Maraming salamat po sa mga nagbasa at nagkomento sa chapter 4 ko :)) Muntik na akong malungkot nung hindi ko nakita yung comment nung isa diyan haha, akala ko hindi nagcomment eh, sana magcomment din siya dito sa Chapter 5 haha.
Well Dee, thanks sa sinabi mo :))
And Yeorim, maraming salamat po !!
Guys tatapusin ko na sana yung story, as a beginner ay hindi ko talaga alam kung paano gumawa ng tragic o pahabain ang story, kaya ayan malapit ng matapos, pero susubukan ko pong gumawa ng problema sa story para humaba.
Hindi ko po alam kung pede ko ibigay fb ko eh, baka po hindi allowed sa blog yun at baka mapagalitan ako haha, again salamat readers :))
Pasensya na po sa mga mabo-boring sa chapter na ito. Medyo naguguluhan ako sa mga pinaggagawa ko eh, haha.
Enjoy reading !!
---
Can't We Try? 5
Pagkaharap ko naman ay may nabangga ako, nanlaki ang aking mga mata sa aking nagawa.
Ang hawak kong tubig ay naibuhos ko rito nang hindi sinasadya, nabasa ang suot nito pati na ako, dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo para tignan kung sino ito.
Mas lalo akong nagulat at nahiya ng malaman ko kung sino ito, patay nakakahiya.
Natulala lang ako rito at nakangiti lang ito, nanlambot naman ako sa mga ngiti nito. Pinisil niya pa ang ilong ko na nagpawala sa aking pagkakatulala sakanya.
Tumatawa naman ito, iba talaga 'to, ang gwapo niya, ang dami namang nakatingin sa amin, nako sana hindi kami mapansin ni Kyle.
Napatingin lang ako rito, bakit kaya hindi niya pansin ang pagkakabasa o pagkakabangga ko sakanya? ganun ba talaga 'to kabait?
"I'm sorry Marvs." paghingi ko ng paumanhin sakanya ng makabawi na ako.
"Wala yun, pero dapat may kapalit." naka-ngiti nitong sabi.
"H-hah? A-ano naman yun?" naguguluhan kong tanong rito.
"Come with me." saka naman nito hinawakan ang aking kamay at hinila ako nito.
Habang nagmamadali kaming naglalakad kung saan man ako dadalhin nito ay pinagtitinginan kami, malamang natatawa sa amin dahil sa basa kami? hehe
Napunta kami sa isang kwarto, napakaraming damit, dressing room ata?
"Marvs sorry kung nabasa pa kita, hindi ko sinasadya." seryosong sabi ko rito.
"Wala yun ano kaba. Oh eto, suot mo 'to." pag-abot nito sa akin ng isang Tuxedo.
"Huh? Nagtatrabaho,..." hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil sa agarang pagsabat nito.
"Don't worry, ako bahala sayo, sagot kita." nakangiti nitong saad. "Oh magpapalit lang ako ha? Bihis kana din." saka naman ito pumasok sa isang fitting room kaya naman wala na akong nagawa at pumasok nadin ako sa katabing fitting room nito.
Nang matapos na akong magbihis ay tinignan ko ang aking sarili sa salamin, medyo napaatras naman ako sa aking nakita.
"Oh,.. Jaja mukha kang tao." pagbulong ko, natawa na lamang ako sa aking nasabi.
"Justin tagal mo naman ata?" rinig kong sabi ni Kayumangging Gwapo.
Inayos ko ng kaunti ang nakataas kong buhok saka huminga ng malalim at lumabas na ako.
Nakita ko naman na napatitig sa akin si Marvs, bakit? mali ba nausot ko?
"Why?" takang tanong ko rito.
"W-wala." tugon naman nito. "It suits you well, let's go." dagdag naman nito, saka na kami naglakad palabas, habang naglalakad kami palabas ay tinitignan ko ito, mas bumagay naman sakanya ang suot niya ngayon, gwapo eh.
"Isipin mo magka-close na tayo ah? Huwag ka nang mahihiya sa akin okay? Kapag nahiya o nailang kapa bahala ka hindi ko kakalimutan kasalanan mo." saad naman nito ng makalabas na kami ng dressing room or kwarto or kung ano man iyon, hirap kasi maging katulad ko eh, walang alam sa pangmayaman haha.
"Sure." pagngiti ko rito, sabi niya magfeeling-close muna ako, okay then, magaling ako diyan haha.
Naglakad na kami, pinagtitinginan naman kami ng mga kaedaran namin, bakit? ano bang mali? mukha rin ba akong mayaman sa suot ko? hehe
"Hi Marvs, pakilala mo naman kami sa kasama mo." biglang sabi naman ng isang babae.
"He's Justin, my friend." sagot naman ni Marvs rito, at saka ko nginitian ang mga ito at ipinagpatuloy na namin ang paglalakad, mukhang sa harap ang punta namin ah.
Sabi na nga ba eh, ngayon ay papalapit na kami sa grupo nila Kyle. Hinahanap ko naman si Kyle, nguni't hindi ko naman ito makita, nasan na kaya yun? babatiin ko sana ulit eh.
"Well hi guys, san si pinsan ko?" pagpansin naman ni Marvs sa mga ito, napatingin naman sila sa amin, nakita kong nagulat ang mga ito ng mapansin nila ako, nge bakit naman?
"J-justin?" saad naman ni Bryle.
"Magkakilala kayo?" gulat naman ni Marvs.
"Yah, friend namin. Ang gwapo mo Justin ah." sagot naman ni Matthew na mababakasan ng pagka-mangha.
"Boyfriend mo Marvs?" tanong naman ng boyfriend ni Bryle, nagulat naman ako sa sinabi nito, kaugali ata talaga ni Bryle ang boyfriend niya ah.
"No, he's a janitor here, ang bait-bait niya kasi, that's why I asked him to join the party. Kanina ko lang siya nakilala." nakangiting pagpapaliwanag naman ni Marvs sa mga ito.
"Ahh akala ko naman..., nga pala Justin? Nagkita naba kayo ni Kyle?" tanong naman sa akin ni Ivan.
"Nope, I was actually looking for him, where is he anyway?" tanong ko naman sa mga ito.
"Hintayin mo, kanina pa nakasimangot yun eh at for sure pagnakita ka nun mawawala na pagkabadtrip nun, siya nga pala, dito pala yung tinutukoy mong trabaho sa amin?" saad naman ng boyfriend ni Ivan, tinanguan ko lang ito.
"Oo, janitor ako dito. Enjoy nga eh." pagngiti ko sa mga ito.
"Sabi ko na nga ba't mabait ka eh, kaibigan mo kasi 'tong mga tropa ng pinsan ko." sabat at pag-akbay naman sa akin ni Marvs.
"Nung una nga pinahiya kami niyan sa school eh, akala namin may gigiba na sa amin, good thing nalaman namin na mabait pala yan at naging kaibigan pa namin." saad naman ni Matthew na nakangiti.
"Ano baaaa, nahiya naman ako sa inyo." saad ko sa mga ito na sinabayan ko pa ng posturang nahihiya kunwari, saka kami nagsitawanan, habang itong si Kayumangging Gwapo na naka-akbay parin sa akin ay wagas din kung makatawa.
"Kaya pala." napatigil naman kami sa aming narinig, lalo na ako dahil sa parang ramdam ko ang boses nito na tila puno ng disappointment, pero hindi ko na ito pinansin.
Humarap naman kami rito, agad ko itong nilapitan.
"Wuy Kyle, happy birthday. Ikaw pala yung may birthday dito eh." pagngiti ko rito, gusto ko pa sana itong yakapin, pero parang hindi ko kayang gawin ngayon? ewan ko ba.
Nguni't tumingin lang sa akin ito, parang iba ang dating sa akin, parang galit ba ito o ano? nakaramdam naman ako ng hiya sa hindi pagtugon nito sa akin.
Napalingon naman ako sa mga kaibigan nito, nakatingin lang sa akin ang mga ito.
"What?" tanong ko rito, pero hindi nanaman ako pinansin, sumimangot lang ito saka tumalikod at umalis, mas lalo naman akong nahiya.
Naiwan akong nakatulala sakanya habang naglalakad ito palayo, hindi ko alam kung ano ang aking nagawa.
"Justin upo ka muna dito sa tabi namin, babalik din mamaya yan, baka may topak lang yan." sabi naman ni Bryle, pilit na ngiti ang ibinigay ko rito.
"Wait, lemme follow him." saad ko sa mga ito saka na ako tumakbo para habulin ito.
Nakasalubong ko naman ang mama nito, nagulat ito ng makita ako.
"Oh Justin anak nandito ka pala, ang ganda ng suot mo ah. Nakita kanaba ni Kyle? Tiyak matutuwa yun kapag nakita kanya." tuwang sabi nito, ang bait talaga ng mama niya.
"Parang galit nga po sa akin eh? Hinahanap ko nga po siya tita. Nakita niyo po ba?" tugon ko rito, nagtaka naman ito sa aking sinabi.
"Galit? Hindi yun anak, kanina ka pa nga niya hinihintay eh, nakasimangot nga yun kanina pa. Tignan mo siya banda dun oh, dun ko siya nakitang pumunta." pagtukoy nito sa may bandang dulo, nagpasalamat at nagpaalam na ako rito.
Kanina pa hinihintay? Nakasimangot? Ahh napano ba si Kyle?
Tinungo ko na ang lugar na tinutukoy nito, nandoon nga si Kyle, naka-upo lang ito at nakasandal ang ulo sa may sandalan ng kanyang inuupuan at nakatingin sa mga bitwin sa taas.
"Ang ganda ng stars no? Mahilig kadin pala sa mga bitwin." pagtabi ko rito at tumingala din ako para samahan itong pagmamasdan ang mga bitwin.
"Is he your boyfriend?" inis nitong sabi, haha mukhang may topak nga ito.
"Who?" balik ko naman sakanya.
"Marvs." maikling tugon nito.
"Yah, 4 months nakami." sagot ko rito, hehe mapagtripan nga muna ito.
"Yan tayo eh. Hindi mo man agad sinabi." mas lalo naman itong nainis saka na tumayo at magwo-walk out na sana ito ng hawakan ko ang kamay nito.
"Para kang sira, may topak ka nga talaga." natatawa kong sabi rito, tumingin naman ito sa akin.
"So tinatawanan mo pa talaga ako? Sige na dun kana sa boyfriend mo, baka hinihintay kana niya." parang bata nitong sabi, hahaha may topak nga talaga ito oh.
"Para kang bata, naniwala ka naman agad. Hindi ko boyfriend yun no." natatawa kong sabi rito, nag-iba naman ang ekspresyon ng mukha nito, ang simangot o inis nito ay napalitan ng ngiti.
Hanggang sa naupo ulit ito at paka-dikit pa nito sa akin, at ikinuwento ko din kung paano ko nakilala at nakasama sa party niya si Marvs.
"So dito ka pala nagtatrabaho, edi dapat sinabi mo sa akin kagabi para sana hindi ka muna umuwi, eh ako din pala boss mo eh." saad naman nito.
"Alam ko ba? Nakaka-inis ka nga eh, nagtext ako sayo tapos hindi ka man nagreply." saka ko ito pinitik sa daliri, oops napahina dahil sa hindi ito nagreact haha.
"Ah yun, nahiya kasi ako magreply nun, pano kaya alam mo na pala na ako yung nagtetext sayo." sagot naman nito, pinitik ko naman ang daliri nito ulit.
"Arayyy,.." agad naman nitong sabi, halos mamilipit pa ito sa sakit, natawa naman ako dito at napaka-cute nito.
"Ba't hindi ka kasi nagpakilala agad diba? Akala ko pa naman din hindi mo na-appreciate yung saktong 12am na pagbati ko sayo. Kainis ka alam mo ba yun?" inis kong sabi rito, totoo naman, ang hirap kaya ng ganun, yung bang parang snob lang diba?
"Anong hindi na-appreciate? Tuwang-tuwa nga ako eh, ang gandang gift mo kaya para sa birthday ko alam mo ba yun?" saka pa ako kinikiliti nito.
"Pero nakaka-inis ka kanina Kyle alam mo din ba yun? Yayakapin pa sana kita nung binati kita kanina kaso hindi mo ako pinansin, kainis ka talaga." saka ko ulit pinitik ito.
"Arayy,.." nasaktan nanaman ito hahaha. "Eh pano kaya tinetext kita kung nasan ka para sana sunduin kita dahil gusto ko nandito ka sa party ko, pumunta din ako sa inyo wala kapa daw at nasa trabaho kapa, kaya naiinis ako sayo kasi hindi ka man lang nagrereply diba? Alam mo ba yun?" parang nanunumbat pa talaga ito ah, yun pala, kaya pala hindi ako pinansin nito kanina.
"Ah kaya pala nakasimangot ka, hindi ko naman kasi hawak phone ko dahil nagtatrabaho ako eh. Oh sorry na sorry na po batang topakin." saad ko rito saka ko ito niyakap at niyakap din naman ako nito ng mas mahigpit.
"Sorry kung hindi kita pinansin kanina ah? Nagtatampo kasi talaga ako, tapos akala ko pa kasi boyfriend mo si Marvs eh." saad naman nito, kakawala sana ako sa aming yakapan kaso mas hinigpitan naman nito ang kanyang pagyakap sa akin, kaya hindi na ako kumontra, napakasarap din kasi sa pakiramdam ng mga yakap nito.
"Eh bakit naman boyfriend agad ang iniisip mo?" tanong ko naman rito.
"Bi din yun katulad ko, close kami nun kasi nung mga panahong hindi pa alam ng pamilya namin ay kami ang laging magkasama, kaya akala ko magboyfriend kayo eh." pagpapaliwanag naman nito.
"Ah ganun ba? Bakit naman kung sakali? Does it have something to do with you? Ahh forget it, tara na nga balik na tayo dun." sabi ko naman rito, kakawala sana ako ulit pero talagang ayaw ako nitong pakawalan.
"Saglit lang." at mas hinigpitan pa nito ang kanyang yakap.
(Kyle's side.
"Justin, oo apektado ako, gusto kita eh. Love naba 'to? ahhh ewan basta masaya ako kapag kasama kita, lalo na kapag niyayakap mo ako, iba ka talaga,.... Justin."
mga namutawi sa isipan at puso ni Kyle.
end)
"Sarap talaga ng yakap mo Justin." saad ni Kyle, lihim naman akong kinilig sa sinabi nito.
"Okay sige na nga pati na yung yakap mo masarap." natatawa kong sabi rito habang magkayakap pa kami.
"Ay ganun? Napilitan ka lang eh." patampo pa nito kunwari, hay nako isip bata talaga 'tong si Kyle.
"Totoo yun noh, edi sana 'di na kita niyayakap diba?" sagot ko rito saka na ako kumawala sa aming pagkakayakap.
"Let's go Kyle? Baka hinahanap ka na ng mga bisita mo." dagdag ko rito, saka naman ito ngumiti at tumango kaya naman bumalik na kami dun.
Nang pagbalik namin sa mga kaibigan nito ay agad akong napansin ni Marvs.
"Woy Justin, hindi mo na ako binalikan noh." talagang nag-pout pa ito ng labi, ang cute naman nito.
"Ayy ou nga pala." pagngiti ko rito saka ko ito tinabihan, napalingon naman ako kay Kyle at parang naiinis nanaman ito, hala tinotopak nanaman ata?
"Ayos na pala kayo eh." natatawang sabi ni Ivan.
"Which is good, birthday na birthday nakasimangot." dagdag naman ni Matthew.
"Kayo talaga ang dadaldal niyo, oh wait lang ha at pupuntahan ko lang mga ibang bisita." saad naman ni Kyle, tatalikod na sana ito ng humarap ulit sa amin. "Woy Justin behave ha?" pahabol pa nito saka na ito umalis.
Aba talagang ginawa pa akong bata nito ah? Ayy si Kyle talaga, pagbigyan na natin birthday naman niya eh.
"Hoy Justin ano ginawa niyo ha? Kayo ah nagsisikreto kayo?" biglang sabi naman ni Bryle.
"Hah? Wala ah, alam niyo naman si Kyle parang ewan, at topakin nga siya." natatawa kong sagot rito.
"I can smell something." sabat naman ng boyfriend ni Matthew.
Nagsitawanan naman kami, napatingin ako kay Marvs at parang walang gana naman ito ngayon, malamang pagod na haha.
"Woy!" saka ko pinisil ang ilong nito, nagulat naman ito. "Tahimik mo Marvs." saad ko rito ng tumingin ito sa akin.
Saka naman ako kiniliti nito, hanggang sa nagkulitan na lang kami at tawanan, sa totoo lang ay nag-eenjoy ako kasama ito.
Hanggang sa kainan na, tapos nang mag-explore explore si Kyle sa mga bisita niya at binalikan na kami.
"Woy kain na kayo, ikaw Justin gusto mo na bang kumain?" saad ni Kyle pagkadating niya sa pwesto namin.
"Ah sige maya na ako, mamaya pa daw kakain si Marvs eh sasabay na lang ako sakanya." ngiti kong sabi kay Kyle saka ko naman tinignan si Marvs at pinisil ang ilong nito, tangos eh.
"Baka namumula na ito Justin ah? Kanina mo pa pinipisil ilong ko." saad naman ni Marvs saka din nito pinisil ang ilong ko.
"Ikaw kasi nagngunguna eh." tugon ko naman rito saka ko sana ulit pipisilin ang ilong niya nguni't agad itong umiwas dahilan naman para ma-out of balance ako at natumba ako rito.
"Kyle kanina pa naghaharutan yang dalawang yan, OP na nga kami sa kanilang dalawa eh." panunumbong ni Bryle.
Napa-akap naman ako dito, maging siya, iniangat ko ang aking ulo at nagulat na lang ako dahil masyadong malapit ang aming mga mukha, napatitig ako sakanya, pinisil naman niya ang aking ilong dahilan para mawala pagkakatitig ko rito.
"Sige enjoy lang Justin." rinig kong sabi ni Kyle, natauhan naman ako at inayos ko ulit ang aking pagkaka-upo.
"Again, I smell something." saad nanaman ulit ng boyfriend ni Matthew saka sila nagsitawanan.
"Oh let's go? Kuha na tayong pagkain." sabi naman ni Bryle saka na sila nagsitayuan maliban sa amin ni Marvs.
"Oh kayo hindi paba talaga kayo kakain? at talagang magsasabay pa kayo mamaya?" banat naman sa amin ni Ivan.
"Hoy Marvs tara na? nagugutom na ako eh." saka ko naman ito pinitik sa daliri, napangiwi naman agad ito, halatang nasaktan ng sobra, nako napalakas ata? nag-alala naman ako rito.
Agad ko namang hinawakan ang daliri nito.
"Sorry sorry Marvs." pag-aalala ko rito, halatang nasaktan kasi ito, nataranta naman ako, namimilipit parin ito sa sakit.
"Y-yung su-sugat ko. Ang sakittt." saad naman nito, tinignan ko naman ang kamay nito, aww may sugat nga at dumudugo pa ito, mas lalo naman akong nataranta, tinignan ko ito at talagang namimilipit ito sa sakit, hinliliit niya ang may sugat.
Saka ko naman ito inilapit sa aking mukha at tinignan ito, dumudugo talaga.
Agad ko namang isinubo at sinipsip ang hinliliit nito, dumudugo kasi eh, ganun kasi ginagawa ko kila Arvin at Charl kapag nasusugat yung daliri nila eh, mga anga-ana yun kapag nagbabalat ng mangga o kung ano man.
Mga 10 seconds ko sigurong sinisipsip ang dugo nito, pagka-tigil ko ay napatingin naman ako kay Marvs, halatang gulat ito at nakatitig lang sa akin, napatingin naman ako sa aming mga kasama, gulat din sila lalo na si Kyle.
Tinignan ko ulit ang daliri nito, may konting dugo pang lumalabas kaya sinipsip ko ulit at nang matapos na ako ay tinignan ko ulit ito.
"Ayan okay na, may band-aid kaba diyan?" tanong ko rito pero hindi ito sumasagot, nakatitig lang sa akin at mababakasan parin ng pagkagulat.
Kinuha ko na lang ang aking maliit na panyo para ibalot dito, nang ilalagay ko na ito ay may konting dugo pa kaya sinipsip ko ulit saka ko na ipina-ikot ang aking panyo sa daliri nito, nang matapos na..
"Yan okay na." pagngiti ko rito ng napaka-tamis. "Sorry talaga ah? Hindi ko alam eh." paghingi ko ulit ng paumanhin rito.
"S-salamat Justin." tugon naman nito, buti naman at nakapagsalita na ito.
"Masakit paba? Sorry talaga ah?" saka ko naman kinuha ang kamay nito at hinawakan.
"Medyo, ang sakit mo kasing pumitik eh, pero okay lang, galing mo magpagaling eh." sagot nito saka ulit pinisil ang aking ilong, mukhang nakabawi na siya ah, ang gwapo niya talaga.
"Sorry talaga, oh tara kuha na tayo ng pagkain?" tanong ko rito at tumango lang ito saka na kami tumayo.
Napatingin naman ako kila Kyle, medyo nakaka-recover na ata sila sa ginawa ko, si Kyle naman nakatitig lang sa akin.
"Bakit?" tanong ko sa mga ito, umiling lang sila.
"Let's go." saad naman ni Bryle saka na kami naglakad papunta sa kuhanan ng pagkain, sinabayan ko naman si Kyle sa paglalakad.
"Kyle alis na ako ah? Baka pagalitan nako ng pinsan ko eh, magtatrabaho pa ako." pagbulong ko naman rito, nga pala baka hanapin ako, tsk pagagalitan ako nun.
Nakita kong nagulat naman ito, parang nainis ata bigla? humarap naman ito sa akin.
"Alam mo Justin lagi mo na lang akong ginaganito, aalis ka nanaman? Oh sige kaw bahala." tugon naman nito, halatang napipikon, ahhhh napano nanaman kaya ito.
"Wuy galit kaba? Baka kasi pagalitan ako eh." pag-akbay ko rito.
"Hindi, sige alis kana." simangot nito, halatang busit nga ito sa akin.
"Eh nagagalit ka naman sa akin eh." balik ko naman dito.
"Hindi nga, sige alis na." tugon nito saka ako tinignan, halatang pikon 'to o ano.
"Ay ewan ko sayo, kinakausap ka nang maayos eh." simangot ko rito saka ko inalis pagkaka-akbay ko rito at umalis na ako kaagad ng hindi man lang ito sinusulyapan.
"San ka pupunta Justin?" rinig kong sigaw pa ni Marvs, pero hindi ko na ito pinansin, ahh naiinis talaga ako kay Kyle.
--
"Oh insan san ka nanggaling?" saad saakin ng pinsan ko ng mapansin ako nitong nag pupunas ng sahig.
"Nagbanyo." pagpapalusot ko rito, hanggang ngayon naiinis parin ako kay Kyle, hindi ko alam kung bakit biglang naging ganun mood nun kanina, habang naglilinis ako siya ang iniisip ko, sira kasi talaga yun eh.
Katulad nga ng sinabi ng pinsan ko kanina ay nagsikainan nga kami matapos ang party, kinausap naman ako ng mama ni Kyle at tinatanong ako kung alam ko ba kung bakit nakasimangot nanaman si Kyle.
Wala akong masagot rito kaya nagkwentuhan na lang kami ng kung anu-ano. Nabigla din ito dahil sa company pala nila ako nagtatrabaho at sinabi ko naman na bago lang ako. Nakikita kong nagtataka ang mga kapwa ko nagtatrabaho kung bakit ganun kami makapag-kwentuhan ng nanay ni Kyle, kulitan at tawanan kasi kaming dalawa dahil puro mga kapalpakan ni Kyle ang ikinukwento nito.
Maging si pinsan ay nagulat, nginingitian ko na lang ang mga ito.
"Oh tita hindi pa po ba kayo uuwi? Oras na po ah." saad ko rito.
"Pauwi na niyan, ubusin ko lang 'to anak." sagot naman nito, enjoy na enjoy ito sa ice cream na chocolate haha.
Bigla namang may tumawag sa kanya. Kaya kumuha pa ako ulit ng ice cream, syempre chocolate favorite eh, haha.
"Nako mga anak mauna na ako sa inyo ah?" pagpapa-alam nito sa mga empleyado niya. "Justin tumawag si manang, si Kyle daw lasing ayaw papigil." baling naman nito sa akin, halatang nag-aalala ito.
"Oh si Kyle po? Tita sama po ako sa inyo." sagot ko naman agad rito, nag-alala naman ako sa sinabi ni tita, ahhh napano kaya si Kyle?
Nagpa-alam lang ako sa pinsan ko saka na kami umalis. Nagtext nadin ako sa bahay na male-late ako sa paguwi.
Nang makarating na kami ng bahay nila ay kinausap ako ng mama niya.
"Justin anak ikaw na bahala sakanya ha? Ayokong pagalitan yan eh, ako rin kasi susuko. Magpapahinga na ako." saad nito na tinanguan ko naman, napaka-bait talaga ng mama nito.
Umakyat na ako papunta sa kwarto ni Kyle, nakasalubong ko naman si manang sa hagdanan.
"Umiinom padin po sir eh, ayaw po papigil." nag-aalalang sabi nito sa akin.
"Ako na po bahala." pagngiti ko rito, ano kayang nangyayari kay Kyle, birthday na birthday niya pamo.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto nito, wala naman ito kaya tinignan ko siya sa kanyang higaan at nandun nga sa may tabi ng kama niya at umiinom, pulang-pula na ito. Patuloy lang ito sa pag-inom, hindi ko alam kung ano bang nangyari dito, yung inis ko naman sakanya ay nawala na lang bigla.
"Kulang paba? Gusto mo ibili pa kita?" medyo inis kong pagpansin rito, nasa harap lang ako ng maliit na lamesang pinag-iinuman niya, napatingin naman sa akin ito.
"Ikaw paba si Kyle?" tanong ko pa rito.
"J-justin." mahinang sabi nito, nanghina naman ako sa tinig ng boses nito.
"Ano ba kasing nangyari?" tanong ko pa rito nang tinabihan ko ito.
"Justin.." saka naman ako niyakap nito, lalo naman akong naawa rito.
"What happened Kyle?" hinihimas-himas ko pa ang likod nito, baka sakaling mapagaan ko ang pakiramdam nito.
"May isang tao kasi eh, gustong-gusto ko siya, kaso lagi na lang niya akong ginaganito." sa tonong nagsusumbong naman nito.
Lihim akong nasaktan sa sinabi nito, may minamahal na pala si Kyle. Sa huli ay nasaktan nanaman ako, mahirap talagang umasa. Hindi na ako nagsalita, mas maganda kasing hayaan ko muna siyang ilabas ang lahat ng sama ng loob niya.
"Sa tingin mo may pag-asa ba ako dun? kahit na lagi na lang niya akong ginaganito?" dagdag pa nito.
"Mamahalin niya kaya ako pagdating ng araw? ano kaya magiging reaksyon niya kapag sinabi ko sakanyang gusto ko siya?" sunod-sunod nitong sabi, ramdam kong malungkot ito.
"Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan?" yun na lamang ang nasabi ko rito, nawawalang-gana kasi ako sa mga sinabi niya, may gusto na pala siya, bitter nanaman ako, ayy nako.
"J-justin?" mahina nitong sabi, hinihimas-himas ko lang ang likod niya tanda na nakikinig lang ako.
"Paano kung, kung,...." hindi nito natapos ang kanyang sinasabi, tinignan ko naman ito, ahhh grabe tulog na, pakalasing niya pa kasi eh.
Dahan-dahan ko itong inihiga, inalis ko rin damit nito para naman mahimasmasan siya, kumuha nadin ako ng maliit na towel at binasa ito, para punasan siya at mapreskuhan sa pagtulog.
Habang pinupunasan ko ang katawan nito ay naiinis naman ako sa aking sarili, ang ganda kasi ng katawan nito at hindi ko mapigilang tignan, ahhh nakakahiya.
Nang pinunasan ko na ang mukha nito ay nakaramdam naman ako ng lungkot ng maalala ko ang mga sinabi niya kanina.
"Nakaka-inis ka Kyle." tonong paninisi ko rito habang marahang pinupunasan ang mukha nito.
"May iba ka na palang gusto at hindi mo man lang sinasabi sa akin, edi sana ako na mismo ang dumistansya para hindi ako mahulog sayo ng ganito." inis kong sabi rito.
"Kainis ka talaga, dapat kasi hindi ka nagpaka-bait sa akin eh. Ahhh nakaka-inis ka talaga." dagdag ko pa.
Matapos kong punasan ito ay isinuot ko na sakanya ang damit na aking kinuha.
"Kyle medyo iiwas na muna ako sayo ha? Ay hindi tama yun, ngayon ay mas kailangan mo ng karamay eh. Ay ewan ko sayo." natatawa na lamang ako sa aking nasabi.
Niligpit ko ang pinag-inuman nito pati na mga kalat at bago ko ito iwan ay naglagay ako ng note sa may flatscreen nito.
"Good morning madramang lasinggero. Sa susunod huwag ka nang magpakalasing ha? Isinet ko nadin ang alarm ng phone mo ng 6am dahil baka malate kapa sa school eh. See you later Kyle.
- Justin :)) "
---
Kinaumagahan ay nagising ako ng 6am, naka-ngiti ako ng magising ako pero nabura din ito nang maalala ko ang mga sinabi ni Kyle kagabi, oo nalulungkot ako dahil gusto ko siya pero may iba siyang gusto.
Morning habit, at pumunta na ako ng school, nakaka-walang gana talaga. Ahh ang sakit, yan ako eh, crush pa lang brokenhearted na ako agad, tsk.
Napa-aga ata ako ng dating, iilan pa lang ang mga kaklase kong nandyan na at wala pa sila Kyle.
Naglakad na ako papasok,..
"Wala ka atang gana papa Justin?" saad naman ng isa naming kaklase, nginitian ko lang ito.
Nang maka-upo na ako sa upuan ko ay lumayo ako ng konti sa upuan ni Kyle. Saka na lang ako nagbasa ng isang libro. Talagang iniharang ko ito sa aking mukha.
Habang tumatagal ay paingay nang paingay tanda na nagsisidatingan na ang aking mga kaklase.
Pagsilip ko mula sa libro ay siya naman saktong pasok nila Kyle, sa akin pala ito nakatingin saka ako nito nginitian, agad ko naman binaling ang aking paningin sa aking binabasang libro.
"Wuy Justin good morning." saad nito ng maka-upo na ito, alam kong nakangiti ito at mukhang ganado siguro ay nakatext nito yung tinutukoy niyang taong gusto niya.
Hindi ko naman ito pinansin, nakita kong lumapit naman ito sa akin, ipinatong pa nito ang kanyang mga siko sa arm chair ko saka pa inilapit ang kanyang mukha sa akin.
"Jusssstiiiiin." talagang pagkahaba-haba pa nito ng pagkakabanggit sa aking pangalan, lihim naman akong natatawa rito.
"Wuy Justin!" pagsigaw nito dahilan para makuha niya ang atensyon ng aming mga kaklase.
Sa akin nakatingin lahat, binigyan ko naman sila ng pilit na ngiti at nagbasa na lang ako ulit.
Si Kyle naman ay idinikit ang kanyang upuan sa akin, binulungan naman ako nito.
"Salamat kagabi." masayang sabi nito, natuwa naman ako dahil naaalala niya iyon, naka-stay lang siya sa may tenga ko.
"Bakit hindi mo ako pinapansin? Galit kaba?" sa tonong nagtatampo nito, ahhh ang hirap talagang tiisin ng taong gusto mo lalo na kapag ganito diba?
"Anong galit?" saka naman ako humarap rito, dahilan para maglapit ang aming mga mukha, saglit akong napatigil at tinitigan ito, grabe ang bango ni Kyle.
"Oo kaya." sagot naman nito, pa pout-pout pa ng labi.
"Ang kulit mo." saka ko naman ito kiniliti at ayun ayos na ulit kame, habang wala pa kaming prof ay nagkulitan kami nakisali nadin sina Bryle, Matthew at Ivan.
Iba-iba ang palitan namin ng mga jokes, si Ivan ang pinakamagaling magpatawa.
Paano niyan kaya ako didistansya kung lapit ng lapit si Kyle? ahhh ang hirap.
Dumating na ang aming prof, saka kami nagsitahimikan, nagtanong-tanong lang ito kung ilan kame, kung kumpleto naba kami, ito kasing 1st week namin ay halos walang ginagawa, baka daw kasi may mga late comers pa eh.
Maya-maya naman ay biglang may kumatok, tinignan ko naman ito, parang pamilyar ito, napunta naman sakanya lahat ng atensyon.
Pinapasok lang siya ng aming prof at,.. yun na, si Marvs nga,. as expected ay nagsisitilian nga ang aming mga kaklase, gwapo kasi ni Kayumangging Gwapo eh.
"So you do belong in this class right, okay take your seat now." saad naman ng aming prof.
Lumingon-lingon ito, at nang mapansin ako ay ngumiti ito at naglakad na, sa akin papunta ito.
Nako wala nang upuan saan kaya ito mauupo, yung ibang upuan kasi ay hindi pa nakukuha at hindi namin alam kung saan din kukuhanin.
"Woy Marvs dito ka pala." pagpansin ko naman dito ng makalapit ito.
"Yah, dito ka din pala." natatawang balik nito, binati naman nito sila Kyle, halatang close na close sila ni Kyle kung mag-usap.
"Marvs wala pang upuan eh, tabi ka muna sa akin." saad ko rito na agad naman nitong ginawa.
Pilit naman kaming nagsiksikan, talagang okay lang dito kahit mahirapan ito.
"Mamaya tulungan kita kumuha ng upuan okay?" saad ko rito.
"Oh sige, samahan mo din ako magbreak okay lang?" balik naman nito sa akin.
"Woops hindi ako nagbe-break eh, nagtitipid kasi ako at wala din akong panggastos." sagot ko naman rito.
"No problem sagot kita." tugon naman niya saka nito pinisil ang ilong ko.
"Ayan ka nanaman." natatawang sabi ko rito saka ko rin pinisil ang ilong nito.
Saglit kong nakalimutan si Kyle dahil kay Marvs, mabuti na din yun dahil saktong umiiwas naman ako kay Kyle eh.
Nagsimula na ang klase, discussion lang about sa mga topics namin then syempre kwentuhan with prof at hindi din nawala ang pagpapakilala.
Hanggang sa break na namin,..
"Well let's go Justin?" tanong naman sa akin ni Marvs.
"Ahm wag na, salamat na lang Marvs."'pagngiti ko rito.
"Andaya mo naman eh, tara na." saka naman ako nito hinila kaya napasama na ako, tinignan ko naman si Kyle at nakatingin lang ito sa kanyang arm chair at nakapamulsa, samantalng tinatawanan naman ako ng mga kaibigan niya.
"So anong gusto mo Justin?" saad nito ng makapasok na kami sa foodcourt ng school.
"Okay na nga ako. Ikaw na lang samahan na lang kita." pagngiti ko rito.
"Edi hindi na lang din ako kakain, tara balik na tayo dun." saka naman ito aktong tatalikod ng pigilan ko ito,..
"Ahh isip bata kadin ah, sige na tara na." pigil ko rito saka ko pinisil ang ilong nito, ngumiti naman ito, nakakatuwa talaga 'tong si Marvs.
Bumili naman ito ng burger at fries saka dalawang chocolate shake.
Ngayon ay naka-upo na kami at kumakain, ang daldal pala nito, puro tanong at kwento ang ginagawa namin, napapasabay naman ako sa kadaldalan nito.
"Siya nga pala Justin, edi may trabaho ka niyan mamaya after school?" tanong nito habang inuubos ang kanyang shake.
"Yah, hanggang mamayang gabi ako dun eh, kailangan ko talaga kasi magtrabaho kaya kahit ano okay ako." sagot ko naman rito, bigla ko namang naalala si Kyle, hindi papala kumakain yun, I mean hindi pa nagbe-break yung asungot na yun.
"Woy nandyan pala kayo." biglang sabi nila Bryle, magkakasama pala sila pero wala si Kyle.
"Where's Kyle?" tanong naman ni Marvs.
"Ayaw sumama tamad kumain eh. Biglang nawalan ng gana, kanina habang papasok kami ganado yun eh, ewan ko ba dun." iritang tugon naman ni Ivan.
Tumabi sila sa amin pagkatapos nila umorder at nakipagkwentuhan, si Kyle talaga ang naiisip ko.
"Wait lang guys ha? may pupuntahan lang ako, diyan na muna kayo." saad ko sa mga ito, na tinanguan lang nila.
Eto talagang Kyle na ito oh.
Pumila naman ako para bumili ng burger saka mineral water, dahil tiyak na gutom yung asungot na yun.
Nagmadali naman akong bumalik ng room, nakita ko itong naka-upo lang, saktong napatingin naman ito sa akin saka ulit tumingin sa kawalan.
Nilapitan ko kaagad ito,..
"Kyle oh kain ka muna, burger." pagpatong ko ng burger sa arm chair nito pati na ang tubig.
"Sensya na ha, yan lang kaya ko eh." natatawa kong sabi rito. "Ba't kasi hindi ka sumama kila Bryle?" dagdag ko pa.
Nguni't hindi ako pinapansin nito, nakatingin lang ito sa kawalan.
"Woyy, tignan mo 'to." pag kalbit ko pa rito, pero hindi talaga ako nito pinapansin, medyo naiinis na ako sakanya, tsk ill-tempered kasi ako eh.
"Ayaw mo?" seryosong tanong ko rito.
(Sa kabilang dako naman ay gustong-gusto nang kainin ni Kyle yung burger na binili ni Justin dahil sa hindi ito nakapag-almusal kanina.
At nagtatampo ito ngayon dahil pwera dumating lang kanina si Marvs ay hindi na siya pinansin ni Justin.)
"Ayaw mo talaga?" huling pagtatanong ko rito, nakakainis na kasi si Kyle eh, bigla-bigla na lang hindi namamansin.
Hindi talaga ako nito pinansin, kaya kinuha ko na lang yung burger at mineral saka ako tumayo at pumunta sa may harapan, may basurahan kasi kami doon eh, at itinapon ko ito ng padabog, at hindi ko na sinulyapan si Kyle.
Lumabas na lang ako, saka nagtambay kung saan saan habang wala pa ang aming prof.
"Kainis ka talaga Kyle, ewan ko sayo." nasabi ko na lamang habang nakatambay at tinitignan ang mga istudyante.
Mga ilang minuto na ang nakakalipas at nagpasya na akong bumalik sa room, tiyak na nandiyan na yung prof namin.
Ewan ko ba pero talagang nakasimangot pa ako, naiinis talaga ako kay Kyle, ahhh.
Pumasok na ako ng room, milagro wala pa kaming prof, nakasimangot lang ako habang papasok, hindi ko sinusulyapan yung asungot na si Kyle.
May upuan na pala si Marvs dahil nakaupo na ito sa tabi ng upuan ko, at nang maka-upo na ako,...
"Bakit ka nakasimangot?" pagpansin naman sa akin ni Marvs pagka-upo ko.
"Ah Marvs, medyo masama pakiramdam ko eh, may ASUNGOT kasi kaya tatahimik muna ako, okay?" sagot ko rito, at pagbigay diin ko pa sa salitang asungot which is si Kyle.
Talagang naiinis ako kay Kyle, hindi naman sa nagrereklamo ako pero hindi niya kasi pinapansin effort ko.
Aksidenteng napalingon naman ako sa arm chair ni Kyle, may nakita akong balat at may iniinom din itong tubig, medyo nagulat naman ako sa aking naisip, yung balat kasi na yun ay katulad nung balat ng binili kong burger eh.
"Sinong asungot?" takang tanong naman ni Marvs.
"Basta, hampaslupang asungot yun, nakaka-badtrip siya." inis kong sagot rito, alam kong naririnig ni Kyle pero okay lang, nakakabusit kasi talaga itong si Kyle eh.
Bigla naman akong kiniliti ni Marvs, hanggang sa nawala pagkaka-inis ko dahil sa kakwelahan nito, nagkulitan lang kami ng nagkulitan.
Dumating na ang aming prof kaya naman umayos na kami ng upo. Mga ilang minuto na ang nakakalipas ng mapatingin ako kay Kyle, hindi ko din kasi matiis ito eh.
May hawak-hawak siyang tubig, nagulat naman ako ng kapareho din ito ng ibiniling tubig ko sakanya kanina.
Naiisip ko tuloy na kinuha niya yung tinapon ko, tama,.. mamaya titignan ko kung yun nga.
Natapos ang klase ng hindi kami nagpapansinan ni Kyle, pasulyap-sulyap ako sakanya ng patago at minsan ay nagtatama ang aming paningin.
Uwian na at nagpa-alam na ang mga ito pati na si Marvs, pero si Kyle hindi man ako pinansin.
Mga ilang minuto na ng maalala kong titignan ko pala yung basurahan, kaya naman bago ako umuwi ay tinignan ko muna ito, nagulat naman ako, wala na yung burger at tubig.
Napaisip naman ako, baka yun nga yung kinain ni Kyle, kaya naman agaran akong tumakbo palabas ng klase para habulin si Kyle at mag-sorry dito.
Parang nawawalan ako ng pag-asa na makita pa ito, mga ilang minuto na kasi ang nakakalipas nang magsi-alisan ang mga ito, hindi ko rin nakita ang kotse nito sa parking slot, kung saan saan na ako lumingon nguni't wala talaga, ahhh sinabihan ko pamong hampaslupang-asungot si Kyle, tsk naiinis ako sa sarili ko.
Naupo na lang ako sa may tabi ng gate, napagod ako kakatakbo para sana maabutan ito pero wala, kaya nagpahinga na muna ako.
"Alam ko hahanapin moko." nagulat naman ako sa aking narinig, kilala ko ang boses nito lalo na ang pabango niya.
Agad akong lumingon sakanya at nakangiti lang ito sa akin. Agaran ko naman itong niyakap, abnormal kasi ito eh, tinotopak na lang ng hindi ko alam.
Wala akong pakelam sa mga nakatingin sa amin, kahit ano man ang isipin nila. Basta gusto ko lang yakapin si Kyle, nahihiya kasi ako sa inasta ko kanina eh, kinain niya naman pala yung binili ko.
"Hindi kaba nahihiya? Ang daming nakatingin oh, baka ano isipin nila bahala ka." saad naman nito, alam kong nakangiti ito.
"Oh edi wag." sagot ko naman at saktong kakawala na ako ng biglang eto naman ang yumakap sa akin, mas mahigpit naman ang ginawa niya.
"Sobra ka naman at kakawala kapa talaga, inaway mo na nga ako kanina eh." tonong pagtatampo pa nito, medyo nahiya naman ako sa reaksyon ng mga istudyante sa posisyon namin ni Kyle.
"Ikaw kasi eh, bigla bigla ka na lang hindi namamansin, napano kaba ha? Tinopak ka nanaman ata eh." saka ako kumawala at pinitik ko ang daliri nito.
"Arayyy...." agad na sabi nito, halatang nasaktan ahaha.
"Oh amina ikikiss ko." saad ko rito na kunyaring naaawa.
Agaran naman nitong inilapit sa akin ang kanyang kamay tanda na pinapakiss niya nga ito, saglit naman akong napatulala sa ginawa nito at ganun din siya, malamang nahiya siya sa kanyang ginawa.
Dahan-dahan niya itong inilayo sa akin, alam kong nahihiya naman ito.
"T-ara na nga!" inis nitong sabi, haha isip bata talaga, saka naman ito tumayo.
"Anong tara? Eh uuwi ako tapos magtatrabaho pa ako." sagot ko naman rito.
"Woops! I'm your boss, so okay lang kung mag-absent ka." pagngiti nito, at tinataas-baba pa nito ang kanyang mga kilay, lihim naman akong natatawa rito.
"At bakit naman ako mag-aabsent? gusto mong natanggal ako sa trabaho no?" tugon ko naman rito.
"Ako nga boss mo, tapos boss mo din si mama so wala kang problema, oh ano tapos?" nakukulitan nitong balik sa akin.
"Eh bakit nga ako mag-aabsent? eh wala naman akong gagawin eh kaya magtatrabaho na lang ako." tugon ko rito, ang kulit ni Kyle.
"Sasama ka nga sa akin! Diba tinatanong mo kung bakit na lang ako biglang nagiging ganun sayo? tapos sabi mo tinotopak pa ako, kaya tara ipapaliwanag ko sayo." mabilis naman nitong sagot, na talagang may posturang nagmamadali at naiinis pa, haha nakakatawa siyang tignan.
Ipapaliwanag? nge? ano kaya yun?
"Hindi mo ba pwedeng ipaliwanag dito? at talagang sasama pa ako sayo?" natatawang sabi ko naman rito.
"Ahh Justin nakaka-inis ka, tara na." saka naman ako hinila nito, nagulat naman ako sa ginawa nito, napatingin naman ako sa mga istudyante at natatawa naman sila sa aming dalawa ni Kyle.
Sumakay kami ng kotse niya at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Makalipas ng ilang minuto ay nasa isang park kami, tahimik na park, mahangin at presko, napaka-tahimik dito. Peace,.. yan ang naisip ko.
Na-upo kami sa ilalim ng puno, bigla naman itong nagseryoso.
"Justin?" ninerbyos naman ako sa tono ng boses nito, seryoso nga ang bata.
Hindi na ako nagsalita, gusto ko na munang makinig at malaman kung bakit nga naman bigla nalang akong hindi pinapansin nito.
"I don't think this is the right time pero,.." saad nito, talagang binitin pa ako.
"Gu,.. g-gusto kasi,.." naputol nanaman ito, mas lalo naman akong ninerbyos at ewan ko kung bakit?
"Justin gusto k,..."
Another suggestion, sa middle part ma cha challenge si Kyle because of Marvs. kasi hinde niya na klaro kay Justin abt his true feelings at same token mabilis si Marvs pero Kyle will push his effort to win for Justin. How do u like it? - Mr. Suggestor
ReplyDeleteLet the author create his own plot/story.
Delete-mr. Reader.
Why dont you write your own story mr. Suggestor?
DeleteMaraming salamat po sa suggest, pero may nakapag-bigay na po sa akin at naisulat ko na po, sa chapter 7 ang problemang gigimbala hehe. Again, thank you po. :))
ReplyDeleteAddition, guys be ready po sa Chapter 6 ha? kahit po ako hindi ko alam ang pinagga-gawa ko sa chap6 haha. Thanks, sana kinilig po kayo sa chapter na ito kahit papaano. :))
ReplyDelete- Angelo (author)
Kiligggggg! Napaka-light ng kuwento. At agree din ako kay Mr. Suggestor. Magandang conflict yung may love triangle sila Justin, Kyle, at Marvs. ~Ken
ReplyDeletekelan poh release ng chapter 6..
ReplyDeletekaka kilegzzz..