Zander
Hindi ako makatingin ng diretso kay Insan Jason. Tama siya sa lahat ng sinabi niya simula pa ng una. Pero lahat ng nangyari ngayon ay bugso ng aking damdamin na matagal ko ng itinatago at hindi paghihiganti. Naasar ako dahil hindi ko inakala na ganito ang mangyayari. At ang resulta, ako ang talunan. Ako ang talunan.
Ako ang sawi.
Ansakit ng balandra sa akin. Ako ang nakasira ng buhay. Antanga ko sobra. At ang pinakamasakit? Ang pag-amin ko sa sarili ko na mahal ko pa nga si Keith at ang paghihiganting ito sana ang magiging daan sa pagtatagpo ulit namin.
Ngunit ang siste, wala ng nangyari. At wala na nga siguro pa.
Dito ko na-realize kung gaano ako naging selfish sa pagbibigay ng karapatan sa tao upang lumigaya. Kung gaano ako katanga dahil sa pagkapuwing ko isang kamalian lamang. Kung gaano ako ka-self-centered kasi feelings ko lang ang iniintindi ko simula pa ng una.
At isa pang katanungan sa akin ay bakit ko nasabi sa kanya ang katanungang iyon eh hindi naman naging kami? Ang engot ko talaga! Boblaks! Tange! Eh di ko nga alam kung mahal niya ko?
At gaya ng tanong ni Insan Jason, "After the revenge, whats next?".
Wala tuloy ako maisagot.
IM A TOTAL LOSER.
Yan ang tanging description ko sa sarili ko.
Ano pa nga ba?
Nakawasak ako ng isang pag-iibigan ng dalawang taong nagmamahalan.
Isang buhay ng taong minahal ko. Isang pagtitiwala ng taong sinuportahan ako ng walang kwestiyon.
At tuluyan na ngang lumapit sa akin si Insan Jason. Pero kailangan kong panindigan ang lahat ng ginawa ko. No choice.
"Anong problema mo Kuya Zander? Nakapanira ka na ng buhay! Ok ka na?", tanong nito pero gaya ng sinabi ko, kailangan kong panindigan ang desisyon ko.
Hindi dapat ako kaawaan sa sitwasyon ko dahil sa ako ang may gawa ng mali.
"Sa bakla ka pa kakampi insan?", wala sa loob kong balik dito.
"Oo kuya, bakla si Sir Keith, pero ngayong gabi, nasa sa kanya ang respeto ko", sagot nito sabay takbo sa parking lot.
Ako naman naiwan sa dance floor. Nag-iisa, nagdurusa.
Wala ako sa loob na tumakbo. Walang direksiyon. Walang patutunguhan. Ganun din naman ang buhay ko. Walang hahantungan. May narinig akong sirena ng ambulansya. Kinabahan ako. Lalo kong binilisan ang takbo ko. Hanggang sa may nakabungguan ako dahil sa pagtakbo ko. Tatakbo na ako ng hawakan nito ang kamay ko.
"Buti ka pa nailabas mo na yang matagal mo ng itinatago. Brad, ang galit nawawala, naglalaho pero ang pag-ibig, andyan lang yan sa puso mo. Ang tanging kailangan mo lang ay habulin siya... Mahal ka niya noon pa. At kailangan ka niya.", sabay turo sa kinaroroonan ni Keith ng nakabungguan kong lalaki.
Militar suguro ito dahil naka-fatigue coverall ito. Tanging nameplate lang nito ang pasimpleng nakita ko. "Robles" ang nakasulat doon. Tumango ako at tinungo ang kabilang kalye kung nasaan si Keith nakatayo at umiiyak.
Nakaakbay ang Dad ni Mabelle sa kanya.
Parehas silang umiiyak sa di ko mawaring dahilan. May sirena ng ambulansyang papalayo na.
Pero bago pa ako makalapit sa kinaroroonan nilang dalawa, isang maliwanag na ilaw at busina ang nakita ko at narinig. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang paghiyaw ni Keith sa gilid ng kalsada. Nagflash back ang lahat ng masasayang araw ko sa buhay ko parang nagsasabing maging kuntento na ako sa buhay dahil kahit papaano ay naging masaya ako sa halos tatlong dekada ng buhay ko.
