NICKO
A Promise of Forever
17 <3
Authors note: syemps una thank you sa patuloy na suporta at appreciation.. Nakakainspire magsulat dahil sa mga msg niyo.. Sa mga silent readers na hindi nakakalimot magmeasage sa fb..nakakacholesterol ng puso.. Sa mga nagpapaalala sakin ng araw ng updates.. Actually super nakakapressure pero nakakamotivate din para kalikutin ko yung utak ko for more ideas..iba kasi tong nicko kesa dun sa blue.. Super iba.. Ang lalim ng hugot haha kahit everytime magoopen ako ng pc yung blue lagi ang nabubuksan ko..I miss blue pati si aldred..haha Nevermind..sa mga nagtatanong na hindi ko mareplyan.. Sino nga ba si nicko para sakin.. My friend kasi ako nung high school na nicko ang name. Ang gwapo lang niya hehe and si jonas..super booom.. Crush ng bayan.. Gwapo.. Yun na yun ayoko sya idescribe baka magkasalubong kami haha paktay ako.. Inspiration ko sa story na to... don't know eh bigla nalang pumasok sa utak ko yung story na to.. uhm So here chapter 17 enjoy po kayo..
Super busy ako this month tapos migraine pa.. Haha daming kong reklamo.. Atleast buhay pa ko di ba hehe be thankfull nalang.. Enjoy.:) mwuah mwuah chups chups.!
SI NICKO
Minsan kala natin napakalungkot ng buhay. Na puro pasakit lang ito..na ang bigat bigat na ng dinadala natin.. Pero minsan sa panahon na hindi mo inaasahan life gives you a fairytale..you just have to feel this momment.(nu daw haha).. Gv :)
Naalimpungatan lang ako ng marinig yung katok sa pinto.. Naginat inat naman ako..new day.. haixt sa sofa pala kami nakatulog ni jonas pagkagaling namin kagabi sa duhat tree.. napagmasdan ko lang yung mukha niya sa tabi ko..yuck tulo laway.. Punas ko sa gilid ng labi niya..napalingon lang uli ako sa pinto ng marinig yung malakas na katok tumayo naman ako saka binuksan to.. Ang aga naman.
" oh sofhie.. Ang aga mo naman.?"
" my god tanghali na po.!" simangot ni sofhie napakamot naman ako ng ulo.
" boses mo naman.."
" hindi mo ba ko papasukin.?"
" pasok ka."
"kagigising mo lang..?"
" obvious ba.?" pilit na ngiti ko.
" Pwede nicko I know nakita ko na yang nasa harapan mo.. Pero para kay jonas nalang yan ngayon kaya pwede magshort ka naman."
" huh.?" automatiko naman akong napatingin sa katawan ko.
" Natetemp ako pag nakikita kang nakaunderwear lang." agad ko naman tinakpan yung baba ko.. Aixt naman agad lang akong pumunta ng kwarto saka nagshort at nagsuot ng tshirt paglabas ko sa kwarto sinalubong lang ako ng nakasimangot na mukha ni sofhie.
" why.?"
" yun pa oh.. Baka mapatay ko yan.." saad ni sofhie habang nakaturo kay jonas.. Tulad ko nakaunderwear lang din to.. " gisingin mo na pwede.?." lumapit naman ako kay jonas saka to tinapik pero nagulat ako ng sunggaban nito yung labi ko.
" wait jonas..wait lang." marahan kong tulak sa kanya.
" why.?" saad nito lumingon naman ako kay sofhie na sa ibang dereksyon nakatingin. " si sofhie nandito.. Bihis ka muna nakaunderwear ka lang." pilit na ngiti ko natigilan naman si jonas.
" aixt sorry.. Wait lang sofhie look oh.. Grabe yung pasa ko sa hita dahil sa pagkurot mo." simangot ni jonas habang hawak yung hita niya.
" gusto mo dagdagan ko pa yan jonas pasalamat ka nga hindi kita pinatay eh." sungit dito ni sofhie.
" wushhu hindi mo kaya yun.." nguso ni jonas saka nagmamadaling pumunta sa kwarto.. Sinimulan ko naman pulutin yung mga nakakalat naming damit.
" so kalat nicko.. Pwede naman kasi sa kwarto ano yun dito kayo inabutan ng libog ni jonas.?"
" sshh yung bibig mo marinig ka ni jonas."
" wala naman akong sinabi na masama ah."
" wala daw.. "
" wala naman talaga ah.. Nicko may muta ka pa.. Tanggalin mo naman.. Ikaw ang gwapo mo nga mutain ka naman." agad ko naman pinunasan yung mata ko. " pero atleast gwapo di ba."
" so bakit ang aga mo ata mangatok.?"
" oo nga ang aga mo sofhie." saad ni jonas paglabas ng kwarto tinulungan naman ako ni jonas sa pagaayos ng mga damit na nakakalat sa sahig..
" ang sinasabi kasi ng orasan ko magtatanghali na eh.. So hindi na maaga."
" oh eh bakit ka nga nandito.?" tanong ni jonas saka nilagay sa labahan yung mga damit.. Umupo naman si sofhie sa sofa. " nicko timpla kita ng milk huh." saad ni jonas tumango naman ako.
" wala lang mangiistorbo lang.." ngiti ni sofhie kumunot naman yung noo ko.
" huh.?"
" joke lang nagluto kasi ako dinalahan ko lang kayo ni jonas.." saad pa nito saka tinaas yung paper bag na dala nito.. " kamusta yung nangyare kagabi.?"
" perfect sofhie..sakto yan dala mo huh nagugutom na ko." ngiti ni jonas saka inabot sakin yung baso ng gatas.
" nicko ang tanda mo na milk parin.." saad lang ni sofhie.
" masarap kaya tikman mo.?"
" ayoko nga."
" ikaw huh naggown ka pa pala talaga kagabi." saad ni jonas habang kinakalikot yung dala ni sofhie.
" hoy jonas ang kapal para kay nicko yan.."
" ang kay nicko ay akin na din.. Iisa na nga kami ngayon di ba.?"
" wushhhuu.. Dapat lang naman na maggown ako ah.. Dapat pakita ko na maganda yung princes sa story niyo.. Princes na inagawan mo ng prinsipe.."
" sofhie sorry huh.?" pilit na ngiti ko.
" tanggap ko na nicko.. Kung papayag si jonas sa kundisyon ko."
" anong kundisyon.?" kunot ang noong tanong ni jonas.
" share tayo sa katawan ni nicko.?" napangiwi naman ako sa sinabi nito.
" nababaliw ka na sofhie huh.. Akin nalang si nicko ngayon noh.. Wag ka na magkontrabida.. Ok na tong ginagawa mo taga dala ng foods samin.."
" bang kapal mo jonas si nicko dinadalahan ko ng foods hindi ikaw."
" wushhuu.. "
" sofhie mahal ko si jonas..hindi pwede yung gusto mo." saad ko.
" see mahal ako niyan kaya wag ka ng umasa.. Akin lang ang katawan ni nicko..akin na akin nalang. Mula sa dulo ng mga daliri niya sa paa hanggang sa dulo ng huling hibla ng buhok niya sa ulo." ngiti ni jonas.
" haixt ewan ko sa inyong dalawa.. Joke lang naman yung sinabi ko.. Kaya ako nandito para dito sa prize ni nicko." saad ni sofhie saka inabot sakin yung sobre. " hindi ko binawasan yan huh."
" wait anong sabi kagabi sa contest.?"
" uhm eh fairytale daw eh may magagawa pa ba daw sila .. Pauso kasi tong si jonas eh."
" weehh ang ganda nga eh.."
" eh si mark.. Kamusta sya.?"
" uhm yun kaming dalawa ang magkasama kagabi.. Dalawang broken hearted.."
" sofhie bakit hindi nalang kayong dalawa.. Bagay naman kayo ah.?"
" hoy jonas tigilan mo ko huh.. Sa oras na pakawalan mo to si nicko tandaan mo madaming sasalo sa kanya kaya magingat ka.. At sa oras na bitawan mo sya nasa unahan ako ng pila susunggaban ko sya kala mo.."
" sus magmove on ka na nga lang.. Wag ka masyadong hoping." ngiti ni jonas sinimaan naman to ng tingin ni sofhie. " oh makatingin ka naman.."
" sus magmove on ka na nga lang.. Wag ka masyadong hoping." ngiti ni jonas sinimaan naman to ng tingin ni sofhie. " oh makatingin ka naman.."
" gusto mo dagdagan ko yang pasa mo jonas.. Sa mukha naman.?"
" bakit? Wala naman akong sinabi ah.. Sabi ko lang magmove on ka na kasi hindi ko bibitawan si nicko. Wag kang hoping."
" haixt ewan ko sayo jonas..masakit huh." nakangiti ko naman tiningnan si sofhie kumunot naman yung noo niya ng mapansin yung tingin ko. " oh bakit.?"
" move on ka na sofhie."
" fuck you ka nicko huh.. Isa ka pa.. Aalis na nga ako sinasaktan ko lang yung sarili ko eh."
" suuusss." asar dito ni jonas.
" sofhie gusto mo sumama may lakad kami nila Daddy patrick mamaya.."
" saan naman.."
" shopping!!" sigaw ni jonas.. Natawa naman ako si sofhie naman nanlaki ang mata.
" wow talaga.?! " tumango naman ako.. "sama ako.. Daanin niyo sa panlilibre yung pananakit niyo sakin.. Para kahit paano makalimot naman ako sa ginawa niyo sakin.."
" grabe ang oa." ngiti ko.
" hoy nicko Nakakainis nga eh nandito ako sa mga taong nanakit sakin."
" ang sabi ko nga sayo di ba sofhie ang isipin mo kami yung bestfriend mo hindi yung mga taong nagtaksil sayo." ngiti ni jonas natawa naman ako.
" basta ilibre niyo ko.. Gusto ko ng shoes.. Dress at maraming marami pa.!"
" sssuuuss." ngiti ni jonas.. Nang hapon na yun ay nagpakasaya lang kaming dalawa ni jonas kasama si sofhie at Dr. Patrick.. Akala ko dati imposible pang maramdaman ko yung saya ng pagkakaroon ng magulang.. Posible parin pala.. Pagkatapos naming manuod ng movie ay tumambay lang kami ni sofhie sa isang coffee shop si jonas at daddy patrick naman ay dumaan muna sa cr.
" ito na po ang order niyo princes sofhie." ngiti ko paglapit ko saka nilagay yung tray sa mesa..kita ko naman na nakatingin lang sya sakin. " hey." saad ko saka umupo.
" nicko alam mo gusto sana kita agawin kay jonas.. Kaso sa nakikita ko you're happy." pilit na ngiti ni sofhie sakin habang umiinom sa inorder niya..
" sorry sa lahat sofhie huh.. And thank you kasi kahit sobrang sakit yung nagawa namin sayo hindi mo parin kami iniwan."
" wala akong choice eh.. Sabi nga nila di ba kapag mahal mo ang isang you have to let them go.. Ayoko naman magkontrabida sa happiness niyo ni jonas eh.."
" bestfriend parin.?"
" oo naman..ayoko din naman kayong mawala sakin.. Ang tatagal na nating magkakaibigan hindi ko naman basta itatapon yun noh."
" kahit nasasaktan ka.?"
" alam mo nicko ang pain..pwedeng gamitan ng pain reliver yan. I know in time mawawala din yung sakit ayoko namang magsisi na dahil lang sa nasaktan niyo ko nawala na yung friendship natin.. Acceptance lang naman yan eh.. And I know from the start na mangyayare talaga to.. Hindi ko lang expected na ganun kasakit..pero unti unti magiging ok din ako.. Makita lang kitang masaya parang sumasaya na din ako."
" salamat sofhie ang bait bait mo talaga."
" sa inyong dalawa lang ni jonas noh.. Mahal ko kayo eh lalo ka na.. Nicko pag sinaktan ka niya I'm always here."
" para namang hindi mo kilala si jonas.. Mga bata palang tayo mas gusto niyang sya ang masaktan kesa sakin di ba.."
" sabagay.. Kahit ata ibaliktad ang mundo hindi ka niya lolokohin.. Ikaw pwede pang magloko.." ngiti ni sofhie sinimangutan ko naman sya.
" ang kapal mo."
" kilala kita nicko.. Mabilis ka magtiwala.. Masakit para sakin.. Pero sige pagpepray ko na sana forever na kayo ni jonas.."
" sana nga sofhie."
" Nicko hanap mo naman ako ng boyfriend oh.?"
" si mark ayaw mo ba talaga sa kanya.?"
" gusto mo masaktan..?" irap niya sakin kaya natawa ko. " may gusto sayo yun tapos ipapasa mo sakin.. Wag na oy."
" sayang kasi sya.. Ang gwapo.. Bagay kayo."
" parang hinayang na hinayang ka sa itsura niya.. Baka type mo talaga yun nicko."
" wehh hindi noh.. Kay jonas lang ako."
" ewan sayo..ohh." saad niya saka may inabot na maliit na paper bag.
" ano naman to.?"
" buksan mo kasi.. Mouthwash yan.."
" mouthwash.? Meron ako sa bahay.. Strawberry flavor pa." kunot ang noong tanong ko sa kanya..
" strawberry flavor.? Nageexist ba yung ganun flavor..?" pilit na ngiti niya natawa naman ako.
" joke lang..naniniwala ka naman...ano ba kasi to."
" Shades.. Ayoko makita yung mata mo kaya suot mo yan." simamgot ni sofhie kinuha ko naman shades sa loob saka sinuot. " yan pag magkikita tayo isuot mo yan huh.. Please lang nicko.. Ayoko makita yung eyes mo."
" para akong artista sofhie.?"
" weehh basta suotin mo yan."
" bakit naman sabi sakin ni jonas asset ko daw yung eyes ko.. Saka sabi ng salamin sakin maganda daw yung mata ko.."
" yun na nga yun eh.. I know hindi na pwede pero nicko napakalaki mong tukso eh.. Baka marape kita ng di oras."
" sofhie adik ka talaga."
" basta suot mo lang yan ok.. Please." saad pa niya tumango naman ako sa kanya.. Halos magaalas diyes na nun ng hinatid kami ni Dr patrick sa bahay pagkatapos ihatid si sofhie sa kanila..
" daddy patrick thank you po sa lahat ng binili niyo huh." ngiti ko.
" wala yun anak.. "
" salamat din po daddy patrick." saad ni jonas.
" ayaw niyo ba talaga tumira dun sa bahay ko.. Sayang naman kasi yun eh wala naman nakatira?"
" yun na nga po yun daddy eh.. Ang laki po tapos kaming dalawa mas nakakalungkot po yun." saad ko lang.
" opo.. Kesa dito sa bahay namin ni nicko nagkakitaan kami.. Ok na po kami dito dr patrick.. Masaya na po kami.."
" ok kayong bahala . Sisimulan ko ng ayusin yung mga papers niyo huh para pagkagraduate niyo lilipad na agad tayong papuntang states.. Gusto ko na kayong makasama sa iisang bahay eh.. Yung pamilya tayo.."
" kami din po daddy.. Kailan po alis niyo. Gusto niyo po ihatid namin kayo ni jonas.?"
" tomorrow iho.. Wag niyo na ko ihatid.. Ok na ko basta kayong dalawa magingat kayo huh.. Tatawag ako lage.. ngayon palang namimiss ko na kayo.."
" daddy patrick naman.. Babalik naman po kayo di ba.?"
" of corse.. Magaral kayong mabuti.. Mahal na mahal ko kayo.. Jonas si nicko huh ingatan mo.. Ikaw din nicko.. Alagaan niyo yung isat isa."
" yes daddy.. Have safe flight po.."
" thank you.. Wala man lang ba kong hugs sa inyong dalawa.?" ngiti nito agad naman kaming lumapit dito saka to niyakap ng mahigpit. " haixt ang sarap pala ng yakap ng anak." saad pa nito.
" ingat ka daddy huh.."
" oo naman nicko.. Para sayo at para kay jonas..pag may kailangan kayo tawagan niyo ko agad huh..saka wag kayong papagutom huh."
" ok po daddy.." sabay naming saad ni jonas kaya natawa si daddy patrick.
"sige pasok na kayo." ngiti nito humiwalay naman kami ni jonas dito. " alis na ko.."
" bye daddy." ngiti ko sumakay naman to ng kotse niya saka to pinaandar.. Isang buntong hininga naman yung pinakawalan ko habang nakatanaw sa dereksyon na tinahak ng sasakyan nito.. Ilang sandali pa kaming nakatayo lang duon.
" sana nicko grumaduate na tayo noh.. Para kasing ang lungkot ni daddy patrick eh."
" sana nga jonas.. Tawagan nalang natin sya lage.. Akala ko tayo ang may kailangan sa kanya.. Kailangan din pala niya tayo.. Pag dating natin sa states ibibigay natin lahat ng pagmamahal sa bago nating daddy."
" tama ka dun..pasok na tayo nicko." Bubuksan na sana ni jonas yung gate ng mapansin ko si anthony na nakabike sa di kalayuan.
" jonas si anthony.." saad ko lang napalingon naman si jonas sa tinitingnan ko.. Nagbike naman si anthony papalapit samin.
" nicko can we talk.?" saad nito paglapit.
" wow may mukha ka pang ihaharap pagkatapos ng ginawa mo kay nicko.?ang kapal talaga."
" you shut up hindi ikaw ang kausap.. Pwede ba pumasok ka na.. Gusto ko makausap yung kapatid ko.. Yung kaming dalawa lang." kita ko lang yung galit sa mata ni anthony ng mga oras na yun.
" eh gago ka pala eh.. Bang kapal ng mukha mo.! Kahit siguro ihampas ko yang bike mo sa mukha mo hindi ka tatablan eh.."
" mas gago ka..!"
" tao ka ba.. Mana ka talaga sa nanay mo noh demonyo.!" galit na saad dito ni jonas.. Pinigilan ko lang si jonas ng ambahan niya si anthony.
"pwede ba wag mo idamay si mommy dito..!"
" eh pano kung gusto ko huh.. Wala kang pakialam.!"
" suntukan gusto mo.? Tara game.!" saad pa ni anthony.
" game ako jan..! Tara." hinigpitan ko naman yung hawak sa braso ni jonas.
" nicko pwede ba hayaan mo na ko.. Basagan nalang kami ng mukha niyan.! Akala niya hindi ko sya papatulan.."
" jonas please stop.. Maguusap lang kami.. Tama na.. Wala ng sakitan pwede."
" pero nicko.."
" please jonas.. Tama na ok.. Saka sayang lang yung mukha mo kung mababasag di ba.. Buti sana kung sya lang." sarkastiko kong saad habang nakatingin kay anthony kita ko lang yung sama ng tingin sakin ni anthony.
" kapatid mo ko nicko.. Di ba dapat ako ang kampihan mo.?"
" kapatid kita pero hindi ibig sabihin nun kakampihan kita.. So ano sasabihin mo.? Bakit ka nandito."
" hindi ako aalis.. Sabihin mo na kung anong gusto mo sabihin.." simangot ni jonas.
" fine.."
" anthony wait hindi ka man lang ba magsosorry tungkol dun sa video.? Pinahiya mo ko sa buong school.. Kapatid ba ang tawag mo dun.?"
" bakit ako magsosorry eh gusto ko yung ginawa ko.? Saka kapatid nga tawag ko sayo di ba.. So malamang tinuturing parin kitang kapatid.."
" gago talaga nicko yung kapatid mo.! Bipolar ka ba huh.?"
" paulit ulit ko bang sasabihin sayo yung shut up huh.. Si nicko lang ang gusto kong kausap hindi ikaw.. Pwede ba pumasok ka na lang.."
" gago.. Magsasalita ako kung gusto ko at wala kang magagawa dun.. Ihampas ko sa mukha mo yang bike mo eh.."
" edi gawin mo.?"
" gusto mo talaga.?" sarkastikong ngiti ni jonas aktong hahakbang sya ng harangan ko yung daan niya nakita ko naman na natawa ng payak si anthony.
" kapatid mo parin ako nicko right hindi mo hahayaan na saktan ako ng baliw mong boyfriend."
" sino ba ang bipolar... Malaman hindi ako.. So ikaw ang baliw."
"ayoko lang ng gulo.. tama na ok.. Anthony kung ayaw mo magsorry fine.. So anong kailangan mo.?"
" si annalyn nasa ospital.. Gusto ka makita."
" why what happen.?"
" tanga eh.. Nahulog sa hagdan.. I'll text you kung saang ospital kung saang room.. Pumunta ka nalang bukas."
" ok lang naman sya di ba.?"
" yeah she's ok.. Gusto lang niyang dalawin mo sya...sige bye yun lang..at isa pa pala.. Hindi ako bipolar baka ikaw jonas.!"
" wow huh maayos ako magisip ikaw abnormal edi sino ang bipolar satin.. Sa mukha palang kitang kita na eh. Mukha kang autistic.." sarkastikong ngiti ni jonas kita ko naman yung gigil sa mukha ni anthony. " tama ba ko.. Buti nalang hindi kayo parehas ni nicko.."
" nicko pagingatin mo yang boyfriend mo huh.. Baka hindi ko sya matantsa!!" gigil na saad ni anthnoy saka sumakay sa bike niya at mabilis na pinaandar.
" yang kapatid mo.. Ang sarap talaga basagin ng mukha."
" haixt jonas ayoko masstress.. Bahala sya sa buhay niya.. Hindi naman kawalan kung hindi niya ko gusto.. Wag nalang patulan."
" talagang hindi kawalan.. Lakas lang makasira ng gabi." saad ni jonas habang binubuksan yung gate.
" kamusta kaya si annalyn."
" nicko may sinabi sakin si mark."
" ano naman sinabi niya sayo.?"
" pasok muna tayo..mahamog." saad ni jonas saka hinawakan yung kamay ko.. Pagpasok namin sa bahay ay umupo lang ako sa sofa si jonas naman ay dumeretso sa ref saka uminom ng tubig. " nicko masusuntok ka din sa mukha yang kapatid mo.. Ok lang ba sayo.?"
" ok lang sana.. Ganti man lang sa video na ginawa niya.. Pero wag na jonas.. Para wala ng gulo.."
" galit na galit sayo yun.. Buti si mark mabait.." saad ni jonas saka umupo sa tabi ko.
" jonas ano yung sinabi ni mark." ilang sandali naman syang hindi nagsalita saka tumitig sakin saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga.. " ano nga sinabi.?"
" may cancer si annalyn.."
" cancer.?"
" yeah.. Ang sabi ni mark sakin kaya lang daw lumalapit sayo yung pamilya ng michelle na yun dahil sa kagustuhan ni annalyn.. Well since may sakit yung kapatid mo sinusunod nila yung gusto nito."
" eh yung sakit ni annalyn.. Gano kalala yun.. Kaya pala parang may iba sa itsura niya.. Parang ang payat niya."
" sabi ni mark.. She's ok naman daw nagchechemo.. Yun daw yung sinasabi sa kanya ni michelle hindi lang natin alam kung totoo yun."
" kawawa naman si annalyn.. Kung sino pa talaga yung mabait sya pa yung nagkasakit.. Dapat yung mommy nalang niya eh or si anthony.."
" hoy nicko huh bad yun pero tama ka.." ngiti ni jonas natawa naman ako. "Sobrang bait siguro ni annalyn kaya nagbabalak ng kunin sya.. Sabihan mo kasi na tumulad sa kuya niya at nanay. Masasamang damo." ngiti ni jonas.
" baliw.. Samahan mo ko jonas bukas huh dalawin natin sya.."
" ayoko sana eh.. Kaso dapat kasama mo ko baka may gawin kasi sayo yung anthony na yun eh."
" ano naman gagawin niya sakin.?"
" hindi natin alam.. May pagkabipolar yun kaya wag kang magpakisugarado.. Nanakit yung ganun kala mo ba."
Kinabukasan pagpasok namin ni jonas alam ko may magbabago na sa tingin ng mga tao samin.. This is it.. Ito na yun.. Pagpasok palang namin ng gate saming dalawa na agad nakatuon yung tingin ng mga studyante.. Yung iba nagbubulungan pa pero yung iba nagbigay ng ngiti samin naramdaman ko naman yung pisil ni jonas sa kamay ko.
" wag kang matakot nicko.. Kasama mo ko di ba.?" ngiti ni jonas humugot naman ako ng malalim na hininga. "remember.. Hindi sila importante.."
" wag mo ko pabayaan huh."
" oo naman ikaw pa ba.. Tara pasok na tayo." sabay lang kaming naglakad ni jonas papunta sa room.. I know hindi kami agad matatanggap ng mga tao.. Maraming huhusga kung ano mang meron kami ni jonas.. Pero tama sya hindi na yun importante at ipaglalaban namin kung ano man meron kami ni jonas.
Recess nun nasa gilid kami ng gym tumambay kasama si sofhie habang kumakain..
" nicko simula palang yan. Kung gusto niyo talaga to hindi kayo magpapaapekto.." simangot lang ni sofhie sakin napalingon naman ako kay jonas na may ngiti sa labi.
" haixt sofhie kanina ko pa sinasabi sa kanya yan.."
" masasanay din ako.. Nakakatunaw kasi yung mga tingin nung mga classmate natin.. Although wala akong naririnig from them.."
" oh wala ka naman naririnig di ba.. Hayaan mo na sila.. Mga inggit lang sila.. Kasi ikaw may fairytale.. Sila wala..Don't mind them ang isipin mo kung pano maglalast yung happy ending nung fairtytail niyo ni jonas."
" nicko.. Di ba sabi ko dapat wala na tayong paki kung ano iisipin ng mga tao.. Ako nga feeling ko ngayon Im so free.. Kasi pwede kitang ikiss dito or yakapin.. "
" oh jonas tigilan mo huh wag sa harapan ko." simangot ni sofhie.
" kala ko ba ok na sayo."
" masakit parin no kaya tigilan mo jonas huh.. Oo nga pala si mark.. Iiwas na talaga sya sayo.?"
" oooyy hinahanap." asar dito ni jonas.
" sasapatusin kita jonas..!"
" weehh nicko sabi sakin ni mark mas ok daw na isipin ni anthony na kakampi parin sya nito.. Para in case na may plano yung bipolar mong kapatid masasabi niya satin."
" bipolar.?" natatawang saad ni sofhie.
" oo sofhie bipolar yun si anthony.. Dinedeny niya pero halata naman eh." ngiti ni jonas na lalong ikinatawa ni sofhie.
" ang baliw mo jonas grabe."
" ang bait ni mark noh.." ngiti ko lang.
" oh si nicko.. Jonas oh mabait daw si mark.. Alam mo ba may sinabi sakin si nicko." ngiti ni sofhie kumunot naman yung noo ni jonas.
" ano sinabi niya.?"
" sabi niya sayang daw si mark ang gwapo daw kasi..alam mo yun with feelings pa yung pagkakasabi niya nun.. Patay ka.. Mukhang mejo type ni nicko si mark."
" gusto mo ng away sofhie.?" simangot ko dito kita ko naman yung titig sakin ni jonas.. " oh ano iniisip mo...?"
" sinabi mo yun kay sofhie.?"
" uhm ah eh.."
" bawal magsinungaling nicko.." ngiti ni sofhie.
" oo na sinabi ko..pero yung with feelings.. Kalokohan mo sofhie."
" weehh." ngiti ni sofhie.
" Pero hindi naman ibig sabihin nun gusto ko sya noh.. Si jonas lang naman ang mahal ko ah."
" ok.. Pero sino mas gwapo samin ng mark na yun.?"
" insecure ang prinsipe.."
" shut up sofhie.." simangot ni jonas.. Umirap naman dito si sofhie.. " so sino nga nicko.?"
" syempre ikaw.. Hindi ka naman bulag di ba.. So I'm sure nakikita mo yun sa salamin.. Sinabi ko lang naman yun para magustuhan sya ni sofhie."
" weehh ginamit mo pa ko.. Well for me.. Mas gwapo naman talaga si jonas.. Pero kasi yung charm ni mark.. Kakaiba eh.. Yung parang ang sarap niya titigan.. Tapos yung lips niya mukha yummy.. Perfect na sana sya eh.. Kaso si nicko ang gusto eh..at ikaw naman ang gusto ni nicko."
" alam mo sofhie parang type mo sya.."
" wehh tigilan mo ko nicko.. Si jonas mukhang badtrip na oh." nguso ni sofhie kay jonas napangiti naman ako.
" bakit ganyan mukha mo.?"
" wala.."
" ano nga yun jonas..?"
" wala nga.."
" haixt ewan ko sa inyong dalawa.. Punta lang akong cr huh.. Babalik ako dito maaga pa naman eh..nawiwiwi na ko." saad ni sofhie saka mabilis na naglakad.. " wait niyo ko huh." lingon pa ni sofhie.
" nagseselos ka kay mark.?"
" bakit naman ako magseselos.. Eh mas gwapo naman talaga ko dun."
" eh bakit ganyan ka.?"
" naiinis lang ako.. Lalo na pag naiisip ko na hinalikan ka niya... Nicko ilang beses ka niyang nahalikan.?"
" uhm.. Uhm base sa naalala ko.. Apat ata.?"
" nakadami pala sya sayo.. Nakakainis talaga."
" sus.. Don't worry tapos na yun.. Ikaw nalang pwedeng humalik sakin ngayon.." ngiti ko sa kanya. " wag ka ng sumimangot talaga to oh.."
" pwede ba kitang ikiss dito nicko.?"
" kiss..? Uhm pwede sa bahay nalang..?"
" bakit..?"
" uhm kasi po alam naman natin parehas na may mga taong hindi pa tayo tanggap.. I know wala na tayong paki sa sasabihin ng iba.. Pero jonas respeto na rin natin para kanila.. Wag tayong masyadong showy.. sa bahay ok lang kahit todo todo pa.. Pero pag nasa labas tayo dapat alam natin yung limitations natin.. Pwede magkiss pero dapat yung smack lang."
" grabe naman.. Kaya nga inamin na natin sa lahat para wala na tayong iniisip eh."
" ganito nalang.. Isipin mo kapag may nakita kang naghahalikan.. Kahit babae at lalake..tapos torrid.. Ano iisipin or mararamdaman mo.?"
" awkward.?" pilit na ngiti ni jonas.
" see what more kung parehas lalake yung makikita mo di ba..?"
" super awkward."
" yung relationship natin jonas hindi lang basta ganun.. Its a big responsibility.. Kung gusto natin na tanggapin tayo ng lahat dapat kumilos tayo ng tama para wala silang reason para bastusin tayo.. Ganun lang yun."
" haixt naman oh..."
" bakit.?"
" uhm gusto kita ikiss eh..kahit smack lang nicko.. Sana uwian na."
" wusshhuu.." lumingon naman ako kung may mga estudyante sa paligid.. May nakita lang ako na iilan saka tumingin kay jonas. " mabilis lang jonas huh.."
" wusshhuu.." lumingon naman ako kung may mga estudyante sa paligid.. May nakita lang ako na iilan saka tumingin kay jonas. " mabilis lang jonas huh.."
" uhm 1 minute.?" ngiti niya.
" mukha mo.. Mabilis lang split seconds lang.. Hindi ka ba nagsasawa kakahalik sakin.. Grabe to.."
" bakit naman ako magsasawang halikan ka nicko.. Eh matagal ko ng gustong gawin yun kaya wag kang umasang magsasawa ako sa paghalik sayo."
" bilis na baka bumalik na si sofhie. Hindi ka pa makahalik sakin." saad ko magsasalita pa sana sya ng mabilis ko syang hinalikan sa labi.
" wait sabi ko ako hahalik diba..?"
" ang bagal mo kasi."
" haixt ako nga hahalik sayo nicko naman eh." simangot niya kaya natawa ko. " nicko naman eh.." nguso niya lang.
" ewan sayo.. Jonas may tanong ako.."
" anong tanong naman yan.? Pakiss muna.?"
" wehh wag kang makulit.. Mayy tanong nga ako."
" ano.?"
" what is your greatest fantasy.?"
" huh..?"
" greatest fantasy.?" saad ko kita ko naman na ngumiti sya ng nakakaloko. " oh bakit ganyan ngiti mo.?"
" gusto mo malaman nicko.?"
" kaya nga tinatanong ko eh.?"
" to have sex with you in public.." ngiti niya habang nakatitig sa mata ko..
" ang baliw mo jonas.."
" hoy nicko fantasy lang naman.. Eh ikaw sige ano..?"
" tulad ng sayo.." ngiti ko na ikinatawa niya.
" tara tuparin natin ngayon.."
" mukha mo! tara na nga..kinain na ata ng cr si sofhie hindi na bumalik.. Malapit na magtime eh." saad ko saka nagsimulang maglakad papunta sa room inakbayan naman ako ni jonas.
" gusto mo matupad yung fantasy mo nicko.?"
" hindi noh.. Fantasy lang yun.. Never..not ever.. Grabe ka jonas.. Wala akong balak gawin yun noh.."
" dapat lang noh. Gusto ko ako lang makakakita ng katawan mo tapos ikaw lang makakakita ng katawan ko.."
" dapat lang ."
Hanggang maguwian tumuloy lang kami ni jonas sa ospital kung saan nakakaconfine si annalyn..sana ok lang sya.. Saad ko lang sa sarili.. Pagtapat sa pinto ng kwartong tinext ni anthony ay humugot lang ako ng malalim na hininga saka kumatok saka dahan dahan tong binuksan..
" kuya nicko.." ngiti ni annalyn pagkakita sakin. " hello kuya jonas." kita ko lang na may benda to sa ulo.
" hello din annalyn.. Fruits para sayo," saad ni jonas saka nilagay sa side table yung prutas na dala namin.
" nasaan si tita michelle bakit walang nagbabantay sayo.?" saad ko lang.
" umuwi na eh.. Si kuya anthony baka papunta na yun."
" ang sama naman iniiwan ka mag-isa.." simangot lang ni jonas.
" ok lang yun kuya jonas.."
" hindi ok yun noh.. Dapat lage kang may bantay." saad pa ni jonas..
" kuya nicko hug mo naman ako oh." pilit na ngiti nito.. Lumapit lang ako sa kanya saka sya niyakap. " kuya nicko mahal na mahal kita."
" mahal na mahal din kita annalyn.. Bakit ka ba kasi nahulog sa hagdan..?"
" uhm nahilo kasi ako eh.. Hindi naman ganun kalala.."
" next time annalyn mag-ingat ka huh.. Ang ganda ganda mo tapos lampa ka."
" kuya jonas naman eh.. Nahilo lang ako.."
" pag nahihilo ka kasi punta ka agad sa kama para dun ka babagsak.."
" next time kuya jonas..try ko yang suggestion mo." ngiti ni annalyn.
" ingat ka annalyn huh.. Kamusta pakiramdam mo ngayon.. Ok ka na ba hindi na ba masakit ulo mo.?"
" ok na ko kuya nicko.. Uhm kuya jonas ok lang bang kausapin ko si kuya nicko.?"
" lalabas ako.?"
" please kuya jonas.. May gusto lang akong sabihin kay kuya nicko.." tinanguhan ko naman si jonas..
" ok..sa labas lang ako tawagin niyo nalang ako pag tapos na kayo." ngiti ni jonas saka lumabas ng kwarto.
" ano sasabihin mo annalyn.?" tanong ko kita ko naman yung lungkot sa maga mata nito.
" kuya.. Hindi talaga ko ok.."
" what do you mean.?" tumungo naman sya.. Ilang sandaling hindi sya nakapagsalita hanggang makita ko yung pagtulo ng luha niya. " annalyn.. Bakit.?"
" kuya I have cancer.."
" I know annalyn.. Nabanggit ni mark kay jonas.. Pero di ba magagamot naman yan.?"
" si kuya mark naman inunahan ako eh.." punas lang niya ng luha sa pisngi niya. Hinawi ko naman yung buhok niya na napunta sa mukha .
" hindi naman ganun kalala di ba.?"
" kuya.."
" annalyn wag naman oh.. Magagamot pa yan."
" kuya kailangan namin bumalik sa states ni mommy.. Sabi ng mga doctor hindi na daw nila kaya dito eh.. Mas magagaling daw yung doctor dun.. Mas advance.. Andun din kasi yung doctor na tumitingin sakin..pero Kuya nicko ayoko kita iwan dito."
" annalyn kung yan yung makakabuti sayo.. Ok lang.. Wag mo na ko alalahanin.. Kaya ko na ang sarili ko malaki na ko eh."
" pero kuya nicko nag-aalala kasi ako sayo eh."
" sus.. sakin ka pa talaga nagalala.. Ikaw kaya yung may sakit."
" pero kuya nicko.. Hindi namin kasama si kuya anthony pagbalik sa states.. Aware ka naman na he don't like you di ba.. Kuya nicko baka saktan ka niya."
" kuya anthony mo ba..haixt annalyn.. Ok lang sakin kung hindi ako gusto ng kuya mo.. Saka bakit naman niya ko sasaktan wala naman akong ginagawa sa kanya.?"
" hindi mo kilala si kuya.. Minsan kahit ako nasasaktan niya ko.."
" sinasaktan ka niya.?"
" dati.. Akala ko nga nagbago na si kuya anthony.. Hindi parin pala.."
" hayaan mo na sya.. Basta annalyn magpagaling ka.. Kung kailangan bumalik kayo ng states ok lang.. Basta babalik ka dito.. Basta magkikita uli tayo.. Annalyn gusto kita makilala.. Gusto pa kitang makasama.."
" talaga kuya nicko.?"
" oo naman.. Kaya promise me na lalabanan mo yang sakit mo.. Wag kang magpatalo annalyn.. Wag."
" promise kuya.. Lalaban ako para sayo.."
" good."
" kuya nicko.. Kung pwede sana pag alis namin umiwas ka muna kay kuya anthony para hindi na kayo mag-away.. Baka kasi kung ano magawa niya sayo eh.. Please.?"
" sure.. Kung ayaw niya sakin.. Fine.. Ganun lang kadali yun."
" I love kuya nicko."
" I love you too annalyn.. Fight fight fight.!" ngiti ko.
SI JONAS
Nakasandal lang ako sa dingding sa gilid ng kwarto kung saan nakakaconfine si annalyn nang makita ko si anthony na papalapit sakin.. Binigyan ko naman sya ng simpleng ngiti.
" what are you doing here.?"
" sinimahan ko si nicko.. Nasa loob sya kausap yung kapatid mo." kita ko naman yung pagiling nito.
" kailangan ba na lagi kang kasama ni nicko.. Aso ka ba.?"
" hindi.. Boyfriend." sarkastiko kong ngiti sa kanya.. " bakit ka ba galit kay nicko huh.?"
" wala ka ng paki dun..at saka mas galit ako sayo.."
" oows.. Bakit ka nga ba galit.. Dahil masaya si nicko at ikaw hindi.? Or dahil totoong asawa yung mommy ni nicko at yung mommy mo yung kabit.?" ngiti ko sa kanya pero isang sampal lang yung dumapo sa pisnge ko.
" shut up shut up..! Don't you understand that huh.. Lagi mo dinadamay si mommy!"
" bakit mo ko sinampal.?!" sinimaan ko lang sya ng tingin.
" gusto ko lang..magsusumbong ka kay nicko..? Go ahead.. Bakla ka naman di ba..?" gigil na saad niya pero binigyan ko lang sya ng malakas na suntok sa mukha kita ko naman na natumba sya..
" ikaw kanino ka magsusumbong.. Sa nanay mo.? Eh mas mukha ka pang bakla sakin eh.. Sampal..? No way mas bagay sayo yung sinusuntok sa mukha.." ngiti ko sa kanya agad naman syang tumayo aktong susugod sya ng itaas ko yung kamay ko. " wait lang.. Are you sure about this.?"
" gago ka..! Oo tara game.!"
" kasi kung sigurado ka.. Punta ka na muna dun sa counter.. Pareserve ka ng room dito.. Kasi hindi kita titigilan hanggang di basag yang mukha mo.!" gigil na saad ko kita ko lang yung sama ng tingin niya at pagngangalit ng ngipin. " go.. Suntok na..gusto ko ikaw mauna.. Makascore ka man lang.." natawa naman sya ng payak.
" bakit ko nga naman sasayangin yung oras ko sayo.. You're nothing compare to me."
" o duwag ka lang.. Game.. Suntukan na.. See walang aawat satin dito.. I mean walang aawat sakin dito.."
" tandaan mo... Gagawin ko lahat maghiwalay lang kayo ni nicko.. Hindi ko sya hahayaang maging masaya.. At lalo ka na."
" talaga..? Mana ka sa nanay mo noh. Demonyo."
" kung demonyo ako ano pa tawag sayo.?"
" anghel malamang.. Don't you see.. Mukha akong anghel kesa sayo na tubuan lang ng sungay welcome na welcome na sa impyerno.. Ito tandaan mo anthony.. Pag ginalaw mo si nicko.. Kakalimutan kong kapatid ka niya..sisiguraduhin kong dito sa ospital na to ang bagsak mo or worst baka sa morge pa.. Hindi ako magdadalawang isip pumatay ng demonyo."
" kung makapagsalita ka ng demonyo parang ang linis linis mo huh.?"
" well malinis ang kunsensya ko.. And I have a peace of mind.. Hindi katulad mo na ang bitter sa buhay."
" malinis.. Eh pano kung dumihan ko.. Makakatulog ka pa kaya sa gabi.. Kung ayaw mong saktan ko si nicko.. Im sure darating ang panahon na ikaw mismo ang mananakit sa kanya."
" never.. Wag kang umasa.."
" talaga lang huh.. Eh si nicko mas ok siguro kung sya ang manakit sayo di ba..?"
" alam mo yan ang wala sayo eh.. Naiinggit ka siguro kay nicko kasi sya merong tulad ko na mahal na mahal sya.. Eh sayo wala.. Let me guess kung sino ang gusto mo... Si mark right.?" sarkastikong ngiti ko s akanya natawa lang ako ng payak ng makita ko yung pag-iwas niya ng tingin. " ok I guess I'm right kaso yung mark mo si nicko ang gusto kawawa ka naman.?"
" asshole.! Tandaan mo gagawin ko lahat para mawala yung saya na tinatamasa niyo ngayon.."
" sorry pero hindi mo kami mapaghihiwalay..bipolar na demonyo."
" clap clap.. Let see." ngiti niya sakin saka pumasok sa kwarto ni annalyn.. Gigil ko naman hinawakan yung kamao ko.
SI ANNALYN
After a few weeks ay lumipad na kami ni mommy pabalik ng states kahit ayaw ko umalis gagawin ko para kay kuya nicko.. Pipilitin kong mabuhay para sa kanya. Sana tigilan na sya ni kuya anthony..sana.
" magpahinga ka na annalyn." saad sakin ni mommy pagdating namin sa malaking bahay.. Pinilit ko naman ngumiti saka tumango. " bukas yung schedule natin sa doctor mo kaya magpahinga ka na.."
" mom gagaling ako di ba.?"
" oo naman anak.. Lumaban ka.. Mas malakas ka sa sakit mo naiintindihan mo.. Gagawin lahat ni mommy para sayo."
" thank you mom."
" akyat ka na." ngiti nito umakyat naman ako sa hagdan saka pumasok sa kwarto.. Kamusta na kaya sya.. Kinagabihan ay nanatili lang dilat yung mga mata ko.. Nakikiramdam sa paligid.. Malalim na yung gabi nun nang magpasya akong tumayo nang matapat ako sa kwarto ni mommy dahan dahan ko lang tong binuksan para masiguradong tulag na to.. Nang makita ko na naghihilik na sya ay dahan dahan na kong bumaba. Sana ok pa sya.. Buntong hininga ko lang saka nagmamadaling bumaba sa basement ng bahay namin.
" lola..?" tawag ko lang pero walang sumagot kaya lumapit ako sa isang pinto narinig ko naman yung galaw ng isang kadena..haixt ok pa sya.. Maya maya bumakas yung pinto..ngumiti lang ako sa matandang babae na lumabas dito.
Next chapter - Anong gagawin mo kapag ang tadhana ay binigyan ka na ng dahilan para tumigil maniwala sa isang pangako..? At Anong gagawin mo kung yung pinaniwalaan mong "forever." ay mapalitan ng salitang "goodbye." . What if in just a blink of an eye, everything changed..
Abangan
haay. kinakabahan ako para sa next chapter.:l kudos to mr. writer :) -curtis here
ReplyDeleteSobrang bad ni Anthony. ..sarap ibaon sa lupa !!!
ReplyDeleteKinulong pala nh demonya ang lola ni nicko kaya pala nawawala?
ReplyDeleteThanks for the update mr. Author
:( ai mukhang sad ung susunud ... aist ganda talag ng kwento na toh super abang talaga ako :) congrats sa autor
ReplyDeleteMay mga mambabasa na ang layunin ay takasan ang katotohanan ng kanilang buhay kaya kapag di na kanais-nais ang binabasa ay kusa na lang itong titigilan dahil makakadagdag pa Ito sa kanilang kalungkutan. Sana naman kahit di maiwasan ang conflict sa pag-gawa ng isang kwento, pwede pa rin naman gawing maaliwalas at Hindi mabigat sa kalooban at kayang ipagpatuloy ang pagbabasa. Ang fiction ay nakahanay sa maihintulad sa escapist literature. Escapist dahil Ito ang nagsisilbing kapalit ng katotohanang mapait na kinakailangang iwasan. Pwede rin itong ihalitulad sa defense mechanism na Kung saan ay kailangan ng panangalang sa Kung anuman ang makakasakit sa damdamin.(the psychology behind defense mechanisms is rooted in a deep desire for self preservation. Example: yung pag ba-blush akala ng karamihan ay pagkakapahiya Lang Ito, pero Ito ang physical response ng katawan natin para palakasin tayo, di natin to maco-control, kumbaga spontaneous, yun ang hinihingi ng pagkakataon na upang di tayo maigupo ng kahihiyan). Pag masaya ang kwentong binabasa ok lang lahat. Maaliwalas ang dating at tunay talagang masasabi na ang manunulat ay marunung magbigay ng nararapat na pasikot-sikot upang pagandahin ang daloy ng kwento. Ang mundo ng katotohanan ay lubhang mapait, kaya maraming naghahanap ng panadaliang aliw upang matakasan ang mapait na katotohanan. Sana mamulat ang karamihan sa kayamanan ng ating mga manunulat. Nang sa gayun ay lalong mapa-unlad ang sining ng kathang isip.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteAyoko na bashin yung next chapter. Paghihiwalayin na si Nicko and Jonas
ReplyDelete-Allen
Mawawala na ang promise of forever...I detest tragedies..
ReplyDeleteKaya ba ginawa ang nicko to depict a painful truth that life is unfair.? How sad..
ReplyDelete