Followers

Wednesday, March 5, 2014

The Tree The Leaf And The Wind 5: Smile


The Tree, The Leaf, and The Wind
Chapter – 5
“Smile”
By: Jace Knight

Author’s Note:

Maraming Salamat sa lahat ng nag-express ng kanilang reaction tungkol sa storyang ito, mapa-comment, emails, FB pm’s. Salamat, salamat. Negative or positive, welcome lahat sa akin. As always you guys can send me an email at jaceanime@gmail.com ,at fb https://www.facebook.com/jace.pajz. Enjoy! :)


===================================




== The Leaf ==

“They were so full of.. Basta, you already promised me. Sinisingil ko lang yun.” What? He was staring into my eyes? Pero bakit?

“Just leave me alone Ramirez.” Walang kagana-ganang sagot ko.

“Yui na nga lang. Jayden na nga tawag ko sa iyo eh.” Humarap siya sa akin at binigyan ako ng ngiting nag-aanyaya sa aking ngumiti rin. Pero nagmatigas pa rin ako. “Alam mo, nawawala ang cuteness mo pag ganyan ka palagi.” Namula naman ang mukha ko sa tinuran niya. Dali-dali ko itong tinago at niyakap ang mga tuhod ko.

Hindi ako nakasagot sa kanya. Sa lahat ng sinasabi niya sa akin, naalala ko si Karin. Asan na kaya ang pinaka-unang babaeng minahal ko? Mahal ko pa rin ata siya.

Hindi ako makamove-on sa pagkawala niya. Pano naman? Sa lahat ng tao, siya lang ang nagtyagang pangitiin ako noon. Siguro sinumpa na ako ng langit na magdusa habang buhay. Una si mama, sunod si Karin. Life is so unfair.

Maya-maya, sumabog na ang kinikimkim kong kalungkutan. Hindi ko na napigilang wag umiyak sa harap ni Ramirez. Sa kaka-isip ko, hindi ko namalayan ang paglipat ng upo ni Yui sa tabi ko, habang humihikbi na ako sa sakit ng pusong nararamdaman ko.

“Sige, iiyak mo lang yan. Pero dapat, sabihin mo sa akin kung ano nararamdaman nito ha?” At hinawakan niya ang dibdib ko. Parang ganito lang ang ginawa ni Karin sa akin noon. “Trust me. Mas gagaan ang pakiramdam mo pag nailabas mo yan sa akin. And no worries, makikinig ako.” Nagulat naman ako nung isinandal niya ang ulo ko sa dibdib nya.

For the first time, after 2 years, I have felt comfortable crying in front of somebody. Just like when I cried in front of Karin. Sa unang pagkakataon, pagkatapos ng mahabang panahon, nakadama ako ng kapayapaan sa piling ni Yui.

Kaya ko na ba talagang magtiwala sa iba? Kaya ko na bang sumugal at buksan ang aking puso ulit? Pano kung mawala ulit sa akin ang mga taong pinapahalagahan ko? Ayoko ng masaktan ulit. Ayoko ng iwan pa ng aking minamahal. Siguro ito yung mga rason kung bakit kinulong ko ang aking sarili sa kalungkutan. Pero, kaya ko na ba talagang kumawala sa kulungang ginawa ko para sa aking sarili? Tss. EMO-mode na naman ako.

Umiiyak pa rin ako. Ewan ko, parang ang sarap umiyak sa dibdib ni Yui. I feel secured. Parang yung nararamdaman ko lang ng yinayakap ako noon ni Mama, at ni Karin.

“Can I really trust this guy?” Tanong ko sa sarili.

Naramdaman ko naman ang mahihina niyang tapik sa aking likod. Ang sarap lang sa pakiramdam. Para akong nabunutan ng maraming tinik sa puso ko, hindi lahat pero pwede na. Hehehe. Sige na nga, bibigyan ko sya ng chance.

I got off from his shoulders and started wiping my tears. Napangiti lang siya ng nakitang ngumingiti na ako kahit pilit. “Thanks Yoh.” Wait, what? Did I just say what?

“Yoh? A-aah ye-yeah. Of course. Kaibigan nga diba?” At napangiti pa siya ng mas matamis pa. Wow. Ngayon ko lang napagmasdan ang mukha niya. Ang gwapo pala niya. His eyes was blue, pero totoo bang blue yun? “Bakit Yoh? Yun ba tawagan natin? Ang sweet naman.” At napatawa siya.

Napangiti lang ako. Yoh. Yun yung tawagan namin ni Karin dati. This guy reminds me of her. Ang pagiging bibo, ang pagiging makulit, at ang pagiging masarap na hingahan ng sakit ng loob.

“Hoy! Natahimik ka na naman.” Untag niya sa akin na nagpabalik sa akin sa realidad.

“H-ha? Ah oo. Sige, baba ka na. M-m-maliligo lang ako.” Nasabi ko nalang na pilit ngumiti.

“Good. Oh tingnan mo, ang gwapo mo naman pala pag ngumingiti eh.” Sabay kurot sa pisngi ko. “Sige Yoh, antayin ka namin sa baba ni Nanay. Hilod well.” Sabi nya pa. Parang nagso-slowmo lahat ng paligid pag ngumingiti siya. Tumayo na siya at lumabas ng kwarto ko.

“Yoh.” Inulit ko lang ang tawag niya sa akin. Haaay. Ano ba ang nangyari? Tama ba ang pinagagawa ko? Siguro. It’s time to move on. “Salamat Yui.”

Nagshower lang ako tas bumaba na. Naabutan ko lang si Nanay at si Yui na nasa may mesa at masayang nagkukwentuhan. Kitang kita ko ang kasiyahan nilang dalawa. It’s like they’ve known each other for a long time.

Napalingon naman sila sa akin pagkababa ko sa hagdanan. Binigyan ko lang ng pilit na ngiti si Yui. Nahihiya pa kasi ako.

“Oh Yoh. Come, join us. Ready na ang niluto ni Nana.” Sabay ngiti sa akin.

“Oo nga anak. Buti naman at hindi mo na sinusungitan si Yui. Napakabait ng batang ito. Napaka-kengkoy.” Napatawa naman si Nanay. “Maghahain lang ako ha?”

“Y-y-yui..” pagtawag ko sa kanya na ikinalingon naman niya.

“Yes? Wow. Ang sarap pakinggan pag ikaw ang tumatawag sa aking pangalan.” Napangiti naman ako.

“H-ha? A-ah. T-t-tungkol kanina. Sorry ulit h-ha?” Ano ba to? Bakit nabubulol ako?

“Ok lang. Basta bawi ka sa akin ha?” Tawa nya pa. “Lika na, kain ka na tayo. Gutom na ako eh.” Sabi niya ng natapos na sa pagprepare si Nanay.

Kumain naman kami ng magkasabay. Napaka kengkoy pala nito si Yui. Palagi siyang nagbabato ng joke, at kahit most of the times corny, ewan ko pero napapatawa niya ako. Tuwang-tuwa naman si Nanay sa pagiging kwela ni Yui. Minsan-minsan, tinitignan ako ni Nanay na ngumingiti sa akin. Na para bang may gusto syang sabihin.

Habang naghuhugas ng pinggan sa kusina, naramdaman kong nakatanaw lang sa akin si Nanay.

“Anak, masaya ako at ngayon, nakikita ko na ang mga ngiti mo.” Napalingon naman ako sa kinatatayuan ni Nanay. “Dun ka na sa sala, istimahin mo muna si Yui. Ako na bahala jan.”

“Salamat po.” Nang makalapit na si Nanay sa lababo, tiningnan nya ako ng makahulugan.

“Jayden, mabait na bata si Yui. Magaan ang pakiramdam ko sa kanya. Sana naman tuloy-tuloy na ang mga ngiti mo anak ha?”

Nginitian ko lang si Nanay at bumalik na sa sala. Nakita ko lang si Yui na tinitignan ang ibang photo albums dun.

“Yui.” Tawag ko sa kanya na ikinalingon nya. Umupo naman ako sa sofa na kaharap ng inuupuan nya.

“Ui, Yoh. Ang cute mo dito oh.” Turo niya sa picture ko noong 3 years old palang ako. Picture yun namin ni Mama kung san nakakandong ako sa kanya at umiiyak. Di ko matandaan ang scenario na ito, pero sabi ni Nanay Nimfa, umiiyak daw ako kasi nakakain ako ng siling labuyo.

“H-ha? Ah, oo. Nakain ko ang siling labuyo, kaya umiiyak ako jan.” Natawa naman si Yui. Ang sarap niya titigan pag tumatawa siya. Kitang-kita ang dalawang malalalim na dimples sa magkabilang pisngi. “Teka, blue nga ba yang mga mata mo? Or contact lens lang yan?” Kapagkuwan ay natanong ko.

“Legit to no. nakuha ko to sa papa ko.” Natawa lang siya. “Yoh, una na ako ah? Late na eh. Pwede bang dito tayo tumambay sa Saturday?” Sabi niya. “Nay, maraming salamat sa dinner ha? Ang sarap ng kare-kare nyo po.” Baling naman niya kay Nanay sa may kusina.

“Sige hijo. Balik ka dito bukas ha? Wag kang magsasawang dumalaw.” Sagot ni nanay.

“Yoh, eat and run na ako ha? Kitakitsbukas sa school.” Hinatid ko siya sa labas hanggang sa gate.

“S-sige. P-pero, Jayden nalang itawag mo s-sakin. N-naaasiwa ako sa Yoh.”

“What? Bakit naman? Cute nga eh. Sige Yoh ha? Una na ako. Kung me kelangan ka, text mo lang ako.” Ngiti nya pa.

“Y-yui..” tawag ko pa sa kanya.

“Y-yes?”

Ewan ko. Parang kusang gumalaw ang aking katawan. Next thing I know is that nakayakap na ako sa kanya. “S-salamat ha? At s-sorry ulet.” Kumalas naman agad ako. Nakita ko siyang ngumiti ng ubod ng tamis. Naramdaman ko naman ang pamumula ng aking mukha.

“O-Oo, sige ba. B-b-basta ikaw. Bestfriends na tayo ha?” Sabay sakay at start ng motor niya. “Salamat sa friendship at sa dinner. Sige Yoh, una na ako. Text text nalang.” Sabi pa niya. Kinawayan ko lang siya habang papalayo siya.

“I can trust this guy.” Nasabi ng isip at puso ko.

Wait. Puso talaga? PBB Teens? Nababakla na ba ako? Nyahahaha. After 5 minutes ng pagtayo sa labas, pumasok na ako sa kwarto at humiga sa kama ko. Tumunog naman ang phone ko.

1 message received. From Ramirez.

“Thanks for the night :)”

=============================

== The Tree ==

Nagresearch talaga ako sa Jay Denzel Gonzales na yan eh. Ewan ko, pero parang hindi naman siya qualified na maging tutor ko eh. At base sa mga napagtanungan ko, masungit, malungkutin, pero matalino at witty daw yang si Gonzales eh.

Pero bakit siya ang kinuha ni Mom? Bakit hindi nalang isang third year o di kaya’y fourth year na katulad ko? Anong alam ng isang second year sa major subjects namin? Tas from galing sa ibang kurso pa talaga ah?

“Son, how’s your day?” Untag ni mom sa pagmumuni-muni ko sa may veranda ng aming bahay.

“Mom, bakit si Gonzales ang kinuha mo? Sa pagkakaalam ko, antipatiko’t masungit yun.” Kunot-noong tanong ko sa kanya.

“Anak, trust me. He’s more than capable of teaching you everything you’ve missed. Kaya ikaw, wag ka ng magbulakbol ha? You don’t want to push your dad too much.” Paalala nya pa.

Kung mapupunta lang kay Dad ang usapan, I better end this conversation. “Yeah, I hear you Mom. Goodnight Mom.” Sabay halik sa pisngi nya. “Una na po ako.” Paalam ko kay Mom. Bumalik na ako sa kwarto ko.

Kinabukasan, Friday, 9am ang una kong klase. Papasok na ako sa classroom ng makita ko doon si Gonzales na nakaupo sa may gilid. Wait, classmate ko pala siya sa Taxation?

After class, inapproach ko lang siya. “Hey!” Hindi naman siya lumilingon sa akin. “Hoy!” pagtawag ko ulit sa kanya.

How dare him ignore me? At nilagay nya lang ang headphones nya sa tenga at lumakad palabas ng classroom. Tangunu naman, nababadtrip ako sa kanya. Kala mo kung sino. Hinabol ko sya.

“Gonzales!” Tawag ko ulit sa kanya. Hindi pa rin sya tumitingin. Ang lakas siguro ng music nya. “Hoy!” Sabay hablot sa balikat niya.

“What the?! Ano ba kelangan mo?” Iritang sagot niya sa akin ng napaharap siya sa pagkakahablot ko sa kanya.

“Ang lakas din ng loob mong i-ignore ako no?”

“Mr. Samonte, I’m still not your tutor. At wala akong obligasyong makinig sa lahat ng sasabihin mo. So if you don’t mind, I’ll just go ahead.” Sarkastikong nasabi niya. And he walked away from me.

Pinagtitinginan naman ako ng mga estudyante. “Shit! Nakakahiya!” Nasabi ko sa sarili. For the first time, may nangahas kumalaban sa akin. Napansin ko lang ang ibang estudyanteng pinagtatawanan ako. “Tsk! Humanda ka sa akin Gonzales, may araw ka rin.”


===============================

== The Wind ==

Kakarating ko lang sa bahay galing kina jayden nang sinalubong ako ng nagtatakang mukha ni Mama.

“Good Evening Ma. What’s with the face?” Tanong ko.

“Nothing  hijo. It’s just that there’s something weird on your face? Makangiti lang, wagas.”

“Pearl, inlove lang yang anak natin.” Napalingon naman ako sa likod ko. Si Papa pala. “So, who’s the lucky girl anak? Pakilala mo na siya sa amin, dali!” Pangangantyaw pa ni Papa.

Natawa naman ako sa kanilang dalawa. “What? Di ko nga sigurado kung babae nga ba talaga.” Biro ko sa kanila, na may bahid naman talagang katotohanan. Kumunot naman ang noo ni mama.

“What do you mean? Are you gay?” Nanlaki ang mata ni mama.

“Ha? Well, hindi pa ako sigurado.” Pangangantyaw ko sa kanila.

“Son, you’re kidding, right?” si mama.

“No Ma, I’m not a kid anymore.” Napatawa naman ako, actually kami ni Papa. Pero si mama, seryoso lang syang nakatingin sa akin. “Seriously Ma, I don’t think so.”

“Haay, buti naman kung sa ganun hijo. Napakagwapo mo para maging bakla.”

“No Ma. What I mean “I don’t think so” is kung tini-trip ko lang kayo.”

“What? Paki-explain nga anak.” Si mama.

Umupo ako sa gitna nina Papa and Mama sa sofa. “Ahh, Ma, Pa, I think I’m inlove.”

“Wow! That’s great anak. So sino nga?” Si Papa.

“Ma, Pa, yung feeling na gusto mo lagi siyang nakikitang nakangiti. Yung simula ng makilala mo siya, siya na lagi laman ng puso’t isip mo. Yung gumagawa ka ng mga bagay na hindi mo akalaing magagawa mo. Guys, I think I’m really inlove. With a… guy.”

Nakita ko namang napamaang si Mama. Si papa, napatawa lang.

“My son, is gay?!” Nanlaki lalo ang mga mata ni Mama. “Anak, baka naman confused ka lang?”

“Ma, hindi ko pa po alam. Siguro nga confused ako, pero hindi ko sinasarado ang utak ko sa posibilidad na baka bakla nga talaga ako.” Tugon ko pa kay Mama. “Maiintindihan nyo naman ako Ma diba? Matatanggap nyo pa naman siguro ako Pa, diba?” Sabi ko sa kanilang dalawa, with matching pa-cute ng mga mata.

“Son, hindi kita tunay na anak, pero mahal na mahal kita. At rerespetuhin ko kung  ano ang magiging desisyon mo. Ang akin lang, maraming kilay ang tataas sa pwedeng kalabasan nito, sana handa kang tanggapin ang mga yun. And be happy.” Sinserong nasabi ni papa.

“I know myself better than they do Papa.” Niyakap ko siya. “Salamat Pa for understanding.” Napalingon naman ako kay Mama. “Ma?”

“Anak.” Sabay buntong-hininga ni Mama. “Ayoko lang husgahan ka ng mga tao pagdating ng panahon.”

“Ma, wala naman akong pakialam sa sasabihin ng iba eh. Ang importante po, masaya ako at wala akong inaapakang tao diba? Yun yung pangaral mo sa akin Ma eh, simula pa noon.” Napangiti naman ako’t niyakap si mama.

“Kung dyan ka talaga magiging masaya anak, nasa likod mo kami. Basta ba’t ipapakilala mo sya sa amin one of these days ha?” Sabi ni mama na napayakap din sa akin.

Mahal ko talaga ang pamilya ko. They are so supportive, so understanding. Wala na akong mahihiling pa. Ayy, meron pa pala. “Si Jayden.” Napa-iling lang ako sa naisip ko. Bakla nga ba ako? Ewan. We will see, soon.

Kinabukasan. Grabe! Hindi ako nakatulog sa kakaisip kay Jayden kagabi. Finally, nag-open up na siya sa akin. Ang cute pala niya pag ngumingiti no? Siya lage iniisip ko simula kahapon. Haay. Am I really inlove?

Papasok na ako ng susunod kong klase kinahapunan ng makita ko ang bestfriend ko noong high school, si Alfer Samonte. May kausap siya, pero hindi ko agad namataan kasi nakatalikod sila mula sa akin. Parang naiinis ito sa kausap. Maya-maya iniwanan siya nito na sa tingin ko’y hindi na nakontrol ang temper.

Si Alfer? Yeah. He had this uncontrollable temper, and a huge ego. Paano ba kami naging magkaibigan nito nun? He was a bad influence. Puro kalokohan lang nalalaman nito. Kamuntikan na akong hindi naka-graduate dahil sa kalokohang ginawa nito noong Senior year na JS Prom namin. Kung hindi nga lang mayaman ang pamilya nito, hindi rin ito makaka-graduate nung time na iyon.

We were separated during college. Lumipat kasi ako ng school, and I’ve realized I shouldn’t be sticking with him. Kahit sina Mama and Papa, ayaw nila kay Alfer. Napaka-basagulero kasi. Walang mintis ang pagpunta niya sa Guidance Counselor noon. Tsk. Siguro hindi pa rin siya nagbabago hanggang ngayon.

Naglalakad ako papunta sa kanyang direksyon at binati lang siya. Kitang-kita ko naman na naiiirita pa rin siya sa naging takbo ng kausap niya kanina.

“If it isn’t Mr. Alfer Samonte. Kumusta bro?” Sabay ngiti ko sa kanya.

“Gusto kong pumatay ng tao. Inis na inis na ako sa Gonzales na yun. Kala mo kung sino.” Inis na inis talaga siya. Kilala ko ang taong ito. Siguro na-hurt na naman ang pride niya. Pero, wait. Did he just said Gonzales?

“Gonzales?”

“Yes! Jay Denzel Gonzales. Yung kinuhang tutor ni Mom para sa akin. Tss. Ang yabang yabang.” Inaya ko naman siya sa canteen para makapagpalamig ng ulo.

“Wait. Tita hired him as your tutor?” Ang natanong ko.

“Yes! Without my consent.”

“Oh, okay.” Kibit-balikat ko. Patay si Jayden nito. Mahihirapan siya sa taong ito.

Maya-maya’y nagpa-alam na ako kay Alfer. Ayaw pa niyang umalis ako dahil gagala pa daw sana kami sa mall, at maglalaro ng basketball. Pero tumanggi na ako kasi ayokong mapalapit pa uli sa kanya.

Kailangan kong puntahan si Jayden. Kailangan ko siyang balaan sa Alfer Samonte’ng iyon.



- Itutuloy -

5 comments:

  1. medyo bitin but satisfied nman ako sa chapter na ito. can't wait for the next one. tnx author

    randzmesia

    ReplyDelete
  2. Ganda ng story kaso bitin. Hehe. I guess si tree ang makakatuluyan ni leaf. Sila ang partner e. Haha. Lol. Thanks mr. Author.

    ReplyDelete
  3. nice one ^__^
    sana mas mahaba naman hehehehe

    ReplyDelete
  4. Kyaaaa ang nice netong chapter na ito. Though I cannot tell kung sino nga ba ang makakatuluyan ni Jayden dito.. i hope si Yui.. but im curious how Jayden will straighten up the character of Alfer.. Nice chap.. sana mas mahaba pa ang bawat chap :)

    -Allen

    ReplyDelete
  5. Kakaexcite nman :D
    ganda ng flow ng story..
    idol n kita mr. Author :)

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails