Followers

Monday, June 16, 2014

Fated Encounter 15

Salamat po sa lahat ng nagbabasa nito. :))

CHAPTER FIFTEEN

"NA-MISS KITA," Ang mga salitang unang namutawi sa bibig ni Vin nang makita kung sino ang lalaking nasa harapan ng bahay nila. Sa kaabalahan nito sa pagtingin sa loob ng bahay nila ay hindi nito napansin ang pagdating niya.
            Nasa malayo pa lang siya ay agad niyang nakilala ang pigura ni Joen na sobra niyang na-miss. Galing siya sa tindahan at doon ay kausap niya si Charles hanggang sa mag-paalam siya sa kaibigan. Hindi man niya inaasahan na muli niyang makikita si Joen sa araw na ito ay masayang-masaya siya.
            Naglakad siya palapit dito at nagbigay ng kaunting distansya sa pagitan nila. Sa ginawa niya ay mas napagmasdan niya ang kagwapuhan nitong taglay. Bahagyang namumula ang mukha nito ngunit bumagay pa rin iyon dito. Kitang-kita niya ang kasiyahan sa mukha nito habang nakatingin sa kanya.         
            Nagkatitigan sila.
            Lumuwang ang pagkakangiti ni Joen. Ito na ang lumapit sa kanya, without breaking their eye contacts. Nagulat siya ng kabigin siya nito at yakapin nang mahigpit.  
            He again felt the familiar warmth that only Joen can give. Warmth na nagbibigay sa kanya ng ka-komportablehan at tila nagsilbing proteksyon sa katauhan niya. Gumanti siya ng yakap. Mas lalo iyong humigpit. Tila wala ng hangin ang pwedeng makadaan sa pagitan nila sa ginawa nito.
            "Na-miss din kita. Sobra," bulong nito sa kanya.
            Naramdaman niya ang pagdampi ng labi nito sa pisngi niya.
            Napangiti na lamang siya dala ng kilig sa ginawa nito.
            Masayang-masaya na muli itong makita.
            Mga ilang minuto rin silang nagyakapan. Hindi alintana na nasa pampubliko silang lugar at may makakakita sa ginagawa nila. Hindi pa sana sila bibitaw sa isa't-isa nang makarinig sila ng sigaw. Kumalas sila at sabay pang napabaling sa pinanggagalingan ng boses. Galing iyon kay Diega at Joanna. Patungo ang mga ito sa kinaroroonan nila. Base on the looks of the two, mukhang kanina pa nito nasaksihan ang mahigpit nilang yakapan. Mga kaibigan niya ang mga ito at alam na niya ang iniisip ng mga ito.
            Hihintayin sana niya ang dalawa na makalapit sa kanila ngunit hindi na iyon nangyari. Hinawakan siya ni Joen sa kamay at hinila papasok sa bahay nila. Nang makapasok sila ay agad nitong isinara ang gate at i-ni-lock. Talagang sinigurado nito na hindi makakapasok ang mga kaibigan niya.
            Narinig pa niya ang ingay at tungayaw ng dalawa.
            "Pagbuksan n'yo kami ng gate!" Sigaw ni Joanna.
            "Bakit kayo nagyayakapan? Ano ba ang relasyon n'yong dalawa?" Tungayaw naman ni Diega.
            Sasagot sana siya pero hinila siya ulit ni Joen. Muli, niyakap siya nito. Nagpaubaya na lang siya at gumanti ng yakap na may intensidad sa yakap na ibinibigay nito sa kanya. Nang magsawa ay kumalas sila sa isa't-isa. Dinig na dinig pa rin niya ang ingay ng dalawa niyang kaibigan.
            "Ang sama mo talaga. Nakita mo lang ang mga kaibigan ko hinila mo na ako papasok."
            Sumimangot ito. "I'm here just for you and not for other reason or person. Kung hahayaan ko na makalapit sila sa `tin ay hindi kita masosolo. Istorbo ang mga `yon." From having a distorted face it changed to a gentle one. May pagsuyo siyang nabanaag sa mukha nito. "Miss na miss na kita, Vin."
            "Miss na miss din kita Joen," sabi niya saka yumakap dito.