Sana...... KUNDIMAN tayo Keith, maging masaya ka...........
Isang hinga pa ang nahugot ko bago lumapag ang katawan ko sa damuhan.
Pagkatapos nito, nagdilim na ang lahat.......
Chapter 32
Keith
Kay Boss William ko pa nalaman ang tunay na sakit ni Mabelle.
Kaya pala hindi nito kinokontra ang anak dahil dito. May order na "Not to Resuscitate" na ito pag inatake ng sakit niya.
May taning na pala ang buhay niya. Ito ang pagkakaexplain sa akin ni Boss William. Isang bahagi ng isip ko ang naging masaya dahil masasabi ko kay Zander na mahal ko pa rin ito. Pero sa isang banda, malungkot ako dahil wala na ang mga mata na nagbibigay sa akin ng rason para lumaban sa buhay. Tumutulo pa rin ang luha ko kahit anong pigil ko rito. Masakit ito dahil sa kanya ko naranasan ang pag-ibig na walang kondisyon, pawang pagtanggap at pag-intindi lang. Kaninang nagwalk out siya, dun siya sinumpong ng sakit niya.
Ayon kay Boss William, ipagtatapat naman nila ito sa akin pero hindi sana ngayon. Nasabi na rin niya ang sitwasyon ko kay Boss William at agad naman niya itong naintindihan. Actually, alam nilang mag-ama ang naging sitwasyon ko at ni Zander noon pa man. Sila Mama at Papa mismo ang nagsabi sa kanya nito dahil nabanggit ito ni Mabelle sa kanya noon. Kaya pala medyo mailap si Boss sa akin. Pero ng ma in love sa akin si Mabelle, no choice siya. Iyon ang ikakasaya ni Mabelle eh.
Nang itakbo si Mabelle sa ambulansya, tumulong ang isang lalaking militar na Robles ang surname ( abangan niyo po ang next kong kwento na tungkol naman sa isang trained assassin ng militar ). Siya iyong napansin kong nakatingin sa isang lalaking guest sa party kanina.
Walang emosyon niyang sinabi sa akin, "Ang pag-ibig ay di na nawawala. Marahil natatakpan, nakukubli pero pag dumating ang tamang panahon na matanggal ang nakatakip dito at mailabas ito kung saan ito naitago, pag-ibig pa rin to", marahil may pinag dadaanan ito. Tapos huminga ng malalim sabay tapik sa balikat ko bago tuluyang umalis at iwan kaming dalawa ni Boss William sa gilid ng kalsada umiiyak pero nagpapakatatag.
Isang papel ang naalala kong inilagay ni Mabelle sa bulsa ko bago kami sumayaw. Agad ko yong binasa.
Dear Keith,
Wala na akong oras para mag paliwanag. Para bang unti unti ng hinihigop ng hangin ang hininga kong hiram lamang. Mahal kita alam mo iyon. At alam ko ang pinagdadaanan mo. I'm not that selfish to keep you from loving. Push mo yan Keith. Maraming di makakaintindi pero ang importante ay kung saan ka masaya. Dun na rin ako. Just think that from now on, I'll be your guardian angel. Sabihin mo lang sa akin kung may mananakit sa yo. Mumultuhin ko hahaha.
Nakakatawa pero siryoso ako. Alam ko ang tungkol sa inyo ni Kuya Zander noon pa man. Nasabi na rin un ni Mareng Janice. Madaldal kasi yun noon eh. Sayang nga lang mas nauna siyang nadedz sa akin. Kesyo binilin niya sa akin na ituloy ko raw love story mo so, go to Papa Zander mo. Alam kong bet mo pa rin siya. Di ba continued ang love story mo? Kasi kapag hindi, mapupunta ako sa hell. Ayoko naman nun no. Ang ganda ko kaya! Hahaha. At tsaka nga pala si Dad, wag mong pababayaan.
Tapos, ito ang theme song natin ha. Patugtugin mo. Nasa loob ng SD card. Uy baka mahulog. Maganda yan promise tragedic nga lang hahaha. Oops pasensya na rin sa kakulitan ko.
Your Guardian Angel,
Mabelle.
Napuluha ako sa liham na bigay ni Mabelle. Ipu-push ko talaga ang pag ibig ko kay Zander. Dahil sa tingin ko may chance pa eh.
Nalaglag ang SD card at nang pulutin ko iyon, isang masaklap na pangyayari ang naganap.
Nakita ko si Zander sa gitna ng kalsada puno ng pag-asa na masisilayan pa ako. Nangungusap ang mga mata nito wari'y sinasabing 'mahal pa rin kita'. Pero huli na ng mamalayan ko ang isang sasakyang humagip sa kanya.
Tumilapon ang katawan niya sa damuhan at di na gumalaw. Sabay ng hiyaw ko ang Isang putok ng baril na umalingawngaw sa lugar namin na tumama sa loob ng kotse na nakabundol kay Zander dahilan upang mabunggo ito sa puno at tuluyang umapoy at sumabog. Kitang kita ko kung sino ang bumaril rito. Eksperto.
Pero hindi iyon ang tinuunan ko ng pansin kundi si Zander na nakalupasay sa damuhan malayo sa sumabog na sasakyan pero wala pa ring malay. Si Boss William na rin siguro ang tumawag ng ambulansya dahil dumating rin ito makalipas ang ilang minuto kasama ang sangkaterbang pulis. Kinuha ng ambulansya ang katawan ni Zander at sumama ako doon sa loob kasama si Cadet Jason na pinsan ni Zander.
Habang si Boss William na ang sumagot sa pulis tungkol sa nangyaring aksidente.
Chapter 33
Jason
Nasa loob na ako ng ambulansya ngayon kasama ang di gumagalaw na si Kuya Zander at kababata nitong si Sir Keith. Halata sa mga mata nito ang pag-aalala sapagkat hawak nito ang kanang kamay ng pinsan ko.
"Zander, wag kang bibitaw. Huwag mo iiwan. Naaalala mo nung high school tayo? Nung tinanong mo ako kung sino ang mas mahalaga sa akin? Kung ang mga legendaries ko o ikaw bilang kaibigan ko? Totoong pinili ko ang mga legendaries tapos nagtampo ka noon pero di mo lang alam kasi na mas mahal kita hindi bilang kaibigan kundi hanggang dito sa puso. Kaya dalian mo ang pagbangon diyan kundi masasapak kita", mahabang pahayag ni Sir Keith habang nasa ambulansya kami.
Ngayon, saksi ako sa di pangkaraniwang takbo ng pag-ibig. Na sa tingin ko ay nag-uugat sa mas malalim pang kaibuturan ng pagmamahal. Pero hindi pa rin ako umiimik. Ayokong dagdagan pa ang pighati ni Sir Keith. Ngayon ko na rin tinanong kay Sir Keith kung paano ang lahat ng ito nangyari. At kinuwento niya ang lahat.
Na bestfriends sila ni kuya noong grade 5 up to high school. Pero biglang nawala si Kuya. Ni di man lang nito nalaman na mahal daw niya ito. Natakot daw kasi siya sa mangyayari. Noong college siya, napariwara siya ng landas at naging tuluyang bi. Pero lingid ito sa kaalaman ng marami. Hanggang sa isang araw, bumalik si kuya sa kanya. Kuntento naman siya na maging magkaibigan ulit siya nito dahil akala niya ganun lang ang tingin ni kuya sa kanya. Hanggang sa mabuking siyang bisexual ito.
Hanggang sa di sinasadayang nabuking niya ito kasama ang isang lalaki. Doon na raw umamin si Kuya Zander na mahal niya raw si Sir Zander pero pinangunahan siya ng pandidiri kaya iniwasan niya ito at nilayuan.
Pagkatapos noon. Nangyaring namatay ang lahat ng sakay ng van liban kay Sir Keith kasama na rito ang pamilya nilang dalawa dahil sa paghabol kay Kuya Zander. Pero naging matigas si Kuya. Kaya umabot sa ganito ang pangyayari.
Dumating na sa hospital sa Balanga ang ambulansya. Sinugod agad agad si Kuya sa ER. Kung saan naiwan kami ni Sir Keith sa labas. Pinabayaan ko munang mapag-isa si Sir at bumili ng makakain sa labas.
Pagdating ko, andoon na rin ang dad ni Mabelle. Tapos natanong ko kung anong nangyari kay Mabelle. Patay na pala si Mabelle dahil sa di na magagamot na sakit. Nagparaya rin siya kay Kuya Zander at Sir Keith.
Nasa nurse ward kami ng tawagan kami ng doktor.
"We were able to save the person's life but we have to monitor him for 24 hours because of his damage in his head due to the impact that it received from the accident. There's is also probability of blindness in this case", mahabang pahayag ng doktor.
"Ako na pong bahala sa Eye donor dok. My daughter would be the one dok", pagprepresenta ng dad ni Mabelle.
Tumango ang doktor at tinawag nito ang dad ni Mabelle sa isang room.
Si Sir Keith naman nabuhayan ng pag-asa.
Tumabi ako sa kanya at hinimas himas ang likod nito.
"Magiging ok din ang lahat sir", sabi ko rito.
"Oo Jason. Naniniwala ako", sabi nito habang pinupunasan ang luha nito.
Binigyan ko na rin ito ng panyo.
Lumabas sa isang room ang doktor at ang dad ni Mabelle.
Lumapit sila sa aming dalawa.
"Dont worry hijo, he's gonna be fine but I think he needs you", sabi ng doktor na wariy alam nito ang lahat.
"Ayoko na ring paluhain mo ulit ang mga mata ng anak ko", sabi nito at tapik sa balikat ni Sir Keith.
Ngumiti naman ito.
Pati na rin ako.
Chapter 34
Zander
Isang pamilyar na amoy ang gumising sa akin. Hinding hindi ako magkakamali. Luto yon na pancake ni Mama. Paborito namin iyon ni Keith.
"Oh gising ka na pala", tanong ng babaeng nakaputi sa akin.
"Nasaan ako?", tanong ko rito.
"Malayo sa mapanakit na mundo Kuya Keith", sabi ng babae na ngayon ay naaaninag ko na.
"Mabelle? Patawarin mo ako. Mahal ko si Keith. Mabelle....", tuluyan na akong naiyak dahil naalala ko na ang lahat ng ginawa ko.
"Alam ko Kuya Zander, nakwento na nila", sabi nito at saka tinuro ang mga taong nakaupo sa sulok at nakangiti sa akin. Sila Mama, Papa at mga magulang ni Keith at si Janice ang mga iyon.
Tumayo at nilapitan sila. Hindi ko kasi sila nakita kahit man lang sa huling hantungan.
"Ma Pa, patawarin niyo ako. Mahal na mahal ko po kayo. Tita, Tito, Janice, pasensya na po sa lahat!", pagdamuhong ko sa kanila.
"Matagal ka na naming napatawad Kuya Zander", nakangiting sabi ni Janice.
"Ang kailangan mo lang gawin ay balikan si Keith. At kung hindi mumultuhin ka namin lahat ng bonggang bongga!", naiiyak na sabi ni Mabelle sa akin.
"Tsaka eto nga pa ipapahiram ko sa iyo", sabay abot sa akin ang dalawang bilog na bagay.
"Ipapahiram ko ito sa iyo kasi kailangan mo iyan pagbalik mo doon", sabay nguso sa labas ng bintana.
"Iyan ang magiging paningin namin dito sa nangyayari sa inyo doon. Ingatan mo iyan. At saka si Dad, bahala na kayo sa kanya", patuloy ni Mabelle.
Binuksan na rin nila Papa ang pinto.
"Huwag mo papaiyakin ang mahal ko!", Pahabol ni Mabelle sa akin. Tumungo ako at lumabas sa pinto. At nahulog ako sa tila napakalalim na balon.
Namalayan ko na lang na nasa nurse ward ako sa isang ospital at nakita ko si Insan Jason hinihimas ang likod ni Keith.
Lumabas ang isang doktor sa isang kwarto.
"We were able to save the person's life but we have to monitor him for 24 hours because of his damage in his head due to the impact that he received from the accident. There's is also probability of blindness in this case", mahabang pahayag ng doktor.
"Ako na pong bahala sa Eye donor dok. My daughter would be the one dok", sabi ni Boss William. Naalala ko ang pagkabunggo ko. Pumasok sa kwarto si Boss William kasama ang doktor.
Pumunta ako doon.
"Dok, gawin niyo po ang lahat ng makakaya niyo sa taong iyon. Mahal po siya ng taong nasa labas", sabi ni Boss William.
