YOU’RE
MINE – Chapter 3 (Meet Venom)
Stefan
“Jules” Salvatore
Para akong binuhusan ng malamig na tubig
ngayon sa itsura ko. Nakatulala lang ako at nakatingin sa pader kung saan
nakasulat ang sinabi kong salita. Pulang pula ito. Halatang dugo talaga ang ginamit. Pero hindi ko alam kung galling
ito sa dugo ng tao o hayop.
Dugo.
Bumabalik na naman ang mga ala-ala niya.
Bumabalik na naman sa akin ang lahat ng mga nadatnan ko nang gabing nakita ko
siyang halos bawian na ng buhay at naliligo sa sarili niyang dugo. Naaalala ko
na naman yung gabing yun. Ayoko nang maalala siya. Ayoko nang bumalik ang mga
ala-alang nagpapakonsensya sa akin. Naramdaman ko na lang ang paglalambot ng
mga tuhod ko at ang panginginig ng bawat parte ng katawan ko. Nagbalik siya. Galit
siya sa akin. Gusto niya akong gantihan. Pero mahal ko siya. At sa pagkaka-alam
ko kahit konti lang, meron pa ring kaunting pagmamahal na natitira sa akin para
sa kanya. At sabi niya noon sa akin bago nangyari ang lahat na mahal na mahal
niya ako. Kaya ba niyang gawin sa akin ito? Kaya niya ba akong saktan?
Oo. Kaya na niya. Hinayaan ko siyang
mamatay. Hinayaan ko lang siyang bawian ng buhay. Wala akong ginawa.
Napaluhod na lang ako at napayakap sa
sariling katawan ko. Nanginginig ako at punong puno ng takot. Binabalikan na
niya ako. Parang may naririnig akong nagsasalita pero hindi ko masabi kung
sino. Parang alalang alala siya. Nakapikit ngayon ang mga mata ko. Ayokong
idilat ang mga ito dahil na rin sa kadahilanang
takot akong makita kung ano man ang nangyayari ngayon.
“Jules.” Rinig kong sabi na naman ng boses
na kanina pa sumusubok na kausapin ako. “Jules, makinig ka. Huwag kang matakot.
Follow my voice. Nandito ako. Wala siya rito Jules. Hindi ka na niya magagalaw.
Wala na siyang magagawa. I wouldn’t even let him touch you kung nandito man
siya. Open your eyes Jules. Follow my voice. Fight it. Fight him. Fight his
memories. Pls Jules. Don’t let him scare you. Just follow my voice.”
Napakaganda ng boses niya. Bawat salitang sinabi niya ay unti unting
nagpapakalma sa akin. Unti unting nawala ang panginginig ko. Nakaramdam rin ako
ng dalawang kamay na humawak sa upper arm ko. Unti unti kong binuksan ang mga
mata ko pero hindi ko napigilan ang mga
luhang dumaloy pababa sa mga ito. Nakita kong nasa harapan ko na si
Shasha, at para bang nabuksan ang isip ko at bumalik ako sa riyalidad. Hindi na
niya ako mahahawakan. Hindi na niya ako magagalaw. Patay na siya.
Hindi ko na napigilang mapahagulgol nang
yakapin ako ni Shasha. Hanggang ngayon takot pa rin ako sa kanya. Hanggang
ngayon hindi ko pa rin matakasan ang mga nangyari nung gabing yun. Dalawang
taon na ang nakakalipas pero pakiramdam ko kahapon lang nangyari ang lahat.
Ayoko na. pagod na pagod na ako.
“Shasha. Ayoko na. Ayoko na siyang maalala.
Pagod na pagod na ako. Ayoko nang matakot.” Sabi ko in between sobs kay Shasha.
Hinahagod hagod naman niya ang likuran ko. Nakaluhod kami ngayong dalawa at nagyayakapan
habang humahagulgol ako sa bandang balikat niya.
Nang medyo kumalma na ako at tumigil na sa
pag-iyak, agad akong inalalayan ni Shasha pababa dahil na rin sa medyo
nanghihina pa ako dahil na rin sa mga nangyayari. Nung makababa na kami ng
hagdan agad agad naman niya akong pina-upo sa sofa. Ilang minuto pa ang lumipas
may mga nakaunipormeng lalaki ang nagsidatingan mula sa iba’t-ibang parte ng bahay.
“Every where’s clear ma’am.” Rinig kong
sabi ng isang lalaki kay Shasha. Ahhh,
mga body guards ng mga Donnovan. Nakita ko lang tumango si Shasha sa nagsalita
bago siya umupo sa tabi ko at nginitian ako ng isang pilit na ngiti. Ngumiti
rin ako ng pilit sa kanya. Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa. Gulantang
pa rin ako sa mga nangyari. Sino yung
lalaking nakamaskara? Anong kailangan niya? At mine? Anong ibig sabihin nun?