            Nagulat man ay gumanti ito.
            "Mas miss kita. Nang makarating ako dito, ang una kong plano ay puntahan ka, ang kaso ay kinausap ako ni Nick."
            Bigla siyang na-curious. Kumalas siya sa pagkakayakap dito at tiningnan ito. "Bakit ka kinausap ni Nick?"
            "For some reasons," maiksing sagot nito. "Let's not talk about other things, Vin. Mag-usap tayo `yong tungkol sa `tin."
            "Okay na ako, Joen. Okay na okay na nandito ka na sa tabi ko. Well, kung ang gusto mong malaman ay tungkol sa nangyari sa `tin, okay na `yon. May mga times na naalala ko pa `yon pero hindi na masyadong nakakaapekto."
            "That's good to hear, Vin. I'm relieved."
            "Ikaw? Kumusta naman ang bakasyon? Mukhang nahiyang ka, ah. Mas lalo kang gumwapo sa bago mong kulay."
            "It was okay. Nag-enjoy naman ako kaso mas enjoy sana kung kasama kita. Thanks for the compliment." Nakangising sabi nito.
            "Na-miss ko ang kakulitan, kayabangan, kagwapuhan at kaadikan mo, Joen." Muling sambit niya.
            "Halatang-halata nga, Vin. Don't worry, the feeling is mutual. May mga pasalubong ako sa `yo kaso ay naiwan ko sa kotse. Kung gusto mo punta tayo sa bahay ngayon para maibigay ko sa `yo ang lahat ng `yon."
            "Hindi `yon importante sa `kin, Joen. Sapat na ang presensiya mo. Sapat ng nandito ka."
            Pinisil nito ang pisngi niya saka siya inakay sa loob ng bahay nila. Sa kanilang sala sila nagtungo.
            "Baka dahil sa pagkakalayo natin ay may pagtingin ka na sa `kin, Vin," pagbibiro ni Joen.
            Kung alam mo lang sana ang totoong nararamdaman ko. Kung sana ay masabi ko `yon sa `yo.
            "Ang yabang mo rin, no." Ang sabi niya.
            "Matagal na akong mayabang, Vin." Ang sabi nito saka siya kinabig ulit at niyakap.
            Walang sawang yakapan na pabor naman sa kanya. Kahit yakap lang ay hinding-hindi siya magsasawa lalo na at si Joen ang nagbibigay sa kanya.
            Joen cupped his face after the hug. Medyo nagulat siya sa ginawa nito. Itinaas nito ang mukha niya at nagtama ang paningin nila. A wide smile curved in his lips as he stares at him. KInakabahan siya sa pwede nitong gawin. Slowly, Joen's face descended on him. He wasn't expecting some 'thing' for him to do. Bahala na ito kung ano ang gagawin nito. He was relieved when Joen's lips landed on his cheeks. Binigyan siya nito ng halik sa magkabila niyang pisngi.
            "Don't worry, Vin. hindi kita hahalikan sa lips. I already learned my lessons. Sapat na sa `kin sa cheeks muna."
            Muna. May malaki talagang posibilidad na muling maulit sa kanila ang halikan na namagitan. Lalo na at pareho nilang gusto na maulit iyon. Pero kung may dapat man na magtimpi ay siya iyon. Mas at risk kasi ang nararamdaman niya kay Joen.
            "Nakakarami ka na kaya," nakaingos niyang sabi. Paraan niya iyon para maiparating dito na hindi medyo okay ang ginagawa nito kahit na taliwas naman ang kagustuhan ng puso niyang malandi.
            "Hindi ko mapigilan, eh. Pagbigyan mo na ako, Vin," parang bata na paglalambing nito.
            "Nababakla ka na yata sa `kin, eh," pagbibiro niya.
            Natawa na lang siya nang umingos ito at lumayo sa kanya.
            "Nagtampo ka naman kaagad." Ang sabi niya saka lumapit dito.
            Muli itong ngumiti. "IKaw na lang ang maglambing sa `kin para hindi ako mabakla sa `yo. Dapat ay manatili ang manliness ko."
            "`Wag ka ngang mayabang."
            Natawa ito. "Marami akong iku-kwento sa `yo, Vin. Ipapakilala rin kita kay Arkin."
            "Sige ba."
            Inakbayan siya nito. Mabilis niya iyong tinanggal.
            "Bakit?" takang tanong nito.
            "Hindi ako sanay. Naiilang ako."
            "Ganoon ba. Yakapin na lang kita ulit," sabi nito. "Okay lang ba sa `yo?"
            "Nakakatawa ka. Kanina pa ako nagpapayakap sa `yo tapos ngayon ka pa lang nagtatanong kung okay? Adik ka talaga."
            "Ang dami ng sinasabi. Nagtatanong lang naman kung pwede," pasaring nito.
            Magsasalita pa sana ito pero niyakap na niya ito. Gumanti ito.
            "Ang sarap mong yakapin, Vin. You're cuddly. Hindi nakakasawang yakapin."
            "Kaya nga nakakarami ka na, eh," aniya pero wala siyang balak na putulin ang yakapan na iyon. Ang sarap rin kasi nitong yakapin. Ang bango-bango pa nito.
            Pagkatapos ng yakapan session nila ay umupo sila sa mahabang sofa. Kahit na mahaba at malawak iyon ay dikit na dikit pa rin sila sa isa't-isa. Walang balak lumayo sa kanila. Kung may makakita sa kanilang dalawa ay iisipin na higit pa sa pagkakaibigan ang mayroon sila. Magkaganunman ay wala siyang pakialam.
            "Magkwento ka na tungkol sa bakasyon mo," udyok niya kay Joen.
            "Maganda d'un. `Yong resort na pinuntahan namin ay kay Arkin."
            "Sino si Arkin?" Curious na tanong niya. Dalawang beses na nitong binanggit ang pangalan ng lalaki.
            "He's a family friend."
            "Ah."
            "One day, ipapakilala kita sa kanya," anito. "Let's go back to the topic. Hindi ko naman na-appreciate `yong kagandahan ng resort dahil hindi kita kasama d'un, Vin." Kinilig siya sa sinabi nito. "Next time, punta tayo d'un, `yong tayong dalawa lang."
            "Tayong dalawa lang? Hindi ka magsasama ng iba?"
            "Yeah. Tayong dalawa lang. Para malaya tayo. Para solo tayo doon." Nakangising sabi nito
            Tinampal niya ito sa pisngi. "Ouch," reklamo nito.
            "Bakit?" Nag-aalalang tanong niya. "Ang hina lang naman n'un, ah," sabi niya. Tiningnan niya ang pisngi nito at nakita niya ang pasa doon. Hindi niya iyon kanina napansin. "Sino ang sumuntok sa `yo?"
            "Wala `to, Vin," anito, hindi nasagot ang tanong niya. Tila umiiwas talaga na sagutin iyon.
            "Bakit ka may pasa? Kailangan `yan malagyan ng yelo. Sino ba kasi ang sumuntok sa `yo?"
            "Uy, concern siya sa `kin. Talagang magkaka-gusto ka sa `kin nito. Simpleng pasa lang sobra na ang pag-aalala mo sa `kin. Touch naman ako." Ang pagbibiro nito.
            Sinimangutan niya ito saka tinampal ulit ang pisngi. Napaigik ito. "Aray! Akala ko ba concern ka sa `kin. Bakit mo pa diniinan ang pasa ko?"
            "Bagay lang `yan sa `yo, adik ka, eh. Wala lang daw pero kung makaigik sakit na sakit," sabi niya.
            "Wala nga lang `to pero tinampal mo ulit, eh. Siyempre sasakit. Adik ka rin, Vin."
            "Mas adik ka. Maghintay ka nga dito. Kukuha ako ng yelo." Tatayo na sana siya nang pigilan siya nito.
            "`Wag ka nang mag-abala pa. It will be fine. Dito ka lang sa tabi ko. `Wag kang aalis."
            "Kailangan ngang malagyan `yan ng yelo para hindi mamaga."
            "As I've said Vin. Okay lang `to."
            "Sige, hindi ako kukuha ng yelo. Sabihin mo muna sa `kin kung sino ang may gawa niyan."
            Nag-iwas ito ng tingin.
            "Kukuha ako ng yelo," muling sabi niya. "Sino ba naman kasi ang may gawa niyan sa `yo? Bakit pakiramdam ko ay pinoprotektahan mo ang taong `yon?"
            "May nagugustuhan ka na ba sa mga pinsan ko?" Out of the blue na tanong nito.
            Talagang umiiwas ang lalaking ito.
            "Maghintay ka nga dito. Kukuha ako ng yelo," ang sabi niya saka tumayo. Hindi pa siya nakakalayo dito ay muli siyang hinawakan nito sa kamay at hinila para umupo ulit.
            Sa ginawa nitong iyon ay nawalan siya ng balanse. Imbes na mapaupo sa sofa ay napaupo siya sa kandungan nito.
            Nagkatinginan sila. He clearly saw his reflection in Joen's eye. Muli niyang nakita sa mukha nito ang reaksyon nito noong araw na halikan siya nito. He saw warmth in his beautiful hazel brown eyes. Napalunok siya. Natuon ang mata nito sa labi niya. Ganoon din siya.
            Pareho ba sila ng gustong gawin? Ang tanong niya sa sarili. Mabilis namang sumagot ang bahagi ng pagkatao niya. Agad na sumang-ayon iyon at nagsusumigaw ng isang malaking OO.
            Literal na sila lamang ang nasa bahay nila. Ngunit habang nagkakatinginan sila ay mas lalong nadama niya iyon. Ang mahalaga ay silang dalawa at kung ano ang mangyayari sa pagitan nila. Dahan-dahang bumaba ang mukha ni Joen sa kanya. He waited for him to come to his. Ilang pulgada na lang ang layo ng mukha nila sa isa't-isa ng marinig nila ang pagtunog ng cellphone nila pareho.
            Nawala ang tila mahikang bumalot sa kanila. Dumapo ang hiya sa kanya at agad siyang umalis sa pagkakaupo sa kandungan nito. Muntik na namang mangyari ang hindi dapat mangyari ngunit sa pagkakataon na ito ay wala siyang makapang pagtutol sa kalooban niya. Bagkus ay pumapayag iyon at magpapaubaya kung anuman ang pwedeng mangyari sa kanilang dalawa.
            Pero, salamat na rin sa pagtunog ng cellphone niya at nito. It saved him from committing a beautiful mistake and wonderful sin again.
            Kinuha niya ang cellphone niyang nag-iingay at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nakita niya doon ang pangalan ni Mack.
            Wala siyang balak sagutin ang tawag nito. Ang ginawa niya ay pinatay niya iyon. Bumaling siya kay Joen. Hindi rin nito sinasagot ang tawag sa cellphone nito.
            "Sino ang tumatawag sa `yo? Halos magkasabay na tanong nila sa isa't-isa.
            "Si Mack," sagot niya. "Sa `yo? Sino ang tumatawag?"
            "Si Daddy," sagot nito. "He's becoming eager more and more, right?"
            Tumango siya. Kung alam lang ni Joen ang nangyari sa kanila ni Mack. Na hindi lang ito ang nakahalikan niya kundi ang pinsan nito. At ang confession sa kanya ng lalaki. Pati ang ginawang paghihilaan ni Nick at Mack sa kanya.
            "Bakit tumatawag sa `yo ang daddy mo? May ginawa ka na naman bang gulo?"
            He chuckled. "Wala noh."
            "Bakit hindi mo sinagot ang tawag niya?"
            "Ikaw? Bakit hindi mo sinagot ang tawag ni Mack?"
            "Wala lang."
            "May gusto ka na ba sa kanya?"
            "Wa-wala."
            "You don't sound convincing, Vin. Walang conviction sa pagsasabi mo ng 'wala'. You even stammered. Tell me the truth."
            "Masyado kang eager. `Pag sinabi kong wala ay wala. Sinabi ko na ito kay Mack, Joen. Hindi ako capable na magmahal."
            Nagulat ito sa sinabi niya ngunit hindi nagsalita.
            Katulad ng reaksyon ng bahagi ng pagkatao niya nang sabihin niya kay Mack ang ganoon ay nag-react ito.
            Malaki kang sinungaling, Vinnezer Ilagan! Of course you are capable. You're just depriving yourself for doing so. Halata nga `yon sa `yo kaya pati ang lola mo at si Charles ay napansin `yon.
Take risk. Love is taking a risk.
            "Hindi ako naniniwala sa `yo, Vin," ang sabi ni Joen.
            "Paano mo naman nasabi `yan?"
            "Basta. Hindi ako naniniwala sa `yo. Lahat ng tao ay marunong magmahal. Ako nga, eh. Nagmamahal sa taong hindi ko naman dapat mahalin. Mali kasi `yon pero may tama at mali ba kapag nagmahal ka? `Di ba wala naman? Kaya habang hindi ko pa nasasabi sa kanya ang nararamdaman ko ay gagawa muna ako ng bagay na magpapasaya sa kanya at sa `kin." Makahulugang sabi nito. Titig na titig ito sa mata niya habang sinasabi ang mga salitang iyon.
            Bumilis ang tibok ng puso niya. Tila nagsasabing iyon na siya ang tinutukoy nito. Ang sabi niya sa sarili ay hindi siya mag-a-assume ng kung anu-anong bagay pero taliwas ang nararamdaman ng puso niya. It was assuming for something.
            "Maswerte ang mahal mo kung ganoon. Kung ako sa `yo ay sabihin mo na sa kanya ang nararamdaman mo bago mahuli ang lahat."
            "It will take time. Right time will come, I will tell it to that person. Maswerte rin naman ako sa kanya, Vin, eh. Sa kanya na ang lahat na gusto ko kahit marami ang tututol."
            "Parang teleserye lang pala ang pagmamahal mo sa kanya," pagbibiro niya para mabawasan ang kaseryosohan sa pag-uusap nila.
            "Hindi siya teleserye. Let's stop this. Nagiging senti na ako. Hindi bagay sa kakisigan ko ang nangyayari, Vin."
            Natawa na lang siya.
            Muli silang nagkwentuhan. Hindi nila napansin ang oras hanggang sa gumabi na. Tila nagsisilbing break lang sa pag-uusap nilang dalawa ang dinner nila kasalo ang lola niya. Natapos na sila sa pagkain. Ngunit tila walang balak umuwi si Joen sa bahay nito.
            "Wala ka pa bang balak umuwi?"
            "Wala pa. Pwede bang dito na lang ako matulog."
            "Tanungin mo si lola," sagot niya dito.
            Tumayo ito at nagtungo sa sala kung saan ang lola niya. Kasalukuyang nanonood ng palabas sa telebisyon. Sinundan niya ito.
            "Lola Fe, pwede po bang dito ako matulog?"
            "Tanungin mo si Vin," ani lola niya. Hindi tumitingin kay Joen.
            Bumaling sa kanya si Joen at nagtatanong ang mga mata.
            "Pwede ba Vin? Pinagpapasahan niyo akong mag-lola."
            "Pwede ka ditong matulog." Pagpayag niya.
            "Saan?" Excited na tanong nito.
            "Dito sa sala." Nawala ang excitement sa mukha nito.
            "Dito?"
            "Hindi ba pwedeng sa kwarto mo na lang. Tabi tayo."
            "Tanungin mo si lola kung pwede."
            Sinimangutan siya nito. Pinigil naman niya ang matawa.
            "Lola Fe, pwede bang magtabi kami ni Vin?"
            "Pwedeng-pwede. `Wag n'yo na nga akong istorbohin. Mga istorbo kayo. Ang lalaki n'yo na kahit pagdedesisyon ako pa ang gagawa. Wala naman mawawala sa apo ko kahit na may mangyari sa inyong dalawa. Umalis na nga kayo dito."
            Nakangising bumaling sa kanya si Joen.
            "Pwede daw. Pumayag na si Lola Fe," anito saka lumapit sa kanya. "Matulog na tayo, Vin, para makarami."
            "Baliw!"
            Tumawa lang ito.


"SA SAHIG KA DITO AKO SA KAMA KO," ang sabi ni Vin na nagpasimangot kay Joen.
            Natawa na lang siya sa reaksyon nito. Ngunit hindi rin nagtagal ang pagtawa niya nang basta na lang itong maghubad ng t-shirt sa harapan niya. Napalunok siya habang nakatingin sa maganda nitong katawan. Tila biglang uminit ang dati ng mainit na klima. Ang hot!! Ang hot ng lalaking ito. Kapag nakadamit ay agaw pansin na ang kagwapuhan nito lalo pa ngayon na nakahubad ito sa harap niya.  
            Natauhan lang siya sa pagtitig sa maganda nitong katawan nang itapon sa kanya ni Joen ang hinubad nitong t-shirt. Eksaktong tumama iyon sa ulo niya at tumakip sa mukha niya kaya naamoy niya ang natural nitong amoy na hinaluan ng gamit nitong pabango. Para hindi mahalatang sininghot niya iyon ay inalis niya iyon sa mukha niya agad.
            Nang maalis niya iyon ay nanlaki ang mata niya nang tumambad sa kanya si Joen na tanging pulang boxer shorts na lang ang suot. Parang nanuyo ang lalamunan niya. Kailangan niyang uminom ng tubig dahil sa init na nadarama niya sa mga oras na iyon.
            Hindi siya makapagsalita. He was totally speechless on what he was seeing at the moment.
            "Ayos ba Vin?" Nakangising tanong sa kanya ni Joen. "Maganda pa rin ba ang katawan ko?"
            Hindi siya tumugon. Ayaw niyang tumugon. At wala siyang itutugon. Kung magsasalita kasi siya ay baka ipagkanulo siya ng sarili niyang nararamdaman. Baka kung ano ang masabi niya sa nakahain sa harap niya. Kung iba-iba lang ay baka tinakbo na si Joen at ginahasa na ang pangahas ng lalaki. Flirt ito!
            "Maghubad ka na rin," utos nito na nagpalaki ng mata niya.
            "Ba-bakit? Ba-bakit ako ma-maghuhubad?" Kinakabahan na tanong niya.
            "Para magpalit ng damit," nakakalokong tugon nito saka ngumiti ng pilyo. "Pwera na lang kung gusto mong may gawin pa tayo. I'm willing," sabi nito saka itinaas ang dalawang braso nito at inilagay ang mga kamay sa likuran ng ulo.
            Shit! Shit! Shit! Ano ba ang kinasusuungan ko na ito? Total flirting ang ginagawa ng lalaking ito sa kanya.
            Inipon niya ang matinong pag-iisip ng utak niya. Hindi siya dapat magpadala sa temptasyon na nakahain sa harapan niya. Aaminin niya na nahihirapan siya sa sitwasyon niya ngunit nasisiyahan siya sa nakikita. Typical types of him. Malamang.
            "Ma-magbibihis na `ko," aniya. Siyete! Kinakabahan talaga siya.
            Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kanyang higaan at kumuha ng damit na pamalit niya. Habang ginagawa niya iyon ay nanginginig siya. Na-ko-conscious na din siya sa tingin ni Joen na nakasunod sa kanya.
            Napapitlag siya nang maramdaman ang pagdikit ng katawan ni Joen sa likuran niya. Damang-dama niya ang init ng katawan nito. Bumulong ito. "Grabe ang epekto ko sa `yo, Vin. Kahit hindi mo `yon sabihin at itago mo sa `kin ay nahahalata pa rin sa kilos mo. Katulad ng sinabi ko sa `yo bago ako magbakasyon. I want to kiss you again. Pwede ba nating gawin ang hindi nangyari kanina sa sala."
            Pasimple siyang lumayo dito. Dali-dali siyang nagtungo sa pintuan para lumabas ngunit hindi pa nga siya nakakaabot doon ay nahila na siya ni Joen pabalik dito. Napasubsob siya sa dibdib nito. Sinamantala naman nito iyon at niyakap siya nang mahigpit. Tila hindi siya pakakawalan kahit anong pagpupumiglas ang gagawin niya.
            Nag-angat siya ng tingin. Tiningnan niya ito sa mata. "Bi-bitiwan mo ako, Joen," kulang sa kumbiksyon na sabi niya. Kahit siya ay tinatraydor ng malanding bahagi ng pagkatao niya.
            I-push mo na `yan, Vinnezer. Halik lang naman, eh. `Di ba sabi mo kung mangyayari ang ganito ay hindi na big deal sa `yo.
            Natigilan siya.
            Sinabi ko ba `yon? Hindi ko matandaan. Parang timang na sabi niya sa sarili.
            Oo. Sinabi mo `yon. `Wag kang ulyanin. Hindi ka pa matanda.
            "Can we do it here, Vin?" Joen asked in sensual manner.
            "Hi-hindi pwe--" Hindi na niya natatapos ang sasabihin ay sinakop na ni Joen ang labi niya. Hinalikan na siya nito. Halik na tulad ng dati na iginawad nito sa kanya. Sa masuyo at dahan-dahang paghalik na unti-unti ay tinugon niya. Katulad ng dati.
            Ang mga labi nila ay gumalaw na tila isa. Nandoon ang ritmo at palitan na tila sabik na sabik. Sa halik na iginagawad sa kanya at ibinabalik niya kay Joen ay marami ang mag-iisip, kung may makakakita sa kanila, iisipin na may relasyon silang dalawa. Pero bakit niya iisipin iyon? Ang mahalaga sa kanya ay ang halikan nila ni Joen. Siya at ito lang.
            Dalang-dala sila sa emosyon ng halik na iyon. Katulad ng dati ay walang balak humiwalay. Sinusulit ang labi ng isa't-isa at tila kinakabisa ang bawat sulok niyon. Napaungol siya ng maramdaman ang paglalaro ng dila ni Joen sa labi niya. It was teasing his lips and eager to get inside him. He parted his lips and he felt Joen's tongue play his. Gumanti siya.  
            Parang may sariling buhay na pumulupot ang braso niya sa batok nito. Niyakap siya nito at hinapit palapit dito. Sa ginawa nito ay damang-dama niya ang matigas na bagay sa pagitan ng hita nito. And damn it was huge. Katulad ng sa kanya ay ganoon din ang kasidhi ang nararamdaman nito. Mas diniin pa ni Joen ang pagkakalapat ng katawan nila. Mula sa pagkakayakap ng braso nito sa kanya ay unti-unting naglakbay ang kamay nito sa likuran niya. May pagsuyong ipinasok nito ang mga iyon sa loob ng damit niya at hinaplos na nagdulot ng kiliti at kilig sa buo niyang katauhan. Then, Joen's hand went down. Naramdaman niya ang pagpatong ng mga kamay nito sa puwet niya at hilahin siya palapit dito kahit sobra na silang magkalapit. Damang-dama niya ang kahandaan at katigasan ng laman na nasa pagitan ng hita nito. Muling naglakbay ang mga kamay ni Joen. Sa pagkakataong iyon ay itinaas nito ang damit niya para hubarin.        
            Ngunit..
            Nawala ang mahika na nakabalot sa kanila. Naputol ang init na namagitan sa kanila nang pareho nilang marinig ang katok sa pintuan ng kwarto niya. Kumalas siya dito at lumayo. Ibinaba niya ang suot na pantaas. Nagkatitigan sila pero siya na ang umiwas. Lumapit siya sa pintuan at binuksan iyon nang kaunti. Tumambad sa kanya ang lola niya kasama si Nick at Mack. Bigla siyang kinabahan. Ano ang ginagawa ng dalawang ito sa bahay nila?
            "Bakit pulang-pula ka Vinnezer? Masyado na bang mainit dyan sa loob ng kwarto mo?"
            Napahiya siya sa tanong ng lola niya sabay napayuko. Pulang-pula ang mukha niya! Dahil sa halikan ay namula siya. Ganoon siya nag-init.
            "Wala po `to, `la," ang sabi niya.
            "Ganoon ba. Sige maiwan ko na kayo dito ng mga kaibigan mo at nanonood ako." Paalam ng lola niya. Nang makaalis ang lola niya ay natahimik siya. Nakikiramdam siya kay Mack at Nick. Pati na kay Joen na nasa loob ng kwarto niya. May takot na din na bumabangon sa puso niya sa posibleng maging reaksyon ng dalawang lalaki na nakatayo sa harapan niya kapag nalaman ng mga ito na nasa loob ang pinsan ng mga ito.
            "Okay ka lang ba, Vin?" Nag-aalalang tanong ni Nick sa kanya sabay sapo sa noo at leeg niya. "Okay ka lang naman ah. Wala ka namang sinat," anito.
            Nag-angat siya ng tingin. "Wa-wala akong sinat," aniya saka umiwas dito.
            Nagtama ang paningin nila ni Mack. Nakakunot ang noo nito at matiim ang pagkakatitig sa kanya.
            "Nasa loob ba si Joen?" Tanong nito na nagpatingin dito kay Nick.
            Nagulat naman siya.
            "Nandito nga ako," sagot ng taong nasa loob at dumungaw sa pintuan.



22 comments:

  1. Hi Vienne, super bitin! Haha

    Ang ganda ng evolution ng story mo. Nabobother lang ako sa timeline. Pero maganda. Ngayon lang ako nagcomment sa story mo hehe.

    Marvs

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha.. Ako rin po. Na-ba-bother. Palagay ko rin parang masyadong maiksi `yong days para madeveloped sila sa isa't-isa at kailangan ay mag-isip ako ng bago..hahaha.. i-bi-base ko na lang sa title ng story kahit na mabilis `yong pagkaka-develop ng feelings... may meaning `yong title eh.. hahaha..


      BTW. tnx sa comment po!
      Sa uulitin!!

      Delete
  2. Patay. Ano na namn kaya ang mangyari nito?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Rambolan po, sir!!

      Sa susunod na chapter may maiinis na naman sa `kin.. hahaha..

      Thank you po sa comment!

      Delete
  3. ahaha sayang naudlot pa! nakakabitin talaga pero kapanapanabik! Mr Author sana makapag update pa kayo sa mga susunod na araw.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Meron na.. sched na po.. sa huwebes!

      Maraming salamat po sa pagbabasa!

      Delete
  4. Hahahha mga baliw talga ng magpinsan.. Aba!!! Talo pa ni Vin ang mga disney princesses ahh

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang haba ng hair niya, sir Russ..

      Thank you po sa pagbabasa!

      Delete
  5. ..sheeettt lang talaga..ngayon kaylangan ko ng mgcomment...di ko n talaga kaya..grabe napakaganda ng chapter n to..sobra sobra ang kilig ko.alam mo un gusto mong sumigaw kaso d pwede at gabi n..haha..ang galing mo author..salamat sa update..lagi ko tong sinusubaybayan.
    keep up the good work and GOD bless you!!♡

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat sa comment!!

      Salamat sa pagsubaysay!

      Salamat sa pagbabasa nito!

      :))

      Delete
  6. ..sheeettt lang talaga..ngayon kaylangan ko ng mgcomment...di ko n talaga kaya..grabe napakaganda ng chapter n to..sobra sobra ang kilig ko.alam mo un gusto mong sumigaw kaso d pwede at gabi n..haha..ang galing mo author..salamat sa update..lagi ko tong sinusubaybayan.
    keep up the good work and GOD bless you!!♡

    ReplyDelete
  7. Oh my g! Go joen. Sayang lang at biglang sumulpot ung 2 asungot. Nabitin tuloy. Ano kayang meron at biglang dumalaw ung 2? Hmmm.

    Go #TeamJoen

    -hardname-

    ReplyDelete
    Replies
    1. Malalaman po natin sa susunod na chapter, Hardname!

      Thank you sa pagbabasa!!

      Sa uulitin po :))

      Delete
  8. weeeeee go joen ^_^ kinikilig talaga ako :p



    thanks sa update vienne (y) :)))

    ReplyDelete
  9. Ang ganda.. Nakakaexcite.. Kaso medyo nabitin ako.. Hahaha.. Susubaybayan ko talaga :) update po sana agad :) -dave

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat sa pagbabasa nito, Dave..
      Sa uulitin po!

      Pasensya na din kung bitin.. kailangan eh :))

      Delete
  10. hindi pa rin nawawala yung kilig factor huh (^_^) consistent (Y)


    thanks sa update vienne :)))

    ReplyDelete
  11. Nabitin ako Vienne! Ano ba naman kasing magpinsan na yan! (Nick and Mack) Mga panira ng moment! Hahaha. Kailan kaya nila aaminin yung nararamdaman nila para sa isa't-isa? (Take note, when i'm writing this, hindi ko pa nababasa ang FE 16) Lols! Salamat sa update Vienne!

    ReplyDelete
  12. ay shuwa riwa galiwa hahaha.. antgal kong nbakante sa pagbabasa.. at umabot na pla dito sa makapugot hininga na pangyayare.. bat ba kase ang bilis maka amoy nung 2..hahaha.. andun na ung dumdaloy na boom2 pow e..hahaa.. galing2 kuya

    jihi ng pampanga

    ReplyDelete
  13. Hi sir Vienne, I would like to commend your story here. Very effective, ang kilig na dapat maramdaman has been felt
    i could say. I was just puzzled that your storytelling between the two person involved in their point of views are being repeated. Kaya ini-skip ko siya basahin because, like I said, I have read it na. Pls cut it po? 😊😊😊 Anyway, im enjoying the role of Joen.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails