Start Over 7
"Mahal na Mahal kita, lex." panimula nito. Halos di ko naman alam kung paano mag rereact. Totoo ba ang narinig ko? Mahal daw niya ako? Baka joke lang Or baka matagal lang akong di nakapag linis ng tainga at kung ano ano ang pumapasok dito. Tinignan ko siya sa mata. Ngumisi ito. Right then, alam kong inaalaska na naman ako nito.
"Sira ulo ka.." sagot ko. Humikbi naman ito.
"Makinig ka muna kasi. Pinaghandaan ko talaga ito. Mahaba 'to." sagot niya. tumango lang ako.
"Oo, totoong mahal kita, mga bata palang tayo noon, tinuring na kitang parang tunay na kapatid. Masayang masaya ako noon pag palagi tayo magkasama at naglalaro, ikaw kaya bestfriend ko. Ikaw lang ang kaibigan ko. Lagi kitang hinahanap hanap. Ayaw kong nalulungkot ka, ayaw kong nakikitang umiiyak ka. Dati nga pag umaalis sina Mama at Papa mo, kahit na gabing gabi na, gustong gusto kong puntahan ka sa bahay niyo para tignan kung ayos ka lang ba, kung umiiyak ka na naman, kung natatakot ka ba. Gustong gusto ko yung sabay tayo lagi pumapasok sa school, pagumuwi si Mama mo, may pasalubong tayong dalawa, tas pag si mama naman galing ng palengke, may pasalubong tayong popcorn. Tapos isang araw, pagka gising ko, nagpaalam ako kay mama na pupuntahan ka, sinabi nito na umalis na daw kayo at lumipat na sa manila. Sobrang nalungkot ako noon. Sobra kong dinamdam. Wala na yung taong nagpapasaya sa akin, wala na ang bestfriend ko. Nag antay ako, isang araw, isang linggo, isang taon, dalawa, tatlo.. Wala man lang kahit isang sulat. Hanggang nalaman ko kay JM na kilala ka pala niya. Hanggang nalaman ko kung paano na ang buhay mo at ano ang mga nagbago. Sinubukan kong kontakin ka sa facebook, sa lahat ng social networks, kinuha ko rin number mo kay JM, pero wala man lang akong nareceive na kahit isang sagot. Oo sumama ang loob ko, pero nung nalaman ko ang nangyari, gusto kitang makita, gusto kung damayan ka. Baka kako nag-iisa ka lang, walang makasama. Pero di ko na alam kung paano kita makakasama ulit. Noong kinasal ako, hiniling ko ikaw nalang sana yung bestman ko, hiniling ko na sana nandun ka , yung anak ko nga pinangalan ko sayo. Para na nga rin akong nagiging bakla sa inaasta ko eh, pero wala akong pakialam. At tanggap ko kung ano ka. Mahal na mahal kita, hindi man kagaya nung pagmamahal ko sa asawa ko, pero gusto kong maging kuya mo, maging bestfriend mo ulit, gusto kita protektahan, alagaan, ipagtanggol. Ang saya saya ko nung nakita kita sa klase, pagpasok mo palang alam ko ikaw na yan, gustong gusto kita lapitan agad noon at sabihing ako 'to, si jek jek, yung bestfriend mo. Nung umupo ka sa tabi ko, at pumikit, naramdaman ko ang bigat ng dinarama mo, kaya nangako ako sa sarili ko , na tutulungan kita. Ibabalik ko yung dating Alex na makulit at palaging tumatawa, yung dating bestfriend ko." mahabang litanya nito sabay punas ng mga luha mula sa kanyang mata. Habang nagsasalita ito, hindi ko rin naiwasang mapaiyak. I didn't know that all this time, there this person who never gave up on me, who never stopped caring and thinking about me. I leaned my head on his shoulder. Hinaplos haplos naman nito ang aking ulo.
"Believe me Jek, I begged so d*mn hard para magpaalam muna sa'yo bago kami umalis. Pero hindi na ako pinayagan ni Dad na puntahan ka pa sa bahay niyo. Madaling araw kasi kami umalis and he said, huwag na kita istorbohin at baka tulog ka pa. Sobra rin ako nalungkot nang mapahiwalay ako sayo at walang araw na hindi ko hiniling kay Dad na bumalik na kami dito at dito nalang ulit ako mag-aral, but they never listened to me. Hanggang sa nasanay na ako sa bago kong buhay. Lahat nag-iba. OO siguro nga, nakalimot ako magparamdam. May mga bago akong naging kaibigan, mga taong tumulong sa akin para mag adjust at maging masaya ulit. Pero maniwala ka, may mga oras na naaalala kita, at ang pagkakaibigan natin, minsan tinatanong ko sa sarili ko, kumusta na kaya si jekjek? Natatandaan pa kaya niya ako? Minsan nga pag malungkot ako at wala akong makasama, lagi kang sumasagi sa utak ko, na sana katabi kita, na sana nakikinig ka sa mga hinaing ko kasi alam ko, ikaw lang ang taong makakaintindi sa akin, ikaw lang yung taong kayang gawin lahat para sa akin." sagot ko habang humahagulgol na parang bata. Niyakap ako nito at hinalikan sa noo.
"Promise, di na ulit ako aalis." dagdag ko.
"Dapat lang dahil pag umalis ka ulit nang di nagpapaalam, aba'y matanda na ako at kayang kaya na kitang hagilapin kahit san mang sulok ng mundo."
And there, we made a promise that no matter what happens, we will always be there for each other, na magiging mag best friends kami until the World reaches it's final turn, no lies, no secrets. I am happy, and he looks the same.
Hindi muna niya ako pinapasok sa bahay. Gusto daw nito malaman lahat nang nangyari sa buhay ko, at ikukuwento din daw niya ang sa kanya. Umuwi muna siya saglit at inantay ko naman ito sa may upuan. Pagbalik niya, may dala dala itong Sprite na nakalagay sa plastic ng yelo at isang Oishi na maanghang.
"Meryenda muna tayo at marami-rami kang ikukuwento. haha " sambit nito sabay abot ng Sprite. Napatawa naman ako.
"Ninakaw mo na naman 'to sa tindahan niyo no?" tanong ko. Tumango lang ito sabay tawa.
Habang kumakain kami, sinimulan ko nang magkuwento. Nilahad ko lahat nang nangyari sa akin pagkalipat namin ng Maynila. Lahat sinabi ko, maski mga bagay na dapat sa akin nalang ,wala akong pinalagpas. Pati ito kinuwento lahat, detalyado at totoo. Nasabi rin nito ang plano nang kanyang biyenan na susunod siya sa US after nitong magtapos ng kolehiyo. Nalungkot ako, pero umiling ito at inamin ang planong pagtanggi niya, sabi nito siya ang lalaki at ama ng anak niya, at dapat siya ang magdesisyon para sa pamilya nito. At gugustuhin parin niyang dito parin sila. Hindi naman maikakailang lalo akong napahanga sa paninindigan nitong bestfriend ko. "Sana ako nalang si Joyce." singit ng malanding parte ng aking isipan. Hindi ko ito pinansin at napangiti nalang. Kinuwento ko rin kay jek lahat lahat ng nangyari last time na pinuntahan ko ang aking mga kaibigan pati si JM. Hindi naman ako nakaligtas sa kutos nito, matigas daw ang ulo ko at mas pinagulo ko pa lalo ang sitwasyon namin ng pinsan niya. Inasar asar ko naman ito na baka nagseselos lang siya. haha Inamin ko din na hindi ko naman sinasara ang posibilidad na magkabalikan kami at mahal ko parin siya yun nga lang, andun parin yung takot at nasirang tiwala. Naintindihan naman niya at nagbigay ng kanyang opinyon at payo. Ang sarap ng feeling na ngayon kilalang kilala na namin ang isa't isa.
Mag-aalas onse na nang gabi ng mag paalam kami sa isa't isa. Pumasok narin ako ng kuwarto at tinungo ang banyo para maligo. Pagkahiga ko ng kama, nakatanggap ako ng tawag mula kay JM. Nagkamustahan kami at nagkwentuhan.
"I might go back there by next week to visit my relatives. Puntahan kita ha?" tanong nito.
"yeah sure." sagot ko.
"okay lang diyan ako sleep sa bahay niyo?" dagdag nito
"you're always welcome here, JM." tangi kong sagot.
"thank you. I miss you agad."
"parang kaninang umaga lang magkasama pa tayo." tawanan kami. Tahimik.
"JM, your promises ha. Im counting on it."
"Yes Boss, Crystal Clear. Bukas nga kahit walang pasok, pupunta ako ng school ,an dami ko kasing napabayaang mga trabaho sa council."
"Sinong may kasalanan?" tanong ko.
"ikaw, kasi iniwan mo ako."
"Ako? Talaga JM?"
"Biro lang, OO na. Ako na. Kaya nga eto na po bossing, inaayos ko na, bumabawi na."
"dapat lang kasi the next time I catch you, I'd make sure I'll cut THAT thing off." haha
"hahahah huwag naman babe. Sabik na sabik na nga siya sa'yo. haha"
"sira ulo."
"totoo naman."
"let's cross the bridge when we get there."
"I am already in the middle of the bridge, your turn to move your feet forward."
"just be patient, I'll be there soon."
"I know, and I just can't wait. haha so excited."
"hahaha tara na nga matulog na tayo. May lakad ka pa bukas di ba?"
"Yep. Good Night."
"Good Night JM."
"I love you and thank you babe. I'll see you soon."
"i'll see you soon, thank you din."
"mmmmwwwaaaah"
"haha hug nalang muna kita. hmmmm"
"haha sige. Bye babe."
"Bye JM."
tooot tooot tooot
Then I closed my eyes. I remembered Tyler and his kiss. Napangiti ako. I touched my lips. It was so magical. I have never felt it before. Why Tyler? Why? Did you feel the magic I felt when your lips were on mine? Did you feel the spark? Did you feel it too?
Zzz...
Saturday.
Walang pasok. Maaga akong gumising. Alas singko palang bumangon na ako. Lumabas ako ng bahay at sinimulang mag-jogging. Natapat ako sa bahay nila jek, gising na din si Tita Lorna at nagwawalis. Binati ko ito ng magandang umaga at kinawayan naman ako. Sinenyasan ako nito na tulog pa daw ang aking matalik na kaibigan sabay turo sa kwarto nito. Kumaway nalang din ako at nagpaalam. Inikot ko ang Village. Malaki narin pala ang pinagbago ng aming lugar, ang daming magagandang bahay na di ko na alam kung sino ang may ari. Umupo muna ako sa may plaza para magpahinga.
"So this is gonna my new Life, huh?" tanong ko sa aking sarili. I looked up above, sky's still dark. I can hear crickets singing in one rhythm. The Village is so quiet.People are still sleeping. This Life is gonna be way different than what I had in the city. Sigh. "You can do this Alex, you're gonna make it through these changes." sigaw ng aking isipan.
Pabalik na ako ng bahay ng makita ko si jek, gising na pala ito at nagkakape, nakaupo sa may harap ng tindahan. Ginulat ko ito at halos mabuga niya ang iniinom na kape. Napamura pa ito sa gulat. I exaggeratedly laughed out loud at sinabayan pa ako ng kanyang ina habang nag aayos ng kanilang sari sari store. Tinignan ako nito ng masama, pero ilang segundo lang, tumatawa narin.
"oh aga mo ata nagjogging?" tanong niya.
"alangan naman na tanghaling tapat ako mag jogging." sarkastiko kong sagot. Tumawa lang ito. It was nice seeing him laugh early this morning. He makes it easier for me to face the challenges of my new World. He gives me courage to continue going on to the new path I chose to take. I'm lucky to have him, to have my best buddy by my side. Napangiti ako at napatitig sa kanya.
"ang aga aga kinikilig ka sa akin." singit nito habang busy ang aking isipang nagmumuni muni. Siniko ko naman ito at sinenyasang magdahan dahan siya sa mga sinasabi niya baka marinig ni tita Lorna.
Bukod kasi sa kanya, sa aking family and friends in Manila, no one really knows what my preference is. But I'm not hiding it or so, I am so d*mn proud of who I am. I just couldn't see the point of confessing it to everyone else like admitting I am diagnosed with fatal disease or something. Labeling myself with such words doesn't define who I am, it's by my actions that can best describe me. Understand it or not, this is my Life, and just as long I don't step on someone else's toes, I can live through it.
"ang gwapo mo kasi, sobra." sarkastiko kong pabulong. Humikbi naman ito at nagpose pa nang ala Mr. Pogi.
"oo naman, pati nga bestfriend ko naiinlab sa akin." Pagmamayabang nito. Napaubo nalang ako sa bigla.
"Naku tita Lorna, 'tong anak niyo, mukhang napasobra sa kape at ang kapal nang mukha." haha sumbong ko kay tita Lorna habang busy pa rin nag aayos ng store.
"Naku anak, hayaan mo na yang kaibigan mo, ngayon ngayon na nga lang din iyan nagbibiro ng ganyan, pagbigyan mo na." sagot naman nito sabay tawa.
Pag tingin ko kay jek, akmang akma naman itong dumilat sa akin na animo'y lalo pang nang aasar. Parang bata. Maya maya nag paalam narin akong mauna na.
After kong maligo at mag almusal, wala na akong maisip gawin. Wala akong makausap. I'm starting to doubt my backbone to see way out of these changes. I'm starting to get bored and palled on this new environment. I'm starting to compare my Life back then with my Life round here. Aaargh! No! No! No! This can't be. I'm not gonna give up that easy.
"Hello Bespren." unang bati ni jek nung tinawagan ko sa phone.
"Busy ka?" tanong ko
"Hindi naman, anong atin?"
"I can't think of anything else to do. I'm bored."
"Sige puntahan kita diyan."
"Sige, diretso ka nalang dito sa room"
"Sige. Dito na ako gate niyo."
"bilis naman"
"dapat ba sumakay muna ako ng jeep? halos magkatapat lang bahay natin."
"hahahaha sira."
"Manang, pinapunta ako ni Lex sa room niya, wala daw magawa baka maglaslas pa" pabiro nito kay nanay cleng habang pinagbubuksan siya ng gate. Talagang pinarinig pa niya sa akin sa phone.
"laslas agad? pwedeng drug overdose nalang para medyo sosyal?" pabiro ko
"hahaha kung ano ano pinagsasabi mo. Paakyat na ako."
"kapit ka, escalator yan." haha
"ay ganoon ba? parang di naman gumagalaw, baka low battery. "
"hindi yan, baka masiyado ka lang mabigat at di ka niya kaya."
"low tech pala eh."
"dapat kasi nagtanggal ka muna nang tsinelas."
"ang arte naman ng escalator niyo."
"ganyan talaga yan. haha"
"knock knock"
"who's there?"
"pogi"
"wala si alex, tulog, umalis, nagbakasyon, hindi na babalik, patay na"
"hahahaha sira ulo, buksan mo na kasi ang pinto" Pagkabukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang nakasandong si jek. Di parin niya binababa ang phone.
"Ano po kailangan nila?" tanong ko sa kabilang linya habang nakatitig sa kanya. Hindi na ito sumagot at pinagkikiliti ako papasok ng kwarto. Tawanan.
"Wow, walang nagbago sa room mo, gaya parin ng dati." sigaw nito habang parang batang nagtatalon talon sa kama. Tumango lang ako.
"eto na pala yung DVD na pinahiram mo." sabay abot sa kanya ng Flame of Recca.
"tapos mo na?" tanong nito
"matagal na, napanuod ko na yan, asa Manila pa ako noon." sagot ko.
"yung movie nalang niya panuorin natin, di ba sabi mo may alam kang website kung saan pwede ito idownload?"
"Oo, nadownload ko na pero di ko pa napapanuod."
"tara, panuorin natin."
"sige sige" binuksan ko ang Laptop at sabay naming pinanuod ang Flame of Recca: Final Burning. Para naman kaming mga bata at nakadapa pa talaga habang nanunuod. Tutok na tutok sa pinapanuod. Walang imikan. Next thing I know, he's holding my hand. I looked at him, he smiled.
"Namiss ko 'to, lex." he said
"Ako din." I smiled back.
"akala ko di na 'to mauulit ." dagdag niya. Ngumiti ako. He looked straight to my eyes. Nailang ako. I looked down. He lifted my head with his right hand. Our eyes met. He ran a single finger gently across my cheek. I smiled and felt the sensation. "jek, what the fck do you think you're doing?" sigaw ng isang parte ng isipan ko. "hayaan mo na, ayan na, ayan na." sigaw naman ng kabila. I can hear my heart pounding like hell. Cold sweat trying to break out from every pore of my skin. Short gasps. He moved his face closer to mine. "What the heck is happening? Oh No!" panlaban ng isa. His lips are getting closer and closer. Jesus! Bumukas ang pintuan at pumasok sa room si Nany Cleng na dala dalang merienda. "Istorbo!" Para akong pinukpok ng isang bloke ng yelo at natulala ako sa nangyari, sa muntikan ng mangyari. Aaaargh! Tumayo si jek at niyakap yakap si nanay cleng, nagpasalamat ito at kanina pa daw gutom na gutom. "Sus, If I know kanina ka pa gutom sa aking mga labi." Napangisi naman ako.
Lumabas ng room si nanay Cleng. Dali dali naman ni-lock ni jek ang pinto. "WTF". Napainom ako ng juice. He went back and sat beside me. He smiled. Kinuha nito ang baso at uminom din. Tinuloy namin ang panunuod. Tahimik. My eyes were on the screen but my mind's wandering. My heart started to beat faster again. "Part 2" sigaw ng malanding parte ng aking isipan. "Shut Up" panlaban ko. Natapos ang movie.
Pinakialaman ni jekjek ang aking laptop at binuksan ang camera. "Selfie tayo" anyaya nito, na siya namang ikinatuwa ko. Para kaming mga baliw na pose ng pose sa harap ng laptop. "Isa pa" hiling nito, dali dali naman akong ngumiti at siya nama'y idinikit ang kanyang labi sa aking pisngi. The picture looks perfect yet delusive. Others might mislook it with something else. "who cares? mag bestfriend naman kayo!" defense ng aking isipan. He then logged in to his facebook account and made it his DP.
"sira ulo ka, baka may makakita." pangpigil ko
"oh ano naman ngayon?, wala naman tayong ginagawang masama, ang gwapo nga natin dito oh.haha" sagot nito. Sabagay, he's right. It's just a picture of two guys showing how close and happy they are together. "Why bother yourself with spiteful opinions when you know inside what the point really is?" dagdag ng aking isipan.
'"sige, tag mo ako." hiling ko na lalo naman nitong ikinangiti.
"Tara baba na tayo, tulungan natin si nanay magluto" anyaya ko. Tumayo ako at bago ko pa man makalabas ng kuwarto, jek slowly wrapped his hands around me whilst digging his face on my nape. I can feel his breath. Jekjek hugged me from behind. I smiled. I don't know but I find it comfortable and romantic. "Why so sweet jek?" says my mind. I turned around and looked at him straight in the eyes. He looked back and smiled. I died.
"jek, w-what are you doing?" utal kong tanong. Napangiti pa ito lalo.
"this?" patanong nitong sagot then he grabbed my waist and pulled me closer to his face, his eyes were on my lips whilst he was biting his own lip.
Blushed.
He laughed. I looked down. I remembered Tyler and the way he laughed at me when we were in the same situation. Why can't I control myself not to show any emotions when trapped in this kind of shape? Why these guys keep on laughing when in the first place they were the one who put me in this? Aaargh! "These guys are fcking crazy, No!, I'm going fcking crazy!" says my mind. My smile turned upside down and frowned. He then lifted my face with his right hand and stared at me intently. He kissed my forehead and wrapped his hands around me. I felt bed of roses.
"Patawad, wala akong ibang gustong ipahiwatig nun." he whispered. I hugged him back and let him feel that It's all okay though confounding.
"Masaya lang ako, masayang masaya kasi andito ulit tayo, magkasama gaya nang dati. Antagal kong hiniling ito, kung alam mo lang." dagdag nito.
Lumabas na kami ng kwarto at bumaba. Si nanay cleng busing-busy sa pagluluto. Nangangamoy hanggang sala ang niluluto nito. Binuksan ko ang TV, at si jek nama'y dumiretso sa kusina at nakipagkwentuhan kay nay cleng. Naririnig ko ang kanilang mga halakhak na siya namang ikinangiti ng aking mga labi.
Sabay sabay kaming nag lunch. At gaya ng dati, walang humpay ang kuwentuhan habang kumakain. Si nanay cleng nama'y di paawat sa kakakuwento ng mga pinaggagawa kong kalokohan sa siyudad, di rin naman ako papatalo sa kapapaliwanag at pagtama ng mga akusasyon nito. Tawanan.
After namin kumain, nagpaalam narin si jek na umuwi muna at baka hinahanap na siya ni tita lorna. Nagpathank you naman ito sa masarap na tanghalian at humirit pa na sa susunod ulit. Tawanan. Hinatid ko ito hanggang sa gate. Inakbayan ako sa balikat habang naglalakad.
"Huwag ka nang mainip bespren, masasanay ka rin. At saka andiyan lang ako sa tapat oh, puntahan mo lang ako." sambit nito. Tumango lang ako. Bago pa man makalabas ng gate, hinawakan ko ang kanyang kamay, napalingon naman ito.
"Thank you." pahabol ko. Ngumiti naman ito ng pagkatamis tamis. A smile that is even brighter than the sun.
Pumasok na ulit ako ng bahay, at umakyat sa kwarto. I laid down my bed and closed my eyes. Tyler crossed my mind unexpectedly. Why can't I forget his kiss? His kiss that swept me off my feet. The taste of his breath still lingers inside my mouth. The magic of his lips awes me, it thrills me, it haunts me. Oh tyler, if it's not that too much to ask, I kind of like your lips on mine again. I wouldn't mind trying it one more time. Sigh. "Oh sinong malandi niyan?" sagot ng isang parte ng isipan ko. Napangiti ako. Dumapa ako. I still can't get him out of my head. Tumihaya ako and fck, he's already tattooed on my mind. He just don't get away. Aaarrgh!
I stood up and grabbed a bottle of beer. I turned on the stereo and played a loud music. My room's filled with drum beats and diverting voice of Natasha Bedingfield. Now I'm feeling sanguine and upbeat. Nagmumukha nga lang parang baliw na pasayaw sayaw pa habang sinasabayan ang kanta.
I got a pocket, got a pocketful of sunshine
I got a love and I know that it's all mine, oh, oh oh oh
Do what you want but you're never gonna break me
Sticks and stones are never gonna shake me, oh, oh oh oh
I got a pocket, got a pocketful of sunshine
I got a love and I know that it's all mine, oh, oh oh oh
Wish that you could but you ain't gonna own me
Do anything you can to control me, oh, oh no
Take me away(take me away), a secret place(a secret place)
A sweet escape(a sweet escape), take me away(take me away)
Take me away(take me away) to better days(to better days)
Take me away(take me away), a hiding place( a hiding place)
1st bottle.
2nd bottle.
3rd bottle. Now I'm feeling tipsy. Stereo's now playing mellow earworm. I laid my back and let go of whatever questions clouding my mind. I filled it instead with my plans and dreams. I smiled. I closed my eyes and started to feel numb. Finally, inantok na din ako.
Pasado alas singko na ng hapon nang gisingin ako ni nanay cleng. Hirap na hirap naman akong imulat ang aking mga mata at humingi pa talaga ako ng isang oras na palugit, antok na antok pa ako. Narinig kong inayos ni nanay ang mga kalat, pero di parin ako tumayo. Sinubsob ko lalo sa kama ang aking mukha. "Ang sakit ng ulo ko nay" hinaing ko.
"Paano hindi sasakit ang ulo mo eh lumaklak ka ng tatlong bote ng alak, tapos hindi ka man lang nag aya, inantay mo pa talagang makauwi ako." dire-diretsong singit ng boses ng lalaki. Narinig kong tumawa si nanay cleng. Nagulat ako. Tumayo ako bigla at bumulagta sa aking harapang si jek at pigil na pigil nito ang kanyang tawa.
Natawa ako pero sinubsob ko ulit ang aking ulo sa ilalim ng unan. Hinila ako nito patayo. "Bangon ka na, may pupuntahan tayo." pilit ni jek
"s-saan ba tayo pupunta?" tanong ko.
"basta, bangon na kasi" utos nito at tapos na pala maglinis si nanay cleng, lumabas na ito ng kwarto.
"wait lang" sagot ko at tinungo ang banyo para maligo. Sumigaw naman ito na aantayin nalang daw niya ako sa baba at dalian ko raw. Napangisi ako.
After kong maligo at magbihis, lumabas ako ng kwarto at bumaba na. Si jek nasa sala, nakaupo at nanunuod ng TV. Napalingon siya sa akin, ngumiti ako pero inirapan lang ako nito, parang batang nagtatampo. Napangisi na naman ako.
"sabi ko dalian, pero inabot ng 44 minutes at 34 seconds" pambungad nito sabay tayo. Natawa ako lalo at talagang inorasan pa ako. Inakbayan ko naman siya.
"ganyan talaga ang mga artista." pabiro ko. Hindi siya umimik pero kiniliti ko ito sa tagiliran na siya namang ikinatuwa nito. Nagpaalam na kami kay nanay cleng at gagala lang kami. Habang palabas naman kami ng bahay, tinanong ko siya kung saan kami pupunta.
"birthday kasi ni Ray, nag invite siya. makikain tayo. haha"
"sinong ray?" tanong ko
"yung kaklase natin nung elementary, yung mataba." haha
"ah yung ano, yung may-ari ng Dungca Seafood?"
Tumango naman ito at sabay kaming nagtawanan. Malapit lang naman yung place nila Ray kaya nilakad nalag namin. Habang kami'y naglalakad, naapapansin ko rin ang mga pagmamasid ng mga taong nakatambay sa kalsada, iba'y nakatitig, iba naman nagbubulungan. Nailang ako kaya yumuko nalang ako habang pilit na inaapak ang mga paa. "di ba nila ako nakikilala?" "di ba nila ako natatandaan?" "ako 'to,si Alex." sigaw ng aking isipan. Tila naramdaman naman ni jek ang aking pagtataka at nasa isip, inakbayan ako nito. "huwag mo silang pansinin, ngayon lang kasi sila nakakita ng artista" bulong nito. Natawa naman ako at talagang sinakyan pa niya ang biro kong feeling artista.
Narating namin ang bahay nina Ray. Pagkapasok palang ng gate, mga nakakabinging sigaw na ang sumalubong sa amin.
Andoon pala ang iba naming mga kaklase at kaibigan nung elementary.
Alex!!!
Ikaw na ba yan?!
Uy Alex, kumusta na?
Alex, kailan ka pa bumalik?
Alex, namiss kita. ano na balita sayo?
uy alex, grabe ibang iba na itsura mo
may asawa ka narin ba?
buti bumalik na kayo.
uy Alex...
Alex..
Alex....
sunod sunod na tanong ng mga dati naming kaklase. Napapangiti nalang ako sa gulat. Hinarap ko si Ray at binati ito. Nakipag kamayan naman siya tanda ng pasasalamat. Isa sa mga kilalang pamilya ang Dungca. Ang mama ni Ray ay ang kasalukuyang kapitan ng lugar at ang ama naman nito'y may-ari ng Dungca Seafood, isang sikat na resto sa aming probinsiya.
Inanyaya kami nito na pumasok muna sa loob ng bahay nila upang makakain, na siya namang sinang ayunan agad ni jek. Pagkapasok na pagkapasok palang namin sa loob, halos makuryente ako sa gulat, nasa loob din sina tyler at mga kaibigan nito. Lahat biglang tahimik. Nagkatitigan kami nitong si Tyler. I can't read what's on his mind. He looks blank and deadpan. He moved his eyes to jek, now he turned ogre and i'm sure anytime he'd hit him back this time. Natakot ako sa pwedeng mangyari. I grabbed jek's hand and asked him na sa labas muna kami at makipag kwentuhan sa mga dati naming kaklase. Tumango naman ito. Bago pa man kami makalabas.
"Hey man, can I talk to you for a sec? Alone?" tanong ni Tyler kay Jek. Kinabahan ako lalo. Tinignan ko si Jek at umiling tanda ng di ko pagpayag at baka ano pang mangyari. Hindi naman ito nagpapigil at tumango lang. Tumayo itong si Tyler at lumabas, sumunod naman si jek. Naiwan akong mag isa sa may pintuan. Napatingin ako sa ibang mga nasa sala at pansin ko ang pagkaway ni Joy Ann. Umupo ako sa tabi nito.
"I didn't know kaibigan mo pala ang aking pinsan" she said. Nagulat naman ako sa nalaman ko. Pinsan pala ni Joy Ann si Ray, kaya pala andito rin sila. Ngumiti lang ako. My mind's not really into getting to know stuff right now, I'm worried about Jek and Tyler. Ano na kaya ginagawa ng mga to? Baka nagpapatayan na?! Juskopo! "OA mo ha" sigaw ng aking isipan.
"Don't worry, everything's gonna be okay" she added.
"What do you mean?" I asked
"about tyler and jerome" she replied. I smiled. Tahimik.
"Ako na humihingi ng pasensiya sa inasta ni Tyler sa'yo. Sometimes, he can be immature and bully. But you know, he's a good guy. He's actually a good catch." dagdag nito sabay sikong mahina sa aking tagiliran na animo'y may parang gustong ipahiwatig.
"You don't have to cover up for him." sagot ko.
"I've known Tyler since High School. He does things recklessly, he says words he really doesn't mean , a happy go lucky, braggat, and spoiled brat, But tell you what, inside of him is a kid abandoned and cheated out of happiness."
"Well, he must be really good, good at hiding his soul." I replied which then she nodded, sinyales na sumang ayon ito. Nagtawanan kami. Nagsimulang mag kuwento ang ibang kasamahan nila sa mga kalokohang ginawa ni Tyler. Hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko habang kausap ko ang mga ito. They're nice, funny and cool. Siguro namimiss ko lang ang aking mga kaibigan.
Papasok na sa loob si Tyler at Jek. Kinabahan na naman ako ngunit laking pagtataka ko nang makita kong nakaakbay itong si tyler sa aking bespren. Tinignan ko si jek at pinagmasdan ang katawan nito baka puro bugbog, WALA, binaling ko ang pagmamasid sa katawan ni Tyler, WALA rin. Good. Napangiti ako. Umupo si jek sa tabi ko, I looked him in the eye, he smiled. I felt relaxed. Seeing him smile makes my heebie-jeebies go away.
Maya maya pa'y inabutan na kami ng pagkain ni Ray. Mabilis pa sa alas kwatro itong bespren ko at sinimulan nang kumain. Napangisi nalang ako. After namin kumain, niyaya kong lumabas si jek at puntahan namin ang mga dati naming kaklase't kaibigan. Tumango naman ito. Bago pa man ako makalabas ng pinto,
"Lex, thank you." si Joy Ann. I really have no idea what's it for, pero ngumiti nalang ako. Napatingin ako kay Tyler, he looks happy. He's smiling like heaven. "God, I can die now" panlalambot ng aking isipan. He looks perfect, no, it's more than that, he looks like a fairytale Prince, and his smile can wake up sleeping beauty without even kissing her. Sigh! "Stressful.".reklamo ng isang parte ng aking isipan.
Nakipag kwentuhan kami sa dati naming mga kaklase. Iba pala sa mga kanila'y may asawa narin gaya ni jek. May mga nagtatanong kung may girlfriend na raw ba ako, kailan din ako ikakasal, di ako makasagot nang diretso at napapangiti nalang ako. "Kung alam niyo lang." singit ng isapan ko. Palusot ko nalang kailangan ko muna tapusin ang studies ko baka isumpa ako ni Mama. "Rotsen, ikaw ba yan?" tanong ng aking isipan. "Pahiram muna ng linya mo Rotsen" pakiusap naman ng isang parte. Napalingon ako kay jek at pigil na pigil nito ang kanyang tawa. Siniko ko siya ng palihim para sakyan niya ako ang alibi ko.
"Ah eh. Oo, sabi ni tita kailangan niyang makatapos agad kasi siya magmamana ng kumpanya nila." pilit nitong sagot. Namangha naman ang iba, at naniwala. Nice. It's really nice seeing them talk and reminisce the past. Lahat ng mga kalokohan namin noon nagsilabasan. Tawanan. Naistorbo lang kami nang puntahan kami ng ina ni Ray para bigyan nang makakain.
Bigla kong naalala si Mom. I haven't heard anything from her since I moved back here. Noong bata ako, noong last na andito ako sa aming lugar, I was really happy, kasi andiyan pa noon si Dad, tapos si Mom, hindi ganoon kadalas ang pag alis for business trips, si Kuya kahit na sa Manila nag-aral noon, every weekend naman siyang umuuwi para sa akin. Ngayon, parang wala na akong pamilya. Simula nang namatay si Dad, halos isang beses nalang sa tatlong buwan ko makita si Mom. Nakalimutan ata niyang andito parin ako, isa sa mga anak niya. Naging busy ito masiyado sa kumpanya na naiwan ni Dad. Si kuya, halos hindi na makaalalang tumawag sa akin. "Sigh".Hindi ba nila naisip na nahihirapan din naman akong mag-isa. Hindi ba nila naisip na wala akong kasama. Napayuko ako, at unti unting namuo ang mga luha sa gilid ng aking mata. Ayokong masira ang kasiyahan kaya tumayo ako at nag paalam na magbabanyo muna. Itinuro naman ni Ray kung saan at dali dali kong tinungo ito.
"pigilan mo, pigilan mo. Huwag kang iiyak, alex, Pigilan mo. Malapit ka na sa banyo, malapit na. Nakakahiya, nakakahiya talaga. " bulong ko sa aking sarili habang nagmamadali papuntang banyo.
Akmang akma na sanang hahawakan ko ang busol ng pintuan para buksan ito nang biglang bumulaga sa aking harapan itong si Tyler na galing din pala ng banyo. Natulala ako kasabay ng dahan dahang pagtulo ng luha sa aking kaliwang mata. Napatigil ako. Nakatitig ito. Walang imikan.
"A-are you o-okay?" tanong nito. I nodded. He lifted his right hand para punasan sana ang aking luha pero I stopped him and pushed him out of the room para makapasok ako ng banyo. I locked the door at doon pinakawalan ko ang kanina ko pang pinipigang mga luha.
"I miss you Dad.. I miss you Mom.. I miss you kuya... Sana bumalik yung dati, yung kumpleto tayo. Nahihirapan po akong mag-isa." bulong ko habang patuloy ang aking pag-iyak. Ngayon ko lang naramdaman ito. I felt so alone. I miss my family. I miss everything I had. Sana sa mga panahong gaya nito, andiyan ang pamilya ko, to support and guide me para maka pagsimula ulit but I guess I would have to do this on my own now. Sigh. Naghilamos muna ako bago lumabas ng banyo, and to my surprise, tyler's still outside and waiting.
"Are you sure you're okay? Coz I swear to God, I heard you cryin'" he said and chuckeled. "Wadda fck? ganito ba talaga tong taong 'to? Happy when others are in despair? Jesus!" I looked him straight in his two fcking eyes, and let him see how fckng offended and teed off I am.
"the hell you care about how I feel and what's happening to me" I said.
"look, I just wanna know if you're okay" He replied.
"just because you're the Mr. Popular, you have to know everything." then I pushed him out of my way. Hinawakan ako nito sa balikat at hinila paharap sa kanya.
"Jesus! what the heck is wrong with you?" I asked. He didn't say any words but intead his eyes were on my lips like he was craving for it. He was biting his own lip. He wrapped his hands around me and pulled my body closer to his. "Oh Sweet Glorious Spirit, this is really not happening, AGAIN" sigaw ng parte ng aking isipan. I can't moved, literally. He was strong. I can't even say another word. I'm spellbound and bewitched. It felt like he casted a magic spell on me. Tinignan ko ito sa mata , "and please forgive me for I am about to commit sin" panalangin ng isang parte ng aking isipan, he looks like an Angel sent from above. He smiled and my World just rotated 360 degrees counter clockwise. Then he kissed me. "bitch with a capital C" says my mind. For the 2nd time,the day after the first, our lips met again. "This is what you've been dreaming all night long, itchy!" pangontra ng isang parte. I'm so done describing how his lips feel like. With no exagerration, it is way better than a cotton candy melted with ice crystal and dipped with a taste of Heaven, and steamed with a slice of Paradise. I closed my eyes and kissed him back. It was a God d*mn hot and electrifying kiss. His hands started to move, he put his hand on my nape and the other on my waist. I opened my eyes and saw him smiling while his tongue was busy playing mine. Believe me, this is something I can call Erotic Kiss and I have never felt this until today. I can hear his soft moan, and it fcking tickles and excites me. I held his nape and kissed him even deeper. I can smell his breath. I can taste his soul. Then, he stopped and gave me one last lipsmack.
"Now, will you tell me what's wrong? why you cryin'?" he asked then I heard him giggle again. Nagdilim na naman ang paningin ko.
"Still, none of your business" I replied, tumalikod ako at naglakad palayo.
"At least you can tell me, you enjoyed it." pasigaw nito.
"It was nothing." pasigaw ko ring sagot at palihim naman akong napangiti. Buntong Hininga. Bumalik ako sa aking upuan. Inakbayan ako agad ni jek at bumulong sa aking tenga.
"bes, gusto mo uwi na tayo?" tanong nito. Tumango lang ako tanda nang pag sang ayon. Dali dali naman itong tumayo at nagpaalam na sa mga kasama namin. Nagdahilan nalang kaming may pinapagawa pa si Tita Lorna sa amin. Habang naglalakad pauwi. Hindi ko parin maalis ang lungkot at pangungulilang nararamdaman ko. Tahimik.
"namimiss mo sina mama at kuya mo no?" pambasag nito ng katahimikan. Tumango ako. Inakbayan ulit ako nito. He's really good at this. It's like he can read what's in my mind. Everytime he looks at me, he seems to know what I am thinking, either he'd say it, or stare at me knowingly and makes me feel that he knows.
"bigla ko nalang kasi sila naalala. Ewan ko ba. I suddenly just felt alone." sagot ko. Lalo naman nitong hinigpitan ang pagkakaakbay sa akin.
"may hang over ka pa ata bes. haha anong tingin mo sa akin? multo? andito lang ako. Di ba nangako ako sa'yo?"
"Alam ko naman iyon bes. Siyempre, iba parin yung kumpleto yung family mo di ba? tignan mo, si Mom, simula nang mamatay si Dad, halos isang beses lang sa tatlong buwan ko makita, si Kuya, nasa malayong lugar. Taltlo na nga lang kaming natira, hindi pa magkakasama. Di ba mas masarap na nasa iisang bahay lang kami?"
"Naiintindihan kita bes. Siyempre, malungkot nga kasi di mo sila kasama, pero hindi naman ibig sabihin hindi ka nila naiisip. Dapat nga mas lalo mong tatagan ang sarili mo eh, para sa kanila." He added. Hindi na ako nakasagot. He's right. I know Mom, I know she's still in pain about lossing Dad. She kept herself busy, and I know this is her way to somehow forget how she really feels. But she never fails to check on me, everyday I receive messages from her.
"Maiba ako, ano nangyari sa inyo ni Tyler? But parang all of a sudden, naging Close kayo at may pakbay akbay pa." pagtataka ko. Umuling naman ito at tumawa.
"Wala iyon, wag mo na masiyadong isipin." sagot nito na halatang may itinatago. Hindi ko nalang pinansin.
Nagpaalam narin akong didiretso na muna ako nang bahay at talagang antok na antok pa ako. Sumang ayon naman ito at umuwi narin siya sa kanila. Pagkadating ko nang bahay, nadatnan ko si Nanay Cleng na nanunuod nang paborito niyang palabas habang kumakain ng Mais. Inanyaya ako nitong magdinner pero tinanggihan ko lang ito. Dali dali kong tinungo ang aking kwarto para makapag ayos narin at makatulog.
Pagkahigang pagkahiga ko ng kama after maligo, tumunog ang aking cellphone.
"Hi Babe" si JM
"Hey. what's up?"
"Not much, been thinking about you the whole day. I miss you."
"I miss you too, JM."
blah blah blah
"I saw the picture my cousin tagged you in. Sweet. " sarkistiko nitong sabi. Hindi ako nakasagot. Tahimik.
"You look good together." he added and giggled.
"You know he's my bestfriend, and he's married. Please don't make up stories." I said.
"I know. I know and I'm not. Honestly, Im kinda Jealous."
"You don't have to..."
"I just can't stop it." pang putol nito.
"Then don't stop it, and let it go through your mind until it's out." I said.
"What if it doesnt go out?" he asked.
"I LOVE YOU, JM. Did it help?"
"Now, it's gone, it's out. Completely. " He chuckled.
blah blah blah
"Goodnight babe and sorry for the, you know, "jealous" thingy." he laughed.
"Okay, goodnight JM. Sleep tight.."
"Oh by the way lex,"
"ahuh?"
"I LOVE YOU TOO, forever." he said.
"I know." I replied.
tooot tooot
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
Hahaha Lagot ka kuya lex. Why did you kissed him back? ^_^ Hahaha Damang dama ko ung doredom mo ngayon. Feeling ko kuya sobrang haba ng summer sa sobrang boring. Hahaha
ReplyDeleteSo salamat ulet dto kuya alex. ^_^
-Bing
Oh hi bing.. Itagay mo lang yan haha
DeleteSalamat sa laging oagsubaybay nitong kwento.. Hug kita ulit kahit ayaw mo haha
Halika na nga. *huuugs* ^_^ Haha You're welcome kuya alex. :) -bing
DeleteSobrang naiyak po ako sa confession ni jekjek.. :( damang dama ko yung emosyon. Ang bigat bigat po... Kuya alex, ang ganda po ng chapter na to. Sobra si tyler napakabilis naman po niya, nakkadalawang kiss na hihi..
ReplyDeleteAng galing po kuya alex.. The best talaga ang Start over. Keep it up po..
Ric
Wow!!! I never expected the 2nd kiss..this is really something.
ReplyDeleteThe twist, the plot, the dialogues and everything!
Keep it up, Mr Author.
Micu
Sobrang inaabangan ko po ito. One of the best new stories here in MSOB. Thank you Mr. Author for sharing this wonderful story. Ang galing po..
ReplyDeleteMwahh
Hey Me. author, sino po yung kasama niyo sa Glimpse of what's coming to the start over sa blog mo? Ang HOT nang pic.. Excited ako malaman kung sino makakapartner ni Alex. The best po itong start over!
ReplyDeleteRyan
What? Akala ko totoong mahal na ni jekjek si alex. Iba ka talaga mr.author, you know how to twist the story when people are already expecting something next. Galing naman po..
ReplyDeleteNakakatawa naman yung escalator niyo, patry din hihi
Mario
Kawawa naman si JM. Hindi niya alam inaahas na siya ni Tyler. Team JM parin ako hihi
ReplyDeleteSalamat sa update kuya.
Mie
Another great chapter.
ReplyDeleteThank you..
Henry
Paganda po ng paganda! Galing galing galing! Tawa ako ng tawa sa chapter na to.. Haha
ReplyDeleteMario
Maka-Tyler ako! Weeeeew! ~Ken
ReplyDeleteThen the next chapter is for you, ken :)
Deletewaahhh.. kala ko po ung tipong OA sa drama agad ung story mo mr.author.. hahaha.. pero maliii.. ang ganda po promise.. I was dwelled into reading until i have reached this part.. sana2 me kasunod na agd..
ReplyDeleteI really like po ung mga parts na ineemphasize mo sila through parang deep yet beautiful way of describing.. ano2 raw..hahaha.. bstat galing po :))
jihi ng pampanga :)
Salamat naman at naapreciate mo kahit OA sa drama sa umpisa. Ehe taga pampanga ka rin pala, nu karin banda? Haha tama ba?
Deleteupdate po agad. nice story alex.. isa to sa mga binabasa ko dito sa msob
ReplyDeleteherrick
Now lang ulit ako nakapag-basa ng story dito. Alex, thanks for posting this nice story! I cant wait for the next update :)
ReplyDeleteThank you MPofPasig.. :*
DeleteKaCute naman ng story mo kuyaLex nakakakilig ayihihihi. ..
ReplyDeletesana may romantic scene din si Alex at jekjek. ..at yong tawagan nilang bes hindi po bagay kay jek masyadong feminine ang dating..
Aabangan ko po next chapter..mahal na kita kuya ang galing mo..!!!
☆mac-mac
Hello mac-mac.. Salamat naman at nagustuhan mo ito. About sa romantic scene? Hehe let's see..:)
DeleteAlex-Tyler kiss. That was effin hot, Mr. Author. Im getting tickles all over.
ReplyDeleteGosh goodness. I so love you. :)
Im glad you enjoyed this chapter.... :) thanks
Delete