Followers

Sunday, June 15, 2014

Gapangin mo ako. Saktan mo ako. [Epilogue: Si Dimitri]


Gapangin mo ako. Saktan mo ako: Si Dimitri
[Epilogue]

Disclaimer: Di ko pag-aari ang larawan.
Facebook: Paiibigin Kita (Boy Cookies)
E-mail: comegetmycookies@gmail.com



“Sir, here's your Iced Arabica. Have a great day!” Bati ng server habang nilalapag niya sa mesa ang kape na aking inorder kanina.

Nasa labas ako ng coffee shop ngayon, muli akong nagbalik sa paaralan na minsan naging malaking bahagi sa aking buhay. Dito ko nakilala ang mga taong nagbigay kulay sa aking mundong black and white. Habang pinagmamasdan ko ang mga estudyanteng nag-aaral, labas-pasok sa coffee shop, at nakalapag ang mata sa notes nila, di ko mapigilan isipin ang pagiging estudyante ko noon.

Napangiti na lang ako.

Hanggang sa naalala ko ang taong minsang gumulantang sa akin...

“O, bakit?” Matabang na sabi ni Riza. Pinagmasdan ko ang kanyang porma ulo hanggang paa at napansin ko ang kakaibang Riza na di ko pa nasilayan noon man. Isa na siyang propesyonal ngayon, nakasalamin, at nakatali na ang buhok. Matikas ang tindig. Naka-blazer na hapit sa kanyang kurbada at naka-slacks na nakapag-eemphasize sa kanyang mahabang legs.

Kung susumahin, ibang-iba na ang Riza na nakikita kongayon. Disiplanado, pino, at nakakatakot. Palaging nakasimangot, at tila ba nakakatunaw ang mga titig. Di ko alam kung likas na ba na ganito ang kanyang pakikitungo sa tao, o di kaya'y ganito na ang kanyang pakikitungo sa akin.

Malaki kasi ang kasalanan ko sa kanya. At di lang sa kanya.

“H-Hi, Riza. Kamusta. Upo ka.” Nahihiya kong tugon habang binukas ang palad na nakaturo sa upuan na nasa harap ko upang imbitahin siyang umupo. Dahan-dahan niyang nilatag sa mesa ang kanyang briefcase at nag-number four ang kanyang legs, sabay tupi sa kanyang mga braso at ayos sa kanyang salamin gamit ang kanyang middle finger.

Isang salita lang ang masasabi ko sa kanya: nakakatakot.

“Dimitri,” tawag ni Riza sa akin sabay taas ng kilay niya, “wala akong panahon para makipag-usap sa'yo na tila ba maibabalik natin ang kahapon. Hindi na ako ang Riza na dati mong kaibigan na nakikiride sa mga kabaliwan mo. Hindi na ako ang Riza na nakikinig sa'yo palagi at inaalo ka sa lahat ng iyong problema. At higit sa lahat...” pag putol ni Riza sabay stretching sa kanyang leeg.

“Hindi na ako ang Rizang bestfriend mo na bubuntot-buntot sa'yo.” Matigas ang boses ni Riza at may conviction. Napaatras ako sa aking narinig at nararamdaman ko ang paninigas ng aking lalamunan.

Mistulang natapunan ako ng isang litrong hiya.

“Pasensiya na Riza... Alam ko naman na galit ka sa aki-”

“Oo! Oo Dimitri! Galit na galit ako sa'yo! Alam mo ba ang ginawa mong katarantaduhan ha?! Nang dahil sa trauma na tinanim mo sa utak ni Angelo, nawala siya ngayon. Kung di mo sana siya inabuso noon, mabibigyan pa natin sana siya ng pagkakataon na baguhin ang kanyang sarili, ang kanyang takot sa mundo. Nawalan siya ng kapatid walong taon ang nakalipas, anong ginawa mo sa kanya? Ginahasa mo siya! Napakabastos mo, akala ko pa naman matalino ka para alamin ang tama at mali!” Tumaas ang boses ni Riza dahilan na pinagtinginan kami ng mga tao na dumadaan sa lobby ng coffee shop.

Gusto kong sagutin si Riza, pero anong magagawa ko? Tama naman siya. Ako naman talaga ang dahilan. Kung sana sinabi lang sa akin ni daddy ang mga pangyayari sa buhay ni Angelo, di sana mas nagdalawang-isip pa ako kung magagawa ko ba ang mga bagay na iyon sa kanya.

Pero huli na ang lahat. Walong taon na ang lumipas. At malamang, namamahinga na siya kung saan man siya napadpad.

“Riza, wala akong masasabi sa'yo kundi ang sinabi ko sa'yo simula noon, paulit-ulit akong magsosorry sa'yo at paulit-ulit kong pagsisisihan ang ginawa ko.” Yumuko ako at napakapit sa aking ilong. Nararamdaman ko na ang luha ko na papatak ilang sandali mula ngayon.

Tumawa ng pakutya si Riza, umiling, at paarteng pumalakpak.

“Akala mo Dimitri, madadala mo ako sa drama mo? Dimitri, kahit ako niloko mo! Niloko mo ako, pinaniwala mo akong mahal mo siya, tapos di pala! Kung di ko pa nalaman sa ibang tao na nakikipagkita ka kay Corina noon, kung hindi pa umabot sa sukdulan ang lahat, hindi ka aaminin at di mo kaklaruhin lahat. Kahit pa noong nagdududa ako sa'yo dahil sa mga narinig ko, pinag-usapan natin na kahit mahal mo si Angelo o hindi, ayusin mo ang lahat ng bagay. Hindi maaaring sunugin ang bahay kung hindi pa nalabas lahat ng gamit na nasa loob nito. Dimitri naman, gaano ba kahirap ang magpakatotoo sa sarili? Kung mahal mo si Corina, fine! Kung kayo talaga, wala na akong magagawa at hindi ko na ipipilit pa! Titigil na ako. Pero this time Dimitri, iba eh. Di mo lang buhay ang kinutya kay Angelo, pati katauhan niya! Dimitri, sana nagpakatotoo ka!!” Sumigaw si Riza sabay hampas ng mesa.

Umeecho sa tenga ko ang tili ni Riza: “Sana nagpakatotoo ka!!” Tama siya, sana nagpakatotoo na lang ako. Sana nagpakatotoo na lang ako sa aking nararamdaman. Sana nagpakatotoo ako sa lahat ng ginawa ko.

“Tama ka Riza, sana nagpakatotoo ako. Sana...” Nabibiyak na ang boses ko dahil sa sobrang emosyon na aking nararamdaman. Di ko na kayang isipin at sariwain lahat ng mga kagaguhan na ginawa ko sa “kanya”.

Sinubukan kong tingnan si Riza, ngunit nanatili siya sa kanyang posturang nakaupo ng tuwid, nakatupi ang braso at naka-number four ang legs. Nakataas ang kilay at mala-tigre ang tingin sa akin.

“'Sana' ano, Dimitri? Sana di mo siya sinaktan? Huli ka na. Huling-huli ka n-”

“Sana di ako naguluhan.” Diretso kung sabat kay Riza. Nag-expect ako na magbabago ang kanyang mukha upang maging curious sa sinabi kong 'naguluhan', nag-expect ako na maging interesado siya sa aking sinabi. Ngunit di man lang siya gumalaw kahit isang kalamnan, at ang tingin niya ay dahan-dahan pa ring nagtutunaw sa akin.

Suminghag si Riza, di siya impressed sa aking sinabi.

“Naguluhan? Dimitri, hindi ka naguluhan noon. Wag na tayo maglokohan, please? Wag mo na ako utuin, kasi walong taon na ang nakalipas. May anak ka na, may anak na rin ako, pumasa na ako sa bar exam at ngayon lawyer na ako, pero hanggang ngayon maglolokohan pa ba tayo?” Sarkastikong taas ng boses ni Riza.

Nanahimik ako sandali.

“Siguro Riza, nagkamali ako, oo. Oo, inaamin ko ang aking pagkakamali. Di ko naman hinihiling na mapatawad mo ako, o mapatawad 'niya' ako. Isang bagay lang naman ang hinihingi ko mula sa'yo Riza.”

“Ang alin?”

“Ang pakinggan mo naman ang side ko.”

“Dimitri,” umiling si Riza at bahagyang tumawa, “napakinggan na kita noon pa! Andiyan ako palagi sa tabi mo kaya alam ko lahat ng mga nangyayari sa'yo. Sabi ko nga, kahit nagduda ako, alam ko kung ano ang mga nangyari at ano ang iyong mga tinatago. Ayaw ko lang silang paniwalaan dahil naniniwala akong mahal na mahal mo pa rin si Angelo. Ang dahilan kung bakit di ko ginusto alamin kung totoo nga ang mga haka-hakang naririnig ko, kasi ayaw ko masaktan si Angelo. Alam ko lahat ng 'under-the-table' mo, Dimitri. Pinili kong manihimik, magsinungaling, at itago ang katotohanan mula sa aking sarili, at kay Angelo. Tangina Dimitri, di ko nga nagawang masabi kay Angelo na nagdududa na ako, kasi ayaw ko gumuho ang mundo niya. Alam mo ba, sa loob ng 33 months na naging kayo, sa'yo lang umiikot ang mundo niya? Tapos anong ginawa mo?” Mistulang sibat ang mga salita ni Riza na tumutusok-tusok sa puso ko.

“Riza, tama. Maaaring nagduda ka. Maaaring naghinala ka. Maaaring may alam ka na sa mga ginagawa ko noon. Pero gusto ko lang malaman mo na mayroon ka pang hindi alam.” Pinigilan ko ang aking luha sa pag-agos dahil ayoko magmukhang talunan sa harap ng dating bestfriend ko.

“Ang alin? Na may ginagawa ka pang masama kay Angelo na mas masahol pa sa paggahasa sa kanya, ganon?”

“Hindi,” bumibigat na ang aking kanang mata, dahan-dahan nang bumibigay ang aking luha hanggang sa hindi ko na ito napigilan. Sumunod na lumuha ang kaliwang mata ko at napapikit ako sa sobrang emosyon.

“Mahal ko na si Angelo noon pa.”

Suminghag ulit si Riza at napalingon sa kawalan. Tumawa siya ng malakas at pakutya habang umiiling, sabay laro sa kanyang ngipin gamit ang kanyang dila.

“Alam mo Dimitri, isa akong professional, pero allow me to say this this time. WOOOW,” sarkastikong sigaw ni Riza, “WOW NAMAN! MAHAL MO SI ANGELO NOON PA! HAHA, KING INA MO DIMITRI, ULOL GAGO LA NANG MANINIWALA SA'YO! LOKOHIN MO PEMPEM KO!”

“Kaya naguguluhan ako Riza, naguguluhan ako kasi na-trap ako sa pagpili sa pagitan ng pagkamit ng dream girl ko noon pa, at pagpapanatili sa taong nagpapasaya sa akin that time. Riza, eto ang di mo alam. Malamang ang alam mo ay ang mga panloloko ko, pero gusto ko lang sabihin sa'yo na nagawa ko lang iyon dahil sa sobrang galit ko kay Angelo. Sa tingin mo, bakit ako magagalit kay Angelo na nakipag-sex siya sa iba kung wala naman talaga siyang halaga para sa akin?” Umiyak na ako at medyo di na nauunawaan ang aking speech dahil sa nag-uumapaw na emosyon sa aking damdamin.

Natigilan si Riza at napatitig kay Angelo. Iyan ang tanong na dapat sagutin ni Riza: bakit ako magagalit kay Angelo na nakipag-sex siya sa iba kung wala naman talaga siyang halaga sa akin?

Tahimik. Nagtitigan kami ni Riza. Maya-maya ay bumuka na ang bibig ni Riza at kinakabahan ako sa pwede niyang sabihin.

“Hindi yan pagmamahal Dimitri. Dahil kung tunay mong mahal si Angelo, kakausapin mo siya ng maayos kung bakit nagkaroon siya ng sex video. Hindi iyong huhusgahan mo siya, at gagamitin ang kahinaan niya laban sa kanya. Dimitri, pinagsamantalahan mo siya, sa tingin mo pagmamahal pa rin ang tawag sa lahat ng panggagapang mo sa kanya? Tsk tsk.” Umiling si Riza at nakasimangot ang mukha.

“Oo Riza, maaaring tama ka. Pero it doesn't make it less true na may halaga siya sa akin. Kaya ako nagalit sa kanya, dahil akala ko ako lang. Dahil akala ko, wala nang iba sa kanya.”

“Tsssh!” Sigaw ni Riza hudyat ng pagkairita niya.

“Dimitri matanong ko nga, kailan pa kayo nagkikita ni Corina?”

“Simula first year.”

“Gaano kadalas?”

“Madalas kaming mag-sex noon. Pero dahil lang iyon sa sobrang gusto kong maangkin si Corina. Pero nang naging kami ni Angelo, or ilang buwan before nun, hindi ko na siya inentertain dahil paniwalang-paniwala ako na si Angelo lang talaga-”

“So minahal mo si Angelo, tama?”

“Oo. Pero may mga panahon na nabibingwit ako ng temptasyon-”

“Bakit ka naman mabibingwit sa temptasyon kung mahal mo si Angelo. Malamang mahal mo rin si Corina, tama?”

“Oo, mahal ko rin si Corina noon pa.”

“So all those times na naging kayo ni Angelo, nahahati ang pag-ibig mo kay Angelo at Corina?”

Tumango ako hudyat na sumasang-ayon ako sa kanyang sinabi.

“So... sa noong first year, habang may nararamdaman ka kay Angelo, pilit lumalapit si Corina at pinapansin mo. Ikaw rin, habang pinapaniwala mo si Angelo na siya lang, naghahanap ka rin ng paraan upang magconnect kayo ni Corina... kahit pa ginagawa niyo to sa likod nila Gab, na boyfriend ni Corina that time, at ni Angelo na boyfriend mo rin that time. Correct?”

“Oo Riza. Dahil sobrang lito ako kung sino sa dalawa ang ipupursue ko kaya mas pinili kong itake advantage ang nararamdaman kong saya sa dalawa.”

“So yung eksena niyong nakahubad na nagtatalo kayong dalawa sa dorm lobby, National Math Competition, Student's night, yung mga kwento mo noong sembreak sa bahay nila Angelo, lahat ng mga ngiti na nararamdaman mo noon, totoo?”

“Oo, Riza.”

“Inuulit ko Dimitri, lahat ng kasiyahan na nararamdaman mo noon, totoo ba o hindi?”

“Totoong-totoo Riza.”

“So sa simula, hindi ka straight?”

“Noong nakilala ko si Angelo sa SEAU convention, hindi na. Mahal ko siya Riza at hindi mo na ako kailangan i-cross examine nang malaman mo ang nararamdaman ko sa kanya noon. Kaya nga humingi ako ng tulong sa'yo di ba, na pagselosin natin siya? Para malaman ko kung totoo ba ang nararamdaman niya sa akin dahil nagseselos ako na mas pinagtutuunan niya ng pansin ang bestfriend niya kesa sa akin. Kaya nga pumayag ka, di ba, na tulungan akong alamin ang totoo dahil kahit ikaw alam mong pagpasok ko sa SEAU, bisexual na ako at alam mong si Angelo ang dahilan. Tuwang-tuwa ka pa nga noon na ikwento ko sa'yo kung ano ang mga nangyayari at nararamdamin namin. At ngayong magdududa ka?”

Tumawa si Riza at tinanggal ang salamin mula sa kanyang mukha. “Wala kang magagawa Dimitri kung magduda man ako. Alam mo sa totoo lang Dimitri, naguguluhan ako sa'yo. Tama, ito iyong mga bagay na sinabi mo sa akin noon. Pero sa isang banda, may lihim ka palang pagkikita kayo ni Corina. Pinagwalang-bahala ko ito Dimitri, pinalusot ko sa kabilang tenga ko for the sake of Angelo. Pinagalitan kita. Tapos, nagsimula ka nang manlamig sa kanya, at nagsimula mo nang kalimutan ang mga mahahalagang araw ni Angelo at ninyong dalawa. Tapos, nagsimula mo na siyang sagutin, sigawan, iwanan. Sa tingin mo, maniniwala pa ako sa una mong sinabi na 'mahal mo siya' kung nagtutugma ang mga haka-haka ng ibang tao at ang mga nakikita ko? Sa tingin mo ba masasabi ko pa rin, as an average reasonable person of judgment, na mahal mo nga si Angelo? Dimitri, cut the shit already. You can tell that you are doing something if you're doing the opposite. Hindi ako tanga. Pero nagpapakabingi ako Dimitri, dahil ayaw kong masaktan si Angelo. Ikaw, anong ginawa mo?”

Nagbuntong-hininga ako at napapikit. Hindi pa rin tumigil ang luha na dumadaloy sa aking pisngi habang nakikinig ako sa mga salita ni Riza. Bilang lawyer, magaling siyang mag-analyze, pero bilang isang kaibigan at bilang isang tao, magaling siyang makiramdam.

“Riza... kahit ganoon ang mga ginagawa ko, I never loved him less. Noong naging kami, siguro mas lumakas lang ang kapit ni Corina sa akin kaya madalas kong nakakalimutan ang monthsary namin-”

“Naaalala mo pa ba hanggang ngayon kung kailan ang monthsary ninyo?”

Natigilan ako. Nanlaki aking mga mata, at iniisip ko kung kailan ang monthsary namin – ngunit di ko na maaalala. Nagtitigan kami ni Riza at halatang nakikitunog siya sa akin kung ano ang susunod kong sasabihin.

“See Dimitri? Di mo na nga maalala ngayon kung kailan ang monthsary ninyo.”

“But you get my point Riza. Kahit pa nasaktan ko siya, kahit pa niloko ko siya ng ilang ulit kahit pa noong naging kami, takot akong mawala siya. Siguro lumakas lang ang loob ko na subukan diskobrehin kung anong pwedeng maging kami ni Corina. Ginagawa kong excuse na pupunta ako sa iba't-ibang lugar, para lang makita si Corina. Pero siguro naman enough reason na rin yun na mapatunayan ko kay Angelo na mahal ko siya, kasi ayaw ko masaktan siya. Ayaw ko masaksihan niya ang panloloko ko sa kanya. Ayaw ko magka-ideya siya na mayroon akong kinikitang iba maliban sa kanya.”

“And you call that love? Dimitri? You call that love?”

“Why? What other term can you call it then, Riza?”

“Alam mo Dimitri, noon pa man nagduda na ako eh. Noong una mong sinabi na gusto mo siyang maging kaibigan? Alam ko na maaaring sa hinaharap, may gagawin kang di kaaya-aya para sa kanya. At hindi ako nagkamali. Pero hinayaan ko yun Dimitri. Iniisip ko, na baka ang bestfriend ko, pwede pa magbago. Pwede pa mabihisan ng maayos, at baka kung may uusbong man diyan sa nararamdaman mo para sa kanya, siguro matututunan mo ring panatilihin yan. Pero Dimitri, ilang ulit ko nang pinagtakpan ang pwet mo para sa kanya, kailangan ko pa lumipat ng paaralan para sa'yo! Nagsinungaling ka at nagloko ka at lahat-lahat sa kanya, and you call it love?!”

“Wala akong choice Riza. Gusto ko rin si Corina, at alam mo yan. But I have to try how things will work for us nang di ko nasasaktan si Angelo. I also care for Angelo as much as he takes of himself.”

“Then sana di ka nagcommit sa kanya! Gago ka ba? Alam mo ba ang salitang 'commitment', Dimitri? Ibig sabihin, wala ng iba at dikit na dikit na lang kayong dalawa sa isa't-isa for the time being unless you decide otherwise, to part ways. Alam mo kung bakit? Para di siya umasa. Pero umasa siya sa'yo Dimitri, good di ka nya nabokya, pero sana inisip mo one way or another, malalaman niya rin to mula sa iba!”

“Exactly. Nagkamali ako. Pero I loved Corina as much as I did love him. I just couldn't choose.”

“Listen, Dimitri, makinig ka.” umiiling si Riza sabay simangot, “fine! Nalilito ka na sa nalilito ka. Pero what I'm saying, di mo kailangan paasahin siya na siya lang. Alam mo, kahit may kahati siya sa'yo, tiyak di ka bibitiwan nun. Alam mo kung bakit? Dahil mahal na mahal ka niya Dimitri. Malamang, anong sabi ni Corina sa'yo? 'Walang makakaalam, tayong dalawa lang.' Pero pakshet Dimitri, pinilit pa niya talagang makaalam si Angelo sa pamamagitan ng pag-insert ng hotel card sa bag mo, may message pa! Naging malamig ka kay Angelo dahil kay Corina, tiniis niya to sa buong second year niya, pero inakala niyang okay lang kayo, kaya di ito naging issue para sa kanya. Napasok ka sa basketball team, at dun na ako masyadong nakakarinig ng mga bagay-bagay tungkol sa inyo. Salamat sa mga ka-varsity mong mayayabang. Tapos kinonchaba mo pa sila na huwag sabihin kay Gab? Wow naman Dimitri, di lang si Angelo ang pinaikot mo, si Gab din! Ano bang kasalanan ng mga taong inosente sa'yo at bakit ang hilig hilig mong manakit ng mga taong hindi nangingialam sa'yo?!” Sigaw ni Riza sabay hampas sa mesa, dahilan nang natapon ang kape ko at nabuhos sa aking pantalon.

Ramdam na ramdam ko ang lamig ng Iced Arabica sa shorts ko, pero mas nararamdaman ko ang sakit at hapdi na nararamdaman ni Riza mula sa kanyang mukha na puno ng sakit at pait. Di ako makapaniwala na ako ang dahilan kung bakit naging mapait ang dating matalik kong kaibigan.

Di ako makapaniwala kung anong hayop ako naging.

“Riza... I'm sorry. Kagaya mo, ako rin nasasaktan. Siguro mas matalino lang kayo emotionally kaysa sa akin. Noong magti-third year, mas dumalas na ang pagkikita namin ni Corina. We eat dinner, we had dates, we had sex, we do a lot of things intimately together. Naramdaman ko ang saya ng pagiging in a relationship-”

“It's because di mo man lang tinry ang makipag-usap, makipag-date, o makipag-love making mo kay Angelo. Fine, magboyfriend nga kayo, pero ano ba talaga siya sa buhay mo? Siguro kung cake ka, topping lang siya.”

Nagkaluhaan na kami ni Riza, at hapon na hapon, ang aga aga namin umiyak. Lahat ng mga estudyanteng dumadaan sa coffee shop ay napatingin sa amin dahil sa taas ng boses namin, at dahil sa prominence naming dalawa sa SEAU.

“Sinusubukan ko naman Corina eh. Kaso naririnig ko na lang na magkatabi sila ni Gab matulog, si Gab palagi kasama niya kumain, si Gab palagi niyang kinakausap, si Gab na lang lahat! Paano ba naman ako makakaporma kung sa lahat ng bagay na naririnig ko tungkol kay Angelo sa panahong magkalayo kami, eh puro Gab na lang ang lumalabas?”

Huminga ng malalim si Riza.

“Nakita mo na ba silang magkasama dalawa? Sagutin mo ako Dimitri, natunghayan mo na ba na magkasama silang dalawa?”

Natigilan ako. Oo nga, hindi ko pa sila napansin na magkasama. Tsk.

“H-Hindi pa.”

Tumawa si Riza na mapait ang tono. “See, that's what I'm talking about. Mahilig kang magdesisyon ng di nag-iisip. Dimitri naman. Alam nating lahat na after first year, not in good terms sila ni Gio. Alam nating lahat na busy si Gab sa basketball team, kasama mo. Alam nating lahat na nagpakasasa siya sa aralin at academics, so paano siya magkakaroon ng time para kay Gab? Dimitri, bestfriend ko rin siya. At alam ko ang mga pinag-gagagawa niya. Hindi siya ang taong narinig mo noon. Bakit, sino ba may sabi sa'yo na ganoon si Angelo?”

“Si-”

“Corina? Tama ba ako? Si Corina ang nagsasabi sa'yo na masamang tao si Angelo at nanloloko siya sa'yo, tama ba?”

Tumango ako upang ipaalam na tama si Riza

“Babe, mahal mo ba ako?” Sabi ni Corina sabay kurot sa dibdib ko habang nagapapahinga kami mula sa isang masarap na bakbakan.

“Oo.”

“Alam mo Dimitri, thank you for being honest with me na hindi ka straight, pero you have to make up your mind. Is it me, kung saan sa akin, magkakapamilya ka, magkakaroon ka ng anak na magiging kamukha mo, at magkakaroon ng mama ang anak mo, at magiging masaya tayo, o dun ka ba kay Angelo na malandi, maharot, nasa loob ang kulo?”

Nagulat ako sa sinabi ni Corina. Nasa kama kami at napaupo ako mula sa pagkakahiga dahil sa pagkagulat.

“Anong ibig mong sabihin Corina?”

“Di mo ba alam? Alam nating lahat na he's not straight, at parang pinopormahan siya ni Gab. Nagpapalandi naman siya at the last time I heard, parang madalas na natutulog si Gab sa kwarto niyo? I know Gab can be bent, sa bagay, wala ng straight sa panahon ngayon. Alam ko sooner or later mahuhulog din si Gab kay Angelo. But I want you, and you want me. I don't think mahal ka pa ni Angelo. Malamang wala pa siyang ideya sa namamagitan sa ating dalawa, but magkakaalam din siya, at iiwan ka rin niya. Iiwan ka niya Dimitri. At sa bagay, hindi pa bakla si Angelo, bisexual pa rin siya kagaya mo, pwede pa siya magkakagusto sa mga babae. Mas marami kang kumpitensiya. Pero ako Dimitri, andito lang ako palagi para sa'yo. Garantisado di kita iiwan.” Sabay halik ni Corina sa labi ko at pinagpatuloy namin ang aming bakbakan nang biglang nagring ang phone ko.

“Jack? Nasaan ka na? Nasa restaurant na ako. Anniversary natin ngayon uy! Happy Anniversary. One hour late ka na sleepyhead. Wake up! :)” Ang text ni Angelo sa akin.

Ngunit patuloy sa paghalik sa akin si Corina. Kinuha niya ang phone ko at tinapon niya sa dress rack. At muli naming pinagsaluhan ang kamunduhan...

...ngunit nakalimutan kong daluhan ang anniversary namin ni Angelo.

Sa punton iyon Riza, litong-lito na talaga ako. Gusto ko nang iwan si Angelo pero di ko kaya. Si Corina naman, hindi siya nabigong pasayahin ako-”

“Sa kama? Naku naman Dimitri, kung sex lang pala ang habol mo, sana di mo na lang ginawang fubu si Angelo.”

“Hindi, hindi Riza. Palagi akong pinasasaya ni Corina sa maliliit na bagay.”

“Pero di mo naiintindihan Dimitri! Dahan-dahan ka niyang kinukuha mula kay Angelo! Di ko magets Dimitri kung bakit ka nagpaloko sa kanya na ang tali-talino mo! Tapos ngayon sasabihin mo, 'minahal ko talaga siya.'. Tangina Dimitri, saang bahagi ba doon ang minahal mo si Angelo kung handa mo pala siyang bitawan? Dimitri, naguguluhan ako. Matalino ka pero one day sasabihin mong si Angelo ang everything mo, then the next day sasabihin mong hindi at ready mo na siyang pakawalan. So noong nagthird year tayo, sino na ba talaga?”

Natahimik ako sa mga sinasabi ni Riza. Di ko alam kung bakit bawat salita niya ay tugmang-tugma at nakakadescribe sa sarili ko. Natigilan ako, at tama nga. Alam ko kung saan papunta si Riza.

“S-Si... Corina.”

Tumulo ang luha ni Riza at hinampas ang kanyang kandungan at nagkibit-balikat sabay iling. Halata ang frustration at pagka-disappoint mula sa narinig kay Dimitri.

“So tama pala ang mga narinig ko. Shit, puking ina ka Dimitri. Sana pala kinumpronta na kita kaagad. Sana di ko pa pinataas ang panahon ng pagdududa. Sana niligtas ko na si Angelo bago mo pa siya masira.” Umiiling si Riza habang pinipigilan ang luha na dumaloy mula sa kanyang mga mata. Basang-basa ko sa kanyang expression ang pag-aalala at pagkatalo sa mga bagay na di sana nagawa niya para matama ang lahat ngayon.

Alam ko ang pakiramdam dahil pareho kami ng sitwasyon.

“Oo Riza, ilang beses na akong nahuli ni Angelo na may iba. Pero di niya alam na si Corina pala ang babaeng ito. Pero alam mo, tama naman eh. Akala ko magiging masaya ako, pero hindi. Hindi ako masaya.”

“Panindigan mo yan dahil pinili mo yan.”

“Oo, alam ko Riza. Pero wala na rin akong magagawa kung gusto kong sumaya. Tao rin ako at nangangailangan ko rin ng chance para sumaya.”

“You had your chance.”

“And I want it back.”

“You can't. You won't. Third year pala noong sinisiraan na ni Corina si Angelo sa'yo. Haha, fuck shit lang Dimitri. Di totoo kung anuman ang pinagsasabi niya sa'yo. Alam kong alam mo na hindi yan magagawa ni Angelo. Alam nating lahat kung ano at sino si Angelo, ngayon ang tanong ko, bakit ka naniwala kay Corina?”

“Di ko alam Riza. Di ko alam. Siguro dahil medyo nararamdaman ko na ang pagiging distant namin sa isa't-isa.”

“Eh kasalanan mo naman kasi Dimitri eh! Kung di ka lumandi kay Corina at kung di mo pinaasa si Angelo, edi di ka sana maghahabol kay Corina. Tingnan mo, si Angelo nanahimik lang. Pero di mo alam kung anong effort ang kaya niyang gawin para sa'yo. As early as 14 years old, he bailed you out! First year pa lang tayo Dimitri, alam mo ang mga kayang gawin ni Angelo. Bakit di ka naniwala sa kanya? Bakit lumayo ka sa kanya? Bakit hinayaan mong may makasungkit sa'yong iba?!”

“Kasi ang babaeng sinasabi mong sumusungkit sa akin ay ang babaeng gusto ko ring sungkitin noon. Kung di lang dahil sa'y-”

“Sa akin? Wow, what the fuck? Sinasabi ko lang ang alam ko Dimitri, at alam ko noong high school na hindi siya ang babaeng inaakala mong si Corina. Dimitri, pinagpapasahan na siya ng kung sino-sinong lalake. At take note: high school pa tayo noon! At nung nag-miss campus 2012, niluto niya ang kumpitisyun Dimitri. Think of all these things, done by a 16 year old lady. Hindi ko naman kita pinapalayo mula sa kanya dahil gusto ko lang. Oo, fine, binasted kita. It's because childhood friends tayo Dimitri since elementary and we work better that way. At alam kong kung meron mang namagitan sa atin before, puppy love lang yun. And I'm happy naging bestfriend kita. Same noong High School pa tayo sa inyo ni Corina puppy love mo lang, just a girl every boy has a crush on. And this is normal, pero that doesn't mean it's love. Kaya binawalan kita. Kasi I know sa high school, relationships aren't taken seriously. Kung tinetake seriously man, well congrats. Aside sa ayoko kay Corina, ayokong magkanda-sira sira ka Dimitri. You're better than that. So wag mo akong sisihin kung nag-effort ako para sa'yo, dahil (1) alam ko ang kalidad ni Corina. She even attempted to bully me kasi she can't get through you. Naalala mo yung pizza pie incident? Na nagpasok siya ng panis na pizza sa bag ko. Anong ginawa ko? Pinagbubugbog ko siya at pinapilit sa kanya na kainin ang panis na pizza na pinasok niya sa bag ko. Is that normal for her Dimitri? No, I don't think so. (2) dahil ayaw kong masira ka Dimitri. You should have been a nice guy.”

