Followers

Friday, February 21, 2014

The Tree The Leaf And The Wind 2: Blowing Of The Wind


The Tree, The Leaf, and The Wind
Chapter – 2
“The Blowing of the Wind”
By: Jace Knight
jaceanime@gmail.com

Author’s Note:

Ohayou! Hello sa lahat. As of Monday, Feb 17, around 5:30pm, DALAWA pa lang ang nagko-comment sa first part, pero I’m really glad you guys liked it. Pasensya na po sa mga errors, like grammar and spelling, I’m just kinda excited to post my very first novel here sa MSOB. Kuya Ponse was asking me kung na-post ko na to sa iba, pero wala pa po. CERTIFIED MSOB Reader po ako, and wala na akong pagkakatiwalaang iba kundi sa blog lang pong ito. Hehehehe! Anyways, my spirits were lifted nung nabasa ko ang mga comments nyo, so promise po, I’ll be sure to try the very best I can to please you guys. Enjoy reading..

Jace

=================

“Wind. Some people call me by that name. Maybe because of my care-free easy-go-lucky personality. I liked this LEAF, but it’s still clinging on to its TREE. I wanted to carry it to see the beautiful world, and let it forget the pain from clinging into something fading. And this is my story..”


== The Wind ==

I was running late for school. 7.30am na ako nagising, pero may klase ako ng 8am. “Tsk! Yan. Pupuyat-puyat ka pa kasi kagabi eh.” Asik ng utak ko. It’s 8am na at tinatakbo ko na ang papasok ng school ng biglang.. “Oops. Sorry, sorry. Kasalanan ko.” Sabi ko ng may nabangga ako. “Sorry, nagmamadali kasi ako eh. Pasensya na talaga.” Pinulot ko ang mga librong nabitawan niya. Hinarap ko siya at yumuko para humingi ng paumanhin. Natural lang sa mga Japanese na magpakita ng sense of apology sa pamamagitan ng pagyuko.

Nanatili lang lang siyang nakatitig sa akin. Siguro nagtataka kung bakit marunong ako mag Tagalog. Actually, Half-Japanese kasi ako. Lumipat kami dito ng mom kong Filipina since I was 8 years old kaya alam ko na mag-tagalog.

“Hey, ok ka lang ba? Pasensya na talaga dude.” Paghingi ko ulit ng paumanhin. Kumurap-kurap naman ang mga mata niya. “Wow. Those eyes.” Nasabi ko sa isip ko. Nung natitigan kong mabuti ang kanyang mga mata, na starstruck ako. Pero, yung mga matang iyon, bakit kalungkutan lang ang nababasa ko?

“Y-yeah. O-okay lang.” Maya-maya’y nasagot niya.

Pinulot ko naman ang sa tingin ko’y headphones sa sahig. “Sorry talaga ah? Sayo ba to?” ako, sabay abot ng headphones sa kanya.

“Malamang. Wala ka naman sigurong headphones ng binangga mo ako, diba?” tinitigan ko lang siya, wala talagang expression ang mukha nya. And his eyes, they were full of sadness. And his word, they were so cold.

“Funny ka pala no? Anyways im Yukito Ramirez. Yui nalang for short.” Pagpapakilala ko sa sarili ko. Sabay ngiti at abot ng kamay upang makipaghand-shake.

“Nice meeting you. Bye, late ka na.” Sabi niya at nilampasan lang ako. Hind man lang inabot ang mga kamay ko.

“Ang sungit naman.” Napangiti lang ako sa tinuran niya. “This guy is really interesting.” Nasabi ko sa sarili ko. Ewan ko lang, para kasing there’s something in his eyes na kailangan kong malaman. Curiosity perhaps. Pero parang gusto kong makita yung mga mata niya na maging masaya. So I run after him.

Nakasunod naman ako sa kanya. I was staring at him this whole time, talking about myself and offering him with friendship. Putak lang ako ng putak, pero akala ko nakikinig siya sa akin. Hindi pala. Kinuha ko lang ang headphones na suot nya.

“Peram nga.” At sinuot ko yung headphones. Napakurap naman ang mga mata niya at natauhan. “Ano naman to? Ang lakas-lakas ng volume, baka mabingi ka. Tas “Let Me Be The One” by Jimmy Bondoc? Ang aga-aga mo naman mag-emote.” Sabay kuha sa headphones at ibinalik sa leeg nya. Ang sarap talaga niya titigan.

“Sorry ha? Pero di kasi tayo close eh. And most of all, hindi kita kilala. So wag mo kong papakialaman.” Ang dating blangkong ekspresyon ng mukha niya ay napalitan ng pagka-irita.

“Sungit mo naman dude. Kanina pa kaya ako dito putak ng putak. It turns out hindi ka naman pala nakakarinig sa mga sinasabi ko kasi ang lakas ng volume ng headphones mo.” Tatawa-tawang nasabi ko. “Hindi naman siguro masamang makipag-kaibigan diba?” gusto ko talaga siyang makilala. Marami naman akong naging kaibigan sa University na ito simula ng lumipat ako dito this sem. Pero there’s really something in him na humihikayat sa akin na kaibiganin siya.

“Hindi nga. Pero wag sa ‘kin. I’m not interested.” Nilampasan na naman niya ako. Napapangiti talaga ako sa kasungitan niya. Haaay. Inlove na ba ako? Pero sa kapwa ko lalaki? Ewan.

Humabol na naman ako at naglakad kasabay niya. “Sungit mo kasi. Tas sa Japan, hindi maganda yung hindi mo pinapansin ang pakikipag-kamay ng ibang tao.” Ngingiti-ngiting pagsisinungaling ko sa kanya. Siguro nga KSP na talaga ako. Pero yung THE MOVES, gagamitin ko lahat para mapalapit sa kanya.

“Wala ka naman sa Japan. Nasa Pilipinas ka.” Simangot niya habang tuloy-tuloy na naglalakad.

“Magkapit-bahay lang naman ang Pilipinas at Japan diba?” sabay tawa ko. Corny no? Pero yun lang talaga ako. Mababaw at simple.

Huminto naman siya sa paglalakad at hinarap ako ng nakasimangot. Ang gwapo niya pag nagsusungit, pano na kaya kung lagi siyang masaya? Haay. Nababaliw na ako. “Brad, kung wala kang magawang mabuti sa sarili mo, wag kang mandadamay ng ibang tao.” Naiiritang nasabi niya at sabay naglakad.

Nanatili naman akong nakatanaw lang sa kanya habang naglalakad siya palayo. Ang ganda talaga ng mga mata niya, lalo na siguro kung hindi na malungkot yun. Haay. Inlove na ata ako. Pero bakit sa kapwa ko lalaki? Napa-iling nalang ako sa naisip ko.

Maya-maya pa’y napatingin nalang ako sa relos ko. OMGWTF! It’s 8:30am na pala. Late na talaga ako ng 30 minutes for my first class. “Di na nga lang ako papasok.”

Yes. Sa mga nagtatanong, half-japanese nga ako pero Filipina ang mama ko. I was born in Japan, pero lumipat kami dito sa Philippines when my Dad was taken by Leukemia. Hiwalay ang Mama at Dad ko noon, but they remained as friends.  Fortunately, nakapag-asawa naman ulit ang mom ko after 2 years ng pagbalik naming dito sa Pinas. Tinanggap naman ako ng napangasawa niya, na may anak din sa unang asawa. Masaya naman ang family namin, lalo pa’t nagkaron din ako ng isang baby brother sa step-dad ko. Masaya lang.

I came from another University at kumuha ng BS Business Management, pero hindi ko talaga nagustuhan ang mag-aral ng pera at negosyo. Hindi naman magiging akin ang mga yun. Hahaha!

Nagtransfer ako dito sa current school na pinapasukan ko, at nagshift ng course. AB Literture. Na realize ko kasi, mas gusto ko ang kursong ito. I love reading and writing poems and stories, mahilig ako sa Greek mythology. Buti nalang napaka supportive ng mom at step-dad ko. Dapat sana 4th year na ako ngayon, pero nang magtransfer ako, naging 2nd year irregular ako. Ok lang naman sa akin. What’s the rush?

Yung lalaki kanina, ewan. Parang naaattract na ako sa kanya. Simula kanina ng magkabanggaan kami, siya na ang palaging tinatakbo ng isip ko. Sana naman maging magkaklase kami. Wait, wait, wait. Para nga’ng familiar ang face niya. Di ko lang matandaan kung ‘san ko siya nakita dati.

Second month pa lang ng first sem, pero marami-rami na din akong naging mga kaibigan dito sa school. Pero yung masungit na mokong kanina? “Hahanapin ko siya.”


=========================

== The Leaf ==

Naka-oo na ako kay Mrs. Samonte, pero biglang nagdalawang-isip naman ako dahil si Alfer Samonte ang tuturuan ko. Pano ba to? Ayokong ma-involved sa mayabang na lokong yun. Pero, ayoko naman umasa kay Papa palagi.

Si Papa, may iba na siyang pamilya sa Canada. Pero nagpapadala siya buwan-buwan ng panggastos ko. Ayoko sa kanya, sa pag-iwan niya sa amin ni Mama before, kaya kay Nanay Nimfa lamang siya nakikipag-usap. Ayaw ko naman ding kausap siya. Para sa akin, sa papel at mga dokumento nalang ang ugnayan namin, pero sa isip at puso ko, binaon ko na siya 6 feet below the ground.

Nag-eemote na naman ako. Haay. Kung hindi lang tumunog ang phone ko, hindi pa ako magigising.

“H-hello?” Sabi ko pagkasagot sa phone.

“Denzel, hijo. Si Mrs. Samonte ito. Ito ang personal phone number ko. Tumawag lang ako to let you know.” Sabi ng nasa kabilang linya.

“A-ah hello maam? Maam, pwede po bang-“

“Hijo, tatanggi ka? You said yes na diba? Sige. Ganito nalang. Just text me whenever you feel like starting to tutor my son ha? Basta please wag kang magback-out. Please?”

“A-ahh sige po Maam. Magpapaalam lang din po ako sa guardian ko.”

“Sige sige hijo. Basta just text or call me kung gusto mo ng magsimula ha? Im looking forward to you straightening out my son. Pasaway kasi yun eh. Sige hijo, bye.”

“Bye po.” Sabay putol ng linya. Haaay. Mukhang wala na akong choice but to start my job ASAP. Papa-ubos na ang personal savings ko, ayokong kumuha sa savings na tinabi ni Nanay galing sa mga padala ni Papa. Siguro I just have my pride, pero what can I do? I hate him.

Kasalukuyan akong nandidito sa library ng mamataan ko si Alfer with his friends na dumaan sa harap ko. Akala ko dumaan lang, kaso bumalik siya nung napansin ako.

“Hi. Ikaw si Jay Denzel Gonzales, my new tutor, right?” sabay ngiti sa akin.

“My job is not starting yet. So please, go away. I’m busy.” Sabi ko na hindi man lang siya tinitignan. Naka-focus lang ako sa librong binabasa ko.

“Sungit mo naman. Just here to remind you, ako na ang boss mo from now on. So be nice to me.” Sarkastikong sabi niya.

“You’re not my boss. Your mom is. And sabi ko nga, hindi pa ako nagsisimula. So shoo!” ngiti ko lang din sa kanya.

“Watch your tongue Mr. Gonzales. Kilalanin mo kung sino binabangga mo.” Irap niya.

“Oh yeah? Like, I’m totally scared right now. Buhoo.” Pagngisi ko pa ng nakakaloko sa kanya. Sinamaan nya lang ako ng tingin at lumakad palayo.

No one is derving to be treated that way. Kala mo kung sino makaasta, porke sila may-ari ng school na to? Haay. Nagconcentrate nalang ako sa binabasa ko. Maya-maya tumayo na ako at pumunta sa susunod na klase ko.

Paparating na ako sa classroom kung saan gaganapin ang klase namin, ng makita ko ang isang lalaking nakangiti lang sa akin. Yung lalaking hapon na bumangga sa akin kaninang umaga. Nilagpasan ko lang siya at pumasok ng classroom.

Umupo ako sa may harap na parte at nakita ko naman siyang umupo sa likuran ko. “Kaklase ko pala sya sa subject na to?” Tanong ko sa sarili ko. Usually kasi hindi ko kinikilala ang mga classmates ko. Ayokong makipagkaibigan. Tapos ang usapan.

“Psst!” narinig ko mula sa likuran ko. “Psssst!” Hindi ko lang pinapansin. Sa tingin ko, ang lalaking hapon na namang ito. “Psst!” hindi na talaga siya nakatiis at kinalabit na talaga ako sa balikat. Hindi ko pa rin pinapansin. Maya-maya, dumating na ang prof namin. Umayos naman ako ng upo.

“Good Afternoon class. Today, we won’t be having our classes but I will pair you for our activity this coming Monday. I have already picked the names of your partners so listen carefully. After this, you and your partner will have a brainstorm about how to present the activity on Monday. So shall we begin?” sabi ni Miss Tayko, ang professor namin sa English 121.

Hindi ko lang pinapansin ang announcement nito. I prefer working alone, so ako nalang ang gagawa ng activity. Bahala na. Tinatawag na ni Miss Tayko ang magkakapareha.

“Alright. The next pair is… Mr. Ramirez and Mr. Gonzales. Wow bromance to!” sabay ngiti ni Miss Tayko sa aming dalawa.

“What? Sino naman tong Ramirez na ito?” sa isip ko.

“Now, go to your partners and start thinking about your presentations. See you class on Monday.” Sabi pa ni Miss Tayko sabay alis ng room.

Napabuntong-hininga nalang ako.Hihintayin ko nalang na kusang lumapit tong si Ramirez sa akin. Whoever that is. I’ll just tell him na ako na ang gagawa ng presentation, as always.

“Hi there! I’m your partner. Kumusta?” Napatingin lang ako sa likod ko ng kalibitin niya ako. “We meet again.” Sabay ngiti niya sa akin.

“What?! Ikaw na naman? I love this day. I love my life.” Sarkastikong sabi ko.

“Wow naman! You love this day kasi magkakakilala na talaga tayo? Nice naman o.” sabay lipat ng upo sa tabi ko. “Ok. So let’s start this over again. Hi, I’m Yukito Ramirez. Pero Yui nalang for short.” Sabay ngiti sa akin ng ubod ng tamis.


- Itutuloy - 

31 comments:

  1. Hello. I'm one of your readers. As a beginner, I must say na you have a potential to be a prolific writer if honed properly. Maganda istorya. Sana lang wag na masyado umingles nang umingles kasi para nagiging conyo ang dating. Tapos ang lakas kasi makabakla ng mga characters. Sorry po. he he... Pero maganda siya.

    ReplyDelete
  2. Hello. I'm one of your readers. As a beginner, I must say na you have a potential to be a prolific writer if honed properly. Maganda istorya. Sana lang wag na masyado umingles nang umingles kasi para nagiging conyo ang dating. Tapos ang lakas kasi makabakla ng mga characters. Sorry po. he he... Pero maganda siya.

    Noe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Konnichiwa Noe-sama. Salamat sa pagbibigay ng suggestion at reaction sa istorya na gawa ko. Will take note of your points po. Salamat again! :)

      Delete
    2. hello again sa iyo Kuya Noe. Ah, na-bothered po kasi ako sa salitang Conyo kaya nagresearch ako tungkol sa word na ito. May nababasa ako na yun daw yung pagsasalita ng taglish ng mga babaeng maarte at pasosyal. Pero may iba ring nagsasabi na hindi daw magandang pakinggan ang mga taong conyo. May ibang nagsasabi na ok lang. Ano po nga ba talaga ang ibig sabihin ng conyo? Paki-explain po para ma-correct ko ang possible mistake na ito. Salamat po! :)

      Delete
  3. Ganda..kaso parang bitin..

    Nice job author.. Update k agad

    ReplyDelete
  4. Hahaha. Kulit ni yui.

    ReplyDelete
  5. Hahaha. Kulit ni yui. Sana sila ni jay magkatuluyan

    ReplyDelete
    Replies
    1. we will try to see kung sino nga ang babagay kay Jayden (The Leaf).. abangan po ninyo ang mga susunod na updates! :)

      Delete
  6. Hi po sa lahat! This is Jace, the author. Una, maraming salamat po sa pagtangkilik ng kwentong ito. Sapat na po ang paglalaan ng konting time para magbigay ng reaksyon sa gawa ko, salamat po. Pangalawa, sorry sa mga nagiging weakness ko sa nagawa kong dalawang chapters, pero yaan nyo po, pagbubutihin ko pa! At pangatlo, hinihingi ko po ang konting pasensya mula sa inyo kasi nagsisimula pa lang ako at i know matututo din ako sa pamamagitan ng pagbibigay nyo ng suggestions at reactions. Salamat po! :)

    ReplyDelete
  7. maganda ka magsulat, sana lang huwag mong gayahain ang ibang writer dito, pagkatapos ng teaser at ibang chapter nawala na iniwan na ere ang kanilang mga readers, so patunayan mo na haggang dulo mo kaming ma excite ok ba author, para sa admin huwag magpublish kung hanggang tease lang o iilang chapter lang, kailangan nandiyan na sa iyo ang kabubuang story,

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yaan nto po mga kuya. Di po NINJA si Jace. ahahahaha! Will do the best i can para maging exciting ang estorya. out na po ang 3rd chapter! :)

      Delete
  8. Sana poh nxt tyme medyo habaan

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahaha. yes po! Ginagawan ko na ng paraan para di kayo mabitin. Salamat sa pagsubaybay..

      Delete
  9. Like like like like like....

    ReplyDelete
  10. hmmmm, nice one! basta d o your best para mapaganda mo pa lalu ang iyung craft, . .. and one more thing for the admin, i agree with with mr. anonymous< wag munang mag published ng new story f hindi hawak ng buo para hindi umaasa ung mga nag aabang . tnx po.

    ReplyDelete
  11. kakainis ka author ANG GALING MONG MAMBITIN un na un eh anyway

    KRVT61

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha! sabi ko sa inyo eh. BITIN is a wonderful flavor for every novel. ahahaha

      Delete
  12. Excited for the next chapter! C: - Ken

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ui, Ken. Maraming salamat naman at inaantabayan mo talaga to ha?

      Delete
  13. Hi Author!

    First I would like to commend you for a good job! Maganda yung concept ng story maypagkameteor garden pero you owned naman the story. I think ok lang yung tagalog-english way as long as pag nagstart ka sa sentence ng English you have to end it in English. Then pag sa tagalog tapusin mo sa tagalog. Para di nga conyo yung dating specially yung mga characters mo eh "Lalaki" umasta haha, pero you were able to express the idea clearly! Yung flow ng story is good! One things for sure aabangan ko to, yung iba kasi once I didn't like it at first read palang kahit maganda yung review I won't bother to read it! Haha yun lang ^__________^

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHA. Maraming maraming salamat po. At salamat din sa pagko-correct po. Yaan nyo, i'll keep that in mind.. :)

      Delete
  14. very cute at very interesting ang story mo mr. jace kaso lang baka mabitin kami like sa comment ni mr. anonymous at mr. robert mendoza 94,, baka matulad ito ng TRUE LOVE na hanggang ngayon wala pa ring update, kasi daw wala na syang inspirasyon at ibang che che buritse

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hangga't nakakabasa tayo ng parehong magaganda at di kagandahang reaksyon tungkol sa gawa natin, lalo po tayong ma-iinspire na magsulat pa. hehehe :)

      Delete
  15. Ang cute ng name Yui ^^
    This lifted my mood up . Keep it up Jace :))

    -Allen

    ReplyDelete
    Replies
    1. ALLEN! ikaw ha? salamat sa pagsubaybay. Yui, yun yung Moon Guardian sa Card Captor Sakura. crush ko kasi sya eh, tas yung alter-ego nya na si Yukito. haaay. brings back a lot of memories. salamat! :)

      Delete
  16. Just make the chapters longer. Kase nman, part 2 na wala paring ngyayari. Just try to double the length pare. Anyway, its good. It's kinda predictable but yes, I'll be waiting for the twist. :)

    -silent

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaya medyo matatagalan ng kunti ang susunod na chapters brad kasi ire-revise ko ang nasimulan ko to make it longer. hahaha. salamat talaga!

      Delete
  17. nice story to follow. tnx

    randzmesia

    ReplyDelete
  18. Hmmmn. ...bitin !
    Post na agad ung next :)
    ^__^

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails