Una sa lahat salamuch sa mga nagbabasa nito. Sa mga sumusunod po na hindi ko nabati mula sa chapter 9 ng story na `to. Kay Hardname, Jihi, Raffy Asuncion, kay sir Ben, Nikolo06290, Lightless(heto na. ;]), Patrick Mcfield, Ruthra Villanueva, Dave, Angel, Alfred of T.O, Rye Evangelista. Maraming salamat po ulit.
Pinag-iisipan ko pa kung gagawan ko ng kwento`yong dalawa. ;]
CHAPTER FOURTEEN
NAPABUNTUNG-HININGA SI Vin habang inaalis ang
gwapong mukha ni Joen sa isipan niya. Ilang araw na itong wala at sobra na ang
pagka-miss niyang nadarama. Kahit na inaabala niya ang sarili sa gawaing bahay
at paghahanda para sa nalalapit niyang pagpasok sa restaurant ay hindi pa rin
ito mawaglit sa isipan niya.
Para
na siyang baliw, kung sa loob si Joen ng utak niya ay baka kanina pa ito pagod
sa paulit-ulit na pagtakbo. Kapag wala siyang ginagawa ay tinitingnan niya ang
text message nito. Minsan ay hinihiling niya na sana ay mag-text ito at
magtanong kung okay na ba siya.
Kasalanan
rin naman kasi niya. Kung nag-reply lang siya sa text nito, sana ay
nagpapalitan sila ngayon ng mensahe. Tinotoo talaga ni Joen na lalayo ito sa
kanya at bibigyan siya ng pagkakataon na makapag-isip. Pinagulo niya kasi ang
sitwasyon Kung sana ay hindi niya ginawang big deal ang halik katulad ng ginawa
niya kay Mack. Sana ay hindi niya ito nami-miss ng sobra ngayon.
Napabuntung-hininga
siya nang maalala si Mack. Pagkatapos ng halikan na namagitan sa kanila at
nalaman nito ang totoong pagtingin niya kay Joen kahit walang kumpirmasyon iyon
sa kanya ay mas lalong naging pursigido ito. Lagi itong pumupunta sa bahay nila
at dinadalhan siya ng kung anu-ano. Hindi naman niya magawang mapagsabihan ito
dahil kapag nag-o-open agad siya ng mga ganoong usapan ay agad itong umiiwas.
Minsan ay pinangungunahan pa siya.
Iniisip
na nga niya si Joen ay sumabay pa ito. Mabuti na lang at hindi pa ulit
umeeksena si Nick. Dahil kung gagawin nito iyon ay mas lalo pang magugulo ang
buhay niya. Sa mga panahon na ito ay mas lamang ang pag-iisp niya kay Joen, ang
pagka-miss niya dito. Naaalala naman niya ang tungkol kay Mack ngunit sadyang
ang puso niya ay laging si Joen ang laman.
Kapag
umuwi si Joen ay hindi na siya maiilang dito. Ibabalik niya ang dati nilang
samahan. Hindi na niya babalikan pa ang nangyari.
Ano na kaya ang ginagawa ni Joen sa mga oras
na ito? Ang tanong niya sa sarili. Tatlong araw na mula nang umalis si
Joen. Ang alam niya ay tatlong araw lang ang bakasyon nito.
Gusto
niyang i-text si Joen at tanungin kung kailan ito uuwi para makapaghanda siya.
Pero pinipigilan niya ang sarili. Tuwing
mag-ta-type kasi siya ng mensahe para dito ay wala sa sariling na-ta-type niya
ang laman ng puso niya. Lagi niyang nako-compose ang salitang 'miss na kita' at
'I love you'. Napaghahalata siyang masyado. Mahigpit pa naman niyang sinasabi
sa sarili na hindi niya sasabihin dito ang nararamdaman niya. Sapat na na si
Mack lang ang may alam. Alam naman niya na hindi nito sasabihin ang
nararamdaman niya sa pinsan ng mga ito. Basta nararamdaman niya na hindi
gagawin ni Mack iyon.
"Tulala
ka na naman," ang sabi ng lola niya.
Napatingin siya dito.
"Sino
ba ang iniisip mo? Si Mack o si Joen?"
Sa
dalas ng pagpunta ni Mack sa kanya at may dala ng kung anu-ano ay napansin ng
lola niya na nanliligaw sa kanya ang lalaki. Wala naman siyang nakitang
pagtutol sa mukha nito. Tuwing nagtutungo si Mack doon ay magiliw lang ang lola
niya dito katulad kay Joen.
"Kung
si Mack ang naiisip mo, sagutin mo na siya. Kung si Joen naman ay i-text mo o
kaya ay i-message mo sa facebook. Anong silbi ng internet kung hindi mo
gagamitin."
"Ayoko
`la."
Pumalatak
ito. "Ewan ko sa `yo apo. Sa sagot mo alam kong si Joen ang nasa isip mo
ngayon. Halatang na-mi-miss mo na ang kaibigan mong iyon. Hindi mo man aminin
sa `kin, nakikita kong may pagtingin ka kay Joen. Nakikita ko ang glow ng mata
mo kapag kasama mo siya. Kay Mack, hindi ko `yon nakikita, parang naaawa ka
lang d'un sa tao. Bakit kasi hindi mo siya diretsuhin?"
"Nagawa
ko na po `yon, `la. Pero hindi naman iyon pinansin ni Mack , eh. Mas lalo pa
ngang naging pursigido na ligawan ako."
"`Yong
tao na `yon ang nanliligaw sa `yo pero hindi mo man lang magustuhan. Bakit si
Joen? Wala naman siyang ginagawa pero may pagtingin ka sa kanya. Noong dito
siya, lagi kayong nagbabangayan pero nagkakasundo kayo sa maraming bagay. Gusto
mo si Joen, hindi ka naman in-denial sa nararamdaman mo pero bakit hindi mo
sabihin sa kanya ang totoo? Katulad ng ginawa mo kay Mack pero hindi pa rin
tumitigil. Kay Mack hindi ka natakot na direstsuhin siya. Kay Joen nakikita ko
ang takot mo. Ano ba ang ikinakatakot mo, Vin?"
"Marami
`la," matipid niyang sagot.
Una, straight si Joen.
Pangalawa, masasaktan ako kapag sinabi ko sa
kanya ang totoo. Ayokong masaktan pero nakasakit na ako ng damdamin.
Pangatlo, ipagpalagay natin na may
nararamdaman sa `kin si Joen. Hindi naman ako tama para sa kanya.
Joen is almost perfect, while me,
there's a lot of imperfections in my life. At ang mga imperfections na iyon ay
wala pang kasagutan. Nangangapa ako, lola.
Pang-apat, hindi ako buo, lola. Kung alam mo
lang po sana ang pinagdaanan ko sa probinsya.
Iyon
ang mga gusto niyang sabihin sa lola niya pero hindi niya maisalita.
"Hindi
ka na sumagot, Vinezzer. Ang dami mong pinoproblema na bata ka."
"Lola,
halata po ba na may gusto ako kay Joen?"
"Nahalata
ko dahil apo kita. Mula pagkabata ay kilala na kita, Vin."
"`Pansin
ko lang, nasaan pala si Joen? Bakit hindi na siya nagpupunta dito? Bakit
palaging si Mack na lang? Pursigidong-pursigido ang batang `yon na makuha ka.
Siya na lang ang mahalin mo kung alam mo na wala kang makukuhang tugon kay Joen."
Pagbibiro nito.
"Mahirap
`yon `la."
Tumawa
ang lola niya. Nakitawa na rin siya. "Sige, maiwan na kita ito at
magluluto pa `ko. `Wag kang masyadong mag-isip at nagmumukha kang tanga."
Pahabol pa nito bago umalis.
Nang
makaalis ang lola niya ay tumayo rin siya. Lumabas siya ng bahay nila at
nagtungo sa malapit na tindahan para bumili ng makakain. Naabutan niya doon si
Charles. Prenteng nakaupo sa silyang nandodoon at umiinom ng softdrinks.
"Uy
Vin. Long time no see, ah" Nakangiting sabi nito.
Mula
nang magtungo ito sa bahay nila at humingi siya ng tulong dito para mapigilan
si Mack at Nick sa pagbabangayan ay naging close na sila. Tuwing nagkikita sila
ay lagi silang nag-uusap. Charles was a good conversationalist. Walang dull
moment kapag kasama niya ito. Lagi itong bangka.
Kahapon
ay sinamahan pa siya nito na mamili ng kailangan sa niluluto ng lola niya. Doon
din ito kumain sa bahay nila, na tila kinakasanayan na nito.
"Baliw.
Nagkita pa lang tayo kahapon."
Lumawak
ang pagkakangiti nito.
"Wala
yata ngayon ang mga nambabakod sa `yo," puna nito.
"Wala
nga," aniya.
"Alam
mo parang may kulang sa `yo."
"Ano
naman `yon?"
"Walang
glow sa mata mo. Napansin ko `yon mula nang mawala si Joen sa eksena. Kahit na
magkasama kasi kayo ni Mack at Nick ay walang ganoon sa mata mo, eh."
Isang
beses nitong nakita na kasama niya si Mack. At isang beses din kay Nick. Ang
observant naman ng lalaking ito at napansin iyon kahit na bihira lang nitong
nakita si Mack at Nick na kasama niya.
Una,
sa lola niya. Sunod ito. Hay buhay! Ganoon
ba talaga siya kalungkot dahil wala si Joen sa tabi niya. Ganoon na ba siya
ka-transparent pagadating sa pagtingin niya kay Joen.
"Kailan
ka pa naging observant sa paligid mo, Charles?"
"Ngayon
lang naman. sa `yo lang. You know what, Vin. You're something interesting. May
kung ano sa `yo na hahabulin talaga."
"Ay
ewan ko sa `yo. Tabi ka nga dyan. Bibili ako. Ako na naman ang napag-trip-an
mo."
"Totoo
naman kasi ang sinasabi ko, eh. Talagang interesanteng tao ka. Hindi ka
nakakasawa na kasama kahit na hindi ka masyadong nagsasalita."
"Ewan.
Tigilan mo nga ako. Nahihiya ako sa pinagsasabi mo sa `kin."
"Trip
kita. Alam mo ba. Wala akong magawa kaya habang nandito ka ay mag-usap muna
tayo. Ako na ang magbabayad ng bibilhin mo, libre ko."
"`Wag
na, Charles. Nakakahiya sa `yo. Ako na ang magbabayad ng bibilhin ko. May pera
ako. Salamat na lang."
"Ayaw
mo ng libre?"
"Ayaw."
"Ikaw
ang bahala. Dapat sinasamantala mo ang generosity ko. Minsan lang ito."
"Sa
susunod na lang. Iba ang ipapabili ko sa `yo kapag gusto kong
magpa-libre." pagsakay niya.
"Bakit
ngayon ka lang lumabas?" Pag-iiba nito ng usapan.
"Wala
lang. Mainit eh. Saka wala naman akong gagawin dito sa labas. Wala naman si
Diega at Joanna."
"Nandito
naman ako, ah. Bakit ako ang hindi mo hanapin."
"Ewan
ko sa `yo. Wala ka bang ginagawa sa bahay n'yo? Puro ka lakwatsa."
"Wala
kaya nga ako nandito. I'm just killing my time watching every people passing
by."
"Ang
sarap ng buhay, ah. Dakilang tambay ka pala."
"Nagsalita
ang hindi."
"Para
sabihin ko sa `yo. Pagkatapos ng linggong ito may trabaho na `ko."
"Talaga?
Ano naman?"
"Waiter
sa isang restaurant." Nagmamalaki niyang sagot. Sinabi niya dito ang
pangalan ng restaurant nina Joen.
"Waiter
daw, dapat waitress."
"Pareho
na rin `yon, adik."
"See
you there na lang kung ganoon."
"Bakit?
Doon ka ba nagtatrabaho? May nalalaman ka pa na ganoon."
"Hindi
ako d'un nagtatrabaho. Sa katabi lang naman n'un. Kaya seee you there kasi doon
ako minsan kumakain."
"Ah
ganoon ba. Sige, see you there na lang." aniya. Bigla siyang natigilan.
"Pinagloloko mo yata ako Charles, eh. Ang sabi mo kanina wala kang trabaho
tapos ngayon meron na? Ano `yon magic?"
Tumawa
ito. Talagang pinagtawanan pa siya nito.
"Adik
ka rin, noh." Saglit siyang natigilan. Adik,
masungit, moody. Iyon ang mga salitang palagi niyang inilalarawan kay Joen.
"Hay
naku! Nakapagtatampo ka naman, Vin. Ako ang kausap mo ngayon tapos iba ang
iniisip mo. Si Joen na naman `yan, noh?"
"Hindi
no." Ang pag-iwas niya.
Ang
galing rin talaga ng lalaking ito. May kakayahan ba itong basahin ang iniisip
ng isang tao?
"Mag-de-deny
pa halata naman. I-text o kaya tawagan mo para mawala `yan na pagka-miss na
`yan." Sulsol nito sa kanya.
"Ewan. Baka gusto mong ewanan kita dito, Charles. Tigilan mo
`ko sa pang-aasar mo sa `kin."
"Sungit
mo naman," nakasimangot na saad nito. "Pasalamat ka at wala akong
magawa kundi eewanan din kita
dito." Ang panggagaya nito sa kanya.
Tinawanan
niya ito. "Mukha kang ewan, Charles. Mukha kang abnormal nang sabihin mo
`yon. Hindi bagay."
"Wow!
Nahiya naman tuloy ako sa `yo."
"Sige
na nga ba-bye na. Uuwi na `ko. Wala naman tayong matino na pag-uusap."
Natigilan
na naman siya.
Muli
na naman niyang naalala si Joen. Sa lahat na lang ng bagay? Hay naku! Hindi na
niya alam kung ano ang gagawin niya.
Joen umuwi ka na. Miss na kita. Miss na
miss.
DAPAT PAGKATAPOS SABIHIN ni Mack kay Nick na may
pagtingin ang pinsan niyang si Joen kay Vin ay n'ung hapon na rin iyon niya
kokomprontahin si Joen. Ang kaso ay wala pala ito sa bahay ng mga ito at
kasalukuyang nagbabakasyon. Nang pumunta siya sa bahay ng Tito Ric niya ay ang
mga katulong lang ang naabutan niya. At sa mga iyon nga niya nalaman na
nagbabakasayon ang mag-ama.
Isang
araw at mahigit na mula nang malaman niya iyon. Sa isang araw na mahigit na
iyon ay binabagabag siya ng mga katanungan sa kanyang isipan. Mga katanungan na
gusto niyang magkaroon ng kasagutan at marinig mula sa bibig ni Joen.
Paanong nangyaring may gusto rin ito kay
Vin?
Katulad na rin ba nila ito ni Mack?
Kaya ba ganoon na lang ito mambakod
kay Vin dahil simula pa noong una ay may pagtingin na ito kay Vin?
Kaya pala ganoon na lang ang sinabi
nito sa kanya dahil may pinaghuhugutan ito.
Ang
dami ng pwede niyang maging karibal ngunit bakit ang mga pinsan pa niya?
Kay
Mack, alam niya na may laban siya. Pero kay Joen ay duda siya. Siguro kung
hindi niya nalaman ang katotohanan mula kay Kuya Arkin ay hindi siya mag-aalala
ng ganito. Kapag nakumpirma niya na may pagtingin nga si Joen kay Vin ay talo
na siya.
Humugot
siya ng isang malalim na paghinga.
Ganunpaman
ay wala siyang balak sumuko. Gagawin niya ang lahat na makakaya niya.
Tumunog
ang cellphone niya. Agad niyang kinuha iyon at binasa ang mensahe na natanggap.
Galing iyon kay Aling Mercy. Sinabihan niya kasi ito na i-text siya kapag
dumating na ang mga amo nito. At ang mensahe ay iyon na nga. Nagpasalamat muna
siya sa katulong. Nagpalit siya ng damit. Pagkatapos ay agad siyang lumabas ng
kwarto niya.
Excited
siya na malaman ang totoo ngunit may kaba na binabalewala niya. Ang pakay niya
ay malaman at marinig mula kay Joen ang katotohanan sa sinabi ni Mack sa kanya.
Pagkadating
niya sa bahay ng Tito Ric niya ay eksakto naman pababa si Joen sa asul na kotse
na pagmamay-ari ni Arkin. Agad siyang lumapit dito.
"Nick,"
masayang tawag ni Joen sa kanya. Kapansin-pansin ang pamumula ng balat nito.
Mukhang nahiyang ito sa bakasyon nito.
Kung
nakangiti ito ay kaseryosohan naman ang mababakas sa mukha niya.
"May
problema ka ba, Nick?" Tanong nito. Malapit sila sa isa't-isa ngunit
mukhang magkakaroon ng lamat ang pagiging malapit nila pagkatapos nito.
"Pwede
ba tayong mag-usap, Joen?"
"Para
saan?" tanong ulit nito. Nawala ang ngiti sa labi. "Wait here,"
anito saka nagpaalam sa Tito Ric niya at kay Arkin. Iyon din ang ginawa niya.
Inilabas
nito ang motor nito. Umangkas ito saka siya pinasakay. Nauwi sila sa park na
nasa loob ng subdivision nila. Umupo sila sa bench na nandoon.
"Alam
ko na ang lahat," simula niya. "Mack told me things he knew about you
and Vin. Paano nangyari `yon, Joen? Akala ko totoong lalaki ka? Paano ka
nagkagusto kay Vin? Bakit siya pa? Katulad ka na rin ba namin? Ang akala ko
para ka lang sa babae pero mali pala ako." Wala itong tugon sa mga tanong
niya.
Nakatingin
lang ito sa mga batang naglalaro sa playground.
"Sumagot
ka, Joen. Gusto kong marinig mula sa bibig mo ang lahat."
"Wala
akong dapat ipaliwanag sa `yo o kay Mack, Nick. Bakit kailangan kong sagutin
ang tanong mo na dapat wala ka namang kinalaman?"
"Meron
akong kinalaman, Joen. Gusto ko rin si Vin!"
"Narinig
ko na ang linyang `yan kay Mack. Magpinsan nga kayong dalawa." Palatak
nito.
"Just
answer my question, Joen. Gusto kong marinig ang lahat. `Wag mong patagalin ang
pag-uusap natin na `to."
"Alam
mo naman na ang totoo, `di ba? Bakit kailangan pang marinig mo iyon mula sa
`kin, Nick? Masasaktan ka lang at ituturing mo `kong kaaway pagdating sa
kanya."
"Damn
it! Just answer my damn question, Joen!"
Bumuntung-hininga
ito. "Totoo na may gusto ako kay Vin. Hindi ko lang siya gusto dahil mahal
ko na siya. Paano `yon nangyari? Hindi ko alam. Basta bumibilis ang tibok ng
puso ko kapag kasama ko siya. Masaya ako kapag nasa tabi ko siya. Gusto kong
lagi siyang kasama at sa kanya ko lang naramdaman ang kapanatagan sa puso ko.
Yes, aaminin ko na babaero ako na hindi ako dapat ma-inlove sa kanya pero
mapipigilan ko ba ang puso ko? Hindi ako katulad n'yo dahil alam ko kung ano
talaga ako. Hindi naman masama kung mahalin ko siya dahil wala namang pinipili
na kasarian ang pagmamahal, hindi ba?"
"Wala
nga." Ang tanging nasabi niya. "Sa mga narinig ko sa `yo, ituturing
na kitang karibal sa kanya. Hindi ako magpapatalo sa `yo pagdating kay Vin.
I'll do everything just to win him over you. But please, Joen, just fight fairly
like what we are doing. `Wag kang bantay-salakay."
He
heard him chuckled. "Mag-pinsan nga talaga kayo ni Mack. Narinig ko na rin
`yan sa kanya nang komprontahin niya ako. Nasuntok pa niya nga ako, eh."
"Bagay
lang `yan sa `yo."
"Sinabi
rin ba niya sa `yo na hinalikan ko si Vin sa lips?"
Marahas
siyang napabaling dito. "You kissed him?"
Tumango
ito. "Base on your reaction. Hindi niya sinabi sa `yo. Ako pala ang
nagpahamak sa sarili ko. Tsk."
Marahas
siyang tumayo at hinarap ito. Bago pa ito maka-react ay binigyan niya ito ng
suntok sa pisngi.
"Ouch,"
daing nito habang sapo ang nasaktang pisngi. "Hindi pa nga ako
nakaka-recover sa panununtok sa `kin ni Mack sinuntok mo naman ako."
"Bagay
lang `yan sa `yo. Sinabihan mo ako na mapagsamantala samantalang mas malala ka
pa pala. Bantay-salakay ka rin." Ang sabi niya saka iniwanan ito.
Kung
hindi niya ito iiwanan ay magugulpi lang niya ito. Mukhang walang balak pa
naman ito na gumanti. Nanggigigil siya. Nagseselos sa narinig mula dito. Sa
cheeks lang siya samantalang ito sa lips?
Akala
niya ay siya ang unang naka-iskor. Hindi pala. Dahil kung mabilis siya ay mas
mabilis si Joen.
"Gagawin
ko ang lahat para makuha ko si Vin, Nick. Maswerte nga kayo dahil nasabi n'yo
na sa kanaya ang nararamdaman n'yo, ako hindi pa."
Pahabol
ni Joen na hindi niya pinansin. Lamang pa rin ang pagseselos niya. Galit siya
dito.
"OUCH," MULING DAING ni Joen nang
mapadiin ang pagkakahawak niya sa nasaktang pisngi.
Hindi
niya akalain na magiging bayolente si Nick. Hindi niya inaasahan na susuntukin
siya nito. Ngunit katulad ng reaksyon niya kay Mack ay wala siyang balak
gumanti sa panununtok nito. Kasalanan niya kasi sinabi pa niya dito na
hinalikan niya si Vin sa lips.
Napailing
na lang siya sa kabobohan niya. Pinahamak niya ang sarili.
Nagtungo
siya sa kanyang motorsiklo at humarap sa salamin niyon. Tiningnan niya ang
pisnging sinuntok ni Nick. Namumula na iyon at maya-maya ay magkukulay lila na
iyon.
Sumakay
siya sa motorsiko niya at pinatakbo iyon ng mabilis. Ang unang balak niya
pagkababa na pagkababa niya sa kotse ni Arkin ay puntahan agad si Vin ngunit
hindi nangyari dahil kay Nick. Miss na miss na niya ito. Gusto na niya itong
mayakap at makita.
Gusto
niyang malaman kung okay na sila nito at katulad rin niya ay na-miss siya nito.
He was hoping for a positive result that after this they will be okay, again.
Sana ay wala nang ilangan ang mamagitan sa kanila. Sana ay nakalimutan na nito
ang nangyari kahit siya ay hindi niya iyon magawa.
Kapag
nagkita sila ay isang mahigpit na yakap ang ibibigay niya dito. Kung pwede nga
niyang halikan ito sa lips ay gagawin niya. Ang kaso ay baka maging sanhi na
naman iyon ng hindi nila pagkakaunawaan.
Sa
bilis ng pagpapatakbo ni Joen sa motorsiklo niya ay agad siyang nakarating sa tapat
ng bahay nina Vin. Agad siyang nagtungo sa harap ng gate at kumatok. Walang
tugon. Tila walang tao sa loob ng bahay. Baka wala doon si Vin at Lola Fe, baka
may pinuntahan ang mga ito. Pero bukas naman ang gate nila.
Wrong timing. Bad trip.
Muli
siyang kumatok pero wala talaga.
Sa
kaabalahan niya sa pagtingin sa loob ng bahay at pagkatok ay hindi niya
napansin ang pagdating ng hinahanap niya.
"Na-miss
kita," narinig niyang sabi ng pamilyar na boses na nagpatingin sa kanya
dito.
Ano b yan?! Bitin naman! Hehehe
ReplyDeleteGo #TeamJoen
-hardname-
Hardname, thanks for reading!!
DeleteSa susunod na chapter na lang.
;)
Joen ako!! <3
ReplyDeleteKiya Anon, pakilala ka po. :)
DeleteSalamat sa pagbabasa. Sa uulitin po.
Wow bitin.... Hehehe.. Nice one mr. Author... Update po agad khit my pasok n s skul...
ReplyDeleteKeep it up...
Thanks for reading!!
DeleteHindi na po ako nag-aaral. Bummer na ako, matagal na.
Tsk..
Supppperrr boom bitin nice
ReplyDeleteKuya Russ, super bitin ba? Pasensya na po..
DeleteAnyways salamat sa po sa pagbabasa
Waaah! Ang konti ng kilig part! Anyways, salamat sa update Vienne!
ReplyDeleteSa susunod na lang na part kuya Rye. :)
Delete"na-miss kita"
Deletewew 1 million times kilig ^_^
nice (y) galing
thanks sa update :)))
Walang anuman po, Kuya Ruthra, heheh..
DeleteThanks din sa pagbabasa nito.
Sa uulitin, kuya!
#teamjoen medyo bitin.. Pero.. Maganda.. :) kakatuwa - dave
ReplyDeleteThanks for reading!
DeleteMagka-intindihan na sila ng feelings nila. It's getting better every chapter. As Usual...bitin na naman kaming mga avid readers. Thanks for the story you shared..I hope you authors would be well compensated for your stories you painstakingly done.
ReplyDeleteMaraming salamat po sa pagbabasa nito, sir alfred :)
DeleteMagkakaintindihan? Hindi pa po. Magulo ang main character ng story na to, eh. Pero, may mangyayari.. haha.. iyon nga lang kung matutuloy..
:)
Bawat chapter naman nakakabitin, kaya magandang abangan haha. Nakakainis ka author, bakit mo pinasapak si joen kila Nick at Mack. Wala nmn akong nakikitang dahilan para sapakin sya, e wala pa nmn bf c vin.
ReplyDeletebharu
Ganoon sila magselos, eh, possessive ang peg nila kahit manliligaw pa lang..
DeleteNakakabitin ba nang sobra? Pasensya na.. :)
Author update po exciting talaga susunod na pangyayari...
ReplyDelete