Anong gusto niyang iparating? Anong ibig niyang sabihin?
“Tinawagan mo na ba sina mom?” halos bulong
ko nang sabi kay Shasha. Tumango lang siya. Kilala ko siya. Alam kong natatakot
rin siya pero ayaw niya lang ipakita sa akin. Gusto niyang maging matatag para
sa akin. Hindi din siya nagsalita dahil takot siyang makapagsabi nang mali at
baka atakehin na naman ako. Hinawakan ko na lang ang kamay niya. She visibly
relaxed at ngumiti siya sa akin. I gave back the favor.
Ilang minuto pa ang lumipas sabay sabay
dumating ang lahat ng mga kasambahay at mga iba pang workers sa bahay kasama
nina Mommy na may kasama naman na dalawang pulis. Agad namang tumakbo papunta
sa akin at pinatayo ay niyakap ako. Niyakap ko rin naman siya pabalik. Nang
tingnan ko si Dad, pinapagalitan ang mga kasambahay namin. Ngayon ko lang din
napansin na sumisisigaw na pala siya. I heard something na sinabi ng mga
kasambahay na may nadisgrasya malapit sa amin kaya lumabas silang lahat at
tiningnan ito. But Dad being Dad, wouldn’t accept their reason. That accident is weird. Parang planado ang
lahat. But maybe it was just a coincidence.
“Dad walang magagawa ang pagsigaw mo
ngayon.” Sabi ko para matigil na ang drama na ito. May kasama silang mga pulis
and I want this to be finished as soon as possible. Agad naman siyang tumigil
at pinapunta sa maid’s quarter ang mga kasambahay at iba pang mga trabahante.
Sinenyasan agad ni Dad ang mga pulis at umakyat silang lahat sa hagdan. Sumunod
naman sa kanila si mama.
“Stay with him Shasha. We’ll fix this.”
Sabi ni mama bago siya umakyat pasunod kina daddy. Tumango naman si Shasha.
Umupo naman agad kami ni Shasha sa sofa
nang makaakyat silang lahat. Pero teka. Alam nina mom lahat? Agad akong
tumingin kay Shasha.
“I told them everything nang tinawagan ko
sila if that’s what you’re going to ask.” Sabi naman niya agad nang hindi
tumitingin sa akin habang kinakagat niya ang mga kuko niya. A thing she does
kapag kinakabahan at nagiisip siya. I leaned on the couch at nagsimula ding
magisip. Bakit parang ang daling nakapasok ng taong yun sa bahay namin? At parang kabisadong kabisado niya ang pasikot
sikot ng bahay dahil na rin nakapasok
siya nang walang kahirap hirap at nakalabas nang napakabilis. Parang planado
ang lahat.
“Nakakapagtaka. Paanong nangyari ito? We
have CCTV everywhere in the house. May nakabantay sa CCTV room namin 24/7. Si
Mang Dante sa pagkaka alam ko ang nakashift ngayon. Hindi kaya niya nakita?
Nasaan nga ba siya?.” Sabi ko na parang kinakausap ang sarili ko pero alam ko
naming nakikinig si Shasha.
“And he didn’t even come for your rescue.”
Dagdag pa ni Shasha.
Bago pa man ako makasagot nakarinig kami ng
isang nakakabinging sigaw ng isang babae. Kilalang kilala ko yun. Si mom. At
nanggagaling ang sigaw sa kwarto. Agad kaming napatayo at napatakbo ni Shasha
pataas ulit ng kwarto. Nang nakarating
kami doon nakita kong nakayakap si mom kay dad na halatang takot na takot
habang si dad naman halata ang pagkagulat sa kung ano man ang nakikita niya. I
scanned the room at nakita ko na naka open ang walk in closet ko. Nakita ko
ring nagmadali ang isang pulis na kinuha ang kumot ko at kinumutan ang isang
bagay na nakalatay sa sahig ng kwarto ko. Pero bago pa man ito matakpan ng
kumot ay nakita ko pa kung ano ito. Mali. Hindi ano, kung hindi sino. Si Mang
Dante nakahandusay sa lupa. Maraming saksak sa katawan dahil na rin sa naliligo
ito sa sariling dugo. Pero hindi lang yun. May nakaturok ding isang kutsilyo sa
leeg niya habang nakadilat ang mga mata.
Agad
naman akong tumalikod dahil nakakasuka ang itsura niya. Nang tiningnan
ko si Shasha nakatalikod na rin siya at halatang nandidiri at natatakot.
Nakatingin din siya sa akin.
“Now that answers our question.” Sabi niya.
Fuck it. Sinong hallimaw ang makakagawa
nito?
SOMEONE’S
POV
Kailangan ko silang makausap. Wala sa plano
namin ang mga nangyari. Wala sa plano namin ang pumatay ng mga tao pero bakit
ganun ang ginawa nila? Plano ko lang sanang magpakita kay Jules. Hindi ko gustong
takutin siya. Hindi ko gustong takutin ang mahal ko. Pero anong ginawa nila? May sarili akong plano. At wala dun ang
takutin si Jules. Wala din dun ang pumatay ng kahit na sino. Pero gumalaw sila
nang sila lang. hindi man lang nila ako kinunsulta. Mas binilisan ko pa ang
paglalakad para makapunta agad ako sa opisina niya.
Siya.
Siya ang nagturo sa akin lahat ng alam ko.
Lahat ng kaalaman na meron ako. Siya ang naglagay sa akin sa ikatlong
pinakamataas na rango sa organisasyong ito. Pero isa lang hindi ko matutu-tunan.
Ang pumatay. Ang tanggalin ang konsensya sa
pagkatao ko. Ang patayin ang sino man na kumalaban at bumangga sa akin. Pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang
bawian ng buhay ng kahit na sino man.
Ako lang sana ang pupunta sa bahay nina
Jules kanina pero nagpumilit siyang sumama. Akala ko hahayaan niya lang akong
gawin ang plano ko, at yun ay ang magpakita lamang kay Jules, pero hindi.
Gumalaw siya nang hindi nagpapaalam sa akin. Ako ang may misyon nito. Ako ang
may gustong makuha si Jules. Dapat sa akin nanggagaling lahat ng mga gagawin.
Pero alam ko naming hindi siya ang may plano nun.
Si Kisses. Ang pinakamataas sa aming tatlo.
Ang pinakanakakatakot na taong nakilala ko. Kaya niyang patumbahin ang kahit na
sino man na babangga sa kanya. Gaano ka man kalaki. Gaano ka man kayaman. Kahit
sino kapa. Walang nakaka alam ng itsura niya . Tanging si Phoenix, ang taong
sinasabi kong nagturo sa akin ng lahat, ang nakaka alam ng itsura niya. At yun
din ang mas nagbibigay kay Kisses ng nakakatakot na pagkatao. Walang nakaka alam
ng itsura niya. Pwede ka niyang atakehin
nang wala ka man lang kaalam alam. Alam kong malaki ang tinaya ko nang humingi
ako ng tulong sa kanilang dalawa pero
‘dun lang ako makakasiguro na makukuha ko si Jules. Ang taong pinakamamahal ko.
Ang buhay ko. Simula pa 1st year high school napansin ko na siya.
Naging secret admirer niya ao. Pinapadalhan ko siya ng mga sulat, tsokolate,
regalo at kung ano ano pa pero ni minsan
hindi ako nagpakilala sa kanya. Ngayong 4th year na kami
sisiguraduhin ko nang makukuha ko siya. Hindi ako nakakasiguro kung tatanggapin
niya ako kung magpapakilala ako kaya ito na lang ang natitirang paraan.
Kalangang mawala ang mga taong nakapaligid
sa kaniya. Si Shasha, at ang mga iba pa niyang kaibigan na nag aaral sa
ibang unibersidad at si Dima. Alam kong may gusto si Jules kay Dima. At rinig
na rinig ko kanina na tinawag ni Dima na cute si Jules.
Hindi ko hahayaang magkamabutihan pa sila.
Hindi ko kayang pumatay kaya ko sila hiningan ng tulong. Pero iba kanina. Hindi
nila ako inabisuhan. Pumatay na lang sila ng basta basta. Kailangan ko silang
makausap.
Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Bawat
madadaanan kong miyembro ng grupong ito ay nagbababa ng ulo bilang senyales ng
paggalang. Pero wala akong pakialam sa kanila sa ngayon.
Agad agad kong binuksan ang pinto ng kwarto
niya nang makarating ako. Nakita kong may kahalikan siyang isang hubad na babae
habang may isa pang babae na nakatayo lamang at pinapanood sila. Si Phoenix
naman ay nakatopless. Tsss. Kahit kalian talaga. Agad naman siyang tumigil sa
pakikipaghalikan nang makita niya ako. Ngumiti siya ng malawak sa akin.
“Venom my friend. Wanna join us?’ sabi niya
habang hindi pa rin natatanggal ang ngiti sa mga labi niya.
“No thanks. I need to talk to you. Alone.”
Sabi ko habang nakatiting ng masama sa isang babae. Halatang binalot ng takot
ang buong pagkatao niya given the fact na kilala niya kung sino ako, sa
kadahilanang iba ang suot naming maskara sa mga ordinaryong miyembro. Iba iba
ang maskara naming tatlo nina Phoenix at Kisses pero si Kisses ang may
pinakamaganda, pinakamahal, at pinakamagarbo. “Out.” Dagdag ko pa. agad agad
naman silang tumalima. Hindi na sila nakapagbihis. Agad agad silang
nagtatakbong umalis ng kwarto. Hinarap ko naman agad si Phoenix nung makaalis
na yung mga babae. Hindi pa rin natatanggal ang nakakairitang ngiti na nasa mga
labi niya.
“Kahit kalian napakaKJ mo talaga.” Sabi
niya habang umiinom siya sa isang baso na sa pagkakaalam ko ay may lamang alak.
“What happened kanina? Wala sa plano natin
ang pumatay. Pumunta lang tayo dun para makita ako ni Jules. Pero anong ginawa
mo? You killed someone. And those girls. Why did you show your face to them?
And worse, you scared Jules. My Jules.” Pasigaw kong sabi habang palakad lakad
sa kwarto niya. Agad naming natanggal ang nakakairita niyang ngiti nung marinig
niya ang mga sinabi ko. Thank goodness. Nakakairita na ehh.
“I knew you would eventually bug me about
it. And don’t worry about those girls. They’ll be dead bago pa man sila
makaalis rito.” Sabi niya habang tumatayo at sinusuot ang kanyang polo.
“Because it wasn’t part of the plan.” Sabi
ko na may galit na tono at sinasabi ang about sa nangyari kanina kina Jules.
Sasagot na sana siya dahil nakita kong
ibinuka niya ang bibig niya pero nakariinig na lang kami ng isang nakakabingi
na tunog na nanggagaling sa speaker ng kwarto. Nakakairita ang tunog. Parang
isang mike na nahulog. Napahawak at napatakip kaming pareho ni Phoenix sa mga
tenga naming sa sobrang lakas ng tunog na yun.
“There was never a plan Venom.” Yan ang
sunod naming narinig pagkatapos mamatay ng nakakairitang tunog. Agad agad ko
naming nakilala kung sino ang nagsasalita sa likod ng nakakatakot na boses na
yun. Gumagamit siya ng isang device para mabago ang tunog ng boses niya pero
hindi pwedeng hindi ko matandaan ang nakakapagpataas balahibo na malamig at
punong puno ng panganib na boses na yun. Nakakatakot. Tumaas lahat ng balahibo
sa katawan ko. Lumamig ang pakiramdam ko. Napatahimik ako.
“Kisses.” Rinig kong sabi ni Phoenix. Nang
tingnan ko siya hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
Napapanatili pa rin niya ang kalmadong pustura niya kahit nakakatakot na ang
boses na narinig naming. Siya lang ang hindi natatakot kay Kisses. Siya lang at
walang iba.
“Isang buhay palang ang nakukuha natin ganyan
ka na makaakto? Parte ka na ng Big 3 Venom. Dapat wala ka nang konsensya. Gusto
mong makuha si Jules diba? First move, they need to know that you are
dangerous, kaya namin ginawa yun. And one more thing, pinagdududahan mo ba ang
mga plano ko? You asked for my help, face the consequences.” Matigas na sabi
niya sa akin. Sa pagkaka alam ko magkasing edad
lang kami pero siya na ang pinakakatakutan sa lahat ng mga naging lider
ng organnisasyong ito. Takot ang lahat sa kanya. Isang taon palang siya sa
pwesto pero tinatawag na siyang legend.
“Hindi ko po kayo pinagdududahan.” Takot na
takot na sabi ko.
“Good to hear that. Don’t worry. Isang
araw, magugulat kana lang paggising mo nasa tabi mo na si Jules at nakayakap na
sayo. Isa pa. kung may plano kang iwan ang grupong ito, kaliimutan mo na. kung
makakaalis ka man dito, lalabas kang patay na. kilala mo ako Venom. Pinaka ayaw
kko sa lahat yung tinatalikuran ako. You know what I’m capable of, and I know
ayaw mong maranasan kung ano man yun.” Sabi niya with pure venom sa boses niya.
Sobrang nakakatakot.
Naghintay kami ng ilang minuto pa para
malaman kung nanjan pa siya pero wala. Wala nang nagsalita. Napabuntong hininga
na lang ako. Nakakatakot talaga siya. Boses pa lang manlalamig kana. Tumalikod
ako at magsisimula na sanang umalis pero narinig ko ulit si Phoenix.
“Narinig mo siya. Kung ako sa iyo matatakot
ako sa kanya. Alam kong pagkatapos mong makuha si Jules aalis ka sa grupo ng walang
paalam, pero kung ako sayo hindi ko gagawin yun. Matakot ka sa kanya Venom.
Kahit ako takot sa kanya. Wala lang akong dapat ipag alala ngayon dahil wala pa
akong nagagawang mali, pero kahit konting kamalian lang ng kahit na sino sa
ating dalawa patay tayo. Watch your moves. Reconsider your plans. Baka pati si Jules madamay pa.” tuloy
tukloy na sabi niya sa akin.
Natamaan naman ako sasinabi niya. Tama
siya. Baka pati si Jules madamay. At ayaw kong mangyari yun. Hindi pwedeng
mangyari yun. Ahyssss. Bahala na. hindi ko na hinarap pa si Phoenix. Sinimulan
ko na ulit maglakad palayo. Kailangan kong maka isip ng plano kung paano kunin
si Jules. Dahil akin lang siya. Akin lang.
Jules
Agad agad naming nagtawag ng coroner sina
papa at kinnuha ang bangkay ni Mang Dante. Naitawag na rin sa pamilya niya sa
probinsya ang nangyari sa kanya. Nasa sala kaming lahat ngayon at walang
nagsasalita. Si mom halatang biglang bigla pa rin ganun din si Shasha. Ako? I’m
trying not to hyperventilate. Ayoko nang dumagdag pa sa problema nila. Sino ba
kasi may gawa nito? Napakawalang hiya
niya. Kailangan ba niyang pumatay?
Ilang Segundo pa ang lumipas bumalik na si
dad na kagagaling lang sa CCTV room kasama ang isang pulis. tiningnan nila ang
mga footages ng mga oras na pumasok siya sa kwarto ko at nung pinatay niya si
Mang Dante pero sa ekspresyon palang ng mukha niya halatang hindi na maganda
ang sasabihin niya.
“Nagshutdown daw lahat ng mga CCTV cameras
ng mga oras na yun. Wala ni isang nakuhang footage. Sinabi pa nila na ndi sa
loob pinatay kung hindi galling sa labas. The system was hacked. Everything was
perfectly planned. Walang mantsa. Malinis ang pagkakagawa ng krimen, clues are
hard to find.” Sabi ni Dad.
Wala ni isa sa amin ang nagsalita. Tama si
Dad. Masyadong malinis ang lahat. Pero hanggang ngayon hindi pa rin matanggal
sa isip ko ang isang tanong na umiikot sa isip ko. Anong kailangan niya?
“Shasha , pwede bang sa bahay niyo muna si Jules? We need to
fix this. And I want too be assured that Jules is safe, at alam kong safe sa
bahay niyo given na mas mahigpit ang security niyo. Magulo lang talaga lahat.
If okay lang anak.” Sabi ni mom kay Shasha.
In the end nauwing natulog ako sa bahay
nina Shasha. Nagtabi kami ni Shasha kaya naging mahimbing ang tulog ko. Kinabukasan,
wala akong ganang pumasok pero kailangan. Nandun pa rin yung takot na
nararamdaman ko. Pumunta kami sa school with bodyguards around us, ayaw kasi ng
mga parents ni Shasha na pumunta kami na walang mga guards. Buti na lang
napakiusapan naming sila na hanggang parking lot lang sila kasi nakakahiya
naman kung hanggang sa loob sundan nila kami. Our morning classes are done.
Lunch break na. bumabalik na naman kami ni Shasha sa dati. Yung kalog at baliw
na kami. Although meron pa rin yung mga time na bigla na lang kami matatahimik.
Nasa locker kami ngayoon ni Shasha.
Icloclose na sana niya ang locker niya nang may mapansin siyang isang maliit na
envelope. Takang kinuha niya ito at pinagmasdan. Sino naman kaya naglagay nun?
“Oys. May secret admirer.” Sabi ko sa kanya
na nakangiti pero nung makita ko ang mukha niya natanggal ang mga ngiti ko.
“What’s wrong?”
“Wala. Wala.” Sabi niya habang nagbigay ng
isang pilit na ngiti.
Magsasalita na sana ulit ako nang may
biglang tumigil na babae sa tapat namin. Nakatitigg lang siya amin. Nakakatakot
ang titig niya. Mainit na malamig na hindi maintindihan. Ilang Segundo ring
walang salitang lumabas mula sa aming tatlo. Nakita ko na lang na bumaba ang
tingin niya mula sa amin ni Shasha pababa sa maliit na white envelope na hawak
hawak ni Shasha. Nakita ko na lang na kinumutan ng takot ang ekspresyon ng mga mata
niya. Agad naman siyang nagtaas ng tingin at tiningnan ako sa mata.
“It has started. Hasn’t it?” malamig na
tanong niya sa akin. Her voice sent
chills down my spine. Nagsimula na? anong ibig niyang sabihin? Anong nagsimula?
“Anong ibig mong sabihin?” takang tanong ko
sa kanya. Hanggang ngayon hindi pa rin niya tinatanggal ang tingin niya sa akin
and it’s really getting really uncomfortable. Sa totoo lang maganda siya. I’ve
seen her around school. Pero ni minsan hindi ko pa siya nakitang nakangiti.
Lagi lang blangko ang ekspresyon sa mukha niya. Gaya ngayon.
“Hindi ko siya masisisi kung nagustuhan ka
niya. You’re attractive. Mag- iingat kayo. The game has just started.” Sabi
niya bago siya umalis. Game? Anong game? May kinalaman ba yun sa nangyari
kagabi? Naguguluhan na ako. At sinong siya? Nagustuhan ako? Ano bang
pinagsasabi niya? Magsasalita na sana ako pero umalis na yung babae leaving me
with a bunch of questions. May ibig sabihin ba ang mga sinasabi niya or she was
just messing us given na kalat na sa buong school ang nangyari sa bahay kagabi.
“Huwag mo nang masyadong isipi yun Jules.
She was just messing with us. Kalat na sa school ang magyari sa bahay niyo
kagabi.” Sabi ni Shasha sa akin. Pero hindi eh. May kakaiba sa sinabi ng
babaeng yun. May kahulugan ang bawat salitang
lumabas sa bibig niya. Alam kong meron. Pero I didn’t press the matter anymore.
Ayokong mag alala pa siya. Aalis na sana kami at pupunta na sa first class
namin nang marinig namin ang isang tao na tumawag sa amin.
“Sandali,.” Sabi niya. Agad naman kaming
napataikod ni Shasha. Hindi pa man ako nakakatalikod at tumitingin sa taong yun
ay kilala ko na kung sino siya. Ewan ko ba. Pero nung marinig ko ang boses niya
parang kumalma ang lahat ng parte ng katawan ko. Bigla kong naramdaman ang
isang nakakakiliting pakiramdam sa puso ko. At natatakot ako dun. Ngayon lang
na naman ulit ako nakaramdam ng ganito after 2 years. Pagkatapos niyang mawala.
Ahhh. Ayoko. Erase, erase, huwag mo siyang isipin Jules. Huwag mo siyang
isipin. Fortunately, napigilan ko naman ang pagpasok niya sa isip ko.
“Op?” sagot naman kay Shasha kay Dima na
nasa harap na naming ngayon. As usual he’s wearing his own dazzling self.
Walang mintis ang kgwapuhan. Tsss. Tumigil ka Jules.
“I heard what happened. Are you two
allright?” tanong niya sa amin na halatang nag aalala. Pero nakatingin lang
siya sa akin at hindi kay Shasha. Ok. Hindi yun masyadong ok. Nagbaba na lang
ako ng ulo. Baka magblush na naman ako.
Then suddenly, I heard someone chuckle.
Nung tingnan ko si Shasha pala. “Kami bang dalawa ang ina alala mo o si Jules lang
kasi sa kanya ka lang nakatingin. Pero hindi naman kita masisisi. My friend is
really attractive.” Sabi niya sabay kindat pa kay Dima. Doon na talaga ako
napadilat at nagblush. Medyo nahulog din ang panga ko nang marinig ko ang mga
sinabi niya.
“Shasha!” pangangalit ko sa kaibigan ko.
Tsss. Pinapasukan na naman ng demonyo ito ehh. Kung ano anong sinasabii. Ehhh.
Nakakahiya!
“Ahhh. Ehhhhhh. Kayong dalawa syempre.”
Agad namang sagot ni Dima na nakangiti at medyo nagbablush.
Sandali!!!!
Nagbabluush si Dima? Ahh? Bakit? Matatawa na
sana ako nang makita ko namang nagabago ang ekspresyon niya. Parang nagtataka? Nakatingin siya sa isang bagay na
nasa kamay ngayon ni Shasha. Ang envelope na nakita namin sa locker ni Shasha.
Bakit nakatingin si Dima dun? At parang nagtataka pa.
“You got one too.” Sabi niya na tumingin
naman kay Shasha.
“Nakakuha ka rin nito?” tanong ni Shasha
habang pinapakita niya kay Dima ang hawak hawak niyang envelope. Sunod kong
namataan ay ang paghalughog ni Dima sa hawak niyang bag. Parang may hinahanap.
Nang dukutin na niya ang mga kamay niya nakita ko na alng na hawak hawak na
niya ang isang envelope na kagayang kagaya ng envelope na hawak ni Shasha. Nagkatinginan
naman kami ni Shasha nang makita naming yun. Bakit may ganun din si Dima?
“Itatapon ko na rin ehh. It’s probably just
some moron trying to mess with me and with you too.” Sabi niya na akmang
itatapon na ang envelope na maliit.
“Don’t. Meet us after school at the parking
lot. Bring the envelope. Don’t open it yet. Sabay niyong bubuksan ni Shasha.”
Tuloy tuloy kong sabi sa kanya bago ko hinablot ang kamay ni Shasha papunta sa
next class namin. Naupo kami sa classroom na walang imikan pero alam kong
nagtataka rin siya. The murder, the creepy girl, the envelopes. Konektado ba
ang lahat?
Mabilis tumakbo ang oras. Tapos na ang mga
klase namin at halos takbuhin na namin ni Shasha ang hallways para makapunta
agad sa parking lot. Pagdating na pagdating namin sa parking lot nakita ko agad
si Dima. Tumakbo agad ako sa kanya at hawak hawak na niya agad ang envelope na
pinakita niya sa amin kanina.
“Open it.” Sabi ko. Hindi ko na siya
binigyan ng pagkakataong magsalita. Medyo nagulat siya pero agad naman niyang
sinunod ang sinabi ko. He slowly opened the envelope. Nang mabuksan na ng
mabuti ang envelope, tumambad sa amin ang tatlong pictures na nasa loob nito.
Agad naman nitong inilabas ang mga ito mula sa envelope.
“This is me, inside my room.” Halos bulong
niyang sabi. Agad naman niyang tiningnan ang sumunod na litrato. “This is my
parents, inside their office” halos bulong niya ulit na sabi pero mas kumunot
ang mga noo niya. Pagkatapos titigan ang pangalawang litrato agad naman niyang
tiningnan ang pangatlo at huling litrato. “SHIT!!” he whispered-yelled nang
Makita niya pangalawang litrato. Nabitawan at nahulog ang mga ito sa lupa
maaaring sa kadahilanang nabigla si Dima sa nakita niya. Tatanungin ko na sana
siya sa kung anong nakita but I already saw it myself. The three pictures are on
the ground. The first one’s Dima, the second is his parents, and the third one.
Aatakihin na sana ulit ako ng panic attack ko kung hindi lang inunahan ng
pagtataka ang buong pagkatao ko.
Bakit nila padadalhan si Dima ng picture ng
bangkay ni Mang Dante na nakadilat?
“Shasha open yours.” agad ko namang sabi
kay Shasha nang Makita kong gulat pa rin si Dima sa nakita niya. Agad namang
tumalima si Shasha sa sinabi ko. Halata
rin ang panginginig niya habang binubuksan niya ang envelope.
Parehong pareho lang sila ng nilalaman ng
envelope ni Dima. picture niya, ng mga magulang niya at picture ng bangkay ni
Mang Dante.
Pero saan galing ang mga envelope na nakuha
nila. Bakit pinapadalhan sila ng mga ganyang
bagay? Tumingin ako kay Shasha na halatang nagtataka rin at tumingin din
ako kay Dima na nakatingin na rin sa akin.
Magsasalita na sana ako pero hindi yun
natuloy dahil nakarinig na lang kami ng isang nakakairitang tunog na galing sa
mga speakers ng school. Napatakip kaming tatlo sa mga tenga namin. Sobrang
nakakairita ang tunog. Parang isang kuko na pinapadaan at dinidiin sa
blackboard. Bigla na lang nawala ang tunog. Napabitiw na rin kami sa tenga namin.
“He’s mine. He’s mine. He’s mine. He’s
mine.” Yan ang mga salitang sumunod na umalingaw-ngaw sa buong parking lot at
maaaring sa buong school na rin dahil konektado lahat ng speakers sa isa’t isa.
He’s mine? Ano na naman ito? Kagabi pa ako
nakakalikom ng mga tanong pero wala akong mahanap na mga sagot. At bakit
hinahayaan nilang may gumamit ng audio room ng ganun ganun na lang? Bakit hindi
nila pinipigilan kung sino man yun?
Ang audio room. Tama. Agad akong kumaripas
ng takbo papasok ulit sa school papunta sa audio room. Tama nga ako. Maging sa
loob ng school umaalingawngaw ang mga salitang yun na kanina pang paulit ulit
na naririnig mula sa mga speakers. Pero
ang nakapagtataka walang estudyante ni isa ang makikita sa loob. Lalo kong
binilisan ang pagtakbo. Narinig ko pang tinawag ni Dima at Shasha ang pangalan
ko na halos sabay. Mga yabag lang naming tatlo ang maririnig maliban sa tunog
na nangagagaling sa speakers.
Ilang sandal pa agad ko naman namataan ang
audio room. Didiretso na sana ako sa may pinto nang may makasalubong akong isang babae na tumatakbo
rin mula sa opposite ng direction na pinanggalingan ko. Siya yung babae kanina
sa may locker ni Shasha. That creepy pretty girl. Halos sabay din kaming
napatigil at napatitig sa isa’t isa. Nasa magkabilang side kami ngayon ng pinto
ng audio room.
“What are you doing here?” rinig kong
tanong ni Shasha na nasa likod ko na pala kasama si Dima na parehong humihingal
tulad ko at nung babae. Pero imbes na sagutin niya si Shasha ay agad siyang pumunta sa pinto at binuksan
ito. Agad naman kaming sumunod na tatlo nang makapasok na yung babae. Agad ko naman hinanap ang mic na nakakabit sa
lahat ng speakers sa buong school. Pero hindi tao ang nakita ko ngunit isang
cellphone.
“A phone that is set to repeat a recorded
sound for 30 minutes.” Rinig kong sabi ni Dima na hindi ko namalayan na nasa
may mic na pala at hawak hawak na ang phone na pinanggagalingan ng tunog. And
as if nabasa niya ang utak ko, he turned it off. Nang tiningnan ko naman si
Shasha nakatingin siya sa isang sulok ng kwarto na nakanuot ang noo. Sinundan
ko naman ng tingin ang tinitingnan niya at nakita ko ang isang payat na lalaki
na umiiyak na nakaupo at parang takot na takot. Habang si creepy girl nakaluhod naman sa harap nung
lalaki at hinahagod hagod ang upper arm niya in order for him to relax but the
boy still keeps on sobbing.
“I-it’s him. He wanted me to do it. H-he
texted me and t-told me to b-bring the p-phone here a-and make the t-three of
them h-hear it. I’m safe r-right? H-he’s not g-going to hurt m-me right?” sunod
sunod na sabi at tanong niya habang umiiyak at nakatingin sa babae sa harapan
niya. Creepy girl just shooked her head and gave him ahalf hearted smile. Agad
agad naman niyang tinayo ang lalaki at lumabas sa kwarto. Nang makalabas na
sila ng kwarto dun lang gumalaw si Shasha. Mabilis siyang gumalaw at sinundan
ang mga ito. Nagkatinginan naman kami ni Dima at agad na sinundan si Shasha.
Nang makalabas na kami bigla na lang
hinablot ni Shasha ang wrisk nung babae. Napaharap si creepy girl na halatang
nagulat at nakatingin ngayon sa mga mata ni Shasha.
“Tell me what this is. Tell me what the
hell is going on.!” Sigaw ni Shasha na nakahawak pa rin sa kamay nung babae at
nakatingin rito ng masama.
Agad
namang hinablot nung babae ang kamay niya at tingingnan din sa mata si
Shasha. I’m surprised na kaya niyang tingnan si Shasha ng ganun. Well, Shasha
is the queen bee of the campus. “Huwag niyo kaming idamay sa laro niyo. Get the
hell away from us.” The girl whisper-yelled before she turned her heels at
hinila sa kamay ang lalaki.
“Anong laro?” I’ve managed to say bago pa
man sila makalayo. They stopped. Akala ko yung sisigaw yung babae pero hindi.
Next thing I saw was the skinny boy making his way to me. Nung nasa harapan na
niya ako he took both of my hands with his hands and looked me straight in the
eyes. There is a certain emotion in his
eye but I can’t decipher it. I looks like sympathy, but why?
“Jules, don’t tell anyone what just
happened or they’d end up dead. Even your parents. I know they’re big and they
have connections everywhere but they’re just ants compared to them. To the people
who are playing with you. You tell anyone and they die. Be careful. They have
eyes everywhere. They know everything. They’re frightening Jules. This is just
a glimpse of them. This is just the start. Just don’t tell anybody para hindi
na sila madamay.” Tuloy tuloy na sabi niya sa akin bago siya lumakad palayo
pabalik sa tabi ng babae.
“What do they want?” nasabi ko pa bago sila
nagsimulang maglakad.
“They don’t need anything. They need
someone.” Sabi nung babae na hindi tumitingin sa amin.
“Who?” rinig kong sabi naman ni Dima na
ngayo’y nakahawak na saw risk ko. In other cirumstances this woud have been
embarrassing but I need this. Just his touch made me relax. I never realized
how thick the air around us was until I felt his touch and relaxed.
Pero nagbalik din agad ang pakiramdam na
yun oat nadagdagan pa ng takot nang marinig ko ang sinabi nung babae.
“They want Jules.” Sabi niya na nakatingin
kay Dima bago niya ibinaling ang tingin niya sa akin. “He wants you.”
Creepy! Pero maganda naman. I love mysterious, thrilling and the same kind stories. Tagal ng update nito ah. Pero okay lang naman. Thanks for the update!
ReplyDelete-- Rye Evangelista
Victor?
Deleteyeah its really that creepy and a bit of a little scary.... suspense ba..
ReplyDeletesna may next chapter na... i admire u author.. sana ako din marunong
magsulat ng nobel..
next chapter pls...
ReplyDeleteMr ponce asan n po ung chpter4 d n nsundan tong story
ReplyDeleteAhh grabe iba tala tong story na to. Ibang concept.. Galing! Pero bitin na talaga :( next chapter na Author pleaasu
ReplyDelete- vhian
Reading this story for the 2nd time and I came up with the conclusion about their identities..
ReplyDeleteTyler is Venom
- First day, Dima knew that Tyler was already with their friends but he left for some reason. Is it because he wanted to see Jules at the parking lot? is he the one giving Jules the creeps? Also, Venom said the he heard Dima saying Jules is cute. Tyler was there.. he was with Trevor, Sophie, Dima and Dima's cousin.
Trevor is Phoenix. (I think)
And Kisses?...
It's Shasha right? Having the fact that they're rich and powerful.
-In the beginning of the story.. Jules describe Shasha having a pouty lips. (Kissable lips.. "kisses"?) But also this girl.. Dima's cousin (the scary one) i think she has something to do with Kisses.
This really a good story. Looking forward to read the next chapters ASAP.
- Grey Uson