Followers

Wednesday, April 2, 2014

'Untouchable' Chapter 21

Hello!

I know! Bakit sobrang tagal nitong update na 'to? Trust me, hindi ito dahil tinamad lang ako, at hindi ito dahil lang sa finals namin (the finals period was the least of my problems actually). May mga bagay lang talaga na medyo mabigat akong pinagdaanan na kinailangang i-prioritize. I'm so sorry for the delay. Sana ay huwag kayong magsawa sa pagsuporta at sa pag-intindi sa akin. :))

Happy Reading!

--

Chapter 21

Caleb.

Flashback.

“Caleb! Hear me out first!” galit na sigaw sa akin ni papa na siyang ikinatigil nila mama at Selah. Ngunit hindi ako nagpadala at nasindak sa naging tono ng boses niya. “Hear you out?! Why? Did you hear mom out when she was begging you to leave that woman? Did you hear her habang patago siyang umiiyak para hindi mo makitang mahina siya habang kinakasama mo ‘yang babae mo?!” matapang na sagot ko sa kanya. “If someone in this house needs to hear out, it’s you!” galit na galit kong sigaw kay dad.

“Caleb!” pagsita sa akin ni mama. Panandalian akong natigilan ngunit agad-agad din akong nagpatuloy.

“No, ma! Dad, ang swerte-swerte mo kay mama! Imagine, after lahat ng ginawa mo, tinanggap ka pa rin niya na parang walang nangyari. You didn’t deserve any of that! And now... now malalaman na lang namin na may anak ka pala sa labas diyan sa babae mong muntik ng sumira ng pamilya natin? And what else? Oh, right?! That you want that son-of-a-bitch to stay with us?! Great! Brillian—“naputol ang paglilitanya ko nang maramdaman ko ang biglang pag-init ng pisngi ko.

“Ronald!” singhap ni mama matapos akong sampalin ni papa.

“Sumosobra ka na! Caleb, kung alam mo lang ‘yung sitwasyong pinagdadaanan ng kapatid mo!” Wala kang karapatang husgahan siya ng ganon-ganon na lamang.” sita sa akin ni papa.

“Look! I don’t care! I don’t care about that stupid son of yours. I did this family a favour by not bringing up past issues about your faults, pero this time hindi ko na kayang manahimik! Huwag mo ng dagdagan ang problema mo at ang sakit na nararamdaman ni mama! Ang sakit na nararamdaman namin...” natahimik ako sa huli kong sinabi at nagmamadaling umakyat patungo sa kwarto ko. Padabog kong isinara ang pinto.

Caleb, calm down. You’re tough, hindi ka nasasaktan. Nasstress ka lang. sabi ko sa sarili ko.

I can never let myself be weak. Masyado ng matindi ang pinagdaanan ko sa mga nangyari dati at ayoko ng maging apektado sa mga hindi namang importante na mga bagay. Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko. Dumapa ako sa aking kama upang matulog at i-distract ang sarili ko mula sa nangyari kanina. Matapos ang ilang minuto ay narinig ko ang pagbukas at ang pagsara ng aking pinto.

“Hey,” narinig ko ang kalmado at malambing na boses ni mama. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa gilid ng kama ko. Tinapik niya ang balikat ko bilang signal na harapin ko siya. Agad naman akong umupo at tiningnan siya ng mabuti. I was shocked to see her smiling, and what shocked me even more was that I didn’t see any small amount of pain in her eyes.
Nakunsensya naman agad ako sa nagawa ko. My mom has this effect on me. She, Selah and Sari are the only  people in the world who can see through me.

“Ma, about what happened...” pagsisimula ko ngunit pinigil niya ako.

“Naiintindihan ko. I know na iniisip mo lang ang nararamdaman ko, which I appreciate. I really like na kahit ikaw ang anak ko ramdam mo pa rin na dapat mo akong alalahanin.” panimula niya. Nanahimik lamang ako at hinintay ang susunod niyang sasabihin. “Caleb, please hear your father out.” pahayag nito, at dahil doon ay hindi ko na napigilang maglabas ng mga hinanaing ko.

“Ma, why do you care for him so much after all that happened?” honest kong tanong dito.

Nginitian niya ako.

“Because I love your father.” confident niyang sabi.

“Mahal ko siya, at kapag mahal mo ang isang tao, iintindihin mo na lang. And he seemed apologetic and sincere, and true enough hindi na naman naulit, eh. Caleb... we all deserve second chances. Kapag mahal mo ang isang tao, handa kang intindihin ito, to hear that person out, and be open to forgiveness. Tao lang naman tayo at natutukso, nagkakamali. Kaya Caleb... please don’t do this to your father. Nasasaktan siya, eh.” paliwanag ni mama.

I was dumbfounded with my mom’s wisdom. Hindi ko akalaing ganoon pala ang rason niya kung bakit she put up with my dad’s shit way back. Napaisip talaga ako sa sinabi ni mama at na-realize kong may point siya. Nakakamangha rin kung gaano niya kamahal si dad. Kung sa iba ay tingin nila ay kamartyran ang ginawa ni mama dati, I beg to differ. In my opinion, I think that it’s something to be admired.

“How long did you know that he had a son?” tanong ko dito.

“Matagal na. Hindi namin masabi sa inyo dahil...”

Napabuntong-hininga ako.

“Dahil alam niyo kung paano ako magre-react.” pagsuko ko.

She laughed a little because of what I said.

“I’m not asking you to say sorry to your father, kasi alam kong mahihirapan ka. All I’m asking is that to open up your heart... not just to him but kay Gabriel.” sabi ni mama.

“Gabriel?” tanong ko.

“Yup, iyan pangalan ng anak niya.” nakangiting sabi sa akin ni mama.

--
Looking back, we may have had a rough start, but I guess what’s important is what we have now. I concede to the fact that I misjudged him badly, na masyado akong nagpadala sa mga nangyari sa nakaraan. Ngayon ay kasama ko ang kapatid kong kumakain ng dinner at hindi ko maipaliwanag, pero masaya ako dahil nandito siya ngayon. Sa totoo lang ay sobrang na-miss ko siya kahit konting araw lang naman ang naging tagal ng pagkawala nito. Ngayon ay tinitingnan ko ang magiging reaksyon nito sa aking naging balita.

Napansin kong medyo nagulat ito, and for a moment there parang may nakita akong... sadness? I don’t know, I must be imagining some things, because agad din namang bumalik sa normal ang mukha niya at binigyan ako ng isang matamis na ngiti.

“Wow. Finally. Congrats. Bakit biglaan?” tanong nito, nakangiti.

Napaamang ako, ngunit agad ko siyang sinagot.

“Uhm, sa tingin ko siya rin naman, eh. Bakit ko pa patatagalin ‘di ba?” sagot ko dito.

“Eh paano na ‘yung taong matagal mo ng gusto? ‘Yung kinwento mo.”

“Ah, iyon ba? I don’t think I stand a chance, eh.”

“Bakit naman?” tanong nito habang nakayuko at pinaglalaruan ang pagkain niya.

“Ang dami mo naman tanong, pero sige. Since na-miss naman kita.. Uhm, simple lang naman ang rason ko. Magiging kumplikado ang mga bagay kapag tinuloy ko. ‘Yun lang.” sagot ko, medyo kinakabahan.

Natahimik ito, at nagulat na lamang ako sa susunod na naging tanong niya.

“Mahal mo ba siya, Caleb?”

I thought hard about this question, really, really hard. At some point, medyo na-guilty ako, dahil truth to be told, in a sense ay ginagamit ko lamang si Sari para pagtakpan ang totoong nararamdaman ko para sa taong iyon, para sa taong hindi ko dapat mahalin in the first place. His question hit home, and I can’t help but feel a bit irritated, because tama siya. What’s more frustrating is that alam kong alam din ni Sari ang katotohanan, ngunit ayaw lamang niyang sabihin iyon sa akin. Instead ay pumayag siya na parang ayos lamang iyon sa kanya.

“Anong klaseng tanong ba ‘yan, Gab? Oo naman. Kumain ka na nga lang.” tugon ko, sinusubukan kong ibahin ang flow ng conversation.

Ngayon ay tiningnan na niya ako. Hinayaan kong magtagpo ang mga mata namin ni Gab.

“Kasi ‘di ba may mahal ka ng iba? Pa’no mo nasabing mahal mo siya pero ‘yung puso mo nasa ibang tao naman?” malaman na sabi nito.

Kumunot ang noo ko dahil sa naging pahayag ng kapatid ko.

“What are you implying, Gab?” diretso kong tanong sa kanya.

“Na niloloko mo lang siya! Na niloloko mo lang ang sarili mo.” pabalang niyang sagot na siyang tuluyan ng ikinainit ng ulo ko.

“What? Of all people, Gab. Ikaw pa ang maniniwalang manloloko ako ng tao?!” depensa ko. He doesn’t know anything about what happened to me in the past. “Gab, kung alam mo lang. Niloko din ako dati! And the last thing I want to do is fool another person!” at hindi ko na nga rin napigilan ang pagtaas ng boses ko. Why is he so worked up about this?

“Hindi manloloko? You’re unbelievable!” exasperated niyang tugon bago tumayo at tuluyang tumakbo palabas ng bahay.

--

Gab.

“Gab, wait!” rinig kong tawag sa akin ni Caleb nang magsimula akong maglakad palabas ng bahay. Dahil sa naging takbo ng usapan namin kanina, dahil sa mga naging sagot niya, at dahil sa tinatago kong galit dito ay hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Ang lakas din naman niya kasing magsabi na hindi siya ang tipo ng tao na nanloloko ng kapwa niya wherein ‘yung ginawa niya sa akin ay sobra-sobra pa sa panloloko at pagsisinungaling.

“Wait! Bakit ba ginagawa mo ‘tong big deal, huh?”

“Bakit, Caleb? Sa tingin mo ba hindi big deal ‘yun? Caleb, damdamin nung tao ‘yung nasasaktan mo! Hindi parang laruan lang ‘yon na pwede mong gamitin at tigilan kung kailan mo gusto!”

“Huwag mo akong husgahan, Gab! Hindi mo alam ang nangyari sa akin dati! At isa pa, ganoon na lang ba ang tingin mo sa akin, Gab huh?” bulyaw nito sa akin na siyang tuluyan ko ng ikinagalit.

“Cale—“

Ngunit natigilan ako sa mga susunod kong narinig sa kanya.

“Gab, ano bang meron? Bakit ka ba nagkakaganyan? Kung may nagawa man ako, sorry na. Ayoko ng ganito tayo.” nagsusumamo niyang pahayag sa akin.

Natahimik ako.

“Gab, please. Sabihin mo naman sa akin, oh. Kasi to be honest sobrang na-paranoid ako noong umalis ka. Akala ko may ginawa akong mali sa’yo... Gab, ano bang meron?”

“Caleb... talaga bang baluktot na ‘yang utak mo o nagmamang-maangan ka lang?” galit kong tanong dito.

“Gab, kung anuman iyan, tell me. Maiintindihan ko naman, eh.” pahayag nito, at doon ay nagpatuloy ang nag-aapoy kong galit para dito.

“Iyon nga ang problema eh! Maiintindihan mo pero wala kang magagawa, Caleb! At iyon ang masakit doon, na kahit anong mangyari, wala kang magagawa!” sigaw ko sa kanya.

“Just fucking tell me what that is, and I’m going to fuck—“

“Putangina, Caleb! Pinagpustahan niyo ako ni Justin! Oh ano? Naalala mo na?” pahayag ko. Pinagmasdan ko ang reaksyon niya at nakita kong parang binuhusan ito ng malamig na tubig sa gulat.

“Gab, I—“

“Bakit mo nagawa iyon sa akin?! Wala naman akong ginawa sa’yo from the beginning ah! Napilitan lang ako na makisiksik sa pamilya niyo. I respected you kahit pa ginagago mo ako noon! Hindi ko alam na ganoon ka pala kasamang tao – na magagawa mo iyon sa iba. Sa tingin mo ba, Caleb na hindi panloloko iyong ginagawa mo? Caleb, tangina—“ hindi ko na naituloy ang sinabi ko dahil tila naputol na ang dila ko dahil sa pagpipigil ng emosyon.

“Gab, sorry. I didn’t mean to do it. I tried to stop him!” hinagpis nito. Nakasabunot ang dalawa nitong kamay sa buhok nito at hindi maipinta ang mukha.

“And now... hindi ko na alam kung totoo ba lahat ng pinakita mo sa akin after natin “magbati”. Caleb, I trusted you. Minahal kita... dahil kapatid kita...”

Naramdaman kong muli ang mga bisig nito na pumulupot sa akin. Agad akong nagpumiglas dahil sa alam kong hindi maganda ang magiging epekto ng mga yakap niya sa akin. Alam kong manghihina na naman ako kapag mapalapit ako sa kanya. Ngunit kahit anumang pagpupumiglas ko ay hindi iyon nagtagumpay dahil sadyang mahigpit talaga ang yakap niya sa akin.

“Bitawan mo ako, Caleb.” matigas kong sabi dito.

“No, Gab! Hear me out, please.” pagmamakaawa nito bago bumitaw.

“Matagal ko ng alam, Caleb, at ayokong lokohin mo rin si Sari!” singhal ko sa kanya.

“Gab, I’m so sorry.” sa puntong iyon ay kita kong malapit na itong umiyak, at naisip ko tuloy ang sinabi ni Selah tungkol sa pagiging matigas ni Caleb – na hindi na niya ito nakitang umiyak matapos ang nangyari dito noong high school pa siya.

“I’m leaving.” pahayag ko dito bago magmadaling pumunta sa kotse ko ngunit hinablot ako nito at muli ay kinulong na naman ako nito sa isang mahigpit na yakap.

Bumigay na ako.

“Please, Caleb... don’t make this harder for me.” halos pabulong ko ng sabi.

“Huwag mo ng pahirapan ‘tong puso ko...” pagpapatuloy ko, at matapos kong mapagtanto kung ano ang sinabi ko ay tila ako naman ang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa pagkabigla. Kaya naman naramdaman ko na lamang na inikot ni Caleb ang katawan ko paharap sa kanya. Nakita ko ang masuyo nitong mga mata na tinitingnan lamang ako. Nakapinta sa mga mata niya ang pagtataka dahil sa narinig mula sa akin. Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na salitang lumabas mula sa labi ko.

“Mahal kita, Caleb.”

--

“Aray.” reklamo ko nang maramdaman ko ang hapdi na dulot ng alcohol sa sugat ko. “Pfft, huwag ka kasing malikot. Ang likot mo kasi kaya dumidiin ‘yung bulak.” sita ng lalaking kasama ko ngayon. Tumahimik na lamang ako at pinagmasdan ang mukha ng taong kasalukuyang nililinis ang sugat ko. Napansin kong may mangilan-ngilan din itong galos sa mukha niya.

“May sugat ka rin pala. Akin na, ako na.” pahayag ko at akmang aabutin ko na ang bulak at alcohol ay pinigilan nito ang kamay ko gamit ang kanya. Ngumiti ito ng hilaw at bahagyang umiling. “Ako na. Huwag mo na akong alalahanin, okay? Kaya ko ang sarili ko. What you need to do is rest, ha? For sure dadating na ‘yung pagkain in a while. Kumain ka, then you can sleep.” bilin nito sa akin bago tapikin ang isa kong pisngi at guluhin ang buhok ko.

Tumayo ito at nagpunta sa banyo, at ako ay naiwang nakabulagta sa sofa at tulala dahil sa bilis ng mga pangyayari kanina. Tuliro din ako dahil of all people ay itong tao pa na ‘to ang kinakasama ko ngayon. Narinig kong muli ang mga yabag ng sapatos nito, senyales na bumalik na ito sa sala galing sa kanyang kusina. Napansin kong may dalai tong isang pitsel ng malamig na tubig at isang baso na nakalagay sa tray.

Nilapag nito ang tray sa lamesita sa harapan namin at doon ko napansin na may gamot palang nakalagay doon. “Kailangan mo nito para hindi ka maabala sa sakit para makatulog ka kaagad.” paalala nito. Kumuha ito ng isa, binuksan at inlapag ang tableta sa palad niya. Inabot niya ito sa akin upang kuhanin na siyang sinunod ko na lamang ng walang sali-salita. Inabutan din niya ako ng isang basong tubig bilang panulak sa gamot.

“Hindi ka ba iinom?” tanong ko dito. Kahit ayaw ko itong kausapin ay sadyang nakakasulasok ang katahimikan at pagkailang ng paligid kaya naman nagsalita na rin ako.

Umiling lamang ito.

“Uhm... salamat nga pala sa kanina.” nahihiya kong pahayag dito.

Nagkibit-balikat lamang ito.

“I just had to do what I had to do. And isa pa... kailangan ko rin magsorry sa’yo sa ginawa ko, eh.”

Natahimik ako dahil sa narinig ko.

“Gab?” pagtawag niya.

“Hmmm?” ako.

Hinawakan nito ang kamay ko at sinabing: “Sorry talaga at... Mahal pa rin kita, ah. Huwag mong kakalimutan ‘yan. Nandito lang ako palagi.”

--

Kinabukasan.

Narinig ko ang pagtunog ng aking alarm, isang senyales na kailangan ko ng bumangon para maghandang pumasok. Pagkagising ko ay nakaramdam ako ng matinding sakit sa aking panga, at nang mapatingin ako sa paligid ko ay nagtaka ako lalo kung bakit hindi pamilyar ang kwartong kinagisnan ko. At nang mapagtagpi-tagpi ko na ang mga nangyari kagabi ay parang isang bloke ng kahoy ang hinampas sa ulo ko dahil bigla kong naramdaman ang sakit – physically and emotionally – dulot ng engkwentro kagabi.

Lumapit ako sa may tokador at tiningnan ko ang reflection ko sa salamin. Napaamang na lamang ako nang mapansin kong ay pasa ako sa may bandang baba at may dalawang maliit na galos sa may noo ko. Bumuntong-hininga na lamang ako at lumabas na sa kwarto.

Paglabas ko sa may sala ay bumungad agad sa akin ang nakahiga at natutulog na katawan ng taong kasama ko kagabi. Tiningnan ko ito at ang maamo nitong mukha. Muli ay nakita ko ang ilang galos sa mukha nito at hindi ko mapigilang maawa at matuwa ng sabay dahil sa mga iyon. Napailing na lamang ako at tiningnan ang orasan na nakasabit sa may dingding ng condo unit na pagmamay-ari niya.

6:30. May mahigit dalawang oras pa bago magsimula ang unang klase ko kaya naman hindi ako nagmadali sa pagkilos. Pumunta ako ng kusina at sinubukan kong gumawa ng disenteng agahan kahit pa bobo ako sa pagluluto para man lang maipakita ang aking pasasalamat sa kasama ko ngayon. Pumunta ako sa ref at tiningnan ang mga laman nito.

Wala gaano bukod sa itlog at ilang pitsel ng tubig at iba pang mga inumin. Kumuha na lamang ako ng tatlong itlog at isang lata ng Spam na nakita ko sa may cabinet malapit sa ref. Habang niluluto ko iyon ay nakarinig ako ng mahinang pagkaluskos sa kusina. “Oh shit!” dinig kong singhap niya at narinig ko ang mabilis na mga yabag papunta sa kusina.

Natigilan kaming pareho nang makita namin ang isa’t-isa. Nagulat siguro siya dahil sa hindi niya inaasahang nandoon na ako sa kusina. Ako naman ay nagulat dahil sa ayos nito. Pupungas-pungas pa ito, at walang pang-itaas, kaya naman kitang-kita ang hubog ng katawan nito na dala na rin siguro sa madalas na pagbabasketball at pagsasayaw. Tayo-tayo rin ang buhok nito at halatang-halata na hindi pa siya gaano nasa huwisyo.

“Uhm, good morning.” nahihiyang bati nito sa akin.

“Magandang umaga rin.” kaswal kong tugon rito na malamang ay hindi niya inasahan kaya nakita ko ang mabilis na pagpula ng mga pisngi nito na hindi nakatakas sa akin. Ikinagulat ko rin kung paano ko siya pinakitunguhan. Ibig bang sabihin nito na okay na ako sa kanya? Na hindi na ako galit? Dahil ba sa nangyari kagabi ay napatunayan na nito na totoo na siya sa pagkakataong ito?

Siguro.

Nang matauhan kami pareho ay agad itong lumakad papunta sa kinatatayuan ko. “Ako na diyan. Umupo ka na lang.” sabi nito. Dahil sa ayoko na ring makipagtalo ay nagpaubaya na rin ako at umupo sa maliit na dining table na nasa kusina rin. “Sorry, na-late ako ng gising, Gab ah. Napagod din kasi ako.” sabi nito. Nag-isip naman ako ng isasagot dito. “Uhh, okay lang. Dapat hindi ka sa sofa natulog. Nakakahiya ikaw may-ari nito, tapos ako pa sa kwarto.” sagot ko dito.

“Okay lang. Sarap nga tulog ko, eh hehe.” tugon nito. Hindi ko maiwasang ma-miss ang kalog na personality nito na siyang nakakapagpatawa sa akin tuwing pagod ako dahil sa school.

“Kain na tayo.” nakangiting pahayag nito.

Kumain kami kasama ang nakakailang na katahimikan ng paligid. Matapos noon ay agad na akong naligo ng mabilis dahil maliligo pa siya matapos ko at baka maging alanganin kami sa oras at ma-late pa sa mga klase namin. Nang matapos kami ay agad kaming pumunta sa kotse ko. Nagulat na lamang ako nang ilabas niya ang susi ng kotse ko na siyang ikinataka ko noong una, ngunit nang maalala kong siya pala ang nagmaneho sa akin patungo sa unit niya kagabi ay agad nawala ang pagkalito ko.

“Sorry, ‘di ko nadala ‘yung car ko. Biglaan kasi kagabi... ah, eh... Ayun, sorry. Ako na papa-gas.” nahihiyang sabi nito sa akin. Tumango na lamang ako at tumalima.

Kahit pa tahimik rin kaming dalawa sa loob ng sasakyan ay nagpasalamat ako dahil tila nakiisa ang panahon sa akin dahil naging mabilis ang biyahe namin patungong school. Bago ako bumaba sa building kung nasaan ang una kong klase ay kinausap ako nito.

“Gab... pwede bang pumunta kang lobby after ng second class mo?” nahihiyang tanong nito sa akin.

“Bakit naman?” tugon ko sa tanong niya.

“Uhm, may ibibigay lang ako sa’yo... at saka pasabay na rin mamaya kung okay lang hehe.” nahihiya niyang sabi.

“Okay... uhm, may sasabihin rin pala ako sa’yo mamaya.” sabi ko dito.

“Sige. See you later, Gab.” nakangiting paalam nito sa akin.

--

“Oh em! Anong nangyari diyan?!” hysterical na salubong sa akin ni Trisha matapos makita ang itsura ng mukha ko. “Later. I don’t want to talk about it.” diretsong tugon ko dito. Naisip ko kasi na kung gagawa pa ako ng excuse ay hindi rin iyon tatalab sa kanya at maghihinala pa siya at lalo akong kukulitin na magsalita. Kaya naman I thought that I should just be straightforward and tell her. Mukhang naintindihan naman niya ang point ko at tumigil na.

“Uy, mamaya daan tayong lobby. May showcase daw ‘yung Street. Nandoon ‘yung crush ko.” kinikilig na sabi ni Trisha sa akin. “O sige.” sagot ko na lamang. Bigla ko ring naalala na may iaabot rin daw sa akin ang lalaking kasama ko kanina once matapos ang morning classes namin. Hindi ko maiwasang magtaka sa kung anuman ang ibibigay nito sa akin.

--

Nang madatnan namin ang lobby ay nakita kong may isang malaking kumpol ng tao ang nakapalibot sa gitna noon. Agad akong hinatak ni Trisha na wari mo’y excited na excited makita kung sinuman ang crush niya sa dance group na iyon. Pagdating namin doon ay nagtaka naman ako dahil may isang lalaking lumapit sa amin.

“Hi, Gab. Halika dito kayo sa harap.” pag-anyaya nito sa amin ni Trisha. Kaming dalawa naman ay takang-taka ngunit sabi sa akin ni Trisha na huwag na kaming magtanong dahil mapupunta rin naman daw kami sa isang mas magandang pwesto. Huminto kami sa pinakaunahan doon ay nadatnan namin ang Streetdance Club, at kabilang doon ang kasama ko kanina na siyang ikinagulat ko. Nagulat ako hindi dahil sa nandoon siya dahil kasali naman talaga siya sa grupong iyon, ngunit nagulat ako dahil sa mga naglalarong tanong sa isip ko.

“Si... ‘yun ah... Oh em.” singhap ni Trisha. Malamang ay narealize na niya ang mga bagay na naiisip ko rin.

Panandalian akong napatingin sa lalaking nasa harapan ko at nagulat ako nang makita kong nakatingin din ito sa akin. Nagtama ang mga mata naming dalawa ng panandalian. Pumwesto ito sa gitna sa pinakaharap. Tinanguan ako nito at ngumiti. Doon ay nagsimula ng tumugtog ang isang pamilyar na kanta.

"Not Giving Up"

You took my heart from the dark
I'm falling hard
With you its like you kill the shade my burning pain

I feel like something starting,
Starting playing in my head
And its beating loud
I feel like something starting,
starting walking on the edge
'Til we're crashing down


Hit me so hard I don't know where
Starstruck up in the air
Got me got me with my eyes wide open [2x]

If you tell me no I'm not giving up no
If you tell me no
I'm not giving up
No never giving up
Not giving up on love
Oh, oh, oh, oh, oh [2x]

You're under my skin
Just stay right there
I want you there
Let the rest fade away
It's just you and me
What was meant to be

I feel like something starting,
Starting playing in my head
And its beating loud.
I feel like something starting,
Starting walking on the edge
'Til we're crashing down

Hit me so hard I don't know where
Starstruck up in the air
Got me got me with my eyes wide open [2x]

If you tell me no I'm not giving up no
If you tell me no
I'm not giving up
No never giving up
Not giving up on love
Oh, oh, oh, oh, oh [2x]

Got me on overload
I'll be your rock of gold
Can we get overdose on love
Oh, oh, oh, oh, oh [2x]

Hit me so hard I don't know where
Starstruck up in the air
Got me got me with my eyes wide open [2x]

If you tell me no I'm not giving up no
If you tell me no
I'm not giving up
No never giving up
Not giving up on love
Oh, oh, oh, oh, oh [2x]


Doon ay naalala ko ang araw na pumunta kami sa villa nila; Ang araw na kung kailan una siyang nagtapat ng mga nararamdaman niya sa akin, kahit pa hindi naman totoo ang sinabi nito. Ito rin ang araw kung saan pinatugtog niya ang kantang ito sa kotse niya, hinawakan ang kamay ko, at sinabihan akong hindi siya susuko. Nagsimula na siyang umindak sa saliw ng tugtog. Ang mga ka-grupo rin niya ay sinasabayan siya sa mga steps na ginagawa niya.

Sa totoo lang, hindi ko na napansin ang bawat step na ginawa nito. Sa mukha lamang niya ako naka-focus at dinadama ang mga nakikita ko sa harap ko kasabay sa mensahe ng kanta. Hindi ko mapigilang matuwa dahil sa mga nangyayari. Sa kabuuan ng sayaw nito ay sa akin lamang ito nakatingin, at ako naman ay tila nanigas sa kinatatayuan ko.

Hindi ko namalayang natapos na pala ang sayaw nilang dalawa. Narinig ko na lamang ang palakpak at mga hiyaw ng mga tao. Ang ilan pa ay sinisigaw ang pangalan niya. Ngunit hindi niya iyon pinansin at imbes ay dumiretso ito patungo sa akin. Kinindatan ako nito at ngumiti. Naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa mga pisngi ko dahil sa nasaksihan ko.
“I’m not giving up, Gab. Nagustuhan mo ba?”

Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin, ngunit naramdaman ko na lamang ang pagngiti ng aking labi. Isang mahinang tawa ang lumabas mula sa akin.


“Gago ka talaga, Justin.”                                    

--

Itutuloy.

Hope you liked this! Send your comments below. :)

12 comments:

  1. I just love the way you write the story! I wanna meet you. Don't worry about the delays. Totally fine. Worth waiting for. - @luckwatchero

    ReplyDelete
  2. Yahooo! Meron na po. :)))) salamat ng madami mr. A lim... Problema lang po yan. Magsasawa din po sayo yan... Godbless po.
    -dimi

    ReplyDelete
  3. Daming suspense. Hehe. Nakaka excite na na nakaka asar. Mas gusto ko si justin para kay gab. I think naabutan sila ni justin tapos nagka suntukan sila justin at caleb. Hehe. Thanks sa update mr. Author. Nakakahilo ang takbo ng story. Dinala ka agad sa future tapos biglang babagsak sa nakaraan. Hehe

    ReplyDelete
  4. I musy admit na sobrang impeccable ng talent mo sa pagsusulat. Wala akong maalala na may mali ka sa grammar. Sana kung kaya make your updates more "meaty" kasi maganda talaga yun storry. Kasi itong chapter na is more of a bridge to another revelation e. So.... Inshort. Nakakabitin. Kudos to you! Sana yun next chapter mas may laman na. :) weekly ko kasi talaga tong inaantay. -suzaku

    ReplyDelete
  5. Ty po sa pag update :)

    Ran.

    ReplyDelete
  6. Sana kasama si janine next time na magkitakita sina josh, matt, and gab. Nakakamiss kasi bunganga ni girl. Haha can't wait for the next chapter.. Kainis bitin haha -sam

    ReplyDelete
  7. Galing. Naasar lang ako kay Caleb kase nakapuntos is Justin. Ayaw p kase aminin. Pero still gab at Caleb p din ako. Nice job Mr author. This is definitely worth our wait.

    ReplyDelete
  8. Grabe! Ang tagal kong hinintay tong update na to! B( Sobra sobra kong na-miss tong series na to! As usual, bitin pero exciting! Daming twists!

    Sana kung ano man yang pinagdadaan mo, malampasan mo rin yan! Kaya mo yan, okay? ~Ken

    ReplyDelete
  9. Anuman ang mangyari, bias ko pa rin talaga si Caleb para kay Gab. Sorry, sir Author. Pero magaling ang ginawa ni Justin! Points yun! ~Ken

    ReplyDelete
  10. GAB-CALEB PLEASE!!!
    You Mr. Tricky Author. Nakakainis! haha
    The story leads to the the typical twists and turns pero I still love it.
    GAB-CALEB. Ang tagal...HAHAHA

    ReplyDelete
  11. Nice. Isko ka nga talaga. 😁 Galing ng plot twist. Tho ineexpect ko na actually to since Chapter 15. Hehehe

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails