Followers

Saturday, April 5, 2014

The Tree The Leaf and The Wind 14: Bahala Na Si Batman


The Wind, The Leaf and The Tree

Chapter 14

“Bahala Na Si Batman”

By: Jace Knight

https://www.facebook.com/jace.pajz

 

 



Author’s Note:

Wew! Magandang gabi po sa lahat. Pasensya na at natagalan na naman ang pag-a-update ng ating storya. Pero salamat pa rin at pasensyoso kayong nag-aantay para dito. Although maraming makukulit at demanding na palaging nagtatanong. Nyahahaha. Mahal ko po kayong lahat!

Yang drawing na nakikita nyo sa itaas, si Jay Denzel Gonzales po yan, the Leaf. Japanese/Anime Version nga lang. Pero ganyan na ganyan ko ipicture-out si Jayden eh. Salamat sa pinakamamahal kong bunso na si Hao Inoue sa pag-aalay ng napakagandang obra. Guys, let’s give it up for Hao Inoue! Yey. Sabi pa nya, kung gusto nyo daw magpagawa ng ganito, you can reach him at hao.inoue@gmail.com, at syempre, wala na daw pong libre sa mundo. Nyahahaha!

May mga bago na naman tayong recruits. Sina Dimi, jernandez1984, Malachi, Rye Evangelista at si Carlou Lobiano. Haaay. Dumadami na talaga tayo no? Push pa natin to. At kayong mga ANONS, lagay-lagay din ng codename pag may time ha? Para ma mention ko kayo. And please, add me on FB. Maawa kayo.

Natawa ako sa chapter nato. 3 times na ata paulit-ulit na binanggit ang “Bahala na Si Batman”, kaya naisip kong gawin nalang itong title. Haay. Kilig at heartbreak ang nararamdaman ko kanina habang nagsusulat nito.

Eto na po sya, the 14th Chapter of TLW. Enjoy! :)



=============================================


== The WIND ==

Kadiliman. Katahimikan. Kahit hilong-hilo na ako, hindi ako makatulog. Katabi ko na naman si Jayden sa kama. Si Jayden na mahal na mahal ko. Si Jayden na nagpabago ng persepsyon ko sa pag-ibig. Si Jayden na inilabas sa akin ang kakaibang pakiramdam para mahulog sa kapwa lalaki.

“Jayden, mahal na mahal kita.” Ang nasabi ko sa aking sarili. Yun yung mga katagang gustung-gusto ko na sabihin sa kanya. Pero ano? Hanggang ngayon, nga-nga pa rin ako. Nauunahan pa rin ako ng takot sa dibdib. Andaming what if’s na naliligaw sa utak ko.

Ayoko. Basta ayoko muna. Not now. Nag-eenjoy pa ako sa kung anumang meron kami ni Jayden. Oo, inaamin kong umaasa pa rin ako na baka pwede pa. I’m wishful thinking that he will also reciprocate the love I feel for him.

Pero noong nag-usap kami kanina sa kotse pagkakuha ko sa kanya galing kina Alfer, sinabi nya sa akin na lalaki sya. I was bothered by the way he said it. But I was even more bothered sa mga ngiti nya kanina ng pinag-uusapan namin si Alfer.

Is he falling for him? No. Wag naman sana.

Isisiksik ko nalang sa isip ko na I am just infatuated with Jayden. Ganun nalang. Para di na ako mahirapan sa nararamdaman ko. Alam kong mahirap, pero unti-unti kong buburahin itong nararamdaman ko para sa bestfriend ko. Tama. Yun nalang ang iisipin at gagawin ko. Bahala na si Batman.

Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko na namamalayan ang mga pinagagawa ng katawan ko. Natagpuan ko nalang ang sarili kong pinipihit paharap si Jayden sa akin, at bigla ko nalang itong hinalikan sa mga labi.

“Shit Yui!” Tili ng isip ko. Pero hindi ko na napigilan ang pagsakop ng pagnanasa at pagmamahal sa lasing kong kamalayan. Hinahalikan ko na ang mga labing kay tagal ko ng inaasam-asam na maangkin. Ang mga labi ng mahal ko. They were so soft and kissable.

Panandalian akong natigilan nang maramdamang tinutugon na ni Jayden ang mga halik ko. It was a passionate kiss at first. Pero ngayon, nakakapasong halikan na ang nagaganap sa pagitan naming dalawa, sa madilim na kwartong iyon.

Nagiging malikot na rin ang mga kamay namin. Kung nung una ay ako ang humahagod sa buo nyang katawan, ngayon, lumalaban na sya ng haguran. Naglalakbay na pareho ang mga kamay namin sa katawan ng isa’t isa. Pati mga dila namin ay nagtatagpo na rin.

“I love you, Yoh.” Patay! Pilit lumabas ang mga katagang iyon sa bibig ko. Naramdaman ko namang parang nagising sya at nagulat sa ginagawa namin. “Ang tanga mo kasi Yukito!” Galit na sabi ko sa sarili ko.

Goodness! Ano na gagawin ko? Ayoko maging asiwa kami sa isa’t isa. Ayoko maging awkward si Jayden sa akin. Ayoko sya mawala sa akin. Wag naman sana.

Tinulak nya ako palayo sa kanya at tumalikod na muli sa akin. Nagpanggap nalang din akong natutulog at naghihilik pa ng mahina para lang magmukhang lasing lang talaga ako. I don’t want this recklessness to ruin our friendship. No.

Natulog nalang ako na ang iniisip ay walang iba kundi si Jayden. Wag mo naman sana akong layuan Yoh. Di ko kaya. Di ko kayang mawala ka sa akin.

“Kasalanan mo naman kasi to Yukito eh. Kasalanan mo pag nawala si Jayden sayo. Naglalasing-lasing pa kasi kayo.” Pangaral ko sa aking sarili. Haaay. Jayden, mahal na mahal kita.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Pagdilat ng mga mata ko, mukha ng natutulog na mahal ko ang bumungad sa akin. Ang sarap pala talaga ng simula ng umaga mo kung ganito ka goodvibes ang sasalubong sayo.

“Haay Yoh. Sana ganito nalang tayo palagi.” Nasabi ko sa sarili ko. Pero maya-maya, natigilan na naman ako. Nag flash back sa sumasakit kong ulo ang mga pangyayari kagabi. “Shit.” Nasapo ko ang aking ulo.

Dali-dali akong nagbihis at naghanap ng papel at ballpen sa study table ni Jayden. Mag-iiwan nalang ako ng note. Nahihiya ako sa ginawa namin kagabi. Pero I will try to act oblivious about what happen. Bahala na si Batman.

“Yoh. Una na ako ah? May gagawin pa kasi sa bahay. Good morning. Smile, Yui” Ang sinulat ko sa note at nilagay yun sa may side table katabi ng phone nya.

Dali-dali ko ng nilisan ang bahay ni Jayden. Kahit sumasakit ang ulo ko dahil sa pagka-hangover, pinilit ko paring makauwi. Iisipin ko muna ang gagawin ko oras na magkita kami ni Jayden. Ayoko syang mawala sa akin. So starting from now, all the things that I will do for him will be very careful.

Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa bahay, agad kong tinungo ang kusina. Naabutan ko lang si Mama at si Ate Reema na nagluluto ng almusal. Nakabusangot ang mukha ko at napansin nilang dalawa iyon.

“Nak, bakit? What’s wrong? Kumusta si Jayden?” Tanong ni Mama.

“Haay naku Ma. Yang anak nyo, baka di lang naka-iskor sa mahal nyang Yoh.” Sabay tawa pa ni Ate Reema habang nagpiprito ng itlog. “Ano ba nangyari tol?”

Wala lang akong imik na umupo nalang sa mesa sa may kusina. Nakabusangot pa rin ako. “Nak?” Tawag pa ni Mama sa akin. “Bakit lutang na lutang ka jan?”

Bumuntong-hininga naman ako. Parehos lang silang dalawa na nakatitig sa akin. Inaabangan ang magiging sagot ko. “Ma, ate, I kissed Jayden.” At napatungo ako.

Naglulundag na naman si Ate. “Woohoo! Congrats tol. Ang galing mo! Push mo yan.” At niyakap pa ako sa sobra niyang tuwa. Pero ako, nakabusangot pa rin mukha ko.

“Ganun naman pala eh? Bakit ganyan mukha mo anak?” Si Mama.

“Oo nga tol. Bakit malungkot ka pa rin? E kahit papano, naka-score ka na kay Jayden.”

“Mali eh. Maling-mali talaga.”

“Ayun. Nag-drama na naman si Yukito Ramirez.” At nakita ko lang si ate na inilibot ang mga mata at bumalik na sa pagluluto.

“Anak. Bakit mali? Di ba mahal mo naman si Jayden?”

“Kapatid, hindi mali ang magmahal. Tandaan mo yan.”

Tumungo naman ulit ako habang nakaupo pa rin sa breakfast table. “Ma, kasi, nag-inuman kami kagabi. Tas ayun na nga, di ko na namalayan na hinahalikan ko na pala si Jayden. Eh alam nyo namang baka pandirihan ako nun at hindi maunawaan pag sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko.” Ang sakit sakit ng ulo ko, pero mas masakit ang puso ko.

