Followers

Thursday, June 26, 2014

Starfish [Chapter 8]






Starfish
[Chapter 8]


By: crayon







****Kyle****


12:31 pm, Monday
June 23




Hindi ko inaasahan ang biglang pagbisita sa akin ngayong araw ng aking malapit na kaibigang si Lui. Hindi naman kasi nito ugali na pumunta sa aking tinutuluyan. Katunayan ay isa o dalawang beses pa lang ata ito nakapunta rito buhat ng lumipat ako sa Taguig. Madalas ay sa labas kami nagkikita para uminom o kaya ay kumain.


Namiss ko din naman siya dahil mahigit dalawang buwan na ata mula nang huli kaming magkita. Ang iniisip ko ay busy lamang siya sa trabaho sa Rizal kaya hindi niya magawang makalabas kasama ako. Hindi ko rin naman naisipang yayain din siya na lumabas dahil maging ako ay lunod sa trabaho.


Ikinagulat ko rin ang kanyang hiling sa akin na tumira dito sa unit ko. Hindi naman sa pinagdaramot ko sa kanya yung tinitirhan ko pero hindi ko maiwasang magtaka kung bakit kelangan niya ng matutuluyan. May malaking bahay sila sa Rizal. Kung gusto naman niyang bumukod mula sa kanyang mga magulang ay afford naman niyang bumili ng sarili niyang condo unit o kaya ay tumira pansamantala sa isang hotel.


"Syempre naman welcome ka dito. Sira ba ulo mo?", sagot ko kay Lui. Napansin ko naman na biglang lumiwanag ang kanyang mukha, tila may malaki talaga siyang problema ngayon.


"The best ka talaga Kyle.", nakangiti nitong sagot.


"You can stay here as long as you want, im okay with that. But what bothers me is why are you suddenly homeless?", tanong ko.


"Ahmmmm... Because... I....", kita ko na hindi siya komportableng magkwento pa tungkol sa kanyang pinagdadaanan.


"Kyle, tapos na ako maghiwa.", rinig kong tawag sa akin ni Aki mula sa kusina.


"Sige pupunta na ko dyan.", sagot ko kay Aki. " Mamaya na tayo mag-usap, lulutuin ko lang yung kakainin natin. Make yourself comfy, i'll call you when lunch is ready."


"Alright, thanks.", tipid na sagot ni Lui.


Tinungo ko ang kusina para makapagluto na. Tiyak na gutom na si Aki base sa lakas ng sigaw niya sa akin kanina.


"Nagugutom na ako.", lungkot-lungkutang sabi ni Aki.


"Sandali na lang, ok?"


"Bakit daw napasugod si Lui?", tanong nito.


"I don't know yet, mukhang may pinagdadaanan si loko.", sagot ko habang sinisimulan ang pagluluto.


"Aalis ba kayo?"


"Hindi naman, wala naman siyang nabanggit. Bakit?"


"Wala naman. I'll go home after lunch so you guys can talk?",  sagot ni Aki. Likas itong maiintindihin sa mga ganitong sitwasyon. Alam niya kapag kailangan namin ng privacy ni Lui o ni Renz.


"You don't have to. Bakit uuwi ka agad?",tutol ko dahil gusto ko sana siyang katabing matulog ngayung gabi dahil sa ilang linggo naming hindi pagkikita.


"It's okay. May mga gagawin pa din kasi ako sa bahay. Tsaka kakausapin ko din sila Mama. I'll plan our dinner with them.", nakangiti nitong sagot tanda na bukal sa loob nito ang pagprepresenta na umalis pagkatapos kumain.


"Shit, oo nga pala no. Kelan yun?", masyado kasi akong nasiyahan sa naging resulta nang pag-amin ko sa amin nakalimutan kong ipapakilala pa nga pala ako ni Aki sa kanila.


"Maybe on our next off? I want it done as soon as possible.", excited na sagot ni Aki.


"Fine, call me later okay? After you talk to your parents."


"Yes, boss!", sagot niyang may kasama pang pag-saludo.


"And about Lui, he will be staying here for some time. He seems homeless, i dont know why. Okay lang ba?", pagpapaalam ko sa aking boyfriend.


"Of course, this is your place anyway. You're free to choose whoever you want to stay here.", kaswal niyang sagot.


"I know but i care about your thoughts about who stays in my place. Boyfriend kita remember, and bahay natin 'to. So, i want to know you're take on this. Ayaw ko din namang malaman na may mga lalake o babae kang pinatitira sa condo mo no!?!", paliwanag ko.


"Hahaha, i like it sa tuwing pinakikilig mo ko sa mga ganitong simpleng bagay.", tawa-tawang wika ni Aki habang niyayakap ako. 


"Huy, nakakahiya kay Lui.", paalala ko sa kanya.


"Sorry, i can't help it."


"Oh, anu nga? Okay lang ba?"


"Syempre, Lui's one of your bestfriends. I don't mind if he stays here, especially now that he's homeless. You're not goin to share the same bed, are you?"


"Course not, dun siya sa kabilang kwarto. Aalisin ko nalang yung ibang gamit ko don para hindi magulo."


"Okay, pero di ba mayaman sila? Bakit di nalang siya umupa ng apartment or maybe buy his own unit here?", takang tanong ni Aki.


"Hindi ko din alam eh. Mukhang may matindi siyang pinagdadaanan ngayon. Mamaya ko pa siya kakausapin kasi nagkakanda-bulol siya nung tanungin ko siya kanina."


"Hmmm, i hope things get better for him soon."


"Right, ayusin mo na yung table para makakain na tayo. This will be ready in a few minutes.", tukoy ko sa carbonarang niluluto ko.









****Lui****



12:54 pm, Monday
June 23





Iniisip ko kung ilang colony ng langgam mayroon dito sa unit ni Kyle. Grabe naman kasi sila maglambingan ni Aki parang bagong mag-boyfriend lang sila.


'Nai-inggit ka lang!', bulong ng aking isip.


Aaminin ko may parte ng sarili ko na nai-inggit sa kanila dahil mukhang napakasaya nila samantalang ako ay puro problema ngayon. 


Kahit papaano ay napangiti ako ngayong araw dahil sa isiping masaya na si Kyle sa piling ng kanyang nobyo. Tanda ko pa kung gaano siya kalungkot noong mga panahong puro siya problema siguro ay darating din ako sa punto na kaya kong maging kasing saya ni Kyle.


Napabuntong hininga na lang ako sa isiping iyon. Sa totoo lang ay wala pa akong konkretong plano kung paano magsisimula. Umalis ako sa amin na walang gaanong dalang pera, walang matitirhan, at walang trabahong mapapasukan. Sanay akong mabuhay sa luho. Kahit na walang panahon sa akin ang aking mga magulang noong bata pa ako ay hindi naman sila nagkulang sa pagbibigay ng mga kailangan ko.


Kahit na anong hilingin ko noon ay binibigay nila, mula sa bagong laruan, gadgets, kotse, pera, at kung anu-ano pa. Ngayong umalis ako sa poder nila ay alam kong kailangan kong mag-adjust at matutong magtipid.


Tinawagan ko yung credit card company ko kahapon at nalaman kong naka-freeze yung credit card ko na extension ng card nila Mama. Mayroon naman akong sariling card pero ayaw ko itong gamitin dahil namomroblema pa ako sa ngayon sa ipambabayad ko sa balanse ko roon dahil wala pa akong trabaho. Maging ang joint account namin nila Mama sa bangko ay naka-hold din kaya hindi ko rin magalaw ang perang nandoon. Tanging yung solong account ko na lamang ang maaari kong galawin. May ipon naman ako doon pero tiyak na mabilis ko iyong mauubos kapag hindi ako nakahanap ng trabaho sa lalong madaling panahon.


Worst case scenario ay ibenta ko ang aking sasakyan para ipangtustos ko sa aking mga gastusin. Sa takbo kasi ng mga pangyayari ay pakiramdam ko ay ginigipit ako nila Mama para mapilitan akong umuwi sa amin. Sa ganoong estado ay hindi malayong mahirapan akong maghanap ng maayos na trabaho. Tiyak na pagaganahin nila ang kanilang mga koneksyon para hindi maging madali para sa akin ang mag-apply. Ang lakas maka-teleserye ng nangyayari sa akin ngayon. Hindi ako makapaniwalang nangyayari ang ganito sa totoong buhay.


"Lalim ng iniisip natin pre ah?", nagulat ako sa pagbati ni Aki. Hindi ko namalayan ang paglapit niya sa akin dahil sa aking mga alalahanin.


"Hindi naman.", tipid kong sagot.


"Dito ka daw titira sabi ni Kyle?", lalo akong nahiya sa hiling ko kay Kyle. Maaaring hindi komportable si Aki na may ibang tao sa kanilang love nest.


"Yes, do you mind?", alanganin kong tanong. Kung hindi niya ako gusto na naririto ay hindi ko naman ipagsisiksikan ang sarili ko.


"No, not at all. It's actually good that there's someone I can trust to look after Kyle when i'm not around. Medyo madalang kasi kami magkita ngayon ni Kyle dahil kapwa kami busy sa trabaho. Tsaka kaibigan na din ang turing ko sa'yo. If i can help you in anyway, just let me know.", nakangiting pahayag ni Aki. Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. At least ay hindi ko na kakailanganin pang manatili sa hotel ng ilang araw habang naghahanap ako ng trabaho o ng titirahan.


"Thanks.", sagot ko kay Aki.


"Aki! Lui! Kain na tayo.", tawag sa amin ni Kyle.


"Tara pre, kain muna tayo.", imbita sa akin ni Aki. Tumayo naman ako at sumunod na sa kanya sa dining area. Nagugutom na din kasi talaga ako.


Magana kaming kumaing tatlo ng tanghalian. Masarap pa din talaga magluto si Kyle kaya napadami ako ng kain. Nagkekwentuhan kami habang kumakain. Kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam sa pakikipag-usap sa dalawa.


Tahimik lamang akong nakikinig habang ikinukwento ni Kyle ang nangyaring pagpapakilala niya kay Aki sa kanila. Nakakatuwang natanggap siya ng kanyang mga magulang at supportive ang mga ito sa naging desisyon nya. Nainggit ako sa klase ng relasyon na mayroon sila sa kanilang pamilya.


Matapos ang aming nakakabusog na tanghalian ay nagpaalam na sa amin si Aki ayon dito ay may mga kailangan pa itong asikasuhin sa kanila. Naiwan kami ni Kyle sa sala.


"Beer o Hard?", tanong ni Kyle.


"Ha?", bahagya akong nagulat sa kanyang sinabi kaya di ako nakasagot ng maayos.


"Beer ba o hard ang iinumin natin para mabawasan ang pagkabulol mo sa pagkekwento sa akin.", natawa naman ako sa sinabi ni Kyle.


"Hard na lang.", sagot ko. Pumunta naman agad si Kyle sa kusina at pagbalik nito ay may dala na itong shot glass at isang bote ng Jack Daniels.


"Basagan ba?", natatawa kong tanong dahil sa tapang ng alak na ipapainom niya sa akin.


"Oo, para matuwid yang dila mo.", nakangising sagot ni Kyle.  
"Mag-tseyser ka pa ba o tubig lang?"


"Tubig na lang."


"Ok, uminom ka na kung gusto mo. Magluluto lang ako ng pwede nating pulutan.", paalam nito bago bumalik ng kusina.


Pinasya kong hintayin na si Kyle bago uminom. Ayaw ko namang mauna pa akong malasing sa kanya. Makalipas lang ang labinglimang minuto ay nakabalik na si Kyle. May dala itong isang plato ng piritong spam at isang mangkok ng corned beef.


"Ikaw mag-tagay ha? Baka malasing agad ako eh.", wika ni Kyle.


"Wala ka pala eh.", pang-aasar ko.


"Yabang mo. Asan pala yung mga gamit mo?", panimula nitong tanong.


"Nasa hotel pa na tinutuluyan ko. Kukunin ko na lang mamaya.", sagot ko habang nagsasalin ng alak sa shot glass.


"Ah, okay. Buti pala nag-check in ka muna kasi wala kami dito kahapon. Tagay mu na yan.", sinunod ko naman si Kyle at ininom agad ang alak sa baso. Nagsalin muli ako ng alak sa shot glass para siya naman ang uminom.


"Oo nga eh. Eh di happy ka na ngayon lalo?", tanong ko patungkol sa estado ng relasyon nila ni Aki.


"Oo naman, pero medyo kinakabahan ako kasi sa isang linggo sa kanila naman kami pupunta.", inabot ko ang kanyang tagay na agad naman niyang ininom. "Shet na alak yan! Hahaha. Pero hindi tungkol sa amin ni Aki ang pag-uusapan natin. Anu ngang nangyare Lui?", seryoso nang tanong ni Kyle.


Agad naman akong nagsalin ng alak at uminom bago sagutin si Kyle.


"Madame.", sagot ko. Sinimulan ko ng ikwento kay Kyle ang sitwasyon namin sa bahay at ang kalokohang ginagawa ng aking mga magulang. Tahimik lamang siyang nakikinig sa aking pagsasalaysay ng mga nangyari sa nakalipas na mga araw. 


"Bakit hindi mo agad kwinento sa akin yan?", tanong ni kyle ng matapos ang kwento ko. 


"Hindi ko naman kasi akalain na aabot sa ganito eh. Akala ko nung una hanggang pakikipag-blind date lang ang gagawin ko, nagulat na alang ako pinaplano na nila ang magiging takbo ng buhay ko.", malungkot kong tugon.


"Tsk. Tsk. Tsk. Hindi ba alam ng mga magulang mo kung gaano ka katinik sa chicks?", biro ni Kyle. Alam kong sinusubukan niya lang na gawing light ang aming pag-uusap.


"Yun na nga eh. Nalaman nila kung gaano ako kaloko kaya lalo silang naging pursigido na maipakasal ako."


"Yung Jane na sabi mong magiging 'fiancee' mo, pangit ba masyado? Bakit ayaw mo sa kanya?", usisa ni Kyle.


"Hindi naman siya panget. Hindi ko rin alam kung bakit ayaw ko sa kanya. Siguro ayaw ko lang talaga na matali sa isang taong hindi ko naman kilala."


"Sabagay may point ka. Eh nakausap mo na ba ang mga magulang mo? Baka naman mapapakiusapan mo sila.", suhestyon ng aking kaibigan.


"Hindi mo kilala ang mga magulang ko, iba mag-isip yung mga yun. Hindi sila makikinig sa akin."


"May malaking gap ba kayo sa relasyon ninyo ng magulang mo noon?", napabuntung hininga naman ako sa tanong na iyon. Hindi ko naman masisisi si Kyle sa kanyang mga tanong dahil alam kong curious lang siya. Kahit kasi kanino ay hindi ko ugaling magkwento ng anumang bagay tungkol sa pamilya ko. Ngayon pa lang ang unang pagkakataon na may maririnig si Kyle mula sa akin tungkol sa magulang ko.


"Yes, you can say that. My parents are different from yours, very different. I was born when our family business was just starting to grow. They were so hands on with running the company they barely remembered they have a son. I have learned to live with that and got used to our set up. Anyway, they have always provided me with all the material things that anyone would want when they're a kid, so that somehow ease all my yearning for a parent figure.", seryoso kong pagkekwento kay Kyle. Kita ko naman sa kanya ang concern habang tahimik na nakikinig.


"I'm sorry, i had to ask about your family. I didn't know about that.", tila nahihiya nitong paumanhin dahil sa naungkat pa niya ang issue na iyon sa aking pamilya.


"Nah, its okay. It somehow feels good that i'm able to tell this to you. I never shared this story to anyone but you. Bestfriend naman kita so okay lang yun, i guess. Besides, my childhood wasn't that awful compared to others. I have Manang Osa, she was my yaya and more like my real mother to me. She did her best to do what my mom couldn't do when i was just boy.", muli akong tumagay nang alak.


"Akala ko nung nagbinata ako ay okay na ang lahat para sa akin. I can do whatever i want. I have more than enough money to buy anything i like. I can date any girl i choose. I drive a fancy car. I have a place in our company. Everything was just perfect. Hindi na ako yung batang naghahanap ng kalinga ng magulang. Sanay na akong mabuhay lang ng mag-isa at hindi na naghahanap ng pag-aaruga mula sa ibang tao.", malungkot kong paglalahad.


"That was how beautiful my life is until fate decided to remind me that i have some ultra-weird parents. They started nagging me at how i was being so irresponsible sleeping with different girls everytime, that i should be more serious in life, that i should start looking for a wife to bear their grandchild. They're making me feel like im good for nothing if i cannot do what they tell me. I don't know Kyle if i'm being so unreasonable if i think that what they're doing is unfair, totally unfair.", hindi naman talaga ako iyakin, pero ng mga sandaling iyon ay hindi ko napigilan ang pagpatak ng aking mga luha dahil sa buhos ng emosyon. Pinili ko na lamang na yumuko at tahimik na humikbi para hindi makita ng aking kasama ang aking pagtangis.


Naramdaman ko ang paglipat ng upuan ni Kyle sa tabi ko at ang marahang paghagod ng kanyang kamay sa aking likod na lalo lamang nagpalala ng sitwasyon dahil lalong hindi ko mapigilan ang umiyak.


"I'm sorry Lui that you're going through that and there's so little i can do for you right now. Honestly, i don't know what's best for you. Pero naiintindihan kita kung bakit kinailangan mong umalis sa inyo. If i were on your shoes i would've done the same thing.", pagpapakalma sa akin ni Kyle.


"Don't be sorry Kyle, it's not your fault that my parents are like that. I just can't help to feel like i'm not their son, to them i'm just one of their employees they can order to do what they want. It just seems unfair that they decide on who i should marry. They didn't even bother to ask me about how i feel. Like i owe them everything that i don't have the right to say no to them. Kung kaya ko lang ibalik lahat ng ibinigay nila sa akin ay gagawin ko ora mismo para wala na akong utang na loob sa kanila. This is bullshit!", hindi ko napigilan ang mapamura habang naglalabas ng sama ng loob kay Kyle.


"I know this is difficult for you Lui, just always remember that i'm here for you ok? You were the only friend i had when i was so down and i want to return that favor now. If there's anything that i can do to help, don't hesitate to tell me. Para na tayong magkapatid no?", wika ni Kyle.


"Salamat Kyle, actually sapat na sa akin yung pagpapatira mo sa akin dito. Napakalaking tulong na yon. Don't worry as soon as i get a job, i will look for another place to stay para naman may privacy pa din kayo ni Aki.", nahihiya kong paliwanag.


"Anu ka ba, wag mo isipin yon. Pwede ka naman mag-stay dito kahit may trabaho ka na. Malaki naman 'tong unit ko, hindi ka magiging abala para sa amin. Tsaka nakausap ko na si Aki tungkol dito at walang problema sa kanya. Kung may iba ka pang kailangan wag ka mahiya magsabi."


"Nakakahiya naman kasi sayo eh."


"Tadyakan kaya kita Lucas Willard! Kelan ka pa nagkaroon ng hiya?! Anu ba yun? Kelangan mo ba ng tulong sa paghahanap ng trabaho?", concerned na tanong ni Kyle.


"Pwede bang ano... uhmmm pwedeng... pa-kiss???", natatawa kong sagot.


"Eh kung ikiskis ko kaya yang nguso mo sa pader. Sira pala talaga ulo mo eh!", natatawang sagot ni Kyle. Sinabayan ko na din siya ng tawa dahil kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam ko matapos ang aming pag-uusap. Kaya gusto ko laging kasama si Kyle eh, kasi lagi lang kaming masaya at nagtatawanan. Nakakalimutan ko ang aking mga aalalahanin.


Matapos kaming mag-inuman ay sinamahan ako ni Kyle sa tinutuluyan ko na hotel para kunin ang aking mga gamit. Para kaming tanga dahil tawa kami ng tawa, palibhasa ay pareho na kaming tipsy mula sa pag-inom pero nagpumilit pa rin kami na kunin yung mga gamit ko ngayon.


Wala pang dalawang oras ay nakabalik din kami sa condo ni Kyle. Sunod naming inasikaso ang pagliligpit ng ilang gamit ni Kyle sa kanyang study para magkaroon ng espasyo para sa mga gamit ko. 


Maghahapunan na ng matapos kami sa pagliligpit at pag-aayos ng aking gamit. Nagpa-deliver na lamang kami ng pagkain dahil kapwa na kami tinatamad na magluto.








****Renz****



10:21 pm, Monday
June 23





Nagising ako sa pagkalam ng aking sikmura. Grabe ang nararamdaman kong gutom pakiramdam ko ay kaya kung umubos ng isang party size na pizza o di kaya ay dalawang buong lechong manok. Palibhasa ay halos dalawang araw ata akong hindi nakakain ng maayos.


Ganito naman lagi ang nagiging eksena kapag nagkakaroon kami ng session ng mga bago kong kaibigan. Tanda kong inubos ko ang kahuli-hulihan kong pera sa bangko para bumili ng party x o ecstasy kahapon. Matapos mawala ang epekto nun ay may nag-abot naman sa akin ng marijuana, na hinithit ko kanina lamang madaling araw sa aking kwarto. 


Nakatulog ako katatawa matapos hithitin yung marijuanang ibinigay sa akin. Chill na chill ang aking pakiramdam. Ultimo pati langgam ay pinagtatawanan ko kanina. Napangiti na lamang ako sa aking kaabnuan. Bumangon na ako at nagsuot ng boxers at t-shirt bago lumabas ng kwarto. Sana lamang ay may abutan akong pagkain sa ref dahil gutom na gutom na ako. Wala din naman akong pambili ng pagkain ko kung sakali.


Sa kabutihang palad ay may inabutan pa akong tirang ulam agad ko iyong ininit sa microwave para mainitan naman ang sikmura ko. Para akong pulubi habang kumakain, tila isang buwan na mula nang huli akong kumain. Nang makontento ay inilagay ko na ang pinagkainan ko sa lababo.


Mayroon pa akong natirang konting ecstasy at marijuan sa kwarto na nilalaan ko talaga para ngayong gabi. Bahala na sa mga susunod na araw. Ibebenta ko na lang muna siguro yung sasakyan ko para may maipuhunan ako sa sugal. May schedule pa naman kaming gala sa Resorts World sa Sabado at pakiramdam ko ay suswertehin ako.


Nang makabalik ako sa kwarto ko ay nagtaka ako dahil naiwan ko pa lang bukas ang pinto at ilaw. Tanda ko ay sinara ko iyon dahil di ko namang ugaling iwang nakabuyangyang ang aking silid. Marahil ay medyo basag pa ako. 


Nang ibukas ko ng tuluyan ang pinto, ay bahagya akong nagulat sa babaeng nakaupo sa aking kama at humihikbi. May hawak siyang palara sa kanyang kamay na alam ko kung saan ginamit. Hawak din niya ang natira kong gamot sa kalungkutan.


"Ma, what are you doing here?", alanganin kong sita sa aking magulang.


"What are you doing with these, Renz?", nanginginig na sabi ng aking ina. Kung dahil sa galit o lungkot ang panginginig ng kanyang boses ay hindi ko alam.


"Bakit nyo ba kasi pinapakialaman ang mga gamit ko?", sinubukan kong daanin sa sindak ang aking kausap baka sakaling makalusot pa ako ngayong gabi.


"I am your mother!", sigaw ng aking ina na labis kong ikinabigla. Napaatras ako ng kaunti dahil sa kanyang outburst. "I am a mother Renz! If i think that my son is abusing drugs, i have every right to interfere!"


"Hahahahahaha!", hindi ko alam kung bakit ako tumatawa. Tangina kasing marijuana yan, mukhang may epekto pa din sa akin hanggang ngayon dahil pakiramdam ko ay laugh trip ang ginagawa ng aking ina. "Woooooh! Go Mom!!!", sigaw ko pa habang walang tigil ako sa pagtawa.


"God help me...", umiiyak nang sabi ng aking ina. "This is enough Renz. I'm going to send you to a rehabilitation center.", wika ng aking ina saka lumabas ng aking kwarto. Naiwan naman akong tawa ng tawa at tila wala lang sa akin ang pagkahuli sa akin ni Mama.





****Grace****



7:24 am, Wednesday
June 25




Ang pag-aaruga at pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak ay walang katumbas. Anak na siyam na buwan mong iningatan at inalagaan sa iyong sinapupunan hanggang sa mailuwal mo siya sa magulong mundong susubok sa kanyang tibay at tatag. Anak na ginabayan mo mula sa unang hakbang niya noong bata pa lamang siya hanggang sa unang araw sa paaralan. Anak na pinangaralan mo upang maging isang mabuting tao. Anak na ipinagtanggol mo at prinotektahan mula sa masasama. Anak na naging buhay mo ng ikaw ay maging isang ina.


Ang makita ang iyong anak na unti-unting naliligaw ng landas ay isang napakalaking pasakit sa inang kagaya ko. Ang makita siyang nahihirapan sa kanyang personal na problema ay dobleng hirap para sa isang magulang na tulad ko. 


Lumaking isang mabait at malambing na bata si Renz. Likas siyang malapit sa akin, ganun daw talaga ang mga anak na lalaki likas na maka-nanay. Noon lamang nakaraang taon ay labis akong nagalak sa naging pagbabago sa aking anak, dahil nakitaan ko siya ng malinaw na direksyon sa buhay. Nang itayo niya ang business namin na pastry shop ay labis akong naging proud sa anak ko. Lalo siyang naging responsable sa napakaraming bagay. Nabawasan na ang kanyang pagiging isip bata at lalo siyang naging focus sa kanyang magiging future.


Dati iyon. Ngayon ay hindi ko na alam kung kilala ko pa ang batang ginabayan ko sa pagtanda. Alam kong may pinagdaraanan siya ngayong malaking problema at mali ang kanyang tinatahak na daan para malutas iyon. Ilang beses ko ring sinubukan na kausapin siya tungkol sa kanyang problema ngunit ayaw niyang magkwento sa akin. Masakit na makitang nahihirapan ang aking panganay. Nadalas ang kanyang paglabas at pag-uwi ng lasing. Hinayaan ko lamang siya sa kanyang nais dahil kahit noon pa man ay mahilig na din talaga siyang gumimik. Umaasa na lamang ako na isang araw ay magiging maayos ang lahat para sa kanya.


Isang desisyon na sana ay hindi ko na lang nagawa dahil hindi ito nakatulong sa aking anak. Nagulat na lamang ako isang araw ng tumawag sa akin ang supervisor ng shop para ipaalam na ilang araw ng hindi pumupunta sa shop si Renz. Hanggang sa nalaman ko na lamang na nauubos niya ang lahat ng kita ng shop. Nang magtanung-tanong ako sa kanyang mga kaibigan ay nalaman kong lulong na pala siya sa sugal.


Mula noon ay araw-araw ko na siyang pinapangaralan at sinusubukang kausapin tungkol sa problema pero para akong nakikipag-usap sa pader dahil wala akong nakukuhang sagot mula sa kanya.


Nasa ibang bansa ang aking kapareha kaya nasa akin nakaatas ang tungkulin na disiplinahin ang mga anak namin. Dalawang araw lang ang nakalilipas ng subukan kong kausapin muli ang aking anak. Tinungo ko ang kanyang kwarto para tingnan kung gising na siya. Hindi ko siya dinatnan sa kwarto na nagmukhang basurahan dahil sa dami ng kalat.


Habang nagliligpit ako ng kanyang gamit ay may nakita akong mga bagay na hindi ko akalaing makikita ko sa kwarto ng aking anak. Alam kong mga gamit iyon sa pagda-drugs. Gusto kong isipin na hindi iyon sa anak ko pero alam kong lolokohin ko lamang ang sarili ko. Halata sa laki ng ibinagsak ng kanyang katawan at sa lalim ng kanyang mga mata na maaaring lulong din siya sa ipinagbabawal na gamot.


Nang sitahin ko siya tungkol rito ay tinawanan niya lamang ako ng parang isang baliw. Wala akong nagawa kundi ang lumuha. Lumuha ako dahil pakiramdam ko ay hindi ko nagawa ang tungkulin ko bilang isang magulang. Umiyak ako dahil labis akong nasasaktan sa nangyayari sa aking anak at hindi ko alam ang dapat kong gawin para matulungan siya. Tumangis ako dahil hindi ko na kilala ang batang tumatawa noon sa aking harapan habang pumapatak ang mga luha sa aking mga mata.


Sinabi kong ipapadala ko siya sa rehab pero hindi ko rin alam sa sarili ko kung kaya ko ngang gawin iyon. Ayaw kong isipin na wala ng pag-asa pa ang aking anak na baguhin ang kanyang sarili nang walang tulong ng ibang tao. Likas na matapang at matatag ang aking anak, alam kong kaya niyang ilayo ang kanyang sarili sa mga ganitong bisyo pero hindi ko na talaga alam kung paano siya tutulungan na gawin iyon.


Dinampot ko ang aking cellphone at tinawagan ang tanging taong inaasahan kong pakikinggan ni Renz maliban sa akin.


"Hello, Kyle..."








...to be cont'd...

2 comments:

  1. Hi, I've been reading your story and this is one of the best here in this site. In the first book, I was really rooting for Lui and Kyle but then I realized it wouldn't happen. So my next choice was Renz but then again I was wrong because it was Aki all along. Haha But anyway, I'm so excited with how the story will evolve as the other chapters unfold. If I may say, you're one of the best authors and your grammar is always on point. I hope you'll update more often. Btw, I love Kyle's character.

    Marvs :-)

    ReplyDelete
  2. Thanks sa update... bitin.. hmmmmmm... worth waiting.. keep it up!

    -arejay kerisawa, Doha Qatar

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails