The Tree, The Leaf, and The Wind
Chapter – 1
“The Leaf and The Tree”
By: Jace Knight
Author’s Note:
Hello po! I’m a newbie here, but an avid reader of MSOB, so be
patient with me and my work. Ako nga pala si Jace, and you guys can reach me at
jaceanime@gmail.com. Any comments and
or violent reactions are all welcome here, so comment lang kayo or send me an
email. Sana po suportahan niyo tong gawa ko, and I hope magustuhan niyo.
Arigatou Gozaimasu! Enjoy the story..
======================================
“I am the TREE. I was
standing in the middle of nowhere, alone, and cold. I could feel the loneliness
from this side of the woods. All day, I spent my time swaying in the harsh
reality of my existence; I am ALONE. But things have started changing, when a
small LEAF grew up on one of my trunks. And this is my story…”
== Tree ==
“Haay. Amputek. Kakapagod!”
Pasalampak akong nahiga sa kama ko pagkarating ko ng bahay.
Napagalitan pa ako ng professor ko sa isang major subject ko kanina. For the
nth time, I ditched his class. May practice kasi ang Varsity ng school, at
dahil Team Captain ako ng Basketball team ng school, I need to be there.
Pagod na nga sa kakadribble at kakashoot ng bola, hinarang pa ako ng
prof ko pagkalabas ko ng gym. Alas 4 ng hapon kasi ang klase ko in that
subject, kaso tumawag si coach ng bandang 3:30PM to remind me of our practice
game with my team. Mas priority ko ang BASKETBALL kesa ARAL eh, so do I have to
think twice?
Nga pala, im Alfer Samonte by the way. “Al” nalang for short. 19
years old, gwapo, matangkad at bulakbol sa pag-aaral. Number 5, at Team Captain
ng varsity team ng school namin. Kilalang chickboy at super gangster sa school,
parang Jun Pio lang ng Boys Over Flowers ba. Ba’t di ko naman pwedeng makuha
ang anumang gustuhin ko sa school ko? Ang school na mismong pagmamay-ari ng
family namin.
Maya-maya, di ko namalayang nakaidlip pala ako. Nagising ako sa
katok ni Mommy sa pinto. Hindi ko siya pinapansin pero mapilit talaga sa
pagkatok.” Ano na naman kaya ang kelangan neto?” tanong ko sa isip ko. She was
on my door for the last 5 minutes. Pilit akong pinapalabas. Alam niyang nandun
ako sa loob.
“Yes, mom?” tanong ko sa kanya pagkabukas ko ng pinto. Gusto ko pang
matulog pero ayaw tumigil ni Mom. Kala mo naman sisirain na ang pinto ng kwarto
ko. Tss.
“Your professor, Mister Delgado, just called me. He told me that you
didn’t show up in your Midterm exam. Anak, basketball na naman ba? Ano ba gusto
mong gawin---“
“Wait, wait mom. How did you know?”
“Ayan o! Kitang-kita ang ebidensya, naka basketball outfit ka pa.
Anak, di mo ba talaga maiwan, kahit sandali, ang basketball na iyan? Anak, 3rd
year college ka na pero you’re not doing your responsibilities.” Ang mahaba
niyang sermon. Patay! Di pa pala ako nakapagbihis. Tsk.
“Mom, nag-usap na tayo about this.” Pagtangka kong tapusin ang
usapan bago pa ito mauwi sa kung saan. “I’m tired Mom. Just let me rest for a
bit.”
“Anak, di ka na bata. Grow up din pag may time no? Your dad will
hear about this. Sobra ka na Alfer. Pinagtatakpan na kita eversince you started
college. Humanda ka sa daddy mo.” Sabay alis. Patay! Di na ako makakatakas kay
Dad nito mamaya. Bahala na si Batman. Nagbihis muna ako ng pambahay at bumalik
sa aking kama, nakikipagtitigan sa kisame.
Si Dad? Well, am I really his son? Are we really a family? Ewan.
Para sa akin, hindi. Kasi naman naglalagi lang sya ditto sa bahay kung may
“time” sya. And when I say “time”, hindi naman madalas. Mga one day every week
lang. Hindi kami close ng dad ko. And everytime na nagkakausap kami, he’s so
cold na para bang nakakatakot na. Siguro strikto yun, di ko alam. Hindi ko
naman kasi sya binibigyan ng panahon, hindi rin nya naman ako binibigyan ng
atensyon eversince bata ako. Actually kami lahat dito sa bahay, except mom,
hindi masyadong close sa kanya.
I woke up around 7pm for dinner. Nakatulog pala ulit ako. Naligo
muna ako at tsaka bumaba para kumain. Pagkababa ko, my parents were obviously
waiting for me.” Tsk!” asik ko sa sarili ko.
“Alfer, we need to talk.” Sabi ni Dad. Halatang seryoso siya. Hindi
naman sya tumitingin sa akin. Parang blangko lang naman ang expression ng mukha
nya.
“Dad, can we talk about it over dinner? Gutom na po ako.” Pag-iwas
ko sana sa usapan.
“No. Sit down.” There goes his coldness. Umupo naman ako sa sofang
katapat ng inuupuan nila. “Your Mom told me about his conversation with
Professor Delgado this afternoon. You always prioritize basketball over your
studies. This has got to stop Alfer, at ubos na pasensya ko sayo.” Iritadong
asik ni dad. May konting inis na sa mukha nya, which is good kasi blangko lang
talaga kadalasan ang mukha nya.
Di naman ako makatingin sa kanila ng diretso. I admit that I’m
guilty, pero ayoko talaga tumungaga nalang ng isang buong araw at makinig nalang
sa klase. Mas gusto ko ang maglakwatsa o di kaya’y maglarto ng basketball.
Classes are just not my cup of tea.
“Your Dad and I decided to get you a tutor na kaklase mo rin, to get
you back on track. Kung tututol ka sa desisyon naming ito, we always have Plan
B” sabi ni Mom.
“What’s the Plan B?” kunot-noo ko’ng tanong kay Mom.
“ Simple.” Sarkastikong sabi ni dad. “Grounded ka until di tumataas
ang grades mo.”
“What?!” galit na sabi ko.
“And by grounded, we mean no cellphones, no gadgets, no computer, no
car, and minimal allowance. You don’t want that to anger me Alfer. Sobra na.
You need to stop this foolishness!” Sabi ni dad. Medyo lumalabas na ang kanyang
tinatagong galit.
Napatayo ako bigla. How dare them threaten me? “What the heck dad.
Hindi mo nga ako, kami, pinapansin since noon pa tapos ngayon ganyan ka kung
magsalita. You are just here isang araw sa buong linggo, di mo man lang kami
tinatanong kung kumusta kami. And now you’re acting all mushy and like a
father-figure to us? Tatay ba talaga kita?! Himala nga at nandito ka ---”
Hindi ko na natapos ang iba ko pang sasabihin, naramdaman ko na ang
kamao ni Dad sa kaliwang side ng mukha ko. “Don’t you dare question me Alfer!
Ako pa rin ang padre de pamilya sa bahay na to!” Tiim-bagang sabi niya at
lumabas sa may veranda. Inalalayan naman ako ni Mom na makatayo mula sa
pagkakatumba ko ng sinuntok ako ni Dad.
“You shouldn’t have argued with your Dad anak.” Sabi ni mom.
“Sige lang Mom! Kampihan nyo yang lintek na asawa mo. Busit sya!”
Sabay walk-out at labas ng bahay. This is it. Galit na talaga ako sa kanya.”
Hindi na nga nya kami mabigyan ng atensyon pero ngayon, manununtok na sya?!
What the FUCK!” galit na sabi ng utak ko.
The next morning, wala na akong magawa kundi bumangon ng maaga at
umattend ng Financial Management class ko. Medyo namamaga pa rin ang parte ng
mukha ko’ng tinamaan ni Dad. At alam ko’ng desido na sya sa sinabi nya sa akin
kagabi.
Umiinit na ang pwet ko sa kaka-upo. Bored na bored na ako sa
pakikinig ng discussions sa klase. Gusto ko ng lumabas at gumala sa mall. Haay.
Ang lupit ng buhay. “Why do I have to go through all this?”
After an hour of waiting, sa wakas, natapos na din ang klase. Wala
na naman akong natutunan. Pag-ring ng bell, dali-dali akong lumabas ng
classroom. Naglalakad ako sa hallway ng college namin nang makita ko si Mom na
papasok sa Dean’s Office. Hindi ko nalang siya pinansin. Instead, dumiretso ako
sa Cafeteria to grab something. I forgot, di ako nakapag dinner kagabi at
breakfast kanina.
Kumakain ako ngayon sa Cafeteria. Badtrip pa rin ako sa nangyari sa
akin kagabi. Maya-maya tumunog ang phone ko. Ayoko ma’ng sagutin kasi ayokong
marinig ang sasabihin ni Mom, pero makulit talaga eh. “Anak ng kwek kwek naman
Mom oh. Kumakain pa ako eh.” Sabi ko pagkasagot ko sa phone.
“Oh sorry anak, di ko alam. Punta ka dito sa Dean’s Office, dali. I
found your newest buddy.” Sarkastikong sabi ni mom. Halatang pinagtatawanan nya
ako sa kabilang linya.
“Fine. Give me 10 minutes to finish my breakfast Mom.” Walang ganang
sagot ko sa kanya, at pinatay agad ang phone. Napabuntong-hininga nalang ako.
“Siguro mas mabuti kung mag-iisip ako ng paraan para lumuhod sa akin yang bago
kong tutor. Susuhulan ko nalang sya para wag akong isumbong kay Mom. Bahala
na.” at sabay ngisi sa naisip kong paraan.
===============================
“I am called the LEAF. I
liked to travel the world and see the beauty of it. But sometimes I wonder,
where did I came from? Oh yes. I used to hang on to this TREE, but now,
everything has changed. And this is my story..”
== The Leaf ==
“Nay, pasok na po ako.” Sabi ko sa matandang babae na simula
pagkabata sya na ang nakasama at nag-aruga sa akin, si Nanay Nimfa. Actually
yaya ko lang sya, pero nang mamatay si Mama, siya na ang itinuring ko’ng mama.
Agad naman siyang pumasok ng bahay, galing siguro sa garden sa likod
kasi nakita ko syang may gloves at parang may hinukay. “Anak, teka lang.
Pasensya ka na, di ko namalayan ang oras. Gising ka na pala. Teka, upo ka muna
jan, ipaghahanda na kita ng breakfast.” Sabay kuha ng plato at mga utensils at
lagay sa mesa.
“Nay, okay lang po ako. Dun nalang ako sa school kakain. Sorry po sa
istorbo, baka po kasi may ginagawa kayo.” Ako.
“Hindi. Dito ka na mag-breakfast. Nagluto pa naman ako ng paborito
mo’ng sunny side-up na egg.” Sabay ngiti at pilit akong pinapaupo sa komedor.
“Hindi maganda sa isang estudyanteng pumapasok na walang kain sa umaga. Nuon ko
pa yan sinasabi sayo.” Umupo nalang ako at sinimulang kainin ang prinepare ni
Nanay. Baka kasi magtampo.
Maya-maya, pagkatapo ko kumain, nagpaalam na ako kay Nanay Nimfa at
lumabas na ng bahay. Walking distance lang ang bahay namin from school, siguro
mga 10 minutes na lakaran lang. Ayokong sumasakay ng pedicab tuwing umaga kung
hindi naman ako late at naghahabol ng oras. Gusto ko’ng maglakad at makinig ng
music sa ipod ko.
Ako si Jay Denzel Gonzales, pero mas gusto kong tinatawag akong
Jayden. 18 years old, at certified Emo. Ulila na ako sa ina, kasi 10 years ago,
namatay sa Ovary Cancer si Mama. Si Mama nalang ang umaruga sa akin noon simula
ng iwan kami ni Papa para sumama sa kabit niya. Si Nanay Nimfa, ay malayong
tiyahin ni Mama, at kinuha nalang ni Mama upang may katulong sa bahay at sa
akin.
Hindi naman ako EMO nuon, at hindi naman talaga ako kasing EMO tulad
ng mga nakikita nyo sa iba. Before, I was just a normal kid. Pero simula ng
mamatay si Mama, bumaliktad na ang mundo ko. Naging malungkutin na ako, palaging
nakikinig ng mga depressing songs, at takot magtiwala sa iba. Ganun ko i-define
ang salitang EMO.
Naglalakad ako papasok ng gate ng school ng biglang may bumangga sa
akin. “Oops. Sorry, sorry. Kasalanan ko.” Sabi ng lalaking nakabangga sa akin.
Pinulot nya naman ang mga librong nabitawan ko. “Sorry, nagmamadali kasi ako
eh. Pasensya na talaga.” Humarap naman ito sa akin at yumuko na para’ng isang
Hapon na humihingi ng pasensya. Bumalik naman sya mula sa pagkakayuko.
“Wait. Japanese nga sya, sa itsura nya. Pero bakit marunong
magtagalog?” natanong ko sa isip ko. Nanatili lang akong tulala at nakatitig
lang sa kanya.
“Hey, ok ka lang ba? Pasensya na talaga dude.” Sabi nung lalaki.
Natauhan naman ako.
“Y-yeah. O-okay lang.” Nasabi ko nalang sabay pilit na ngumiti.
Pinulot naman nya ang nahulog na headphones ko. “Sorry talaga ah?
Sayo ba to?” tanong nya sabay abot ng headphones sa akin.
“Malamang. Wala ka naman sigurong headphones ng binangga mo ako,
diba?” Wala sa sariling nasabi ko.
“Funny ka pala no? Anyways im Yukito Ramirez. Yui nalang for short.”
Ngumiti at inabot lang nya ang kamay nya para makipag-handshake.
“Nice meeting you. Bye, late ka na.” At nilampasan ko lang sya
without taking his hand for a handshake. Di talaga ako mahilig sa
pakikipagkaibigan e. Meron akong sariling mundo. Naglalakad na ako papunta sa
College namin habang nakikinig pa rin ng music sa ipod, nang maramdaman kong
may kumuha ng headphones mula sa tenga ko.
“Peram nga.” At sinuot yung headphones. Siya yung lalaking Japanese
na bumangga sa akin kanina. “Ano naman to? Ang lakas-lakas ng volume, baka
mabingi ka. Tas “Let Me Be The One” by Jimmy Bondoc? Ang aga-aga mo naman
mag-emote.” Sabay balik sa leeg ko ng headphones. Napatingin naman ako sa
kanya.
“Sorry ha? Pero di kasi tayo close eh. And most of all, hindi kita
kilala. So wag mo kong papakialaman.” Sabi ko lang sa kanya. Nakakairita kasi
sya eh. Nagbibigay ng comments na hindi ko naman hinihingi, at hindi ko naman
sya kaibigan.
“Sungit mo naman dude. Kanina pa kaya ako dito putak ng putak. It
turns out hindi ka naman pala nakakarinig sa mga sinasabi ko kasi ang lakas ng
volume ng headphones mo.” Tatawa-tawang sabi nya. “Hindi naman siguro masamang
makipag-kaibigan diba?”
“Hindi nga. Pero wag sa ‘kin. Im not interested.” Lampas ko lang sa
kanya at nagtuloy-tuloy na papunta sa klase ko.
Humabol lang sya at naglakad kasama ko. “Sungit mo kasi. Tas sa
Japan, hindi maganda yung hindi mo pinapansin ang pakikipag-kamay ng ibang
tao.” Ngingiti-ngiting sabi nya.
“Wala ka naman sa Japan. Nasa Pilipinas ka.” Irap ko sa kanya.
“Magkapit-bahay lang naman ang Pilipinas at Japan diba?” sabay tawa
niya.
Huminto naman ako sa paglalakad at hinarap siya. “Brad, kung wala
kang magawang mabuti sa sarili mo, wag kang mandadamay ng ibang tao.” Sabay
walk-out at direcho sa klase.
Pagkatapos ng isang oras, natapos na din ang first subject ko nung
araw na iyon. Pumunta ako ng library para isauli ang mga librong hiniram ko
last week. Pagkagaling ko ng library, nakita ko si Erin na kasama kong Student
Assistant rin. Sinabi nitong hinahanap ako ni Sir Miro, ang dean ng College of
Business and Accountancy ng school namin.
Pagpasok ko ng Dean’s Office, bigla naming tumayo si Sir Miro at sa
tingin ko ay ang asawa ng nagmamay-ari ng skwelahan, si Mrs. Samonte. “Good
morning Sir, Maam. Pinatawag nyo daw po ako?” Bungad na tanong ko kay Sir Miro.
“Yes, Mr. Gonzales. Upo ka muna.” Sabi ni Sir Miro, naupo naman ako
sa silyang katabi ng inuupuan ni Mrs. Samonte. “So, this is Mr. Jay Denzel
Gonzales, a second-year Accountancy
student. Siya yung sinasabi ko sa inyo Maam Diana.” Napakunot-noo naman akong
tumingin kay Mrs. Samonte. Nakangiti naman ito sa akin.
“Naku hijo. Wag kang mag-alala, wala ka naming kasalanan kaya ka
pinatawag dito.” Sabi ni Mrs. Samonte. “Hijo, naparito ako upang i-inform ka sa
offer ko.”
“Ahh Maam, ano pong offer?” Maang na tanong ko.
“Well, basically, sabi ni Mr. Miro, Student Assistant ka dito, and
you’re one of my scholars dito sa school diba? I was thinking of letting you go
as a Student Assistant kung papayag ka.”
“What?” Maang na tanong ko. Nalungkot naman ako sa sinabi nito. Kung
mawawala ako sa pagiging SA ko, ibig sabihin mawawala na rin ang scholarship
grant ko. Nanlumo ako sa isiping iyon.
“Wait hijo, let me finish. Kung papaya ka lang naman, hindi ka na
magiging SA, pero kukunin kitang tutor ng anak ko. Your scholarship will still
be yours, at tataasan ko pa ang allowance mo bilang SA. So ibig sabihin, SA ka
pero sa akin ka magrereport. Yun ay kung okay lang sa iyo.” Ngiting sabi ni
Mrs. Samonte.
“Mr. Gonzales, Maam Diana here is offering you with a raise in your
SA Allowance. Gagawin niyang 5 thousand ang 2 thousand na magiging allowance mo
bilang SA. Please consider this offer hijo.” Si Sir Miro.
Kung tatanggapin ko ang offer na to, malaking tulong na ito sa pag-aaral
ko. Hindi na ako magdadalawang-isip kundi tanggapin to. “Sige Sir, Maam
Samonte. Tatanggapin ko po ang inooffer nyo.” Magalang na sabi ko sa dalawa.
“Great! Thank you hijo. Naku, siguradong matutuwa ang anak ko dito.”
Masayang nasabi ni Mrs. Samonte. Bigla naming bumukas ang pinto at iniluwa nito
ang isang lalaking kinatatakutan sa buong campus, si Alfer Samonte.
“Wait. Siya? Oh my Goodness, what the pax?!” tili ng utak ko. “Bakit
siya pa? Akala ko yung kambal na anak ng mga Samonte na nasa High School pa.
Tengene naman to!” dagdag ko pa sa sarili ko.
Nagising lang ako mula sa pag-iisip ko ng magsalita si Alfer. “Wait
Mom, siya? Eh di ba nga second year lang sya? Pano nya matuturuan ang isang
third year na gaya ko?” iritadong sabi ni Alfer.
“Mr. Samonte, sinisigurado kop o sa inyo na may capacity at
potential tong si Mr. Gonzales. Since first year ay Dean’s Lister at matataas
ang grado niya.” Si Sir Miro.
“Yes anak. I have read all of his records and credentials. We
already talked about this, so sucked it up. Si Denzel na ang bago mong tutor.”
Sarkastikong pahayag ni Mrs. Samonte sa anak.
Nanatili lang naman akong nakatingin lang sa mag-ina at nanahimik.
Tae. Hindi ko pa naman gusto tong kumag nato. Pano ba naman? Kilalang bully at
super typhoon ang taong to. Porke ba’t sila ang may-ari ng school, nagagawa na
lahat ng gustuhin nito. Maya-maya pa’y lumabas na ito ng office at pabagsak na
sinara ang pinto.
“Pasensya na sa inasal ng anak ko. Anyways, mauuna na po ako Mr.
Miro and Mr. Gonzales. At Denzel, tatawagan nalang kita mamaya para pag-usapan
ang pagsisimula mo ha?”
“S-sige po Maam.” Pilit na ngiti ko.
-
Itutuloy -
I like this story! Update na po!
ReplyDeleteim glad you liked it. please share it sa iba! :)
DeleteHahaha hopefully ma meet mo expectations ng mga readers..gudluck po!
Deletesana nga po.. keeping my fingers crossed since Saturday when i send the admin the first part.. and i think bukas, ipopost na namin ang second chapter and probably the third one also.. salamat sa pagsubaybay :)
DeleteStory seems so promising. Hahahaha. may bagong na nman akong susubay bayan. ^_^ Good job Mr author.
ReplyDeleteHi guys. this is Jace, the Author. i'm really glad you guys liked my work. Nakakaganang magsulat pa at lalo pang pagandahin ang storya. Anyways, the theme i'll be using is so common (LOVE TRIANGLE), pero since baka akalain nyong this is just a common LOVE STORY, i'll be using a different method of presenting my ideas. just wait and see.. :)
ReplyDeletehaha grabe may kwento nnmang nakaka inlove haha ... tnx author
ReplyDeletethis is a good start for a newbie like you it seems that you have an eye of a good writer
ReplyDeleteFirst Time ko makabasa ng M2M story. Ito ang una kong nakitang story. Parang na-attach agad ako.
ReplyDeleteNice one po.
Sana mapabilis ang update.
Jeff Of Mindoro po.
will do the best as i can po para mameet ang expectations nyo :)
DeleteAh maganda to ah !
ReplyDeleteSure ka newbie ka lng ?...base sa pagkakabasa ko well promising ka ah :))
Good luck author !
Arigatou gozaimasu! Please do watch out for the upcoming chapters :)
DeleteI think is to sa mga susubaybayan ko. :))))) Keep it up and next chapter please. - Ken
ReplyDeletemaganda g simula i can wait to read it na talaga sana 2loy2x yung update kasi sa simula palng ang ganda na i like it gagawin kuna2ng pang top 5 0ver 10 sa mga binabasa ko i like it talaga ;)
ReplyDeleteSana mabilis lng ang update at tyka make the chapters longer para d bitin haha
ReplyDeletewell i think, BITIN is a natural flavor for every chapters para naman ma-excite kayo diba? hehehe. pero i won't make the BITIN long. keep on reading. Salamat po. :)
DeleteHi again. This is Jace, the author. Maraming-maraming salamat po sa lahat ng nakakabasa na sa simula ng istoryang ito. i'm kinda overwhelmed with your reactions guys. At tama po na ang APPRECIATION ninyo ay enough na para masuklian ang aming hard work bilang writer.
ReplyDeleteAnd yes, Raffy Asuncion, im a newbie writer. pero bata pa lang ako, wild na ang imaginations ko. i just didn't thought that sa genre'ng ito (m2m romance) ko unang maisusulat ang kauna-unahang novel ko. maraming salamat po! :)
Anyways, humahaba na ang comment na ito. basta if you would like to say anything, mapa-comment, violent reactions, or suggestions, please email me at jaceanime@gmail.com, or add me sa FB at jace.page12@gmail.com.. pakilala po kayo ha? thankS! :)
I like the title...
ReplyDelete-Casper-
salamat po. matagal ko ngang pinag-isipan kung ano magandang title eh. hehehe.
DeleteI think this will be fun :)
ReplyDelete-Allen :)