Lumapit naman sakin si Mama at hinagod-hagod ang likod ko. “Anak, sa tingin ko nama’y hindi ganung klase ng tao si Jayden eh. Tatanggapin ka nun kung ano ka man at kung sino ka man. Mag bespren nga kayo diba?”

“Sana nga Ma. Pero naduduwag talaga ako pag naiisip ko palang na sabihin sa kanya na mahal ko sya. Ayokong mawala sya sa akin Ma. Siya na ang buhay ko ngayon. No offense meant Ma ha? Pero alam mo naman siguro yun. Yun bang masaya ang puso mo na kahit isang segundo ng buhay mo, hinding-hindi sya nawawala sa isip mo.”

Pati si Ate Reema ay lumapit na rin sa akin upang bigyan ako ng words of wisdom. “Alam mo kapatid, mas mabuti ng masaktan ka ng lumalaban, kesa sa sa naka nga-nga ka nalang at makitang yung mahal mo na nasa bisig na ng iba.”

“Sana nga ate. Pero natatakot ako.”

“Tol, sa umpisa lang yan. Wag mo kasing isipin muna ang maaaring mangyari. Kung magfo-focus ka lang sa pag-amin sa kanya ng nararamdaman mo, di ka na matatakot nyan. Cheer up na ha? Magpaka-lalaki ka nga minsan kung may time ka.” At natawa pa si Ate.

“Anak, sabihin mo na kasi kay Jayden. How would you know how will he react kung di mo ita-try diba?” Napangiti si Mama sa akin. “Nagbreakfast na ba kayong dalawa?”

Yun! Bigla ko nalang naalala na wala pala si Nanay Nimfa para ipaghanda ng breakfast si Jayden. “Haaay. Ang tanga mo Yui!” Nasabi ko nalang sa sarili ko. Umiling naman ako kay Mama. “Tulog pa po si Jayden ng umalis ako Ma eh. Nahihiya ako sa ginawa namin kagabi.”

“Haaay. Sige sige, ako na bahala. Dalhan mo nalang ng breakfast si Jayden mamaya anak ha?”

“Ma, nahihiya pa nga ako kung ano gagawin ko sa mga nangyari kagabi.”

“So hahayaan mo nalang magutom ang mahal mo? Ganern?” Sabi ni ate at kumuha ng mga tupperwares. “Ma, magluluto nalang ulit ako ng dagdag na ulam para mapadalhan natin si Jayden ha?”

Ang swerte ko talaga sa pamilya ko. “Thanks ate.” At ngumiti ako dito.

“Anong salamat? Ikaw na maghahatid nito, shunga ka?!” At inirapan ako ni ate.

“Haay. Kayo talagang dalawa. O sige na, ikaw Yui, pag-isipan mo muna ang magiging hakbang mo kay Jayden ha? Tatawagin ko nalang si James para ihatid tong breakfast ni Jayden.” At inakyat ni Mama sa itaas si James.

Agad namang bumaba sa kusina si James na halatang kagigising lang.

“James, dalhin mo daw ito kina Jayden sabi ng Kuya Yui mo. Yan kasi, pahalik-halik pa, ang torpe naman pala.” Sarkastikong sabi ni Ate Reema.

Lumapit naman ako dito at hinalikan ito sa pisngi. “You’re the best ate! Wooh. I love you.” At umakyat na ako sa kwarto ko.

Pero nasa hagdan pa ako, narinig ko pa rin ang pang-aasar ni James sa akin. “Dito mo nalang kasi patirahin ang asawa mo Kuya!” At nagtawanan pa sila ni Ate Reema.

Dumirecho nalang ako sa kwarto ko. Naghubad at kinuha ang tuwalya. Masakit ang ulo ko dahil sa beer kagabi, pero gusto kong maligo at matulog muna. Aabsent na muna ako sa school ngayon. Pag-iisipan ko pa kung papano harapin si Jayden.

Tumapat na ako sa shower. Matagal akong nagbabad sa tubig pero naguguluhan pa rin ang isip ko.

Haharapin ko ba si Jayden at aaminin na sa kanya na mahal ko sya?

O magpapanggap pa rin akong walang naalala sa naging halikan namin.

God! For two straight nights, nahalikan ko na ang taong mahal ko pero naduduwag pa rin akong aminin sa kanya ang lahat.

“Yui. What’s wrong with you? Magpaka-lalaki ka nga. Aminin mo na kasi sa Yoh mo na mahal na mahal mo sya!” Usig ng konsensya ko. Haist.

Nang matapos akong maligo, hinagilap ko nalang ang phone ko at tinitigan ito. Wala man lang text si Jayden. Baka nagising na yun at naabot na sa kanya ni James ang padalang breakfast ni Mama at Ate.

Nahiga nalang ako sa kama ko. Nakipagtitigan ng konti sa kisame at nag-iisip pa rin sa pwedeng maganap sa oras na umamin ako sa kanya.

Haaay. Tama si Ate Reema, di ko dapat isipin muna ang magiging resulta. Dapat maging reckless muna ako sa pagkakataong ito.

Hanggang sa kinatulugan ko na ang pag-iisip kay Jayden.

Nagising nalang ako bigla sa tunog ng phone ko. Si Jayden tumatawag. Time check: 11am.

“Y-yoh?” Sagot ko sa tawag nya.

“Yoh. Asan ka na? Bat di ka napasok sa school? Okey ka lang? May nangyari ba?” Sunod-sunod na tanong nito. Haay, mukhang di naman ito awkward sa akin. Mukhang di niya naalala ang mga nangyari kagabi. Thank you Lord!

“H-ha? Eh. Tinamad ako eh. Friday naman, kaya okay lang siguro.” Tumawa pa ako, pero naging hilaw ang kinalabasan nun.

“Hinanap ka sakin ni Miss Tayko sa English kanina.”

“Yaan mo na. Ano ba ginawa natin kanina sa klase?”

“Nag quiz lang naman.” At tumawa pa sya.

“What?!”

“Joke lang. May project eh. Sasabihin ko nalang sayo pag nagkita tayo. Si Nanay Nimfa pala tumawag, baka next week pa daw ang balik dito.”

Natuwa naman ako sa narinig ko. At umilaw agad ang light bulb sa ulo ko. “Ha? Ganun ba? O sige. Kita nalang tayo mamaya. Tutulog muna ako. Sakit-sakit ng ulo ko eh.”

“Okay ka lang ba? Naglasing ka kasi kagabi eh. O sya, sige. Maya nalang ulit. Pupunta nalang ako jan para di ka na lumabas ng bahay. Pahinga ka Yoh ha?” Mas natuwa ako sa sinabi nito. Haaay. Salamat talaga at mukhang wala man lang siyang kaalam-alam sa panghahalik ko sa kanya.

“Ok Yoh. Ingat ka jan sa school. I miss you.” Wait. Bakit ko nasabi yun?

“Miss you mukha mo!” At natawa pa sya. “Sige. Laters Yoh, bye.” At naputol na ang linya.

Bumalik na naman ako sa pagtulog pagkatapos bumaba at nag brunch. Si Mama lang ang inabutan ko kanina sa baba.

Kinontsaba ko si Mama at sinabi dito ang plano ko sa weekend. Napapayag ko naman ito. Pero parang mas excited pa ito kesa sa akin.

Pagkagising ko, wala na ang sakit ng ulo ko. 5PM na pala. Haay. Napasarap tulog ko. Hinagilap ko agad ang phone ko at nakita na may 3 messages galing kay Jayden.

“Yoh. Bored ako. Ba’t ba kasi tayo nag-iinom kagabi?” “Yoh, andito lang ako sa may fountain. Tumatambay. Di na ako nasanay na walang makulit na megaphone na kasama. Hihihi :3” “Yoh, tumawag mama mo kanina. Pinapapunta ako dyan mamaya.”

Bakit nga ba? Ni-replayan ko sya. “Bah! Malay ko sayo. Kaw kaya tong nag-aya na uminom. Kakagising ko lang. San ka na? Sige. Wala ka namang kasama sa bahay. Alagaan mo nalang ako :D” sabi ko sa text.

Kelangan ko pa palang mag-ayos ng kwarto ko. Dito kami matutulog ng mahal ko. And tonight, sasabihin ko na sa kanya. Sasabihin ko na sa kanya na mahal ko sya. I am hoping for the best. I am hoping na magiging maayos ang lahat.

Di man nya kayang i-reciprocate ang nararamdaman ko sa kanya, pero atleast mababawasan ko ang paghihirap ng kalooban ko. Bahala na. Bahala na si Batman.

Excited ako sa mga magaganap mamayang gabi. Tonight, Jayden will feel how sincere I am. Nakangiti lang ako buong hapon habang nililinis ang kwarto ko.

7:30PM. Nagtext ako kay Jayden kung san ba sya magdidinner, pero sinabi lang nito na tapos na sya at papunta na sya sa bahay. Di na ako nangulit pang sunduin sya. Nahihiya pa rin ako at kailangan ko ihanda ang sarili ko sa kanya.

“Good evening tita, tito.” Bungad ni Jayden kina Mama at Papa pag dating niya sa bahay.  “Good evening Ate, James. Yoh! Cake at Choco Roll po.” Inabot ni Jayden kay Ate Reema ang dala nitong pasalubong. Si James naman, kung makangiti, wagas. Lumapit si Jayden sa akin at hinampas lang ang balikat ko.

“Wow. Pagkain na naman! Salamat kuya Jayden!” Si James.

“Sira! Basta talaga pagkain James, antakaw mo. Salamat kapatid. Prepare ko lang ha? Kainin na natin.” Ngiti pa ni Ate Reema at dinala nila ni James sa kusina ang dalawang box.

Kasalukuyang nandidito kami lahat sa sala, nanunuod ng TV. Ako, hindi naman talaga TV pinapanood ko. Inaantay ko sya. Napangiti naman ako ng makita syang pumasok sa bahay na sobrang nakangiti lang.

“Good Evening Jayden hijo. Kumain ka na ba? Pearl, ipaghanda mo nga si Jayden.” Sabi ni Papa Conrad.

“Ah Tito, tapos na po. Salamat po.” Ngiti nito kay Papa.

“O, Jayden, anak, bakit ka mag-isa sa bahay nyo? San ba guardian mo?” Tanong ni Mama. Naku, ka chismosa talaga nito. “Lika, upo ka dito. Feel at home hijo.”

“Ahh, umuwi po si Nanay Nimfa sa probinsya po. Salamat nga pala sa padalang breakfast kanina Tita. Nag-abala pa kayo.” Umupo naman ito sa tabi ko. Bat ba may kung ano na naman sa ngiti nito? Excited kaya siya na kagaya ko?

“Naku, hijo, don’t say that. Anak na rin turing ko sayo. Wala ka naman palang kasama sa bahay eh, kaya you’re welcome to spend the weekend here. Para naman makilala ka pa namin. Dito ka na matulog ha?” Todo-ngiti naman si Mama. Haaay mama, yung bibig mo talaga. Baka maunahan mo pa ako.

“Salamat po Tita Pearl.” Ngumiti naman si Jayden kina Mama. “Yoh, okay ka na ba? Wala na bang masakit sayo?” Baling nito sa akin. Napahagikgik naman ng mahina si Mama.

“Naku, Jayden, hijo. May masakit pa jan. Eto oh.” Nakita kong tinuro ni Papa ang dibdib nito kung kaya’t agad kong inakbayan si Jayden at ginulo ang buhok nito para di makita ang inakto ni Papa.

“I miss you Yoh!” Sabay sama ng tingin kina Mama at Papa. Haaay. Kayo na talaga.

“Wow ang sweet! Bromance!” Si ate Reema na lumabas na ng kusina dala-dala ang isang carrot cake at isang choco roll. Kasunod lang nito si James na may dala-dalang kubyertos. “Kapatid, kain ka o.”

Bumitaw naman ako sa pagkakaakbay kay Jayden. Na awkward-an ako sa ginawa ko. Hahaha.

“Sige Ate, busog pa ako eh.”

“Jayden hijo, may girlfriend ka na ba?” Biglang tanong ni Papa. Ano na naman to? “Kasi tong si Yui eh, may crush pero di man lang sinasabi sa crush nito.” Sarkastikong sabi ni Papa. Pinandilatan ko naman ito.

“H-ha? Po? Wala po eh. Sinabi nga ni Yui sa akin. Sabi ko nga po, sabihin nalang. Baka maunahan pa ng iba yung pinopormahan nya.” Napangiti naman ng napakasarkastiko si Ate at si Mama. “Bakit po?”

“Wala naman kapatid. Sabi ko nga kay Yukito eh. Para naman kasi syang babae na nahihiya sa crush nya.” At nagtawanan na silang lahat pwera sa akin.

Paking tape! Baka maunahan pa nila ako. Kaya hinila ko nalang si Jayden paakyat sa kwarto ko, bago pa niya matunugan ang mga hirit ng pamilya ko.

Pagkarating namin sa kwarto ko, agad siyang naupo sa kama ko. Ako naman ay naka tayo lang sa study table at nakaharap lang sa kanya.

“May sasabihin ako sayo Yoh.” Sabi ko. Nakikita ko lang syang nangingiti na parang nababaliw. Bakit?

“H-ha? Ako din Yoh. Meron din kasi akong sasabihin sayo.”

“S-sige. Ikaw na mauna Yoh.”

“Ikaw na nga sabi eh.” Si Jayden.

“No. Ikaw muna Yoh.” Pagpilit ko pa sa kanya. Nahihiya pa kasi ako eh.

Bumuntong-hininga sya. Lumipat naman ako sa kama at nahiga doon. Si Jayden, nagtanggal lang ng sapatos at humiga na rin sa tabi ko. Pareho lang kaming nakatitig sa kisame.

Katahimikan. Kapwa lang kami nakikiramdam sa isa’t isa.

Ayoko na! Sasabog na ako. Gustong-gusto ko na sya mayakap at sabihing mahal na mahal ko sya. Gustong-gusto ko na sabihin sa kanya ang mga katagang gustong-gusto ko na pakawalan.

“Yoh.” This is it Yukito Ramirez. This is it. Wag kang mahihiya.

“Yoh?” Rinig kong tawag ni Jayden.

“Yoh..” eto na. Eto na.

“Yoh. Alfer said he likes me.” Mahina pero narinig ko pa ring sabi ni Jayden.

What?! Alfer? Gumuho ang mundo ko. Ang sakit. Ang sakit-sakit.


========================================

== The TREE ==

“Because I’ve got crazier stuffs up my sleeves.” Bumuntong hininga ako at tumitig sa mga mata nya. “So, can I say something crazy?”

“Ano?”

“I think.. I think.. I like you..” Mahinang saad ko. Nakita ko lang ang panlalaki ng mga mata niya.

“Whaaaat?!” Nanlaki lang ang mga mata ni Jayden. Nakita ko lang itong pawis na pawis at gulat na gulat sa sinabi kong rebelasyon.

Di agad kami naka-imik sa isa’t isa. Ngayon ko lang naramdaman ito. Yun bang naaasiwa ka sa pagpapahayag mo ng nararamdaman sa taong nagugustuhan mo.

Kung dati parang mamamatay sa kilig ang mga babaeng nililigawan ko, pero si Jayden, gulat lang nabasa ko sa mga mata niya eh. Mas lalo akong na challenged sa kanya.

“Jayden.” Tawag ko sa kanya.

“A-alfer, baka naman nabibigla ka lang? Or baka isa lang tong kalokohan para gumanti sa ginawa kong pagpapahiya sayo nung isang araw?” Nakatungong saad nito.

“No Jayden. I am serious. At first, ayoko nga maniwalang nagkakagusto na ako sayo eh. Pero wala eh. Ganito nararamdaman ko para sayo. Hindi ako bakla, at ni once, sa tanang buhay ko, hindi ko inakalang magkakagusto ako sa isang lalaki rin na gaya ko.” Hinawakan ko ang mga kamay niya. Pero agad naman niya itong binawi.

“Alfer. Ang bilis naman kasi para paniwalaan na seryoso ka. Hindi ako bakla okay? Klaruhin lang natin yan.” Mahinang tugon niya.

“Hindi naman kita minamadali Jayden eh. Alam kong di naging maganda naging pagkakakilala natin sa isa’t isa at willing akong ulitin lahat ng yun. Hihintayin kita.” At hinawakan ko ulit ang kamay nya.

Ngumiti naman sya. “Just give me some time for this Alfer. Masyadong mabibilis ang mga nangyayari sa paligid ko. This is all new to me, and I hope you understand.”

“I understand.” Ngumiti na din ako sa kanya.

Pagkatapos namin kumain sa hotel na yun, dumaan pa kami ng Cake Shop at bumili si Jayden ng dalawang box ng cake at choco roll. Nagtaka naman ako kung bakit sya nagpapahatid sa bahay nina Yui.

Tahimik lang kami sa byahe, pero binasag ko rin ito maya-maya. Tinanong ko sya kung bakit sya dito nagpahatid.

“Tumawag kasi si Tita Pearl, at pinapapunta ako eh. Wala naman akong magawa sa bahay, na malapit lang din dito, so dadaan muna ako.”

“Ah I see.” Nasa tapat na kami ng bahay nina Yui.

“Di ka ba papasok?”

“No. Wag na. Gabi na eh. Pahatid ka kay Yui sa pag-uwi ha?”

“Okay. Goodnight. Salamat sa time.” Sabi nito at akmang bubuksan na ang pinto ng sasakyan ko para bumaba, pero pinigilan ko ang mga kamay niya. Napalingon naman siya sa akin at ninakawan ko lang ito ng halik sa pisngi.

“Basta Jayden, give me a chance na patunayan sayo yung sinabi ko sayo kanina. Goodnight.”

Tulala naman sya mula sa paghalik ko sa pisngi nya na bumaba na ng kotse. Pinaharurot ko na ang kotse at binaybay na ang daan pauwi sa bahay.

Napakasaya ko ngayon. Finally, alam na ni Jayden na gusto ko sya. At tuwang-tuwa ang buo kong katawan. For the first time, in my entire life, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Ang sarap. Grabe!

Si Jayden. Pinapasaya nya talaga ako. I know this is crazy, but hey, what can I do? Dinidikta na ng puso ko na mahalin sya. Whooa!

“Son, what’s wrong? Ang saya mo ata ngayon?” Sabi ni Mom nung pagpasok ko sa bahay. Naabutan ko itong nasa sala. Silang dalawa ni Dad. Si Dad. Himala at nandidito sya. Napapansin ko lately, napapadalas na ata ang pagkaligaw niya dito sa bahay.

Oh well, wala akong pakialam basta masaya ako ngayon. “Nothing Mom! I’m just inlove. That’s all!” Sabi ko sa kanya habang umaakyat sa hagdan, papunta sa kwarto ko.

Naligo lang ako at nagbihis at lumabas agad sa terrace ng bahay namin. Gusto kong magpahangin. Magmuni-muni. Mag-isip kung papano ko makukuha si Jayden.

“Well, is it serious now?” Napalingon naman ako sa likod ko. Si Mom. Lumapit ito sa akin at inakbayan lang ako. “Who’s the girl son? Ipakilala mo sa amin.”

“Mom. Not now. Di pa nya ako sinasagot. Basta, that person? Well, napaka-espesyal nya sa akin. First time ko makaranas ng ganito Mom. “

“I’m happy for you Son. Sana magtuloy-tuloy na yang pagbabagong iyan ha?”

“Hopefully Mom.” Ngumiti naman ako ng ubod ng tamis.

“Alam mo anak, masarap ma-inlove eh. I’ve seen you going around with different girls, pero ni isa sa kanila, wala kang sineryoso.”

“Mom, alam mo naman ako. Pihikan ako pagdating sa mga ganyan.”

“Noon, katulad ka din ng Daddy mo. Maangas, siga, at kilalang babaero sa school namin. But not until he met Gary. Grabe! Una syang nakatanggap ng rejection mula kay Gary at dinibdib nya talaga iyon. Pero dahil din kay Gary, nagbago ang takbo ng pag-iisip nya. At nang dahil kay Gary, nakilala ko ang Daddy mo.”

Wait, is history repeating itself? Yung Mama ni Jayden at si Dad, noon. Ngayon, si Jayden na naman at ako? Wow.

“Ang super crush ko nun na si Raphael Samonte, ay naging akin. Ang sarap ng feeling pag binabalik-balikan ko yung panunuyo ng Daddy mo sa akin anak. Up until now, feeling ko, ako pa rin ang pinakamaswerteng babae sa mundo, dahil ako ang minahal ng maangas at sigang Daddy mo. Ganyan ang love anak. Iyan ang pinaka magandang bagay na pwedeng mangyari sa dalawang tao. Dahil sa love, nababago ang kulay ng isang tao.”

Napangiti naman ako sa sinabi ni Mom. Ngayon ko lang ito narinig na nagkwento tungkol sa kanila ni Dad.

“Pero ngayon, alam ko na na magtitino ka na. I hope all will be well sa iyo at sa mahal mo anak.” Sabi ni Mom at tumalikod na ito. Pero tumigil lang ito sa paglalakad ng magsalita ako.

“Mom, bakit nandidito na naman si Dad? Ano nakain nun?” Bumalik naman sa kinatatayuan ko si Mom at niyakap ako.

“Son, your Dad wants you back. Hindi man nya sinasabi sa akin, pero alam ko lahat ng iniisip nya. Sana anak, makita mo sa puso mo ang pagbigay ng chance para papasukin ulit sa puso mo ang Daddy mo.”

Ngumiti naman ako. “Mom, alam mo naman ang issue ko kay Dad diba? Pero sige, para sayo, ita-try ko ulit Mom. May nagsabi kasi sa akin na babaan ko daw pride ko para makita ko ang totoong kulay ng buhay.” Si Jayden. Iba talaga ang hatak niya sa akin.

Niyakap naman ako ng mas mahigpit pa ni Mom. “Salamat Alfer. Maraming salamat!” Kumalas naman ako sa pagkakayakap ni Mom at tinitigan nya lang ako mata sa mata. “Wag mong gawin ito para sa akin Son. Do this for yourself. Goodnight!” At hinalikan pa ako nito sa noo.

Si Jayden. Grabe. Hindi ko inaakalang nang dahil sa kanya ay matututo akong buksan muli ang aking puso. Si Jayden na una kong nakilala bilang isang kalaban, na ngayon ay naging kaibigan, at sana balang araw, maging akin.

Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba tungkol sa akin. Lalaki, bakla, bisexual, wala akong pakialam! Basta isa lang ang alam ko ngayon, mahal ko si Jayden.

Di man naging maganda ang una naming pagtatagpo, willing ako na mag-exert ng effort para tanggalin lahat ng bad memories at di kagandahang pagkakakilala nya sa akin. Alam kong hindi ito madali, pero gagawin ko para kay Jayden.

This night was the best night of my life. And I’m looking forward for some more. Better days are coming.


- Itutuloy -

22 comments:

  1. Shit kabitin !
    B4 mas bet ko c Alfer now c Yui na...kawawa naman c yui kung saka sakali iyak tawa yan -_-

    ReplyDelete
  2. Grabe! Ohmygod hindi ko na kinaya to. Shit! Fck! Confession ni Alger putangina! Pero bigla ko ring naramdaman ang pagguho ng mundo ko dahil sa nararamdaman ni Yui. Kuya Jace, wagas ka! ~Ken

    ReplyDelete
  3. Nabitin ako pwede mag request ng update ulit hahaha

    ReplyDelete
  4. D aq nagenjoy nkakakasawa na ung laging bitin wlang closure

    ReplyDelete
    Replies
    1. i do respect your opinion po. pero ang sa akin lang naman, kung bibigyan agad-agad ng closure ang mga nangyari, e di patapos na agad ang storya? konting pasensya po. hahaha :D

      Delete
    2. kung di ko kayo bibitinin, e di wala ng magbabasa sa susunod na updates? hihihi...

      Delete
  5. Bahala na si batman <3


    Ty po sa pag update author <3

    Ran.

    ReplyDelete
  6. Haist, mukhang mauunahan pa ang YUI ahh. Wag nmn sana... Author, bigyan mo nmn fair na laban c Yui kay Alfer pra ma-win si Jayden. Nas type ko clang magkatuluyan. Yui-Den pa din...

    -Darkwizard

    ReplyDelete
  7. Waaaaaah bitin!! Hehehe thanks sa update! kakawala ng pagod ung kilig B-)

    ReplyDelete
  8. Waaaaah bitin!!! Hehe thanks for the update. Kakawala ng pagod ung kilig B-)

    ReplyDelete
  9. OMG! shit pag nagkataon kawawa si yui. Basta Kay Yukito parin ako. Push mo dyan Yui.
    red 08

    ReplyDelete
  10. I imagine Yui as Yukito from Cardcaptor Sakura and Alfer as Rukawa from Slam Dunk. Tapos si Jayden ay na-iimagine ko naman na parang si Hanazawa Rui from Hana Yori Dango. Hehe! Nice update Jace! Nakaka-excite abangan ang story mo. Keep up the good work!


    - Malachi

    ReplyDelete
  11. ang ganda jace keep up the good work

    ReplyDelete
  12. Yui wag babagal-bagal umamin kana kay Jayden habang si Alfer "i like you" pa lang binibitiwan, ikaw sabihin mo "i love you".

    Brix

    ReplyDelete
  13. Hayst! Kawawa naman si Yui! Kasi naman patorpe-torpe pa. I dunno but Yui and Jayden parin ako. Thanks sa update, Jace! Keep it up!

    ReplyDelete
  14. Hey mr. Jace..ang ganda ng storya mo..sana lang matapos mo di tulad ng iba jang author ng msob n buwan n ay wala pa ding update ang story nila..hmmp.ANG GALING MO!!! MAHAL N KITA!! .hehe.kainis k lng kasi ang galing mong mambitin..hehe demanding..ganun talaga fan mo ko eh..
    - paul jhon

    ReplyDelete
  15. Awww! Kawawa nman si Yui

    kakatuwa ung pamilya ni Yui,very supportive :)

    _Natsu 19

    ReplyDelete
  16. I support Yui.

    Alfer is like an ideal man for Jayden. Pero si Yui ang perfect match niya.

    Sarili opinyon lang po.

    Thanks author. Galing mo.


    JM

    ReplyDelete
  17. Naunahan kana yui! Ang cute lang tignan ng tatlo nato! Haha congratz mr. Jace! :)))
    -dimi

    ReplyDelete
  18. paki update nman author please please .... ganda kase eh totoo lng lagi itong update mo ang una kong tinitingnan eh please update po

    -KRVT61

    ReplyDelete
  19. excited nataq sa next chapter nito :3 sana magkaron na. at sana c yui makatuluyan ni jayden. haha. good job author :D


    lei andrew

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails