NICKO
A Promise of Forever
15 :)
Nang hapon na yun pinauna na ko ni jonas na pumunta sa sementeryo.. Dadaan pa kasi to sa mga tita niya.. Bumili lang ako ng bulaklak sa nadaanan kong flowershop. Yung panaginip ko kanina nagdala yun ng sobrang takot sa buong pagkatao ko.. Ayoko.. Ayokong iwan si jonas.. Naglalakad na ko papasok ng sementeryo ng makita ko yung isang lalake habang nakatingin sa gulong ng kotse niya..lumapit naman ako dito saka ko lang napagtanto na ito yung lalake sa lakeside kahapon.
" sir flat po.?" saad ko napalingon naman to sakin.
" nicko.?" saad nito kumunot naman yung noo ko.
" kilala niyo po talaga ko.?"
" uhm oo nakita kita sa school habang nagrereherse nung contest..narinig ko lang yung name mo.." saad nito saka umiwas ng tingin. " uhm sige ok na ko dito.."
"ah ganun po ba.. gusto ko po sana kayong tulungan kaso po wala po akong alam sa ganyan eh." ngiti ko kita ko naman na natawa sya.
" kaya ko na to don't worry.. Sige na mukha may pupuntahan ka pa."
" ok po sige po una na po ako." saad ko saka naglakad.
"John Nicko Hernandez Alcantara." muli lang akong napalingon ng banggitin nito yung buong pangalan ko kunot lang akong tumingin sa kanya. " let me introduce myself.. I'm Dr. Patrick Villanueva." ngiti nito saka nilahad yung kamay."
" I guess kilala niyo po talaga ko.?" pilit na ngiti ko habang nakatingin sa kamay niya.. Ngumiti lang sya sakin.
" nakakangalay.. Pwede pa shake hands na..?"
" uhm sorry po." saad ko saka tinanggap yung kamay niya. "buong buo niyo po sinabi yung name ko.. Pati po middle initial.. Bukod sa mga teacher ko ilan lang po nakakaalam ng middle initial ko."
" I lied nung sinabi kong narinig ko lang yung name mo."
" base sa physical features.. Malayo po talaga although gwapo po kayo.. Pero baka.. Kamaganak ko po kayo.?" kunot ang noong saad ko kita ko naman na umiling sya. " eh bakit niyo po ako kilala."
" your mother.. She's a friend of mine."
" si mommy..? Talaga po kaibigan po kayo ni mommy.. Wow."
" yeah... A friend and an exboyfriend.."
" talaga po..?" mangha ko lang sa sinabi nito pinagmasdan ko naman mabuti yung mukha niya.. Sabagay hindi talo si mommy sa kanya..mukhang mayaman at gwapo..
" yeah actually nandito ako kasi dinalaw ko sya.." saad nito. " gusto mo samahan na muna kita sa puntod niya.?"
" ah pano po yung kotse niyo.?"
" tumawag na ko sa bahay... In a while siguro dadating na yung driver namin.. So lets go.?" ngiti nito saka naglakad sumunod naman ako dito. " hindi mo ata kasama si jonas.?"
" uhm susunod po sya sakin dito.. Dadaan pa po yun sa tita niya.. Pati po sya kilala niyo.?"
" uhm mejo..."
" pano po.?"
" sa panahon ngayon iho hindi na imposibleng makakuha ka ng information sa mga tao.."
" sabagay po." saad ko lang hanggang makarating kami sa puntod ni mommy at daddy nilagay ko lang dito yung bulaklak na dala ko. " ngayon ko lang po naabutan na may ibang flowers si mommy." ngiti ko habang nakatingin sa isa pang bulaklak sa puntod nito.
" galing kasi akong america.. Kaya ngayon ko lang nadalaw yung mommy mo.. Pasensya na iho huh."
" ok lang po.. Atleast may nakilala akong tao na nagmamahal kay mommy..patuloy na nagmamahal sa mommy ko..may nabasa po kasi ako.. Dalawang beses po daw namamatay ang tao."
" Im a doctor.. Isang beses lang naman ah.?"
" dalawang beses po.." ngiti ko kumunot naman yung noo niya. " at yung pangalawa yung pinakamasakit.."
" so ano yung dalawang yun."
" yung first is kapag tumigil na sa pagtibok yung puso niyo."
" and yung second.?"
" the second one is when your name is spoken for the last time." pinilit ko naman ngumiti habang nakatingin sa puntod ni mommy. "so for me.. Hanggang buhay pa ko at patuloy na dumadalaw kay mommy para sakin hindi parin sya patay..kasi patuloy syang mabubuhay sa puso ko."
" well tama ka.. Yung pangalawa yung masakit.. Kapag kinalimutan ka na ng mga taong minahal mo."
"sabi niyo po ex niyo si mommy siguro po kung kayo yung napangasawa niya baka buhay pa po sya ngayon.. Tingin ko mahal niyo po sya eh." saad ko saka lumingon dito kita ko lang yung lungkot sa mukha nito.
" siguro.. Pero pag nagkataon baka wala akong nicko na kausap ngayon.?"
" ok lang po.. Atleast buhay po si mommy.. Siguro naging masaya sya kung kayo yung pinili niya kesa kay daddy."
" pano mo nasabi.?"
" hindi naman kasi minahal ni daddy si mommy eh.. Sana kayo nalang po yung pinili niya.. Kahit hindi po ako nabuhay ok lang po basta masaya sya."
" yung daddy mo nicko.. Minahal ka ba niya.?" tanong nito marahan naman akong umiling.
" hindi po eh.. May iba pong pamilya si daddy bukod samin.. Pero yung pinaramdam niya samin ni mommy parang kami yung other family.. Na parang kami yung nanlilimos ng atensyon."
" yang mommy mo naman kasi eh.." saad nito muli lang akong napalingon ng marinig yung pag crack ng boses nito.. Kita ko lang na may tumulong luha sa mata nito. " at yung daddy mo..pasalamat sya patay na sya.. Kung hindi ibabaon ko sya ng buhay." saad nito.. Hindi ko naman mapigilang mapangiti. " sana ako alang kasi yung pinili ng mommy mo eh.. Kaya ko naman maging ama sayo eh pero pinili niya parin yung daddy mo.. Nicko please ayoko mangyare sayo yung nangyare sa love story ng mommy mo huh."
" nicko hindi po.. Im sure mahal ako ng taong mahal ko." ngiti ko tumango naman sya sakin. " siguro naman po may pamilya na kayo ngayon.?" saad ko umiling naman sya.
" until now yung mommy mo parin eh.. 5 years ago bumalik ako para sana ipaglaban na yung mommy mo.. Narealize ko nun na gagawin ko lahat para makuha sya sa impyernong gawa ng daddy mo.. Pero nicko huli na kong dumating.."
" talaga po..?"
" kung mas maaga lang sana akong dumating." napabuntong hininga naman ako saka pilit na ngumiti.
" nakaraan na po yun.. Ako nga po na anak nakamove on na.. Kayo pa po kaya.?" ngiti ko.
" pano mo nagawa yun.?"
" ang magmove on po.? Uhm wala naman po akong magagawa eh.. Saka po gusto ko po ituloy yung buhay ko.. Tingin ko magiging masaya naman si mommy kapag patuloy akong nabuhay.. Life goes on..saka po kasama ko naman po si jonas eh.. Mahal niya ko at mahal ko sya.. "
" nicko.. Im sorry."
" para saan po.?" tanong ko umiwas naman to ng tingin saka umupo at hinawakan yung lapida ni mommy. " nicko next week babalik uli ako sa america.. Di ba wala na kayong magulang ni jonas.. Gusto ko sana kayo isama.?" kumunot naman yung noo ko saka tumitig sa kanya.. Tama ba yung narinig ko.
" isama po? Bakit po.?"
" anak ka ni alice.. Actually tingin ko sayo anak na rin kita."
" nagjojoke naman po kayo eh.. Wag po kayong mag-alala sakin ok lang po ako...masaya naman po ako kasama si jonas..."
" pero nicko.. Please.. Actually last week ko lang nabalitaan na wala na yung parents niyo ni jonas kaya lumipad agad ako papunta dito.. Nicko I know nahihirapan kayo ng kapatid mo.. Simula nung namatay yung mommy mo may mga tao akong inupahan para magupdate sa mga nangyayare sayo.."
" pinapasubaybayan niyo po ako..?"
" yeah just to make sure na okay ka.. Nung namatay parents mo gusto ko sana kunin ka na pero sabi nung yaya mo balak ka na daw kupkupin ng magulang ni jonas.. Nagpaimbistiga ko kung mabubuting tao ba sila.. Kung magiging mabuting magulang ba sila sayo.. Ilang buwan din yun.. Hanggang nakita ko na you're happy kaya hinayaan nalang kita."
" naging masaya po talaga ako sa pamilya nila.. Actually sila nga po yung nagbigay ng pagmamahal na hindi ko nakuha sa sarili kong magulang... Yun nga lang po maaga po sila kinuha..pero kahit ganun masaya parin po ako kasi pinaranasan nila sakin kung pano magmahal ang magulang."
" nicko pwede ba ako naman magparamdam sayo nun.?"
" uhmm mukha po kayong mabait.. Pero sorry po huh mahirap po kasing magtiwala agad.."
" i have pictures namin ng mommy mo.." saad nito saka kinuha yung wallet sa bulsa..may kinuha lang sya dito saka inabot sakin. " see.. Bestfriend kami ng mommy mo.. Nicko hindi ako masamang tao." napangiti lang ako ng makita yung picture.. Nakaakbay sya kay mommy habang kurot kurot ni mommy yung pisngi niya.. Duon ko lang sa picture na yun nakita yung ganung ngiti ni mommy. " nicko trust me.. Wala akong gagawin para ikapahamak mo o ni jonas." tinitigan ko naman sya.
"next week na po yung alis niyo eh wala pa po akong passport o kahit si jonas.. At isa pa po.. Ilang buwan nalang po magtatapos na kami."
" nicko gusto kita protektahan.. Please sumama na kayo ni jonas sakin.. Mas magandang buhay yung maibibigay ko sa inyo duon.."
" Dr patrick.. Isa pa po hindi ko pa po kayo masyadong kilala.. Itong picture lang na to.. " pilit na ngiti ko napabuntong hininga naman to.
" ok nicko.. Pero simula ngayon iho gusto ko kilalanin mo ko.. Kilalanin niyo ko ni jonas..may mga pictures pa ko namin ni alice ipapakita ko sa inyo yun.. Gusto ko ako na yung tumayong magulang niyo.. Gusto ko bigyan ko kayo ng magandang buhay ni jonas."
" pano niyo po magagawa yun eh di ba po aalis na po kayo next week.?"
" ill keep in touch nicko.. Saka siguro every month babalik ako dito para magkaroon kayo ng time para kilalanin ako.. Or maybe after niyo makagraduate ng high school kukunin ko na kayo para duon na kayo magaral ni jonas.. Nicko please.. Pagbigyan mo naman ako gusto ko bumawi kay alice at ito nalang yung nakikita kong paraan."
" paguusapan po muna namin ni jonas.. Pero po salamat po sa concern samin.."
" nicko yun can call me daddy patrick."
" daddy po.?"
" eh di ba wala na kayong magulang.. So ako na ang tatayong daddy niyo." saad nito napangiti naman ako.. Haixt mommy ipinadala niyo po ba sya para samin ni jonas..tinitigan ko lang sya sa mata kita lang dito yung sensiridad.
" sabi niyo po bestfriend niyo po si mommy.. Uhm simula po kasi nagkaisip ako wala po akong nakilalang kamaganak namin.. Wala po ba talaga.?"
" si tita lina.. Yung mommy ni alice.. Yung lola mo hindi mo ba sya nakilala.?" kunot ang noong tanong nito umiling naman ako. " yung huling balita ko kasi sa kanila nung nabase ako sa new jersey.. Dun nilibing yung lolo mo.. After that nawalan na ko ng balita kay tita lina.. Sinubukan ko silang kontakin nung namatay si alice pero walang nangyare."
" how old is she.? Tingin niyo po buhay pa po sya.?"
" early 60's na siguro.. Pero tingin ko buhay pa sya.. Nagaalala nga ako sa lola mo nun kasi super devastated sya sa nangyare sa lolo mo.. Don't worry nicko susubukan ko syang hanapin."
" talaga po.. May lola pa po pala ako.. Haixt sana po makilala ko sya.. Kung totoo pong mabait kayo.. Sana hanapin niyo po si lola..mabait naman po sya di ba.?"
" sobra.. Mahal na mahal nila si allice.. Mabait yung lola mo nicko.."
" hanapin niyo po sya please.?"
"oo naman.. gagawin ko lahat para sa anak ko." ngiti nito saka ginulo yung buhok ko.. Natawa naman ako.. " pwede naman kita sigurong tawaging anak di ba nicko.?"
" uhm oo naman po.."
" salamat... Kamukha mo talaga yung daddy mo.. Pero kapag ngumiti ka mommy mo yung nakikita ko..kaya please nicko smile ka lang huh para makita ko lagi si alice.. I really mmiss her.."
" sure po.." ngiti ko nakita ko naman si jonas sa di kalayuan na papalapit samin.. Napalingon naman si dr. Patrick dito. " si jonas po."
" nicko higit na talaga sa magkapatid yung turingin niyo.?" umiwas naman ako ng tingin saka napakamot sa ulo. " don't worry nicko It's ok.. Kahit ano ka pa wide open kitang tatangapin."
" talaga po.?" ngiti ko. " opo may relasyon na po kamini jonas.. At pinapangako ko po yung love story ni mommy hindi po yun mauulit sakin." saad ko hanggang makalapit samin si jonas.
" kayo po uli.?" saad ni jonas habang nakatingin kay Dr. Patrick.
" yeah it's me again.. Nagpakilala na ko sayo kahapon di ba.?" tumango naman si jonas.. Nagkwentuhan lang kaming tatlo habang nakaupo sa puntod ni mommy.. Sinabi na rin ni Dr. Patrick lahat ng gusto niyang mangyare at kung ano ang relasyon nito kay mommy.. Napakasaya ko nun kasi magkakaroon kami ni jonas ng bagong magulang.. Alam ako at nararamdaman ko na mabait to.. Pagkatapos ng kwentuhan at tawanan ay hinatid na kami nito pauwi agad lang kaming naligo ni jonas para sa dinner sa bahay nila anthony.
" nicko si Dr. Patrick parang ang astig niya noh..saka mukha mabait." saad ni jonas habang nagbibihis.
" siguro hindi naman sya magiging bestfriend ni mommy kung hindi sya mabait di ba.?"
" nicko magtshirt ka lang bakit nakapolo ka pa.?" saad niya tiningnan ko naman yung damit ko. " dinner lang naman sa bahay nila.. Hindi naman sa labas di ba.?"
" pero presentable naman ako.?"
" hello tshirt lang mahihirapan ka sumuntok niyan pag nagkagulo.?"
" huh gulo..?"
" in case lang." ngiti niya., natawa naman ako. " sige na palit ka na.."
" sige na nga.." saad ko saka pumunta sa cabinet ko.. " jonas ok lang naman sayong maging daddy si Dr. Patrick di ba.?" lingon ko sa kanya.
" uhm actually nicko ang gaan ng loob ko sa kanya.. Parang ang bait bait niya.. Ok lang naman atleast may taong maguguide satin.. Pagaaralin pa tayo sa america di ba.. Malaking apportunity para sating dalawa yun."
" siguro pinadala sya ni mommy satin noh.?"
" baka.."
" so payag kang pumunta tayo ng america.?"
" oo naman. Basta kasama kita ok na ok ako dun..." ngiti niya natawa naman ako..saka nagpalit ng damit..lumapit naman sya saka hinalikan ako sa labi. " parang ang saya mo nicko ah.. Hindi ka ba kinakabahan sa dinner.?"
" uhm kinakabahan.. Pero masaya ako kasi may pinadala si mommy na anghel para sating dalawa.. Saka masaya rin ako kasi may lola pa pala ko."
" sana makita sya ni dr patrick nicko noh.. Para may daddy na tayo may lola pa tayo." ngiti ni jonas saka hinawakan yung kamay ko at dinala sa labi niya.
" mayaman daw si lola sabi niya.."
" mas mayaman kala anthony.?"
" I don't know pero sabi ni Dr patrick maimpluwensya daw yung pamilya ni mommy." saad ko saka pilit na ngumiti. " pero hindiimportante yun.. Basta makita ko lang si lola masaya na ko."
" yeah tama yun tara na." saad niya saka naglakad palabas ng kwarto.
" so whatever happens sa dinner.. Tatanggapin ko nalang.."
" ok.. Sabi mo eh.. Pero pag nagsimula sila ng gulo.. Mananapak talaga ko dun kahit nasa bahay pa nila tayo.. Ready na ko sa basagan ng mukha."
" wushuu wag naman.." sinundo lang kami ng driver nila anthony akala ko nun kasama si mark sa pagsundo pero hindi pala.. Mabuti na rin yun para hindi awkward.. Pagpasok sa gate ay naabutan na namin yung magkapatid kasama si mark at yung mommy nito.. Lahat sila nakangiti samin..
" are you ready nicko to meet the evil family.?" ngiti ni jonas hindi ko naman mapigilang matawa saka bumaba ng kotse.
SI MICHELLE
Kitang kita ko lang yung ngiti sa labi ni nicko pagbaba ng kotse kasama si jonas.. Gusto ko magwalk out ng mga oras na yun.. Yung ngiti niya nagpapaalala sakin ng mukha ni alice. Haixt control michelle..
" kuya nicko.!" excited na saad ni annalyn saka yumakap kay nicko pinilit ko naman lagyan ng ngiti yung labi ko saka tumango kay jonas ngumiti lang to sakin.. Freak.!
" hello nicko." ngiti ni anthony dito tumango lang to.. Si mark naman ay nanatili lang na tahimik..
" nicko, jonas tara pasok na tayo." saad ko saka tumalikod sa kanila at pumasok sa bahay..
" mom wait can we talk muna." bulong ni annalyn sakin na sumabay sa paglalakad.
" tungkol saan.?"
" basta mom." saad nito tumango naman ako sa kanya.
" anthony kaw muna bahala kala nicko.. Mark assist them.. May paguusapan lang kami ni annalyn sandali." saad ko tumango naman yung dalawa.. Umakyat lang kami ni annalyn sa kwarto. " ano yun anak.?"
" mom di ba sasabihin niyo na kay kuya nicko.. Mom please wag niyo sabihin yung tungkol sa sakit ko."
" bakit.?"
" ayoko malaman ni kuya nicko.. Nung huling chemo ko mom narinig ko yung sinabi ng doctor." umiwas naman ako ng tingin haixt.. "mom alam ko na lumalala yung sakit ko.. Mom please ayoko kaawaan ni kuya nicko.." natitigan ko lang sa mukha yung anak ko. Unti unti ng napapansin yung pagpayat nito at humpak na pisnge.." mom please.?"
" ok anak.. Pero promise me lalaban ka huh.. Hindi ka susuko.. Malalampasan mo rin to.. Lumaban ka para kay mommy."
" para sa inyo ni kuya anthony at lalo na po para kay kuya nicko.. Gusto ko pa po syang makasama.. Kapag nakikita ko po sya parang kasama ko na rin po si daddy."
" alam mo mas gwapo yung daddy mo ng nasa ganun edad sya."
" para sakin mommy mas gwapo si kuya nicko.." ngiti ni annalyn..bumuntong hininga naman ako saka niyaya sya pababa .. Naabutan lang nakin sa dining area sila nicko at jonas kasama si anthony at mark.. Kita ko lang yung kakaibang titig sakin ni jonas.. Pinilit ko naman lagyan ng ngiti yung labi ko.. Jonas Hindi mo mamalayan nasa amin na si nicko.. Kukunin ko sya sayo.
SI JONAS
Hindi ko lang mapigilang titigan si michelle..kahit balutin pa ng napakakapal na makeup yung mukha nito.. Tingin ko parin sa kanya ay isang demonyo.
" lets eat.?" saad nito lumingon naman ako kay nicko saka hinawkaan yung kamay niya sa ilalim ng mesa.
" mas magaling ka nicko sa pagpepretend.." bulong ko sa kanya.. Natawa naman sya.
" baliw." saad lang nito saka nagsimulang kumain.. Ramdam na ramdam mo yung tensyon habang isa isa mong tinitingnan yung mga tao sa harap namin.. Si anthony nanduon parin yung kakaibang tingin nito kay nicko.. Si mark halata ang pagkaasiwa nito lalo na pag napapatingin to samin ni nicko..si annalyn hindi maalis yung ngiti sa labi may napansin lang ako sa itusra nito parang pumayat to kesa sa huli ko syang nakita.. Si michelle kitang kita sa mga mata niya yung galit at pagkamuhi kapag tumitingin sya kay nicko...hindi ako papayag na masaktan niyo si nicko..not ever.. Pagkatapos ng dinner na yun ay tumuloy na kami lahat sa sala.
" nicko hindi ko alam kung pano ko sisimulan." iwas ang tingin na saad ni michelle. Ngumiti naman ako dito.
" uhm nasabi ko na po kay nicko.." saad ko lang kita ko naman yung titig nila sakin. " alam na po niya." saad ko saka hinawakan yung kamay ni nicko.
" kuya nicko alam mo na.?" saad ni annalyn kita ko naman na tumango si nicko saka ngumiti. " so tanggap mo kami.?"
" uhm wala naman akong magagawa eh.. Saka past is past ika nga." saad ni nicko habang nakatingin kay michelle. " mas isa lang akong tanong sa mommy niyo."
" pwede naman magtanong si nicko di ba.?" ngiti ko., tumango naman si michelle saka si anthony.
" wait bago ako magtanong first can I call you tita michelle.?" saad ni nicko.
" kahit mommy nicko."
" no.. Mas ok sakin yung tita.. Gusto ko lang po itanong bakit niyo po sinira yung pamilya ko.?" kita ko lang yung seryosong mukha ni nicko habang nakatitig kay michelle.
" hindi si mommy ang nanira ng pamilya kundi ang mommy mo." mariin na saad ni anthony.. Hindi ko naman mapigilang matawa.
" anthony shut up.!" saad ni michelle dito.
" sino ba ang kabet.. Di ba ang mommy mo.?" saad ko sinimaan naman ako ng tingin ni anthony si annalyn naman tahimik lang na nakatungo habang katabi si mark..
" tita can you answer my question.. Bakit niyo sinira yung pamilya ko."
" mom.. Di ba yung mommy niya ang sumira sa pamilya natin.. Pinatay niya si daddy.!"
" nagawa yun ni mommy dahil sa mommy mo...!" gigil na saad ni nicko.
" si mommy ang mahal ni daddy.!"
" kuya anthony tama na.. Please.." saad lang ni annalyn.
" pero sino ba ang kasal..?"
" its just a paper.. Ang importante kung ano ang nararamdaman.. Inagaw lang naman ng mommy ni nicko yung daddy ko ah.."
" inagaw..?" sarkastikong naman na ngumiti si nicko. "walang inagaw si mommy kasi sya ang tootong asawa."
" anthony can you shut up.?!" sinimaan lang ng tingin ni michelle yung anak niya. " gusto mo ng sagot nicko..? Unang una hindi ako ang naninira ng relasyon kundi yung mommy mo.. Kami ni fred bago naging sila.. Napilitan lang naman magpakasal si fred sa mommy mo dahil sayo.. Hindi inaasahan na nabuntis si alice."
" kung mahal kayo ni daddy bakit nabuntis niya si mommy.?" saad ni nicko kita ko naman na umiwas ng tingin si michelle kaya payak lang akong natawa.
" kasi malandi yung mommy mo.!" gigil na saad ni anthony.
" kung malandi yung mommy ni nicko ano pa tawag sa mommy mo.?" sarkastikong ngiti ko. " nagpakasal na pala bakit kailangan pa mangulo.? Saka yung sinasabi mo na yung kasal is just piece of paper..? Asshole.. Kung hindi ka naniniwala sa kasal wag kang mangdamay." hinigpitan naman ni nicko yung hawak niya sa kamay ko. " kasal na po di ba bakit pinagsiksikan niyo pa yung sarili niyo..kung matino kayo dapat alam niyo yung salitang respeto." kita ko naman na nagpunas ng luha si nicko.
" hindi malandi ang mommy ko.! Nagmahal lang naman sya ah." saad ni nicko.
" nagmahal sa taong hindi naman sya ang mahal" gigil na saad ni anthony.
" bakit yang mommy mo mahal ba si daddy i nicko.??! For sure nakasama niyo lang sya kasi nabuntis lang din sya."
" mahal ako ni fred.. Naiintindihan mo.?!" gigil na saad ni michelle binigyan ko lang sya ng sarkastikong ngiti.
" really.. Pero hindi kayo ang pinakasalan."
" pinilit lang sya ng magulang ni alice."
" bakit po sya nagpapilit.. Well kahit anong paliwanag niyo kabit parin ang tawag sa inyo.. Kahit pabalikbaliktarin ang mundo kabit parin kayo." gigil na saad ko.
" tang ina mo huh!" sigaw sakin ni anthony kita ko naman na tumayo si mark saka to inawat.
" bitawan mo sya mark.. Suntukan nalang para maiganti man lang namin yung pagkasira ng pamilya ni nicko! Bitawan mo sya.!" sigaw ko.
" jonas tama na." saad sakin ni nicko.
" bitawan mo nga mark.!" gigil na saad ni anthony.
" anthony pwede ba.. Ilang beses ko bang sasabihin na tumahimik ka huh!" sigaw ni michelle.
" jonas tama na kasi."
" no nicko.. Kaya kong durugin yung mukha niyan.!"
" tama na naman oh.. Please.. Past is past nga di ba.. Pwede ba magmove on nalang tayo.. Ok sige nagkamali si mommy kung may nagawa man sya.. Sorry.. Sorry.. Kuya nicko patawarin mo na si mommy.. Alam ko malaki yung kasalanan niya sayo pero kuya nicko please patawarin mo na kami.." naluluhang saad ni annalyn.
"anthony shut up na ok.!" saad ni michelle saka tumingin kay nicko. " ok nicko.. Para maayos na to.. I'm really really sorry sa nangyare sa parents mo.. I know nagkamali ako.. Tinatanggap ko yun.. Kaya sana mapatawag mo ko.. Magsimula tayo as family.."
" yun na yun.?" saad ko.
" ano pa gusto mo nagsorry na nga di ba.?" saad lang ni anthony.
" gusto ko lumuhod sya." sarkastikong ngiti ko.
" jonas ano ba.?" lingon sakin ni nicko.
" bakit hindi niya magawa.. Yung parents ni nicko yun nasa ilalim ng lupa.. Kayo nagpapakasawa sa pera ni nicko.. Pagluhod lang hindi pa niya kayang gawin.?"
" kusang binigay sakin ni fred yung perang yun."
" pero alam mong para kay nicko yun."
" pinagtrabahuhan niya yun para samin ng mga anak niya."
" anak din si nicko kaya may karapatan sya sa pera na yun."
" tama na .. Wala naman akong paki sa pera eh." saad lang ni nicko.
" so lumuhod ka nalang kabet ka."
" hindi kabet si mommy.!" gigil na saad ni anthony. " tanga ka ba huh iulang beses ko bang sasabihin na hindi kabet ang mommy ko.!"
" fine.. Edi mistress.?" sarkastikong ngiti ko kita ko naman yung galit sa mukha ni anthony. " kung ayaw mo ng mistress edi ahas.. Kung ayaw mo parin edi malanding ahas.!"
" hayop ka..! Hindi ka naman dapat kasali dito nakikisali ka.!"
" really..hindi nalang kami basta magkapatid ni nicko.. May relasyon na kami.. So sapat na bang dahilan para makisali ako.?" ngiti ko kita ko naman yung tingin sakin ni mark ganun din si michelle. "Ang alam ko kasi nanahimik na kami ni nicko.. Sino ba ang lumalapit..bakit hindi ka nalang magthank you kasi we are here para matapos na to."
" bakit ako magtathank you.. Asshole.!"
" ok please tama na.. Kung yun lang kaya kong gawin yun para mapatawad ako ni nicko." saad ni michelle.
" kaya naman pala eh bakit hindi pa gawin.?" ngiti ko kita ko naman na unang lumuhod si annalyn. " annalyn wala kang kasalanan yung mommy mo lang."
" annalyn please stand up." saad lang ni nicko.
" no nicko.. Para to kay kuya anthony...sorry sa lahat ng sinabi niya." lumuhod naman sa tabi nito si michelle.
"eh bakit hindi ka nalang makijoin anthony since alam ng kapatid mo na may mali ka..?" sarkastikong ngiti ko.
" jonas tama na please hindi naman kailangan lumuhod eh.?" pagsusumamo sakin ni nicko.
" gusto ko lang makakita ng demonyong nakaluhod." bulong ko kay nicko..hinawakan naman niya ng mahigpit yung kamay ko.
" bakit ako luluhod wala akong ginawang mali."
" anthony luhod na!" sigaw ni michelle.. Payak lang akong natawa kita ko lang yung sama ng tingin sakin ni anthony saka lumuhod sa tabi ni annalyn..
" uhm tayo na po kayo.."saad lang ni nicko.
" Im really sorry nicko.. Sana bigyan mo kami ng chance maging pamilya mo." sabay sabay naman silang tumayo.. Gusto ko tumawa ng mga oras na yun lalo na ng makita yung tingin sakin ni anthony.. Si mark naman tahimik lang na nakaupo pero pansin ko rin yung sama ng tingin nito.
" gusto ko rin po magsorry sa sinabi ni jonas." magsasalita sana ako ng kurutin ako ni nicko.. Napangiwi naman ako sa sakit. " shut up jonas ok." gigil na saad ni nicko..sumimangot naman ako.
" nicko.. Please since tanggap mo na kami gusto ko sana dito ka na tumira.?" saad lang ni michelle.
" what!?" manghang saad ko pero muli lang akong kinurot ni nicko. " ouch naman."
" no tita.. Ayoko po.. Pwede naman po tayong maging pamilya kahit hindi po ako dito nakatira.."
" please kuya nicko gusto ka naming makasama."
" Hindi ko po iiwan si jonas.. Hinding hindi."
" pwede rin naman syang tumira dito.?"
" mommy!" kontra lang ni anthony.
" shut up anthony.!"
" no mas gusto ko po tumira sa apartment namin ni jonas.. Malaki po masyado tong bahay niyo.. Ok na po ako dun samin."
" kuya nicko please.. Gusto kita makasama.?"
" makakasama mo ko annalyn.. Pwede kang dumalaw sa apartment or pwede akong dumalaw dito.."
" pero kuya nicko.?"
" please annalyn.. Ok na ko dun samin ayoko talaga."iling ko napabuntong hininga naman si annalyn
" kuya naman eh..kala ko ba tanggap mo na kami."
" yeah ok na sakin.. Gusto ko na rin magmove on.. Nakaraan na yun.."
" eh bakit ayaw mo tumira dito."
" nasanay na kasi ako duon sa apartment eh.. Mas komportable ako duon.."
" at tingin ko mas magiging komportable din si anthony kung hindi dito titira si nicko.. Tama ba ko anthony.?" sarkastikong ngiti ko.. Sinamaan lang ako ng tingin nito saka tumalikod at umakyat sa hagdan sumunod naman dito si mark.
" please annalyn.. Ayoko talaga."
" kuya nicko naman kasi eh..Pero sige.. Dadalaw ka lagi dito huh at pipilitin ko din dumalaw sa apartment niyo ni kuya jonas." saad ni annalyn..pagkatapos ng paguusap na yun ay pinahatid na kami ni michelle sa driver nila.. Hindi ko naman mapigilang matawa pagpasok namin sa apartment.
" jonas ang sama mo bakit pinaluhod mo pa sila.? Sobra naman ata yun.."
" ganti lang yun.. Sinabihan nila ng malandi at mangaagaw yung mommy mo... Hindi naman ako papayag noh."
" mukha naman ok sila ah.?"
" sigurado ka..? See nakita mo yung ugali ni anthony.. Mukhang mana sa mommy niya buti pa si annalyn ang bait.."
" ayoko talaga tumira sa kanila.. Ayoko."
" alam ko naman na ayaw mo.. Tapos alam ko naman na ikaw lang yung gusto nilang tumira sa kanila eh. Eh for sure hindi mo naman ako iiwan eh."
" hindi talaga noh. Ikaw pa."
" sabi na eh.."
" haixt sana jonas maging ok na lahat.. Ayoko na ng gulo.."
" edi pang nagsimula sila ng gulo.. Bigyan natin sila ng super bagyo."
" salamat jonas sa pagtatanggol mo kay mommy huh.."
" si tita pa.. Mommy ko na din yun eh.. Wait nicko si sofhie di ba bukas na sya dadarating.. So may plano ka na.?"
" wala pa eh.. Bahala na bukas."
SI ANTHONY
Gigil ko lang na hinawakan yung baso habang nakatanaw sa terrace ng bahay namin kasama si mark.. Haixt gusto ko sakalin yung jonas na yun.. Gusto ko syang patayin.
" anthony yung video.. Wag mo na kaya ilabas yun.. Baka lalo lang magulo yung pamilya niyo.. Ok na kay nicko tanggap niya na."
" no mark.. Tuloy yun saka sayo naman magagalit si nicko hindi sakin." saad ko.. " ikaw naman ang kahalikan hindi naman ako."
" pwede ba anthony wag mo ko idamay sa galit mo kay nicko.?"
" I have your video.. May magagawa ka ba.. Alam mo kuya mark bakit hindi mo nalang sukuan yung kapatid ko.. Obviously hindi ka niya mahal."
" pero mahal ko sya."
" si jonas ang mahal niya.. Kaya if I were you susuko na ko."
" kung yung mommy ni nicko nakuha yung daddy mo kahit hindi naman sya mahal nito.. So its possible na makuha ko rin sya." saad lang ni mark habang nakatingin sa malayo.. Haixt..
" kahit kailan hindi naging masaya yung mommy niya."
" basta mapunta lang sakin si nicko.. Masaya na ko kahit hindi niya ko mahal.." lumingon lang sakin si mark kita ko lang yung sama ng tingin niya sakin. " so sa oras na lumabas yung video namin.. Ill make sure na pagbabayarin kita."
" kalaban na rin ba kita ngayon kuya mark.?"
" mali yung gagawin mo.. At hindi kita kukunsintihin."
" di ba sabi ko gusto ko lang gumanti.."
" gumanti sa taong mahal ko..? Anong akala mo sakin anthony tanga para pabayaan ko syang saktan mo.. No way.. Tandaan mo pag nilabas mo yan.. Wala ka narin pinsan.. Kalimutan mo na ko.!"
" sana naisip mo yan bago ka pumayag sa video na yun."
" fine edi tanga na ko.. Akala ko nagbago ka na nung pumunta kayo ng states.. Ganyan ka parin pala.. Kung akala mo susunod parin ako sa lahat ng gusto mo tulad ng mga bata tayo,.. Nagkakamali ka anthony.. Wag si nicko.. Magkakagullo tayo pag nasaktan mo sya."
" tandaan mo kuya mark nagiisa ka lang.. Kami lang ang pamilya mo."
" at tingin mo matatakot mo pa ko sa ganyan.. Hindi na ko bata well kaya ko na mabuhay mag-isa.. Kahit wala ka..kahit wala kayo.. Subukan mo lang saktan si nicko.. Ako ang gaganti para sa kanya.!" saad nito saka nagwalk out.. Gigil ko naman na binato yung baso.. Hayop ka nicko.. Hayop ka jonas.. Gaganti ako sa inyong dalawa.. Gaganti ako.. Magalit ka na kung magalit kuya mark.. Pero gusto ko makita umiyak si nicko... At mangyayare yun sa sabado.!
SI JONAS
Nakatulog na nun sa kwarto si nicko ako naman nanatili lang ako sa sala habang nanunuod ng tv.. Sinusubukan mag-isip kung pano ko matutulungan si nicko sa pakikipaghiwalay nito kay sofhie.. Alam ko hindi magiging madali yun..para kay nicko at lalo na para kay sofhie. Napabuntong hininga lang ako.. Tawagan ko kaya si sofhie.. Haixt naman.. Natigilan lang ako ng magring yung cellphone ko nagtaka lang ako ng makita yung pangalan ni mark.
" hello.?" sagot ko sa tawag.
" jonas can we talk.. Nasa gate ako ng apartment niyo."
" what.. Tulog na si nicko."
" ikaw ang gusto ko makausap.. Lumabas ka nalang pwede.?" iritadong saad nito..bwisit ang ugali.. Pinatay ko naman yung cellphone ko saka lumabas ng bahay.. Binuksan ko lang yung gate saka sumimangot sa kanya.
" what.?"
" jonas akala mo ganun na lang yun...kilala ko sila tita michelle at lalo na si anthony.. Please ingatan mo si nicko."
" what do you mean.?"
" alam ko may gagawin sila laban sa inyo..at lalo na kay nicko Jonas kakampi niyo ko..mahal ko si nicko alam mo naman yun di ba.?"
" kakampi ka ba o espiya.?"
" jonas mahal ko si nicko.."
" pero akin na sya.. Don't tell me umaasa ka pa.?" umiwas naman sya ng tingin.
" jonas may video kami ni nicko.. At hawak yun ni anthony."
" sex video.?!! Gago ka ah." sigaw ko sa kanya hinawakan ko naman yung kwelyo ngdamit niya. " mga hayop talaga kayo.!"
" pwede ba makinig ka muna.!"
" tangina mo.. At anong paliwanag mo sige.!"
" bitawan mo ko.!" saad niya saka tinanggal yung kamay ko sa damit niya sinamaan ko lang sya ng tingin. " nagkamali ako na pumayag sa plano ni anthony.. Jonas ilalabas niya yun sa sabado.. Kapag nanalo si nicko ipaplay niya yung video."
" kapatid niya si nicko.. Demonyo ba talaga sya huh."
" simula mga bata kami ganun na sya.. Kaya ang gusto ko magingat kayo ni nicko.. May mga bagay na kayang gawin si anthony.. Kakampi niyo ko jonas.. Kung hindi man mapunta sakin si nicko atleast maprotektahan ko sya.. "
" anong video ba yun.?"
" yung kiss namin ni nicko.. Pero sinigurado ni anthony na hindi ako makikilala sa video.. Gusto niya si nicko lang nag mapahiya."
" bipolar siguro yung anthony na yun noh?""
" I dont know.. Jonas please wag mo hayaan masaktan si nicko.. Wag mo na sya pasalihin sa pageant.. Please lang.."
" kiss lang naman yung video di ba..?"
" yeah kiss lang yun.." saad nito mariin ko naman syang tinitigan.
" alam mo gusto kitang patayin ngayon.. Bakit hinalikan mo si nicko.. Hayop ka akin lang sya eh."
" shut up nga.. Ang importante si nicko.. Yung kiss na yun it means a lot to me.. Pero para kaya nicko wala lang yun.. Kasi ikaw yung mahal niya."
" buti alam mo.."
" jonas wag kayong magtiwala kay tita michelle.. Lalo na kay anthony.. Si annalyn lang ang mabait sa kanila.. Sya lang.. Alam ko kaya sila nagpapanggap na mabait dahil yun sa sakit ni annalyn."
" may sakit si annalyn.?"
" yeah may cancer sya.."
" is that true.?"
" yeah. At ginagawa nila to dahil sa hiling ni annalyn.. So if I were you.. Gamitin niyo yung sakit ni annalyn para maprotektahan yung sarili niyo.. Sya lang yung kakampi niyo..sya lang at alam ko gagawin lahat ni annalyn para maprotektahan si nicko.. Ganun niya kamahal yung kapatid niya."
" eh ikaw hindi ka namin kakampi.?"
" kakampi ako ni nicko..pero ikaw.. Karibal parin kita.. One more thing.. Wag mo syang pakawalan kasi sa oras na gawin mo yun.. He'll be mine forever.." ngiti niya sakin,
" asa ka naman.. Sure ka ba na ilalabas ni anthony yung video.?"
" binalaan ko sya pero I know hindi makikinig yun.. So please kapag nakita niyang wala si nicko sa pageant Im sure hindi niya na ilalabas yun."
" for now mark magkakampi muna tayo.. May plano ako." ngiti ko sa kanya.
SI PATRICK
Nakasandal lang ako sa kotse nun habang nakatanaw sa malaking bahay nila michelle.. Payak lang akong napangiti.. Nageexist pa ko michelle..hanggang hindi ko alam kung saan mo dinala si tita Lina hindi kita titigilan At ipinapangako ko na si nicko ang gaganti para sa mommy niya.
Exciting tong story na to. Una kala ko yung typical na kawawa ang bida, api apihan na walang kakampi sa mundo, pro sa flow ngaun, nakaka-excite ang susunod na mangyayari. ^_^ kuddos author.
ReplyDeleteExciting tong story na to. Una kala ko yung typical na kawawa ang bida, api apihan na walang kakampi sa mundo, pro sa flow ngaun, nakaka-excite ang susunod na mangyayari. ^_^ kuddos author.
ReplyDeleteits pay back time michelle..pina kidnap pa yung lola ni nicko? mala herba nunca muerte...masamang damo
ReplyDeletegrey
Wow paganda ng paganda ang akda mo author. ang galing mo talaga.
ReplyDeleteSee! Sabi ko na nga ba eh! Maganda na talaga etong gawing Teleserye! Promise! Kahit 3 months lang po! Parang koreanovela! Hay pano ba to.. thankful talaga kmi that patricked revealed himself for nicko and jonas.. paampon nlng ko ay patrick!
ReplyDeleteWaaaah! Kinakabahan ako sa mangyayari.. climax na!
ayos ang story ah! pagaling ng pagaling sa bawat bagong chapters. Congrats author! keep it up! hehe...
ReplyDeletesya nga pla kelang susunod na update. Ill wait for it pero sana di masyadong matagal. hhmmm...
Keep it up, sobrang laki ng iginanda ng story. I hope hindi gumana ang mga binabalak ni Anthony kay Nicko. Sila na ngang mag-ina ang may kasalanan kung bakit naulila sina Jonas at Nicko sila pa ang masama ang binabalak. Bumalik sana sa kanila lahat ng ginagawa nila lalo na sa nanay nila,
ReplyDeleteBrix
wow habang tumatagal lalonh nagiging exciting.. more power po author hanggang s mga susunod po n updates.. keep it up and more power.. ;)
ReplyDeletelummier
napakasama ni michelle pati lola ni Nicko di pinatawad. asan kaya siya? go dr. patrick labanan mo ang bruha.
ReplyDeletetnx blue saupdate.
randzmesia
thank you for the story...magandang maganda. kakaiba...
ReplyDeleteKuya joe...nasaan na ang next chapter...gusto ko ng gumanti...hehehe...d na to makatagal...
ReplyDeleteupdate na po..
ReplyDeleteGrabe ang intense! Yung puso ko grabe yung dagundong parang nanonood ako ng action movie.. grabe.. ang galing mo author! Kudos to you. -Allen
ReplyDeleteThe best chapter ever!!!! andito lahat eh. kung sa past chapters maraming conclusions ang pede mangyari, dito tlagang makikita mo yung consistency. braco!!!
ReplyDelete