"Oo amoy ko sila, Will. Kaya gagawin namin ang lahat", sabi ng doktor. "Later na namin gagawin ang operasyon sa kanyang mata dahil nakahanap naman kaagad ng donor", sabi ng Doctor.
"Maraming salamat dok. At least ngayon, makikita ko pa rin ang mga mata ng anak ko", sabi ni Boss William. Lumabas ang mga ito at naiwan akong nag-iisa.
So ako pala ang topic nila.
Tuluyan ko namang hinanap ang katawan ko. Nakita ko naman ito sa OR ready for operation.
Hinawakan ko ito.
Parang may humigop sa akin na kung ano at lahat ay biglang bumaligtad sa pagkakaalam ko.
Isang musika naman ang narinig ko ng magkamalay ako.
...........Kundiman tayo
hangggang dulo'y
wag mong kalimutang
nandito lang ako
laging umaalalay
hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko
ay ikaw.....
Tuluyan na akong nagkamalay at nagising.
May mga benda ang ulo ko. At hindi ako makakita.
Chapter 35
Keith
"Diyos ko, kinuha mo na po ang isa sa mahal ko. Pati pamilya ko po nadamay dahil sa kamalian ko. Iligtas niyo po si Zander. Wala naman po sigurong mali sa pag-ibig kung nagmamahalan kayo ng mahal mo. Alam ko pong ikaw lang ang may alam sa kahihinatnan ng aming buhay kaya po pinapaubaya ko po ang lahat sa inyo", mangiyak ngiyak kong usal sa panalangin ko sa mini chapel ng hospital.
Kasalukuyang inooperahan si Keith para mapalitan ang kaniyang mga mata. Mata ni Mabelle ang ipapalit dito kaya naiisip kong tila naplano ang lahat. Dalawa na sila ngayon na iingatan ko.
Natapos ang operasyon. Wala pa ring improvement sa lagay ni Keith. Hindi pa rin siya nagigising sa pagkakaidlip nito.
Lumipas ng mabilis ang isa, dalawa, tatlong araw. Stable naman daw siya pero ang sabi ng mga doktor kapag lumipas ang limang araw, kapag hindi pa siya nagising, automatically declared as under comatose na siya.
Tapos biglang sumagi sa akin ang mga bilin ni Mabelle. Nataranta ako. Nasaan na ung SD card na ibinigay niya sa akin? Kinapa ko sa bulsa ng bag ko. Andun ito.
Isinalpak ko kaagad ang SD card dito sa cellphone ko. Kaagad kong tiningnan ang laman nito sa files. Iisa lang ang folder. May isang recording at isang music file.
Inuna kong i-play ung isang recording.
"Keith kung naririnig mo na ito ngayon, marahil inatake na ako ng sakit na di ko man lang nasabi sa iyo. Sa nagawa kong ito, sana mapatawad mo ako. Isang music file pa ang laman ng SD Card na to. Pakinggan mo yan. Yan na lang ang theme song natin. Alam ko naman kasing Hindi naman tayo ang magkakatuluyan sa huli. Oh eto na naiiyak ba naman ako. Kanina matapos nating magniig. Naramdaman ko kung gaano ka kabuti kung gugustuhin mo. Pasensya ka na kung itutulak ko sa iyo si Kuya Zander. Mas bet ko kayong dalawa. Hahaha", naputol na ang recording sa patawang iyak ni Mabelle. Agad ko namang pinatugtog ang music file dito.
KUNDIMAN
By: Silent Sanctuary
Para kang asukal
Sintamis mong magmahal
Para kang Pintura
Buhay ko ikaw ang nagpinta
Para kang Unan
Pinapainit mo ang aking tiyan
Para kang Kumot
Na yumayakap sa tuwing ako'y
nalulungkot
Refrain:
Kaya't wag magtataka
Kung bakit ayaw kitang mawala
Kung hindi man tayo hanggang dulo
Wag mong kalimutan
nandito lang ako
laging umaalalay
hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko ay
ikaw
Di baleng maghapon pang umulan
Basta't ikaw ang sasandalan liwanag
Ng lumulubog na araw
kay sarap pagmasdan
Lalo na kapag nasisinagan ang iyong
mukha
Ayoko nang magsawa
hinding hindi magsasawa sa iyo
Bahala na ayoko muna magsalita
hayaan na muna natin
ang daloy ng tadhana
Dahil ang tanging panalangin,
Dahil ang tanging panalanigin ay
ikaw......
Tumutulo na ang luha ko ng may maramdaman ang pagkislot sa kamay ko. Ay hindi! Kamay iyon ni Zander!!!!
"Dok! Nurse! Tito William! Jason! Gising na si Zander!", di ko mapigilang sumigaw dahil kahit nakabenda pa ang mga mata nito, alam kong gising na ito. Umungol rin ito dahil napalakas ang himas ko sa kamay nito. Natutuwa naman ako dahil dito.
"Lord salamat po!", usal ko. Mabilis rin na kinuhaan si Zander ng vitals at sinabi ng doktor na ok na siya.
Alam kong mahal niya ako at dahil lamang sa galit niya sa nagawa ko kaya nya nagawa ang mga bagay na yun.
Nailibing na rin si Mabelle at matapos ng ilang araw, tinanggal na rin ang mga benda sa ulo at mata ni Zander. Kinuwento niya ang kanyang panaginip at ang mga pag-uusap nila ni Mabelle.
Natutuwa ako dahil hanggang sa kabilang buhay ay pinapahalagahan niya ako.
Hindi rin nagtagal, sumakay na si Cadet Jason ng barko para sa OJT nito. Hindi ko akalain na ito pa pala ang maglalapit sa aming dalawa. Lubos lubos ang pasasalamat ko sa kanya.
Next year, magma-migrate na kami ni Zander sa States upang magpakasal ng pormal.
Maraming tao marahil ang kontra sa aming pag-iibigan pero hindi iyon hadlang upang ipagpatuloy ang buhay, ang pag-iibigan naming dalawa.
Chapter 36-Finale
Jason
Dahil ako ang inosente sa aming tatlo, ako nalang ang magsasalaysay sa mga sumunod na nangyari. Sa pagkakaalam ko, maaring isa na akong katulad niyong nagbabasa rito dahil hindi naman ako tumututol sa ganitong sexual preference. As long as I know, hindi pa naman ako yung tuluyang magiging bisexual dahil mahal ko pa rin si Grace ko at going strong kami ngayon. Kumbaga open lang ako at maaring mahulog pa rin ako kapareho kong lalaki na makakapasa sa standards ko.
Sa kasalukuyan, Ito na ang ika-7th month ko sa On Job Training ko.
Nandito ako ngayon sa Indonesia kung saan kasalukuyang nagdra-dry dock ang barko namin. Ilang months na rin ang nakaraan simula ng mangyari ang lahat. Dahil dito, namulat ako sa Mundong kakaiba pero mahal ko na rin dahil sa twists nito. Hahaha.
Balita ko, si Kuya Zander gumaling na rin dahil sa mga therapy na in-attend-an niya. Going strong pa rin sila at sa pagkakaalam ko, Soulmate yung mga yun hahaha.
Balak na rin nilang magmigrate sa USA para maikasal ng pormal at mamuhay bilang mag-asawa.
At saka nga pala alam niyo ba itong ginagamit kong panulat dito ay yung laptop na binigay ni Kuya Zander? Ahahay, ang buhay nga naman ang daming twist and turns.
May mga taong sadyang para sa isat isa.
Tama rin ung nasabi ko.
"There is just thin line separating love and hatred".
At ako mismo ang nakapagpatunay nito. Di ba?
Author's Note:
Hahahaha. Kung di niyo nagustuhan ang kwentong ibinahagi ko comment lang po kayo sa seaboyaction@gmail.com.
Nagpapasalamat din ako sa admin ng blog na ito.
Abangan niyo po ang susunod ko pong mga kwento.
°My Bestfriend Was a Paranormal
(A Paranormal's Love)
°In the Arms of an Assassin
(An Assassin's Love)
galing talaga!!!!
ReplyDelete-----Luke Castro-----
galing talaga!!!!
ReplyDelete-----Luke Castro-----
Thanks sa another good story. Wait lang kami sa next mong obra ponse.
ReplyDeleteRandz
EHEK! Kay Seaboy po yan ;)
Deletenice... maganda sya...^^
ReplyDeleteI wanna meet seaboy!
ReplyDelete