Natahimik kaming dalawa at hindi ako makapagsalita.

“Pero alam mo kung ano Dimitri,” pagpatuloy ni Riza, “Sa college, sana hinayaan na lang kita kay Corina. Sayang si Angelo, alam mo iyon. At ngayon nagets ko na kung kanino mo nalaman ang tungkol sa sex video ni Angelo at bakit nagmula sa taong ito ang video. Malamang galing kay Corina ang sex video, sa panahon na umalis siya for Singapore, for whatever reasons, nahanap ni Corina ang sex video ni Angelo, at pinakita ito sa'yo. Alam mo kung bakit?”

Umiling ako.

“Para tuluyan mo nang layuan si Angelo at tapusin ang relationship niyo na kahit kailan di kayang gawin ni Angelo dahil sa pagmamahal niya sa'yo. At ikaw tong si tanga, nagpadala sa galit mo, ayun, ginahasa mo siya, ginapang, sinaktan, at kung ano pa. Ang sakit lang tanggapin para sa akin Dimitri, pero oo, maaari ngang mahal mo pa si Angelo sa mga oras na iyon kaya galit na galit ka, kasi galit ka na nakagawa siya ng masama dahilan ng pagkagalit mo dahilan ng pagbibreak niyo. Nahulog ka naman sa patibong ni Corina dahil sa sobrang attached mo sa kanya. Imagine, dahan-dahan na nanlalabo si Angelo sa'yo, at dahan-dahan namang pinapasok at pinipilit ni Corina ang sarili niya sa'yo. Edi siyempre, mas pipiliin mo si Corina, di ba?”

Tumango ako.

“OO, Riza, tama. Pero ang totoo, di ko talaga planong layuan siya. Nasasaktan din ako Riza na masaktan ang taong mahal ko. Oo, naging marahas ako, oo naging sadista ako, pero hindi ibig sabihin niyan di ko siya mahal. Maaaring nagkakalabuan na kami, pero hindi ibig sabihin hindi ko na siya mahal. Marahil nabulag lang ako dahil kay Corina. Pero ang totoo, kasalanan ko, dahil hindi ko man lang hinalukay ang feelings ko kung handa na ba talaga akong bitawan si Angelo o hindi...

“Babe... may sex video si Angelo. Nakita mo na, anong gagawin mo?” Nasa restaurant kami ni Corina, kumakain. Galit na galit ako sa aking nakita kanina, kaya hindi ako nagdalawang isip na gahasain si Angelo pagkauwi't pagkauwi niya mula Singapore. Galit na galit ako kung paano niyang magawang humanap ng iba. Nagagalit ako sa kanya dahil mahal ko siya.

“Let's not talk about that Corina-”

“I want you to break up with him.” Pagsabat ni Corina dahilan ng pagkagulat ko. Mahal na mahal ko si Angelo pero siguro nga, we are not working out. At siguro nga, si Corina talaga ang nakatadhana para sa akin.

“What? Why? Bakit?” Sunod-sunod kong tanong habang iniiwasan siya ng tingin.

“Dimitri, look at me baby.” Sabi ni Corina sabay hawi sa mukha ko para matingnan ang mukha niya. Tiningnan ko ang mukha niya at namamayagpag ang ganda at kutis niya.

“I love you so much Dimitri, pero hindi ko na kayang may kahati palagi. It's either you lose him, or you lose me. Mahal mo ba ako Dimitri?”

“O-Oo” Kinakabahan kong sagot. Handa na ba talaga akong saktan si Angelo at guluhin ang mundo niya?

“Then do me a favor. Gumanti ka sa kanya. Pinaglaruan ka niya Dimitri. Gahasain mo siya. Abusuhin mo siya. Take advantage of him.”

“No, no, di ko yan magagagawa.”

“You just did Dimitri.” Sabi ni Corina sabay haplos sa pisngi ko at halik.

“You don't deserve this treatment Dimitri. Gantihan mo muna siya, at pagkatapos, hiwalayan mo na. I believe you were a great boyfriend at sana naging matino siya para di maging abusado sa kabaitan mo. Baby, ayokong nauunder ka sa kanya. Make yourself some pride. Di mo siya deserve.”

Huminga akong malalim sabay halik sa labi ni Corina.

“Pero, di ko talaga magagawa babe.”

“Sige, it's either ikaw ang gagawa, or ako ang mananakit sa kanya. You don't want me to go bad baby, do you?” Pagpapacute ni Corina sabay kurot sa pisngi ko.

Handa na ba talaga ako. Sa bagay tama naman si Corina. Kelangan ko lagyan ng pride ang sarili ko.

At doon ko na simulang abusuhin si Angelo Riza. Naramdaman ko na wala akong awa sa kanya dahil sa pinaggagagawa niya. Pero ang totoo, pagkatapos ko siyang saktan gabi-gabi, naaawa ako sa kanya-”


Pero kulang ang awa, kelangan mo ng gawa! Tangina ka Dimitri, wag kang bobo! Pwede mo naman siyang hiwalayan kagad.”

"Pero sasaktan siya ni Corina-”

“Hayaan mo siya! Hinayaan mo sana si Corina na harap-harapang saktan si Angelo dahil ako ang makakabunggo niya. Ako ang makakaharap niya at sisiguraduhin kong pagkatapos niyang saktan si Angelo, ireredesign ko yang mukha niya. Wala ka bang tiwala sa akin Dimitri?” Humingang malalim si Riza at tumulo na naman ang kanyang luha.

“Kaya kong alagaan si Angelo Dimitri, kaya ko siyang panindigan, at kaya ko siyang ipaglaban. Yan ang pinagkaiba nating dalawa. Hindi ako takot. Ikaw Dimitri, ang laki laki mong tao, ang tali-talino mo, pero ang duwag duwag mo.”

Yumuko ako sa hiya. Tama si Riza. Tamang-tama siya. Sana hinayaan ko na lang silang dalawa ni Corina at Angelo. Di sana di siya nawala ngayon.

“Ganito kasi iyan Dimitri eh. Kung ikaw ang mananakit, hindi ayos. Kasi alam mo, mahal na mahal ka ni Angelo. Siguro kahit sampal mo, isang saksak na para sa kanya. Dahil ito sa pagmamahal meron siya para sa'yo. Pero kung si Corina, kayang-kaya niya. Ang gago mo Dimitri. Alam kong ayaw mo na makipagrelasyon kay Angelo, pero sana naman nirespeto mo siya bilang tao. Nakakahiya ka. That's it. I'm out!” Umiling si Riza at dahan-dahan ng tumayo sabay pahid ng kanyang luha.

Tumayo siya at humakbang na palakad.

“Riza!”

“No Dimitri. Wala ka nang dapat i-explain pa. Tapos na ang usapang ito. Nakuha ko na ang gusto mong sabihin. At ayaw ko nang makinig pa sa pagiging duwag mo.”

Tumayo ako at umiyak ng malakas. Hindi ko na pinansin ang mga tao sa paligid. Gusto ko maramdaman ni Riza ang lungkot sa puso ko.

“Riza... I'm sorry. I'm so so so sorry.” Lumuhod ako at nagsimulang mabasa ang damit ko sa mga pumapatak na luha.

Dahan-dahan tumaliko si Riza at naglakad palapit sa akin. Tiningnan ko ang mukha niya at umiiyak na rin pala siya. Tiyak, pareho kaming nawalan.

“Di ko alam Dimitri kung mapapatawad pa ba kita. Kinuha mo ang taong naging inspirasyon ko. At eto ako ngayon, patuloy na naghahanap sa inspirasyon ko. Sa totoo lang Dimitri, pagod na ako. At araw-araw kong iisipin na pagod na ako.”

Natigilan ako sa sinabi ni Riza. Bakit naman siya napapagod? Bakit naman niya kelangan mag-effort para kay Angelo kahit matagal na yun? Bakit positibo pa rin siyang buhay si Angelo hanggang ngayon?

“Riza... Mahal na mahal ko si Angelo. Ngayon ko lang napansin kung gaano siya kahalaga sa buhay ko. Kung maibabalik ko lang ang oras gagawin ko...” Napahilamos ako sa sariling luha habang nakaluhod. Nakatayo si Riza at nararamdaman ko ang bawat butil ng luha ng bumabagsak mula sa mga mata ni Riza na sinasalo ng sahig.

“Ako rin Dimitri eh. Mahal na mahal ko rin si Angelo. May hindi ako inamin sa'yo noon... Pareho lang tayo Dimitri, nagmahal. Kaso nga lang, di ako nanakit ng tao. Di ako nagpaasa. Kagaya mo, minahal ko rin siya.” Natigilan ako sa mga sinabi ni Riza. Tama ba ang narinig ko, mahal niya ang taong mahal ko?

“Bilang bestfriend?” Tanong ko.

“Hindi. At alam mo na yun. Dimitri, di mo alam na di lang siya ang pinatay mo. Ako rin. Araw-araw, sa loob ng walong taon, nagdarasal ako na sana buhay pa siya. Na sana, pwede ko pa siya makita at pwede ko pa siya mabago. Pero tingnan mo. 28 years old na ako, matanda na ako. Walong taon na ang dumaan at di ko alam kung babalik pa ba siya o hindi. Dimitri, pinapatay mo ako araw-araw. Ang sakit na sa puso Dimitri. At alam mo kung ano ang mas masakit? Alam kong may chansa akong alagaan siya, palakasin siya, pasayahin siya... pero winala mo. Dimitri, ang sakit! Mahal ko rin siya!” Humagulgol na si Riza at umaalog na ang kanyang balikat.

“Riza... I'm sorry... Pero mahal ko rin siya. I will do my best to turn back the time, kung kaya ko lang, at kung darating yun, I'll make him happy for yo-”

SLAAAP! Isang sampal ang natanggap ko sa aking mukha.

“No Dimitri, when that time comes, na darating ulit si Angelo, you will never have your chance.”

“Riza... please...” Pagsusumamo ko sa dating bestfriend ko. Gusto ko malaman niya kung paano na ako nagsisisi.

"You had your chance. Kaso tinapon mo lang."

Ngunit di niya ako pinakinggan. Dahan-dahan siyang naglakad palayo.

Ako? Naiwan sa mesa. Nagsusumamo. Nagsisisi.

Pero huli na ang lahat.




Gapangin mo ako. Saktan mo ako.

--

Author's note:

Maraming salamat po sa mga sumubaybay sa book 1. Dahil unang libro ko pa po ito, at lubos-lubos ang suporta na natatanggap ko, nagagalak po akong ibalita na may book 2 na at ilalabas na ito sa July 1, 2014. Uulitin ko, magsisimula po ang book 2 sa July 1, 2014. With feelings, magsisimula po ang book 2 sa July 1, 2014. Para wala nang magtatanong, magsisimula po tayo sa July 1, 2014.

Ang dahilan po ng pagpapaaga ko ng book 2 from August 2014, to July 2014, ay para masimulan ko at matapos ko na kaagad. Mayroon rin po akong mga libro na pinangako sa inyo na di ko nagawang i-publish. Humihingi ako ng paumanhin sa pagpapangako at di pagtupad sa pangako ko. Pero sana po maintindihan niyo na may mga pangyayaring di inaasahan, kaya pagsamantala akong nawala for the summer. Mas ieexplain ko pa ito sa July 1, 2014.

"Sigurado na ba talaga yang July 1, 2014? Baka mawala ka na naman." Opo sigurado na yan. Maaaring isang beses na lang ako sa isang linggo makakapag-update, pero rest assured hindi ko iiwan ang mga readers ko. Maliban na lang kung may mga di inaasahang pangyayari na naman, na sana'y hindi mangyari. Haha.

"Di ba pinangako mo na April 2014 mo ipopost ang book 2? Tapos ngayon, August, tapos ngayon July na naman?" Kung maalala po natin sa huling post ko sa Gapangin mo ako. Saktan mo ako., ang pinangako ko po ay bagong kwento sa April 2014. Kaso may nangyari ngang di inaasahan dahilan ng pagkatanggal ko pagsamantala sa MSOB. Matagal bago ulit ako nakabalik, at sana naintindihan niyo po.

Para sa mga updates po ng Gapangin 2, di na ako mangangako ng ano pa, pero garantisado di kayo maiiwan.

Gusto ko po magpasalamat kay Kuya Ponse at Sir Mike sa muling pagbalik sa akin dito sa MSOB. Salamat po sa opportunity na makapagsulat ulit.

Suportahan din po natin ang mga authors dito, lalong-lalo na ang mga bago kasi po magagaling po sila at garantisadong mas gagaling pa sila sa hinaharap.

Excited na ako. So guys, mark your calendars, okay? July 1, 2014.

Salamat!


Cookie Cutter.

27 comments:

  1. First

    Aheheheh, thank you Mr. Author, nasasabik n kaming lahat...
    Ready naba kayo guys?

    Khelton

    ReplyDelete
  2. THANK YOU FOR THE BEAUTIFUL EPILOGUE :)
    BUTI SA JULY NA MAG START AYOKO SA AUGUST

    TNX AUTHOR :)
    123

    ReplyDelete
  3. Bakit iyak ako nang iyak. Nakakainis naman. Looking forward sa book 2. This is my first time na magcomment sa mga ganito silent reader lang kasi ako, pero bilib talaga ako sa galing at talino mo! Sobrang lawak ng imahinasyon, na halatang may pinanghuhugutan. Hahaha. Thank you for updating! I will be patiently waiting. :-) - Baks

    ReplyDelete
  4. Dumudugo mata ko sa Author's Note mo! Kung magsisimula ka eh magsimula ka na lang. Pangatlong pagbabago mo na ito ng Date. -__-

    ReplyDelete
  5. i caint wait :)

    excited na akooooooo !!!!


    -- esod
    love ko ung charcater ni RIZA :)

    ReplyDelete
  6. DONT MAKE ANY MORE PROMISES AND ALIBIS! SOONER OR LATER WALA NANG MAGBABASA NG INYONG MGA STORIES.JUST DO IT. HINDE NAMAN COMMITED KAMING MGA READERS EH. LIKE ANG DAMING UNFINISHED STORIES. SANA HWAG NYO NA LANG IADVERTISE MUNA IN ADVANCE AT TAPUSIN ANG STORYA.

    ReplyDelete
  7. nice.. gawin mo nalang mas maaga mr author.. june 16, 2014?

    ReplyDelete
  8. Isa ito s mga hinihintay q.. Thx Mr. Author at my update n agad.. Ang intense ng mga scene. S wakas may kasagutan n s mga tanong s book 1.. Im one of your avid reader from your previous books.. We will for your update.. Keep it up...

    ReplyDelete
  9. Grabe ang finally ilang tulog na lang may book 2 na... Salamat sa Author.. sa sobrang ganda ng book 1 mas naalala ko ang kwento kaysa sa mga duties ko sa trabho =) cliff hanger lang talaga pero ok lang mas exciting ng ang book 2 dahil sa sweet revenge at pagbabalik ni Angelo / PM

    ReplyDelete
  10. Sobrang galing naman talaga nito.....Inaabangan ko lagi ang update na Ito.....

    ReplyDelete
  11. author inaabangan ko talaga ang story na ito.

    ReplyDelete
  12. OMG. Napaluha ako dun ah. :'( Great job sir. I'm so excited na. :)

    ReplyDelete
  13. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  14. Wag naman kayung ganyan! Nag explain na si Mr. Author diba. At sainyo naman yan yen kung mag aantay kayo o hindi. Kung ayaw nyon di wag no nang basahin at wag nadin kayo mag comment. Ganun lang ka dali yun.

    Baka pag naasar pa si Mr. Author eh di na nya tapusin to... At wag naman sana mangyari yun

    Khelton

    ReplyDelete
  15. yes! wag na muna mag promise Jung kanya naman ng mas maaga again! para makabawi sa Mga readers. sa book 1 silent readers lang ako Hindi ako mahilig mag comment as long as maganda ang story at MAHIRAP MABITIN pag Hindi na tinapos at iniwzn na lang ng author.

    red08

    ReplyDelete
  16. Grabe itu. Kailangan talaga i-emphasize ang JULY 1, 2014???

    Diin mo pa kuya! Sige pa! Joke lang. Hihintayin ko ito! I-push na!

    ~Ken, ang dakilang umiidolo sa inyo.

    ReplyDelete
  17. Kahit anong changes ang nagyari patuloy pa ringbsubaybayan ang mga gawa mo dahil magaling ka maykakaiba kang atake sa mga characters mo na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa readers...
    -Marlon

    ReplyDelete
  18. i love you cookie cutter !!!!! :))

    ReplyDelete
  19. di ko pa nababasa ung story pero mag cocomment muna ako

    :)

    it should be:

    PROLOGUE not EPILOGUE

    kasi ung epilogue pang finale un eh

    ung prologue pang simula. . .

    hehe un lng po . . .

    anyway, inaabangan ko din tong storr na to :)

    - ChuChi

    ReplyDelete
    Replies
    1. ..just to clarify lang..oo tama n prologue ay pangsimula pero tama parin si author kasi ang epilogue ay gingamit din para bgyang linaw ang mga di nclarify na issue sa story at magbigay ng hint para sa sequel ng story..

      Delete
  20. Book two na oh. Shet. Hahaha
    Kaway-kaway sa nkamiss kay GAB & GELO. Wag n yan si DMITRI! BOOO! WAHAHA JK. Patiently waiting Boy Cookies :)

    -Ga.Me.Boy

    ReplyDelete
  21. First of all..thank you sayo Mr. Cookie cutter sa napakagandang story mo..isa ka sa mga idol ko..thank you din kasi mas maaga n ngayon..sa laht ng nggalit sayo at kala mo kng cno mkpgdemand eh pabayaan mo n cla..makapal lng talaga ang mukha nila. kaming mga fan mo ay lagi nsa side mo to support you..take care always and GOD bless you♥

    ReplyDelete
  22. nice.. malapit na din yun. thanks author ^^

    ReplyDelete
  23. Wew! Next please? First time to comment! :)

    ReplyDelete
  24. hi ako 'y friend mo sa fb na nangungulit sayo pero putarages ang tagal huhhhu wag mo kaming bitinin ha hehehe

    ReplyDelete
  25. I have a suitable song for this chapter... Sana magustuhan mo. https://www.youtube.com/watch?v=EEq4ipHJ6Mo

    ReplyDelete
  26. Hi where can i read thisss. I miss this story.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails