siya tinext?" balik ko.
"Your phone." simpleng sabi ni Lance.
"My phone?" naguguluhan kong tanong.
"Yung phone mo yung ginamit namin pangtext." balik ni Brent.
Lihim akong natuwa sa mga sinabi nila. Tignan mo nga naman at sila pala ang makakatulong sa akin.
"Thanks guys. So ano ba yang ginagawa niyo? Papatulong sana akong gumawa ng miryenda pero heto at ayan na pala."
Paglapit ko sa apat.
"Mashed potato yung akin." pagmamalaki ni Paul.
"Ang akin ay french fries na gawa sa espesyal na patatatatatas." si Brent.
"Home Made Cheeeesy Pizza!" pagbibigay diin pa ni Lance na halatang proud na proud sa kanyang ginagawa.
"Well I made three flavors. Apple shake.. Mango shake at syempre ang paborito mo.. Chocolate shake!! To top it all off, special shakes." pagmamalaki pa ni Doms.
Halos matulala na lang ako sakanila. Ang gagaling talaga ng mga ito pagdating sa paggawa ng masasarap na pagkain.
Palibhasa mayayaman kaya maraming alam na gawin.
"Iba talaga kayo." wala sa sarili kong nasambit. "Salamat ah." nahihiyang pahabol ko pa.
Eto kasing apat. Laging nandyan para sa akin eh. Inaasikaso namin ang isa't-isa kaya naman talagang proud na proud ako at kaibigan ko sila. Best of friends!!
"Nako huwag kang magpasalamat. Pamilya tayo dito eh.. kaya wala yun." agad na pagtugon ni Paul.
"Walang drama please!! Baka masira 'tong ginagawa ko." sabat ni Lance.
"Okay okay fine!! Pero guys.. hindi talaga nawala yang trademark niyo ahh." natatawang sabi ko sa mga ito.
Nariyan kasi yung mga kalat nila na talagang sobrang KALAT!! GULO!!
Kapag talaga silang apat ang nasa kusina namin ay talagang nagigimbala yung mga natutulog na kagamitan pati na mga panangkap.
Singka-Apron pa talaga sila.
Si Lance Batman ang logo ng apron niya.
Si Dominick naman ay Spiderman.
Si Paul ay Captain America.
Tapos si Brent naman ay Iron Man.
Naaalala ko tuloy nung araw na talagang pinasadya pa namin ang mga design.
Yung sakin pala ay Superman. Namiss ko yung akin bigla kaya agad ko itong hinanap sa lalagyan ng mga apron.
"There you go." masayang sabi ko ng makita ito.
"Patapos nako." rinig kong sabi ng isa. "Almost done." dagdag pa ng isa.
Binalik ko na yung Superman Apron ko at nilapitan ang apat.
"San niyo gustong kumain? Sa kwarto ko o sa hapag?" tanong ko sa mga ito.
"Sa terrace na lang muna, mas maganda. Mahangin sa labas." sagot ni Brent.
"Yah. Then mga bandang 6 shot na tayo." sabi pa ni Doms.
"Oo para agad tayong matapos magshot. May klase pa bukas." dagdag ko pa.
Sinabihan ko sila na ihanda na nila doon at pupuntahan ko lang si Kurl.
"Manang. Sa mga maid niyo po ipalinis yung kusina ha? Huwag po kayo.." sabi ko kay manang nang madaanan ko ito.
Dahan-dahan kong binuksan yung pinto ng kwarto ko.
Natutulog parin si Kurl. Napakaswerte naman nung yakap-yakap niyang unan.
Hanggang sa may naisip akong ideya..
"Baka last chance ko na 'to." pagsasa-isip ko pa.
Agad na akong lumapit sakanya. Tinabihan ko siya at ngayon ay magkaharap na kami. Medyo delekado pa ako sa pwesto ko. Dulo na kasi masyado at baka wala sa oras akong mahulog.
Dahan-dahan kong kinuha yung yakap-yakap niyang unan.
Siyang pag-alis ko ng unan ay siyang paghila niya sa akin.
"Ooops..." nasambit ko na lang, buti at mahina lang.
Ngayon ay naka-akap siya sa akin. As in napakahigpit. Akala niya ata ako yung unan.
Bale halos dikit na dikit kami sa isa't-isa. Tapos yung distansya ng mukha ko sa mukha niya? Konting-konti na lang nandun na yung pangarap ko. Pramis!!
"Baka last na 'to." nasabi ko na lang kaya naman niyakap ko na rin siya ng napakahigpit.
Napakasarap talaga sa pakiramdam kapag yakap-yakap ko 'tong si Kurl.
Mukhang hindi na ako mahuhulog. Maliban sa mahigpit ang pagkakayakap ko sakanya ay mas mahigpit naman ang pagkakayakap niya sa akin.
Iba talaga siya.
Si Kurl na bago ko pa lang nakilala. Kung hindi ako nagkakamali eh thrice niya palang ata akong natulungan pero parang ilang beses na.
Nung mga panahong pinagtsitsismisan na siya sa street namin ay naging interesado ako kagad.
Nung una dahil sa ayaw kong may kalaban ako sa kagwapuhan hehe. Ganito ako kahangin oo, pero totoo naman eh. Haha!!
Pero nung nakita ko si Kurl ay imbis na mainis ako dahil siya nga yung bagong crush ng mga kababaihan samin ay parang nahulog pa ata ako sakanya.
Grabe hindi naman talaga ako ganito eh. Though may idea na ako nung una palang.
Naka-ilang girlfriend na nga ba ako? Teka.. teka.. hmmm.. EWAN!! Haha ang dami eh.
At sa dami nun ay parang may mali, may kulang. At siguro eto na nga, si Kurl.
Si Kurl na sana ay tama at hindi kailanman magiging mali.
Ngayong nagka-ayos na kami, sa tingin ko kailangan ko nang sabihin sakanya 'tong nararamdaman ko.
Pero pano? Baka magkalayo nanaman kami. Worst is baka hindi nanaman niya ako pansinin which is hindi ko talaga kaya.
Nakatitig lang ako kay Kurl habang yakap-yakap ko siya.
Pansin kong nagigising na siya dahil sa medyo gumagalaw siya. Nako huwag sana akong mahulog.
Pagkadilat ng mata niya ay mata ko kagad ang napansin niya. Halos magkalapit lang ang mukha namin.
Naaalala ko pa yung sina Jerry at James. Chinito daw ang pinakagusto ni Kurl sa lahat.
Kaya siguro mata ko kagad ang napansin niya. May chance kaya ako? Lalo pa't may alas ako, etong pagka-Chinito ko.
Nagtitigan kami. Base sa ekspresyon niya ay parang may pilit siyang iniintindi.
Dahan-dahan niyang inilapit ang hintuturo niya sa mukha ko.
Hanggang sa idinampi niya ito sa labi ko. Habang ako naghihintay lang sa sunod niya pang gagawin.
Parang may kakaiba akong naramdaman ng idampi niya ang kanyang daliri sa labi ko.
Kiss? Sana nga please!! De joke.. Haha!!
Siguro mga halos sampung segundo nang nakadampi yung daliri niya sa labi ko nang biglang...
"Totoo..?" sambit niya, halos matawa ako sa ekspresyon niya. "Hindi panaginip..?" sabi pa nito.
Sunod niyang idinampi ang daliri niya sa ilong ko.
"Totoo ba..?" tanong niya pa at nakuha niya pang mapalunok.
Namumula na siya. Sobrang cute niyang tignan.
"Totoo nga..!!! Whrraaaaaaa!!!"
Pagsigaw nito ng napakalakas dahilan para maitulak niya ako at mahulog ako ng wala sa oras.
*BLAG!!!!*
"ARRHHHH!!" wala sa sarili akong napasigaw ng napakalakas sa sakit ng pagkakabagsak ko.
"Totoo nga..." halos mapangiwi pa siya sa kanyang nasabi habang nakatingin lang sa akin.
---
Point Of View
- ? -
I hate this. Simula pagkabata hanggang ngayon, sila na lang lagi ang nasusunod!
I should do something!!
Something real...
"Something convincing."
Message: I'm begging.
Message: Believe me.
Itutuloy
ang igsi nman... sobrang bitin. hehe,,,
ReplyDeletecute tlga ng story n to.
more more more please.
-madztorm
Salamat rin kay Green, sa pagbasa rin niya sa last chapter. :))
ReplyDeleteThanks sa mga nagbasa! Pasensya na po kung dry!!
Asahan niyo na medyo magiging kaewan-ewan next chapters hehe!! Thanks guys!!
hala sino si sometheng2 na yan a?? ahhaaha
ReplyDeletejihi ng pampanga
hala sino si sometheng2 na yan a?? ahhaaha
ReplyDeletejihi ng pampanga
alam nyo po maganda po ang story nyo, magaling po kayo magsulat at nakakrelate din po kami kaya sana po ay pag patuloy nyo lang, tsaka sana po mas madalas ang update hehehe... thank you po ng marami... God speed!!!
ReplyDeleteAng cute cute tlaga ehee.. ooppsss cnu nnmn kaya un. Cant wait to find out. Ehe. Keep it up Mr. A.
ReplyDeleteAz
Maganda po ang flow ng storya mo. Hinde violent kagaya ng ibang storya na may patayan at very intense. Kalmado at peaceful, very relaxing. Tamang tama lang. Cute and exciting!
ReplyDeleteAyos pa nmn ung flow ng story. Just make sure to handle the characters well. Biglang nawala n sa spot ung ibng characters at nafocus na kla niccolo n kurl. Sabay nmn ng pgpasok ng peer ni nic at anonymous charcter. Sguro sakin lng dont hang the roles. Dpat may patunguhn lhat ng tao at gagawin nla sa dulo. Hhah But im still waiting for the twists. :) The story is cute tho.
ReplyDelete-GaMeBOY
author pki habaan mu nman ng kahit konti lng ah...plssssss
ReplyDeleteumpisa na ang gulo...Thanks Mr Author. Sana madali ang update.
ReplyDeleteAng igsi -ã……- nakaka bitin po pero nakaka kilig ayii nekekekeleg sebre ahahaha ansarap basahin
ReplyDelete-Green