The Tree, The Leaf, and The Wind
Chapter 15
“Diversion of Feelings”
By: Jace Knight
https://www.facebook.com/jace.pajz
Author’s
Note:
Guys. I owe
you a big apology dahil hindi ako nakapag-update last week. I’m really sorry.
Di na ako rarason pa, dahil kong kasalanan ko din, basta sorry talaga. Anyways,
as promised, this chapter at ang 16 ay ating papahabain para naman makabawi ako
sa inyo for last week. Salamat sa mga nag-aabang pa rin sa storyang ito. Sana
di ko kayo ma disappoint sa chapter na to. Konting intro pa alng ito sa
malaking pasabog na magaganap sa 16. Hehehe.
Salamat sa
mga bago at dating minions ni Jace na naglalaan ng konting panahon upang
maipahayag ang kani-kanilang reaksyon through comments sa ibaba, sa fb, o kahit
sa text. Kahit pressured na ako sa mga kakulitan niyo, ayos lang. Dagdag inspirasyon
din kasi. Hehehe. Kaway-kaway pala sa dalawang napakakulit kong bunso, sina Hao
Inoue at Kenken. At sa kuya kong si Mr.CPA. Hehehehe..
Anyways,
after a long week of waiting. Eto na ang inaabangang kasunod ng ating storya. I
present to you, the 15th chapter of TLW. Enjoy po mga kuya! :D
Jace
=======================================
== The WIND
==
“Yoh.” This
is it Yukito Ramirez. This is it. Wag kang mahihiya.
“Yoh?” Rinig
kong tawag ni Jayden.
“Yoh..” Eto
na. Eto na.
“Yoh. Alfer
said he likes me.” Mahina pero narinig ko pa ring sabi ni Jayden.
What?!
Alfer?
Para akong
nabingi sa sinabi ni Jayden. Parang may sumabog na granada sa harap ko. Ang
sakit. Ang sakit-sakit sa pakiramdam.
Kung kelan
handa na akong ipagtapat ang totoo kong nararamdaman kay Jayden, eto na naman
ang isang malaking dagok sa akin.
Oo, alam
kong napakabilis lang ng halos tatlong linggo na pagkakaibigan namin para
tawagin itong pag-ibig. Maskin ako naguguluhan sa sarili ko, bakit nga ba ako nahulog
sa kanya? Bakit ang bilis?
Kung gano
kabilis nyang nabihag ang puso ko, ganun din kabilis akong nasasaktan sa sinabi
niya. Pero sana. Sana, ganun ko kabilis kalimutan si Jayden.
From the
looks of it, I knew that he’s happy with what Alfer told him. Siguro, gusto din
ni Jayden si Alfer. Pero paano na ako nito?
“Jayden,
mahal kita eh. Gusto ka pa lang naman ni Alfer diba?” Ang mga katagang nais
kumawala sa aking isipan.
Jayden,
mahal kita. Ayokong nakikita kang nahihirapan.
Kaya
magpapadaya nalang ako. Ihahabalin nalang kita kay Alfer. Masakit, pero iyon
ang mas mabuti kong gawin. Masaya ka naman sa kanya diba?
“Yoh!” Untag
sa akin ni Jayden. Nahulog ako sa malalim na pag-iisip at pagdadamdam sa mga
rebelasyong kani-kanina lang ay binitawan ng taong mahal ko. “Yoh, okay ka
lang?”
Nakatitig pa
rin ako sa kisame, pero siya nakatagilid na paharap sa akin. “Ah, oo Yoh. Ano
nga ulit sabi mo? Ay, o-oo nga pala. Sorry, m-may iniisip lang ako.” Ngumiti
nalang ako ng pilit. Nakita ko syang tumititig sa akin na ang mga mata’y
nag-aalala. “Why?”
“W-wala.”
Bumuntong-hininga naman sya. At bumalik sa pagtitig sa kisame. Nakahiga pa rin
kami pareho sa kama ko.
“O, para san
yung buntong-hininga mo?”
“Eh kasi,
kasi. Naguguluhan ako Yoh. Tungkol kay Alfer.”
Ayun. Yun na
naming taong yun. Haay. As much as possible, I don’t wanna talk about him and
Jayden. Ang sakit pakinggan , ang sakit sa dibidib. Kaya di nalang muna ako
umimik.
“Yoh, bakla
ba ako?” Kapagkuwa’y tanong niya.
Tinitigan ko naman sya sa mga mata. “Naiinis na kasi ako sa sarili ko
eh.”
Pumihit na
ako patagilid sa kanya upang mapagmasdan sya. “Yoh, ikaw lang naman nakakaalam
nyan eh. Pero eto sasabihin ko sayo. Kung ano at sino ka man, kung saan ka
sasaya, andito lang ako lagi para sayo.”
“Baka pag
nalaman kong bakla ako Yoh, pandirihan mo ako. Baka husgahan agad ako ng mga
tao sa paligid ko.” Malungkot nyang sabi.
Napangiti
naman ako. “Yoh, kaibigan at kapatid na ang turing ko sayo. At kung meron mang
unang iintindi sa pagkatao mo, dapat ikaw yun. Kung hindi mo tatanggapin ang
sarili mo, sino pa ang tatanggap sayo, diba? At ako ang pangalawa. Bespren tayo
diba?”
Haay.
Jayden. Sana lang nalalaman mo tong nararamdam ko para sayo. Mahal kita, di
lang bilang isang kapatid at kaibigan, kundi bilang isang tao na naghahanap ng
isang katuwang sa buhay.
Natutuwa ako
at medyo open ka naman pala sa pagiging iba mula sa karamihan. Pero may dala
din palang itong sakit.
Sakit mula
sa katotohanang si Alfer ang nagpamulat sa iyo sa pagbukas mo sa iyong isipan.
Haaaay.
Pero alam
kong masaya ka na kay Alfer. Sana lang alagaan ka ni Alfer. Sana lang, may
patutunguhan itong pagpaparaya ko. Oo, kakalimutan ko na ang nararamdaman kong
ito, kahit mahirap. Best friend kita, at ayaw na ayaw kong nakikita kang
nasasaktan at mahihirapan kung sakali mang umamin ako sa totoo kong
nararamdaman.
“Yoh,
salamat.” At nabigla nalang ako ng maramdamang lumapit sya sa akin at niyakap
ako. Isinubsob nya ang mukha niya sa dibdib ko. “Salamat at nagkaron ako ng
kapatid at kaibigan sayo.”
Gusto ko
syang yakapin pabalik, pero nasasaktan ako. For I know that I can never have
him. Tumutulo na yung luha ko, pero pinipigilan ko paring umiyak.
Ang sarap ng pagkakayakap nya sa akin. Pero
gusto ko ng umiwas muna sa mga ganitong sitwasyon. Ayokong maguluhan si Jayden
sa amin ni Alfer. Gusto ko syang maging masaya at magkaroon ng peace of mind.
If it’s worth sacrificing on my part, it’s definitely worth it.
Pinahid ko
naman ang mga luhang naghahabulan sa pisngi ko at inisip na magiging okey ang
lahat, kahit imposible pa ang okey na naiisip ko kanina. “Yoh, ang drama natin.
Friday pa ngayon. Bukas pa ang MMK.” At nagtawanan nalang kami. Hindi ko na
pinahalata sa kanya na umiyak ako. “Sige Yoh, baba na muna tayo. Baka maubusan
tayo nung cake mo.”
Yun na nga
ginawa namin. Bumaba ulit kami sa may sala upang kumain ng cake. Natulog na si
Papa at si James kaya sina Mama at Ate Reema nalang ang nakipagkwentuhan kay
Jayden, habang ako naman ay nagpapanggap na nanunuod lang ng TV. Pero ang
totoo, nasasaktan pa rin ako sa mga nalaman ko. Pinilit ko nalang na wag
ipahalata kay Jayden ang lahat.
Pagkatapos
naming kumain ng cake at choco roll, pinauna ko na sa kwarto si Jayden para
makaligo na at makapagpahinga na rin. Habang ako naman ay tinutulungan si Mama
na iligpit ang mga pinagkainan namin. Si Ate Reema, ayun, direcho na sa kwarto.
“Anak, di ka
kumain ng Carrot Cake. Ang sarap pa naman.” Sabi ni Mama habang naghuhugas ako
ng plato sa kusina. Bumuntong-hininga nalang ako. Lumapit ito sa akin. “Anak, ano
ba problema? Bakit ang lungkot ng mukha mo?”
“Ma, wala
ho. Pagod lang siguro.” Malamig na tugon ko.
“Naku
sinasabi ko sayo Yukito. Pagod? Eh maghapon ka lang nakahilata sa kama mo, tas
gagamitin mo yang palusot?” Kinurot naman ako ni Mama sa tagiliran. “Umamin ka
na kasi. Kilala kita anak. Kaya bawat uto’t hininga mo, alam ko.”
“Ate Vi?” At
tumawa na ako. Kinurot pa ako nito ulit sa tagiliran. “Aray, ma!”
“So ano nga?
Bakit ganyan itsura mo? Si Jayden ba?”
Bumuntong-hinga
ako at napatango nalang.
“O, ano
nangyari? Sinabi mo na ba sa kanya?”
“Sasabihin
na sana Ma, kaso…”
“Kaso ano?”
“Si Alfer.”
At napatungo ako. Ayoko na sana pang pag-usapan ang tungkol dito.
“Oh, bakit?”
“Ma,
sasabihin ko na sana kay Jayden yung nararamdaman ko, pero sinabi nya na
nagtapat na si Alfer sa kanya. Gusto daw ni Alfer si Jayden.” Di ko naman
mapigilang mapaluha habang niyakap ako ni Mama. “Ma, bakit ganun? Kung kelan
ako naging handa na magpakatotoo sa nararamdaman ko, tsaka pa ako susubukin ng
ganito?”
“Anak, wag mo
agad syang sukuan. Kung mahal mo talaga si Jayden, ipaglalaban mo sya. Wag kang
maging duwag, or else, matatalo ka.”
“Ma kasi,
maraming beses ko na napapansin si Jayden na parang masaya sa tuwing nagkikita
sila ni Alfer. Ma, ang hirap eh. Ang hirap-hirap ma.”
Tinapik-tapik
lang ako ni Mama habang patuloy pa rin akong umiiyak sa balikat nito.
“Pero
kakalimutan ko na tong pesteng nararamdaman ko. Nahihirapan na ako Ma. At mas
lalong mahihirapan si Jayden nito. Ayoko namang masaktan sya ng dahil sa akin
Ma.”
Pagkatapos
ang usapan namin ni Mama, kinalma ko ang sarili para di naman mahalata ni
Jayden na napakalungkot ng aura ko. Umakyat na ako sa kwarto at nakita ko ng
nakabihis pantulog na si Jayden. Dumirecho nalang ako sa banyo para makaligo
din.
We can
always freshen up our bodies after taking a shower, but not our minds.
Pagkalabas ko ng banyo nakita ko lang si Jayden na nakahiga na. “Haaay. Face it
Yui. He can never be yours.” Pagpapakalma ko sa sarili.
“Yoh, tulog
ka na. Di na ba masakit ang ulo mo?” Tanong niya.
Umiling
naman ako. “Di na Yoh. Gusto ko na nga matulog eh. Salamat pala sa cake ah? Ang
sarap.” Pilit na ngiti ko.
“Anong
masarap? Eh hindi ka nga kumain nun.” Simangot nya sa akin.
“Ah- eh,
busog na ko eh. Pero nagustuhan nila Mama.” Ngumiti nalang ako at nahiga na sa
tabi niya. “Goodnight Yoh.”
“Goodnight
din.”
Pagkatapos
ng isang oras, hindi pa rin ako makatulog. Ang hirap pala pag itong katabi mo,
na gustong-gusto mo yakapin at halikan, ay hinding-hindi na magiging iyo.
Siguro I’m just jumping to conclusions, pero yun ang nararamdaman ko eh.
Oo, duwag
ako. Takot harapin ang katotohanan. Takot harapin ang nararamdaman. Ganito ako
lagi eh. Ewan ko ba. Kahit ako nagagalit na ako sa sarili ko.
Oo nga.
Napatunayan kong mali ako sa inaakala kong homophobic si Jayden, pero mas
malaki pa pala ang problema kesa dun. Iba ang natitipuhan ng taong mahal ko.
At ako
naman, naduduwag naman na aminin ang totoo kong nararamdaman sa kanya. Ang
saklap lang. Kung gano ako kaswerte sa pamilya, ay sya namang ikinasawi ko sa
buhay pag-ibig ko.
Pero sige na
nga. Siguro naman, mababaling ko naman sa iba ang nararamdaman kong ito para
kay Jayden eh. Maaga pa naman, at wala pa namang gaanong attachment na namumuo
sa pagitan namin. Siguro, yun na nga lang ang gagawin ko. Bahala na si Batman!
Pagkatapos
ng ilang minutong paghiga sa kama. Di talaga ako makatulog eh. Lumabas nalang
ako sa terrace ng aking kwarto, bitbit ang gitara at nagsimulang tipahin ito at
kumanta..
===============================================
== The Leaf
==
“Yoh, kaibigan at kapatid na ang turing ko
sayo. At kung meron mang unang iintindi sa pagkatao mo, dapat ikaw yun. Ako ang
pangalawa. Bespren tayo diba?”
That
confirms it. Purong kaibigan at kapatid lang ang tingin sa akin ni Yui. Haaist.
Pero mas
okey na rin yung ganito. Yun bang nabawas-bawasan na ang dinadala ng dibdib ko?
Paking tape na Alfer kasi eh. Seryoso ba talaga sya dun?
Balik tayo
kay Yui. Siguro tama nga ako. I was in deep sadness, and Yui was the one who
helped me get back on track. Naligaw lang ng iniisip ang utak ko sa
pinapakitang kabutihan ni Yui sa akin.
Siguro
natagalan lang bago ako nagkaroon ng kaibigan kaya nami-mislead ako sa
companionship ni Yui. Ewan ko ba. Napaka-assuming ko minsan.
Nakahiga na
kami ni Yui sa kama nito. Nasiyahan naman ako sa naging pakikitungo nila Tita
Pearl sa akin. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa mga ito. Pakiramdam ko,
nakatagpo na ulit ako ng pamilya sa kanila. Siguro, matutuwa si Mama nito pag
nakikita niyang nagiging masayahin na ulit ako.
Kanina, nung
niyakap ko si Yui, sinabi ko sa sarili kong maswerte ako. Kahit papaano,
nandidito ang isang Yukito Ramirez na nagpapagaan ng loob ko, kahit anong bigat
nito. Si Yui. Si Yui na bespren ko.
Kanina, nung
sinabi ko sa kanya na gusto ako ni Alfer, mukhang nag-alangan ito. Siguro,
nag-aalala lang ito. Dati nya pang sinasabi na mag-ingat ako kay Alfer eh. Over
protective din pala tong Yoh ko. Ahahaha!
Si Alfer nga
pala. Haay. Isa pa yun. Bakit nasabi niya yun? Gumaganti ba ito sa ginawa kong
pamamahiya sa kanya sa buong campus? O baka naman talagang seryoso sya?
Ano ba tong
naiisip ko? Hindi naman ako bakla. At mas lalong hindi bakla si Alfer.
Sabi nga
nila, hindi mo naman madidiktahan ang puso eh. Kung kanino man ito tumibok, kabahan
ka na. Kasi wala ka talagang kontrol dito. Pero sa kaso namin ni Alfer, ewan ko
sa kanya. Pero yung sakin?
Ano nga ba
nararamdaman ko para sa kanya?
Oo. Di na
ako magpapaka-plastic. I admit that I’m attracted to him. Ewan ko ba. Pero
siguro dahil may mga similarities din kami. At siguro, gusto ko lang din syang
tulungan sa problema nila ng Dad niya.
Kahit
papaano kasi, mas swerte pa rin sya at nakakasama pa rin nya ang mga magulang
niya.
He has this
charm na parang nagmamagnet sa aking kamalayan para mapansin siya.
Siguro, ang
isa ko ring naramdaman kay Alfer ay ang pagiging honest niya sa akin. Hindi sya
kagaya ng iba na nagtatago sa likod ng mga ngiti at tawa. His expressiveness
caught me. Yung pagiging prangka niya.
At kahit
nung sinabi niya sa akin na gusto niya ako, nagdadalawang-isip man ako, pero
yung mga mata niya. They were so sincere. It’s like telling me to believe in
him.
Pero di
naman siguro ganun kadali yun. Alfer is a ruthless player. At alam ko yun. Dati
pa akong nakakarinig ng di magagandang balita sa kanya. It’s just too hard to
believe him. Ang bibilis ng mga pangyayari. Baka naman nadaan lang siya sa
state of confusion. Kagaya ng nararamdaman ko kay Yui.
Pero, ano
nga ba talaga ako? Bakla ba talaga ako?
Ewan. Di ko
alam. Malalaman nalang natin sa mga susunod na kabanata.
For now, I
would like to observe things. Both for me and for Alfer.
Consistency.
Yun ang susubukan ko kay Alfer. Bahala na si Batman!
Naalimpungtan
ako maya-maya. Nakatulog na pala ako. Napansin ko namang wala na si Yui sa tabi
ko.
“Asan kaya
siya?” tanong ko sa sarili ko.
Narinig ko
namang may nagigitara sa may terrace ng kwarto ni Yui. Ang lungkot lang ng
tugtog. Tumayo naman ako at lumapit sa sliding door papunta ng terrace.
Nakita ko
lang sya don na nakaupo sa may duyan.
Yakap-yakap niya ang gitara habang kumakanta. Nakatalikod sya sa akin.
Di na muna ako lumapit. Papakinggan ko muna siya.
“My shattered dreams and broken heart are
mending on the shelf. I saw you holding hands, standing close to someone else.
Now I sit all alone, wishing all my feeling was gone. I gave my best to you,
nothing for me to do, but have one last cry. One last cry, before I leave it
all behind. I've gotta put you outta my mind this time. Stop living a lie. I
guess I'm down to my last cry, cry”
Is he
crying? Naririnig ko ang pagka-crack ng boses nito. Ang ganda-ganda ng boses
niya. And the way he sings, wow!
“I was here, you were there, guess we never
could agree. While the sun shines on you, I need some love to rain on me. Still
I sit all alone, wishing all my feeling was gone. Gotta get over you, nothing
for me to do but have one last cry..”
Yoh. Lumapit
ako sa kanya at hinawakan ang balikat niya. Napalingon naman sya sa akin na
halatang nagulat at nagpupunas ng luha sa mata.
“K-kanina ka
pa ba?” Tanong niya. Umupo naman ako sa tabi niya.
“Ngayon
lang. Ang lungkot naman nun? Akala ko ba ako lang mahilig mag emo?” Ngiti ko sa
kanya. May nakita lang akong luha na sumilay mula sa mga mata nito at pinahid
ko agad ito. “Bakit ka ba umiiyak Yoh? May problema ka ba? Lika. Pag-usapan
natin.” Ngumiti lang ako sa kanya.
“W-wala Yoh.
M-may n-naalala lang ako.” Sabay iwas ng tingin.
“Itsura mo.
Sige na. Dali. Makikinig ako.”
“Wala nga
sabi eh. Kulit.” Iling lang niya at pilit na ngumiti.
“Yoh? Ang
duga mo! Nakita mo na akong umiyak, tas ngayong babawi na ako, nagsusungit ka.”
Nginitian ko ito at isinandal sa balikat ko ang ulo nito.
Wala naman
syang imik. Nakasandal lang sya sa akin habang yakap-yakap pa rin ang gitara.
“Sige, iiyak
mo lang yan. Pero dapat, sabihin mo sa akin kung ano nararamdaman nito ha?” At
hinawakan ko ang dibdib niya. “Trust me. Mas gagaan ang pakiramdam mo pag
nailabas mo yan sa akin. And no worries, makikinig ako.” Ginaya ko lang ang
ginawa at sinabi nya nung unang beses na kinulit nya ako sa kwarto at nakita
akong nag-iiyak.
“W-wala
Yoh.” Napabuntong-hininga lang ito. “N-naalala ko lang si Papa.”
“Yoh. Hindi
ko alam ang sasabihin sa iyo, pero hayaan mong damayan kita.” At tinapik ko ang
balikat nito. “Ganun talaga ang buhay Yoh.”
“N-namimiss
ko lang si Papa. Pero wag na muna nating pag-usapan yan Yoh.”
“O sige.
Basta Yoh ha? Andito lang ako kung kailangan mo ng kausap. Wag ka ng malungkot,
please?” Hinarap ko sya at nginitian ng ubod-tamis. “Ayokong nagkakaganyan ka
Yoh. Di ako sanay na nalulungkot ka.”
“Salamat
Yoh.” At nabigla lang ako ng niyakap nya ako.
“A-aysus.
Nagdrama ka pa jan. Shemps. Bespren tayo diba?” At kumalas siya sa akin.
“Oo, bespren
slash kapatid.” At ngumiti na ito, kahit pilit, okey na rin. Atleast nakangiti
na ito.
Inakbayan ko
lang ito at sabay na kaming bumalik sa kwarto ni Yui para matulog na.
Hindi ko na
sya kinulit sa mga bagay na hindi pa nya kayang ibahagi sa akin. Mag bespren
kami, pero nirerespeto ko pa rin ang private space niya.
Noong ako
ang nalugmok sa kalungkutan, siya ang nandyan para tulungan ako makabangon. At
ngayong siya naman ang may pinagdadaanan, sasamahan ko siya.
…………
Mabilis
namang lumipad ang mga araw. Days turned to weeks, and weeks turned to months.
Tatlong buwan na rin ang lumipas simula nung mag-krus ang landas namin nila
Alfer at Yui.
Sa amin ni
Yui, well, ganun pa rin. Magbespren at magkaramay sa lahat ng bagay. Sa tatlong
buwan na dumaan, mas nakilala ko pang lalo si Yui.
Tama. Hindi
ako nagkamali na papasukin ito sa buhay ko. Si Yui ang taong nakahandang
tumulong at umalalay sa lahat ng dinadaanan mong problema.
He shows
when you least expected it, and makes me smile for the most random reasons.
Na-nenegate lahat ng ka-emo-han ko sa katawan ng dahil sa kanya. Si Yui ang
naging katapat ng negativities ko. Ang pagiging bibo nya ay ang naging ilaw sa
madilim kong buhay.
At tama nga.
Tama nga na maging kaibigan nalang kami. Tama nga na naidivert ko ang
naramdaman ko sana sa kanya. Kasi sa pagkakaibigan, mas tumatagal ang isang tao
sa mga buhay natin.
Sabi nga
nila, “Friendship often turns to Love, but Love is rarely turned to
Friendship.”
Tama na yang
pagbabalik-tanaw na yan. Basta sa ngayon, masaya ako sa pagkakaibigan namin ni
Yui. Masaya syang kasama. Hinding-hindi ako nauubusan ng tawa sa mga korni
niyang joke. Kahit korni, may sense naman, most of the times.
Pagkatapos
ng tatlong buwan, ganun pa rin ang set-up ng aming mga buhay. Minsan, tatambay
kami sa bahay namin. Minsan naman, sa kanila din. At sa tuwing nalalagi ako sa
kanila, walang panahon na hindi ko nakakausap at nakakakulitan ang pamilya
nito.
Pakiramdam
ko, nakatagpo na ako ng pamilya sa bahay na iyon. Sina Tita Pearl at Tito
Conrad, sina Ate Reema at James. Napakainit ng pagtanggap nila sa akin. Sa
kanila ko naramdaman ang pakiramdam na magkaron ng isang pamilya.
Ang saya
lang kasi nila kasama. Lalo pa’t sina Tita Pearl at Tito Conrad ay sobrang
kwela at jam lang sa kanilang mga anak. Para lang silang magbabarkada eh.
Minsan, naiinggit ako kay Yui. Buo sila, at kahit papano’y nakakaangat sa
buhay.
Haay. Pero
alam kong walang patutunguhan tong inggit nato. Welcome naman ako sa kanila eh.
Nararamdaman ko namang di na rin ako iba sa kanila. Namiss ko lang talaga ang
magkaron ng pamilya.
Minsan,
sumasagi sa isipan ko ang mga tanong. Ako kaya? Siguro hindi na nga mabubuo ang
pamilyang pinapangarap ko. Wala na si Mama. Wala na ang babaeng nagluwal, at
mag-isang bumuhay sa akin ng ilang taon. Haaay. Namimiss ko na naman si Mama.
“Mama..”
Nasambit ko.
Nabigla
naman ako ng may humawak sa balikat ko mula sa likuran ko. Napaharap ako bigla
dito, at nagpunas ng mga luhang kanina pa pala tumutulo ng di ko namamalayan.
Kasalukuyan kaming nandidito sa terrace ng bahay nina Yui at nakatingin lang
ako sa mga taong nandudun sa may pool area.
“A-ah. Tita
Pearl. P-pasensya na po. N-naalala ko lang si Mama.” At pilit na ngumiti dito.
“Halika
nga.” At ibinuka nito ang mga kamay at yumakap sa akin. “Alam ko. At namimiss
ka rin nun. Hayaan mo anak. Ang isipin nalang natin na nasa mabuting kalagayan
na ang Mama mo ngayon.” At hinagod-hagod pa nito ang likod ko.
“Oo nga po.
S-salamat po pala sa pagtanggap sa akin dito sa pamamahay nyo po.”
“Naku! Ikaw
talagang bata ka!” Kumalas siya mula sa pagkakayap sa akin. “Oo naman. Parte ka
na ng pamilya namin anak. Ako nga, anak na turing ko sayo eh. Kaya simula
ngayon, ako na Mama mo ha?” Ngumiti ito.
Wow. Grabe!
Mama? “Opo M-mama.” Ang saya. May mama na ulit ako. Napapaluha na naman ako sa
tuwa. Pero pinahid lang to ni Mama Pearl sa aking pisngi.
“Sus! Tama
nga si Yukito. Ang drama mo ngang bata ka.” At nagtawanan na kami. “Wag ka ng
umiyak anak. Ang gwapo mo pa naman. This is your big day! Kaya wag ka ng
malungkot ha? Tara na sa baba. Naghihintay na sila.”
Pababa na
kami. At habang malapit na kami sa may pool area ng bahay nila Yui, napalingon
naman ang lahat sa amin. Si Papa Conrad, Ate Reema, James at Yui. Agad lang
silang tumayo at nilingon kami at nagsimula ng kumanta ng “Happy Birthday”
song.
Nakita ko si
Yui na kinuha ang birthday cake na binake pa ni Ate Reema. Si James nama’y
sinindihan ang mga kandila na nasa cake.
Todo-ngiti
naman ako habang kinakantahan nila ako. Ang saya saya ng araw na to. Wala na
siguro akong mahihiling pa.
“Make a wish
Yoh.” Ngiti ni Yui sa akin na lumapit sa akin dala-dala ang cake, matapos ang
kanta. Pumikit naman ako. Nag-wish. At hinipan na ang mga kandila.
“Happy
birthday Anak!” Bati ni Papa Conrad at Mama Pearl.
“Salamat po.
Maraming salamat po Mama, Papa.” Nginitian ko lang silang lahat. “Salamat.”
“Welcome to the
family kapatid!” At niyakap pa ako ni Ate Reema.
“The more
the merrier. Yoohoo!” Si James.
Nilapitan ko
si Mama at binati niya muli ako. “Happy 19th Birthday anak. Enjoy the night ha?
Pasensya na sa konting handa. Si Yukito kasi eh. Kagabi lang nagsabi na
birthday mo pala ngayon.”
“Salamat po
Tita. Ay este M-mama. Sus. Konti pa ba to? Eh mukhang fiesta na po ito eh.”
Tawa pa ako ng tawa. “Salamat po talaga.”
“Naku anak.
Ilang salamat na nabanggit mo sa nakalipas na limang minuto?” Akbay pa ni Papa
Conrad sa akin. “Kasapi ka na ng pamilya ngayon, so hindi mo kailangan
magpasalamat. Pero si Yui----“
At hinila na
ako ni Yui papunta sa may pool. Hindi na namin narinig ang sinabi ni Papa.
Panira to ng moment si Yui kung minsan eh. Hahahaha!
Naupo naman
kami sa may pool na magkatabi at ang mga paa’y nakababa sa tubig.
“Happy?” At
tumingin sa akin sa Yui. Tiningnan ko lang ito ng saglit at ngumiti ng
ubod-tamis.
“Happy is
not enough Yoh. Super Ultimate Mega Happy. Salamat talaga Yoh.”
Lumusong na
sya sa tubig pagkatapos maghubad ng sando. “Happy Birthday, birthday boy!” At
sinabuyan pa ako nito ng tubig. “Habol lang!”
Lumusong na
din ako at naghabulan kami sa may pool. Ang bilis lumangoy nitong si Yui. Di ko
maabutan. Kakainis. Umahon nalang ako sa tubig at umupo nalang sa may gilid.
“Oh ano?
Pagod na Yoh? Di ka pa nakakaganti sakin.” At tinawanan pa ako ni Yui.
Sinuklian ko lang ito ng simangot.
“Chura mo
Yoh! Ang dugyot mo pag nasa tubig ka. Muka kang shokoy!” Simangot ko pa.
“So bastusan
na tayo ngayon? Porke di ka makaganti, ganyanan na tayo?” At lumapit ito sa
akin. Nung nasa malapit na sya, ubod-lakas kong sinabuyan sya ng tubig.
“Aaacckk!”
Tumawa naman
ako ng malakas. “Oh, ano ka ngayon?!”
“Asar! Daya
daya mo.” At umahon na din sya sa tubig. Naghabulan na naman kami sa gilid ng
pool. “Wag ka magpahuli sa kin. Sinasabi ko sayo!”
Naghahabulan
lang kami hanggang di ko na kayang tumakbo at naabutan niya ako. Niyakap nya
ako at pilit na kinaladkad papunta sa pool. “Bitawan mo ko Yoh! Mama oh, si
Yui?” Pagsusumbong ko sa kay Mama.
“Ang sweet
naman!” Si Ate Reema na pini-picture-an pa kami.
“Che!” Irap
ni Yui kay Ate Reema.
“Yoh. Suko
na ako. Bitiwan mo na ko.” Nagpupumiglas pa rin ako sa higpit ng pagkakayakap
ni Yui sa akin.
Ewan ko pero
naaasiwa ako sa pagkakadikit ng likod ko sa dibdib ni Yui. Pareho lang kaming
naka swimming trunks. At kanina ko pa nararamdam ang bukol ni Yui. Awkward.
Nagising
nalang ako sa pag-iisip nang maramdamang nahuhulog na kami sa tubig. Nakayakap
pa rin sakin si Yui.
Arrrggh! Eto
na naman tong pakiramdam na to. Bumabalik na naman!
“Kung bakit
ba kasi may payakap-yakap pa tong si Yui!” Sabi ko sa sarili ko.
“Hahaha!
Happy birthday Yoh!” At nginitian nya lang ako ng ubod-tamis. Haaay. Kung
ganito kaganda ang ngiti ng nang-aasar sayo, magpapaasar nalang ako sa buong
buhay ko. Hahahaha!
“Hoy! Baka
nakakalimutan mo. Asan na gift mo sakin?” Biro ko sa kanya.
“Hindi mo ba
naramdaman yun?” Sabay iwas-tingin ni Yui, at tumatawa pa ang mokong.
“Ang alin?”
“Yung
kanina.”
“Ano nga?!”
At
kibit-balikat nalang siya na lumapit sa may lamesa kung nasaan ang mga pagkain
at sila Mama, Papa, Ate at James na nagkukwentuhan. Lumapit nalang din ako sa
kanila.
“Oh, hindi
pa nga kayo kinakasal, pero dinaig nyo pa ang nagha-honey moon.” At napahagikgik
pa ng tawa si Ate Reema. Pati sina Mama at Papa, tumatawa na rin.
“Ate! Grabe.
Ang daldal mo. Kumain ka nalang. Gutom na ako.” Pag-iiba ng usapan ni Yui dito
sabay upo at kumain ng cake at barbeque.
Napuno naman
ang gabing iyon ng kulitan, tawanan at samo’t saring kwentuhan. Ang saya ko sa
araw na to. Nagpapasalamat ako kay Lord at kahit papano, pagkatapos ng mala
bagyong Yolandang paghihirap ko nun, tumigil na rin ang ulan ng buhay ko at nasilayan
ko na ang liwanag ng kalangitan.
Kinagabihan,
habang papatulog na kami ni Yui. Bigla lang sya tumikhim. Napaharap naman ako
sa kanya ng higa at nakita ko lang itong nakangiti na ubod ng tamis.
“Bakit?”
Kunot-noong tanong ko sa kanya.
“Happy Birthday
Yoh!” At inabot niya sa akin ang isang paper bag na may ribbon at card na may
Happy Birthday. “Alam kong magugustuhan mo yan.”
Napabalikwas
naman ako ng upo at ganun din sya. Napangiti naman ako sa pagiging thoughtful
ni Yui. Sobra-sobra na nga ang ginawang preparasyon ng pamilya nya sa kaarawan
ko, at eto pa’t may regalo pa pala siya sa akin.
“Buksan mo
na!” Untag ni Yui sa akin. Nakatitig pa rin kasi ako sa kanya habang
nangingiti.
Agad ko
namang binuksan ang regalo niya sa akin. At nanlaki lang ang mga mata ko ng
makita na ang nilalaman ng paper bag. Isang wireless na headphones para sa ipod
ko! God! Hindi ako nakapagsalita agad dahil sa excitement.
“I knew
you’d like it!” Grabe talaga si Yui. Alam na alam niya ang mga bagay na gusto
ko. Ang swerte ko sa bespren ko.
“Salamat
Yoh! Ang mahal kaya neto?”
“Anything
basta para sayo Yoh.” At ngumiti pa sya ng todo. “Yaan mo, utang yan.
Hulog-hulugan mo nalang buwan-buwan. Hahahaha!” At tumawa pa sya.
“Daya mo!”
At nakitawa na rin ako. “Salamat Yoh ha?”
“Kow. Ayan
na naman tayo sa mga drama mo eh. Lika na, tulog na tayo. Bukas mo na i-try
yan.” At ginulo pa nito ang buhok ko, at muling humiga.
Si Yui.
Haaay. He’s too good to be true. Minsan di pa rin ako makapaniwala na
magkaibigan kami ng ugok na to eh. Kala mo talaga di sya totoo, dahil napaka
perfect niya sa lahat ng bagay. Both physically at sa ugali nito. Kung ano
kinabait ni Yui, ay sya namang kinasama ng pagtingin ko kay Alfer.
And speaking
of Alfer. Yung sa aming dalawa ang nagbago. Naging masigasig siya sa tinatawag
niyang panliligaw sa akin. Though kami lang tatlo ni Yui ang nakakaalam sa
pagpapa-cute niya sa akin. Pero sa tatlong buwan na pagpapapansin ni Alfer sa
akin, hindi nito alam na alam din ni Yui ang ginagawa niya.
Palagi
siyang gumagawa ng paraan halos araw-araw para makita ako at mapansin ko siya.
Kung anu-ano na ang naiisip nito para lang sagutin ko sya.
Attracted
ako sa kanya. Siguro kelangan ko pa ng panahon para matanggap na sadyang ganito
talaga ako.
Si Alfer. Sa
tatlong buwan na naging malapit kami sa isa’t isa, alam ko, nagbabago na siya.
Hindi na sya ang dating Alfer Samonte na kilalang mayabang sa campus. Siguro,
pinapatunayan nya lang sa akin na seryoso talaga sya. At sa didikasyon nyang
iyon, mas nagugustuhan ko na siya.
Kinabukasan,
sabay kaming pumasok ni Yui sa school. Friday noon at huling araw na ng Sem.
October 14, at bukas ay Sembreak na. Pareho lang kaming excited ni Yui sa
paparating na bakasyon.
Lunchbreak
na. Sabay kami ni Yui kumain sa may cafeteria, nang mamataan namin ang paglapit
ni Alfer.
“Ui.
Manliligaw mo oh.” Sabi ni Yui. Napalingon naman ako sa direksyong ininguso ni
Yui. Nakita ko lang si Alfer at si Paul na papalapit na sa lamesang kinauupuan
namin ni Yui.
“Hi. Pwede
maki-share ng table?” Nakangiting bati ni Alfer sa amin.
Tumango
naman si Yui. “Sige ba.” Ang sagot ko nalang dito.
“Ui dude,
Yukito. Na miss ka na namin. Kumusta? Ang snob na natin nayon ah?” Sarkastikong
saad ni Paul kay Yui.
“Busy lang
dude. Maraming pinagkakaabalahan.” Matabang na ngiti ni Yui kay Paul.
Bakit ba
parang may tensyon sa dalawang ito? Akala ko ba magkaibigan sila dati? Haay.
“So, Jayden.
San ka ngayong Sembreak?” Tanong ni Alfer sa akin.
“Sa bahay
lang siguro. Wala naman akong alam na pwedeng galaan eh.”
Kumunot
naman ang noo ko ng makita kong kinawayan ni Yui ang isang babae at nakita ko
lang na lumapit sa amin ang babae. Si Kira. Ang kapatid ko sa ama.
“Hi
J-jayden, Yui.” Alanganing bati ni Kira sa amin. Hindi nalang ako umimik.
“Join us,
Miss?” Si Alfer.
“K-Kira.
Kira Gonzales.”
“Diba ikaw
yung babaeng nagbigay sana ng cake kay Alfer?” Tanong ni Paul kay Kira.
“A-ako nga.”
“She’s
Jayden’s half-sister.” Narinig kong sinabi ni Yui. Nag-iwas naman ako ng
tingin.
“What? Totoo
ba yan?” Si Paul. “Kaya pala may pagkakahawig sila ni Jayden. Ang cute mo pala
miss no? Nasa lahi eh.”
Umupo naman
si Kira sa tabi ni Yui. Di ko pa rin ito tinitingnan at kinakausap, kahit alam
kong nag-eeffort syang mag-approach sa akin most of the times.
“Anyways
dudes, Jayde, at Miss Kira. Uuna na ako ha? May lakad lang.” Ang nasabi ni Paul
at tsaka umalis.
“Kira, I’m
really sorry for what I did the last time. Alam kong di ko na mababalik yung
ginawa ko sayo last time pero willing akong tumanggap ng anumang parusa na
ibibigay mo sa akin.” Seryosong paghingi ng tawad ni Alfer.
“N-no.
O-okay lang. You don’t have to. M-matagal na yon.”
“No. It’s
not okey. I’ve been a jerk.” Tumayo naman si Alfer sa lamesa mismo. “Hey
everyone. Listen up! I’ve been a jerk for the past years. I know maraming galit
sa akin, at marami na rin akong naapakang tao. Lalo na si Kira Gonzales.” At
lumingon ito kay Kira. Si Kira nama’y natataranta sa ginagawa ni Alfer.
“Alfer.
Bumaba ka nga dyan.” Nagsilingunan naman ang lahat ng tao na nasa cafeteria sa
amin.
Bumaba naman
si Alfer. Pero sa halip na umupo muli, lumuhod ito sa harap ni Kira. “Kira, I’m
really sorry. Tatanggapin ko kahit bugbugin mo man ako. Or kahit isang sampal
lang. Tatanggapin ko.” Nabibigla naman ako sa kaseryosohan ni Alfer.
Ang dating
ma-pride at egoistic na leon, ay nagiging maamong tupa na ngayon. Ganito ba
talaga sya ka seryoso na magbago? Ganito ba yung sinasabi niyang gagawin niya
lahat para sa akin?
“Kira,
sorry.” At nakatungo na ito habang nakaluhod pa rin. Nanlaki naman ang mga mata
ng mga estudyanteng nakakakita kay Alfer. Siguro maskin sila, na amaze sa
pinapakita nitong kababaang-loob.
“O-oo. Sige
na. Okey na tayo!” Natatarantang sagot ni Kira kay Alfer. “Di mo naman
kelangang lumuhod pa eh. Wala na sa akin yun.” At inalalayan pa nitong makatayo
si Alfer.
Nung
kinahapunan, nagkasundo kaming apat nila Alfer, Yui at Kira na sabay gumala sa
may mall. Ayoko sana eh, kasi nga kasama si Kira. Hindi ko pa talaga siya
kayang pakisamahan sa ngayon. Pero si ALfer kasi, napakakulit eh. Pasalamat
naman ako’t sasama na rin si Yui.
Dalawang
sasakyan ang ginamit namin. Sa sasakyan ni Alfer nakasakay si Kira. At ako
nama’y sa kay Yui. Habang nagbabyahe papunta sa mall, nag-usap lang kami ni Yui
tungkol sa nangyari kanina sa may Cafeteria.
“Yoh, ano sa
tingin mo?” Pagbubukas ko ng usapan.
“Tss. Well
display of sincerity. Am glad that he changed. Bilib na talaga ako sayo Yoh.
Ikaw lang ang nagpabago kay Alfer. Sa tatlong buwan na panliligaw niya sayo,
kinaya na nyang lumunok ng pride.”
“Di naman
siguro tama na ako ang maging dahilan nun Yoh. Dapat kasi ginagawa nya yun para
sa sarili niya.” Ang nasagot ko nalang.
Pero aaminin
ko. Mas nagustuhan ko ang ginawa ni Alfer kanina. Dagdag pogi points din yun.
At nakita ko naman ang sinsiridad sa ginawa niya eh, kaya masaya ako.
Nakangiti na
pala ako ng di ko namamalayan. Kung hindi pa lumingon sa akin si Yui, hindi ko
pa mapapansin kung bakit tila nagtataka ito sa akin.
“Mukhang
inlove ka na sa kanya ah?”
“Ha? Hindi
no.”
“Sus. Denial
ka pa.” Bumuntong-hininga sya. “Teka nga pala, anong plano mo kay Kira?”
“Ewan ko
Yoh. Gusto ko naman talaga siyang pansinin eh. Pero ewan ko. Nakakagat ko yung
dila ko sa tuwing andyan siya.”
“Oh, kung
hindi ngayon, kelan pa? Diba nga sabi mo naman, okay ka na?”
“Oo. Pero
ewan ko. Bahala na si Batman.”
“Anjan na
naman tayo sa tag-line nating yan eh.” At natawa na sya.
“O? Anong
problema dun?”
“Wala naman.
Naisip ko lang. Kung si Batman ang bahala sa atin, eh sinong bahala sa kanya?”
At natawa na din ako sa logic na hinihingi nya.
“Hirit pa
Yoh.”
Narating
naman namin ang mall. Pagkarating don ay kumain muna kaming apat sa Jobee. Ang
peyborit namin ni Yoh.
Pinauna na
kami nina Yui at Alfer sa loob para makahanap na kami ng mauupuan habang sila
ay nag-oorder lang sa may counter. Nakakita naman agad kami ni Kira, kaya umupo
nalang kaming magkaharap.
Ilang minuto
na kaming nag-aantay kina Alfer at Yui, pero katahimikan pa rin ang bumabalot
sa aming dalawa. Napaka-awkward. Alam kong parehas lang kami ng nararamdaman.
Gusto ng isa’t isa na kausapin ang isa. Haaay.
Awkward.
Awkward.
Awkward
talaga! I give up.
“K-kumusta?”
Ako na mismo ang bumasag sa katahimikan namin.
Pilit naming
ngumiti si Kira. “A-ah, o-okey lang. Ikaw?”
“A-ayos
naman.” Ano ba to? Bakit ba ako kinakabahan magsalita?
“K-kinakamusta
ka nila Papa.” Mahinang saad nito.
“K-kira.
Pwede bang wag muna natin silang isama sa u-usapan?” Pag-iwas ko ng tingin
ditto. “Gusto ko ng ayusin yung sa ating dalawa. Total naman, hindi naman ganun
ka grabe ang nangyari sa ating dalawa, d-diba?”
Hinawakan ni
Kira ang mga kamay ko. “S-salamat Jayden.”
Noon naman
dumating sina Alfer at Yui dala-dala ang mga inorder nialng pagkain. Napansin
naman nila ang pagkakahawak ng kamay ni Kira sa kamay ko.
“Yehey! Okay
na sila.” Si Alfer. Wait, alam niya? Napakunot naman ang noo ko.
“Sorry
Jayden. Sinabi ko kasi sa kanya kanina sa sasakyan. Ang kulit eh.”
“Naku,
masanay ka na sa akin future bayaw.” Nakangiting saad ni Alfer.
“What do you
mean? Bayaw?” Nagtatakang tanong ni Kira. Nagsimula na kaming kumain.
“Nililigawan
niya kapatid mo.” Sabi ni Yui. Nanlaki naman ang mga mata ni Kira.
“Ano?!” At
bumaling ito sa akin. Napatango nalang ako senyales na totoo ang sinasabi ni
Yui.
“Wait. Alam
mo Yui?” Mas nabigla pa si Alfer. “Pero paanong..?”
“Best friend
kami ni Jayden, naalala mo?” Sarkastikong saad lang ni Yui.
“Wait wait,
so ibig sabihin, bisexuals kayong dalawa?!” OA naman sa reaksyon tong si Kira.
Nagiging
defensive na rin ang tono ko. “Hoy!
Anong kaming dalawa?! Eh sya naman tong nanliligaw sa akin ah? Di ko naman yan
sinasagot eh!”
“Boom!” At
napahagalpak naman sa tawa si Yui. “Ang sakit naman nun Yoh. Supalpal sa mukha
si Al.”
“Sige lang.
Magiging akin ka rin Jayden. Tandaan mo yan.”
“Wew. Kira.
Itali mo ako. Ang hangin eh.”
“Ewan ko nga
sa inyo. Ang lalandi nyo. Sayang ka Alfer, alam mo yun?”
“Oh, eh, ano
ngayon? Eh sa mahal ko na ang kapatid mo eh? Hindi naman natuturuan ang puso,
kasi di naman ito nag-aaral!” At napahagalpak kami sa banat ni Alfer.
“Mahal huh?”
Sarkastikong saad ko. Nakangiting tumitig lang sa akin si Alfer.
Maghapon
lang kaming gumala sa mall nun. Masaya kami lahat. For the first time after 2
long years, naka-bonding ko rin si Kira. Si Kira na dating kaibigan ko, ngayon
pala’y kapatid ko. Naging magaan naman ang atmospera sa pagitan nina Yui at
Alfer. Kung dati parang may hindi ako namamalayang tensyon sa dalawa, ngayon,
mukhang okay naman sila.
“Sis, wag mo
na muna sanang sabihin sa kanila tong nangyari ngayon. Ako na bahala dito.
Hindi ko pa kayang harapin si Papa at si Karin. Please?” Sabi ko kay Kira
habang pinagmamasdang maglaro ng arcade sina Alfer at Yui.
“Oo naman
bro. Ikaw pa. Masaya lang ako at sa wakas ay okay na tayo.” Ngiti pa nito sa
akin sabay akbay.
“S-si M-mama
mo ba? Kumusta na siya? G-galit pa rin ba sya sa akin?” Alanganing tanong ko.
“W-wala na
si Mom Jayden. Dalawang buwan pagkatapos nating grumaduate ng High School,
kinuha na siya ng sakit niya.” Malungkot na saad ni Kira. “On behalf of my Mom,
humihingi ako ng patawad sayo Jayden.”
“Okay nay
un. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit nangyari ang mga yun.” Pilit akong
ngumiti sa kanya. “Condolence, sis.”
“Okay lang
yun. Let’s move forward na bro.” Ngiti pa ni Kira sa akin.
Salamat
naman at unti-unti nang nababawasan ang mga tinik sa aking dibdib. Nagkaayos na
kami ni Kira, at alam kong, di na rin nalalayo ang pagkakaayos namin nina Karin
at Papa.
Sana naman
tuloy-tuloy na to. Para naman tuluyan na talaga akong maging masaya.
Si Alfer? Natutuwa
ako sa pagbabagong ipinapamalas niya. Alam ko ang sinsiredad sa mga mata nito
kanina nung humingi sya ng tawad kay Kira sa harap ng mga estudyante sa
cafeteria kanina.
Hindi ko
inaakalang ganito magiging kadesidido si Alfer na patunayan ang sarili sa akin.
Pakiramdam ko humahaba na tuloy ang buhok ko.
Kanina,
habang kumakain at gumagala kami, napapansin ko ang mga tingin at ngiti ni
Alfer sa akin. At sat wing nakikita ko ang mga ngiting iyon, ewan ko, pero
napapangiti rin ako.
Nahuhulog na
ata ako sa kanya?
Abangan ang malaking pasabog sa susunod na kabanata ng TLW. Enjoy po! :)
ReplyDeleteKitakits sa sabado :)
ReplyDeleteI-push na ang next chapter? Excited na e! ~Ken
ReplyDeleteDue to insistent public demand paki post na yung CHAPTER 16 author!!!!
ReplyDeleteNice may update n din.. tnx po author.. isa rin ito sa mga inaabangan qng story eh..
ReplyDeleteJoma of Bicol pala.. :))
Hi mr. Author.
ReplyDeleteGanda ng story. Kawawa nman si Yui.
Boto pa din ako kay Yui para kay Jayden. Sana sila na lang...
JM
Walang mintis kahit matagal naka pg update
ReplyDeletefranz
Buti naman at nkpag update kna. Namis tuloy kita hehehe....
ReplyDeleteThank you po
Khelton
yeay cant wait s saturday woohoo ... welcome back author I MISS U haha honesto promise! !
ReplyDeleteKRVT61
Team Yui ako.. hahaha.. can't wait for the coming chapters..
ReplyDelete-vin
ano kayang pasabog baka hindu totoo n nagpapakabait na c alfer? cannot wait for the next chapter. tnx sa update
ReplyDeleterandzmesia
Kay yui parin ako.....
ReplyDeleteIt's okay.
ReplyDeletePero by the look of it. It appears to be the typical goodie-broken guy na maiinlove sa douche-slash-jerk guy na merong third wheel best friend na magpapacomplicate ng story kasi mukhang gagawan ng Book 2 after yung best friend. Plus the family thingy. Halos ganyan kasi yung storylines na common e. Haha.
I know I'm stereotyping pero sana Hindi Siya magmukhang predictable sa mga susunod na chapters. Siguro masyado Lang akong madaming nabasa na same line-up ng story flow na ganito kaya nagmukhang OKAY Lang Siya sakin. :)
Pero not bad for a first time author. Maybe if you focus sa kanilang tatlo Lang it'll be better. :) Kaya mo yan! Surprise us! :)
-KERNELS
thanks for the eye-opener Sir. will try the best i can not to disappoint you. i've realized how PREDICTABLE i am, thanks to your reaction. really appreciate it.. :)
DeleteHaaaay. Sana si yui na lang. Yui, ilaban mo nanan si jayden o, alam naman natin na may nararamdaman si jayden kay yui. Mr. Author, bigyan mo naman ng chance si yui. Thanks sa update.
ReplyDelete-tyler
Everything is falling into places not until Chapter 16? Ok. We'll wait for that 'pasabog' :)
ReplyDeleteSUPERRRRR!!!! Super tanga yung character ni Yui, dapat wala na cya sa story. Ayaw ko ng ganoon katanga!Super negative yung pag iisip nya tungkol sa feeling nya. Maicompare ko cya sa isang tao na nilagnat lang, sa halip na uminom ng gamot o tumawag ng doctor eh sa punenarya agad cya nagpapunta!
ReplyDeleteexway
:)
ReplyDeleteMore power Jace
ReplyDelete