Followers

Thursday, March 27, 2014

Can't We Try? 2


Author's note: Maraming salamat po sa mga nagbasa nung Chapter 1 ko. 

Maraming salamat din po sa advices, guys sana po habang ipinagpapatuloy ko itong story ay magkomento pa po kayo about sa mga "errors" para po mai-ayos ko pa ang aking pagsusulat. First time ko lang po kasi magsulat eh. May mga english part nadin ako simula rito, pasensya na po kung may mga "wrong grammar". Again, thank you guys.

May mga parang "OA" part dito pati ang mga susunod pang chapter pero ganun na po ang realidad ngayon di po ba?

Salamat Mr. Mike for giving me the opportunity to share my story through your blog.

Enjoy Reading Guys.

-

Chapter 2

Magsisimula na sana ako ng biglang may sumulpot sa pintuan at nakapasok ito ng bahagya ng room sapat na para makita siya ng lahat, napatitig naman ako dito.

Naka-tungkod ito sakanyang mga tuhod kaya naman hindi ko makita kung anong itsura nito o kung sino man itong taong 'to. Hingal na hingal siya, halatang tumakbo ito o kung ano man na dahilan para hingalin siya nang ganyan.

 "Ahm excuse me but, do you belong in this class?" mahinhin na pagpansin ng aming prof rito.

Tumingala ito at tumingin sa mga kaklase namin at pansin ko ang medyo matangos na ilong nito, hanggang sa sa amin naman ito tumingin, pawisan ang noo nito. Ewan pero parang may kung ano akong nakita rito na hindi ko maintindihan.

Mabilisan namang nagsitilian ang mga kababaihan lalo na ang mga pusong babae sa room.


Napatitig ako rito. Sino kaya itong hunghang na ito?

 "Chinito!!" sigaw naman ng isa.

 "Ang gwapo."

 "Pero mas maputi padin si papa Kyle ko." sinamahan pa nito nang postura na tila kinikilig.

Nag-straight body na ito at nakatingin lang sa aming prof na hinihingal padin.

Maging ako ay napatitig dito, napaka-gwapo nito, simpleng pananamit, saktong tangkad, maganda ang katawan, maputi at higit sa lahat Chinito. Ewan ko ba pero parang namangha naman ako dito.

 "What happened to you?" pagtatanong uli ng aming prof rito.

 "It just so happened that I precisely went in this school late then I badly took stairs just to be here as soon as possible that's why I ended up panting." pagpapaliwanag nito at wait, ang galing mag english dahil may accent pa.

 "Ay bongga mam englishero."

 "Nakaka-inlove."

 tilian ng aming mga kaklase.

 "I am sorry mam for being late." paghihingi ng paumanhin nito.

 "That was really nice to hear, it's our first day today so don't worry." bakit parang ang bait ng prof namin samantalang sinungitan niya kami kanina.

 "Whoever are you, just take those vacant seats at the back so I will be able to start leading the prayer." nakasimangot kong sabi rito, nguni't ni hindi man lang ako nito tinignan at parang walang narining.

 "Mam, can I take some seats now?" pagpapa-alam nito sa aming prof, aba maangas ito ah, narinig kong natawa naman ang aming prof kaya nainsulto ako sa lalaking ito.

 "Sure iho." pagtugon naman sakanya ng aming prof.

 "Thank you mam." pagsagot nito saka dumeretso na sa likod, nakita kong habang naglalakad ito papunta sa may likuran ay pinapansin siya ng aming mga kaklaseng babae.

-

 (Justin's Side)

Dalawa nalang ang bakanteng upuan at magkatabi pa kaya naman dun na lang ako pumwesto sa may right side.

Pagkalagay ko ng bag ko rito ay tumayo na ako ng maayos dahil magdadasal na kami.

Nang matapos na ay na-upo na kami at tinignan ko ang lalaking nag-lead ng prayer sa harapan.

Nagpa-alam ang prof namin at may pupuntahan lang saglit.

Napatingin naman ako sa lalaking sinungitan ako kanina. Ang sungit-sungit nito, malamang asungot 'to. Natawa na lamang ako sa aking naisip.

Parang hindi ko nagugustuhan ang aking naiisip. Dalawa lang ang bakanteng upuan at inupuan ko na ang isa then considering na sa tabi ko uupo itong asungot na 'to.

Nakasimangot ito na nakaka-inis tignan. Pero, tama nga,... ngayon ko lang napansin na napaka-gwapo pala nito, athlete body, kasing tangkad ko lang at ang puti nito,.. oo tisoy, tisoy nga ito.

Sayang crush ko pamo ito dahil sa attracted ako agad rito pero NO. As in NO ayoko nang asungot.

Padabog itong umupo sa upuan nito na katabi ko lang. Ngayon ay sa amin nakatingin ang aming mga kaklase.

Ayokong masira ang unang araw ko sa klase at ayaw kong patulan ito sa angasan kaya naman inusog ko na lang palayo ang aking upuan pagka-upo nito at nakita kong napatawa naman mga kaklase namin.

 "Hoy ikaw! Huwag kang maangas at bago ka lang dito ah?" sabi ng isang lalaking katabi nito, mga kaibigan niya siguro 'to. "Hoy kinaka-usap ka." dagdag pa nito.

 "Ako ba kausap niyo?" tanong ko rito, kahit na alam kong ako ang tinutukoy nito.

 "Aba. Maangas itong isa 'to ah." sagot naman ng isa pa sa mga kaibigan nito.

 "Pasensya na mga tol ah, hindi ko lang kasi alam na ako pala kinaka-usap niyo eh." pagpapa-kumbaba ko kunwari sa mga 'to.

 "Mukhang may katapat na sila."

 "Buti nga sakanila."

 "At ang gwapo din ng katapat nila ah."

 rinig kong sabi ng mga ito, mukhang mayayabang siguro ito kaya ganito sinasabi nila.

Nakita kong sumimangot ang grupo ni asungot at halatang nainis sila.

 "Hoy ikaw. Umayos ka at baka kung ano magawa namin sa iyo." pagbabanta naman ng isa pa sa bandang dulo. Apat pala sila, medyo nabusit ako sa magaspang na pag-uugali nito kaya naman,..

 "Alam niyo hindi ko alam kung ano nagawa ko sa inyo. Umiiwas na nga ako at hindi ko na lang pinapansin mga sinasabi niyo eh, pero kung gusto niyo talaga ng gulo, okay sige bahala kayo." seryoso kong sabi rito. "At sana kung pwede lang huwag niyo na lang akong pansinin, at mukhang madaming ibang istudyante ang nagpapapansin sa inyo kaya sila na lang pansinin niyo. Aga-aga, kadarating ko lang." dagdag ko pa, oo hindi ako papatalo kapag alam kong wala akong ginagawang mali, isa pa ay pala-away ako lalo na kapag talagang alam kong wala akong kasalanan pero sinabihan na ako ni inay na iwasan ang pumatol sa mga bully lalo na ngayon dahil baka daw masayang ang scholarship ko rito, sadyang nakakainis lang ang mga ito kaya hindi ko na napigilan.

Nakita ko naman na parang nashock ang grupong ito sa mga sinabi ko lalo na ang mga kaklase namin.

 "Okay class let's start now." hay buti na lang bumalik na ang prof namin kung hindi baka kung ano pa ang masabi ko sa mga ito.

 "Okay mam." sabay sabay na sagot ng mga ito.

 "Syempre, as usual ay papakilala kayo sa harap." natatawa namang sabi ng aming prof. "Just tell something about yourself then okay na yun. Start."

Isa-isa nang nagpakilala, may mga magkakaibigan pala at may mga baguhan din katulad ko.

Hanggang sa umabot na sa huling row at kami iyon.

 "Ako nga pala si Bryle Navarro. 18 years old."

 "Ako naman si Matthew Gomez. 19 years old."

 "My name is Ivan Nick Sanchez. 18 years old."

talagang magkaka-edaran lang pala ang mga ito eh, hanggang sa ang asungot na nag-lead kanina na ang sumunod.

Nagtilian naman ang mga kaklase namin, no wonder ang lakas kasi ng appeal nito tapos gwapo pa.

 "Ahm, I am Kristian Kyle Lazaro, 17 years of age. Kyle for short." ang gwapo talaga nito pero asungot parin para sa akin,

At lastly, ako na ang sumunod.

 "Well, I am Prince Justin Dizon,... 16 years of existence and you can freely call me Prince as you guys wish." pagngiti ko sa mga ito, medyo nailang pa ako dahil tinitignan ako nitong asungot na si Kyle pati na ang mga alagad niya.

 "Hi Prince."

 "Omg girl,.. may Prince Charming na tayo."

eto talagang mga kaklase ko oh.

 "Okay ayan ah, alam niyo na ang pangalan ng isa't-isa. Well then, today, we will be having a recitation. First day is a great day." magiliw na sabi ng aming prof, may mga nag-react naman dahil nga sa first day palang at may pasabog na.

 "This is a voluntary recitation wherein whoever wants to answer my questions will just going to raise their hands and, if your answer suits well my question you will be excused on our long quiz next week. That is how I negotiate with my students. Is it clear?" nakangiti nitong sabi, marami naman ang namangha rito kasama na ako dahil sa boses palang mababakasan mo na nang pagka-professional ito.

 "Okay let's start. First question." pagtayo nito. "Does age matter when it comes about love?" unang tanong nito, huh? bakit ganun ang tanung nito?

 "Gusto kong malaman kung sino ang mga magagaling dito pagdating sa love, o ang mga matured na kapag dating sa love. Alam ko kasi na ang henerasyon ngayon ay puro puso ang nangingibabaw. Oh sino gustong sumagot? Just raise your hand."

May mga iba't-ibang sagot akong narining mula sa aking mga kaklase, ang gagaling ng mga ito at tila nawalan ako ng utak at hindi ako makapag-isip ng isasagot, hanggang sa nag-iba na ito ng tanong.

 "Okay last question. Does love really do knows no gender? I'll repeat,... Does love really do knows no gender?" sa professional na tono nito ibinigay ang tanong na ito, at mapapansin mong excited ito sa aming mga isasagot.

Tila tinablan naman ako, bilang isang Bisexual ay sa tingin ko na dapat ay sumagot na ako sa tanong na ito. Oo I am a bisexual nga pala guys.

May mga nagtaas na nang kanilang mga kamay, may mga negative answers at positive. Ang gagaling talaga nang mga ito.

 "Ang gagaling niyo ah. Oh may mga sasagot paba? Last na sasagot na lang." sabi ng aming guro.

Agad-agad na akong nagtaas. Napatingin naman sa akin ang aming prof dahilan para mapatingin din ang mga kaklase ko sa gawi ko at ngayo'y nasa akin na ang lahat ng atensyon pati na si Kyle at ang grupo nito. Okay this is it, lemme take this opportunity para ipagtanggol ang aking lahi.

 "Well mam,... let me answer your question in a simple way." paninimula ko rito. "For me, yes,.. Love really do knows no gender. We all know that love can easily be fallen randomly in every person, wherein, whether a man loves woman, woman loves woman and a man loves man,... whatever sexuality it is, still, everyone should consider it as a love. To top it all off, I myself, as a Proud Bisexual, telling everyone that,... Transgender, Gay, Lesbian or even Bisexuals are essentially must be respected by everyone, for it is just a way of acknowledging that we are all created by our beloved God, Equally. Again, love really do knows no gender." pagbibigay diin ko pa sa huling salitang namutawi sa aking bibig.

Saka na ako naupo, napatingin naman ako sa aking mga kaklase, iba't-ibang reaksyon ang rumehistro sa mga mukha nito. Sinulyapan ko din ang grupo ni Kyle, nakatingin sila sa akin at mababakasan ko sila ng pagka-hanga, lihim akong natuwa dahil naibigay ko nang tama ang aking sagot nang walang pagkakamali.

 "Very well said." pagbasag nang aming prof sa katahimikan dahilan para magsipalakpakan ang aking mga kaklase.

 "I do salute him."

 "Omg Bisexual siya."

 "Pwede sa boy at pwede sa girl."

 "Pero gwapo pa rin siya."

 mga komento at tilihan na aking naririnig mula sa aking mga kaklase.

 "I like your answer but,..." biglang tumigil ang aming prof, napatingin naman kaming lahat para malaman kung ano ang ibig sabihin nito sa pagputol nito sakanyang sinabi.

 "Is it true that you are a bisexual?" takang tanong naman nito, lihim naman akong natawa dito.

 "Definitely yes and i'm proud of it." magiliw kong sagot rito.

--

Makalipas ang ilan pang minuto ay tapos na ang subject nito at ngayon ay break na namin.

 "Hayy, ang hirap ng walang pera. Where to buy? What to eat Kyle?" nasabi ko na lamang sa aking sarili habang naglalakad sa hallway at hindi alam ang pupuntahan, may pera naman talaga ako galing sa allowance pero syempre kailangan kong magtipid dahil baka mamaya ay may mga gastusin kaagad at dapat ready ako.

 "Tama! Water will do." kaya naman naisipan kong hanapin ang bilihan ng pagkain o canteen ng university at mineral water na lang ang bibilhin ko.

Napakaraming istudyante ang nakakalat sa campus, malamang break time nang lahat. Halos napagod na ako sa kakalakad at hindi ko padin makita ang canteen hanggang sa naisipan ko na lang na magtanong.

May mga lalaki sa may spot ng announcement board nang campus, may nakita akong isang lalaking nakatalikod na malapit sa akin kaya naman pinansin ko ito at tinanong.

 "Ahm excuse me po, asan po ang canteen dito?" pagtatanong ko rito, saka naman ito humarap, literal akong natulala sa mukha nito, chinito din ito at masasabi kong napakarami talaga ng gwapo dito sa university, ang tangos ng ilong nito at ang kinis-kinis pa.

 "Ahm excuse me? How can I help you?" nang magsalita ito ay saka naman ako natauhan kaya inayos ko ang sarili at sumagot.

 "Well, I was actually looking for a canteen, but,.." , hindi ko na natapos ang aking sasabihin sa agaran nitong pagsagot.

 "This way." pagtukoy nito sa may left way mula sa kinakatayuan namin, narinig naman pala niya ako kanina eh.

 "Thank you." nginitian ko ito na tinugunan naman nito ng mas magandang ngiti.

 "Oh my god. Please help me, can't handle this." natatawa ko na lamang na sabi sa aking sarili, saka na tinungo ang tinutukoy nitong canteen.

Narating ko na ito, ang laki at parang hindi matatawag na canteen, parang foodcourt na ata or isang fast food na napakalinis.

Pagkapasok ko ay napa-atras naman ako, dahil sa hindi ko alam kung may maaabot ba ang pera ko rito, mukhang susyalan kasi ang mga binibenta. Ayyy ang hirap talaga, naisip ko na lamang.

Bago ako maglakad ay ginawa ko muna ang lagi kong ginagawa na nakuha ko sa mga koreanovela.

 "FIGHTING!!" at talagang sinamahan ko pa nang postura at natawa na lamang ako sa aking sarili.

 "Ahm excuse me. Can I have one bottle of mineral water please? Thank you." magiliw kong sabi rito.

 "Sir 25 pesos." sabi naman ng cashier, oh my god tag twelve pesos lang ito sa amin eh, ang naisaboses ko na lamang sa aking isip.

 "Okay." pagsagot ko rito, syempre sabi nga nila, the show must go on kaya go lang, yung 50 kong baon wala na, pamasahe papunta-pabalik ay 20 tapos tubig 25, hay nako 5 na lang ang kayamanan ko hahaha.

Binuksan ko na ang nabili kong tubig, at pagkatalikod ko ay hindi ko alam na may tao pala kaya naman nasabal ako rito at hindi ko alam na nabuhos ko pala ang tubig dahilan para mabasa kaming dalawa.

Nandun pala ang grupo ni Kyle dahil narinig kong humiyaw ang mga alagad nito at siya lang ang hindi, siguro dahil sa napahiya ako at tiyak na gustong-gusto nila iyon.

Napakaraming tao ang ngayo'y nakatingin sa amin, hindi ko alam ang gagawin o sasabihin sa taong nabangga at nabasa ko pa, dahan-dahan kong itinaas at tinignan ang mukha nito at saglit akong napatigil.

Siya pala yung lalaking Chinito na pinagtanungan ko kanina, nako patay. Kaya naman agad-agad akong humingi ng paumanhin dito.

 "I'm sorry, hindi ko po sinasadya." pagduko ko rito, hinihintay kong sabihan ako nang mga pangit na salita pero hindi yun ang aking narinig.

 "That's okay. Kahit ako hindi ko rin alam na nandyan ka eh, tinitignan ko kasi kung ano yung pwedeng ma-order kaya ayun." nakangiti nitong sabi at napa-kamot pa ito sa kanyang ulo, napatingin naman ako rito ng may pagtataka.

 "I'm sorry again." paghingi ko ulit ng paumanhin. "At nabasa pa kita tuloy, pasensya na talaga." saka ko inabot ang aking panyo rito.

Hinihintay ko kung kukunin niya ba ito. Natuwa naman ako nang kinuha niya ito at nabigla naman ako sa ginawa nito.

Imbis na sa sarili niya ipunas ay ako pa ang pinunasan niya sa mukha at braso. Napahiyaw naman ang mga istudyante na naka-tingin sa amin, napatingin naman ako sa gawi nila Kyle at mababakasan ko ito nang pagkagulat at parang iba ang timpla nang mukha nito, asungot talaga. Hanggang sa nakaramdam ako ng hiya kaya kinuha ko ang aking panyo rito.

Tumayo ako nang maayos at saka ko kinuha ang kamay nito at ibinigay ko ulit ang aking panyo rito.

 "Salamat, punasan mo yung mukha mo oh basa, pasensya na talaga." pagngiti ko rito saka na ako agad umalis para mawala na sa lugar na iyon.

"Oww emm G. Ang gwapo naman po nang pinakilala niyo sa first day." ang nasabi ko na lamang sa aking sarili, natatawa na lang ako sa mga aking naiisip.

Habang naglalakad ako sa hallway ay may mga istudyanteng nakatamabay sa labas ng kanilang room.

 "Hi kuya."

 "Chinito oh."

 "Wafuuu."

Sa totoo lang ay sanay na ako sa mga ganyan, kaya pinapabayaan ko na lamang. Nginingitian ko na lamang sila.

Nang makabalik na ako sa room ay,... sa wakas at tapos na. Halos nakabalik na pala ang lahat at hinihintay na lamang ang next subject.

Nang naka-upo na ako ay siya namang saktong pagdating ng grupo ni Kyle. Gwapo talaga ni Kyle, mas gusto ko padin pagka-gwapo nito kaysa dun sa Chinito kanina.

"Pasalamat kang asungot ka dahil mas gusto padin kita kaysa dun sa Chinitong mabait." nasabi ko na lamang sa aking isipan, ganito talaga ako kapag may crush o gusto akong tao.

Naka-upo nadin ang mga ito, buti at hindi maaangas ang dating ah.

Nagkataon naman na nakasandal ako ng medyo pa-rightside kaya nalapit ako kay Kyle na katabi ko ng upuan. Ewan ko kung bakit magkatabi na ang upuan namin samantalang lumayo ako kanina.

Sumandal din itong si Kyle dahilan para magdikit ang aming mga braso, ewan ko ba pero parang nakaramdam ako ng nerbyos.

Sakto namang may binabasa akong libro kaya naman hindi ko na lang pinansin ang pagdidikit namin at pinabayaan ko na lamang ito.

Nang tumagal ay hindi pa pala 'to umiiwas at magkadikit padin kami kaya naman ako na ang humiwalay dahil sa nakaramdam na ako ng hiya.

Simpleng bagay lang yun pero para sa akin ay kilig moments. Hahaha, that's the fact.

 "Oy pareng Kyle ba't parang ang tahimik ata natin ngayon? Or kaya dapat nasa tambayan tayo ngayon diba?" yung si Matthew ata ang nagsalita, diko pa kasi masyadong kilala 'tong mga asungot eh.

 "Tahimik na muna tayo, kahit for one week lang. May iniisip ako eh, ayos lang ba?" seryosong tugon naman ni Kyle sa mga 'to.

Pasimple kong sinulyapan ang mga ito, nagulat naman sila sa sinabi ni Kyle. Bakit wari? Talaga bang mayayabang ang mga ito?

 "Syempre naman pero ano ba yung iniisip mo?" ay ewan kung sino yung isang nagsalita basta medyo kayumanggi ang kulay nito.

 "Naninibago ata ako Kyle ah?" sabat naman ng isa.

 "Kahit ako hindi ko maintindihan itong naiisip ko eh, basta hayaan niyo muna akong mag-isip nang one week." nakangiti nang tugon ni Kyle sa mga ito.

Ano kayang iniisip niya? Ahh nakiki-tsismis nanaman ako.

Sakto namang dumating na ang bagong prof na babae at mga nasa 30 something ang edad.

Napaka-sungit. Yan ang impression ko sakanya. Nag pakilala nanaman kami, nag announce lang ito nang mga magiging lesson namin at sak nagpa-uwi na ng maaga.

Makalipas ang ilang minuto ay nasa bahay nadin ako, sa tuwing uuwi ako nang bahay at kapag nadadatnan ko lagi ang dalawang lalaki kong kapatid na naghaharutan ay nawawala ang pagod ko, lagi kasi silang nagbubusitan, naghahabulan at naglalaro nang kung anu-ano huwag lang silang maboring. Kaso ngayon parang naiba, hindi nagpapansinan ang dalawa.

 "Hoy dalawang hampaslupa ba't ang aga niyo ata?" pagpansin ko sa mga ito.

 "Maaga kasi nag-pauwi si teacher kuya eh, first day naman daw kaya ayun." sagot naman ni Arvin.

 "Ganun ba? Sabagay kami din eh. Oh napano naman yang isang yan?" natatawa kong sabi rito dahil naka-simangot lang ang isa.

 "Kuya Jaja, sinabihan nanaman po ako ni Arvin ng ampon." pagsusumbong ni Charl sa akin.

Tumingin naman ako kay Arvin. Pinanlakihan ko ito ng mata.

 "Arvin? Ano ba talaga gusto mo?" sigaw ko rito.

 "Binibiro ko lang naman siya kuya eh." natatawang sabi naman ni Arvin sa akin.

 "Binibiro daw, kuya oh tinatawanan pa ako." at talagang nag-walk out pa ito at dumeretso sa kwarto nila ni Arvin.

 "Hoy Arvin sundan mo yun, sa susunod na malaman kong sinabi mo pa yun sakanya baka masaktan na kita ah? Dali suyuin mo na." pag-uutos ko rito, kundi harutan ay tampuhan ang happenings ng dalawa.

Si Charl nga pala ay isang ampon namin, iniwan lang siya ng kanyang mga magulang sa aming ina nung anim na buwan pa lang ito, kahit na ampon lang ito ay napamahal na sa amin ito at itinuring talaga siyang anak ni mama at pamilya namin.

Pero mas napamahal ito kay Arvin, kumbaga ay parang kambal sila nang aming pamilya dahil sa hindi ito naghihiwalay. Bilang isang bisexual ay parang may something akong naaamoy sa closeness nilang dalawa, hindi pa sila aware doon dahil puro harutan, suyuan, lambingan at tampuhan pa lang ang alam nila.

Pagkapasok ko nang kwarto ko ay ibinagsak ko kaagad ang aking katawan sa aking higaan.

 "Ang daming nangyari. Paano pa kaya niyan bukas?" natatawa kong sabi sa aking sarili.

Naisipan kong gumawa nang Milo sa malamig na tubig kaya naman lumabas ako para tunguin ang aming ref. Napatigil ako sa aking narinig.

 "Uy Charl sorry na?" sa tonong naglalambing ni Arvin dito.

 "No. Don't talk to me." matigas na tugon naman ni Charl dito, aba nagsusuyuan ang dalawa.

Natawa na lang ako sa dalawa saka na tumungo sa baba.

 "Jaja kauuwi mo lang? Kumain kanaba?" nandiyan na pala si inay, malamang nakipag-kwentuhan nanaman ito.

 "Yes mommy! Mamaya na ako kakain at masyado akong nagisa sa skwela, puro mayayaman pala talaga nandun." pagtugon ko rito.

Mag-aalas syete na nang gabi at kakain na kami. Ang dalawa kong kapatid naman ay hindi parin nag-uusap at talagang nagpapatatagan ang dalawa.

 "Jaja anu nangyari sa dalawang 'to?" natatawang tanong nang aking ate.

 "As usual, landihang tampuhan." pang-aalaska ko sa mga ito.

 "Eto kasing si Charl ang hirap suyuin eh." inis na sabi ni Arvin.

 "What? Who you?" balik naman ni Charl?

Si mama at ate naman ay natatawa lang sa dalawa, ganyan kasi ang dalawa kapag nag-aaway.

 "Hay ewan ko sa inyo. Mama ate tapos na ako, pasok nako sa kwarto ah? Magbabasa lang ako." saka ko tinungo ang lababo upang maghugas lang ng kamay at dumeretso na ako sa aking kwarto.

Pagkabagsak ko nang sarili sa aking higaan ay saka naman nagvibrate ang aking phone.

 "Hi? :))" isang unknown number ang nagtext, ewan ko ba pero parang ninerbyos ako bigla na na-excite pa.

 "Hi din :]] Sino po sila?" nakangiti kong pagreply rito.

 "Secret na muna ah? :)) Ikaw si Justin right?" aba kilala ako nito? sino kaya ito?

 "Ha? Ou ako nga, kayo po?" pagreply ko ulit rito.

 "Basta't  Oh sige na, goodnight :))" napakuno't-noo naman ako rito, sino kaya ito? pero masyadong maraming nangyari ngayong araw na ito kaya hindi ko na lamang ito pinansin.

--

"Hayyyyyy umaga nanaman." unang bungad ko pagkagising na pagkagising ko, pupungas-pungas akong tumayo saka na ginawa ang aking morning habits kapag papasok sa school.

Nang nakabihis na ako at paalis na nang bahay ay nakita ko ang dalawa kong kapatid na bati na.

Sabay silang nag-aalmusal, nag-kekwentuhan na ulit at kulitan, at tiyak sabay din itong papasok. Mahal na mahal ko talaga ang mga 'to, lagi na lang ako binibigyan nang rason para ngumiti.

Ngayo'y ay nasa school na ako, tila napakaraming istudyante ang nasa may harapan nang isang malaking Flag Pole, considering na may flag ceremony ata? Ano yun tuesday ginawa?

Napakaraming istudyante, tinungo ko na ito para pumila nguni't hindi ko makita ang aming section o mga kaklase.

Hanggang sa mapunta na ako sa may gilid kung saan nakaharap lahat nang istudyante. Buti na lang at busy ang mga ito sa tsismisan kaya naman libre akong makakatingin nang maayos kung nasaan banda ang aking mga kaklase.

Hanggang sa mapunta ako sa may daanan nang mga motor para sa mga magpapark.

Hindi ko ito pansin dahil patingkad-tingkad pa ako habang naghahanap hanggang sa may marinig akong bumubusina.

Pagkaharap ko sa aking likuran ay sakto namang biglaang tigil nang motor na halos konti na lang ay masasabal na ako, napatigil ako sa gulat.

Ang sama ata nang unang araw ko  dahil ang asungot kong crush na si Kyle pala ang nag-dadrive.

Ang daming nakatingin sa amin ngayon, nasa amin ata ang lahat ng atensyon nang mga istudyante. May mga napahiyaw dahil siguro muntikan na akong masabal.

Ito namang si Kyle ay isang ngiti ang binigay, pero hindi simpleng ngiti ito dahil parang ngiting natatawa, yung bang litaw na litaw ang mga ipin nito tapos pati mata ay mababakasan nang ngiti, siguro natatawa ito sa akin dahil sa namuntikan na ako, tama,.. ngiting nang-iinsulto.

Sinimangutan ko naman ito, saka ko naman itinuloy ang paghahanap pero bago ako maglakad ay sinabal ko pa ito sa pamamagitan nang aking braso at ako naman ang ngumiti ng nakakaloko. Akala niya lang ah. Alam kong natawa ang mga nakatingin sa amin kaya tiyak nasaktan ang pride nito.

Nang matapos ang flag ceremony ay may pumunta sa harap at nagsalita sa gamit ang mike.

 "Good morning my fellow students. I am Mr. Franco,... the head of this university." paninimula nito, saka kung anu-ano pa ang mga sinabi.

May lumapit na isang lalaki rito at siguradong teacher din ito dahil sa suot nito, may hawak na parang papel ito na iniabot sa nagsasalita at bumulong din ito.

Ngumiti naman ang head president, ewan ko ba pero parang nag-init ang dibdib ko, parang may mangyayaring masama. Sa tuwing nararamdaman ko ito ay talagang nababahala ako, minsan kasi may nangyayari ngang hindi ko inaasahan.

 "Before we stop, I would first like to acknowledge the presence of our Scholar Students here. Iilan lang sila pero iba sila." tila nanlambot naman ang mga tuhod ko sa narinig, isa kasi ako sa mga Scholar dito.

 "Let me greet them one by one."

lalo akong ninerbyos sa sinabi nito, tiyak na mababanggit din ang pangalan ko, oo proud ako sa scholarship but what I mean is that, ayokong may mga makaalam pa tapos may mga papuri pa.

Hanggang sa isa-isa niya nga binanggit at binibigyan nang palakpakan, hindi ko alam kung bakit pero parang nararamdaman ko na ako ang huling matatawag.

 "And lastly, I would like to acknowledge the presence of Prince Justin Dizon, he is a Valedictorian from the other school, was also a champion of an Essay Competition. Way back on his interview last month, he said that poverty must not be the reason for him to stop studying, he said that, Life must go on no matter what." mahaba nitong sabi, nakita kong nagsilingunan ang mga kaklase ko sa akin, napasulyap naman ako kila Kyle at nakatingin ang mga ito sa akin, hindi ko alam ang gagawin.

 "Mr. Dizon, pwede ka bang pumunta dito sa harap? Para naman makilala ka nang mga schoolmates mo. And sabi kasi ni Mam Cathy ikaw daw pinaka-gusto niya nung interview eh." nagsitilian naman ang mga istudyante, marahil ay sikat si Mam Cathy sa campus kaya kilala siya nang mga ito, halos gusto ko nang lamunin na lang ako nang lupa sa narinig, ayoko pamo sa lahat ay yung humaharap sa maraming tao, kaya naman nagtago ako tutal masyado kami marami kaya hindi ako makikita, pa-upo upo pa ako para hindi talaga ako makita.

 "Huy prince tawag ka."

 "Mr. Chinito tawag ka dali."

ahh eto talagang mga kaklase ko oh at mukhang masisira ang pagtatago ko.

 "Where is Mr. Dizon?" pagtatanong nang head sa harap, pumunta naman ito sa mga teachers na nakatayo, siguro ay may itinanong ito.

Ahh patay talaga, hanggang sa napansin ko na tinuturo na pala ako nang mga kaklase ko dahilan para maraming magsitinginan sa amin, nakita ko naman na may mga nagtitilian na at nakita na din pala ako nang head, kaya naman no choice na.

Tumayo na ako nang tuwid at bigla akong nakaramdam nang pagkahilo, pero naglakad parin ako, nasa kawalan ang aking isip at nakadukong naglalakad dahil sa ayaw ko talagang humaharap sa maraming tao hanggang sa natisod pala ako, pumikit na lang ako dahil akala ko ay babagsak ako pero nagtaka ako dahil parang walang nangyayari at pinakiramdaman ko kung ano ang nangyari.

Ramdam kong nakakapit pala ako at sa tao pala. Natakot naman ako sa aking nawari.

Ngayo'y nakasubsob ako sa dibdib nito, nakakapit din ako sa mga braso nito at naka-akap naman ito sa akin alam kong lalaki ito at napaka-bango pa nito, narinig kong may mga nagtilian saka ako natauhan.

Iniangat ko ang ulo ko upang makita kung sino itong sumalo sa akin, alam kong namumula na ako at nanlaki ang aking mga mata sa nakita nang mawari ko kung sino itong sumalo sa akin. Sa sobrang hiya ay hindi ko alam ang gagawin kaya't napatitig lang ako rito.


Itutuloy

21 comments:

  1. Uto ba ang may oa na part? D namn ganda nga eh

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha maraming salamat po :)) sa mga susunod pong chapter baka may ma-encounter na tayong OA part, be ready po haha.

      - Angelo

      Delete
  2. Ganda ganda ng story. . . .

    ReplyDelete
  3. Shit pare! Hahaha ayos tong chapter na to ah! Next one please! ~Ken

    ReplyDelete
  4. This story is really cute. I hope the author update it regularly.

    PS. I love this story.
    Nap ;)

    ReplyDelete
  5. It was really an honor for me hearing those words from you guys :)) Asahan niyo po na mas lalong gaganda ang story dahil aayusin ko po para sa inyo, bibilisan ko rin po ang update. Again, Thank you po!

    - Angelo :]]

    ReplyDelete
  6. Ang cute ng Story. .nakangiti ako while reading this chapter. ..san may next na agad

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat :))
      Sana sa susunod na chapter ng story ko ay yung ngiti mo may kasama ng kilig, haha :]]

      - Angelo

      Delete
  7. WAAHH! Kakakilig! :3
    Ndi nMan OA ee
    keep up the good work :))

    Sana dalawang update kada week mr.Author...

    -Natsu19

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat po :))

      Kapag hindi po ako tinamad magsulat kahit thrice a week pa po ang update, asahan niyo po yan. :))


      - Angelo

      Delete
  8. Kinilig ako! Hihihi lantot ko!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Patuloy kitang pakikiligin. :))

      - Angelo (author)

      Delete
  9. Natuwa sa mga word na nasabal at wari. Taga pampanga po kayo otor? Keep it up. Maganda ang plot at may pabitin effect pa.

    ReplyDelete
  10. Kapampangan ba author? :) -dee

    ReplyDelete
  11. Opo kapampangan po ako :))
    Sa mga nabitin po, hintayin niyo po yung next chapter. Salamat po muahh!!

    - Angelo

    ReplyDelete
  12. Nice story bro. I can relate to some parts of it. Pretty good for a beginner like you. And I admire the way you respond to your readers. I will definitely read your story until the end. :) - John

    ReplyDelete
  13. Hi mr. Author..ang ganda ng story mo..first time kong magcomment sa chapter 2 pa lang ng bnbasa q..salamat kkakilig..sana lng hndi ito matulad sa mga love story n ngging tragic sa huli..god bless you mr. Angelo
    -paul jhon

    ReplyDelete
  14. Maraming salamat po sa mga nagcomment at kinilig sa dalawang chapters ko :)) Guys basahin niyo yung Chapter 3, naka-post na at para sa inyong lahat iyon :)) Guys sabihin niyo yung favorite part niyo dun sa Chapter 3 ah? Hehe kung okay lang po. Well guys, maraming salamat sa mga naka-appreciate :)) Muahh :*

    ReplyDelete
  15. DO+ Base form of the verb.
    Nice story. :)
    =Aethan

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails