Unang-una, SORRY (ulit) sa sobrang delay ng update na 'to. May pinagdadaanan akong something personal, and medyo busy na sa school dahil patapos na ang semester. :(
Maraming Salamat dahil may mga nagbabasa pa pala nito. I love you, guys. You inspire me a lot. Keep the comments coming. :)
Without further ado, here's Chapter 20.
Happy Reading!
--
Chapter 20
“Hi, kuya.” bungad sa akin ng taong kinita ko
ngayon. Kasalukuyan akong nasa loob ng isa sa mga restaurants sa loob ng
unibersidad na pinapasukan niya, dahil mas minabuti kong doon na lamang siya
kitain para naman hindi na ako gaano makaabala pa sa kanya. Ang pagpayag niya
sa alok ko ay tatanawin ko ng utang na loob, gawa ng alam ko na busy ang
schedule ng taong kaharap ko ngayon.
“Hey. Kamusta? Nasaan si...” tanong ko, ngunit
pinutol niya agad ang sasabihin ko. “Wala. May klase.” ramdam ko ang
pinaghalong irita at tampo sa boses niya nang sabihin niya iyon sa akin.
Nagtaka ako, ngunit mas nangibabaw ang tuwa sa akin dahil sa inaakto ng taong
kaharap ko. “Uy, LQ kayo?” pang-aasar ko na siyang ikinakunot ng noo niya.
“Oo.” walang kagatol-gatol na sagot nito. “Okay, ano bang nangyari?” tanong ko,
dahil kahit papaano ay gusto ko rin namang ma-resolba kung anumang gusot ang
meron sa relasyon nila sa kasalukuyan.
“Kuya Gab, sino ba namang boyfriend mo ng
tatlong taon ang makakalimutan ang monthsary niyo? Naiinis ako, Kuya Gab!”
paghihimutok nito. “At saka masyado na siyang busy sa eleksyon na ‘yan! Wala na
siyang time para sa akin. Idagdag mo pa na magkaiba ang course namin kaya naman
madalang na kami nagkikita... tapos ngayon may lumalandi pa sa kanya.” iritable
niyang litanya sa akin. “Heto ako, kahapon dinalhan ko siya ng lunch sa
classroom niya, tapos bigla ba naman akong sinabihan na kesyo kumain na daw
siya, na busog pa daw siya, at sana hindi na daw ako nag-abala. Tapos nagcancel
pa siya sa date namin kahapon, kuya. Pakikaltukan nga ‘yang bestfriend mo,
please?!” dagdag niya pa.
Natawa ako.
“Bakit ka natatawa? Walang nakakatuwa, Gab.”
sabi niya sa akin. Medyo kinabahan naman ako dahil marahil ay may tinamaan ako
sa loob niya. Napansin ko kasi na inaalis niya ang “kuya” sa pangalan ko kapag
seryoso na siya. “Ang cute mo.” komento ko. “Matagal ko ng alam ‘yon, okay?
Huwag mong ibahin ang usapan, Gab. Ewan ko, pero nasasaktan na talaga ako sa
pagbabalewala niya sa akin. Pakiramdam ko tuloy napag-iiwanan na ako, idagdag
mo pa ‘yung lumalandi sa kanya.” pagpapatuloy niya.
“Ano bang meron doon sa lumalandi sa kanya?
Sigurado naman akong mas gwapo ka doon.” pahayag ko. Parang lalo siyang
nagpuyos ng galit dahil sa sinabi ok. “Kuya, babae ang lumalandi sa kanya. Alam
naman niyang may boyfriend na ‘yung tao, kung makadikit parang linta.” saad
niya. “Tapos ito namang bestfriend mo, parang gustong-gusto pa. Tuwang-tuwa pa.
Alam mo ba minsan sinama niya ‘yon sa isa sa mga date namin? The nerve, ‘di
ba?... Gab, natatakot ako.” doon ay na-sense ko ang matinding kalungkutan sa
boses niya.
Naudlot ang dapat kong sasabihin nang i-serve
sa amin ng waiter ang mga inorder naming pagkain.
“Mahal mo ba siya?” tanong ko sa kanya.
“Kuya naman. Anong klaseng tanong ba ‘yan?
Magkaka-ganito ba ako kung hindi?” balik niya sa akin.
“Iyon naman pala, eh. Then dapat
pagkatiwalaan mo siya. Kilala ko si Josh. Kilala mo siya, of all people, and
alam natin pareho na hindi siya ganoong klaseng tao.”
“Pero kuya kasi... ang hirap nitong ginagawa
niya sa akin, eh.”
“Intindihin mo muna ‘yung tao. And tinanong
mo na ba siya tungkol doon sa babae?”
“Well, hindi
p—“
“See? Huwag ka padaskol-daskol. Baka mamaya
dahil diyan mag-away talaga kayo. Simpleng bagay lang kaya huwag mong patulan.”
“B—“
“No buts! Matt, hindi gagawin sa’yo ni Josh
iyon. Alam kong mahal na mahal ka noon... pinagpalit nga niya ako para sa’yo,
eh.” pagkadulas ko.
Oops,
awkward.
“Uhm, yeah, that’s not the point, pero alam
mo huwag kang ma-paranoid, Matt.” pagtatapos ko dahil baka kung anu-ano pa ang
masabi ko.
Natahimik siya at nginitian ako.
“Ang lalim mo talaga, kuya. Kaya idol kita,
eh hehe. Ambunan mo naman ako ng pagkalalim mo.” biro nito. “Buti na lang rin
niyaya mo akong makipagkita, at least nalabas ko rin ‘to... Eh maiba ako, bakit
mo nga ba ako gustong makita?” tanong niya, bago simulang lantakan ang inorder
niyang tempura.
At ngayon ay ako naman ang natahimik.
“Tungkol ba ‘to kay Justin?” tanong niya na
siyang ikinabigla ko.
“Uhm, yeah.” sagot ko na siyang
nakapagpa-iling sa binata. “Tama ako, no? Niloko ka lang niya?” tanong niya sa
akin. Tumango ako bilang tugon. “Kuya, dapat talaga napigilan ko siya, da—“
pagsisimula nito ngunit inunahan ko na agad siya. “Don’t even go there. Matt, I
don’t blame you for anything, okay? I just... I haven’t told anyone. The thing
is, nagka-confrontation kami, and what he said really confused me... hanggang
ngayon, nalilito pa rin ako.” sabi ko sa kanya.
Wala siyang sinabi kaya naman kinuha ko iyon
bilang senyales na magpatuloy.
“Umamin siya na niloko lang niya ako, pero
Matt kaya ako nalilito kasi parang... totoo ‘yung mga sinabi niya after ko siya
mapaamin.” sabi ko sa kanya. “Ano ba sinabi ni Justin, Gab?” si Matt. “Na...
mahal daw niya ako, at sobrang pinagsisisihan na daw niya ‘yung ginawa niya sa
akin. Matt, I felt his sincerity, nakita ko how vulnerable he was, kung gaano
siya ka-unguarded noong panahon na iyon. I did some thinking the past few days
and that is what I came up with. Nagpalimig muna ako ng ulo. Hindi ko hinayaan
na lamunin na ako ng galit, oo nasaktan ako... pero may something sa akin na
nagsasabi na, ewan... bigyan ko siya ng chance?” pagtatapos ko.
“Oh...” ang nasabi lamang ni Matt.
“Ano sa tingin mong dapat kong gawin?” tanong
ko sa kanya.
“Mahal mo ba siya, Gab?” tanong niya sa akin.
“Hindi ko alam, pero may nararamdaman ako sa
kanya. Kaya ko siguro hindi ko siya minahal ng tuluyan kasi iba ‘yung tao n—“
at natigilan ako sa dapat kong sasabihin.
Oh no.
“Kuya Gab, okay ka lang?” tanong niya, halata
ang pag-aalala sa boses niya.
--
Flashback.
“Gab.” sabi
ng boses. Nang marinig ko ang boses niya ay hindi ko maiwasang manigas,
matakot, mainis, mangulila, makaramdam ng galit, at kung anu-ano pang pinagsama-samang
mga emosyon. Hindi ko alam ang gagawin ko. Oo, hindi pa ako sigurado kung totoo
man ang sinabi sa akin ni Justin patungkol sa kanya, ngunit ayoko mang aminin
ay malaking bahagi ng sarili ko ang nagsasabi ng oo—at iyon ang hindi ko
matanggap at ang katotohanang pilit kong iniiwasan.
“Caleb.
Anong atin?” kaswal na sagot ko sa kanya.
“Gab...
iniiwasan mo ba ako?” malungkot na tanong niya.
Natigilan
ako.
“Hindi, ano
ka ba? Bakit mo naman naisip ‘yan?” pagsisinungaling ko. Dahil sa inaakto nito
ay hindi ko maiwasang hindi magtanong sa sarili ko kung lahat ba ng pagtratong
pinakita at pinapakita ngayon sa akin ni Caleb ay pawing mga palabas lamang.
May naramdaman akong sakit sa aking puso nang ma-realize ko ang posibilidad na pagkukunwari
lamang lahat ng iyon.
“Wala, kasi
nire-reject mo lagi ‘yung mga tawag ko, and hindi ka na umuwi. Ang tagal mo ng
wala dito.” ramdam ko ang lungkot sa boses niya, ngunit gaya nga ng sabi ko ay
dapat hindi ako magpadala dahil baka niloloko lamang niya ako.
“Ah, busy kasi
ako.” sabi ko sa kany bilang pagdadahilan.
“Pumunta ka
dito, ah. Kapag hindi ka pumunta dito bukas ibig sabihin noon may galit ka sa
akin.” pagbabanta niya.
“B-but—“
“No buts!
Bye, Gab.” pagputol nito sa akin.
And the line
went dead.
--
“Gab, stop spacing out.” pagkuha ni Matt sa
atensyon ko na nakapagpabalik sa akin sa realidad. “Uhm, sorry may naalala lang
ako. Where were we again?” tanong ko dito. Napabuntong-hininga ito. “Tinatanong
kita kung mahal mo si Justin, sabi mo may nararamdaman ka sa kanya, tapos bigla
ka na lang nagspace-out.” saad nito. “Gab, kung may problema ka huwag kang
mag-alinlangang sabihin sa akin, ah.” paalala nito. Tumango ako, ngunit mas
pinili kong manahimik na lamang dahil sadyang hindi ko matanggap sa sarili ko
ang mga bagay na naiisip ko sa kasalukuyan.
“Hmm, sige. I have an idea.” pahayag niya.
Napansin ko naman na kanina pa pala niya naubos ang kanyang pagkain ngunit nang
datnan ko ang pinggan ko ay nakita kong hindi ko man lang ito nagalaw. “Ano?”
tanong ko dito.
“Pero dapat muna kitang tanungin, Gab...
Handa ka bang patawarin siya?” tanong niya sa akin.
“Uhm, siguro naman through time magagawa ko
rin iyon.” pahayag ko, which is the truth. Humupa na rin naman kahit papaano
ang galit ko kay Justin dahil na rin sa napagisip-isip na rin naman ako. At
kung totoo man ang sinabi nito patungkol kay Caleb ay medyo nabawasan na ang
pagkagalit ko dito dahil in the first place naman pala ay hindi ito ang
nakaisip ng masamang planong iyon laban sa akin.
“And lastly, if totoo ngang mahal ka niya,
handa mo bang buksan ang puso mo para sa kanya?” tanong ni Matt na siyang
ikinagulat ko.
“I know what you’re thinking, kuya. Dapat ‘di
ba galit ako kay Justin dahil sa ginawa niya sa’yo? Pero sa pagkakakilala ko
doon sa gagong ‘yon, hindi naman niya sasabihin sa’yo lahat ng iyon kung
niloloko ka lang niya. Maybe this time,
totoo na... na baka natutunan na niya ang leksyon niya. Kaya nga kakausapin ko
siya, eh.” sabi niya sa akin.
“Huwag na.” pagtutol ko.
“I insist. Dapat malaman natin kung totoo nga
lahat ng sinabi niya. Sayang naman, malay mo siya na pala talaga. Baka
nagbibiro lang si tadhana sa nangyari, pero malay mo iyon na pala ang paraan
niya para mas maging malapit at matatag kayo sa isa’t-isa.” makahulugang sabi
nito.
Katahimikan.
“Kaso Matt... may problema pa, eh.”
pagsisimula kong muli.
“Ano ‘yon?” concerned na tanong niya sa akin.
“Sabi kasi ni Justin... ‘yung half brother ko
daw ‘yung... ‘yung nag-utos sa kanya na lokohin ako.” pahayag ko na siyang
ikinalaki ng mata ni Matt.
“Whoa. Ganoon ba talaga ka-gago ‘yung kapatid
mo? Wala siyang puso.” mapait na pahayag ni Matt.
“Actually, noong una ayaw talaga niya sa
akin, and then nagkasundo na talaga kami nito lang. Humingi siya ng sorry after
siguro isang buwan kong pagtira sa kanila... and then boom. Nalaman ko ‘to.”
pahayag ko bago bumuntong-hininga. It finally felt good telling someone,
pakiramdam ko kasi ay sasabog na talaga ako. Hindi ko lamang akalain na sa lahat ng tao na pwedeng pagsabihan ay si
Matt pa ang napili ko.
“Kausapin mo rin ‘yon. Malay mo naman
pinatigil na niya, pero itong gagong si Justin pinagpatuloy pa rin.” diretsong
pahayag ni Matt.
“Bakit... ang bait mo? You always see the
positive side in every situation.” hindi ko mapigilang itanong.
Natawa ito ng mahina.
“Kuya Gab, hindi ako mabait. It’s just
that... kahit sino sa atin deserve ang second chance.” sagot niya.
--
“Trisha, uuwi muna ako.” sabi ko dito habang
nanood siya ng paborito niyang series at nilalantakan ang isang pint ng ice
cream. “Akala ko ba nagpapapayat ka?” pang-aasar ko dito. Sumimangot ito at
binato ako ng unan. “Go away! Umuwi ka na sa inyo!” protesta nito na siyang
ikinailing ko na lang. “I’ll be back by 11:00 or earlier.” sabi ko dito.
Binigyan niya lamang ako ng middle finger, pero alam ko namang nagbibiro lamang
ito ay ayaw maabala kaya umalis na ko.
Habang tinatahak ko ang daan pauwi ng bahay
namin ay hindi ko maiwasang kabahan sa posibleng kahantungan ng mga pangyayari
kapag nagkita kami ni Caleb. Alam kong marami akong gustong sabihin sa kanya,
ngunit alam ko ring hindi pa ako handa. Ayoko pang malaman ang katotohanan na
niloko lamang niya ako, na ginamit niya si Justin upang paikut-ikutin ako ayon
sa kagustuhan niya. Ngunit ang ikinababahala ko ay ang nararamdaman ko para sa
kanya.
Stop overthinking,
paalala ko
sa sarili ko.
Iniisip ko na lamang na kung hindi pa ako
handa ay kailangan kong isipin ang sarili ko. Hindi ko ipipilit na pag-usapan
ang nangyari kung wala naman siyang sasabihin ukol dito. I just need to get
this dinner over with and then I can go back to the safety and comfort of
Trisha’s condo. Kailangan ko lang mairaos ang gabing ito at alam kong magiging
okay na rin ako.
Nang malapit na ako sa village namin ay
naisipan ko munang dumaan sa isang coffee shop para bumili ng maipapasalubong
ko sa pamilya ko. Ngunit naisip ko ring magagamit ko rin ito to stall some
time. Kaya naman binagalan ko ang lahat ng aking kilos hanggang sa mabili ko
ang isang buong cake na iuuwi ko mamaya sa amin.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, habang
papalabas ako ng coffee shop ay nakasalubong ko ang isang taong hindi ko
inaasahang makikita ko pa kahit kailan.
“M-ma?!”
“Gab!” nabigla rin ang tono ng boses niya.
Katahimikan.
“Anong ginagawa mo dito?” kaswal na tanong
niya. Pinilit kong huwag magpakita ng kahit anumang pagkabigla. Ayokong
mahalata niyang mabigat para sa akin ang tagpo naming iyon.
Ayokong mahalata niyang mahina ako.
“Papauwi na rin po. Binilhan ko lang po ng
pasalubong ‘yung mga... tao sa bahay.” sagot ko.
“Nagmamadali ka ba?”
Tiningnan ko ang orasan ko at nakita kong
marami pa namang oras. Sa loob-loob ko ay nakipagdebate ako sa sarili ko kung
hahayaan ko bang magkausap kaming dalawa ni mama o gagawa na lamang ako ng
dahilan para makaalis na agad at takasan ang kasalukuyang sitwasyon. Ngunit
naisip kong dapat bawasan ko na lahat ng mga bagay na pinoproblema ko at dapat
ay magpakalalaki ako at maging matapang at harapin ang lahat ng mga problemang
iyon.
“Maaga pa naman po.” sagot ko.
“Pwede bang mag-usap muna tayo?” tanong nito.
Tumango ako. Sinabi niya sa akin na bibili
lamang daw ito ng kape at babalik agad. Hindi ko rin napansin ang mabilis na
pagtakbo ng oras, dahil pagbalik ko mula sa sandaling pagkakalingat ay nakita
kong papalapit na si mama sa akin at may dala-dalang tray na naglalaman ng
dalawang kape. Muntik na akong maluha dahil nakita kong dala-dala nito ang
paborito kong flavor ng frappe na madalas kong pinapabili sa kanya tuwing
nagpupunta kami sa lugar na ito.
Umupo ito at nginitian ako bago magsalita.
“Kamusta ka na, anak?” pagsisimula nito.
--
“Basta,
tatandaan mo. Kung gusto mong bumalik sa akin, okay lang. Anak pa rin kita...” hanggang sa
makarating ako sa harapan ng bahay namin ay paulit-ulit kong naririnig ang
linyang iyan ni mama na parang sirang plaka. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa
rin ang yakap niya. Halos pigilan ko ang sarili kong maiyak sa harapan nito
dahil ayokong makita niyang miserable ako at mahina. Gusto kong makita niya na
matatag ako at kaya kong harapin ang ginawa niya sa akin. Hindi ko alam kung
anong dapat mararamdaman ko sa naging usapan namin ni mama.
Unang-una ay gulat na gulat ako sa biglaan
naming pagkikita. Halata rin naman sa kanya na hindi niya inaasahang magtatagpo
ang mga landas namin ngayong gabi. Ikalawa ay naramdaman ko ang pangungulila
para sa kanya. Kasi aaminin ko, kahit pa malaki ang galit ko sa ginawa niyang
pagpapalayas sa akin ay hindi ko ikakailang na-miss ko siya. Siya ang kasama ko
buong buhay ko kaya naman naging malaking dagok para talaga sa akin ang
mahiwalay sa kanya. Ikatlo ay nalulungkot ako dahil hindi niya ako pinilit na
bumalik sa kanya. Napaisip tuloy ako kung mahal ba niya talaga ako dahil hindi
na niya ako pinaglalaban ngayon mula kay daddy. Hindi rin kasi siya nagsorry sa
ginawa niyang pagpapalayas sa akin. Ngunit higit sa lahat ay natutuwa ako,
dahil wala na akong nakikitang galit sa kanya, at hinayaan na niya akong
magdesisyon para sa sarili ko. Kaya nam—
“Sir!”
“Huh?!” gulat kong pahayag, dahilan ng
pagkawala ko mula sa mga bagay na iniisip ko.
”Hay, eto talagang si Sir, kanina ka pa po
nakatulala diyan.” natatawang saad ni Ate Jen. “Halika na po. Nang makakain na
po kayo.” pagyaya niya sa akin na siya kong sinundan.
Pagpasok ko ng bahay ay nagulat ako nang
madatnan kong papalabas na rin ng bahay sila papa at Tita Audrey. “Dad, Tita.”
pagbati ko sa kanila. Nagmano ako sa kanila pareho, at si Tita Audrey naman ay
binigyan pa ako ng isang mahigpit na yakap. “Buti naman at nagpakita ka na.”
saad ni papa, ngunit wala naman akong galit o inis na naramdaman sa boses nito;
sadyang sinabi lamang niya iyon dahil siguro ay iyon ang nasa loob niya. “Sorry
po, naging busy lang po talaga.” pagdadahilan ko.
“This is bad timing, Gabriel. May emergency
meeting kami ng papa mo sa Makati. Doon na rin kami kakain, but I’m glad
nagpang-abot tayo. Na-miss ka namin.” ngiting pahayag ni tita Audrey. “Okay
lang po, tita. Para namang hindi na ako babalik kung makapagsalita kayo.” biro
ko dito. Natawa naman sila pareho. “Sige, mauna na kami ng tita mo. It was nice
seeing you again, anak.” sabi ni papa. “You too. Ingat po kayo.” sabi ko at
binigyan ko sila ng daan palabas ng pinto.
“Ay nga pala!” biglang bulalas ni tita na
siyang dahilan para mapalingon akong muli sa kanila. “Your brother has good
news!” ngiting-ngiting sabi ni tita na parang isang teenager na kilig na kilig.
“I’m sure matutuwa ka kapag nalaman mo. Anyway, mauna na kami.” dagdag ni papa.
Nagpaalam akong muli sa dalawa at tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay.
Kinakabahan ako. Lalo na nang sabihin ni tita
ang tungkol kay Caleb. Ngayon kasi ay bumalik na naman sa akin ang realidad na
kailangan ko siyang harapin. Hindi ko nga lang alam kung itong gabi ba na ito
ang tamang oras o pagkakataon para gawin iyon. Ang isa pang bagay na
bumabagabag sa akin ay hindi ko alam kung ano dapat kong gawing pagtrato sa
kanya.
Habang nagmumuni-muni ako ay bigla akong
nakaramdam ng isang pares ng mga braso na biglaang lumingkis sa baywang ko.
Napaigtad ako dahil sa yakap na iyon. Ibinaling ko ang ulo ko patalikod at
nakita ko na lamang ang isang pares ng mapupungay na mga mata na dati ko pang
gustong pagmasdan. Nakita ko rin ang maamo nitong mukha at ang maluwag na
ngiting naka-ukit sa labi nito.
“Hey, Gab. Na-miss kita.” masuyong sabi ni
Caleb.
Parang tumigil ang oras dahil sa nangyari.
Nang mapagtanto ko ang ayos naming dalawa ay
agad akong umiwas dito. “Ano ba? Adik.” pagbibiro ko at tuluyan ng tinanggal
ang mga braso ni Caleb mula sa katawan ko. Napakamot naman ito ng ulo at
natawa. “Hehe, sorry naman. Na-miss lang kita. Ang tagal mo kayang nawala. Wala
akong makakwentuhan dito.” pahayag nito. Dito ko na-sense na parang may iba nga
kay Caleb, na parang naging mas masaya ang aura nito. Napansin ko din ang ayos
niya. Naka-sando ito at naka-short, ngunit may nakapatong na apron dito.
Napansin ko din na may ilang marka ng harina sa mga pisngi nito. Sobrang kisig
ng tanawing nasa harapan ko ngayon.
“Si Selah?” pag-iiba ko ng usapan dahil
tumutungo na naman ang utak ko sa mga lugar na hindi nito dapat puntahan. “Ahh,
magssleep over sa kaklase niya. May report ata, ewan.” sagot nito. Kinabahan
naman ako dahil na-realize ko na ang ibig sabihin nito ay kaming dalawa lamang
ang tao ngayon sa bahay. Pagkakataon ng naman.
“Ahh, sige Gab. Magpahinga ka muna. Tatapusin ko lang ‘yung dinner.”
ngiting pahayag nito. Narinig ko namang napasambit ito ng “Oh, shit!” bago siya
makapasok sa kusina. Naisip ko na malamang ay nasunog ang niluto nito o kung
anu pa mang dahilan.
For some reason ay panandaliang nawala ang
mga agam-agam ko kay Caleb dahil sa nangyari.
--
“Oh, kain ka na.” pag-alok sa akin ni Caleb.
Nagmukha naman akong tanga dahil sa dami ng iba’t-ibang putahe sa table na
sobra-sobra para sa dalawang tao lamang. “Ang dami kong kwento sa’yo!”
maligalig na pahayag niya. Naninibago talaga ako dahil sa ayos niya ngayon. It
seemed like he really missed me at excited na excited siya sa mga bagay na
ikinukwento niya. Ngunit at the back of my mind ay hindi pa rin maalis sa akin
ang nalaman ko mula kay Justin.
Don’t even
go there.
“Whew, Gab. Akala ko galit ka talaga sa akin
kaya hindi ka umuuwi. Buti naman hindi kasi nandito ka.” ngiting-ngiting sabi
sa akin ni Caleb.
“Bakit naman ako magagalit sa’yo? Wala namang
dahilan para magalit ako sa’yo, ‘di ba?” tanong ko dito na siyang dahilan para
panandaliang manigas ang katawan nito. At doon ko lang na-realize ang possible
meanings ng sinabi ko. It was unintentional, but I may have struck a chord or
two.
“Wala, syempre.” sagot nito.
Katahimikan. Nagpasya akong tikman muna
lahat-lahat ng niluto ni Caleb. Masarap.
“Oh, kamusta ka naman? Di ba nakikitira ka
kay Trisha? Umamin ka nga, girlfriend mo ba ‘yon?” tanong nito.
Tumawa ako at sinagot ko siya. “Hindi,
ah. Close lang talaga kami.”
“Ahhh.” ang nasabi na lamang niya.
Nagkwento pa ito hanggang sa parang naubusan
na ito ng mga ikkwento kaya muling nanaig ang nakakabinging katahimikan sa
paligid naming dalawa.
“Kainin na nga pala ‘yung dala kong cake.”
suhestyon ko dahil naiilang na talaga ako sa pakiramdam ng paligid ko. Ngumiti
ito at binuksan ang dala kong kahon. Kinuha rin niya ang kampit na kanina pa
nakatengga sa tabi ng kahon. Nilagyan niya ako ng isang slice habang siya naman
ay bumalik sa pagkakaupo.
“Ayaw mo?” takang tanong ko.
“Uhm, Gab... I’m diabetic.” sagot nito na
siyang ikinagulat ko.
“What? Really?” ‘di ko makapaniwalang tanong
dito. Tumango lamang ito.
“Sorry. Hindi ko alam. Had I known, I would’ve
bought something different.” paghingi ko ng paumanhin.
“Okay lang, Gab. I really appreciate this.
Thanks. Tikman ko na rin pero konti lang, ah.” natatawang sabi nito.
Bigla ko namang naalala ang sinabi ng mama
niya kanina.
“Nga pala, ano ‘yung sabi ng mom mo na may
good news ka daw?” tanong ko dito.
Napansin ko ang pagkagulat niya, at for a
moment ay napansin kong tila nanamlay ito ngunit naisip kong baka guni-guni ko
lamang iyon dahil agad-agad din namang bumalik ang sigla nito.
“Ahh, iyon ba?” Uhm...”
Naghintay ako.
Ngumiti ito.
Hindi ko inasahang isang bomba ang
papasabugin ni Caleb sa harap ko.
“Gab, kami na ni Sari.” sabi niya.
--
Itutuloy...
nakakamiss nga itong story mo mr. author inaabangan ko tlaga ito. ano na kya kahahantungan ng lovelife ni Gab. and one thing kung anoman pinagdaraanan mo sa ngayon mr. author mlalampasan mo rin yan be strong and adk for God's guidance. tnx sa update
ReplyDeleterandzmesia
Cool. Maganda pa din ang kwento. Hehe. Ok lang kahit sila na ni sari. I like justin for gab. Totoo kasi sya aa sarili nya. Lol. Thanks mr. Author.
ReplyDeleteSyempre isa ako sa nag aabang nito. Nice to read again your updates and good job mr. Author
ReplyDeletethanks s update. namis ko to, hehe. Sino kaya si Sari?
ReplyDeletebharu
Namiss ko tong chapter na to! Bitin na naman! Pero magaling as usual. Excited na po sa banging chapter. Tsaka kung ano man yang pinagdadaan mo, sana malampasan mo yan. Kaya mo yan. Sana tapusin mo rin itong series. Isa talaga to sa sinusubaybayan ko. ~Ken
ReplyDeleteTy po sa update mr author *.*
ReplyDeleteRan~
Bitin big time. Today I decided n gab caleb nq. He he he. Tanx Mr Author
ReplyDeleteNakakamiss tong kwento nato. Kaso maiksi ata ang update ngaun? Sana dalasan yung update. Haha maganda padin yung flow ng story. :)
ReplyDeleteGab & Trisha, finally!
ReplyDeleteWow, ang ganda ng kwento, pero di ko nabasa yung unexpexted, di ko kasi mahanap, may nakita ako pero sa malayong chapter na, wew. Kahapon ko lang nadiscover tong blog, Musmos story brought me here. Thank God. Mr. Author pahelp naman po. Phinge ng link ng the unexpected. Thanks =)
ReplyDeleteHi! Here are the first 2 chapters (note that sobrang iba ng atake ng story na 'to kaysa sa Untouchable hehe. Mas light 'tong Unexpected):
Deletehttp://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2013/05/unexpected-chapters-1-2.html
Ito 'yung archive: http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/search/label/Unexpected
Maraming Salamat!
Baka ma-push 'yung next update next week pa. Hindi ko na kasi alam kung saan isisiksik 'yung oras ko para dito. Literal na sobrang daming ginagawa sa school. Sana maintindihan niyo.
Salamat!
Thanks Mr. Author! But before ko pa nakita yung reply nyo sa comment ko nag explore na ako at napunta ako dun sa archive kanina siguro mga lunch time. Nahanap ko dun yung lahat ng chapters ng unexpected. And I must say, Ang ganda talaga ng story, sobra wala akong masabi. Kakatapos ko lng bsahin yun ngaun kasi sinadya kong tapusin lahat kahit mag 3:00AM na ngaun. wew. Thanks ulit Mr. Author
Delete- GG
P.S. Mr. Author. Aabangan ko talaga tong Untouchable! Thanks! Mwah! =)
ReplyDelete-GG
tagal ng update.. update na pls mr author
ReplyDeletemr author dapat dalawang chapters na ang update pagbalik neto tutal bakasyon na ng estudyante at tapos na mga school works mo. pambawi sa mga linggo na walang update
ReplyDeleteDapat tapusin mo na ito mr author para hindi tumagal ang update thnks!
ReplyDeleteKailan po ito matatapos para hindi tumagal ang update?
ReplyDeleteSana si Gab at Trisha ang magkatuluyan saFinale. Bagay na bagay pa sila. Isang pogi at hot chick.
ReplyDeleteNASAN NA ANG NEXT CHAPTER????!!!! ipapahunting kita sa UP. hahaha
ReplyDeleteTapusin mo na lang ang story kesyo mag antay ng matagal mr. Author.
ReplyDeleteHintay lang daw dahil may finals pa ang author. Matuto tayong rumespeto. May sarili naman yamg buhay bukod sa pagsusulat.
ReplyDeleteOo nga he'sdoing his best. Be patient mga ateng. Ano ba yan!!
DeleteMr Author make Gab and Trisha sa ending like what Anon@7:09 am said.
ReplyDeleteMr. Boo
Si Trisha ang nag effort para mag reconciled ai Gab at ang Dad . Siya ang gumanti kay Justin in behalf of Gab. She deserves to be with Gab at the end .
ReplyDeleteE ano ngayon! pakasalan mo na lang si Justin Ha-ha-ha
Deleteano na author? isang buwan na ah. tapos na school year. please naman o! magpost kna! please!!!
ReplyDelete